Mga Alamat Ng Hayop

6
ANG ALAMAT NG DAHONG PALAY Noong unang panahon ang mga ahas ay walang kamandag. Sa ganito sila ay hindi kinakatakutan at pinakukundanganan tisurin o patayin. Sa gayon nilang katayuan ay minarapat nilang gumawa ng paraan upang sila’y pangilagan ng tao at huwag patayin. Kaya’t ang kanilang puno’y dumalangin humingi ng kamandag kay Bathala. Ang kanilang kahilingan ay hindi naman pinagkaitan ng Panginoong Diyos. Isang araw ang Panginoong Diyos ay nanaog at dala ang isang kamandag upang batiin ang mga ahas. Ang unang nakakuha ay ang ulupong kung kaya ang kanya ang pinakamabagsik. Ang lahat ay nakakuha ng kamandag maliban lamang sa dahongpalay na hindi kaagad nabatid ang pagbibigayan ng kamandag. Nang madatnan niya ang pook na bigayan ng kamandag ay ang banga na lamang ang kanyang nakita. Sa hangad niyang magkaroon ng kamandag ay nagpaikot-ikot siya sa loob ng banga na ang kamandag ay napunta sa kanyang balat. Ngayon ang dahongpalay ay may kamandag sa balat at hindi sa loob ng katawan. ANG ALAMAT NG BUTIKI Noong unang panahon, may magkasintahan na masasabing walang katulad. Walang kasing tamis ang kanilang pagmamahalan. Isang araw ay nagkaroon ng isang mahigpit na pagsubok ang kasintahan ng binata. Sapagkat dalisay ang pag-ibig ng binata, sinabi niya sa kasintahan na ipag-patuloy ang gagawing pagsubok. Sa madali’t sabi, ipinag-tapat ng dalaga sa kasintahan na kailangan niya ang puso ng kanyang ina. Ito ang magpapatunay ng kanyang katapatan at nangako ang dalaga na kung magtagumpay siyang maisagawa ito, ay agad silang magpapa-kasal. Walang kibong umalis ang binata patungo sa kanilang tahanan upang tuparin ang tagubilin ng kanyang kasintahan. Dali-daling umakyat at kanyang naratnan ang ina na nakaluhod sa harap ng altar sapagkat orasyon na noon. Nangangatal ang buong katawan na kinuha ang balaraw at sabay na itinarak sa dibdib ng ina. Agad niyang kinuha ang puso ng ina at tumakbong patungo sa kanyang kasintahan. Ngunit sa kasawiang palad, at marahil sa parusa ng nasa itaas, ay bigla na lamang siyang nadupilas at ang puso na kanyang hawak ay nahulog sa isang bitak. Ang puso’y biglang nangusap, “Bakit mo ako ginanito anak? Bakit mo sinunod ang maruming mithiin ng iyong kasintahan? Dapat mong malaman na ang isang ina ang

description

j

Transcript of Mga Alamat Ng Hayop

Page 1: Mga Alamat Ng Hayop

ANG ALAMAT NG DAHONG PALAY

Noong unang panahon ang mga ahas ay walang kamandag. Sa ganito sila ay hindi kinakatakutan at pinakukundanganan tisurin o patayin. Sa gayon nilang katayuan ay minarapat nilang gumawa ng paraan upang sila’y pangilagan ng tao at huwag patayin.

Kaya’t ang kanilang puno’y dumalangin humingi ng kamandag kay Bathala. Ang kanilang kahilingan ay hindi naman pinagkaitan ng Panginoong Diyos.

Isang araw ang Panginoong Diyos ay nanaog at dala ang isang kamandag upang batiin ang mga ahas. Ang unang nakakuha ay ang ulupong kung kaya ang kanya ang pinakamabagsik. Ang lahat ay nakakuha ng kamandag maliban lamang sa dahongpalay na hindi kaagad nabatid ang pagbibigayan ng kamandag.

Nang madatnan niya ang pook na bigayan ng kamandag ay ang banga na lamang ang kanyang nakita. Sa hangad niyang magkaroon ng kamandag ay nagpaikot-ikot siya sa loob ng banga na ang kamandag ay napunta sa kanyang balat. Ngayon ang dahongpalay ay may kamandag sa balat at hindi sa loob ng katawan.

ANG ALAMAT NG BUTIKI

Noong unang panahon, may magkasintahan na masasabing walang katulad. Walang kasing tamis ang kanilang pagmamahalan. Isang araw ay nagkaroon ng isang mahigpit na pagsubok ang kasintahan ng binata. Sapagkat dalisay ang pag-ibig ng binata, sinabi niya sa kasintahan na ipag-patuloy ang gagawing pagsubok. Sa madali’t sabi, ipinag-tapat ng dalaga sa kasintahan na kailangan niya ang puso ng kanyang ina. Ito ang magpapatunay ng kanyang katapatan at nangako ang dalaga na kung magtagumpay siyang maisagawa ito, ay agad silang magpapa-kasal.

Walang kibong umalis ang binata patungo sa kanilang tahanan upang tuparin ang tagubilin ng kanyang kasintahan. Dali-daling umakyat at kanyang naratnan ang ina na nakaluhod sa harap ng altar sapagkat orasyon na noon. Nangangatal ang buong katawan na kinuha ang balaraw at sabay na itinarak sa dibdib ng ina. Agad niyang kinuha ang puso ng ina at tumakbong patungo sa kanyang kasintahan. Ngunit sa kasawiang palad, at marahil sa parusa ng nasa itaas, ay bigla na lamang siyang nadupilas at ang puso na kanyang hawak ay nahulog sa isang bitak. Ang puso’y biglang nangusap, “Bakit mo ako ginanito anak? Bakit mo sinunod ang maruming mithiin ng iyong kasintahan? Dapat mong malaman na ang isang ina ang pinagkakautangan mo ng buhay ay di na makikita kailan pa man.Lumuhod ang binata na nagsisisi. Nais niyang isauli ang puso, subalit wala nang magagawa. Ang binata ay bigla na lamang naging butiki, na gumagapang na lamang buhat noon.

Page 2: Mga Alamat Ng Hayop

ALAMAT NG PARU-PARO

Noong unang panahon may magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang na baryo sa Laguna. Ito ay sina Amparo na ang palayaw ay Paro samantalang ang nakababata naman ay si Perla na pawang sumisibol na dalagita. Pagtitinda ng bulakalak ang kanilang ikinabubuhay. Magkaiba ang ugali nila, si Amparo ay tamad at walang kinagigiliwang gawin kundi ang lumapit sa mga bulaklak at amuyin ito. Samantalang si Perla naman ay masipag at masinop sa kabuhayan. Likas na mabait si Perla pasensiya na lamang ang kaniyang binibigay sa kapatid na si Amparo na ubod na tamad.

Ngunit isang araw ay naubos na ang pasensiya ni Perla at nagalit kay Amparo na laging nagrereklamo sa kanilang ulam. Galit din sumagot si Amparo “Anong gusto mo alilain ako at busabusin, ako ang masusunod dahil ako ang nakakatanda.” Sabay nanaog at pumitas ng halaman sa hardin at nagtuloy sa ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok. Pagdukwang niya ay tuloy-tuloy siyang nahulog sa ilog. Sa pag-aalala pala sa kapatid ay sumunod si Perla at kitang-kita niya nang mahulog siya sa ilog. Sumigaw ng malakas si Perla “Paro!Paro!, marami ang nakarinig at tinulungan siya ngunit walang Amparo silang nakita.

Habang balisang nagmamasid ang mga tao sa ilog, ay may isang bulaklak ang lumutang sa knahulugan ni Amparo at unti-unti itong gumalaw, dahan-dahang nawala ang hugis bulaklak nito at unti-unting umusbong ang pakpak na may iba’t-ibang kulay. Walang ano-ano ay lumipad at nakita ni Perla ito na pumunta sa halamanan at nagpalipat lipat sa mga bulaklak. Kinutuban si Perla at nasambit niya ang katagang “Paro! Paro…!

Simula noon, ang maganda at makulay na munting nilikha ay tinawag ng mga tao na PARUPARO.

ALAMAT NG MAYAThe Legend of "Maya"

Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.

Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya’y gutum na gutom sapagkat galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang nalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao. Binuksan niya at pumasok siya sa loob. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo ay tinawag niya si Rita upang utusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin rin si Rita roon.

Nang kanyang buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galin sa loob. Kumain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya.

Page 3: Mga Alamat Ng Hayop

ANG ALAMAT NG MGA UNANG ALITAPTAP

Ang sabi ay tao lamang ang gumagamit ng apoy. Ang mga hayop daw ay hindi. Ito ay hindi totoo sapagka't ang mga alitaptap ay gumagamit din ng apoy. Alam mo ba kung bakit gumagamit ng apoy ang mga alitaptap?

Noong unang panahon, ang mga alitaptap ay maliliit na kulisap lamang. Ang mga kulisap na iyon ay walang dala-dalang apoy. Nguni't ito ring mga kulisap na ito ang tinatawag natin ngayong ALITAPTAP. Bakit kaya sila ngayon ay may dal-dalang apoy na kikisap-kisap?

Gaya rin ng mga alitaptap ngayon, ang mga kulisap noong unang panahon ay gabi lamang kung lumipad. Naguni't ayaw na ayaw nila ng mga gabing madilim. Ang ibig nila ay mga gabing maliwanag ang buwan. Kapag madilim ang gabi ay nagtatago sila sa mga damo. Nagtatago sila sa mga dahon at sa mga bulaklak. Sila ay takut na takot. Bakit kaya?

Isang gabing madilim, walang malamang pagtaguan ang mga kulisap na iyon. Nakakita sila ng isang punong sampaguita. Ang ilan sa kanila ay nagkubli sa nga bukong bulaklak nito. Mayroon namang nagkubli sa mga talulot.

"Bakit ba?" ang tanong ng sampaguita. "Bakit ba kayo nagtatago? Bakit ba kayo takot na takot? Kayo ba ay natatakot sa dilim?"

"Hindi kami sa dilim natatakot," ang sagot ng isang kulisap.

"At saan?" ang tanong ng sampaguita.

"Sa mga kabag-kabag," ang sagot ng maraming kulisap.

"Bakit kayo natatakot sa mga kabag-kabag?" ang tanong ng sampaguita. "Inaano b akayo ng mga kabag-kabag?"

"Kami'y kinakain nila," ang sabi ng mga kulisap. "Kapag kami ay nakita nila ay hinuhuli kami at iyon na ang katapusan ng aming buhay."

"Masama naman ang ginagawa sa inyo ng mga kabag-kabag," ang wika ng sampaguita.

"Biruin mo, kay rami ng mga kabag-kabag," ang sabi ng isang kulisap. "Kaya kami ay pakaunti nang pakaunti."

"Mauubos nga kayo kung ganyan," ang wika ng sampaguita. Kaawaawa naman kayo."

"Hindi nga namin malaman kung ano ang aming gagawin," Ang wika ng mga kulisap.

"Eh, bakit kung maliwanag ang gabi ay hindi kayo nagkukubli sa aking ouno?" ang tanong ng sampaguita.

"Kung maliwanag ang buwan ay mahirap kaming mahuli ng mga kabag-kabag," ang sagot ng isang kulisap.

"Hindi makakita sa liwanag ang mga kabag-kabag, eh," ang dugtong ng isang kulisap.

"Sila ay nasisilaw sa liwanag," ang dugtong pang uli ng isang kulisap.

"Ganoon pala. Hindi pala makakita sa liwanag," ang sabi ng sampaguita. "Tuturuan ko kayo kung ano and dapat ninyong gawin."

Page 4: Mga Alamat Ng Hayop

"Ano ba? Ano ba ang dapat naming gawin?" ang tanong ng bawa't kulisap.

"Bawa't isa sa inyo ay magdala ng apoy," ang sabi ng sampaguita. "Pagkatapos ay magsabay-sabay kayong lumabas. Matatakot sila sa inyo. Hindi nila kayo malalapitan."

"Oo nga, siya nga," ang sabay-sabay na sabi ng ilang kulisap.

"Mabuti nga, ano?" ang sabi pa rin ng ibang kulisap.

Ganoon na nga ang ginawa ng mga kulisap. Isang gabing madilim, ang bawa't isa sa kanila ay nagdala ng apoy, pagkatapos ay nagsabay-sabay silang lumabas. Naku! Para silang alipatong lumilipad. Hindi nga naman sila malapitan ng mga kabag-kabag.

Anong tuwa ng mga kulisap. Lumipad sila nang paikut-ikot sa punong sampaguita.

"Salamat sa iyo, Sampaguita. Kami ngayon ay malaya na."

Mula na noon tuwing lalabas ang mga kulisap pag madilim ang gabi nagdadala sila ng apoy. Ang mga kulisap na iyon din ang tinatawag ngayong "ALITAPTAP."