PAGSUSURI
-
Upload
mischelle-mariano -
Category
Documents
-
view
170 -
download
2
Transcript of PAGSUSURI
PANGKALAHATANG IMPRESYON SA BINASANG SANAYSAY
A)
A
ng Tagapagsalita
Ang tono ng nagsasalita ay seryoso na mayroong himig ng pangangaral. Sa
paggamit niya ng matatalinhaga at malalalim na salitang Tagalog ay naibigay ang
ganitong impresyon sa mambabasa. Sa tono ng pagsasalita ng awtor ay nabanaagan ang
kanyang katauhan. Mula sa kanyang akda ay masasabing isa siyang makabayan,
mapagmalasakit at isang tunay na Pilipinong nais nang kumawala sa tanikalang iginapos
ng mga dayuhang Kastila.
B) Ang Tagapakinig
Ang kausap ng tagapagsalita ay ang mga kapwa niya Pilipino sa panahon ng
propaganda at himagsikan na kapareho niyang sawa na sa mapang-aliping sistema ng
mga Kastila.
C) Ang Tagpuan o Okasyon
Sa panahon ng awtor na si Andres Bonifacio ay talamak na sa lipunan ang mang-
aapi ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino. Ang mga prayle, mga opisyal ng
pamahalaan at mga encomiendero ay sobra sobra ang pang-aalipusta sa sambayanang
Pilipino kaya ang mga pangyayaring ito ang nag-udyok kay Bonofacio upang isiwalat sa
lahat ang pagndudugahing ginagawa ng mga Kastila at upang magising na sa katotohanan
ang mga Pilipino.
PAG-UNAWA SA NILALAMAN
A) Ang Pangkalahatang Kalikasan ng Paksa
Ang paksa ng sanaysay ay tungkol sa isang masamang karanasan ng isang buong
bansa sa panahong kinabibilangan ng may-akda.
B) Ang Impormasyong Ibinigay ng Awtor Tungkol sa Paksa
Nabanggit sa nilalaman ng sanaysay ang magandang kalagayan ng Pilipinas bago
pa man dumating ang mga Kastila. Maayos noon ang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa
mga karatig nitong bansa gaya ng Tsina at Hapon. Ngunit lahat ng ito ay nagbago sa
pagdaong ng mga Espanyol sa dalampasigan ng bansa. Nangako sila ng magandang
pagkakaibigan subalit pagkaalipin ang ibinigay nilang sukli sa mga kabutihan at
pagtitiwalang iginugol ng mga Pilipino sa kanila. Kaya naman binigyang-diin ng akdang
ito ang natutulog na damdaming makabayan ng mga katutubo.
C) Mga Konkretong Detalye
Sa unang bahagi ng sanaysay ay isinalaysay ng may-akda ang kondisyon ng
Pilipinas, mababatid ito sa mga linyang “Itong katagalugan na pinamamahalaan ng unang
panahon ng tunay na mga kababayan niyaong hindi pa tumutungtong sa mga lupaing ito
ang mga Kastila ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan at kaginhawaan. Kasundo niya
ang mga kapit-bayan at lalung-lalo na ang mga taga-Hapon.” Nagsimula lamang ang
pagbabago nang dumating na ang nabigasyon ni Legaspi na pinatotoo ng mga linyang
“Dumating ang mga Kastila at dumulog na nakipag-kaibigan. Sa mabuti nilang hikayat
na di umano, tayo’y aakayin sa lalung kagalingan at lalung imumulat an gating
kaisipan…”, “…sa pamamagitan ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa
kanilang ugat, ay yao’y inihalut ininom nila kapua tanda ng tunay at lubos na pagtatapat
na di magtataksil sa pinagkayarian. Ito’y siyang tinawag na Pacto de Sangre ng Haring
Sikatuna at ni Legaspi na pinakakatawan sa hari ng Espana.” Ginamit ang mga detalyeng
ito upang laong mabigyang diin ang pang-ta-traydor na ginawa ng mga Kastila sa
Pilipinas at upang mapag-iba ng lubusan ang kalagayan bago sila dumating at sa kanilang
pananakop.
PAG-ALAM SA LAYUNIN, TESIS AT KASANGKOT NA DAMDAMIN
A) Ipinahahayag ng Tagapagsalita Tungkol sa Paksa
Ang pagtingin ng may-akda sa paksa ay isang karansang dapat nang baguhin o
labanan ng mga Pilipino. Mababatid ito sa kanyang panghihikayat sa mga kababayan
niya na gumising na mula sa pang-aalipin. Sa panghuling bahagi ng sanaysay ay
nagbigay ang awtor ng isang pagsubok at rekomendasyon sa kanyang mga kapwa
Pilipino na “idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa
tunay at lubos na pag-asa na magtatagumpay sa nilalayong kaguinhawan ng bayang
tinubuan.”
B) Damdaming Ipinapahayag ng Tagapagsalita
Isang masidhing damdaming makabayan ang inilahad ng nagsasalita sa loob ng
sanaysay. Makikita rin ang lakas ng loob ng isang Pilipinong ihayag ang kanyang
pagkasawa sa sistemang Kastila. Kahit na hindi ito hayagang sinabi ay mababanaagan ito
sa kabuuan ng kanyang akda. Mayroon ding mararamdamang pagkagalit na itinuon para
sa mga mapang-alipustang Kastila.
C) Damdaming nais ng Awtor na Maangkin ng Mambabasa
Nais ng tagapagsalita na magkaroon rin ang mga mamababasa ng matinding
pagmamahal sa bayang tinubuan. Nais niyang magkaroon sila ng pagkakaisa upang
ipaglaban mula sa mga mananakop ang kanilang mga karapatan bilang mga katutubo ng
Pilipinas. Nais niyang ituon nila ang kanilang kagalingan upang makawala na sila sa
tanikalang mahigpit na iginapos ng mga Kastila sa kanila.
PAGSASAAYOS NG PADRON O ORGANISASYON
A) Ang Layunin ng Kabuuang Sanaysay
Ang layunin ng sanaysay na ito ay gisingin ang natutulog na damdaming
makabayan ng bawat Pilipino, noon man at ngayon. Sa pamamagitan ng paglalahad ng
may-akda ng mga tunay na pangyayari sa panahon ng propaganda at himagsikan ay
naipakita niya sa konkretong paraan ang kalupitan ng mga Kastila at ang paghihirap ng
mga Pilipino sa kamay nila.
B) Ang Paglalahat na Paraang Panretorikang Ginamit
Ang panretorikang pamamaraang ginamit sa sanaysay ay ang paglalahad ng
impormasyon. Ang lahat ng impormasyong ibinigay ng awtor ay binigyan niya ng
pagpapakahulugan upang mai-ugnay sa layunin nito. Nagbigay rin ang awtor ng kanayng
mga opinyon at saloobin ukol sa kanyang paksa.
C) Ang Tiyak na Paraang Panretorikang Ginamit
Ang tiyak na paraang panretorikang ginamit ng tagapagsalita ay ang pagbibigay-
kahulugan at paglalarawan. Ang mga inilahad niyang impormasyon sa sanaysay ay
kanyang binigyan ng sariling pagpapakahuluga. Inilarawan din niya ang tunay na
kalagayan ng mga Pilipino noong bago masakop ng mga Kastila at noong nasakop na nila
ito.
D) Prinsipyo ng Kaayusan
Ginamit ng awtor ang paraang tiyak patungo sa panlahat. Sa panimulang bahagi
ng sanaysay ay nagbigay ang awtor ng mga tiyak at konkretong detalye na pinag-ugnay-
ugnay niya upang makabuo ng panlahat na konklusyon na makikita sa huling bahagi ng
akda. Gumamit din siya ng kronolohikal na pagsasaayos ng mga pangyayari lalo’t mga
totoong kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas ang ginamit niya bilang panimula.
E) Mga Kagamitang Pang-ugnay
Upang mapagkabit-kabit at magkaroon ng kaisahan ang mga kaisipang inilahad
ng may-akda, gumamit siya ng mga salitang pang-ugnay na maghahanda sa mga
mambabasa sa mga kasunod na kaisipan gaya ng:
At Dahil dito
Kaya’t Gayon man
Buhat ng Kahit
Gayon din naman Ngayon
Kaya
Sa paggamit ng mga pang-ugnay na ito ay natamo ang kaugnayan at kaisahan ng
mga talata. Ang paraan ng awtor ay ang mga inilahad sa naunang talata ay binigyang
pagpapakahulugan sa kasunod nitong talata kaya naman maayos ang pagkakabuo ng
sanaysay.