Pabalatngnolimetangere 120114031133-phpapp02
-
Upload
jonard-cruz -
Category
Documents
-
view
253 -
download
0
Transcript of Pabalatngnolimetangere 120114031133-phpapp02
Jose Rizal
isang doktor...
isang manunulat...
-Isang nobelang naglalahad ngmga paghihirap ng mgakababayan sa ilalim ng mgakastila
Ito rin ang nagmulat sa mgaPilipino upang labanan ang mgamapang-abusong kastila
naglalahad ng mgabagay, damdamin, at kaisipansa pamamagitan ng mgasagisag
Sa pamagat pa lamang ay mayroon ngsimbolismong ginamit. Ang katagang “Nolime Tangere” na nangangahulugang “Huwagmo akong salingin” ay nagpapahiwatig ngisang babala sa maaaring mangyari sa buhayng mambabasa noong panahon ng Kastila.
Kaliwang Bahagi: Sunflower Sulo Ulo ng Babae Krus Supang ng
Suha/Pomelo Dahon ng Laurel
Kanang Bahagi: Paa ng Prayle Salakot ng Guardia
Sibil Latigo ng Alperes Kadena Suplina Punong Kawayan
Ipinapahiwatig nito kung sino ang pinakabase at tunay na nagpapalakad ng bayan.
Ang sapatos naman ang nagpapahiwatig ngpagiging maluho ng mga prayle at ang pagtalikodnila sa aral ni Kristo.
Ang nakalabas na binti sa ibaba ng abito at angmga balahibo ay nagpapahiwatig naman ngkalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle.
Ito ay simbolo ng kapangyarihan ng kolonyalna hukbong sandatahan na nang-aabuso sakarapatang pantao ng mga Pilipino sakanyang kapanahunan.
Ito ay simbolo ng kalupitan ng opisyal ngkolonyal na hukbong sandatahan. Maging siRizal ay nakaranas ng hagupit ng latigo mulasa isang alperes. Ang paglalagay ni Rizal nglatigo ay nagpapahiwatig na hindi niyamalimutan ang ginawang pananakit sa kanyang alperes ng Calamba noong kanyangkabataan.
Inilagay ni Rizal ang kadena bilangsimbolo ng kawalan ng kalayaanng mga Pilipino sa ilalim ngpamumuno ng mga Kastila.
Ang suplina ay ginagamit ng mga mapanata sakolonyal na simbahan upang saktan ang kanilangmga sarili dahilan sa kanilang paniniwala na ito ay makapaglilinis sa kanilang mga nagawangkasalanan. Sa paningin ni Rizal, ang pananakit at pagpapahirap ng mga guardia sibil sa mga Pilipino ay hindi pa sapat para sa kanila, kailangan pang silana mismo ang magpahirap at manakit sa kanilangmga sarili.
Ang punong kawayan ay isang mataasngunit malambot na puno na kadalasangsumasabay lamang sa ihip ng hangin. Inilagay ni Rizal ang larawang ito upangipakita ang pamamaraan ng mga Pilipino sapakikibagay sa mga nagaganap nakalupitan at pagsasamantala ng mgaKastila sa kanilang lipunan.
Ang sunflower ay isang natatangingbulaklak na may kakayahan na sumunodsa sikat ng araw. Sinisimbolo nito angmga Pilipino na naliliwanagan sapamamagitan ng pagbabasa ng Noli me Tangere ukol sa mga ginagawangpagsasamantala ng mga kastila.
Samantala ang Sulo naman angnagsisimbolo ng Noli me Tangere nanagbibigay ng liwanag o kamalayan samga tao. Pinapahiwatig nito ang pagtatapos ng
kamangmangan at simula ngpanibagong uri ng pamumuhay nahindi magpapaapi sa mga Kastila
Ang sinisimbolo ng ulo ng babae ay walang iba kung hindi ang inang bayan. Kung mapapansin, ito ay malapit sapinag-uukulan niya ng paghahandog sanobela. Ang “A Mi Patria” na malapit saulo ng babae ay nangangahuluganginang bayan kung isasalin ito.
Ang krus ang siyang simbolo ng pagigingrelihiyoso ng mga Pilipino.
Mapapansin na inilagay ni Rizal ang krus sahalos pinakamataas na lugar ng pabalat. Ito ay para ipakita na Diyos ang nasa itaas nglahat ng mga bagay.
Simbolo rin ito ng paggamit ng mga Kastilang relihiyon sa pananakop.
Ang suha ay sumisimbolo sa kalinisan. Ang masakit na katotohanan, ang paglalagay ni Rizal
supang ng suha tabi ng krus ay isang mataas na anyokaniyang ng insulto para sa kolonyal na Katolisismo naumiiral sa kaniyang kapanahunan. Itinabi niya iyon sa kruspara ipahiwatig ang kawalan ng kalinisan sa paggamit ngkatolisismo ng mga kastila.
Ang dahon ng laurel ay napakahalaga samatatandang sibilisasyong kanluranin. Ito ginagawang korona para sa kanilang mgamapagwagi, matatapang, matatalino, at mapanlikhaing mga mamamayan.
Isang paglalarawan ni Rizal ng kaniyang pag-asa naang mga kabataang Pilipino ay pipitasin ang mgalaurel na ito upang gawing korona ng inang bayan.
Ang dahon ng laurel na nagpapahiwatig ng koronaay sumisimbolo ng kapurihan at karangalan ngating inang bayan.