Ninay

3
Ang Ninay ang kauna-unahang nobelang Tagalog [at Filipino], at nagtipon ng malawak na bilang ng tema at motif na pawang humubog sa maraming tekstong pampanitikan. Ginamit ang pasiyam bilang balangkas, ang nobela’y naglahad ng serye ng mga salaysay na bumubuo sa iba-ibang naunsiyaming pag-ibig. Unang kabiguan ang pag-iibigan ni Ninay, na pinagdarasalan, at ni Carlos Mabagsic, na pinagbintangan ng negosyanteng Portuges na si Federico Silveyro na namuno sa pag- aaklas. Matapos ang makulay na pakikipagsapalaran sa ibayong dagat, nagbalik si Carlos at natuklasang pumasok sa kumbento si Ninay. Namatay sa kolera si Carlos, at namatay sa sakit si Ninay. Isa pang kuwento ng bigong pag-ibig ang kina Loleng at Berto na pinaghiwalay ni Don Juan Silverio. Ipinaghiganti ni Berto ang pagkamatay ni Loleng, at lumaban sa awtoridad. Si Berto rin ang nagwakas sa baluktot na gawi ni Federico. PAMBUNGAD NA TALA: Isinulat bilang tugon sa paratang na walang natatanging kultura ang mga Filipino, ang Ninay ay nakaayon sa tradisyon ng kostumbrismo, ang kilusan sa panitikang Espanyol noong siglo disinuwebe na nagtatampok ng mga tiyak na katangian (e.g., flora, fawna, ritwal, at rito) ng bawat rehiyon ng Espanya. Ito ang pangunahing puna sa nobela ni Paterno—ang paggamit ng di-makatotohanang pananaw. Ngunit kinontra iyon ni Leon Ma. Guerrero, na tagasalin ng mga nobela ni Rizal—at sinabing maraming pagkakahawig sa Ninay at sa mga nobela ni Rizal, batay sa mga tauhan at balangkas ng banghay. Si Pedro Alejandro Paterno ay isinilang noong 27 Pebrero 1858. Siya ay isa sa 13 anak ng nakaririwasang mag-asawa na sina Don Maximo Paterno at Donya Carmen de Vera Ignacio. Siya ay nagtapos ng Bachiller en Artes sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay nagkamit ng karangalan sa kanyang pagtatapos. Ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-aaral sa Unibersidad de Salamanca. Dito niya kinuha ang mga kursong Pilosopiya at Teolohiya, pagkatapos ay lumipat siya sa Unibersidad Central ng Madrid na kung saan naman ay nagtapos niya ang pagkadalubhasa sa batas noong 1880. Siya ay tinaguriang tagapamagitan sa mga Kastila at Pilipino upang makamit ang mapayapang pakikitungo sa mga Kastila. Ayon sa kanya, dahil sa Espanyol ay kulang-kulang ng isang daang taong may pagkakaugnayan sa Pilipinas. Subalit ito ay mahigpit na tinutulan ng mga tao sapagkat nais nilang ipaglaban ang tunay na kalayaan ng bansang Pilipinas. Siya ay isa sa mga Pilipinong propagandista sa Espanya. Noong 1882, napagtagumpayan niyang maalis ang monopolyo sa Tabako sa bansang Pilipinas. Bilang makataa, siya ang kauna-unahang Pilipino na sumulat ng isang opera sa wikang Pilipino, sang Sandugong Panaginip. Nilikha rin niya ang mga aklat na tula na Sampaguitas y Poesias Varias at Poesias Lyricas y Dramaticas.

description

Ninay, La Loba Negra

Transcript of Ninay

Ang Ninay ang kauna-unahang nobelang Tagalog [at Filipino], at nagtipon ng malawak na bilang ng tema at motif na pawang humubog sa maraming tekstong pampanitikan. Ginamit ang pasiyam bilang balangkas, ang nobelay naglahad ng serye ng mga salaysay na bumubuo sa iba-ibang naunsiyaming pag-ibig. Unang kabiguan ang pag-iibigan ni Ninay, na pinagdarasalan, at ni Carlos Mabagsic, na pinagbintangan ng negosyanteng Portuges na si Federico Silveyro na namuno sa pag-aaklas. Matapos ang makulay na pakikipagsapalaran sa ibayong dagat, nagbalik si Carlos at natuklasang pumasok sa kumbento si Ninay. Namatay sa kolera si Carlos, at namatay sa sakit si Ninay. Isa pang kuwento ng bigong pag-ibig ang kina Loleng at Berto na pinaghiwalay ni Don Juan Silverio. Ipinaghiganti ni Berto ang pagkamatay ni Loleng, at lumaban sa awtoridad. Si Berto rin ang nagwakas sa baluktot na gawi ni Federico.PAMBUNGAD NA TALA: Isinulat bilang tugon sa paratang na walang natatanging kultura ang mga Filipino, ang Ninay ay nakaayon sa tradisyon ng kostumbrismo, ang kilusan sa panitikang Espanyol noong siglo disinuwebe na nagtatampok ng mga tiyak na katangian (e.g., flora, fawna, ritwal, at rito) ng bawat rehiyon ng Espanya. Ito ang pangunahing puna sa nobela ni Paternoang paggamit ng di-makatotohanang pananaw. Ngunit kinontra iyon ni Leon Ma. Guerrero, na tagasalin ng mga nobela ni Rizalat sinabing maraming pagkakahawig sa Ninay at sa mga nobela ni Rizal, batay sa mga tauhan at balangkas ng banghay.SiPedro Alejandro Paternoay isinilang noong 27 Pebrero 1858. Siya ay isa sa 13 anak ng nakaririwasang mag-asawa na sina Don Maximo Paterno at Donya Carmen de Vera Ignacio.Siya ay nagtapos ngBachiller en ArtessaAteneo Municipal de Manila. Siya ay nagkamit ng karangalan sa kanyang pagtatapos. Ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-aaral sa Unibersidad de Salamanca. Dito niya kinuha ang mga kursong Pilosopiya at Teolohiya, pagkatapos ay lumipat siya sa Unibersidad Central ng Madridna kung saan naman ay nagtapos niya ang pagkadalubhasa sa batas noong 1880.Siya ay tinaguriang tagapamagitan sa mgaKastilaatPilipinoupang makamit ang mapayapang pakikitungo sa mga Kastila. Ayon sa kanya, dahil sa Espanyol ay kulang-kulang ng isang daang taong may pagkakaugnayan sa Pilipinas. Subalit ito ay mahigpit na tinutulan ng mga tao sapagkat nais nilang ipaglaban ang tunay na kalayaan ng bansang Pilipinas.Siya ay isa sa mga Pilipinong propagandista sa Espanya. Noong 1882, napagtagumpayan niyang maalis ang monopolyo saTabakosa bansang Pilipinas. Bilang makataa, siya ang kauna-unahang Pilipino na sumulat ng isang opera sa wikang Pilipino, sangSandugong Panaginip. Nilikha rin niya ang mga aklat na tula naSampaguitas y Poesias VariasatPoesias Lyricas y Dramaticas.Noong himagsikan, siya ay sumanib kung kaya'y isa siya sa naging prominenteng tao noong ihayag angUnang Republika ng Pilipinas. Siya ay hinirang na Pangulo ng Kongreso sa Malolos noong 15 Setyembre 1898. Siya ang namumuno sa tuwing magkakaroon ng pagpupulong at palagi niyang pinaiiral ang mapayapang diplomasya upang magkaroon ng maayos na pag-uusap sa iba't ibang partido pampolitika. Nang bumagsak sa kamay ng mga kaaway ang Malolos, iminungkahi ni Paterno ang pakikipagsundo ng mga Pilipino atAmerikano. Nagsagawa siya ng dalawang araw na kapistahan (Hulyo 28at Hulyo 29) na kung saan ay isa sa mga pangunahing pandangal ay si HeneralArthur MacArthurat ilang opisyal ngTaft Commission. Subalit ikinagalit ng mga Amerikano ang pagbabandera sa larawan ni Presidente Aguinaldo at ipinakumpiska ang mga ito.Si Pedro Paterno ay nahalal na kinatawan ng Unand Distrito ngLagunapara sa Unang Asemblea ng Pilipinas noong 16 Oktubre 1907. Siya ay namatay sa edad na 53 noong 11 Marso 1911 sa sakit na kolera.SiJose Apolonio Burgosay ipinanganak saVigan,Ilocos Surnoong ika-9 ng Pebrero,1837. Ang kanyang ama ay si Tenyente Jos Tiburcio Burgos at ang kanyang ina ay si Florencia Garcia.Siya ay naulila sa magulang noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Bilang isang mag-aaral, siya ay may angking katalinuhan. Nagtapos siya ngBachiller en ArtessaColegio de San Juan de Letran. Naging pari noong Pebrero 11, 1885 at itinalaga sa Katedral ng Maynila. Nagpatuloy siya sa pag-aaral at nakatapos siya nang may karangalan para sa kursong Teolohiya (1859), Pilosopiya (1860), "Bachelor of Canon" (1866), at "Doctorate's Degree" para sa Teolohiya (1868) at "Canon Law" (1871).Si Padre Burgos ay naging aktibong kasapi ng kilusan na pinamumunuan ni Padre Pedro Pelaez. Ipinaglaban nila ang karapatan ng mga Pilipinong pari at sila ay nagtagumpay. Nang namatay si Padre Pelaez, ang kilusang ito ay pinamumunuan ni Padre Burgos kasama sina PadreMariano Gomezat Padre Jacinto Zamora.Sa paglilitis ngPagaaklas sa CavitenoongEnero 20,1872, isa sa mga nag-aklas na si Sarhento Bonifacio Octavo ay naisaiwalat ang isang lalaking nagngagalang Zaldua na naghihikayat ng mga tao na magaklas. Si Octavo ay tumestigo na ang lalaking ito ay inuutusan ni Burgos para gawin ang panghihikayat, ngunit dahil sa paiba-iba ng testimonya ni Octavio, ang naturang pagsisiyasat ay nauwi sa wala. Ngunit ang naturang pangyayari ay sinabi ni Gov.Rafael IzquierdosaMadridat ang testimonya ay nagpatunay ng kanyang pagdududa. Nadiin sina Burgos kasama ng dalawa pang pari na sina Padre Zamora at Padre Gomez, sa kasong sedisyon.Ang tatlong pari ay kinaladkad sa mga akusayson na pinatunayan ng mga huwag na testigo, at kung saan ang kani-kanilang abogado ay trinaydor sila sa korte. NoongPebrero 15,1872, sila ay ginarote saFort Santiagosa gitna ng Bagumbayan na ngayon ayLuneta.Si Burgos, sa edad na 35, ay ang pinakabata at huling namatay. Ang tatlo ay nagsilbing mahalagang aral kayJose Rizal, kung saan pinangalanan niyangGOMBURZAat naging inspirasyon niya na gawin ang kanyang pangalawang nobela,El Filibusterismosa siyang gumising sa mga pilipino na ipaglaban ang ating kalayaan laban sa mga banyaga.