Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

24
ANG PANG-UGNAY AT ANGMGA URI NITO

description

 

Transcript of Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Page 1: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

ANG PANG-UGNAY AT ANGMGA URI NITO

Page 2: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Ang Pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa salita sa kapwa salita, o isang kaisipan sa kapwa kaisipan. Ito ay maaaring pantulong o pantuwang.

Page 3: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

MGA URI NG PANGATNIG Pantuwang ang pangatnig kapag pinag-uugnay nito ang mga magkakasingkahulugan, magkakasinghalaga o magkakapantay na mga bagay o kaisipan.

Page 4: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Ang mga pantuwang na pangatnig ay:

At Saka Pati

Page 5: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Mga halimbawa: Magtitirik ng kandila at

magpapadasal si Ka Ebeng sa Araw ng mga Patay.

Magtitirik ng kandila’t magpapadasal si Ka Ebeng sa Araw ng mga Patay.

Page 6: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Ang mga mamamayan pati na ang mga dayuhan ay pupulungin ng Pangulo.

Dalhin mo bukas pagtungo natin sa talon ang timba, tabo saka ang mga labahin.

Page 7: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

MGA URI NG PANGATNIG Pantulong naman ang pangatnig kung pinag-uugnay nito ang sugnay na di- makapagiisa sa malaya o makapag-iisa o punong sugnay.

Page 8: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

URI NG PANGATNIG NA PANTULONG

Pamukod – pamukod ito kung may pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan, pagtatangi sa isa o sa iba sa dalawa o mahigit pang bagay o kaisipan.

Page 9: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Hal. Ni sa pangarap ni sa panaginip ay hindi siya nagisip ng ganyon.

Ang tunay na Kristyano, ay walang-kiling. Katoliko o Protestante o Muslim, lahat sila ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.

Page 10: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

URI NG PANGATNIG NA PANTULONG

Paninsay o Pasalungat – kung sa tambalang pangungusap, ang ikalawa ay sumasalungat sa una, ang ginagamit ay: ngunit, bagaman, habang, kahit, datapwat, subalit.

Page 11: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Hal. Sasalo raw siya kahit masama ang kanyang loob.

Ang mamamayang pilipino, bagama’t hirap sa buhay, ay laging kamamasdan ng kasiyahan.

Page 12: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

PAKATANDAAN:

Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit, at datapwat ay ginagamit na sa unahan ng pangungusap.

Page 13: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Hal.Matahimik pa rin ang Pilipinas ngunit hindi pa rin lubos makapaniwala ang mga taga-ibang bansa dahil sa maling nalalathalang balita, subalit patuloy pa rin silang dito ay dumaragsa.

Page 14: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

URI NG PANGATNIG NA PANTULONG

Panubali – kung may pag-aalinlangan o pagbabakasakali, ang ginagamit ay: kung, pag, sana, baka, pagka, kapag, sakali.

Page 15: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Hal.Lalong hihirap ang iyong buhay kung babayaan mong nakatiwangwang ang iyong lupa.

Pinamihasa mo ang iyong anak sa karangyaan, baka magsisi ka pagdating ng araw.

Page 16: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

URI NG PANGATNIG NA PANTULONG

Pananhi – mula sa salitang sanhi o dahilan. Ito ay ginagamit kung ang mga kadahilanan, ay inilalahad, kung nangangatwiran, kung tumutugon sa katanungang “bakit?”

Page 17: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Ang mga salitang ginagamit ay: dahil, sapagkat, palibhasa, kasi, kundangan, atb.

Page 18: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Hal.Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa nakain niyang hilaw na mangga.

Lumayas ang anak niya kasi sobra niyang pinagmamalupitan.

Page 19: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

URI NG PANGATNIG NA PANTULONG

Panlinaw – kung ang nasabi ay pinaliliwanagan pa, ang ginagamit ay: samakatuwid, kaya, gayunpaman, kung gayon, alalaon, sana, atbp.

Page 20: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Hal. Makahulugan at makabulahan ang kasaysayan, sa makatuwid, ang palasak nating kawikaan: “Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” ay diwang bagay lamang.

Page 21: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

URI NG PANGATNIG NA PANTULONG

Panulad – ito ay pariralang magkatugon na ginagamit sa pagtutulad.

Page 22: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Hal.

Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin.

Kung alin ang pinagkapili-pili, ay siya pang nakuha ng bungi.

Page 23: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

URI NG PANGATNIG NA PANTULONG

Panapos – ginagamit ang pangatnig na ito kung nagpapahayag ng layon o pagbabadya ng nalalapit na pagwawakas sa pagsasalita. Ito ay: upang, nang, sa wakas.

Page 24: Mga Pang-ugnay at Mga Uri Nito

Hal.Pahalagahan ang pangaral ng mga magulang nang hindi malihis ng patutunguhan.

Ang Pilipinas, sa wakas, hindi pa man lubos na maunlad ay kababanaagan na ng mapangakong bukas.