pabula

12
ANG MAYAYABANG NA ALIMANGO Sa isang malinis na dalampasigan nakatira ang mga alimango. Maputi ang pinong mga buhangin ng dalampasigan. Maaga pa lang bago sumilay ang sikat ng araw ay nakahilera na ang mga alimango para magpainit at magrelaks. Isa lang ang bagay na ikinaiinis ng mga alimango. Iyon ay ang malakas na pag-awit ng mga alon. Maraming reklamo ang mga alimango tungkol sa mga alon. “Naku, hindi ako makapagtrabaho nang tuloy-tuloy dahil sa ingay nila,” reklamo ng isang ginang na alimango. “Kapag kasi narinig ng maliliit kong mgaanak ang kanilang pagkanta ay nagigising sila at nagsisiiyak.” Kaya sa halip makagawa pa ako ng mga gawaing bahay ay nauubos ang oras ko sa pagpapatahan sa kanila.” “Ako naman ay hindi makapagpahinga nang maayos, reklamo ng isang matandang alimango. “Paano·y masyado silang malakas umawit. Hindi ako makatulog kapag may naririnig akong ingay.” “Hindi rin ako makatulog sa gabi dahil ayaw nilang huminto sa pagkanta!” reklamo ng isang maliit na alimango. Dahil sa rami ng mga reklamo ay ipinabatid nila iyon sa pinuno nila. Madali namang umaksyon ang pinuno. Pinuntahan nito ang mga alon at pinakiusapan. “Kung maaari sana ay hinaan ninyo ang pag-awit. Naiistorbo ninyo kaming mga alimango,”ang wika ng pinuno. “Imposible ang hinihiling ninyo, sabay- sabay na sagot ng mga alon. “Ang pag-awit ay bahagi ng aming buhay. Natural na dumadaloy ang awit namin lalo at hinahampas kami ng hangin.” Umuwing bigo ang pinuno ng mga alimango. Nagpatawag ito ng pulong para mag-ulat sa kapwa mga alimango tungkol sa resulta ng lakad niya. Maaga pa kinabukasan ay halos mapuno ang lugar na pagdarausan ng pulong. Interesado ang lahat kung ano ang kinhinatnan ng pakikipag- usap ng pinuno sa mga alon. “Ipinatawag ko kayo para ipaalam na ayaw pumayag ng mga alon na huminto sila sa pag-awit, simula ng pinuno.” Umugong ang mga galit na bulungan. Inis ang mga alimango dahil walang konsiderasyon ang mga alon sa kalagayan nila. “Gusto kong kunin ang inyong mga suhestiyon kung paano natin mapatitigil ang mga alon sa pag-iingay,” wika ng pinuno. “Maaaring may maisip kayo na mas epektibong paraan.”

description

iba't ibang uri ng pabula

Transcript of pabula

Page 1: pabula

ANG MAYAYABANG NA ALIMANGO

Sa isang malinis na dalampasigan nakatira ang mga alimango. Maputi ang pinong mga buhangin ng dalampasigan. Maaga pa lang bago sumilay ang sikat ng araw ay nakahilera na ang mga alimango para magpainit at magrelaks. Isa lang ang bagay na ikinaiinis ng mga alimango. Iyon ay ang malakas na pag-awit ng mga alon. Maraming reklamo ang mga alimango tungkol sa mga alon. “Naku, hindi ako makapagtrabaho nang tuloy-tuloy dahil sa ingay nila,” reklamo ng isang ginang na alimango. “Kapag kasi narinig ng maliliit kong mgaanak ang kanilang pagkanta ay nagigising sila at nagsisiiyak.” Kaya sa halip makagawa pa ako ng mga gawaing bahay ay nauubos ang oras ko sa pagpapatahan sa kanila.”

“Ako naman ay hindi makapagpahinga nang maayos, reklamo ng isang matandang alimango. “Paano·y masyado silang malakas umawit. Hindi ako makatulog kapag may naririnig akong ingay.”

“Hindi rin ako makatulog sa gabi dahil ayaw nilang huminto sa pagkanta!” reklamo ng isang maliit na alimango. Dahil sa rami ng mga reklamo ay ipinabatid nila iyon sa pinuno nila. Madali namang umaksyon ang pinuno. Pinuntahan nito ang mga alon at pinakiusapan. “Kung maaari sana ay hinaan ninyo ang pag-awit. Naiistorbo ninyo kaming mga alimango,”ang wika ng pinuno. “Imposible ang hinihiling ninyo, sabay-sabay na sagot ng mga alon. “Ang pag-awit ay bahagi ng aming buhay. Natural na dumadaloy ang awit namin lalo at hinahampas kami ng hangin.” Umuwing bigo ang pinuno ng mga alimango. Nagpatawag ito ng pulong para mag-ulat sa kapwa mga alimango tungkol sa resulta ng lakad niya. Maaga pa kinabukasan ay halos mapuno ang lugar na pagdarausan ng pulong. Interesado ang lahat kung ano ang kinhinatnan ng pakikipag-usap ng pinuno sa mga alon. “Ipinatawag ko kayo para ipaalam na ayaw pumayag ng mga alon na huminto sila sa pag-awit, simula ng pinuno.” Umugong ang mga galit na bulungan. Inis ang mga alimango dahil walang konsiderasyon ang mga alon sa kalagayan nila. “Gusto kong kunin ang inyong mga suhestiyon kung paano natin mapatitigil ang mga alon sa pag-iingay,” wika ng pinuno. “Maaaring may maisip kayo na mas epektibong paraan.”

Maraming suhestiyon ang lumabas sa pulong. May nagsabi na bawalan nila ang mga alon sa pag-iingay. “Susunod kaya sila? Hindi ba at kinausap na nga sila ng ating pinuno pero wala ring nangyari, asar na sabi ng isang alimango.”

“Ang tagal na nating nagtitiis!” sigaw ng isang galit na galit.

“Panahon na para labanan natin sila!” pakli naman ng isa pa.

“Giyerahin natin ang mga alon!” suhestiyon ng isa.

“Tama! Giyerahin natin ang mga alon!”

Page 2: pabula

Nagkaisa ang mga alimango na aawayin nila ang mga alon dahil nakukulilina ang tenga nila sa ingay ng mga ito. Napagkasunduan nila na noon din ay pupunta sila sa dalampasigan para ideklara ang giyera nila laban sa mga ito.Inayos nila ang kanilang hanay. Sa unang hanay ay ang mga lalakingalimango ang nakalinya. Sa sumunod ay ang mga babae naman. Sa hulihan nglinya ay naroon ang mga matatanda. Bawat isa kasi ay nais na magkaroon ngbahagi sa digmaang iyon.

Tanging ang maliliit na mga alimango ang naiwan sa kanilang tirahan dahil wala pang kakayanang lumaban ng mga ito. Isang malaking hipon ang nasalubong ng grupo nang papunta na sila sa giyera. Tinanong sila nito kung saan patutungo.

“Gigiyerahin naming ang mga alon!” halos sabay-sabay nilang sinabi.

“Aawayin naming ang mga alon para sa iyo!” anang isang lalaking alimango. “Dahil kinakawawa ka nila! Tingnan mo, baluktot na ang iyong katawan dahil sa kahahampas nila! Hindi ka na makalakad nang tuwid.!”Sa halip makisimpatiya ay natawa ang hipon sa narinig. Hindi ito naniniwala na makakayang gapiin ng mga alimango ang mga alon. Nagalit naman ang mga alimango. Sinipit nila ang hipon hanggang mangako ito na tutulungan sila. Kasama ang hipon ay dumiretso na sila sa dalampasigan. Napansin ng mga alimango na kakaiba ang pagkakalagay ng mga mata ng hipon. Nasa magkabila itong bahagi ng mukha. Tinukso nila ito at pinagtawanan. Anila ay paano ito makikipaglaban gayong may pagkaabnormal ang posisyon ng mga mata nito. “Mayroon akong sungot. Iyon ang panlaban ko,” mababa ang loob na sabi ni hipon. Noon nakita ng hipon ang parating na malaking alon. Hindi ito nakita ng mga alimango dahil nakatingin ang mga ito sa buhanginan. Sandali pa ay dumating na ang malaking alon at tinangay ang unang hanay ng mga babaing alimango at ang mga matatanda. Naubos ang mayayabang na mga alimango.

Ilang panahon pa, daan-daang maliliit na mga alimango ang dumarating sa dalampasigan. Lagi silang pinagmamasdan ng hipon habang tila pasugod nilang lalabanan ang mga alon. Kaya kitang-kita ng hipon kung paanong pagdating ng mga alon ay patakbong babalik sa dalampasigan ang mga alimango. Mula noon, ang mga alimango ay hindi makatira sa dagat at hindi rin makakatira sa lupa.

ANG DUWAG NA PANIKI

Page 3: pabula

Noong unang panahon, sa gubat ay may isang leon na nakakita ng pagkain. Agad siyang tumakbo papalapit dito, ngunit bigla na lamang dinagit ng lawin ang pagkain at inilipad palayo.

Galit na galit ang leon sa pag-agaw na ginawa ng lawin sa kanyang pagkain. At bilang hari, iniutos ng leon sa mga hayop na kaaway na nila ngayon ang lahat ng mga ibon.

At mula noon, hinuhuli na ng mga hayop ang mga ibon at kinakain. Ang mga ibon naman, lalo na ang mga buwitre, agila at lawin ay pinagtutulungan ang hayop na nakikita nilang nag-iisa sa gubat.

Hanggang minsan, dumating ang isang sagupaan ng mga hayop at mga ibon. Sa labanang ito, natalo ang mga ibon at nagsitakas patungo sa mataas na lugar.

Ang paniki na nakasaksi sa labanan ay lumapit sa leon.

“Haring Leon, ako ay tulad ng mga hayop. Ang kaibahan ko lang ay mayroon akong pakpak. Hinihiling ko sana na isama mo ako sa grupo ninyo. Handa kong itaya ang aking buhay.” ang wika ng paniki.

“Sige, mainam kung may kasama kaming lumilipad rin.” ang sagot naman ng leon na natuwa sa narinig.

Hindi nagtagal, nagkaroon muli ng labanan at sa sagupaang ito, natalo ang mga hayop sa mga nagsipaghandang mga ibon. Nagtakbuhan papasok sa gubat ang mga sugatang hayop.

Ang paniki na nakasaksi sa pangyayari ay lumapit sa agila na hari ng mga ibon. Bago nagsalita ang paniki, ibinuka muna nito ang kanyang pakpak.

“Haring Agila, ako’y tulad nyo na may pakpak kung kaya’t hinihiling ko na isapi nyo ako sa inyong grupo. Handa kong ibigay ang buhay ko.”

Nang marinig ng agila ang sinabi ng paniki, natuwa ito.

“Sige mula ngayon, ikaw ay amin nang kakampi.”

Nagpatuloy ang digmaan ng mga ibon at hayop ngunit hindi na iyon nagtagal dahil naisip nila na hindi sila matatahimik kung hindi matitigil ang giyera.

At nagkabati na nga ang mga ibon at mga hayop. Noon nila nalaman na ang paniki ay kumakampi lang sa nananalong grupo. Dahil doon, parehong nainis ang grupo ng mga ibon at hayop sa paniki.

“Mula ngayon, hindi ka na naming kasama!” ang wika ng mga ibon at itinaboy nila ang paniki.

Page 4: pabula

“Wala kang kwentang nilalang. Hindi ka namin kailangan!” ang sabi ng mga hayop at pinalayas rin nila ang paniki.

Pinagtatawanan siya ng mga ibon at mga hayop. At dahil sa kahihiyan, nagkulong na lang ang paniki sa kuweba, at lumabas na lamang ito tuwing gabi.

ANG MALUPIT NA AHAS

Ang lahat ng hayop sa gubat at abalang-abala sa iba’t-ibang gawain. Sila ay nagsisispag-ipon ng kanilang pagkain upang ilaan sa pagsapit ng tag-ulan.

Page 5: pabula

Bukod tangi si Ahas na panatag na panatag ang kalooban at natutulog lamang. Marami ang nagtataka kung bakit siya ay hindi nag-aalala sa pagsapit ng tag-ulan. “Kaibigang Ahas, bakit sa halip na mag-ipon ng pagkain ay ang patulog ang iyong inaatupag?” ang usisa ni Kuneho habang siya ay nagbabaon ng kaniyang pagkain. “At ano ang nais mong gawin ko, magpakahirap na kagaya ng ginagawa ninyo? Hindi ko na iyon kailangan sapagkat pagdating ng tag-ulan ay maraming pagkain ang sa akin ay nakalaan,” ang tugon ni Ahas sa kanyang pagtulog. Hindi naunawaan ni Kuneho ang nais sabihin ni Ahas kung kaya’t iniwan na niya ito at nagpatuloy sa kanilang ginagawa. Kinabukasan ay napadaan naman si Pagong sa kinaroroonan ni Ahas at nakita niya itong mahimbing na mahimbing sa pagtulog. Hindi niya matiis na ito ay tanungin. “Uhmmm, uhmmm, paumanhin kaibigang Ahas nais ko lamang na ipaalala sa iyo na kailangan ka nang kumilos sapagkat malapit nang pumatak ang ulan,” ang paalala ni Pagong. “At sino ka upang magpaalala sa akin? Kung iyan lamang ang iyong sasabihin ay sayang lang ang iyong laway naabala mo lamang ang aking pagtulog,” ang wika ni Ahas. Hindi nagtagal at umalis si Pagong na bumububod. “Siya lang ang pinaaalalahanan ay siya pa ang galit,” wika ni Pagong habang papalayo. Muli ay nadaanan si Ahas na natutulog ni Tuko at siya ay pinaalalahanan din nito. “Kaibigang Ahas gising na at mag-ipon ka ng iyong pagkain ang tag-ulan ay darating na baka ikaw ay magutom,” ang paalala nito. “Tigilan na ninyo ako, nakukulili na ako sa mga sinasabi ninyo. Ano ang palagay ninyo sa akin tanga, alam kong malapit na ang tag-ulan ngunit marami akong pagkain na pagkukunan,” ang galit na tugon ni Ahas. Mula noon ay wala ni isa ang nagtangkang magpaalala kay Ahas sapagkat sa halip na ito ay magpasalamat ay nagagalit pa ito sa kanila. Hindi nagtagal at sumapit ang tag-ulan. Ang lahat ay panatag ang kalooban maliban kay Ahas. “Tila yata tama sila. Ako ay nagugutom ngunit hindi ako pwedeng lumabas at baka ako tangayin ng baha,” ang wika ni Ahas sa kaniyang sarili. Hindi na matiis ang gutom ni Ahas at naisipan niya na nakawin na lamang ang mga nakatagong pagkain ng mga kasamahan. Isang hating-gabi na mahina ang ulan ay nagtungo si Ahas sa taguan ng pagkain ni Kuneho. Laking gulat niya ng makita na higit pa sa kaniyang pangangailangan ang naipong pagkain nito. “Tignan mo nga naman ang buhay kapag sinuswerte, hindi ko na kailangang humanap ng pagkain sa iba, dito pa lamang ay mabubundat na ako sa busog.” Halos maubos ni Ahas ang pagkain ni Kuneho ngunit siya ay nakalikha ng ingay at ito ay narinig ni Kuneho. Dali-dali itong bumaba upang tingnan kung sino ang nakapasok sa kaniyang taguan ng pagkain. Laking gulat niya ng makita si Ahas at inuubos ang kaniyang pagkain. Siya ay nagsisigaw at galit na galit. “Ikaw Ahas ay tunay na malupit. Kay lakas ng loob mong kainin ang pagkaing hindi mo pinaghirapan, isa kang magnanakaw,” ang sigaw ni Kuneho.

Page 6: pabula

“Mas maigi na iyan kaysa sa mamatay ako sa gutom,” ang nakangising tugon ni Ahas. Dahil sa lakas ng sigaw ni Kuneho ay ginimikan siya ng mga kapwa hayop. Nagtungo sina Pagong, Tuko at iba pang kapitbahay. Pinatulung-tulungan nila si Ahas hanggang sa siya ay maitaboy. Bago pa man tuluyang makaalis si Ahas ay humingi ito ng paumahin sa kanila. “Patawarin ninyo ako, kung nakinig lamang ako sa inyong paalala noong una ay hindi ko sana sinapit ang magnanakaw at masaktan ang labis sa inyong parusa,” ang kaniyang nasambit at dali-daling umalis. Nagpasalamat si Kuneho sa kaniyang mga kapitbahay lalong-lalo na kina Pagong at Tuko. Samantalang si Ahas ay hindi na nakabalik sa pinsalang kaniyang tinamo at sa labis na kahihiyan sa kaniyang masamang ginawa.

ANG PANGIT NA ITIK

Sa sapa naninirahan si Bibe. Siya naman ay may limang itlog at ito ay kaniyang binabantayan at inaabangan na mapisa.

Page 7: pabula

Minsan ay nagtungo si Bibe sa may bukirin upang kumuha ng dayami na kaniyang ilalagay sa kaniyang pugad upang magbigay ng sapat na init sa kaniyang mga itlog. Matapos makakuha ng sapat na dayami ay bumalik na siya sa sapa. Sa kaniyang daraanan ay may napansin siyang isang itlog. Nagtaka si Bibe kung kanino ang itlog na iyon. At dahil naawa siya dito ay kinuha at isinama sa kaniyang mga itlog. Makalipas ng isang linggo ay napisa na ang mga itlog ni Bibe. Siya ay masayang-masaya at isa-isang hinalikan ang kaniyang mga bagong silang na anak. “Ang mga anak ko, ang pinakamamamahal kong mga anak,” ang sayang namutawi sa bibig ni Bibe. Huling napisa ang itlog na kaniyang napulot at mula sa itlog na iyon ay lumabas ang isang maliit at kulay itim na sisiw.Siya ay kakaiba sa kaniyang mga anak. Ang mga ito ay kulay dilaw samantalang siya ay itim. Gayunpaman ay minahal ito ni Bibe at itinuring na tulad ng kaniyang tunay na anak. Magkasabay na lumaki ang mga anak ni Bibe at ang itim na sisiw. Naging tampulan ng pansin ang itim na sisiw. Ang karamihan sa mga nakakaalam sa kaniyang pinagmulan ay nangungutya sapagkat siya ay hindi naman tunay na anak ni Bibe. Bukod pa rito ay ang kaniyang kakaibang anyo. Karamihan ay binabansagan siyang pangit. Ngunit ang kaniyang nakilalang ina ay palaging handa upang siya ay ipagtanggol sa mga mang-aapi sa kaniya at kadalasan pati ito ay napapahamak. “Tingnan mo ang ginawa mo sa aming ina, dahil sa iyo ay napapaaway siya, kung dangan kasi ay bakit ka pa niya kinupkop. Ikaw ay hindi naman mauri at isang tunay na pangit,” ang wika ng mga anak ni Bibe. “Wala akong kasalanan sapagkat ako ay isinilang ng ganito,” ang lumuluhang tugon ng itim na sisiw. Dahil na rin sa labis na habag ni Bibe sa kaniyang itinuturing na anak ay hinanap niya kung saan ito nagmula. Hindi naman siya nahirapan at natagpuan niya sa kabilang pampang ang mga kauri ng kaniyang anak. Napag-alaman niya na ito ay isang itik. Sang-ayon sa mga kasamahan nito ay maagang pumanaw ang kaniyang tunay na ina habang siya ay itlog pa lamang. “Kawawa naman siya walang maaring kumupkop sa kaniya maliban sa akin,” ang habag na wika ni Bibe. Nagpatuloy sa kanilang pamumuhay ang pamilya ni Bibe kasama ang itinuturing na anak na isang itik. Lumaki sa pang-aalipusta ng iba si Itik, pati na ang itinuring niyang mga kapatid ay hindi siya gusto. Walang ibang nagmamahal sa kaniya maliban kay Bibe. Minsan ay kanilang paglalangoy ay napahiwalay si Itik, siya ay napadako sa lupon ng ibang mga bibe. Siya ay lumapit sa kanila upang makipagkaibigan. “Magandang araw sa inyong lahat, nais ko sanang makipagkaibigan sa inyo,” ang pagbati niya. “Ha,ha,ha,” ang tawa ng mga bibe. “Di yata at ang isang pangit na tulad mo ay nais makipagkaibigan sa amin. Mas makabubuting umalis ka na lang sapagkat baka pati kami ay mahawa sa kapangitan mong taglay,” ang pangungutya ng mga ito.

Page 8: pabula

“Bakit ayaw ninyo akong tanggapin, ako ay isang mabuting nilalang at walang ginagawang masama. Kung ganito man ang aking panlabas na anyo ay hindi ko kasalanan,” ang paliwanag ni Itik. “Ang mabuti pa ay atin siyang pagtulungan tukain sapagkat siya ay isang salot sa atin,” ang wika ng mga bibe. Pinagtulungan nila si Itik at ito ay hindi nakalaban man lamang. Siya ay nasaktan nang labis at halos hindi na makakilos. Ang kaniyang ina na labis na nag-aalala sa kaniya ay nagtungo sa kaniyang kinaroroonan at nakita niya ang sinapit ng anak. “Kayo ay mga walang puso, pati ang mga walang kasalanan ay pinaparusahan ninyo. Hindi niya ginustong maging pangit at hindi ito sapat na dahilan upang siya ay inyong saktan,” ang lumuluhang wika ni Bibe. St dahil sa Itik ay may mabuting kalooban ay pinagpala siya ng Maykapal noong sandali ring iyon ay nagliwanag ang kaniyang paligid. Ang kaniyang katawan ay nag-iba ng anyo. Ang kaniyang kulay ay naging busilak ay siya ay naging kaakit-akit. Kung ihahambing sa mga kasamahan ay maituturing na siya ang pinakamaganda. Siya ay hinangaan at kinaiinggitan ng lahat. Masayang-masaya ang kaniyang ina sa pagpapalang kaniyang tinamo. Ang mga nang-api sa kaniya ay humingi ng tawad at nagsisi sa mga nagawang kasalanan gayundin ang ginawa ng kaniyang mga kapatid. At dahil si Itik ay may ginintuang puso ay madali siyang napatawad. Hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa sinuman na nagkasala sa kaniya. Napag-alaman ng lahat na siya ay tunay na may malinis na kalooban at lalo siyang hinangaan sa taglay na katangian. Mula noon ay nagbalik ang kapayapaan sa lupon ng mga bibe.

ANG MADALDAL NA PAGONG

Sa libis ng isang sapa ay may nakatirang madaldal na Pagong. Kalapit bahay niya ang mababait na itik na kung tawagin ng madla ay si Pugot at si Panot. Kaya gayon

Page 9: pabula

ang tawag sa dalawang itik ay sapagka’t ang isa ay pugot ang buntot at ang isa naman ay walang balahibo sa tuktok. Likas na masalita si Pagong, kaya lagi itong ngakukwento ng kung anu-anong kahanginan kina Pugot at Panot. Naroong sabihing siya ang pinakamagaling lumangoy sa alin mang hayop na nakatira sa sapang iyon: naroong ipagmamalaki ang kanyang bahay na yari sa pinakamatigas lamad ng hayop at umano’y maaari niyang dalhin ang bahay niyang iyon kahit saan siya magpunta. Bagama’t suyang-suya ang dalawang itik sa kadaldalan ng kapitbahay nilang si Pagong ay hindi sila nagpapahalata. Isang araw, ibinalita nina Pugot at Panot kay Pagong, na sila ay lilipat na sa ibang sapa maraming isda at mga pagkain. Sinabi ng dalawang itik na sa sapang tinitirahan nila ay wala na silang makuhang pagkain. Biglang naligalig ang Pagong, kaya’t malungkot itong nagtanong, “Malayo ba ang lilipatan ninyong sapa?”

“ Aba, Oo,!” ang tugon agad ni Pugot. “Doon sa may dakong Timogkami lilipat”

“ Kung gayon ay huwag ninyo akong iiwan sa sapang ito,” mahinangsaad ng Pagong. “Lubos akong malulungkot pag naiwan akong mag-isa rito. mahabag naman kayo sa akin.”

“ Aba, hindi ka naming maaaring isama,”ang sagot ni Panot, “sapagka’t hindi ka naman marunong lumipad.” Hinid nakakibo si Pagong, naunawaan niyang tama ang sinabi ni Pugot. Gayon man, nang luminga-linga si Panot at makakita ng isang mahabang patpat ay may nabuo itong magandang balak. Kinuha ito ang kaputol na patpat na iyon at saka nagsalita:

“Naito ang mahabang patpat, anito sa Pagong. Kakagatin naming niPugot ang tig-isang dulo nito at ang gitna niyan ay kakagatin mo naman nang mariin, gayon ay maaari ka naming isama sa aming paglipad upang makarating sa patutunguhan naming. Nguni’t mangako ka lamang sa amin na kapag nasa himpapawid na tayo ay hindi ka magsasalita.”

“Magaling... magaling ang naisip mo, Panot,” natutuwang saad niPagong. “Ipinangangako kong hindi ako magsasalita habang ako’y inililipad ninyo.”

“Kung gayo’y tayo na,”ang yaya ni PanotNang nasa himpapawid na ang tatlong magkakapit-bahay, ay nasalubong nila ang isang langkay na ibong puti. Ang nangunguna sa langkay na iyon ay biglang nagsalita, “Matatalinong hayop iyon! Sino kaya ang nakaisip ng paraang iyon upang maisama sa himpapawid ang Pagong na walang pakpak?” Nang marinig nila ang sinabing iyon, ang Pagong ay nagkaroon agad ng paghahangad, na siya ang nakaisip ng gayong paraan, kaya’t ibinuka niya ang kaniyang bibig upang tagunin ang nagsalitang ibon. Nguni’t hindi na ito nakapangusap ng anuman, sapagka’t pagkabitiw na pagkabitiw niya sa pagkakagat sa patpat ay bigla siyang nahulog at nagkaluray-luray ang kanyang katawan nang tumama sa kabatuhan. Dahil sa likas na kadaldalan ng Pagong ay nagging malagim at kasakit-sakit ang pagkamatay nito.

Page 10: pabula