Noli me tangere kabanata 57 58
-
Upload
mojarie-madrilejo -
Category
Education
-
view
714 -
download
21
description
Transcript of Noli me tangere kabanata 57 58
BALIK ARAL
Sino ang hinihintay ni Maria Clara?
Anong oras nakatakdang dumating si Crisostomo
Ibarra?
Anong nakatakdang oras lulusubin ang kwartel at
kumbento
Sino ang nakausap sa lalaki na galing sa tribunal
Anong klaseng puno ang ginamit sa pagbitin ni Lucas
MGA LAYUNIN
Mabuod ang kabanata 57 at 58.
Mailahad ang mga kanser ng lupinan ng kabanata
57 at 58.
Maisigurado na may maitutuhanan ang klase
tungkol sa kabanta.
BUOD
Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay ang
kanilang pagbabanta sa mga batang sumisilip sa
puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga
nadakip. Naroroon ang alperes, direktorsillo, Donya
Consolation at nag kapitan na halatang malungkot.
Bago mag-ikasiyam dumating ang kura at wala sa
loob na naitanong niya sa alperes sina Ibarra at Don
Filipo. Kasunod niya ang isang parag batang umiiyak
at duguan ang salawal. Hinarap sa kura ang
dalawang tanging buhay na nabihag ng mga sibil.
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang
ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa
leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan
nito.
Hindi maoakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang isang bilanggo ring nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo.
Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang nuong lamang niyua nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo
hanggang sa mabalot ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng kura ang gayong tanawin kaya lumabas siya sa bulwagan na namumutla. Nakita ng kura ang
isang dalagang parang nagbibilang ng mga naririnnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng
malakas. Ang babaing ito ay ang kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo,
lalong nagngitngit ang alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong pahirapan ang binata. Pero,
hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang kamatayan. Walang makuhang anumang impormasyon at
di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. Kung ilang bese ibinulusok ang katawan ni Tarsilo sa
balon. Hindi niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng hininga sa gayong uri ng kalupitan.
Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa pang bilanggo.
Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya napapunta sa patyo ay upang magbawass sapagkat pinapakain ng bulok ng biyenan nito. Inaantok ang alperes
sa naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na muli sa karsel.
-WAKAS NG KABANATA 57-
KANSER NG LIPUNAN
Mentalidad na Kolonyal
- Ayaw maniwala ang mga espanyol sa mga sinasabi
ni Tarsilio
Katawalian sa pamahalaan
- Hindi makataong pagpaparusa sa mga bilanggo
TANONG?
Ano ang pinakamahalaga sa
iyong buhay? Makakaya mo bang
panatiliin ito kahit ang buong
mundo ang kaaway mo? Paano?
BUOD
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo.
Sila ay pabalik-balik sa kumbento, kuwartel at tribunal.
Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang
mga inilalakad. Palibhahsa wala silang kilalang malakas
at makakapitan na makakatulong upang palayain ang
kanilang kaanak na bilanggo. May sakit ang kura at
ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong
makipag-usap kahit kanino. Ang alperes naman ay
nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang mga
babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman
ay lalong nawalan ng silbi.
Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakad-lakad umiiyak ang
mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa
rehas upang tignan ang kambal niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang
gatol na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Amy isang babae naman ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan
ng lahat. Ang suro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nol Juan ay nakaluksa
na sapagkat ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra.
Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero,
ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-
anak ng bilanggo.
Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng kariton. Ang sinunod na ilaban ay mga bilanggo sa
pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng naka ngiti ang kanyang asawang si Doray ng yakapin ang asawa,
pero hinadlangan siya ng dalawang sibil. Nang makita naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na hagulgol. Si Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng kanyang pagkakakulong. Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, at seminaristang si Albano ay naka gapos na mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang
kawal. Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at naghahanap ng isang mukhang
kaibigan.
Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin
siya ng mga kawal ng abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod sin sila sa utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo
at batbat ng sandata ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya.
Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sis at tinwag na siyang
duwag. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra.
Naalala niya ang kwento ni Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa
punongkahoy. Ang kasay sayan ng piloto ay parang biglang naglaro sa kanyang pangitain.
Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni Kapitan Basilio. Kahit na nasa
gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa kanya. Doon nya nadama ng husto ang mawalan ng inang
bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at magandang kinabuhasan.
Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo na pagod na pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sundan nya ng tingin a ng papalaong
kariton na sinakyan ng bilanggo. Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng
isang pastol patay na si Tasyo sa may pintuan ng kanyang bahay.
-WAKAS NG KABANATA 58-
KANSER NG LIPUNAN
Kahinaan ng mga Pilipino
- Nagiging mapahusga sang mga Pilipino sa sarili
nilang kauri
PAGSUSULIT
I. Ibigay ang hinihiling sa bawat tanong?
1.Ano ang totoong pangalan ni Tarsilio?
2.Ano ang pangaalan na sinabi ni Andong?
3.Bakit ayaw umalis ang kura sa kanyang silid?
4.Ano ang pangalan ng nanay ni Antonio?
5.Saan na datnan na patay si Pilosopo Tasyo?
PAGSUSULIT
II. Tama o Mali
1. Ang pangalan ng asawa ni Don Filipo ay Dori
2. Namatay si Tarsilio dahil sa pagpapalo sakanya ng sibil
3. Sumama si Tarsilio sa paglusong para ipaghiganti ang
kanyang ama.
4. Madaming tao ang pumalakpak sa paglabas ni Ibarra
5. Lumabas si Ibarra walang gapos kundi may bantay
SAGOT
1. Tarsilo Alasigan 6. Mali
2. Andong luko-luko 7. Mali
3. Dahil daw siya ay may sakit 8. Tama
4. Kapitana Tinay 9. Mali
5. Pinto ng kanyang bahay 10. Tama