PAMBANSANG SAMAHAN SA SIKOLOHIYANG …...magturo o pagturuin ng panimulang kurso sa Sikolohiyang...
Transcript of PAMBANSANG SAMAHAN SA SIKOLOHIYANG …...magturo o pagturuin ng panimulang kurso sa Sikolohiyang...
PAMBANSANG SAMAHAN SA SIKOLOHIYANG PILIPINO (National Association for Sikolohiyang Pilipino, Inc.)
4A Alcal Building 285 Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City Telefax: (02) 434-7973 E-mail: [email protected]
Website: www.pssp.org.ph PRC CPD Accreditation Number: 2018-029
29 Marso 2019 ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ Mahal na ____________________: Isang mapagpalayang pagbati! Ang Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) ay isang propesyonal na organisasyon ng mga indibidwal at grupong naninindigang magtaguyod ng isang makabuluhan at makahulugang sikolohiya at agham panlipunan sa Pilipinas. Katuwang ang Unibersidad ng Pilipinas Baguio, isasagawa po namin ang Linangan 2019: Pambansang Workshop sa Pagtuturo ng Sikolohiyang Pilipino sa darating na 10-12 Hulyo 2019 sa Bulwagang Abraham Sarmiento, Unibersidad ng Pilipinas Baguio, Lungsod ng Baguio, Benguet. Ang pambansang workshop na ito ay magtatalakay ng teorya, metodo, at gamit ng sikolohiyang Pilipino. Sa ganang ito, inaasahan na ang mga guro ay magtataglay ng perspektibong nagmumula sa iba’t ibang pagpapahalaga bunga ng/sa karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino. Ang kahalok ay magiging sistematiko at siyentipiko sa pagkuha ng kaalaman sa pamamagitan ng mga katutubong metodong aangkop sa karanasan ng mga Pilipino na nakatuon sa kultura, wika, diwa, pananaw, lipunan, at kasaysayang Pilipino. Sa pagtatapos ng workshop, ang kalahok ay inaasahang makapagpaplanong lumikha ng silabus at makapagsasagawa ng mga gawain sa kanyang klase na may kaugnayan sa Sikolohiyang Pilipino. Batay sa CHED Memoramdum Order 34, Series of 2017 (Policies and Standards for Undergraduate Standards in Psychology), isa nang required na kurso ang Sikolohiyang Pilipino para sa AB/BS Sikolohiya. Kaugnay nito, inaanyayahan po namin kayo at ang inyong mga kaguruan na dumalo sa maikling kursong ito. Mainam po kung ang dadalo ay iyong mga nakapagturo na, nagtuturo o balak magturo o pagturuin ng panimulang kurso sa Sikolohiyang Pilipino. Ang bayad sa paglahok ay nagkakahalaga ng P3,500.00 (kasapi) at P4,000.00 (di-kasapi) bawat isang tao. Kasama sa halagang ito ang pagkain, kit at sertipiko ngunit hindi kasama ang akomodasyon. Maaari pong ideposito ang bayad sa aming Chinabank checking account na National Association for Sikolohiyang Pilipino, Inc. (account number: 242-020331-7) sa pinakamalapit na sangay ng Chinabank sa inyong lugar. Lahat ng tseke ay dapat nakapangalan sa “NATIONAL ASSOCIATION FOR SIKOLOHIYANG PILIPINO, INC.” Pagkatapos pong magbayad ay siguraduhing makapagpatala kayo sa online registration form: bit.ly/pssplinangan. Paki-email din po ang scanned copy ng Chinabank transaction slip kasama ang inyong pangalan at institusyong kinapapabilangan sa [email protected] para sa beripikasyon ng inyong bayad. Ang mga interesadong kalahok ay maaaring magpatala hanggang 3 Hulyo 2019. Lubos na gumagalang,
Prop. Jay A. Yacat Unibersidad ng Pilipinas Diliman Pangulo, PSSP /kclr09
LUPON NG MGA KADIWA (BOARD OF DIRECTORS)
2018-2019
Pangulo
Jay A. Yacat Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Pangalawang Pangulo
Miriam Aquino-Malabanan Lyceum of the Philippines University-Batangas
Kalihim
Jayson D. Petras Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Ingat-Yaman
Michael David Tan Lopez Unibersidad ng Santo Tomas
Mga Kasapi
Howell B. Calma Clark Electric Distribution Corporation
Jose Antonio R. Clemente Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Carl O. Dellomos Pamantasang Normal ng Pilipinas
Darren E. Dumaop Pamantasang De La Salle
Adonis L. Elumbre Unibersidad ng Pilipinas Baguio
Silfa C. Napicol Pamantasang De La Salle-Dasmariñas
Florabel S. Suarez Central Philippine University
Homer J. Yabut Pamantasang De La Salle
Joshua Keith D. Magboo Pangulo, TATSULOK
Sekretaryat
Kenneth Carlo L. Rives
Pangulong Tagapagtatag
Virgilio G. Enriquez (+) Ama ng Sikolohiyang Pilipino