Masusing Banghay Aralin Sa Filipino III

13
Masusing Banghay Aralin sa Filipino III I.Layunin Sa katapusan ng aralin, 100% ng mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng 80% ng kasanayan na: 1. Nabibigyang kahulugan ang bawat saknong ng tula. 2. Nakapagbabahagi ng sariling saloobin hinggil sa paksa. 3. Nakasusulat ng sariling komposisyon hinggil sa paksang tinatalakay. II. Paksang Aralin Paksa: Pag- ibig ( tula) ni Jose Corazon de Jesus Aklat: PLUMA III Kagamitan: sipi ng akda, cartolina, envelop, mga puso III. Pamamaraan A.Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagbati sa klase 3. Pagtatala ng liban B. Balik Aral Gawaing Guro Klas, Sino ang makapaglalahad ng ating aralin kahapon? Ma’am ang ating tinalakay po ay ang nobe Titser. Ito po ay tungkol sa isang guro pangalang Amelita. Magaling! Nasa anong teorya ang akdang ito? Ma’am nasa teoryang Humanismo po. Mahusay! Ano nga ulit ang teoryang Humanismo? Ma’am ang teoryang ito ay nakapokus sa d katangian at saloobin ng tauhan sa akda. Magaling! Ngayon ay nabatid kong naunawaan ninyo ang ating aralin kahapon. Ngayon ay dadako na tayo na tayo sa panibagong aralin . C. Pagganyak Klas, meron ako ritong inihandang aktibity . 1

Transcript of Masusing Banghay Aralin Sa Filipino III

Page 1: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino III

Masusing Banghay Aralin sa Filipino III

I.Layunin

Sa katapusan ng aralin, 100% ng mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng 80% ng kasanayan na:

1. Nabibigyang kahulugan ang bawat saknong ng tula.2. Nakapagbabahagi ng sariling saloobin hinggil sa paksa.3. Nakasusulat ng sariling komposisyon hinggil sa paksang tinatalakay.

II. Paksang Aralin

Paksa: Pag- ibig ( tula) ni Jose Corazon de JesusAklat: PLUMA IIIKagamitan: sipi ng akda, cartolina, envelop, mga puso

III. Pamamaraan

A.Panimulang Gawain 1. Panalangin2. Pagbati sa klase3. Pagtatala ng liban

B. Balik AralGawaing Guro

Klas, Sino ang makapaglalahad ng ating aralin kahapon?

Ma’am ang ating tinalakay po ay ang nobelang Titser. Ito po ay tungkol sa isang guro na may pangalang Amelita.

Magaling! Nasa anong teorya ang akdang ito?

Ma’am nasa teoryang Humanismo po.Mahusay! Ano nga ulit ang teoryang Humanismo?

Ma’am ang teoryang ito ay nakapokus sa damdamin , katangian at saloobin ng tauhan sa akda.

Magaling! Ngayon ay nabatid kong naunawaan ninyo ang ating aralin kahapon. Ngayon ay dadako na tayo na tayo sa panibagong aralin .

C. Pagganyak

Klas, meron ako ritong inihandang aktibity . Ang aktibiting ito ay tatawagin nating ”Buksan mo ang puso ko.”. tatawag ako ng ilang mag-aaral na pupunta sa harapan upang buksan ang aking puso para malaman ang nilalaman nito. Nais ko lamang ay basahin ito ng malakas .Naunawaan ba ninyo klas?

Opo.

1

Page 2: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino III

( Pagsasagawa)

Sa panahon ngayon nakakapagpapahayagna tayo ng mga mensaheng nais ipabatidsa pamamagitan ng mga pick up lines.Tama ba klas?

Opo.

Okey! Matapos ninyong buksan at malaman angnilalaman ng aking puso . mayroon na ba kayong ideya tungkol sa aralin ating tatalakayinngayong araw na ito?

Ma’am tungkol po sa mga sinasabi ng isang manliligaw

Okey, Tama! iba pang kasagutan?

Tungkol po sa pag-ibig.

Tumpak! Ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol sa Pag-ibig. Pag-ibig ni Jose Corazon de Jesus.

Ngunit bago iyan ay ilalahad ko muna ang mgalayunin para sa araw na ito.

( basahin)

Matapos ninyong malaman ang layunin ay dumako na tayo sa paghawan ng sagabal upang lubosninyong maunawaan ang tula.

Paghawan ng Sagabal Panuto: Pag-aralan ang mga salitang may salungguhitat lagyan ng puso ang kahon ng salita o pariralangnagpapakitang kahulugan nito.

1. Tumanda ka na at nagkauban ay hindi mo pa maintindihan.

Naging huklubanNagkaroon ng rayumaNagkaroon ng puting buhokNagkaroon ng apo

2. Kahit pilitin mong intindihin di mo parin makuro

MaunawaanMarinigMakitaMaramdaman

3. Dahil sa sakit, nananaghoy ang pagsuyo

2

Page 3: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino III

NamimilipitNagdadalamhatiNaghihigantiNagbabadya

4.Ang buhay niya’y payapa at walang agos

TuyoWalang siglaTahimikMatinik

5.Kahit anong tapang niya sa buhay, sa labanan ng pag-ibig siya ay umuurong

NatakotNabahalaUmangalUmaatras

(ipapabasa ng sabay sabay ang mga salita at kahulugan nito.pagkatapos ay ipapagamit sa

sariling pangngusap)sagot: 1. nagkaroon ng putting

buhok2. maunawaan3. nagdadalamhati4. tuyo5. umaatras

1.Ang nanay ay nagkauban na senyales na siya ay tumatanda na.2.Ugali niya di ko makuro kaya kami ay di magkasundo.3. Ako ay kinilabutan ng biglang makarinig ng nananghoy na tinig.4.Lahat tayo ay gusto ng lugar na payapa.5.Di siya umuurong sa laban ng buhay.

D. . Pagtakay sa aralin Batid ko na kayo pa lamang ay nasa 14-15 taonggulang pa lamang . Ay mayroon na kayong crusho hinahahangaan . Hindi masama ang magkaroonng crush lalo kung ito ay magsisilibing inspirasyonat hindi makakasira ng inyong kinabukasan.

Meron sa inyo ang nakaranas ng umibig?(nagtaas ng kamay)

At ibigin?(nagtaas ng kamay)

Anong damdamin ang nararanasan

3

Page 4: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino III

kapag ikaw ay umiibig?Masaya po.

Okey, ano pa?Magkahalong saya at lungkot po.

Okey. Paano mo naman nasabingmagkahalong saya at lungkot?

Masaya po kc tuwing makikita mo siya sumasaya at gumaganda yung pakiramdam mo. Malungkot naman kapag ikaw lamang ang nagmamahal.

Okey. Malalaman natin ang kaugnayan ng mgatanong na iyan sa aralin ating tatalakayin natin ngayon .Ang tulang ating tatalakayin ay may pamagatna Pag-ibig na isinulat ni Jose Corazon De Jesus

(pagpapakilala sa may akda)

Pakinggan ninyong mabuti at sundan ang binasasa ibinigay kong kopya.“Pag-ibig” ni Jose Corazon de Jesus.

( Pagbabasa ng guro)

Ngayon ay sabay sabay natingbigkasin ang tulang Pag-ibig.

( Pagbabasa)Klas , naibigan niyo ba ang tula na ating binasa.?.Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat.

Bawat pangkat ay bibigyan ko ngtig tatlong saknong upang suriin ayonsa nilalaman at mensaheng nais ipahiwatig ng tula.

Pangkat 1 ay susuriin ang una hanggang ikatlong saknong Pangkat II ay susuriin ang ika- 4 hanggang ika-5 saknong.Pangkat III ay susuriin ang ika-6 hanggang huling saknong.

May isang mag uulat ng ginawa sa harapan.

Narito ang pamantayan ng inyong gagawain

Rubriks:

Dimensyon 5 4 3Nilalaman Lubhang

naipaliwanag ang bawat saknong ng

tula.

Naipaliwanag ng bawat saknong ng

tula.

Hindi masyadong naipaliwanag ng

bawat saknong ng tula.

Pagkakaisa Bawat miyembro ay nakikiisa

Bilang lamang ang nakikiisa

Iisa lamang ang gumagawa..

Pangkat 1

Para sa unang saknong

4

Page 5: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino III

Ang pag-ibig ay mahirap maunawaan.

napapaluha tayo ng pag-ibig.

may nais pa ba kayong idagdag?

Tama! Ang tinutukoy na maputi ay angpag ibig at luha ang kumakatawan samga bagay bagay na mahirap maintindihansa pag-ibig.

Kapag sinasabing pag ibig ang papasoksa isip mo Masaya, at kung anu-anong pangmga bagay pero bakit kaya kapag nagmamahalna, bakit lumuluha? Iyon ang hindi natinmaintindihan sa pag-ibig.

Ikalawang saknongAng pag-ibig talaga ay di maintindihan. Hindi malaman ang gagawin .di alam kung ano ang tama at mali.

Tingnan mo, hindi makuro.Hindi natin mahulihuli kung baga Ganyan ang umibig sukdulang ikawmismo hindi mo hindi mo na maintindihan.Kasi klas may mga bagay na kapag na kapagnandyan ay ndi natin nakikita ang kahalagahannito ngunit kapag ito ay nawala dun mopalang mapagtatanto ang kahalagahan nito.

Magbahagi nga kayo ng karanasanna kung kailan ito ay nawala sakaninyo naisipan ito ay pahalagahan?

Ikatlong saknong

Kapag ikawa ay nagmahal na.handa mo ng ibigay ang lahat tulad ng pagmamahal ng ating mga magulang.

Magaling! Ang pag-ibig na dakila ayang pag-ibig n gating mga magulangkung dati ay aayaw nating humiwalaysa piling nila ngayon ay mas gusto niyong kasama ang inyong mga kaibigan kesasa inyong mga magulang tama ba?

Opo.Kapag kayo umibig na. gugusto ninyopalaging Makita at makasama anginyong minamahal tama ba.?

OpoParang lintik ibig sabihin ay kidlat.ano ba ang katangian ng kidlat?

Mabilis po.Tama mabilis.ibig sabihin

5

Page 6: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino III

ay mabilis maramdaman ang pag-ibig. Ang halik na ubos tindi,minsan lamang na halikanAt ang ilog kung bumaha tandaan mo’t minsan lamang!Ibig lamang pakasabihin nyan klasay minsan lamang natin mararamdamanang pag-ibig.

Okey pakinggan naman natin ang ikalawang pangkat.Pangkat II

Ika-apat na saknongKapag duwag ang pag-ibig payapaAng iyong isip. Walang dagdagProblema.ngunit kapag matapang ang pag-ibig mo magiging mapusokat handa mo ng ibigay ang lahat.

Magaling! Sinasabing payapa kasi walangproblema . walang intindihin. Kalmante lang ang iyong buhay wala kanggaanong iniintindi at iniisip.Ngunit kapag matapang ang pag-ibig mopadalos dalos at masyadong nagpadala sabugso ng iyong damdamin at nagdalasa init ng katawan.kaya marami sa mga kabataan ang nabubuntis at nakakapag asawa ng maaga.

Nangyayari na iyan sa tunay na buhay klas?Opo

Ikalimang saknongtKapag nagsisimula pa lamang umibig nakikinig pa sa aral ng magulang. Ngunit kapag nagsimula ng umibig palaging puso na lamang ang pinaiiral.

Magaling! Ang pag-ibig na buko= murapa lamang sumisibol kumbaga. Tandangnakikinig pa sa magulang. Nakikita paang ilaw = landas na matuwid. Ngunitkapag nagmahal na nalilimutan na angpayo ngkanilang mga magulang.

halimbawa at kungdati iskul-bahay lang. kapag ikaw aynagmamahal na iskul-gala o date munabago palang umuwi sa bahay. Tama ba klas?

Opo.

Ika anim saknongKapag alam mong ito ay magdudulotna ng kapahamakan sa iyo masabing takot pa ang iyong pag-ibig.

Magaling! Kapag ikaw ay umatras sa panganibDoon masusukat kung maliwanag at buo angiyong isip ibig lamang pakasabihin ay kungtalagang nakikinig pa kayo sa aral ng

6

Page 7: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino III

inyong mga magulang Hindi ba’t may kasabihannga na hahamakin ang lahat masunod ka lamang?

Okey. Ika pitong saknong

Sa kabila ng kakulangan ng taongiyong minamahal. Handa mo siyang tanggapin sa kabila ng kanyang mga kakulangan.

Kapag ikaw ay umibig na handa kangtanggapin kung ano man ang pagkukulangng taong iyong minamahal. Hindi totoong bulag ang pag-ibig nakikita mo iyong ngunit dahil sa pagmamahal mo sa taong yon hindimo alintana kung ano mang pagkukulang meronsiya dahil mahal mo siya.Sinasabi rin ang pag-ibig ay sakim sapagkat sinoba naman ang gusto ng may kahati sa pagmamahal?wala naman db?.

Okey, ikawalong saknong

ikawalong saknong

Takot pa sa kanyang nanay. At hindika pa nito kayang ipaglaban.Kapag mahal ka na nyang tunay walana siyang takot pa.

Magaling! Kapag di lubos ang pagmamahalHindi pa siya sumusuway sa kanyang magulang.Ngunit kapag handa na siyang sumuway atipaglaban ang pagmamahal lahat ng pagsubokay kanyang kakayanin para sa kanyang minamahal.Handa siyang mamatay at pumatay alang alang sakanyang minamahal.

Klas, meron ba kayong kakilala na namatay atpumatay dahil sa pag-ibig?

Maari ka mo bang ibahagi ito sa klase?

Okey para sa huling saknong.Huling saknong.Tinutukoy po riyan ay ang pagigingmapusok ng mga kabataan.

Okey!Ang tinutukoy na paro paro ay kayongmga kalalakihan. At sa ikawang lumiligidibig sabihin ay nanliligaw sa mga kababaibahan.At kapag nakadama ng pag-ibig handing harapinang kahit na ano masunod lamang ang tinitibokng kanyang puso.

7

Page 8: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino III

Palakpakan natin ang bawat pangkatKayong lahat ay mahuhusay!Gamit ang positive negative chart.

Ilahad ang mga positibo at negatibongepektong dulot ng pag-ibig

F.Paglalapat

1.Anu-ano ang mga bagay na dapatisalang-alang kapag ikaw ay umibig?2. Kapag umibig ka, ano ang gagamitinmo sa pagpapasya?puso o isip?Bakit?

G.Paglalahat

Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat .

Panuto: Punan ang mga nawawalang salita sa ibabaUpang mabuo ang mensahe.

Huwag ____________ sa _______. Ang_________at dakilang ________ay

marunong maghintay at__________.

Huwag magpadaya sa damdamin. Angtapat at dakilang ____pag-ibig____ay marunong maghintay at magtiis.

Sinasabing hindi tayo dapat magpadayasa ating damdamin. Dahil kapag puro damdaminlamang ang ating pinairal ay mabubulagan tayosa pag-ibig maaring makagawa tayo ng mgapagkakamaling maaring paagsisihan natin habang buhay.Kapag tapat at dakila ang pag-ibig, hindi dadalintayo nito sa ipapahamak sa halip ay dadalin ka nitosa ikabubuti at ikakaganda ng buhay mo. Taandaan klasna may tamang tamang panahon sa mga bagay bagayhuwag sana kayong magmadali at magpadalos dalos.

IV. Pagtataya

Panuto: Suriin kung anong kaiisipan ang ipinahihiwatig ng bawat saknong o talutod ng tula.

Bilugan ang titik ng tamang sagot

8

Damdamin magtiis

Tapat pag-ibig

Magpadaya

POSITIBO

.nagsisilbing inspirasyon.

nakapagpapasaya

nakakpagpapagaan ng loob.

NEGATIBO

nakasisira ng pag aaral.

nabubuntis ng maaga

.nakakapag asawa ng maaga

Page 9: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino III

V. Kasunduan

Sumulat ng isang komposisyon hinggil sa paksang Pag-ibig. Sundin ang mga sumusunod na pamantayan

a. Binubuo ng dalawang saknong.b. May sukat at tugma.

Inihanda ni: Jamaica M. Tolentino

9

1. Isang aklat na maputi ang isinulat luhaKaya wala kang mabasa kahit isa mang talataKinabisa at inisip mula sa ating pagkabataTumanda ka at nagkauban hindi  mo pa naunawa.

a. Bata pa lamang ay pinag-aaralan na ang umibig.b. Mahirap maunawaan ang pag-ibig.c. Isang aklat na puting-puti ang naglalaman ng hiwaga ng pag-ibig

2. Ang pag-ibig na buko na'y nakikinig pa sa aral,Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,Ngunit kapag nag-aalab pati mundo'y nalilimutan,Iyan, ganyan ang pag-ibig,  damdamin mo't puso lamang!

a.Ang pag-ibig na nagsisimula pa lamang ay madali pang mapagsabihan.b.Ang pag-ibig ng kabataan ay medaling mag-alab at medaling makalimot.c.Damdamin at isipan ang pinaiiral ng isang tunay na umiibig.

3. Kapag ika'y umuurong sa sakuna't  sa panganibAy talagang maliwanag at buo ang iyong pagiisip;Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig

a.Hindi maaring umibig,ang taong matatakutin.b.Kapag may takot pa sa puso ay di pa ganap ang pag-ibig.c.Maliwanag ang isip ng taong umiiwas sa panganib

4.Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay hindi bulag;

Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak.

a.Handang magsakripisyo ang tunay na nagmamahal.b.Makulay ang tingin sa paligid ng taong nagmamahal.c.Nakakikita ng maraming bagay kahit bulag man ang isang umiibig.

5 .Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanaisKayong mga paruparong sa ilawan lumiligid,

kapag kayo’y umibig na, ,hahanapin ang panganibat ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig

a. Ang mga kabataan ay mahirap pagsabihan sa pag-ibig.

b. Dapat mag-ingat sa pag-ibig ang mga kabataan dahil maari silang magkamali.

c. Mapusok ang isang kabataang bago pa lamang umiibig.

Page 10: Masusing Banghay Aralin Sa Filipino III

10