OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN -...

5
..-:-,...... . - ··- - :' ; ,-.. ~ . Republic of the Philippines MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN SIPI MULA SA KATITU<AN NG IKA-TATLUMPU' T WALONG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG MIYERKOLES, IKA-9 NG OKTUBRE, 2002 SA GUSALING BATASAN NG PAMAHALAANG BAYAN. MgaDumalo: 1. Kgg. JOSE B. CATINDIG, Jr. 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. RAUL P. AALA 4. Kgg. ERIC T. PUZON 5. Kgg. LAUDEMERA. CARTA 6. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 7. Kgg. PETRONIO C. FACTRORIZA 8. Kgg. ARTURO M. TIONGCO 9. Kgg. ARTRMIO M. GOMEZ 10. Kgg. ROMEO P. AALA Di-Dumalo: 1. Kgg. ARIEL JOSEPH M. ARCILLA_S ** ****** ******* - Pang. Punong-bayan-Namuno -Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad, Pangulo ng Samahan ng mga Punong-barangay - Kagawad, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan KAUTUSANG BAYAN BLG. 1189-2002 (Iniakda at iminungkahi ni Kgg. LAUDEMER A. CARTA) na pinangalawahan ni Kgg. Algabre) ANG KAUTUSANG BAYAN NA NAG-AATAS AT NAGBABAWAL SA SINUMANG MAMAMAYAN, MGA MAY-ARI NG TAHANAN, MGA ESTABLISIMIYENTONG PAMPUBLIKO AT PRIBADO NA MAGPUTOL, MAMINSALA AT MAGSUNOG NG ANUMANG URI NG PUNONGKAHOY SA GILID NG DAAN PAMBARANGAY, PAMBAYAN, PROBINSIYAL AT NASYONAL AT MGA PAMPUBLIKONG LUGAR SA BAYAN NG SANTA ROSA. SAPAGKA'T, ang mga naturang puno ang siyang sangkap upang magkaroon ng wastong balanse ang hanging nilalanghap at mapanatili ang ecological balance nito; SAPAGKA'T, ang mga ganitong klase ng puho na nakatanim sa gilid ng mga daan at pampublikong lote ay malaking tulong sa kaginhawahan ng ating kapaligiran sa ating kalusugan, kabuhayan at sa pamayanan; SAPAGKA'T, ang ating kabundukan ay lubhang nauubos na ang mga tanim na punongkahoy na kailangan upang mapigil ang ano mang pagbaha sa kapatagang lugar;

Transcript of OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN -...

Page 1: OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN - santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/2002/1189-2002.pdf · hukuman. Kung ang lumabag ay magsosyo na binubuo mula

..-:-,...... . - ··- -:'

;

,-.. ~ .

Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

SIPI MULA SA KATITU<AN NG IKA-TATLUMPU' T WALONG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARA W NG MIYERKOLES, IKA-9 NG OKTUBRE, 2002 SA GUSALING BATASAN NG PAMAHALAANG BAY AN.

MgaDumalo:

1. Kgg. JOSE B. CATINDIG, Jr. 2. Kgg. LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. RAUL P. AALA 4. Kgg. ERIC T. PUZON 5. Kgg. LAUDEMERA. CARTA 6. Kgg. MARCELITO S. LASERNA 7. Kgg. PETRONIO C. FACTRORIZA 8. Kgg. ARTURO M. TIONGCO 9. Kgg. ARTRMIO M. GOMEZ

10. Kgg. ROMEO P. AALA

Di-Dumalo:

1. Kgg. ARIEL JOSEPH M. ARCILLA_S

***************

- Pang. Punong-bayan-Namuno -Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad -Kagawad -Kagawad -Kagawad - Kagawad, Pangulo ng

Samahan ng mga Punong-barangay

- Kagawad, Pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan

KAUTUSANG BAYAN BLG. 1189-2002 (Iniakda at iminungkahi ni Kgg. LAUDEMER A. CARTA)

na pinangalawahan ni Kgg. Algabre)

ANG KAUTUSANG BAYAN NA NAG-AATAS AT NAGBABAWAL SA SINUMANG MAMAMAYAN, MGA MAY-ARI NG TAHANAN, MGA ESTABLISIMIYENTONG PAMPUBLIKO AT PRIBADO NA MAGPUTOL, MAMINSALA AT MAGSUNOG NG ANUMANG URI NG PUNONGKAHOY SA GILID NG DAAN PAMBARANGAY, PAMBAYAN, PROBINSIYAL AT NASYONAL AT MGA PAMPUBLIKONG LUGAR SA BA YAN NG SANTA ROSA.

SAPAGKA'T, ang mga naturang puno ang siyang sangkap upang magkaroon ng wastong balanse ang hanging nilalanghap at mapanatili ang ecological balance nito;

SAPAGKA'T, ang mga ganitong klase ng puho na nakatanim sa gilid ng mga daan at pampublikong lote ay malaking tulong sa kaginhawahan ng ating kapaligiran sa ating kalusugan, kabuhayan at sa pamayanan;

SAPAGKA'T, ang ating kabundukan ay lubhang nauubos na ang mga tanim na punongkahoy na kailangan upang mapigil ang ano mang pagbaha sa kapatagang lugar;

Page 2: OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN - santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/2002/1189-2002.pdf · hukuman. Kung ang lumabag ay magsosyo na binubuo mula

s. ' ., '

,,...._ ~

Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

-2-

SAPAGKA'T, nakasaad sa R. A. 7160, ito ay isa sa mga serbisyo na dapat bigyan ng pansin sa kadahilanan na ito ay isa sa mga mahahalagang programa ng ating gobyemo.

IPINASISIY A, tulad ng dito 'y ginagawang P AGP AP ASIY A at ngayon nga ay IPINASIY A ang pag-aatas sa lahat ng mamamayan ng pagbabawal ng pagputol sa mga punongkahoy sa gilid ng mga kalsadang nabanggit na tuitugon sa sumusunod na alituntunin:

Sek. 1.

ARTIKULOI SAKLA W NG KAUTUSAN AT ALITUNTUNIN

A. Ang lahat ng mamamayan ay inaatasan na huwag magputol, maminsala at magsunog · ng punongkahoy sa gilid ng kalsada, at pampublikong lugar na kung saan ito ay matatagpuan.

B. Ang mga kompanya na gumagamit ng mga daang nabanggit sa itaas tulad ng MERALCO, PLDT, at Cable Company at iba pang katulad nito.

K. Ang mga punongkahoy na saklaw nito ay ang lahat ng fruit bearing trees, medicinal trees, nara, acacia at iba pang katulad nito kasama ang lahat ng punong-kahoy na itanim sa ilalim ng programa ng pamahalaang bayan.

ARTIKULOII LAYUNIN

a. Upang mahadlangan at mapalaganap ang kampanya sa walang pakundangang pagputol, pagsunog at pagpinsala ng anumang uri ng punongkahoy na nakatanim sa gilid ng mga kalsadang nabanggit.

b. Titulo ng Ordinansa at pampublikong lugar na siyang nagbibigay ng magandang kapaligiran.

c. Upang matugunan ng pamahalaang bayan ang pagtatanim ng iba't­ibang uri ng punong-kahoy bilang tugon sa luntiang Pilipinas na isinusulong na programa ng pamahalaang nasyonal.

Page 3: OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN - santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/2002/1189-2002.pdf · hukuman. Kung ang lumabag ay magsosyo na binubuo mula

• r- --..

Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

-3-

ARTIKULO III PAMANTAYAN AT PATAKARAN SA PAGSASAAYOS AT

PANGANGALAGANGPUNONGKAHOY

Sek. 1. Para sa sinumang tao o establisimiyento na magpuputol ng punongkahoy ay kailangan munang dumulog sa Tanggapan ng MENRO para sa kaukulang permiso at mayroong taglay na mga kadahilanan.

a. Kung ito ay lampas o humahapay sa kuryente o kawad ng MERALCO o linya ng komunikasyon na maaaring pagmulan ng sunog at sakuna.

b. Kung ito ay humihilig sa bahay o gusali na maaaring magdulot ng pagkasira o pinsala nito.

k. Sa panahon ng malakas na hangin dulot ng bagyo na maaaring banta sa buhay at ari-arian ng tao.

d. Kung ang punongkahoy na nakatanim sa tabi ng gusali o istraktura ay tuwirang makasisira o magdudulot ng panganib sa nakakarami.

ARTIKULOIV PAGLABAG AT KAUKULANG KAPURASAHAN

Sek 2. a. Anumang paglabag sa Kautusang Bayan ito, matapos mapatunayan ay papatawan ng parusang pagbabayad ng hindi tataas sa halagang P2,500 o pagkabilanggo ng hindi bababa sa dalawang buwan (2) at di lalampas sa anim ( 6) buwan o pareho a yon sa itinatadhana ng hukuman. Kung ang lumabag ay magsosyo na binubuo mula sa dalawang bilang ng tao pataas o korporasyon, itinatadhana ng Kautusang ito na ang pinakamataas sa tungkulin ay mananagot at papatawan ng parusa.

ARTIKULOV PAGPAPA WALANG-BISA

Sek. 3. Ang Kautusang Bayang ito ay nagsususog sa anumang Kapasiyahan o Kautusang Bayan na napagtibay sa nakaraang panahon.

Page 4: OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN - santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/2002/1189-2002.pdf · hukuman. Kung ang lumabag ay magsosyo na binubuo mula

I•' .• ~ ~

Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

Sek. 4.

-4-

ARTIKULOVI ANG MAGPAPATUPAD

a. Ang tanggapan ng MENRO ang siyang tanging sangay na pamahalaang bayan na binibigyan ng karapatan na ipatupad ang nasabing Kautusang Bayan.

b. Ang anumang pagputol sa mga punongkahoy na maaaring hadlang sa mga proyekto ng pamahalaang bayan nasyonal, probinsiyal, barangay at pribadong kompanya ay kailangang may kaukulang permiso sa pamahalaang bayan/MENRO.

ARTIKULO VII KAPANGYARIHAN NG PUNONG-BAYAN

Sek. 5. Upang maging epektibo at matagumpay ang pagpapatupad ng Kautusang ito ang Punong-bayan ay binibigyan ng karapatan at kapangyarihan, tulad ng sumusunod:

a. Maglagak ng kaukulang pondo para sa ahensiyang magpapatupad nito,

b. Makipag-ugnayan sa ibang ahensiya nasyonal, probinsiyal na may kinalaman sa pagpapatupad ng batas na ito.

k. Magsagawa at magpairal ng mga alituntunin at regulasyon (implementing guidelines) kaugnay sa pagpapatupad ng kautusang ito.

ARTIKULO VIII PAGKAKABAGO (REPEALING CLAUSE)

Ang lahat ng Ordinansa o Resolusyon na kasama o bahagi ng Ordinansa o Resolusyon ito na hindi naaangkop sa anumang probisyon ng Ordinansang ito ay itinuturing na nabago na at maitama na baguhin sa tamang paraan.

ARTIKULOIX PAGHIHIW ALAY (SEPARABILITY CLAUSE)

Page 5: OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN - santarosacity.gov.phsantarosacity.gov.ph/file-manager/files/ORDINANCES/2002/1189-2002.pdf · hukuman. Kung ang lumabag ay magsosyo na binubuo mula

l ..

,,-

Republic of the Philippines

MUNICIPALITY OF SANTA ROSA Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG BAYAN

-5-

Kung sa anumang kadahilanan, ang Kautusang Bayang ito ay labag sa batas at walang bisa sa bahagi ng probisyon ng Kautusang Bayang ito ay ang ibang bahagi o probisyon nito na hindi naaapektuhan ay itutuloy at ipatutupad ng buong bisa at lakas.

ARTIKULOX PAG-IRAL O PAGPAPATUPAD

Sek. 5. Ang Kautusang Bayan na ito ay magkakabisa at ipatutupad matapos ang pagtitibay ng Sangguniang Bayan at ng Punong-bayan at maipaskil sa lahat ng hayag na lugal at maipalathala sa pahayagan na may sirkulasyon sa Punong-bayan ng Santa Rosa.

IPINASIY A DIN na mapadalhan ng sipi ng Kautusang ito ang mga kinauukulang Punong-barangay/kagawad ng bawat barangay, pamunuan ng mga samahang sibiko/pamunuan ng mga pribadong kompanya, pamunuan ng mga pribado at pampublikong paaralan sa bayan ng Santa Rosa.

/ BU ONG P AGKAKAISANG PINAGTIBA Y.

PATOTOO:

JOS

Pinagtibay:

LEON (C. ARCILLAS Punong\bayan

Pinatutunayan ko na ang Kautusang ito ay sipi mula sa Katitikan ng Ika-38 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan ng Santa Rosa, Laguna noong Ika-9 ng Oktubre, 2002.

cJ};tOMEZ Pa;b:~ang Kalihim