Narit us a gloria 1

37
Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria Classy ang Felicci’s, ang paboritong restaurant ni Andie. Ngunit ang higit niyang nagustuhan sa Italian restaurant na iyon ay ang coziness ng ambience at ang masarap na pagkain. Gayunman, beinte minutos na silang naroroon ay halos hindi pa rin nagagalaw ang kanyang lasagna na nilalaro lamang niya sa hawak na tinidor. Hindi naman iyon pinapansin ng kaibigan niyang si Mimi. Ito man ay tila hindi rin interesado sa kinakain. Ang buong attention nito ay nakatuon sa kanyang sinasabi at sa ekpresyon niyang higit na naghahantad ng totoo niyang saloobin. “Isang taon ka na sa field na iyan; hanggang ngayon ba naman, hindi ka pa rin nauunawaan ng mommy mo?” Nasa anyo nito ang karapatang makaramdam ng indignasyon. “She’s not keen on the idea kahit noong una pa lang. Wala na nga lang siyang nagawa nang sang-ayunan ni Daddy ang napili kong propesyon,” aniyang lalong tumingkad ang lungkot sa maamong mga mata. “Mimi, ano’ng gagawin ko? Bukas na ako pinapupunta ni Ninong Larry sa office niya 1

Transcript of Narit us a gloria 1

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria

Classy ang Felicci’s, ang paboritong restaurant ni Andie. Ngunit ang higit niyang nagustuhan sa Italian restaurant na iyon ay ang coziness ng ambience at ang masarap na pagkain.

Gayunman, beinte minutos na silang naroroon ay halos hindi pa rin nagagalaw ang kanyang lasagna na nilalaro lamang niya sa hawak na tinidor. Hindi naman iyon pinapansin ng kaibigan niyang si Mimi. Ito man ay tila hindi rin interesado sa kinakain. Ang buong attention nito ay nakatuon sa kanyang sinasabi at sa ekpresyon niyang higit na naghahantad ng totoo niyang saloobin.

“Isang taon ka na sa field na iyan; hanggang ngayon ba naman, hindi ka pa rin nauunawaan ng mommy mo?” Nasa anyo nito ang karapatang makaramdam ng indignasyon.

“She’s not keen on the idea kahit noong una pa lang. Wala na nga lang siyang nagawa nang sang-ayunan ni Daddy ang napili kong propesyon,” aniyang lalong tumingkad ang lungkot sa maamong mga mata. “Mimi, ano’ng gagawin ko? Bukas na ako pinapupunta ni Ninong Larry sa office niya

1

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloriafor interview. At sa pagkakaunawa ko sa sinabi ni Mommy, bukas na rin ako kukunan ng screen test.”

“Alam mo, kung sa iba lang napunta ang sinasabi mong predicament na iyan, kabaligtaran ang magiging reaksyon. Whichever way I see it, it’s still a great opportunity para sa isang magandang career, Andie.”

“I know, pero iba ang gusto ko. Mas masaya ako at mas komportable sa field na pinili ko, Mimi.”

Sa pagkakatitig sa kanya ng kaibigan ay batid niyang alam nito na sa sinabi niyang iyon ay higit niyang kinukumbinsi ang sarili kaysa rito.

Tumango-tango ito. “Komportable, that’s the operative word. Pero kung ako ang tatanungin mo’y ‘taguan’ ang term na gagamitin ko. A shell is a more apt description of your present job, Andie.”

“Mimi, hindi mo ako nauunawaan,” giit pa rin niya.

“Oh, but I do, I understand. And I do know you better than you give me credit for.”

Nagyuko siya ng paningin. Sa tagal ng kanilang pagkakaibigan ay kilalang-kilala na nga siya nito. Napaangat siya ng paningin nang may tumikhim sa

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloriagawing kanan niya.

At ang sumalubong sa kanya ay isang pares ng mata ng lalaki—pinakamaganda sa lahat ng mga nakita niya.

“Excuse me. I’m sorry to bother you pero may gusto lang itanong itong anak ko, Miss,” anitong tiningnan ang batang kahawak-kamay.

“Sorry din po pero puwede ko po bang malaman kung kayo ang boses ni Mama Sarah? Iyon pong cartoon na nasa TV pag umaga?” anito sa mahina ngunit mataginting na boses.

Maganda ang bata kahit medyo payat at maputla ito. Hula niya ay may anim na taong gulang na ito at halata ang pagkakahawig sa ama liban lamang—at iyon ang nakakapanghinayang—sa mga mata.

Nginitian niya ito. Ngayon lang nangyaring may nakakilala sa kanyang tinig at isang bata pa. “Oo, ako nga,” sagot niya. “Nanonood ka ba ng cartoon na Mama Sarah?”

“Opo, everyday po.”

“Salamat naman.” Bumaling siya sa ama nito. “Why don’t you join us? Have a seat.” Isinenyas niya rito ang bakanteng upuan.

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria“Actually, okupado namin ang gawing likuran

ninyo. Mapilit lang itong anak ko na lapitan ka. She recognized your voice the moment you spoke a while ago,” anang lalaki na inalalayan munang makaupo ang bata bago lumikmo.

Bumaling muli sa bata si Andie. “So, were you disappointed na magkalayo ang mukha namin ni Mama Sarah?”

“Hindi po. Kasi po maganda naman kayo, eh. At mukhang mabait din.”

Hindi siya komportable na pinupuri ng kahit na sino, kahit pa nga ng isang bata. Pinili na lang niya ang hindi magkomento sa sinabi nito. “Well, hindi ko pa kilala ang fan ni Mama Sarah. I’m Andrea Castelo. Friends call me ‘Andie,’” pakilala niya at iniabot ang kamay sa bata.

Halata ang katuwaan sa anyo nito nang inabot iyon ng munting kamay. “Ako naman po si Angel, Angel Alcantara. At ang daddy ko po ay si Brent Alcantara.”

Binitiwan niya ang kamay ng paslit at inabot ang nakaumang na kamay ng lalaki. Marahan nitong pinisil iyon.

“And this is Mimi Ferraro, best friend ko,”

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloriapagpapakilala niya sa katapat na babae.

Bago sila maghiwa-hiwalay ay ibinigay ng bata ang kompletong address at telephone number nito. Ibinigay naman niya rito ang schedule ng kanyang dubbing sa studio pati na rin ang telephone number doon. Pilit din nitong hinihingi ang numero ng telepono niya sa bahay subalit nagdahilan na lang siya ritong madalas naman siyang wala roon.

“Maraming salamat at pinaunlakan mong makausap ka ng anak ko. Hindi mo lang alam kung gaano mo siya napasaya, Andie. I really appreciate it,” ani Brent, nasa anyo man ang katuwaan ay may nasilip pa rin siyang bakas ng kalungkutan sa magaganda nitong mata.

“It’s nothing, really,” nakangiti niyang sagot.

—————

Walang nagawa si Andie kinabukasan kundi ang tuparin ang appointment niya sa CEO ng isang malaking TV station, ang Blardoni Family Network ng Channel 8—BFN-8 kung tawagin—ng kanyang Ninong Larry Blardoni. Ngunit bago iyon ay halos magdamag siyang hindi nakatulog. Ini-analyze niya kung ano ang magiging consequence ng alinman sa dadalawang choice na kanyang pagpipilian. At bago

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Iglorianga siya tuluyang igupo ng antok ay nakabuo na siya ng desisyon.

Gayunman, habang sakay siya ng elevator na maghahatid sa kanya sa palapag na kinaroroonan ng opisina ng ninong niya ay balisa pa rin siya. Pilit niyang itinataboy ang nadaramang nerbyos nang magalang siyang iginiya ng sekretarya sa loob ng private office ng boss nito.

May kausap sa telepono ang kanyang ninong nang pumasok siya sa silid. Sinenyasan siya nitong maupo sa harap ng malapad nitong mesa.

“Ah, narito na siya, Kumadre,” anito habang saglit na sinulyapan ang wristwatch. “Right on the dot. Don’t worry, everything will turn out smoothly. Ako ang bahala.... Of course not. The child has the look and I’m sure she’s got the talent, too.... Okay, walang anuman, Kumadre. ’Bye.”

“Good morning, Ninong Larry,” bati ni Andie, nabawasan nang bahagya ang naka-plaster niyang ngiti pagkarinig sa pakikipag-usap nito sa telepono. Alam niyang ang kanyang ina ang kausap nito.

“Good morning, Andie. That was your mother checking kung naririto ka na, Hija,” anang matandang lalaki.

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria“As I have guessed,” aniyang tuluyan nang naglaho

ang pagkakangiti. Hindi man dapat, nakaramdam na naman siya ng kakulangan.

Hindi iyon nalingid sa kanyang ninong. “Hija, your mother only wants the best for you. And as I’ve seen from your transcripts, the interview would be very easy for you to pass.”

“Maaari ngang makapasa ako sa interview pero walang garantya na makakapasa ako sa screen test, Ninong.” Iyon ang tunay niyang pinangangambahan.

“Bakit, Hija, hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin mapaniwalaang maganda ka? That you have an attractive quality... an inner beauty, if you must prefer the words, that is beyond the superficial?”

Gusto niyang mabuhayan ng loob sa di-makapaniwalang tinig nito. Pero mas alam niya at sa bawat taong lumilipas ay higit na nagiging malinaw sa kanyang pandinig, ang katotohanang sinasabi ng sarili niyang ina o ng ilan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

“Ninong, we both know na ako ang pinakapangit sa aming magkakapatid. And don’t bother with such flatteries; tanggap ko naman kung ano lang ako.”

Totoo sa kanya ang sinabing iyon. Nahihirapan

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Iglorialang siyang hawakan ang sarili kapag may mga nagsasabing maganda siya sa panlabas at panloob na kaanyuan dahil sa mga natanim nang kaisipan mula pa noong bata siya.

Tumayo ang matanda at pinisil ang kanyang balikat nang lapitan siya. “Minsan, gusto kong sisihin ang iyong ina sa madalas na pagkukumpara sa inyong mga anak niya. Look at what she has done to your self-esteem. Hija, you are beautiful. Mayroon kang unique na kagandahang tanging sa iyo lang. Kung papaano rin namang mayroon ding sariling kagandahan ang iyong mga kapatid. And we both know I don’t believe in flattery.”

Totoong pinaniniwalaan ni Andie na pangit siya. Masyadong malalaki ang kanyang mata na salamat na lang at bahagyang naitatago ng mahahaba niyang pilik. Masyadong matangos ang kanyang ilong at masyado ring malawak ang bibig niya. Sobra rin ang kanyang kapayatan na nag-e-emphasize sa kahabaan ng kanyang leeg at sa taas niyang five feet seven inches.

“I’m sorry po, Ninong. Salamat sa pagpapalakas ninyo ng loob ko pero nakapagpasya na po ako. Pumunta lamang ako rito para ipaalam sa inyong hindi na po ako magpapa-interview. Palagay ko po’y

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloriahindi para sa akin ang maging isang TV newscaster. Si Mommy lang naman po talaga ang mapilit na mag-apply ako, eh. Mas gusto ko po ang trabaho ko bilang dubber.”

Saglit na hindi nakaimik si Ninong Larry. Tila pinag-aaralan muna nito kung dapat o hindi na isatinig pa ang palagay. Nang magsalita ito ay naroroon ang gentleness na tanging sa kanyang ama lamang niya naririnig kapag kinakausap siya.

“Andie, Hija, it’s one thing na tanggihan mo ang oportunidad na ito dahil you don’t have a knack for it. But to deprive yourself of this rare opportunity because of those lies your mother inculcated in your brain na hindi sapat ang iyong kakayahan at kagandahan para sa trabahong ito is another matter.”

“Ninong, please,” aniya na nagsusumamo ang mga mata. “Mahal ko po talaga ang trabaho ko ngayon. I am grateful to you for giving me this chance to be a newscaster, but I want to be true to myself, too.”

Inakbayan siya nito at muling pinisil sa balikat. “If you put it that way, I don’t think I can argue my point with you anymore, Hija.”

Nang papalabas na siya sa silid ay muli siyang

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloriahumarap dito. “Do you think I can talk you into telling my mom I failed the interview, Ninong?”

Natawa ito nang mahina. “Not for a million shares, no. You’ll have to face her and her fury alone kapag nalaman niyang tinanggihan mo ang oportunidad na ito.”

Malungkot siyang tumalikod muli. Totoo ang sinabi ng kanyang Ninong Larry. Ngayon pa lang ay dapat na niyang tatagan ang sarili.

Mass Communications ang kursong tinapos ni Andie. Matataas man ang mga grades niya noon ay hindi siya naging cum laude tulad ng kanyang Ate Marge o summa cum laude tulad ng bunso nilang si Patty. Maging sa napili nilang propesyon ay masasabing ang sa kanya ang pinaka-inferior. Ang kanyang Ate Marge ay P.R. manager sa isang five-star hotel at si Patty ay katatanggap pa lang bilang financial analyst sa isang malaking bangko.

Magaganda silang tatlo. Kaya nga lang, nakuha ng dalawa ang magagandang features ng kanilang mga magulang samantalang siya ay namana ang hindi perpekto sa features ng mga ito.

Kung sa dalawa niyang kapatid ay halos nagkakasabay-sabay ang umaakyat ng ligaw, sa kanya

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloriani minsan ay walang naglakas-loob. Wala siyang nalaman na nagka-crush man lang sa kanya sa mga naging kaklase niya. Iisang pagkakataon lang ang natatandaan niyang may nag-abot ng love letter sa kanya noong high school. Ngunit naging dahilan lamang iyon upang lalong bumaba ang tingin niya sa sarili.

—————

Nakapagpalit na ng pambahay si Andie at papalabas na ng kanyang silid nang lapitan siya ng katulong.

“Andie, ipinatatawag ka ng iyong mommy. Naroroon siya sa family room.”

“Sige po, Yaya Sabel, pupunta na ako.”

Handa man ay hindi niya maiwasang kabahan habang papalapit sa silid. Kilala niya ang kabagsikan ng ina mula pa sa kanyang kamusmusan.

“Maupo ka muna, Andrea,” utos ni Mrs. Castelo nang makapasok na siya sa family room.

Lalo siyang kinabahan pagkarinig sa pagtawag nito sa buo niyang pangalan. Alam niyang anumang oras ay sasabog ang galit nito. Gayunman ay tumalima siya.

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria“Katatawag ko lamang ngayon kay Kumpareng

Larry. Tinanggihan mo raw ang magpa-interview. Totoo ba ito?” Nasa tinig ni Mrs. Castelo ang tinitimping galit.

“Y-yes, Mommy.”

“Bakit?” Tumaas na nang bahagya ang tinig nito.

“Mommy, may career na naman ako at mas gusto ko ang trabaho ko bilang dubber sa TV kaysa maging newscaster.” Pilit niyang pinangibabaw ang pagpapakumbaba sa kanyang tinig kahit na may banyagang paghihimagsik na bumabangon sa dibdib niya.

“You call that stupid work of yours a career? Goodness, Andrea! Kahit hindi nakapag-aral ay kayang-kaya ang sinasabi mong trabaho. At hindi ako naniniwalang mas gusto mo ang tinatawag mong career na iyan. Natatakot ka lang na bumagsak sa interview at sa screen test.”

“Mommy?” Hindi alam ng dalaga kung may bahid ng katotohanan ang huling sinabi ng ina ngunit nakaramdam siya ng di-inaaasahang kirot dahil doon.

“Wala ka namang dapat ikatakot. Sayang na lang ang pagiging Chief Executive Officer ng Ninong Larry mo at ng impluwensya ng iyong daddy kung

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloriahindi ka makakapasa. Alam mong formality na lang ang interview at screen test; kung bakit pinairal mo na naman ang iyong katangahan at umatras ka pa.”

“Hindi ako tanga, Mommy. You, of all people, should know that.” Nanatiling mahinahon ang kanyang tinig at ang kontroladong pagbigkas lamang ng mga salita ang nagkanulo ng nararamdaman niyang rebellion.

Tumayo sa kinauupuan si Mrs. Castelo. Malinaw na malinaw na sa anyo nito ang galit. “Then prove to me na mali ako. Tatawag ako ngayon sa Ninong Larry mo para i-reset ang iyong interview. And you will undergo it minus the privilege of his influence. Tingnan ko lang kung hindi lumabas ang kahinaan mo.”

Hindi napigil ni Andie ang pagsungaw ng luha sa kanyang mga mata. “Hindi ko alam kung bakit lagi ka na lang galit sa akin, Mommy. At lalong hindi ko na matiyak ngayon kung totoo ngang ikaw ang tunay kong ina,” aniyang nakapinta sa mga mata ang hinanakit.

“How dare you tell that to me!” At lumagapak ang kamay nito sa kanyang mukha.

Hindi niya ininda ang sampal na iyon. Mas

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloriamasakit sa kanya ang mga sumunod na sinabi nito.

“Hindi ko alam kung papaano mo nabilog ang ulo ng iyong ama para mapapayag sa estupidong trabaho na iyan. Hindi ko man naririnig ay alam kong pinagtatawanan kami ng iyong ama ng mga kamag-anak natin at kaibigan dahil sa pagkakaroon ng isang anak na dubber lamang sa TV. You speak as if ikaw lamang ang nagsa-suffer. Well, kami man dahil hindi mo man lang isinaalang-alang ang estado ng pamilya natin sa lipunan.”

“Kung napakaimportante sa inyo ng social standing ng pamilyang ito, nagpapaalam ako sa inyo ngayon, Mommy. Aalis ako sa tahanang ito and I’m going to live on my own.”

“You wouldn’t dare! Not when your father is out of the country! I’m warning you, Andrea,” matigas na pahayag ni Mrs. Castelo.

“I’m sorry, Mommy. Pero palagay ko’y dapat ko na ngayong harapin ang mga kahinaang sinasabi ninyo. Don’t worry about Daddy. Ako mismo ang kukumbinsi sa kanya sa desisyon kong ito the moment he comes back.”

“At saan ka titira? Palagay mo ba’y bubuhayin ka ng kakarampot mong suweldo? At ano na lang ang

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloriasasabihin ng mga a—”

“Kaya akong buhayin ng propesyon ko, Mommy,” putol niya rito. “I may no longer be able to afford the luxuries that I’m now enoying in this house but I assure you, sapat ang kinikita ko para mabuhay nang maayos. At kung magtatanong ang mga kaibigan natin, well, we both know na kaya ninyong umisip ng kahit na anong idadahilan sa kanila kung nasaan ako.”

“Huwag mong pairalin ang katigasan ng iyong ulo, Andrea. Magsisisi ka kapag umalis ka sa tahanang ito,” banta nito.

“Mas lalo ko sigurong pagsisisihan kapag hindi ko sinubok na ikampay ang aking mga pakpak, Mommy. I’m not taking this against you. Baka nga pasalamatan ko pa kayo in the future. Nasa edad na ako para maging independent. Babalik din naman ako sa piling ninyo, but not before I find my place under the sun.”

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria

Pagkagaling ng mag-ama sa Felicci’s ay sa St. Luke’s Medical Center sila tumuloy. Ngayon kukunan ng iba pang tests si Angel makaraang magpahayag ang pediatrician nito ng pagkabahala sa huli nitong checkup.

“We need to do a bone marrow biopsy, Mr. Alcantara. Napakataas ng white blood corpuscles count ng bata. And I need the test to confirm or refute my suspicion,” anito.

“Suspicion of what, Doc?” Nasa anyo ni Brent ang pagkabahala. Siya man ay may nabubuong hinala sa kung ano ang sakit ng anak. At habang-buhay niyang ipagpapasalamat sa Diyos kung mapatutunayang mali siya.

“I’ll tell you kapag lumabas nang lahat ang resulta ng mga tests na gagawin sa iyong anak, Mr. Alcantara. For the meantime, let’s pray and hope for the best. By the way, the nurse will assist you in filling up the form para sa pagbibigay ninyo ng permiso na makunan siya ng bone marrow.”

“Thank you, Doc.” Nanatili lamang siyang

2

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Iglorianakatitig sa likod ng papalayong manggagamot. Napukaw siya nang tapikin ng nurse ang braso niya.

“Sir, paki-fill up na po ng form para sa pagbibigay ninyo ng permission sa huling test na gagawin.” At iginiya siya nito sa isang mesa.

Hindi nga nagtagal at dinala ang bata sa isa sa mga examining rooms. Pinalitan ng nurse ang suot nitong damit ng isang hospital gown bago pinahiga sa examining table. Bago pumasok doon ang doktor ay naihanda na nito ng lahat ng kakailanganin.

“Well, Angel, how’s my beautiful patient today?” Nginitian nito ang bata na parang may ibibigay na reward. “Bahagya lang ang gagawin natin and you can go home with your dad shortly afterwards,” anito habang nagsusuot ng gloves.

Inilislis ng nurse ang suot na hospital gown ni Angel hanggang sa malantad ang hipbone nito. Kinuskos naman iyon ng doktor ng kapirasong bulak na basa ng antiseptic. Makaraan ay itinakip sa balakang ng bata ang isang telang may butas sa gitna.

Nakakapagtakang naging tahimik lang ang paslit sa buong panahon na ginagawan ito ng bone marrow biopsy. Maging nang iturok sa hipbone nito ang karayom na may malaking heringgilya ay napapikit

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Iglorialamang ito.

“Okay, brave little Angel, that would be all for now,” anang doktor pagkatapos.

—————

Muli ay hindi pumasok sa opisina si Brent kinabukasan. Palakad-lakad siya sa buong kabahayan habang hinihintay ang tawag ng doktor sa telepono. Inaasahan man ay nagulat pa rin siya nang mag-ring iyon.

“Hello,” sagot niya sa tinig na mataas kaysa natural na lalong nagkanulo ng kanyang nadaramang takot.

“Mr. Alcantara, this is Angel’s pediatrician. Lumabas na ang lahat ng results sa ginawang tests sa inyong anak. Kung maaari sana ay pumunta kayo ngayon sa hospital. Hihintayin ko kayo until before lunch.”

“Ano ang resulta ng mga ginawa ninyong tests, Doc?”

“I can’t tell you on the phone. Kakailanganin ko ang lubos ninyong kooperasyon at hinahon sa mga bagay na sasabihin ko sa inyo tungkol sa sakit ni Angel.”

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria“You can have all that and more, but for goodness’

sake, tell me what’s wrong with her now!” sigaw niya sa telepono. Hindi na siya nakapagpigil ng sarili dahil sa papalalang tensyong kanyang nararamdaman.

Bumuntunghininga ang doktor. “Okay then, Mr. Alcantara. Your daughter has lymphocytic leukemia.”

Para iyong bombang sumabog sa pandinig ni Brent. Kumalat iyon sa kanyang buong katauhan at sumunog sa nagkapunit-punit niyang kamalayan. “Bangungot lamang ito,” usal niya. “Bangungot lamang.”

—————

Hindi alam ni Brent kung papaano niya naimaneho ang Toyota Prado papunta sa hospital. Maging nang naglalakad na siya sa pasilyo tungo sa opisina ng pediatrician ay wala pa rin siya sa sarili. Kung hindi nga lang lumabas ito sa silid at nakita siyang paparating ay pihong nakalampas na siya. Tumango lamang ito sa kanya at muling pumasok sa loob kasunod niya.

Bago ito magsalita tungkol sa ipinunta niya roon ay siniguro muna nitong makukuha nito ang buo niyang attention.

“Nauunawaan ko ang nararamdaman ninyo, Mr.

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai IgloriaAlcantara, but you have to pull yourself together para na rin sa kapakanan ng inyong anak. Angel will be needing your full support and care as much as all the medical attention we can give,” seryosong litanya ng pediatrician.

Mabagal ang pagbaon ng bawat salita nito sa kanyang utak subalit naging attentive siya sa lahat ng mga sinabi nito pagkatapos. Makaraan ang marami pang bagay na inihayag nito ay....

“Now that we have dispensed with the preliminaries, I’m referring Angel to the most competent pediatric oncologist sa hospital na ito. Si Dr. Primo na ang hahawak ng kaso ng anak mo, Mr. Alcantara, or would you rather I give you a list of specialists and you do the choosing?”

Umiling siya. “I trust your judgement, Doctor. Asahan ninyo ang kooperasyon ko maging sa sinasabi ninyong oncologist.” Iyon lamang ang tanging nasabi niya.

—————

Mukhang napakabata pa ng pediatric oncologist na si Dr. Primo para maging isang doktor. Hindi maiwasan ni Brent na sagian ng pagdududa sa kakayahan nito.

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai IgloriaPormal itong ipinakilala sa kanya ng pediatrician.

“In case na nagtataka ka sa edad ni Dr. Primo, well, you’re not the first. But all your fears will be laid to rest kapag malaman mong he’s one of the nerdy geniuses ng hospital na ito.”

Natawa si Dr. Primo sa kunwari ay disgusto sa tinig ng pediatrician. “He never shows tact everytime he refers to my kind,” anito na bahagyang nangingiti.

“Don’t make it so obvious na naiinggit ako sa mga katulad mo, Dr. Primo. At bakit nga hindi, you took primary in four years, secondary in two years, topped the board exams at the age of twenty-one. And now, after barely two years of practice, ikaw na ang pinakamagaling na oncologist sa hospital na ito.”

Sa inihayag na iyon ng pediatrician ay napalis ang anumang pagdududa ni Brent. Sana nga ay matulungang gumaling ng henyong doktor na ito ang kanyang anak.

Bago matapos ang araw na iyon ay nagkausap sila nang sarilinan ng doktor.

“As I have feared nang malaman ko ang resulta ng lahat ng tests na ginawa sa inyong anak, Mr. Alcantara, napakataas na ng bilang ng cancer cells sa kanyang dugo. Kung na-detect ito earlier, we

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloriawould have had a greater chance of a remission. I take it na papayagan ninyo siyang mag-undergo ng chemotherapy?”

Parang hindi niya mabigkas ang pagpayag. Alam niya kung gaano kahirap sa isang pasyente ang dumaan sa chemotherapy treatment. Lalo na siguro sa kanyang napakabata pang anak.

“Sa ngayon, Mr. Alcantara, ang treatment na iyon lamang ang pag-asa nating....” Hindi nalingid sa kanya ang pag-aatubili nitong ituloy ang sinasabi. “Well, it’s our only chance na madugtungan pa kahit sandali ang buhay ng inyong anak. Nasa terminal stage na ang kaso niya and unless some Divine Intervention happens....” Hindi na nito dinugtungan ang sinabi.

“It is a painful treatment, right?” tanong niya.

“Sa puntong iyan ay masasabi kong may magagawa ang science, Mr. Alcantara. May chemotherapy treatment na ngayong hindi magiging painful sa pasyente, although, pareho pa rin ng dati ang mga side effects nito. The treatment would cost a fortune but I promise you, it won’t put you into a poor house.”

“Sige, Dr. Primo, pumapayag na ako,” sang-

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloriaayon niya. “Kailan natin sisimulan ang treatment ni Angel?”

“As soon as possible. Pero para maihanda ninyo siya nang maayos, bukas na lang ng umaga ninyo siya i-confine dito,” bilin nito.

—————

Patapos na si Mimi sa pagrerepaso ng libro ng dalawa nitong boutique nang tumunog ang doorbell sa townhouse nito. Bago tumayo sa kinauupuan ay tiningnan muna nito ang suot na wristwatch. Pasado alas tres pa lang; imposible namang ang boyfriend na nito ang bisita dahil napakaaga pa para dumalaw ito. Pagbukas ng pinto ay napangiti ang babae.

“Hi, Mimi.”

“Andie! Ano’ng nangyari sa iyo at naisipang mong dumalaw rito sa ganitong dis-oras ng hapon?” Tuwang-tuwa ito nang makita ang best friend.

Napangiti siya. “Ang O.A. mo, ha!”

“Eh, paano po, hindi ka naman pumupunta rito ng ganitong oras. Unless na may problema ka na naman,” anito habang magkasunod silang pumasok sa dining room na pinakapaborito ni Mimi sa buong kabahayan.

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria“Magaling kang manghula,” nakangiting sabi

niya.

“At makakatulong ako?”

“Maybe you should start designing your own crystal ball. I’m impressed.”

“Stop being sarcastic at sabihin mo na kaagad. Maaaring generally ay magaling akong manghula pero bobo ako sa mga detalye,” anito habang umuupo sa kinalilikmuan kanina.

“Lumayas na ako sa bahay namin,” aniya matapos iupo ang sarili sa katabi nitong dining chair.

“You didn’t dare!” Nasa tinig ng kaibigan ang hindi paniniwala sa sinabi niya.

“But I did. After a row with my mother.” Seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Andie.

“Pinalayas ka niya?”

“No. Ako ang nagsabing aalis na ako sa bahay na iyon. You should have seen her. It’s a good thing na wala si Daddy sa bahay ngayon or else mahihirapan akong umalis,” tugon niya.

“Bakit, nasaan ang daddy mo?” takang tanong nito.

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria“Three months siya sa Canada. Nag-set-up kasi

siya ng branch ng kompanya roon,” sagot niya. “Pero bago maiparating ng Mommy kay Dad ang pag-alis kong ito’y dapat maunahan ko siya sa pagtawag.”

“So, dito ka muna sa townhouse?” konklusyon nito.

“If you’ll take pity on me.”

“Luka-loka! Alam mo namang welcome ka rito kahit na anong oras. Nasaan na nga pala ang mga damit mo?”

“Nasa kotse. Lahat ng mga kakailanganin ko’y dinala ko na dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ang separation kong ito sa aking pamilya.”

Tumangu-tango ito. “Mabuti naman at hindi ka nagpakamartir na iwan ang kotse mo sa inyo.”

“Mahal ko ang regalong iyon ni Daddy. Besides, mahihirapan akong dalhin ang mga gamit ko kung wala akong sasakyan.”

“Ano ngayon ang plano mo?”

“Makikituloy muna ako hanggang sa makahanap ako ng isang apartment na magugustuhan kong upahan. I hope you don’t mind. Temporary lang naman ito, eh.”

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria“Tingnan mo nga ’tong taong ito kung magsalita.

Para bang hindi mo ako best friend,” kunwa’y nagtatampong sabi ni Mimi. “You can stay here for as long as you want. Mabuti nga iyon para may makakausap ako rito bukod sa sarili ko.”

“Maraming salamat, ha?” nakangiting pahayag niya.

“What are friends for? Siguro nga’y makatutulong sa iyo ang pagbabagong ito para magkaroon ka naman ng self-confidence at sariling disposisyon, Andie.”

“Sana nga, Mimi.”

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria

Ilang beses nang nabasa ni Andie ang kanyang script para sa ida-dub nila nang umagang iyon at halos ay memoryado na niya ito. Subalit nais niyang makuha ang tamang emosyon para mabigyan ng katarungan ang bigat ng karakter na kanyang ginagampanan bilang Mama Sarah.

Tuwina ay maaga siyang pumapasok para lamang mapaghandaan ito nang mabuti.

“Andie, telephone daw,” anang kadarating na si Monty, dubber ding tulad niya.

“Sino raw?” Iniangat niya ang ulo mula sa binabasa.

“Hindi sinabi noong nakasagot, eh.” Nagkibit pa ito ng balikat.

“Salamat.”

Pahinamad na inalis niya ang pagkakapatong ng kanyang baba sa mga kamay at walang pagmamadaling tinungo ang kinapapatungan ng telepono. “Hello?”

“Mama Sarah? I mean, Miss Andie?”

3

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria“Yes, ito nga. Sino ito?”

“Si Angel Alcantara po. ’Yung na meet ninyo sa Felicci’s noong isang araw.”

Gumuhit ang ngit sa kanyang labi nang malaman kung sino ang caller. “Oh, Angel, I remember you, of course. Napatawag ka?”

“Kasi po gusto kong bago ako i-confine sa hospital ay marinig ko muna ang boses ninyo. Natatakot po kasi ako sa sinasabi ni Daddy na chemotherapy treatment daw na gagawin sa akin.”

“Chemotherapy? Bakit, ano’ng...?” Nagawang pigilan ni Andie ang bibig sa katanungang naglalaro sa kanyang isip. “I mean, magtatagal ka ba roon, Angel?”

“Hindi ko po alam. Pero sabi po ni Daddy, kapag daw kaya ko na ay uuwi kami kaagad. Puwede ko po ba kayong tawagan ulit bukas? May telephone naman daw po sa private room na kukunin ni Daddy, eh,” anang bata.

“Of course, puwede mo akong tawagang muli bukas.”

“Salamat po. Sige po, aalis na raw kami ni Daddy. ’Bye, Miss Andie.”

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria“Take care, Angel. ’Bye.”

Tapos na ang taping nila ay hindi pa rin makatkat sa isip ni Andie ang batang si Angel. Lalo na ang gagawing treatment dito. Napakabata pa nito para magdanas ng gayon kabigat na medical treatment. Ayaw niyang isiping hindi makakaya iyon ng bata.

“Andie, pauwi ka na ba? Makikisakay ulit ako, ha?” tanong ni Fe, kasama rin niyang dubber.

“I’m sorry, Fe, pero mapapalayo ka pa. Hindi pa ako uuwi sa bahay, eh.”

“Ganoon ba? Sige, next time na lang.” Tumalikod na ito.

Pupuntahan niya sa hospital ang bata. Iyon ang gumigiit sa kanyang isip kanina pa. Hindi nga lang niya alam kung saang hospital. Bago buhayin ang makina ng kanyang Nissan Cefiro ay kinuha muna niya ang maliit na filofax at tiningnan doon ang telephone number na ibinigay sa kanya ni Angel. Pagkatapos ay bumalik siyang muli sa studio para tumawag.

Katulong ang nakasagot sa tawag niya. Ayon dito ay sa St. Luke’s Medical Center naka-confine si Angel. Hindi nga lang nito alam kung saang palapag at kung ano ang numero ng silid. Bago niya ibaba ang

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloriatelepono ay nakarinig pa siya ng palahaw ng iyak ng isang bata. Marahil ay may iba pang kapatid si Angel, sumaisip na lang niya.

Nakuha niya sa information desk ang numero ng silid ng pediatric ward na kinaroroonan ng bata.

Naabutan ni Andie sa silid ni Angel ang isang nurse na ini-a-adjust ang patak ng intravenous drug or I.V. na nakakabit sa braso ng bata. Napuna niyang mayroon ding bag ng dugo na nakakabit doon.

Ngumiti si Angel pagkakita sa kanya. “Miss Andie, paano po ninyo nalamang dito ako dinala ni Daddy?” Malinaw ang sorpresang rumehistro sa anyo nito.

“Tumawag ako sa bahay ninyo; itinuro ako ng maid ninyo rito. Bakit wala kang kasama rito?” aniya habang lumilikmo sa silyang malapit sa hospital bed nito.

“Kausap po ng doctor si Daddy. Pero mamayang gabi, dito siya matutulog.”

“I brought you some flowers. I hope you’ll like them.” Ipinakita niya rito ang dalang mga bulaklak.

Kumislap ang mga mata nito. “Sunflowers? They’re my favorite flowers! How did you know?”

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria“I didn’t. Favorite ko rin kasi ang bulaklak na

iyan,” nakangiting tugon niya. Inilagay niya ang mga iyon sa plorerang naroon. “Nasaan ang mommy mo? Nasa bahay ba siya?”

“Wala po dito ang mommy ko; nasa States. Hindi na po siya umuuwi dito dahil sabi ni Daddy, may husband nang iba ang Mommy.”

Lalong hinaplos ng awa ang puso ni Andie para sa bata. Heto ito, sa murang gulang ay lumalaban sa isang sakit na walang tiyak na kagalingan at wala man lang ina na nag-aaruga rito. At least, kahit na madalas silang hindi magkasundo ng kanyang ina, naging mabuti naman ito sa pag-aaruga sa kanya lalo na noong bata pa siya. Sumobra pa nga yata kaya somehow ay naging mahina siya.

“May mga kapatid ka rin ba?” tanong niya.

Tumango si Angel. “Isa lang po, Miss Andie. Tracy po ang pangalan niya at malapit na siyang mag-four years old.”

Marahil ay iyon ang batang umiiyak na narinig niya sa telepono. “You can call me ‘Andie’ if you want us to be friends.”

“I’ll call you ‘Tita Andie’ na lang po.”

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria“As you wish. Pero napapagod ka na sa kuwentuhan

natin. Why don’t you take a nap, close your eyes at kukuwentuhan kita hanggang sa makatulog ka?”

“Ayaw ko pong pumikit dahil baka umalis ka po agad, Tita Andie.”

“No. I promise I’ll stay hanggang sa dumating na ang daddy mo at may magbabantay na sa iyo.”

“Talaga po, promise?” Malawak ang ngiting sumilay sa mga labi nito.

“Promise.” At itinaas pa niya ang kanang kamay.

Ipinikit ni Angel ang mga mata nito at sinimulan na ng dalaga ang mahinang pagkukuwento habang hinahaplos ang mahabang buhok nito. Napasukan sila ng ama nito sa ganoong ayos. Saka pa lamang niya napuna na himbing na ang bata.

“Andie, right?” nakangiting bati ni Brent.

Tumango siya at tumayo sa kinauupuan. “Tinawagan ako ni Angel kaninang umaga at nabanggit niyang mako-confine siya sa hospital. I got curious kaya hinanap ko kung saan. Tumawag ako sa bahay ninyo kanina kaya ko nalaman,” aniya sa mahinang tinig.

“Maraming salamat sa pagdalaw mo, Andie. She

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloriareally likes you, you know. Alam mo bang ngayon lang siya nakatulog mula pa kagabi? Nasa bahay pa lamang kami ay restless na siya.”

Nakakaunawang tumingin siya rito. “Sige, tutuloy na ako,” paalam niya. Nakalabas na siya ng silid nang tawagin nito.

“Kung hindi naman masyadong makaaabala sa iyo, maaari mo ba akong samahan sa canteen ng hospital? Hindi pa kasi ako nagla-lunch at ngayon lang ako nakaramdam ng gutom.”

Nagulat siya sa sinabi nito, tumingin sa relo. “Ano? Almost four na ng hapon, ah.”

“Hindi ko na kasi napapansin ang oras. Please, will you join me?” pakiusap nito.

“Sure.”

Nang makakuha na sila ng pagkain ay gustong pansinin ni Andie ang dami ng kinuha ni Brent. Halos wala silang imikan noong una at kumbinsido nga siyang gutom ito. Tila nararamdaman din niya ang gutom nito kaya inabala rin niya ang sarili sa pagkain.

“Parang hindi ko makakayang mawala sa akin si Angel,” anito makaraan.

“Gaano ba kalala ang sakit niya?” tanong niya.

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria“Nasa terminal stage na ang leukemia niya.

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil hindi ko kaagad napuna ang pagbabago sa kalusugan ng anak ko. Sabi ng doktor, kung na-detect daw ito nang mas maaga, mas malaki ang posibilidad ng remission ng cancer cells,” malungkot na tugon nito.

Wala sa sariling natapik niya ang braso nito. “Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo. Mahirap ibalanse ang pagiging ama at ina samantalang nagtatrabaho ka pa.”

Napatitig ito sa kanya. “How did you know?”

“Naikuwento ni Angel na nasa States ang mommy niya.”

May sansaglit na galit sa ekspresyon ng lalaki ang napuna niya bago ito nagsalitang muli. “Divorced na kami ng ex-wife ko three years ago.”

“I’m sorry to hear that. But how come na nasa iyong lahat ng anak ninyo? Nabanggit sa akin ni Angel kanina na may kapatid pa siya na mag-aapat na taon at—” Bigla siyang nahinto sa pagsasalita. “I’m sorry. I didn’t mean to pry. Just forget I asked anything.”

“Okay lang. Para rin namang open book ang naging pagsasama namin. Alam ng mga kaibigan

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Iglorianamin ang buong pangyayari sa pagitan namin ng ex-wife ko. Her adulterous affair included.”

Bakas ni Andie ang bitterness sa tinig nito. Gusto na niya itong pahintuin sa pagsasalita dahil alam niyang sobra-sobra na ang mga kabigatang pinasan nito nang araw na iyon. At ayaw na niya iyong dagdagan pa sa pag-uungkat ng mapait nitong nakaraan.

“If you need to talk about it some other time, I am willing to listen. Pero sa ngayon, baka hinahanap ka na ni Angel.” Puno ng pasasalamat ang mga mata nito nang tingnan siya at tinanguan niya itong muli. “Hayaan mo, kapag may libreng oras lamang din ako’y sasamahan ko siya dito sa hospital.”

“Maraming salamat, Andie. May palagay akong marami pa akong ipagpapasalamat sa iyo sa mga darating na araw.”

Nginitian lang niya ito at nagpaalam na.

—————

Galit ang tinig ng ama ni Andie sa telepono at inaasahan na niya iyon. Naunahan siya ng kanyang ina sa pagtawag dito. At may mga maling interpretasyon ang mommy niya na naiparating sa asawa nito tungkol sa dahilan ng kanyang pag-alis.

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloria“... Nakakahiya kay Kumpadreng Larry, Hija. Ano

na lang ang iisipin niya sa ginawa mong pagwo-walk out sa oportunidad na iyon na kanyang ibinibigay sa iyo?”

“I assure you, Dad, he understands perfectly. At hindi naman ako nag-walk out. Sinabi ko sa kanya ang mga rason ko kung bakit hindi ko na itutuloy ang pag-a-apply bilang TV newscaster,” pangangatuwiran niya.

“At ano naman ang mga dahilang iyon? Ang kawalan mo ng kakayahan sa trabaho or your usual fear of failure?”

“A little of both and more, Daddy.” Bakit ba napakadaling aminin sa kanyang ama ang mga saloobin niya? “Gusto kong matutong tumayo sa sarili kong mga paa, matutunang maging matapang sa pagharap sa mga bagay na kinatatakutan ko and discover the strengths that lie deep within my personality... kung mayroon nga.”

“Anak, alam kong higit pa sa mga sinabi mo ang totoong dahilan. What did your mother tell you para umalis ka sa bahay natin?” Malumanay na ang tinig ni Mr. Castelo nang muling magsalita.

Napabuntunghininga siya. Kahit kailan talaga,

Narito Ka Sa Puso Ko - Chai Igloriahigit siyang kilala ng kanyang ama.

“So, tama ako na may mas mabigat pang dahilan, right?”

“Dad, ayaw kong dumating ang panahon na umabot ako sa puntong kamumuhian ko na si Mommy. Don’t get me wrong, I love her. Pero hindi sapat ang pagmamahal na iyon sa ngayon para unawain ang takbo ng pag-iisip niya.”

“Andie, Anak, kahit kailan ay hindi ko inasahan na darating ang pangyayaring may hihiwalay sa inyong mga anak ko sa ating tahanan. At least, not this way.”

“Daddy, babalik din naman ako sa atin. If everything goes well, I’ll be away only for several months.”

“At paano kung hindi mangyari ang lahat ng inaasahan mo? What then, Andie?” Hindi nito maitago ang pag-aalala sa boses.

“Dad, I’m positive about this. Why don’t you just hope the best for me?” pakiusap niya.

Napangiti ang matandang lalaki. “Sounds like may pagbabago na nga sa anak ko. Ngayon ko lang narinig sa iyo ang mga katagang iyan.”