Pamumuhay sa Panahong Prehistoriko ng mga Sinaunang Pilipino (Paleoletiko, Neolitiko at Metal)
-
Upload
ismael-posion -
Category
Education
-
view
1.476 -
download
48
Transcript of Pamumuhay sa Panahong Prehistoriko ng mga Sinaunang Pilipino (Paleoletiko, Neolitiko at Metal)
PAMUMUHAY SA PANAHONG
PREHISTORIKO
May mga iskolar na dalubhasa sa mga labi ng panahong hindi pa
nasusulat sa kasaysayan. Tinatawag na arkeologo ang mga
iskolar na ito. Antropologo naman ang tawag sa dalubhasa
sa kultura at pamumuhay ng sinaunang tao.
Siya ay isang arkeologo na
nakahukay ng mga labi ng unang tao
sa Kuweba ng Tabon sa Palawan.
ROBERT FOX
Mga karaniwang gawain ng mga Arkeologo
Ang tawag sa panahong hindi pa nasusulat ang kasaysayan. Sa
panahong ito, matututon ang uri ng pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino batay sa mga kagamitan at sandatang kanilang
ginamit.
PREHISTORIKO
PANAHONG PALEOLITIKO(Old Stone Age)
PANAHONG PREHISTORIKO
PANAHONG NEOLITIKO(New Stone Age)
PANAHON NG METALUnang Panahon ng Metal
Maunlad na Panahong Metal
PANAHONG PALEOLITIKOAng mga tao sa panahong ito ay nakagawa ng mga
kagamitang gawa sa bato.
Nabuhay sila sa pangangaso at
pangunguha ng halaman
Pangkatan sila kung nanirahan sa isang pook hangga’t may makuha
silang pagkain.
50,000-10,000 B.C.E. [Before Common
Era]
PANAHONG PALEOLITIKO
Noong 1935, natuklasan sa Cagayan
ang kagamitang gawa sa bato.
Mula 1962-1970, natuklasan ni Robert Fox ang buto ng tao at hayop at kagamitang gawa sa
bato sa Kuweba ng Tabon sa Palawan
PANAHONG PALEOLITIKO
Kuweba ng Tabon sa Palawan
PANAHONG PALEOLITIKO
Labi ng Taong Tabon sa Palawan
PANAHONG NEOLITIKO
Pagkalipas ng Panahon ng Yelo, uminit nang bahagya ang klima ng daigdig. Unti-unting naubos ang malalaking hayop
at napalitan ito ng maliliit na hayop. Natutunan ng sinaunang tao na mangisda at kumain ng prutas at gulay.
PANAHONG NEOLITIKODahil sa pagbabago sa klima, nagbago ang uri
ng pamumuhay ng sinaunang tao.
Nagtanim sila ng halaman. Pinakinis nila ang kagamitang bato.
Gumawa sila ng kagamitang hugis
palakol
PANAHONG NEOLITIKO
Dahil sa malaking
pagbabagong ito, tinawag
itong Panahong Neolitiko
PANAHON NG METAL
Panahon ito ng transisyon mula sa paggamit ng bato ang Panahon ng Metal. Ito ay bunsod ng pagkakatuklas sa mga metal tulad ng tanso, tumbaga at ginto bilang material sa paggawa ng mga kasangkapan, sandata at palamuti sa
katawan. Nahahati ito sa dalawang panahon.1. Unang Panahon ng Metal
2. Maunlad na Panahong Metal
UNANG PANAHON NG METALTanso (pinaghalong lata at
iba pang metal) ang unang ginamit na metal
sa panahong ito.
Nakatuklas din ng iba’t ibang palamuti at
disenyo tulad ng hikaw, kuwintas at at pulseras
na tinawag na ling-ling-o ng mga arkeologo
MAUNLAD NA PANAHON NG METALNaging pangunahing metal ang bakal sa paggawa ng mga
kasangkapan.
May mga kagamitang bakal tulad ng mga
kutsilyo at magarang sandata, espada, sibat at
gulok na nahukay.