Medi-Cal Guide for New Members

20
Posibleng mahirap maintindihan ang mga benepisyo sa pangangalaga ng kalusugan at mga benepisyo sa seguro. Ipinaaalam sa inyo ng gabay na ito ang inyong mga pangunahing benepisyo sa Medi-Cal, sa Health Plan of San Mateo (HPSM), at ipinaliliwanag kung sino ang tatawagan kung mayroon kayong mga tanong o kailangan ninyo ng tulong. May makukuha ring karagdagang impormasyon sa inyong Aklat-Gabay ng Miyembro ng HPSM Medi-Cal/ Katibayan ng Pagkakasakop Isang Gabay kung Paano Makakakuha ng Pangangalaga sa Inyong Kalusugan Mga Benepisyo sa HPSM Medi-Cal

Transcript of Medi-Cal Guide for New Members

Page 1: Medi-Cal Guide for New Members

Posibleng mahirap maintindihan ang mga benepisyo sa pangangalaga ng kalusugan at mga benepisyo sa seguro. Ipinaaalam sa inyo ng gabay na ito ang inyong mga pangunahing benepisyo sa Medi-Cal, sa Health Plan of San Mateo (HPSM), at ipinaliliwanag kung sino ang tatawagan kung mayroon kayong mga tanong o kailangan ninyo ng tulong.May makukuha ring karagdagang impormasyon sa inyong Aklat-Gabay ng Miyembro ng HPSM Medi-Cal/Katibayan ng Pagkakasakop

Isang Gabay kung Paano Makakakuha ng Pangangalaga sa Inyong Kalusugan

Mga Benepisyo sa HPSM Medi-Cal

Page 2: Medi-Cal Guide for New Members

Ang Health Plan of San Mateo (HPSM) (Planong Pangkalusugan ng San Mateo) ang inyong plano ng seguro para sa pinangangasiwaang pangangalaga ng Medi-Cal. Awtomatiko kayong nagiging miyembro ng HPSM kapag ang inyong pagiging karapat-dapat para sa pagkakasakop sa Medi-Cal ay inaprubahan ng Human Services Agency (Ahensya para sa mga Serbisyong Pantao) ng San Mateo County, o sa pamamagitan ng programang SSI (Supplemental Security Income o SSI).

Ikaw ay Miyembro ng HPSM

Mga Nilalaman

Ikaw ay Miyembro ng HPSM . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2

Narito ang HPSM para Tumulong  . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3

Pagbisita sa Inyong Doktor  . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6

Pagkakasakop sa Gamot  . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 7

Ang Inyong Mga Benepisyo sa HPSM Medi-Cal  . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8

Kung Kanino Makikipag-ugnay Tungkol sa Pagpapatuloy ng Inyong Pagkakasakop sa Medi-Cal  . . . . . . . . . . . . . . . . . . .  11

Mga Importanteng Numero ng Telepono  . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .  12

Nagsasalita Kami ng Inyong Wika  . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .  13

HPSM Nurse Advice Line  . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .  14

Mga Paalala . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .  15

1

Page 3: Medi-Cal Guide for New Members

Direktoryo ng mga Tagabigay ng Serbisyo Nasa inyong pakete para sa bagong miyembro ang aming Direktoryo ng mgaTagabigay ng serbisyo.

Gamitin ito para makatulong sa paghahanap ng pangunahing tagapangalagang manggagamot (PCP) ayon sa inyong mga pangangailangan.

Ipinagkakaloob sa inyo ng HPSM ang mga mapagkukunan ng tulong para manatiling malusog• Binabayaran namin ang inyong mga serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan at mga reseta ng gamot

• Binibigyan namin kayo ng mga pamamaraan para magkaroon ng pangunahing tagapangalagang manggagamot (primary care physician o PCP)

• Pinagkakalooban namin kayo ng isang malaking samahan ng mga espesyalista

Narito ang HPSM para Tumulong

2

Page 4: Medi-Cal Guide for New Members

May dedikasyon ang mga kawani ng Mga Serbisyo para sa Miyembro ng HPSM sa pagtugon sa inyong mga tanong tungkol sa inyong mga benepisyo at sa inyong doktor. Makatutulong din kami sa inyo sa mga problemang may kaugnayan sa pagkuha ng pagkakasakop ng inyong pangangalagang medikal, o sa kalidad ng serbisyo na natanggap ninyo.

Mga Serbisyo para sa Miyembro ng HPSMLokal: 650-616-2133Libreng tawag: 1-800-750-4776TTY: 1-800-735-2929 o 7-1-1

Tingnan ang Pahina 16 para sa Mga Serbisyo sa Wika

Tungkol sa InyoKung kailangan ninyo ng bagong ID Card ng HPSM.• Nawala ninyo ang inyong kard ng HPSM• Kung kailangang baguhin ang pangalan ng inyong pangunahing tagapangalagang manggagamot (PCP) sa inyong kard

Kung nagbago na ang inyong tirahan o numero ng telepono.

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa mga serbisyo ng HPSM. • Gusto ninyong malaman kung masasakop ang inyong mga pamamaraan ng paggamot o reseta

• Nag-order ang inyong doktor ng medikal na kagamitan para sa inyo at gusto ninyong malaman kung masasakop ito

Makipag-ugnay sa Member Services (Mga Serbisyo para sa Miyembro)

3

Page 5: Medi-Cal Guide for New Members

Tungkol sa Inyong DoktorKung hindi kayo makapupunta sa inyong pakikipagkita sa doktor.

• Masyadong matagal ang paghihintay o hindi kayo matingnan ng inyong doktor

Kung kailangan ninyo ng bagong doktor.

• Maghanap ng doktor sa inyong lugar• Mas gusto ninyo ang babae o lalaki na doktor• Gusto ninyo ng doktor na nagsasalita ng inyong wika

Tungkol sa Inyong ResetaKung may problema kayo sa pagpuno ng reseta.

• Sinabi ng parmasiya na hindi inaprubahan ang pagkakasakop sa inyong reseta

Tungkol sa Inyong Medikal na Pangangalaga sa KalusuganKung mayroon kayong mga tanong tungkol sa sinisingil na bayarin.• Hindi ninyo naiintindihan kung bakit pinadalhan kayo ng klinika o opisina ng doktor ng sinisingil na bayarin• Kinailangan ninyong magkaroon ng madalian na pangangalagang medikal mula sa doktor na wala sa samahan noong

nasa labas kayo ng pinaglilingkurang lugar ng HPSM.

Kung mayroon kayong reklamo.• Hindi ninyo nagustuhan ang paraan ng pagsagot sa inyo ng kawani sa opisina ng inyong doktor sa telepono, o nang

harap-harapan.• Hindi kayo nasisiyahan sa desisyon ng inyong doktor tungkol sa inyong pangangalagang medikal• Hindi kayo nasisiyahan sa desisyong ginawa ng HPSM kaugnay sa pagkakasakop ng serbisyo

Makipag-ugnay sa Member Services (Mga Serbisyo para sa Miyembro)

4

Page 6: Medi-Cal Guide for New Members

Ipakita ang dalawa ninyong ID card upang masingil ang HPSM Medi-Cal para sa mga serbisyo.

Dapat ninyong ipakita ang inyong ID card sa HPSM Medi-Cal at ang inyong ID card para sa Benepisyo sa Medi-Cal (BIC) kapag nagpatingin kayo sa doktor, nagpapuno ng reseta sa parmasiya, at tumanggap ng serbisyong pang-emergency at serbisyo mula sa ospital. Kapag wala ang mga kard na ito, maaaring hindi masakop ang pangangalaga inyong kalusugan at maaaring kayo ang magbayad para sa kabuuang halaga ng mga serbisyo.

Ang Inyong ID card para sa Benepisyo sa Medi-Cal (mula sa Estado)Ang inyong ID Card para sa Benepisyo sa Medi-Cal (Medi-Cal Benefit ID Card o BIC) ang patunay na naka-enroll kayo sa Medi-Cal. Kailangan ninyong ipakita ang kard na ito sa lahat ng mga tagabigay ng serbisyo (mga doktor, mga parmasiya, mga ospital, atbp.). Ipinapadala na ngayonaAng mga bagong dinisenyong BIC card sa mga bagong tumatanggap ng Medi-Cal at sa mga humihiling ng mga kapalit na card. May bisa ang alin man sa mga card na ito.

At

Ang Inyong ID Card ng HPSM Medi-CalNakasulat sa inyong ID card ng Medi-Cal ang pangalan ng inyong pangunahing tagapangalagang manggagamot (PCP) at ito ang patunay ng inyong pagiging miyembro ng HPSM. Kailangan ninyong ipakita ang kard na ito, kasama ang inyong Medi-Cal Benefit ID Card (ID card para sa Benepisyo sa Medi-Cal), sa panahon ng pagtanggap ninyo ng mga serbisyong pangkalusugan.

Kung Ano ang Dadalhin

Pagbisita sa Inyong Doktor

5

Page 7: Medi-Cal Guide for New Members

Pagkakasakop sa Gamot

Iba Pang Mga Serbisyo

Nasasakop ang mga specialty mental health services (mga serbisyo na may espesyalidad para sa kalusugan ng pag-iisip) sa pamamagitan ng San Mateo County Behavioral Health and Recovery Services (BHRS) (Mga Serbisyo sa Kalusugan sa Pag-uugali at Pagpapagaling).

Kabilang sa mga serbisyo na may espesyalidad sa kalusugan ng pag-iisip ang mga serbisyo para sa mga pasyenteng namamalagi sa ospital at para sa mga pasyenteng hindi namamalagi sa ospital.

• Tawagan ang BHRS Access Call Center sa 1-800-686-0101 para sa mga tanong tungkol sa pagtanggap ng mga serbisyo para sa kalusugan sa pag-iisip

• TDD: 1-800-943-2833

Sakop ng Denti-Cal, ang programa sa ngipin ng estado, ang mga serbisyo sa ngipin para sa mga bata at mga taong nasa sapat na edad.

• Tawagan ang Denti-Cal sa 1-800-322-6384 para sa mga tanong tungkol sa mga sakop na serbisyo at mga dentista. Mababasa ang impormasyon online sa www.denti-cal.ca.gov

• TTY: 1-800-735-2922 o 7-1-1

Mangyaring tandaan na dapat ninyong ipakita ang inyong ID card para sa Benepisyo ng Medi-Cal (BIC) upang makakuha ng mga serbisyo mula sa Denti-Cal.

Mga Inireresetang GamotSakop ng Medi-Cal ang mga may tatak na gamot at mga generik na gamot na inireseta ng inyong doktor. Maaari ding masakop ang ilang gamot na nabibili nang walang reseta kung kinakailangan ang mga ito sa paggamot, ngunit nangangailangan muna ng reseta ang mga ito mula sa inyong doktor.

• Dapat gamitin ng inyong doktor at parmasiya ang Pormularyo ng HPSM (listahan ng mga sakop na gamot) para sa inyong mga reseta.

• Pumunta sa mga parmasiya na kasali sa samahan ng mga tagabigay ng serbisyo ng HPSM upang mapunan ang mga reseta. Nakalista ang mga ito sa inyong Medi-Cal Provider Directory (Direktoryo ng mga Tagabigay ng Serbisyo).

• Nangangailangan ng paunang awtorisasyon ang mga gamot na may tatak na nasa pormularyo ng HPSM at ang mga gamot na wala sa pormularyo upang masakop ang mga ito. Kailangang magpadala ang inyong doktor ng nakasulat na paliwanag sa HPSM Pharmacy Services (Mga Serbisyo ng Parmasiya).

• Kung hindi sakop ng HPSM ang inyong reseta, tawagan ang HPSM Member Services (Mga Serbisyo para sa Miyembro).

• Kapag sinabi sa inyo ng parmasiya na walang paunang awtorisasyon ang inyong reseta, tawagan ang inyong doktor.

Mga Serbisyo para sa Kalusugan sa Isip Dental

6

Page 8: Medi-Cal Guide for New Members

Inilalarawan ng tsart sa ibaba ang ilan sa mga benepisyo ninyo sa HPSM Medi-Cal na sumasakop sa mahahalagang serbisyo sa pangangalaga. Nagbibigay din ito ng mga tagubilin tungkol sa mga kailangan niyong gawin at kung sino ang tatawagan, upang makatanggap ng serbisyo na sakop ng Medi-Cal. Ang kumpletong paglalarawan ng lahat ng inyong mga benepisyo at mga sakop na serbisyo ay nasa Aklat-Gabay ng Miyembro ng Medi-Cal/Katibayan ng Pagkakasakop, Seksyon 6, Mga Sakop na Serbisyo at Benepisyo.

Benepisyo at Mga Sakop na Serbisyo Para Makatanggap ng Mga Sakop na Serbisyo

Mga Serbisyo sa Ospital

Lahat ng mga serbisyo sa pangangalaga sa pasyenteng namamalagi sa ospital, pag-oopera, at emergency na pangangalaga. Kabilang dito ang pangangalaga ng nars, ang silid at pagkain, mga gamot at pagsusuri sa laboratoryo.

Sakop ang emergency na pangangalaga sa anumang ospital, sa loob o labas ng San Mateo County. Kabilang ang mga emergency na may kaugnayan sa pagbubuntis.

• Naka-ugnay ang inyong pangunahing tagapangalagang manggagamot (PCP) sa mga ospital na nasa samahan ng HPSM.

• Para sa mga hindi emergency na serbisyo sa ospital, kailangang humiling ng paunang awtorisasyon ang inyong PCP sa HPSM.

• Ang mga emergency na serbisyo ay hindi nangangailangan ng paunang awtorisasyon. Tumawag sa 9-1-1 o pumunta sa pinakamalapit na emergency room ng ospital.

Mga Serbisyo ng Doktor

Mga pagbisita sa opisina ng doktor o klinika na kinakailangan sa pangangalaga para sa pag-iwas sa sakit, pagkilala sa sakit, at paggamot ng medikal na kondisyon, at mga serbisyo sa ospital.

Sakop ang mga serbisyo para sa mga taong nasa sapat na edad, mga bata, at mga serbisyo para sa kalusugan ng kababaihan.

• Pumunta sa pangunahing tagapangalagang manggagamot (PCP) na nasa inyong ID card ng HPSM Medi-Cal. Nasa inyong ID card ang numero ng telepono ng inyong PCP.

• Maaari din kayong makatanggap ng maraming serbisyo, kabilang na ang mga pisikal na pagsusuri at mga pagbabakuna mula sa inyong PCP.

• Irerekomenda kayo ng inyong PCP sa isang espesyalista kung kinakailangan.

• Dapat kayong pumili ng doktor na nasa samahan ng mga tagabigay ng serbisyo ng HPSM.

Mga Serbisyo para sa Pangmatagalang Pangangalaga at Mga Pagbibigay ng Suporta

Sakop ang iba’t ibang mga uri ng serbisyo para sa pangmatagalang pangangalaga sa benepisyo. Kabilang sa mga serbisyong ito ang: Mga Serbisyo para sa Pagbibigay-Suporta sa Loob ng Tahanan, Mga Serbisyo para sa mga Taong nasa Sapat na Edad at Nakabatay sa Komunidad (pang-araw na pangangalaga ng kalusugan ng taong nasa sapat na edad), Programa na may Mahigit sa Isang Serbisyo para sa Matatanda (nagsisilbing ugnayan para sa mga serbisyong panlipunan at mga serbisyo para sa pangangalaga ng kalusugan para sa mga miyembro na 65 taong gulang o mas matanda pa rito), at pangangalaga sa Tahanang Tagapangalaga para sa mga miyembro na kailangang makatanggap ng pangangalaga mula sa pasilidad para sa dalubhasang pangangalaga.

Para sa impormasyon kung paano makatatanggap ng mga serbisyong ito, tumawag sa 1-800-675-8437 (linya ng TIES). Ito ay 24 na oras na linya para sa pagpapayo ng San Mateo County Aging and Adult Services (Mga Serbisyo para sa mga Matatanda at mga Taong nasa Sapat na Edad).

Ang Inyong Mga Benepisyo sa HPSM Medi-Cal

7

Page 9: Medi-Cal Guide for New Members

Benepisyo at Mga Sakop na Serbisyo Para Makatanggap ng Mga Sakop na Serbisyo

Podiatriya (pagsusuri at paggamot ng mga sakit sa paa)

Sakop ang mga pagbisita sa opisina ng podiatrist (doktor sa mga sakit sa paa) na nasa samahan ng mga tagabigay ng serbisyo ng HPSM. Upang magpatingin sa podiatrist, hindi kailangan ng mga miyembro ang rekomendasyon mula sa kanilang PCP. Maaari silang pumili ng podiatrist mula sa direktoryo ng mga tagabigay ng serbisyo ng Medi-Cal, at makipag-ugnayan ng direkta sa podiatrist nang walang rekomendasyon mula sa PCP.

• Maaaring irekomenda ng miyembro ang sarili sa podiatrist na kasama sa samahan ng HPSM. Hindi kinakailangan ang rekomendasyon ng PCP.

• Kailangang kumuha ng paunang awtorisasyon ang inyong podiatrist para sa pagkakasakop ng mga karagdagang serbisyong na kinakailangan sa paggamot.

Pagpaplano ng Pamilya

Sakop ang mga pagbisita sa opisina, pagpapayo, pagsusuri kung buntis, iba’t ibang pamamaraan sa pagpigil ng pagbubuntis na aprubado ng FDA (Pangasiwaan sa Pagkain at Gamot), paghinto ng pagbubuntis, pagsusuri at paggamot ng mga STD (mga sakit na nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik), at mga isinasagawang hakbang upang hindi na magka-anak.

• Maaari kayong direktang magtungo sa sinumang doktor para sa pagpaplano ng pamilya o sa anumang klinika sa San Mateo County na tumatanggap ng Medi-Cal. Sakop ang mga serbisyo mula sa mga tagabigay ng serbisyo na wala sa samahan.

• Para kumuha ng tulong sa paghahanap ng tagabigay ng serbisyo sa pamilya mula sa Medi-Cal, tawagan ang HPSM Member Services sa 650-616-2133.

• Hindi kinakailangan ang rekomendasyon ng PCP at paunang awtorisasyon.

Programa ng HPSM para sa Pangangalaga sa Nagbubuntis

Tulong sa paghahanap ng doktor na obstetrician, mga libreng regalo at mga klase sa panganganak.

Upang magpa-enroll sa Prenatal Care Program, tawagan ang HPSM Health Promotions sa 650-616-2165.

Pangangalaga sa Nagbubuntis/Ina

Pangangalaga sa panahon ng pagbubuntis at panahon pagkatapos manganak, mga serbisyo sa ospital para sa panganganak, mga kumplikasyon na may kinalaman sa panganganak at pagbubuntis. Pangangalaga sa ospital para sa bagong panganak na sanggol matapos maisilang.

Pumili ng doktor na OB/GYN mula sa HPSM Prenatal Provider List. Tawagan ang HPSM Health Promotions sa 650-616-2165.

Mga Serbisyo para sa Kalusugan ng Pag-iisip ng mga Pasyenteng Hindi Namamalagi sa Ospital

Tinutukoy ng outpatient mental health services ang mga serbisyo para sa bahagya hanggang katamtamang sakit sa pag-iisip at sakop ang mga ito ng Health Plan ng San Mateo. Kabilang sa mga serbisyo ang mga pang-indibidwal at pampangkat na pagsusuri at paggamot (psychotherapy) ng kalusugan ng pag-iisip; pansikolohiyang pagsusuri upang mapag-alaman ang kalagayan ng kalusugan ng pag-iisip; kabilang sa mga serbisyo para sa pasyenteng hindi namamalagi sa ospital ang mga pagsusuri sa laboratoryo, mga gamot at mga panustos; mga serbisyo para sa pasyenteng hindi namamalagi sa ospital upang masubaybayan ang drug therapy, at saykayatrikong konsultasyon. Hindi sakop ng mga serbisyo sa kalusugang pangkaisipan para sa mga problema sa pakikipagrelasyon at pamilya.

• Ang mga serbisyong ito ay ipinagkakaloob sa pamamagitan ng San Mateo County Behavioral Health and Recovery Services (BHRS). Kung kailangan ninyo ng mga serbisyo para sa kalusugan ng pag-iisip para sa mga pasyeteng hindi namamalagi sa ospital, mangyaring tawagan ang BHRS ACCESS Call Center sa 1-800-686-0101.

• Maaari din kayong makipag-usap sa inyong PCP tungkol sa mga pangangailangan ng pasyenteng hindi namamalagi sa ospital para sa kalusugan ng pag-iisip; makikipag-usap ang inyong PCP sa BHRS upang makakuha ng tulong na kailangan ninyo.

8

Page 10: Medi-Cal Guide for New Members

Tawagan ang HSA sa 1-800-223-8383

Tawagan ang SSA sa 1-800-772-1213

Karagdagan dito, dapat kayong makipag-ugnay sa HPSM Member Services kung kayo ay:• Gustong magpalit ng bagong pangunahing tagapangalagang manggagamot (PCP)• Nagbago ng inyong tirahan• Nagbago ng inyong numero ng telepono• Kailangan ng bagong ID card ng HPSM

Mayroon akong Medi-Cal sa Pamamagitan ng SSA at…

Kung Kanino Makikipag-ugnay Tungkol sa Pagpapatuloy ng Inyong Pagkakasakop sa Medi-Cal

Ang HPSM ang nangangasiwa ng inyong mga benepisyo sa Medi-Cal. Upang makatulong sa pagpapatuloy ng inyong pagkakasakop sa Medi-Cal, kailangan pa rin ninyong makipag-ugnay sa Social Security Administration (SSA) (Pangasiwaan para sa Seguridad na Panlipunan) o sa Human Services Agency (HSA) (Ahensya para sa mga Serbisyong Pantao) ng San Mateo County, batay sa kung sino ang nagproseso ng inyong aplikasyon.

Responsibilidad ninyo ang magbigay ng napapanahong impormasyon tungkol sa inyong sarili sa:

• Social Security Administration (SSA) (Pangasiwaan para sa Seguridad na Panlipunan) o sa Human Services Agency (HSA) (Ahensya para sa mga Serbisyong Pantao) ng San Mateo County

• HPSM

Alamin kung alin

sa mga ito ang

naaangkop sa inyo:

Mahalaga

Kailangan Ko ng

Bagong ID Card

para sa Benepisyo

ng Medi-Cal (BIC)

Mayroon Akong

mga Iuulat na

Pagbabago: Pagbabago ng Tirahan

Pagbabago ng Numero

ng Telepono

9

Page 11: Medi-Cal Guide for New Members

HPSM Member ServicesLokal: 650-616-2133Libreng tawag: 1-800-750-4776TTY: 1-800-735-2929 o 7-1-1

Tawagan ang HSA sa 1-800-223-8383

Karagdagan dito, dapat kayong makipag-ugnay sa HPSM Member Services kung kayo ay:• Gustong magpalit ng bagong pangunahing tagapangalagang manggagamot (PCP)• Nagbago ng inyong tirahan• Nagbago ng inyong numero ng telepono• Kailangan ng bagong ID card ng HPSM

Mayroon akong Medi-Cal sa Pamamagitan ng County Human Services Agency (HSA) (Ahensya para sa mga Serbisyong Pantao) at...

Kung Kanino Makikipag-ugnay Tungkol sa Pagpapatuloy ng Inyong Pagkakasakop sa Medi-Cal

☑ Pagbabago ng Pangalan ☑ Pagbabago ng Tirahan ☑ Pagbabago ng Numero ng Telepono ☑ Pagbabago ng Laki ng Pamilya ☑ Bagong Pagkakasakop

• Kailangan Ko ng Bagong ID Card para sa Benepisyo ng Medi-Cal (BIC)

• Mayroon Akong Mga Tanong Tungkol sa Aking Hati sa Gastos (ang halaga na kailangan ninyong bayaran para sa inyong pangangalaga sa kalusugan)

• Nakatanggap ako ng Pabatid na Magsumite ng Pag-re-renew ng Aplikasyon

• Mayroon Akong mga Iuulat na Pagbabago:

10

Page 12: Medi-Cal Guide for New Members

San Mateo County Human Services Agency (HSA): 1-800-223-8383Ahensya para sa mga Serbisyong Pantao. Tumawag upang may makausap na taong makasasagot sa inyong mga tanong tungkol sa segurong pangkalusugan at makatutulong sa inyong mag-aplay.

Denti-Cal: 1-800-322-6384 TTY: 1-800-735-2922 o 7-1-1Tumawag kung mayroon kayong mga tanong tungkol sa inyong mga benepisyo sa ngipin o dentista.

HPSM Health Promotions: 650-616-2165Pagtataguyod ng Kalusugan. Tumawag kung mayroon kayong mga tanong tungkol sa edukasyon sa pangkalahatang kalusugan o kung gusto ninyo ng impormasyon hinggil sa mga mapagkukunang tulong mula sa komunidad.

HPSM Member Services: 1-800-750-4776 o 650-616-2133 TTY: 1-800-735-2929 or 7-1-1Mga Serbisyo para sa Miyembro. Tumawag kung mayroon kayong mga tanong tungkol sa inyong mga medikal na benepisyo o pakikipagkita.

San Mateo County BHRS Access Call Center: 1-800-686-0101 TDD: 1-800-943-2833Tumawag kung naghahanap kayo ng mga serbisyo para sa kalusugan ng isip o paggaling mula sa pang-aabuso ng ipinagbabawal na gamot.

Social Security Administration (SSA): 1-800-772-1213Pangasiwaan para sa Seguridad na Panlipunan. Tumawag kung mayroon kayong mga tanong tungkol sa inyong mga benepisyo sa seguridad panlipunan.

Nurse Advice Line (24/7) Toll Free: 1-866-535-6977 TTY: 1-800-735-2929 or 7-1-1Linya para sa Pagpapayo ng Nars. Tumawag upang makipag-usap sa nars kung mayroon kayong kagyat na mga katanungan tungkol sa inyong sintomas o sintomas ng inyong anak kapag sarado ang inyong klinika. Tumawag 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang lingo. Libreng serbisyo ito na para lamang sa mga miyembro ng HPSM.

Mga Importanteng Numero ng Telepono

11

Page 13: Medi-Cal Guide for New Members

Maaari Kayong Matulungan ng HPSM Member Services sa Inyong Pangunahing Wika

Ang HPSM ay mayroong mga Member Service Representatives (mga Kinatawan para sa Mga Serbisyo sa Miyembro) na marunong magsalita ng dalawang wika at makatutulong sila sa inyo sa wikang Ingles, Kastila, Tsino (Mandarin at Cantonese), at Tagalog. Para sa iba pang wika, gumagamit kami ng propesyonal na mga tagasalin sa pamamagitan ng telepono. Isa itong libreng serbisyo. Handa rin ang aming mga kawani na tulungan ang mga may kapansanan sa pandinig, pananalita at paningin.

Ang aming mga kawaning marunong magsalita ng dalawang wika ay makatutulong sa inyo sa wikang Ingles, Kastila, Tsino (Mandarin at Cantonese), at Tagalog. Maaaring gumamit ng ibang wika sa pamamagitan ng aming propesyonal na serbisyo ng tagasalin na nasa telepono.

Makipag-ugnay sa Amin sa Pamamagitan ng TeleponoLokal: 650-616-2133Libreng tawag: 1-800-750-4776Lunes — Huwebes: 8:00 a.m. — 6:00 p.m. Biyernes: 9:30 a.m. — 6:00 p.m.

Para sa may kapansanan sa pandinig at pananalita TTY: 1-800-735-2929 o i-dial ang 7-1-1

Bisitahin ang Opisina801 Gateway Blvd., Suite 100South San Francisco, CA 94080

Mga pagpunta sa opisina sa oras na may pasok— Hindi kailangan ang pagtatakda ng pakikipagkita

Lunes — Huwebes: 8:00 a.m. — 5:00 p.m.Biyernes: 9:30 a.m. — 5:00 p.m.

Nagsasalita Kami ng Inyong Wika

12

Page 14: Medi-Cal Guide for New Members

Tumawag sa 1-866-535-6977; TTY: 1-800-735-2929 o 7-1-1

Ang Nurse Advice Line (Linya ng Telepono para sa Pagpapayo ng Nars) ay isang libreng serbisyo sa telepono na maaari ninyong gamitin kapag hindi kayo sigurado kung ang kondisyon ng kalusugan ay nangangailangan ng madalian o pang-emergency na medikal na pagtugon. Masasabi ng nars sa inyo kung kailangan ninyong magpatingin kaagad sa doktor. Batay sa inyong kalagayan, maaaring bigyan kayo ng nars ng mga tagubilin para sa sariling pangangalaga sa tahanan.

24/7 na HPSM Nurse Advice Line (Linya ng Pagpapayo ng Nars) (24 oras kada araw)

• Atake sa puso o mga sintomas ng stroke

• Hindi kayo makahinga

• Matindi, hindi mapigil na pagdurugo

Para sa medikal na emergency, tumawag sa 9-1-1 o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.

Para sa inyong sanggol, batang anak, o tinedyer• Nag-aalala kayo tungkol sa mataas na lagnat, malubhang ubo, o

pagsusuka; • Hindi ninyo alam kung ano ang gagawin tungkol sa nararamdamang

sakit sa tenga o hindi matukoy na pantal; o

• Nagtatae ang inyong sanggol o nahihirapang dumumi.

Para sa mga taong nasa sapat na gulang• Mayroon kayong matinding ubo, pananakit ng dibdib, o nahihirapan

kayong huminga;

• Mayroon kayong sakit ng tiyan o dumudugo ang ari (para sa mga babae);

• Mayroon kayong vertigo (pagkahilo) o sakit ng ulo na hindi tumitigil;

• Mayroon kayong kagyat na katanungan tungkol sa inyong gamot; o

• Hindi kayo makapagpasya kung kailangan ninyong pumunta sa emergency room.

Isang Rehistradong Nars ang magbibigay sa inyo ng payo • Depende sa inyong mga sintomas, maaari kayong makatanggap ng mga tagubilin para sa sariling pangangalaga sa tahanan

kung naaangkop ito sa paggagamot.

• Kung kailangan ninyo ng madaliang pangangalaga at sarado ang klinika ng inyong doktor, makatatanggap kayo ng mga tagubilin kung saan kukuha ng pangangalaga.

HPSM Nurse Advice Line

Gamitin ang HPSM Nurse Advice Line kung sarado ang inyong klinika Tumawag para sa mga problemang pangkalusugan na emergency ngunit walang banta sa buhay.

13

Page 15: Medi-Cal Guide for New Members

Sagutan ang seksiyon na ito upang makatulong sa pagsubaybay ng pangangalaga ng inyong kalusugan.

Mga Paalala

Ang Numero ng Aking HPSM ID Card:

Ang Aking Pangunahing Tagapangalagang Manggagamot (PCP):

Ang Tirahan ng Aking PCP:

Ang Telepono ng Aking PCP:

Ang Aking Susunod na Pakikipagkita: (Petsa) / / (Oras) a.m./p.m.

Ang Aking Susunod na Pakikipagkita: (Petsa) / / (Oras) a.m./p.m.

Ang Aking Susunod na Pakikipagkita: (Petsa) / / (Oras) a.m./p.m.

Ang Aking Susunod na Pakikipagkita: (Petsa) / / (Oras) a.m./p.m.

Mga Kasalukuyang Gamot:

Mga Kondisyon ng Kalusugan:

Kontak Kung May Emergency:

Numero ng Telepono Kung May Emergency:

Kaugnayan:

14

Page 16: Medi-Cal Guide for New Members

Abiso ng Kawalan ng Diskriminasyon ng Health Plan of San Mateo

Ang Health Plan of San Mateo (HPSM) ay sumusunod sa naaangkop na mga batas ng Pederal na gobyerno para sa mga karapatang sibil at hindi nagdidiskrimina batay sa lahi, kulay, pinagmulang bansa, edad, kapansanan, o kasarian. Hindi isinasantabi ng HPSM ang mga tao nang dahil sa lahi, kulay, pinagmulang bansa, edad, kapansanan, o kasarian, o iniiba ang pagtrato sa kanila.

Ang HPSM ay Nagkakaloob ng mga libreng tulong at serbisyo sa mga taong may kapansanan at nang epektibo nila kaming makausap, tulad ng:

• Mga kuwalipikadong tagasalin ng wika sa pagsesenyas• Nakasulat na impormasyon sa ibang anyo (malalaking titik, audio, nagagamit na elektronikong anyo, iba pang mga anyo)

Ang HPSM ay Nagkakaloob ng mga libreng serbisyo sa wika para sa mga taong hindi Ingles ang pangunahing wika, tulad ng:

• Mga kuwalipikadong tagasalin• Impormasyong nakasulat sa ibang wika

Kung kailangan ninyo ng ganitong mga serbisyo, makipag-ugnayan sa Serbisyo sa Miyembro.

Kung naniniwala kayo na nabigo ang HPSM sa pagkakaloob ng ganitong mga serbisyo o nagdiskrimina sa anumang paraan batay sa lahi, kulay, pinagmulang bansa, edad, kapansanan, o kasarian, maaari kayong maghain ng karaingan sa:

Serbisyo sa Miyembro 801 Gateway Blvd., Suite 100South San Francisco, CA 94080

Libreng Tawag: 1-800-750-4776 Lokal: 650-616-2133TTY: 1-800-735-2929 or 7-1-1Fax: 650-616-8581

Maaari kayong maghain ng karaingan nang personal o sa pamamagitan ng koreo, fax, o telepono. Kung kailangan ninyo ng tulong sa paghain ng karaingan, handang tumulong ang Serbisyo sa Miyembro sa inyo.

Maaari din kayong magsampa ng reklamo sa karapatang sibil sa Kagawaran ng Mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao (Department of Health and Human Services) ng Estados Unidos, Tanggapan ng Mga Karapatang Sibil (Office for Civil Rights), sa pamamagitan ng elektronikong paraan sa Tagatanggap ng Reklamo ng Tanggapan ng Mga Karapatang Sibil (Office for Civil Rights Complaint Portal), na magagamit sa https://ocrportal.hhs.gov/ocr/portal/lobby.jsf, o sa pamamagitan ng koreo o telepono sa:

U.S. Department of Health and Human Services200 Independence Avenue, SWRoom 509F, HHH BuildingWashington, D.C. 20201

1-800-368-1019, 800-537-7697 (TDD)Makukuha ang mga form para sa pagrereklamo sa http://www.hhs.gov/ocr/office/file/index.html.

15

Page 17: Medi-Cal Guide for New Members

16

Page 18: Medi-Cal Guide for New Members

17

Page 19: Medi-Cal Guide for New Members
Page 20: Medi-Cal Guide for New Members

Itinatag noong 1987, ang Health Plan of San Mateo (HPSM) ay isang lokal na non-profit (kumpanyang itinatag hindi para sa pagnenegosyo) na plano para sa pangangalaga ng kalusugan at nag-aalok ito ng pagkakasakop sa pangangalaga ng kalusugan at isang samahan ng mga tagabigay ng serbisyo para sa mga residente ng San Mateo County. Pinagbubuti ng HPSM ang kalusugan ng aming mga miyembro sa pamamagitan ng mataas na kalidad na pangangalaga at sa pangangalaga upang maka-iwas sa sakit.

Mayroon kaming bisyon na para sa lahat ang malusog na katawan, at nagsusumikap kami para maging posible ito para sa inyo.

©2016 Health Plan of San Mateo (HPSM). Nakalaan ang lahat ng mga karapatan.

Kalusugan ay para sa lahat.