MGA SALIGAN NG ISLAMIKONG PANINIWALADB%D9%83%FD%F1%20%F…  · Web viewAt tungkol naman sa...

25
ANG MGA SALIGAN NG ISLAMIKONG PANINIWALA Ang Pananampalatayang Islam – tulad ng unang naisalaysay – ay Paniniwala at Batas. At tunay na ating tinalakay ang ilan sa mga Batas nito, At nabanggit natin ang mga Saligan nito, na siyang tinataguriang mga Batayan sa mga Batas nito. At tungkol naman sa Islamikong Paniniwala, samakatuwid ang mga Batayan nito ay anim, At ito ay tinatawag na:mga Saligan ng Pananampalataya: ANG MGA SALIGAN NG PANANAMPALATAYA. 1-Ang Paniniwala sa kaisahan ng Allah. 2-Ang Paniniwala sa mga Anghel. 3-Ang Paniniwala sa mga Kasulatan. 4-Ang Paniniwala sa mga Sugo. 5-Ang Paniniwala sa Kabilang buhay. 6-Ang Paniniwala sa Itinakdang kapalaran, ang mabuti at masama nito. At sa katunayan, ang Aklat ng Allah at ang Sunnah ng Kanyang Sugo () ay kapwang nagpatunay sa mga Saligan na ito: Ayon sa Aklat ng Allah, Kanyang sinasabi: َ سْ يّ لّ رِ بْ ل ا نَ اْ واّ لَ وُ تْ مُ كَ ه وُ جُ وَ لَ بِ قِ قِ رْ # شَ مْ ل اِ بِ رْ ) غَ مْ ل اَ وّ نِ كَ َ لَ وّ رِ بْ ل اْ نَ مَ نَ م1 اِ ّ اِ بِ مْ وَ يْ ل اَ وِ رِ ) خَ لا اِ ةَ كِ ب1 لاَ مْ ل اَ وِ ابَ تِ كْ ل اَ وَ نB يّ تِ D بّ ) ت ل اَ و{Ang Kabutihan ay hindi ang inyong pagharap sa inyong mga mukha sa dakong silangan at sa kanluran, subalit ang (tinaguriang) Kabutihan ay yaong sinumang naniwala sa Allah, sa Huling-Araw, sa mga Anghel, sa banal na Kasulatan, at sa mga Propeta}. Al Baqarah:177 At tungkol naman sa Qadar, Siya ay nagsasabi: اّ ) بِ F اّ لُ كٍ ءْ يَ # شُ اهَ ) تْ قَ لَ ) خٍ رَ دَ قِ ب1 اَ مَ و* 1 اَ ) بُ رْ مَ اّ لاِ F اٌ هَ دِ اخَ وٍ حْ مَ لَ كِ رَ صَ بْ ل اِ ب{Katotohanan, Aming nilikha ang lahat ng bagay batay sa Qadar (naitakdang kapasiyahan), At wala ang Aming Kautusan kundi isang beses lang, nang parang kisap mata}. Al qamar:49- 50 At ayon naman sa Sunnah, naiulat mula kay Umar (Raa), siya ay nagsabi:( Nang mga sandaling kami ay nakaupo sa harap ng Sugo ng Allah () isang araw, biglang may sumulpot sa amin na isang lalaki, na masyadong napakaputi ng damit, masyadong napakaitim ng buhok, ni hindi nahahalata sa kanya ang bakas ng paglalakbay, At walang sinumang nakakaalam sa amin sa kanya, hangga’t sa umupo sa harap ng Propeta () at itinumbok ang kanyang dalawang tuhod sa magkabilang tuhod niya () at ipinatong ang kanyang dalawang palad sa magkabilang hita nito (), At kanyang sinabi: O Muhammad, Ipabatid mo sa akin ang tungkol sa Islam? At sumagot ang Sugo ng Allah (): Ang Islam ay ang iyong pagsaksi na walang tunay na Diyos maliban sa Allah. At si Muhammad ay tunay na Sugo ng Allah, ang pagsasagawa mo ng Salah, ang pagbigay mo ng Zakah, ang pag-aayuno mo sa buwan ng Ramadhan, at ang pagsasagawa mo ng Hajj o pagdalaw sa Sagradong bahay (ng Allah sa Makkah), kung nakayanan mo ang panustus ng daan papunta roon. – Siya ay nagsabi :Tama ka! – At kami ay nagtaka sa kanya, dahil nagtatanong siya sa kanya at pinatutunayan niya. Siya ay nagsabi: Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Iman? Kanyang () sinabi: Ang iyong paniniwala sa Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Kasulatan, sa Kanyang mga Sugo, sa Huling Araw, at ang iyong paniniwala sa nakatakdang kapalaran, ang mabuti nito at masama nito. - Siya ay nagsabi:Tama ka. – Kanyang sinabi ulit: Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Ihsan? Kanyang () sinabi: Ang iyong pagsamba sa Allah nang para mo Siyang nakikita. at kung hindi mo Siya nakikita, tunay na Siya ay nakakakita sa iyo. Siya ay nagsabi ulit: Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Oras (ng pagbangon muli)? Kanyang () sinabi: Ang tinatanong tungkol dito ay higit na hindi nakaaalam kaysa nagtatanong. Siya ay nagsabi ulit: Sabihin mo sa akin ang mga palatandaan nito. Kanyang () sinabi: #############Kapag ang mga anak ay nang-aabuso na sa kanilang mga magulang, At makikita mo, na ang mga mahihirap ay mag- aalaga ng tupa nang halos walang damit at sapatos, Na nag-uunahan sa pagpapatayo ng 1

Transcript of MGA SALIGAN NG ISLAMIKONG PANINIWALADB%D9%83%FD%F1%20%F…  · Web viewAt tungkol naman sa...

MGA SALIGAN NG ISLAMIKONG PANINIWALA

ANG MGA SALIGAN NG ISLAMIKONG PANINIWALA

Ang Pananampalatayang Islam – tulad ng unang naisalaysay – ay Paniniwala at Batas. At tunay na ating tinalakay ang ilan sa mga Batas nito, At nabanggit natin ang mga Saligan nito, na siyang tinataguriang mga Batayan sa mga Batas nito.

At tungkol naman sa Islamikong Paniniwala, samakatuwid ang mga Batayan nito ay anim, At ito ay tinatawag na:mga Saligan ng Pananampalataya:

ANG MGA SALIGAN NG PANANAMPALATAYA.

1-Ang Paniniwala sa kaisahan ng Allah.

2-Ang Paniniwala sa mga Anghel.

3-Ang Paniniwala sa mga Kasulatan.

4-Ang Paniniwala sa mga Sugo.

5-Ang Paniniwala sa Kabilang buhay.

6-Ang Paniniwala sa Itinakdang kapalaran, ang mabuti at masama nito.

At sa katunayan, ang Aklat ng Allah at ang Sunnah ng Kanyang Sugo (() ay kapwang nagpatunay sa mga Saligan na ito:

Ayon sa Aklat ng Allah, Kanyang sinasabi: لّيْسَ الْبِرّ أَن تُوَلّواْ وُجُوهَكُمْ قِبَلَ الْمَشْرِقِ وَالْمَغْرِبِ وَلَـَكِنّ الْبِرّ مَنْ آمَنَ بِاللّهِ وَالْيَوْمِ الاَخِرِ وَالْمَلآئِكَةِ وَالْكِتَابِ وَالنّبِيّينَ

{Ang Kabutihan ay hindi ang inyong pagharap sa inyong mga mukha sa dakong silangan at sa kanluran, subalit ang (tinaguriang) Kabutihan ay yaong sinumang naniwala sa Allah, sa Huling-Araw, sa mga Anghel, sa banal na Kasulatan, at sa mga Propeta}. Al Baqarah:177

At tungkol naman sa Qadar, Siya ay nagsasabi: إِنّا كُلّ شَيْءٍ خَلَقْنَاهُ بِقَدَرٍ * وَمَآ أَمْرُنَآ إِلاّ وَاحِدَةٌ كَلَمْحٍ بِالْبَصَرِ

{Katotohanan, Aming nilikha ang lahat ng bagay batay sa Qadar (naitakdang kapasiyahan), At wala ang Aming Kautusan kundi isang beses lang, nang parang kisap mata}. Al qamar:49-50

At ayon naman sa Sunnah, naiulat mula kay Umar (Raa), siya ay nagsabi:( Nang mga sandaling kami ay nakaupo sa harap ng Sugo ng Allah (() isang araw, biglang may sumulpot sa amin na isang lalaki, na masyadong napakaputi ng damit, masyadong napakaitim ng buhok, ni hindi nahahalata sa kanya ang bakas ng paglalakbay, At walang sinumang nakakaalam sa amin sa kanya, hangga’t sa umupo sa harap ng Propeta (() at itinumbok ang kanyang dalawang tuhod sa magkabilang tuhod niya (() at ipinatong ang kanyang dalawang palad sa magkabilang hita nito ((), At kanyang sinabi: O Muhammad, Ipabatid mo sa akin ang tungkol sa Islam? At sumagot ang Sugo ng Allah ((): Ang Islam ay ang iyong pagsaksi na walang tunay na Diyos maliban sa Allah. At si Muhammad ay tunay na Sugo ng Allah, ang pagsasagawa mo ng Salah, ang pagbigay mo ng Zakah, ang pag-aayuno mo sa buwan ng Ramadhan, at ang pagsasagawa mo ng Hajj o pagdalaw sa Sagradong bahay (ng Allah sa Makkah), kung nakayanan mo ang panustus ng daan papunta roon. – Siya ay nagsabi :Tama ka! – At kami ay nagtaka sa kanya, dahil nagtatanong siya sa kanya at pinatutunayan niya. Siya ay nagsabi: Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Iman? Kanyang (() sinabi: Ang iyong paniniwala sa Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Kasulatan, sa Kanyang mga Sugo, sa Huling Araw, at ang iyong paniniwala sa nakatakdang kapalaran, ang mabuti nito at masama nito. - Siya ay nagsabi:Tama ka. – Kanyang sinabi ulit: Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Ihsan? – Kanyang (() sinabi: Ang iyong pagsamba sa Allah nang para mo Siyang nakikita. at kung hindi mo Siya nakikita, tunay na Siya ay nakakakita sa iyo. Siya ay nagsabi ulit: Sabihin mo sa akin ang tungkol sa Oras (ng pagbangon muli)? Kanyang (() sinabi: Ang tinatanong tungkol dito ay higit na hindi nakaaalam kaysa nagtatanong. Siya ay nagsabi ulit: Sabihin mo sa akin ang mga palatandaan nito. Kanyang (() sinabi: #############Kapag ang mga anak ay nang-aabuso na sa kanilang mga magulang, At makikita mo, na ang mga mahihirap ay mag-aalaga ng tupa nang halos walang damit at sapatos, Na nag-uunahan sa pagpapatayo ng matataas na gusali. Pagkatapos, siya ay lumisan. At nakalipas muna nang ilang araw, saka niya (() sinabi sa akin: O Umar ! Alamo ba, kung sino ang nagtatanong na iyon?. At aking sinabi :Ang Allah at ang Kanyang Sugo (() ang nakakaalam nito. Siya (()ay nagsabi: “Siya si Jibrel, dumating sa inyo upang turuan kayo sa inyong Relihiyon”. Isinalaysay ni Muslim.

Ang anim na Saligang ito ay napagkaisahan ng lahat ng Sugo at lahat ng Batas, at nakasaad sa mga banal na Kasulatan. Kaya hindi ganap ang Pananampalataya ng isang tao hangga’t hindi niya pinaniniwalaan ang mga ito, at sinuman ang tumanggi sa isa sa mga ito, Siya ay tumiwalag na sa Pananampalataya at siya ay magiging Kafir na.

1- ANG PANINIWALA SA ALLAH:

Ang paniniwala sa Allah ay ang wagas na Pananampalataya at Paniniwala sa pagka-Panginoon ng Allah, ang tanging Namamahala, Nagmamay-ari at lumikha sa lahat ng bagay. Katunayan, Siya lamang ang karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba. at ang may ganap na katangian. Luwalhatiin Siya sa lahat ng kakulangan at kapintasan, kaya dapat lang na panatiliin ito at maging tapat sa pagsagawa nito.

Ang paniniwala sa Allah ay sumasaklaw sa apat na bagay:

[A] Ang paniniwala sa pagkaroon ng Allah.

Ang pagkaroon ng Allah ay napatutunayan sa mga sumusunod na babanggitin:

Sa fitrah / kaisipan / batas /at sa pakiramdam.

1-Ang patunay nito sa Fitrah: Sa satunayan, ang lahat ng nilalang ay likas na nilikha sa kanya ang Fitrah (ang paghahanap at paniniwala sa Tagapaglikha) hindi na kailangang pairalin pa ang isipan dito, at bigyan ng masugid na pag-aaral. At ito’y hindi kusa na lamang nawawala at naibabaling sa iba, maliban kung may panibagong nagaganap sa kanyang kalooban, at ito’y maging dahilan ng kanyang paglihis mula rito.

Dahil ang Propeta (() ay nagsabi: (Ang lahat ng ipinapanganak ay ipinanganganak sa Fitrah (Islam), Samakatuwid ang kanyang dalawang magulang ang nagtatakda ng kanyang pagiging Hudyo, Kristiyano at Pagano). Isinalaysay ni Al Bukhari

2-Ang patunay nito sa kaisipan:

Ang lahat ng nilikhang ito, ang mga nauna at ang sumunod pa rito, dapat lang na may lumikha at gumawa nito. ni hindi maaring magkaroon ang isang may buhay, na siya mismo ang lumikha sa kanyang sarili, at ito’y hindi rin maari na bigla na lamang magkakaroon. Ang mga ito ay hindi nilikha nang walang pinagmulan, at hindi rin sila ang lumikha sa kanilang sarili.

At ito ay pinatutunayan ng Quran, ang Allah ay nagsabi: أَمْ خُلِقُواْ مِنْ غَيْرِ شَيْءٍ أَمْ هُمُ الْخَالِقُونَ

{Sila ba ay nilikha nang walang pinagmulang bagay, o sila ba ang tagapaglikha ng kanilang sarili}. At-Tur:35

3-Ang patunay nito sa batas:

At dahil sa ang lahat ng kasulatang pangkalangitan ay nagsasabi nito. at sa mga naihatid nito (mula sa mga wastong pananalig na naglilinis ng kalooban) at sa mga matuwid na alituntunin nito na sumasaklaw sa lahat ng ikakabuti ng nilalang. Ito’y nagpapatunay lamang na ang lahat ng mga ito ay nagmula sa nag-iisang Panginoon, na ganap sa paggawa at ang tanging nakakaalam sa ikabubuti ng Kanyang mga nilikha. at gayon din sa mga naihatid nito tungkol sa mga pangkalawakang balita na siya namang napatunayan sa kasalukuyan, na ang lahat ng ito ay pawang katotohanan. Ito’y nagpapatunay lamang na nag-iisang Panginoong makapangyarihan ang tanging may kakayahang lumikha sa lahat ng Kanyang tinuran at ginusto.

4-At tungkol naman sa patunay nito sa pakiramdam ay may dalawang bahagi:

1-Katotohanan, tayong lahat ay nakakarinig at nakakasaksi sa mga katuparan ng kahilingan ng taong humihiling,at ng mga taong humihiling para sa ikagagaan ng kanilang paghihirap. Ito’y nagpapatunay nang walang pag-aalinlangan sa pagkaroon ng Allah. at ito’y sadyang pinatunayan na ng Quran at ng Sunnah.

Gaya ng sinabi ng Allah: وَنُوحاً إِذْ نَادَىَ مِن قَبْلُ فَاسْتَجَبْنَا لَهُ

{At si Nuh, (tandaan) noong siya ay nanawagan noon, at Aming tinugunan sa kanya}. Al anbiyaa’ :76

At sa Sunnah, tungkol naman ito sa kuwento ng isang arabo, nang siya ay pumasok sa Masjid sa araw ng Biyernes, at kanyang hiniling sa Sugo ng Allah (() na humiling ito sa Allah ng ulan para sa kanila .

2-Ang mga tanda ng mga Propeta na tinatawag na Mua’jizat (Kapangyarihan) at ito ay tunay na nasaksihan ng mga tao o kanilang narinig. Ito’y nagpapatunay lamang sa pagkaroon ng Nagsugo sa kanila, na walang iba kundi ang Allah. dahil ang lahat ng mga ito ay mga bagay na humihigit sa kakayahan ng tao. At ito ay himala ng Allah upang maging katibayan at gabay ng Kayang Sugo sa kanyang pagka-Propeta.at ito’y nakakatulong sa kanila.

Ang mga halimbawa nito:

Si Muosa (As) nang kanyang hampasin ang dagat at ito’y nahati nang parang daan.

Si Eisa (As) ay nagbubuhay ng patay (sa kapahintulutan ng Allah).

Si Muhammad (() ay kanyang itinuro ang buwan at ito’y nahati nang dalawang bahagi.

[B] Ang paniniwala sa Kanyang (Allah) pamamahala:

Ang ibig sabihin nito: Siya lamang ang kaisa-isang Panginoon na namamahala, wala Siyang katambal at wala Siyang kasama na tumutulong sa Kanya (Tawheed Ar-Rubuobiyyah).

Ang “Rab” ay ang sinumang nagmamay-ari ng nilalang, kaharian at ng lahat ng bagay.

Ang Allah ay nagsabi: أَلاَ لَهُ الْخَلْقُ وَالأمْر

{Katiyakan, pagmamay-ari Niya ang nilalang at ang kautusan}.Al-A’raf:54

[C] Ang paniniwala sa Kanyang pagka-Diyos:

Ang ibig sabihin nito: Siya lamang ang kaisa-isang tunay na Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba, wala Siyang katambal (Tawheed Al-Uluohiyyah). Ang ibig sabihin ng “ilaah” ay ang tanging pag-uukulan ng pagmamahal at pagsamba.

Sinabi ng Allah: وَإِلَـَهُكُمْ إِلَـَهٌ وَاحِدٌ لاّ إِلَـَهَ إِلاّ هُوَ الرّحْمَـَنُ الرّحِيمُ

{At ang inyong Panginoon ay iisa, walang Diyos maliban sa Kanya (Allah), ang Mapagpala, ang Mahabagin}. Al Baqarah:163

[D] Ang paniniwala sa Kanyang mga pangalan at katangian:

Ang ibig sabihin nito: ang pagpapatunay sa mga pinatutunayan ng Allah sa Kanyang sarili sa Quran, o sa Sunnah ng Kanyang Sugo (() tungkol sa mga pangalan at katangiang naaangkop lamang sa Kanya., nang walang pagpapalit ng kahulugan, ni walang pagtatanggi ng kahulugan, ni walang paglalarawan ng kahulugan, at walang paghahalintulad.

Sinabi ng Allah sa Qur’an: وَللّهِ الأسْمَآءُ الْحُسْنَىَ فَادْعُوهُ بِهَا

{At taglay ng Allah ang mga magagandang pangalan, kaya manawagan kayo sa kanya sa pamamagitan ng mga ito}.Al-A’raf:180

At sinabi pa Niya: لَيْسَ كَمِثْلِهِ شَيْءٌ وَهُوَ السّمِيعُ الْبَصِيرُ

{Walang anumang bagay na kasing tulad Niya, at Siya ay ang Nakakarinig, ang Nakakakita}.Ash-Shura: 11 (Tawheed Al-Asma’ was Sifaat)

Ang paniniwala sa Allah ay nagdudulot ng magagandang bagay sa buhay ng Mananampalataya.

Ang ilang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

1-Napatutunayan ang kaisahan ng Allah dahil sa Kanya lamang naiuukol ang pagmamahal at takot, at ang hindi pagsamba sa anumang diyus-diyosan maliban sa kanya.

2-Nagiging ganap ang pag-ukol ng pagmamahal at pag-samba sa Kanya, sa pamamagitan ng Kanyang magagandang Pangalan at matataas na Katangian.

3-Ang pagpapatunay sa pagsamba sa Kanya lamang, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Kanyang mga ipinag-uutos, at pag-iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal.

4-Ang kaligayahan dito sa Mundo at sa Kabilang-Buhay.

2- ANG PANINIWALA SA MGA ANGHEL

Ang paniniwala sa mga Anghel ay ang wagas na paniniwala na ang Allah ay may mga Anghel at Kanyang nilikha sila mula sa liwanag at inatasan silang lahat ng gawain na dapat nilang gampanan at binigyan sila ng ganap na kakayahan para sumunod sa Kanyang ipinag-uutos at isakatuparan ito. Ang mga Anghel ay isang daigdig na lingid, mga nilalang, sumasamba sa Allah, wala silang taglay na anumang mga katangian ng pagka-Panginoon at pagka-Diyos.

Ang Allah ay nagsabi sa Quran: وَلَهُ مَن فِي السّمَاوَاتِ وَالأرْضِ وَمَنْ عِنْدَهُ لاَ يَسْتَكْبِرُونَ عَنْ عِبَادَتِهِ وَلاَ يَسْتَحْسِرُونَ * يُسَبّحُونَ الْلّيْلَ وَالنّهَارَ لاَ يَفْتُرُونَ

{At pagmamay-ari Niya ang sinumang nasa mga kalangitan at sa kalupaan. At ang sinumang (mga Anghel) naroroon sa Kanya ay hindi nagmamalaki sa pagsamba sa Kanya, ni naiinip o napapagod, sila ay nagpupuri sa gabi’t araw, ni hindi sila nanghihina (sa kanilang ginagawa)}. Al-Anbiya’ :19-20

Sadyang napakarami ng bilang nila, walang nakakaalam nito maliban sa Allah. at tunay na napagtanto sa As-Sahihain (Al Bukhari & Muslim) batay sa Hadith na naiulat ni Anas (Raa) tungkol sa kuwentong “Al me’raaj”, na sa oras na yaon ay ipinagbigay alam sa Propeta (() ang tungkol sa “Al baytul Ma’moor” na naroroon sa langit, na sa bawat araw ay nagsasalah doon ang pitumpong libo na Anghel, na kapag sila’y nakalabas na mula roon , hindi na sila nakababalik sa huling punta nila roon.

Ang paniniwala sa mga Anghel ay napaloloob ang apat na bagay:

1-Ang paniniwala sa pagkaroon nila.

2-Ang paniniwala sa sinumang nalaman natin ang kanyang pangalan sa kanila, katulad ni Jibreel (As). At sinuman ang hindi natin nalaman ang kanyang pangalan, ating paniwalaan sila sa pangkalahatang pananaw.

3-Ang paniniwala sa anumang nalaman natin sa kanilang mga kaanyuan, tulad ng anyo ni Jibreel, tunay na ipinahayag ng Propeta (() na kanya itong nakita sa kanyang anyo ayon sa pagkalikha sa kanya, at mayroon siyang anim na daan na pakpak, na halos natabingan nito ang buong himpapawid.

At kung minsan ay nagpapalit ng anyo ang Anghel sa kapahintulutan ng Allah sa anyong lalaki. katulad ng nangyare kay Jibreel nang ipadala siya ng Allah para pumunta kay Maryam at siya ay nagsa-anyo sa harap niya ng isang ganap na tao. At gayon din nang dumating siya sa Propeta ((), habang siya ay nakaupo kasama ng kanyang mga Sahabah, siya ay nagsa-anyo ng isang lalaki. (Isinalaysay ni Muslim)

At gayon din ang mga Anghel na ipinadala ng Allah kay Ebrahim at Loot, sila’y nagsa-anyong mga lalaki.

4-Ang paniniwala sa anumang nalaman natin sa kanilang mga gawain nila, na kanilang isinasagawa ayon sa kautusan ng Allah, katulad halimbawa ng pagluwalhati sa Kanya, at pagsamba sa Kanya sa gabi’t araw nang walang pagyayamot, ni panghihina dulot ng kapaguran.

At maaring ang iba sa kanila ay may personal na mga gawain, tulad halimbawa ni Jibreel, siya ang pinagkakatiwalaan sa Kapahayagan ng Allah, sa kanya ipinapadala ito para sa mga Propeta at Sugo.

Si Mikaa-eil, ang naatasan sa ulan at mga pananim.

Si Esrafil, ang naatasang sa pag-ihip ng tambuli, sa sandaling dumating ang takdang oras ng Paghuhukom at pagbangon-muli ng nilalang.

Si Malakal Mawt, ang inatasan sa paghugot ng mga kaluluwa sa takdang oras ng kamatayan.

Si Malik, ang inatasan sa Impiyerno, at siya ang tagapagbantay ng Apoy ng Impiyerno.

At katulad pa ng mga Anghel na inatasang mamamahala sa mga batang nasa mga sinapupunan, na kapag naganap sa tao ang apat na buwan sa loob ng tiyan ng kanyang ina, nagpadala ang Allah sa kanya ng Anghel, at Kanyang ipinag-utos dito na isulat ang panustus nito, ang takda ng buhay nito, ang gawain nito, at kung ito ay isang masama o mabuting tao.

At katulad ng mga Anghel na inatasan sa pangangalaga ng mga inapo ni Adam.

At katulad ng mga Anghel na inatasang mamamahala sa mga gawain ng inapo ni Adam, at ang pagsulat dito sa bawat tao sa pamamagitan ng dalawang Anghel, ang isa kanila ay naasa bandang kanan at ang ikalawa ay nasa kaliwa.

At katulad ng mga Anghel na inatasan sa pagtatanong sa patay, na kapag nailagay na ito sa kanyang libingan, darating sa kanya ang dalawang Anghel na magtatanong sa kanya tungkol sa kanyang Panginoon, sa kanyang Relihiyon at sa kanyang Propeta.

Ang paniniwala sa mga Anghel ay nagdudulot ng mga magagandang kahihinatnan.Ang ibang bahagi nito ay ang mga sumusunod:

1-Ang kaalaman sa kadakilaan ng Allah,sa kanyang lakas,at ng kanyang kapangyarihan.Dahil ang kadakilaan ng nilalang ay nagpapatunay lamang sa kadakilaan ng lumikha.

2-Ang pagpapasalamat sa Allah sa kanyang pangangalaga sa mga anak ni Adam,dahil ang iba sa mga Anghel na iyon ay itinalaga para pangalagaan sila,at isulat ang kanilang mga gawain at iba pa,para sa kabutihan nila.

3-Ang pagmamahal sa mga Anghel,dahil sa mga ginagampanan nilang mga tungkuling pagsamba sa Allah.

Ngunit tumanggi ang ibang grupo na nagmula sa Zaa-igeen(Mga naliligaw sa landas)sa pagkaroon ng Anghel ng sariling katawan.at ang sabi nila: Sila’y kathang isip lamang na sumasangguni sa mga mabubuting gawain ng mga nilalang.At iyan ay pagpapabulaan sa aklat ng Allah at sa sunnah ng kanyang Sugo(Saw) at sa napagka-isahan ng mga Muslim.

Ang Allah ay nagsabi sa Quran: الْحَمْدُ للّهِ فَاطِرِ السّمَاوَاتِ وَالأرْضِ جَاعِلِ الْمَلاَئِكَةِ رُسُلاً أُوْلِيَ أَجْنِحَةٍ مّثْنَىَ وَثُلاَثَ وَرُبَاعَ

{Ang lahat ng papuri ay saAllah (lamang), na lumikha ng mga kalangitan at kalupaan, ang lumikha ng mga Anghel bilang mga Sugo, na may kanya-kanyang mga pakpak, dalawa, tatlo at apat}. Faatir:1

Sa Sahih ni Al Bukhari, nai-ulat ni Abu Hurayrah(Raa),ang Propeta(Saw)ay nagsabi: (Kapag nagustuhan ng Allah ang isang lingkod, kanyang tinatawag si Jibreel at sinasabi sa kanya:(Katotohanan,ang Allah ay kinagigiliwan si ginoo kaya dapat mo siyang kagiliwan.at kanyang kagigiliwan ito. pagkatapos, siya ay mananawagan sa mga naroroon sa kalangitan.katotohanan,ang Allah ay kinagigiliwan si ginoo,kaya dapat ninyong kagiliwan siya.at kanilang kagigiliwan ito.pagkatapos iparating sa lupa ang kanyang tagumpay).

At muli siyang nag-ulat,ang Propeta(Saw)ay nagsabi: (Kapag araw ng Biyernes,ang bawat pintuan ng Masjid ay may mga Anghel na isinusulat ng sunod-sunod ang bawat pumapasok,na kapag nakaupo na ang Imam,silay makikilinya na rin,at makikinig ng mesa).

Ang mga talata na ito,ay maliwanag na nagpapatunay na ang mga Anghel ay may sariling katawan.hindi kathang isip lamang,gaya ng pinagsasabi ng mga taong nawawala sa tamang landas.at dahil sa patunay at paghahayag ng mga talatang ito,nagka-isa ang mga Muslim tungkol dito.

{ AL JINN }

Ang Jinn ay may daigdig na lingid,silay nilikha mula sa apoy,at silay naunang nilikha kay sa paglikha sa Tao.

Gaya ng sinabi ng Allah: وَلَقَدْ خَلَقْنَا الإِنسَانَ مِن صَلْصَالٍ مّنْ حَمَإٍ مّسْنُونٍ * وَالْجَآنّ خَلَقْنَاهُ مِن قَبْلُ مِن نّارِ السّمُومِ

{At sa katunayan Aming nilikha ang Tao (Adam) mula sa alabok na yari sa lupang itim na nagpapalit ang kulay o amoy.(nito)at ang Jinn (Eblis), Amin siyang nilikha na nauna (kay Adam) mula sa apoy na napaka-init at walang usok}. Al Hijr:26-27

Silay inuubliga sa mga kautusang tinatanggap nila mula sa Allah,at sa mga ipinagbabawal nito.kaya mayroon din sa kanila ang sumasampalataya at mayroong hindi sumasampalataya.mayroong sumusunod,at mayroon ding sumusuway.

Ang Allah ay nagturan sa Quran tungkol sa kanila:

وَأَنّا مِنّا الْمُسْلِمُونَ وَمِنّا الْقَاسِطُونَ فَمَنْ أَسْلَمَ فَأُوْلَـَئِكَ تَحَرّوْاْ رَشَداً * وَأَمّا الْقَاسِطُونَ فَكَانُواْ لِجَهَنّمَ حَطَباً

{Katotohanan,ang iba sa amin ay mga Muslim,at ang iba ay hindi.at ang sino man ang nagmuslim sa kanila,sila yaong hinangad ang katotohanan.at tungkol naman sa mga hindi nagmuslim,sila ang panggatong sa impiyerno}. Al Jinn:14-15

At nagturan pa siya: وَأَنّا مِنّا الصّالِحُونَ وَمِنّا دُونَ ذَلِكَ كُنّا طَرَآئِقَ قِدَداً

{Katotohanan,ang iba sa amin ay mabubuti at ang iba ay hindi,kami ay pangkat na magkahiwa-hiwalay}. Al Jinn: 11

Ang ibig sabihin ng pangkat na magkahiwa-hiwalay ay ang bawat pangkat ay may kanya kanyang sinusunod.katulad din ng nangyayari sa tao,kaya ang hindi sumasampalataya sa kanila ay papasok ng impiyerno.itoy pinagka-isahan ng mga muslim. at ang sumasampalataya sa kanila ay papasok ng paraiso,tulad ng tao.

Ang Allah ay nagsabi sa Quran: وَلِمَنْ خَافَ مَقَامَ رَبّهِ جَنّتَانِ * فَبِأَيّ آلآءِ رَبّكُمَا تُكَذّبَانِ

{Ang sinumang may takot sa pakikipagharap sa kanyang panginoon ay magkakaroon ng dalawang harden. kaya alin pa sa mga ibinibigay ng inyong (Ang tao at ang jinn) panginoon ang inyong pinabubulaanan}. Arrahman: 46-47

Ang pandadaya ay nangyayari sa kanila (Jinn) at nangyayari din sa tao.

Dahil sinabi ng Allah sa Hadeeth Qudsi: ( يا عبادي إني حرمت الظلم على نفسي وجعلته بينكم محرما فلا تظالموا )

{O aking mga lingkod! Katotohanan,aking ipinagbabawal sa aking sarili ang pandadaya , at aking ipinagbabawal din ito sa inyo. kaya huwag kayong mandaya}. Isinalaysay ni Muslim.

Magkagayon man,minsan ay kanilang inaabuso ang tao,tulad minsan ng pag-aabuso ng tao sa kanila.

Ang ibang uri ng pag-aabuso ng tao sa kanila ay gagawing panlilinis ng tao ang buto ng hayop o ang dumi nito.

Sa Sahih ni Muslim,nai-ulat ni ibn Mas-uod(Raa),nang ang mga jinn ay humiling sa Propeta(Saw)ng pagkain.sinabi ng Propeta(Saw): (Inyo ang lahat ng butong nabanggit dito ang pangalan ng Allah na napapasa kamay ninyo, kalimitan ay may laman pa ito.at ang mga dumi ng hayop ay pagkain ng mga hayop ninyo).

At sinabi pa niya:(Huwag ninyong ipanglinis ang buto o dumi ng hayop, dahil pagkain ito ng mga kapatid ninyo(mga jinn).

Ang ibang uri ng pag-aabuso ng jinn sa tao:

1-Sinasakop nila ang tao sa paraang pag-uudyok,panggugulo ng kanilang kalooban.

2-Tinatakot nila ang tao para mamalagi ang takot sa kanilang kalooban, lalong lalo na kung makikipag-ugnayan ang tao sa kanila.

Sinabi ng Allah: وَأَنّهُ كَانَ رِجَالٌ مّنَ الإِنسِ يَعُوذُونَ بِرِجَالٍ مّنَ الْجِنّ فَزَادوهُمْ رَهَقاً

{Katotohanan,may mga kalalakihang tao na nagpapakupkup sa mga kalalakihang jinn,kaya mas lalo nilang naililigaw sila}. Al Jinn:6

3-Ang Jinn ay nakikipaghamok sa tao,at kanya itong nagagapi.

Ang pakikihamok ay may dalawang uri:

1-Ang pakikipaghamok sa jinn.

2-Ang pakikipaghamok sa sakit ng katawan.

3-ANG PANINIWALA SA MGA KASULATAN:

Itoy ang lubos na pagpapatunay na ang Allah ay may mga aklat na ipinababa sa kanyang mga Propeta at Sugo.at ang paniniwalang ang Quran ay pinawalan ng saysay ang mga nauna sa kanya.at ginawan ng Allah ng sariling katangian na wala sa mga naunang kasulatan,katotohanan ang Quran ay tunay na kanyang salita.Ang tinutukoy na mga aklat,ay ang mga kasulatang ipinahayag ng Allah sa kanyang mga Sugo para sa kabutihan ng nilalang, at mapatnubayan sila para makamtan nila ang kasiyahan dito sa mundo at sa kabilang buhay.

At ang paniniwala sa mga kasulatan ay napapaloob ito sa apat na sangkap:

1]Ang paniniwala na ang pagkakapahayag ng mga kasulatan ay totoong nagmula sa Allah.

2]Ang paniniwala sa mga napag-alaman nating pangalan nito.kabilang dito ang Quran na ipinahayag kay Muhammad(Saw).at ang Tawrah na ipinahayag kay Muosa(As),at ang Injeel na ipinahayag kay Eisa(As),at ang Zaboor na ipinahayag kay Daud(As).at tungkol naman sa iba pang hindi natin napag-alaman ang pangalan nito ay dapat din nating paniwalaan sa pangkalahatang pananaw.

3]Ang pagpapatunay sa mga tamang nakasaad dito.katulad ng mga nasasaad sa Quran, at ang mga nakasaad dito ay hindi pinapalitan o binabali-wala ang mga nilalaman ng mga naunang kasulatan.

4]Ang gampanan ang mga alituntunin nito na hindi napawalan ng saysay,kagiliwan ito,at magpapasailalim dito,maging ito man ay ating alam ang kahihinatnan nito o hindi, at ang lahat ng naunang kasulatan ay pinawalan ng saysay ng Quran.

Ang Allah ay nagsabi: وَأَنزَلْنَآ إِلَيْكَ الْكِتَابَ بِالْحَقّ مُصَدّقاً لّمَا بَيْنَ يَدَيْهِ مِنَ الْكِتَابِ وَمُهَيْمِناً عَلَيْهِ

{Katotohanang pinababa namin sa iyo ang Quran para magpatunay sa mga kasulatang nauna sa kanya,o maging saksi nito at ang magpapasiya}. Al Maa-idah:48

At dahil diyan,hindi maaaring gampanan ang anomang alituntunin sa mga alituntunin ng mga naunang kasulatan maliban na lang kung itoy inaayunan o pinahihintulutan ng Quran.

Ang paniniwala sa mga kasulatan ay nagdudulot ng mga magagandang kahihinatnan,ang iba nito ay ang mga sumusunod:

1]Ang kaalaman sa pamamahala ng Allah sa kanyang mga lingkod,dahil kanyang ipinahayag sa bawat pamayanan ang isang aklat na magpapatnubay sa kanila.

2]Ang kaalaman sa layunin ng Allah sa kanyang batas.dahil kanyang iniatas sa bawat pamayanan ang nababagay sa kanilang mga kalagayan.

Tulad ng sinabi ng Allah: لِكُلّ جَعَلْنَا مِنكُمْ شِرْعَةً وَمِنْهَاجاً

{Ang bawat isang pamayanan sa inyo ay ginawan namin ng batas at pamamaraan}. Al Maa-idah:48

3]Ang pagpapasalamat sa mga biyayang bigay ni Allah.

4-ANG PANINIWALA SA MGA SUGO:

Itoy ang lubos na pagpapatunay na ang Allah ay nagsugo sa bawat pamayanan ng isang Sugo para mag-anyaya sa kanila na sumamba kay Allah lamang ng walang pagtatambal.at ang pagtakwil sa mga iba pang sinasamba liban sa kanya.Katotohanan,silang lahat ay matatapat at may tunay na takot kay Allah,at mapapagkatiwalaan,at kanila ding nagampanan ang kani-kanilang tungkulin,at itoy naiparating nila sa kani-kanilang pamayanan,at kanilang pinatatag ang tanda at katibayan ng Allah sa lahat ng sangkatauhan.

Ang tinutukoy na sugo dito ay ang sinumang taong ikinasi sa kanya ang batas at ipinag-utos sa kanya na iparating ito sa mga tao.Ang unang sugo ay si Nooh,at ang huli ay si Muhammad(Saw).

Sinabi ng Allah: إِنّآ أَوْحَيْنَآ إِلَيْكَ كَمَآ أَوْحَيْنَآ إِلَىَ نُوحٍ وَالنّبِيّينَ مِن بَعْدِهِ

{Katotohanan,aming ikinasi sa iyo ang katulad ng ikinasi namin kay Nooh,at sa mga propetang sumunod sa kanya}. Annisa’:163

At sa Saheeh ni Al Bukhari,si Anas bin Malik(Raa)ay nag-ulat tungkol sa “Hadeeth ng pamamagitan”. nabanggit ng Propeta(Saw)na ang mga tao sa araw ng paghuhukom ay pupunta kay Adam para mamagitan sa kanila,ngunit itoy hihingi ng paumanhin sa kanila,at magsasabi:pumunta kayo kay Nooh,ang unang sugo na sinugo ng Allah….

At sinabi ng Allah tungkol kay Muhammad(Saw): مّا كَانَ مُحَمّدٌ أَبَآ أَحَدٍ مّن رّجَالِكُمْ وَلَـَكِن رّسُولَ اللّهِ وَخَاتَمَ النّبِيّينَ

{Hindi naging magulang ng isa sa inyo si Muhammad,bagkus siya ay isang sugo ng Allah at ang pinakahuling propeta}. Al Ahzab:40

At walang pamayanan na wala itong isang sugo na sinugo ng Allah sa kanyang mga tauhan na may sariling batas,o isang propeta na ikinasi sa kanya ang batas ng nauna sa kanya para itoy kanyang ipagpapatuloy o panatilihin.

Ang Allah ay nagsabi: وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلّ أُمّةٍ رّسُولاً أَنِ اعْبُدُواْ اللّهَ وَاجْتَنِبُواْ الْطّاغُوتَ

{Katotohanan,aming sinugo sa bawat pamayanan ang isang sugo para mag-anyaya sa inyo na sambahin ang Allah,at itakwil ang mga diyos diyosan}.Annahl:36

At sinabi pa ng Allah: وَإِن مّنْ أُمّةٍ إِلاّ خَلاَ فِيهَا نَذِيرٌ

{Walang pamayanan maliban na mayroon itong tagapagbabala}. Faatir:24

At sinabi pa niya: إِنّآ أَنزَلْنَا التّوْرَاةَ فِيهَا هُدًى وَنُورٌ يَحْكُمُ بِهَا النّبِيّونَ الّذِينَ أَسْلَمُواْ لِلّذِينَ هَادُواْ

{Katotohanan,aming ibinaba ang Tawrah na mayroon itong patnubay at liwanag sa mga alituntuning siyang ipinagpapasiya ng mga propetang nagpapasailalim sa kagustuhan ng Allah para sa mga pantas ng angkan ng israel}. Al maidah:44

Ang mga sugo ay mga taong nilikha,wala sa kanila ang mga katangian ng tagapamahala at pagka-panginoon kahit kaunti.

Ang Allah ay nagsabi tungkol sa kanyang Propeta (Muhammad(Saw) na siyang pangulo ng mga sugo at may dakilang antas doon kay Allah:

(قُل لاّ أَمْلِكُ لِنَفْسِي نَفْعاً وَلاَ ضَرّاً إِلاّ مَا شَآءَ اللّهُ وَلَوْ كُنتُ أَعْلَمُ الْغَيْبَ لاَسْتَكْثَرْتُ مِنَ الْخَيْرِ وَمَا مَسّنِيَ السّوَءُ إِنْ أَنَاْ إِلاّ نَذِيرٌ وَبَشِيرٌ لّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ (

{Sabihin mo!hindi ko angkin ang aking sarili sa kabutihang maaari kong matamo,at sa kapahamakang maaaring daratal sa akin,maliban kung itoy naisin ng Allah,at kung alam ko lang ang bagay na lingid, sanay paparamihin ko ang kabutihang matatanggap ko,at hindi daratal sa akin ang masama,at wala sa akin kundi para magbabala at magbigay ng magagandang balita sa mga taong sumasampalataya}. Al aa’raf:188

At sinabi pa ng Allah: قُلْ إِنّي لاَ أَمْلِكُ لَكُمْ ضَرّاً وَلاَ رَشَداً * قُلْ إِنّي لَن يُجِيرَنِي مِنَ اللّهِ أَحَدٌ وَلَنْ أَجِدَ مِن دُونِهِ مُلْتَحَداً

{Sabihin mo,hindi ko angkin ang masama para hindi daratal sa inyo,at ang mabuti para mapasa inyo.sabihin mo!katotohanan,akoy walang karapatang humadlang o pumigil kahit kanino sa parusang itinakda ng Allah.at kailan man,wala akong sisilungan bukod sa kanya}. Al jinn:21-23

At silay may angking katangian ng tao,dumaratal at dumarating sa kanila ang sakit,kamatayan,at ang pangangailangan sa pagkain at pag-inom at ibp.

Ang Allah ay nagsabi tungkol kay Ibrahem(As)nang kanyang ilarawan ang kanyang panginoon:

(وَالّذِي هُوَ يُطْعِمُنِي وَيَسْقِينِ * وَإِذَا مَرِضْتُ فَهُوَ يَشْفِينِ * وَالّذِي يُمِيتُنِي ثُمّ يُحْيِينِ (

{ Siya ang nagpapakain sa akin at nagpapainom, at kapag akoy nagkasakit siya ang nagpapagaling sa akin,at siya ang bumabawi ng aking buhay,pagkatapos ay muling bigyan ng buhay}. Ash-shuaraa’:79-81

At sinabi pa ng Allah , nang ang Propeta Muhammad(Saw)ay magsabi: "إنمـا أنا بشر مثلكم أنسى كما تنسون فإذا نسيت فذكروني".

{Tanging akoy isang taong katulad ninyo,nakakalimot gaya ng inyong pagkalimot,kaya kapag akoy nakalimot,inyo akong paalalahanan}.

Katunayan,inilarawan ng Allah na silay tanging tagapaglingkod sa kanya,sa kabila ng kanilang matataas na antas, at naipapahiwatig ito sa pagpupuri niya sa kanila.

Sinabi ng Allah ang tungkol kay Nooh(As): إِنّهُ كَانَ عَبْداً شَكُوراً

{Katotohanan,siya ay isang lingkod na mapagpasalamat}. Al israa’:3

At sinabi ng Allah ang tungkol sa Propeta(Saw): تَبَارَكَ الّذِي نَزّلَ الْفُرْقَانَ عَلَىَ عَبْدِهِ لِيَكُونَ لِلْعَالَمِينَ نَذِيراً

{Napakadakila ang nagpababa ng Quran sa kanyang lingkod para maging itoy magbabala sa lahat ng daigdig}. Al furqan:1

At sinabi pa niya ang tungkol kay Ibrahem,Ishaq,at Yaqub(Ahs):

(وَاذْكُرْ عِبَادَنَآ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ أُوْلِي الأيْدِي وَالأبْصَارِ * إِنّآ أَخْلَصْنَاهُمْ بِخَالِصَةٍ ذِكْرَى الدّارِ * وَإِنّهُمْ عِندَنَا لَمِنَ الْمُصْطَفَيْنَ الأخْيَارِ (

{At gunitain mo ang aming mga tagalingkod na si Ibrahem,Ishaq,at Yaqub na may mga malakas at matatag na pananampalataya,at may mga tamang kaalaman sa relihiyon. katotohanan,aming ginawang banal at dalisay sila para tunay nilang magunita ang kabilang buhay.at silang lahat ay aming pinili, at may mga magagandang asal}. Sad:45-47

At sinabi pa niya ang tungkol kay Eisa anak ni Maryam(As): إِنْ هُوَ إِلاّ عَبْدٌ أَنْعَمْنَا عَلَيْهِ وَجَعَلْنَاهُ مَثَلاً لّبَنِيَ إِسْرَائِيلَ

{Siya ay tanging isang lingkod lamang na binigyan namin ng karangalan sa kanyang pagka-propeta,at nilikha namin siyang walang ama para maging halimbawa sa angkan ng Israel}. Azzukhruf:59

Ang paniniwala sa mga Propeta ay may apat na sangkap:

1)Ang paniniwala na ang kanilang mga mensahe ay totoong nagmula kay Allah,at ang sinumang tanggihan ang mensahe ng isa sa kanila ay kanyang tinanggihan silang lahat.

Gaya ng sinabi ng Allah: كَذّبَتْ قَوْمُ نُوحٍ الْمُرْسَلِينَ

{Pinabulaanan ng mga tauhan ni Nooh ang lahat ng sugo}. Ash-shuaraa’:105

Maliwanag na pinatunayan ng Allah at kanyang binansagan silang mga taong mapapagbulaan sa lahat ng sugo, samantala walang sugo bukod sa kanya(Nooh) nang kanilang pabulaanan ito,at dahil diyan ang mga Kristiyanong pinabulaanan si Muhammad(Saw) at hindi sumunod sa kanya,ay kanila ding pinabulaanan ang Mesias anak ni Maryam,at hindi rin nila ito sinunod.at humigit pa doon dahil kanyang ibinalita sa kanila ang tungkol kay Muhammad(Saw),at walang kahulugan ang pagbigay niya ng magandang balita sa kanila kundi tanging pinapatunayan lamang na siya(Saw) ay isang sugo sa kanila para mailigtas sila ni Allah sa pamamagitan niya(Saw) mula sa pagkaligaw at mapatnubayan sila tungo sa matuwid na landas.

2)Ang paniniwala sa sinumang napag-alaman natin ang kanyang pangalan. kabilang na dito halimbawa ni:

Muhammad,Ibrahem,Muosa,Eisa,Nooh(Asw) at silang lima ang may matatag na kapasiyahan at tanyag sa mga sugo,

Katunayan silay nabanggit ni Allah mula sa dalawang Soorah ng Quran. Sa Sooratol Ahzab kanyang sinabi:

وَإِذْ أَخَذْنَا مِنَ النّبِيّيْنَ مِيثَاقَهُمْ وَمِنْكَ وَمِن نّوحٍ وَإِبْرَاهِيمَ وَمُوسَىَ وَعِيسَى ابْنِ مَرْيَمَ

{Aming tinanggap at pinangahawakan mula sa mga Propeta ang kanilang pagsang-ayon sa kasunduan, magmula sa iyo, at kay Nooh, Ibrahem,

Muosa,at Eisa anak ni Maryam}. Al ahzab:7

At sa Soorah Ash-shuraa,kanyang sinabi:

شَرَعَ لَكُم مّنَ الدّينِ مَا وَصّىَ بِهِ نُوحاً وَالّذِيَ أَوْحَيْنَآ إِلَيْكَ وَمَا وَصّيْنَا بِهِ إِبْرَاهِيمَ وَمُوسَىَ وَعِيسَىَ أَنْ أَقِيمُواْ الدّين وَلاَ تَتَفَرّقُواْ فِيهِ

{Ginawa sa inyo ang pinakadakilang relihiyon,na siyang itinagubilin kay Nooh at ikinasi namin sa iyo,na siya rin ang itinagubilin namin kay Ibrahem,Muosa at Eisa,kaya maging matatag kayo sa relihiyong (Islam) at huwag kayong maghiwa-hiwalay o magkasalungatan sa mga nilalaman nito}. Ash-shuraa:13

At tungkol naman sa hindi natin napag-alaman sa kanila ang kanyang pangalan ay ating paniwalaan sa pangkalahatang pananaw.

Sinabi ng Allah: وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا رُسُلاً مّن قَبْلِكَ مِنْهُم مّن قَصَصْنَا عَلَيْكَ وَمِنْهُمْ مّن لّمْ نَقْصُصْ عَلَيْكَ

{Katunayang kami ay nagsugo ng mga sugo na nauna sa iyo,ang iba sa kanila ay aming ikinuwento sa iyo,at ang ibay hindi naikuwento sa iyo}. Gaafir:78

3)Ang pagpapatunay sa mga tamang naituran tungkol sa kanila.

4)Ang pagsagawa sa batas ng sinuman sa kanilang sinugo para sa atin,at ang siyang kahuli hulihan nila,siya si Muhammad(Saw) na sinugo sa lahat ng sangkatauhan.

Sinabi ng Allah: فَلاَ وَرَبّكَ لاَ يُؤْمِنُونَ حَتّىَ يُحَكّمُوكَ فِيمَا شَجَرَ بَيْنَهُمْ ثُمّ لاَ يَجِدُواْ فِيَ أَنْفُسِهِمْ حَرَجاً مّمّا قَضَيْتَ وَيُسَلّمُواْ تَسْلِيماً

{Sumpa man sa iyong panginoon,hindi magiging ganap ang pananampalataya ng bawat isa sa inyo hanggat hindi nila pinapairal ang kapasiyahan mo sa lahat ng kanilang pinagtatalunan,pagkatapos ay hindi magkakaroon ng sama ng loob ang bawat isa sa kanila sa iyong naging kapasiyahan,at silang lahat ay magpapasailalim nito na walang pag-aalinlangan}. Annisa: 65

Ang paniniwala sa mga sugo ay may magagandang kahihinatnan,ang iba nito ay ang mga sumusunod:

1-Ang kaalaman sa habag ng Allah at ang pamamahala niya sa kanyang mga lingkod,dahil kanyang sinugo sa kanila ang mga sugo para patnubayan sila sa landas ng Allah,at ipaliwanag sa kanila kung papaano nila sasambahin ang Allah,dahil ang likas ng kaisipan ng tao ay hindi kayang alamin ito.

2-Ang pagpapasalamat kay Allah sa mga dakilang biyayang ito.

3-Ang pagmamahal sa mga sugo(As)pagdakila at pagpupuri sa anomang nararapat para sa kanila,dahil silay mga sugo ni Allah at nagsakripisyo sa pagsamba sa kanya at tagapaghatid ng kanyang mensahe at mangaral sa kanyang mga lingkod. Katunayan ang mga “taong tumatanggi sa katotohanan” ay kanilang pinabulaanan ang mga sugo,at kanilang inaangkin na ang mga sugo ng Allah ay hindi maaaring maging tao,kaya binanggit ng Allah na ang paratang na iyan ay hindi totoo.kanyang sinabi:

وَمَا مَنَعَ النّاسَ أَن يُؤْمِنُوَاْ إِذْ جَآءَهمُ الْهُدَىَ إِلاّ أَن قَالُوَاْ أَبَعَثَ اللّهُ بَشَراً رّسُولاً * قُل لَوْ كَانَ فِي الأرْضِ مَلآئِكَةٌ يَمْشُونَ مُطْمَئِنّينَ لَنَزّلْنَا عَلَيْهِم مّنَ السّمَآءِ مَلَكاً رّسُولاً

{At walang nakakahadlang sa pagsasampalataya ng tao nang dumating sa kanila ang isang magpapatnubay kundi ang kanilang isinasagot : Ano!magpapadala ang Allah ng isang sugong tao?. Sabihin mo, kung ang mga Anghel ay lalakad ng dahan dahan sa lupa at kanilang makikita.aming ibababa sa kanila mula sa langit ang isang Anghel na sugo}. Al israa’:90

Kaya pinawalan ng saysay ni Allah ang paratang na iyan,na ang katotohanan nito ay dapat lang na ang maging sugo ay tao,dahil siya ay ipapadala sa lupa na ang mga naninirahan doon ay mga tao. kung Anghel ang mga naninirahan sa lupa sanay pinababa ng Allah sa kanila mula sa langit ang isang Anghel na sugo na katulad din nila.

Ganyan na ganyan din nang ikuwento ni Allah ang tungkol sa mga taong pinabulaanan ang mga sugo,at silay nagsabi:

{إِنْ أَنتُمْ إِلاّ بَشَرٌ مّثْلُنَا تُرِيدُونَ أَن تَصُدّونَا عَمّا كَانَ يَعْبُدُ آبَآؤُنَا فَأْتُونَا بِسُلْطَانٍ مّبِينٍ * قَالَتْ لَهُمْ رُسُلُهُمْ إِن نّحْنُ إِلاّ بَشَرٌ مّثْلُكُمْ وَلَـَكِنّ اللّهَ يَمُنّ عَلَىَ مَن يَشَآءُ مِنْ عِبَادِهِ وَمَا كَانَ لَنَآ أَن نّأْتِيَكُمْ بِسُلْطَانٍ إِلاّ بِإِذْنِ اللّهِ}

{Wala sa inyo kundi kayo’y taong katulad din namin,tanging ang gusto ninyo ay hadlangan ang mga sinasamba ng aming mga magulang,kaya kung totoo ang inyong pinagsasabi magbigay kayo ng maliwanag na katibayan. ang sagot sa kanila ng mga sugo,wala nga sa amin kundi taong katulad ninyo,ngunit ang Allah ay nagbibigay ng karangalan sa pagka-propeta sa sinumang kanyang naisin sa kanyang mga lingkod,at kamiy hindi makapagbibigay ng katibayan maliban lang kung ipahintulot ng Allah}. Ibrahem:10-11

5- ANG PANINIWALA SA HULING ARAW:

Ang paniniwala sa huling araw ay ang lubos na pagpapatunay na walang pag-aalinlangan sa lahat ng naipahayag ng Allah sa kanyang aklat(Quran) at sa naipahayag ng sugo(Saw) sa kanyang Sunnah sa mga bagay na maaaring mangyari pagkatapos mamatay tulad ng mga parusang igagawad sa loob ng libingan,ang pagdurusa at kaginhawahan nito,ang pagkabuhay na muli,ang pagtitipon,ang listahan ng mga gawain,ang pagsisiyasat,ang pagtimbang,ang lawa, ang daanan, ang mamamagitan,ang paraiso,ang impiyerno at ang lahat ng inilaan ng Allah sa bawat isa.at gayon din sa mga tanda na kapag nalalapit na ang araw ng paghuhukom,mga tandang maliliit at malalaki.

Ang huling araw ay ang araw ng pagkabuhay na muli,babangon ang lahat ng tao sa araw na iyon mula sa kani-kanilang libingan para isagawa ang pagsisiyasat at pagbibigay ng gantimpala.

At binansagan sa pangalang ito “huliang araw” dahil wala nang araw pang darating muli. sa araw na ito mananatili ang mga taong mapupunta sa paraiso sa kanilang mga tirahan at ang mapupunta sa impiyerno ay manatili din sa kanilang mga tirahan.

Ang paniniwala sa huling araw ay may tatlong sangkap:

1-Ang paniniwala sa “Ba’th”(Ang pagkabuhay ng mga patay muli) kapag hinipan ang tambuli sa ikalawang pag-ihip at magsitayo ang mga tao mula sa kanilang libingan na nakayapak,hubad at di tuli para humarap sa nag-iisang panginoon ang panginoon ng lahat ng daigdig .

Sinabi ng Allah: كَمَا بَدَأْنَآ أَوّلَ خَلْقٍ نّعِيدُهُ وَعْداً عَلَيْنَآ إِنّا كُنّا فَاعِلِينَ

{Katulad ng unang paglikha namin na walang pinagmulan, aming ibabalik ito. at iyan ay pangako mula sa amin tunay na aming gagawin}. Al anbiyaa’ :104

Ang pagkabuhay muli at ang paglabas mula sa libingan sa huling araw ay totoo,walang pag-aalinlangan. itoy pinatunayan ng Quran at ng Sunnah at pinagkaisahan ng mga Muslim.

Ang Allah ay nagsabi: ثُمّ إِنّكُمْ بَعْدَ ذَلِكَ لَمَيّتُونَ * ثُمّ إِنّكُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ تُبْعَثُونَ

{Pagkatapos ng iyon kayo’y mamamatay at kayo’y sa huling araw muling mabubuhay at babangon mula sa inyong mga libingan}. Al mo’minoon:15-16

At ang Propeta(Saw)ay nagsabi:

[Iipunin ang mga tao sa kabilang buhay ng nakayapak,hubad,at di tuli]. Isinalaysay ni Al Bukhari at Muslim.

At nagka-isa ang mga Muslim sa pagpapatunay sa lahat ng ito, na siya ang tanging layunin sa paglikha,dahil nararapat lang na gumawa ang Allah ng kasunduan sa mga nilalang, na kanyang gagantimpalaan sila sa mga iniubliga niya sa kanila sa pamamagitan ng mga Sugo.

Ang Allah ay nagsabi: أَفَحَسِبْتُمْ أَنّمَا خَلَقْنَاكُمْ عَبَثاً وَأَنّكُمْ إِلَيْنَا لاَ تُرْجَعُونَ

{Inaakala ba ninyong nilikha lamang namin kayo ng walang dahilan at kayoy hindi babalik sa amin}. Al mo’minoon:115

At sinabi niya sa kanyang Propeta(Saw): {إِنّ الّذِي فَرَضَ عَلَيْكَ الْقُرْآنَ لَرَآدّكَ إِلَىَ مَعَادٍ}

{Katotohanan,ang nagpababa sa iyo ng Quran ay kanyang ibabalik ka sa paraiso pagkatapos na ikaw ay mamatay}. Al qasas:85

2-Ang paniniwala sa pagsisiyasat at paghatol:

Sisiyasatin ang isang lingkod sa kanyang gawa at siya ay hahatolan ayon sa uri ng kanyang gawain.at iyan ay pinatunayan ng Quran at ng Sunnah at pinagka-isahan ng mga Muslim.

Ang Allah ay nagsabi: إِنّ إِلَيْنَآ إِيَابَهُمْ * ثُمّ إِنّ عَلَيْنَا حِسَابَهُمْ

{Katotohanan,sa amin silay babalik at pagkatapos amin silang sisiyasatin}. Al gaashiyah:25-26

At sinabi pa niya: {مَن جَآءَ بِالْحَسَنَةِ فَلَهُ عَشْرُ أَمْثَالِهَا وَمَن جَآءَ بِالسّيّئَةِ فَلاَ يُجْزَىَ إِلاّ مِثْلَهَا وَهُمْ لاَ يُظْلَمُونَ}

{Ang sinumang gumawa ng isang kabutihan ay mapapasa kanya ang sampong gantimpalang katumbas nito,at ang sinumang gumawa ng masama ay walang hatol kundi ang katulad nito at silay hindi madadaya}. Al anam:160

At sinabi pa niya: {وَنَضَعُ الْمَوَازِينَ الْقِسْطَ لِيَوْمِ الْقِيَامَةِ فَلاَ تُظْلَمُ نَفْسٌ شَيْئاً وَإِن كَانَ مِثْقَالَ حَبّةٍ مّنْ خَرْدَلٍ أَتَيْنَا بِهَا وَكَفَىَ بِنَا حَاسِبِينَ}

{At aming ilalagay ang mga timbangang matutuwid sa araw ng paglilitis at hindi madadaya ang isang may hininga kahit pa itoy kasing liit ng isang butil ng khardala(pangalan ng tanim) ay aming iparating o ilahad ito,kaya tama lang na kami ang magsiyasat}.Al anbiya’:47

Si Ibn Omar (Raa) ay nag-ulat ang Propeta (Saw) ay nagsabi:

[Katotohanan, ang Allah(sa kabilang buhay)ay papalapitin ang isang mananampalataya at kanyang nilalagay ang kanyang pangtakip kayat siyay matatakpan,pagkatapos ay kanyang sasabihin,alamo ba kung kanino ang kasalanang ito?. At siya ay sasagot;Opo aking panginoon.At kung kanyang ipapasiya ang paghatol sa mga kasalanan nito at kanyang makikita na itoy mapapahamak, kanyang sasabihin:Aking tinakpan sa iyo ang mga kasalanang ito noong sa mundo, kaya ngayon aking bibigyan ng kapatawaran ang mga ito para sa iyo.pagkatapos ay ibibigay sa kanya ang aklat ng kanyang mga kabutihan. at tungkol naman sa mga taong di sumasampalataya at mga Munafiq (mapagsuway) silay tatawagin sa harapan ng mga nilalang ng ganito:

{هَـَؤُلآءِ الّذِينَ كَذَبُواْ عَلَىَ رَبّهِمْ أَلاَ لَعْنَةُ اللّهِ عَلَى الظّالِمِينَ}

{Sila yaong mga taong pinabulaanan nila ang kanilang panginoon kaya nararapat lang na ang sumpa ni Allah ay mapasa mga manlilinlang }(Hood: 18)]. Isinalaysay ni Al Bukhari at Muslim.

At napatunayan mula sa Propeta(Saw) na ang sinumang maghangad ng isang kabutihan at kanyang ginawa ito, ipapasulat ni Allah doon sa kanya ng sampong kabutihang katumbas nito hanggang sa aabot ng pitong daan at humigit pa doon.at ang sinumang maghangad ng masama at kanyang ginawa ito,ipapasulat ni Allah ng isang beses lamang.

Katunayan, napagkaisahan ng mga Muslim ang pagpapatunay sa araw ng pagsisiyasat at paghatol sa mga gawain sapagkat iyan ang totoong layunin sa paglikha, kaya ang Allah ay nagpababa ng mga kasulatan at nag-atas ng mga Sugo,at inuubliga ang mga lingkod na tanggapin ang mga naiparating nila at gampanan ang dapat gampanan dito.at matinding ipinag-uutos na puksain ang mga sumasalungat nito.at ipinahihintulot ang pagdanak ng kanilang dugo at angkinin ang kanilang pamilya at kababaihan at gayon din ang kanilang ari-arian, kaya kung walang pagsisiyasat at walang paghatol ang lahat ng itoy walang kabuluhan,na iyan naman ay hindi nararapat sa nag-iisang panginoon na ganap kung lumikha.

At iyan ang ipinahihiwatig ng Allah sa kanyang sinabi: {فَلَنَسْأَلَنّ الّذِينَ أُرْسِلَ إِلَيْهِمْ وَلَنَسْأَلَنّ الْمُرْسَلِينَ * فَلَنَقُصّنّ عَلَيْهِم بِعِلْمٍ وَمَا كُنّا غَآئِبِينَ}

{At tunay na aming itatanong sa mga kalipunang pinadalhan namin ng mga Sugo kung ano ang kanilang itinugon sa mga ito,at gayon din aming itatanong sa mga Sugo ang tungkol sa kanilang mga tungkulin.at tunay na aming ilalahad sa kanila ang kanilang mga gawain na may ganap na kaalaman at hindi namin nakakaligtaan ang kanilang mga ginagawa]. Al aa’raf:6-7

3-Ang paniniwala sa paraiso at impiyerno:

Ang dalawang ito ang siyang magiging hantungan ng mga nilalang.ang paraiso ay tahanan ng kaginhawaan na siyang inilalaan ni Allah sa mga mananampalatayang may banal na takot at sumang-ayon sa mga ipinag-uutos ni Allah sa kanila na dapat nilang paniwalaan,at silay matatag na sumunod kay Allah at sa kanyang Sugo, na may katapatan kay Allah at sumusunod sa katuruan ng kanyang Sugo. nasa loob nito ang lahat ng klase ng kaginhawaan na hindi pa nakita ng mata,at hindi narinig ng tainga at ni hindi pa sumagi sa isipan o kalooban ng tao.

Sinabi ng Allah: {إِنّ الّذِينَ آمَنُواْ وَعَمِلُواْ الصّالِحَاتِ أُوْلَـَئِكَ هُمْ خَيْرُ الْبَرِيّةِ * جَزَآؤُهُمْ عِندَ رَبّهِمْ جَنّاتُ عَدْنٍ تَجْرِى مِنْ تَحْتِهَا الأنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَآ أَبَداً رّضِىَ اللّهُ عَنْهُمْ وَرَضُواْ عَنْهُ ذَلِكَ لِمَنْ خَشِيَ رَبّهُ}

{Katotohanan, ang mga mananampalataya at ang gumagawa ng kabutihan ang siyang mabubuting nilalang,ang kanilang matatamong gantimpala mula sa kanilang panginoon ay ang mga paraisong matatag,pang-panatilian,dumadaloy sa ibaba nito ang batis at sila ay mananatili doon ng walang hanggan,iyon ay dahil sa silay kinagigiliwan ng Allah at kanila din kagigiliwan siya sa mga matatanggap nilang kaginhawaan doon, ang mga iyon ay para lang sa sinumang may takot sa kanyang panginoon}. Al bayyinah: 7-8

At sinabi pa ng Allah: {فَلاَ تَعْلَمُ نَفْسٌ مّآ أُخْفِيَ لَهُم مّن قُرّةِ أَعْيُنٍ جَزَآءً بِمَا كَانُواْ يَعْمَلُونَ}

{At hindi alam ng may hininga ang mga inilihim sa kanila na nakakaaliw ng mga mata, ang mga iyon ay ang gantimpala ng kanilang mga gawain}. Assajadah:17

At ang tungkol naman sa impiyerno ay ang siya namang tahanan ng pagdurusa na inilaan ng Allah sa mga kafir na mang-aapi,sila yaong mga taong tumanggi sa kaisahan ng Allah at sumalungat sa kanyang Propeta, naroroon sa loob nito ang lahat ng klase ng pagdurusa, parusa at paghihirap ni hindi pa ito sumagi sa isipan.

Ang Allah ay nagsabi: {وَاتّقُواْ النّارَ الّتِيَ أُعِدّتْ لِلْكَافِرِينَ}

{Matakot kayo sa Impiyernong inilaan sa mga taong di sumasampalataya}. Ali imran:131

At sinabi pa niya: {إِنّا أَعْتَدْنَا لِلظّالِمِينَ نَاراً أَحَاطَ بِهِمْ سُرَادِقُهَا وَإِن يَسْتَغِيثُواْ يُغَاثُواْ بِمَآءٍ كَالْمُهْلِ يَشْوِي الْوجُوهَ بِئْسَ الشّرَابُ وَسَآءَتْ مُرْتَفَقاً}

{katotohanan, aming inilaan sa mga di sumasampalatayang mang-aapi ang impiyernong nakapalibot sa kanila ang kanyang pader,na kapag silay humihingi ng makapagpapawi ng kanilang paghihirap, pagka-uhaw silay bibigyan ng tubig na parang kumukulong mantika na susunog sa kanilang mukha, napakasamang inumin at napakasamang hantungan}. Al kahf:29

At sinabi pa ng Allah: {إِنّ اللّهَ لَعَنَ الْكَافِرِينَ وَأَعَدّ لَهُمْ سَعِيراً * خَالِدِينَ فِيهَآ أَبَداً لاّ يَجِدُونَ وَلِيّاً وَلاَ نَصِيراً * يَوْمَ تُقَلّبُ وُجُوهُهُمْ فِي النّارِ يَقُولُونَ يَلَيْتَنَآ أَطَعْنَا اللّهَ وَأَطَعْنَا الرّسُولاَ}

{Katotohanan,ang Allah ay kanyang isinumpa ang mga di sumasampalataya at kanyang inilaan sa kanila ang mainit at lumalagablab na apoy ng impiyerno,silay mananatili doon ng walang katapusan at hindi sila makakatagpo doon ng Wale( Mapagkatiwalaang tao)na mamamahala sa kanila, ni wala rin silang tagapagtanggol na maaaring mamagitan sa kanila sa lahat ng pagdurusa doon.sa araw na ang kanilang mga mukha ay gigiling-gilingin sa apoy at silay makapag sasalita,sanay naging masunurin kami at tumalima kay Allah at sa Sugo}. Al ahzab:66

Ang Paniniwala sa Huling Araw ay may mga Magagandang Kahihinatnan ,Ang ibang bahagi nito ay ang mga sumusunod:

1-Ang ibigin ang gawaing pagsunod at maging masigasig dito para sa paghangad ng gantimpala sa araw na iyon.

2-Ang katakutan ang gawaing pagsuway at kagiliwan ito, para katakutan ang parusang igagawad sa araw na iyon.

3-Ang hindi maghinayang ang isang mananampalataya sa mga materyal na bagay na hindi niya nakakamtan na ang kapalit nito ay ang kanyang hangaring matamo ang mga biyaya at gantimpala sa huling araw.

Ngunit tinanggihan ng mga Kafir ang pagbabangon ng mga patay sa kabila ng kamatayan,na ang kanilang pag-aakalay hindi maaari at ang pag-aakalang iyan ay hindi totoo .mapapatunayan sa batas at pakiramdam at sa isipan ang pagkawalang saysay nito.

Ang tungkol sa batas:Katunayan sinabi ng Allah: {زَعَمَ الّذِينَ كَفَرُوَاْ أَن لّن يُبْعَثُواْ قُلْ بَلَىَ وَرَبّي لَتُبْعَثُنّ ثُمّ لَتُنَبّؤُنّ بِمَا عَمِلْتُمْ وَذَلِكَ عَلَى اللّهِ يَسِيرٌ}

{Inaakala ng mga Kafir na hindi kailan man babangon ang mga patay mula sa kanilang libingan. Sabihin mo,Oo!sumpa man sa aking panginoon tunay na kayoy babangon mula sa inyong mga libingan at pagkatapos noon ilalahad sa inyo ang bunga ng lahat ng inyong ginawa at iyon ay napakadali para sa Allah}. Attagaabon:17

At iyan ay pinagkaisahan ng lahat ng kasulatang pangkalangitan.

At tungkol naman sa pakiramdam: Nauna ng pinatunayan ng Allah at ipinakita ito sa kanyang mga lingkod kung papaano siya bumubuhay ng patay sa mundong ito.at sa Sooratol Baqarah limang halimbawa ang nandito,itoy ang mga sumusunod:

1-Ang mga tagasunod ni Muosa nang kanilang sabihin sa kanya,kailan man hindi kami maniniwala sa iyo hanggat hindi namin nakikita ang Allah ng hayagan.at dahil doon binawian sila ng Allah ng buhay at pagkatapos ay kanyang binuhay silang muli,kaya kung bakit itinutuk ni Allah ang kanyang salita sa mga angkan ng Israel:

{وَإِذْ قُلْتُمْ يَامُوسَىَ لَن نّؤْمِنَ لَكَ حَتّىَ نَرَى اللّهَ جَهْرَةً فَأَخَذَتْكُمُ الصّاعِقَةُ وَأَنْتُمْ تَنظُرُونَ * ثُمّ بَعَثْنَاكُم مّن بَعْدِ مَوْتِكُمْ لَعَلّكُمْ تَشْكُرُونَ}

{At inyong sinabi: O Muosa! kailan man hindi kami maniniwala sa iyo hanggat hindi namin nakikita ang Allah ng hayagan at bigla na lamang kumulog ng napakalakas at kayoy isa-isang namatay at itoy inyong nasaksihan, pagkatapos kayo’y aming binuhay muli matapos kayong mamatay baka sakaling kayo’y magpapasalamat}.Al Baqarah:56

2-Tungkol sa isang kuwentong may pinatay at pinagtatalunan siya ng mga anak ng israel kung sino ang pumatay.[Al Baqarah:73]

3-Tungkol sa kuwento ng mga taong lumisan mula sa kanilang mga tahanan para takbuhan ang kamatayan,at silay napakarami libo libo ang bilang nila at binawian sila ng Allah ng buhay pagkatapos ay kanyang binuhay silang muli. [Al Baqarah:243]

4-Tungkol sa kuwento ng isang lalaking dumaan sa isang baryong walang kabuhay buhay at inaakala nito na itoy hindi muling maibabalik ni Allah sa kanyang dating kasaganaan.kaya binawian siya ni Allah ng buhay sa luob ng isang daang taon at muli niyang binuhay ito. [Al Baqarah:259]

5-Tungkol sa kuwento ni Propeta Ibrahem nang kanyang hilingin kay Allah na ipakita sa kanya kung papaano siya bumubuhay ng patay. [Al Baqarah:260]

Itoy mga halimbawang nararamdaman,aktuwal na pangyayari at nagpapatunay na maaaring buhayin ang mga patay.naunang naisalaysay ang mga tanda ni Eisa anak ni Maryam na siyang ibinigay ng Allah sa kanya,ang bumuhay ng mga patay at pinababangon sila mula sa kanilang mga libingan sa kapahintulutan ng Allah.

At ang tungkol naman sa pangkaisipang patunay sa pagkabuhay na muli,itoy may dalawang sangkap:

Una:Ang Allah ang lumikha ng kalangitan at ng kalupaan at ng lahat ng nasa loob nito. siya ang lumikha ng dalawang ito magmula pa noon,at ang may kakayahang lumikha ng nilalang ng walang pinagmulan ay hindi mahirap sa kanya ang ibalik ito sa dati niyang anyo o pinagmulan.

Ang Allah ay nagsabi: {وَهُوَ الّذِي يَبْدَأُ الْخَلْقَ ثُمّ يُعِيدُهُ وَهُوَ أَهْوَنُ عَلَيْهِ}

{At siya ang nagpasimula ng mga nilalang at kapag namatay na ang mga ito ay kanyang muling ibabalik ang buhay nito at iyon ay napakadali para sa kanya}. Arroom:27

At sinabi pa niya: {كَمَا بَدَأْنَآ أَوّلَ خَلْقٍ نّعِيدُهُ وَعْداً عَلَيْنَآ إِنّا كُنّا فَاعِلِينَ}

{Kagaya din ng paglikha namin noong una ibabalik namin ito,at iyan ay pangako mula sa amin tunay na aming gagawin at tutuparin}. Al anbiyaa’:104

At sinabi pa niya tugon sa sinumang tumatangging muling mabuhay ang nabubulok na buto.

. {قُلْ يُحْيِيهَا الّذِيَ أَنشَأَهَآ أَوّلَ مَرّةٍ وَهُوَ بِكُلّ خَلْقٍ عَلِيمٌ}

{Sabihin mo,bubuhayin siya ng lumikha sa kanya noong una,at siya ang nakakaalam sa lahat ng nilalang}. Yasin:79

Pangalawa:Ang patay na lupa na tuyong tuyo ni walang kahoy na kulay berde at kapag itoy nabuhusan ng ulan, itoy gagalaw at lalabas mula rito ang isang kulay berde na magbubunga ito ng ibat-ibang uri ng prutas na nakakasiyang tanawin. at ang may kakayahang buhayin ito matapos mamatay ay may kakayahan ding buhayin ang mga patay.

Ang Allah ay nagsabi: {وَمِنْ آيَاتِهِ أَنّكَ تَرَى الأرْضَ خَاشِعَةً فَإِذَآ أَنزَلْنَا عَلَيْهَا الْمَآءَ اهْتَزّتْ وَرَبَتْ إِنّ الّذِيَ أَحْيَاهَا لَمُحْىِ الْمَوْتَىَ إِنّهُ عَلَىَ كُلّ شَيْءٍ قَدِيرٌ}

{At ang bahagi ng kanyang mga tanda ay tunay na makikita mo sa lupang tuyong tuyo na walang katanim tanim ito,at kapag binuhusan namin ng ulan itoy gagalaw at bubukadkad at tutubo ang mga tanim. Katotohanan, ang sinumang bumubuhay nito ay kaya din niyang buhayin ang mga patay. katotohanan, siya ang makapangyarihan sa lahat ng bagay}. Fussilat:39

At sinabi pa niya: {وَنَزّلْنَا مِنَ السّمَآءِ مَآءً مّبَارَكاً فَأَنبَتْنَا بِهِ جَنّاتٍ وَحَبّ الْحَصِيدِ * وَالنّخْلَ بَاسِقَاتٍ لّهَا طَلْعٌ نّضِيدٌ * رّزْقاً لّلْعِبَادِ وَأَحْيَيْنَا بِهِ بَلْدَةً مّيْتاً كَذَلِكَ الْخُرُوجُ}

{At aming ibinuhus mula sa langit ang tubig na may maraming naidudulot na biyaya,at pina-uusbong namin dahil dito ang mga harden, mga pananim na inaani at matataas na palmera na may maraming sanga na nagkapatong patong. ang lahat ng iyon ay para panustus sa mga lingkod at dahil na rin sa ulan aming binuhay ang lupang patay(walang katanim tanim) gayon din aming bubuhayin ang mga patay at silay magsisilabasan mula sa kanilang mga libingan sa araw ng paghuhukom}. Qaf:11

At kalakip sa paniniwala sa huling araw ang paniniwala sa mga nangyayari sa kabila ng kamatayan.

A]Ang pagsusulit sa loob ng libingan:

Itoy ang pagtatanong sa patay matapos siyang ilibing tungkol sa kanyang panginoon,relihiyon at ng kanyang propeta at papanatilihin ng Allah sa mga sumasampalataya ang matatag na salita.at ang maisasagot ng mananampalataya ay; ang Allah ang aking panginoon at ang islam ang aking relihiyon at si Muhammad(Saw )ang aking Propeta. At ililigaw ng Allah ang mga manlilinlang at ang maisasagot ng di sumasampalataya; Hah! Hah! hindi ko alam. at ang masasabi ng Munafiq(nagbabalatkayong muslim) o ng taong nag-aalinlangan, hindi ko alam narinig ko sa mga tao silay nagsasabi ng ganito (ng isang bagay)at iyon ang sinabi ko.

B]Ang pagdurusa sa loob ng libingan at ang kaginhawaan nito:

Ang tungkol sa pagdurusa sa loob ng libingan ay mapasa mga taong manlilinlang mula sa mga Munafiq at mga di sumasampalataya.

Ang Allah ay nagsabi:

{وَلَوْ تَرَىَ إِذِ الظّالِمُونَ فِي غَمَرَاتِ الْمَوْتِ وَالْمَلآئِكَةُ بَاسِطُوَاْ أَيْدِيهِمْ أَخْرِجُوَاْ أَنْفُسَكُمُ الْيَوْمَ تُجْزَوْنَ عَذَابَ الْهُونِ بِمَا كُنتُمْ تَقُولُونَ عَلَى اللّهِ غَيْرَ الْحَقّ وَكُنْتُمْ عَنْ آيَاتِهِ تَسْتَكْبِرُونَ}

{At kung makikita mo lang (Muhammad)ang mga mang-aapi sa oras ng kanilang paghihingalo para harapin ang kamatayan, ang mga Anghel ay iaabot ang kanilang mga kamay at magsasabi: ilabas ninyo ang inyong mga kaluluwa, ngayong araw malalasap ninyo ang matinding parusa na magpapahamak sa inyo dahil sa mga paratang ninyo kay Allah ng walang katotohanan,at inyong ipinagmamalaki ang kanyang mga tanda ngunit hindi rin kayo sumasampalataya. }. Al anam:93

At ang Allah ay nagturan hinggil sa mga tauhan ni Fir-aon: {النّارُ يُعْرَضُونَ عَلَيْهَا غُدُوّاً وَعَشِيّاً وَيَوْمَ تَقُومُ السّاعَةُ أَدْخِلُوَاْ آلَ فِرْعَوْنَ أَشَدّ الْعَذَابِ}

{Ang apoy sa impiyerno ang isusunog sa kanila sa umagat hapon at sa pagsapit ng huling araw sasabihin sa mga Anghel,ipasok ninyo ang mga tauhan ni Fir-aon sa may pinakamatinding parusa}. Ghafir:46

At sa Sahih ni Muslim sa Hadeeth na nai-ulat ni Zayd bin Thabit(Raa) ang Propeta(Saw) ay nagsabi:[Kung hindi lang kayo ililibing,hihilingin ko sana kay Allah na iparinig sa inyo ang pagdurusa sa libingan gaya ng aking naririnig mula dito. pagkatapos siya ay humarap at nagsabi: Magpakupkup kayo kay Allah laban sa parusang igagawad sa impiyerno.Silay nagsabi : nagpapakupkup kami kay Allah laban sa parusang igagawad sa impiyerno.At sinabi pa: magpakupkup kayo kay Allah laban sa pagdurusa sa loob ng libingan. Nagsabi sila: nagpapakupkup kami kay Allah laban sa pagdurusa sa loob ng libingan.At sinabi pa: magpakupkup kayo kay Allah laban sa mga tukso na hayag at lingid nito.Sinabi nila:kamiy nagpapakupkup kay Allah laban sa mga tukso sa mga hayag nito at lingid.At sinabi pa niya:magpakupkup kayo kay Allah laban sa tukso ni Dajjal(Ang bulaang kristo).At sinabi nila:kami ay nagpapakupkup kay Allah laban sa tukso ni Dajjal.

At tungkol naman sa kaginhawaan sa loob ng libingan itoy para lang sa mga matapat na mananampalataya.

Ang Allah ay nagsabi: {إِنّ الّذِينَ قَالُواْ رَبّنَا اللّهُ ثُمّ اسْتَقَامُواْ تَتَنَزّلُ عَلَيْهِمُ الْمَلاَئِكَةُ أَلاّ تَخَافُواْ وَلاَ تَحْزَنُواْ وَأَبْشِرُواْ بِالْجَنّةِ الّتِي كُنتُمْ تُوعَدُونَ}

{Katotohanan,ang mga taong nagsasabi ng: “ang Allah ang aming panginoon” at silay matatag sa kanilang paniniwala at tungkulin,sa kanilay magsisibaba ang mga Anghel sa oras ng kanilang paghihingalo at magsasabi sa kanila: “Huwag kayong matakot sa mga haharapin ninyo at huwag malumbay sa mga naiwan ninyo at dapat kayong matuwa sa paraisong naipangako sa inyo”}. Fussilat:30

At sinabi pa ng Allah:

{فَلَوْلاَ إِذَا بَلَغَتِ الْحُلْقُومَ * وَأَنتُمْ حِينَئِذٍ تَنظُرُونَ * وَنَحْنُ أَقْرَبُ إِلَيْهِ مِنكُمْ وَلَـَكِن لاّ تُبْصِرُونَ * فَلَوْلاَ إِن كُنتُمْ غَيْرَ مَدِينِينَ * تَرْجِعُونَهَآ إِن كُنتُمْ صَادِقِينَ * فَأَمّآ إِن كَانَ مِنَ الْمُقَرّبِينَ * فَرَوْحٌ وَرَيْحَانٌ وَجَنّاتُ نَعِيمٍ}

{Na kapag nasa lalamunan na ang kaluluwa sa oras ng paghugot nito,sa mga oras na iyon sinusundan ninyong tingnan ito,at kami ang higit na nakakaalam kaysa inyo ang tungkol dito subalit hindi ninyo nalalaman, sige nga! Kung talagang inaakala ninyong hindi kayo babangon ulit pagkatapos mamatay pabalikin ninyo ang kaluluwa sa katawan kung talagang kayo ang makatuwiran.at kapag ang namatay ay kabilang sa mga malalapit kay Allah mapasa kanya ang kapanatagan at ang mga magagandang panustus at ang paraiso ng kaginhawaan}. Al waqiah:83-89

Naiulat ni Al Barra’ bin Azib(Raa)ang Propeta(Saw)ay nagsabi hinggil sa isang mananampalataya na kapag nasagot nito ang dalawang Anghel sa loob ng libingan[“Mananawagan ang isang nananawagan mula sa langit. katotohanan,makatuwiran ang aking lingkod kaya latagan ninyo siya ng carpet mula sa paraiso at damitan ninyo siya ng damit mula sa paraiso at buksan ninyo sa kanya ang isang pinto patungong paraiso.sinabi niya,at dadalhin sa kanya ang kaginhawaan nito at ang mga mabubuting bagay nito at palalawakin sa kanya ang loob ng kanyang libingan hanggang sa abot ng kanyang matatanaw”].Isinalaysay ni Ahmad at ni Abu Daud sa isang mahabang Hadeeth .

Katotohanang naligaw ang pangkat ng Zaa-ig(mga naliligaw sa tunay na landas)kanilang pinabulaanan ang pagdurusa sa loob ng libingan at ang kaginhawahan nito, inaakala nilang hindi ito maaari, dahil sumasalungat ito sa aktuwal na pangyayari. At ang kanilang pinagsasabi :siguradong kung ilalantad ang patay buhat sa kanyang libingan, itoy matatagpuan sa dati pa rin niyang kaayusan at ang libingan ay hindi pa rin naiba sa dati niyang kaluwangan o kasikipan.

Ang pag-aakalang iyan ay walang saysay maging sa batas,pakiramdam at sa kaisipan:

Ang tungkol sa Batas:Naunang naituro ng mga naunang talata ang pagpapatunay sa pagdurusa sa libingan at sa kaginhawahan nito.

At sa Sahih ni Al Bukhari mula sa hadeeth ni Ibn Abbas(Raa) siya ay nagsabi:lumabas ang Propeta(Saw) mula sa isang bahagi ng pader ng Madinah,at siya ay nakarinig ng boses ng dalawang taong pinaparusahan sa loob ng kanilang libingan.pagkatapos ay kanyang binanggit (Ibn Abbas)ang hadeeth at ang kabuuan nito:[Katotohanan,ang isa sa kanila ay hindi nagkukubli kapag umi-ihi at ang isay pinalalakad ang “Nameemah”(naghahatid ng mga balita sa tao at ang layunin ay masama).

At ang tungkol naman sa pakiramdam: Katotohanan, ang natutulog ay kanyang nakikita minsan sa kanyang pagtulog na siya ay nasa maluwang,nakakasiyang lugar at tumatamasa doon ng kaginhawahan.o kaya nasa lugar na masikip,nakakatakot at nagdudusa doon,at kung minsan ay nagising siya sa kanyang nakikita subalit nandoon pa rin siya sa kanyang higaan sa loob ng kanyang silid na nasa dati pa rin niyang kaayusan.

Ang pagtulog ay kapatid ng kamatayan kaya tinagurian ni Allah ito ng kamatayan.

Ang Allah ay nagsabi: {اللّهُ يَتَوَفّى الأنفُسَ حِينَ مِوْتِـهَا وَالّتِي لَمْ تَمُتْ فِي مَنَامِـهَا فَيُمْسِكُ الّتِي قَضَىَ عَلَيْهَا الْمَوْتَ وَيُرْسِلُ الاُخْرَىَ إِلَىَ أَجَلٍ مّسَمّى}

{Binabawian ng Allah ng buhay ang mga may buhay sa sandali ng kanilang kamatayan at yaong hindi namatay sa sandali ng kanyang pagtulog,. Kaya Kanyang pipigilan yaong naitakda sa kanila ang kamatayan at Kanyang palalayain ang iba, hanggang sa nakatakdang panahon (ng kanilang kamatayan)}. Azzumr:42

At tungkol naman sa pangka-isipan:Ang natutulog ay kanyang nakikita sa kanyang pagtulog ang totoong pangitain na parang aktuwal na pangyayari,at baka kung minsan kanyang makita ang Propeta(Saw)sa kaanyuan nito at ang sino man ang makakita sa kanyang kaanyuan(sa panaginip)ay tunay na kanyang nakita ito.magkagayon pa man ang natutulog sa loob ng kanyang silid sa kanyang banig ay malayo sa mga nakita niya.at kung iyan ay maaaring maganap sa mga kalagayan dito sa mundo. hindi ba maaaring maganap din iyon sa huling araw??!

At ang tungkol naman sa pinapanindigan nila sa kanilang pag-aakala na kung ilalantad ang patay sa kanyang libingan matatagpuang gayon pa rin siya sa dati niyang kaayusan at ang libingan ay hindi nabago sa pagkaluwang nito ni sa pagkasikip.

At Ang Sagot Dito ay May Ilang Sangkap:

Una:Hindi maaaring salungatin ang mga naiparating ng batas sa mga ganitong walang saysay na “Shubhah” (Walang katiyakan tama o mali) na kung sisiyasatin lang ng sumasalungat ang mga naiparating ng batas sa tunay na pagsasaliksik kanyang matatanto ang pagkawalang saysay ng mga Shubhah na ito.

Pangalawa:Ang mga nangyayari sa “Barzakh” (pagkabuhay muli sa loob ng libingan)ay bahagi ng mga bagay na lingid na hindi ito natatalos ng pakiramdam,at kung natatalos lang ng pakiramdam mawawalan ng halaga ang paniniwala sa Gayb(mga lingid).at magiging kasing tulad ng mga mananampalataya ang mga tumatanggi nito sa paniniwala .

Pangatlo:Ang kaparusahan,kaginhawaan at ang pagkaluwang ng libingan at pagkasikip nito ay ang patay lamang ang tanging nakaka-alam nito na wala sa iba bukod sa kanya.at iyan ay kasing tulad ng natutulog, kanyang nakikita sa kanyang pagtulog na siya ay nasa masikip,nakakatakot na lugar o kaya nasa malawak,nakakasiya na lugar,subalit ang nasa kanyang paligid ay hindi nakikita ang mga iyon, ni hindi nararamdaman ito. Katotohanan,ang Propeta (Saw) ay kinakasihan at kung minsan siya ay nasa pagitan ng kanyang mga tagasunod,kanyang naririnig ang Wahe(Revelation) na hindi naririnig ng kanyang mga tagasunod,at kung minsan ay nagsasa-anyong lalaki sa kanya ang Anghel(Gibreel)at kinakausap siya at ang mga Sahabah ay hindi nakikita ang Anghel ni hindi nila naririnig ito.

Pang-apat:Ang pakiramdam ng nilalang ay limitado sa kung saan lang ang ibinigay sa kanila ng Allah na maaari nilang matalos ng pakiramdam. at hindi maaaring matalos nila ang lahat ng umiiral.ang pitong langit at lupa ang mga nasa loob nito at ang lahat ng bagay ay lumuluwalhati sa pagpupuri kay Allah ng tunay na pagluluwalhati,na kung minsan ay ipinaparinig ng Allah sa kanyang nilikha sa kung sino ang kanyang naisin.at magkagayon pa man siya ay lingid pa rin sa atin.

Kaya sinabi ng Allah: {تُسَبّحُ لَهُ السّمَاوَاتُ السّبْعُ وَالأرْضُ وَمَن فِيهِنّ وَإِن مّن شَيْءٍ إِلاّ يُسَبّحُ بِحَمْدَهِ وَلَـَكِن لاّ تَفْقَهُونَ تَسْبِيحَهُمْ}

{Lumuluwalhati sa kanya ang pitong langit at lupa at ang lahat ng nasa loob nito.at walang isang bagay kundi lumuluwalhati sa kanyang kapurihan, subalit hindi ninyo naiintindihan ang kanilang pagluluwalati}. Al israa’:44

At gayon din ang mga demunyo at jinn silay lumalakad sa lupa papunta doon at pabalik. Katunayan, minsan dumating ang mga jinn sa Propeta(Saw) at silay taimtim na nakikinig sa kanyang binabasa, pagkatapos silay lumisan papunta sa kanilang mga tauhan para magbabala. magkagayon pa man sila pa rin ay lingid sa atin.

Kaya ang Allah ay nagsabi:

{يَابَنِيَ آدَمَ لاَ يَفْتِنَنّكُمُ الشّيْطَانُ كَمَآ أَخْرَجَ أَبَوَيْكُمْ مّنَ الْجَنّةِ يَنزِعُ عَنْهُمَا لِبَاسَهُمَا لِيُرِيَهُمَا سَوْءَاتِهِمَآ إِنّهُ يَرَاكُمْ هُوَ وَقَبِيلُهُ مِنْ حَيْثُ لاَ تَرَوْنَهُمْ إِنّا جَعَلْنَا الشّيَاطِينَ أَوْلِيَآءَ لِلّذِينَ لاَ يُؤْمِنُونَ}

{O mga anak ni Adam! Huwag na huwag ninyo hayaang maililigaw kayo ni Shaitan nang tulad ng kanyang pagtaboy sa inyong dalawang magulang mula sa Paraiso, kanyang hinubad sa kanila ang kanilang damit upang ipakita sa kanilang dalawa ang mga masilang bahagi ng kanilang katawan. Katotohanan, nakikita niya kayo, siya at ng kanyang mga kampon, ngunit hindi ninyo sila nakikita. Katotohanan, Aming nilikha ang mga demunyo para maging Walee(tagapamahala)ng mga taong hindi sumasampalataya}. Al a’raaf:27

At dahil ang nilalang ay hindi natatalos ng kanyang pakiramdam ang lahat ng umiiral, dapat lang na hindi nila maaaring tanggihan ang mga napatunayan sa mga bagay na lingid na hindi nila natatalos ng pakiramdam.

6-ANG PANINIWALA SA “QADAR”.

Ang paniniwala sa naitakdang kapalaran ay ang wagas na paniniwala na ang Allah ang lumikha ng lahat ng bagay,ang namamahala at ang nagmamay-ari nito at siya ang nagtakda ng mga naitakdang kapalaran ang mabuti at masama nito, ang matamis at mapait nito,at siya rin ang lumikha sa ligaw na landas at tamang landas ang kasamaan at ang kabutihan . ang nagtatakda ng buhay at ang taga-panustus ay nakasalalay sa kanyang kamay maluwalhati siya at kataas-taasan.

ANG QADAR: Ay ang pagtakda ng Allah sa kahihinatnan ng mga nilalang na sang-ayon sa unang-una niyang kaalaman at iksakto sa kanyang layunin sa paglikha.

At Ang Paniniwala sa Qadar ay may Apat na Sangkap:

UNA: Ang paniniwala na ang Allah ay nalalaman ang lahat ng bagay ang kabuuan at ang ditalye nito, ang simula at katapusan nito maging itoy sa kanyang mga gawain o sa mga gawain ng kanyang mga lingkod.

PANGALAWA: Ang paniniwala na ang Allah ay naisulat ang mga iyon sa “Allawhul mahfood” at sa dalawang ito sinabi ng Allah:

أَلَمْ تَعْلَمْ أَنّ اللّهَ يَعْلَمُ مَا فِي السّمَآءِ وَالأرْضِ إِنّ ذَلِكَ فِي كِتَابٍ إِنّ ذَلِكَ عَلَى اللّهِ يَسِيرٌ

{ Hindi mo ba alam, na ang Allah ay Kanyang nalalaman ang anumang nasa langit at lupa. Katotohanan, iyon ay nasa Aklat (talaan ng mga gawain) at iyon para sa Allah ay lubhang napakadali}. Al Hajj:70

At sa Sahih ni Muslim nai-ulat ni Abdullah bin Am’r bin Al-as(Raa) sinabi niya: narinig ko sa Sugo ng Allah siya ay nagsabi:[ Isinulat na ng Allah ang mga takda ng kapalaran ng mga nilalang bago niya nilikha ang mga kalangitan at kalupaan nang limampong taon].

PANGATLO: Ang paniniwala na ang lahat ng nilalang ay hindi magkakaroon kung hindi hinangad ng Allah maging ito ay sa Kanyang gawain o sa gawain ng Kanyang mga nilalang.

Ang Allah ay nagsabi tungkol sa Kanyang gawain: وَرَبّكَ يَخْلُقُ مَا يَشَآءُ

{Ang iyong Panginoon ay lumilikha ng lahat ng Kanyang naisin}. Al qasas:68

At sinabi pa Niya: وَيَفْعَلُ اللّهُ مَا يَشَآءُ

{At ginagawa ng Allah ang anumang Kanyang naisin}.Ibrahem:27

At sinabi pa Niya: هُوَ الّذِي يُصَوّرُكُمْ فِي الأرْحَامِ كَيْفَ يَشَآءُ

{Siya ang nagbibigay hugis sa inyo sa loob ng mga sinapupunan sa kung paano Niya naisin}.Al-imran:6

At Siya ay nagsabi tungkol sa gawain ng mga nilalang:

وَلَوْ شَآءَ اللّهُ لَسَلّطَهُمْ عَلَيْكُمْ فَلَقَاتَلُوكُمْ

{At kung ninais ng Allah, katiyakan binigyan Niya sila ng lakas upang lumaban sa inyo, magkagayon, walang pasubali makikipaglaban sila sa inyo}.Annisaa’:90

At sinabi pa Niya: وَلَوْ شَآءَ اللّهُ مَا فَعَلُوهُ فَذَرْهُمْ وَمَا يَفْتَرُونَ

{At kung ninais ng Allah, hindi nila nagawa iyon, kaya pabayaan mo sila at ang mga ginagawa-gawa nilang kasinungalingan laban sa Allah}. Al-anam:137

PANG-APAT: Ang paniniwala na ang lahat ng nilalang ay nilikha ng Allah maging ang kanilang kabuuan, katangian , kilos at galaw .

Sinabi ng Allah: اللّهُ خَالِقُ كُـلّ شَيْءٍ وَهُوَ عَلَىَ كُلّ شَيْءٍ وَكِيلٌ

{Ang Allah ang Tagapaglikha ng lahat ng bagay at Siya ang Namamahala sa lahat ng bagay}. Azzumr:62

At sinabi pa Niya: وَخَلَقَ كُلّ شَيْءٍ فَقَدّرَهُ تَقْدِيراً

{At Kanyang nilikha ang lahat ng bagay, at Kanyang tinakdaan ito ng ganap na sukat batay sa karapatdapat nitong sukat}.Al-furqan:2

At sinabi pa Niya tungkol sa Kanyang Propetang si Ibrahem (As) nang siya ay magsabi sa kanyang pamayanan:

وَاللّهُ خَلَقَكُمْ وَمَا تَعْمَلُونَ

{At ang Allah ang lumikha sa inyo at sa anumang ginagawa ninyo}.Assaffaat:96

At ang paniniwala sa Qadar tulad ng naisalaysay natin ay hindi binabaliwala ang sariling desisyon ng isang lingkod sa mga gawaing maaari niyang pagpilian. at ang sarili niyang kakayahan para gampanan ang mga ito. dahil ang batas at ang aktuwal na pangyayari ay itinuturo ang pagpapatunay nito sa kanya.

Ang tungkol sa batas:

Katotohanan,sinabi ng Allah ang tungkol sa pagkaroon ng sariling desisyon: فَمَن شَآءَ اتّخَذَ إِلَىَ رَبّهِ مَآباً

{Kaya, sinuman ang may gusto, magtakda siya ng isang lugar (o isang daan tungo) sa kanyang Panginoon}.Annabaa’:39

At sinabi pa Niya: فَأْتُواْ حَرْثَكُمْ أَنّىَ شِئْتُمْ

{Kaya’t lapitan ninyo ang inyong taniman kung paano ninyo nais}.Al baqarah:223

At Siya ay nagsabi tungkol sa sariling kakayahan: فَاتّقُواْ اللّهَ مَا اسْتَطَعْتُمْ وَاسْمَعُواْ وَأَطِيعُواْ

{At matakot kayo sa Allah sa abot ng inyong makaya, kaya makinig at sumunod kayo (sa mga pangaral ng Allah at ng Kanyang Sugo)}.At-Tagaabun:16

At sinabi pa Niya: لاَ يُكَلّفُ اللّهُ نَفْساً إِلاّ وُسْعَهَا لَهَا مَا كَسَبَتْ وَعَلَيْهَا مَا اكْتَسَبَتْ

{Hindi inuubligahan ng Allah ang isang may buhay maliban sa abot ng kanyang makakayanan. mapapasa kanya ang anumang (kabutihang bunga ng) kanyang pinagsumikapan at pagdurusahan niya ang anumang (kasamaan na) kanyang ginawa}.Al baqarah:286

Ang tungkol naman sa aktuwal na pangyayari:

Katotohanan, ang bawat tao ay alam na siya ay may sariling desisyon at kakayahan. maari niyang gawin ang isang bagay at maari rin niyang iwasan ito. maari rin niyang pag-ibahin ang mga bagay na umaayon sa kanyang kagustuhan, katulad halimbawa ng paglalakad. at ang di uma-ayon sa kanyang kagustuhan, katulad halimbawa ng panginginig. ngunit ang kagustuhan ng isang lingkod at ang kanyang kakayahan ay nakasalalay sa kagustuhan ng Allah at sa Kanyang kakayahan.

Dahil Kanyang sinabi: لِمَن شَآءَ مِنكُمْ أَن يَسْتَقِيمَ * وَمَا تَشَآءُونَ إِلاّ أَن يَشَآءَ اللّهُ رَبّ الْعَالَمِينَ

{Para sa sinumang may nais sa inyo na tumahak ng matuwid na landas, at wala kayong naipapasiya na kagustuhan maliban kung naisin ng Allah,ang Panginoon ng lahat ng daigdig}.At-Takweer:28-29

At nang dahil sa ang lahat ng daigdig ay pag-aari ng Allah, magkagayon walang maaring maganap na anumang bagay sa Kanyang kaharian nang wala Siyang alam at pahintulot.

Ang paniniwala sa Qadar batay sa mga nailarawan natin ay hindi nagbibigay ng isang katuwiran sa isang lingkod upang kumalas sa mga tungkulin o gumawa ng masamang gawain. at dahil dito ang kanyang pinaninindigan ay walang saysay sa mga sumusunod na dahilan:

UNA:Ang Allah ay nagsabi :

سَيَقُولُ الّذِينَ أَشْرَكُواْ لَوْ شَآءَ اللّهُ مَآ أَشْرَكْنَا وَلاَ آبَاؤُنَا وَلاَ حَرّمْنَا مِن شَيْءٍ كَذَلِكَ كَذّبَ الّذِينَ مِن قَبْلِهِم حَتّىَ ذَاقُواْ بَأْسَنَا قُلْ هَلْ عِندَكُم مّنْ عِلْمٍ فَتُخْرِجُوهُ لَنَآ إِن تَتّبِعُونَ إِلاّ الظّنّ وَإِنْ أَنتُمْ إَلاّ تَخْرُصُونَ

{Malamang na sasabihin ng mga nagtatambal kay Allah. “kung ginusto lang ng Allah hindi sana kami nagtambal at pati ng aming mga magulang at hindi rin sana namin naipagbawal ni kahit isang bagay.ganoon na ganoon din ang ginawang pagpapabulaan ng mga nauna sa kanila hanggang sa natikman nila ang aming parusa.Sabihin mo!mayroon ba kayong kaalaman at ilahad ninyo sa amin. tunay na wala kayong sinusunod maliban sa haka haka lamang at wala kayong sinasabi kundi kasinungalingan}.Al anam:148

At kung makatuwiran ang naging batayan nila ang Qadar, hindi sana ipinatikim ng Allah sa kanila ang kanyang parusa.

PANGALAWA:Ang Allah ay nagsabi: رّسُلاً مّبَشّرِينَ وَمُنذِرِينَ لِئَلاّ يَكُونَ لِلنّاسِ عَلَى اللّهِ حُجّةٌ بَعْدَ الرّسُلِ وَكَانَ اللّهُ عَزِيزاً حَكِيماً

{At kami ay nagsugo ng mga sugong maghahatid ng magagandang balita at magbabala sa inyo, para walang maikatuwiran ang mga tao kay Allah matapos gampanan ng mga sugo ang kanilang tungkulin,ang Allah ang kataastaasan at ang ganap kung gumawa}. Annisa’:165

At kung ang Qadar ay makatuwirang panindigan ng mga sumasalungat hindi mapapawalan ng saysay ang kanilang pinapanindigan sa pagsugo sa mga Sugo,dahil ang pagsalungat matapos silang maisugo ay nangyayari din sa takda ng Allah.

PANGATLO:Ang mga nai-ulat ni Al Bukhari at Muslim,/ang nai-ulat kay Al Bukhari “Si Ali bin Abi Thalib (Raa) ay nag-ulat, ang Propeta(Saw)ay nagsabi: [Walang isa sa inyo kundi naisulat na ang kanyang kalalagyan sa impiyerno o sa paraiso] at nagsalita ang isang lalaki mula sa mga tao:Hindi ba maaaring umasa na lamang tayo O sugo ni Allah!.ang sinabi ng Propeta(Saw): Hindi! Magtrabaho kayo ang lahat ng bagay ay napapagaan,pagkatapos kanyang binasa ang isang talata sa Quran: فَأَمّا مَنْ أَعْطَىَ وَاتّقَىَ

{At ang tungkol sa sinumang nagbibigay ng kanyang kayamanan at may takot sa kanyang panginoon at pinaniniwalaan ang katotohanan ng paraiso.aming iaalay sa kanya ang mabuting gawain at maging magaan sa kanya}.Allayl : 5

At sa nai-ulat kay Muslim [Ang lahat ng bagay ay napapagaan sa mga nailaan sa kanya].kaya ang Propeta(Saw)kanyang ipinag-uutos ang magtrabaho at ipinagbabawal ang umasa na lamang sa Qadar.

PANG-APAT:katotohanan.ang Allah ay kanyang inuutusan ang isang lingkod at pinagbabawalan ito,at hindi niya ito inubliga liban sa abot ng kanyang makakaya.

Sinabi ng Allah: فَاتّقُواْ اللّهَ مَا اسْتَطَعْتُمْ

{At matakot kayo kay Allah,gawin ninyo ang ipinag-uutos niya sa abot ng inyong makakaya}.Attagaabon:16

At sinabi pa niya: لاَ يُكَلّفُ اللّهُ نَفْساً إِلاّ وُسْعَهَا

{Hindi inubliga ni Allah ang isang may hininga maliban sa abot ng kanyang kakayahan}.Al Baqarah:286

Ngayon kung ang isang lingkod ay napipilitan lang siya sa kanyang ginagawa, lumalabas na siya ay inuubliga sa mga bagay na hindi niya kayang lutasin ito, at iyan ay hindi maaari. kaya kung bakit kapag siya ay nakagawa ng kasalanan sa dahilang hindi alam o nakalimot o napilitan ay wala siyang kasalanan dito dahil mayroon siyang dahilang pangbatas.

PANGLIMA: Ang itinakda ni Allah ay bagay na lingid walang nakakaalam nito maliban kapag nangyari na ang naitakdang bagay.at ang kagustuhan ng lingkod ay nauuna bago ang kanyang ginagawa at ang mga nagugustuhan niyang gawin bago niya isagawa ang isang bagay ay wala siyang kaalam-alam kung ano ang itinakda ng Allah dito.at dahil dito nawawalan ng saysay ang kanyang pinapanindigan sa Qadar,dahil hindi maaaring panindigan ng isang tao ang mga bagay na wala siyang nalalaman dito.

PANG-ANIM: Katotohanan,ating nakikita ang tao na masyadong masigasig sa mga bagay na materyal na makapagdudulot sa kanya ng kabutihan hanggang sapilitan niyang makamtan ito at hindi mahalaga sa kanya ang umiwas sa mga bagay na hindi nakakabuti sa kanya at kapag siya ay nakagawa ng kasalanan kanyang pinapanindigan ang Qadar.at bakit lumilihis siya sa mga nakakabuti sa kanya sa mga gawaing pang-relihiyon, na iyon ang magpapahamak naman sa kanya pagkatapos kanyang paninindigan ang Qadar?! Hindi ba ang kahulugan ng dalawang itoy iisa?!.

Kung bibigyan mo ng pansin ang mga sumusunod na halimbawa magiging malinaw sa iyo ang tungkol dito:

Kung nagkataon nasa harapan ng isang tao ang dalawang daan,ang isa nito ay hahantong sa bayang puro walang saysay; patayan, huldapan, hinahamak ang dangal,takot,gutom./At ang pangalawa ay hahantong sa isang bayang puro kabutihan; maayos,panatag ang kalooban,may malawak na kabuhayan,at iginagalang ang mga buhay ng tao,dangal at ari-arian. ngayon anong daan ang kanyang pipiliin? Siguradong kanyang tatahakin ang pangalawang daan na hahantong sa bayan na maayos at panatag.at hindi maaari kailan man sa sinumang may matinong isipan na ang kanyang tahakin ay ang daang papunta sa lugar na ang lahat ng nasa loob nito ay walang kabuluhan at puro nakakatakot at ang kanyang papanindigan ay ang Qadar. at bakit tinatahak niya ang daang papuntang impiyerno sa paggawa ng mga gawaing panghuling araw at hindi ang daang patungong paraiso,pagkatapos kanyang panindigan ang Qadar?.

Isa pang halimbawa:Nakikita nating inuubliga ang taong may sakit na uminom ng gamot at kanyang iniinum ito kahit pa ang kanyang sarili ay kinamumuhian ito, at pinagbabawalan sa pagkaing makakasama sa kanyang kalagayan at kanyang iniiwasan ito kahit pa ang kanyang sarili ay hinahanap-hanap ito. ang lahat ng iyon ay dahil sa kagustuhang gumaling at sa kaligtasan.at hindi maaaring tanggihan niya ang pag-inom ng gamot o kumain ng pagkaing makakasira sa kanya at ang papanindigan niya ay ang Qadar. At bakit iniiwasan ng tao ang mga ipinag-uutos sa kanya ng Allah at ng kanyang sugo o ginagawa ang mga ipinagbabawal sa kanya ng Allah at ng kanyang sugo pagkatapos ay kanyang papanindigan ang Qadar?.

PANGPITO: Katotohanan, ang nangangatuwiran ng Qadar sa mga iniiwanan niyang mga obligasyon o pagsasagawa ng mga kasalanan,kung siyay pagtangkaan ng isang tao ng masama at kukunin sa kanya ang kayamanan niya o kaya lapastanganin ang kanyang dangal at pagkatapos ipangatuwiran ng taong iyon ang Qadar at sasabihin sa kanya;Huwag mo akong sisihin dahil ang ginawa kong paghamak sa iyo ay takda ni Allah.hinding hindi niya tatanggapin ang katuwiran ng isang ito,at bakit hindi niya tatanggapin na ipangatuwiran ang Qadar kapag siya ang hinamak ng ibang tao. samantala sa kanyang sarili kanyang ipinangangatuwiran ang Qadar kapag nilapastangan niya ang karapatan ng Allah?. Nabanggit na ang Ameerul Moa’mineen “Omar bin Al Khatthab” (Raa) dinala sa kanya ang isang magnanakaw na nararapat hatulan ng Putol (kamay).at kanyang ipinag-utos na putulan ito ng kamay. At siyay (magnanakaw)nagsabi:Maghunos dili ka O ameerul Moa’minen!

akoy nakapagnakaw lamang dahil sa takda ni Allah. At ang sinabi ni Omar: kami ay puputol dahil rin sa takda ni Allah.

Ang paniniwala sa Qadar ay may mga magagandang kahihinatnan, ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1]Ang umasa lamang sa Allah matapos gawin ang mga dahilan,subalit hindi dapat umasa sa dahilan mismo dahil ang lahat ng bagay ay nakasalalay sa takda ng Allah.

2]Hindi dapat humanga ang isang tao sa kanyang sarili kapag nakamtan niya ang kanyang minimithi, dahil ang pagkakuha niya sa mga ito ay biyayang galing sa Allah sa naitakda Niyang dahilan ng kabutihan at tagumpay, at ang paghanga niya sa kanyang sarili ay magiging daan para makalimutan niyang magpasalamat sa mga biyayang ito.

3]Ang kapanatagan at kaginhawaan ng loob sa mga dumarating sa kanyang buhay mula sa mga itinakda ng Allah.Hindi dapat siyang mangamba sa mga nawawalang mahahalagang bagay o dumarating na mga kasawian sa kanyang buhay,dahil ang lahat ng iyon ay itinakda ng Allah ang tanging nagmamay-ari ng mga kalangitan at ng kalupaan, ito’y mangyayari nang walang pasubali.

At dahil doon sinabi ng Allah:

مَآ أَصَابَ مِن مّصِيبَةٍ فِي الأرْضِ وَلاَ ف�