Pagtuturo Ng Panitikan: Bakit at Paano ni Soledad Reyes

50

description

Pagtuturo ng Panitikan

Transcript of Pagtuturo Ng Panitikan: Bakit at Paano ni Soledad Reyes

PowerPoint Presentation

ANG PAGTUTURO NG PANITIKAN:BAKIT AT PAANO?Soledad S. Reyes

Panayam na binasa sa SANGFIL Pambansang Seminar-Workshop, Setyembre 19, 2011 sa NISMED, Unibersidad ng Pilipinas, Lungsod Quezon.INSTANT GRATIFICATION

ANG HAMON

M.H. AbramsThe Mirror and the LampAng panitikan ay isang institusyon.Binubuo ang isang institusyon ng magkakaugnay na elemento o sangkap at bawat isang sangkap ay may layunin o papel. ANG PANITIKAN BILANG INSTITUSYON

INSTITUSYON NG PAMAHALAAN: Pangulo, pangalawang pangulo, mga kalihim ng kagawaran at iba pa. PAMANTASAN BILANG INSTITUSYON: Pangulo, mga dekano, prinsipal, guro, mag-aaral, mga staff.PAMILYA: Ama, ina at mga anak.MGA HALIMBAWA:May-akda/Autor/ManunulatAkda/Katha/TekstoAng Lipunan/Kasaysayan/IdeolohiyaAng Mambabasa/Nakikinig/Publiko/Mag-aaralMGA SANGKAP NG PANITIKAN:Si Francisco Baltazar ay ipinanganak sa panahon ng Kastila at nagsulat sa mga dekada ng malaking pagbabago sa ekonomiya ng bansa, subalit bago sumiklab ang rebolusyon. (may-akda at lipunan)MGA HALIMBAWA:

Hindi siya nagsulat ng nobela sapagkat ang palasak na anyong pampanitikan noon ay awit at korido. (akda)Isinulat ang Florante at Laura na sumunod sa kumbensyon ng mga romansa sa Europa. Ang awit ay tumutukoy sa naunsyaming pag-iibigan nina Florante at Laura at may konsteksto ng labanang politikal sa katauhan ni Adolfo. (akda)

Nagustuhan ang awit ng maraming Pilipino. (mambabasa)Sa ikadalawampung siglo, binigyan ang awit ng politikal na interpretasyon ni Hermenegildo Cruz at ang mga kritikong tulad nina Epifanio San Juan at Lucila V. Hosillos. (mambabasa)Ang tula ay patuloy na binabasa hanggang sa kasalukuyan ng milyong-milyong mga mag-aaral. (mambabasa)

Si Liwayway Arceo ay ipinanganak noong 1924 at naging tanyag dahil sa Uhaw ang Tigang na Lupa na lumabas sa Liwayway noong 1943 na pinuri ni Teodoro Agoncillo dahil sa taglay nitong katangiang makabago.

Ang kuwento ay mula sa punto de bista ng isang anak na naging saksi sa trahedyang dulot ng pagtataksil ng ama.Binabasa ito sa mga paaralan pagkalipas ng mahigit na animnapung taon;Isa na itong klasikong akda.

Si Lualhati Bautista ay ipinanganak noong 1946 at nagsulat ng Bata Bata..Dekada at Gapo kung saan ginamit niya ang nobela upang ilarawan ang mga isyu ng huling tatlong dekada ng ika-20 sigloang aktibismo at kung bakit nagaganap ito.

Tinalakay din sa mga nobela ang patriyarkal na sistema sa lipunan, at ang mga bunga ng kolonyalismong Amerikano sa bansa.Tinalakay ang mga nobela sa mga klase sa ilang mataas na paaralan at kolehiyo.

Si Joi Barrios ay isang makata na nagsusulat ng mga tula tungkol sa kaapihang dinaranas ng kababaihan sa ibat ibang larangan ng buhay.Isa siyang propesor, may doktorado at aktibo sa teatro.Kasali ang kanyang mga tula sa mga antolohiya ngayon.

ANG MAY-AKDASi Arceo ay produkto ng edukasyon sa ilalim ng mga Amerikano.Nagsulat siya sa magasing Liwayway sa loob ng maraming dekada.Sa mga akda niya, tinalakay niya ang mga isyung kinakaharap ng mga pamilya.

LIWAYWAY ARCEOSi Bautista ay isang aktibista.Tumahak siya sa kalakaran ng realismong sosyal na ang layunin ay imulat ang mata ng mga tao sa katotohanan ng kanilang kaapihan sa ibat ibang paraan.LUALHATI BAUTISTA

Si Barrios ay isang aktibista at ang layunin niya ay bigyang-buhay ang mga karanasan sa kalakarang feminismo.Isa siyang autor na tumahak sa landas ng realismo.Ang kanyang mga tula ay sumunod sa kumbensyon ng pagtula.JOI BARRIOS

ANG PAPEL NG LIPUNAN/ KASAYSAYANMGA HALIMBAWA:

MGA HALIMBAWA:

ANG HALAGA NG MAMBABASA

Mahalaga ang mambabasa sa institusyon ng lipunan sapagkat isa siya sa nagbibigay ng kahulugan sa akda.Sa Formalismo, walang halaga ang mambabasa, kung ano ang kanyang iniisip, kung anong makikita niyang kabuluhan sa akda. Sa makabagong teorya, muling ibinabalik ang papel ng mambabasa.Ang isang tanong sa mag-aaral ay Ano ang naramdaman mo ng mabasa mo ang ___________________________?Bakit ito ang naramdaman mo? Bakit lungkot? Galit o tuwa? Anong mga bagay sa binasa mo ang naging dahilan ng ganitong damdamin?O may naalala ka bang pangyayari mo o sa buhay ng iba na katulad ng inilarawan sa akda?Ang pag-antig sa damdamin at ang paghugot ng aralMaaaring tunguhin na ang pagtukoy sa mga pagpapahalaga (values) na bahagi ng pagtuturo ng panitikan lalo na sa mababang paaralan.Ang paggamit ng panitikan bilang bukal ng aral ay isang tradisyon na sa ating panitikan.Ang paghahanap ng mapupulot na aral ay isang lehitimong paraan ng pagtuturo ng panitikan lalo na sa kurikulum na nakasentro sa paghubog ng mamamayan.

Ang isang akda ay isang partikular na likha, isang produkto ng komplikadong proseso na hinango sa tradisyong pampanitikan, sa kasaysayan at sa kabuuang buhay ng may-akda.

Ang pg-antig sa isipan o ang pagtuturo sa panitikan bilang panitikanAng akda ay binubuo ng mga salita na pinagsama-sama upang makabuo ng pangungusap, ng talata, ng pahina, ng kabanata, ng kuwento o ng nobela. Subalit may pangkalahatang disenyo sa paggamit ng mga salita; ang tula ay hindi isang random word association.

Ang unang salita sa tula ay marahang-marahan at sa salita ring ito nagtapos ang tula.Hindi basta tinuhog ang mga salita; may dahilan kung bakit sa parehong salita nagtapos ang tulaHALIMBAWA

Sa unang kabanata pa lamang na naganap sa marangyang tahanan ni Kapitan Tiyago ay may suhestiyon na kung ano ang magiging direksyon ng nobela.HALIMBAWA

Inilarawan ng may-akda sa isang impresyunistikong paraan ang ugnayan ng batang mag-aaral sa kanyang guro.Sa malikhaing paggamit ng dayalogo, sa mga hinuha at suhestiyon ay nabuo ng kuwento ng guro at ang kanyang buhay bilang ina at isang babaeng nagmahal sa lalaking hindi niya asawa.HALIMBAWA

Kailangang suriin ang isang akda bilang artifact, isang istruktura ng mga salita, isang katha na gumagamit ng mga kumbensyon sa panitikan.Ang tula ay iba sa kuwento, at ang dula ay iba sa nobela. Bawat isa ay may mga kumbensyon at paggamit ng mga teknik.

Hindi maaaring alisin ang may-akda sa kanyang lipunanIhiwalay ang akda sa kanyang may-akdaIhiwalay ang mambabasa sa akdaHindi maaaring burahin ang papel ng kasaysayan

ANG PANITIKAN SA SISTEMA NG EDUKASYON NG BANSAIsang pangkalahatang layunin ng edukasyon ang paghubog sa mga mag-aaral na hindi lamang mahusay sa math o sa Ingles kundi ang paghubog sa mga mag-aaral na mulat sa katotohanan ng buhay.Hindi masusugpo ng sistemang edukasyunal ang lahat ng pangit na aspekto ng buhay.

Tungkulin natin na magbigay daan sa mga mag-aaral na gumagamit ng imahinasyon at pagiging malikhain upang higit na maunawaan ang mga aspekto ng buhay.Tungkulin din natin na tumulong sa paglikha ng kritikal at matalas na isipan at magagawa ito sa pagtuturo ng panitikan.TANDAAN: Ang pokus ng pagdulog ay karaniwang nakabatay kung aling sangkap ng panitikan bilang institusyon ang nais na palitawin.ILANG PAGDULOG SA PAGTUTURO NG PANITIKANHistorikal na pananaw: ang itinatag dito ay ang kaugnayan ng ibat ibang bahagi sa kasaysayan sang-ayon sa paglitaw ng namamayaning pananaw o kalakaran na nagbigay-hugis sa mga akda sa partikular na panahon.Sinisikap na ipakita rito ang mahigpit na ugnayan ng panitikan at kasaysayan.LIPUNANSosyolohikal na paraan: Dito sinusuri ang papel ng ibat ibang institusyon sa paghubog ng kamalayan at gawi ng indibidwal. Kasama sa mga isyung tinatalakay dito ay ang lahi (race), gender (kasarian) at klase (class).Marksistang Pananaw: kumbinasyon ng 2 naunang pananaw ngunit higit na ispesipiko sa kahalagahan ng kategorya ng klase sa pagsusuri ng panitikan.LIPUNANSikolohikal na pananaw: batay sa mga prinsipyo at kaalamang nagmula kay Sigmund Freud na isa sa mga haligi ng sikoanalisis ng ika-20 siglo.Ginagamit ang samot-saring karanasan na bumubuo sa buhay ng manunulat hindi lamang sa antas ng kamalayang nauunawaan kundi sa mga antas sa ilalim ng kanyang kamalayan.MAY-AKDAArketipal na pananaw: hinango ito kay Karl Jung na nagtutulak ng ideya na ang lahat ng tao patay, buhay o isisilang pa lamang ay nakikibahagi sa isang Collective Unconscious.Tinutukoy nito na ang mga representasyon at imahen at ang mga kahulugan nito halimbawa na sa relihiyon at sining ay magkakatulad. MAY-AKDAFormalismo: isang pananaw na naniniwalang dapat na suriin ang isang akda bilang isang daigdig na hiwalay sa ating pangaraw-araw na karanasan. Sa pananaw na ito, ang tanging sangkap na pinahahalagahan ay ang akda.Intentional fallacy-kumikilala sa intensyon ng may-akdaAffective fallacy- bisa ng akda sa damdamin ng bumabasa nito.AKDAIstrukturalismo: hinalaw sa mga akda ni Ferdinand de Saussure, isang Swisong dalubhasa sa wika. Ang mahalaga sa pananaw na ito ay ang pagsusuri sa malalim na istruktura ng akda na hindi kaagad makikita.Sinusuri nito ang kahulugan ng sign at ang relasyon ng signifier at signified.AKDAMoralistikong pananaw: Isa itong pananaw na makikita natin sa kasalukuyang panahon sa paghahanap ng aral sa buhay na taglay ng mga akda.Teorya ng Pagtanggap: Ang ugnayan ng akda at mambabasa ay hindi isang simple kundi masalimuot na proseso.Bawat pagbasa ay nagbibigay-daan sa isang bagong kahulugan, batay sa kamalayan at kondisyon ng mambabasa.MAMBABASAANG PAGSUSURING KULTURAL(CULTURAL STUDIES)Sa kalakarang ito, ang lahat ng sangkap ng panitikan at kulturang popular bilang institusyon ay pinag-uukulan ng pansin.Mga akdang produkto ng kulturang popular gaya ng mga pelikula, telebisyon, komiks, fashion, malls at iba pa.Hindi dapat kalimutan na isang mabisang prinsipyo ng pagtuturo ay ang pagsisimula doon sa aktuwal na sitwasyon kung nasaan ang mga mag-aaral.Computer gamesPelikula nina Kim Chiu at Gerald Anderson o ni Eugene Domingo (Ang Babae sa Septic Tank)Mga patalastasIlang mga popular na personalidad gaya nina Kris Aquino o Willie RevillameMga balita sa pahayagan