NSPC PINOY - sigawpinas.files.wordpress.com · paaralan at kung anu-ano ang tugon ng pamahalaan...

4
VOL.1 BLG. 1 ESPESYAL NA ISYU ABRIL 2015 Paghahanda sa sakuna, tinalakay Ipinaliwanag ni Assistant Secretary Reynaldo Laguda, DRR Chief ang Disaster Risk Reduction Program ng Department of Education (DepEd) sa isinagawang komperensiya noong Ika-15 ng Abril, taong kasalukuyan sa awditoryum ng Taguig City University (TCU) sa Lungsod ng Taguig. Binigyang-diin nito ang mga paghahanda na dapat gawin ng mga paaralan sa buong Pilipinas sa anumang sakuna na darating. Ito ay ang pagkakaroon ng mga Safe Learning Facilities, School Disaster Management, at Disaster Risk Reduction (DRR) in Education. Layunin ng gawaing ito na maging handa at ligtas upang maiwasan ang anumang kapahamakan na maaring mangyari sa mga paaralan at maging sa komunidad. Sinimulan ang programang ito noong 2007 kaugnay sa ipinasang batas na tinawag na R.A. 10121 na siyang nakatuon sa pagpapatupad ng Disaster LEKTYUR NG KAALAMAN. G. Reynaldo Laguda ipinaliwanag ang Disaster Risk Reduction Program ng DepEd Risk Reduction Program sa mahigit 47,000 na paaralan sa buong Pilipinas. Kaakibat sa pagpapatupad ng programang ito ang iilang mga ahensya gaya ng Red Cross, UNICEF, at iba pa. Sinagot din ni Assec. Laguda ang mga katanungan ng mga mamamahayag na dumalo sa nasabing komperensiya tungkol sa isyu ng Disaster Risk Reduction Management Program ng bawat paaralan at kung anu-ano ang tugon ng pamahalaan tungkol dito. Itinampok din ni Assec. Laguda ang kahalagahan ng ‘social media’ sa paghahanda laban sa sakuna. Ang opisyal na hashtag para sa DRR ay #SchoolPatrolPh. HULING LABAN. Mga mamamahayag ng iba’t- ibang rehiyon nag tipon-tipon sa ginanap na NSPC 2015 “Aim to be respected” - Ressa “Don’t aim to be liked. Aim to be respected.” Ito ang isa sa naging pahayag ni Gng. Maria A. Ressa, CEO at Executive Editor ng Rappler.com sa kanyang mensahe sa pambungad na programa ng National Schools Press Conference na ginanap noong Ika-13 ng Abril, taong kasalukuyan sa lungsod ng Taguig. Sa kanyang mensahe, ibinahagi niya ang kanyang karanasan bilang isang mamamahayag sa loob ng mahigit na 25 taon sa buong asya. Nagbigay din siya ng mga aral sa mga dumalo na siyang pumukaw sa mga kakayahan ng mga kabataan tungkol sa pamamamahayag. Ipinaliwanag ni G. Ressa ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng impormasyon at balita. Ipinakita din niya sa mga dumalo ang pagbabago ng sistema ng pamamahayag noon hanggang sa kasalukuyan. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng ‘social media’ tulad ng “facebook”,”twitter”, “instagram”, at iba pa sa pagbabahagi ng balita at impormasyon sa buong mundo. “You should always tell the truth as you see it at that moment in time.” dagdag pa nito. NSPC INOY ni: Sweet Josieriz Frolinbren R. Otacan ni: Sweet Josieriz Frolinbren R. Otacan P

Transcript of NSPC PINOY - sigawpinas.files.wordpress.com · paaralan at kung anu-ano ang tugon ng pamahalaan...

Page 1: NSPC PINOY - sigawpinas.files.wordpress.com · paaralan at kung anu-ano ang tugon ng pamahalaan tungkol dito. Itinampok din ni Assec. ... Lathalain: Elena Marie G. Guillen Isports:

VOL.1 BLG. 1 ESPESYAL NA ISYU ABRIL 2015

Paghahanda sa sakuna, tinalakay Ipinaliwanag ni Assistant Secretary Reynaldo Laguda, DRR Chief ang Disaster Risk Reduction Program ng Department of Education (DepEd) sa isinagawang komperensiya noong Ika-15 ng Abril, taong kasalukuyan sa awditoryum ng Taguig City University (TCU) sa Lungsod ng Taguig. Binigyang-diin nito ang mga paghahanda na dapat gawin ng mga paaralan sa buong Pilipinas sa anumang sakuna na darating. Ito ay ang pagkakaroon ng mga Safe Learning Facilities, School Disaster Management, at Disaster Risk Reduction (DRR) in Education. Layunin ng gawaing ito na maging handa at ligtas upang maiwasan ang anumang kapahamakan na maaring mangyari sa mga paaralan at maging sa komunidad.Sinimulan ang programang ito noong 2007 kaugnay sa ipinasang batas na tinawag na R.A. 10121 na siyang nakatuon sa pagpapatupad ng Disaster

LEKTYUR NG KAALAMAN. G. Reynaldo Laguda ipinaliwanag ang Disaster Risk Reduction Program ng DepEd

Risk Reduction Program sa mahigit 47,000 na paaralan sa buong Pilipinas. Kaakibat sa pagpapatupad ng programang ito ang iilang mga ahensya gaya ng Red Cross, UNICEF, at iba pa.Sinagot din ni Assec. Laguda ang mga katanungan ng mga mamamahayag na dumalo sa nasabing komperensiya tungkol

sa isyu ng Disaster Risk Reduction Management Program ng bawat paaralan at kung anu-ano ang tugon ng pamahalaan tungkol dito. Itinampok din ni Assec. Laguda ang kahalagahan ng ‘social media’ sa paghahanda laban sa sakuna. Ang opisyal na hashtag para sa DRR ay #SchoolPatrolPh.

HULING LABAN. Mga mamamahayag ng iba’t-ibang rehiyon nag tipon-tipon sa ginanap na NSPC 2015

“Aim to be respected” - Ressa “Don’t aim to be liked. Aim to be respected.” Ito ang isa sa naging pahayag ni Gng. Maria A. Ressa, CEO at Executive Editor ng Rappler.com sa kanyang mensahe sa pambungad na programa ng National Schools Press Conference na ginanap noong Ika-13 ng Abril, taong kasalukuyan sa lungsod ng Taguig. Sa kanyang mensahe, ibinahagi niya ang kanyang karanasan bilang isang mamamahayag sa loob ng mahigit na 25 taon sa buong asya. Nagbigay din siya ng mga aral sa mga dumalo na siyang pumukaw sa mga kakayahan

ng mga kabataan tungkol sa pamamamahayag. Ipinaliwanag ni G. Ressa ang kahalagahan ng pagpapalaganap ng impormasyon at balita. Ipinakita din niya sa mga dumalo ang pagbabago ng sistema ng pamamahayag noon hanggang sa kasalukuyan.Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng ‘social media’ tulad ng “facebook”,”twitter”, “instagram”, at iba pa sa pagbabahagi ng balita at impormasyon sa buong mundo. “You should always tell the truth as you see it at that moment in time.” – dagdag pa nito.

NSPC INOY

ni: Sweet Josieriz Frolinbren R. Otacan

ni: Sweet Josieriz Frolinbren R. Otacan

P

Page 2: NSPC PINOY - sigawpinas.files.wordpress.com · paaralan at kung anu-ano ang tugon ng pamahalaan tungkol dito. Itinampok din ni Assec. ... Lathalain: Elena Marie G. Guillen Isports:

Simula ng maipasa ang R.A. 10121 noong taong 2007, napagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pagiging handa at pagpapalaganap sa buong Pilipinas ng mga paalala at mga paraan upang agapan ang mga sakunang darating. Pinaghahandaan lang ba ang mga pahamak sa hinaharap o ang pahamak na maaaring dumating sa kasalukuyan? Ayon pa kay Assec. Reynaldo Laguda, “Walang makakapagprotekta’t makakapagsagip sa’yo sa panahong nariyan na ang bagyo.” Kaya naman malakas pa rin ang pagpapaigting ng Disaster Risk Reduction Management, sa kanilang mga programa. Tatlong haligi o layunin─itoang layong mapalaganap sa bansa ng DRRM. Una ay ang ‘Safe Learning Facilities’ o ang ligtas na mga pasilidad sa pag-aaral. Unang hakbang upang makamit ito ay ang pagiging handa sa anumang kapahamakan. Pangalawa sa tatlong layunin ay ang ‘School Disaster Management’ o ang sukat ng kaalaman ng mga paaralan ukol sa pangangasiwa sa panahon ng mga sakuna na maaring dumating. Kung mainam na naipahayag ang paraan ng paghahanda sa mga paaralan gaya ng pagkakaroon ng maagahang paalala at ‘DRR in Education’ o ang pagiging maalam ng mga mag-aaral gamit ang pagtuturo. Sa kabuuan, ang pagbangon ng isang paaralan at maging ng bayan ay mahalaga. Ang pagtatayo ng mga paaralan at pagbibigay rehabilitasyon sa mga ito ay maituturing din na pagbibigay buhay. Ligtas na paaralan, ligtas na pamayanan.

PAHINA 2 EDITORYAL MARSO 2015

PatnugutanS.Y. 2014-2015

Punong Patnugot: Joyce S. GardosePangalawang Patnugot: Gil Joshua Balanay Balita: Sweet Josieriz Frolinbren R. Otacan

Lathalain: Elena Marie G. GuillenIsports: Janeth A. Lumakang

Kartung Editoryal: Klouise Izzaine J. BeciraPagkuha ng Larawan: Sophia Mae M. Gascon

Tagapayo: Zarah Grace M. Amario

ANG PULSO

Pagbangon mula sa pagkabaon

Paghahanda : Mabisang behikulo sa Sakuna

Hindi maikakaila na mapasahanggang ngayon, ang bansang Pilipinas ay nahaharap sa mga iba’t-ibang suliraning pangkalikasan tulad ng paghagupit ng mga bagyo, ng mga lindol, at ng suliraning pangkabuhayan gayundin ng walang katapusang kahirapan. Paano kaya makakatulong ang Pampaaralang Pahayagan at ng mga kabataan tungo sa mga karanasang napagdaanan? Mainam at mabisang behikulo tungo sa mga ito ang pamamahayag na naayon, nakakatulong, nakakaimpluwensya ng mabuti at pagiging responsible sa pamamagitan nito sa lahat ng bagay. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang mga kabataang Pilipino ay namumukod tangi dahil sa kanilang katatagan at katalinuhan. Tulad rin ng Agilang matatag, kaya nitong mangibabaw at lumipad sa kalangitan na dala ang kalinawan ng isipan at katatagan. Ayon nga kay Gat. Jose Rizal, “ang

kabataan ay ang pag-asa ng bayan.”Pagtutulungan o Bayanihan, kalinawan ng isipan at katatagan. Ayon nga kay Gat. Jose Rizal, “ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.” Pagtutulungan o Bayanihan, isang simpleng salita na may malalim na kahulugan. Ito ay susi sa katarungan at kasaganahan, dahil kung wala ito, hindi natin malulutas ang mga suliranin ng bawat isa ng sabay-sabay. Ang mga bagay na pinagtutulungan, madaliang nalulutas ng pamayanan. Gamit ang Pampaaralang Pampahayagan, maipapabatid ng kabataan ang kahalagahan nito sa bayan. Maihahatid ng mga batang mamamayan at ng mga manunulat kung gaano kaimportante hindi lang sa bansang Pilipinas, ngunit maging sa mundo ang pamamahayag. Dagdag pa, sa tulong ng iba’t ibang plataporma, nagagamit ito upang maibahagi sa mundo ang kanilang mga hinaing, gaya ng social media, mga telebisyon at lahat.

NSPCPINOY

NSPC PINOY

ni: Joyce S. Gardose

Page 3: NSPC PINOY - sigawpinas.files.wordpress.com · paaralan at kung anu-ano ang tugon ng pamahalaan tungkol dito. Itinampok din ni Assec. ... Lathalain: Elena Marie G. Guillen Isports:

LATHALAIN PAHINA 3MARSO 2015

Social Media. Aminin, hindi mabubuo ang araw

mo kapag hindi nakapag-selfie o nakapag-status sa

inyong mga social media accounts. Pero hindi lang

sa pagseselfie ginagamit ang social media ngayon,

ginagamit na rin ito upang maghatid ng mga balita sa mga

mamamayan. Nagbago na nga talaga ang sistema ng pamamahayag

sa henerasyon ngayon. Ayon sa datos, 95% ng tao sa

mundo ang gumagamit ng social media. Sobra pa yan sa

populasyon ng Pilipinas! Pero ano nga ba ang kinalaman

ng social media sa pamamahayag? Ika pa nga ni Gng.

Maria Ressa, noon ay mahirap maging isang mamamahayag

pero ngayon, lahat ng tao ay pwede na dahil sa social

media at internet.

Gamit ang mga blogs, pwede ka nang magsulat at

ipahayag ang iyong opinyon o isulat at ibahagi ang

iyong nalalaman hindi lang sa bansa kundi sa buong

mundo! Gamit ang social media, pwede mong ibahagi sa mga

tao ang iyong naisulat sa blog mo.

Marami ng nagawang pagbabago ang internet

sa mundo at marami pa itong magagawang pagbabago

sa hinaharap. Hindi na tayo malilimita sa papel

at pluma. Sa wakas maririnig na ang boses ng

mga mamamayan. Maririnig na ang matagal nating

sinisigaw.

SIGAW

Inspirasyon Siguro, alam naman nating lahat ang CNN.

Isa ito sa pinakamalaking news channel sa mundo

at isa sa mga naging mamamahayag nito ay isang

Pilipino, si Gng. Maria A. Ressa.

Unang tingin pa lang ay alam mo ng isa

siyang kagalang-galang na tao. Palaging may ngiti

sa kanyang labi na nakakahawa. Marami na siyang

nakamit sa buhay niya. Kung isang tatsulok ang

buhay, siya ay nasa pinakatuktok na nito. Marami

siyang nabigay na ‘tips’ para sa’min.

Nakakatuwang malaman na sa hinaharap

magiging katulad namin siya. Siya ang nagbibigay

pag-asa sa’min. Siya ang aming inspirasyon.

NSPCPINOY

Page 4: NSPC PINOY - sigawpinas.files.wordpress.com · paaralan at kung anu-ano ang tugon ng pamahalaan tungkol dito. Itinampok din ni Assec. ... Lathalain: Elena Marie G. Guillen Isports:

balitang

ISP RTS

Black Team nilampaso ang Red Team Yan ang sagot ni Ronnie Aguisanda sa tanong ng isang mag-aaral. Pawis at lakas ang ibinuwis ng dalawang mababagsik na grupo sa paglalaro. Ang Taguig City Futsal Team at Futsal Mania Team ay nagtunggali sa larong Futsal noong April 15, 2014 sa Hagonoy Sports Complex. Agresibo at lumalagablab ng mga sipa at ipinamalas ng Futsal Mania Team sa unang half. Pinangunahan ito ng probinsyano na galing pa Dumaguete, si Reynald Villareal. Walang sinasayang na segundo at gutom na gutom na sa panalo ang Black team. Habang ag red team na kinabibilangan ng mga kabataan ay hindi din nagpahuli sa pagpapakita ng gilas sa pagsipa at pagblock.

Nagtapos ang 1st half na pabor sa Black team; 6-3. Bagamat lamang ng kalahati ang black team kumayod ng kumayod pa ang red team para bumawi. Nangunguna sa pag iskor sa field ang maliit perohindi sumusuko na si Joebert Espiritu at tulong ni John Spencer Baluso. Nagsanib pwersa naman ang kabilang koponan para unti nang mabawi ang korona. Sa natitirang minuto ng laro, umaariba pa ang team upag makahabol. Ngunit, sadyang mabilis ang black team at nagtapos ang laro ng 14:5. “Mabilis sila at sila ay magaling” ani ni Jobert Espiritu ng Red Team. “Masaya ako na makalaro sila” dagdag nito.

Puso at Laban “Kailangan lang yung disiplina sa sarili, tamang pagsasanay, at ehersisyo.” pahayag nito tungkol sa sikreto nila sa paglalaro. “Dapat may puso Walang sinayang na sandali ang ipinamalas ni Ronnie Aguisanda sa kanyang paglaro ng Footsal kasama ang kanyang team noong April 15 sa Hagonoy Sports Complex kontra Red team. Ito ang nagbigay sa kanyan ng pagkakataon upang makilala. Ibinida niya ang kanyag tinatagong galing sa pagsipa at paglaro ng bola gamit ang kanyang sariling

mga paa at laban.” dagdag nito.Suot lamang ang kanyang isang paris ng sapatos ay nakamit niya ang iniasam-asam na titulo.

Tutok na ulit ang buong mundo. Tutok na ulit sa kani-kanilang telebisyon ang mga tagahanga at mga tagasuporta ng boksing. Ang paparating at tinaguriang “Fight of the Cebtury”. Ang labanan ng five-division worldchampion na si Floyd Mayweather kontra sa eight-division world champion na si Manny “Pacman” Pacquiao. Bagama’t mahal man ang ticket sa laban, tuloy parin ang suporta ng mga pinoy sa buong mundo gamit ang mga social media tulad ng twitter at facebook. Tila tumitigil ang oras kapag mayroong mga laban na tulad nito. Tila walang bumabyahe na mga jeep at trisekel kapag nagsisimula na ang laban. Kahit walang kita ang mga driber sa pagmamaneho, ay ayos lang mapanood lang ang laban ng kanyang idolo. Ayon sa iilang mga analyst, nababawasan ang magbibisyo, nagdudruga, at nag-iinuman dahil sa panood ng laban nina Mayweather at Pacquiao.“Suntok jan! Ayan. Suntok pa!” ang mga karaniwang sigawan ng mga tao sa loob ng kani-kanilang bahay. Nagkakaisa ang buong mundo sa simpleng panood nila. Kahit mismong amerikano ay tudo suporta kay Pacman. Ngunit hati ang kanilang desisyon kung sino ang mag-uuwi ng titulo. “Kapwa malalakas at may angking sekreto ang bawat boksingero.” Ayon sa isang tagahanga. May 2, 2015. Markado na ang kalendaryo. Tutok na ulit ang buong mundo. Pagkakaisa ng mundo para sa laban ng milenyo.

DEPENSA NG TAGUMPAY. Isang manlalaro ng Futsal Mania Team dinepensahan ang kanilang net goal upang hindi makapuntos ang kalaban.

ni: Janeth Lumakang

Kaalaman ng Kasaysayan

Pagkakaisa ng Mundo

ni: Janeth Lumakang

-Si Alyssa Valdez ang itinanghal na Best Scorer at Season’s MVP ng UAAP Season 77 Womens Volleyball. -1954 pa ng huling nanalo ang National University sa basketball ng UAAP. At noong 2014 pa muli nakuha ang titulo sa UAAP Season 77 Mens Basketball. -Papalabas pa ngayong Abril ang istorya ni Manny Pacquiao sa likod ng kaniyang mga kamao at ito ay pinamagatan na “Kid Kulafu”. -Talk N’ Text Tropang Texters nagbabalik sa PBA Finals matapos talunin ang Purefoods Star Hotshots.

ni: Janeth Lumakang

EDITORYAL