Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

100
INTERNET - clerk.lacity.org/elections/ TINIPON NI HOLLY L. WOLCOTT, KLERK NG LUNSOD TAGALOG ESPESYAL NA HALALANG MUNISIPAL MARTES, IKA-8 NG NOBYEMBRE, 2016 PAMPLET NG IMPORMASYON PARA SA BOTANTE

Transcript of Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

Page 1: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

INT

ER

NE

T -

cle

rk.la

city

.org

/ele

ctio

ns/

INT

ER

NE

T -

cle

rk.la

city

.org

/ele

ctio

ns/

INT

ER

NE

T -

cle

rk.la

city

.org

/ele

ctio

ns/

TINIPON NI HOLLY L. WOLCOTT, KLERK NG LUNSOD

TAGALOG

ESPESYAL NA HALALANG MUNISIPALMARTES, IKA-8 NG NOBYEMBRE, 2016

PAMPLET NG IMPORMASYON PARA SA BOTANTE

NO

N P

RO

FIT

OR

G.

U.S

. PO

STA

GE

PAID

City

of L

os A

ngel

esE

lect

ion

Div

isio

n

INT

ER

NE

T -

http

://cl

erk.

laci

ty.o

rg/e

lect

ions

/

OF

FIC

E O

F T

HE

CIT

Y C

LER

KE

LEC

TIO

N D

IVIS

ION

555

RA

MIR

EZ

ST

RE

ET,

SPA

CE

300

LOS

AN

GE

LES

, C

A 9

0012

###

E200502 City of LA Proof #1 02/03/15 10.75” x 8.375”

SPECIAL MUNICIPAL ELECTION

TUESDAY, MAY 19, 2015

ON

LY T

HE

VOTE

R H

AS

THE

LE

GA

LR

IGH

T TO

RE

TUR

N T

HIS

AP

PLI

CA

TIO

N

COMPILED BY HOLLY L. WOLCOTT, CITY CLERK

VOTERINFORMATIONPAMPHLET

E200502 SB Book City of LA Cvrs 5-09-15:City of LA.qxp 2/3/2015 12:27 PM Page 1

OFF

ICE

OF

THE

CIT

Y C

LER

KEL

ECTI

ON

DIV

ISIO

N55

5 R

AM

IREZ

STR

EET

SPA

CE

300

LOS

AN

GEL

ES, C

A 90

012

NO

N P

RO

FIT

OR

G.

U.S

. PO

STAG

EPA

IDC

ITY

OF

LOS

ANG

ELES

ELEC

TIO

N D

IVIS

ION

This

pa

mph

let

cont

ains

on

ly

info

rmat

ion

on

ballo

t m

easu

res

pert

aini

ng t

o th

e C

ity o

f Lo

s A

ngel

es.

It is

no

t a s

ampl

e ba

llot.

You

will

rec

eive

you

r sa

mpl

e ba

llot

with

pol

ling

plac

e lo

catio

n fr

om th

e Lo

s A

ngel

es C

ount

y R

egis

trar

- R

ecor

der.

Not

e:POLL

S O

PEN

AT

7 A

.M. A

ND

CLO

SE A

T 8

P.M

.

Page 2: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

NO

N P

RO

FIT

OR

G.

U.S

. PO

STA

GE

PAID

City of Los A

ngelesE

lection Division

INT

ER

NE

T - http://clerk.lacity.org/elections/

OF

FIC

E O

F T

HE

CIT

Y C

LER

KE

LEC

TIO

N D

IVIS

ION

555 RA

MIR

EZ

ST

RE

ET, S

PAC

E 300

LOS

AN

GE

LES

, CA

90012

###

E200502 City of LA Proof #1 02/03/15 10.75” x 8.375”

SPECIAL MUNICIPAL ELECTION

TUESDAY, MAY 19, 2015

ON

LY TH

EVO

TER

HA

STH

E LE

GA

LR

IGH

T TOR

ETU

RN

THIS

AP

PLIC

ATIO

N

COMPILED BY HOLLY L. WOLCOTT, CITY CLERK

VOTERINFORMATIONPAMPHLET

E200502 SB Book City of LA Cvrs 5-09-15:City of LA.qxp 2/3/2015 12:27 PM Page 1

OFFIC

E OF TH

E CITY C

LERK

ELECTIO

N D

IVISION

555 RA

MIR

EZ STREET

SPAC

E 300LO

S AN

GELES, C

A 90012

NO

N PR

OFIT O

RG

.U

.S. POSTAG

EPA

IDC

ITY OF LO

S ANG

ELESELEC

TION

DIVISIO

N

This pam

phlet contains

only inform

ation on

ballot m

easures pertaining to the City of Los A

ngeles. It is not a sam

ple ballot. You will receive your sam

ple ballot w

ith polling place location from the Los A

ngeles County

Registrar - R

ecorder.

Note:

POLLS O

PEN AT 7 A

.M. A

ND

CLO

SE AT 8 P.M.

Այս բրոշյուրի հայերեն օրինակն ստանալու համար, զանգահարեք 1-800-994-VOTE (8683) հեռախոսահամարով։

Чтобы получить копию этого буклета на русском, позвоните по номеру: 1-800-994-VOTE (8683)

이 팸플릿을 한국어로 원하시면 다음 전화번호로 연락하십시오. 1-800-994-VOTE (8683)

Para obtener una copia de este folleto en español, llame al 1-800-994-VOTE (8683)

Para makakuha ng kopya ng pamplet na ito sa Tagalog, tumawag sa 1-800-994-VOTE (8683)

เพื่อขอส�ำเนำจุลสำรนี้ในภำษำไทย โปรดโทรศัพท์ติดต่อที่หมำยเลข 1-800-994-VOTE (8683)

Muốn có một tập sách này bằng tiếng Việt, hãy gọi số 1-800-994-VOTE (8683)

برای تهیه ی نسخه ای از این جزوه به زبان فارسی، با شماره تلفن VOTE (8683)-994-800-1 تماس بگیرید

要索取本手冊的中文版, 請致電 1-800-994-VOTE (8683)

हिन्दी में इस पैम्फलेट की प्रति प्रराप्त करने के ललए, 1-800-994-VOTE (8683) पर ्फोन करें

このパンフレットの日本語版をご希望の方は、

1-800-994-VOTE (8683)までお電話ください。

Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, mangyaring tumawag sa 1-888-873-1000

Ang Lunsod ng Los Angeles ay nagbibigay ng impormasyon sa botante sa Ingles gayundin sa mga sumusunod na wika:

Page 3: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

1

Talaan ng mga Nilalaman

Pahina

Buod ng Balota 3-6Mga Panukala sa Balota, Mga Pangangatwiran, at Teksto

Panukala HHH 7Inisyatibong Ordinansa JJJ 25Pagsusog RRR sa Saligang-Batas 60Pagsusog SSS sa Saligang-Batas 83

ANG MGA LUGAR NG BOTOHAN AY MAGBUBUKAS SA IKA-7 NG UMAGA AT MAGSASARA SA IKA-8 NG GABI

Tala: Ang pamplet na ito ay nagtataglay lamang ng impormasyon tungkol sa mga panukala sa balota na nuukol sa Lunsod ng Los Angeles Ito ay hindi isang halimbawang balota Matatanggap ninyo ang iyong halimbawang balota kasama ng kinaroroonan ng lugar ng botohan mula sa Tagapagrehistro - Tagapagtala ng County ng Los Angeles

TOC-TA

IMPORMASYON PARA SA BOTANTE

Ang County ng Los Angeles ay magsasagawa ng Pangkalahatang Halalan ng Estado sa Ika-8 ng Nobyembre, 2016

Para sa impormasyon tungkol sa halalan, tulad ng mga kinaroroonan ng lugar ng botohan, mangyaring tawagan ang Tagapagrehistro-Tagapagtala ng County sa (800) 815-2666 o bisitahin ang kanilang lugar ng web sa www lavote net

Page 4: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

2

Ang sumusunod na 4 na mga pahina ay naglalaman ng pinasimpleng mga bersiyon ng mga panukala ng balota ng Lunsod. Ang buong teksto ng bawat panukala, kasama ng ibang impormasyon, ay nakalimbag pagkatapos ng Buod ng Balota (tingnan ang Pahina ng TALAAN NG MGA NILALAMAN).

VIP-TA

Page 5: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

3BSH-TA

LUNSOD NG LOS ANGELES PANUKALA HHH

TITULO:BONO PARA SA PAGBAWAS AT PAGPIGIL SA KAWALAN NG TAHANAN, PABAHAY, AT MGA PASILIDAD

ANG ISYU:Upang magkaloob ng ligtas, malinis na abot-kayang bahay para sa walang tahanan at para sa mga nanganganib na mawalan ng tahanan, tulad ng mga kinawawang babae at ang kanilang mga anak, mga beterano, nakatatanda, anak-anakang kabataan, at may kapansanan; at magkaloob ng mga pasilidad upang mapadali ang akseso sa pangangalaga ng pangkalusugang pangkaisipan, paggamot sa droga at pag-inom, at ibang mga serbisyo; dapat bang maglabas ang Lunsod ng Los Angeles ng $1,200,000,000 na mga pangkalahatang obligasyong bono, may pangangasiwa ng mamamayan at taunang mga pagsusuri ng pananalapi?

ANG KALAGAYAN:Ang populasyon ng walang tahanan sa Los Angeles ay humigit-kumulang na 26,000 -- isang 11% pagtaas mula noong 2015 -- sa bahagi ay dahil sa kakulangan ng abot-kayang pabahay, mabababang antas ng kapasidad sa kabuuan, at matataas na renta. Ang kawalan ng tahanan ay nakakaapekto sa lahat ng mga bahagi ng lipunan at isang ikinababahala sa pampublikong kalusugan at kaligtasan sa buong Lunsod. Ang Lunsod at County ng Los Angeles, sa pakikipagtulungan sa mga pangunahing apektado, ay nagpasiya na humigit-kumulang na 13,000 yunit ng pabahay ang kailangan. Ang mga pinagkukunan ng kita ay kinakailangan upang tustusan ang pabahay na ito.

ANG MUNGKAHI:Ang Lunsod ay maglalabas ng hanggang $1,200,000,000 na mga pangkalahatang obligasyong bono upang bumili, magtayo, o magsaayos ng mga pasilidad upang magkaloob ng:

• Sumusuportang pabahay para sa mga walang tahanan na indibidwal at pamilya kung saan ang mga serbisyong tulad ng pangangalagang pangkalusugan, kalusugan ng isip at paggamot sa pag-abuso sa substansiya, edukasyon, at pagsasanay para sa trabaho ay maaaring ipagkaloob;

• Mga pansamantalang tirahan at pasilidad, tulad ng imbakan at paliguan;• Abot-kayang pabahay (hanggang 20% ng mga pondo ng bono), kabilang ang pabahay

sa mga beterano para sa mga indidibiwal at pamilya na may maliit ang kita; at• Kaugnay na impra-istruktura.

Ang mga Komite ng Pagbabantay sa mga Mamamayan at Pagbabantay sa Pangangasiwa ay susubaybay sa mga paggasta ng bono. Ang isang pagsusuri ng pananalapi ay dapat isagawa taun-taon.

Ang mga bono ay babayaran mula sa isang pagtaas ng mga buwis sa ari-arian, gaya ng nakadetalye sa kasamang pahayag ng antas ng buwis.

ANG BOTONG OO AY NANGANGAHULUGANG:Gusto ninyong maglabas ng hanggang $1,200,000,000 na mga bono upang bumuo ng pabahay at mga pasilidad upang bawasan at pigilan ang kawalan ng tahanan.

ANG BOTONG HINDI AY NANGANGAHULUGANG:Hindi ninyo gustong maglabas ng hanggang $1,200,000,000 na mga bono upang bumuo ng pabahay at mga pasilidad upang bawasan at pigilan ang kawalan ng tahanan.

ANG BUONG TEKSTO NG PANUKALANG ITO AY NAGSISIMULA SA PAHINA 18.

Page 6: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

4BSJ-TA

INISYATIBONG ORDINANSA JJJ NG LUNSOD NG LOS ANGELES

TITULO:MGA PAMANTAYAN NG ABOT-KAYANG PABAHAY AT GAWA KAUGNAY SA PAGPAPLANO NG LUNSOD (INISYATIBONG ORDINANSA)

ANG ISYU:Dapat bang pagtibayin ang isang ordinansa upang: mag-atas na ang partikular na mga proyektong pagtatayong pantahanan ay magkaloob ng abot-kayang pabahay at sumunod sa namamayaning suweldo, lokal na pagpapatrabaho at ibang mga pamantayan sa gawa; atasan ang Lunsod na tasahin ang mga epekto ng mga pagbabago sa plano ng komunidad sa abot-kayang pabahay at mga lokal na trabaho; lumikha ng isang insentibong programa sa abot-kayang pabahay para sa mga pagtatayong malapit sa mga pangunahing tigilan ng paghahatid; at gumawa ng ibang mga pagbabago?

ANG KALAGAYAN:Sa kasalukuyan, ang Lunsod ng Los Angeles ay hindi nag-aatas ng iminumungkahing mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano o mga pagbabago sa pagsosona upang isama ang abot-kayang pabahay o tugunan ang mga iniaatas na pagsasanay, lokal na pagpapatrabaho, at namamayaning suweldo.

ANG MUNGKAHI:Itong ipinanukala ng mamamayan na inisyatibo sa balota ay:

• Mag-aatas sa partikular na mga proyektong pagtatayo sa pantahanan ng 10 o higit na yunit na naghahangad ng mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano o partikular na mga pagbabago sa pagsosona na magkaloob ng abot-kayang pabahay at tugunan ang mga iniaatas na pagsasanay, lokal na pagpapatrabaho, at namamayaning suweldo.

• Limitahan ang kakayahan ng Lunsod na tanggihan ang mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano para sa mga proyektong nakatutugon sa lahat ng mga sumusunod:

matatagpuan sa malapit sa mga tigilan ng paghahatid o nakatutugon sa ibang mga iniaatas sa heograpiya, o lubos na binubuo ng abot-kayang mga yunit ng pabahay;nakatutugon sa mga iniaatas sa pagsasanay, lokal na pagpapatrabaho, at namamayaning suweldo; atnagkakaloob ng abot-kayang pabahay;

• Nag-aatas sa Lunsod na tasahin ang mga epekto ng mga pagbabago sa Plano ng Komunidad upang matiyak na ang mga pagbabago ay hindi:

magbabawas sa kapasidad para sa abot-kayang pabahay at daan sa mga lokal na trabaho; osinisira ang mga programa ng Estado o ibang mga insentibong abot-kayang pabahay;

• Lumilikha ng isang bagong insentibong programa sa abot-kayang pabahay para sa pagtatayo na malapit sa mga tigilan ng paghahatid.

ANG BOTONG OO AY NANGANGAHULUGANG:Gusto ninyong susugan ang batas ng Lunsod upang magdagdag ng mga pamantayan sa abot-kayang pabahay at mga iniaatas na pagsasanay, lokal na pagpapatrabaho, namamayaning suweldo para sa partikular na mga proyektong pantahanan na naghahangad ng mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano o mga pagbabago sa pagsosona.

ANG BOTONG HINDI AY NANGANGAHULUGANG:Hindi ninyo gustong susugan ang batas ng Lunsod upang magdagdag ng mga pamantayan sa abot-kayang pabahay at mga iniaatas na pagsasanay, lokal na pagpapatrabaho, namamayaning suweldo para sa partikular na mga proyektong pantahanan na naghahangad ng mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano o mga pagbabago sa pagsosona.

ANG BUONG TEKSTO NG PANUKALANG ITO AY NAGSISIMULA SA PAHINA 35.

Page 7: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

5BSR-TA

PAGSUSOG RRR SA SALIGANG-BATAS NG LUNSOD NG LOS ANGELES

TITULO:KAGAWARAN NG TUBIG AT KURYENTE NG LUNSOD NG LOS ANGELES (DWP)

ANG ISYU:Dapat bang susugan ang Saligang-Batas upang: (1) magdagdag ng mga pag-aatas sa kuwalipikasyon, mga proteksiyon sa mga sahod at pagtanggal para sa Lupon ng DWP; (2) palawakin ang Lupon sa pitong miyembro; (3) atasan ang DWP na maghanda ng apat-na-taong Estratehikong mga Plano para sa pag-aproba ng Konseho at Alkalde; (4) baguhin ang pagkontrata, pagtatakda ng presyo at ibang awtoridad ng DWP; (5) ipahintulot ang mga alternatibo sa hinaharap sa kasalukuyang mga pamantayan sa serbisyo sibil para sa mga empleyado ng DWP sa pamamagitan ng sama-samang pakikipagkasundo; at (6) mag-atas ng buwanang pagsingil?

ANG KALAGAYAN:Ang DWP ay isang utilidad na pag-aari ng Lunsod. Ang DWP ay pinamamahalaan ng isang Lupon na hinirang ng Alkalde, at inaprobahan ng Konseho ng Lunsod. Ang Lupon ay nagtatakda ng mga presyo na may pag-aproba ng Konseho at Alkalde. Ang DWP ay sumisingil sa mga parokyanong pantahanan bawat dalawang buwan. Natukoy ng Lunsod ang pangangailangan ng mga pagpapahusay na nauukol sa pangangasiwa, kalinawan at mga pagpapatakbo ng DWP.

ANG MUNGKAHI:Ang panukalang ito ay magsususog sa Saligang-Batas upang:• Palawakin ang Lupon mula sa lima patungo sa pitong miyembro, magdagdag ng mga pag-aatas

sa kuwalipikasyon, magpahintulot ng mga sahod, at magtatag ng isang proseso upang iapela ang pagtanggal;

• Baguhin ang proseso ng paghirang ng Pangkalahatang Tagapamahala;• Doblehin ang pinakamababang badyet ng Opisina ng Pampublikong Pananagutan (OPA);• Pahintulutan ang Konseho at Alkalde na muling hirangin ang Tagapagpaganap na Direktor ng

OPA (Tagapagtaguyod ng Nagbabayad ng Singil) para sa isang karagdagang termino;• Magtatag ng isang Opisina ng Manunuri ng DWP upang magkaloob ng pagsusuri ng patakaran/

pananalapi sa Lupon;• Mag-atas sa DWP na maghanda ng apat-na-taong Mga Estratehikong Plano para sa pag-aproba ng

Konseho at Alkalde, binubuo ng mga proyekto, programa, at mga pag-aatas sa kita;• Pahintulutan ang Lupon na magtakda ng mga presyo, kaayon ng Estratehikong Plano;• Palawakin ang awtoridad sa pagkontrata ng Lupon at baguhin ang pangangasiwa sa pagkontrata

ng Konseho;• Pahintulutan ang Konseho na:

aprobahan ang isang alternatibo sa mga pamantayan sa serbisyo sibil para sa mga empleyado ng DWP (binuo sa pamamagitan ng sama-samang pakikipagkasundo)ilipat sa Lupon ang awtoridad sa pagtatakda ng suweldo para sa mga empleyado ng DWP;

• Mag-atas ng buwanang pagsingil bago ang ika-1 ng Hulyo, 2020.

ANG BOTONG OO AY NANGANGAHULUGANG:Gusto ninyong baguhin ang pamamahala ng DWP at mga tungkuling pampangasiwaan.

ANG BOTONG HINDI AY NANGANGAHULUGANG:Hindi ninyo gustong baguhin ang pamamahala ng DWP at mga tungkuling pampangasiwaan.

ANG BUONG TEKSTO NG PANUKALANG ITO AY NAGSISIMULA SA PAHINA 71.

Page 8: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

6BSS-TA

PAGSUSOG SSS SA SALIGANG-BATAS NG LUNSOD NG LOS ANGELES

TITULO:MGA PENSIYON NG BUMBERO AT PULIS NG LUNSOD NG LOS ANGELES; MGA OPISYAL NA PANGKAPAYAPAAN NG PALIPARAN.

ANG ISYU:Dapat bang susugan ang Saligang-Batas upang: (1) magtala ng bagong mga opisyal na pangkapayaan ng Paliparan sa Baitang 6 ng Plano sa Pensiyon ng Bumbero at Pulis ng Los Angeles (LAFPP); (2) pahintulutan ang kasalukuyang mga opisyal na pangkapayapaan ng Paliparan na lumipat sa Baitang 6 mula sa Sistema ng Pagreretiro ng mga Empleyado ng Lunsod ng Los Angeles (LACERS) sa sarili nilang gastos; at (3) pahintulutan ang bagong mga Hepe ng Pulisya ng Paliparan na magpatala sa LACERS?

ANG KALAGAYAN:Ang mga nanumpang opisyal na pangkapayapaan na gumaganap ng mga tungkulin ng pagbabantay at paglaban sa sunog para sa Kagawaran ng Paliparan ay kasalukuyang mga miyembro ng LACERS, na nagkakaloob ng mga benepisyo sa pagreretiro na pangunahing para sa mga sibilyang empleyado. Ang LAFPP ay nagkakaloob ng mga benepisyo sa pagreretiro para sa mga nanumpang empleyado ng Kagawaran ng Pulisya ng Los Angeles, Kagawaran ng Bumbero, at Kagawaran ng Puwerto. Ang Baitang 6 ay ang kasalukuyang plano sa mga benepisyo ng LAFPP na ipinagkakaloob sa mga bagong empleyado. Ang parehong plano ay pinopondohan mula sa mga kontribusyon ng empleyado, mga kontribusyon ng Lunsod, at mga pamumuhunan ng plano sa pagreretiro.

ANG MUNGKAHI:Ang panukalang ito ay:

• Magtatala sa lahat ng mga opisyal na pangkapayapaan ng Paliparan na kinuha sa o pagkaraan ng ika-7 ng Enero, 2018 sa Baitang 6 ng LAFPP;

• Pahintulutan ang mga kinuha nang mas maaga na lumipat sa Baitang 6 sa sarili nilang gastos; at

• Pahintulutan ang mga bagong Hepe ng Pulisya ng Paliparan na hindi pa mga miyembro ng LAFPP na magpatala sa LACERS.

ANG BOTONG OO AY NANGANGAHULUGANG:Gusto ninyo na ang lahat ng mga bagong opisyal na pangkapayapaan ng Paliparan ay ipatala sa LAFPP, pahintulutan ang mga kasalukuyang opisyal na pangkapayapaan ng Paliparan na lumipat sa LAFPP sa sarili nilang gastos, at pahintulutan ang mga bagong Hepe ng Pulisya ng Paliparan ng opsyon na magpatala sa LACERS.

ANG BOTONG HINDI AY NANGANGAHULUGANG:Hindi ninyo gustong itala ang lahat ng mga bagong opisyal na pangkapayapaan ng Paliparan ay ipatala sa LAFPP, pahintulutan ang mga kasalukuyang opisyal na pangkapayapaan ng Paliparan na lumipat sa LAFPP sa sarili nilang gastos, at pahintulutan ang mga bagong Hepe ng Pulisya ng Paliparan ng opsyon na magpatala sa LACERS.

ANG BUONG TEKSTO NG PANUKALANG ITO AY NAGSISIMULA SA PAHINA 85.

Page 9: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

7TQ4-TA

HHH BONO NG PAGBAWAS AT PAGPIGIL SA KAWALAN NG TAHANAN, PABAHAY, AT MGA PASILIDAD. PROPOSISYON HHH.

Upang magkaloob ng ligtas, malinis na abot-kayang pabahay para sa mga walang tahanan at para doon sa mga nanganganib na mawalan ng tirahan, tulad ng mga kinawawang babae at ang kanilang mga anak, mga beterano, mga nakakatanda, anak-anakang kabataan, at mga may kapansanan; at magkaloob ng mga pasilidad para mapadali ang akseso sa pangangalaga ng pangkalusugang pangkaisipan, paggamot sa droga at pag-inom, at iba pang mga serbisyo; dapat bang magpalabas ang Lunsod ng Los Angeles ng $1,200,000,000 na pangkalahatang obligasyong mga bono, na may pangangasiwa ng mamamayan at taunang pagsusuri ng pananalapi?

PAHAYAG NG ANTAS NG BUWISNI MIGUEL A. SANTANA, OPISYAL NA NANGANGASIWA NG LUNSOD

Kung ang panukalang bono ay aprobahan, ang mga pangkalahatang obligasyong bono ay ipalalabas sa mga yugto, habang ang mga proyekto ay naihahanda. Ang Lunsod ay umaasang ibenta ang mga bono sa 10 serye sa paglipas ng panahon na mula sa humigit-kumulang na $30 milyon hanggang $210 milyon kada serye. Ang prinsipal at interes sa mga bono ay babayaran mula sa mga nalikom na buwis na ipinataw sa nabubuwisang ari-arian sa Lunsod.

Sa Taon ng Pananalapi 2017-18, ang unang taon ng pananalapi pagkatapos na ang unang serye ng mga bono ay inaasahang mailabas, ang tinatantiyang antas ng buwis ay $0.0006 sa bawat $100 ng tinasang halaga ($0.60 bawat $100,000 ng tinasang halaga).

Sa Taon ng Pananalapi 2026-27, ang unang taon ng pananalapi pagkatapos ng inaasahang paglalabas ng mga huling serye ng mga bono (at ang taon kung kailan ang buwis ay inaasahang magiging pinakamataas), ang tinatantiyang antas ng buwis ay $0.0185 sa bawat $100 ng tinasang halaga ($18.54 sa bawat $100,000 ng tinasang halaga).

Sa buhay ng mga bono, ang tinatantiyang pangkaraniwang taunang antas ng buwis ay $0.0096 sa bawat $100 ng tinasang halaga ($9.64 sa bawat $100,000 ng tinasang halaga). Ang isang bahay na may tinasang halaga na $341,000 ay tinatantiyang magkakaroon ng pangkaraniwang taunang buwis na $32.87 para sa 29 na taon.

Ang pinakamahusay na tantiya ng kabuuang serbisyo sa utang, kabilang ang prinsipal ($1.2 bilyon) at interes ($693 milyon), na iaatas na bayaran kung ang lahat ng mga bono ay inilalabas at ibinebenta ay $1,893,000,000.

Ang naunang impormasyon ay batay sa mga inaasahan at tantiya lamang ng Lunsod, na walang bisa sa Lunsod. Hindi isinama ng mga tantiyang ipinagkaloob dito ang mga buwis na ipinataw upang bayaran ang mga bonong inilabas ng Lunsod alinsunod sa mga naunang awtorisasyon ng botante. Ang mga aktuwal na antas ng buwis at ang mga taon kung kailan iaaplay ang mga ito ay maaaring mag-iba mula sa kasalukuyang tinantiya dahil sa mga pagkakaiba mula sa mga tantiyang ito sa, kasama ng ibang mga bagay: panahon ng pagbebenta ng bono, halaga ng mga bonong ibinebenta sa bawat pagbebenta, mga antas ng interes sa pamilihan para sa mga bono sa panahon ng bawat pagbebenta ng bono, kalidad ng kredito ng Lunsod sa panahon ng bawat pagbebenta ng bono, at ang aktuwal na tinasang mga halaga ng nabubuwisang ari-arian sa Lunsod sa takdang panahon ng pagbabayad ng mga bono.

Page 10: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

8TQ4-TA

WALANG-PINAPANIGANG PAGSASABUOD NI SHARON M. TSO, PUNONG MANUNURI NG BATAS

Ang pinakahuling pagbilang ng Los Angeles Homeless Services Authority’s (LAHSA) ng mga walang tahanan na indibdiwal ay nagpakita na may humigit-kumulang na 26,000 walang tahanan na indibidwal sa Los Angeles, isang paglaki na 11% sa nakaraang taon. Ang kawalan ng tahanan at pagkakampo ng walang-tahanan ay tumaas sa buong Lunsod at isang isyu sa kaligtasan at pampublikong kalusugan. Nakatutulong sa kawalan ng tahanan ang kawalan ng abot-kayang pabahay, mabababang antas ng pagkabante, at tumataas na mga renta. Ang mga bagay na ito ay naglilimita sa mga opsyon sa pabahay habang ang matataas na renta ay naglalagay ng mas maraming tao sa panganib ng kawalan ng tahanan.

Pagkatapos ng malawak na pagsusuri at pagkikipagtulungan sa County ng Los Angeles, LAHSA at ang di-nagtutubong komunidad, ang Lunsod ay nagpatibay ng Komprehensibong Estratehiya sa Walang tahanan noong ika-9 ng Pebrero, 2016. Ang estratehiya ay nagpasiya na 13,000 yunit ng bagong pabahay, kabilang ang 10,000 yunit ng sumusuportang pabahay, ay kailangan sa isang tinantiyang halaga na humihigit sa $1 bilyon upang maging tirahan ng walang tahanan. Ang estratehiya ng Lunsod ay nagsasama ng posisyon ng Kagawaran ng Pabahay ng Estados Unidos at Pagpapaunlad ng Kalunsuran (HUD) at LAHSA na ang pagkakaloob ng matatag na pabahay sa isang walang tahanan na indibidwal bago ang pagkakaloob ng mga kailangang serbisyo ay mas mabisa sa paglutas sa kawalan ng tahanan kumpara sa pag-aalay ng mga serbisyo nang walang iginagarantiyang pabahay. Ang pagbuo ng pabahay na ito ay nangangailangan ng isang dedikadong pinagkukunan ng kita dahil ang Lunsod ay walang kapasidad sa pagpopondo sa kasalukuyang badyet nito sa pagpapatakbo.

Kung aprobahan, ang mungkahing ito ay magpapahintulot sa Lunsod na maglabas ng mga Pangkalahatang Obligasyong bono sa halagang $1,200,000,000 upang bumuo ng pabahay at mga pasilidad para sa walang tahanan at abot-kayang pabahay para sa mga nanganganib na mawalan ng tahanan, gaya ng mga sumusunod:

• Ang sumusuportang pabahay o mga yunit para sa mga indibidwal at pamilyang walang tahanan o patuloy na walang tahanan at (1) sukdulang maliit ang kita, o (2) lubhang maliit ang kita, gaya ng nilinaw ng HUD para sa County ng Los Angeles. Ang pabahay na ito ay kabilang ang mga pasilidad mula kung saan ang tulong at mga serbisyo, tulad ng paggamot sa kalusugan ng isip, pangangalagang pangkalusugan, paggamot sa droga at alkolhol, edukasyon at pagsasanay para sa trabaho, ay maaaring ipagkaloob ng Lunsod, o ibang mga pampublikong entidad, mga di-nagtutubong entidad at/o mga pribadong entidad;

• Ang mga pasilidad ng pansamantalang tirahan, mga pasilidad ng pag-iimbak, mga pasilidad ng pagpaligo at ibang mga pasilidad na gagamitin ng Lunsod, ibang mga pampublikong entidad, mga di-nagtutubong entidad at/o mga pribadong entidad upang magkaloob ng sumusuportang serbisyo o kalakal sa, o upang pakinabangan ng, mga walang tahanan, patuloy na walang tahanan o nanganganib na mawalan ng tahanan;

• Ang abot-kayang pabahay o yunit, kabilang ang pabahay sa mga beterano, para sa mga indibidwal at pamilya na (1) sukdulang maliit ang kita, (2) lubhang maliit ang kita at/o (3) maliit ang kita, gaya ng nilinaw ng HUD para sa County ng Los Angeles, kabilang ang mga indibidwal at pamilya na kasalukuyang hindi walang tahanan pero nanganganib na mawalan ng tahanan; sa kondisyon, gayunman, na hindi hihigit sa 20% ng mga nalikom ng pangkalahatang obligasyong bono ay dapat gamitin para sa mga naturang layunin; at/o

• Ang kaugnay na impra-istruktura at pagpapaganda ng lupa, kabilang ang mga utilidad, bangketa at kalye na gagamitin na may kaugnayan sa mga yunit na pabahay at ibang mga pasilidad na inilarawan sa itaas.

Page 11: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

9TQ4-TA

Ang mga bono ay ilalabas at gagastahin alinsunod sa isang taunang plano sa paglalaan. Ang mga nalikom ay magbabayad para sa mga gastos na may kaugnayan sa pagtatamo at pagpahusay ng mga tunay na ari-arian. Ang mga nalikom sa bono ay hindi gagamitin upang tustusan ang mga serbisyo o pagpapatakbo, at hindi gagamitin upang palitan ang mga kasalukuyang pinagkukunan ng mga pondo na nakalaan upang bumuo ng katulad na sumusuporta at abot-kayang pabahay o mga pasilidad na nagkakaloob ng mga serbisyo sa walang tahanan.

Ang panukalang ito ay mag-aatas ng:• Paghahanda ng isang taunang plano na inuuna ang pagpopondo para sa sumusuportang

pabahay at mga pasilidad at ang kailangang pagpapalabas ng bono upang tustusan ang mga pagtatayong iyon;

• Pagtatatag ng mga Komite sa Pagbabantay ng mga Mamamayan at Pagbabantay na Pangangasiwa upang subaybayan ang programa sa bono; at

• Mga taunang pagsusuri na makukuha ng publiko.

Ang panukalang ito ay magkakabisa kung aprobahan ng dalawang-ikatlo ng mga botante.

PAHAYAG NG EPEKTO SA PANANALAPI

NI MIGUEL A. SANTANA, OPISYAL NA NANGANGASIWA NG LUNSOD

Ang panukala ay nagpapahintulot sa Lunsod na maglabas ng hanggang $1.2 bilyon na mga pangkalahatang obligasyong bono para sa mga layunin na tustusan ang permanenteng sumusuporta at abot-kayang pabahay at mga pasilidad para sa walang tahanan. Ang prinsipal at interes sa mga bono ay babayaran mula sa mga karagdagang buwis sa ari-arian na ipapataw sa nabubuwisang ari-arian sa Lunsod alinsunod sa tinasang halaga ng mga ito. Batay sa kasalukuyang tantiya, ang pagpapalabas ng mga naturang bono ay magreresulta sa tinantiyang pangkaraniwang taunang serbisyo sa utang na mga pagbabayad na humigit-kumulang na $65.3 milyon para sa 29 na taon.

Ang pagpapalabas ng mga bonong ito ay kaayon ng Patakaran sa Pamamahala ng Utang ng Lunsod, na naglilimita sa mga pagbabayad ng serbisyo sa utang sa hindi mas mataas kaysa 15 porsiyento ng mga Pangkalahatang Kita. Batay sa kasalukuyang mga iskedyul ng pagbabayad sa utang, ang proporsiyon ng utang ng Lunsod ay tinatantiyang nasa pinakamataas sa unang taon ng pagpapalabas na ito ng bono, Taon ng Pananalapi 2017-18 sa humigit-kumulang na 6.56 na porsiyento ng mga Pangkalahatang Kita.

Bilang karagdagan sa halaga ng pagbabayad sa prinsipal at interes sa mga bono, ang Lunsod ay magtatamo ng mga karagdagang gastos upang pangasiwaan ang pagpapalabas ng utang na ito at pagkakaloob ng mga pautang upang magtayo ng abot-kayang pabahay at mga pasilidad. Ang ilan sa mga gastos ay maaaring hindi ipahintulot na tustusan mula sa mga nalikom sa bono at tutustusan mula sa iba’t ibang mga pinagkukunan, kabilang ang Pangkalahatang Pondo. Sa sandaling mailabas ang lahat ng $1.2 bilyon na mga bono at ang lahat ng mga nalikom sa bono ay nagasta na, ang tinatantiyang karagdagang gastos sa pangangasiwa sa programa sa pagpapautang ng pabahay at mga pasilidad ay humigit-kumulang na $1.6 na milyon bawat taon. Ang aktuwal na taunang gastos ay mag-iiba dahil sa napakaraming dahilan, kabilang ang aktuwal na mga proyektong naitayo.

Page 12: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

10AFH-TA

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

PANGANGATWIRANG PANIG SA PANUKALA HHH

Ang kawalan ng tahanan sa Los Angeles ay mabilis na tumataas, at maliban kung magkakasama tayong gumawa ng aksyon ang kalagayan ay lalo lamang lalala.

Bilang bahagi ng Komprehensibong Estratehiya sa Kawalan ng tahanan ng lunsod, ang Prop. HHH ay:

– Magkakaloob ng ligtas, malinis na pabahay para sa walang tahanan at sa mga nanganganib na maging walang tahanan

– Pabilisin ang pagkuha ng pangangalaga sa kalusugan ng isip, paggamot sa droga at alkohol, at ibang mahahalagang serbisyo

– Magkaroon ng mahigpit na pananagutan para sa paggasta ng mga pondo, kabilang ang pagbabantay ng mamamayan na may regular na independiyenteng mga pagsusuri

Ang Panukala HHH ay isang sentibo-kumon, mabisang paggasta na paraan ng paglutas ng problema sa lumalaking bilang ng mga nawawalan ng tahanan, pagdami ng mga pagkakampo, at nanganganib na mga populasyon ng walang tahanan na mga babae at bata, mga nakatatanda, at mga beterano.

Ang mga katotohanan:

– Higit sa 26,000 ang walang tahanan sa Los Angeles– Ang kawalan ng tahanan sa Los Angeles ay tumaas ng 11% nitong nakaraang taon lamang– Ang bilang ng mga pagkakampo at taong naninirahan sa mga sasakyan ay tumaas ng

20%– Ang mga babae, marami sa kanila ay naging mga biktima ng panggagahasa at pag-atake,

ay kumakatawan sa 61% ng pagtaas mula noong 2013

Hindi na tayo makapaghihintay upang lutasin ang problemang ito – kailangan natin ng kaagad na mga solusyon upang panatilihin ang mga tao na wala sa kalye, bawasan ang bilang ng mga pagkakampo, at protektahan ang mahihinang babae at bata.

Ang Panukala HHH ay magkakaloob ng $1.2 bilyong dolyar para sa ligtas, malinis na pabahay at mga pasilidad para sa kalusugan ng isip, paggamot sa droga at alkohol, at tulong sa bahay.

“Ang Panukala HHH ay magkakaloob ng mga tagapagtulot na kailanggan ng ating lunsod upang mabawasan ang mga taong naninirahan sa ating mga kalye, magtayo ng mga karagdagang sumusuportang pabahay, at magkaloob ng mga serbisyong kailangan upang tulungan ang mga lumalaban sa pagkasugapa at sakit. Maliban kung kikilos tayo ngayon, ang problema ay lalo lamang lalala.”

Stephanie Klasky-Gamer, Pabahay sa Pamilya ng L.A.

Ang Panukala HHH ay magbibigay sa atin ng mga tagapagdulot upang makatulong na bigyan ang mga walang tahanan ng pabahay at tulong na kailangan nila – at malayo ang mararating sa pagpapanatiling wala sa kalye ang mga nanganganib na mawalan ng tahanan.

Bumoto ng OO sa Panukala HHH.

Page 13: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

11AFH-TA

MGA TAONG PUMIPIRMA SA PANGANGATWIRANG PANIG SA PANUKALA HHH

ELISE BUIKPresidente at CEOUnited Way ng Kalakhang Los Angeles

GARY TOEBBENPresidente at CEOKamara de Komersiyo ng Lugar ng Los Angeles

MICHAEL ALVIDREZCEOPinagkakatiwalaan sa Pabahay ng Skid Row

DR. MITCHELL KATZ, MDDirektorCounty ng Los AngelesKagawaran ng mga Serbisyong Pangkalusugan

RICHARD CLOSE PresidenteKapisanan ng mga May-ari ng Bahay sa Sherman Oaks

RUSTY HICKSTagapagpaganap na Kalihim-Ingat-yamanPederasyon ng Paggawa ng County ng Los Angeles

FAYE WASHINGTONPresidente at CEOYWCA ng Kalakhang Los Angeles

ANTONIA HERNANDEZPresidente at CEOPundasyon ng Komunidad ng California

ANG KAGALANG-GALANG NA ZEV YAROSLAVSKYSuperbisor, Ika-3 Distrito (retirado)County ng Los Angeles

CHARLES E. BLAKE, SR.Namamatnugot na ObispoKay Kristong Simbahan ng Diyos ng Kanlurang Angeles

Page 14: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

12RAFH-TA

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ang alinmang ahensiya ng Lunsod.

SAGOT SA PANGANGATWIRANG PANIG SA PANUKALA HHH

WALANG PAGPOPONDO

Ang Panukala HHH ay hindi legal na makakapagpondo sa pangangalaga ng kalusugan ng isip o paggamot sa droga at alkohol—paggamot na kailangan ng maraming walang tahanan. Iyon ang dahilan kung bakit ang Lunsod ay nagsasabi na ito ay nangangailangan ng karagdagang $800 milyon para sa mga serbisyo kung ang Panukala HHH ay aprobahan.

Titigil ba ang pangangailangan kapag naubos na ang pagpopondo?

KARAGDAGANG KAWALAN NG TAHANAN

Ang mahirap na katotohanan—maraming patuloy na walang tahanan na mamalaging gayon. Ang Panukala HHH ay aakit ng karagdagang walang tahanan sa Los Angeles para sa libreng pabahay. Ang mga patakaran sa maagang pagpapalaya mula sa kulungan at binawasang mga sentensiya sa droga ay magdaragdag ng mas maraming walang tahanan.

MGA TAGAPAGPAUNLAD LAMANG ANG NAKIKINABANG

Ang Panukala HHH ay magbabayad sa mga tagapagpaunlad upang magtayo ng mataas-ang-densidad na mga apartment ng walang-tahanan sa inyong kapitbahayan. Ang mga opisyal ng Lunsod ay makakagamit ng mataas na kapangyarihan ng pamahalaan upang pilitin kayong ibenta ang inyong bahay upang magtayo ng mga apartment ng walang tahanan.

“Ang konseho ay maaaring pumunta sa hukuman upang kumuha ng permiso ng isang hukom upang ipadala ang mga pondo ng [Panukala HHH] nang diretso sa mga tagapagtayo ng pabahay.” — Los Angeles Times, Ika-7 ng Hulyo, 2016

Kayo ay magbabayad ng halos $2 bilyon sa mas mataas na mga buwis sa ari-arian.

Bumoto ng HINDI sa Panukala HHH.

www.noHHHtax.org

Page 15: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

13RAFH-TA

MGA TAONG PUMIPIRMA SA SAGOT SA PANGANGATWIRANG PANIG SA PANUKALA HHH

G. RICK MARSHALLPunong Opisyal ng PananalapiUgnayan ng Aksyon ng mga Nagbabayad ng Buwis sa California

DENNY SCHNEIDERAktibistang Pangkomunidad

Page 16: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

14AAH-TA

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

PANGANGATWIRANG LABAN SA PANUKALA HHH

Gusto nating lahat na tulungan ang walang tahanan na makaalis sa kalye. Pero ang Panukala HHH ay isang hindi kailangan at hindi patas na buwis na nabibigong lutasin ang problema sa walang tahanan.

Sa halip, ang mga pangunahing benepisyaryo ay ang mahusay ang koneksyon sa pulitika na mga tagapagtayo ng apartment.

Ang Panukala HHH ay nagpapahintulot ng paghiram ng $1.2 bilyon sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga bono sa mga mamumuhunan ng Wall Street, at saka babayaran ito, kasama ang interes, sa pamamagitan ng pagtataas ng ating mga buwis sa ari-arian, pinawawalang-saysay ang mga limitasyon ng Panukala 13.

Ito ay isang hindi patas na buwis na hindi ipapataw nang pantay sa lahat ng mga nagbabayad ng buwis, binubuwisan ang mga bagong bumili ng bahay nang mas mataas kaysa iba habang ang mga nangungupahan, maging ang mayayamang nangungupahan, ay walang babayaran.

Dahil ang batas ay nagsasabi na ang mga pondo ng bono ay magagamit lamang para sa lupa at mga gusali, ang Panukala HHH ay hindi magkakaloob ng mga pondo para sa pagpapatakbo ng mga pansamantalang tirahan ng walang tahanan, kalusugan ng isip o paggamot sa pag-abuso ng substansiya, o karagdagang pagbabantay upang protektahan ang mga residente laban sa masasamang epekto ng mga pagkakampo ng walang tahanan.

Ang krisis sa walang tahanan ay ginawang mas malala ng isang pakikipag-ayos na pambatas na pansamantalang pumipigil sa Lunsod na ilipat ang mga walang tahanan na tao mula sa mga bangketa at patungo sa mga pansamantalang tirahan. Ang Panukala HHH ay hindi magbabago sa katotohanan na libu-libong “tumatanggi sa serbisyo” na walang tahanan ay patuloy na tumatanggi sa mga alok na pansamantalang tirahan.

Sa ilalim ng batas ng Estado, ang County, hindi ang Lunsod, ang responsable para sa pangangalaga ng walang tahanan. Pero ginagasta ng County ang pera nito sa ibang mga bagay habang ipinagwawalang-bahala ang priyoridad na ito.

Ang Lunsod ay walang komprehensibong plano maliban sa ihagis ang ating pera sa problema. Hindi nakapagtataka na ang Panukala HHH ay hindi nagkakaloob ng independiyenteng pagbabantay!

Panghuli, ang buwis na ito ay hindi kailangan. Ang pangkaraniwang taunang serbisyo sa utang para sa mga bono ay mas mababa kaysa 5% ng pagtaas sa badyet ng Lunsod sa susunod na 30 taon. Ang isang katamtamang paglalaan ng mga kita sa hinaharap ay mag-iiwas sa pangangailangan ng pagtaas na ito ng buwis.

Ang Ugnayan ng Aksyon ng mga Nagbabayad ng Buwis ng California, isang di-partidista, lahat ng boluntaryo, di-nagtutubong organisasyon na lumalaban upang patigilin ang maaksayang paggasta ng pamahalaan, ay humihimok sa inyo na bumoto ng HINDI sa hindi kailangan at hindi patas na buwis na ito.

www.caltan.org

Page 17: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

15AAH-TA

MGA TAONG PUMIPIRMA SA PANGANGATWIRANG LABAN SA PANUKALA HHH

G. RICK MARSHALLPunong Opisyal ng PananalapiUgnayan ng Aksyon ng mga Nagbabayad ng Buwis sa California

DENNY SCHNEIDERAktibistang Pangkomunidad

JACK HUMPREVILLETagapagtaguyod ng Badyet ng Konseho ng Kapitbahayan

MARK RYAVECDating Punong Kinatawang TagatasaOpisina ng Tagatasa ng County ng Los Angeles

JAY HANDALKa-TagapanguloTagapagtaguyod ng Badyet ng Pambuong-lunsod

GARY AMINOFFPresidenteAlyansa para sa Kalayaan

Page 18: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

16RAAH-TA

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

SAGOT SA PANGANGATWIRANG LABAN SA PANUKALA HHH

Ang Panukala HHH ay tutulong na lutasin ang krisis sa Kawalan ng Tahanan sa Los Angeles.

Hindi natin kayang ipasa ang pasanin sa susunod na henerasyon. Higit sa 26,000 na babae, bata at beterano ang nangangailangan ng ating tulong ngayon.

Ang mga pangangatwiran ng mga kalaban ay mapanligaw at batay sa ideyolohiya sa halip ng mga katotohanan.

Ang katotohanan ay ang Panukala HHH ay gumagamit ng mahihigpit na pagbabantay ng mamamayan at independiyenteng mga pagsusuri upang matiyak na ang pagpopondo ay pumupunta kung saan ito ay unang-unang kailangan upang tulungan ang walang tahanan.

Ang solusyonng pabahay ng Panukala HHH ay mabisa:

– Ang lokal at pambansang mga datos ay nagpapakita na higit sa 85% ng mga taong inilagay sa permanenteng sumusuportang pabahay ay namamalagi sa bahay ng permanente

– Higit sa 40% na mas mura na bigyan ng bahay ang patuloy na walang-tahanan na mga indibidwal na may paghihirap ng pangkaisipan kaysa magbayad para sa ibang mga pampublikong serbisyo na tulad ng magastos na mga sistema ng emerhensiya at krisis

– Ang mga katulad na plano sa mga lunsod na tulad ng Salt Lake City ay halos tumapos sa patuloy na kawalan na tahanan

Dapat tayong umaksyon ngayon. Ang Panukala HHH ay isang subok, responsableng solusyon sa lumalaking problemang kawalan ng tahanan.

Bumoto ng OO sa Panukala HHH !

Page 19: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

17RAAH-TA

MGA TAONG PUMIPIRMA SA SAGOT SA PANGANGATWIRANG LABAN SA PANUKALA HHH

ELISE BUIKPresidente at CEOUnited Way ng Kalakhang Los Angeles

GARY TOEBBENPresidente at CEOKamara de Komersiyo ng Lugar ng Los Angeles

MICHAEL ALVIDREZCEOPinagkakatiwalaan sa Pabahay ng Skid Row

DR. MITCHELL KATZ, MDDirektorCounty ng Los AngelesKagawaran ng mga Serbisyong Pangkalusugan

RICHARD CLOSEPresidenteKapisanan ng mga May-ari ng Bahay sa Sherman Oaks

RUSTY HICKSTagapagpaganap na Kalihim-Ingat-yamanPederasyon ng Paggawa ng County ng Los Angeles

FAYE WASHINGTONPresidente at CEOYWCA ng Kalakhang Los Angeles

ANTONIA HERNANDEZPresidente at CEOPundasyon ng Komunidad ng California

ANG KAGALANG-GALANG NA ZEV YAROSLAVSKYSuperbisor, Ika-3 Distrito (retirado)County ng Los Angeles

CHARLES E. BLAKE, SR.Namamatnugot na ObispoKay Kristong Simbahan ng Diyos ng Kanlurang Angeles

Page 20: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

18TXT4-1-TA

RESOLUSYON

Resolusyon na nagtatakda ng isang mungkahi para sa pagpapalabas ng pangkalahatang obligasyon na mga bono na ihaharap para aprobahan ng dalawa-ikatlong boto ng mga kwalipikadong botante sa Lunsod ng Los Angeles, alinsunod sa Konstitusyon ng California Artikulo XIIIA, Seksyon 1(b)(2), para tustusan ang pagkuha o pagpapabuti ng ari-arian upang magkaloob ng: (a) sumusuportang pabahay para sa mga indibidwal at pamilyang sukdulang maliit ang kita o lubhang maliit ang kita at mga walang tahanan o palagiang walang tahanan, kabilang ang mga pasilidad kung saan ang tulong at mga serbisyo, tulad ng paggamot sa kalusugang pangkaisipan, pangangalagang pangkalusugan, paggamot sa droga at pag-inom, edukasyon at pagsasanay sa trabaho, ay maaaring ibigay; (b) pansamantalang mga pasilidad ng silungan, mga pasilidad ng imbakan, mga pasilidad ng liguan at iba pang mga pasilidad na gagamitin upang magbigay ng mga pansuportang serbisyo o mga kalakal sa, o kundi ay makakapagbigay-benepisyo, sa mga walang tahanan, palagiang walang tahanan o nanganganib na mawalan ng tahanan; (c) abot-kayang pabahay, kabilang ang pabahay para sa mga beterano, para sa mga indibidwal at pamilyang sukdulang maliit ang kita o lubhang maliit ang kita at/o maliit ang kita, kabilang iyong mga nanganganib na mawalan ng tahanan; at (d) kasamang impraestruktura at paghahardin, kabilang ang mga utilidad, bangketa at mga kalyeng gagamitin kaugnay sa nasabing mga yunit ng pabahay at iba pang mga pasilidad; alinman ay maaaring patakbuhin, pamahalaan, ariin o gamitin ng Lunsod, ibang mga entidad pampubliko, mga entidad na di-nagtutubo o mga pribadong entidad, tulad ng pinahihintulutan ng batas.

SAPAGKAT, noong ika-7 ng Enero, 2016, ang Opisyal na Nangangasiwa ng Lunsod at Punong Manunuri ng Batas, kasama ang tulong ng iba-ibang mga kinatawan ng Lunsod ng Los Angeles at County ng Los Angeles ay nagpalabas ng isang Komprehensibong Ulat sa Istratehiya ng Kawalan ng Tahanan (ang naturang ulat tulad ng sinusugan ay dito kikilalanin bilang ang Ulat, CF# 15-1138-S1) alinsunod sa paghiling ng Alkalde at ang Konseho ng Lunsod ng Los Angeles;

SAPAGKAT, ang Ulat ay nagbigay ng higit sa 60 mga rekomendasyon sa patakaran at pagpopondo sa pagtalakay ng kawalan ng tahanan;

SAPAGKAT, sa Ulat, ang Awtoridad ng mga Serbisyo sa Kawalan ng Tahanan sa Los Angeles ay kumilala sa humigit-kumulang 26,000 na mga taong walang tahanan sa loob ng Lunsod ng Los Angeles;

SAPAGKAT, ang kasalukuyang populasyon ng mga walang tahanan sa loob ng Lunsod ng Los Angeles na nakakaapekto sa lahat ng mga bahagi ng lipunan, kabilang ang lahat ng etnisidad at edad, at nakakaapekto sa lahat ng mga lugar sa loob ng Lunsod ng Los Angeles, ay lumikha ng isang krisis sa pampublikong kalusugan at kaligtasan;

SAPAGKAT, ang krisis sa kawalan ng tahanan ay pinalala ng hindi pagpapatayo ng pabahay sa Lunsod ng Los Angeles, na lumikha ng kakulangan ng pabahay para sa mga taong walang tahanan;

SAPAGKAT, ang maliliit ang kita na mga indibidwal at kabahayan ay humaharap ng mas malaking panganib at nanganganib na mawalan ng tahanan dahil sa kakulangan ng pabahay at abot-kayang pabahay sa Lunsod ng Los Angeles at sa kinalabasang matataas na upa;

SAPAGKAT, ang Konseho ng Lunsod ay nagpasiya na, para talakayin ang krisis na ito, ang pampublikong interes o pangangailangan ay nag-aatas sa pagkuha o pagpapabuti ng ari-arian upang magkaloob ng: (a) sumusuportang pabahay para sa mga indibidwal at pamilyang sukdulang maliit ang kita o lubhang maliit ang kita at mga walang tahanan o palagiang walang tahanan, kabilang ang mga pasilidad kung saan ang tulong at mga serbisyo, tulad ng paggamot sa kalusugang pangkaisipan, pangangalagang pangkalusugan, paggamot sa droga at pag-inom, edukasyon at

Page 21: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

19TXT4-2-TA

pagsasanay sa trabaho, ay maaaring ibigay; (b) pansamantalang mga pasilidad ng silungan, mga pasilidad ng imbakan, mga pasilidad ng liguan at iba pang mga pasilidad na gagamitin upang magbigay ng mga pansuportang serbisyo o mga kalakal sa, o kundi ay makakapagbigay-benepisyo, sa mga walang tahanan, palagiang walang tahanan o nanganganib na mawalan ng tahanan; (c) abot-kayang pabahay, kabilang ang pabahay para sa mga beterano, para sa sukdulang maliit ang kita, lubhang maliit ang kita at/o maliit ang kita na mga indibidwal at pamilya, kabilang iyong mga nanganganib na mawalan ng tahanan; at (d) kasamang impraestruktura at paghahardin, kabilang ang mga utilidad, bangketa at mga kalyeng gagamitin kaugnay sa nasabing mga yunit ng pabahay at iba pang mga pasilidad; alinman ay maaaring patakbuhin, pamahalaan, ariin o gamitin ng Lunsod, ibang mga entidad pampubliko, mga entidad na di-nagtutubo o mga pribadong entidad, tulad ng pinahihintulutan ng batas;

SAPAGKAT, napag-alaman ng Konseho ng Lunsod na ang pagtustos sa sumusuportang pabahay, pabahay sa beterano, abot-kayang pabahay at iba pang mga pasilidad para magbigay ng mga pansuportang serbisyo o mga kalakal doon sa mga walang tahanan, palagiang walang tahanan o nanganganib na mawalan ng tahanan, na maaaring pag-aari ng Lunsod, ibang mga entidad pampubliko, mga entidad na di-nagtutubo o mga pribadong entidad, ay nakakapagbigay ng isang pampublikong layunin;

SAPAGKAT, ang Konseho ng Lunsod, sa badyet para sa taong pananalapi 2016-17, ay nagsama ng higit sa Isang Daang Milyong Dolyar para talakayin ang krisis sa kawalan ng tahanan;

SAPAGKAT, ang Ulat ay nagtantiya na ang inaasahang tinantiyang halaga para ang Lunsod ng Los Angeles ay lumikha at mapanatili ang mga programa at pasilidad upang talakayin ang krisis sa pampublikong kalusugan at kaligtasan na nilikha ng kawalan ng tahanan sa Lunsod ng Los Angeles, ay mangangailangan ng humigit-kumulang Dalawang Bilyong Dolyar na pagpopondo sa loob ng sampung taon;

SAPAGKAT, bagama’t may limitadong mga yaman at iba pang priyoridad na hangarin ang Lunsod upang masiguro ang kaligtasang pampubliko, mga pagpapabuti sa impraestruktura at lumalagong ekonomiya, malinaw na ang karagdagang pagpopondo para sa pabahay ay kailangan din upang sabayan ang anumang plano ng Lunsod para talakayin ang krisis sa kawalan ng tahanan sa madalian, komprehensibo at masigasig na paraan na karapat-dapat dito;

SAPAGKAT, napag-alaman ng Konseho ng Lunsod na ang pagpapalabas ng pangkalahatang obligasyon na mga bono ay ang pinakamasinop na paraan ng paglikom ng mga pondong kailangan upang mabayaran ang pagkuha o pagpapabuti ng ari-arian na inilarawan sa itaas, at para mapatatag ang mga pangangailangan sa pagpopondo para sa naturang pagkuha o pagpapabuti ng ari-arian, at upang mabawasan ang anumang mga pabigat sa pananalapi sa Pangkalahatang Pondo;

SAPAGKAT, upang magpalabas ng pangkalahatang obligasyon na mga bono para sa layuning ito, kailangang maghanda ng isang ordinansang nag-aatas na iharap ang isang panukala para umutang ng pangkalahatang obligasyon na mga bono sa mga kwalipikadong botante sa Lunsod ng Los Angeles;

SAPAGKAT, ang Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles Seksyon 325 ay nag-aatas sa paghahanda ng isang pahayag tungkol sa epekto ng pagkakautang bago ang paglalagay ng anumang awtorisasyon ng utang sa balota, at ang Opisyal na Nangangasiwa ng Lunsod ay nagharap ng isang pahayag tungkol sa epekto ng pagkakautang sa Konseho ng Lunsod; at

SAPAGKAT, ang Konseho ng Lunsod sa pamamagitan nito ay nagmumungkahi na iharap sa mga kwalipikadong botante ng Lunsod ng Los Angeles sa isang Espesyal na Halalan na ipapatawag

Page 22: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

20TXT4-3-TA

at isasama sa Pangkalahatang Halalang ng Estado na gaganapin sa ika-8 ng Nobyembre, 2016,isang panukala na pinangalanang Panukala HHH at higit pang inilarawan sa Eksibit 1 na nakakabit sa Resolusyon na ito, na umutang ng pangkalahatang obligasyon na mga bono upang tustusan ang pagkuha o pagpapabuti ng ari-arian para magbigay ng: (a) sumusuportang pabahay sa mga indibidwal at mga pamilyang sukdulang maliit ang kita o lubhang maliit ang kita at mga walang tahanan o palagiang walang tahanan, kabilang ang mga pasilidad kung saan ang tulong at mga serbisyo, tulad ng paggamot sa kalusugang pangkaisipan, pangangalagang pangkalusugan, paggamot sa droga at pag-inom, edukasyon at pagsasanay sa trabaho, ay maaaring ibigay; (b) pansamantalang mga pasilidad ng silungan, mga pasilidad ng imbakan, mga pasilidad ng liguan at iba pang mga pasilidad na gagamitin upang magbigay ng mga pansuportang serbisyo o mga kalakal sa, o kundi ay makakapagbigay-benepisyo, sa mga walang tahanan, palagiang walang tahanan o nanganganib na mawalan ng tahanan; (c) abot-kayang pabahay, kabilang ang pabahay para sa mga beterano, para sa sukdulang maliit ang kita, lubhang maliit ang kita at/o maliit ang kita na mga indibidwal at pamilya, kabilang iyong mga nanganganib na mawalan ng tahanan; at (d) kasamang impraestruktura at paghahardin, kabilang ang mga utilidad, bangketa at mga kalyeng gagamitin kaugnay sa nasabing mga yunit ng pabahay at iba pang mga pasilidad; alinman ay maaaring patakbuhin, pamahalaan, ariin o gamitin ng Lunsod, ibang mga entidad pampubliko, mga entidad na di-nagtutubo o mga pribadong entidad, tulad ng pinahihintulutan ng batas, at ang Konseho ng Lunsod sa pamamagitan nito ay nagtatakda sa kanyang pagpapasiya ng pampublikong interes at pangangailangan kaugnay nito at ang mga layuning pampublikong pagsisilbihan nito;

NGAYON, SAMAKATUWID, IPINAPASIYA DITO NG KONSEHO NG LUNSOD NG LOS ANGELES ANG MGA SUMUSUNOD:

Seksyon 1. Na ang mga pagpapahayag dito ay totoo at wasto.

Sek. 2. Na ang pampublikong interes o pangangailangan ay nag-aatas: (a) sa pagkuha o pagpapabuti ng ari-araian na magbigay ng: (1) sumusuportang pabahay para sa mga indibidwal at pamilyang sukdulang maliit ang kita o lubhang maliit ang kita at mga walang tahanan o palagiang walang tahanan, kabilang ang mga pasilidad kung saan ang tulong at mga serbisyo, tulad ng paggamot sa kalusugang pangkaisipan, pangangalagang pangkalusugan, paggamot sa droga at pag-inom, edukasyon at pagsasanay sa trabaho, ay maaaring ibigay; (2) pansamantalang mga pasilidad ng silungan, mga pasilidad ng imbakan, mga pasilidad ng liguan at iba pang mga pasilidad na gagamitin upang magbigay ng mga pansuportang serbisyo o mga kalakal sa, o kundi ay makakapagbigay-benepisyo, sa mga walang tahanan, palagiang walang tahanan o nanganganib na mawalan ng tahanan; (3) abot-kayang pabahay, kabilang ang pabahay para sa mga beterano, para sa mga indibidwal at pamilyang sukdulang maliit ang kita, lubhang maliit ang kita at/o maliit ang kita, kabilang iyong mga nanganganib na mawalan ng tahanan; at (4) kasamang impraestruktura at paghahardin, kabilang ang mga utilidad, bangketa at mga kalyeng gagamitin kaugnay sa nasabing mga yunit ng pabahay at iba pang mga pasilidad; alinman ay maaaring patakbuhin, pamahalaan, ariin o gamitin ng Lunsod, ibang mga entidad pampubliko, mga entidad na di-nagtutubo o mga pribadong entidad, tulad ng pinahihintulutan ng batas, lahat tulad ng higit pang inilarawan sa Eksibit 1 na nakakabit sa Resolusyong ito, at (b) ang pag-uutos sa paghahanda ng isang ordinansa na iharap ang isang panukala na umutang ng pangkalahatang obligasyon na mga bono sa isang buong prinsipal na halaga hanggang sa Isang Bilyon Dalawang Daang Milyong Dolyar ($1,200,000,000) para bayaran ang naturang pagkuha o pagpapabuti ng ari-arian sa mga kwalipikadong botante sa Lunsod sa isang Espesyal na Halalan na ipapatawag at isasama sa Pangkalahatang Halalan ng Estado na gaganapin sa ika-8 ng Nobyembre, 2016.

Page 23: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

21TXT4-4-TA

Sek. 3. Na ang pagkuha o pagpapabuti ng ari-arian na inilarawan sa itaas at sa Eksibit 1 na nakakabit sa Resolusyong ito ay kailangan at maginhawa para isakatuparan ang mga hangarin, layunin at kapangyarihan ng Lunsod.

Sek. 4. Na ang halaga ng pagkuha o pagpapabuti ng ari-arian na inilarawan sa itaas at sa Eksibit 1 na nakakabit sa Resolusyong ito ay humigit-kumulang Isang Bilyon Dalawang Daang Milyong Dolyar ($1,200,000,000), na ang mga halaga ay masyadong malaki para mabayaran galing sa karaniwang taunang kita at likom ng Lunsod at nangangailangan ng gastos na mas higit sa halagang pinapahintulutan para sa pagkuha o pagpapabuti ng ari-arian ng taunang pagpapataw ng buwis, at ang pinakamalaking buong prinsipal na halaga ng pagkakautang ng pangkalahatang obligasyon na mga bono na iminungkahing uutangin para bayaran ang naturang pagkuha o pagpapabuti ng ari-arian ay Isang Bilyon Dalawang Daang Milyong Dolyar ($1,200,000,000).

Sek. 5. Ang Klerk ng Lunsod ay inaatasan sa pamamagitan nito na iharap sa Konseho ng Lunsod ang kinakailangang mga resolusyon at ordinansa na nag-uutos ng pagharap ng panukala na umutang ng pangkalahatang obligasyon na mga bono sa pinakamataas na buong prinsipal na halaga at para sa mga layuning itinakda sa itaas at tulad ng inilarawan sa Eksibit 1 na nakakabit sa Resolusyong ito sa mga kwalipikadong botante sa Lunsod sa isang Espesyal na Halalan na ipapatawag at isasama sa Pangkalahatang Halalan ng Estado na gaganapin sa ika-8 ng Nobyembre, 2016.

Sek. 6. Ang Klerk ng Lunsod ay inaawtorisahan at inaatasan sa pamamagitan nito na maglathala ng isang paunawa na naglalaman ng iminungkahing panukala ng pangkalahatang obligasyon na bono, na nagtatakda sa petsang ika-8 ng Nobyembre, 2016, bilang ang petsa na ang panukala ay pagbobotohan ng mga kwalipikadong botante sa Lunsod ng Los Angeles. Ang paunawa ay ilalathala ng isang beses sa isang pahayagan ng pangkalahatang pamamahagi sa Lunsod ng Los Angeles, at sa bawat edisyon nito sa loob ng araw ng paglalathala. Ang Klerk ng Lunsod ay inaawtorisahan at inaatasan na maghanda at magtabi sa opisina ng Klerk ng Lunsod ng isang sapat na suplay ng mga kopya ng iminungkahing panukala ng pangkalahatang obligasyon na bono at magpamahagi sa iminungkahing panukala ng pangkalahatang obligasyon na bono sa sinuman at lahat ng mga taong humihingi ng isang kopya. Higit pa rito, ang Klerk ng Lunsod ay inaawtorisahan at inaatasan na magpakoreo ng mga kopya ng iminungkahing panukala ng pangkalahatang obligasyon na bono sa bawat isang kwalipikadong botante sa Lunsod ng Los Angeles.

Sek. 7. Ang Klerk ng Lunsod ay inaawtorisahan at inaatasan na gawin na ang isang paunawa ay ilathala ng isang beses sa isang pahayagan ng pangkalahatang pamamahagi na ang mga kopya ng mga pamplet ng impormasyon para sa botante na naglalaman sa iminungkahing panukalang pangkalahatang obligasyon na bono ay maaaring makuha kapag hiniling sa opisina ng Klerk ng Lunsod.

Sek. 8. Ang Klerk ng Lunsod ay magpapatunay sa pagpapatibay at pagpasa ng Resolusyong ito sa pamamagitan ng boto ng dalawa-ikatlo ng lahat ng mga miyembro ng Konseho ng Lunsod, at inaatasan na kaagad magtala ng isang sertipikadong kopya ng Resolusyong ito sa Lupon ng mga Superbisor at sa Tagapagrehistro-Tagapapagtala ng County ng Los Angeles.

Inaprobahan Patungkol sa Anyo at Legalidad

MICHAEL N. FEUER, Abugado ng Lunsod

Page 24: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

22TXT4-5-TA

Eksibit 1

PROGRAMA NG PANGKALAHATANG OBLIGASYON NA MGA BONO PARA SA PAGBAWAS AT PAGPIGIL SA KAWALAN NG TAHANAN, PABAHAY AT MGA PASILIDAD

Ang mga nalikom sa pangkalahatang obligasyon na mga bono, na ipapalabas sa isa o higit pang mga serye sa isang basehang hindi kasali sa buwis o mabubuwisan tulad ng itinakda bilang kailangan o akma, sa isang buong prinsipal na halaga hanggang sa Isang Bilyon Dalawang Daang Milyong Dolyar ($1,200,000,000), ay gagamitin lamang para sa mga layunin ng pagkuha o pagpapabuti ng ari-arian upang magbigay ng:

(A) Sumusuportang pabahay o sumusuportang mga yunit ng pabahay para sa mga indibidwal o pamilyang walang tahanan o palagiang walang tahanan at (1) “sukdulang maliit ang kita,” tulad ng itinatag at binago pana-panahon ng Kagawaran ng Pabahay at Pagpapaunlad Panglunsod ng U.S. (HUD) para sa County ng Los Angeles (na kasalukuyang kinabibilangan ng kita hanggang sa 30% ng Panggitnang Kita ng Lugar (AMI)) (na dito ay pinangangalanang Sukdulang Maliit ang Kita), o (2) “lubhang maliit ang kita,” tulad ng itinatag at binago pana-panahon ng HUD para sa County ng Los Angeles (na kasalukuyang kinabibilangan ng kita hanggang sa 50% ng AMI) (na dito ay pinangangalanang (Lubhang Maliit ang Kita), kung aling pabahay ay kinabibilangan ng mga pasilidad kung saan ang tulong at mga serbisyo, tulad ng paggamot sa kalusugang pangkaisipan, pangangalagang pangkalusugan, paggamot sa droga at pag-inom, edukasyon at pagsasanay sa trabaho, ay maaaring ibigay ng Lunsod, ibang mga entidad pampubliko, mga entidad na di-nagtutubo at/o mga pribadong entidad;

(B) Pansamantalang mga pasilidad ng silungan, mga pasilidad ng imbakan, mga pasilidad ng liguan at iba pang mga pasilidad na gagamitin ng Lunsod, ibang mga entidad pampubliko, mga entidad na di-nagtutubo at/o mga pribadong entidad upang magbigay ng mga pansuportang serbisyo o mga kalakal sa, o kundi ay makakapagbigay-benepisyo, sa mga walang tahanan, palagiang walang tahanan o nanganganib na mawalan ng tahanan;

(C) Abot-kayang pabahay o abot-kayang mga yunit ng pabahay, kabilang ang pabahay para sa mga beterano, para sa mga indibidwal at pamilyang (1) Sukdulang Maliit ang Kita, (2) Lubhang Maliit ang Kita at/o (3), “maliit ang kita,” tulad ng itinatag at binago pana-panahon ng HUD para sa County ng Los Angeles (na kasalukuyang kinabibilangan ng kita hanggang sa 80% ng AMI) (na dito ay pinangangalanang Maliit ang Kita), kabilang iyong mga indibidwal at pamilyang hindi kasalukuyang nawalan ng tahanan subalit nanganganib na mawalan ng tahanan; datapwa’t, hindi hihigit sa 20% ng mga nalikom sa pangkalahatang obligasyon na bono ay gagamitin para sa naturang mga layunin; at/o

(D) Kasamang impraestruktura at paghahardin, kabilang ang mga utilidad, bangketa at mga kalyeng gagamitin kaugnay sa nasabing mga yunit ng pabahay at iba pang mga pasilidad na inilarawan sa mga sugnay (A) hanggang (C) sa itaas.

Ang mga yunit ng pabahay at iba pang mga pasilidad na inilarawan sa itaas ay maaaring patakbuhin, pamahalaan, ariin o gamitin ng Lunsod, ibang mga entidad pampubliko, mga entidad na di-nagtutubo o mga pribadong entidad, tulad ng pinahihintulutan ng batas.

Page 25: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

23TXT4-6-TA

Lahat ng mga pagpapaunlad sa pabahay at mga pasilidad na inilarawan sa itaas ay susunod sa lahat ng nauukol na mga batas at kasunduan ng Lunsod, Estado at Pederal, kabilang ang Seksyon 504 ng Batas ng Pagbabagong-Tatag ng 1973 at ang Batas ng mga Amerikanong May Kapansanan.

Ang mga nalikom sa pangkalahatang obligasyon na mga bono ay gagamitin din para bayaran ang mga gastos na direktong kaugnay sa pagkuha o pagpapabuti ng ari-arian na inilarawan sa itaas, gayundin sa mga gastos na kaugnay sa pagpapalabas sa pangkalahatang obligasyon na mga bono.

Ang mga nalikom sa pangkalahatang obligasyon na mga bono ay hindi gagamitin para tustusan ang anumang mga serbisyo o mga pagpapatakbo.

Karagdagang mga Tadhana:

(1) Ang pitong-miyembrong Komite sa Pagbabantay ng mga Mamamayan ay itatatag bago ang pagpapalabas ng anumang mga bono, at bubuuin ng apat na mga miyembrong hihirangin ng Alkalde at tatlong mga miyembrong hihirangin ng Konseho ng Lunsod. Maliban sa itinatakda dito, ang mga termino at mga kwalipikasyon ng mga miyembro, at anupamang ibang mga tungkulin at sakop ng Komite sa Pagbabantay ng mga Mamamayan, ay itatatag sa pamamagitan ng ordinansa.

(2) Ang tatlong-miyembrong Komite sa Pagbabantay sa Pangangasiwa ay itatatag bago ang pagpapalabas ng anumang mga bono, at bubuuin ng Alkalde, Opisyal na Nangangasiwa ng Lunsod at ang Punong Manunuri ng Batas, o ang kani-kanilang mga kinatawan. Maliban sa itinatakda dito, ang anupamang ibang mga tungkulin at sakop ng Komite sa Pagbabantay sa Pangangasiwa ay itatatag sa pamamagitan ng ordinansa.

(3) Sa o bago dumating ang ika-1 ng Abril sa bawat taon simula sa ika-1 ng Abril, 2018, ang Komite sa Pagbabantay ng mga Mamamayan ay maghahanda o gawing ihanda, at magharap, ng taunang plano ng pamamahagi para sa darating na taong piskal (simula sa kaagad na susunod na ika-1 ng Hulyo) sa Komite sa Pagbabantay sa Pangangasiwa para suriin at aprobahan, kung aling taunang plano ng pamamahagi ang ihaharap ng Komite sa Pagbabantay sa Pangangasiwa sa Konseho ng Lunsod para suriin at aprobahan. Ang taunang plano ng pamamahagi ay pagtitibayin at aaprobahan ng Konseho ng Lunsod at ng Alkalde bago ang simula ng naturang darating na taon ng pananalapi.

(4) Ang taunang plano ng pamamahagi ay magpapauna sa pagpopondo para sa sumusuportang pabahay o sumusuportang mga yunit ng pabahay na nagtatakda sa pagpapalaki at pagpapabuti ng akseso para doon sa mga walang tahanan o palagiang walang tahanan sa tulong at mga serbisyo, tulad ng paggamot sa kalusugang pangkaisipan, pangangalagang pangkalusugan, paggamot sa droga at pag-inom, edukasyon at pagsasanay sa trabaho.

(5) Ang isang odit ng pananalapi ay isasagawa para sa bawat taon ng pananalapi na nakalabas ang mga bono o ang anumang mga nalikom sa bono na nananatiling hindi nagagasta ng Kontroler ng Lunsod at gagawing maaaring makuha ng publiko.

Page 26: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

24TXT4-7-TA

(6) Ang mga bono ay ipapalabas pana-panahon, at gagastahin, batay sa isang proseso ng pamamahagi na kinabibilangan ng kasalukuyan sa taunang plano ng pamamahagi para malaman ang mga pagpapauna at paggawad sa pagpopondo, gayundin ang pinakabagong taunang odit ng pananalapi na isinagawa ng Kontroler ng Lunsod.

(7) Ang mga bono ay ipapalabas at pangangasiwaan ng Opisyal na Nangangasiwa ng Lunsod, at ang mga proyektong tinustusan ng bono sa ilalim ng Programa ay pangangasiwaan ng Kagawaran ng Pabahay at Pamumuhunan sa Komunidad ng Los Angeles o naturang ibang kagawaran o entidad tulad ng hinirang ng Konseho ng Lunsod at Alkalde, bawat isa na may pangangasiwa ng Komite sa Pagbabantay ng mga Mamamayan at ang Komite sa Pagbabantay sa Pangangasiwa. Ang Opisyal na Nangangasiwa ng Lunsod ay taunang mag-uulat sa kalagayan ng Programa, mga pondong nakolekta at nagasta at mga proyektong inaprobahan para sa pagpopondo.

(8) Ang mga nalikom sa bono ay hindi gagamitin para halilinan ang pagpopondo mula sa dati nang mga pinagkukunan na kasalukuyang pinapamahagi ng Lunsod at nakatalaga sa pagpapaunlad o pagtustos sa (a) abot-kayang pabahay o (b) sumusuportang pabahay, pansamantalang mga pasilidad ng silungan, mga pasilidad ng imbakan, mga pasilidad ng liguan at iba pang mga pasilidad na gagamitin upang magbigay ng mga pansuportang serbisyo sa mga walang tahanan, palagiang walang tahanan o nanganganib na mawalan ng tahanan; datapwa’t ang naturang pagpopondo mula sa dati nang mga pinagkukunan ay galing sa kilalang patuloy na pinanggagalingan ng pagpopondo; kabilang ang paggawad at espesyal na mga pondo, at napapailalim sa patuloy na pagkakaroon ng naturang mga pondo. Ang pag-aatas na ito sa Pagpapanatili ng Pagpapagod ay hindi uukol sa anumang pinagkukunan ng isahang beses o limitadong-panahon na pagpopondo, kabilang ang Pangkalahatang Pondo, Espesyal na Pondo o mga Pondo ng Paggawad.

(9) Lahat ng mga nalikom sa bono ay idedeposito sa isang espesyal na pondo at gagamitin lamang para sa mga layunin ng Programa tulad ng inilarawan dito.

(10) Kung ang anumang seksyon, sugnay, pangungusap, parirala, o bahagi ng panukalang ito ay hinirang na hindi makabatas o walang saysay ng anumang hukuman o husgado ng may-kakayahang hurisdiksyon, ang mga natitirang seksyon, sugnay, pangungusap, parirala, o bahagi ng panukalang ito ay mananatiling may buong puwersa at epekto, at sa para layuning ito ang mga tadhana ng panukalang ito ay maaaring ihiwalay. Kabilang dito, ang mga botante ay nagdedeklara na dapat ay ipinasa nila ang lahat ng mga seksyon, sugnay, pangungusap, parirala, o bahagi ng panukalang ito na hindi kasama ang seksyon, sugnay, pangungusap, parirala, o bahaging hinirang na hindi makabatas o walang saysay.

Page 27: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

25TQ3-TA

MGA PAMANTAYAN NG ABOT-KAYANG PABAHAY AT GAWA KAUGNAY SA PAGPAPLANO NG LUNSOD. INISYATIBONG ORDINANSA JJJ.

Dapat bang ang isang ordinansa na: 1) nag-aatas na ang ilang mga proyekto ng pagpapatayong pantahanan ay magkaloob ng abot-kayang pabahay at sumunod sa namamayaning suweldo, lokal na pagpapatrabaho at iba pang mga pamantayan ng gawa; 2) nag-aatas sa Lunsod na tasahin ang mga epekto ng mga pagbabago sa plano ng komunidad tungkol sa abot-kayang pabahay at mga lokal na trabaho; 3) lumilikha ng isang insentibong programa ng abot-kayang pabahay para sa mga pagpapatayong malapit sa mga pangunahing tigilan ng paghahatid; at 4) gumagawa ng iba pang mga pagbabago; ay dapat pagtibayin?

WALANG PINAPANIGANG PAGSASABUOD NI SHARON M. TSO, PUNONG MANUNURI NG BATAS

Itong ipinanukala ng mamamayan na inisyatibo sa balota, kung aprobahan, ay magsususog sa batas ng Lunsod upang magdagdag ng mga pamantayan sa abot-kayang pabahay at pagsasanay, lokal na pagpapatrabaho, at ispesipikong mga iniaatas sa suweldo para sa partikular na proyektong pantahanan na 10 o higit na yunit na naghahangad ng mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano o mga pagbabago sa pagsosona. Ang iminumungkahing ordinansa ay maglilimita sa kakayahan ng Lunsod na tanggihan ang mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano para sa mga proyektong nakatutugon sa lahat ng mga sumusunod:

• Matatagpuan sa malapit sa mga tigilan ng paghahatid o nakatutugon sa ibang mga iniaatas sa heograpiya, o lubos na binubuo ng mga abot-kayang yunit ng pabahay;

• Nakatutugon sa mga iniaatas sa pagsasanay, lokal na pagpapatrabaho, at partikular na mga iniaatas sa suweldo; at

• Nagkakaloob ng isang partikular na porsiyento ng abot-kayang pabahay o sumusunod sa tinukoy na mga iniaatas na abot-kayang pabahay.

Ang porsiyento at uri ng mga abot-kayang yunit na iniaatas para sa bawat proyektong pabahay ay mag-iiba depende sa pagsusog o pagbabagong inaprobahan para sa proyektong iyon. Ang mga iniaatas na abot-kayang pabahay ay maaari ring matugunan sa pamamagitan ng labas-ng-lugar na pagtatayo ng abot-kayang pabahay, labas-ng-lugar na pagtatamo ng abot-kayang pabahay, o mga bayad. Sa ilalim ng tadhana ng abot-kayang pabahay ng panukala, lahat ng mga abot-kayang yunit ng pabahay ay napapailalim sa isang pangako ng pagiging abot-kaya na katanggap-tanggap sa Lunsod. Ang mga abot-kayang yunit ng paupahang pabahay, nilikha o natamo, ay dapat gumarantiya ng pagiging abot-kaya para sa pinakamababang takdang panahon na 55 taon.

Ang mga kaugnay-ng-paggawa na mga tadhana ng inisyatibong ito ay mag-aatas ng isang matapat na pagsisikap na hindi kukulangin sa 30 porsiyento ng lahat ng mga oras ng manggagawa ng konstruksiyon sa isang proyekto ay gampanan ng mga permantenteng residente ng Lunsod, na hindi kukulangin sa 10 porsiyento ay dapat gampanan ng “Mga Pansamantalang Manggagawa” na humaharap sa mga hadlang na panlipunan-pangkabuhayan o ibang mga sagabal sa pagtatrabaho at ang pangunahing tirahan ay nasa loob ng isang limang milyang radyus ng lugar ng proyekto; pagbabayad ng mga partikular na suweldo; at paglilisensiya, mga sertipikasyon, at mga iniaatas sa pagsasanay ng baguhan sa trabaho.

JJJ

Page 28: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

26TQ3-TA

Ang panukala ay nagmumungkahi rin na limitahan ang kakayahan ng Lunsod na bawasan ang bilang ng mga planong pangkomunidad o gumawa ng mga pagbabago sa kanilang mga heograpikal na hangganan, mga paggamit ng lupa o ibang mga pagbabago sa materyal hanggang:

• Ang Kagawaran ng Pagpaplano ay magkumpleto ng isang komprehensibong pagtasa upang matiyak na ang mga iminumungkahing pagbabago ay hindi nagbabawas ng kapasidad para sa paglikha at pangangalaga ng abot-kayang pabahay at daan sa mga lokal na trabaho; o sinisira ang anumang programa ng Estado o ibang insentibong abot-kayang pabahay.

• Ang Komisyon sa Pagpaplano ay nagsasaalang-alang sa pagsusog sa plano na kasama ang iniaatas na komprehensibong pagtasa at gumagawa ng isang rekomendasyon upang tanggapin o tanggihan ang iminumungkahing pagsusog, at ang Konseho ay boboto upang tanggapin o tanggihan ang pagsusog.

Ang inisyatibong ito ay magbabago sa mga iniaatas ng Ipinagkakatiwalang Pondo ng Abot-kayang Pabahay ng Lunsod na ginagawa ang mga proyektong pabahay na tumatanggap ng pagpopondo ng Ipinagkakatiwalang Pondo ng Abot-kayang Pabahay na napapailaim sa mga tadhanang may kaugnayan sa paggawa, maliban sa mga pagtatayo ng abot-kayang pabahay na 25 yunit o mas kaunti. Lahat ng mga proyektong konstruksiyon na pinopondohan ng Ipinagkakatiwalang Pondo ng Abot-kayang Pabahay, gayunman, ay sasailalim sa namamayaning mga iniaatas na antas ng suweldo, gaya ng ipinasiya ng Kagawaran ng mga Ugnayang Pang-industriya ng California.

Ang panukalang ito ay lumilikha rin ng isang insentibong programa sa abot-kayang pabahay na may mas mataas na densidad at binawasang mga pag-aatas sa paradahan sa mga lugar sa loob ng kalahating-milyang radyus sa paligid ng isang pangunahing tigilan ng paghahatid.

Ang panukalang ito ay magkakabisa sa pamamagitan ng isang boto ng mayoriya.

PAHAYAG NG EPEKTO SA PANANALAPI

NI MIGUEL A. SANTANA, OPISYAL NA NANGANGASIWA NG LUNSOD

Ang inisyatibong ito ay mag-aatas sa partikular na mga proyektong pagtatayong pantahanan na sampu o higit na yunit na naghahangad ng mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano o partikular na mga pagbabago sa pagsosona upang magkaloob ng abot-kayang pabahay at matugunan ang mga iniaatas na pagsasanay, lokal na pagpapatrabaho, at namamayaning suweldo. Dagdag dito, ang inisyatibong ito ay maglilimita sa kakayahan ng Lunsod na tanggihan o susugan ang mga proyektong nakatutugon sa lahat ng mga iniaatas.

Ang inisyatibong ito ay hindi inaasahan na magreresulta sa anumang karagdagang gastos sa Lunsod o sa mga nagbabayad ng buwis.

Page 29: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

27AFJ-TA

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

PANGANGATWIRANG PANIG SA INISYATIBONG ORDINANSA JJJ

Oo sa Proposisyon JJJ - Abot-kayang pabahay na itatayo ng mga Angeleno na pinakanangangailangan ng trabaho.

Ilalapat ang Proposisyon JJJ sa mga tagapagtayo na humihiling sa Lunsod ng mga espesyal na pagbabago sa pagpaplano o pagsosona.

Kung gusto ng tagapagtayo ng mga pagbabago sa pagpaplano o pagsosona, kung gayon kinakailangang 30% ng mga manggagawa sa konstruksiyon ang mula sa mga lokal na komunidad na pinakanangangailangan ng mga trabaho, kasama na ang mga beterano.

Kung gusto ng tagapagtayo ng mga pagbabago sa pagpaplano o pagsosona para sa mga bagong apartment, kung gayon hanggang 20% ng mga apartment ang kinakailangang may mga renta na abot-kaya ng mga taong may mga ordinaryong kita.

Kung gusto ng tagapagtayo ng mga pagbabago sa pagpaplano o pagsosona para sa mga ibebentang bagong bahay, kung gayon hanggang 40% ng mga bahay na iyon ang kinakailangang may presyo para sa mga taong may mga ordinaryong kita.

Kung mas praktikal ang bagong abot-kayang pabahay sa ibang lugar, kung gayon ang Tagapagtayo ay magbabayad sa Ipinagkakatiwalang Pondo ng Abot-kayang Pabahay para sa konstruksiyon.

Ang Proposisyon JJJ ay makakagawa ng mas maraming abot-kayang pabahay nang hindi umaasa sa pagpopondo mula sa nagbabayad ng buwis.

Napakaraming masisipag na Angeleno ang hindi makahanap ng bahay na kaya nilang bilihin o rentahan. Tinataya ng UCLA na 300,000 pamilyang nagtatrabaho ang hindi makayanan ang napakataas na mga presyo ng pabahay sa Los Angeles. May ilang bahay na mas mababa sa $600,000 ang presyo. Ang renta para sa isang bagong apartment ay tumaas nang halos $3,000 bawat buwan - $36,000 bawat taon.

Ang mga Angeleno na nagmamaneho ng mga truck, nagluluto ng pagkain, naglilinis ng mga opisina at hotel, nag-aalaga ng matatanda, nag-aayos ng mga estante, nagbibigay ng pag-aalaga sa umaga, nagtatayo at nagkukumpuni ng halos lahat ng bagay ay patuloy na napapalayo mula sa kanilang mga trabaho na nakadaragdag ng higit na trapiko sa kabuuan ng lunsod. Ang Proposisyon JJJ ay magtatayo ng mas maraming pabahay malapit sa mga tigilan ng paghahatid upang mabawasan ang pagsisikip.

Hindi malulutas ng Proposisyon JJJ ang bawat problema. Ngunit kung napagtibay na ang Proposisyon JJJ tatlong taon na ang nakakaraan, sana ay mayroon nang 5,522 karagdagang bagong bahay ang Los Angeles na kakayaning bilhin ng mga tao ngayon at 11,656 na lokal na residente sana ang nagkakaroon ng mga trabaho upang maitayo ang mga ito.

Hiniling ng mga beterano, nagrerenta, unang beses na bumibili ng bahay, at walang trabahong manggagawa sa konstruksiyon sa mga Angeleno na lagdaan ang ProposisyonJJJ - at 100,000 ang nagsabi ng “Oo.”

Mangyaring sumama sa amin sa pagboto ng Oo sa Proposisyon JJJ.

Page 30: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

28AFJ-TA

MGA TAONG PUMIPIRMA SA PANGANGATWIRANG PANIG SA INISYATIBONG ORDINANSA JJJ

ALTON WILKERSONElektrisista

ANGELLA GAINESNagrerenta

RUSTY HICKSBeterano

JOSEFINA CASTILLOUnang beses na Bumibili ng bahay

RONALD MILLERTubero

Page 31: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

29RAFJ-TA

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda, at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

SAGOT SA PANGANGATWIRANG PANIG SA INISYATIBONG ORDINANSA JJJ

HINDI SA PANUKALA JJJ

Kailangan natin ng komprehensibong solusyon upang matulungan ang bahagi ng ating populasyon na pinakamabilis maapektuhan. Hindi Panukala JJJ ang solusyon na iyon at sa katunayan, magiging dahilan pa ito sa mas mahirap na pagkamit ng abot-kayang pabahay para sa mga nangangailangan.

Ito ang dahilan kung bakit maraming mga organisasyong nakabase sa komunidad, negosyo, tagapagtaguyod ng mga walang tahanan, di-nagtutubong grupo, tagapagtaguyod ng pabahay at grupo para sa karapatan ng nangungupahan ay tumututol sa Panukala JJJ.

Hindi matutulungan ng Panukala JJJ ang mga pinakangangailangan ng tulong. Kahit pa sa pinakamagandang sitwasyon, ang mismong hindi nagtutugmang komputasyon ng Panukala JJJ ay nagtatantya lang ng 1.8% na pagtaas sa kinakailangang pabahay - sa napakalaking itinaas na halaga.

Makakasama ang pagtaas ng halaga sa pagkakaroon at pagiging abot-kaya ng bagong pabahay. Nagpapakita ang poll sa mga pangalawang kontratista ng Tirahan para sa Humanidad/San Fernando Valley at Santa Clarita Valley ng pangkalahatang-ideya sa kasalukuyang pamantayang sahod kumpara sa dapat bayaran sa parehong manggagawa alinsunod sa Panukala JJJ.

• Ang pamantayang sahod para sa paglalagay ng frame ay tataas mula $28/oras patungo sa $51/oras alinsunod sa Panukala JJJ.

• Ang pamantayang sahod para sa pagkakabit ng HVAC ay tataas mula $35/oras patungo sa $70/oras alinsunod sa Panukala JJJ.

• Ang pamantayang sahod para sa pagsesemento ng pader ay tataas mula $15/oras patungo sa $45/oras alinsunod sa Panukala JJJ.

Ang Panukala JJJ ay hindi magtatayo ng mas maraming pabahay, lalo na sa abot-kayang pabahay. Bagama't may ilan itong mabuting layunin, magkakaroon ng mga mapanganib na resulta ang Panukala JJJ pagdating sa kakayahan na magtayo ng bago at abot-kayang pabahay para sa mga residente.

Katunayan, ang Panukala JJJ ay magiging dahilan ng mas malaking gastusin para sa parehong trabaho, papataasin ang gastusin sa pagtatayo ng pabahay at magiging MAS mahal ito. Mas kakaunti ang mga oportunidad ng mga unang beses na bumibili ng bahay na maghanap ng bahay na makatwirang ang presyo.

Ang Panukala JJJ ay totoong isang nakatagong buwis sa mga umuupa at may-ari ng bahay sa hinaharap, dahil ang pagtaas ng mga gastusin ng konstruksiyon ay magiging sanhi ng pagtaas pa ng presyo ng pabahay at upa.

Ang Panukala JJJ ay hindi maayos na pagsasabatas sa pamamagitan ng balota. Hindi ito makakatulong sa mga nangangailangan, magdaragdag ito ng mga bagong antas ng burukrasya at red tape sa proseso ng pagpaplano, papataasin nito ang mga gastusin sa konstruksiyon at gagawin nitong masalimuot ang sitwasyon natin sa pabahay.

Mangyaring sumama sa amin at BUMOTO NG HINDI sa Panukala JJJ.

Page 32: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

30RAFJ-TA

MGA TAONG PUMIPIRMA SA SAGOT SA PANGANGATWIRANG PANIG SA INISYATIBONG ORDINANSA JJJ

TIM PIASKYKa-TagapanguloKoalisyon para sa Mga Trabaho at Abot-Kamay na Pabahay

GARY TOEBBENPresidente at CEOKamara de Komersiyo ng Lugar ng Los Angeles

BEVERLY A. KENWORTHYBise PresidenteKapisanan ng Apartment sa California Los Angeles

STUART WALDMANPresidenteKapisanan sa Industriya at Komersiyo ng Valley

CAROL SCHATZPresidente at CEOKapisanan ng Sentral na Lunsod ng Los Angeles

MIKE BALSAMOCEOKapisanan sa Industriya sa Pagtatayo ng Timog California

Page 33: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

31AAJ-TA

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

PANGANGATWIRANG LABAN SA INISYATIBONG ORDINANSA JJJ

TAMANG PROBLEMA, MALING SOLUSYON: BUMOTO NG HINDI SA JJJ!

Ang Panukala JJJ ay isang lubos na madepektong inisyatibo na nararapat sa isang botong HINDI. Ang Panukala JJJ ay hindi lumilikha ng mga bagong trabaho at hindi magtataas ng kahandaan, o pagiging abot-kaya, ng pabahay.

Ang totoo, ang mga pag-aaral ng Unibersidad ng California, Berkeley, ng Instituto ng California para sa Pamahalaan ng County, at Tirahan para sa Humanidad North Los Angeles ay tumantiya na ang mga iniaatas ng Panukala JJJ ay maaaring magdagdag ng hanggang 23-30% sa gastos sa pagtatayo ng bagong pabahay.

Ang Tirahan para sa Humanidad North Los Angeles ay bumanggit na ito ay makapagpapahina nang malaki sa kakayahan nitong magtayo ng mga abot-kayang pabahay.

Ang Panukala JJJ ay:

• Magtataas ng mga halaga ng renta• Gagawin ang mga bahay na mas hindi abot-kaya ng mga unang beses na bumibili• Magdaragdag ng mga pagkaantala at kuskos-balungos sa pagtatayo ng kailangang pabahay• Magtataas ng mga gastos sa konstruksiyon

Sa partikular, ang malayo ang naabot at hindi mahusay na nilinaw na mga regulasyon ng Panukala JJJ ay magtataas ng gastos sa konstruksiyon para sa bagong pabahay. Ang karagdagang gastos sa konstruksiyon ay mararamdaman ng karamihan ng mga unang-unang hindi abot-kaya ito - maliliit na kompanya at di-nagtutubong mga organisasyon na nagtatayo ng mga bahay para sa mga nakatatanda, beterano, at mas maliit ang kita na mga pamilya at mga walang tahanan na indibidwal.

Ang mga hadlang sa regulasyon ng Panukala JJJ ay kontra rin sa pagiging produktibo. Upang makapagtayo ng mas maraming abot-kayang pabahay at makalikha ng mga bagong trabaho, kailangan nating patuloy na magtayo. Gagawing mas mahirap at mas magastos ang pagtatayo ng maling-ginagabayan na inisyatibong ito.

Kung hindi daragdagan ang ating panustos sa pabahay upang matugunan ang mga pangangailangan, ang mga renta ay patuloy na tataas, ang pagmamay-ari ng bahay ay mananatiling hindi maaabot at magiging limitado ang mga pagkakataon para sa paglikha ng trabaho sa mga komunidad na pangunahing nangangailangan.

Lahat tayo ay sumasang-ayon na mas marami pa ang kailangang gawin upang matugunan ang ating problema sa pabahay sa Los Angeles.

Ang Panukala JJJ ay ang maling pagharap at gagawing mas mahirap na magkaloob ng mga opsyon sa pabahay para sa masisipag, mas maliit ang kita na mga pamilya at mga walang tahanan na indibdiwal.

Iyon ang dahilan kung bakit ang nakabase sa komunidad na mga organisasyon, negosyo, tagapagtaguyod ng walang tahanan, di-nagtutubong mga grupo, tagapagtaguyod ng pabahay at mga grupo sa mga karapatan ng nangungupahan ay sumasalungat sa Panukala JJJ.

BUMOTO NG HINDI sa Panukala JJJ.

Page 34: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

32AAJ-TA

MGA TAONG PUMIPIRMA SA PANGANGATWIRANG LABAN SA INISYATIBONG ORDINANSA JJJ

TIM PIASKYKa-TagapanguloKoalisyon para sa mga Trabaho at Abot-kamay na Pabahay

GARY TOEBBENPresidente at CEOKamara de Komersiyo ng Lugar ng Los Angeles

BEVERLY A. KENWORTHYBise PresidenteKapisanan ng Apartment sa California Los Angeles

STUART WALDMANPresidenteKapisanan sa Industriya at Komersiyo ng Valley

CAROL SCHATZPresidente at CEOKapisanan ng Sentral na Lunsod ng Los Angeles

MIKE BALSAMOCEOKapisanan sa Industriya ng Pagtatayo ng Timog California

Page 35: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

33RAAJ-TA

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda, at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

SAGOT SA PANGANGATWIRANG LABAN SA INISYATIBONG ORDINANSA JJJ

Ang mga kalaban ng Proposisyon JJJ ay nagbabanggit ng mga nakakalitong pangangatwiran.

Pinapalabas nila na ang mga iginagalang na institusyon, kabilang ang Unibersidad ng California, ay nagsagawa ng “mga pag-aaral” tungkol sa mga patakaran ng Proposisyon JJJ. Ngunit wala sa mga may kaugnayan sa Proposisyon JJJ o ang Lunsod ng Los Angeles ang nag-ulat na may nakipag-ugnayan sa kanila tungkol sa pagsasagawa ng naturang “pag-aaral.” Wala pa ring kahit isang nakakita nito.

Aktwal bang binanggit ng Unibersidad ng California na ang pagtatayo ng mga karagdagang abot-kayang pabahay ay magreresulta sa pagiging mas mahal ng pabahay? Hindi, hindi ganito ang sinasabi nila.

Para sa mga interes sa pagpapaunlad na tumututol sa Proposisyon JJJ, patuloy na nakakahadlang ang mga katotohanan sa kanilang mga pangangatwiran.

Hindi nagkukunwari ang Proposisyon JJJ na gagawa ito nang mas maraming trabaho. Iniaatas lang nito na 30% ng mga trabaho sa pagtatayo ng abot-kayang pabahay ay mapunta sa mga mamamayan ng Los Angeles na pinakanangangailangan ng trabaho – kabilang ang mga beterano.

Hindi itinataas ng Proposisyon JJJ ang mga renta. Nagbibigay-daan ito sa mas maraming abot-kayang apartment.

Ang Proposisyon JJJ ay hindi nag-aatas ng “mamahaling hadlang” sa bagong pabahay na itinatayo kung saan pinapahintulutan na ito. Magkakaroon lang ng bisa ang Proposisyon JJJ kapag gusto ng tagapagtayo ng espesyal pagbabago sa pagsosona o pagpaplano.

Kung hindi gusto ng isang tagapagtayo ng mga pagsasaalang-alang sa espesyal na pagsosona o pagpaplano, hindi malalapat ang Proposisyon JJJ sa kanila. Kung gusto nila ng mga pagbabago sa espesyal na pagsosona o pagpaplano, iaatas lang ng Proposisyon JJJ na magtayo sila ng ilang abot-kayang pabahay at makuha ng mga lokal na manggagawa ang ilan sa mga trabaho.

At hindi magagastusan ang mga nagbabayad ng buwis sa mga trabaho at abot-kayang pabahay ng Proposisyon JJJ.

Ang Proposisyon JJJ ay kapalit ng kasalukuyang sistema ng espesyal na interes na nagkakaroon lang ng pakinabang sa mga mayamang tagapagtayo na maaaring mag-impluwensya sa mga pasya na nakakatulong sa kanila habang walang nakukuha ang mga mamamayan ng Los Angeles.

Page 36: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

34RAAJ-TA

MGA TAONG PUMIPIRMA SA SAGOT SA PANGANGATWIRANG LABAN SAINISYATIBONG ORDINANSA JJJ

ALTON WILKERSONElektrisista

ANGELLA GAINESNagrerenta

RUSTY HICKSBeterano

JOSEFINA CASTILLOUnang Beses na Bumibili ng Bahay

RONALD MILLERTubero

Page 37: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

35TXT3-1-TA

INISYATIBONG ORDINANSA JJJ

MGA PAMANTAYAN NG ABOT-KAYANG PABAHAY AT GAWA PARA SA MGA PAGSUSOG SA PANGKALAHATANG PLANO AT MGA PAGBABAGO SA PAGSOSONA.

INISYATIBONG ORDINANSA.

Ang iminumungkahing ordinansa ay magtatadhana na: 1) ang mga proyektong pagtatayo na may 10 o higit na yunit na pantahanan ay hindi karapat-dapat para sa mga pagsusog sa pangkalahatang plano o partikular na mga pagbabago sa pagsosona maliban kung ang proyekto ay (a) kabilang ang isang sangkap ng abot-kayang pabahay o ang tagapagtayo ay nagbabayad ng mga panghaliling bayad sa Ipinagkakatiwalang Pondo ng Abot-kayang Pabahay (AHTF) ng Lunsod, at (b) sumusunod sa mga pamantayan ng paggawa na nauukol sa mga lisensiyadong kontratista, nagbabayad ng namamayaning mga suweldo at kumukuha ng mga manggagawa mula sa lokal at naghihirap na mga lugar at inaprobahan-ng-Estado na mga programang pagsasanay ng bagong manggagawa; 2) wala sa tadhana ng Kodigong Munisipal na nauukol sa mga pagsusog sa pangkalahatang plano na dapat magbawal ng mga pagsusog para sa inilarawan sa itaas na mga proyektong matatagpuan sa mga panrehiyong sentro, mga sentro ng downtown, mga sonang pang-industriya o malapit sa mga pangunahing tigilan ng paghahatid; 3) ang Lunsod ay nagtatasa ng mga epekto ng mga pagbabago ng plano sa komunidad sa abot-kayang pabahay at mga lokal na trabaho at lumilikha at sumusubaybay sa mga imbentaryo ng abot-kayang pabahay sa loob ng mga lugar ng plano sa komunidad; 4) ang mga proyekto ng AHTF ay sumusunod sa inilarawan sa itaas na mga pamantayan sa paggawa; at 5) ang Lunsod ay lilikha ng isang insentibong programang abot-kayang pabahay para sa mga pagtatayong malapit sa mga pangunahing tigilan ng paghahatid.

ORDINANSA BLG. _________________

ITINATAKDA NG MGA TAO SA LUNSOD NG LOS ANGELES ANG SUMUSUNOD:

Seksyon 1. Pangalan. Itong inisyatibong ordinansa ay dapat makilala at maaaring tawaging “Ang Inisyatibong Magtayo ng Mas Mahusay na LA,” at dapat tawagin dito na “ang Inisyatibong Magtayo sa Mas Mahusay na LA” o “Ordinansang ito.”

Sek. 2. Mga Ipinasiya. Ipinasiya ng mga Tao ng Los Angeles na:

Ang Lunsod ng Los Angeles ay nakakita ng pagdami ng mga taong walang tahanan at mga pamilyang napipilitang matulog sa ating mga kalye, sa ating mga parke, at sa ilalim ng ating mga tulay. Habang ang LA ay nagkaroon ng nakalulungkot na pagkilala bilang kapitolyo ng walang tahanan sa bansa sa ilang panahon ang kasalukuyang kalagayan ay naging napakalubha na ang mga lider ng Lunsod ay nagsaalang-alang na magdeklara ng Emerhensiyang Kalagayan. Sa huling pagbilang, halos 26,000 Angeleno ang walang pabahay, kabilang ang mga nagdaranas ng iba't ibang mga hamong medikal, mga taong may kulay, mga pamilyang may mga anak, at mga indibidiwal na may trabaho. Habang ang kanilang mga nakaraan at istorya ay magkakaiba tulad ng populasyon ng LA, sila ay magkakatulad ng karaniwan sa paghihirap kasama ang karamihan ng mga residente ng LA ay nahihirapang makabayad sa mga mabilis na tumataas na renta. Ang isang huling pag-aaral mula sa Unibersidad ng California, Los Angeles ay nagpapakita na ang Los Angeles, na may pinakamataas na porsiyento ng mga nangungupahan sa bansa, ay ang nangunguna sa pagiging hindi abot-kaya ang renta sa bansa. Ang isa pang pag-aaral mula sa Unibersidad ng Harvard ay nagsasaad na ang hindi kukulangin sa kalahati ng lahat ng mga sambahayan sa LA ay nabibigatan sa renta, o gumagasta ng mas mataas kaysa 30% ng kanilang buwanang kita sa bahay, na ang malaking bilang ay nagbabayad ng mas mataas kaysa 50% ng kanilang kita para sa mga gastos sa bahay. May pangkaraniwang mga renta na malapit sa $2,000 kada buwan, napag-alaman ng pananaliksik na ang isang indibidwal ay dapat kumita ng higit sa $30 kada oras upang makaya ang renta para sa isang silid-tulugan na apartment sa LA at ang isang nagtatrabahong pamilya ay dapat kumita ng higit sa $88,000 kada taon upang makaya ang renta para sa isang dalawang-silid-tulugan na apartment sa LA - mga halagang hindi kayang maabot para sa isang lunsod kung saan ang isang sangkapat ng mga residente nito ay nasa kahirapan at ang panggitnang kita ay mas mababa kaysa $28,000 kada taon.

Page 38: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

36TXT3-2-TA

Sa kabila ng napakalaking pangangailangan para sa konstruksyon ng bagong pabahay, lalo na para sa sukdulang maliit, lubhang maliit, at maliit ang mga kita ang LA ay patuloy na nahihirapan sa kapasidad. Ang Lunsod ay umaasa na magkakaroon ng malaking kakulangan sa pagtugon nito sa pangangailangan ng abot-kayang pabahay- umaasa na maaaring matugunan nito ang 26% lamang ng pabahay na kailangan para sa mga sambahayang mas maliit ang kita habang nahihigitan ang pangangailangan ng mas mayamang mga sambahayan. Noong Mayo 2014, ang Kapisanan ng Di-nagtutubong Pabahay ng Timog California (SCANPH) ay naglabas ng isang ulat na nagpapakita na ang rehiyon ng LA ay may kakulangan na halos 500,000 yunit ng abot-kayang pabahay na makukuha ng mga residenteng maliit at lubhang maliit ang kita. Ang Kapisanan ng mga Pamahalaan ng Timog California (SCAG) ay nagtaya na ang LA ay nagkaroon ng kakulangan na higit sa 82,000 yunit ng pabahay, na alinsunod sa mga pagkalkula ng Lunsod, ay nangangailangan ng paggawa ng halos 11,000 yunit kada taon, kalahati nito ay magiging abot-kaya. Sa kasamaang-palad, ang Lunsod ay mayroon lamang pagpopondong magtayo ng 500 yunit taun-taon at iyon ay maaaring bumaba sa 250 sa mga darating na taon. Sa ibang mga salita, ang LA ay walang nakahandang kakayahang magtayo upang tugunan ang krisis sa kawalan ng tahanan at abot-kayang pabahay.

Ang matinding kakulangan ng abot-kayang pabahay na makukuha ng mga walang tahanan o malit ang kita ay hindi isang bagong pangyayari at maraming dahilan. Kasama sa maraming dahilan ang kawalan ng pampublikong pagtustos para sa abot-kayang pabahay at isang lipas na sa panahon na pangkalahatang plano na hindi nagkakaloob ng mga insentibong magtayo ng uri ng pabahay na kailangan natin. Ang mga lunsod na tulad ng LA ay napinsala ng pagbuwag sa Ahensiya ng Muling Pagpapaunlad sa Komunidad (CRA). Sa taon ng pananalapi 2009-2010, ang mga CRA sa buong California ay nagdeposito ng higit sa $1 bilyon sa mga kuwenta para sa pabahay ng malit at katamtaman ang kita. Sa pagbuwag sa CRA, ang mga lunsod at county ay nawalan ng pinakamaasahang pinagkukunan ng pagpopondo para sa mga proyektong nagbibigay ng pagkakataong magkabahay sa mga residenteng malit hanggang katamtaman ang mga kita. Ang Ipinagkakatiwalang Pondo ng Abot-kayang Pabahay (AHTF) ng Lunsod ay nilikha noong 2000 upang pondohan ang konstruksyon at pangangalaga ng abot-kayang pabahay. Ang nakahandang pagpopondo sa Ipinagkakatiwalang Pondo ay bumaba ng mas mababa kaysa $20 milyon, masyadong mababa sa halagang kailangan upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan. Dahil sa mga nawala sa pagpopondo, ang mga estratehiya sa pagpapalaki hanggang maaari sa paggamit ng lupa at mga insentibo para sa pareho ng paglikha at pangangalaga ng abot-kayang pabahay ay napakamahalaga.

Sa kasamaang-palad, ang LA ay may isang lipas na sa panahon na Pangkalahatang Plano, batay sa mga kodigong binuo pagkaraan ng Pandaigdig na Digmaan II. Habang ang populasyon ng Lunsod ay nagdoble mula sa mas mababa kaysa 2 milyon patungo sa halos 4 na milyon sa 5 dekada, ang mga tuntuning namamahala sa konstruksyon ay nagpapanatili sa LA na nakakandado sa isang balangkas ng maliit na lunsod. 60% ng LA ay nasasakop ng paghahalo ng hindi magkakatugmang mga regulasyon sa pagsosona. Tayo ay nangangailangan at karapat-dapat sa isang Pangkalahatang Plano at mga kodigo sa pagsosona na tumutugon sa ating mga kasalukuyang hamon, habang niyayakap din ang magkakaiba at dinamikong lunsod na kasalukuyang kalagayan ngayon ng LA at patuloy na magiging kalagayan sa hinaharap.

Ang mga lunsod sa buong bansa ay nagsikap na humimok ng pagtatayong pantahanan para sa lahat ng antas ng kita sa paligid ng mga pangunahing lugar ng paghahatid at sa kahabaan ng mga magkakahalong-paggamit na mga bulebar. Habang lumalaban tayo upang magdagdag ng mas abot-kayang pabahay, mga bagong yunit ay dapat ding itayo sa mga estratehikong lokasyon na tulad ng mga lugar na malapit sa mga pangunahing tigilan ng paghahatid upang magkaloob sa ating mga manggagawa, nakatatanda at estudyante na abot-kaya at maginhawang paglalakbay sa bawat araw. Sa paggawa nito, tayo ay nagtataguyod din ng malusog, ligtas, nalalakaran, at maipagpapatuloy na mga espasyo sa lahat ng antas na pangkabuhayan. Ang mga kasalukuyang residente ng mayaman-sa-paghahatid na mga kapitbahayan sa Lunsod ay tatlong beses na malamang na gumamit ng paghahatid, maglakad, o magbisikleta patungo sa trabaho, mas malamang na maging mga nangungupahan, pangkaraniwang kumikita ng mas mababa kaysa $30,000 kada taon, at ang mga grupo na pinakamahina ang panlaban sa pagkawala ng lugar kapag ang mga halaga ng ari-arian ay tumaas at magbunsod ng mas mataas na mga renta.

Page 39: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

37TXT3-3-TA

Ang Pangkalahatang Plano ng Lunsod ay humihimok ng pagkakaloob ng sapat na paggamit ng lupa at densidad upang bigyang-daan ang sapat na panustos na mga yunit ng pabahay upang tugunan ang inaasahang mga pangangailangan ng pabahay at humihimok ng pagtatayo ng bagong pabahay sa malapit sa mga istasyon ng paghahatid at mga koridor at sa loob ng mga lugar na mataas ang aktibidad habang nagpoprotekta rin at nangangalaga sa mga kapitbahayan na mababa ang densidad. (Tingnan ang, halimbawa ang Patakaran sa Elemento ng Balangkas 4.1.1, Mga Layunin 4.2 at 4.3). Ang Elemento ng Pabahay ng Pangkalahatang Plano ng Lunsod ay nagtatatag din ng isang pangunahing hangarin na lumikha ng “[a] Lunsod kung saan ang paggawa at pangangalaga ay nagreresulta sa sapat na panustos ng pagmamay-ari at inuupahang bahay na ligtas, malusog at abot-kaya ng mga tao ng lahat ng antas ng kita, lahi, edad, at angkop sa kanilang iba't ibang mga pangangailangan.” Ang pagkilala na ang abot-kayang pabahay ay isang bagay na pambuong-estado, ang Elemento ng Pabahay ng Lunsod ay humihimok ng pagdaragdag ng panustos na abot-kaya at magkakahalong-kita na bahay sa pamamagitan ng mga programang paggamit ng lupa pangangalaga sa abot-kaya at pinatatag-ang-renta na pabahay, partikular sa kahabaan ng mga koridor ng paghahatid (Tingnan ang halimawa, Patakaran 1.2.2 at 1.2.8), at pagtataguyod ng maipagpapatuloy na mga kapitbahayan na may magkahalong-kita na bahay, mga trabaho, amenidad, serbisyo, at paghahatid, at inaasinta ang mga tagapagdulot ng pabahay, patakaran, insentibo upang isama ang abot-kayang pabahay sa pagtatayong pantahanan, partikular sa magkahalong-paggamit na pagtatayo, mga Distritong Maraming Paghahatid at mga itinalagang Sentro. Programa 8, Layunin 2.2, Patakaran 2.5.1. Upang isulong ang mga patakaran at programang ito ng Pangkalahatang Plano, ang isang pangunahing layunin ng ordinansang ito ay lumikha ng magkahalong-kita na pagtatayo at himukin ang loob-ng-lugar na abot-kayang pabahay sa presyo ng pamilihan na mga proyektong pagtatayo sa loob ng mga Distritong Maraming Paghahatid at mga itinalagang Sentro. Ang pagtatayo ng magkahalong-kita na bahay ay nagtataas ng pagsasamang panlipunan at pangkabuhayan, at lumilikha ng isang malusog na pagkabalanse ng trabaho at pabahay sa pamamagitan ng paghahanap ng abot-kayang pabahay na malapit sa mga sentro ng trabaho.

Habang ang LA ay patuloy na nagdurusa sa pamamagitan ng isang krisis sa kawalan ng tahanan at abot-kayang pabahay, kailangan natin ng isang Pangkalahatang Plano at mga kodigo sa pagsosona na lumilikha ng mga insentibo para sa mga proyektong lumilikha ng abot-kayang pabahay at nagkakaloob ng mga lokal na trabaho sa mga antas ng kita na kailangan upang bayaran ang mga rentang matatagpuan sa buong Lunsod. Sa isang lunsod na may laganap na kahirapan, dapat tayong magtayo ng mas abot-kayang pabahay at bilang resulta, lilikha ng mga lokal na mga trabahong kailangan upang magpalaki ng mga pamilya palabas ng kahirapan. Ang Pangkalahatang Plano ng Lunsod ay naglalayong panatilihin ang pagkabalanse ng paglikha ng lokal na trabaho at pagtatayo ng pabahay. Ang Kabanata 7 ng Pangkalahatang Plano ay nagsasaad, “kung ang proporsiyon ng mga trabaho/pabahay ay bumaba, iyon ay, kung ang bilang ng mga trabaho ay bumaba kumpara sa bilang ng mga yunit ng pabahay, ang kasiglahang pangkabuhayan ng Lunsod ay maaaring mabilis a bumaba. Kung ang proporsiyon ng mga trabaho/pabahay ay tumaas, iyon ay, kung ang bilang mga trabaho ay tumaas kumpara sa bilang ng mga yunit ng pabahay, ang kakulangan ng pabahay at ang pangangailangan ng abot-kayang pabahay ay lulubha.” Kinikilala ng LA na ang pagdagdag ng pabahay ay dapat ding iugnay sa mga katulad na pagtaas sa mga lokal na trabaho. Upang matiyak ang pagiging abot-kaya, dapat ding tiyakin natin na ang mga trabahong nalilikha mula sa pagtaas ng konstruksyon ay nagbabayad ng mahusay, nakasusuporta-sa-pamilya na mga suweldo. Ang bawat pagtatayong nakatutulong sa abot-kayang pabahay at mahuhusay na trabaho sa pamamagitan ng tadhana ng Inisyatibong ito ay nagpapalaki sa halo ng pabahay sa Lunsod, tumutulong na dagdagan ang panustos na bahay para sa lahat ng bahaging pangkabuhayan ng komunidad, at sumusuporta sa isang balanseng komunidad na kapaki-pakinabang sa pampublikong kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng Lunsod.

Ngayon DAHIL DOON, batay sa mga napag-alamang ito ang mga tao ay nagdedeklara na ang Lunsod ay dapat magpatibay ng batas na nakapaloob dito upang tugunan ang ating krisis sa kawalan ng tahanan at abot-kayang pabahay, habang lumilikha rin ng mahuhusay na trabaho na may nakasusuporta-sa-pamilya na mga suweldo.

Page 40: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

38TXT3-4-TA

Sek. 3. Abot-kayang Pabahay at Mahuhusay, Lokal na Trabaho.

Subdibisyon B ng Seksyon 11.5.6 ng Artikulo 1.5 ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

SEK. 11.5.6. PANGKALAHATANG PLANO.

Alinsunod sa Seksyon 555 ng Saligang-Batas, ang masaklaw na Pangkalahatang Plano ng Lunsod ay maaaring pagtibayin, at susugan sa pana-panahon, sa kabuuan, sa pamamagitan ng kumpletong mga elemento ng paksa, mga heograpikong lugar o sa mga bahagi ng mga elemento o lugar, sa kondisyon na anumang lugar o bahagi ng isang lugar ay may malaking panlipunan, pangkabuhayan o pisikal na pagkakakilanlan.

A. Mga Pagsusog. Ang mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano ng Lunsod ay dapat simulan, ihanda at gawan ng aksiyon alinsunod sa mga pamamaraang nakalagay sa Seksyon 555 ng Saligang-Batas at sa seksyong ito.

B. Pagsisimula ng Pagsusog sa Plano. Gaya ng itinatadhana sa Seksyon 555 ng Saligang-Batas, ang isang pagsusog sa Pangkalahatang Plano ay maaaing simulan ng Konseho, ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod o ng Direktor ng Pagpaplano. Ang mga pagsisimula ng Konseho o Komisyon sa Pagpaplano ay dapat na sa pamamagitan ng boto ng mayoriya. Kung ang isang pagsusog ay sinimulan ng Konseho o ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod, ito ay dapat ihatid sa Direktor para sa pag-uulat at rekomendasyon sa Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod.

Sinimulan man ng Direktor, ng Konseho o ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod, ang Direktor ay dapat maghanda ng pagsusog at isang ulat na nagrerekomenda ng aksyon ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod. Ang ulat ay dapat magtaglay ng paliwanag ng mga dahilan para sa aksyon na inirekomenda.

Pagkatapos ihanda ng Direktor ang isang pagsusog sa Plano at ulat, ang Direktor ay dapat maghatid ng talaan sa Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod para sa aksyon nito. Wala sa seksyong ito na dapat magbawal sa pagpapatibay ng isang pagsusog sa Pangkalahatang Plano na nagpapahintulot sa pagbuo ng isang proyekto kung:

1. Ang proyekto (a) ay matatagpuan sa isang lugar na pinag-uri-uri noong ika-1 ng Enero, 2016, bilang isang Panrehiyong Sentro, isang Sentro ng Downtown, sa isang lugar na nakasona bilang pang-industriya, o isang Pangunahing Tigilan ng Paghahatid na kabilang ang lahat ng lupa sa loob ng kalahating milya na radyus ng isang Pangunahing Tigilan ng Paghahatid; o (b) bawat yunit na pantahanan sa proyekto, hindi kasama ang isang yunit o mga yunit ng tagapamahala, ay abot-kaya, at inookupahan ng, alinman sa isang sambahayan na Mas Maliit o Lubhang Maliit ang Kita;

2. Lahat ng pagtatayo at gawaing konstruksyon sa proyekto ay gagawin sa lahat ng baitang ng mga kontratista na (a) lisensiyado ng Estado ng California at ng Lunsod ng Los Angeles; (b) dapat gumawa ng matapat na pagsisikap na tiyakin na hindi kukulangin sa 30% ng lahat ng oras ng kani-kanilang mga manggagawa sa konstruksyon ng kanilang lakas paggawa ng Gawain sa Proyekto ay dapat gawin ng mga permanenteng residente ng Lunsod ng Los Angeles na ang hindi kukulangin sa 10% ng lahat ng oras mga manggagawa ng konstruksyon ng kani-kanilang lakas paggawa ng Gawain sa Proyekto ay dapat gawin ng mga Pansamantalang Manggagawa na ang pangunahing lugar na tirahan ay nasa loob ng isang 5-milyang radyus ng sakop na proyekto; (c) nagpapatrabaho ng mga manggagawa ng konstruksyon lamang na nagtataglay ng lahat ng lisensiya at

Page 41: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

39TXT3-5-TA

sertipikasyon na iniaatas ng Estado ng California at ng Lunsod ng Los Angeles; (d) bayaran ang kanilang mga manggagawa sa konstruksyon na gumagawa ng gawain sa proyekto ng mga suweldong namamayani sa lugar ng proyekto na ipinasiya alinsunod sa § 1770 ng Kodigo sa Paggawa ng California; at (e) may hindi kukulangin sa 60% ng kani-kanilang lakas paggawa sa konstruksyon sa proyekto mula sa: (1) mga manggagawang nagtapos mula sa programang pagsasanay ng baguhang manggagawa ng Pinagsamang Pamamahala ng Paggawa na inaprobahan ng Estado ng California, o may hindi kukulangin sa kaparehong mga oras ng karanasan sa trabaho sa angkop na hanapbuhay na iaatas upang magtapos mula sa naturang inaprobahan-ng-estado na programang pagsasanay ng baguhang manggagawa, at (2) nakarehistrong pagsasanay ng baguhang manggagawa sa programang pagsasanay ng baguhang manggagawa na inaprobahan ng Estado ng California o isang labas-ng-estado, pederal na inaprobahang programang pagsasanay ng baguhang manggagawa; at

3. Kung ang pagsusog sa Pangkalahatang Plano ay nagresulta sa tumaas na ipinahihintulot na sukat ng sahig na pantahanan, densidad o taas, o nagpapahintulot ng isang pantahanang paggamit na dating hindi ipinahihintulot, ang mga proyektong may sampu o higit na yunit na tirahan ay dapat ding magkaloob ng abot-kayang pabahay na kaayon ng mga tadhana ng Seksyon 5 ng Inisyatibong Magtayo ng Mas Mahusay na LA.

Para sa mga layunin ng Seksyong ito ang mga sumusunod na katawagan ay may mga kahulugang ipinakikita:

“Pansamantalang Manggagawa” ay nangangahulugang isang indibidwal na, sa panahon ng pagsisimula ng trabaho sa proyekto, ay naninirahan sa isang Lugar na Mahirap ang Kabuhayan o Lugar na Sukdulang Mahirap ang Kabuhayan at humaharap sa hindi kukulangin sa dalawa sa mga sumusunod na hadlang sa pagtatrabaho: (1) pagiging walang tahanan; (2) pagiging solong magulang na tagapag-ingat (3) tumatanggap ng pampublikong tulong; (4) kawalan ng isang GED o diploma sa mataas na paaralan; (5) pagkakaroon ng isang rekord na pangkrimen o ibang paglahok sa sistema ng hustisyang pangkrimen; (6) dumaranas ng patuloy na kawalan ng trabaho; (7) lumaya mula sa sistema ng pagtangkilik na pangangalaga; (8) pagiging isang beterano; o (9) pagiging isang sinasanay na baguhang manggagawa na may mas mababa kaysa 15% ng mga oras ng pagsasanay na iniaatas upang magtapos patungo sa antas ng pagtatalaga sa isang programa.

“Lugar na Mahirap ang Kabuhayan” ay nangangahulugang isang kodigo postal na kabilang ang isang tract ng sensus o bahagi nito kung saan ang panggitnang taunang kita ng sambahayan ay mas mababa kaysa $40,000 kada taon, gaya ng sinukat at iniulat ng Kawanihan ng Sensus noong 2010 na Sensus ng U.S at gaya ng isinapanahon ng mga partido sa Kawanihan ng Sensus ng U.S. na nag-isyu ng isinapanahong mga datos ng Taunang Kita ng Panggitnang Sambahayan sa pamamagitan ng tract ng sensus sa Pagtatanong sa Amerikanong Komunidad.

“Lugar na Sukdulang Mahirap ang Kabuhayan” ay nangangahulugang isang kodigo postal na kabilang ang isang tract ng sensus o bahagi nito kung saan ang panggitnang taunang kita ng sambahayan ay mas mababa kaysa $32,000 kada taon, gaya ng sinukat at iniulat ng Kawanihan ng Sensus noong 2010 na Sensus ng U.S at gaya ng isinapanahon ng mga partido sa Kawanihan ng Sensus ng U.S. na nag-isyu ng isinapanahong mga datos ng Taunang Kita ng Panggitnang Sambahayan sa pamamagitan ng tract ng sensus sa Pagtatanong sa Amerikanong Komunidad.

Page 42: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

40TXT3-6-TA

Ang Kagawaran ng mga Pampublikong Gawain, Kawanihan ng Pangangasiwa ng Kontrata ay dapat magpasan ng mga responsibilidad na pampangasiwaan para sa mga pamantayan sa paggawa na iniaatas ng seksyong ito.

C. Aksyon ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod sa mga Iminumungkahing Pagsusog.

1. Paunawa at Pagdinig. Bago umaksyon ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod sa isang iminumungkahing pagsusog sa Plano at sa rekomendasyon ng Direktor, ang bagay ay dapat itakda para sa isang pampublikong pagdinig. Ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod ay maaaring magsagawa ng pagdinig o maaaring mag-utos sa Direktor na magsagawa ng pagdinig. Sa alinmang ginaganap, ang paunawa ng oras, lugar at layunin ng pagdinig ay dapat ibigay ng hindi kukulangin sa isang publikasyon sa isang pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon sa Lunsod (itinalaga para sa layuning ito ng Klerk ng Lunsod), hindi kukulangin sa sampung araw bago ang petsa ng pagdinig. Ang paunawa ay dapat ding ipakoreo sa sinumang taong humiling ng paunawa ng pagdinig.

Sa panahon ng pagdinig, ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod o ang Direktor ay dapat duminig ng testimonya ng publiko mula sa sinumang nais marinig sa bagay. Ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod o ang Direktor ay maaaring magpatuloy sa pagdinig sa ibang petsang ipinahayag sa publiko sa pagdinig na ipinagpapatuloy; walang karagdagang paunawa ng patuloy na pagdinig ay kailangang ibigay. Kung ang pagdinig ay isinasagawa ng Direktor, siya ay dapat magharap ng isang ulat sa Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod na nagsasabuod ng impormasyong natanggap. Ang ulat ay maaari ring magtaglay ng isang rekomendasyon sa Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod na nauukol sa aksyon sa iminumungkahing pagsusog. Ang Direktor ay dapat magharap ng kanyang ulat sa Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod pagkatapos ng pagsasara ng pagdinig.

2. Aksyon ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod. Pagkatapos matanggap ang ulat ng Direktor, o pagkatapos ng pagsasara ng isang pampublikong pagdinig na isinagawa ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod, ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod ay dapat magrekomenda sa Alkalde at sa Konseho na ang iminumungkahing pagsusog ay aprobahan o tanggihan sa kabuuan o sa bahagi. Ang ulat ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod sa Alkalde at Konseho ay dapat maglagay ng mga dahilan ng Komisyon para sa rekomendason nito.

Ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod ay dapat umakto sa loob ng 90 araw pagkatapos matanggap ang ulat ng Direktor alinsunod sa Subseksyon B. Kung ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod ay nabigong gawin ito, ang kabiguan ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod na umaksyon ay dapat ituring na isang rekomendasyon para sa pag-aproba ng pagsusog sa Plano.

Kung ang Komisyon sa Pagpaplno ng Lunsod ay nagrekomenda ng pag-aproba ng anumang iminumungkahing pagsusog sa Plano o pagtanggi ng alinman sa isang iminumungkahing pagsusog na sinimulan ng Direktor o ng Konseho, ang Komisyon ay dapat maghatid sa pinakamaagang panahon na magagawa ng mga aksyong iyon sa Alkalde para isaalang-alang at iulat sa Konseho. Kung ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod ay nagrekomenda ng pagtanggi sa isang Pagsusog sa Plano na sinimulan nito, ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lungod ay dapat mag-ulat ng desisyon nito sa Konseho at Alkalde.

Page 43: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

41TXT3-7-TA

D. Aksyon ng Alkalde sa mga Iminumungkahing Pagsusog. Sa loob ng 30 araw pagkatapos matanggap ang rekomendasyon ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod, ang Alkalde ay dapat gumawa ng isang rekomendasyon sa Konseho sa iminumungkahing pagsusog ng Plano. Ang ulat ng Alkalde sa Konseho ay dapat maglagay ng mga dahilan ng Alkalde sa kanyang rekomendasyon. Kung ang Alkalde ay hindi umaksyon sa loob ng 30-araw na panahon, ang kawalan ng Alkalde ng aksyon ay dapat ituring na isang rekomendasyon para sa pag-aproba ng pagsusog sa Plano.

E. Aksyon ng Konseho sa mga Iminumungkahing Pagsusog. Pagkatapos matanggap ang mga rekomendasyon ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod at ng Alkalde, o sa pagtatapos ng 30-araw na panahon para umaksyon ang Alkalde, ang Konseho ay dapat magsagawa ng isang pampublikong pagdinig sa iminumungkahing pagsusog sa Plano.

Pagkatapos ng pagsasara ng pampublikong pagdinig, ang Konseho ay maaaring gumawa ng alinman sa mga sumusunod:

1. Aprobahan o tanggihan ang pagsusog sa Plano sa kabuuan o sa bahagi alinsunod sa Seksyon 555(e) ng Saligang-Batas; o

2. Magmungkahi ng mga pagbabago sa pagsusog sa Plano.

Ang Konseho ay dapat gumawa ng alinman sa mga aksyong ito sa loob ng 75 araw pagkatapos matanggap ang rekomendasyon ng Alkalde, o sa loob ng 75 araw pagkaraan ng pagtatapos ng pananon ng Alkalde upang umaksyon kung ang Alkalde ay hindi gumawa ng nasa oras na rekomendasyon. Ang kabiguan ng Konseho na umaksyon sa loob ng 75-araw na panahon ay dapat bumuo ng pagtanggi sa pagsusog sa Plano.

Alinsunod sa Seksyon 555(e) ng Saligang-Batas, kung ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod at ang Alkalde ay parehong nagrekomenda ng pag-aproba sa isang iminumungkahing pagsusog ng Konseho ay maaaring magpatibay ng pagsusog ng isang boto ng mayoriya. Kung ang alinman, ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod o ang Alkalde ay nagrekomenda ng pagtanggi sa isang iminumungkahing pagsusog, ang Konseho ay maaari lamang magpatibay ng pagsusog ng hindi kukulangin sa isang dalawang-ikatlong boto. Kung ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod at ang Alkalde ay parehong nagrekomenda ng pagtanggi ng isang iminumungkahing pagsusog, ang Konseho ay maaari lamang magpatibay ng pagsusog ng hindi kukulangin sa isang tatlong-ikaapat na boto.

F. Mga Iminumungkahing Pagbabago ng Konseho. Kung ang Konseho ay nagmungkahi ng mga pagbabago sa pagsusog sa Plano na iba sa pagsusog gaya ng sinimulan o ang rekomendayon ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod, ang bagay ay dapat ibalik nang kasabay sa Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod at ang Alkalde para sa kanilang mga rekomendasyon sa mga iminumungkahing pagbabago. Sa pag-aksyon sa mga pagbabagong iyon, ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod at ng Alkalde ay dapat sumunod sa mga pamamaraang nakalagay sa itaas para sa kanilang unang aksyon. Ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod ay dapat umaksyon sa loob ng 60 araw ng pagtanggap ng iminumungkahing pagbabago ng Konseho. Ang Alkalde ay dapat umaksyon sa loob ng 30 araw ng pagtanggap ng rekomendasyon ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod sa iminumungkahing pagbabago, o ang pagtatapos ng panahon para sa umaksyon ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod kung ang Komisyon ay nabigong gumawa ng isang napapanahong rekomendasyon. Kung alinman sa Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod o ang Alkalde ay hindi umaksyon sa loob ng panahon, ang kawalan ng aksyon na iyon ay dapat ituring na isang rekomendasyon ng pag-aproba ng mga iminumungkahing pagbabago. Ang mga rekomendasyoni ng Komisyon at

Page 44: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

42TXT3-8-TA

ng Alkalde sa anumang mga pagbabagong ginawa ng Konseho ay dapat makaapekto sa mga pagbabagong iyon lamang. Ang Konseho ay dapat umaksyon upang aprobahan o tanggihan, sa kabuuan o sa bahagi, ang pagsusog sa Plano, kabilang ang mga pagbabago ng Konseho, sa loob ng 120 araw pagkatapos matanggap pareho ang mga rekomendasyon ng Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod at ng Alkalde sa mga iminumungkahing pagbabago ng Konseho, o sa pagtatapos ng kanilang panahon upang umakshyon sa mga pagbabagong iyon.

Sek. 4. Iniaatas para sa mga Pagsasapanahon at Katatagan ng Plano.

Seksyon 11.5.8 ng Artikulo 1.5 ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

SEK. 11.5.8. PAGREPASO NG PANGKALAHATANG PLANO.

A. Mga Lugar ng Pagpaplano. Ang Lunsod sa pamamagitan nito ay hinahati sa 37 lugar ng pagpaplano. Ang bawat lugar ng pagpaplano ay bumubuo ng isang lugar kung saan ang alinman sa plano sa komunidad, isang plano ng distrito, o ibang bahagi ng Elemento ng Paggamit ng Lupa ng Pangkalahatang Plano ay pinagtibay ng Lunsod. Ang mga hangganan ng bawat lugar ng pagpaplano ay dapat na ang mga angkop na pinagtibay na komunidad o plano ng distrito, o ibang bahagi ng Elemento ng Paggamit ng Lupa ng Pangkalahatang Plano kung paano naroon ang mga ito sa pagpapatibay ng seksyong ito. Ang mga hangganang ito ay maaari lamang baguhin ng pagsusog sa Pangkalahatang Plano alinsunod sa mga pamamaraang nakalagay sa Seksyon 11.5.6 ng Kodigong ito. Walang pagsusog sa isang plano para sa alinman sa 37 lugar ng pagpaplano, kabilang ang pagbawas sa bilang ng naturang mga lugar, ang mga pagbabago sa kanilang mga kaukulang hangganan, mga paggamit ng lupa na ipinahihintulot sa loob o sa anumang partikular na lokasyon sa anumang naturang lugar, o anumang ibang materyal na pagbabago, na maaaring gawin hanggang sa pagkumpleto ng isang masaklaw na pagtasa ng naturang iminumungkahing mga pagbabago ng Kagawaran ng Pagplano upang matiyak na ang mga naturang pagbabago ay hindi:

1. Magbabawas sa kapasidad para sa paglikha at pangangalaga ng abot-kayang pabahay at daan sa mga lokal na trabaho; o

2. Magpapawalang-saysay sa Seksyon 65915 ng Kodigo ng Pamahalaan ng California o anumang ibang insentibong programa sa abot-kayang pabahay; at

Ang mga pagbabago ay dapat kabilang ang isang programa upang lumikha at sumubaybay ng isang imbentaryo ng mga yunit sa loob ng Lugar ng Plano ng Komunidad na: napapailalim sa isang nakatalang kasunduan, ordinansa o batas na nagtatakda sa renta sa mga antas na abot-kaya sa mga tao at pamilya na Mas Maliit o Lubhang Maliit ang Kita; napapailalim sa Ordinansang Pagtatatag ng Renta ng Lunsod; at/o inookupahan ng mga sambahayan na Mas Maliit ang Kita o Lubhang Maliit ang Kita.

B. Aksyon sa mga Iminumungkahing Pagsusog. Ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod ay dapat tumanggag ng pagtasa ng Kagawaran ng Pagpaplano at dapat gumawa ng rekomendasyon sa pamamagitan ng boto upang tanggapin o tanggihan ang pagsusog. Ang rekomendasyon ng Komisyon ay tatanggapin ng Konseho ng Lunsod at ang Konseho ay dapat bumoto na tanggapin o tanggihan ang iminumungkahing pagsusog. Ang mga kasalukuyang plano para sa 37 lugar ng pagpaplano ay dapat manatiling may buong puwersa at epekto

Page 45: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

43TXT3-9-TA

hanggang sa o maliban kung ang Konseho ng Lunsod ay bumoto upang susugan ang mga ito alinsunod sa seksyong ito.

Sek. 5. Abot-kayang Pabahay at Mahuhusay na Trabaho.

A. Ang sumusunod na seksyon ay dapat idagdag sa Kodigong Munisipal ng Los Angeles. Ang Konseho ng Lunsod ng Los Angeles ay dapat magkaroon ng awtoridad na gumawa ng di-malaking mga pagbabago sa pananalitang nakapaloob sa Inisyatibong ito upang sumunod lamang sa Kodigong Munisipal ng Los Angeles, kung kailangan. Anumang naturang di-malaking mga pagbabago, kabilang ang pagpapalit ng numero, ay hindi dapat atasan na dumaan sa anumang higit pang proseso ng pag-aproba ng boto:

SEK. 11.5.11. ABOT-KAYANG PABAHAY.

(a) Abot-kayang Pabahay. Upang maging karapat-dapat para sa isang sariling pagpapasiya na pagsusog sa Pangkalahatang Plano alinsunod sa Subdibisyon B ng Seksyon 11.5.6 ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles o ibang paraan, o anumang pagbabago ng sona o pagbabago ng taas-distrito na nagresulta sa tumaas na ipinahihintulot na pantahanang sukat ng sahig, densidad o taas, o nagpapahintulot ng isang pantahanang paggamit na dating hindi ipinahihintulot, ang mga Proyektong may sampu o higit na pantahanang yunit na tirahan ay dapat tumugon sa isa mga sumusunod na loob-ng-lugar na mga tadhana sa pagiging abot-kaya, o tugunan ang isa sa alternatibong mga opsyon sa subdibisyon (b) at dapat sumunod sa mga pamantayan sa trabaho sa subdibisyon (i).

1. Ang Mga Proyektong Pagpapaupa ay dapat magkaloob ng mga sumusunod:

(i) Hindi kukulangin sa porsiyento ng pagiging abot-kaya na katugma ng antas ng pagtaas ng densidad gaya ng itinatadhana sa Seksyon 65915(f) ng Kodigo ng Pamahalaan ng California, kasama ang anumang mga Pamalit na Yunit; o

(ii) Kung ang pagsusog sa Pangkalahatang Plano, pagbabago ng sona o pagbabago sa taas ng distrito ay nagresulta sa isang pantahanang pagtaas ng densidad na mas malaki kaysa 35%, ang Proyekto ay dapat magkaloob ng hindi kukulangin sa 5% ng mga kabuuang yunit sa mga rentang abot-kaya ng mga sambahayang Sukdulang Maliit ang Kita, at alinman sa 6% ng mga kabuuang yunit sa mga rentang abot-kaya ng mga sambahayang Lubhang Maliit ang Kita o 15% ng kabuuang mga yunit sa mga rentang abot-kaya ng mga sambahayang Mas Maliit ang Kita, kasama ng anumang mga Pamalit na Yunit; o

(iii) Kung ang pagsusog sa Pangkalahatang Plano, pagbabago sa sona o pagbabago ng distrito sa taas ay nagpapahintulot ng isang pantahanang paggamit na dating hindi ipinahihintulot, ang Proyekto ay dapat magkaloob ng 5% ng kabuuang mga yunit ng rentang abot-kaya ng mga sambahayang Sukdulang Maliit ang Kita, at alinman sa 11% ng kabuuang mga yunit sa mga rentang abot-kaya ng mga sambahayang Lubhang Maliit ang Kita o 20% ng kabuuang mga yunit na abot-kaya ng mga sambahayang Mas Maliit ang Kita, kasama ang anumang mga Pamalit na Yunit.

Page 46: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

44TXT3-10-TA

2. Ang mga Proyektong para sa Pagbebenta ay dapat magkaloob ng mga sumusunod:

(i) Hindi kukulangin sa porsiyento ng pagiging abot-kaya na katugma ng antas ng pagtaas ng densidad gaya ng itinatadhana sa Seksyon 65915(f) ng Kodigo ng Pamahalaan ng California, kasama ang anumang mga Pamalit na Yunit; o

(ii) Kung ang pagsusog sa Pangkalahatang Plano, pagbabago ng sona o pagbabago sa taas ng distrito ay nagresulta sa isang pantahanang pagtaas ng densidad na mas malaki kaysa 35%, o nagpapahintulot ng isang pantahanang paggamit na dating hindi ipinahihintulot, ang Proyekto ay dapat magkaloob ng hindi kukulangin sa 11% ng mga kabuuang yunit sa mga rentang abot-kaya ng mga sambahayang Lubhang Maliit ang Kita, o 20% ng kabuuang mga yunit sa mga rentang abot-kaya ng mga sambahayang Mas Maliit ang Kita, o 40% ng kabuuang yunit sa mga rentang abot-kaya ng mga sambahayang Katamtaman ang Kita, kasama ng anumang mga Pamalit na Yunit.

3. 100% abot-kaya. Ang bawat pantahanang yunit sa Proyekto, hindi kasama ang isang yunit o mga yunit ng tagapamahala, ay abot-kaya sa, at inookupahan ng, alinman sa isang sambahayan na Mas Maliit o Lubhang Maliit ang Kita.

4. Mga proyektong may pareho ng ibinebenta at pinauupahang mga yunit. Kapag ang isang Proyekto ay kabilang ang pareho ng ibinebenta at pinauupahang mga yunit na tirahan, ang mga tadhana ng Seksyong ito na pinaiiral sa ibinebentang pantahanang pagtatayo ay dapat pairalin sa bahaging iyon ng Proyekto na binubuo ng ibinebentang mga yunit na tirahan, habang ang mga tadhana ng Seksyong ito na pinaiiral sa pagtatayong binubuo ng mga yunit ng paupahang tirahan.

Lahat ng Proyektong kuwalipikado para sa mga bonus sa pagtatayo alinsunod sa Seksyong ito ay dapat atasang tugunan ang anumang angkop na mga iniaatas sa pamalit ng Seksyon 65915(c)(3) ng Kodigo ng Pamahalaan ng California.

Ang isang Tagapagtayo na naghahanap at tumatanggap ng isang bonus na densidad o pagtatayo sa ilalim ng mga tadhana ng Seksyon 65915 ng Kodigo ng Pamahalaan ng California o anumang ibang pang-Estado o lokal na programa na nagkakaloob ng mga bonus ng pagtatayo ay hindi dapat maging karapat-dapat sa mga bonus na pagtatayo alinsunod sa Seksyong ito. Para sa mga layunin ng tadhanang ito, ang mga bonus na pagtatayo ay dapat kabilang ang sariling pagpapasiya na mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano, mga pagbabago sa sona, at mga pagbabago ng distrito sa taas.

(b) Mga alternatibong opsyon sa pagsunod. Ang isang Proyekto ay maaaring tumugon sa mga tadhana sa pagiging abot-kaya ng seksyong ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na labas-ng-lugar na mga opsyon sa halip ng pagkakaloob ng mga abot-kayang yunit sa lugar:

1. Labas-ng-lugar na Konstruksyon. Ang mga tadhana sa pagiging abot-kaya ng Seksyong ito ay maaaring tugunan sa pamamagitan ng pagtatayo ng labas-ng-lugar na mga abot-kayang yunit sa sumusunod na antas:

Page 47: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

45TXT3-11-TA

(i) Hindi kukulangin sa kaparehong bilang ng loob-ng-lugar na mga abot-kayang yunit, sa kapareho o mas malaking halo ng uri ng yunit at mga antas ng pagiging abot-kaya gaya ng itinatadhana sa talataan (a), kung itinayo sa loob ng kahalating milya ng panlabas na gilid ng Proyekto;

(ii) Hindi kukulangin sa 1.25 beses ng bilang ng loob-ng-lugar na mga abot-kayang yunit, sa kapareho o mas malaking halo ng uri ng yunit at mga antas ng pagiging abot-kaya gaya ng itinatadhana sa talataan (a), kung itinayo sa loob ng 2 milya ng panlabas na gilid ng Proyekto;

(iii) Hindi kukulangin sa 1.5 beses ng bilang ng loob-ng-lugar na mga abot-kayang yunit, sa kapareho o mas malaking halo ng uri ng yunit at mga antas ng pagiging abot-kaya gaya ng itinatadhana sa talataan (a), kung itinayo sa loob ng 3 milya ng panlabas na gilid ng Proyekto.

Ang labas-ng-lugar na mga yunit na nilikha alinsunod sa talataang ito ay dapat na nasa isang lugar na nakasona para sa pantahanang pagtatayo sa isang densidad upang bigyang-daan ang hindi kukulangin sa bilang ng iniaatas na mga yunit; ay angkop para sa pagtatayo ng mga yunit sa mga tadhana ng konpigurasyon, pisikal na mga katangian, lokasyon, daan, mga paggamit ng karatig at ibang may-kaugnayang pamantayan sa pagpaplano at pagtatayo; at ang pagrepasong pangkapaligiran ay nakumpleto sa kasiyahan ng Lunsod bago ang pagtanggap ng Lunsod sa lugar. Ang pagpapaunlad ng labas-ng-lugar na mga abot-kayang yunit ay dapat kabilang ang pagsasama ng espasyong pangkomunidad at mga serbisyo gaya ng iniaatas ng Kagawaran ng Pabahay at Pamumuhunan ng Komunidad para sa maihahambing na abot-kayang pagpapaunlad ng pabahay. Ang unang Sertipiko ng Pag-okupa para sa labas-ng-lugar na mga yunit ay dapat iisyu bago ang o kasabay ng unang Sertipiko ng Pag-okupa para sa orihinal na Proyekto. Hindi kailanman dapat iisyu ang Sertipiko ng Pag-okupa para sa mga yunit na nasa presyo ng pamilihan para sa orihinal na proyekto bago ang Sertipiko ng Pag-okupa para sa abot-kayang labas-ng-lugar na mga yunit. Ang mga indibidwal na abot-kayang yunit na itinayo bilang bahagi ng isang labas-ng-lugar na proyekto sa ilalim ng Seksyong ito ay hindi dapat tumanggap ng mga pagtustos sa pagtatayo mula sa anumang Pederal, Pang-estado o lokal na programang itinatag para sa layunin na magkaloob ng abot-kayang pabahay, at hindi dapat ibilang upang tugunan ang anumang iniaatas na abot-kayang pabahay para sa labas-ng-lugar na pagtatayo. Ang ibang mga yunit sa kaparehong labas-ng-lugar na proyekto ay maaaring tumanggap ng mga naturang pagtustos. Bilang karagdagan, ang mga pagtustos ay maaaring gamitin, kung may malinaw lamang na nakasulat na permiso ng Kagawaran ng Pabahay at Pamumuhunan sa Komunidad, upang palalimin ang pagiging abot-kaya ng isang abot-kayang yunit na lampas sa antas ng pagiging abot-kaya na iniaatas ng Seksyong ito.

2. Labas-ng-lugar na Pagtatamo. Ang mga tadhana sa pagiging abot-kaya ng Seksyong ito ay maaaring tugunan sa pamamagitan ng pagtatamo ng ari-ariang nagtataglay ng Nanganganib na mga Abot-kayang Yunit at pagbabago sa mga yunit upang maging di-nagtutubo, Ipinagkakatiwalang Lupa ng Komunidad, at/o pagiging may-ari ng nangungupahan bago ang pag-isyu ng Sertipiko ng Pag-okupa para sa orihinal na Proyekto. Bago ang paglipat ng pagiging may-ari sa isang kuwalipikadong entidad, ang Nanganganib na mga Abot-kayang Yunit ay dapat magkamit ng pinakamababang markang C2 batay sa Mga Marka ng Kalagayan ng Ari-arian ng Magkakatulad na mga

Page 48: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

46TXT3-12-TA

Datos ng Fannie Mae, gaya ng tinasa at sinertipikahan ng Kagawaran ng Pabahay at Pamumuhunan sa Komunidad (HCID), o gaya ng iniaatas ng HCID na kumpletuhin ng Tagapagtayo at sa huli ay sertipikahan ng HCID. Anumang entidad na kumuha ng pag-aari ng Nanganganib na Abot-kayang mga Yunit alinsunod sa Seksyong ito ay dapat magtala ng isang pangako ng pagiging abot-kaya, kaayon ng mga tadhana ng subseksyon (d), gumagarantiya ng pagiging abot-kaya ng mga Sambahayan ng Mas Maliit o Lubhang Maliit ang Kita. Ang bilang ng Nanganganib na Abot-kayang mga Yunit na dapat matamo at gawing di-nagtutubo o pag-aari ng nangungupahan sa ilalim ng subdibisyong ito ay dapat na ang mga sumusunod:

(i) Hindi kukulangin sa kaparehong bilang ng loob-ng-lugar na mga abot-kayang yunit, sa kapareho o mas malaking halo ng uri ng yunit at mga antas ng pagiging abot-kaya gaya ng itinatadhana sa talataan (a), kung tinamo sa loob ng kahalating milya ng panlabas na gilid ng Proyekto;

(ii) Hindi kukulangin sa 1.25 beses ng bilang ng loob-ng-lugar na mga abot-kayang yunit, sa kapareho o mas malaking halo ng uri ng yunit at mga antas ng pagiging abot-kaya gaya ng itinatadhana sa talataan (a), kung tinamo sa loob ng 1 milya ng panlabas na gilid ng Proyekto;

(iii) Hindi kukulangin sa 1.5 beses ng bilang ng loob-ng-lugar na abot-kayang mga yunit, at mga antas ng pagiging abot-kaya gaya ng itinatadhana sa talataan sa kapareho o mas maraming halo ng uri ng yunit kung tinamo sa loob ng 2 milya ng panlabas na gilid ng Proyekto.

3. Pamalit na Bayad. Ang mga tadhana sa pagiging abot-kaya ng Seksyong ito ay maaaring tugunan sa pamamagitan ng pagbabayad ng isang bayad sa Lunsod sa halip ng pagtatayo ng abot-kayang mga yunit sa loob ng Proyekto. Ang pamalit na bayad ay dapat ipasiya ng Lunsod batay sa mga sumusunod:

(i) Ang bilang ng mga yunit na kapantay ng 1.1 beses ng iniaatas na bilang ng loob-ng-lugar na abot-kayang mga yunit alinsunod sa talataan (a), sa kaparehong proporsiyon ng pagiging abot-kaya, imultiplika sa angkop na Puwang sa Pagiging Abot-kaya, gaya ng nilinaw dito.

(ii) Hindi mas huli kaysa 90 araw mula sa pagpapatibay ng ordinansang ito, ang Lunsod ay dapat gumawa ng pag-aaral na tumutukoy sa Puwang sa Pagiging Abot-Kaya para sa mga yunit na paupahan at pag-aari sa bawat sukat ng silid-tulugan (istudyo, 1 silid-tulugan, 2 silid-tulugan at 3 silid-tulugan) para sa bawat iniaatas na antas ng pagiging abot-kaya. Para sa paupahang bahay, ang pag-aaral ay dapat magtipon at magpasiya, batay sa uri ng yunit at antas ng pagiging abot-kaya, ng sumusunod na impormasyon mula sa nakumpletong kamakailan lamang na mga proyektong abot-kayang pabahay na pinopondohan ng Ipinagkakatiwalang Pondo ng Abot-kayang Pabahay ng Lunsod; kabuuang mga gastos sa pagpapaunlad at mga gastos sa pagpapatakbo. Ang pag-aaral ay dapat ding magpasiya ng mga halaga ng permanenteng pagtustos na makukuha batay sa tinatakdaang mga renta at namamayaning mga antas ng interes. Ang pagkakaiba sa pagitan ng kabuuang gastos sa pagtatayo at halaga ng permanenteng pagtustos ay dapat na ang mga Puwang sa Pagiging Abot-kaya kada yunit batay sa uri ng yunit at antas ng pagiging abot-kaya. Para sa magiging pag-aari na bahay, ang pag-aaral ay dapat tumukoy sa

Page 49: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

47TXT3-13-TA

panggitnang mga presyo sa pamilihan ng pagbebenta batay sa uri ng yunit sa 37 lugar ng Plano sa Komunidad. Ito ay dapat magpasiya ng tinatakdaang mga presyo sa pagbebenta ng ibinebentang mga yunit batay sa uri ng yunit at antas ng pagiging abot-kaya. Ang pagkakaiba sa pagitan ng panggitnang presyo sa pagbebenta sa pamilihan at ng tinatakdaang presyo sa pagbebenta ay dapat na ang mga Puwang sa Pagiging Abot-kaya kada yunit batay sa uri ng yunit at antas ng pagiging abot-kaya.

(iii) Dapat iakma ng Lunsod ang bayad bawat dalawang taon, batay sa mga resulta ng isang pag-aaral sa mga Puwang sa Pagiging Abot-kaya (gaya ng nilinaw sa Seksyon 5(b)(3) (ii)). Ang isang pag-aaral ng mga Puwang sa Pagiging Abot-kaya, ang iminumungkahing iniaakmang mga Puwang sa Pagiging Abot-kaya, at ang iniakmang mga bayad ay dapat ilathala sa loob ng 2 taon ng petsa na ang orihinal na pag-aaral ng mga Puwang sa Pagiging Abot-kaya ay inilabas, at kasunod nito bago ang petsa na 2 taon pagkaraan ng paglabas ng naunang pag-aaral ng mga Puwang.

Ang bayad ay dapat bayaran at mababayaran sa Ipinagkakatiwalang Pondo ng Abot-kayang Pabahay sa panahon ng at hindi kailanman lalampas kaysa pag-isyu ng unang permiso sa pagtatayo na kasabay ng at ayon sa proporsiyon ng mga yugto ng proyekto. Ang Tagapagtayo ay dapat magkaroon ng opsyon na pigilan ang pagbabayad ng lahat o isang bahagi ng bayad pagkatapos pumayag na magbayad ng isang Dagdag na Singil sa Pag-antala, na ang bayad at ang Dagdag na Singil sa Pag-antala ay dapat bayaran at mababayaran sa panahon ng at hindi kailanman lalampas kaysa pag-isyu ng Sertipiko ng Pag-okupa. Ang Dagdag na Singil sa Pag-antala ay tatasahin sa Pangunahing Antas ng Wall Street Journal kasama ang 200 batayang puntos sa panahon na ang naturang bayad ay dapat bayaran, sa pag-isyu ng permiso sa pagtatayo. Ang bayad sa Dagdag na Singil sa Pag-antala ay dapat ideposito sa Ipinagkakatiwalang Pondo ng Abot-kayang Pabahay at kinukuwenta at ginagamit gaya ng itinatadhana sa Seksyon (c).

(c) Paggamit ng mga Pondo. Lahat ng perang iniambag alinsunod sa Seksyong ito ay dapat ideposito sa Ipinagkakatiwalang Pondo ng Abot-kayang Pabahay ng Lunsod. Lahat ng pondong natipon sa ilalim ng Seksyong ito ay dapat gamitin sa sumusunod na paraan:

1. Maliban kung itinatadhana sa Subdibisyon (2) sa ibaba, ang mga pondong natipon sa ilalim ng Seksyong ito ay dapat gamitin upang lumikha at/o mangalaga ng Pabahay na abot-kaya ng mga sambahayan ng Sukdulang Maliit-, Lubhang Maliit-, at Mas Maliit ang Kita.

2. Ang Lunsod ay dapat magtalaga at magkahiwalay na managot sa lahat ng pagbabayad sa Dagdag na Singil sa Pag-antala na natatanggap ito sa ilalim ng Seksyong ito upang suportahan ang paglikha at/o pangangalaga ng abot-kayang pabahay sa loob ng kalahating milya ng isang Pangunahing Tigilan ng Paghahatid (“lugar ng TOC”), na ang priyoridad ay sa mga lugar ng TOC kung saan may ipinakitang pagbaba sa mga yunit na abot-kaya ng mga sambahayan ng Sukdulang Maliit, Lubhang Maliit, at/o Mas Maliit ang Kita. Ang paggamit ng mga pondo ng Dagdag na Singil sa Pag-antala ay dapat kabilang ang pero hindi limitado sa mga sumusunod:

Page 50: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

48TXT3-14-TA

(i) Pagtatamo at/o muling pamamagitan sa lupa, at/o pagtatamo, pagtatayo, rehabilitasyon, at/o pagtustos ng mga yunit ng pabahay ng isang Ipinagkakatiwalang Lupa ng Komunidad o di-nagtutubong entidad na gumagarantiya ng panghabang panahon na pagiging abot-kaya ng mga yunit na ito para sa Mga Sambahayan ng Sukdulang Maliit, Lubhang Maliit at/o Mas Maliit ang Kita o isang tadhana ng pagiging abot-kaya ng mga yunit na ito na may tagal na isang pinakamababang 55 taon.

(ii) Pagpopondo para sa proaktibong pagpapatupad ng Ordinansa sa Pagpapatatag ng Renta ng Lunsod.

(d) Nagpapatuloy na Pagiging Abot-kaya/Mga Pamantayan para sa Abot-kayang mga Yunit.

1. Lahat ng abot-kayang mga yunit ng paupahang pabahay na nilikha o tinamo alinsunod sa Seksyong ito ay dapat na napapailalim sa isang kasunduan sa pagiging abot-kaya na katanggap-tanggap sa Kagawaran ng Pabahay at Pamumuhunan ng Komunidad, at itinala sa Tagapagtala ng County ng Los Angeles, iginagarantiya ang pagpapatuoy na pagiging abot-kaya sa inaasintang grupo ng kita para sa hindi kukulangin sa 55 taon. Bilang karagdagan, kapag ang mga yunit ay tinamo at ibinigay alinsunod sa opsyon na Labas-ng-Lugar na Pagtatamo, ang Tagapagpaunlad at/o entidad na kumukuha ng pag-aari ng mga yunit ay dapat lumikha at magpatupad ng isang plano upang pigilan ang di-boluntaryong pagkawala ng lugar para sa mga kasalukuyang nangungupahan. Ang mga abot-kayang yunit na itinatadhana sa ilalim ng seksyong ito ay dapat na maikukumpara sa presyo ng mga yunit sa pamilihan sa Proyekto (o labas-ng-lugar na lokasyon sa kaso ng labas-ng-lugar ng abot-kayang mga yunit) sa uri ng yunit, bilang ng mga silid-tulugan kada yunit, kalidad ng panlabas na anyo, pagiging episyente sa enerhiya, at panlahat na kalidad ng konstruksyon.

2. Lahat ng ibinebentang yunit ng pabahay na nilikha alinsunod sa Seksyong ito ay dapat na napapailalim sa isang kasunduan sa pagiging abot-kaya na katanggap-tangap sa Kagawaran ng Pabahay at Pamumuhunan ng Los Angeles, at itinala sa Tagapagtala ng County ng Los Angeles, kaayon ng mga iniaatas sa ibinebenta ng Seksyon 65915(c)(2) ng Kodigo ng Pamahalaan ng California.

3. Ang isang mas matagal na takdang panahon ng pagiging abot-kaya ay maaaring iatas kung ang Proyekto ay tumatanggap ng isang pagtustos na nag-aatas ng mas matagal na takdang panahon ng pagiging abot-kaya. Kung ang mga kasunduan sa tagal ng pagiging abot-kaya na itinatadhana para sa subseksyong ito ay salungat sa anumang ibang iniaatas ng pamahalaan, ang pinakamatagal ang dapat kumontrol.

(e) Mga Insentibo sa Tagapagtayo. Bilang karagdagan sa hiniling na mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano, ang mga pagbabago sa sona at/o mga pagbabago ng distrito sa taas, ang isang Proyektong nagkakaloob ng abot-kayang pabahay na kaayon ng Seksyong ito ay dapat na karapat-dapat din sa tatlong insentibo o konsesyon na tinukoy sa Seksyon 65915(k) ng Kodigo ng Pamahalaan ng California o ng angkop na Insentibong Programa sa Abot-kayang pabahay.

(f) Pagproseso. Ang isang Proyektong nagkakaloob ng abot-kayang pabahay na kaayon ng Seksyong ito ay dapat na karapat-dapat sa pagrepaso at pagproseso ng Seksyon sa Pinabilis na Pagproseso ng Kagawaran ng Pagpaplano na nakalaan lamang sa mga karapatan sa pagproseso para sa mga naturang Proyekto na may hangaring pabilisin ang mga naturang Proyekto.

Page 51: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

49TXT3-15-TA

(g) Inaprobahan ng Konseho ng Lunsod ang mga pag-aakma sa mga itinabi sa abot-kayang pabahay na nakalagay dito. Ang Lunsod ay maaari, sa pamamagitan ng boto ng mayoriya ng Konseho ng Lunsod, na mag-akma ng mga porsiyento ng abot-kayang pabahay na nakalagay sa Seksyong ito pagkatapos magpakita ng matibay na ebidensiya na ang naturang mga pag-aakma ay kailangan upang palakihin hanggang maaari ang abot-kayang pabahay habang tinitiyak ang makatwirang pakinabang sa pamumuhunan para sa mga Tagapagpaunlad.

(h) Pagtalikdan/Pag-aakma. Sa kabila ng anumang ibang tadhana ng Seksyong ito, ang mga iniaatas ng Seksyong ito ay maaari lamang talikdan o iakma kung ang isang aplikante sa Proyekto ay nagpakita, batay sa matibay na ebidensiya, na ang pagsunod sa mga iniaatas nito ay magreresulta sa pagkakait sa aplikante ng mga karapatang iginagarantiya ng saligang-batas. Ang aplikante ay dapat magpasan ng paghaharap ng matibay na ebidensiya upang suportahan ang paghiling at maglagay nang detalyado ng batayan na mga katotohanan at pambatas para sa kahilingan, kabilang ang lahat ng sumusuportang teknikal na dokumentasyon.

Sa pagpapasiya kung ang isang aplikante ay nagharap ng matibay na ebidensiya upang suportahan ang kahilingan para sa pagtalikdan/pag-aakma, kung pagkatapos ng payong pambatas na ipinagkaloob o sa kahilingan ng Abugado ng Lunsod, ipinasiya na ang paggamit ng mga iniaatas sa Seksyong ito ay magkakaroon ng epekto ng isang labag sa saligang-batas na pagkuha ng ari-arian o labag sa saligang-batas na paggamit sa ari-arian, ang mga iniaatas ng Seksyong ito ay dapat lamang iakma o talikdan kung kailangan upang iwasan ang isang labag sa saligang batas na resulta. Kung ang isang pag-aakma o pagtalikdan ay igawad, anumang pagbabago sa paggamit sa loob ng proyekto ay dapat magpawalang-bisa sa pag-aakma o pagtalikdan. Kung ipinasiya na walang paglabag sa mga Saligang-Batas ng Estados Unidos o ng California na mangyayari sa pamamagitan ng paggamit ng Seksyong ito, ang mga iniaatas ng Seksyong ito ay mananatiling lubos na mapapairal.

(i) Lahat ng pagtatayo at gawaing konstruksyon sa proyekto ay gagawin sa lahat ng baitang ng mga kontratista na (a) lisensiyado ng Estado ng California at ng Lunsod ng Los Angeles; (b) dapat gumawa ng matapat na pagsisikap na tiyakin na hindi kukulangin sa 30% ng lahat ng oras ng kani-kanilang mga manggagawa sa konstruksyon ng kani-kanilang lakas paggawa ng Gawain sa Proyekto ay dapat gawin ng mga permanenteng residente ng Lunsod ng Los Angeles na ang hindi kukulangin sa 10% ng lahat ng oras ng mga manggagawa ng konstruksyon ng kani-kanilang lakas paggawa ng Gawain sa Proyekto ay dapat gawin ng mga Pansamantalang Manggagawa na ang pangunahing lugar na tirahan ay nasa loob ng isang 5-milyang radyus ng sakop na proyekto; (c) nagpapatrabaho sa mga manggagawa ng konstruksyon lamang na nagtataglay ng lahat ng lisensiya at sertipikasyon na iniaatas ng Estado ng California at ng Lunsod ng Los Angeles; (d) bayaran ang kanilang mga manggagawa sa konstruksyon na gumagawa ng gawain sa proyekto ng mga suweldong pangkaraniwan sa lugar ng proyekto; at (e) may hindi kukulangin sa 60% ng kani-kanilang lakas paggawa sa konstruksyon sa proyekto mula sa: (1) mga manggagawang nagtapos mula sa programang pagsasanay ng baguhang manggagawa ng Pinagsamang Pamamahala ng Paggawa na inaprobahan ng Estado ng California, o may hindi kukulangin sa kaparehong mga oras ng karanasan sa trabaho sa angkop na hanapbuhay na iaatas upang magtapos mula sa naturang inaprobahan-ng-estado na programang pagsasanay ng baguhang manggagawa, at (2) nakarehistrong pagsasanay ng baguhang manggagawa sa programang pagsasanay ng baguhang manggagawa na inaprobahan ng Estado ng California o isang labas-ng-estado, pederal na inaprobahang programang pagsasanay ng baguhang manggagawa. Ang Kagawaran ng mga Pampublikong Gawain, Kawanihan ng Pangangasiwa ng Kontrata, ay dapat magpasan ng mga responsibilidad na pampangasiwaan para sa mga pamantayan sa paggawa na iniaatas ng subseksyong ito.

Page 52: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

50TXT3-16-TA

(j) Mga Kahulugan.

“Nanganganib na Abot-kayang Yunit” ay dapat mangahulungang anumang pantahanang yunit na tirahan na tumatanggap ng tulong ng pamahalaan sa ilalim ng itinagubiling pederal, Pang-estado, at /o lokal na mga programa, o anumang kombinasyon ng tulong sa pag-upa at karapat-dapat na ilipat sa presyo ng pamilihan dahil sa pagtatapos (pagpiling lumabas) ng isang kontrata sa pagtustos sa renta, maagang pagbabayad ng isang tinustusang sangla, o pagtatapos ng mga kabawalan sa pag-upa. Ang mga programang pagtulong kabilang ang, pero hindi limitado sa, Mga Butser sa Pagpili ng Pabahay [dating Seksyon 8], nakabase-sa-proyekto na tulong sa pag-upa, mga programang tinustusang sangla, (halimbawa, FHA), o matatapos nang mga kabawalan sa renta/kasulatan sa pamamagitan ng paggamit ng mga programa ng Estado o lokal na pagpopondo, kabilang ang Mga Kasunduan ng Ahensiya ng Muling Pagpapaunlad ng Komunidad.

“Ipinagkakatiwalang Lupa ng Komunidad” ay dapat mangahulugan ng isang di-nagtutubong korporasyon sa California na: (1) walang bahagi ng netong kita nito na nagkakabisa sa benepisyo ng sinumang miyembro, tagapagtatag, tagaambag, o indibidiwal; (2) hindi alinmang inisponor ng, kinokontrol ng, o nasa ilalim ng direksiyon ng isang nagtutubong organisasyon; (3) may pagkamiyembrong pangkorporasyon ng mga residenteng may sapat na gulang ng isang partikular na heograpikong lugar gaya ng inilarawan sa mga alintuning-panloob ng korporasyon; (4) may isang lupon ng mga direktor na: (A) kabilang ang isang mayoriya ng mga miyembro na inihahalal ng mga miyembrong pangkorporasyon; (B) kabilang ang pagkatawan ng mga tao nagookupa a/o umuupa sa anumang mga pagpapahusay na pang-istruktura sa lupa; at (C) kabilang ang pagkatawan ng mga taong naninirahan sa loob ng heograpikong lugar na tinukoy sa alintuntuning-panloob ng korporasyon na hindi umuupa ng lupa mula sa korporasyon at hindi rin umookupa ng mga pagpapahusay na pang-istruktura na kinokontrol ng korporasyon; (5) nagtatamo at nagpapanatili ng mga parsela ng lupa, unang-una para sa pagdadala sa ilalim ng pangmatagalang mga pag-upa sa lupa; (6) naglilipat ng pagmamay-ari ng marami o lahat ng mga pagpapahusay na pang-istruktura na matatagpuan sa naturang inuupahang mga parsela para sa umuupa; at (7) nagpapanatili ng pang-unang opsyon na bilhin ang naturang mga pagpapahusay na pang-istruktura sa isang presyong ipinasiya sa pamamagitan ng pormula na idinisenyo upang tiyakin na ang mga pagpapahusay ay namamalaging abot-kaya ng mga sambahayang maliit at katamtaman ang kita nang panghabang panahon.

“Tagapagtayo” ay dapat mangahulugang ang may-ari ng Proyekto at, kung iba sa may-ari, sinumang tao, kompanya, sosyohan, kapisanan, magkasamang pakikipagsapalaran, korporasyon, o anumang entidad o kombinasyon ng mga entidad na nagtatayo o nagtutulak ng pagtatayo ng proyektong pantahanang pabahay at, kung angkop, nagkakaloob ng labas-ng-lugar na mga abot-kayang yunit, kasama ng kanilang mga kapalit at itinalaga, pero hindi kabilang ang isang tagapagpautang, anumang entidad ng pamahalaan o ang pangkalahatang kontratista na nagtatrabaho para sa tagapagpaunlad.

“Lugar na Mahirap ang Kabuhayan” ay nangangahulugang isang kodigo postal na kabilang ang isang tract ng sensus o bahagi nito kung saan ang panggitnang taunang kita ng sambahayan ay mas mababa kaysa $40,000 kada taon, gaya ng sinukat at iniulat ng Kawanihan ng Sensus noong 2010 na Sensus ng U.S at gaya ng isinapanahon ng mga partido sa Kawanihan ng Sensus ng U.S. na nag-isyu ng isinapanahong mga datos ng Taunang Kita ng Panggitnang Sambahayan sa pamamagitan ng tract ng sensus sa Pagtatanong sa Amerikanong Komunidad.

“Lugar na Sukdulang Mahirap ang Kabuhayan” ay nangangahulugang isang kodigo postal na kabilang ang isang tract ng sensus o bahagi nito kung saan ang panggitnang taunang kita ng sambahayan ay mas mababa kaysa $32,000 kada taon, gaya ng sinukat at iniulat ng Kawanihan ng Sensus noong 2010 na Sensus ng U.S at gaya ng isinapanahon ng mga partido sa Kawanihan ng Sensus ng U.S. na nag-isyu ng isinapanahong mga datos ng Taunang Kita ng Panggitnang Sambahayan sa pamamagitan ng tract ng sensus sa Pagtatanong sa Amerikanong Komunidad.

Page 53: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

51TXT3-17-TA

“Mga Sambahayang Sukdulang Maliit ang Kita” ay binigyang-kahulugan sa Seksyon 50106 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan.

“Mga Sambahayang Mas Maliit ang Kita” ay binigyang-kahulugan sa Seksyon 50079.5 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan.

“Proyekto” ay dapat mangahulugang ang konstruksyon, pagtatayo, pagbabago ng, o pagdagdag sa isang istruktura. Ang katawagang Proyekto ay hindi dapat kabilang ang panloob o panlabas na mga pagpapahusay na hindi magtataas ng sukat ng sahig nang higit sa kasalukuyang istruktura, at hindi dapat mangahulugan ng anumang konstruksyon na ang isang permiso sa pagtatayo o permiso sa paggiba ay iniaatas upang sumunod sa isang utos na inisyu ng Kagawaran ng Pagtatayo at Kaligtasan upang kumpunihin, tanggalin, o gibain ang isang di-ligtas o mababa sa pamantayan ng kalagayan, o upang muling itayo bilang resulta ng pagkasira ng sunog, lindol o likas na kalamidad, sa kondisyon na ang pagpapaunlad ay hindi ipinagbabawal ng anumang tadhana ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles at ang pagpapaunlad ay hindi nagtataas ng kuwadradong talampakan nang higit sa dating naroon sa lugar.

“Pamalit na Yunit” ay dapat mangahulugang anumang yunit na mangangailangan ng pagpapalit alinsunod sa Seksyon 65915(c)(3) ng Kodigo ng Pamahalaan ng California kung ang Proyekto ay naghahangad ng bonus na densidad.

“Pansamantalang Manggagawa” ay nangangahulugang isang indibidwal na, sa panahon ng pagsisimula ng trabaho sa proyekto, ay naninirahan sa isang Lugar na Mahirap ang Kabuhayan o Lugar na Sukdulang Mahirap ang Kabuhayan at humaharap sa hindi kukulangin sa dalawa sa mga sumusunod na hadlang sa pagtatrabaho: (1) pagiging walang tahanan; (2) pagiging solong magulang na tagapag-ingat (3) tumatanggap ng pampublikong tulong; (4) kawalan ng isang GED o diploma sa mataas na paaralan; (5) pagkakaroon ng isang rekord na pangkrimen o ibang paglahok sa sistema ng hustisyang pangkrimen; (6) dumaranas ng patuloy na kawalan ng trabaho; (7) lumaya mula sa sistema ng pagtangkilik na pangangalaga; (8) pagiging isang beterano; o (9) pagiging isang sinasanay na baguhang manggagawa na may mas mababa kaysa 15% ng mga oras ng pagsasanay na iniaatas upang magtapos patungo sa antas ng pagtatalaga sa isang programa.

“Mga Sambahayang Maliit ang Kita” ay binigyang-kahulugan sa Seksyon 50105 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan.

B. Seksyon 5.522 ng Kodigong Pampangasiwaan ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng ga sumusunod:

Sek. 5.522. Paglikha at Pangangasiwa ng Ipinagkakatiwalang Pondo ng Abot-kayang Pabahay.

(a) Sa pamamagitan nito ay nililikha at itinatatag sa loob ng Tesorerya ng Lunsod ng Los Angeles ang isang espesyal na pondo na makikilala bilang ang Ipinagkakatiwalang Pondo ng Abot-kayang Pabahay ng Lunsod ng Los Angeles (ang Pondo) para sa mga layuning tumanggap at mamahagi ng mga pera upang tugunan ang mga pangangailangan ng abot-kayang pabahay ng Lunsod ng Los Angeles. Bilang karagdagan sa unang deposito ng mga pondo, ang Alkalde at ang Konseho ng Lunsod ay maaaring magtatag ng karagdagang mga pinagkukunan ng kita at angkop na mga pondo para ideposito sa Pondo pana-panahon. Ang isang halagang kapantay ng 25% ng una at patuloy na netong kitang nauukol sa buwis sa negosyo ng 2001 at programang amnestiya sa buwis sa gastos sa pasahod at ang una at patuloy na netong kita na

Page 54: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

52TXT3-18-TA

nauukol sa programang kita na sinimulan alinsunod sa impormasyong nakuha bilang resulta ng pagpapatibay ng Seksyon 1955.1 (AB 63) ng Kodigo sa Kita at Pagbubuwis na natanggap sa angkop na panahon ng pag-uulat ay dapat ilaan sa Pondo at dapat ilipat ng Kontroler mula sa Pangkalatang Pondo patungo sa Pondo. Ang Pondo ay dapat pangasiwaan ng HCID.

(b) Ang pera mula sa Pondo ay dapat lamang gastahin sa loob ng mga hangganan ng Lunsod ng Los Angeles, alinsunod sa mga patnubay (ang “Mga Patnubay”) na ipinatutupad para sa layuning ito ng Kagawaran ng Pabahay at Pamumuhunan sa Komunidad (“HCID”). Ang Mga Patnubay ay dapat magpahintulot ng mga paggasta mula sa Kuwenta ng Paggawa ng Paupahang Bahay, gaya ng itinatag ng Kabanata I, Artikulo 2.9 ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles at ng Pondo ng Pagtustos sa Munisipal na Pabahay, Kabanata 6, Artikulo 4.5 ng Kodigong Pampangasiwaan ng Los Angeles. Ang Mga Patnubay at anumang mga susog dito ay dapat aprobahan ng Konseho ng Lunsod.

(c) Ang pera sa kuwentang ito ay dapat gamitin nang eksklusibo para sa mga pangangailangan ng pabahay ng Lunsod, para sa pagbuo at pangangalaga ng abot-kayang pabahay at ibang mga aktibidad ng pabahay kung paano ang katawagang iyon ay binigyang-kahulugan sa Mga Patnubay. Ang mga naturang aktibidad ay dapat kabilang ang mga pautang at gawad, kabilang ang pero hindi limitado sa:

(1) Mga aktibidad ng mga kuwalipikadong entidad upang magkaloob ng abot-kayang pabahay;

(2) Mga aktibidad bago ang pagpapaunlad, pagtatamo, pagpapaunlad, bagong konstruksyon, rehabilitasyon at/o pagpapanumbalik ng pagpapaupa at/o pagmamay-ari ng abot-kayang pabahay sa Lunsod ng Los Angeles;

(3) Anumang ibang aktibidad na tumutulong sa nadagdagang panustos na disente, ligtas at malinis na abot-kayang pabahay sa Lunsod ng Los Angeles.

(d) Lahat ng pera sa Pondo ay dapat hawakan nang nakahiwalay sa lahat ng ibang mga pondong ginagasta ng HCID. Lahat ng perang ipinautang mula sa Pondo ay dapat bayaran sa Pondo alinsunod sa mga tadhana ng pautang. Ang binayarang prinsipal at interes ay dapat ilagay sa Pondo.

(e) Anumang mga regalo, kontribusyon o ibang perang natanggap para sa ipinahayag na mga layunin ng Pondo ay dapat ilagay sa Pondo. Lahat ng kita sa interes na natitipon sa pera sa Pondo ay dapat maging bahagi ng Pondo. Ang pera sa Pondo ay hindi dapat bumalik sa Reserbang Pondo ng Lunsod.

(f) Ang Pangkalahatang Tagapamahala ng HCID o kanyang itinalaga ay dapat gumawa ng mga rekomendasyon sa Konseho ng Lunsod para sa mga paggasta mula sa Pondo. Walang paggastang maaaring gawin mula sa Pondo nang walang naunang pag-aproba ng Alkalde at Konseho ng Lunsod, maliban kung ipinahintulot sa ibang paraan ng Mga Patnubay.

(g) Ang mga tadhana ng Seksyong ito ay sinususpinde sa panahon ng taon ng pananalapi na mula ika-1 ng Hulyo, 2009 hanggang ika-30 ng Hunyo, 2010.

Page 55: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

53TXT3-19-TA

(h) Lahat ng pagtatayo at gawaing konstruksyon sa proyekto, sa lawak na pinahihintulutan ng batas ay gagawin sa lahat ng baitang ng mga kontratista na (a) lisensiyado ng Estado ng California at ng Lunsod ng Los Angeles; (b) dapat gumawa ng matapat na pagsisikap na tiyakin na hindi kukulangin sa 30% ng lahat ng oras ng kani-kanilang mga manggagawa sa kontruksiyon ng kanilang lakas paggawa ng Gawain sa Proyekto ay dapat gawin ng mga permanenteng residente ng Lunsod ng Los Angeles na ang hindi kukulangin sa 10% ng lahat ng oras ng mga manggagawa ng konstruksyon ng kani-kanilang lakas paggawa ng Gawain sa Proyekto ay dapat gawin ng mga Pansamantalang Manggagawa na ang pangunahing lugar na tirahan ay nasa loob ng isang 5-milyang radyus ng sakop ng proyekto; (c) nagpapatrabaho ng mga manggagawa ng konstruksyon lamang na nagtataglay ng lahat ng lisensiya at sertipikasyon na iniaatas ng Estado ng California at ng Lunsod ng Los Angeles; (d) binabayaran ang kanilang mga manggagawa sa konstruksyon na gumagawa ng gawain sa proyekto ng mga suweldong namamayani sa lugar ng proyekto na ipinasiya alinsunod sa § 1770 Kodigo sa Paggawa ng California; at (e) may hindi kukulangin sa 60% ng kani-kanilang lakas paggawa sa konstruksyon sa proyekto mula sa: (1) mga manggagagwang nagtapos mula sa programang pagsasanay ng baguhang manggagawa ng Pinagsamang Pamamahala ng Paggawa na inaprobahan ng Estado ng California, o may hindi kukulangin sa kaparehong mga oras ng karanasan sa trabaho sa angkop na hanapbahay na iaatas upang magtapos mula sa naturang inaprobahan-ng-estado na programang pagsasanay ng baguhang manggagawa, at (2) nakarehistrong pagsasanay ng baguhang manggagawa sa programang pagsasanay ng baguhang manggagawa na inaprobahan ng Estado ng California o isang labas-ng-estado, pederal na inaprobahang programang pagsasanay ng baguhang manggagawa. Para sa mga layunin ng subseksyong ito ang mga sumusunod na katawagan ay may mga kahulugang ipinakikita:

“Pansamantalang Manggagawa” ay nangangahulugang isang indibidwal na, sa panahon ng pagsisimula ng trabaho sa proyekto, ay naninirahan sa isang Lugar na Mahirap ang Kabuhayan o Lugar na Sukdulang Mahirap ang Kabuhayan at humaharap sa hindi kukulangin sa dalawa sa mga sumusunod na hadlang sa pagtatrabaho: (1) pagiging walang tahanan; (2) pagiging solong magulang na tagapag-ingat (3) tumatanggap ng pampublikong tulong; (4) kawalan ng isang GED o diploma sa mataas na paaralan; (5) pagkakaroon ng isang rekord na pangkrimen o ibang paglahok sa sistema ng hustisyang pangkrimen; (6) dumaranas ng patuloy na kawalan ng trabaho; (7) lumaya mula sa sistema ng pagtangkilik na pangangalaga; (8) pagiging isang beterano; o (9) pagiging isang sinasanay na baguhang manggagawa na may mas mababa kaysa 15% ng mga oras ng pagsasanay na iniaatas upang magtapos patungo sa antas ng pagtatalaga sa isang programa.

“Lugar na Mahirap ang Kabuhayan” ay nangangahulugang isang kodigo postal na kabilang ang isang tract ng sensus o bahagi nito kung saan ang panggitnang taunang kita ng sambahayan ay mas mababa kaysa $40,000 kada taon, gaya ng sinukat at iniulat ng Kawanihan ng Sensus noong 2010 na Sensus ng U.S at gaya ng isinapanahon ng mga partido sa Kawanihan ng Sensus ng U.S. na nag-isyu ng isinapanahong mga datos ng Taunang Kita ng Panggitnang Sambahayan sa pamamagitan ng tract ng sensus sa Pagtatanong sa Amerikanong Komunidad.

“Lugar na Sukdulang Mahirap ang Kabuhayan” ay nangangahulugang isang kodigo postal na kabilang ang isang tract ng sensus o bahagi nito kung saan ang panggitnang taunang kita ng sambahayan ay mas mababa kaysa $32,000 kada taon, gaya ng sinukat at iniulat ng Kawanihan ng Sensus noong 2010 na Sensus ng U.S at gaya ng isinapanahon ng mga partido sa Kawanihan ng Sesnus ng U.S. na nag-isyu ng isinapanahong mga dataos ng Taunang Kita ng Panggitnang Sambahayan sa pamamagitan ng tract ng sensus sa Pagtatanong sa Amerikanong Komunidad.

Ang Kagawaran ng mga Pampublikong Gawain, Kawanihan ng Pangangasiwa ng Kontrata, ay dapat magpasan ng mga responsibilidad na pampangasiwaan para sa mga pamantayan sa paggawa na iniaatas ng subseksyong ito. Ang mga iniaatas ng subseksyong ito, maliban sa sugnay (d) na nauukol sa mga suweldo, ay hindi dapat pairalin sa mga pagtatayo ng abot-kayang

Page 56: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

54TXT3-20-TA

pabahay na 25 yunit o mas kaunti kung saan ang lahat ng yunit sa pagtatayo maliban sa mga yunit ng tagapamahala ay magiging abot-kaya at ookupahan ng mga sambahayang -Mas Maliit ang Kita (gaya ng binigyang-kahulugan sa Seksyon 50079.5 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan). Ang mga iniaatas ng subseksyong ito maliban sa sugnay (d) na nauukol sa mga suweldo, ay hindi dapat pairalin sa mga pagtatayo na binigyan ng mga liham ng gawad para sa pang-estado at/o lokal na pagpopondo, na dapat kabilang ang mga liham ng gawad na inisyu ng Ipinagkakatiwalang Pondo ng Abot-kayang Pabahay ng Lunsod ng Los Angeles, bago ang ika-30 ng Nobyembre, 2016.

Taun-taon, ang Kagawaran ng Pabahay at Pamumuhunan sa Komunidad ay dapat magtipon ng mga datos, kabilang ang pero hindi limitado sa bilang at sukat ng mga pagtatayo ng abot-kayang pabahay at bilang ng abot-kayang mga yunit na nalikha. Ang Lunsod ay maaari, sa pamamagitan ng boto ng mayoriya ng Konseho ng Lunsod, na mag-akma ng mga pamantayan sa paggawa na iniaatas ng subseksyong ito, maliban sa sugnay (d) na nauukol sa mga suweldo, para sa mga pagtatayo ng abot-kayang pabahay sa pagitan ng 26 hanggang 50 yunit na pagtatayo maliban sa mga yunit ng mga tagapamahala ay magiging abot-kaya ng at ookupahan ng mga sambahayan na Mas Maliit ang Kita (gaya ng binigyang-kahulugan sa Seksyon 50079.5 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan), kung mangyayari, sa panahon ng taon ng kalendaryo simula sa ika-1 ng Enero, 2020, pagkatapos lamang na ipakita ang isang matibay na ebidensiya, na dapat kabilang ang teknikal na dokumentasyon at isang detalyadong katotohanan at pambatas na batayan, na ang naturang mga pag-aakma ay kailangan upang palakihin hanggang maaari ang paglikha ng abot-kayang pabahay na may mahuhusay, para sa konstruksyon na mga trabaho na nagbabayad ng mga suweldo alinsunod sa sugnay (d).

Sek. 6. Latag ng Abot-kayang Pabahay sa mga Komunidad ng Maraming Paghahatid.

Ang Subseksyon A ng Seksyon 12.22 ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles ay sinususugan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang bagong Subdibisyon 31 upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

31. Insentibong Programa sa Abot-kayang Pabahay sa mga Komunidad na Maraming Paghahatid.

(a) Paggamit ng Insentibong Programa sa Abot-kayang Pabahay na TOC. Itong Insentibong Programa sa Abot-kayang Pabahay sa mga Komunidad na Maraming Paghahatid, at ang mga tadhanang napapaloob sa Mga Patnubay sa Insentibong Programa sa Abot-kayang Pabahay sa TOC, ay dapat pairalin sa lahat ng mga Pagtatayo ng Pabahay na matatagpuan sa loob ng kalahating milyang radyus ng isang Pangunahing Tigilan ng Paghahatid, gaya ng binigyang-kahulugan sa subdibisyon (b) ng Seksyon 21155 ng Kodigo sa mga Pampublikong Tagapagdulot ng California. Bawat kalahating milyang radyus sa paligid ng isang Pangunahing Tigilan ng Paghahatid ay dapat bumuo ng isang natatanging Lugar ng Insentibong Programa sa Abot-kayang Pabahay sa mga Komunidad na Maraming Paghahatid.

(b) Paghahanda at Nilalaman ng Mga Patnubay ng Insentibo sa TOC. Sa loob ng 90 araw ng pagpapatibay ng Ordinansang ito, ang Direktor ng Pagpaplano ay dapat maghanda ng Mga Patnubay sa Insentibong Programa sa Abot-kayang Pabahay sa TOC (“Mga Patnubay sa TOCs”) na nagkakaloob ng mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat, mga insentibo, at ibang kailangang mga sangkap nitong Insentibong Programa sa TOC na inilarawan dito. Wala sa Mga Patnubay sa TOC na dapat magbawal sa anumang karapatang ipinahintulot sa napapailalim na sona o distrito ng taas. Ang Mga Patnubay sa TOC ay dapat isulat na kaayon ng mga layunin ng Subdibisyong ito at dapat kasama ang mga sumusunod:

Page 57: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

55TXT3-21-TA

(1) Pagiging karapat-dapat para sa mga insentibo sa TOC. Ang isang Pagtatayo ng Pabahay na matatagpuan sa loob ng isang Lugar ng Insentibo sa Abot-kayang Pabahay sa TOC ay dapat na karapat-dapat para sa mga Insentibo sa TOC kung ito ay nagkakaloob ng pinakamababang iniaatas na mga porsiyento ng Loob-ng-Lugar na Natatakdang Abot-kayang mga Yunit, nakatutugon sa anumang angkop na mga iniaatas na pamalit ng Seksyon 65915(c) (3) ng Kodigo ng Pamahalaan ng California, at hindi naghahangad at tumatanggap ng isang bonus sa densidad at pagtatayo sa ilalim ng mga tadhana ng Seksyon 65915 ng Kodigo ng Pamahalaan ng California o anumang ibang Pang-estado o lokal na programa na nagkakaloob ng mga bonus sa pagtatayo. Pinakamababang iniaatas na mga porsiyento ng Loob-ng-Lugar na Natatakdang Abot-kayang mga Yunit ay dapat ipasiya ng Kagawaran ng Pagpaplano ng Lunsod at nakalagay sa Mga Patnubay sa TOC sa mga antas na natutugunan o humihigit sa 11% ng kabuuang bilang ng mga yunit na tirahan na abot-kaya ng mga sambahayan na Lubhang Maliit ang Kita; o 20% ng kabuuang bilang ng mga yunit na tirahan na abot-kaya ng mga sambahayan na Mas Maliit ang Kita. Ang Kagawaran ng Pagpaplano ng Lunsod ay dapat ding magtatag ng isang opsyon para maging kuwalipikado ang isang Tagapagtayo para sa Mga Insentibo sa TOC sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pinakamababang porsiyento ng mga yunit para sa mga Sambahayan na Sukdulang Maliit ang Kita, na dapat na nakatakda sa hindi mas mababa kaysa 7%. Sa pagkuwenta ng iniaatas sa Tinatakdaang Abot-kayang mga Yunit, ang porsiyento ay dapat ibatay sa kabuuang pangwakas na bilang ng yunit ng proyekto, at anumang bilang na nagresulta sa isang maliit na bahagi ay dapat buuin sa susunod na buong numero. Sa paglikha ng Mga Patnubay sa TOC, ang Kagawaran ng Pagpaplano ng Lunsod ay dapat tumukoy ng mga insentibo para sa mga proyektong sumusunod sa mga pamantayan ng paggawa na iniaatas sa Seksyon 5 ng Ordinansang ito sa kondisyon, na walang naturang mga insentibo na lilikhain na may epekto ng pagpapawalang-saysay sa mga insentibo sa abot-kayang pabahay na nakapaloob dito o sa Seksyon 65915 Kodigo ng Pamahalaan.

(2) Mga Insentibo sa TOC. Ang isang Karapat-dapat na Pagtatayo ng Pabahay ay dapat gawaran ng Mga Insentibo sa TOC, gaya ng ipinasiya ng Kagawaran ng Pagpaplano ng Lunsod na kaayon ng mga sumusunod:

(i) Pagtaas ng Densidad na Pantahanan. Ang isang Karapat-dapat na Pagtatayo ng Pabahay ay dapat gawaran ng karagdagang densidad na pantahanan sa mga antas na dapat tumugon o humigit sa isang 35% pagtaas. Sa pagtatatag ng mga nakalaang densidad, ang Kagawaran ng Pagpaplano ng Lunsod ay maaaring magpahintulot ng mga pag-aakma sa pinakamababang kuwadradong talampakan kada yunit ng tirahan, proporsiyon ng sukat ng sahig, o pareho, at maaaring magpahintulot ng magkakaibang antas ng pagtaas ng densidad depende sa batayang sona at densidad ng Proyekto.

(ii) Paradahan. Ang isang Karapat-dapat na Pagtatayo ng Pabahay ay dapat gawaran ng mga pagbawas sa paradahan na kaayon ng Seksyon 65915(p) ng Kodigo ng Pamahalaan ng California.

(iii) Mga Insentibo at Konsesyon. Ang isang Karapat-dapat na Pagtatayo ng Pabahay ay maaaring gawaran ng hanggang dalawa o tatlong insentibo o konsesyon batay sa mga iniaatas na nakalagay sa Seksyon 65915(d)(2) ng Kodigo ng Pamahalaan ng California.

Page 58: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

56TXT3-22-TA

(c) Pag-aproba ng Mga Patnubay sa TOC at mga Insentibo. Ang Komisyon sa Pagpaplano ng Lunsod ay dapat magrepaso ng Mga Patnubay sa TOC at dapat gumawa ng rekomendasyon sa pamamagitan ng boto upang pagtibayin o tanggihan ang Mga Patnubay sa TOC.

(d) Proseso para sa pagbabago ng Mga Insentibo sa TOC at Pagiging Karapat-dapat. Ang mga Insentibo sa TOC at ang iniaatas na mga porsiyento para sa Loob-ng-Lugar na Natatakdang Abot-kayang mga Yunit ay maaaring iakma para sa isang indibidiwal na Lugar ng Insentibo sa Abot-kayang Pabahay sa TOC sa pamamagitan ng isang pagsasapanahon ng Plano sa Komunidad, Plano sa Paghahatid ng Kapitbahayan, o Ispesipikong Plano, sa kondisyon na ang iniaatas na mga porsiyento para sa iniaatas na mga porsiyento para sa Loob-ng-Lugar na Natatakdang Abot-kayang mga Yunit ay hindi maaaring bawasan ng mas mababa kaysa mga porsiyentong nakalagay sa subdibisyon (b).

(e) Mga Pamamaraan. Ang aplikasyon para sa Mga Insentibo sa TOC ay dapat gawin sa isang anyong ipinagkakaloob ng Kagawaran ng Pagpaplano ng Lunsod, at dapat sumunod sa mga pamamaraang nakabalangkas sa Seksyon 12.22.A.25(g) ng Kodigong Munisipal ng Los Angeles.

(f) Kasunduan. Bago ang pag-isyu ng isang permiso sa pagtatayo upang lumikha ng isang Pagtatayo ng Pabahay, ang mga sumusunod ay dapat pairalin:

(1) Para sa anumang Pagtatayo ng Pabahay na kuwalipikado para sa Insentbo sa TOC na nagtataglay ng paupahang pabahay para sa mga sambahayan na Sukdulang Maliit, Lubhang Maliit, Mas Maliit ang Kita, isang kasunduan na katanggap-tanggap sa Kagawaran ng Pabahay at Pamumuhunan sa Komunidad ng Los Angeles ay dapat itala sa Tagapagtala ng County ng Los Angeles, iginagarantiya na ang pamantayan sa pagiging abot-kaya ay susundin para sa 55 taon o mas matagal.

(2) Para sa alinmang Pagtatayo ng Pabahay na kuwalipikado sa isang Insentibo sa TOC na nagtataglay na ibinebentang pabahay, isang kasunduan na tinatanggap ng Kagawaran sa Pabahay at Pamuhunan sa Komunidad at kaayon ng mga iniaatas sa ibinebenta ng Seksyon 65915(c)(2) ng Kodigo ng Pamahalaan ng California ay dapat itala sa Tagapagtala ng County ng Los Angeles.

(3) Kung ang mga kasunduan sa tagal ng pagiging abot-kaya na itinatadhana para sa subseksyong ito ay salungat sa anumang ibang iniaatas ng pamahalaan, ang pinakamatagal ang dapat kumontrol.

(g) Mga Kahulugan.

“Karapat-dapat na Pagtatayo ng Pabahay” ay dapat mangahulugang isang Pagtatayo ng Pabahay na kabilang ang Loob-ng-Lugar na Natatakdang mga Abot-kayang Yunit sa isang antas na nakatutugon o humihigit sa pinakamababang mga iniaatas upang tugunan ang mga insentibo sa TOC, gaya ng ipinasiya ng Kagawaran ng Pagpaplano ng Lunsod at gaya ng nakalagay sa talataan (b)(1) sa itaas.

Page 59: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

57TXT3-23-TA

“Mga Sambahayang Sukdulang Maliit ang Kita” ay binigyang-kahulugan sa Seksyon 50106 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan.

“Pagtatayo ng Pabahay” ay dapat mangahulugang ang konstruksyon ng lima o higit na mga bagong pantahanang yunit ng tirahan, ang pagdagdag ng lima o higit na pantahanang yunit ng tirahan sa isang kasalukuyang gusali o mga gusali, ang pagbabago ng isang gusali o mga gusali na nagtataglay ng lima o higit na mga yunit na tirahan, o isang magkahalong paggamit ng pagtatayo na nagtataglay na mga pantahanang yunit na tirahan.

“Mga Sambahayang Mas Maliit ang Kita” ay binigyang-kahulugan sa Seksyon 50079.5 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan.

“Loob-ng-Lugar na Natatakdaang Yunit” ay dapat mangahulugan na isang pantahanang yunit na ang mga halaga ng upa o sangla ay tinatakdaan upang maging abot-kaya at inookupahan ng mga sambahayang Sukdulang Maliit, Lubhang Maliit, o Mas Maliit ang kita, gaya ng ipinasiya ng Kagawaran ng Pabahay at Pamumuhunan sa Komunidad.

“Mga Sambahayang Maliit ang Kita” ay binigyang-kahulugan sa Seksyon 50105 ng Kodigo sa Kalusugan at Kaligtasan.

Sek. 7. Pagpapatupad.

Sinumang naagrabyadong tao o residente ng Lunsod ng Los Angeles ay dapat magkaroon ng karapatang panatilihin ang isang aksyon para sa pantay na tulong upang pigilan ang paglabag sa Ordinansang ito, o kabiguan ng Lunsod na ipatupad ang mga tungkuling ipinataw dito ng Ordinansang ito. Ang mga tadhana ng Batas na ito ay dapat ipakahulugan nang liberal upang maipatupad ang hangarin at mga layunin nito. Ang isang komite ng ng pinagsamang pamamahala ng Paggawa na itinatag alinsunod sa pederal na Batas ng 1978 sa Pakikipagtulungan ng Pamamahala ng Paggawa (29 U.S.C. Seksyon 175a) ay maaaring magdala ng isang aksyon sa anumang hukuman ng may-kakayahang hurisdiksiyon laban sa isang tagapag-empleyo na nabigong magbayad ng namamayaning suweldo sa mga empleyado nito gaya ng iniaatas ng Ordinansang ito.

Sek. 8. Kaugnayan sa Ibang mga Batas.

Lahat ng tadhana ng Ordinansang ito ay idinedeklara ng mga tao sa pamamagitan nito na tuwiran at hindi maaayos na salungat sa lahat ng tadhana ng anumang ibang inisyatibong panukala sa paksa ng pagpapaunlad, sa Pangkalahatang Plano, mga lugar ng pagpaplano, mga pag-aproba sa proyektong pagpapaunlad, mga permiso sa pagtatayo o paggiba, pagtigil ng pagtatayo, paradahan, abot-kayang pabahay o mga suweldo para sa gawaing kontruksiyon at dapat pawalang-saysay ang mga tadhana ng anumang naturang inisyatibo, kung ang isang mayoriya ng mga botante ay bumoto nang panig sa parehong panukala pero ang panukalang ito ay tumanggap ng mas maraming boto kaysa ibang inisyatibo. Ang mga tao ay nagdedeklara sa pamamagitan nito na hindi sila naghahangad ng ibang mga pagbabago sa mga kasalukuyang batas na nauukol sa pagtatayo na dapat gawin ng inisyatibo maliban sa mga nasa Ordinansa. Ang mga tao ay malinaw na nagdedeklara na ang anumang limitasyon sa mga pagsusog sa Pangkalahatang Plano, mga pagbabago sa sona, o mga pagbabago ng distrito sa taas, na pinagtibay sa pamamagitan ng ordinansa o inisyatibong balota ay:

Page 60: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

58TXT3-24-TA

(a) Hindi dapat humadlang sa kakayahan ng Lunsod na aprobahan ang bonus na densidad alinsunod sa Seksyon 65915 ng Kodigo ng Pamahalaan at LAMC 12.22.A.25 at/o ang mga insentibo at konsesyon at mga proporsiyon ng pagparada ng sasakyan na tinukoy dito.

(b) Hindi dapat humadlang sa kakayahan ng Lunsod na aprobahan ang isang Proyekto na nakatutugon sa mga iniaatas na nakapaloob sa Seksyon 5 ng Inisyatibong Magtayo ng Mas Mahusay na LA.

Sek. 9. Petsa ng Pagpapatibay at mga Petsa ng Pagkakabisa.

Kung aprobahan ng Konseho ng Lunsod ang panukalang ito, o kung ipasa ang Ordinansang ito ng isang mayoriya ng mga botante, ito ay dapat maging isang balidong pagpapatibay ng Lunsod, may-bisa sa Konseho ng Lunsod at lahat ng ibang mga opisyal ng Lunsod, sa pinakamaagang petsa na ipinahihintulot ng batas.

Sek. 10. Mga Pagsusog sa Hinaharap.

Ang bawat tadhana ng Ordinansang ito ay dapat manatiling may buong puwersa at epekto sa 10 taon mula sa petsa ng pagkakabisa ng Ordinansa, maliban kung susugan o pawalang-bisa ng isang boto ng mga tao. Ang Konseho ng Lunsod ng Lunsod ng Los Angeles ay maaaring muling magpatibay ng lahat ng katulad na tadhana, nang walang pagsusog, kasunod ng pagtatapos ng 10 taon mula sa petsa ng pagkakabisa ng Ordinansang ito para sa dalawang magkasunod na panahon na limang taon sa bawat isa pero kung walang naturang aksyon, lahat ng naturang tadhana ay dapat na awtomatikong matapos at dapat na wala nang higit pang puwersa at epekto sa kondisyon na anumang proyektong inaprobahan sa ilalim ng mga tadhana ng Ordinansang ito bago ang pagtatapos nito ay dapat pahintulutan na magpatuloy gaya ng iniaprobahan.

Sek. 11. Kakayahang Ihiwalay.

Ang Batas na ito ay dapat bigyang-kahulugan na kaayon ng lahat ng pederal, pang-estado at lokal na mga batas, tuntunin at regulasyon. Kung ang anumang seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, prase o bahagi ng Ordinansang ito ay idineklarang labag sa saligang-batas o walang bisa ng isang hukuman ng may kakayahang hurisdiksiyon, ang mga natitirang seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, prase at bahagi ay dapat manatiling may buong puwersa at epekto, at sa layuning ito ang mga tadhana ng Ordinansang ito ay naihihiwalay. Ang mga botante ay nagdedeklara na ipapasa nila ang lahat ng seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, prase at bahagi ng Ordinansang ito nang wala ang seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, prase o bahagi na ipinasiyang labag sa saligang-batas o walang bisa.

Sek. B. Ang Klerk ng Lunsod ay pinahihintulutan sa pamamagitan nito at inuutusan na maglathala ng isang paunawang nagtataglay ng iminumungkahing panukala sa balota, na tumutukoy sa petsang ika-8 ng Nobyembre, 2016, bilang ang petsa na ang panukala ay ibinoto ng mga kuwalipikadong botante ng Lunsod ng Los Angeles. Ang paunawa ay dapat ilathala minsan sa isang pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon sa Lunsod ng Los Angeles, at ang bawat edisyon nito sa araw na iyon ng publikasyon. Ang Klerk ng Lunsod ay pinahihintulutan at inuutusan na maghanda at magpanatili sa opisina ng Klerk ng Lunsod ng isang sapat na panustos na mga kopya ng iminumungkahing panukala sa balota at upang ipamahagi ang iminumungkahing panukala sa balota sa sinuman at lahat ng taong humiling ng kopya. Dagdag dito, ang Klerk ng Lunsod ay pinahihintulutan at inuutusan na magpakoreo ng mga kopya ng iminumungkahing panukala sa balota sa bawat isa ng mga kuwalipikadong botante ng Lunsod ng Los Angeles.

Page 61: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

59TXT3-25-TA

Sek. C. Ang Klerk ng Lunsod ay pinahihintulutan sa pamamagitan nito at inuutusan na magpagawa ng isang paunawang ilalathala minsan sa isang pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon na ang mga kopya ng mga pamplet ng impormasyon para sa botante na naglalaman ng mga iminumungkahing panukala sa balota ay maaaring makuha kapag hiniling sa opisina ng Klerk ng Lunsod.

Sek. D. Ang Klerk ng Lunsod ay dapat magharap ng isang angkop na sinertipikahang kopya ng Resolusyong ito sa Lupon ng mga Superbisor at sa Tagapagrehistro-Tagapagtala ng County ng Los Angeles.

Page 62: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

60TQ1-TA

LUNSOD NG LOS ANGELES KAGAWARAN NG TUBIG AT KURYENTE (DWP). PAGSUSOG SA SALIGANG-BATAS RRR.

Dapat bang susugan ang Saligang-Batas upang: (1) magdagdag ng mga pag-aatas sa kwalipikasyon, bayad at mga proteksyon laban sa pagkatanggal para sa Lupon ng DWP; (2) palawakin ang Lupon sa pitong miyembro; (3) atasan ang DWP na maghanda ng apat-na-taong mga Planong Istratehiko para aprobahan ng Konseho at Alkalde; (4) baguhin ang pangongontrata, pagtatakda ng antas ng DWP at iba pang awtoridad; (5) pahintulutan ang mga alternatibong panghinaharap sa kasalukuyang mga pamantayan ng serbisyo sibil para sa mga empleyado ng DWP sa pamamagitan ng sama-samang pakikipagsundo; at (6) mag-atas ng buwanang pagsingil?

WALANG-PINAPANIGANG PAGSASABUOD NI SHARON M. TSO, PUNONG MANUNURI NG BATAS

Ang iminumungkahing panukala ay magsususog sa Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles (Saligang-Batas) tungkol sa mga tungkulin sa pamamahala at pangangasiwa ng Kagawaran ng Tubig at Kuryente (DWP). Ang layunin para sa mga pagbabagong ito ay itaas ang pagbabantay, kalinawan at ayusin ang mga pagpapatakbo ng DWP.

Ang mga iminumungkahing pagsusog ay pumapatak sa ilang kategorya na binigyang-diiin sa ibaba.

Kabuuan at mga Kuwalipikasyon ng Lupon

Ang panukala ay magdaragdag sa mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente (Lupon) mula sa lima hanggang pitong miyembro, magpapaikli sa termino ng Lupon mula limang taon patungo sa apat na taon; mag-aatas sa mga miyembro ng Lupon na magkaroon ng karanasan sa mga lugar na tulad ng pamamahala ng utilidad, patakarang pangkapaligiran, negosyo, mga ugnayan sa gawa o mga organisasyong pangkomunidad; at magpapahintulot na itakda ng ordinansa ang bayad.

Ang panukala ay magtatatag din ng isang proseso ng pagtanggal at pag-apela para sa mga miyembro ng Lupon.

Paghirang sa Pangkalahatang Tagapamahala

Sa kasalukuyan, ang Lupon ay naghihirang sa Pangkalahatang Tagapamahala ng DWP, napapailalim sa pagkumpirma ng Alkalde at Konseho. Ang panukala ay magbabago sa proseso ng paghirang sa pamamagitan ng pag-aatas sa Kagawaran ng mga Tauhan na kumalap ng lubos na kuwalipikadong mga kandidado para repasuhin ng Lupon. Ang Lupon ay magkakaloob ng isang grupo ng mga kandidato sa Alkalde mula kung saan ang Alkalde ay pipili ng isang kandidato para hirangin bilang Pangkalahatang Tagapamahala, napapailalim sa pagkumpirma ng Konseho.

Opisina ng Pampublikong Pananagutan (OPA)

Ang panukala ay magtatadhana na ang Tagapagpaganap na Direktor ng OPA ay maaaring hirangin ng Konseho sa isang ikalawang limang-taong termino, napapailalim sa pagsang-ayon ng Alkalde at magtataas din ng pinakamababang badyet para sa OPA na mula 0.025 porsiyento patungo sa 0.050 porsiyento ng mga kitang nalikha mula sa pagbebenta ng tubig at kuryente para sa nakaraang taon ng pananalapi.

RRR

Page 63: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

61TQ1-TA

Opisina ng Tagasuri ng Tubig at Kuryente (WPA)

Ang panukala ay nagtatatag sa Opisina ng WPA upang magkaloob ng pagsusuri sa patakaran at pananalapi para sa Lupon. Ang Lupon ay magkakaroon ng kapangyarihan na maghirang at magtanggal ng isang Tagapagpaganap na Direktor para sa Opisina.

Estratehikong Plano at mga Singil

Ang panukala ay nagtatadhana na simula sa ika-1 ng Enero, 2020, ang Lupon ay dapat magharap ng isang apat-na-taong pag-aatas sa estratehiya/kita at plano sa pagtatakda ng singil (Plano), kabilang ang posibleng mga singil, sa Konseho at Alkalde para sa pagsasaalang-alang.

Sa sandaling aprobahan ng Konseho at Alkalde ang Plano, lahat ng mga proyekto at mga pag-aatas sa kita sa loob ng Plano ay dapat mag-atas ng pag-aproba ng Lupon lamang. Anumang mga bahagi na humihigit sa mga parametero ng Plano ay dapat mag-atas ng pag-aproba ng Konseho at Alkalde.

Pagkontrata

Ang panukala ay magpapalawak sa awtoridad sa pagkontrata ng Lupon sa pamamagitan ng hindi na pag-aatas ng pag-aproba ng Konseho para sa mga partikular na kontrata. Sa partikular, ang panukala ay mag-aalis sa iniaatas ng Saligang-Batas na ang mga prankisya, lisensiya at pag-upa na higit sa limang taon, pero mas mababa kaysa 30 taon, ay aprobahan ng Konseho pagkatapos ng pagpapatibay ng Lupon. Ang panukala ay magpapahintulot din sa Lupon na maggawad ng mga naturang kontrata bilang mga kontratang magdisenyo-magtayo, na may mga pamantayan na itinatag ng Lupon. Sa kasalukuyan, ang Saligang-Batas ay nag-aatas na ang pamantayang ito ay itatag ng Konseho.

Ang panukala ay mag-aalis sa iniaatas ng Saligang-Batas na lahat ng mga kontrata sa kuryente ay aprobahan sa pamamagitan ng ordinansa.

Ang Konseho ay magpapanatili ng kanyang awtoridad upang repasuhin ang mga kontratang ito maliban sa mga nasa ilaim ng isang hangganang itinatag sa pamamagitan ng ordinansa.

Mga Pamantayan sa Alternatibong Serbisyo Sibil at Awtoridad sa Pagtatatag ng Suweldo

Ang panukala ay magpapahintulot sa Konseho na aprobahan ang mga alternatibo sa mga pamantayan sa serbisyo sibil para sa mga empleyado ng DWP, alinsunod sa isang may bisa sa batas na memo ng pagkakaunawaan na binuo sa pamamagitan ng sama-samang pakikipag-usap. Ang mga alternatibong pamantayan ay dapat magkaloob ng batay sa merito sa pagkuha, mga tadhana sa pagpapanatili at pagtanggal. Ang Konseho ay magsasagawa ng pana-panahong mga pagsusuri ng mga pamantayan.

Ang Konseho ay maaaring magtalaga ng awtoridad nito sa Lupon upang magtatag ng mga suweldo para sa mga empleyado ng DWP at maaaring magpawalang-bisa sa anumang pagtatalaga ng awtoridad.

Buwanang Pagsingil

Ang panukala ay mag-aatas sa DWP na magpatupad ng isang buwanang ikot ng pagsingil na magsisimula bago lumampas ang ika-1 ng Hulyo, 2020.

Ang Pagsusog sa Saligang-Batas na ito ay magkakabisa kung aprobahan ng isang mayoriya ng mga botante.

Page 64: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

62TQ1-TA

PAHAYAG NG EPEKTO SA PANANALAPI NI MIGUEL A. SANTANA, OPISYAL NA NANGANGASIWA NG LUNSOD

Ang pagsusog sa saligang-batas na ito ay nagrereporma sa pamamahala at pangangasiwa ng Kagawaran ng Tubig at Kuryente (DWP), kabilang ang pagtataas ng pinakamababang halaga ng badyet para sa Opisina ng Pampublikong Pananagutan/Tagapagtaguyod ng Nagbabayad ng Presyo ng humigit-kumulang na $1,200,000 taun-taon.

Ang panukalang ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangkalahatang Tagapamahala ng DWP, may pagsang-ayon ng Alkalde at Konseho ng Lunsod at/o Lupon ng mga Komisyonado ng DWP, na gumawa ng mga aksyon sa hinaharap para sa mga pagpapahusay ng nagbabayad ng presyo, kabilang ang pagpapalit ng ikot ng pagsingil na pantahanan mula sa bawat dalawang buwan patungo sa buwanan. Ang unang tantiya para sa pagbabagong ito ay humigit-kumulang na $19,000,000 sa isang-beses na mga gastos at nauulit na mga gastos na $4,000,000 taun-taon.

Ang mga gastos o matitipid na resulta ng karagdagang mga reporma sa pamamahala at pagpapatakbo ay hindi alam hanggang makumpleto ang kasunod na mga aksyon sa panahon ng isang pampublikong proseso.

Ang panukala ay nakakaapekto sa Pondo ng Kita sa Tubig at Pondo sa Kita ng Kuryente ng DWP. Walang inaasahang epekto sa Pangkalahatang Pondo.

Page 65: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

63AFR-TA

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

PANGANGATWIRANG PANIG SA PAGSUSOG RRR SA SALIGANG BATAS

IREPORMA ANG DWP – BUMOTO NG OO SA RRR

Ang Kagawaran ng Tubig at Kuryente ng Los Angeles ay isang halimbawa ng kapalpakan ng burukrasya sa loob ng mahabang panahon – ang Pagsusog RRR sa Saligang Batas ang babago nito, irereporma ang DWP upang ito ay mas managot, malinaw, at tumugon sa mga nagbabayad ng buwis.

OO SA RRR, ang Plano sa Reporma ng DWP ay:

– Magpapataas ng pananagot at pagbabantay sa DWP;– Mag-aatas sa DWP na maglabas ng istratehikong plano kada apat na taon;– Magpapaikli sa mga yugto ng pagsingil, mula sa kada dalawang buwan hanggang sa

bawat buwan– Magpapataas sa bilang ng mga may karanasan na mamamayan at kinatawan ng mga

nagbabayad ng buwis sa Lupon ng DWP.

Ang Pagsusog RRR sa Saligang Batas ay magrereporma sa DWP, ang utilidad na nagbibigay ng ating kuryente, tubig, at singilin para sa ating serbisyo sa alkantarilya at basura, para gawin itong mas malinaw at managot sa mga residente ng Lunsod ng Los Angeles.

Ang Pagsusog RRR sa Saligang Batas ay puputulin ang red tape sa pakikipagkontrata at pagkuha ng mga empleyado, magiging mabilis, mas malinaw at managot.

Ang mas mataas na pananagutan ay magbabawas sa mga hadlang gaya ng mga bagay-bagay na nagresulta sa pagpalya ng sistema ng pagsingil, at ang DWP ay mas tutugon sa mga pangangailangan ng mga nagbabayad ng buwis, kapitbahayan, at lokal na negosyo.

Ang Pagsusog RRR sa Saligang Batas ay pipigil sa mga pagtaas ng bayad sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga basura at duplikasyon, pagpapahusay ng pagiging epektibo, at pag-aatas ng mas malinaw na istratehiko at pananalaping pagpaplano.

Ang Pagsusog RRR sa Saligang Batas ay magtataas ng pagbabantay ng utilidad, magpapahusay ng mga tuntunin na sumasaklaw sa mga tauhan at pagkontrata para gawing mas patas, mas makakatugon sa mga nagbabayad ng buwis kaysa sa mga burukrata, at mag-aatas sa mga miyembro ng lupon na magkaroon ng nauugnay na karanasan para sa pagbabantay sa utilidad.

Ang Pagsusog RRR sa Saligang Batas ay sinusuportahan ng mga lider ng komunidad, Tagapagtaguyod ng Kapaligiran, at mga tagapagtaguyod ng nagbabayad ng buwis tulad ni Dr. Frederick Pickel, ang ating Tagapagtaguyod ng Nagbabayad ng Buwis ng DWP sa Lunsod ng Los Angeles.

HUWAG IANTALA ANG REPORMA! Bumoto ng Oo sa Pagsusog RRR sa Saligang Batas.

BUMOTO ng Oo sa REPORMA! Bumoto ng Oo sa Pagsusog RRR sa Saligang Batas.

Page 66: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

64AFR-TA

MGA TAONG PUMIPIRMA SA PANGANGATWIRANG PANIG SA PAGSUSOG RRR SA SALIGANG BATAS

DR. FREDERICK PICKELTagapagtaguyod ng Nagbabayad ng BuwisLunsod ng Los Angeles

MARCIE EDWARDSPangkalahatang TagapamahalaKagawaran ng Tubig at Kuryente ng Los Angeles

MEL LEVINEPresidenteLupon ng mga Komisyonado ng Tubig at Kuryente, Lunsod ng Los Angeles

JILL BANKS BARADTagapagtatag at TagapanguloAlyansa ng mga Konseho ng Kapitbahayan ng Valley

VERONICA PADILLA-CAMPOSTagapagpaganap na DirektorPacoima Beautiful

JONATHAN PARFREYTagapagpaganap na DirektorClimate Resolve

TONY WILKINSONTagapanguloKonseho ng Kapitbahayan-DWP Komite ng MOU

STUART WALDMANPresidenteKapisanan ng Industriya at Komersiyo ng Valley

JESSICA GOODHEARTDirektor ng Proyektong Repower LAAlyansa para sa isang Bagong Ekonomiya ng Los Angeles

BRUCE SAITOEmeritus Tagapagpaganap na DirektorMga Pangkat ng Konserbasyon ng Los Angeles

Page 67: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

65RAFR-TA

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

SAGOT SA PANGANGATWIRANG PANIG SA PAGSUSOG RRR SA SALIGANG-BATAS

Ang Pagsusog RRR sa Saligang-Batas ay hindi “reporma” – ito ay pagbabago para sa mas masama.

Ang RRR ay isang pakanang iminumungkahi ng mga tagaloob ng DWP. Huwag tumingin nang mas malayo pa kaysa sa mga may-panukala at pumirma nang panig: isang “sino ang sino” ng mga tagaloob ng DWP, kabilang ang mga Komisyonado ng DWP at Pangkalahatang Tagapamahala ng DWP.

Ang mga may-panukala ay nagsasabi na ang panukalang ito ay nagtataas ng pagbabantay.

Ang totoo ang RRR ay nagbabawas ng pagbabantay at nagbibigay ng hindi pangkaraniwang mga kapangyarihan sa hindi inihalal, hindi nananagot na mga burukrata, kabilang ang kapangyarihang gumasta ng milyun-milyon nang walang tuwirang pagbabantay ng Konseho ng Lunsod.

Ang mga may-panukala ay nagsasabi na ang panukalang ito ay pumuputol sa mga pagtaas ng presyo.

Hindi gayon. Ang RRR ay nagbibigay sa Lupon ng DWP ng kakayahang magtaas ng mga presyo nang mas madali at inaalis ang pangangailangan na humingi ng pag-aproba ng Alkalde at Konseho ng Lunsod tungkol sa mga indibidwal na pagtaas ng presyo.

Huwag paloko sa mga tusong pagtiyak ng “reporma” ng mga tagaloob ng DWP.

Ang RRR ay hindi ang pagbabagong kailangan natin.

Patigilin ang hindi nananagot na MGA PAGTAAS NG PRESYO NG DWP.

Magsabi ng HINDI sa PANG-AAGAW NG KAPANGYARIHAN NG DWP.

Bumoto ng HINDI sa PAGSUSOG RRR SA SALIGANG-BATAS!

Page 68: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

66RAFR-TA

MGA TAONG PUMIPIRMA SA SAGOT SA PANGANGATWIRANG PANIG SA PAGSUSOG RRR SA SALIGANG-BATAS

PASTOR WILLIAM D. SMART, JR.Koalisyon para sa Pagsasaayos ng L.A.s

LAURA N. CHICKKontroler (Retirado) ng Lunsod ng LA

ERWIN CHEMERINSKYDating Tagapangulo, Inihalal na Komisyon sa Reporma sa Saligang-Batasng Los Angeles

JERILYN STAPLETONPresidentePambansang Organisasyon Para sa mga Babaeng California (NOW)

ED BEGLEY, JR.Tagapagtaguyod ng Kapaligiran

NATE HOLDENKonsehal ng Lunsod ng Los Angeles (Retirado)

ROBERT FARRELLKonsehal ng Lunsod ng Los Angeles (Retirado)

BRENNA NORTONNakatataas na Tagaorganisa sa Timog CaliforniaPagbabantay sa Pagkain at Tubig

CONNER EVERTSTagapagpaganap na DirektorAlyansa sa Himpilan ng Tubig ng Timog California

RICHARD CLOSEPresidenteKapisanan ng mga May-ari ng Bahay ng Sherman Oaks

Page 69: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

67AAR-TA

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

PANGANGATWIRANG LABAN SA PAGSUSOG RRR SA SALIGANG BATAS

Huwag maniwala sa mga kasinungalingan na isang "reporma" ang panukalang ito. Ang pagsusog RRR sa Saligang Batas ay isang pagmamanipula ng DWP na nagbibigay sa mga botante ng mas kaunting pagbabantay sa DWP— hindi mas marami.

Ilang taon nang nagkakaproblema at pinangangasiwaan ang DWP sa maling paraan. Inaalis ng panukalang ito ang kakayahan ng mga botanteng magdesisyon at maging ang kanilang pananagutan sa DWP sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga hindi naihalal na burukrata na patakbuhin ang kagawaran at tukuyin ang pagtaas ng mga singil.

Ang panukalang ito ay nagbibigay sa Lupon ng DWP ng pambihirang kakayahan na gastusin ang milyun-milyong dolyar ng mga nagbabayad ng buwis sa mga kontrata, pagtaas ng mga singil, at sahod nang hindi pinapanatili ang kasalukuyang pagbabantay at pag-apruba ng mga botante at naihalal nang opisyal.

Kailangan ng DWP ng matinding pagbabago at reporma, ngunit dahil sa padalus-dalos na mungkahing ito, babalik tayo sa dati at hindi maisasagawa ang mga pagbabago sa mahusay na pamahalaan na gusto at kailangan ng mga nagbabayad ng buwis.

Sa katunayan, nililimitahan ng panukalang ito ang pagsisiyasat sa DWP at binabawasan ang paglilinaw sa pamamagitan ng pag-aalis sa mga kasalukuyang pagsusuri at pagtitimbang.

Lubos na pinaghihigpitan ng panukalang ito ang kapangyarihan ng mga botante pagdating sa mga pagpapatakbo at pagtataas ng singil ng DWP, at nawawalan ng kakayahan ang mga botanteng magpahayag ng kanilang saloobin tungkol sa mga patakaran sa malinis na tubig at nababagong enerhiya.

Maging lalong mas masama, nagbibigay ang panukalang ito sa mga Komisyonado ng DWP, na kasalukuyang mga hinirang na boluntaryong mamamayan, pagbabayad na pinondohan ng mga nagbabayad ng buwis, na maaaring umabot nang halos $2 milyong dolyar sa susunod na dekada.

Ang panukulang ito ay magbubukas sa pinto patungong katiwalaan at hindi naaangkop na pagkuha ng mga kaibigan at pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa kagawaran na umalis sa sistema ng serbisyo sibil.

Maaaring humantong ang mungkahing ito sa maling pangangasiwa ng ating pinakamahalagang tagapagdulot: ang ating tubig.

Kung papasa ang mapanligaw na panukalang ito, mawawalan ng panghuling awtoridad ang alkalde na patalsikin ang mga hindi naihalal at walang pananagutan na mga Miyembro ng Lupon ng DWP, na magkakaroon ng walang katumbas na kapangyarihan at kontrol sa mga pagtaas ng singil.

Bumoto ng HINDI sa Pagsusog RRR sa Saligang Batas— ang pagmamanipula ng DWP. Ito ay mapanligaw, mas malala pa sa mga kasalukuyang nangyayari, at hindi kumakatawan sa tunay na pagbabagong kinakailangan natin sa DWP.

Page 70: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

68AAR-TA

MGA TAONG PUMIPIRMA SA PANGANGATWIRANG LABAN SA PAGSUSOG RRR SA SALIGANG BATAS

PASTOR WILLIAM D. SMART, JR.Koalisyon para sa Pagsasaayos ng L.A.

LAURA N. CHICKKontroler ng Lunsod ng LA (ret.)

ERWIN CHEMERINSKYDating Tagapangulo, Naihalalna Komisyon sa Repormasa Saligang Batas ng Los Angeles

JERILYN STAPLETONPresidente,Pambansang Organisasyon para samga Babae ng California (NOW)

ED BEGLEY, JR.Tagapagtaguyod ng Kapaligiran

JAMIE COURTPresidente,Tagabantay ng mga Mamimili

NATE HOLDENSenador / L.A. Miyembro ng Konsehong Lunsod (Ret.)

BRENNA NORTONNakatatandang Tagaorganisa ngTimog California,Tagabantay ng Pagkain at Tubig

CONNER EVERTSTagapagpaganap na Direktor,Alyansa ng Himpilan ng Tubigng Timog California

RICHARD CLOSEPresidente,Kapisanan ng mga May-ari ng Bahay ngSherman Oaks

Page 71: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

69RAAR-TA

Ang mga pangangatwirang nakalimbag sa pahinang ito ay mga opinyon ng mga may-akda at ang kawastuhan ay hindi sinuri ng alinmang ahensiya ng Lunsod.

SAGOT SA PANGANGATWIRANG LABAN SA PAGSUSOG RRR SA SALIGANG-BATAS

HUWAG PANIWALAAN ANG MGA TAKTIKA NG PANANAKOT!

Ang Pagsusog RRR sa Saligang-Batas ay HINDI nagtatanggal ng pagbabantay ng DWP ng mga inihalal na opisyal.

Ang mga aksyon ng Lupon ng DWP ay sasailalim pa rin sa pagrepaso ng Konseho. Ang Alkalde ay may mga kontrol ng tagapagpaganap at iminumungkahi ang Pangkalahatang Tagapamahala at Lupon. Ang mga pangkaraniwang kontrata ay pabibilisin, tutulong sa mga lokal na negosyo at magbabawas ng mga gastos.

Ang Pagsusog RRR sa Saligang-Batas ay tumitiyak ng ambag ng Konseho sa pamamagitan ng pag-aatas sa DWP na maghanda ng apat-na-taong estratehikong mga plano para sa pag-aproba ng Konseho. Ang mga planong ito ay magpapatibay ng mga patakaran na kabilang ang malinis na tubig at nababagong enerhiya, at ang inaasahang kitang kailangan upang suportahan ang mga planong ito.

Ang Lupon ay maaari lamang mag-aproba ng mga presyong na may kaugnayan sa planong inaprobahan ng Konseho.

Ang mga pagbabago upang gawin ang pagkuha ng tauhan ng DWP na mas episyente ay dapat na bukas, malinaw, at inaprobahan ng Konseho.

Gagawin ng Reporma sa DWP na mas episyente ang ating utilidad. Ito ay magtatali ng mga presyo sa pagpaplano at pangmatagalang estratehiya.

Huwang antalahin ang Reporma – Bumoto ng OO sa Reporma sa DWP!

Bumoto ng OO sa Pagsusog RRR sa Saligang-Batas.

Page 72: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

70RAAR-TA

MGA TAONG PUMIPIRMA SA SAGOT SA PANGANGATWIRANG LABAN SA PAGSUSOG RRR SA SALIGANG-BATAS

DR. FREDERICK PICKELTagapagtaguyod ng Nagbabayad ng PresyoLunsod ng Los Angeles

MARCIE EDWARDSPangkalahatang TagapamahalaKagawaran ng Tubig at Kuryente ng Los Angeles

MEL LEVINEPresidenteMga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente,Lunsod ng Los Angeles

JILL BANKS BARADTagapagtatag at TagapanguloAlyansa ng mga Konseho ng Kapitbahayan ng Valley

VERONICA PADILLA-CAMPOSTagapagpaganap na Direktor ngPacoima Beautiful

JONATHAN PARFREYTagapagpaganap na Direktor ngClimate Resolve

TONY WILKINSONTagapanguloKonseho ng Kapitbahayan-Komite sa MOU ng DWP

STUART WALDMANPresidenteKapisanan sa Industriya at Komersiyo ng Valley

JESSICA GOODHEARTDirektor ng Proyektong Repower LAAlyansa para sa isang Bagong Ekonomiya ng Los Angeles

BRUCE SAITOEmeritus na Tagapagpaganap na DirektorMga Pangkat ng Konserbasyon ng Los Angeles

Page 73: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

71TXT1-1-TA

Ang mga bagong tadhana o wikang idinagdag sa Saligang-Batas o sa kasalukuyang mga seksyon ng Saligang-Batas ay makikita sa uring sinalungguhitan; ang mga salitang tinanggal mula sa Saligang-Batas o mula sa kasalukuyang mga seksyon ng Saligang-Batas ay makikita sa uring ginuhitan.

PAGSUSOG SA SALIGANG-BATAS RRR

Seksyon 1. Ang Seksyon 245 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang tulad ng sumusunod:

Sek. 245. Pagbeto ng Konseho ng Lunsod sa mga Aksyon ng Lupon.

Ang mga aksyon ng lupon ng mga komisyonado ay magiging pangwakas sa katapusan ng susunod na limang araw ng pagpupulong ng Konseho kung kailan ang Konseho ay nagpatawag sa regular na sesyon, maliban kung ang Konseho ay kumilos sa loob ng panahong ito sa pamamagitan ng dalawa-ikatlong boto upang iharap ang aksyon dito o para ipaubaya ang pagrepaso sa aksyon, maliban sa patungkol sa anumang aksyon ng Lupon ng mga Komisyonado ng Pulisya kaugnay sa pagtatanggal sa Hepe ng Pulisya, kung kailan sa loob ng panahong ito ang Konseho ay maaaring kumilos bago maging pangwakas ang aksyon ng Lupon na magiging sampung araw ng pagpupulong kung kailan ang Konseho ay nagpatawag sa isang regular na sesyon.

(a) Aksyon ng Konseho. Kung ang Konseho ay napapanahong magpasya ng hurisdiksyon tungkol sa aksyon, ang Konseho ay maaaring, sa pamamagitan ng dalawa-ikatlong boto, magbeto sa aksyon ng lupon sa loob ng 21 araw ng kalendaryo ng pagboto upang iharap ang usapin dito, o kundi ay magiging pangwakas ang aksyon ng lupon. Maliban sa itinakda sa subseksyon (e), ang Konseho ay hindi maaaring magsusog, o gumawa ng anumang ibang aksyon kaugnay sa aksyon ng lupon.

(b) Pagpapaubaya. Ang Konseho ay, sa pamamagitan ng ordinansa, maaaring magpaubaya sa pagrepaso ng mga klase o kategorya ng mga aksyon, o, sa pamamagitan ng resolusyon, magpaubaya sa pagrepaso ng isang inaasahang indibidwal na aksyon ng isang lupon. Ang Konseho ay maaari ring, sa pamamagitan ng resolusyon, magpaubaya sa pagrepaso ng isang aksyon ng lupon pagkatapos kumilos ng lupon. Ang mga aksyon na kung saan ang pagrepaso ay ipinaubaya ay pangwakas matapos ipaubaya, o ang aksyon ng lupon, kapag nauukol.

(c) Epekto ng Pagbeto. Ang aksyon na bineto ng Konseho ay ipapadala sa pinanggalingang lupon, na siyang magkakaroon ng awtoridad na kanyang dati nitong hinawakan para magsagawa ng aksyon tungkol sa usapin.

(d) Mga Hindi Saklaw na Aksyon. Ang sumusunod na mga aksyon ay hindi saklaw mula sa pagrepaso ng Konseho sa ilalim ng seksyon na ito:

(1) mga aksyon ng Komisyon ng Etika;

(2) mga aksyon ng mga Komisyonado sa Lupon ng Pensiyon ng Bumbero at Pulisya;

(3) mga aksyon ng Lupon ng Pangangasiwa para sa Sistema ng Pagreretiro ng mga Empleyado ng Lunsod ng Los Angeles;

(4) mga aksyon ng Lupon ng Pangangasiwa ng Plano sa Pagreretiro ng mga Empleyado ng Tubig at Kuryente;

Page 74: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

72TXT1-2-TA

(5) mala-panghukumang mga pasya ng mga tauhan sa Lupon ng mga Komisyonado ng Serbisyo Sibil;

(6) mga aksyon ng isang lupon na itinatag sa ilalim ng awtoridad ng Batas ng Meyers-Milias Brown para sa pangangasiwa ng mga ugnayan ng empleyado-tagapag empleyo;

(7) mga pasya ng indibidwal na tauhan ng mga komisyonado ng lupon maliban sa mga Komisyonado ng Lupon ng Pulisya; at

(8) mga aksyon ng mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente tungkol sa mga kontratang kaugnay sa makatuwirang pagtuturing na tinasa sa mas mababang halagang tinukoy ng ordinansa; at

(89) mga aksyon na sumasailalim sa apela o pagrepaso ng Konseho alinsunod sa ibang mga tadhana ng Saligang-Batas, ordinansa o iba pang nauukol na batas.

(e) Mga Hindi Saklaw na Aksyon ng Komisyon ng Pagpaplano sa Lunsod at mga Komisyon ng Pagpaplano sa Lugar. Ang Konseho ay hindi lilimitahan sa pagbeto ng mga aksyon ng Komisyon ng Pagpaplano sa Lunsod o mga Komisyon ng Pagpaplano sa Lugar, subalit, sumasailalim sa mga taning ng panahon at iba pang mga limitasyon ng seksyon na ito, pagkatapos bumotong iharap ang usapin dito, ay magkakaroon ng parehong awtoridad na kumilos tungkol sa isang bagay na katulad ng dating hinawakan ng Komisyon ng Pagpaplano sa Lunsod o Komisyon ng Pagpaplano sa Lugar.

Sek. 2. Ang Seksyon 371(b) ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang tulad ng sumusunod:

(b) Kompetitibong Saradong mga Mungkahi. Bilang alternatibo sa isang paggawad alinsunod sa bukas at kompetitibong pagtatawaran, ang isang kontrata ay maaaring pawalan alinsunod sa isang paraan ng kompetitibong saradong mungkahi, ayon sa mga pag-aatas na itinatag sa pamamagitan ng ordinansa na pinagtibay ng hindi bababa sa dalawa-ikatlong boto ng Konseho. Ang sistema ng kompetitibong saradong mungkahi ng pagtatawaran ay maaaring magpahintulot sa mga kasunduan pagkatapos mabuksan ang mga mungkahi upang payagan ang paglilinaw at mga pagbabago sa mungkahi. Ang sapat na mga pag-iingat ay gagawin upang tratuhin ng wasto ang bawat taong nagmumungkahi. Walang gagawing paggawad alinsunod sa alternatibong paraan na ito sa isang nagmumungkahi na kung saan ang huling mungkahi ay mas mataas sa pangwakas na halaga sa Lunsod, tulad ng nabanggit sa itaas, kaysa sa anupamang ibang tumutugon na mungkahing iniharap. Ang awtoridad na nangongontrata, upang magamit ang alternatibong paraan na ito, ay dapat gumawa ng isang nakasulat na pagkakaalam na sinusuportahan ng isang nakasulat na pahayag ng mga katunayan na ang pagsunod sa patakaran ng paggawad ay ibigay sa pinakamababang tumutugon at responsableng tumatawad ay hindi magagawa o kapaki-pakinabang at isusulat din ang dahilan para sa partikular na paggawad. Walang kinalaman sa nasa itaas, ang Kagawaran ng Tubig at Kuryente ay maaaring maggawad ng mga kontrata alinsunod sa isang paraan ng kompetitibong saradong mungkahi kaugnay sa mga pag-aatas na itinatag ng mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente.

Kaayon sa mga pag-aatas ng kompetitibong pagtatawaran, ang disenyo-paggawa o iba pang akmang mga sistema ng pagtatapos ng proyekto ay maaaring gamitin kapag ginawang makatuwiran sa uri ng proyekto at inaprobahan ng awtoridad na nangongontrata.

Page 75: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

73TXT1-3-TA

Sek. 3. Ang Seksyon 501 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang tulad ng sumusunod:

Sek. 501. Lupon ng mga Komisyonado.

(a) Paglikha. Ang bawat kagawaran na nilikha sa Saligang-Batas ay magkakaroon ng isang lupon ng mga komisyonado na binubuo ng limang komisyonado, maliban kung ang ibang numero ay itinakda sa Saligang-Batas para sa isang ispesipikong lupon.

Ang bawat lupon ay makikilala bilang ang mga Komisyonado ng Lupon ng (isingit ang pangalan ng kagawaran), maliban na ang Lupon ng Kagawaran ng mga Tauhan ay kikilalanin bilang ang mga Komisyonado ng Lupon ng Serbisyo Sibil.

(b) Mga Bayad ng Pagdalo. Ang Konseho ay, sa pamamagitan ng ordinansa na pinagtibay ng dalawa-ikatlong boto, magtatatag sa halaga ng mga bayad ng pagdalo na babayaran sa mga komisyonado. Ang mga ordinansa tungkol sa bayad ng pagdalo ay pagtitibayin hindi mas madalas sa isang beses bawat taon.

(c) Termino. Maliban kung itinakdang iba sa Saligang-Batas, ang Ang termino ng isang komisyonado ay magiging limang taon, simula sa ika-1 ng Hulyo. Ang mga termino ng mga komisyonado ay itatalaga upang hangga’t maaari ang mga termino ng tanggapan ay halilihan. Ang panahon ng termino ng bawat komisyonado ay itatalaga sa paghirang. Ang isang paghirang para punuan ang hindi pa natatapos na termino sa anumang lupon ay para sa panahon ng hindi natapos na termino.

(d) Mga Kwalipikasyon.

(1) Walang tao ang hihirangin sa isang komisyon na nilikha ng Saligang-Batas na hindi rehistradong botante ng Lunsod. Ang pag-aatas na ito ay uukol din sa mga kasalukuyang mga komisyon na nilikha sa pamamagitan ng ordinansa na nagpapayo sa, o namamahala sa, isang kagawaran o tanggapan, o gumagawa ng mga tungkuling namamalakad. Ang pag-aatas na ito ay hindi uukol sa mga ibinotong komisyonado o naglilingkod na ex officio.

(2) Walang tao na inaatasan ng ordinansa na magrehistro bilang isang naglolobi ang hihirangin sa isang komisyon kung saan ang mga miyembro ay inaatasang magtala ng mga bukas na pahayag tungkol sa pananalapi alinsunod sa Batas ng Repormang Pampulitika ng California.

(e) Pagkakaiba-iba. Maliban kung itinakdang iba sa Saligang-Batas, ang Alkalde, Konseho, o iba pang humihirang na awtoridad ay magsisikap upang gawin na ang kanyang pangkalahatang mga hinirang sa mga lupon na hinirang, mga komisyon o kinatawang nagpapayo na nilikha ng Saligang-Batas o ordinansa na naglalarawan ng pagkakaiba-iba ng Lunsod, kabilang, subalit hindi limitado sa, mga tampok na komunidad, kapitbahayan, etnisidad, lahi, kasarian, edad, at kinikilingang sekswal.

Sek. 4. Ang Seksyon 502 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang tulad ng sumusunod:

Page 76: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

74TXT1-4-TA

Sek. 502. Paghirang at Pagtatanggal sa mga Komisyonado.

(a) Paghirang. Maliban kung itinakdang iba sa Saligang-Batas, ang mga komisyonado ng mga lupon na nilikha ng Saligang-Batas at ng mga kasalukuyang komisyon na nilikha sa pamamagitan ng ordinansa na nagpapayo sa, o namamahala sa isang kagawaran o hinirang na tanggapan, o gumaganap ng mga tungkuling namamahala, ay hihirangin ng Alkalde, sumasailalim sa pag-aproba ng Konseho. Ang Alkalde ay maghihirang sa mga komisyonado ng lahat ng ibang komisyon na nilikha ng ordinansa, maliban kung itinakdang iba sa ordinansa.

Sa loob ng 45 araw ng pagkabakante na gawa ng katapusan ng isang termino ng tanggapan o iba, ang Alkalde ay maghaharap sa Konseho para aprobahan nito ang pangalan ng hinirang ng Alkalde na maglingkod sa susunod na darating na termino o natitirang panahon ng hindi natapos na termino gawa ng pagkabakante.

Kung hindi tanggihan ng Konseho ang paghirang sa loob ng 45 araw pagkatapos itong maiharap sa Konseho, ang paghirang ay ituturing na inaprobahan. Kung hindi aprobahan ng Konseho ang isang paghirang, ang Alkalde ay gagawa at maghaharap sa Konseho ng isang bagong paghirang sa loob ng 45 araw ng hindi pag-aproba ng Konseho. Ang bawat kasunod na hindi pag-aproba ng Konseho sa isang paghirang ng alkalde ay lilikha ng panibagong 45 araw na panahon.

(b) Paghirang ng Pangulo ng Konseho. Kung nagkataon na hindi nagharap ang Alkalde ng isang paghirang sa Konseho sa loob ng anuman sa 45 araw na mga panahong itinakda sa seksyon na ito, ang Pangulo ng Konseho ay, sa loob ng karagdagang 45 araw, maghaharap ng isang paghirang para sa tanggapang iyon sa Konseho para aprobahan nito. Kung hindi tanggihan ng Konseho ang paghirang na ginawa ng Pangulo ng Konseho sa loob ng 45 araw pagkatapos ng pagharap, ang paghirang ay ituturing na inaprobahan ng Konseho.

Kung hindi aprobahan ng Konseho ang paghirang na ginawa ng Pangulo ng Konseho sa loob ng 45 araw na panahon, ang Pangulo ng Konseho ay gagawa ng panibagong paghirang sa naturang tanggapan sa loob ng 45 araw ng hindi pag-aproba sa naunang paghirang. Ang bawat kasunod na hindi pag-aproba sa isang paghirang na ginawa ng Pangulo ng Konseho ay lilikha ng panibagong 45 araw na panahon.

(c) Paghirang sa Pamamagitan ng Resolusyon ng Konseho. Kapag hindi nagharap ang Pangulo ng Konseho ng isang paghirang sa Konseho para aprobahan nito tulad ng itinakda sa seksyon na ito, ang paghirang na ito ay gagawin ng Konseho, sa pamamagitan ng resolusyon, sa loob ng 45 araw mula sa katapusan ng 45 araw na panahon na hindi pagkilos ng Pangulo ng Konseho.

(d) Pagtatanggal. Ang mga miyembro ng isang lupon o komisyon, maliban sa Komisyon ng Etika ng Lunsod, atang Komisyon ng Pulisya at ang mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente, na hinirang ng Alkalde na sumasailalim sa pag-aproba ng Konseho, ay maaaring tanggalin ng Alkalde kahit walang kumpirmasyon ang Konseho. Ang mga miyembro ng Komisyon ng Pulisya at ng mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente ay maaaring tanggalin ng Alkalde, subalit ang isang tinanggal na miyembro ay maaaring, sa loob ng sampung araw ng kalendaryo mula sa pagkatanggal, iapela ang aksyon sa Konseho. Sa loob ng sampung araw ng pagpupulong ng Konseho pagkatanggap sa apela, maaaring ibalik ng Konseho ang komisyonado sa pamamagitan ng dalawa-ikatlong boto ng Konseho. Ang hindi pagbabalik ng Konseho sa komisyonado sa loob ng panahong ito ay bubuo ng isang pagtatanggi sa apela. Ang aksyon sa isang apela ay magiging

Page 77: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

75TXT1-5-TA

isang aksyon na hiwalay sa pag-aproba sa paghirang ng isang kahalili sa tinanggal na miyembro. Ang mga miyembro ng Komisyon ng Etika ng Lunsod ay maaaring tanggalin ayon sa Seksyon 700.

Sek. 5. Ang Seksyon 604 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang tulad ng sumusunod:

Sek. 604. Mga Pangkalahatang Tagapamahala.

(a) Humihirang na Awtoridad. Ang lupon ng bawat Kagawarang Nagmamay-ari ay hihirang sa pangkalahatang tagapamahala na sumasailalim sa kumpirmasyon ng Alkalde at Konseho, maliban kung itinakdang iba sa Saligang-Batas, at magtatanggal sa pangkalahatang tagapamahala sumasailalim sa kumpirmasyon ng Alkalde. Ang isang pangkalahatang tagapamahala na tinanggal alinsunod sa mga probisyon ng seksyon na ito ay maaaring iapela ang pagkatanggal sa Konseho sa paraang itinakda sa Seksyon 508(e).

(b) Taunang Pagrepaso. Ang lupon ng bawat Kagawarang Nagmamay-ari ay magsusuri sa kanyang pangkalahatang tagapamahala hindi bababa sa isang beses bawat taon at magtatakda o babaguhin ang sweldo ng pangkalahatang tagapamahala sa loob ng mga alituntunin na itinatag ng Konseho, pagkatapos gawin ang mga rekomendasyon tungkol sa mga alituntuning ito sa Konseho ng Direktor ng Tanggapan ng mga Serbisyong Pampangasiwaan at Pananaliksik. Ang lupon ay magbibigay ng isang kopya ng kanyang pagsusuri sa paggawa at pagpapasya sa sweldo sa Alkalde at Konseho.

(c) Mga Kapangyarihan at mga Tungkulin. Ang mga kapangyarihan at tungkulin ng mga pangkalahatang tagapamahala na nilalaman sa Seksyon 509 ay uukol sa mga pangkalahatang tagapamahala ng mga Kagawarang Nagmamay-ari. Dagdag pa rito, ang lupon ng bawat Kagawarang Nagmamay-ari ay maaaring mag-awtorisa sa kanyang pangkalahatang tagapamahala na makipakontrata sa ngalan ng kagawaran kapag ang kontrata ay hindi kasama ang pagbabayad o pagtanggap ng pera o pagtuturing na makatuwirang tinasa sa lampas ng isang hangganan ng pananalapi na itinakda ng ordinansa.

Sek. 6. Ang Seksyon 606 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang tulad ng sumusunod:

Sek. 606. Proseso sa Paggawad ng mga Prangkisa, Permiso, Lisensya at Pakikipagkasunduan sa mga Upa.

(a) Ang aksyon ng lupon na naggagawad ng mga prangkisa, konsesyon, permiso at lisensya o pag-aproba ng mga upa ay gagawin ayon sa utos o resolusyon.

(b) Kung ang utos o resolusyon ng lupon ay naggagawad ng isang prangkisa, permiso o lisensya o nag-aaproba ng isang upa para sa terminong mas matagal kaysa sa limang taon, ito ay ihaharap para aprobahan o hindi aprobahan ng Konseho. Ang Konseho ay, sa pamamagitan ng ordinansa, maaaring higit pang baybayin kung ano ang bumubuo sa terminong higit sa limang taon. Maliban kung kumilos ang Konseho na hindi aprobahan ang prangkisa, permiso, lisensya o upa sa loob ng 30 araw matapos maiharap ito sa Konseho, ang prangkisa, permiso, lisensya o upa ay ituturing na inaprobahan. Kung hindi aprobahan ng Konseho ang prangkisa, permiso, lisensya o upa, ibabalik ito ng Konseho sa pinanggalingang lupon para muling pag-isipan at muling iharap. Anumang utos o resolusyon na naggagawad ng isang prangkisa para sa isang termino

Page 78: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

76TXT1-6-TA

na higit sa limang taon ay ilalathala minsan sa kaparehong paraan tulad ng mga ordinansa ng Lunsod at magkakabisa 30 araw matapos mailathala. Ang subseksyon na ito ay hindi uukol sa mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente.

Sek. 7. Ang Seksyon 670 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang tulad ng sumusunod:

Sek. 670. Mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at KuryenteKabuuuan.

(a) Kabuuuan, Paghirang at Pagtatanggal. Ang mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente ay bubuuin ng limangpitong miyembrong hinihirang at tinatanggal tulad ng itinakda sa Seksyon 502.

(b) Termino. Ang mga miyembro ng lupon ay maglilingkod ng mga termino na apat na taon. Ang mga termino ay sinadya upang hangga’t maaari ang mga termino ng katungkulan ay halilihan.

(c) Mga Kwalipikasyon. Dagdag pa sa mga pag-aatas na itinakda sa mga Seksyon 501(d) at (e), ang mga miyembro ng lupon ay dapat tumugon sa sumusunod na mga kwalipikasyon:

(1) Ang mga miyembro ng lupon ay dapat magkaroon ng pangkalahatang karanasan sa isa o higit pa sa sumusunod na mga larangan: (i) pamamahala sa utilidad; (ii) patakaran at pagpapatakbo ng patubig o kuryente; (iii) patakarang pangkapaligiran; (iv) negosyo o pananalapi; (v) mga ugnayan sa gawa; (vi) pagtataguyod sa mamimili; at/o (vii) mga Konseho ng Kapitbahayan o mga organisasyon sa komunidad.

(2) Walang tao ang hihirangin sa lupon na, sa loob ng 12 buwan bago hirangin, ay inatasang magrehistro bilang naglolobi sa Lunsod ng Los Angeles at sumali sa anumang mga gawain ng paglolobi kaugnay sa Kagawaran ng Tubig at Kuryente.

(d) Bayad. Ang mga miyembro ng lupon ay tatanggap ng bayad tulad ng higit pang itinakda ng ordinansa.

Sek. 8. Ang Seksyon 674 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang tulad ng sumusunod:

Sek. 674. Mga Kontrata ng Kuryente.

(a) Sumasailalim sa pag-aproba sa pamamagitan ng ordinansa, tAng lupon ay magkakaroon ng kapangyarihang makipagkontrata sa Estados Unidos o anuman sa kanyang mga ahensya, anumang estado o ahensya ng estado, at anumang korporasyon, pampubliko o pribado, na matatagpuan sa loob o labas ng Lunsod o Estado ng California:

(1) Para sa konstruksyon, pag-aari, pagpapatakbo, at pagpapanatili ng mga pasilidad para sa paglikha, pagpapabagong-anyo, at pagdadala ng enerhiyang pang-elektriko, na sumasailalim sa sumusunod:

(A) Anumang kontratang pinasukan sa ilalim ng subseksyon na ito ay maaaring magtakda sa magkabahaging paggamit at mga benepisyo at mga singil sa kapital at iba pang mga obligasyon na kaugnay sa mga pasilidad.

Page 79: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

77TXT1-7-TA

(B) Ang termino ng anumang pinasukang kontrata sa ilalim ng subseksyon na ito ay hindi sumasailalim sa mga limitasyon ng termino na binanggit sa Seksyon 607(a) at maaaring mapahaba sa magagamit na buhay ng mga ipinatayo, binili o pinaunlad na mga pasilidad. Ipapaalam ng lupon sa Konseho at Alkalde ang anumang iminungkahing kontrata na may termino na mas matagal kaysa sa 30 taon bago aksyunan ng lupon ang tungkol sa anumang naturang kontrata.

(2) Para sa pagbebenta, pagbili, pagpapalit, o pagkakaisa ng enerhiyang pang-elektriko o kapasidad ng paglikha ng elektriko.

(b) Maaaring baguhin ng Lupon, na walang pag-aproba ang Konseho, ang anumang pakikipagkontrata sa Estados Unidos na dati nang naroroon simula noong ika-12 ng Disyembre, 1940 tungkol sa pagdadala ng enerhiyang pang-elektriko sa Lunsod at sa mga mamimili ng kagawaran mula sa pasilidad ng paglikha ng elektriko sa Hoover Dam.

Sek. 9. Ang Seksyon 676 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang tulad ng sumusunod:

Sek. 676. Istratehikong Plano at Pagtatakda ng Singil.

(a) Istratehikong Plano. Simula sa ika-1 ng Enero, 2020, at bawat apat na taon pagkatapos nito, ang lupon ay maghaharap ng isang apat na taong plano ng istratehikong pamumuhunan at atas para sa kita (Plano) sa Konseho at Alkalde para aprobahan o hindi aprobahan. Kabilang sa Plano na pag-uusapan ang tungkol sa potensyal na mga singil at proseso ng pagtatakda ng singil. Kapag inaprobahan na ng Konseho at Alkalde ang Plano:

(1) Lahat ng mga patakaran, proyekto, programa, at atas ng kita sa loob ng mga pamantayan ng pinagtibay na Plano, kabilang ang kakayahang ayusin ang mga singil, ay mangangailangan lamang ng pag-aproba ng lupon maliban kung itinakdang iba ng Saligang-Batas; at

(2) Lahat ng mga patakaran, proyekto, programa, atas ng kita, o pagtatakda sa baseng singil na lumalampas sa mga pamantayan ng pinagtibay na Plano ay mangangailangan ng pag-aproba ng Konseho at Alkalde maliban kung itinakdang iba ng Saligang-Batas. Ang atas ng pag-aproba ng Konseho at Alkalde sa subdibisyong ito ay hindi uukol sa pang-araw-araw na mga pagpapatakbo, mga emerhensyang pamamalakad o mga aksyon ng kagawaran na kinakailangan upang sumunod sa mga bagong batas ng estado o pederal, maliban kung itinakdang iba ng ordinansa.

(b) Ang Konseho ng Lunsod, sa pamamagitan ng ordinansa, ay maaaring higit pang baybayin ang mga patakaran, proyekto, programa, at atas ng kita na mapapaloob sa mga pamantayan ng Plano at magtatatag sa mga takdang panahon, pamamaraan, at iba pang mga pag-aatas para sa Plano. Ang Konseho ng Lunsod ay magpapatibay sa ordinansa na magtatakda sa mga takdang panahon, pamamaraan, at iba pang mga pag-aatas para sa Plano ng ika-1 ng Enero, 2020 bago dumating ang ika-1 ng Enero, 2018.

(ca) Pamamaraan sa Pagtatakda ng Singil.

(1) Hanggang dumating ang panahon na maaprobahan ang unang Plano ayon sa subseksyon (a), Na sumasailalim sa pag-aproba sa pamamagitan ng ordinansa, ang mga

Page 80: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

78TXT1-8-TA

singil para sa tubig, muling ginamit na tubig, sobrang tubig, enerhiyang pang-elektriko at sobrang enerhiya ay isasaayos ng lupon pana-panahon kung kinakailangan, na sumasailalim sa pag-aproba sa pamamagitan ng ordinansa. Maliban kung itinakdang iba sa Saligang-Batas, ang mga singil ay magiging pantay sa pagpapatakbo para sa mga mamimili na may pare-parehong kalagayan sa loob ng buong Lunsod, na maaaring magkasing-lapit, at magiging husto at makatuwiran, kabilang ang pagtuturing, ng ilang mga bagay:

(A1) ang uri ng mga paggamit;

(B2) ang dami ng ibinigay; at

(C3) ang halaga ng serbisyo.

Ang mga singil sa loob ng Lunsod ay maaaring mas mababa, ngunit hindi mas mataas, kaysa sa mga singil sa labas ng Lunsod para sa kapareho o katulad na mga paggamit.

(2) Kasunod sa pag-aproba sa unang Plano ayon sa subseksyon (a), ang mga singil para sa tubig, muling ginamit na tubig, sobrang tubig, enerhiyang pang-elektriko, sobrang enerhiya at iba pang mga serbisyo ay isasaayos ng lupon pana-panahon kung kinakailangan. Ang mga singil sa loob ng mga pamantayan ng Plano ay hindi mangangailangan ng pag-aproba ng Konseho o Alkalde. Ang pagsasaayos ng anumang mga baseng singil ng lupon na lumalampas sa pinagtibay na Plano ay mangangailangan ng pag-aproba ng Konseho at Alkalde alinsunod sa mga takdang panahon at pamamaraan na itinatag ng ordinansa. Maliban kung itinakdang iba sa Saligang-Batas, ang mga singil ay magiging pantay sa pagpapatakbo para sa mga mamimili na may pare-parehong kalagayan sa loob ng buong Lunsod, na maaaring magkasing-lapit, at magiging husto at makatuwiran, kabilang ang pagtuturing, ng ilang mga bagay:

(A) ang uri ng mga paggamit;

(B) ang dami ng ibinigay; at

(C) ang halaga ng serbisyo.

Ang mga singil sa loob ng Lunsod ay maaaring mas mababa, ngunit hindi mas mataas, kaysa sa mga singil sa labas ng Lunsod para sa kapareho o katulad na mga paggamit.

(db) Mga Kontrata ng Indibidwal na Kuryente. Ang mga singil para sa enerhiyang elektriko ay maaaring ipagkasundo sa mga indibidwal na mamimili, basta’t ang mga singil na ito ay itinatag ng may bisang kontrata, mag-aambag sa katatagan sa pananalapi ng mga gawaing pang-elektriko at kaugma sa mga pamamaraan na itinatag ng ordinansa.

Page 81: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

79TXT1-9-TA

Sek. 10. Ang Seksyon 678 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang tulad ng sumusunod:

Sek. 678. Mga Kapangyarihan at Tungkulin ng Pangkalahatang Tagapamahala ng Kagawaran ng Tubig at Kuryente.

(a) Paghirang. Ang pagkalap at pagpili sa kwalipikadong mga kandidato para sa pwesto ng Pangkalahatang Tagapamahala ng Kagawaran ng Tubig at Kuryente ay pangangasiwaan ng pangkalahatang tagapamahala ng Kagawaran ng mga Tauhan, sa pakikipatulungan sa mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente, sa pamamagitan ng isang sistema ng bukas na pagkukumpetensya batay sa propesyonal na tinatanggap na mga antas ng pagkalap at pagpili. Ang pangkalahatang tagapamahala ng Kagawaran ng mga Tauhan ay magpapasulong ng isang grupo ng hanggang sa anim na kwalipikadong kandidato sa mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente, na pagkatapos ay magbibigay ng isang listahan ng hanggang sa tatlong rekomendadong kandidato, na inayos ayon sa rangko, sa Alkalde para repasuhin at para hirangin ang isa sa kanila bilang Pangkalahatang Tagapamahala. Sa paghiling ng Alkalde, ang mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente ay magbibigay sa Alkalde ng karagdagang listahan ng hanggang sa tatlong kandidato, na inayos ayon sa rangko, mula sa grupo ng mga kandidatong naunang ibinigay ng pangkalahatang tagapamahala ng Kagawaran ng mga Tauhan. Ang hinirang ng Alkalde ay sasailalim sa pagkumpirma ng Konseho. Kung hindi kumpirmahin ng Konseho ang taong hinirang, at kung may natitirang sinumang mga karagdagang kandidato, maaaring hilingin ng Alkalde at tanggapin mula sa mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente ang isang karagdagang kandidato, na pipiliin mula sa grupo ng mga kandidato na naunang ibinigay ng pangkalahatang tagapamahala ng Kagawaran ng mga Tauhan. Maaaring hirangin ng Alkalde ang kandidatong iyon o isa sa mga kandidatong nasa listahan o mga listahan na naunang ibinigay sa Alkalde ng mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente, na sasailalim sa kumpirmasyon ng Konseho.

(b) Mga Kapangyarihan at mga Tungkulin. Kabilang sa mga kapangyarihang inilarawan sa Seksyon 604, ang pangkalahatang tagapamahala ng kagawaran ay magkakaroon ng kapangyarihan at tungkulin na:

(1a) ipairal ang lahat ng mga utos, alituntunin at regulasyon na pinagtibay ng lupon;

(2b) pangasiwaan at pamalahaan ang disenyo, konstruksyon, pagpapanatili at pagpapatakbo sa lahat ng trabaho o mga pagpapabuti na inawtorisahan o inutos ng lupon; at

(3c) isagawa ang lahat ng mga kapangyarihan at tungkulin ng kagawaran na ipinagbiln ng lupon;

(4) magbigay ng mga ulat tungkol sa impormasyon kaugnay sa anumang aksyon o nakabitin na mga aksyon ng Lupon o Kagawaran, gaya ng hiniling ng Konseho; at

(5) isagawa ang isang siklo ng buwanang pagsingil at magbigay ng arawang datos ng paggamit sa tubig sa Kawanihan ng Kalinisan simula hindi tatagal sa ika-1 ng Hulyo, 2020, maliban kung itinakdang iba ng ordinansa.

Page 82: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

80TXT1-10-TA

Sek. 11. Ang Seksyon 683 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang tulad ng sumusunod:

Sek. 683. Tanggapan ng Pampublikong Pananagutan.

(a) Ang papel ng Tanggapan ng Pampublikong Pananagutan (OPA) ay ang magbigay sa publiko ng independiyenteng pagsusuri sa mga aksyon ng kagawaran kaugnay sa mga singil sa tubig at elektrisidad.

(b) Ang OPA ay pamumunuan ng isang Tagapagpaganap na Direktor, na hindi nasasakupan ng serbisyo sibil. Ang Tagapagpaganap na Direktor ay hihirangin ng isang komite ng mga mamamayan sa isang termino na limang taon, na sumasailalim ang paghirang sa kumpirmasyon ng Konseho at Alkalde, at maaaring hirangin ng Konseho sa ikalawang termino na limang taon, sumasailalim sa pag-aproba ng Alkalde. Ang Konseho sa pamamagitan ng ordinansa ay magtatakda sa pagkatanggal ng Tagapagpaganap na Direktor sa isang paraan na katulad ng nakatakda sa Saligang-Batas ng Lunsod Seksyon 575(e), at para lamang sa mga dahilan na itinakda ng ordinansa. Ang Konseho sa pamamagitan ng ordinansa ay magtatalaga sa kabuuan at paraan ng pagpili ng komite ng mga mamamayan.

(c) Ang Tagapagpaganap na Direktor ay (1) magbibigay-ulat direkto sa, ngunit hindi didiktahan ng, lupon; (2) magkakaroon ng buong pananagutan at kontrol ng lahat ng mga gawain ng OPA; (3) magiging responsable para sa tamang pangangasiwa ng kanyang mga gawain; (4) hihirang, magtatanggal, magsususpende, o maglilipat sa lahat ng kanyang mga empleyado, sumasailalim sa mga probisyon ng serbisyo sibil ng Saligang-Batas; (5) magpapalabas ng mga tagubilin sa mga empleyado ng OPA kaugnay sa hanay ng kanilang mga tungkulin, na sumasailalim sa mga probisyon ng serbisyo sibil ng Saligang-Batas; (6) bago magsimula ang bawat piskal na taon at ayon sa isang iskedyul na itinalaga ng ordinansa, maghaharap sa Opisyal na Nangangasiwa ng Lunsod ng isang iminungkahing taunang badyet na sumasakop sa inaasahang mga gastusin ng OPA; (7) gastusin sa mga pondo ng OPA (kabilang, na walang limitasyon, ang paggawad ng mga kontrata) alinsunod sa mga probisyon ng mga paglalaan ng badyet o ng mga paglalaan ginawa matapos ang pagpapatibay ng badyet; at (8) gaganap ng naturang iba pang mga tungkulin na maaaring itinalaga ng ordinansa.

(d) Ang Konseho ng Lungsod sa pamamagitan ng ordinansa ay magtatatag ng mga pagtatakda para sa pangangasiwa at pagpapatakbo ng OPA, kung aling mga pagtatakda ay kinabibilangan sa pinakamababa ng: (1) mga atas at iskedyul ng pag-uulat at (2) mga pamamaraan sa proteksyon at reklamo ng mamimili.

(e) Ang OPA ay magkakaroon ng akseso sa impormasyon upang matupad nito ang kanyang mga responsibilidad.

(f) Ang mga empleyado ng OPA ay kabilang ang isang Tagapagtaguyod ng Nagbabayad ng Singil at karagdagang mga puwesto tulad ng itinalaga ng ordinansa. Ang OPA ay pana-panahon na maghaharap ng mga pampublikong ulat.

(g) Ang kagawaran ay magsasama ng isang badyet para sa OPA tulad ng itatakda ng ordinansa sa isang antas na hindi bababa sa 0.0250.05 porsiyento ng taunang mga kita ng kagawaran na tanging nanggagaling sa pagbebenta ng tubig at enerhiyang pang-elektriko para sa naunang piskal na taon.

Page 83: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

81TXT1-11-TA

(h) Wala sa nilalaman ng seksyon na ito ang magbabawas o kundi ay makakaapekto sa awtoridad ng Kontroler ng Lunsod na magsagawa ng mga odit sa pananalapi at paggawa ng kagawaran.

(i) Ang Seksyon na ito ay maipapairal sa ika-1 ng Hulyo, 2011.

Sek. 12. Ang isang bagong Seksyon 685 ay idinadagdag sa Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles upang mabasang tulad ng sumusunod:

Sek. 685. Tanggapan ng Tagasuri ng Tubig at Kuryente

Ang papel ng Tanggapan ng Tagasuri ng Tubig at Kuryente ay ang magbigay ng pagsusuri sa patakaran at pananalapi sa ilalim ng direksyon ng lupon. Ang lupon ay magkakaroon ng kapangyarihan na humirang at magtanggal sa isang Tagapagpaganap na Direktor para sa Tanggapan, na hindi masasakupan ng serbisyo sibil. Ang lupon ay magkakaroon din ng kapangyarihan na itakda at palitan ang sweldo ng Tagapagpaganap na Direktor at magtatag ng isang badyet para sa Tanggapan tulad ng higit pang itinakda ng ordinansa. Ang Tagapagpaganap na Direktor ay direktong mag-uulat sa lupon, mangangasiwa sa mga gawain ng Tanggapan, hihirang ng mga empleyadong sapat para tuparin ang mga responsibilidad ng Tanggapan, at gampanan ang ibang naturang mga tungkulin tulad ng maaring italaga ng lupon kaayon sa Seksyon na ito.

Sek. 13. Ang Seksyon 1000 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang tulad ng sumusunod:

Sek. 1000. Kaukulan.

Ang mga probisyon ng Artikulong ito ay uukol sa lahat ng mga empleyado ng Lunsod, maliban doon sa mga tahasang hindi nasasakupan sa Seksyon 1001 at tulad ng itinakda sa Seksyon 1025.

Sek. 14. Ang isang bagong Seksyon 1025 ay idinadagdag sa Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles upang mabasang tulad ng sumusunod:

Sek. 1025. Kagawaran ng Tubig at Kuryente.

(a) Ang Konseho, o ang mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente (Lupon) kung inawtorisahan alinsunod sa subseksyon (b) na magtakda sa mga sahod ng mga empleyado ng Kagawaran ng Tubig at Kuryente, ay maaaring mag-aproba ng alternatibong mga pamantayan para sa mga empleyado ng Kagawaran ng Tubig at Kuryente para palitan ang anuman o lahat ng mga pamantayan ng serbisyo sibil ng mga Seksyon 1000 hanggang 1020 ng Saligang-Batas, na sumasailalim sa sumusunod na mga pag-aatas:

(1) Ang alternatibong mga pamantayan ay pinagtibay alinsunod sa isang ligal na may saysay na memorandum ng pagkakaunawaan na nilikha sa pamamagitan ng kolektibong pagtatawaran at inaprobahan ng Konseho;

Page 84: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

82TXT1-12-TA

(2) Ang Konseho, o ang Lupon kung inawtorisahan bilang ang awtoridad na nagtatakda sa sweldo alinsunod sa subseksyon (b), ay gagawa ng isang pagpapasya na ang mga probisyon ng memorandum ng pagkakaunawaan ay magpanatili ng mga pamantayan na nagtatakda ng pagkuha dahilan sa merito, pagpanatili at pagtatanggal batay sa merito, pagsunod sa pantay na oportunidad ng pag-empleyo, at proteksyon mula sa pagpilit para sa mga layuning pampulitika ng partido; at

(3) Ang Konseho, o ang Lupon kung inawtorisahan bilang ang awtoridad na nagtatakda sa sweldo alinsunod sa subseksyon (b), ay magsasagawa ng pana-panahong mga odit ng anumang pinagtibay na alternatibong pamantayan alinsunod sa seksyong ito, at maaaring bawiin ang naturang mga pamantayan, na sumasailalim sa anumang proseso ng pagsalubong at pagbibigay tulad ng maaaring iatas ng batas at pag-aproba ng Konseho.

(b) Ang Konseho, sa pamamagitan ng ordinansa, ay maaring ibilin ang kanyang awtoridad sa ilalim ng Seksyon 219 ng Saligang-Batas para itakda ang mga sahod ng mga empleyado ng Kagawaran ng Tubig at Kuryente, sa kabuuan o sa bahagi, sa mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente. Ang Konseho, sa pamamagitan ng ordinansa, ay maaari ring, bawiin ang anumang naunang pagbibilin ng awtoridad na ginawa alinsunod sa subseksyon na ito.

Sek. 15. Pagpapatupad ng mga Ordinansa. Ang Konseho, sa pamamagitan ng ordinansa, ay magtatakda sa pagbabagong-kalagayan sa bagong likhang mga Komisyonado ng Lupon ng Tubig at Kuryente na inilarawan sa iminungkahing Seksyon 670 ng Saligang-Batas sa itaas. Upang gawin ang pagbabagong-kalagayan sa bagong Lupon at lumikha ng mga termino na halilihan, ang ordinansa ay maaaring magtalaga sa inisyal na mga termino ng Komisyonado ng isang panahon na iba kaysa sa apat na taon para sa unang Lupon na nilikha sa ilalim ng iminungkahing Seksyon ng Saligang-Batas. Ang paglaki sa sukat ng Lupon, mga atas ng kwalipikasyon at pagbabago sa termino ng mga Komisyonado ay magsisimula hindi mas maaga kaysa sa ika-1 ng Hulyo, 2017, at hindi tatagal sa ika-15 ng Agosto, 2017.

Sek. 16. Kakayahang Maihiwalay. Kung ang anumang seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, parirala, o bahagi ng panukalang ito ay hinirang na hindi makabatas o walang saysay ng anumang hukuman o husgado na may-kakayahang hurisdiksyon, ang natitirang mga seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, parirala, o bahagi ng panukalang ito ay mananatiling may buong puwersa at saysay, at dahil dito ang mga probisyon ng panukalang ito ay maaaring ihiwalay. Dagdag pa dito, ang mga botante ay nagdedeklara na dapat ay ipinasa nila ang lahat ng mga seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, parirala, o bahagi ng panukalang ito na hindi kasama ang seksyon, subseksyon, subdibisyon, sugnay, pangungusap, parirala, o bahaging hinirang na hindi makabatas o walang saysay.

Page 85: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

83TQ2-TA

LUNSOD NG LOS ANGELES MGA PENSIYON NG BUMBERO AT PULIS; MGA OPISYAL PANGKAPAYAPAAN NG PALIPARAN. PAGSUSOG SA SALIGANG-BATAS SSS.

Dapat bang susugan ang Saligang-Batas upang: (1) magtala ng bagong mga opisyal pangkapayapaan sa Baitang 6 ng Sistema ng Pensiyon ng Bumbero at Pulis; (2) pahintulutan ang kasalukuyang mga opisyal pangkapayapaan na lumipat sa Baitang 6 mula sa Sistema ng Pagretiro ng mga Empleyado ng Lunsod (LACERS) na pansarili nilang babayaran; at (3) pahintulutan ang bagong mga Hepe ng Pulisya ng Paliparan na magpatala sa LACERS?

WALANG-PINAPANIGANG PAGSASABUOD NI SHARON M. TSO, PUNONG MANUNURI NG BATAS

Ang panukalang ito ay magsususog sa Saligang-Batas (Saligang-Batas) ng Lunsod ng Los Angeles upang: 1) ipatala ang lahat ng mga empleyado ng Lunsod na hinirang sa o pagkaraan ng ika-7 ng Enero, 2018 bilang mga nanumpang opisyal na pangkapayapaan na gumaganap ng mga tungkulin ng pagbabantay or paglaban sa sunog para sa Kagawaran ng mga Paliparan sa Baitang 6 ng sistema ng pagreretiro ng nanumpang empleyado; 2) bigyan ang sinumang Hepe ng Pulisya ng Kagawaran ng mga Paliparan na hinirang sa o pagkaraan ng ika-7 ng Enero, 2018 na hindi pa isang nanumpang miyembro ng sistema ng pagreretiro ng opsyon na magpatala sa sibilyan na plano sa pagreretiro ng Lunsod; at, 3) pahintulutan ang nanumpang mga opisyal na pangkapayapaan na hinirang sa Kagawaran ng mga Paliparan bago ang ika-7 ng Enero, 2018 ng opsyon na lumipat mula sa sibilyang plano sa pagreretiro ng empleyado ng Lunsod patungo sa Baitang 6 ng sistema ng pagreretiro ng nanumpang empleyado, sa sarili nilang gastos.

Mula noong 1946, nang ang Paliparan ng Los Angeles ay inilipat mula sa Kagawaran ng Digmaan ng U.S. patungo sa Lunsod ng Los Angeles, ang seguridad ng paliparan ay ipinagkakaloob ng mga Opisyal ng Pulisya ng Paliparan at mga Opisyal ng Kaligtasan ng Paliparan (magkakasama, mga Opisyal na Pangkapayapaan ng Paliparan). Ang mga Opisyal ng Pulisya ng Paliparan ay may buong katayuan bilang opisyal na pangkapayapaan na may kapangyarihan ng pulisya na katumbas ng mga opisyal ng Kagawaran ng Pulisya ng Los Angeles (LAPD). Ang mga Opisyal ng Kaligtasan ng Paliparan ay nanumpa ring mga opisyal na pangkapayapaan na gumaganap ng mga operasyon ng paglaban sa sunog at pagliligtas. Ngayon, ang Kagawaran ng Pulisya ng Paliparan ng Los Angeles ay binubuo ng 550 nanumpang opisyal.

Sa kasalukuyan, lahat ng mga Opisyal na Pangkapayapaan ng Paliparan na gumaganap ng mga tungkulin ng pagbabantay at paglaban sa sunog para sa Kagawaran ng mga Paliparan ay mga miyembro ng sibilyang plano sa pagreretiro ng Lunsod, ang Sistema ng Pagreretiro ng mga Empleyado ng Lunsod ng Los Angeles (LACERS). Ang nanumpang mga opisyal ng LAPD, ang mga bumbero at paramediko ng Kagawaran ng Bumbero ng Los Angeles, at mga opisyal ng pangkapayapaan ng Kagawaran ng Puwerto ay mga miyembro ng sistema ng pagreretiro ng nanumpa, ang Plano sa mga Pensiyon ng Bumbero at Pulis ng Los Angeles (LAFPP).

Ang iminumungkahing pagsusog sa Saligang-Batas ay awtomatikong magtatala sa Baitang 6 ng mga Opisyal na Pangkapayapaan ng Paliparan ng LAFPP na hinirang sa o pagkaraan ng ika-7 ng Enero, 2018 upang gampanan ang mga tungkulin ng pagbabantay at paglaban sa sunog para sa Kagawaran ng mga Paliparan. Bilang karagdagan, sinumang Hepe ng Pulisya ng Paliparan

SSS

Page 86: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

84TQ2-TA

na hinirang sa o pagkaraan ng ika-7 ng Enero, 2018 na hindi pa isang kasalukuyan o retiradong miyembro ng LAFPP ay maaaring pumili na sumama sa LACERS sa halip ng LAFPP, isang opsyon na kasalukuyang makukuha ng Hepe ng Pulisya ng LAPD, Hepe ng Bumbero, at Hepe ng Pulisya ng Kagawaran ng Puwerto.

Ang iminumungkahing pagsusog sa Saligang-Batas ay magbibigay din sa mga Opisyal na Pangkapayapaan ng Paliparan na hinirang sa Kagawaran ng mga Paliparan bago ang ika-7 ng Enero, 2018 ng opsyon na ilipat ang kanilang mga benepisyo sa pagreretiro mula sa LACERS patungo sa Baitang 6 ng LAFPP, sa kanilang sariling gastos. Anumang paglipat sa pagitan ng mga plano sa pagreretiro ay dapat na niyutral sa gastos at ang lumilipat na empleyado ay aatasang bayaran ang buong gastos na pang-aktuwaryo ng serbisyong ililipat. Kung iniaatas ng Kodigo ng Rentas Internas at angkop na batas sa buwis, ang mga Opisyal na Pangkapayapaan ng Paliparan na pumiling lumipat sa LAFFP ay aatasang patuloy na gumawa ng mga kontribusyon ng miyembro sa antas na angkop sa kanilang pagiging miyembro ng LACERS.

Itong Pagsusog sa Saligang-Batas ay magkakabisa kung aprobahan ng isang mayoriya ng mga botante.

PAHAYAG NG EPEKTO SA PANANALAPI

NI MIGUEL A. SANTANA, OPISYAL NA NANGANGASIWA NG LUNSOD

Ang panukalang ito ay nagtatala sa bagong mga Opisyal na Pangkapayapaan ng Paliparan sa Pensiyon ng Bumbero at Pulis ng Los Angeles (LAFPP) at nagpapahintulot sa mga kasalukuyang Opisyal na boluntaryong lumipat sa LAFPP mula sa Sistema ng Pagreretiro ng mga Empleyado ng Lunsod ng Los Angeles (LACERS). Ang bawat isa ng mga opisyal na pumiling lumipat sa LAFPP ay dapat magbayad ng buong gastos na kaugnay ng lahat ng naunang mga taon ng serbisyo sa LACERS.

Alinsunod sa isang independiyenteng pagsusuring pang-aktuwaryo, ang taunang gastos ng Lunsod sa pagkakaloob ng mga benepisyo sa pagreretiro sa hinaharap (pangkaraniwang gastos) para sa kasalukuyan at bagong mga Opisyal na sasama sa LAFPP ay 14 hanggang 19 na porsiyentong mas mataas kaysa kung ang mga parehong Opisyal ay nasa LACERS. Ang pagtaas na ito ay kumakatawan sa $140,000 hanggang $190,000 para sa bawat $1 milyon ng kabuuang pasahod ng kasalukuyan at bagong mga Opisyal na sasama sa LAFPP. Ang tunay na taunang pagtaas sa gastos ay magiging depende sa bilang ng mga Opisyal na sasama sa LAFPP. Ang Kagawaran ng mga Paliparan, hindi ang Pangkalahatang Pondo ng Lunsod, ang magbabayad sa lahat ng mga kontribusyon ng tagapag-empleyo sa hinaharap sa LAFPP para sa mga Opisyal na ito.

Page 87: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

85TXT2-1-TA

Ang mga bagong tadhana o pananalita na idinagdag sa Saligang-Batas o sa kasalukuyang mga seksyon ng Saligang-Batas ay ipinakikita sa tipong may salungguhit; ang mga salitang tinanggal mula sa Saligang-Batas o mula sa kasalukuyang seksyon ng Saligang-Batas ay ipinakikita sa tipong may pantanggal.

PAGSUSOG SA SALIGANG-BATAS SSS.

Seksyon 1. Subseksyon (e) ng Seksyon 1202 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

(e) Miyembro ng Kagawaran. Ang isang taong nanumpang Miyembro ng Kagawaran ng Bumbero o isang nanumpang Miyembro ng Kagawaran ng Pulisya, kung paano binigyang-kahulugan ng mga katawagang ito para sa bawat Baitang. Ang katawagang ito ay kabilang din ang isang tao na nanumpang Miyembro ng Kagawaran ng Puwerto na kuwalipikadong maging miyembro ng Plano alinsunod sa mga tadhana ng anumang Baitang ng Plano, pero hindi dapat kabilang ang sinumang nanumpang empleyado ng Kagawaran ng Puwerto na hinirang bago ang ika-8 ng Enero, 2006 at namalaging isang miyembro ng Sistema ng Pagreretiro ng mga Empleyado ng Lunsod ng Los Angeles. Bilang karagdagan, ang katawagang ito ay kabilang din ang isang tao na nanumpang Miyembro ng Kagawaran ng Paliparan na kuwalipikadong maging miyembro ng Plano alinsunod sa mga tadhana ng anumang Baitang ng Plano, pero hindi dapat kabilang ang sinumang nanumpang empleyado ng Kagawaran ng Paliparan na hinirang bago ang ika-7 ng Enero, 2018 at karapat-dapat gumawa ng pagpili na ipinahintulot ng Seksyon 1704 ng Saligang-Batas at namalaging isang miyembro ng Sistema ng Pagreretiro ng mga Empleyado ng Lunsod ng Los Angeles.

Sek. 2. Subseksyon (a) ng Seksyon 1700 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

(a) Hinirang na Hepe. Ang isang Hepe ng Pulisya, isang Hepe ng Bumbero, o isang Warden ng Daungan (Hepe) na hinirang sa katungkulang iyon o pagkaraan ng ika-1 ng Hulyo, 2011, at isang Hepe ng Pulisya ng Paliparan na hinirang sa katungkulang iyon sa o pagkaraan ng ika-7 ng Enero, 2018, at hindi isang Miyembro ng Plano at hindi rin Retiradong Miyembro ng Plano sa panahon ng paghirang, ay dapat maging isang Baitang 6 na Miyembro ng Plano pagkatapos hirangin maliban kung, sa loob ng pitong araw ng kalendaryo ng pagkahirang, siya ay nagharap ng isang nakasulat na pagpiling lumabas sa Kagawaran ng mga Pensiyon ng Bumbero at Pulisya upang pumiling maging isang miyembro ng Sistema ng Pagreretiro ng mga Empleyado ng Lunsod ng Los Angeles (LACERS) sa halip ng pagiging miyembro sa Baitang 6. Ang isang Hepe na hinirang sa katungkulang iyon sa o pagkaraan ng ika-1 ng Hulyo, 2011 at isa nang Miyembro ng Kagawaran sa araw ng paghirang sa kanya, ay dapat patuloy na maging miyembro ng Baitang kung saan siya ay kabilang bago ang paghirang bilang Hepe. Ang isang Retiradong Miyembro ng Plano na hinirang sa katungkulan ng isang Hepe sa o pagkaraan ng ika-1 ng Hulyo, 2011, ay dapat maging isang miyembro ng LACERS sa panahon ng paghirang, sa halip na isang Baitang 6 na Miyembro ng Plano, at dapat patuloy na tumanggap ng lahat ng benepisyo na kung saan siya ay karapat-dapat bilang isang Retiradong Miyembro ng Plano, pero hindi dapat makatipon ng karagdagang karapatan sa mga benepisyo mula sa Plano sa bisa ng kanyang pagtatrabaho bilang isang Hepe.

Sek. 3. Ang isang bagong Subdibisyon (5) ay idinaragdag sa subseksyon (c) Seksyon 1700 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

Page 88: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

86TXT2-2-TA

(5) Isang taong hinirang sa isang sinusumpaang katungkulan sa Kagawaran ng Paliparan o Kagawaran ng Bumbero sa o pagkaraan ng ika-7 ng Enero, 2018, na hindi pumiling lumipat sa Baitang 6 at namalaging isang miyembro ng LACERS, kung sa huli ay hinirang nang walang putol sa serbisyo sa Kagawaran ng Paliparan sa isang sinusumpaang katungkulan ng Kagawaran ng Paliparan o isang sinusumpaang katungkulan ng Kagawaran ng Bumbero na sa ibang paraan ay gagawin siyang kuwalipikado para maging miyembro sa Baitang 6, ay hindi dapat maging isang miyembro ng Baitang 6 pagkahirang, kundi dapat manatiling miyembro ng LACERS.

Sek. 4. Subseksyon (d) ng Seksyon 1700 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

(d) Mga Dating Miyembro. Sinumang dating miyembro ng anumang Baitang, na tumigil na maging miyembro bilang resulta ng pagbibitiw o pagkakatanggal at sa huli ay muling hinirang bilang Miyembro ng Kagawaran sa o pagkaraan ng ika-1 ng Hulyo, 2011, ay dapat maging isang Baitang 6 na Miyembro. Kung ang naturang tao ay hindi tumanggap ng pagsasauli ng mga kontribusyon para sa kanyang naunang serbisyo, ang kahulugan ng “Mga Taon ng Serbisyo” na nakalagay sa Baitang 6 na ito ay dapat na nagkokontrol tungkol sa karapatan ng naturang tao sa kredito sa serbisyo at ang naturang tao ay hindi kailangang gumawa ng pahabol na mga kontribusyon dahil sa naturang dating serbisyo. Kung ang miyembrong iyon ay walang karapatan sa isang pagsasauli ng mga kontribusyon mula sa kanyang dating Baitang, siya ay hindi dapat magkaroon ng anumang karapatang pagsaulian ng mga kontribusyon na dating ginawa niya sa ilalim ng mga tadhana ng isang dating Baitang na pinagsaulian kung tinapos niya sa huli ang pagiging Miyembro ng Plano. Kung ang naturang tao ay tumanggap ng pagsasauli ng kanyang mga kontribusyon bilang resulta ng kanyang pagtatapos, ang karapatan ng naturang tao sa kredito sa Mga Taon ng Serbisyo para sa naturang panahon ng serbisyo ay dapat isailalim sa kondisyon na ang naturang tao ay pumiling magbayad at nakabayad sa Plano sa Pensiyon ng Bumbero at Pulisya ng halaga ng dating isinauling mga kontribusyon, may interes sa isang halagang kinuwenta bilang interes na talagang aanihin sa pagitan ng petsa ng naturang pagtatapos at ng petsa ng pagpasok sa serbisyo bilang isang Miyembro ng Plano alinsunod sa mga tuntuning pinagtibay ng Lupon. Kung ang naturang miyembro ay hindi pumiling magbayad, ang katawagang Mga Taon ng Serbisyo na ginagamit sa ibang lugar sa Baitang 6 na ito ay hindi dapat kabilang ang anumang panahon bago ang muling paghirang sa kanya, sa kabila ng mga kahulugang nakalagay sa Seksiyon 1702(pq) at (qr).

Sek. 5. Ang isang bagong subseksyon (f) ay idinaragdag sa Seksyon 1700 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

(f) Mga Miyembro ng Kagawaran ng Paliparan. Bilang karagdagan sa mga Miyembro ng Kagawaran na inilarawan sa Subsekyon (b) ng seksyong ito, ang mga sumusunod na tao ay kuwalipikadong maging miyembro sa Baitang 6 gaya ng itinatadhana sa ibaba:

(1) Mga Taong Hinirang Sa o Pagkaraan ng ika-7 ng Enero, 2018. Bawat taong hinirang sa o pagkaraan ng ika-7 ng Enero, 2018, bilang isang Miyembro ng Kagawaran ng Paliparan, gaya ng binigyang-kahulugan sa Seksyon 1702(d), ay dapat maging isang Baitang 6 na Miyembro ng Plano sa pagtatapos ng tao mula sa pagsasanay sa akademya na iniaatas ng Kagawaran ng Paliparan. Sa sandaling maging isang Baitang 6 na Miyembro ng Plano, ang isang miyembro ay maaaring pumiling bumili ng kredito sa Mga Taon ng Serbisyo para sa panahon ng pagsasanay sa akademya alinsunod sa mga tuntuning pinagtibay ng Lupon, sa kondisyon na tanging ang panahon ng pagsasanay sa akademya kung kailan ang tao ay isang miyembro ng Plano sa Pag-iimpok ng Pensiyon para sa Bahaging-oras, Pana-panahon at Pansamantalang mga Empleyado ang karapat-dapat para sa pagbili. Ang isang Hepe ng Pulisya ng Paliparan na hinirang sa o pagkaraan ng ika-7 ng Enero, 2018, ay maaaring di-

Page 89: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

87TXT2-3-TA

mababawing pumili sa sulat sa panahon ng paghirang na hindi maging miyembro ng Baitang 6, sa kondisyon na siya ay nakatutugon sa mga iniaatas sa pagiging karapat-dapat para sa naturang pagpili gaya ng nakalagay sa Seksyon 1700(a).

(2) Mga Taong Hinirang Bago ang Ika-7 ng Enero, 2018. Ang isang taong hinirang bago ang ika-7 ng Enero, 2018 bilang isang Miyembro ng Kagawaran ng Paliparan, gaya ng binigyang-kahulugan sa Seksyon 1702(d), at nagtatrabaho sa petsang iyon bilang isang Miyembro ng Kagawaran ng Paliparan, gaya ng binigyang-kahulugan sa Seksyon 1702(d), ay maaaring gumawa ng di-mababawing pagpili sa sulat na maging isang Baitang 6 na Miyembro ng Plano sa halip ng pagiging miyembro sa LACERS, sa mga tadhana at kondisyon na nakalagay sa ibaba at sa anumang ordinansang pinagtibay ng Konseho ng Lunsod upang ipatupad ang tadhanang ito, sa kondisyon na walang taong dapat maging Baitang 6 na Miyembro ng Plano hanggang siya ay makakumpleto ng pagsasanay sa akademya na iniaatas ng Kagawaran ng Paliparan. Ang isang taong hindi nagharap ng pagpili sa loob ng panahong tinukoy sa ibaba ay dapat magpatuloy bilang miyembro ng LACERS at dapat manatiling isang miyembro ng LACERS kung sa huli ay hinirang nang walang putol sa serbisyo ng Kagawaran ng Paliparan sa isang sinusumpaang katungkulan ng Kagawaran ng Paliparan, o sinusumpaang katungkulan sa Kagawaran ng Bumbero na sa ibang paraan ay mag-aatas sa kanya na maging isang Baitang 6 na Miyembro ng Plano.

Lahat ng pagpiling ginawa alinsunod sa Subdibisyon (2) ay dapat makatugon sa mga iniaatas ng ordinansang pinagtibay ng Konseho, gaya ng ipinahintulot ng Seksyon 1704, upang pamahalaan ang pagpili, kabilang ang lahat ng kaugnay na iniaatas na namamahala sa mga pagbili ng serbisyo, kontribusyon, at sa gastos ng pagpili.

Para sa mga layunin ng mga Seksyon 1706 at 1708, kaugnay sa Baitang 6 na mga Pensiyon sa Kapansanan at Baitang 6 na mga Pensiyon sa Pagkakaiwan, at Seksyon 1212, na kaugnay ng epekto ng pagtanggap ng Miyembro ng Kagawaran ng Kabayaran ng Manggagawa, ang isang Baitang 6 na Miyembro ng Plano na lumipat sa ilalim ng Subdibisyon (2) ng Seksyong ito, Seksyon 1704 at ng ordinansang pinagtibay ng Konseho gaya ng ipinahintulot ng Seksyon 1704, ay dapat ituring na isang Miyembro ng Kagawaran gaya ng binigyang-kahulugan sa Seksyon 1202(e) sa lahat ng panahon ng pagtatrabaho kung kailan ang miyembro ay tumanggap ng kredito sa Mga Taon ng Serbisyo alinsunod sa Seksyon 1704 at sa ordinansang pinagtibay ng Konseho gaya ng ipinahintulot ng Seksyon 1704, kahit na ang taong iyon ay hindi isang tunay na Baitang 6 na Miyembro ng Plano sa panahon ng pagtatrabaho. Ang hangarin ng tadhanang ito ay dapat ituring ang tao na isang Miyembro ng Kagawaran sa panahon ng pagtatrabaho para sa mga layunin ng mga seksyong ito, upang ang halaga ng anumang pensiyon sa kapansanan o pagkakaiwan na iginawad alinsunod sa mga tadhana ng Baitang 6 ay dapat bawasan gaya ng itinatadhana sa Seksyon 1212.

Sek. 6. Ang mga Subseksyon (d), (e), (f), (g), (h), (i), (j), (k), (l), (m), (n), (o), (p), (q), at (r) ng Seksyon 1702 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay muling itinatalaga bilang mga subseksyon (e), (f), (g), (h), (i), (j), (k), (l), (m), (n), (o), (p), (q), (r) at (s), ayon sa pagkakasunod-sunod.

Sek. 7. Ang isang bagong subseksyon (d) ay idinaragdag sa Seksyon 1702 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

Page 90: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

88TXT2-4-TA

(d) Miyembro ng Kagawaran ng Paliparan. Ang Miyembro ng Kagawaran ng Paliparan ay nangangahulugang ang Hepe ng Pulisya ng Paliparan, ang Pangalawang Hepe ng Pulisya ng Paliparan, ang Punong Opisyal sa Kaligtasan ng Paliparan, at isang taong angkop at regular na hinirang, sa ilalim ng mga tuntunin at regulasyon ng serbisyo sibil o mga tadhana ng Saligang-Batas, o pareho, na namamahala sa paggawa ng orihinal na regular at permanenteng mga paghirang na nag-aatas ng paglilingkod ng mga panahon ng probasyon pero hindi ng orihinal na pang-emerhensiya o pansamantalang mga paghirang doon, at pinanumpa, gaya ng itinatadhana ng Seksyon 830.1 ng Kodigo Penal, upang gumanap ng mga tungkulin na pagbabantay at paglaban sa sunog para sa Kagawaran ng Paliparan, sa ilalim ng anumang pagtatalaga na ang naturang tao ay maaaring ilarawan sa anumang suweldo o ordinansa ng kagawaran na nagkakaloob ng mga suweldo sa mga miyembro ng kagawaran, pero ang naturang tao ay dapat na isang miyembro lamang ng kagawaran hanggang ang kanyang katayuan bilang gayon ay matatapos dahil sa kanyang pagreretiro, pagbibitiw o pagkakatanggal o para sa anumang ibang dahilan.

Sek. 8. Ang unang talataan ng Subseksyon (q) ng Seksyon 1702 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

(p) Mga Taon ng Serbisyo. Mga Taon ng Serbisyo ay nangangahulugan at kabilang lamang ang mga panahon na ang Miyembro ng Plano ay isang Miyembro ng Kagawaran ng Kagawaran ng Bumbero, isang Miyembro ng Kagawaran ng Kagawaran ng Pulisya, isang Miyembro ng Kagawaran ng Kagawaran ng Puwerto, o isang Miyembro ng Kagawaran ng Kagawaran ng Paliparan, at kung bago ang o pagkaraan ng kanyang pagiging Baitang 6 na Miyembro ng Plano at napapailalim sa mga limitasyong nakalagay sa Seksyon 1700 nitong Baitang 6:

Sek. 9. Subseksyon (a) ng Seksyon 1703 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

(a) Awtoridad ng Konseho. Ang Konseho ay maaari, sa pamamagitan ng ordinansang pinagtibay alinsunod sa mga tadhana ng seksyong ito, magpahintulot sa mga tauhan ng pulisya na inilipat sa Kagawaran ng Pulisya mula sa Kagawaran ng mga Pangkalahatang Serbisyo at umani ng katayuan sa isa ng mga sumusunod na Kodigo ng Klase 2214, 2217, 2223, 2227, 2232, at 2244 upang ilipat ang naunang sinumpaang serbisyo sa Lunsod mula sa Sistema ng Pagreretiro ng mga Empleyado ng Lunsod ng Los Angeles (LACERS) patungo sa Baitang 6 pagkatapos nilang maging mga miyembro ng Plano alinsunod sa mga angkop na tadhana ng Saligang-Batas at ng Kodigong Pampangasiwaan ng Los Angeles. Sa kabila ng mga tadhana ng Seksyon 1702(pq), ang inilipat na serbisyo ay maaaring ibilang na Mga Taon ng Serbisyo para sa lahat ng Baitang 6 na layunin.

Sek. 10. Seksyon 1704 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay muling itinatalaga bilang Seksyon 1705.

Sek. 11. Ang isang bagong Seksyon 1704 ay idinaragdag sa Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

Sek. 1704. Awtoridad ng Konseho ng Lunsod na Ipahintulot ang Paglipat ng mga Tauhang Pangkapayapaan ng Paliparan patungo sa Baitang 6 at Ipahintulot sa mga Inilipat na Tauhan na Bumili ng Naunang Serbisyo sa Lunsod.

Page 91: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

89TXT2-5-TA

(a) Awtoridad ng Konseho. Ang Konseho ay maaari, sa pamamagitan ng ordinansang pinagtibay alinsunod sa mga tadhana ng Seksyong ito, at alinsunod sa mga angkop na tadhana ng Saligang-Batas at ng Kodigong Pampangasiwaan ng Los Angeles, magpahintulot sa isang taong pumasok sa serbisyo ng Lunsod bago ang ika-7 ng Enero, 2018, bilang isang Miyembro ng Kagawaran ng Paliparan, gaya ng binigyang-kahulugan sa Seksyon 1702(d), upang maging isang Baitang 6 na Miyembro ng Plano sa halip ng pagiging miyembro sa Sistema ng Pagreretiro ng mga Empleyado ng Lunsod ng Los Angeles (LACERS), at upang ilipat ang lahat ng naunang serbisyo sa Lunsod mula sa LACERS patungo sa Baitang 6 pagkatapos niyang maging isang miyembro ng Plano, sa kondisyon na ang naturang tao ay dapat magpatuloy na gumawa ng mga kontribusyon ng miyembro sa antas na angkop sa kanyang pagiging miyembro ng LACERS kung iniaatas ng Kodigo sa Rentas Internas at higit na inilarawan sa Seksyon Section 1714(a)(3). Sa kabila ng mga tadhana ng Seksyon 1702(q), ang serbisyong inilipat alinsunod sa Seksyong ito at sa nagpapatupad na ordinansang pinagtibay ng Konseho ay dapat ibilang na Mga Taon ng Serbisyo para sa lahat ng Baitang 6 na layunin.

(b) Mga Limitasyon sa mga Pagbili ng Serbisyo. Ang awtoridad na ibinigay sa Konseho upang ipahintulot ang paglipat ng naunang serbisyo ay partikular na limitado gaya ng mga sumusunod:

(1) Ang mga Pagbili ay Dapat na Niyutral sa Halaga. Ang miyembro ay dapat atasang magbayad ng buong pang-aktuwaryong halaga ng serbisyo na ililipat, gaya ng ipinasiya ng aktuwaryo ng Plano nang hindi isinasaalang-alang ang ibinungang mga gastos na pampangasiwaan na natamo ng Plano, binawasan ng halaga ng anumang mga pondong inilipat mula sa LACERS patungo sa Plano kaugnay ng inilipat na serbisyo.

(2) Lahat ng Naunang Serbisyo ay Dapat Ilipat. Bilang isang kondisyon ng paggawa ng pagpili na lumipat mula sa LACERS patungo sa Plano, ang isang miyembro ay dapat maglipat ng lahat ng naunang serbisyo mula sa LACERS patungo sa Plano, kabilang ang naunang serbisyo sa Lunsod na inani bilang nag-aambag na miyembro ng LACERS at ang anumbang serbisyong binili mula sa LACERS, at magbayad ng buong pang-aktuwaryong gastos ng serbisyo na ililipat, gaya ng ipinasiya ng aktuwaryo ng Plano at alinsunod sa mga iniaatas ng ordinansang pinagtibay alinsunod sa Seksyong ito.

(3) Ang Pagpili at Pagbili ng Serbisyo ay Dapat na Hindi Mababawi. Ang pagpili ng isang miyembro na pumasok sa Baitang 6 na pagiging miyembro ay dapat na hindi mababawi pagkaraan ng ika-7 ng Enero, 2018. Ang pagsang-ayon ng isang miyembro na bilhin ang kanyang naunang serbisyo ay dapat na hindi mapagsasaulian ng ibinayad. Alinman sa Konseho o Lupon ay hindi dapat magkaroon ng awtoridad na pawalang-bisa o pagsaulian ang pagpili o pagbili ng isang miyembro, o upang ipahintulot ang mga paglipat pagkaraan ng ika-7 ng Enero, 2018.

(c) Paraan ng Pagpapatibay. Ang mga ordinansang pinagtibay alinsunod sa seksyon ito ay dapat pagtibayin sa paraang katulad ng itinatadhana sa Seksyon 1618(b), pero ang Konseho ay dapat payuhan sa sulat ng isang nakatalang aktuwaryo tungkol sa gastos sa iminumungkahing pagbabago.

Sek. 12. Ang mga Subseksyon (a) at (b) ng Seksyon 1706 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

(a) Kapansanang Kaugnay ng Serbisyo. Pagkatapos ng paghaharap ng kanyang nakasulat na aplikasyon para sa isang pensiyon sa kapansanan o pagkatapos ng paghaharap ng isang nakasulat na kahilingan dahil doon o sa ngalan ng puno ng kagawaran kung saan siya ay isang Miyembro ng

Page 92: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

90TXT2-6-TA

Kagawaran, sinumang Baitang 6 na Miyembro ng Lupon na dapat ipasiya ng Lupon na nawalan ng kakayahan ng katawan at isipan dahil sa mga pinsalang natanggap o sakit na dulot ng pagganap ng mga tungkulin ng naturang tao bilang isang Miyembro ng Kagawaran, at walang kakayahan bilang resulta nito na gampanan ang kanyang itinalagang tungkulin, o iyong mga kung saan siya ay itatalaga sa loob ng klasipikasyon ng serbisyo sibil ng Miyembro ng Plano kung ibinalik sa tungkulin, ay dapat iretiro sa utos ng Lupon mula sa higit pang aktibong tungkulin bilang isang Miyembro ng Kagawaran.

Ang kawalan ng kakayahan ng isang Baitang 6 na Miyembro ng Plano ay dulot ng pagganap ng kanyang mga tungkulin kung may malinaw at nakakakumbinsing ebidensisya na ang pagganap ng mga tungkulin ng Miyembro ng Plano ay ang namamayaning dahilan ng kawalan ng kakayahan.

Ang isang Baitang 6 na Miyembro ng Plano na niretiro sa ilalim ng mga tadhana ng subseksyong ito ay dapat bayaran pagkaraan nito ng isang buwanang kaugnay na serbisyo na pensiyon sa kapansanan sa isang halagang dapat na kapantay ng kaparehong porsiyento ng Pangwakas na Pangkaraniwang Suweldo ng Miyembro ng Plano gaya ng dapat ipasiya ng Lupon, sa pana-panahon, na porsiyento ng kanyang kapansanan. Ang naturang pensiyon ay dapat na sa isang halagang hindi kukulangin sa 30% at hindi hihigit sa 90% ng Pangwakas na Pangkaraniwang Suweldo ng Retiradong Baitang 6 na Miyembro ng Plano, pero ang pensiyon ay hindi dapat na mas maliit kaysa kapantay ng 2% ng Pangwakas na Pangkaraniwang Suweldo para sa bawat Taon ng Serbisyo ng Retiradong Baitang 6 na Miyembro ng Plano.

Walang Retiradong Baitang 6 na Miyembro ng Plano, habang retirado alinsunod sa subseksyong ito, na dapat bayaran kailanman ng anumang pensiyon alinsunod sa Seksyon 17041705 o subseksyon (b) ng seksyong ito.

(b) Kapansanan na Hindi Kaugnay ng Serbisyo. Pagkatapos ng paghaharap ng kanyang nakasulat na aplikasyon para sa isang pensiyon sa kapansanan ng isang Baitang 6 na Miyembro ng Plano na dapat magkaroon ng limang Mga Taon ng Serbisyo o higit, o pagkatapos ng paghaharap ng isang nakasulat na kahilingan dahil doon sa naturang Baitang 6 na Miyembro ng Plano o sa ngalan ng puno ng kagawaran kung saan siya ay isang Miyembro ng Kagawaran, sinumang Baitang 6 na Miyembro ng Plano na dapat ipasiya ng Lupon na nawalan ng kakayahan ng katawan o isipan dahil sa mga pinsalang natanggap o sakit na iba sa mga pinsalang natanggap o sakit na dulot ng pagganap ng mga tungkulin ng naturang tao bilang isang Miyembro ng Kagawaran, at walang kakayahan bilang resulta nito na gumanap ng kanyang itinalagang tungkulin o iyong mga kung saan siya ay itatalaga sa loob ng klasipikasyon ng serbisyo sibil ng Miyembro ng Plano kung ibinalik sa tungkulin, ay dapat iretiro sa utos ng Lupon mula sa higit pang aktibong tungkulin bilang isang Miyembro ng Kagawaran. Bilang isang higit pang kondisyon ng karapatan sa naturang pensiyon, ang Lupon ay dapat ding magpasiya na ang naturang kapansanan ay hindi unang-unang dahil sa o dulot ng boluntaryong aksiyon ng Miyembro ng Plano na hinahangad na magbigay sa kanya ng karapatan sa isang pensiyon dahil sa kapansanang walang kaugnayan sa serbisyo.

Ang isang Baitang 6 na Miyembro ng Plano na niretiro sa ilalim ng mga tadhana ng subseksyong ito ay dapat bayaran pagkaraan ng isang buwanang pensiyon sa kapansanan na walang kaugnayan sa serbisyo sa isang halagang dapat na kapantay ng kaparehong porsiyento ng Pangwakas na Pangkaraniwang Suwedo ng Retiradong Baitang 6 na Miyembro ng Plano na dapat ipasiya ng Lupon, sa pana-panahon, na siyang porsiyento ng kanyang kapansanan, pero ang naturang pensiyon ay dapat na sa isang halagang hindi mas maliit kaysa 30% at hindi mas malaki kaysa 50% ng Pangwakas na Pangkaraniwang Suweldo ng Retiradong Baitang 6 na Miyembro ng Plano.

Page 93: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

91TXT2-7-TA

Walang Retiradong Baitang 6 na Miyembro ng Plano, habang retirado alinsunod sa subseksyong ito, na dapat bayaran kailanman ng anumang pensiyon alinsunod sa Seksyon 17041705 o sa subseksyon (a) ng seksyong ito.

Sek. 13. Subseksyon 1707 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

Sinumang dating Baitang 6 na Miyembro ng Plano, na naging gayon dahil sa pagtatapos ng kanyang pagtatrabaho para sa anumang dahilan kabilang ang pagreretiro, na dapat maniwala na siya ay karapat-dapat na bayaran ng isang pensiyon alinsunod sa Seksyon 17041705 o 1706 nitong Baitang 6, ay maaaring magharap ng kanyang nakasulat na aplikasyon para sa pagbabayad ng isang pensiyon alinsunod sa alinman sa mga seksyong ito sa loob ng isang taon mula sa petsa na siya ay tumigil na maging isang Miyembro ng Plano, at ang Lupon, kung ito ay magpapasiya na ang mga hindi inaasahang pangyayari na itinatadhana sa Baitang 6 na ito para sa pagbabayad nito ay nangyari o naganap sa naturang dating Miyembro ng Plano bago ang petsa na siya ay tumigil na maging isang Miyembro ng Plano at kung walang hadlang o depensang pambatas sa paggawad sa kanya ng naturang pensiyon o sa anumang aksiyon o pamamaraang panghukuman na maaari niyang dalhin tungkol dito, ay dapat maggawad sa kanya ng pensiyon alinsunod sa kanyang nakasulat na aplikasyon.

Sek. 14. Subdibiyon (3) ng Subseksyon (a) ng Seksyon 1708 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

(3) Pagkamatay Habang nasa Isang Pensiyon sa Serbisyo ng Retiradong Baitang 6 na Miyembro ng Plano. Ang Kuwalipikadong Naiwan ng isang Retiradong Baitang 6 na Miyembro ng Plano, na namatay habang tumatanggap ng pensiyon alinsunod sa Seksyon 17041705, ay dapat bayaran habang buhay ng isang buwanang pensiyon sa isang halagang dapat na kapantay ng 70% ng pensiyong natanggap ng namatay na Retiradong Baitang 6 na Miyembro ng Plano kaagad kasunod ng petsa ng kanyang pagkamatay. Ang benepisyong inilarawan dito sa subseksyon (a)(3) ay maaaring baguhin gaya ng itinatadhana sa subseksyon (b) ng seksyong ito.

Sek. 15. Subseksyon (b) ng Seksyon 1708 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

(b) Mga Opsiyonal na Pensiyon para sa Kuwalipikadong Naiwan. Kahit kailan bago ang unang pagbabayad ng isang pensiyon sa serbisyo, isang pensiyon sa kapansanang may kaugnayan sa serbisyo, o isang pensiyon sa kapansanan na walang kaugnayan sa serbisyo, ang Baitang 6 na Miyembro ng Plano gaya ng itinatadhana sa Seksyon 17041705 o Seksyon 1706, ang pang-aktuwaryong katumbas sa panahong iyon ng naturang pensiyon at ang pensiyon para sa Kuwalipikadong Naiwan, gaya ng itinatadhana sa subseksyon (a) ng seksyong ito, sa pagpili ng isang opsiyonal na pensiyon na babayaran sa buong natitirang panahon ng kanyang buhay, na may mga tadhana na sa kanyang pagkamatay ang naturang opsiyon na pensiyon ay dapat ipagpatuloy sa Kuwalipikadong Naiwan ng Baitang 6 na Miyembro ng Plano sa ayon sa proporisyon na halaga na itinalaga ng Miyembro ng Plano sa panahon ng pagpili ng opsiyon na itinatadhana ng seksyong ito.

Ang halaga ng naturang opsiyonal na pensiyon ay dapat kuwentahin na ang pananagutan ng Plano sa Pensiyon ng Bumbero at Pulisya sa petsa ng pagreretiro sa ilalim ng opsiyonal na pensiyon ay dapat na kapantay ng pananagutan ng Plano sa Pensiyon ng Bumbero at Pulisya sa kaparehong petsa sa ilalim ng pensiyon na iginawad alinsunod sa mga tadhana ng Seksyon 17041705 o Seksyon 1706 at sa pensiyon sa naiwan na itinatadhana ng subseksyon (a) ng seksyong ito. Para sa layunin

Page 94: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

92TXT2-8-TA

ng seksyong ito, ang pananagutan ng Plano sa Pensiyon ng Bumbero at Pulisya ay binigyang-kahulugan bilang ang kasalukuyang halaga, alinsunod sa mga talahanayang pinagtibay ng Lupon, ng mga pensiyon o opsiyonal na mga pensiyon na kinuwenta sa pamamagitan ng mga inaprobahang pang-aktuwaryong paraan, at inirekomenda ng aktuwaryo ng Lupon. Sa pagpapasiya ng pang-aktuwaryong katumbas ng pensiyon para sa isang Kuwalipikadong Naiwan gaya ng itinatadhana alinsunod sa subseksyon (a)(4) ng seksyong ito, ang katumbas ng pensiyon ng isang naiwan na 80% ng pensiyon ng retirado ay dapat gamitin sa lahat ng kaso.

Ang mga opsiyonal na halaga, kinuwenta alinsunod sa naunang talataan, ay dapat magkaloob ng abot ng opsiyonal na halaga kaya ang halagang iyon na babayaran sa Kuwalipikadong Naiwan ng Miyembro ng Plano ay dapat na mula sa 75% hanggang sa 100% ng pensiyon na babayaran sa Baitang 6 na Miyembro ng Plano, nag-iiba sa pamamagitan ng mga paglaki na 5%.

Kung ang isang Retiradong Baitang 6 na Miyembro ng Plano, dating nagretiro sa isang pensiyon sa kapansanan alinsunod sa mga tadhana ng Seksyon 1706, ay dapat ibalik sa aktibong tungkulin sa pagtatapos ng kanyang kapansanan, ang pagpiling tumanggap ng opsiyonal na pensiyon gaya ng itinatadhana dito, ay dapat ituring na kinansela sa petsa ng pagkakabisa ng naturang pagbabalik.

Ang isang Retiradong Baitang 6 na Miyembro ng Plano, dating nagretiro sa isang pensiyon sa kapansanan alinsunod sa mga tadhana ng Seksyon 1706, ay dapat magkaroon ng karapatan na kanselahin ang anumang opsiyon na dating pinili niya alinsunod sa mga tadhana nitong subseksyon sa kaganapan na ang kanyang pensiyon ay iniakma sa huli gaya ng itinatadhana sa Seksyon 1706.

Ang Lupon ay dapat magkaloob ayon sa tuntunin ng isang paraan kung saan ang pagpiling tumanggap ng opsiyonal na pensiyon ay dapat gamitin.

Sek. 16. Subdibisyon (2) ng Subseksyon (b) ng Seksyon 1710 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

(2) lahat ng kontribusyon at donasyon sa Kagawaran ng Bumbero, Kagawaran ng Pulisya, Kagawaran ng Puwerto, o Kagawaran ng Paliparan, para sa mga serbisyo ng sinumang Baitang 6 na Miyembro ng Plano, maliban sa mga halaga ng perang iniambag upang magkaloob ng anumang medalya o permanenteng pagalingang gantimpala

Sek. 17. Subseksyon (d) ng Seksyon 1710 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

(d) Paggamit ng mga Pondo. Ang mga pera sa Pondo ng Pensiyon sa Baitang 6 na Serbisyo sa Bumbero at Pulisya ay dapat gamitin, iba sa pamumuhunan nito, para lamang sa pagbabayad ng mga pensiyon sa serbisyo na iginawad alinsunod sa Seksyon 17041705 at para sa pagsasauli ng mga kontribusyon gaya ng itinatadhana dito sa Baitang 6 at ang mga naturang paggamit gaya ng maaaring ipinahintulot ng mga Seksyon 1220(b) at Seksyon 1220(c), napapailalim sa mga limitasyong nakalagay sa Seksyon 1220(d). Ang mga pera sa Pondo ng Pangkalahatang Pensiyon ng Bumbero at Pulis sa Baitang 6 ay dapat gamitin, iba sa pamumuhunan nito, para lamang sa pagbabayad ng lahat ng pensiyon na iba sa mga pensiyon sa serbisyo, tulad ng mga benepisyong maaaring itadhana sa pamamagitan ng ordinansang pinagtibay alinsunod sa nagbibigay ng kakayahan na mga tadhanang nakalagay sa Seksyon 1718, at naturang ibang mga paggamit gaya ng ipinahintulot ng Seksyon 1220(b) at (c) ng Saligang-Batas.

Page 95: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

93TXT2-9-TA

Sek. 18. Ang ikalawang talataan ng Subdibisyon (2) ng Subseksyon (a) ng Seksyon 1714 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

Para sa mga layunin ng pagpapasiya ng halaga ng mga pagbawas na ito, ang Suweldo ay dapat mangahulugang ang mga elementong iyon ng isang kabayaran ng Baitang 6 na Miyembro ng Plano na isasama sa pagkuwenta ng Pangwakas na Pangkaraniwang Suweldo. Ang mga punong pampangasiwaan ng Kagawaran ng Bumbero, Kagawaran ng Pulisya, at Kagawaran ng Puwerto, at Kagawaran ng Paliparan ay dapat mag-utos na ipakita sa bawat isa at lahat ng pasahod ng mga naturang kagawaran ang lahat ng mga pagbawas na iniaatas gawin alinsunod sa subseksyong ito para sa mga Miyembro ng Kagawaran na mga Baitang 6 na mga Miyembro ng Plano. Lahat ng pagtukoy sa Baitang 6 na mga kontribusyon ay dapat ituring na kabilang ang pareho ng mga regular na kontribusyon at karagdagang kontribusyon, maliban kung ang ibang kahulugan ay malinaw na ipinabatid sa konteksto.

Sek. 19. Ang isang bagong Subdibisyon (3) ay idinaragdag sa Subseksyon (a) Seksyon 1714 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

(3) Mga Iniaatas ng Kodigo sa Rentas Internas para sa mga Kontribusyon ng mga Miyembrong Lumipat Mula sa LACERS Alinsunod sa Seksyon 1704. Sa kabila ng anumang pananalita sa subseksyon (a) na kasalungat, ang isang Baitang 6 na Miyembro ng Plano na pumiling lumipat sa Plano at bilhin ang kanyang naunang serbisyo sa LACERS alinsunod sa Seksyon 1704 ng Saligang-Batas at ng ordinansang pinagtibay alinsunod doon ay dapat magpatuloy na gumawa ng mga kontribusyon ng miyembro sa antas na angkop sa kanyang pagiging miyembro ng LACERS kung iniaatas ng Kodigo sa Rentas Internas, sa kondisyon gayunman na: (i) kung itong subseksyon (a) ay mag-atas ng karagdagang mga kontribusyon ng miyembro ng naturang miyembro, ang karagdagang mga kontribusyon ng miyembro ay dapat gawin ng miyembro sa baseng pagkatapos ng buwis kung iniaatas ng Kodigo sa Rentas Internas; at (ii) nagtatadhana pa rin, na kung itong subseksyon (a) ay mag-aatas ng mga kontribusyon ng miyembro sa isang antas na mas mababa kaysa antas na angkop sa pagiging miyembro ng LACERS ng pagkamiyembro, ang Konseho ay maaari, sa pamamagitan ng ordinansang pinagtibay alinsunod sa mga tadhana ng Seksyong ito, at alinsunod sa mga angkop na tadhana ng Saligang-Batas at ng Kodigong Pampangasiwaan ng Los Angeles, na magtadhana ng mas malaking taunang natatanggap na benepisyo sa panahon ng pagreretiro para sa naturang miyembro upang magpakita ng karagdagang mga halaga ng kontribusyon, gaya ng ipinasiya ng aktuwaryo at napapailalim sa lahat ng limitasyon ng Kodigo sa Rentas Internas.

Sek. 20. Subdibisyon (3) ng Subseksyon (c) ng Seksyon 1716 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

(3) Mga Pensiyon na Karapat-dapat sa Pag-aakma. Ang mga diskresiyonaryong pag-aakma na itinatadhana dito ay dapat pairalin sa mga pensiyong iginawad alinsunod sa mga Seksyon 17041705, 1706 at 1708 na napapailalim sa mga sumusunod na limitasyon: Kung ang isang pensiyon ay mababayaran sa o pagkaraan ng ika-1 ng Hulyo agad na kasunod ng petsa ng pagkakabisa ng naturang pag-aakma, hindi ito dapat iakma nang gayon; at anumang pensiyon na dapat bayaran sa isang panahon sa loob ng tatlong taong panahon (pero bago ang agad na sinundang ika-1 ng Hulyo), ay dapat ibatay sa proporsiyon nang buwanan sa

Page 96: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

94TXT2-10-TA

bilang ng mga nakumpletong buwan na ang pensiyon ay natanggap, sa kondisyon na ang mga pensiyong binayaran alinsunod sa Seksyon 1708(a)(3), (4) o (5), o Seksyon 1708(c), (d) o (e), ay dapat iakma sa pamamagitan ng pagbabatay ng pagiging karapat-dapat sa petsa na ang pensiyon ng Retiradong Miyembro ng Plano ay nagkabisa.

Sek. 21. Subdibisyon (1) ng Subseksyon (b) ng Seksyon 1724 ng Saligang-Batas ng Lunsod ng Los Angeles ay sinususugan upang mabasang gaya ng mga sumusunod:

(1) Pagreretiro sa Serbisyo at Dating Ranggo. Na ang kanyang orihinal na pagreretiro ay alinsunod sa Seksyon 17041705 at mula sa Kagawaran ng Bumbero habang humahawak ng isang ranggo na mas mababa kaysa Hepe ng Bumbero o mula sa Kagawaran ng Pulisya habang humahawak ng isang ranggong mas mababa kaysa Hepe ng Pulisya o mula sa Kagawaran ng Puwerto habang humahawak ng isang ranggong mas mababa kaysa Warden ng Puwerto;

Page 97: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

95

Batas sa mga Karapatan ng Botante

1. Karapatang bumoto kung ikaw ay isang nakarehistrong botante. Ikaw ay karapat-dapat bumoto kung ikaw ay:

+ isang mamamayan ng U.S. na naninirahan sa California

+ hindi kukulangin sa 18 taong gulang

+ nakarehistro kung saan ka kasalukuyang naninirahan

+ hindi nakabilanggo o parolado para sa isang peloni

2. Karapatang bumoto kung ikaw ay isang nakarehistrong botante kahit na ang iyong pangalan ay wala sa listahan.Ikaw ay boboto gamit ang isang pansamantalang balota. Ang iyong boto ay ibibilang kung ang mga opisyal sa mga halalan ay nagpasiya na ikaw ay karapat-dapat bumoto.

3. Karapatang bumoto kung ikaw ay nakapila pa nang magsasara ang mga lugar ng botohan.

4. Karapatang magpatala ng isang lihim na balota nang walang gumagambala sa iyo o nagsasabi sa iyo kung sino o ano ang iboboto.

5. Karapatang kumuha ng bagong balota kung nagkamali ka, kung hindi mo pa naipapatala ang iyong balota. Magagawa mong:Humingi sa opisyal sa mga halalan sa isang lugar ng botohan ng isang bagong balota; o Palitan ang iyong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo ng isang bagong balota sa isang opisina sa mga halalan, o sa iyong lugar ng botohan; oBumoto gamit ang isang pansamantalang balota, kung hindi mo dala ang iyong orihinal na balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo.

6. Karapatang humingi ng tulong sa pagpapatala ng iyong balota mula sa sinumang pinili mo, maliban sa iyong tagapag-empleyo o kinatawan ng unyon.

7. Karapatang ihulog ang iyong kinumpletong balota ng pagboto sa pamamagitan ng koreo sa alinmang lugar ng botohan sa county kung saan nakarehistro ka para makaboto.

8. Karapatang kumuha ng mga materyal sa halalan sa isang wikang iba sa Ingles kung may sapat na bilang ng mga tao sa iyong presinto ng pagboto na nagsasalita ng wikang iyon.

9. Karapatang magtanong sa mga opisyal sa halalan tungkol sa mga pamamaraan ng paghalal at masdan ang proseso ng halalan. Kung hindi masagot ng taong tinanong mo ang iyong mga katanungan, dapat silang magpadala sa iyo ng tamang tao para sa sagot. Kung ikaw ay nakakaabala, maaari silang tumigil sa pagsagot sa iyo.

10. Karapatang iulat ang anumang labag sa batas o madayang gawain sa halalan sa isang opisyal sa mga halalan o sa opisina ng Kalihim ng Estado.

FP-VBR-TA

Kung naniniwala ka na pinagkaitan ka ng alinman sa mga karapatang ito, tawagan ang kompidensiyal na Nakahandang Linya sa Botante ng Kalihim ng Estado sa (800) 339-2957.

E197502 City of LA Proof #3 01/02/15 5 3/8" x 8 3/8"

FP-VBR-E March 2015:City of LA.qxp 1/2/2015 11:10 AM Page 1

Voter Bill of Rights

FP-VBR-E

E197502 City of LA Proof #3 01/02/15 5 3/8" x 8 3/8"

March 2015

FP-VBR-E March 2015:City of LA.qxp 1/2/2015 11:10 AM Page 1

Sa web sa www.sos.ca.gov

E197502 City of LA Proof #3 01/02/15 5 3/8" x 8 3/8"

FP-VBR-E March 2015:City of LA.qxp 1/2/2015 11:10 AM Page 1

Voter Bill of Rights

FP-VBR-E

E197502 City of LA Proof #3 01/02/15 5 3/8" x 8 3/8"

March 2015

FP-VBR-E March 2015:City of LA.qxp 1/2/2015 11:10 AM Page 1

Sa pamamagitan ng telepono sa (800) 339-2957

E197502 City of LA Proof #3 01/02/15 5 3/8" x 8 3/8"

FP-VBR-E March 2015:City of LA.qxp 1/2/2015 11:10 AM Page 1

Voter Bill of Rights

FP-VBR-E

E197502 City of LA Proof #3 01/02/15 5 3/8" x 8 3/8"

March 2015

FP-VBR-E March 2015:City of LA.qxp 1/2/2015 11:10 AM Page 1

Sa pamamagitan ng email sa [email protected]

Page 98: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

96

Impormasyon para sa mga Botanteng May Espesyal na Pangangailangan

Para sa kakayahang makagamit at ibang mga pantulong na kagamitan.................800-815-2666 (LA County Hotline)

Ang mga lugar ng botohan ng County ng LA ay nagkakaloob ng madadaanan ng upuang de gulong at/o pagboto sa gilid ng bangketa. Sa loob ng lugar ng botohan maaari kayong makakita ng mga kagamitang makatutulong para sa inyong karanasan sa pagboto. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa County ng Los Angeles, ang Tagapangasiwa ng halalan ng Ika-8 ng Nobyembre, 2016.

Mga Nakatala sa Audio .......................................................(213) 978-0444Ang kagamitan para sa audio ay makukuha sa inyong lugar ng botohan upang tulungan kayo.

Ang mga nakatala sa audio na mga katungkulan at/o mga panukalang kasama sa libritong ito ay makukuha sa Ingles, Armenian, Intsik (Mandarin at Kantones), Farsi, Hindi, Hapon, Koreano, Ruso, Kastila, Tagalog, Thai, at Biyetnamis. Ang mga nakatala na ito ay makukuha sa aming lugar ng web: clerk.lacity.org/elections sa ilalim ng “Voters” tab, at sa mga sumusunod na lokasyon:

Braille Institute Library Central Library741 North Vermont Avenue 630 West 5th StreetLos Angeles, CA 90029 Los Angeles, CA 90071(323) 660-3880 (213) 228-7000

Ang mga botante ay maaari ring humiling ng kopya ng nakatala sa audio mula sa aming opisina:Office of the City Clerk-Election Division Attn: Audio Recordings555 Ramirez Street, Space 300 Los Angeles, CA 90012

FP-ISN-TA

Page 99: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

NO

N P

RO

FIT

OR

G.

U.S

. PO

STA

GE

PAID

City of Los A

ngelesE

lection Division

INT

ER

NE

T - http://clerk.lacity.org/elections/

OF

FIC

E O

F T

HE

CIT

Y C

LER

KE

LEC

TIO

N D

IVIS

ION

555 RA

MIR

EZ

ST

RE

ET, S

PAC

E 300

LOS

AN

GE

LES

, CA

90012

###

E200502 City of LA Proof #1 02/03/15 10.75” x 8.375”

SPECIAL MUNICIPAL ELECTION

TUESDAY, MAY 19, 2015

ON

LY TH

EVO

TER

HA

STH

E LE

GA

LR

IGH

T TOR

ETU

RN

THIS

AP

PLIC

ATIO

N

COMPILED BY HOLLY L. WOLCOTT, CITY CLERK

VOTERINFORMATIONPAMPHLET

E200502 SB Book City of LA Cvrs 5-09-15:City of LA.qxp 2/3/2015 12:27 PM Page 1

OFFIC

E OF TH

E CITY C

LERK

ELECTIO

N D

IVISION

555 RA

MIR

EZ STREET

SPAC

E 300LO

S AN

GELES, C

A 90012

NO

N PR

OFIT O

RG

.U

.S. POSTAG

EPA

IDC

ITY OF LO

S ANG

ELESELEC

TION

DIVISIO

N

This pam

phlet contains

only inform

ation on

ballot m

easures pertaining to the City of Los A

ngeles. It is not a sam

ple ballot. You will receive your sam

ple ballot w

ith polling place location from the Los A

ngeles County

Registrar - R

ecorder.

Note:

POLLS O

PEN AT 7 A

.M. A

ND

CLO

SE AT 8 P.M.

Այս բրոշյուրի հայերեն օրինակն ստանալու համար, զանգահարեք 1-800-994-VOTE (8683) հեռախոսահամարով։

Чтобы получить копию этого буклета на русском, позвоните по номеру: 1-800-994-VOTE (8683)

이 팸플릿을 한국어로 원하시면 다음 전화번호로 연락하십시오. 1-800-994-VOTE (8683)

Para obtener una copia de este folleto en español, llame al 1-800-994-VOTE (8683)

Para makakuha ng kopya ng pamplet na ito sa Tagalog, tumawag sa 1-800-994-VOTE (8683)

เพื่อขอส�ำเนำจุลสำรนี้ในภำษำไทย โปรดโทรศัพท์ติดต่อที่หมำยเลข 1-800-994-VOTE (8683)

Muốn có một tập sách này bằng tiếng Việt, hãy gọi số 1-800-994-VOTE (8683)

برای تهیه ی نسخه ای از این جزوه به زبان فارسی، با شماره تلفن VOTE (8683)-994-800-1 تماس بگیرید

要索取本手冊的中文版, 請致電 1-800-994-VOTE (8683)

हिन्दी में इस पैम्फलेट की प्रति प्रराप्त करने के ललए, 1-800-994-VOTE (8683) पर ्फोन करें

このパンフレットの日本語版をご希望の方は、

1-800-994-VOTE (8683)までお電話ください。

Para sa Impormasyon Tungkol sa Halalan, mangyaring tumawag sa 1-888-873-1000

Ang Lunsod ng Los Angeles ay nagbibigay ng impormasyon sa botante sa Ingles gayundin sa mga sumusunod na wika:

Page 100: Pamplet ng Impormasyon para sa Botante

INT

ER

NE

T -

cle

rk.la

city

.org

/ele

ctio

ns/

INT

ER

NE

T -

cle

rk.la

city

.org

/ele

ctio

ns/

INT

ER

NE

T -

cle

rk.la

city

.org

/ele

ctio

ns/

TINIPON NI HOLLY L. WOLCOTT, KLERK NG LUNSOD

TAGALOG

ESPESYAL NA HALALANG MUNISIPALMARTES, IKA-8 NG NOBYEMBRE, 2016

PAMPLET NG IMPORMASYON PARA SA BOTANTE

NO

N P

RO

FIT

OR

G.

U.S

. PO

STA

GE

PAID

City

of L

os A

ngel

esE

lect

ion

Div

isio

n

INT

ER

NE

T -

http

://cl

erk.

laci

ty.o

rg/e

lect

ions

/

OF

FIC

E O

F T

HE

CIT

Y C

LER

KE

LEC

TIO

N D

IVIS

ION

555

RA

MIR

EZ

ST

RE

ET,

SPA

CE

300

LOS

AN

GE

LES

, C

A 9

0012

###

E200502 City of LA Proof #1 02/03/15 10.75” x 8.375”

SPECIAL MUNICIPAL ELECTION

TUESDAY, MAY 19, 2015

ON

LY T

HE

VOTE

R H

AS

THE

LE

GA

LR

IGH

T TO

RE

TUR

N T

HIS

AP

PLI

CA

TIO

N

COMPILED BY HOLLY L. WOLCOTT, CITY CLERK

VOTERINFORMATIONPAMPHLET

E200502 SB Book City of LA Cvrs 5-09-15:City of LA.qxp 2/3/2015 12:27 PM Page 1

OFF

ICE

OF

THE

CIT

Y C

LER

KEL

ECTI

ON

DIV

ISIO

N55

5 R

AM

IREZ

STR

EET

SPA

CE

300

LOS

AN

GEL

ES, C

A 90

012

NO

N P

RO

FIT

OR

G.

U.S

. PO

STAG

EPA

IDC

ITY

OF

LOS

ANG

ELES

ELEC

TIO

N D

IVIS

ION

This

pa

mph

let

cont

ains

on

ly

info

rmat

ion

on

ballo

t m

easu

res

pert

aini

ng t

o th

e C

ity o

f Lo

s A

ngel

es.

It is

no

t a s

ampl

e ba

llot.

You

will

rec

eive

you

r sa

mpl

e ba

llot

with

pol

ling

plac

e lo

catio

n fr

om th

e Lo

s A

ngel

es C

ount

y R

egis

trar

- R

ecor

der.

Not

e:POLL

S O

PEN

AT

7 A

.M. A

ND

CLO

SE A

T 8

P.M

.