Mga Likas na Anyong Lupa · 2020. 9. 23. · ANYONG LUPA Ang lupain sa ating bansa ay may iba’t...
Transcript of Mga Likas na Anyong Lupa · 2020. 9. 23. · ANYONG LUPA Ang lupain sa ating bansa ay may iba’t...
MGA LIKAS NA ANYONG LUPA
Mga Layunin:
mailarawan ang ganda at yaman ng bansa
matutukoy ang mga likas na anyong lupa na nagpapaganda sa bansa.
ANYONG LUPA
Ang lupain sa ating bansa ay may iba’t ibang anyo. Ilan dito ay ang bundok, burol, talampas, bulubundukin, kapatagan at lambak.
Ang mga ito ay pinagtatayuan ng mga tirahan, mga taniman, at mga pang-akit sa mga turistana dumarayo sa ating bansa.
Ang Disyerto ng Sahara na matatagpuan sa Aprika ang tinaguriang pinakamainit na disyerto sa buong mundo, samantalang ang Disyerto ng Gobi ay ang pinakamalamig na disyerto sa Asya na matatagpuan bansang Mongolia.
1. BUNDOK – mataas na
anyong lupa na higit na mas
mataas kaysa burol. Maraming
punungkahoy sa bundok kaya
naman dito kinukuha ang mga
troso na ginagawang bahay at
iba pang kasangkapan.
Pinagkukunan din ito ng mga
yamang mineral tulad ng ginto,
tanso, pilak, at nikel.
MGA ANYONG LUPA
Bundok Apo – pinakamataas na bundok na matatagpuan sa pagitan ng Davao del Sur at Hilagang Cotabato.
Bundok Makiling – matatagpuan sa Laguna na dinarayo ng mga mahilig sa abentura o mga gawaing kakaiba o mapanganib.
2. BUROL – mas mababa sa
bundok ang anyong lupang ito.
Mainam itong pastulan ng mga
hayop dahil sa mabeberdeng
damo nito.
MGA ANYONG LUPA
Chocolate Hills – magaganda at tanyag na burol na matatagpuan sa Carmen, Bohol. Ang kulay nitong tsokolate kung tag-araw at kulay berde naman kung sa tag-ulan ang nakakaakit sa mga turista.
3. BULKAN – mataas na
anyong lupa na may bunganga
sa tuktok. Nagbubuga iton ng
kumukulong putik at usok kapag
pumutok.
MGA ANYONG LUPA
Bulkang Mayon– aktibong bulkan sa bansa na matatagpuan sa Albay. Ito ay may perpektong hugis-apa na dinarayo ng mga turista.
Bulkang Taal – ito ay ang pinakamaliit ng bulkan sa daigdig na nasa Batangas na dinarayo din ng mga turista.
4. LAMBAK – ito ay ang patag
na lupa sa pagitan ng mga
bundok.
MGA ANYONG LUPA
Lambak ng Cagayan – pinakamahabang lambak sa Pilipinas na angkop pagtaniman ng mga tabako, tubo at niyog.
Lambak La Trinidad – matatagpuan sa Benguet na angkop naman na pagtaniman ng mga sari-saring gulay tulad ng repolyo, patatas, pipino at letsugas.
5. TALAMPAS – isang patag na
lupa sa ibabaw ng bundok.
Mainam itong pagtaniman ng
gulay at prutas na angkop sa
malamig na klima dito.
MGA ANYONG LUPA
Lungsod ng Baguio – ang tinaguriang Summer Capital ng Pilipinas na nasa talampas.
Bukidnon – mayroon ding talampas dito na nasa parteng Mindanao. Inaani dito ang mga pananim tulad ng mais, palay at kape.
6. KAPATAGAN – ito ay patag,
mababa at malawak na anyong
lupa. Matatagpuan dito ang mga
sakahan at taniman.
MGA ANYONG LUPA
Ang mga ilan sa halimbawa ng mga kapatagan sa ating bansa
ay Gitnang Luzon, Bicol, Kalakhang Maynila,
Iloilo, at Cotabato. Angkop ditong itanim ang mga palay, gulay, pinya, abaka, bulak, at iba pang mga pananim.
7. BULUBUNDUKIN – ito ay
binubuo ng dalawa o higit pang
magkakadugtong o hanay na
mga bundok. Marami din
punungkahoy dito na kailangan
sa paggawa ng tahanan at iba
pa.
MGA ANYONG LUPA
Ang mga ilan sa halimbawa ng mga bulubundukin ay ang
Cordillera, Sierra Madre at Caraballo na pawang matatagpuan sa Luzon samantalang makikita naman sa parteng Mindanao ng
Bulubunduking Diwata.
8. BAYBAYIN – ito ay anyong
lupa na nasa tabing dagat. May
mahabang baybayin ang ating
bansa. Nakukuha sa baybayin
ang mga kabibe at iba pang
mga palamuti.
MGA ANYONG LUPA
Ang tanyag na baybayin sa ating bansa ay ang Beach Resort na matatagpuan sa
Boracay. Mainam itong pasyalan at paliguan.
9. ISLA o PULO – ito ay maliit
na anyong lupang napaliligiran
ng katubigan. Maituturing na
isang arkipelago ang ating
bansa dahil binubuo ito ng mga
kapuluan.
MGA ANYONG LUPA
Ang Batanes, Sulu at
Tawi-tawi ay ilan lamang sa mga maituturing na kapuluang komunidad sa bansa. Dinarayo ng mga turista ang kilalang
Hundred Islands sa Alaminos, Pangasinan.
10. TANGWAY– anyong lupang
nakausli sa katubigan at
nakadikit sa mas malaking
anyong lupa.
MGA ANYONG LUPA
Ang mga lalawigan ng
Bataan at Zamboanga ay ilan sa mga halimbawa ng tangway na matatagpuan sa ating bansa.