p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

22
Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869–Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 1899–Abril 1, 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas. Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas. Mga KONTRIBUSYON Ni Emilio Aguinaldo Ginampanan niya ang pamumuno sa KKK pagkatapos mahuli at ipapatay si Rizal. I pinahayag niya ang kalayan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Pinamunuan niya ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston. Binuksan ang pambansang pautang . Pinabukas kaagad ang mga paaralang elementarya . Naglabas ng dalawang dekrito , isa noong Hunyo 18 at isa naman sa ika-20 para ayusin ang sistema ng gobyerno sa mga probinsya at bayan . .

description

p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..btw i dont own this article..tnx

Transcript of p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

Page 1: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869–Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral, pulitiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 1899–Abril 1, 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas. Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas. 

Mga KONTRIBUSYON Ni Emilio Aguinaldo

Ginampanan niya ang pamumuno sa KKK pagkatapos mahuli at ipapatay si Rizal. I pinahayag niya ang kalayan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Pinamunuan niya ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston.

Binuksan ang pambansang pautang . Pinabukas kaagad ang mga paaralang elementarya . Naglabas ng dalawang dekrito , isa noong Hunyo 18 at isa naman sa ika-20 para ayusin ang sistema ng gobyerno sa mga probinsya at bayan . .

Page 2: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

Manuel Luis Quezon y Molina (Agosto 19, 1878 – Agosto 1, 1944) ay ang ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre 15, 1935–Agosto 1, 1944). Siya ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod ni Emilio Aguinaldo (na ang administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal).

Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na ngayong Aurora) noong Agosto 19, 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893.[1]Bilang isang binata, nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos.[1]

Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang 1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa Pilipinas.[1]

Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas. Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.[1]

Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos. Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa bansa.[1]

Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin Country, New York noong Agosto 1, 1944 sa edad na 66.[1] Unang inilibing ang kanyang labi sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila, sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.

Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan ng Quezon.Siya rin ay tinawag bilang 'Ama ng Wikang Pambansa'.

MGA KONTRIBUSYON Ni Manuel L. Quezon Pinahalagahan niya ang wikang pambansa . Ipinatupad ni Quezon ang Eight-hour Labor Law dahil sa problema sa paggawa sa lupa . Ipinatupad rin niya ang Minimum Wage Law . Pinaunlad ni Quezon ang pambansang seguridad sa tulong ng National Defense Act.

Naipatupad rin ang Payne-Aldrich Law na nagpababa ng ating buwis . Nagpatayo ng mga gusali. Nakakaboto ang mga kababaihan at nakakasali sa pulitika at; Libreng edukasyon natugunan ng pansin ang industriya ng kabuhayan .

Page 3: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

Manuel Roxas (1946-1948) . Bago pa man din siyang maging unang presidente ng Ikatlong Republika, siya ang naging huling presidente ng Commonwealth. Isang stateman ng Capiz (sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas), si Roxas ang nagsimulang magtayo ng economy ng isang war-born country. Kanyang ipinatupad ang ibang top priorities ng kanyang admistrasyon gaya ng: ang industrialzation ng Pilipinas, ang pagpapatagal ng malapit na kooperasyon at ispesyal na relasyon sa Estados Unidos (dahilan kung bakit sa panahon niya'y isang public knowledge na siya'y isang "Pro-American"), ang maintenance ng batas at order at ang pagpasa sa kongreso ng batas na magbibigay sa magsasaka ng 70% ng kabuuang kinitang ani (30% lamang sa landlord). Ngunit noong gabi ng 16 Abril 1948, si Roxas ay namatay sa isang atake sa puso sa Clark Field, Pampanga matapos magbigay ng speech sa mga American servicemen at tagasuportang Pilipino. Mga Statistiko ng Pilipinas noong panahon ni Roxas: Population 19.23 million (1948), GDP Php 85,269 million (1947), GDP Growth Rate: 39.5 % (1946-47 average), Income Per Capita: Php 4,434 (1947) , Total Exports: Php 24,824 million (1947), at palitan ng piso ng Pilipinas laban sa US $: Php 2.00 = $1.

Mga Kontribusyon Ni Manuel Roxas

Bell trade relations act o ang nagtakda ng 28 taon na kalakalan ng estados unidos at Pilipinas . Batas rehabilitasyon Parity Rights na pantay na paggamit ng mga amerikano at ng mga pilipino ng ating mga likas-yaman . Ang Pacsa o ang presidential action committee on social amelioration.

Pagunlad ng kabuhayan . Paglutas ng suliranin ng Huk . Paglinaw sa patakarang panlabas ng bansa kaugnay ang usaping parity rights .

José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay ang ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Oktubre 14, 1943-Agosto 17, 1945) sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945.

Page 4: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915.

Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.

MGA KONTRIBUSYON Ni Jose P. Laurel Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon .

Sergio Osmeña y Suico (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio Osmeña, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (Agosto 1, 1944 – Mayo 28, 1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmeña III, John Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas Osmena.

Page 5: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon.

Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmeña. Ipinadala siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.

Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.

Dalawampu’t limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng lalawigan.

Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmeña-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.

Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmena ay namatay noong Oktubre 19, 1961.

MGA KONTRIBUSYON Ni Sergio Osmena Nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong 1944 hanggang 1945. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Elpidio Quirino (1948-1953). Ang bise presidente ng Pilipinas sa administrasyon ni Roxas na si Quirino ang siyang pumalit matapos ang kanyang pagpanaw. Siya ang unang Ilokanong pangulo na nagtapos sa 4 na taong termino ni Roxas at nanalo noong 1949 eleksyon. Sa kanyang administrasyon, pinakamalaki niyang pinagtuunan ng pansin ang pagpapatuloy ng pagbabago at rehabilitasyon ng ekonomya & ang restoration ng tiwala at kooperasyon ng marami sa

Page 6: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

pamahalaan. Kinaharap ng administrasyong niya ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap (Hukbo ng Bayan laban sa Hapon, a red commnunist). Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk at bilang pangulo, si Qurino mga nagawa na sa kanya nakakredit: Una, ang paglikha ng PACSA (President's Action Committee on Social Amelioration), na layuning tulungan ang masa mula sa pagbagsak ng ekonomiya, pangalawa ay ang paglikha ng ACCFA (Agricultural Credit Cooperative Financing Administration) para tulungan ang magsasaka na maka-avail ng pautang na may mababang interes mula sa gobyeno at huli ay ang pagtayo ng mga bankong rural at Labor Management Advisory Board, isang isang presidential advisory body. Ang administrasyon niya ay nagtagumpay sa pakikipagrelasyon sa ibang bansa. Kasama nang kanyang statemanship, kanyang napahanga ang ilang mga head of state at foreign diplomatic corps at sa kanyang official trip abroad, siya ang ambassador ng mabutin pakikisama at pakikipagkaibigan. Namatay siya sa atake sa puso noong 29 Pebrero 1956 sa gulang na 66. Mga Statistiko ng Pilipinas noong panahon ni Quirino: Population 19.23 million (1948), GDP Php 99,628 million (1948);146,070 million (1953), GDP Growth Rate: 9.43 %, 1948-53 average, Income Per Capita: P5,180 (1948); P7,596 (1953), Total Exports: P35,821 million (1948); P34,432 million (1953), at palitan ng piso ng Pilipinas laban sa US $: Php 2.00 = $1.

MGA KONTRIBUSYON Ni Elpidio Quirino

Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga .Pilipino Pagsugpo sa Pagalaganap ng Komunismo . Pagharap sa suliranin ng Huk . Pinagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng indutriyalisayon .

Pagpapagawa ng farm-to-market roads. Pagatatag ng Central Bank of the Philippines. Pagapapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law.

Ramon Magsaysay (1953-1957). Si Magsaysay ang secretary ng National Defense sa ilalim ng administrasyong Quirino. Kanyang iniligtas ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si

Page 7: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya" na naging sanhi ng kanyang pagiging sikat. Ilan sa kanyang mga nakamit ay ang mga sumusunod: Ang pag-iimprove ng standard living sa pamamagitan ng panggawa ng mga irrigation system, tulay, balon at kalsada; pagsasakatuparan ng pagamit ng Barong Tagalog sa mga opisyal at sosyal na gawain na dati ay itinuturing na damit ng mahirap, pagtatatag ng SEATO (Southeast Asia Treaty Organization), isang regional politico-military aggregation, noong 18 Setyembre 1954; negosasyon sa Japan ukol sa war reparation agreement kung saan ay huling nilagdaan sa Manila (ang bansang Japan ay magbabayad ng war reparation fee na nagkakahalaga ng $ 300,000,000 sa loob ng 25 taon) at ang San Francisco Treaty, kung saan opisyal na nagpawakas sa bansang Japan at Pilipinas mula sa estado ng digmaan. Siya ang "pinakamamahal" na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng marami sa pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang plane crash na bumangga sa isang bundok ng Manunggal, Cebu noong 17 Marso 1957. Mga Statistiko ng Pilipinas noong panahon ni Magsaysay: Population 21.4 million (1954), GDP Php 157,054 million (1954) Php 179,739 million (1956), GDP Growth Rate: 7.13 % (1954-56 average), Income Per Capita: Php 7,339 (1954); Php 8,073 (1956), Total Exports: Php 36,462 million (1954) Php 34,727 million (1956), Unemployment Rate: 11.2 % (1956), at palitan ng piso ng Pilipinas laban sa US $: Php 2.00 = $1.

Mga Kontribusyon Ni Ramon Magsaysay

Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan . Iniligtas niya ang demokrasya ng pilipinas Ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan

Libreng Edukasyon . Pag ayos ng Kalsada . Barong Tagalog Publisher. Ang bumukas ng Malakanyang Palace.

Carlos Garcia (1957-1961). Ang araw matapos ang malungkot na pagpanaw ni Magsaysay, ang bise-presidente na si Garcia ang siyang umupo bilang ikaapat na presidente ng Ikatlong Republika. Tinapos niya ang huling termino ni Magsaysay at nanalo bilang pangulo pagkatapos. Ang bise presidente niyang si Diosdado Macapagal ng Partido Liberal at siyang naging unang pagkakataon na may magkaibang partidong presidente at bise-presidente, ngunit ganoon pa man, kanyang nakamit ang mga sumusunod: ang pinalaganap ang konsepto ng "Filipino Muna" (First Filipino Policy) para mataguyod at maprotektahan ang produktong Pilipino; ang pagpapalaganap

Page 8: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

ng kulturang Pilipino sa pamamgitan ng mabuting pakikisama ng Bayanihan Dance Troupe sa abroad; pagrespeto sa karapatang pantao at pagpapanatili ng malayang eleksyon; ang paggawa ng Dr. Jose P. Rizal Centennial Commission at ang pagtataguyod ng international peace and harmony through official visits. Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961. Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang politiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong 14 Hulyo 1971 sa edad na 75. Mga Statistiko ng Pilipinas noong panahon ni Garcia: Population: 22.68 million (1957), GDP Php 189,457 million (1957); Php 224,430 million (1961), GDP Growth Rate: 4.54 % (1957-61 average), Income Per Capita: Php 8,353 (1957); Php 7,927 (1961), Total Exports: Php 35,980 million (1957) Php 39,845 million (1961) (1956), Unemployment Rate: 3.8 % (1957); 7.5 % (1961), at palitan ng piso ng Pilipinas laban sa US $: Php 2.00 to $1 (1957); Php 2.64 to $1 (1961)  

Mga Kontribusyon Ni Carlos P. Garcia Inilunsad niya ang patakarang "Pilipino Muna " noong ika-21 ng Agosto 1958. Ipinagpatuloy rin ni Garcia ang pakikipag-ugnayan sa mga karatig-bansa sa Asya . Muling pagpapalakas ng demokrasya sa bansa sa pamamagitan ng paggalang sa mga karapatang pantao .

Muling pagsasabuhay ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gantimpala at parangal sa mahuhusay na Pilipino sa larangan ng sining , agham , at panitikan (Republic Cultural Heritage Award) Paglikha ng Jose Rizal Centennial Commission na namahala sa pagdiriwang ng First Centenary of the National Hero of the Philippines noong ika-19 ng hunyo 1971.

Diosdado Macapagal (1961-1965). Kahit siya ay kilala bilang "poor boy" mula sa Lubao, siya ay isang bar topnotcher, isang respetadong abogado at manunulat at epektibong manunulat. Kanyang pinangako ang "New Era" sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng mga sumusunod: paggamit ng pambansang lengwage (Filipino) sa mga passport, selyo, traffic signs, pangalan ng bagyo, diploma ng eskuwela at iba pang diplomatic credentials; paglipat ng Independence Day ng Pilipinas sa 12 Hunyo mula 4 Hulyo; pag-fifile ng opisyal na pagaari ng Pilipinas sa Sabah noong 22 Hulyo 1962; ang pagkakalikha ng MAPHILINDO (Malaysia, Philippines, Indonesia)

Page 9: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

Organization na isang pagkakaisang pangekonomiya at ang pagpasa sa kongreso ng Agricultural Land Reform Code noong 1963. Humalili din siya bilang pangulo ng Contitutional Convention noong 1971 para sa pagpapabago ng saligang batas. Namatay siya sa atake sa puso, pneumonia at sakit sa kidney sa Ospital ng Makati noon 21 Abril 1997 makaraan ang isang taon, ang kanyang anak na si Gloria Macapagal-Arroyo ay ipinoklamang ikaapat na presidente ng Ikalimang Republika ng Pilipinas dahil sa EDSA 2. Mga Statistiko ng Pilipinas noong panahon ni Macapagal: Population: 29.2 million (1962), GDP Php 234,828 million (1962)Php 273,769 million (1965), GDP Growth Rate: 5.15 % (1962-65 average), Income Per Capita: Php 8,042 (1962) Php 8,617 (1965), Total Exports: Php 46,177 million (1962); Php 66,216 million (1965), Unemployment Rate: 8.00 % (1962);7.2 % (1965), at palitan ng piso ng Pilipinas laban sa US $: Php 3.80 to $1 (1962)Php 3.90 to $1 (1965)

 

Mga Kontribusyon Ni Diosdado Macapagal Isa sa mga naging prorama ni Diosdado Macapagal ay ang " decontrol "kung saan nag- iba ang palitan ng piso sa dolyar . Kilala siya sa nationalization of Retail and Land Reform Bill. Pagtulong sa mga magsasaka . MAPHILINDO Pagpapalaganap ng wikang pilipino Pag angkin ng isla ng SABAH

Ferdinand Marcos (1965-1972) Si Marcos ay isang Senate President mula pa noong 1963 at matagal na panahong naging siyang kasapi ng Partido Liberal. Hiningi niya ang nominasyon ng partido bilang kandidato sa pagka-pangulo noong 1965, ngunit ang kasalukuyang pangulo na si Diosdado Macapagal ang pinili ng partido. Tumiwalag si Marcos sa Partido Liberal at lumipat siya sa Partido Nacionalista, kung saan nakuha niya ang kanilang nominasyon. Nanalo siya at si Fernando Lopez, ang kandidato ng Partido Nacionalista sa pagka-pangalawang pangulo, laban kay Macapagal at Gerard Roxas sa isang ''landslide victory'' na dala-dala ang slogan na "This nation can be great again." Sa kanyang pagsisilbi bilang pangulo sa unang termino, siya ang

Page 10: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

pinakamaraming nagawang kalsada, tulay, eskuwela, gusali ng gobyerno, sistemang irigasyon (kasabay ng pag-papakilala ng "Miracle Rice"), at marami sa mga ito ay nananatiling nakatayo pa gaya ng San Juanico Bridge sa gitna ng Samar at Leyte; ang Pan-Philippine Highway mula Aparri hanggang Jolo; ang Cultural Center of the Philippines, Philippine International Convention Center, Folk Arts Center at ang Film Center sa Maynila; at pati na rin ang pagaayos ng Philippine National Railways (PNR). Dagdag pa dito ang pinansyal at teknikal na pagtulong sa mga magsasaka. ang epektibong pangungulekta ng buwis, ang malawakang pagpapataboy sa mga smuggling, organisadong krimen at ang komuistang "New People's Army" at ang matagumpay na pagdaos ng Manila Summit Conference noong 24-25 Oktubre na dinaluhan ng maraming heads of states. Kaakibat dito at dahil na rin sa dami ng kanyang mga nakamit noong una niyang termino, siya'y naging pangulo muli sa ikalawang pagkakataon, iyon ang unang pagkakataon sa Pilipinas na ma-reelect ang isang pangulo, at dahil doon, siya'y natala bilang pangulo na may pinakamahabang taon na pinaglingkuran. Ngunit, sa kabila ng kanyang magandang unang termino, ang Pilipinas ay dumadanas ng malubhang krisis na pangekonomiya dahil sa na rin pagtaas ng presyo ng langis sa world market. Ang pagtaas ng presyo ng langis ang naging sanhi upang ang presyo ng pangunahing bilihin ay tumaas at maraming Pilipino ang nawalang ng trabaho. Ang "floating peso" ay patuloy na bumababa laban sa dolyar. Ang kanyang pangalawang termino ay napuno ng graft and corruption sa gobyerno; ang paglayo pa lalo ng mahirap at mayaman na naging dahilan ng paglaganap ng maraming krimen, kaguluhan at pagbabanta ng komunista. Sa konsensya niya, ang mga bagbabantang ito sa seguridad at istabilidad ng bansa ay namataan ni Marcos na ito'y mapagtuunan ng isang aksyong makakapagpabago ng lahat. Para kay Marcos, any tanging paraan para maipanumbalik ang tiwala ng marami sa gobyerno ay ang pagdedeklara ng Batas Militar. Katulong nito, sinabing ang pagligtas ng estado ay ang kanyang dahilan, si Marcos ay nagpahayag ng Proclamation No. 1081 noong 21 Setyembre 1972, at nalagay ang buong Pilipinas sa ilalim ng Martial Law, na siyang pumatay sa demorkasya at sa Ikatlong Republika ng Pilipinas.

Mga Kontribusyon Ni Ferdinand E. Marcos Programa sa Reporma sa Lupa . Proyektong Imprastruktura . Paglinang sa Kulturang Pilipino. Ipinatayo si Marcos na mga ospital tulad ng Lung Center, Philippine Heart Center, Kidney Center at Children's Medical Center.Ang mga programang nagawa ni marcos ay ang Tenants Emancipation Decree kung saan binibigyan ang mga magsaswaka ng limang ektarya ng lupa at tatlong ektarya naman sa may patubig,ministry of human settlement na pinamunuan ni Imelda Marcos. Inilipat ang mga iskwaters sa kamaynilaan sa ilang resettlemaent site na malapit sa Metro Manila.

María Corazón Sumulong Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang María Corazón Sumulong Cojuangco) (Enero 25, 1933—Agosto 1, 2009[2]) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabing-isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992). Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac kina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E.

Page 11: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya noong ika-1 ng Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng Agosto.

Mga kontribusyon Ni Corazon Aquino Pagbabalik ng Demokrasya sa Bansa . Pagabawi sa mga nakaw na yaman ng Marcos. Libreng Edukasyon sa Elementarya at Sekondarya . Pinatupad ni cory aquino ang Republic Act No. 6657 o mas kilalang CARP (comprehensive agrarian reform program act).

Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ay ang ikalabing-dalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez.

Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Masters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.

Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino

Page 12: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award.

Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider-opososyon si Benigno S. Aquino Jr.

Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkob sa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa.

Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran.

Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae.

 

Mga Kontribusyon Ni Fidel V. Ramos Pagpapaunlad ng Bansa Makamit ang Pambansang Pagkakaisa Paglutas ng Suliranin sa kalusugan Ipinatupad ang Philippines 2000 Naghikayat ng mga foreign investors na mamuhunan o mag-karoon ng negosyo sa Pilipinas .

Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak Abril 19, 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito Estrada, o Erap[1] ang ika-13 Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001. Siya ay isang dating aktor at nagsilbi bilang alkalde, senador at pangalawang pangulo bago naging pangulo noong 1998. Siya ay napatalsik sa pagkapangulo noong 2001 matapos akusahan ng korupsiyon na humantong sa impeachment at pagpoprotesta ng mga tao sa tinatawag na "EDSA II". Siya ay nahatulang nagkasala sa kaso ng pandarambong at nahatulan ng Reclusión perpetua. Siya ay humiling ng kapatawaran at pinatawad ni Gloria Arroyo noong 2007.

Si Joseph Estrada ay ipinanganak noong Abril 19,1937 sa Tondo, Maynila kina Emilio Ejercito, Sr., na isang inhinyero at Maria Marcelo. Siya ay pinatalsik sa kanyang mga pag-aaral na pang-primarya sa Ateneo de Manila University at kalaunang pumasok sa kursong inhinyerya sa Mapua

Page 13: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

Institute of Technology. Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula. Si Estrada ay nagpakasal kay Dr Luísa "Loi" Pimentel Estrada at nagkaroon ng 3 anak: sina "Jinggoy" Ejercito, Jr, alkalde ng San Juan (1992–2001) at Senador (2004–) , Jackie Ejercito (na ikinasal kay Beaver Lopez na anak ng Meralco chairman Manuel Lopez) at Jude Ejercito. Si Estrada ay may lima pang ibang mga anak sa ibang mga babae: sina JV Ejercito, Jojo Ejercito sa dating modelong si Joy Rowena, si Jerika, Jake at Jacob Ejercito sa dating aktres na si Laarni Enriquez. Si Estrada ay kapatid ng aktor na si George Estregan at tiyuhin ng aktor na si Gary Estrada.

Mga Kontribusyon Ni Joseph Estrada

Pagtugon ng Pangagailangan ng mahihirap Paglikom ng pondo sa pamahalaan Pagababa ng presyo ng bilihin Pagpapagawa ng mga silid aralan Palitan ng Piso Vs. Dolyar

Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20, 2001 - Hunyo 30, 2010). Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.

Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng

Page 14: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad at sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin ng Simbahang Katoliko [1]. Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong Enero 20, 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon noong kontrobersyal na eleksyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon Hunyo 30, 2004.

 

Mga Kontribusyon Ni Gloria Macapagal - Arroyo

Pagpapagawa ng mga daan . Pagtugon sa pangagailangan ng mamamayan . Pagsugpo sa kahirapan . Pagbaba ng Presyo ng Bilihin . Paglikha ng milyong trabaho . Llivelihood program.

Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong Pebrero 8, 1960) na mas kilala sa palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy ay ang ikalabing-limang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 2010 hanggang kasulukuyan) . Noong Hunyo 30, 2010, matagumpay siyang umakyat sa puwesto sa tulong ng kanyang Transition Team. Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino may mga kapatid rin siya na sina Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz, Aurora Corazon “Pinky” Aquino-Abellada, Victoria Eliza “Viel” Aquino-Dee at Kristina Bernadette “Kris” Aquino. Siya rin ay dating Kongresista at Senador ng Bansang Pilipinas. Habang pangulo, kilala sa sa katawagang "P-Noy" na ngangahulugang "Pangulong Noynoy".

Page 15: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

MGA PROYEKTO Ni Noynoy Aquino

Bagong classroom, at ng sampung libong bagong teaching positions. Libreng Edukasyon Mapatatag ang National Health Insurance Program. Dagdag Trabaho . Paunlarin ang bansa Pagbaba ng presyo ng petrolyo

PROYEKTO

SA

Page 16: p Angulo ng pilipinas at kanilang contribusyon..

SOCIAL SCIENCE

SUBMITTED BY: ANNA HAZEL B. LEGASPI

BSIT 1G-G2