Pagsusuri Sa Akdang Simula Ng Isang Kahulugan(Final)

20
Isang Realistikong Pagsusuri Sa Akdang SIMULA ng isang kahulugan ni Ni Felibeth B.

description

pagsusuri sa akdang "simula ng isang kahulugan" .

Transcript of Pagsusuri Sa Akdang Simula Ng Isang Kahulugan(Final)

(Ni Felibeth B. Senorita) (Isang Realistikong Pagsusuri Sa Akdang SIMULA ng isang kahulugan ni Genoveva Edroza-Matute)

Panimula

Ayon sa U.P Diksiyunaryong Filipino, ang maikling kuwento ay buhat sa salitang Kastila na cuento na ang ibig sabihin ay anumang salaysay, nakalimbag man o hindi.

Ayon naman kay Edgar Allan Poe, isang akdang pampanitikang likha ng guniguni na hango sa isang tunay na buhay na nangyari o maaaring mangyari. Ito ay nababasa sa iisang upuan lamang. Ito ay isinasalaysa na tuloy-tuloy mula sa simula hanggang sa wakas. Nakapupukaw at mabsang nakapagpapadama o nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.

Ayon naman kay Genoveva Edroza-Matute, isang salaysay na tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay. Ito ay hindi pinaikling nobela, may isang mahalagang tgapo. Ito ay may mabilis na pagtaas ng kawilihan patungo sa kasukdulan na medaling sinusundan ng wakas. Panghuli, ito ay may kakintalan.

PAGSUSURI SA AKDANG SIMULA NG ISANG KAHULUGAN NI GENOVEVA EDROZA-MATUTE

PAGKILALA SA MAY-AKDA

Si Edroza Matute ay ipinanganak noong 13 Enero 1915. Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.

Nagturo siya ng apatnaput anim na taon sa elementarya, haiskul at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Philippine Normal College (ngayon ay Philippine Normal University) noong 1980. Pinarangalan siya ng Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero, 1992.

Maraming ulit siyang nagkamit ng Gantimpalang Palanca. Mabisa at madaling unawain ang kanyang pananagalog. Ang ilan sa kanyang mga kuwentong nagkamit ng gantimpala ay Kuwento ni Mabuti, Paglalayag sa Puso ng Isang Bata, Parusa, Maganda Ang Ninang Ko at Pagbabalik.

Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 19911992, ng U.P. Press.

Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.

URI NG PANITIKAN

Ang simula ng Isang Kahulugan ay isang tuluyan o prosa sapagkat ito ay nasusult sa karaniwang takbo ng pangungusap. Walang sinusunod na sukat at tugma. Ito ay isang maikling kuwento at ito ay isang kuwento ng tauhan na kung saan binibgayng diin sa uring ito ang kuwento ng pangunahing tauhan o mga tauhang gumaganap sa kuwento.

LAYUNIN NG MAY-AKDA

Bawat kuwento ay may layuning nais ipabatid ng may-akda. Ditto sa kuwentong Simula ng Isang Kahulugan, ay nagmumulat sa atin sa mga katotohanang nagaganap sa ating lipunang ginagalawan. Gaya na lamang sa relasyon ng isang guro sa kaniyang estudyante. kung ano ba ang tungkulin ng guro sa buhay ng kaniyang mga estudyante. Ang bawat pagpasok natin sa buhay ng ating mga estudyante ay napakahalaga, hindi nga ba? Tayong mga guro ang ikalawang gurong kinikilala ng ating mga estudyante kaya marapat lamang na tayo'y maging pasensyahin.

Panghuli, ang pag-alam natin sa sa tototong buhay at kalagayan ng ating mga estudyante.

TEMA O PAKSA AT PANINGING GINAMIT

Isang magandang pagpapakita ng mg isyung panlipunan partikular na ang relasyon ng mga guro sa paghubog sa kanilang mga estudyante. Kung ano ang parteng ginagampanan ng mga guro sa mga estudyante.

Ang paninging ginamit sa akda ay ang unang panauhan sapagkat siya ang nagsasalaysay sa kaniyang totoong karanasan sa kuwento. Sa pagpapatunay, Gumamit siya ng "ako".

MGA TAUHAN SA KUWENTO

Mimi/ Emilia Esguerra

- isang guro na ayaw noong una pero naglaon ay nagustuhan din niya ito

- nakahanap ng totoong kahulugan

Miss Legaspi

- ang guro na nagbigay ng lakas ng loob kay Mimi para ipagpatuloy ang kaniyang pagtuturo

Arnolfo

- ang batang palaging lumiliban sa klase

- may angking talino ngunit absenero

Jose

- kapatid ni Arnulfo

Daddy

- ang ama ni Mimi

Mommy

- ang ina ni Mimi

TAGPUAN/ PANAHON

Ang tagpuan ay sa isang paaralan kung saan nagtuturo si Mimi.

NILALAMAN/ BALANGKAS/ BANGHAY

Sa kuwentong ito, may isang babaeng gustong makahanap ng kahulugan kung bakit siya nabubuhay. Ang kaniyang mga magulang ay gusting pag-aralin siya ng pagiging guro ngunit ayaw niya ngunit sa kalaunan ay ginusto pa rin niya ito. Nagturo siya sa unang taon at dito niya natagpuan ang kaniyang hinahanap na kahulugan.

SIMULA

Noong sumapit na sa kolehiyo si Mimi, hindi niya alam kung ano ang kursong kaniyang kukunin. Tnong nang tanong ang kaniyang mga magulang kung ano ba talaga ang gusto niya ngunit hindi siya makapagsalita. Ngunit sa bandang huli,ang pagiging guro ang kaniyang kinuha.

SAGLIT NA KASIGLAHAN

Noong una, ayaw ni Mimi ang mag-aral sa pagkaguro dahil hindi niya linya ito. Palagi niyang sinasabi sa kaniyang mga magulang na magtatapos man siya sa pagkaguro ay hindi niya ito magugustuhan.

Nagtapos siya sa pagkaguro at nagturo siya sa unang baitang. Nakilala niya si Miss Legaspi na kung saan binibigyan niya ito ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang kaniyang pagtuturo.

KASUKDULAN

Unti-unti na niyang nagugustuhan ang kaniyang trabaho. habang siya'y nagtuturo, may napansin siyang palaging lumiliban sa klase. Nabahala siya kung bakit. Ikinuwento niya ito sa kaniyang co-teacher na si Miss Legaspi at gaoon rin ang kaniyang mag-aaral na kung saan ay kapatid pala ni Arnulfo ang tinutukoy nito

KAKALASAN

Napag-alaman niyang iisa pala ang isinusuot nilang damit. Samantalang siya ay lubus-lubos ang kaniyang damit at minsan hindi niya alam kung ano ang susuotin sa kaniyang napakaraming damit.

WAKAS

Sinumbatan siya ng kaniyang konsensya dahil sa kainipan niya sa pagtuturo. At doon nalaman niya ang kahulugan ng kaniyang hinahanap na kahulugan sa kaniyang buhay na ni mainsan ay hindi sumagi sa kaniyang isipan na mahalaga pala ang pagtuturo sa mga bata. Hindi mahalaga kung marami kang damit, kung ang iba naman ay wala nang maisusuot.

MGA KAISIPAN

Maraning kaisipan ang mahahango natin sa kuwento. Tulad ng panghuhusga natin sa mga taona dapat ay hindi natin ito gawin bagkus alamin muna natin ang kanilang background information ng ating mga estudyante. Isa pa ang maging pasensyosa natin sa ating mga trabaho. Kung ano ang iyong naumpisahan, dapat mong panindigan at mahalin.

Sa ating lipunang kinagagalawan, maraming mga taong hindi pinaninindigan ang kanilang naumpisahan. sila'y tumitigil nalang kung sila'y nagsasawa na. hindi ba't syang ito?

Panghuli, ang pagsunod natin sa ating mga pasya. Kung sa pagkuha naman ng kursong gusto natin sa kolehiyo, dapat lamang na sundin natin kung ano ang sinasabi ng ating isipan sapagkat ikaw lamang ang nakaaalam kung ano ang gusto mo at kaya mo, hindi nga ba? Huwag tayong padidiktahan sa kung sino man.

ISTILO NG PAGKAKASULAT

Kahanga-hanga naman si Matute sapagkat may kakaiba siyang istilo sa pagsulat ng kuwentong ito. Sinimulan niya ang kuwento sa isang pahayag. Dito, hindi natin nalaman aga-agad kung tungkol saan ba ang kuwentong ito. Sa pamagat pa lamang ng akda ay talagang mapaiisip ka na. Ano kaya itong tinatawag na SIMULA NG ISANG KAHULUGAN? Hindi ba't ganyan ang ating naiisip?

Maganda at maayos ang paglalahad niya sa kuwento. Ito ay maganda sapagkat gumamit siya ng mga diyalogo upang lalong maintindihan ng mambabasa ang kuwento.

Sa pagkakagamit naman ng mga salita, may halong Ingles ang ginamit niyang mga salita. Simple at madaling maunawaan ng mambabasa.

BUOD NG KUWENTO

Noong sumapit na sa kolehiyo si Mimi, hindi niya alam kung ano ang kursong kaniyang kukunin. Tnong nang tanong ang kaniyang mga magulang kung ano ba talaga ang gusto niya ngunit hindi siya makapagsalita. Ngunit sa bandang huli,ang pagiging guro ang kaniyang kinuha.

Noong una, ayaw ni Mimi ang mag-aral sa pagkaguro dahil hindi niya linya ito. Palagi niyang sinasabi sa kaniyang mga magulang na magtatapos man siya sa pagkaguro ay hindi niya ito magugustuhan.

Nagtapos siya sa pagkaguro at nagturo siya sa unang baitang. Nakilala niya si Miss Legaspi na kung saan binibigyan niya ito ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang kaniyang pagtuturo.

Unti-unti na niyang nagugustuhan ang kaniyang trabaho. habang siya'y nagtuturo, may napansin siyang palaging lumiliban sa klase. Nabahala siya kung bakit. Ikinuwento niya ito sa kaniyang co-teacher na si Miss Legaspi at gaoon rin ang kaniyang mag-aaral na kung saan ay kapatid pala ni Arnulfo ang tinutukoy nito.

Napag-alaman niyang iisa pala ang isinusuot nilang damit. Samantalang siya ay lubus-lubos ang kaniyang damit at minsan hindi niya alam kung ano ang susuotin sa kaniyang napakaraming damit.

Sinumbatan siya ng kaniyang konsensya dahil sa kainipan niya sa pagtuturo. At doon nalaman niya ang kahulugan ng kaniyang hinahanap na kahulugan sa kaniyang buhay na ni mainsan ay hindi sumagi sa kaniyang isipan na mahalaga pala ang pagtuturo sa mga bata. Hindi mahalaga kung marami kang damit, kung ang iba naman ay wala nang maisusuot.

TEORYANG PAMPANITIKAN

Ano ang teoryang realismo?

Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.

Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.

Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

Kalimitang paksain ang nauukol sa kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, prostitusyon at kawalan ng katarungan.

PAGSUSURI SA AKDANG SIMULA NG ISANG KAHULUGAN

NI GENOVEVA EDROZA-MATUTE

Diyos ko! Patawarin Mo po ako!

Kamangha-mangha naman si Matute sapagkat napakaganda ang ginawa niyang istilo sa pagsusulat.

Kung titingnan lahat natin ang mga akda ni Matute, ito ay patungkol sa mga guro at ang kaniyang mga mag-aaral. Hindi kayat sarili niyang karanasan ang mga ito?

Ito ay patunay sa mga akda niyang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata at Kuwento ni Mabuti. Umiikot ditto ang kuwento ng isang guro at mag-aaral. Ang kanilang relasyon sa isat isa.

Bilang isang guro, marapat lamang na kilalanin an gating mga mag-aaral. Ayon sa aklat ni Brenda Corpuz, et. al, ang guro ay hindi lamang tagapagturo kundi isa rin siyang Guidance Counselor, kaibigan, manager, facilitator at ikalawang magulang ng mga mag-aaral.

Ngayon nasa 21st Century na tayo, kailangan natin ang isang holistikong guro na ibig sabihin ay total package na kung saan lahat ng katangian ng isang guro ay nararapat na taglayin.

Itoy kuwento ng isang gurong naglayag sa buhay ng isang bata. Isang gurong nag-alam sa katotohanan tungkol sa kaniyang buhay at sa kaniyang mag-aaral.

Sa akdang ito, gumamit siya ng mga salitang payak at simple na kung saan ay medaling maunawaan ng mga mambabasa. Gumamit din siya ng wikang Ingles. Patunay dito ang mga pahayag na ito. Basahin;

Galing ako sa Party noon. Hatid ni Mon.

Pagod na ako, sabi ni Mon. Kailangan ko pa bang ientrega ka sa mga old mo?Natawa ako. Old fashioned na iyon. Sige na.

Mababatid sa akdang ito ang kawala ng sariling pagpapasya ang problema ng mga mag-aaral sa kursong kanilang kukunin kapag tumuntong na sila sa kolehiya. Basahin ang mga sumusunod na pahayag;

Ano ba talaga ang gusto ng anak mong iyan? tanong ni Mommy. Si Mimi na naman ang naharap mo, sabi ni Daddy. Pabayaan mo kung ano ang gusto niya.

Sa mga pahayag na ito, nahihirapan talaga ang mga mag-aaral na pumili kung anong kurso ang kanilang kukunin. Mababatid natin dito na paano kaya kung hindi nila kaya? Ano na kaya ang kanilang gagawin? Marahil ang kanilang mga magulang nalang ang magpapasya kung anong kurso ang kanilang kukunin. Ngunit, makatarungan ba na ang mga magulang nalang ang magpapasya sa kanilang mga anak? HINDI.

Sa kuwento, ang kaniyang magulang ang nagpasya kung anong kurso ang kaniyang kukunin. Ito ay ang pagiging guro. Napilitan siyang kunin ang kursong ito sapagkat ito ang gusto ng kaniyang mga magulang. Sa ating lipunan, makikita dito na walang magagawa ang mga anak sapagkat sila ang may awtoridad sa kanilang mga anak.

Sa pagtuturo, kinakailangang maging mapagmasid ang guro.

Habang siya ay nagtuturo, may napapansin siyang paliban-liban sa klase. Siyay nagmasid kung bakit palaging nagliliban sa klase ang batang iyon. Habang tumatagal na siya sa serbisyo, nagugustuhan na rin niya ang kaniyang propesyon. Nagugustuhan na rin niya ang kaniyang mga mag-aaral. Basahin ang mga pahayag na ito na magpapatunay:

Cute na cute sila, lalo na kung tumutula, kung sumasayaw, kung bumibilang, lahat na.

Cute silang lahat.

Mababatid kung gayon na habang tumatagal ka sa serbisyo ay natututunan mo ring mahalin ang iyong trabaho. Hindi nga ba?

Sa kaniyang pagtuturo, marami siyang natutunan. Isa na rito ang sagot sa kaniyang katanungan tungkol sa kaniyang sariling buhay. Gusto niyang makatagpo ng kahulugan kung bakit siya nabubuhay. Dito niya natagpuan lahat ang mga iyon. Na huwag nating sayangin ang mga pagkakataong mayroon tayo sapagkat ang mga iba ay wala.

Makikita rito ang relasyon ng guro at mag-aaral na kung saan ang guro ay pumasok sa buhay ng kaniyang mag-aaral. Marapat lamang na kilalanin at kilatising mabuti ang buhay ng kaniyang mga mag-aaral.

KAMALAYANG PANLIPUNAN

Sa akdang ito kakikitaan ng mga kamalayang panlipunan gaya ng kahirapan at kawalang pagpapasya.

Una, ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, Katamaran ay katumbas ng kahirapan. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan.

Marami sa ating mga mamamayan partikular sa mga magulang at mag-aaral na ang pangunahing sagwil o hadlang sa pagkakaroon ng tamang edukasyon ay ang kahirapan. Sa biglang tingin at hindi na pag-aaralan ang bagay na ito, maaaring totoo na ang kahirapan nga ang siyang dahilan upang hindi makapagtapos ng pag-aaral o hindi makatuntong man lamang kahit sa unang taon sa mataas na paaralan ang isang mag-aaral.

Noong mga unang panahon pa nangyayari ito at maging sa kasalukuyan ay ito pa rin ang ibinibigay na dahilan ng masang Filipino sa hindi nila pagtatapos ng pag-aaral.

Tanging ang mga mayayaman at may kakayahang gumastos lamang, anila, ang nakapagtatapos sa pag-aaral samantalang ang mga mahihirap ay naiiwan at ang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral ay hanggang pangarap na lamang.

Pero ang tanong, tunay nga bang 'ang kahirapan ang siyang sagwil o hadlang para hindi makapagtapos ng pag-aaral'?

Maaaring isa ang kahirapan sa malaking dahilan kung bakit maraming mahihirap na mag-aaral ang hindi nakpagtatapos ng kanilang pag-aaral. Pero kung ating pag-aaralan, bakit marami rin namang mahihirap ang nakapag-aral at narating ang tugatog ng kanilang pangarap? Bakit maraming mahihirap na sumikat sa iba't ibang larangan taglay ang kanilang karunungang natutuhan sa kanilang pag-aaral?

Ibig sabihin nito na hindi ang kahirapan ang tunay na sagwil at hadlang upang hindi matupad ng isang mahirap na mag-aaral ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kahit anong kursong kanyang gugustuhin. Kung nanaisin at gugustuhin ng isang mag-aaral ay matutupad nya ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral na magiging sandigan niya sa pagharap sa tunay na buhay. Maging masipag at matiyaga lamang at alisin sa katawan at isipan ang katamaran ay hindi imposibleng matupad niya ang makapagtapos ng kanyang pag-aaral.

Kung nanaisin at gugustuhin ng isang mag-aaral sa tulong ng kanyang mga magulang ay makapagtatapos siya ng pag-aaral. Maraming paraang ang puwedeng magawa nang hindi gagawa ng masama. Ipokus lamang ang kaisipan sa magagandang bagay na magsisilbing motibasyon niya sa kanyang pag-aaral ay tiyak na makararating siya sa kanyang paroroonan. Marami na rin sa panahon ngayon ang mga samahan o Foundation na handing tumulong sa mga mahihirap na mag-aaral para makapagtapos sa minimithing pangarap. Sabi nga sa kasabihan; 'Kapag gusto ay may paraan, subalit kapag ayaw ay may dahilan'.

Sa kuwento, makikitang ang kahirapan ay isang napakalaking problema sa mga tauhan sa kuwento sapagkat sina Arnulfo at Jose ay magkapatid na nagbabahaginan ng maisusuot na uniporme. Iisa lamang ang kanilang ginagamit na uniporme upang makapunta lamang sa kanilang paaralan. mag-aabsent ang isa kung kinakailangan upang makapasok ang isa sa kanila. Makikita dito na talaga namang pursigido silang mag-aaral kahit maraming balakid na kinakaharap.

Sina Arnulfo at Jose ay mga kabataang nakikipaglaban sa kahirapan sa pamamagitan ng pagsisikap, pagtitiyaga, at pagtitiwala sa ating sarili. Sa pamamagitan ng mga paraang ito ay magiging sapat itong dahilan upang mabawasan ang kawalan ng edukasyon na sinasabing dahilan ng paghihirap. Una sa pagsisikap, sapagkat kahit anung pagsubok na dumating kung pagsisikapan ito ay ating makakamit. Pangalawa ay ang pagtitiyaga, kailangan samahan ng pagtitiyaga ang pagsisikap upang maging epiktibo ang ano mang hangarin natin sa buhay at sa huli ay pagtitiwala sa ating sarili sapagkat kahit kanino at saan man ang tanging magiging kakapampi ay ang sarili lamang, upang sa gayon ang lahat na hadlang sa buhay na dahilan ng kahirapan ay malalagpasan upang sa ganoon ang kawalan ng edukasyon ay mabago tungo sa ating maunlad na bansa at masayang pamumuhay.

Ikalawa, ang kawalan ng pagpapasya ng mga tao sa kanilang buhay. Sa mga estudyante na magkokolehiyo, nahihirapan silang kumuha kung anong kurso ang kanilang kukunin sapagkat hindi buo ang kanilang pasya. May bumabagabag sa kanilang isipan. Minsan kasi may mga magulang na kung ano ang gusto nilang kurso para sa kanilang mga anak ay iyon ang masusunod ngunit kung hindi ito ang linya o gusto ng kanilang mga anak, may magagawa pa ba sila? Ito na ang magiging epekto na hindi seryoso ang mga mag-aaral sa kinuha nilang kurso. Masasabi niya sa kaniyang isipan na "Hindi ito ang aking gusto. Hindi ito ang linya ko." Sa ganitong sitwasyon, marami ng gumugulo sa kanilang isipan.

MGA MAGAGANDANG PAHAYAG

" Nakabubuti sa kanya. Nagkaroon ng kaunting disiplina."

"Ang talagang gusto ko--ang makatagpo ng kahulugan--kahulugan kong bakit ako nabubuhay."

"Kaya namin ang lahat ng gusto mo. Mahal na mahal ka namin ni Mommy mo."

"Ngunit tinitiyak ko sa iyo, hindi ka mamamatay sa hirap at hindi ka magre-resign."

"Unti-unti mong maiibigan, makikita mo. Baka malagpasan mo pa ako."

PAHIWATIG

maraming damit- simula ng isang kahulugan