Mga Etnolinggwistiko Sa Luzon (Ethnic groups in Luzon)

14
Mga Etnolinggwistiko Sa Luzon

description

Ethnic groups in Luzon, Philippines

Transcript of Mga Etnolinggwistiko Sa Luzon (Ethnic groups in Luzon)

Mga Etnolinggwistiko Sa Luzon

Mga Etnolinggwistiko Sa LuzonMga Pangkat Etniko sa Luzon2TagbanuaNaninirahan ang mga Tagbanwa sa baybaying dagat sa gitnang Palawan. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng pangingisda, paghahalaman at pangangaso.Mayroon na ring pampulikang balangkas ang mga Tagbanwa. Masakampu ang kanilang tawag sa pinuno ng pangkat. Blusang mahahaba ang manggas at makukulay na paldang patadyong ang kasuotan ng mga babae samantalang nagsusuot lamang ng bahag ang mga lalaki. May bahid ng Malayo-Polinesiya at Indyan ang mga Tagbanwa.

MangyanNaninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad.May ibat ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.

IfugaoSa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao.Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang bawat Ifugao. Iniuukol nila ang kanilang maghapon sa paggawa. Katulad ng ibang pangkat, mayroon ding diborsyo sa mga Ifugao. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa.Sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na makina, ginawa ito sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Ang mga Igorot ay isang grupong etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla ng Luzon, sa hilaga ng bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative Region (CAR): ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga, at Kankanaey. Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mahalaga sa kanila ang lupa, sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa Ifugao.

KalingaMatatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring magkaroon ng higit sa isang asawa ang isang Kalinga.Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang budong, isang kasunduang pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang pakikidigma sa isa't isa. lawit ang

IlonggoNangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot, ang pangkat na matatagpuan sa kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o Ibilao. Mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga Negrito. Nagsasaka ng palay, tabako, saging, kamote at gulay ang mga Ilongot. Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo, usa at ibon sa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela, kutsilyo at asin ang mga produktong ito sa mga nasa kapatagan.Sumasamba sa maraming diyos ang mga Ilongot. Bukod dito, sinasamba rin nila ang araw, kaluluwa ng mga namatay at iba pang kaluluwa sa kalikasan.

KankanaiAng mga Kankanai ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng hilagang Luzon. May maraming pangkat ang mga Kankana-ey, ang ilan sa kanila ay matatagpuan sa ibat ibang bahagi ng Benguet at maging sa iba't ibang bahagi ng La Union at malalapit na probinsya, samantalang ang iba manam ay matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng Mountain Province at mga probinsyang malapit dito. Halos walang ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito ng Kankana-ey sa anyo at porma ngunit marami ang pinagka-iba sa kanilang kultura at paniniwala.Pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay ng mga Kankana-ey. Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin. Pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at baboy damo sa pamamagitan ng aso at lambat.Kadalasan ang kadangyan o baknang na tradisyunal na aristokrasya at ang mga matatanda ang may malaking impluwensya sa lipunan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahang magbibigay ng lahat ng kabuhayan ng pamilya.