Paghihimay Sa Kulturang Popular 2
-
Upload
alyssa-cruz -
Category
Documents
-
view
639 -
download
25
Transcript of Paghihimay Sa Kulturang Popular 2
PAGHIHIMAY SA KULTURANG POPULAR
Inihanda ni J. Torralba
Sa pag-aaral ng kulturang popular Dalawang bagay ang kailangang
maintindihan: Konsepto ng kultura
Isang construct Maraming kahulugan
Konsepto ng popular
Pagpapakahulugan sa Popular Dalawa ang posibleng gamit ng
“popular” sa salitang kulturang popular: Bilang pang-uri (adjective)
sikat; uso “Sikat na kultura”, “Usong kultura”
Bilang pangngalan (noun) Mula sa salitang latin na “populus” o “from the
people” “Kultura ng tao”; “Kulturang mula sa mga tao”
Alin sa dalawa ang wastong kahulugan?
“Popular” bilang Pang-uri Kapag sinabing “Sikat”:
Kilala ng maraming tao Kapag sinabing “Uso”:
Gusto o tinatangkilik o kinokonsumo ng maraming bilang ng tao.
Sa ganitong pananaw, ang usapin ng “popular” ay kwantitatibo.
“Popular” bilang Pang-uri Ngunit ang tanong, ano ang eksaktong bilang
para masabing “popular?” Kapansin-pansin din:
Maraming bagay sa kulturang popular na maliit na grupo o sector lamang ang tumatangkilik. Ibig sabihin, hindi talaga kilala ng karamihan ng tao.
Mayroon ding mga bagay sa kulturang popular na sa umpisa ay walang tumatangkilik ngunit nang ipakilala ng media ay saka lamang marami ang tumangkilik.
Ang tanong din: SINO ANG NAGPASIKAT?
“Popular” bilang Pangngalan Kung hindi usapin ng bilang, maaaring tingnan
ang “popular” bilang pantukoy sa mga tao o sambayanan.
Ngunit ang tanong: Ano ang ibig sabihin ng “tao” o “sambayanan”? Sino ang nagbibigay ng kahulugan ng
konseptong ‘popular’? Ano ang dahilan ng ganitong
pagpapakahulugan? Makikita sa kasaysayan ang iba-iba at pabago-
bagong kahulugan ng “tao” o sambayanan.”
Ang Popular bilang “Folk”
Ika-18 hanggang ika-19 na siglo, umusbong at umigting ang ideya ng nasyonalismo – pagbuo ng nasyon at pambansang identidad.
Usapin ito ng pagiging awtentiko at ideyal; may romantisadong pananaw.
Tinukoy, itinala ang mga gawaing magtatakda sa identidad ng nasyon at mamamayan
Ang Popular bilang “Folk”
Halimbawa: Katutubong sayaw, tradisyonal na
panitikan, kaugalian, at iba pa. Kultura bago dumating ang pananakop
Ang Popular bilang “Masa”
Ang kahulugang ito ay reaksiyon sa industriyalisasyon noong ika-19 na siglo.
Marami ang naniniwalang may pagguho ng mga tradisyon (ang ideyal) at pangingibabaw ng komersyalismo (mass production without quality)
Ang mga taong komukonsumo ng mga bagay na komersyal ay tiningnan bilang mga dekadente at tinawag na masa.
Ang Popular bilang “Masa”
Silang ang mga: Manggagawa o laborer Urban poor (iskwater) Lumpen o sa idyoma natin, “mga halang
ang bituka” Jologs o Jejemon
Ang Popular bilang “Others”
May kaugnayan sa pangalawang kahulugan.
Ang mga tao ay: mga cultural dupe hindi nag-iisip walang taste cheap
Hindi sila kabilang sa “High Culture”; “uncultured”, hindi “elite.”
Ang Popular bilang “Others”
Sila ang mga taong: Hindi maka-appreciate ng ballet, classical
music, opera, abstract art at iba pang katulad.
Walang alam sa fine dining. Hindi maunawaan ang mga tula ni
Shakespeare, T.S. Eliot o ang mga indie at/o experimental film.
Baduy manamit, mababaw ang pinag-aralan, hindi o hirap mag-Ingles.
Ang Popular bilang Homogenous
Dito, tinitingnan ang tao bilang iisang uri.
Lahat o halos lahat ay magkakatulad na ng pananaw, pananamit, kilos o ugali.
Wala nang distinksyon ang high at low culture; wala nag eliteHalimbawa: Kung Michael Jackson sa US, Michael Jackson na rin sa Korea, RP, UK, at iba pa.
Implikasyon ng iba-ibang kahulugan
Politikal at ideolohiko ang pagpapakahulugan sa “popular” Ang nagbibigay ng kahulugan ay mga
tao, grupo o sektor na nais manatili ang status quo at manatili sa kapangyarihan Sa una, usapin ng lahi Sa pangalawa, usapin ng pagpapanatili ng
ideyal Sa pangatlo, usapin ng “high class” at “low
class” Sa pang-apat, usapin ng consumer at buyer
Homework
“Baka” may quiz sa Lunes
Sanggunian
Hall, Stuart. “Notes on Deconstructing ‘the Popular” in Popular Culture: A Reader, eds. Raiford Guins and Omayra Zaragoza Cruz. London, Thousand Oaks and New Delhi: Sage Publications, 2005.
Lentricchia, Frank and Thomas McLaughlin, eds. Critical Terms for Literary Study. Chicago and London: University of Chicago Press, 1995.
Shiach, Morag. “The Popular” in in Popular Culture: A Reader, eds. Raiford Guins and Omayra Zaragoza Cruz. London, Thousand Oaks and New Delhi: Sage Publications, 2005.
Storey, John. Cultural Theory and Popular Culture: An Introduction, 3rd Edition. London: Pearson Education Limited, 2001.
Williams, Raymond. Keywords: A Vocabulary of Culture and Society. London: Fontana, 1976.