Mga kalye sa sampaloc na may kinalalaman kay rizal
Transcript of Mga kalye sa sampaloc na may kinalalaman kay rizal
Mga Kalye sa Sampaloc na may kinalaman kay Dr. Jose Rizal Uy, Queenie
Ysabel
Section: 1-7
Noong panahon ng pananakop ng mga
Amerikano sa Pilipinas, pinili nila si Rizal bilang
Pambansang Bayani upang magkaroon ang mga
Amerikano ng magandang imahe sa mata ng
mga Pilipino. Mula noon ay hindi nila itinigil ang
pagpapalaganap ng pagmamahal/pagdakila kay
Rizal. Ang pagbabago ng Sampaloc noong 1910-
30 ay isa sa mga paraan upang ipakita ang
Rizalismo (pagdakila kay Rizal) sa isang lungsod
katulad ng Maynila. Sa huli, pinangalanan ng
pamahalaan ang mga kalye sa Sampaloc ng may
kaugnayan kay Dr. Jose Rizal.
Ito ang mga kalye sa Sampaloc na may kinalaman kay Dr. Jose Rizal:
Calamba
Makiling
Dapitan
San Diego
Maria Clara
Basilio
Simoun
Crisostomo
Ibarra
Sisa
P. Florentino
Isagani
Macaraig
Quiroga
Elias
Tiago
Craig
Casanas
Andrade
Pi Y Margall
Blumentritt
Leonor Rivera
Josefina
Musa
Instruccion
Kundiman
Metrica
Retiro
Laong-Laan
Dimasalang
Ang mga pangalan ng mga kalyeng sumusunod ay galing sa mga tauhan at lugar
sa dalawang libro ni Jose Rizal, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Crisostomo
Ibarra ang bida sa Noli Me Tangere at El
Simoun Filibusterismo.
Maria Clara- ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra.
Elias- ang matalik na kaibigan ni Crisostomo.
Basilio- ang sakristan na bata sa Noli Me Tangere at makakapagtapos na sa
pag-aaral niya ng pagiging doktor sa El Filibusterismo.
Sisa- ang nabaliw na ina ni Basilio at ni Crispin.
Isagani- ang naging matalik na kaibigan ni Basilio sa El Filibusterismo.
Tiago-siya si Kapitan Tiago, ang stepfather ni Maria Clara.
Quiroga- ang tsinong negosyante, at tagapagtago ng mga sandata ni Simoun.
P. Florentino- ang inaama ni Isagani.
San Diego- lugar sa Noli Me Tangere.
Macaraig- ang mayaman na kaklase ni Isagani.
Ang mga kalye tulad ng Calamba at Dapitan ay ang mga
lugar na napuntahan ni Rizal.
Calamba- Sa Calamba, Laguna si Jose Rizal
ipinanganak.
Dapitan- Dapitan, Zamboanga ipinatapon si Rizal.
Nakuha ang pangalan ng kalye Makiling sa bundok nang
isinulat ni Rizal na alamat.
Ang sumusunod naman na kalye ay ipinangalanan sa mga taong nakilala
ni Rizal at naging malapit sa kanya.
Leonor Rivera- isa sa mga babae na minahal ni Rizal. Siya ay si Maria
Clara sa Noli Me Tangere at Paulita Gomez sa El Filibusterismo. Siya
rin ang nagsilbing inspirasyon kay Dr. Jose Rizal. Napangasawa niya si
Henry Kipping.
Blumentritt- Si Propesor Ferdinand Blumentritt, ang Austrisyano, ay
Direktor ng Ateneo ng Leitmeritz, Austria. Siya ang matalik na
kaibigan ni Rizal. Turing niya kay Rizal ay parang anak na rin niya.
Casanas- Si Padre Pedro Casanas ang ninong ni Jose Rizal.
Pi Y Margal- si Fransisco Pi y Margal ay ang kaibigan ni Rizal sa
Masoneriya. Siya ang dating Pangulo ng Unang Republikang
Espanyol
Andrade- Jose Taviel de Andrade ang naging tagapagbantay kay Jose
Rizal sa mga paglalakbay niya.
Josefina- Si Josephine Bracken, ang asawa ni Dr. Jose Rizal.
Nakuha naman yung pangalan ng kalye Craig kay Austin Craig, siya ay
isa sa mga unang biographers nagsulat ng talambuhay ni Rizal.
Ang mga kalye tulad ng Musa, Kundiman, Instruccion at Metrica ay
nanggaling naman sa mga sulat ni Rizal.
Musa- Ito ay ang “A Mi Musa” isa siyang tula na isinulat ni Rizal sa La
Solidaridad. Ipinapahayag nito ang mga problema sa Calamba. Maari
ring ito ay ipinangalan sa isa grupo na sinalihan ni Rizal noong nag-
aaral siya sa Ateneo ang Musa (Society of Muses).
Kundiman- ito ay nakuha sa isang tula ni Rizal, ang “Kundiman”,
ipinapahayag nito ang kalayaan ng Pilipinas sa mga Kastila.
Instruccion- nakuha ito sa isa sa mga sulatin ni Rizal ang “La
Instruccion”. Ipinapahayag nito ang edukasyon at ang mga
kabataan ay ang nagbibigay ng pag-asa sa bayan.
Metrica- nakuha ito sa isa sa mga sulatin ni Rizal, ang “Arte Metrica
Del Tagalog” (Metrical Art of the Tagalogs ).
Retiro- ang pangalan nito ay nakuha sa isang tula ni Rizal ang “Mi
Retiro”. Itong tula ay tungkol sa mga bagay na nilikha ng Diyos.
Ang kalye naman na Dimasalang at Laong Laan ay ang
mga pangalan na ginamit ni Rizal sa iba niyang mga
sulatin.
Dimasalang- ibig sabihin “Hindi Masalang”
(“untouchable”). Ito ang ginamit niyang pangalan sa
pagsulat ng mga artikulo sa La Solidaridad.
Laong-Laan- ibig sabihin “Matagal ng Handa”. Ito
ang pangalan na ginamit ni Rizal sa pagsulat ng Noli
Me Tangere.