NOBYEMBRE 1, 2013 34567 -...

16
34567 NOBYEMBRE 1, 2013 Bakit Nahihirapan ang Ilan na Mahalin ang Diyos?

Transcript of NOBYEMBRE 1, 2013 34567 -...

Page 1: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

34567NOBYEMBRE 1, 2013

Bakit Nahihirapanang Ilan na Mahalinang Diyos?

Page 2: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

34567NOBYEMBRE 1, 2013

Bakit Nahihirapanang Ilan na Mahalinang Diyos?

Gusto mo ba nghigit pang impormasyono libreng pag-aaral ngBibliya sa iyong tahanan?

Magpunta sa www.jw.org /tlo ipadala ang iyong requestsa isa sa mga adres sa ibaba.

Para sa PILIPINAS:Jehovah’s WitnessesPO Box 20441060 Manila

Para sa UNITED STATES OF AMERICA:Jehovah’s Witnesses25 Columbia HeightsBrooklyn, NY 11201-2483

Para sa adres sa iba pang mga bansa,tingnan ang www.jw.org/tl/contact.

˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙

ANG MAGASING ITO, Ang Bantayan,ay nagpaparangal sa Diyos naJehova, ang Tagapamahala nguniberso. Inaaliw nito ang mga taosa pamamagitan ng mabutingbalita na di-magtatagal, wawakasanng Kaharian ng Diyos sa langit anglahat ng kasamaan at gagawingparaiso ang lupa. Pinasisigla nitoang mga tao na manampalatayakay Jesu-Kristo, na namatay paramagkaroon tayo ng pag-asangmabuhay nang walang hanggan atnamamahala na ngayon bilang Harisa Kaharian ng Diyos. Ang magasingito ay walang pinapanigan sa pulitikaat patuloy na inilalathala mula panoong 1879. Sinusunod nito angBibliya bilang awtoridad.

Publishers: Watchtower Bible and Tract Societyof New York, Inc. � 2013 Watch Tower Bibleand Tract Society of Pennsylvania. All rightsreserved. Printed in Japan.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaanito bilang bahagi ng pambuong-daigdig napagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ngkusang-loob na mga donasyon. Malibang ibaang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng Banal

na Kasulatan.

Susi sa Maligayang Pamilya—Makipag-usap sa Inyong Anak na Tin-edyer—NangHindi Nakikipagtalo 8

Maging Malapıt sa Diyos—‘Ang Tagapagbigay-Gantimpala sa mga May-Pananabikna Humahanap sa Kaniya’ 11

Tularan ang Kanilang Pananampalataya—Siya ay ‘Ipinahayag na Matuwid sa Pamamagitanng mga Gawa’ 12

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya 16

34567Limbag sa Bawat Isyu:44,978,000 SA 210 WIKA NOBYEMBRE 1, 2013�����������������������������������������������������������������������������������������������������������

TAMPOK NA PAKSA

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������

SA ISYU RING ITO

s BASAHIN ONLINE � www.jw.org/tl

Vol. 134, No. 21NOVEMBER 1, 2013

SemimonthlyTAGALOG

Bakit Nahihirapan ang Ilanna Mahalin ang Diyos? PAHINA 3-7

Nahihirapan ang Ilan na Mahalin ang Diyos 3

Kasinungalingan 1: Walang Pangalan ang Diyos 4

Kasinungalingan 2: Isang Misteryo ang Diyos 5

Kasinungalingan 3: Malupit ang Diyos 6

Ang Katotohanan ay Magpapalaya sa Iyo 7

KARANIWANG MGA TANONG TUNGKOLSA MGA SAKSI NI JEHOVA—Kayo ba’y Naniniwalang Kayo angTunay na Relihiyon?

(Tingnan sa TUNGKOL SA AMIN ˛ KARANIWANG MGA TANONG)

r

MADA-DOWNLOAD ANGMAGASING ITO SA

IBA’T IBANG FORMAT

(

(

Page 3: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

NOBYEMBRE 1, 2013 � 3

“ ‘Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos nang iyongbuong puso at nang iyong buong kaluluwa atnang iyong buong pag-iisip.’ Ito ang pinaka-dakila at unang utos.”—Jesu-Kristo, 33 C.E.�

Nahihirapan ang ilang tao na mahalin ang Diyos. Parasa kanila, ang Diyos ay mahirap maunawaan, malayo saatin, o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ngilan:

“Nanalangin ako sa Diyos na tulungan niya ako, pero pa-rang napakalayo niya sa akin, at halos hindi ko maa-bot. Para sa akin, ang Diyos ay isang persona na walangdamdamin.”—Marco, Italy.

“Talagang gusto kong maglingkod sa Diyos, pero parangnapakalayo niya. Iniisip kong malupit siya at walang gi-nawa kundi magparusa. Hindi ako naniniwalang mahalniya tayo.”—Rosa, Guatemala.

“Bata pa ako, naniniwala na ako na binabantayan ngDiyos ang ating mga pagkakamali at nagpaparusa kungkinakailangan. Nang maglaon, inisip kong wala siyangmalasakit sa atin. Para siyang punong ministro na na-mamahala sa kaniyang nasasakupan pero wala namantalagang interes sa kanila.”—Raymonde, Canada.

Ano sa palagay mo? Mahirap bang mahalin angDiyos? Daan-daang taon nang itinatanong iyan ng mgaKristiyano. Sa katunayan, noong Edad Medya, karami-han sa Sangkakristiyanuhan ay hindi man lang nanala-ngin sa Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Bakit? Da-hil takot na takot sila sa kaniya. Sinabi ng istoryador nasi Will Durant: “Mangangahas kayang manalangin angisang makasalanan sa isa na kakila-kilabot at napakala-yo?”

Bakit nasabing “kakila-kilabot at napakalayo” ngDiyos? Ano ba talaga ang itinuturo ng Bibliya tungkolsa Diyos? Ang pag-alam kaya ng katotohanan tungkolsa Diyos ay makatutulong sa iyo na mahalin siya?

� Mateo 22:37, 38.

TAMPOK NA PAKSA

Nahihirapan ang Ilanna Mahalin ang Diyos

Top, trinity: Museo Bardini, Florence; middle, hell: � Photononstop/Superstock

Page 4: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

4 � ANG BANTAYAN

ANG PANINIWALA NG MARAMI “Hindi kami magka-sundo kung talagang may pangalan ang Diyos, okung mayroon man, ano kaya ito?”—Propesor DavidCunningham, Theological Studies.

ANG KATOTOHANAN MULA SA BIBLIYA Sinabi ngDiyos: “Ako ay si Jehova. Iyan ang pangalan ko.”(Isaias 42:8) Jehova ang pangalan ng Diyos sawikang Hebreo na nangangahulugang “KaniyangPinangyayaring Magkagayon.”—Genesis 2:4.

Gusto ni Jehova na gamitin natin ang kaniyangpangalan. “Tumawag kayo sa kaniyang pangalan,”ang sabi ng Bibliya. “Ihayag ninyo sa gitna ng mgabayan ang kaniyang mga ginagawa. Banggitin nin-yo na ang kaniyang pangalan ay natanyag.”—Isaias12:4.

Ginamit ni Jesus ang pangalan ng Diyos. Sa pa-nalangin, sinabi ni Jesus kay Jehova: “Ipinakilalako sa kanila [mga alagad ni Jesus] ang iyong panga-lan at ipakikilala ito.” Bakit ipinakilala ni Jesus angpangalan ng Diyos sa kaniyang mga alagad? Sina-bi pa niya: “Upang ang pag-ibig na inibig mo [angDiyos] sa akin ay mapasakanila at ako ay magingkaisa nila.”—Juan 17:26.

KUNG BAKIT ITO MAHALAGANG PAG-ISIPAN Isinulatng teologong si Walter Lowrie: “Ang taong hindi na-kakakilala sa Diyos sa pangalan ay hindi talaga na-kakakilala sa kaniya bilang isang persona, . . . athindi niya maiibig siya, kung ang alam niya’y isa la-mang puwersa ito at hindi isang persona.”

Isang lalaking nagngangalang Victor ang nagsi-simba linggu-linggo. Pero sa palagay niya, hindi niyatalaga nakikilala ang Diyos. “Pagkatapos, nalamankong Jehova ang pangalan ng Diyos, at parang opi-syal siyang ipinakilala sa akin,” ang sabi niya. “Na-sabi ko na sa wakas, nakilala ko na rin ang Isa natungkol sa kaniya ay marami na akong naririnig. Na-kilala ko siya bilang isang tunay na Persona at nali-nang ko ang pakikipagkaibigan sa kaniya.”

Si Jehova naman ay nagiging malapıt sa mga ta-ong gumagamit ng kaniyang pangalan. Tungkol sa“mga palaisip sa kaniyang pangalan,” nangangakoang Diyos: “Mahahabag ako sa kanila, gaya ng pagka-habag ng isang tao sa kaniyang anak na naglilingkodsa kaniya.” (Malakias 3:16, 17) Ginagantimpalaan dinng Diyos ang mga tumatawag sa kaniyang pangalan.Sinasabi ng Bibliya: “Ang bawat isa na tumatawag sapangalan ni Jehova ay maliligtas.”—Roma 10:13.

Kasinungalingan 1: Walang Pangalan ang Diyos

Ang pagtatanggal o pagpapalit sa personal na pangalanng Diyos ay gaya ng pag-aalis nito sa Bibliya

Page 5: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

NOBYEMBRE 1, 2013 � 5

ANG PANINIWALA NG MARAMI Ang relihiyong Kris-tiyano “sa tatlong pangunahing uri nito na Roma-no Katoliko, Silangang Ortodokso, at Protestante aykumikilala sa tatlong Persona sa iisang Diyos: DiyosAma, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Ayon sateolohiyang Kristiyano, ang turong ito ay hindi na-man pagkilala na tatlo ang diyos, sa halip, ang tat-long personang ito ay iisa.”—The New EncyclopædiaBritannica.

ANG KATOTOHANAN MULA SA BIBLIYA Hindi kai-lanman inangkin ni Jesus, ang Anak ng Diyos, nakapantay siya ng Diyos o na siya rin ang Ama.Sa halip, sinabi niya: “Ako ay paroroon sa Ama,sapagkat ang Ama ay mas dakila kaysa sa akin.”(Juan 14:28) Sinabi rin niya sa isa sa kaniyang mgatagasunod: “Aakyat ako sa aking Ama at inyongAma at sa aking Diyos at inyong Diyos.”—Juan20:17.

Ang banal na espiritu ay hindi persona. Angunang mga Kristiyano ay “napuspos ng banal na es-piritu,” at sinabi ni Jehova: “Ibubuhos ko ang ilangbahagi ng aking espiritu sa bawat uri ng laman.”(Gawa 2:1-4, 17) Ang banal na espiritu ay hindi ba-hagi ng isang Trinidad. Ito ay aktibong puwersa ngDiyos.

KUNG BAKIT ITO MAHALAGANG PAG-ISIPAN Ayonsa mga Katolikong iskolar na sina Karl Rahner atHerbert Vorgrimler, ang Trinidad ay “hindi maaaringmalaman kung walang pagsisiwalat, at kahit naisiwa-lat na ay hindi pa rin lubusang mauunawaan.” Mapa-pamahal ba sa iyo ang isa na imposibleng makilala omaunawaan? Kaya ang doktrina ng Trinidad ay isanghadlang para makilala at mahalin ang Diyos.

Nakita ni Marco, nabanggit sa naunang artiku-lo, na ang Trinidad ay isang hadlang. “Inisip kongitinatago sa akin ng Diyos kung sino talaga siya,”ang sabi niya, “kaya lalo lang siyang naging malayo,misteryoso, at hindi madaling lapitan.” Gayunman,“ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan.” (1 Corinto14:33, Ang Biblia) Hindi niya itinatago sa atin kungsino siya. Gusto niyang makilala natin siya. Sinabini Jesus: “Sinasamba namin ang aming nakikilala.”—Juan 4:22.

“Nang matutuhan ko na ang Diyos ay hindi baha-gi ng isang Trinidad,” ang sabi ni Marco, “nagkaro-on ako ng personal na kaugnayan sa kaniya.” Kungkinikilala natin si Jehova bilang isang Persona sa ha-lip na isang misteryosong estranghero, mas madalisiyang mahalin. Sinasabi ng Bibliya: “Siya na hindiumiibig ay hindi nakakilala sa Diyos, sapagkat angDiyos ay pag-ibig.”—1 Juan 4:8.

Kasinungalingan 2: Isang Misteryo ang Diyos

Museo Bardini, Florence

Page 6: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

6 � ANG BANTAYAN

ANG PANINIWALA NG MARAMI “Pagkamatay, ang ka-luluwang may mortal na kasalanan ay napupunta saimpiyerno kung saan pinahihirapan sila sa ‘walang-hanggang apoy.’ ” (Catechism of the Catholic Church)Sinasabi ng ilang lider ng relihiyon na ang impiyer-no ay isang kalagayan na lubusang hiwalay sa Diyos.

ANG KATOTOHANAN MULA SA BIBLIYA “Ang kaluluwana nagkakasala—iyon mismo ang mamamatay.” (Eze-kiel 18:4) Ang mga patay ay “walang anumang kaba-tiran.” (Eclesiastes 9:5) Kung namamatay at walangnalalaman ang kaluluwa, paano ito maaaring pahira-pan sa “walang-hanggang apoy” o sa walang hang-gang pagkahiwalay sa Diyos?

Sa Bibliya, ang mga salitang Hebreo at Griego nakadalasang isinasaling “impiyerno” ay aktuwal na tu-mutukoy sa karaniwang libingan ng tao. Halimbawa,nang magdusa si Job dahil sa napakasakit na karam-daman, nanalangin siya: “Kung itatago mo lang akosa libingan [“sa impiyerno,” Douay-Rheims Version].”(Job 14:13, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino) Gusto niJob na magpahinga, hindi sa isang dako ng pagpapa-hirap o pagiging hiwalay sa Diyos, kundi sa libingan.

KUNG BAKIT ITO MAHALAGANG PAG-ISIPAN Kung ma-lupit ang Diyos, hindi siya mapapamahal sa atin; la-layo pa nga tayo sa kaniya. “Bata pa ako, itinuro na

sa akin ang doktrina ng maapoy na impiyerno,” angsabi ni Rocıo, na nakatira sa Mexico. “Takot na takotako anupat hindi ko maisip na may magagandangkatangian ang Diyos. Iniisip kong galıt siya at wa-lang pasensiya.”

Dahil sa maliwanag na sinasabi ng Bibliya tungkolsa mga kahatulan ng Diyos at sa kalagayan ng mgapatay, nagbago ang pangmalas ni Rocıo sa Diyos.“Gumaan ang pakiramdam ko—para akong nabunu-tan ng tinik,” ang sabi niya. “Natuto akong magtiwa-la na gusto ng Diyos ang pinakamabuti para sa atin,na mahal niya tayo, at na maaari ko siyang mahalin.Kagaya siya ng isang ama na hawak ang kamay ngkaniyang mga anak at gusto niya ang pinakamabutipara sa kanila.”—Isaias 41:13.

Marami ang nagsisikap na maging relihiyoso da-hil natatakot sila sa impiyerno, pero ayaw ng Diyosna paglingkuran mo siya dahil sa takot. Sa halip, si-nabi ni Jesus: “Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos.”(Marcos 12:29, 30) Kapag naunawaan natin na hindikumikilos nang walang katarungan ang Diyos nga-yon, makapagtitiwala rin tayo sa kaniyang mga ha-tol sa hinaharap. May-pagtitiwala nating masasabi:“Malayong gumawi nang may kabalakyutan ang tu-nay na Diyos, at na gumawi nang di-makatarunganang Makapangyarihan-sa-lahat.”—Job 34:10.

Kasinungalingan 3: Malupit ang Diyos

� Photononstop/SuperStock

Page 7: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

NOBYEMBRE 1, 2013 � 7

Isang araw sa Jerusalem, ipinakipag-usap ni Jesusang tungkol sa kaniyang Ama, si Jehova, at inilantadang huwad na mga lider ng relihiyon noong panahonniya. (Juan 8:12-30) Ang sinabi niya noon ay nagtutu-ro sa atin kung paano susuriin ang karaniwang mgapaniniwala ngayon tungkol sa Diyos. Sinabi ni Jesus:“Kung kayo ay nananatili sa aking salita, kayo ay tu-nay ngang mga alagad ko, at malalaman ninyo angkatotohanan, at ang katotohanan ay magpapalaya sainyo.”—Juan 8:31, 32.

“Nananatili sa aking salita.” Dito ibinibigay ni Je-sus ang pamantayan sa pagsusuri kung ang mga turong relihiyon ay “ang katotohanan.” Kapag may nari-nig ka tungkol sa Diyos, tanungin ang sarili, ‘Kaayonba ito ng mga sinabi ni Jesus at ng iba pang bahagi ngBanal na Kasulatan?’ Tularan ang mga taong nakinigkay apostol Pablo at pagkatapos ay ‘maingat na sinu-ri ang Kasulatan sa araw-araw kung totoo nga angmga bagay’ na kanilang natutuhan.—Gawa 17:11.

Maingat na sinuri nina Marco, Rosa, at Raymonde,na nabanggit sa unang artikulo ng seryeng ito, angkanilang mga paniniwala sa pamamagitan ng pakiki-pag-aaral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Ano angnadama nila sa kanilang natutuhan?

Marco: “Ginagamit ng nagtuturo sa amin ang Bibliyapara sagutin ang mga tanong naming mag-asawa.Lumago ang pag-ibig namin kay Jehova, at nagingmas malapıt din kaming mag-asawa sa isa’t isa!”

Rosa: “Noong una, akala ko ang Bibliya ay isang ak-lat lang ng pilosopiya ng tao na nagtatangkang ipa-liwanag ang tungkol sa Diyos. Pero unti-unti kong na-kita sa Bibliya ang sagot sa mga tanong ko. Ngayon,totoong-totoo sa akin si Jehova. Isa siya na mapagka-katiwalaan.”

Raymonde: “Nanalangin ako sa Diyos na tulunganniya akong matuto tungkol sa kaniya. Di-nagtagal,nag-aral kami ng mister ko ng Bibliya. Sa wakas, na-tutuhan namin ang katotohanan tungkol kay Jehova!Tuwang-tuwa kaming malaman kung anong uri siyang Diyos.”

Hindi lamang inilalantad ng Bibliya ang mga kasi-nungalingan tungkol sa Diyos; isinisiwalat din nitoang katotohanan tungkol sa kaniyang magagandangkatangian. Ito ang kaniyang Salita, at tinutulungantayo nito na “malaman natin ang mga bagay na may-kabaitang ibinigay sa atin ng Diyos.” (1 Corinto 2:12)Bakit hindi mo subukang alamin ang sagot ng Bibli-ya sa karaniwan pero mahahalagang tanong tungkolsa Diyos, sa kaniyang layunin, at sa ating kinabuka-san? Alamin ang mga sagot sa ilan sa mga tanong naito sa seksiyon na “Turo ng Bibliya ˛ Sagot sa mga Ta-nong sa Bibliya” sa www.jw.org/tl. Puwede ka ringhumiling ng isang pag-aaral sa Bibliya sa pamamagi-tan ng Web site na iyon o sa isang Saksi ni Jehova.Umaasa kami na kung gagawin mo ito, masusumpu-ngan mong mas madaling mahalin ang Diyos kaysasa inaakala mo. ˇ

Ang Katotohanan ay Magpapalaya sa Iyo

Page 8: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

8 � ANG BANTAYAN

“Nang 14 anyos na ang aking anak na babae, sinasagut-sagot na niya ako. Kapag sinasabiko sa kaniya, ‘Kumain na tayo,’ sasabihin niya, ‘Kakain ako kung kailan ko gusto.’ Kapagtinanong ko siya kung natapos na niya ang kaniyang mga gawain, sasabihin niya, ‘Tigilann’yo nga ako!’ Madalas na nauuwi ito sa pagsisigawan.”—MAKI, JAPAN.�

Kung ikaw ay magulang ng isang tin-edyer, maaa-ring masubok ang iyong mga kasanayan bilang ma-gulang—at ang iyong pasensiya. “Kapag sinusubu-kan ako ng aking anak na babae, kumukulo angdugo ko,” ang sabi ni Maria, ina ng isang 14-anyos saBrazil. “Nagkakainisan kami at nagsisigawan.” Ga-niyan din ang kalagayan ni Carmela sa Italy. “La-ging mainit ang pagtatalo namin ng anak kong lala-ki,” ang sabi niya, “at pagkatapos ay nagkukulongna siya sa kuwarto.”

Bakit mahilig makipagtalo ang ilang tin-edyer?Dahil ba ito sa kanilang mga nakakasama? Posible.Sinasabi ng Bibliya na ang mga kasama ay maaa-ring maging malaking impluwensiya sa ikabubuti o

� Binago ang mga pangalan sa artikulong ito.

sa ikasasama. (Kawikaan 13:20; 1 Corinto 15:33) Isapa, itinataguyod ng maraming libangang kinawiwi-lihan ng mga kabataan sa ngayon ang pagrerebeldeat kawalang-galang.

Ngunit may iba pang bagay na dapat isaalang-alang—mga bagay na madaling lutasin kapag nau-nawaan mo kung paano ito nakaaapekto sa iyonganak. Isaalang-alang ang ilang halimbawa.

PAGLINANG NG “KAKAYAHANSA PANGANGATUWIRAN”

Si apostol Pablo ay sumulat: “Noong ako ay sang-gol pa, nagsasalita akong gaya ng sanggol, nag-iisip na gaya ng sanggol, nangangatuwirang gaya ngsanggol; ngunit ngayong ganap na ang aking pagka-tao, inalis ko na ang mga ugali ng isang sanggol.”

SUSI SA MALIGAYANG PAMILYA

Makipag-usap sa Inyong Anak naTin-edyer—Nang Hindi Nakikipagtalo

Page 9: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

(1 Corinto 13:11) Ipinakikita ng sinabi ni Pablo namagkaibang mag-isip ang mga bata at adulto. Saanong paraan?

May tendensiya ang mga bata na mag-isip na anglahat ng bagay ay alinman sa tama o mali. Ang mgaadulto naman ay karaniwang nakapangangatuwi-ran sa mga bagay na di-gaanong malinaw at naka-pag-iisip muna bago gumawa ng konklusyon o pasi-ya. Halimbawa, mas malamang na isasaalang-alangng mga adulto ang mga isyu tungkol sa moralidad atpag-iisipan kung paano makaaapekto sa iba ang ka-nilang paggawi. Baka sanay na silang mag-isip nanggayon. Bago naman sa mga tin-edyer ang gayong pa-raan.

Pinasisigla ng Bibliya ang mga kabataan na lina-ngin ang kanilang “kakayahang mag-isip.” (Kawika-an 1:4) Sa katunayan, hinihimok ng Bibliya ang lahatng Kristiyano na gamitin ang kanilang “kakayahansa pangangatuwiran.” (Roma 12:1, 2; Hebreo 5:14)Pero kung minsan ang kasanayan sa pangangatuwi-ran ng iyong anak ay baka magtulak sa kaniya namakipagtalo sa iyo, kahit sa waring maliliit na ba-gay. O maaari niyang sabihin ang kaniyang opinyonkahit na hindi ito tama. (Kawikaan 14:12) Sa gayongsitwasyon, paano ka mangangatuwiran sa kaniya sahalip na makipagtalo?

SUBUKAN ITO: Isipin mo na baka sinusubukan palang ng iyong anak na tin-edyer na mangatuwiran, athindi pa siya gaanong sigurado sa kaniyang opinyon.Para malaman ito, papurihan siya sa kaniyang opin-yon. (“Naiintindihan kita, kahit hindi ako sang-ayon salahat ng sinabi mo.”) Pagkatapos, tulungan siyang su-riin ang kaniyang iniisip. (“Sa palagay mo, kapit ba salahat ng sitwasyon ang sinabi mo?”) Baka magulat kakapag sinuring-muli ng iyong anak ang kaniyang mgaideya at baguhin ito.

Paalaala: Kapag nakikipagkatuwiranan sa iyonganak na tin-edyer, huwag mong isipin na kailanganmong patunayan na tama ka. Kahit na sa tingin moay nagbibingi-bingihan siya, malamang na mas ma-rami siyang mapupulot sa iyong sinabi kaysa sa ina-akala mo—o kaysa sa aaminin niya. Huwag mag-taka kung pagkaraan ng ilang araw, magkaparehona kayo ng opinyon—baka sabihin pa nga niya naideya niya iyon.

“Kung minsan nagtatalo kami ng anak ko tungkolsa maliliit na bagay—halimbawa, tungkol sa hindi pag-

aaksaya o sa panunukso sa kaniyang kapatid na babae.Pero kadalasan, gusto niyang itanong ko sa kaniya kungano ang iniisip niya at maging maunawain at sabihin, ‘O,ganoon ba’ o ‘Gayon pala ang iniisip mo.’ Kung gayonsana ang sinabi ko, marahil naiwasan namin ang mara-mi sa aming mga pagtatalo.”—Kenji, Japan.

PAGKAKAROON NG SARILING PANININDIGAN

Isang mahalagang bahagi sa pagpapalaki ng isangtin-edyer na ihanda siya sa pagsasarili bilang isangresponsableng adulto. (Genesis 2:24) Kasali rito angpagkakaroon ng sariling mga katangian, panini-wala, at mga pamantayan na magpapakilala kunganong uri siya ng tao. Kapag ginigipit na guma-wa ng masama, hindi lamang iisipin ng tin-edyerna may matatag na pagkatao ang resulta ng kani-yang gagawin kundi tatanungin din niya ang kani-yang sarili: ‘Anong uri ako ng tao? Anong mga pa-mantayan ang sinusunod ko? Ano ang gagawin ngtaong may gayong mga pamantayan sa ganitong sit-wasyon?’—2 Pedro 3:11.

Sinasabi sa atin ng Bibliya ang tungkol kay Jose,isang kabataang may matatag na pagkatao. Halim-bawa, nang akitin siya ng asawa ni Potipar na sumi-ping sa kaniya, sinabi ni Jose: “Paano ko magagawaang malaking kasamaang ito at magkasala nga la-ban sa Diyos?” (Genesis 39:9) Kahit na wala pangkautusan noon na ibinigay sa mga Israelita laban sapangangalunya, naunawaan ni Jose ang pangmalasng Diyos sa bagay na iyon. Bukod diyan, ang pa-nanalitang “paano ko magagawa” ay nagpapakitangnaging pangmalas niya ang pangmalas ng Diyos—isang bahagi ng kaniyang pagkatao.—Efeso 5:1.

Ang iyong anak na tin-edyer din ay nagsisimulapa lang magkaroon ng sariling identity. Mabuti ito,dahil ang kaniyang mga opinyon ay tutulong sa ka-niya na maharap ang mga panggigipit ng kaniyangmga kasama at manindigan. (Kawikaan 1:10-15) Sakabilang dako naman, maaari din itong mag-udyoksa kaniya na lumaban sa iyo. Kung mangyari iyan,ano ang gagawin mo?

SUBUKAN ITO: Sa halip na makipagtalo, liwanaginang kaniyang opinyon. (“Kung hindi ako nagkakamali,sinasabi mo na . . . ”) Saka magtanong. (“Bakit gani-yan ang nadarama mo?” o “Bakit mo nasabi iyan?”)Himukin at hayaan mong sabihin niya ang kaniyangniloloob. Kung walang malaking isyung nasasangkotsa pagkakaiba ng inyong opinyon at hindi naman siya

NOBYEMBRE 1, 2013 � 9

Page 10: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

10 � ANG BANTAYAN

mali, ipakita mong iginagalang mo ang kaniyang opin-yon—kahit na hindi ka lubusang sang-ayon dito.

Ang pagkakaroon ng sariling identity—pati na ngpaninindigan—ay hindi lang normal kundi kapaki-pakinabang din. Tutal, sinasabi ng Bibliya na angmga Kristiyano ay hindi dapat maging gaya ng mgabata na “sinisiklut-siklot ng mga alon at dinadalangparoo’t parito ng bawat hangin ng turo.” (Efeso 4:14)Kaya hayaan at pasiglahin pa nga ang iyong anak namagkaroon ng sariling identity na may matatag napaninindigan.

“Kapag ipinapakita ko sa aking mga anak na babae nahanda akong makinig sa kanila, mas pinapakinggan nilaang aking sinasabi, kahit na iba ito sa kanilang iniisip.Nag-iingat ako na huwag ipilit sa kanila ang aking opin-yon kundi hinahayaan ko silang gumawa ng sarili nilangpasiya.”—Ivana, Czech Republic.

HINDI PABAGU-BAGO, PERO MAKATUWIRAN

Gaya ng mga bata, natutuhan ng ilang tin-edyerna kulitin ang kanilang mga magulang para maku-ha ang gusto nila. Kung madalas itong mangyari sainyong pamilya, mag-ingat. Maaaring matapos anginyong pagtatalo kung pagbibigyan mo siya, pero iti-nuturo nito sa iyong anak na kailangan niyang maki-pagtalo para makuha niya ang kaniyang gusto. Angsolusyon? Sundin ang payo ni Jesus: “Ang inyo la-mang salitang Oo ay mangahulugang Oo, ang in-

yong Hindi, Hindi.” (Mateo 5:37) Malamang na hindimakipagtalo sa iyo ang iyong mga anak na tin-edyerkung alam nilang hindi ka pabagu-bago.

Pero maging makatuwiran din. Halimbawa, haya-an mong ipaliwanag ng iyong anak kung bakit inii-sip niyang dapat baguhin ang kaniyang curfew saisang partikular na pagkakataon. Sa gayong kala-gayan, hindi ka naman nagpapatalo sa iyong anak,kundi sinusunod mo lang ang payo ng Bibliya: “Ma-kilala nawa ng lahat ng tao ang inyong pagkamaka-tuwiran.”—Filipos 4:5.

SUBUKAN ITO: Pag-usapan ninyo bilang pamilya angmga curfew at iba pang patakaran sa bahay. Ipaki-tang handa kang makinig at timbangin ang lahat ngbagay na nasasangkot bago magpasiya. “Dapat maki-ta ng mga tin-edyer na handang pagbigyan ng kani-lang mga magulang ang isang kahilingan kung walanamang nalalabag na simulain sa Bibliya,” ang sabini Roberto, isang ama sa Brazil.

Sabihin pa, walang sakdal na magulang. Sinasabing Bibliya: “Tayong lahat ay natitisod nang mara-ming ulit.” (Santiago 3:2) Kung naging dahilan karin ng pagtatalo, huwag mag-atubiling magsori saiyong anak. Ang pag-amin sa iyong pagkakamali aynagpapakita ng kapakumbabaan at malamang natularan ito ng iyong anak.

“Pagkatapos ng isang pagtatalo, nang kumalma na ako,nagsori ako sa aking anak na lalaki dahil sa aking silak-bo ng galit. Nakatulong iyan upang kumalma rin siya atmakinig sa akin.”—Kenji, Japan. ˇ

TANUNGIN ANG SARILI . . .

ˇ Sa anu-anong paraan nagiging dahilanako ng mga pagtatalo namin ng akinganak?

ˇ Paano ko magagamit ang imporma-syon sa artikulong ito para higit namaunawaan ang aking anak?

ˇ Paano ako makikipag-usap sa akinganak nang hindi nakikipagtalo?

Tinutulungan ng matatalinong magulang angkanilang mga anak na madamang puwede nilang

sabihin ang kanilang niloloob

Page 11: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

Pinahahalagahan ba ni Jehova ang ginagawa ng kani-yang mgamananamba upang mapalugdan siya? Bakaang sagot ng ilan ay hindi, anupat sinasabing hindiinteresado sa atin ang Diyos. Isang malaking kasinu-ngalingan iyan tungkol sa Diyos. Pero itinutuwid ito ngkaniyang Salita, ang Bibliya. Tinitiyak nito sa atin na pi-nahahalagahan ni Jehova ang mga pagsisikap ng ka-niyang tapat na mga mananamba. Pansinin ang pana-nalita ni apostol Pablo sa Hebreo 11:6.

Paano natin mapalulugdan si Jehova? “Kung wa-lang pananampalataya ay imposibleng palugdan [angDiyos] nang lubos,” ang isinulat ni Pablo. Pansinin nahindi sinasabi ni Pablo namahirap palugdan ang Diyoskung walang pananampalataya. Sa halip, sinasabi ngapostol na imposibleng gawin iyon. Napakahalaga ngpananampalataya para mapalugdan ang Diyos.Anong uri ng pananampalataya ang nakalulugod kay

Jehova? Ang pananampalataya saDiyos ay nagsasang-kot ng dalawang bagay. Una, “dapat [tayong] maniwalana siya nga ay umiiral.” Ganito ang sabi ng ibang salin,“maniwala na siya ay totoo.” Paano nga natin mapalu-lugdan ang Diyos kung pinag-aalinlanganan natin angkaniyang pag-iral? Pero higit pa ang nasasangkot sa tu-nay na pananampalataya dahil kahit ang mga demo-nyo ay naniniwalang umiiral si Jehova. (Santiago 2:19)Kung tunay ang ating pananampalatayang umiiral angDiyos, dapat itong magpakilos sa atin na mamuhay saparaang nakalulugod sa kaniya.—Santiago 2:20, 26.Ikalawa, “dapat [tayong] maniwala” na ang Diyos

ang “tagapagbigay-gantimpala.” Ang isang tao na maytunay na pananampalataya ay lubusang kumbinsidona hindi sawalang-kabuluhan angmgapagsisikap niyana mamuhay sa paraang nakalulugod sa Diyos. (1 Co-rinto 15:58) Paano nga natin mapalulugdan si Jeho-va kung pinag-aalinlanganan natin ang kaniyang kaka-yahan at pagnanais na gantimpalaan tayo? (Santiago1:17; 1 Pedro 5:7) Ang isang tao na nagsasabing wa-lang malasakit, hindi nagpapahalaga, at maramot angDiyos ay hindi talaga nakakikilala sa Diyos ng Bibliya.Sino ang ginagantimpalaan ni Jehova? Ang “may-

pananabik na humahanap sa kaniya,” ang sabi ni Pa-

blo. Ang isang reperensiyang akda para sa mga taga-pagsalin ng Bibliya ay nagsabi na ang salitang Griegona isinaling “may-pananabik na humahanap” ay hindinangangahulugang “lumabas para maghanap,” kun-di ng paglapit sa Diyos ‘sa pagsamba.’ Ipinaliliwanagng isa pang reperensiya na ang pandiwang Griego naito ay nasa anyong nagpapahiwatig ng marubdob atpuspusang pagsisikap. Oo, ginagantimpalaan ni Jeho-va yaong ang pananampalataya ay nagpapakilos sa ka-nila na sambahin siya nang buong puso atmay sigasig.—Mateo 22:37.

Paano ginagantimpalaan ni Jehova ang kaniyang ta-pat na mga mananamba? Nangako siya ng walangkatumbas na gantimpala sa hinaharap na nagpapaki-ta ng kaniyang pagkabukas-palad at pag-ibig—buhayna walang hanggan sa Paraiso sa lupa. (Apocalipsis21:3, 4) Ngayon pa lang, nararanasan na ng mga ma-sikap na humahanap kay Jehova ang saganang pag-papala. Sa tulong ng kaniyang banal na espiritu atkarunungan sa kaniyang Salita, mayroon silang maka-buluhan at kasiya-siyang buhay.—Awit 144:15; Mateo5:3.Talagang si Jehova ay isang mapagpahalagang

Diyos. Pinahahalagahan niya ang paglilingkod ng kani-yang tapat na mga mananamba. Hindi ka ba nauudyu-kan nito na maging malapıt sa kaniya? Kung gayon,bakit hindi ka mag-aral nang higit pa tungkol sa kungpaano magkakaroon at magpapakita ng uri ng pana-nampalataya na saganang pagpapalain ni Jehova? ˇ

MAGING MALAP´IT SA DIYOS

‘Ang Tagapagbigay-Gantimpala samga May-Pananabik na Humahanapsa Kaniya’

Paano nga natin mapalulugdansi Jehova kung pinag-aalinlanganannatin ang kaniyang kakayahan atpagnanais na gantimpalaan tayo?

PAGBABASA NG BIBLIYA PARA SA NOBYEMBRE

Tito 1–Santiago 5

Page 12: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

12 � ANG BANTAYAN

DUMUNGAW si Rahab sa kaniyang bintana ha-bang nagbubukang-liwayway sa kapatagan sa

palibot ng Jerico. Nagtitipon doon ang nananakopna hukbo ng Israel. Habang nagmamartsa sila uliroon, pumailanlang ang alikabok sa dinaraanan nilaat maririnig ang nakabibinging tunog ng mga tam-buli.

Sa Jerico nakatira si Rahab. Pamilyar siya sa mgalansangan nito, sa mga bahay rito, sa mataong mgapamilihan at tindahan. Kilalang-kilala niya ang mgatao rito. Nadarama niyang tumitindi ang kanilangtakot sa paglipas ng mga araw habang patuloy angmga Israelita sa kakaibang ritwal—pagmamartsa sapalibot ng lunsod isang beses sa isang araw. Habangumaalingawngaw ang tunog ng kanilang tambuli samga lansangan at liwasan ng Jerico, hindi nadaramani Rahab ang takot at kawalang pag-asa, di-gaya ngkaniyang mga kababayan.

Nagmamasid si Rahab nang magsimulang mag-martsa ang hukbo maaga noong ikapitong araw. Sagitna ng mga kawal na Israelita, nakita niya ang mgasaserdote na humihihip ng mga tambuli at nagdada-la ng sagradong kaban na kumakatawan sa presen-siya ng kanilang Diyos na si Jehova. Maguguniguninatin si Rahab na nakahawak sa panaling iskarlatana nakabitin sa kaniyang bintana sa labas ng mala-king pader ng Jerico. Ipinaalaala kay Rahab ng pa-naling iyon ang pag-asang makaliligtas siya at angkaniyang pamilya sa pagkawasak ng lunsod. Traidorba si Rahab? Tiyak na hindi sa paningin ni Jehova.Para kay Jehova, si Rahab ay may kahanga-hangangpananampalataya. Balikan natin ang simula ng ku-wento ni Rahab at tingnan natin kung ano ang ma-tututuhan natin sa kaniya.

SI RAHAB NA PATUTOT

Si Rahab ay isang patutot. Labis na nakagulat itosa ilang komentarista ng Bibliya noon anupat sina-bi nilang isa lamang siyang tagapag-ingat ng bahay-tuluyan. Pero maliwanag ang sinasabi ng Bibliya athindi nito itinatago ang totoo. (Josue 2:1; Hebreo11:31; Santiago 2:25) Sa lipunan ng mga Canaani-ta noon, maaaring kagalang-galang ang trabaho niRahab. Bagaman tinatanggap sa kultura nina Rahabang prostitusyon, maaaring binabagabag din siya ngkaniyang budhi. Iyan ay isang likas na kabatiran sakung ano ang tama at mali na ibinigay sa ating lahatni Jehova. (Roma 2:14, 15) Maaaring ikinahihiya rinni Rahab ang kaniyang paraan ng pamumuhay. Ma-rahil, gaya ng marami sa ngayon na nasa ganiyanding kalagayan, nadarama niya na wala na siyangmapagpipiliang trabaho na makasusuporta sa kani-yang pamilya.

Tiyak na inaasam ni Rahab ang mas maayos nabuhay. Ang kanilang lupain ay puno ng karahasan atimoralidad, pati na ng insesto at bestiyalidad. (Levi-tico 18:3, 6, 21-24) Malaki ang impluwensiya ng reli-hiyon sa paglaganap ng gayong kasamaan sa lupain.Isinasagawa sa mga templo ang ritwal ng prostitu-syon, at kasama sa pagsamba sa mga diyos na gayani Baal at ni Molec ang pagsunog nang buhay sa ka-nilang anak bilang handog.

Nakikita ni Jehova ang nangyayari sa Canaan. Sakatunayan, dahil sa maraming napakasamang ba-gay na ginagawa ng mga Canaanita, sinabi ni Jeho-va: “Marumi ang lupain, at lalapatan ko ito ng kapa-rusahan dahil sa kamalian nito, at isusuka ng lupainang mga tumatahan sa kaniya.” (Levitico 18:25) Anoang kahulugan ng “kaparusahan dahil sa kamaliannito”? Ganito ang pangako ng Diyos sa Israel: “Tiyak

TULARAN ANG KANILANG PANANAMPALATAYA � RAHAB

Siya ay ‘Ipinahayag naMatuwid sa Pamamagitanngmga Gawa’

Page 13: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

NOBYEMBRE 1, 2013 � 13

na itataboy ni Jehova na iyong Diyos ang mga ban-sang ito mula sa harap mo nang unti-unti.” (Deute-ronomio 7:22) Daan-daang taon bago nito, ipinanga-ko ni Jehova ang lupain sa pamilya ni Abraham, atang “Diyos [ay] hindi makapagsisinungaling.”—Tito1:2; Genesis 12:7.

Ipinag-utos din ni Jehova na lubusang lipulin angilang grupo sa lupain. (Deuteronomio 7:1, 2) Bilangmatuwid na “Hukom ng buong lupa,” nababasa niyaang lahat ng puso at alam na alam niya kung gaa-no sila kasama. (Genesis 18:25; 1 Cronica 28:9) Anokaya ang pakiramdam ni Rahab sa pamumuhay sahinatulang lunsod na iyon? Maguguniguni natin angnadama niya nang marinig niya ang mga balita tung-kol sa Israel. Nalaman niya na pinangungunahan ngDiyos ng Israel ang bayang ito—isang bansa ng api-apihang mga alipin—upang lubusin ang tagumpaylaban sa hukbo ng Ehipto, ang pinakamakapangya-rihang hukbo sa daigdig noong panahong iyon. Atngayon sasalakayin na ng Israel ang Jerico! Pero angmga tao sa lunsod na iyon ay nagpapatuloy sa kani-lang kasamaan. Mauunawaan natin kung bakit bina-banggit ng Bibliya ang mga kapuwa Canaanita ni Ra-hab bilang mga “naging masuwayin.”—Hebreo 11:31.

Iba si Rahab. Sa loob ng maraming taon, maaa-ring pinag-isipan niya ang mga balitang narinig niyatungkol sa Israel at sa Diyos nito, si Jehova. Ibang-iba nga si Jehova sa mga diyos ng Canaan! Isa siyangDiyos na nakipaglaban para sa kaniyang bayan sahalip na biktimahin sila, na nagtaas ng moralidad ngkaniyang mga mananamba sa halip na gawin silangmarumi. Mahalaga sa paningin ng Diyos ang mgababae, hindi sila gamit lamang para sa seksuwalna kaluguran na nabibili, naibebenta, at nilalapasta-ngan sa kasuklam-suklam na pagsamba. Nang ma-

laman ni Rahab na ang mga Israelita ay nagkakam-po sa kabila ng Jordan, at handa nang sumalakay,malamang na nalungkot siya sa maaaring mangyarisa kaniyang mga kababayan. Napansin ba ni Jehovasi Rahab at pinahalagahan ang kabutihan nito?

Maraming tao sa ngayon ang gaya ni Rahab. Parasilang nasukol sa isang paraan ng pamumuhay nanag-aalis ng dignidad at kagalakan. Nadarama ni-lang walang nakapapansin o nagpapahalaga sa kani-la. Si Rahab ay isang nakapagpapatibay na paalaalasa atin na nakikita tayo ng Diyos. Gaano man kaba-ba ang tingin natin sa ating sarili, “hindi siya mala-yo sa bawat isa sa atin.” (Gawa 17:27) Malapıt si Jeho-va sa atin, handa at sabik na tumulong at magbigayng pag-asa sa lahat ng nananampalataya sa kaniya.Nanampalataya ba sa kaniya si Rahab?

TINANGGAP NIYA ANG MGA TIKTIK

Isang araw, bago magmartsa ang mga Israelita saJerico, dumating ang dalawang estranghero sa pin-to ni Rahab. Umaasa silang hindi sila mapapansin,pero tensiyonado ang kalagayan sa lunsod, at alertoang marami sa mga posibleng naniniktik mula saIsrael. Maaaring nahalata agad ni Rahab kung sinosila. Karaniwan na kasing nagpupunta sa kaniyangbahay ang mga estranghero. Pero ang dalawang itoay naghahanap lang ng matutuluyan—hindi ng serbi-syo ng isang patutot.

Sa katunayan, ang dalawang lalaking ito ay mgatiktik mula sa kampo ng mga Israelita. Isinugo silang kanilang kumandanteng si Josue para alamin angmga kalakasan at kahinaan ng Jerico. Ito ang unanglunsod sa Canaan na sasalakayin ng mga Israelitaat marahil ang pinakamalakas sa lahat. Gusto langmalaman ni Josue kung ano ang makakaharap ng

Si Rahab aynanampalataya

sa Diyos ngIsrael

Page 14: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

kaniyang hukbo. Tiyak na di-sinasadyang napili ngmga tiktik ang bahay ni Rahab. Sa dinami-dami nglugar, hindi mahahalata ang pagdating ng mga es-tranghero sa bahay ng isang patutot. Marahil umaa-sa rin ang mga tiktik na makakakuha sila ng impor-masyon mula sa usap-usapang maririnig nila.

Sinasabi ng Bibliya na ‘magiliw na tinanggap niRahab ang mga mensahero.’ (Santiago 2:25) Kahitna naghinala siya kung sino sila at kung bakit sila na-roroon, pinatuloy pa rin niya sila sa kaniyang bahay.Marahil gusto niyang makaalam nang higit pa tung-kol sa kanilang Diyos na si Jehova.

Biglang dumating ang mga mensahero mula sahari ng Jerico! Kumalat kasi ang balitang nasa bahayni Rahab ang dalawang tiktik mula sa Israel. Anokaya ang gagawin ni Rahab? Kung poprotektahanniya sila, hindi kaya isinasapanganib niya ang kani-yang buhay at ang pamilya niya? Patayin kaya sila ngmga taga-Jerico kung itatago niya ang mga kaaway?Pero ngayon, tiyak na alam na ni Rahab kung sinoang mga lalaking ito. Kung alam na niyang si Jehovaay mas makapangyarihang Diyos kaysa sa kaniyangmga diyos, pagkakataon na niyang pumanig kay Je-hova.

Kaunti na ang panahon ni Rahab para mag-isip.Pero mapamaraan siya at kumilos agad. Itinago niyaang mga tiktik sa mga tangkay ng lino na nakala-tag sa patag na bubong ng kaniyang bahay. Pagkata-pos ay sinabi niya sa mga mensahero ng hari: “Oo,

ang mga lalaki ay pumarito sa akin, at hindi ko alamkung saan sila nanggaling. At nangyari nga na sapagsasara ng pintuang-daan nang magdilim ay lu-mabas ang mga lalaki. Hindi ko lang alam kung saanpumaroon ang mga lalaki. Habulin ninyo silang ma-dali, sapagkat maaabutan ninyo sila.” (Josue 2:4, 5)Gunigunihin si Rahab habang pinagmamasdan angmukha ng mga isinugo ng hari. Nangamba kaya siyana mahalata ng mga ito na kinakabahan siya?

Nagtagumpay ang kaniyang pakana! Nagmada-ling umalis ang mga tauhan ng hari papunta sa mgatawiran ng Jordan. (Josue 2:7) Tiyak na nakahinganang maluwag si Rahab. Sa simpleng estratehiya,nailigaw niya ang mga mamamatay-taong iyon nawalang karapatang malaman ang totoo, at nailigtasniya ang walang-salang mga lingkod ni Jehova.

Nagmadaling bumalik si Rahab sa bubong ng ka-niyang bahay at sinabi sa dalawang tiktik ang gina-wa niya. Sinabi rin niya ang napakahalagang katoto-hanan: Nanghihina na ang loob ng kaniyang mgakababayan at takot na takot sila sa mga sumasala-kay. Tiyak na tuwang-tuwa ang mga tiktik sa magan-dang balitang ito. Takot na takot ang napakasamangmga Canaanitang iyon sa kapangyarihan ng Diyosng Israel na si Jehova! May sinabi pa si Rahab na nag-papakita ng kaniyang pananampalataya, isang ba-gay na interesado tayong malaman. Sinabi niya: “SiJehova na inyong Diyos ay Diyos sa langit sa itaas atsa lupa sa ibaba.” (Josue 2:11) Ang mga balitang na-

Isinapanganib ni Rahab ang kaniyang buhay nang itago niya ang dalawang lingkod ni Jehova sa mga tangkay ng lino

Page 15: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

NOBYEMBRE 1, 2013 � 15

rinig niya tungkol kay Jehova ay sapat na para mala-man ito: Ang Diyos ng Israel ay karapat-dapat sa ka-niyang pagtitiwala. Nanampalataya siya kay Jehova.

Para kay Rahab, tiyak na ibibigay ni Jehova ang ta-gumpay sa Israel. Kaya nagsumamo siya na pagpaki-taan siya ng awa, anupat nakiusap na iligtas siya atang kaniyang pamilya. Sumang-ayon ang mga tiktikat sinabi kay Rahab na ingatan itong lihim. Dapatdin niyang itali ang panaling iskarlata sa kaniyangbintana sa pader ng lunsod para siya at ang kani-yang pamilya ay mailigtas ng mga kawal.—Josue 2:12-14, 18.

Napakahalaga ng matututuhan natin tungkol sapananampalataya ni Rahab. Gaya ng sinasabi ng Bi-bliya, “ang pananampalataya ay kasunod ng bagayna narinig.” (Roma 10:17) Narinig niya ang mapana-naligang mga ulat tungkol sa kapangyarihan at kata-rungan ng Diyos na Jehova, kaya nanampalataya atnagtiwala siya sa kaniya. Mas marami tayong maku-kuhang kaalaman tungkol kay Jehova ngayon. Sisi-kapin ba nating makilala siya at manampalataya sakaniya batay sa natututuhan natin sa kaniyang Sali-ta, ang Bibliya?

BUMAGSAK ANG MATIBAY NA KUTA

Bilang pagsunod sa payo ni Rahab, ang dalawangtiktik ay bumaba sa pader sa pamamagitan ng isangpanali na nasa kaniyang bintana at saka mabilis natumakas patungo sa kabundukan. Maraming kuwe-ba at matatarik na dalisdis sa hilaga ng Jerico na ma-aaring pagtaguan ng mga tiktik hanggang sa ligtasna silang makababalik sa kampo ng Israel, dala angmagandang balita na nakuha nila kay Rahab.

Nang maglaon, nanginig sa takot ang mga taga-Jerico nang malaman nilang pinahinto ni Jehova angdaloy ng tubig sa Ilog Jordan, anupat nakatawid angIsrael sa natuyong ilog. (Josue 3:14-17) Subalit parakay Rahab, ang balita ay lalo pang nagpatunay natama ang paglalagak niya ng pananampalataya kayJehova.

Pagkatapos, dumating ang mga araw ng pagma-martsa ng mga Israelita sa palibot ng Jerico—isangbeses isang araw sa loob ng anim na araw. Ikapitongaraw na ngayon, at naiiba ito. Gaya ng nabanggitna, nagsimula ang pagmamartsa pagsikat ng araw,at pagkatapos malibot nang isang beses ng hukboang lunsod, nagpatuloy pa ito. Paulit-ulit silang nag-martsa sa palibot ng Jerico. (Josue 6:15) Ano ang gi-nagawa ng mga Israelita?

Sa pagtatapos ng ikapitong pagmamartsa noongikapitong araw, huminto ang hukbo. Huminto angpaghihip sa mga tambuli. Nagkaroon ng katahimi-kan. Tiyak na nabalot ng tensiyon ang lunsod. Pag-katapos, sa hudyat ni Josue, inilakas ng hukbo ngIsrael ang kanilang tinig sa unang pagkakataon atsumigaw nang pagkalakas-lakas. Inisip ba ng mgabantay na nasa ibabaw ng pader ng Jerico na ito aykakaibang uri ng pagsalakay, isang pagsigaw lang?Kung oo, hindi na nila kailangang mag-isip. Angmalaking pader ay nayanig. Ito ay umuga, nabiyak,at saka bumagsak! Nang mawala na ang alikabok,isang bahagi ng pader ang nakatayo pa rin. Ang ba-hay ni Rahab ay hindi bumagsak dahil sa kaniyangmatibay na pananampalataya. Isip-isipin ang kani-yang nadama nang makita niyang iniligtas siya ni Je-hova, pati na ang kaniyang pamilya!�—Josue 6:10, 16,20, 21.

Iginalang din ng bayan ni Jehova si Rahab da-hil sa kaniyang pananampalataya. Nang makita nilaang nag-iisang bahay na nakatayo, alam nila na si-nasang-ayunan ni Jehova ang babaing ito. Siya atang kaniyang pamilya ay nakaligtas nang puksa-in ang napakasamang lunsod na iyon. Pagkataposng digmaan, si Rahab ay pinayagang tumira mala-pit sa kampamento ng Israel. Nang maglaon, si Ra-hab ay naging bahagi ng bayang Judio. Napangasa-wa niya ang lalaking nagngangalang Salmon. Angkanilang anak na si Boaz ay lumaking may kaha-nga-hangang pananampalataya. Napangasawa niyasi Ruth na Moabita.� (Ruth 4:13, 22) Si Haring Davidat nang maglaon ang Mesiyas mismo, si Jesu-Kristo,ay nanggaling sa pamilya ni Rahab, isang pamilya namay namumukod-tanging pananampalataya.—Josue6:22-25; Mateo 1:5, 6, 16.

Ipinakikita ng kuwento ni Rahab na lahat tayo aymahalaga kay Jehova. Nakikita niya tayong lahat atnababasa niya ang ating puso. Natutuwa siyang ma-kita na mayroon tayong pananampalatayang gaya ngkay Rahab. Pinakilos si Rahab ng kaniyang pana-nampalataya. Gaya ng sinasabi ng Bibliya, siya ay“ipinahayag . . . na matuwid sa pamamagitan ng mgagawa.” (Santiago 2:25) Makabubuting tularan natinang kaniyang pananampalataya! ˇ

� Kapansin-pansin, iginalang ni Jehova ang kasunduang gina-wa ng mga tiktik kay Rahab.� Para malaman ang higit pa tungkol kina Ruth at Boaz, ting-

nan ang mga artikulong “Tularan ang Kanilang Pananampalata-ya” sa Ang Bantayan, isyu ng Hulyo 1 at Oktubre 1, 2012.

Page 16: NOBYEMBRE 1, 2013 34567 - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/27/wp_TG_20131101.pdf · ... o malupit pa nga. Isaalang-alang ang sinabi ng ... ang Diyos ay isang persona

ANO BA Talaga

ANG ITINUTURO

NG BIBLIYA?

wp

13

11

/01

-TG

13

07

30

Sino ang mapupunta sa langit,at bakit?Milyun-milyong tao ang umaasang mapupunta sa la-ngit pagkamatay nila. Sinabi ni Jesus na maninira-han doon ang kaniyang tapat na mga apostol. Bagosiya mamatay, nangako siyang ipaghahanda niya silang isang dako kasama ng kaniyang Ama sa langit.—Basahin ang Juan 14:2.

Bakit bubuhaying muli tungo sa langit ang mga ta-ong mula sa lupa? Ano ang gagawin nila roon? Sina-bi ni Jesus sa kaniyang mga apostol na sila ay magi-ging mga hari. Mamamahala sila sa lupa.—Basahinang Lucas 22:28-30; Apocalipsis 5:10.

Lahat ba ng mabubuting taoay mapupunta sa langit?Sa maraming bansa, iilang tao lang ang namamaha-la. Yamang bubuhaying muli ni Jesus ang mga tao tu-ngo sa langit para mamahala sa lupa, maaasahan na-ting iilan lang ang pipiliin niya. (Lucas 12:32) Sinasabing Bibliya ang eksaktong bilang ng mamamahalangkasama ni Jesus.—Basahin ang Apocalipsis 14:1.

Hindi lang ang mga mapupunta sa langit ang ga-gantimpalaan. Ang tapat na mga sakop ng Kaharianni Jesus ay magtatamasa ng buhay na walang hang-gan sa isang isinauling paraiso sa lupa. (Juan 3:16)Ang ilan ay papasok sa Paraiso pagkatapos makalig-tas sa pagkawasak ng kasalukuyang napakasamangsistema ngmga bagay. Ang iba naman ay sa pamama-gitan ng pagkabuhay-muli.—Basahin ang Awit 37:29;Juan 5:28, 29.

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

ALAMIN ONLINE ANG SAGOT SAIBA PANG MGA TANONG SA BIBLIYA

Ipinaghanda ni Jesus ng dakosa langit ang ilan sa kaniyangtagasunod. Alam mo ba kungano ang gagawin nila roon?

Para sa higit pangimpormasyon, tingnanang kabanata 8 ng aklatna ito na inilalathala ngmga Saksi ni JehovaMada-download sawww.jw.org /tl

sLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Bibliya onlinesa mga 50 wika

Magpunta sawww.jw.org/tlo i-scan ang code

no

p