Module 13 EsP 10

79
Module 13: Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Sonia J. Pastrano Subject Teacher

Transcript of Module 13 EsP 10

Module 13: Mga Isyung Moral

Tungkol sa BuhayEdukasyon sa Pagpapakatao 10

Sonia J. PastranoSubject Teacher

Isip-isip!•Sa ilang taong pamama-lagi mo sa mundong ito, ilang beses ka nang nakatanggap ng regalo?•Ano-ano naman ito?

• Sa mga natanggap mong regalo, ano sa tingin mo ang pinaka- mahalaga?• Masasabi mo bang ang

iyong BUHAY ang pina- kamahalagang kaloob ng Diyos sa iyo? Bakit?

Life

Kalakip ng ating buhay, pinagkalooban din tayo

ng Diyos ng isip at kilos-loob. Gamit ang Isip kaya nating hanapin, unawain, at ipaliwanag ang katotohanan, layunin at dahilan ng mga bagay-bagay sa ating paligid. Ang ating Kilos-loob naman ang nagbibigay sa atin ng kakayahang gumawa, kumilos, pumili at magmahal.

•Biniyayaan din tayo ng kalayaan.

Ang isip, kilos-loob at kalayaan ang may malaking impluwensiya sa bawat kilos at desisyon na ating sinasagawa araw-araw.

Dahil sa ating isip at kilos-loob, inaasahan na tayo ay makabubuo at makagagawa ng isang mabuti at matalinong posisyon sa kabila ng

iba’t ibang isyu sa lipunan.

Ano ang kahulugan ng salitang isyu?

• ang isyu ay isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng isa o higit pang mga panig o posisyon na magkasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.” (www.depinisyon.com)

• Kasabay ng moderni- sasyon, ang tao ay

nakakaranas ng kali- tuhan at unti-unti na ring nagbabago ang

pananaw sa moralidad.

•Ano ang kadalasang itinuturing na

dahilan ng pagkalitong ito?

Media• Sa impluwensiya ng media, ang tao

ay nakakabuo ng mga opinyon nang hindi pa nasusuri at napag-iisipan ang iba’t ibang panig, argumento, at batayan sa pagbuo ng posisyon kaugnay ng iba’t ibang isyung moral.

Unawain…

Kaya, nararapat na gamiting maigi ang isip, kilos-loob at kalayaan upang suriing maigi ang bawat panig ng isyu upang makagawa ng matalinong posisyon ukol rito. Lalo na sa mga isyung may kinalaman sa buhay.

Bakit mahalagang unawain at pag-isipang maigi ang mga isyu tungkol sa Buhay?

Ang BUHAY ng Tao•ay itinuturing na banal o sagrado.

• “Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga.

Ang tao ay Hindi maaaring gumawa at mag-ambag sa lipunan

kung wala siyang buhay.

“Perspective: Current Issues in Values Education” (De Torre, 1992)

Dapat muna siyang isilang upang mapaunlad ang kaniyang

sarili at makapaglingkod sa kupuwa, pamayanan, at bansa.

Kinakailangang mabuhay at isilang siya.”

ANG TAO AY MAY kalayaan NGUNIT

DI SAKOP NITO ANG PAGSIRA O PAGKITIL SA SARILING BUHAY O

BUHAY NG IBA.

Tungkulin nating pangalagaan,

ingatan, at palaguin sa sariling buhay at

ng kapuwa.

Tandaan!

• Ano-anong mga gawain ng tao ang taliwas at

nagpapakita ng kawalanng-halaga sa

kasagraduhan ng buhay?

Mga Isyu tungkol sa

Buhay

Drug Addiction

Paggamit ng bawal na gamot• Isang estadong sikiko (psychic) o

pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot, na nang -yayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na pagkakataon.” –Agapay,2007

Dahilan ng paggamit ng Droga…

• Peer Pressure• Nais mag-eksperimento• Problema• Pagrerebelde

Epekto ng paggamit ng Droga…

• Pagkasira ng relasyon sa kapuwa.• Paggawa at pagtaas ng krimen• Nagpapabagal at nagpapahina sa tao na nauuwi sa kabiguan.

• Ang isip ng tao ay nagiging blank spot. Nahihirapan itong iproseso ang iba’t ibang impormasyon na

dumadaloy dito.

Alkoholismo…

Let’s Drink all

night! Alak pa!

Alkoholismo…

•Ang labis na pagkon- sumo ng

alak.

Epekto ng Alkohol…• Nagpapahina ng enerhiya• Nagpapabagal ng pag-iisip• Nagiging dahilan ng away at gulo• Nakakasira ng kalusugan.

Epekto ng Alkohol…

• Pinagmumulan ng mga sakit na maaaring

humantong sa kamatayan tulad ng cancer, sakit sa

atay at kidney.

Ang pag-inom ng alak ay hindi masama kung

paiiralin ang pagtitimpi at disiplina.

Isipin mo!

Pahalagahan ang kalusugan ng katawan tanda ng pagmamahal sa ibinigay ng Diyos na

buhay.

Aborsiyon/Pagpapalaglag

•Ang pagpapaalis ng isang fetus o

sanggol sa sinapupunan ng

ina.

Agapay,2007

Iba’t ibang pananaw……..

• Sa ilang bansa, isa itong lehitimong

paraan ng pagkontrol o pagpigil sa paglaki ng pamilya o populasyon.

Iba’t ibang pananaw……..

•Sa Pilipinas, itinuturing na isang

krimen ang pagpapalaglag ng

isang sanggol.

Tanong ko lang!

•Makatwiran ba ang sanggol sa sinapupunan ng pagpapalaglag?•Maituturing na bang tao ang sanggol sa sinapupunan ng ina?

•Nagtataglay na ba ang sanggol ng mga karapatang moral at legal nadapat pangalagaan?• Paano naman ang karapatan ng ina?

Mga posisyon sa Abosiyon…

a. Ang sanggol ay tao na mula sa paglilihi; kaya, ang pagpapalaglag ay isang pagpatay

Pro-life

b. Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapayapaan ng ina, dapat niyang harapin ang kahihinatnan nito. Tungkulin niya na iwasan ang pagbubuntis kung siya at ang kaniyang asawa ay hindi nais magkaanak.

c. Kung magiging katanggap-tanggap nag aborsiyon,

maaaring gamitin ito ng tao bilang regular na paraan

para hindi ituloy ang pagbubuntis .

d. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensiyal; ang bawat isang ipinalalaglag ay maaaring lumaking kapakipakinabang sa lipunan o bansa.

e. Ayon sa maraming relihiyon; ang pakikipagtalik ay para sa layuning pagpaparami (procreation) lamang.

Ang sinumang batang nabubuhay ay mga anak ng Diyos. Ang pagkitil sa buhay ng anak ng Diyos ay masama.

a. Ang bawat batang isinisilang sa mundo ay dapat mahalin at alagaan. Ang tamang pagpaplano ng pagkakaroon ng anak ay nagbubunga ng mas magandang buhay para sa mga bata dahil

Pro-Choice

may kakayahan ang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa pisikal, emosyonal at pinansiyal na aspekto.b. Ang fetus ay hindipa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa labas

ng bahay-bata ng kaniyang ina. Ka-ya, hindi maituturing na pagpatay ang pagpapalaglag ng fetus dahil umaasa lang ito sa katawan ng ina upang mabuhay. Unang prayoridad ang katawan ng ina,at may karapa- tan siyang magpasiya para rito.

ng bahay-bata ng kaniyang ina. Ka-ya, hindi maituturing na pagpatay ang pagpapalaglag ng fetus dahil umaasa lang ito sa katawan ng ina upang mabuhay. Unang prayoridad ang katawan ng ina,at may karapa- tan siyang magpasiya para rito.

c. Maaaring ipalaglag ang sanggol kung ito ay bunga ng

incest o rape dahil magpapaalala lang ito sa

babae sa traumang naranasan.

*Ang mga sanggol na bunga ng ganitong kaso ay

nahaharap sa maltaas na panganib ng kapabayaan o

pang-aabuso ng ina.

d. Sakaling maipanganak at iiwan sa bahay-ampunan

ang kulang sa kapasidad na magbigay ng pangunahing pangangailangan ng mga

bata.

e. Ang aborsiyon ay ligtas na paraan. Habang itinuturing itong ilegal dadami lang ang mga babaeng palihim na sasa -ilalim rito at malalagay sa panganib ang buhay at mamatay.

1. Kusa (Miscarriage). Ang pagkawala ng sanggol bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis. Isang natural na pangyayari, di ginagamitan ng medikal o artipesiyal na pamamaraan.

2 uri ng Aborsiyon

2. Sapilitan (Induced). Ito ay ang pagwawakas ng

pagbubuntis at pagpapaalis ng isang linggo, sa

pamamagitan ng pag-opera o pagpapainomng mga gamot.

Prinsipyong ipinapairal sa mga

sitwasyong parehong may epekto

ang isang kilos na gagawin sa ina

at sabata.

-St. Tomas de Aquino

Prinsipyo ng Double Effect

1. Ang layunin ng kilos ay nararapat na mabuti.Dapat

ilayon ang kabutihan ng dalawang nasasangkot sa

sitwasyon

Apat na Kondisyon

2. Ang masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit bunga lang ng

naunang kilos na may layuning

mabuti.

3. Ang mabuting layunin ay hindi

dapat makuha sa pamamagitan ng

masamang pamamaraan.

Kailan hindi maituturing na

mabuti ang layunin ng

pagpapalaglag?

Paglilimita ng paglaki ng pamilya

Pagpigil sa kapanganakan ng mga may depekto

Pagpapahusay ng karera ng mga magulang

Pagpapanatili ang ng hubog ng katawan

Pag-iwas sa kahihiyan dala ng pagbubuntis mula sa masamang

gawain o sa masamang karanasan.

4. Kinakailangang may mabigat at

makatwirang dahilan upang maging

katanggap-tanggap ang masamang

epekto.

Pagpapatiwakal

PagpapatiwakalSadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan.

Ano ba ang dahilan ng pagpapakamatay?

Despair o Kawalan ng pag-asa

Ito ay ang pagkawala ng tiwala sa sarili at kapwa, kawalan ng paniniwalang

may mas magandang bukas pang darating.

Pag-iisip ng malalaking posibilidad at natatanging paraan upang kinabukasan.

Paano ito mapipigilan?

Maging positibo sa buhay.

Panatilihing abala ang sarili sa makabuluhang gawain

Magkaroon ng matibay na suport system (pamilya, kaibigan.

Mga makabuluhang Gawain

Euthanasia (Mercy Killing

Isang gawain kung saan napadadali ang kama -tayan ng isang taong may matindi at walang lunas na karamdaman.

• Tinatawag ring assisted suicide. May pagnanais o

motibo ang isang biktima na wakasan ang kaniyang buhay,

ngunit iba ang gagawa para sa kaniya.

Hindi ipinipilit ang pag -gamit ng mga hindi pang -karaniwang mga pamama- raan at mamahaling mga aparato upang pahabain

ang buhay ng tao. Ang pagpapatigil sa paggamit ng life support ai hindi itinuturing na masamang gawain.

Ito ay pagsunod lamang sa natural na proseso.

Ipinagbabawal lang ang gawaing naglalayong mapadali

ang buhay tulad lason o labis na dosis ng gamot.

Tandaan!

“Ang buhay ng tao ay napaka -halaga; kahit na ang pinakama- hihina at madaling matukso, mga maysakit, matatanda, mga hindi pa isinisilang, at mahihirap

Persons w/ Disabilities (PWD)

Ay mga obra ng Diyos na gawa sa sarili niyang imahe, laan upang mabuhay magpakailan- man at karapat-dapat sa mataas na paggalang at respeto”.

-Pope Francis of Rome

Sa pananaw ng iba’t ibang reli- hiyon, ang buhay ay sagrado. Ito

ay kaloob mula sa Diyos. Itinuturing na maling gawain ang hindi paggalang sa buhay

dahil

kabanalan ng indikasyon ito ng kawalan ng

pagpapasalamat at pagkilala sa

kapangyarihan ng Diyos.

“Ang bawat isa, normal man o hindi, ay maaaring

makapagbigay ng kontribusyon at makapag-ambag sa pagbabago ng

lipunan.”

Remember!

References:• Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Module.• Yahoo animated images.