MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na...

88
MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY Koleksiyon ni REV. JERIC C. CORTADO

Transcript of MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na...

Page 1: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY

Koleksiyon ni

REV. JERIC C. CORTADO

Page 2: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

2 | P a g e

PAGBUBULAY SA PAGDIRIWANG NG BUHAY 1. PAGKILALA AT PASASALAMAT 2. PAUNANG SALITA 3. ANG PAGSAMBANG KRISTIYANO 4. SALIGANG PADRON AT BALANGKAS NG SERBISYO NG PAGSAMBA 5. ANG BUHAY SA TAONG KRISTIYANA 6. BATAYANG KULAY SA PAGDIRIWANG NG BUHAY 7. BATAYANG KILOS AT GALAW SA PAGDIRIWANG NG BUHAY 8. ANG MGA BAHAGI SA BAHAY SAMBAHAN

Page 3: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

3 | P a g e

PAGKILALA AT PASASALAMAT Ang Manwal sa Pagdiriwang ng Buhay ay naihanda sa tulong ng mga sumunond:

Sa kay Prof. Eimer M. Estilloso, EdD., na nag-edit nitong manwal. Si Prof. Eimer ay tagapagturo ng mga asignaturang Filipino, research coordinator, at tagapanguna ng Teacher Training Program ng University of Southern Mindanao (USM) – College of Education na nakabase sa Kabacan, Cotabato. Siya rin ay reviewer ng Licensure Examination for Teacher (LET) major in Filipino at Professional Education. Aktibong kasapi at lay leader ng Sunshine United Methodist Church, Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato, Philippines.

Sa kay Prof. Framer Cristy P. Mella, pangulo ng Southern Philippines Methodist Colleges, Inc. sa mga payo at gabay upang gawing ang Manwal sa Pagdiriwang ng Buhay ay maging supplemental resources na nagpapatatag sa panlipunang paninindigan ng Kristiyanong komunidad kung saan buhay na buhay ang gender-fair, culture-sensitive, at environmentally friendly na katangian at pamumuhay.

Sa mahal kong kabiyak at kamanggagawa na si Deaconess Cristine de Guzman-Cortado, na kasama ko lagi sa mga paghahanda at pangunguna sa pagdiriwang ng mga liturhiya at ng mga ritwal na nakapaloob sa manwal. Ang kanyang mga puna at obserbasyon matapos ang mga pagdiriwang gamit ang mga gabay at ritwal na nakapaloob sa manwal ay malaking tulong pagkakabuo ng Manwal sa Pagdiriwang ng Buhay.

Sa inyong lahat, tanggapin po ninyo ang aking pagpupugay at pasasalamat.

Page 4: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

4 | P a g e

PAUNANG SALITA Ang Manwal sa Pagdiriwang ng Buhay ay koleksiyon ng mga gabay sa pananambahan sa iba’t ibang kapanahunang nakapaloob sa Taong Kristiyana, mga ritwal sa iba’t ibang okasyon na malimit ipinagdiriwang, maikling paliwanag tungkol sa Kritiyanong Pananambahan at Liturhiya, mga galaw at kilos sa pagsamba, batayang kulay, Kalendaryong Kristiyana, at mga batayang bahagi sa bahay sambahan. Ito ay sinimulang likumin noong ako ay nadestino sa Pioneer United Methodist Church, Poblacion, Mlang, Cotabato taong 2005-2006. Ang unang komunidad ng mga Metodista na kinilala bilang unang Iglesya Lokal ng “The Methodist Church” sa Mindanao. Ipinagpatuloy noong ako ay madestino ng apat na taon sa Founder United Methodist Church, Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato. Ang isa sa mga matatandang Iglesya sa Mindanao na unang nakilala bilang “Methodist Episcopal Church”. Napalago nang ako nagturo na sa Southern Philippines Methodist Colleges, Inc. (SPMCI) ng mga kursong “Introduction to Christian Worship” at “Sacramental Theology and Practice”. Ito ay tugon sa kakulangan ng mga materyal na magagamit ng mga pastor at diyakonesa sa paghahanda at pangunguna sa mga pananambahan. Magsisilbi din itong pangunahing gabay sa mga palihan sa pagsamba at ritwal na bahagi ng klase sa SPMCI. Umaasa ako na habang ginagamit ang manwal na ito ay higit pang mapalago ang mga nilalaman at ganap na makatugon sa mga partikular na kalagayan ng isang iglesia.

Page 5: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

5 | P a g e

PAGSAMBANG KRISTIYANO

Ang pagsambang ipinagdiriwang at ang ritwal na ginagamit ay malaking kapahayagan ng katangian at kalikasan ng isang partikular na denominasyon o simbahan. Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo ng mga tao”. Samantala ang pagsamba (worship) ay hango sa Old English na terminong “woertscipe” na ang ibig sabihin ay “pagbibigay galang o pagpupuri sa isang bagay o isang katauhan.” Malimit na ang katagang pagsamba ay ginagamit noon sa pagbibigay galang sa mga haring dumarating sa mga dakong nasasakupan nito hanggang sa ginamit na itong termino sa pagbibigay papuri at paggalang sa Diyos. Ang pagsamba ang intensyon at esensya ng liturhiya. Ang intensyong nakakapagbigay papuri at paggalang sa Diyos na gawa ng mga tao. Sa aklat ni Hoyt L. Hickman binibigyang diin ang limang batayang prinsipyo ng pagsamba, lalong higit bilang kasapi ng Iglesia Metodista. Una, ang Salita ng Diyos ay pangunahing batayan ng ating pananambahan. Ang pagpapahayag at pagbubulay mula sa Banal na Kasulatan ang sentro ng ating mga pagsamba. Lahat ng mga akto ng pagsamba sa kabuuang liturhiya ay nakabatay rito. Pangalawa, pundamental na katangian ng ating pagsamba ang aktibong partisipasyon ng kongregasyon sapagkat ito ang diwa ng tinatawag nating liturhiya na nangangahulugan na gawa o kilos ng mga tao na nagdudulot ng kapurihan sa Diyos. Ang mga layko ay aktibong kasama ng pastor sa pagpaplano, pangunguna sa pagdiriwang at pagtatasa sa buhay pagsamba ng isang simbahan. Pangatlo, sa mga pagsamba ay mararanasan lagi ang kalayaan ng pagkilos at kaayusan ng daloy. Pang-apat, ang pananambahan ay napapanahon at bukas para sa lahat. Ang pagsamba ay tumatagos sa puso, mga alaala, pangangailangan, at pag-asa ng bayan ng Diyos. Ang bawat isa mula sa iba’t ibang antas ng kamulatan, gulang, kasarian, at estado sa lipunan ay makaranas ng paglagong espiritwal. Sa pamamagitan nito, maiintindihan ng bawat isa ang mensahe sa kanila ng Diyos at makatugon sa hamon ng panahon. At panghuli, ang pagsamba ay isang komunyon ng nagtitipanang bayan ng Diyos sa Kanya at sa isa’t isa. Sa diwang ito, ang liturhiya at pagsamba ay nakaugat sa karanasan, pangarap, pagpupunyagi, at pasasalamat ng bayan ng Diyos. Ito ay kilusang nagpapatatag ng panlipunang paninindigan at pananampalataya ng Kristiyanong komunidad. Isang gawaing kabahagi sa pagpapaunlad ng komunidad ng mga mananampalatayang Kristiyano’t Metodista na naglalakbay tungo sa ikapagtatatag ng isang mapayapa at malayang lipunan, isang lipunang buhay na buhay ang pagiging gender-fair, culture-sensitive, at environmentally friendly na katangian at pamumuhay.

Page 6: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

6 | P a g e

SALIGANG PADRON AT BALANGKAS NG SERBISYO NG PAGSAMBA Ang Saligang Padron at Balangkas ng Serbisyo ng Pagsamba ay nakaugat sa Banal na Kasulatan at sa tradisyong pinagmulan at karanasan ng United Methodist Church. Ginagabayan ng padrong ito ang komunidad ng mga mananampalataya at lahat ng mga naghahanda ng mga lingguhang gabay sa pananambahan upang maunawan ang balangkas at nilalaman ng ating pagsamba. Sa Saligang Padron na ito (Sa Pagpasok; Proklamasyon at Tugon; Pasasalamat at Komunyon; at Pagpapahayo) nakapaloob ang balangkas ng ating mga Pananambahan.

SA PAGPASOK Magtitipon ang bayan sa ngalan ng Panginoon. Maaaring sa mga panahong ito gagawin ang mga impormal na

batian, mga pagbabalita at pagtanggap. Tutugtugin ang instrumental na musika o imno ng paghahanda.

+PANIMULANG TUGTUGIN (PRELUDE) Ito ay musikang pinapatugtog o tinutugtog habang ang mga tao ay nagtitipon. Ito rin ay hudyat ng pagsisimula ng pananambahan. Sa panahong ito ginagawa ang prosesyunal. +TAWAG SA PAGSAMBA (CALL TO WORSHIP) Ang Tawag sa Pagsamba ay mga kataga ng paanyaya na sinasambit ng Tagapanguna o Pastor sa bayan ng Diyos upang ituon na ang sarili sa pananambahan. +IMNO NG PAPURI (HYMN OF PRAISE) Ito ay isang imnong nagpapahayag ng kolektibong papuri sa Diyos, pagkilala sa kabutihan at kadakilaang ginawa ng Diyos sa Sanlibutan. Maaari ang Praise Singing sa pangunguna ng Praise and Worship Team ng simbahan ay gawing alternatibo nito. Sa kapanahunan ng Pagdatal isinusunod sa IMNO NG PAPURI ang PAGSINDI NG KANDILA NG PAGDATAL bago ang Pambungad na Panalangin. Ang pagsindi ng mga kandila ng pagdatal ay gagawin lamang sa lingguhang Pananambahan sa kapanahunan ng Pagdatal. Sa pananambahan sa Gabi o Araw ng Pasko, ipapasok matapos ang Imno ng Papuri ang PAGSINDI NG KANDILA NI CRISTO bago ang Pambungad na Panalangin. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN (OPENING PRAYER) Ito ay panalanging humihingi ng patnubay sa Diyos sa pananambahang gagawin.

PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD (CONFESSION AND PARDON) Sa mga pagsambang Metodista at Evangelical, malimit nahahati ito sa tatlong bahagi. Una, Tawag sa Pagsisisi (Call to Confession), mga katagang sinasambit ng Tagapanguna upang hikayatin ang bayan na ikumpisal ang kanilang mga pagkukulang at pagkakasala sa harapan ng Diyos. Pangalawa, Panalangin sa Pagsisisi (Prayer of Confession), isang natatanging panalangin sa harapan ng presensya ng Diyos kung saan nangungumpisal sa mga pagkukulang at pagkakasala. Susundan ito ng tahimik na pagninilay. At pangatlo, Katiyakan ng Pagpapatawad (Assurance of Pardon or Absolution), mga kataga na sinasambit ng pastor na naglalahad ng katiyakan mula sa Diyos na maranasan ng bayan nito ang pagpapatawad. Ito ay malimit hinahango na mga talata sa Banal na Kasulatan na naglalarawan sa inisyatiba ng Diyos sa paglilligtas. Ito rin ay kapahayagan na ang Diyos ay mabuti, makatarungan, at mapagpatawad. +GLORIA PATRI Ang Gloria Patri ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay Glory be to the Father. Ito ay isang awit o kataga ng papuri sa Santa Trinidad. Inaawit natin ito malimit bilang tugon sa Kapahayagan ng Pagpapatawad.

Page 7: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

7 | P a g e

PROKLAMASYON AT TUGON Ang pagiging Ebangheliko ay bahagi ng katangian natin bilang Metodista, ang bukas na Bibliya na nakikita ng mga tao at ang accessibility nito sa bayan ng Diyos na mabasa ang siyang kapahayagan nito. Sa bahaging ito ng Saligang Padron binabasa at pinagbubulay-bulayan ang Salita ng Diyos.

DALANGING PAGKALIWANAGAN (PRAYER OF ILLUMINATION) Ang panalanging ito ay sinasambit ng pastor o ng worship leader na nakatuon sa dalawang bagay. Una, ito ay panalanging humihingi ng gabay at basbas mula sa Diyos sa pagbabasa ng mga aralin, sa gayon ay mapakinggan ng komunidad ang katotohanan mula sa Diyos. Pangalawa, ito ay panalangin upang pagpalain ang pastor o tagapangaral sa paglalahad nito ng sermon, sa gayon ay makapagdulot ito ng liwanag at inspirasyon sa mga nakikinig na bayan ng Diyos. ARALIN (SCRIPTURE) Ang ang bawat Linggo ay may nakalaang tatlong aralin mula sa Lumang Tipan para sa Unang Aralin, Epistula para sa Ikalawang Aralin, at Ebanghelyo. Sa kapanahunan matapos ang Araw ng Pagkabuhay, ginagamit para sa Unang Aralin ang Aklat ng Mga Gawa ng Apostoles kung saan binibigyang diin ang kuwento ng bagong nilalang na nauugnay sa muling pagkabuhay. Ang bawat aralin ay ipakikilala gaya ng mga sumusunod:

ANG ARALIN SA LUMANG TIPAN/ GAWA NG MGA APOSTOLES Tagabasa: Ang pagbasa mula sa Aklat ni _______________ kabanata ____ mula sa talata ____ hanggang ____. Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Tugon: (awitin, “Pangunahan Mo”) Pangunahan mo, aming pagbubulay. Karunungan Mo‟y sa mi‟y maging ganap.

ANG ARALIN SA MGA LIHAM Tagabasa: Ang pagbasa mula sa ______________________, kabanata _____, sa mga talatang ______ hanggang _______. Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos.

+ ANG PAGDAKILA SA EBANGHELYO

Ito ay inaawit bago basahin ang Aralin sa Ebanghelyo. Ang lahat ay magsitayo hanggang matapos ang pagbabasa ng aralin sa ebanghelyo.

(awitin, Alleluia, UMH186) Alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia, alleluia.

+ANG ARALIN SA EBANGHELYO Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San ______________. Komunidad: Papuri sa iyo, Panginoon. Pastor: (Basahin ng malinaw ang aralin). Ang Mabuting Balita ng Panginoon. DALIT NA AWIT (ANTHEM) Ang awiting ito ay nakatuon sa tema ng Pananambahan at ng araling binasa. Ito ay papuring awit sa Diyos at nagpapahayag sa mensahe ng araling binasa.

SERMON Ang Sermon ay hango sa salitang Latin na ibig sabihin ay “talk” o “speech”. Ito ay isang diskurso ayon sa araling binasa na nagbibigay ng mga panuntunan sa buhay at sa mga hamong hinaharap ng mga mananampalataya.

Page 8: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

8 | P a g e

Kung may bibinyagan, ikukumpil o itatalaga, mainam gawin ang mga ito pagkatapos ng Sermon. Nangangahulugan ito ng positibong pagtanggap sa Salita ng Diyos na napakinggan. Kapag gagawin dito ang mga Serbisyo ng Pambautismong Tipan, ang Kapahayagan ng Pananampalataya ay hindi na sasambitin. KAPAHAYAGAN NG PANANAMPALATAYA/KREDO (AFFIRMATION OF FAITH/CREED) Ang Kredo ay mainam na tugon sa Salita ng Diyos na napakinggan. Ito ay kapahayagan ng muling pagpapatibay sa kung ano ang ating sinasampalatayanan.

PASASALAMAT AT KOMUNYON Sa mga serbisyong kalakip ang Banal na Komunyon, ang mga aksyon ni Jesus sa Mataas na Silid ay ating binabalikan. Ang pagkuha ng tinapay at saro, ang pasasalamat sa tinapay at saro, ang pagpira-piraso ng tinapay, ang pagbabahagi ng tinapay at saro. Sa mga serbisyo ng pagsamba na walang pagdiriwang ng Banal na Komunyon, agad isinusunod ang Panalangin ng Panginoon.

Sa panahong ito ang pastor ay nakatayo behind the Lord’s Table.

PAGHAHANDOG (OFFERTORY) Ang Paghahandog ay bahagi sa pananambahan kung saan iniipon ang mga kaloob, pangako, at ikapu mula sa bayan ng Diyos, at pagdadala ng tinapay at saro sa altar. Ang pag-awit ng nauukol sa komunyon o pasasalamat ay ginagawa sa mga panahong ito. Ang Paghahadog ay nahahati sa mga sumusunod: una; TAWAG SA PAGHAHANDOG, kung saan inaanyayahan ang lahat na mag-alay bilang bahagi ng pasasalamat sa Diyos; pangalawa; ang DOKSOLOHIYA, kung saan hinango sa salitang Griyego para sa “Words of Praise”; at Pangatlo; ang PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG. PAGKUHA NG TINAPAY AT SARO DAKILANG PASASALAMAT ANG PANALANGIN NG PANGINOON Ang Panalangin ng Panginoon ay panalanging itinuro ng ating Panginoong Jesus sa kanyang mga alagad noong hiniling nilang turuan silang manalangin. Malimit ang panalanging ito ay inaawit o di kaya’y sinasambit nang sabayan. PAGPIRA-PIRASO SA TINAPAY PAMAMAHAGI NG TINAPAY AT SARO

PAGPAPAHAYO Sa diwang ito ang bayan ng Diyos ay pinapahayo upang mangaral at maglinkod sa kapwa taglay ang pagpapala ng

Diyos.

IMNO +PANALANGING PASTORAL (+PASTORAL PRAYER) Ang Panalanging Pastoral ay panalangin ng bayan sa pangunguna ng pastor na naglalaman ng mga hinaing, pangarap, kahilingan ng bayan ng Diyos. +PAGPAPAHAYONG MAY LAKIP NA PAGPAPALA (+DISMISSAL WITH BLESSING/BENEDICTION) Ang huli at pinal na panalangin na nagkakaloob ng bendisyon mula sa Diyos sa mga nananambahan, upang humayo na taglay ang pag-ibig at kapayapaan ng Diyos sa sanlibutan. +TATLONG AMEN (+THREE FOLD AMEN) PANITAPOS NA TUGTUGIN (POSTLUDE)

Ito ay tugtugin matapos ang Tatlong Amen o panitapos na bahagi ng pagsamba. PAGHAYO (GOING FORTH)

Page 9: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

9 | P a g e

ANG BUHAY SA TAONG KRISTIYANA Ang Taong Kristiyana simula pa noong mga naunang Kristiyano ay nakatuon sa inisyatiba ng Diyos mula pa sa simula na nagpapatuloy sa pamamagitan ng Santo Espiritu sa kasalukuyan. Binibigyang diin ng Kalendaryong Kristiyana na ang lahat ng ginawang inisyatiba ng Diyos ay sa kagalingan ng minamahal nitong bayan, para sa ating lahat. Ang iba’t ibang pagdiriwang sa iba’t ibang kapanahunan na nakapaloob sa Taong Kristiyana ay nagpapaala sa atin na ang kaligtasan ay biyaya at kaloob ng Diyos. Ang Taong Kristiyana ay binubuo ng mga sumusunod na mga kapanahunan na nakilala din bilang Kalendaryong Kristiyana:

1. Pagdatal (Advent) 2. Pasko (Christmas) 3. Kapanahunan matapos ang Epipanya (Season after Epiphany) 4. Kuwaresma (Lent) 5. Kapanahunan ng Pagkabuhay (Season of Easter) 6. Kapanahunan matapos ang Pentekoste o Kapanahunan ng Paghahari ng Diyos (Season after Pentecost or

Kingdomtide)

ANG KAPANAHUNAN NG PAGDATAL Ang “Pagdatal” o “Advent” sa wikang Ingles ay katagang hango sa salitang Latin na “adventus”, na ang literal na kahulugan ay “pagdating” o “pagdatal”. Ang katagang “Advent” ay hiram nating mga Kristiyano sa sekular at paganong okasyo’t kahulugan. Tinanggap ng Kristiyano ang terminong ito bilang pantukoy sa panahon ng paghihintay kay Kristo sa ating buhay. Ito ay naging kapanahunan kung saan ginugunita ang unang pagdating ni Kristo at ang Kanyang pagkakatawang-tao. Ito rin ay panahon ng pag-asa sa muli niyang pagdating upang itatag ang bagong langit at bagong lupa. Ang pagdatal ay unang ipinagdiwang, sumibol, at lumago sa Espanya, Pransya, at Italya bilang panahon ng paghahanda sa Pasko o sa paggunita ng kapanganakan ni Jesu-Cristo. Sa maagang yugto ng “Middle Ages” sa Pransya, naidagdag ang kaisipan ng muling pagbabalik ni Cristo sa katapusan ng panahon. Dito nagsimula na nagkaroon ng “penitential substance” ang kapanahunan ng Pagdatal. Ito ang dahilan bakit binibigyang diin ang pangangaral ni Juan Bautista at ng kanyang sinabi, “Pagsisihan ninyo‟t talikdan ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit nang maghari ang Diyos!” Dahil din dito naging “purple” o lila ang kulay ng ating mga paraments at vestments sa tuwing sasapit ang pagdatal. Ayon kay Daniel Banedict, Jr, dating staff ng General Board of Discipleship, sa panahon ng ika-8 hanggang ika-13 siglo kung saan ang Espanya ay nasa ilalim ng kontrol ng mga “Moorish”, ginamit nila ang bughaw na sumasagisag ng pag-asa. Sa patuloy na paglago at “standardization of colors” ang kulay bughaw ay ginagamit na sa panahon ng Pagdatal, subalit nanatili ang kulay lila bilang halili. Sa kaugalian ng mga Pillipinong Kristiyano, tampok ang SIMBANG GABI o SIMBANG UMAGA sa kapaskuhan. Ito ay nagsisimula sa ika-16 ng Disyembre at magtatapos sa gabi ng ika-24 ng nasabing buwan. Binabalutan ng masasayang selebrasyon, mga awiting pampasko, at saganang hapag ng pagkain para sa lahat. Matapos ang pananambahan ay bahagi ng ating tradisyon ang salo-salo sa puto, biko, suman, mainit na kape o tsokolate. Ito ay unang nakilala sa Pilipinas bilang MISA DE GALLO o pananambahan sa oras ng pagtilaok ng manok na tandang sa madaling araw, at tinawag din itong, PAGSAMBANG AGINALDO (Aguinaldo Mass). Ang “aginaldo” ay salitang Espanyol na ang ibig sabihin ay “regalo”. Ang Pagsambang Aginaldo ay kapahayagan ng ating regalo sa Panginoong Jesus, na isinilang sa sabsaban. Ito ay pagsambang naghahanda sa atin upang tanggapin ang dakilang regalo ng Diyos sa sanlibutan - ang kanyang bugtong na Anak. Sa gayon ay makaranas tayo ng liwanag at kalakasan, ng paglaya at kaligtasan.

Page 10: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

10 | P a g e

Ang Pagdatal ay nagsisimula sa huling Linggo ng Nobyembre o unang Linggo matapos ang ika-27 ng Nobyembre hanggang sa takipsilim ng ika-24 ng Disyembre. Ito ay binubuo ng apat ng Linggo (Sunday).

ANG KAPANAHUNAN NG PASKO Ang kapanahunan ng Pasko ay paggunita sa kongkretong pagpapahayag ng Diyos sa ating kalagitnaan. Ang katagang “Christmas” o “Pasko” ay hango sa katagang Old English na “Crist Maesse”, na ang ibig sabihin ay “Christ’s Mass” o “Misa ni Cristo”. Ang “Christ” ay hango sa katagang Griyego na “Christos” at “Masiah” sa salitang Hebreo na ibig sabihin ay Tagapagligtas, at Tagapagpalaya. Ang “Mass” naman ay hango sa salitang Latin na “Missio”, ang kahulugan ay “Mission”. Sa ganitong diwa, sa pagdiriwang ng Pasko ay hindi lamang natin ginugunita ang kapanganakan ni Jesus, kundi lalong higit ang pagyakap sa misyon mismo ni Cristo Jesus. Ang misyon ni Jesus (Lucas 4:18-19) na ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita…ipahayag sa mga bihag na sila‟y lalaya, at sa mga bulag na sila‟y makakakita…. bigyang-kaluwagan ang mga sinisiil. At ipahayag ang pagliligtas na gagawin ng Panginoon.” Ang Kapaskuhan ay nagsisimula sa takipsilim ng ika-24 ng Disyembre hanggang ika-6 ng Enero. Sa gabi ng ika-24 ng Disyembre ipinagdiriwang ang Pananambahan sa Gabi ng Pasko; ika-25 ng Disyembre ipinagdiriwang ang Pananambahan sa Araw ng Pasko, susunod ang mga Pananambahan sa Una at Pangalawang Linggo Matapos ang Pasko, at sa huling Linggo ng kapanahunang ipinagdiriwang ang Epipanya - ang Linggo ng Pagdiriwang sa Dakilang Kapahayagan ng Panginoon. Ang katagang Epipanya ay hango mula sa salitang Griyego na “epiphaneia” na ang kahuluga’y “manifestation” o “revelation”. Tampok sa pagdiriwang na ito ang mga Mago na sa kanilang presensya ipinapahiwatig na ang Diyos at ang Cristong isinilang sa sabsaban ay para sa lahat; ang Betlehem kung saan naisilang ang Mesias ay nagpapahiwatig na sa grasya ng Diyos magkakaroon ang wala; ang regalong nagpapahayag ng lakas at kakayahang maiaambag upang ang bayan ng Diyos ay (Isaias 60:1), “bumangon …at magliwanag na tulad ng araw”; ang bituin na nagpapahayag na ang Diyos ay gumagawa ng inistiyatiba upang tayo ay gabayan. Kulay puti ang ating mga “paraments”, “vestments”, estola, at “hangings” na gagamitin sa kapanahunang ito na sumasagisag sa kadalisayan ng misyon ng Diyos sa Kanyang bayan.

ANG KAPANAHUNAN MATAPOS ANG EPIPANYA Ang kapanahunan matapos ang Epipanya ay nakatuon sa iba’t ibang anyo ng kapahayagan ng Diyos sa pamamagitan ng mga turo, kababalaghan at aral na ginawa ni Jesus. Nagsisimula ang kapanahunang ito sa pagdiriwang ng Pagbibinyag ng Panginoon, kung saan inihahayag ang pagiging kinalulugdang Anak ni Jesus sa Ama at pasimula ng ministeryo ni Jesus. Magtatapos ito sa pamamagitan ng pagdiriwang sa Pagbabagong Anyo ng Panginoon, kung saan muling ipinahahayag si Cristo-Jesus bilang minamahal at kinalulugdang Anak ng Diyos Ama. Kulay puti ang ginagamit nating mga paraments at hangings na nagpapatingkad sa dalisay na intensyon ng Diyos sa pagpapahayag ng kanyang pag-ibig at pagkalinga sa pamamagitan ni Cristo-Jesus. Ang dalisay na layuning sangkapan tayo ng kakayahan upang itaguyod ang pagbabago at kapayapaang nakabatay sa Kanyang katarungan.

ANG KAPANAHUNAN NG KUWARESMA Ang Kuwaresma na “Lent” sa salitang Ingles ay hinango sa katagang Anglo-Saxon (Old Englsih) na “lencten,” na ang ibig sabihin ay “pagsibol”. Sa Latin, ito ay “Quadregesima” na ang ibig sabihin ay yugto na bumubuo ng apatnapung araw (period of forty days). Ito ang terminong ginamit sa dokumentong Latino ng Roman Catholic Church, na unang nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas, sa pamamagitan ng mga Espanyol. Ang katagang “Kuwaresma” ay hinango natin sa salitang Espanyol na “Cuaresima”, na ang kahulugan ay katulad ng “Quadregesima” o yugto na bumubuo ng apatnapung araw. Malaki rin ang ambag ng mga Kristiyanong Aleman sa katagang Kuwaresma, na sa kanila ay “Fastenzeit” na ibig sabihin ay kapanahunan ng pag-aayuno (time of fasting or period of fasting). At mula sa mga katagang ito matutukoy natin ang “Kuwaresma” na kapanahunan ng pag-aayuno (German: Fastenzeit), na isinasagawa sa kapanahunan ng pagsibol (Anglo-Saxon: Springtime), at binubuo ng apatnapung araw

Page 11: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

11 | P a g e

(Latin:Quadregesima). Ang kapanahunang ito ay paghahanda sa pagdiriwang ng “Easter” o Muling Pagkabuhay ng Panginoon. Ang yugto na bumubuo ng Apatnapung Araw ay nauugnay sa mga sumusunod: una ay nauugnay sa kuwento ng buhay ni Noe (Genesis 6) kung saan sa kanyang kapanahunan ang mga tao ay naging suwail sa kalooban ng Diyos na umabot sa puntong nagsisi ang Diyos sa pagkakalikha niya ng tao (Genesis 6:7). Subalit sa kabila ng lahat, nanatili ang pag-ibig ng Diyos sa tao at ninais niyang makaranas sila ng paglaya at pagbabago. Niloob ng Diyos na magkaroon ng bagong simula ang minamahal niyang bayan at maging bagong lipunan (Genesis 7:4). Sa apatnapung araw na binubuo ng Kuwaresma ay inaanyayahan tayo upang muling danasin ang pagbabagong buhay na niloloob ng Diyos. Hayaang damtan tayo ng presensya ni Cristo at muling patatagin ang tinanggap nating Bautismo. Pangalawa, ang apatnapung araw na bumubuo sa kapanahunan ng Kuwaresma ay nauugnay sa kuwento ng paglaya ng Israel. Sa apatnapung taong paglalakbay ng bayan ng Israel mula sa kaalipinan tungo sa hinahangad na kalayaan. Sa paglalakbay, hinarap ng bayan ng Diyos ang maraming pagsubok, ang gutom at pagkauhaw, ang mga pag-aalinlangan sa kapangyarihan ng Diyos, ang bangayan ng bawat lipi, at ang pagtalikod sa Diyos hanggang sa maranasan nila ang paglaya. Sa loob ng apatnapung araw ay pinagkakalooban tayo ng panahon upang magsisisi at matagpuang muli ang kalayaan. Yakapin ang buhay na niloob ni Cristo para sa atin, ang maging mulat at malaya. Pangatlo, ang apatnapung araw ay nauugnay sa kuwento ni Moises habang nasa Bundok Sinai. Apatnapung araw na nanatili si Moises sa bundok kasama ang Diyos kung saan ipinahayag sa kanya ang kalooban at kautusan ng Diyos para sa itinatag na bayan. Sa loob ng apatnapung araw nitong kapanahunan ng Kuwaresma ay inaanyayahan tayong sundin ang ehemplong ginawa ni Moises at gawin ang ating makakaya na makipagkaisa sa Diyos(Gal 4; Rom. 8). Sa kapanahunan ng Kuwaresma pinatatatag natin ang ating pakikipisan sa Diyos, bilang kanyang mga anak at pagkilala sa kanya na ating Magulang. Pang-apat, ang apatnapung araw ay nauugnay sa kuwento ni Jonas na sinugo sa pinakaayaw niyang gawain. Sinugo siya sa Ninive na sentrong lungsod ng Asiria na minsang nagpahirap sa bayan ng Diyos. Ang bayang ito ay binalot ng kasamaan at kailangan silang mabago at mailigtas sa paghuhukom ng Diyos. Apatnapung araw ang ipinagkaloob na “grace period” sa kanila upang magbago. Ang apatnapung araw ng kapanahunan ng Kuwaresma sa diwang ito ay “grace period” din sa atin upang tanggapin ang paanyaya ng Diyos. Ang paanyayang magbalik-loob sa Kanya at matuto sa buhay na niloob ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. At panlima, ang apatnapung araw na bumubuo sa kapanahunan ng Kuwaresma ay nauugnay sa kuwento ng pagtutukso ng diyablo kay Jesus. Matapos tanggapin ni Jesus ang bautismo at bago niya sinimulan ang misyon ay pumunta siya sa ilang. Doon ay tinukso si Jesus ng diyablo sa loob ng apatnapung araw, na nagpapalaala sa atin na ang pagsubok at tukso ay bahagi ng pag-iral ng tao na dapat mapagtagumpayan. Sa tuwing dumarating tayo sa ganitong yugto ng buhay alalahanin natin ang dahilan ng ating pag-iral at ang kalooban ng Diyos sa ating buhay. Kailangang harapin ang katotohanan, ang tukso at gawing inspirasyon upang maging mapanlikha at matalino sa paglilingkod. Ang Kuwaresma ay pormal na nagsisimula sa Miyerkules ng Abo (Ash Wednesday). Ang abo ay sumasagisag ng kadalisayan sapagkat bunga ito ng mga bagay na nasunog sa apoy. Sinunog na ng apoy at tinunaw na nito ang mga bagay na hindi dalisay. Ang pagtanggap ng abo ay sumasagisag sa pagtanggap ng paanyaya upang sumailalim sa proseso ng pagpapadalisay ng buhay. Hudyat ito ng ating pagsasailalim sa apatnapung araw na proseso ng pagpapadalisay. Ang abo na ating ginamit sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo ay mula sa sinunog na palms leaves at sanga na ginamit sa nakaraang pagdiriwang ng Palm Sunday. Ang pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo ay nagsimula noong ika-12 siglo, lumaganap bilang bahagi ng liturhiya sa kapanahunan ng kuwaresma sa kasalukuyan. Ang Linggo ng Palaspas (Palm Sunday) ay sinasabing engrandeng pagbubukas ng Semana Santa. Ito ay paggunita sa makasasayan at matagumpay ng pagpasok ng makasaysayang Jesus sa Jerusalem, ang lungsod ng

Page 12: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

12 | P a g e

Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, kasama ang kanyang mga kaibigan mula sa mahabang paglalakbay para sa pagbabago. Ang kasaysayan ay nagsasabi na ang iglesya ay isang bayang naglalakbay patungo sa kaliwanagang walang hanggan. Si Cristo Jesus ang sinusundan at sinasamahan patungo sa makalangit ng Jerusalem (Hebreo 12:22; Pa 3:12; 21:2). Noong ikaapat na dantaon pa lamang ay naging ugali na ng mga Kristiyano ang magtipon sa Bundok Olibo sa hapon ng Linggo na nagbubukas sa Semana Santa. Pakikinggan nila roon ang pagsasalaysay ng mga nangyari ayon sa Banal na Kasulatan at saka sila lalakad patungo sa lungsod ng Jerusalem na tinatawag na Simbahan ng Muling Pagkabuhay. Ang mga tao at maraming bata ay may hawak na mga palaspas at sanga ng punong olibo at isinisigaw, “Purihin siyang dumarating sa ngalan ng Panginoon!” Lumaganap ang liturhiyang ito mula sa Jerusalem hanggang sa lahat ng dakong may komunidad ng mga Kristiyano. Ang prusisyon sa Linggo ng Palaspas ay ay kapahayagan ng pagkilala kay Jesus na Mesiyas at Hari. Sa pagdiriwang natin ng Linggo ng Palaspas, maliban sa pagwawagayway at prusisyon ng palaspas ay isinasagawa din natin ang pagtatalaga at pababasbas nito. Sa ating pagbabasbas at pagtatalaga ay ipinapahayag sa atin na ang mga dahong ito ay hindi lamang simpleng palamuti. Ito ay napapaalala na ang kalikasan man din ay nagpupuri sa Diyos at kay Cristo Jesus. Nagpapaalala sa kay Jesus na habang pumapasok sa sentro ng Jerusalem ay kinikilalang Mesiyas at Hari. Habang nasa atin itong pag-iingat sa buong taon ay dadalhin tayo sa kasigasigan at matibay na pagtanggap kay Jesus bilang Cristo at Hari. Ang Linggo ng Palaspas ay ipinagdiriwang natin sa ika-6 na Linggo ng Kuwaresma. Ang Huwebes Santo na katagang hinango natin sa katagang Espanyol na “Jueves Santo” at “Holy Thursday” sa English ay tinatawag din nating mga Protestante na “Maundy Thursday”. Ito ay hango sa salitang Latin na “mandatum novum” na ang ibig sabihin ay bagong kautusan, isang kautusan na ipinagkaloob ng Panginoon. “Mag-ibigan kayo! Kung paanong iniibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo‟y mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayo‟y mga alagad ko” (Juan 14:34-25). Ang bagong kautusang ito ay naipapahayag sa pamamagitan ng Eukaristiya, paghuhugas ng paa, at konsagrasyon ng tatlong sakramental na langis. Ang ating paghuhugas ng paa ay pagtanggap sa paanyaya ni Jesus na ang paglingkuran ay ang sambayanan. Ito ang diwa ng pagiging lingkod ng Diyos at alagad ni Cristo-Jesus. Ito ay paglilinis sa sarili habang isinasabuhay ang mga tagubilin at Salita ng Diyos. Ito ay tanda ng ating paghahanda sa paglilingkod at pagsusulong sa ministeryong pinasimulan ng makasaysayang Jesus. Ang konsagrasyon ng tatlong mga sakramental na langis ay ating minanang liturhiya mula sa Roman Catholic at Anglican churches na siyang nagpalago ng liturhiyang ito, na kilala sa tawag na Chrism mass. Ang konsagrasyon ng olive oil para sa bautismo at pagpapahid ng langis sa mga maysakit, at chrism (olive oil at balm) para sa pagkukumpil ay bahagi ng liturhiyang hindi na pamilyar sa ating mga Metodista. Bagama’t bahagi ito ng ating mga ritwal na nakapaloob sa ating United Methodist Book of Worship. Sa katagang Aleman ang Huwebes Santo ay “Gruendonnerstag” na ibig sabihin ay “Thursday of Weeping”. Dito natin naiuugnay ang pagkain ng mapait bilang pag-aalala sa mga naging karanasan ng bayan ng Diyos na naghihirap. “Pinahirapan ng mga Egipcio sa paggawa ng tisa at ng iba‟t ibang mabibigat na gawaing bukid” (Exodo 1:14). Subalit sa pag-ibig ng Diyos winakasan ang mapait na karanasang ito. Ipinapaalala sa atin, ang mapait na karanasan ni Cristo-Jesus sa kamay ng mga naghaharing-uri. Sa mapait na pagkain ding ito ipinapahayag sa atin ang nagpapatuloy na mapapait na karanasan ng marami nating kababayan. Dulot ng kahirapan, kawalan ng mapapasukang trabaho, korapsyon at pagkagahaman, walang puknat na digmaan at kalamidad. Ito rin ay paglalagay sa sarili upang magsisisi at magbalik-loob sa Diyos. Ang Biyernes Santo na katagang hinango sa salitang Espanyol na “Viernes Santo” ay pamilyar din sa katagang Ingles na “Good Friday”. Ang Biyernes na ito ay kaiba sa karaniwang Biyernes dahil tinawag natin itong “Good”. Mabuting Araw para sa sangkatauhan dahil ang dulot nito ay biyaya ng paglaya. Sa araw na ito nahayag ang

Page 13: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

13 | P a g e

kabutihan ng Diyos sa isang natatanging paraan. Ipinagkaloob niya ang Kanyang bugtong na anak para sa kaligtasan ng sanlibutan at sa araw ding ito nilupig ni Cristo-Jesus ang kapangyarihan ng kamatayan. Ang Serbisyo sa Biyernes Santo ay lumago sa kapanahunan ni St. Augustine (354-430) na isang “solemn celebration” at ginaganap isang beses sa isang taon, kalakip ang pagbabasa ng mga tala sa pagpapakasakit ni Jesus. Sa paglipas ng panahon, lumago ang liturhiya sa Biyernes Santo ayon sa konteksto ng isang pamayanang Kristiyano. Sa kasalukuyan, lalong higit sa ating mga Protestante at mga Metodista, ang malimit nating ginagawa sa tuwing sasapit ang araw na ito ay ang Siete Palabras (Seven Last Words) na umaabot sa tatlong oras na pananambahan. Nagsimula ang pagsambang ito noong ika-17 siglo sa Peru. May mga iglesya na ring nagsasagawa ng “Service of Tenebrae” o “Serbisyo sa gitna ng Kadiliman” na lumago noong ika-12 siglo. Ang serbisyong ito ay malimit ginagawa sa gabi hanggang mag-uumaga habang pinagbubulayan ang buhay at pagpapakasakit ni Jesu-Cristo. Tampok sa Serbisyo sa Biyernes Santo ang Pagpaparangal sa Krus, ang krus na walang katapusang tanda ng laganap na pananampalatayang Kristiyano. Ipinapaalala sa atin ng krus ang ating katangiang tinanggap sa bautismo kung saan nakikibahagi tayo sa tagumpay ni Jesus na mula sa kamatayan sa krus ay nabuhay muli. Sa tuwing nakikita natin ang krus at pinararangalan ay pinagtitibay natin ang ating pananalig na si Cristo ang ating Panginoon at umiiral tayo sa ngalan niya. Sa kalagayan ng ating lipunan ngayon, ang krus ay sumasagisag ng katatagan at kalayaan mula sa mapang-aliping kapangyarihan. Sumasagisag sa isang paanyaya upang pagtibayin ang isang napapanahon at mapagkaisang pananampalataya, na nagsusulong ng kapayapaang nakabatay sa katarungan.

ANG BUHAY SA KAPANAHUNAN NG PAGKABUHAY-MULI NG PANGINOON

Ang Easter Season (Kapanahunan ng Pagkabuhay-Muli ng Panginoon) ay kilala rin sa tawag na “Great Fifty Days”, na nagsisimula sa “sunset Easter Eve” hanggang sa Araw ng Pentekostes. Ang Easter Season ay nakatuon sa muling pagkabuhay ni Cristo, sa pag-akyat ng Panginoon sa langit, ang pagbaba ng Santo Espiritu sa Araw ng Pentekostes (Juan 20:22-23; Gawa 2). Ang Easter ay hango sa matandang Kristiyanong pangalan ng kapistahan na “Pasch”, na hango sa salitang Hebreo na “Pesah”, na ibig sabihin ay “paglagpas” o “pagliligtas”. Sa Linggo ng Muling Pagkabuhay o Easter Sunday, ang Service of Light o Fire Ritual ay isa sa tampok sa liturhiya. Ito ay unang ginamit sa pagdiriwang Kristiyano noong ika-12 siglo. Sa Lumang Tipan, malimit ginamit ng Diyos ang apoy upang maihayag ang Kanyang presensya at pamamatnubay sa Kanyang bayan (Exodo 3:2; 19:18). Sa ating pagdiriwang ngayon, ang apoy ay sumasagisag kay Cristo, “ang ilaw ng sanlibutan”, at sumasagisag din sa paglilinis at paghahayag ng ating mga kasalanan bilang paghahanda sa pagdiriwang ng misteryo ng muling pagkabuhay. Ang pananambahan ay magsisimula sa madilim na paligid. Ang komunidad ay magtitipon sa harap ng isang malaking liwanag na sumasagisag sa muling pagkabuhay. Doon din makikita ang Paschal Candle. Ang bawat isa ay magkakaroon ng mga kandila na sisindihan sa hudyat ng tagapanguna. Sisindihan ng Acolyte/Pastor ang Paschal Candle, at sasambitin ang mga sumusunod: Ang Liwanag ni Cristo na sumibol sa kalangitan, winakasan ang kadilimang hatid ng kasalanan at kamatayan. Ang sindidong Paschal Candle ay itataas upang makita ng lahat, sasabihin ng Acolyte/Pastor: Si Cristo ang ating Liwanag! Ang Paschal Candle ay nagrerepresenta kay Cristo, kung kaya ito ay minamarkahan ng krus at may dekorasyon na limang insenso na nagpapaalala sa atin sa kanyang limang sugat. Ang nakaukit na Alpha at Omega, ibig sabihin, ang una at ang wakas na alpabetong Griyego. Makikita din ang numerals ng kasalukuyang taon na sumasagisag na ang lahat ng panahon at henerasyon ay sa Diyos. Matapos sindihan at itanghal ang Paschal Candle ay iprusisyon ito papasok sa sangtuaryo. Ang prusisyon ay sumasagisag ng pagtatagumpay ni Jesus sa kapangyarihan ng kadiliman (Mt. 27:45; Mk 15:33; Lk 23:44). Ito ay pagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo na nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Ito ay kapahayagan din ng pagpapalaganap ng liwanag ni Cristo sa lahat ng dako, at pagyakap sa liwanag na ito na nagtataguyod ng hustisya at katarungan.

Page 14: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

14 | P a g e

ANG BUHAY SA KAPANAHUNAN NG PAGHAHARI NG DIYOS Ang Kapanahunang Pentekostes (Season after Pentecost) ay ang pinakamahabang kapanahunan sa Kalendaryong Kristiyana. Mas kilala ito sa United Methodist Church bilang Kapanahunan ng Paghahari ng Diyos o Kingdomtide na unang ginamit na termino sa isang aklat na inilimbag noong 1937. Binubuo ito ng dalawampu’t tatlo hanggang dalawampu’t anim na linggo na nagsisimula sa Linggo ng Santa Trinidad at magtatapos sa Linggo ng Kapistahan ni Cristong Hari. Ang mga aralin sa kapanahunang ito ay nagpapaalala sa nagpapatuloy na pagliligtas at paghahari ag Diyos sa sanlibutan.

ANG KALENDARYONG KRISTIYANA Kapanahunan ng Pagdatal

Mula ika-27 ng Nobyembre o sa Unang Linggo matapos ang ika-27 ng Nobyembre hanggang sa takipsilim ng ika-24 ng Disyembre. Ang kapanahunang ito ay binubuo ng apat na Linggo (Sundays). Kulay Lila.

Kapanahunan ng Pasko

Mula sa takipsilim ng ika-24 ng Disyembre, Gabi ng Pasko hanggang ika-6 ng Enero.

Ika- 25 ng Disyembre, Araw ng Pasko (Puti)

Una at Ikalawang Linggo matapos ang Pasko (Puti)

Ika-6 ng Enero, Epipanya o Unang Linggo ng Enero (Puti) Kapanahunan matapos ang Epipanya

Mula ika-7 ng Enero hanggang sa araw bago ang Kuwaresma

Sa Unang Linggo matapos ang Epipanya ipinagdiriwang ang Pagbibinyag ng Panginoon (Puti)

Mula sa Ikawalawang Linggo hanggang Linggo bago ang Huling Linggo matapos ang Epipanya ang gagamiting kulay ay berde.

Sa Huling Linggo matapos ang Epipanya ay ipinagdiriwang ang Pagbabagong Anyo ng Panginoon (Puti)

Kapanahunan ng Kuwaresma

Mula sa Miyerkules ng Abo (kulay lila) hanggang sa gabi ng Pagkabuhay.

Una hanggang Ikalimang Linggo (lila)

Linggo ng Palaspas o Ikaanim ng Linggo ng Kuwaresma (lila)

Lunes, Martes, Miyerkules ng Semana Santa (lila o pula) (purple)

Huwebes Santo (lila)

Biyernes Santo at Sabado Gloria (walang kulay)

Kapanahunan ng Pagkabuhay

Mula sa takipsilim ng gabi ng Pagkabuhay hanggang sa Araw ng Pentekostes.

Gabi ng Pagkabuhay at Araw ng Pagkabuhay (puti)

Ikalawa hanggang sa ikaanim na Linggo ng Pagkabuhay (puti)

Araw ng Pag-akyat ng Panginoon [Ikaanim na Huwebes ng Pagkabuhay] (puti)

Ika-7 Linggo ng Pagkabuhay [maaaring ipagdiwang ang Linggo ng Pag-akyat ng Panginoon] (puti)

Araw ng Pentekostes [Ikawalong Linggo ng Pagkabuhay] (pula) Kapanahunan matapos ang Pentekostes o Kapanahunan ng Paghahari ng Diyos

Mula sa araw ng Pentekostes hanggang sa araw bago ang Pagdatal.

Sa Unang Linggo matapos ang Pentekostes ipinagdiriwang ang Linggo ng Santa Trinidad (puti)

Ikalawa hanggang sa Linggo bago ang Huling Linggo matapos ang Pentekostes (berde)

Araw ng mga Banal ay ipinagdiriwang sa unang Araw ng Nobyembre (puti)

Ang Linggo ng mga Banal ay ipinagdiriwang sa Unang Linggo ng Nobyembre (puti)

Page 15: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

15 | P a g e

Sa huling Linggo matapos ang Pentekostes ipinagdiriwang ang Linggo ni Cristong (puti) Ang Kalendaryong Kristiyana ay sinasabing pinakapundasyon ng lahat ng Pagsambang Kristiyano kung saan bahagi nito ang mga babasahing aralin na kilala sa tawag na lectionary. Isa sa mga pagbabagong naganap sa mga protestanteng simbahan kagaya ng United Methodist Church ay ang pagtangkilik sa leksyunaryong ito. Ang leksyunaryo ay binubuo ng three-year cycle, ang mga taong ito ay kilala sa tawag na taong A, B, C kung saan ang bawat Linggo ay may nakalaang tatlong aralin mula sa Lumang Tipan para sa Unang Aralin, Epistula para sa Ikalawang Aralin, at Ebanghelyo. Sa kapanahunan matapos ang Araw ng Pagkabuhay, ginagamit para sa Unang Aralin ang aklat ng Mga Gawa ng Apostoles kung saan binibigyang diin ang kuwento ng bagong nilalang na nauugnay sa muling pagkabuhay. Ang leksyunaryo ay sadyang inihanda upang magkaroon ng sistematikong pagbabasa at pagbubulay sa panahon ng pananambahan ang bawat Iglesyang gumagamit nito.

Page 16: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

16 | P a g e

BATAYANG KULAY SA PAGDIRIWANG NG BUHAY Ang KULAY ay may malaking tulong upang mapatingkod ang mensahe ng bawat pagdiriwang.

Puti Lila Pula Berde

Ang kulay PUTI at GINTO ay sumasagisag ng kagalakan at pagdiriwang na ginagamit sa Kapanahunan ng Pasko at sa Kapanahunan ng Pagkabuhay, sa Pagdiriwang ng mga Serbisyo ng Kamatayan at Muling Pagkabuhay, sa mga Serbisyo ng Pambautismong Tipan, Serbisyo sa Kristiyanong Kasalan, at Araw ng mga Banal. Ang LILA ay kulay na sumasagisag ng penitensya at “royalty”, na ginagamit sa kapanahunan ng Pagdatal at Kuwaresma. Ang PULA ay kulay ng apoy na sumasagisag sa Espiritu Santo. Ito ay kulay ng mga estola at paraments na ginagamit sa Araw ng Pentekostes, at sa iba pang okasyon kung saan binibigyang diin ang pagkilos sa Santo Espiritu. Ang kulay pula ay sumasagisag din ng dugo ni Jesu-Cristong naghugas sa ating mga kasalanan. Ito ang dahilan kung bakit ginagamit din natin itong alternatibong kulay sa Semana Santa, at sa mga Serbisyo ng Pag-aalaala ng mga Martir. Mainam ding gamitin ang kulay pula sa mga evangelistic services o crusades, sa mga serbisyo ng ordinasyon, konsagrasyon, pagkokomisyon, anibersaryo, reunions, at mga pagsambang pasasalamat. Ang BERDE ay kulay ng paglago, pag-asa, buhay, imortalidad, at kapayapaan. Ginagamit ito sa mga kapanahunan matapos ang Epipanya at Paghahari ng Diyos. Ang kulay Puti, Lila, Pula, at Berde ang pangunahin at batayang kulay na ginagamit sa Taong Kristiyana.

Itim Bughaw Pink

Ang ITIM ay sumasagisag ng pagluluksa at kulay na ginagamit sa Biyernes Santo. Ang BUGHAW naman ay anternatibong kulay sa kapanahunan ng Pagdatal, sumasagisag ng katotohanan at eternidad. Ang PINK ay sumasagisag ng kagalakan, kulay na ginagamit sa tuwing ipinagdiriwang natin ang Linggo ng mga Ina, Linggo ng mga Kababaihan, at alternatibong kulay sa pagdiriwang ng Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma at sa Ikatlong Linggo ng Pagdatal.

Page 17: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

17 | P a g e

BATAYANG KILOS AT GALAW SA PAGDIRIWANG NG BUHAY

1. Pagyuko (Bowing down). Ito ay ating hinango sa pamamaraan ng pagsamba ng mga Hebreo na kinilala sa tawag na “hishahawah”, na ang ibig sabihin ay “pagyuko”. Ginagawa nila ito sa tuwing lumalapit sila sa altar na sumasagasig sa presensya ng Diyos (Genesis 27:29; Genesis 24:52; 2 Chronicles 7:1-4; 2 Chronicles 29: 26-3; Micah 6:1-8). Ang pagyuko sa Pagsambang Kristiyano ay sagisag ng kapakumbabaan at pagsisisi, at paggalang.

2. Pagtayo (Standing). Ito rin ay kapahayagan ng paggalang at kagalakan, kahandaang makinig, kumilos o

maglakbay. Ito ang katangian ng nagbabantay. Para sa mga naunang Kristiyano, ang pagtayo ay postura ng pananalangin at pagsamba (Luke 18:11; Luke 22:27-46; Malachi 3:2). Isinasaad sa Pahayag (7:9) na ang pagtayo ay postura na ginagawang ganap ang hinaharap at katangian ng paghihintay sa pagbabalik ni Cristo. Ginagawa ang pagtayo bilang kapahayagan ng paggalang sa panahon ng prosesyunal at resesyunal ng mga tagapaglingkod at tagapanguna sa pananambahan, sa panahon na binabasa ang Ebanghelyo, at iba.

3. Pag-upo (Sitting). Ito ay kapahayagan ng isang taong nagninilay at nakikinig (Acts 20:9). Ito ay postura ng

isang guro o presider. Ito ay akto ng kabukasan upang matuto at tumanggap kay Cristo. Ito ay kapahayagan ng malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa bayan ng Diyos (John 4:6).

4. Pagluhod (Kneeling). Isang postura ng kapakumbabaan at kalagayang nasa presensya ng Diyos (Psalm 95:6-

7). Sa tradisyon natin bilang mga Metodista, ang pagluhod ay ginagawa sa panahon ng pagtanggap ng Komunyon at pagtatalaga ng sarili sa pagdidisipulo (Mark 14:35; Luke 22:41). Ang pagluhod ay kapahayagan din ng pagkilala na tayo ay makasalanan, gaya ng ginawa ng isang publikano na isinasaad sa Lucas 18:13-14. Ang pagluhod ay pagpapakita ng pagiging bukas na tanggapin ang kalooban ng Diyos sa ating buhay.

5. Pagpapatong ng Kamay sa ulo (Laying of Hands). Ito ay kapahayagan ng kapanatagan at katiyakan. Ang

pagpapatong ng kamay sa ulo ay sagisag ng pagbaba ng Espiritu Santo. Ang init mula sa kamay ng pastor na ipinapatong sa ulo ay sagisag ng enerhiya ng katotohanan at buhay (Matthew 19:13-15). Ang pagpapatong ng kamay ay simpleng nagsasabing “Hindi ka nag-iisa at kasama mo ako.”

6. Pagtataas ng mga Kamay (Lifting Hands). Ang pagtataas ng kamay na nakabukas ang palad ay

kapahayagan ng papuri at pagtanggap sa biyaya ng Diyos (Psalms 141:1-2; 1 Timothy 2:8).

Page 18: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

18 | P a g e

ANG MGA BAHAGI SA BAHAY SAMBAHAN Isa sa mga pagkakakilanlan sa isang partikular na Kristiyanong Simbahan o Denominasyon ay ang mga gusali nito, lalo na ang bahay sambahan. Hindi mo pa nababasa ang signage ay alam mo na sa arkitektura o disensyo ng gusali kung ito ay Iglesia ni Cristo, Seventh Day Adventist, Roman Catholic Church, Mormons, at iba pa. Ang United Methodist Church naman ay nakikilala sa emblem nito na nakalagay lagi sa mga signage. Ang ating mga bahay sambahan ay naitayo sa iba’t ibang mga anyo at sukat, nakadepende sa kalagayan at bilang ng mga kasapi. Subalit magkakaiba man dahil nga sa konteksto at kalagayan, marami sa mga bahay sambahan natin ay may apat na bahagi na may mahahalagang papel at pangalan. Una, ang kilala sa tawag na Narthex, ang pintuan papasok sa bahay sambahan. Ito ay dako kung saan inilalagay ang bawat pumapasok sa paghahanda sa sarili sa isang tahimik na pagbubulay sa Panginoon. Sa United Methodist Church, matatagpuan sa bahaging ito malimit ang tithe board at mesang pinagpapatungan ng mga kandila, Bibliya, bulaklak at iba pang dadalhin sa prosesyunal. Pangalawa, ang Nave, isang terminong Latin na ang ibig sabihin ay “ship” o barko. Ito ang “main hall” sa bahay sambahan kung saan ang kongregasyon ay nagtitipon para sa pagsamba. Sa nave din makikita ang mga upuan na kilala din natin sa tawag na “pews”.

Pangatlo, ang Chancel na matatagpuan sa harap ng nave kung saan doon nakapuwesto ang mga mangunguna sa pananambahan. Ito ay mas mataas na bahagi ng bahay sambahan na nahihiwalay ng luhuran o chancel rail na kilala din bilang communion rail. Sa loob ng chancel makikita ang pulpito, lectern, upuan ng pastor, tagapanguna, tagabasa, acolytes, at upuan ng Obispo. Kung mapapansin natin sa ating Iglesia, dalawa ang upuan malapit sa pulpito, ang isa ay upuan ng administrative pastor at ang isa ay reserbang upuan ng Obispo. At pang-apat, ang Sanctuary ang pinakaharap ng simbahan. Dito matatagpuan ang altar o Communion Table ang kinikilalang “focal point” ng bahay sambahan at ang retable kung saan nakapatong ang bukas na Bibliya, mga bulaklak, ang kandila ng Ebanghelyo at Epistula, pati na rin ang offering plate o basket.

Figure 1: Karaniwang floor plan ng mga gusali ng United Methodist Church. Ito ang floor plan ng Founder United Methodist Church, Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato kung saan ako ay nadestino ng apat na taon.

Page 19: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

19 | P a g e

MGA AKTO NG PAGSAMBA SA TAONG KRISTIYANA

1. MGA PAGPIPILIAN SA TAWAG SA PAGSAMBA 2. MGA PAGPIPILIAN SA PAMBUNGAD NA PANALANGIN 3. MGA PAGPIPILIAN SA PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD 4. MGA PAGPIPILIAN SA TAWAG SA PAGHAHANDOG 5. MGA PAGPIPILIAN SA PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG 6. GABAY SA PAGSISINDI NG MGA KANDILA NG PAGDATAL AT NI CRISTO

Page 20: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

20 | P a g e

MGA PAGPIPILIAN SA TAWAG SA PAGSAMBA

1. + TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Ang Diyos ng kapayapaan ay umaanyaya sa atin sa kapanahunang ito ng pagdatal upang sama-samang magpuri at maglingkod. Komunidad: Kami ay nagagalak sa tuwing inaanyayahan kami sa tahanan ng Diyos. Ito ay kapahayagan na bahagi kami sa pagdiriwang ng kanyang bayan. Tagapanguna: Halikayo! Salubungin ang ating kaligtasan! Salubungin ang bagong araw at pag-asa! Salubungin ang prinsipe ng kapayapaan! Komunidad: Narito kami upang damhin ang kapayapaang kaloob ng Diyos. Narito kami upang humanda sa lakad na niloloob ng Diyos. Tagapanguna: Sumainyo ang kapayapaan ng Diyos! Komunidad: At sumainyo rin. Tagapanguna: Salubungin natin siya ng papuri!

2. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Batiin natin ang ating mga katabi, gaya ng pagbati ni Jesus sa atin. “Ang kapayapaan ay sumainyo!” Ang pag-asa mula sa Diyos ay sumainyo. Komunidad: Sa gitna ng kahirapan ay may pag-asang isinilang sa sabsaban. Tagapanguna: Makinig, bayan ng Diyos, sa mensahe ng pag-asa. Maging mapanuri sa paligid. May mga pagkakataon doon upang lumago, lumaya, at maibahagi ang Magandang Balita. Komunidad: Ang Diyos ng Pag-asa ay nagkakaloob sa atin ng kagalakan at kapayapaan. Tagapanguna: Ating purihin ang Diyos!

3. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Sambahin ang Panginoon ng buhay at kapakumbabaan. Ihayag ang kanyang kalinga sa mga aba at mapagpakumbaba. Komunidad: Nahahabag siya sa lahat ng mga may takot sa kanya. Ipinapahayag niya ang lakas ng kanyang mga bisig at walang magtagal na mga palalo at mapagmataas sa Kanyang harapan. Tagapanguna: Ang kanyang pag-ibig at pagtutuwid ay walang patid.

4. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Sama-sama tayong maghanda upang batiin ang sanggol ni Maria, ang tinawag nating Emmanuel. Komunidad: Ipagdiriwang natin ang kamangha-manghang gawa ng Diyos para sa sanlibutan. Itaas natin ang ating mga puso upang ihayag ang Mabuting Balita ng kaligtasan. Tagapanguna: Ating pagtibayin ang pananampalataya sa Diyos. Komunidad: Sa Diyos ang papuri!

Page 21: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

21 | P a g e

5. + TAWAG SA PAGSAMBA (AWIT 98 UMH818)

Tagapanguna: Umawit ng bagong awit at sa Diyos ay ialay, pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya ay taglay ang kabanalan, walang mahirap na natamo yaong hangad na tagumpay. Tugon: O Magsaya at magdiwang. Kabataan: Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag. Sa harap ng mga bansa’y naihayag ang pagliligtas. Ang pangako sa kanyang bayang lubos niyang tinutupad. Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas. Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas! T Kalalakihan: Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig; Ang Diyos ay buong galak na purihin sa pag-awit! Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog. At ang Diyos ay papurihan ng tugtuging maalindog. T Kababaihan: Tugtugin din ang trumpeta na kasaliw ang tambuli. Magkaingay sa harapan ni Yahweh na ating hari. Umingay ka karagatan, at lahat ng lumalangoy. Umawit ang daigdigan at lahat ng naroroon. T Tagapannguna: Umugong sa palakpakan pati yaong kalaliman. Umawit ding nagagalak ang lahat ng kabundukan. Pagkat siya’y dumarating maghahari sa daigdig. Taglay niya’y katarungan at paghatol na matuwid.T Tagapanguna: Ipagdiwang ang kapanganakan ni Jesus! Ang kapanganakan ng Mesiyas! Ang nagkaloob ng kaganapan ng katiyakang kasama natin ang Diyos! T Komunidad: Nagkaloob ng dahilan ang Diyos upang umawit nang may kagalakan. Ang awit ay awiting may galak, kasabay ng pag-indak, at pagpalakpak. T Tagapanguna: Pagkalooban natin ng masigabong palakpakan ang sanggol na isinilang sa sabsaban!

(Ang lahat ay mag-alay ng masigabong palakpakan)

6. +TAWAG SA PAGSAMBA (Awit 118:14-29 UMH # 857) Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Tagapanguna: Purihin ang Diyos at ang kanyang anak na ating Panginoon at Tagapagligtas. Ang kapayapaan mula sa ating Panginoong Jesus ay sumainyo. Lahat: At sumaiyo rin. Tagapanguna: Dahil kay Yahweh ako’y pinalakas at ako’y tumatag. Siya sa buhay ko, ang Tagapagligtas. Tugon: This is the day that the Lord has made; Let us rejoice, Let us rejoice, let us rejoice and be glad. Tagabasa 1: Dinggin ang masayang sigawan sa tolda ng mga hinirang. “Si Yahweh ay siyang lakas na patnubay! Ang lakas ni Yahweh ang siyang nagdulot ng ating tagumpay. Sa pakikibaka sa ating kaaway.” T Tagabasa 2: Aking sinasabing di ako papanaw, mabubuhay ako upang isalaysay ang gawa ni Yahweh na Panginoon ko. T Tagabasa 3: Pinagdusa ako at pinarusahan ng labis at labis. Ngunit ang buhay ko’y di niya pinatid. T Tagabasa 4: Ang pintuan ng banal na tempo’y inyo ngayong buksan. Ako ay papasok at itong si Yahweh ay papurihan. T Tagabasa 5: Ito yaong pintuang pasukan ni Yahweh, ang Panginoong Diyos. Tanging ang matuwid ang pababayaang doo’y makapasok! T Tagabasa 6: Aking pinupuri ikaw, O Yahweh, yamang pinakinggan, dininig mo ako’t pinapagtagumpay. Ang batong natakwil ng nangagtatayo ng tirahang-bahay. Sa lahat ng bato’y higit na mahusay. T Tagabasa 7: Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Diyos na si Yahweh. Kung iyong mamasdan ay kawili-wili! O kahanga-hanga ang araw na itong ang Diyos ang nagbigay. Tayo ay magalak, ating ipagdiwang! T Tagabasa 8: Kami ay iligtas, tubusin mo, O Yahweh, kami ay iligtas. At pagtagumpayin sa layuni’t hangad. Ang pumaparito sa ngalan ni Yahweh ay pagpapalain. T Tagabasa 9: Si Yahweh ang Diyos. Pagkabuti niya sa mga hinirang. Tayo ay magtaglay ng sanga ng kahoy, simulang magdiwang. At tayo’y lumapit sa dambanang banal. T Tagabasa 10: Ikaw ay aking Diyos, kaya naman ako’y nagpapasalamat. Ang pagkadakila mo ay ihahayag. T Tagapanguna: O pasalamatan ang Diyos na si Yahweh, pagkat siya’y mabuti. Ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili.

Page 22: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

22 | P a g e

7. +TAWAG NG PAGSAMBA (SA PAGSALUBONG NG BAGONG TAON) Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Ang bagong taon ay nagpapaalala sa pangako ng Diyos na magkaroon ng bagong langit at lupa. Kapatiran: Purihin ang Diyos, Siyang alpha at omega. Purihin ang Diyos na siyang lumukob ng kabutihan sa atin. Tagapanguna: Ating ipagdiwang ang mga bagong posibilidad ng buhay. Nagpapaalala sa kayamanang likas na pinamana sa atin. Kapatiran: Purihin ang Diyos, sa mga yamang tubig at lupain at kagubatan, sa mga palay at bunga ng kahoy na sumasagisag ng buhay. Tagapanguna: Ito ang araw ng muling pagpapatibay ng ating tipan sa Diyos. Lahat: Purihin ang Diyos sa pagkakaloob ng pagkakataong salubungin ang bagong taon na may pag-asa at laya.

8. + TAWAG SA PAGSAMBA (SA LINGGO NG EPIPANYA)

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Pagpapahayag ng Panginoon, o ang Epipanya. Ito ay paggunita sa pagdalaw ng tatlong pantas at ang pag-aalay nila ng ginto, kamangyan at mira sa naisilang na Mesiyas. Sa ating pagdiriwang, patuloy tayong pinaalalahanan na ang kapaskuhan ay hindi magtatapos sa ganitong tagpo. Ito ay dapat magpatuloy sa ating pang-araw-araw na buhay kung saan nahahayag ang misyon ni Cristo, ang pinakadiwa ng Epipanya. Italaga natin ang ating sarili sa dakilang misyon ni Cristo, at sumainyo ang kapayapaa’t biyaya ng Diyos. Komunidad: At sumaiyo rin.

9. + TAWAG SA PAGSAMBA (PAGSAMBANG AGINALDO) Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, simulan natin ngayon ang masayang tradisyon ng Pagsambang Aginaldo. Ang paggunita ng siyam na buwan na nasa sinapupunan ni Maria si Jesus at isinilang sa sabsaban sa Bethlehem. Sa siyam na umaga o siyam na gabi ay sama-sama tayong mag-alay ng mga kaloob, panalangin, at pagsisisi sa kasalanan. Nawa’y ang tapat nating pagsisimbang aginaldo ay maging regalo natin sa Sanggol na magdiriwang ng kanyang kaarawan. Komunidad: Nawa’y manatili tayong nagkakaisa, nagdadamayan, at nagmamahalan sapagkat ito ang tunay na diwa ng kapaskuhan. Tagapanguna: Purihin ang Panginoon na dumating upang iligtas ang tao at ang sanlibutan. Sa gayon, ang biyaya at kapayapaan ng Diyos ay sumainyong lahat. Komunidad: At sumainyo rin. Tagapanguna: Salubungin natin siya ng may papuri!

10. + TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, tampok sa pagdiriwang natin ngayon ay ang pagninilay sa lahing pinagmulan ni Jesus. Niyakap ni Jesus ang isang masalimuot na kuwento at karanasan ng mga tao, upang sangkapan tayo ng kalakasan at katatagang kumilos patungo sa paglaya. Komunidad: Purihin natin si Jesus, ang Mesiyas, ang anak ni Abraham at anak ni David.

Page 23: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

23 | P a g e

Tagapanguna: Ang kanyang kapayapaan at kagalakan ay sumainyong lahat. Komunidad: At sumainyo rin. Tagapanguna: Sa Diyos ang papuri.

11. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, at dagat ay panig sa naaapi. May pagkaing handa sa mga nagugutom at pinapalaya Niya ang mga nabibihag sa kasalanan at kasakiman. Siya ay papurihan. At sumainyo ang pag-ibig ng Diyos. Komunidad: At sumainyo rin. Tagapanguna: Aleluya!

12. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Purihin ang Diyos sa kanyang pagiging makatarungan. Komunidad: Kagalakan ang tumalima sa Diyos. Tagapanguna: Ipinagtatanggol Niya ang karapatan ng mga kawawa. Ang salita Niya’y parang tungkod na ipapalo sa malulupit, ang hatol niya ay kamatayan sa masasama. Komunidad: Katarungan at katapatan ang paiiralin sa kanyang pamamahala. Tagapanguna: Purihin natin ang Panginoon na isinilang sa abang sabsaban. At sumainyo ang kalayaang biyaya ng Diyos. Komunidad: At sumainyo rin. Tagapanguna: Aleluya!

13. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Pasalamatan natin ang Panginoon na nagsugo sa kanyang Anak upang ating maging Tagapagligtas. Ang Espiritu ng kapayapaan at galak ay sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin. Lahat: Tayo ay magsaya at purihin ang Diyos!

14. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Sinabi pa ni Yahweh, “Umawit ka sa kagalakan, bayan ng Sion, pagkat maninirahan ako sa piling mo.” Sa araw na yaon, maraming bansa ang sama-samang magpupuri kay Yahweh at pasasakop sa kanya. Siya’y maninirahan sa gitna ninyo (Zacarias 2:10-11b). At sumainyo ang mapagpalayang kapangyarihan ng Diyos. Komunidad: At sumaiyo rin. Lahat: Tayo ay magsaya at purihin ang Diyos!

15. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu.

Page 24: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

24 | P a g e

Lahat: Amen. Tagapanguna: Tayo ay magtipon upang sumamba at magpuri. Ang banal na Espiritu ay umaanyaya sa atin sa tapat na pananalangin. Sa gayon ang Diyos ay mapapupurihan. Lahat: Tayo ay magsaya at purihin ang Diyos!

16. + TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristong isinilang sa sabsaban, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Habang papalapit na tayo sa pagdiriwang ng kaarawan ng Tagapagligtas, maranasan nawa natin ang kagandahang-loob ng Diyos sa ating buhay. Komunidad: Madama nawa nating tayo rin ay mahalaga para sa Diyos- tulad ni Juan, magiging Tagapagpakilala kay Jesus na isinilang sa sabsaban. Tagapanguna: Nawa ang pag-ibig ng Diyos na Magulang ay laging sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin.

17. +TAWAG SA PAGSAMBA

Pastor: Maging handa nawa tayo sa kanyang pagdating. Sumainyo ang biyaya ng Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagapanguna: Ang sanggol sa sabsaban ay naghihintay sa atin. Lumapit kayo at tunghayan siya! Komunidad: Ang matagal na hinahangad ng bayan ay naisilang na sa ating kalagitnaan! Aleluya! Tagapanguna: Lumapit kayo sa abang sabsaban kung saan ang Mesiyas ay isinilang. Komunidad: Papuri sa kaitaasan!

18. + TAWAG SA PAGSAMBA (SA LINGGO NG PAGBIBINYAG SA PANGINOON)

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Jesu-Cristong nabinyagan sa Ilog Jordan at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, ginugunita natin ngayon ang Bautismong tinanggap ni Jesus sa Ilog Jordan upang patuloy na pag-alabin ang diwa nito. Ang kapayapaa’t biyayang kaloob ng nakikipagtipang Diyos sa kanyang bayan ay sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagapanguna: Purihin ang Panginoon!

19. +TAWAG SA PAGSAMBA (ECUMENICAL SUNDAY)

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Jesu-Cristong kapahayagan ng Kanyang Pag-ibig at Kadakilaan, at ng Santo Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, tinawag tayo ng Diyos upang buuin ang isang bayan at hindi ang isang relihiyon. Tinawag tayo upang maging lingkod at hindi upang paglingkuran. Kung saan isinasabuhay ng kilusang ekyumenikal noon at sa kasalukuyang panahon. Ang kapayapaan ng Diyos ay sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagapanguna: Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit. Ang araw-araw na ginawang pagliligtas ay banggitin. Kahit saan ay ipahayag na ang Diyos ay dakila. Pastor: (Chant) O Magsaya at magdiwang. Komunidad: (Awitin) O Magsaya at magdiwang. Tagapanguna: Tayo ay lumapit sa kanya at sumamba’t magbigay-galang. Lumuhod sa harap ng Diyos na sa atin naglalang. Pastor: (Chant) O Magsaya at magdiwang. Komunidad: (Awitin) O Magsaya at magdiwang. Tagapanguna: Atin ngang papurihan ang Diyos na Makapangyarihan.

Page 25: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

25 | P a g e

20. +TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Jesu-Cristong kapahayagan ng Kanyang Pag-ibig at Kadakilaan, at ng Santo Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, marinig sana natin ang kanyang paanyaya sa pagbabagong-buhay. Purihin ang Panginoon na siyang bukal ng tuwa at saya ng sambayanan! At ang kaligtasang kaloob nito ay sumainyong lahat. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagapanguna: Lumapit sa ilaw na nagniningning sa ngalan ng Panginoong Jesu-Cristo. Komunidad: Ang Diyos ang aming ilaw at kaligtasan. Bakit pa kami matatakot? Tagapanguna: Lumapit tayo ng may pagkakaisa, maging lingkod at saksi ng katotohanang tinataglay ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo- Jesus. Lahat: Makibahagi, purihin natin ang Diyos.

21. +TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Jesu-Cristong kapahayagan ng Kanyang Pag-ibig at Kadakilaan, at ng Santo Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Ang Diyos ay dapat nating papurihan. Sa banal na altar niya sambahin ang kanyang ngalan! Siya’y ating Panginoon, siya’y ating Diyos na banal! Komunidad: Alleluiah!

22. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Jesu-Cristong kapahayagan ng

Kanyang Pag-ibig at Kadakilaan, at ng Santo Espiritung patnubay.

Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, mapalad ang mga lumalakad ayon sa tagubilin ng Diyos. Komunidad: Mahalin ang Diyos, isabuhay ang kanyang mga utos. Tagapanguna: Gawin at palaganapin ang katuwiran at pagkakapatiran. Komunidad: Purihin ang Diyos na may galak sa puso. Tagapanguna: Nawa ang kaligtasang kaloob Niya ay sumainyong lahat. Komunidad: At sumaiyo rin.

23. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Jesu-Cristong kapahayagan ng

Kanyang Pag-ibig at Kadakilaan, at ng Santo Espiritung patnubay.

Lahat: Amen. Tagapanguna: Isang mabuting bagay ang magpasalamat sa Panginoon, at umawit ng mga pagpuri sa kanyang pangalan Komunidad: Purihin ang Diyos na may galak sa puso.

24. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Jesu-Cristong kapahayagan ng

Kanyang Pag-ibig at Kadakilaan, at ng Santo Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Lumapit sa ating Panginoon. Siya ay awitan at papurihan. Komunidad: Tayo ay lumapit sa kanyang harapan na may pasasalamat. Tagapanguna: Tayo ay lumapit sa Diyos at magbigay-galang!

25. +TAWAG SA PAGSAMBA

Page 26: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

26 | P a g e

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na nagdadala sa atin sa isang malalim na pagbubuhay, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Ilagay natin ang ating mga sarili sa kaayusan at kapanatagan. Komunidad: At hayaang maalis ang ating mga pag-aalinlangan. Tagapanguna: Pumasok tayo sa malalim na pagninilay-nilay. Komunidad: Kasama natin ang Diyos na balot ng misteryo na naglalang nitong sanlibutan. Tagapanguna: Ang naglalang sa akin at sa inyo, ang nagmamahal sa akin at sa inyo. Komunidad: Ang Diyos ay papurihan.

26. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na nagdadala sa atin

sa isang malalim na pagbubuhay, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, pinagtagpo tayo nitong Kuwaresma upang pagnilayan ang hamong hatid ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus. Ang Espiritung lakas ng mga mahihina at aba ay sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin.

27. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na nagdadala sa atin

sa isang malalim na pagbubulay, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Halina’t sama-sama tayong magpuri sa Diyos! Awitan ng pasasalamat at ipahayag nang buong galak ang ating pananampalataya sa Diyos. Ang kapayapaan ay sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin.

28. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na nagdadala sa atin

sa isang malalim na pagbubulay, at ng Banal na Espiritung patnubay.

Lahat: Amen. Tagapanguna: Sa ministeryo ng ating pananalig inihayag ang kahulugan ng buhay. Sumainyo nawa ang liwanag mula sa Diyos. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagapanguna: Ang Diyos ay papurihan!

29. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na nagdadala sa atin

sa isang malalim na pagbubulay, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Nagtitipon tayo upang paglingkuran ang Diyos sa diwa ng ating pagsamba. Komunidad: Ang kapurihan sa Diyos ang siya nawang laging sinasambit. Tagapanguna: Nagtitipon tayo upang linisin ang ating sarili at sangkapan ng kakayahang magampanan ang tungkulin sa atin nakaatang. Komunidad: Alleluia!

30. +TAWAG SA PAGSAMBA (LINGGO NG PALASPAS)

Pastor: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na nagdadala sa atin sa isang

malalim na pagbubulay, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen.

Page 27: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

27 | P a g e

Pastor: Ang Linggo ng Palaspas ay isang engrandeng pagbubukas ng Semana Santa. Ito ay paggunita sa makasaysayan at matagumpay ng pagpasok ng makasaysayang Jesus sa Jerusalem. Ang lungsod ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, kasama ang kanyang mga kaibigan mula sa mahabang paglalakbay para sa pagbabago. Ang kasaysayan ay nagsasabi na ang iglesya ay isang bayang naglalakbay patungo sa kaliwanagang walang hanggan. Si Cristo Jesus ang sinusundan at sinasamahan patungo sa makalangit na Jerusalem (Hebreo 12:22; Pa 3:12; 21:2). Noong ikaapat na dantaon pa lamang ay naging ugali na ng mga Kristiyano ang magtipon sa Bundok Olibo sa hapon ng Linggo na nagbubukas sa Semana Santa. Pakikinggan nila roon ang pagsasalaysay ng mga nangyari ayon sa Banal na Kasulatan at saka sila lalakad patungo sa lungsod ng Jerusalem na tinatawag na Simbahan ng Muling Pagkabuhay. Ang mga tao at maraming bata ay may hawak na mga palaspas at sanga ng punong olibo habang sumisigaw, “Purihin siyang dumarating sa ngalan ng Panginoon!” Lumaganap ang liturhiyang ito mula sa Jerusalem hanggang sa lahat ng dakong may komunidad ng mga Kristiyano. Ang ating prusisyon sa Linggo ng Palaspas ay sumasagisag ng ating pagsama kay Jesus sa lungsod ng Jerusalem, sa pook ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Ito ay kapahayagan ng pagkilala kay Jesus na Mesiyas at Hari. Tagpanguna: Mga kapatid, sumama tayo kay Jesu-Cristo sa Jerusalem! Ang paanyayang ito ay naglalahad sa adhikain ng Semana Santa na saksi sa kamatayan at tagumpay ng ating Panginoon. Sapagkat si Jesus ay naging masunurin hanggang sa kamatayan sa krus, siya ay iniluklok na Panginoon (Filipos 2:6-11). Nagpakababa kaya dinakila, nahatulan kaya pinagtagumpay, namatay kaya nagtamo ng kaluwalhatian. Ang landasing ito ng Panginoon ang landasing naghihintay sa atin. Ang landasing ito at ang pagtahak natin dito ang ipinapahayag ng ating prusisyon sa Linggo ng Pagpapakasakit ni Jesu-Cristo o ng Linggo ng Palaspas. Komunidad: Sundan natin si Jesus sa Jerusalem! Pastor: Ito ay paggunita sa dakilang kapahayagan ng katotohanan, ng pagliligtas at ng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Isa rin itong hamon, at isang sigaw ng pananampalataya at tagumpay. Lahat: Hosanna sa kaitaasan!

31. +TAWAG SA PAGSAMBA (BIYERNES SANTO)

Pastor: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na nagdadala sa atin sa isang

malalim na pagbubulay, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Pastor: Sa diwang ito minsan pa ay sariwain natin ang pahina ng kasaysayan. Ang kuwento ni Jesus habang naglalakbay kasama ang bayan ng Diyos mula sa iba’t ibang uri, lahi, at lipi. Ang kuwento ng makasaysayang Jesus, na nag-alay ng buhay upang ang buhay na ganap at kasiya-siya ay sumaating lahat. Komunidad: Ang makasaysayang Jesus, ang ating Cristo ay naging matapat hanggang kamatayan. Pastor: Pasalamatan natin ang kadakilaan ng kanyang pag-ibig. Lahat: (awitin) Amen. Amen. Amen.

32. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na muling nabuhay, at

ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Ang biyaya at ang kapayapaan mula kay Cristo-Jesus, ating Panginoon ay sumainyo. Komunidad: At sumainyo rin! Tagapanguna: Mga kapatid kay Cristo, sa banal na umagang ito kung saan napagtagumpayan ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang kamatayan. Tayo ay nagtitipon bilang iglesya upang magnilay at magdiwang sa tagumpay ni Cristo laban sa kamatayan! Komunidad: Hosanna sa kaitaasan!

Page 28: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

28 | P a g e

33. +TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na muling nabuhay, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Purihin ang Diyos na siyang muling bumuhay sa kanyang anak na si Cristo-Jesus. Ang Espiritu ng bagong buhay ay sumainyong lahat. Komunidad: At sumainyo rin! Tagapanguna: Ipagdiwang ang karanasan ng muling pagkabuhay ni Cristo sa ating kalagitnaan. Komunidad: Purihin ang Diyos na muling bumuhay kay Cristo-Jesus!

34. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na muling nabuhay, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, ang pintuan ay bukas, ang Mabuting Pastol ay umaanyaya upang pumasok tayo sa gawain ng pagtatalaga ng sarili sa pag-aaral at pananalangin, sa paglilingkod at pagkakaloob, at maging bahagi sa pagpapalaganap ng paghahari ng Diyos sa sanlibutan. Komunidad: Purihin natin ang Diyos, na nagsugo ng Kanyang Mabuting Pastol na si Jesus.

35. +TAWAG SA PAGSAMBA (LINGGO NG MGA INA)

Tagapanguna: Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na muling nabuhay, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Magdiwang tayo sa natatanging araw na ito! Komunidad: Upang alalahanin at pahalagahan ang ating mga ina. Lahat: Purihin ang Diyos na nagkaloob sa ating mga ina!

36. +TAWAG SA PAGSAMBA Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na muling nabuhay, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Tinawag tayo ng Panginoong Diyos hindi dahil sa kung anupamang katayuan natin sa buhay. Tinawag tayo upang patuloy na mabuhay sa kanyang biyaya. Papurihan ang Diyos at ipahayag ang ating pananampalataya kay Jesus, ang ulo ng iglesya. Komunidad: Sa Diyos ang papuri!

37. +TAWAG SA PAGSAMBA (LINGGO NG PENTEKOSTES)

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na muling nabuhay, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Isang panibagong simulain para sa atin ang Araw ng Pentekostes. Kagaya ng naranasan ng mga apostol, pinalalakas din tayo ng Espiritu Santo habang hinaharap natin ang mga pagsubok ng mundong ito. Ibinuhos ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa ating mga puso sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nananahan sa atin. Nawa ang Espiritu ng Diyos ay laging sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin.

38. +TAWAG SA PAGSAMBA (LINGGO NG SANTA TRINIDAD)

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Tayo ay nilikha ng Diyos sa kanyang pag-ibig.

Page 29: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

29 | P a g e

Komunidad: Ang kanyang bugtong na Anak ay pumarito upang mabawi nating muli mula sa pagkakasala ang ating pagiging mga anak ng Diyos. Ipinagpapatuloy ng Santo Espiritu ang sinimulan ng Anak sa kanyang bayan at sa kasaysayan hanggang sa muling pagbabalik ni Cristo-Jesus. Tagapanguna: Purihin ang Diyos na Banal na nagmamahal, ang Bukal ng Buhay, ang Anak na siya nating Daan, ang Espiritung ating Tanglaw. Lahat: Sa Diyos ang papuri!

39. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mapalad ang lahat na sa Diyos ay nananalig nang lubos. Komunidad: Sa Diyos na lumikha ng langit at lupa, ng dagat at himpapawid, at ng lahat ng sangnilikha. Tagapanguna: Panig sa naaapi, kung ang Diyos ay humatol. Siya ay may pagkaing handa sa mga nagugutom. Komunidad: Isinasauli niya ang paningin ng mga bulag, nililingap ang kanyang mga hinirang. Tagapanguna: Sa mga balo at ulila ay tumutulong. Kaya ang Diyos ay pasalamatan at papurihan!

40. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, tayo ngayon ay nagtitipon upang marinig sa ang mga aral mula sa Diyos at mga turo ni Jesus na nagdulot ng bagong pananaw sa buhay. Tayo ay magpuri, magsuri, magnilay, mag-alay, at maglingkod sa Diyos na buhay. Lahat: Amen.

41. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Sa kagandahang- loob ng Diyos tayo ay tinawag. Damhin ang kanyang presensya at pagpapala! Komunidad: Pinangalanan tayo ng Diyos at tinipon bilang isang katawan. Tagapanguna: Ating purihin ang Diyos na dakila!

42. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Ang hindi nagmamaliw na pag-ibig ng Diyos ay tumatagos kahit sa pinakamalayong sulok ng mundo. Naranasan ng ating mga ninuno ang mapagpalayang pagkilos ng Diyos, at patuloy Niya itong ginagawa hanggang sa kasalukuyan. Pinahahalagahan Niya ang lahat ng kanyang mga nilikha, ang lahat ng bayan, lahi at lipi. Ang Kanyang pagkalinga ay nais iparanas sa atin noon pa man, ngayon at sa susunod pang kapanahunan. Komunidad: Ang Diyos ay papurihan.

43. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, isaalang-alang natin ang dakilang gawa ng Diyos. Alalahanin ang yaman ng pag-big Niya. Tayo ay pinagpala sa mga paraang di natin napapansin. Tayo ay binibiyayaan ng mga bagay na higit

Page 30: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

30 | P a g e

pa sa ating inaasahan. Tayo ay nagkakatipon ngayon dahil naniniwala tayo sa Salita ng Diyos. Tayo ay nagkakaisa ngayon upang umawit ng papuri at pasasalamat sa Diyos. Komunidad: Sa Diyos ang papuri.

44. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Sa presensya ng Diyos, pakinggan natin ang kanyang Salita at makipagtipan sa Kanya. Komunidad: Nagtitipon tayo ngayon upang kilalanin ang ating sarili bilang katawan ni Cristo. Mamulat sa paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang bayan. Pastor: Papurihan natin ang Diyos!

45. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, sa pananambahan natin ngayon ay ating muling pagtibayin ang ugnayan sa isa’t isa. Ibahagi ang ating mga pangarap, mga karanasan, at mga pasasalamat. Pastor: Papurihan natin ang Diyos!

46. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Luwalhatiin ang kanyang pangalan! Ipagkaloob natin ang tiwala sa Diyos na maylalang! Komunidad: Nagtitipon tayo ngayon upang ipagdiwang ang kanyang presensya. Parangalan at kilalanin ang di maarok na pag-ibig at katapatan ng Diyos. Tagapanguna: Inihahayag ng Diyos ang mga bagay na naglilimita sa atin upang maglingkod at sumunod sa Kanya. Ang Kanyang pamamahal ang siyang ating tulong at kalasag. Komunidad: Kung may dalawa, tatlong nagkatipon sa pangalan ng Diyos, Siya ay naroroon upang magbigay lakas at katatagan. Lahat: Aleluya! Papurihan natin ang Diyos!

47. +TAWAG SA PAGSAMBA (LINGGO NG EDUKASYONG KRISTIYANA)

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, tayo’y nagtitipon upang ihandog sa Diyos ang pagpupuri at pasasalamat. Sa Diyos na nagkaloob sa atin ng kaalamang di matutumbasan ng salapi at materyal na yaman. Komunidad: Ipinagkaloob ng Diyos ang lahat ng pagkakataon upang tayo ay lumago sa pananampalataya. Tagapanguna: Ito ang diwa ng Edukasyong Kristiyana, tumatagos sa lahat ng prosesong tumutulong upang ang bawat isa ay makaranas ng katiyakan mula sa Diyos. Komunidad: Ang Edukasyong Kristiyana ay kumikilala na ang mga bata ay may natatanging ministeryo sa atin, sa kapwa, sa pamilya, sa iglesya, at sa pamayanan. Tagapanguna: Ang Edukasyong Kristiyana ay umaalalay sa mga kabataan upang mapanatili ang kasiglahan sa pagtuklas ng mas epektibong kaparaanan ng pagmimisyon at paglilingkod sa kapwa, sa pamilya, sa iglesya at sa pamayanan. Komunidad: Ang Edukasyong Kristiyana ay naglalagay sa atin sa isang lumalagong karanasan ng pananampalataya, at hinuhubog tayo na kawangis ni Cristo. Tagapanguna: Ang karunungan mula sa Diyos ay sumainyong lahat.

Page 31: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

31 | P a g e

Komunidad: At sumaiyo rin. Tagapanguna: Ating papurihan ang Diyos na pinagmulan ng lahat ng karunungan.

48. +TAWAG SA PAGSAMBA (LINGGO NG PANDAIGDIGANG KOMUNYON)

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Tayo ay nagtitipon sa araw na ito bilang isang komunidad upang ipagdiwang ang mga biyayang kaloob ng Diyos. Komunidad: Ating dinggin ang tawag ng pagpapasigla sa ating mga espiritu, at tanggapin ang kalakasan upang maging epektibo sa kolektibo nating tungkulin. Tagapanguna: Sa araw na ito, pagsaluhan natin ang tinapay at alak na sagisag ng kapangyarihan at pag-ibig ng Diyos. Komunidad: Buksan natin ang ating mga puso upang tanggapin ang mga kaloob, hanapin ang biyaya sa kaparaanang niloob ng Diyos. Tagapanguna: Ating papurihan ang Diyos, sa dulang ni Jesus.

49. +TAWAG SA PAGSAMBA (LINGGO NG MGA BATA)

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Magalak kayo sa Panginoon! Patatagin ang pamumuhay na nakaugnay sa Diyos! Komunidad: Sa araw na ito, pinili nating magalak, manambahan at magpasalamat. Tagapanguna: Magkasundo tayo bilang magkakapatid kay Cristo. Komunidad: Inilalagay natin ngayon ang ating sarili sa pagtitiwala sa Diyos. Tagapanguna: Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kagandahang loob, lalo na sa mga bata. Ipadama ninyo ang kahalagahan nila sa atin at ang kanilang magagawa sa lipunan. Komunidad: Hingin natin sa Diyos na ang lahat ng pangangailangan ng mga bata sa kasalukuyan ay matugunan. Ang kanilang mga karapatan ay maitaguyod at mapangalagaan, sapagkat ito ang diwa ng ating pagdiriwang ng Linggo ng mga Bata. Tagapanguna: Mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri sa Diyos. Komunidad: Mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang na maipamana natin sa ating mga kabataan at sa susunod na henerasyon. Tagapanguna: Magkagayon, sumainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan!

50. +TAWAG SA PAGSAMBA (LINGGO NG MGA LAYKO) Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Ang mga layko ay kalipunan ng mga tao na kabalikat ng mga manggagawa ng iglesya sa paghubog at pagbibigay anyo sa misyon ng Diyos sa sanlibutang ito. Hindi lamang sila marami sa bilang, bagkus sila ang pangunahing nagbibigay halaga sa kahulugan ng pagsaksi at pagmimisyon. Kaya’t ang mga layko ay hindi dapat manatiling tagamasid at tagapakinig lamang sa loob at labas ng iglesya. Ang Espiritu ng pagkakaisa ay sumainyong lahat. Komunidad: At sumaiyo rin. Tagapanguna: Tunay na ang Diyos ay hindi malayo sa atin. Bagkus siya’y ating kasama sa pagtitipong ito, sa ating pagdiriwang ng Linggo ng mga Layko. Komunidad: Ito nga ang araw na gawa ng Diyos! Ginawa niyang tayo ay pagsama-samahin upang muling pagtibayin ang pagmamahal at pananampalataya sa isa’t isa.

Page 32: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

32 | P a g e

Tagapanguna: Sa gayon, tayo ay maging kalugod-lugod sa harapan ng Diyos at sa harapan ng mga tao. Siya ay dadakilain at susundin ng lahat ng mga tao. Lahat: Ating itaas ang ating mga puso sa pagsamba sa Diyos ng pag-ibig at kapayapaan.

51. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Inuuna ng mga karapat-dapat maging alagad ni Jesus ang paglilingkod sa kanya bago ang sino at alin pa man. Ipinapailalim ang sariling interes sa interes ni Cristo. Sa diwang ito, patuloy itong ipinapaalala ng Diyos at itinuturing na hamon sa atin. Ang kapayapaan ng Diyos ay sumainyo. Kapatiran: At sumaiyo rin. Tagapanguna: Ating itaas ang ating mga puso sa pagsamba sa Diyos ng pag-ibig at kapayapaan.

52. +TAWAG SA PAGSAMBA (ARAW NG MGA BANAL)

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Mga kapatid, ginugunita natin ang lahat ng mga pumanaw na Kristiyano, kabilang na ang mga minamahal natin na namayapa na. Ang ating pananampalataya sa kasamahan ng mga banal ay nangangahulugan na ang ating ugnayan ay hindi nagwawakas sa kamatayan. Komunidad: Papuri at pasasalamat sa Panginoong Jesus na siyang pag-asa’t muling pagkabuhay natin. Tagapanguna: Nawa ang pagkalinga at pagliligtas ng Diyos ay laging sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin.

53. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen.

Tagapanguna: Luwalhati sa Diyos Amang nagsugo sa kanyang Anak upang ituro sa atin ang daan ng

kaligtasan. Ang biyaya ng Banal na Espiritu ay sumainyong lahat. Lahat: At sumaiyo rin Tagapanguna: Magpuring lagi’t magpasalamat sa Diyos nating Makapangyarihan!

54. +TAWAG SA PAGSAMBA

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: Sa nagpapatuloy nating pagdiriwang sa paghahari ng Diyos, alalahanin natin na wala tayong maipagmamalaki sa Panginoon. Sa bahagi ng tao ay pawang mga pagsisikap lamang tungo sa pagpapakabuti. Sa bahagi ng Diyos ay ang pagpapala at pagpapabanal niya sa tao. Sa diwang ito, nararapat lamang na ang Diyos ay pasalamatan at papurihan.

55. +TAWAG SA PAGSAMBA (Lucas 1:68-79 UMH # 208, LINGGO NI CRISTONG HARI)

Tagapanguna: Sa ngalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak niyang si Cristo-Jesus na kapahayagan ng Kanyang di masukat na kapangyarihan, at ng Banal na Espiritung patnubay. Lahat: Amen. Tagapanguna: “Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Sapagkat nilingap niya at pinalaya ang kanyang bayan. Tugon: Hail to the Lord‟s anointed, great David‟s greater son.

Page 33: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

33 | P a g e

Tagabasa 1: At nagpadala siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas. Mula sa lipi ni David na kanyang lingkod. T Tagabasa 2: Ipinangako niya sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta noong una, na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway. At sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin. T Tagabasa 3: Ipinangako rin niya na kahahabagan ang ating mga magulang. At alalahanin ang kanyang banal na tipan. T Tagabasa 4: Iyan ang sumpang binitiwan niya sa ating amang si Abraham, na ililigtas tayo sa ating mga kaaway upang walang takot na makasamba sa kanya. T Tagabasa 5: At maging banal at matuwid sa kanyang paningin, habang tayo’y nabubuhay. T Tagabasa 6: Ikaw naman, anak, at tatawaging propeta ng Kataas-taasan. Sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang daraanan. T Tagabasa 7: At ituro sa kanyang bayan ang landas ng kaligtasan, ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. T Tagabasa 8: Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos, magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan.T Tagapanguna: Upang magbigay-liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan. At patnubayan tayo tungo sa daan ng kapayapaan.”

Page 34: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

34 | P a g e

MGA PAGPIPILIAN SA PAMBUNGAD NA PANALANGIN 1. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos ng Kapayapaan, maging pagkakataon nawa ang aming pagtitipon ngayon upang maranasan ang kapanatagang kaloob Ninyo. Sangkapan niyo po kami ng kakayahang makita Kayo sa aming pang-araw-araw na gawain. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.

2. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: O Diyos, tipunin niyo po kami sa gitna ng aming kahirapan. Ipagkaloob Niyo po ang Inyong pangitain tungkol sa aming tunguhin. Kung saan matatamasa ng lahat ang buhay na ganap at kasiya-siya. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.

3. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Pinupuri ka namin, O Diyos, sa iyong pakikipisan. Tinipon mo kami ngayon bilang isang bayan upang higit naming maunawaan ang kahulugan ng pagsilang ni Jesus. Gawin nawang pagkakataon ito na kami ay higit na maliwanagan sa espiritu ng kapakumbabaan. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.

4. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na Manlilikha, ang lahat dito sa lupa at maging sa langit ay sa iyo. Sa pananambahan namin ngayon, higit ka nawa naming makilala. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.

5. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Naghahari naming Diyos, binubuksan namin ang aming buhay sa katotohanan na iyong kaloob. Mangusap ka nawa sa amin, O Diyos, sa pamamagitan ng sanggol sa Betlehem. Maghari nawa sa amin ngayon ang galak at pag-asa, ang kapanatagan at kalakasan, ang pag-ibig at pagkalinga. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.

6. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Manalangin tayo. Lahat: O Diyos, na aming magulang, salamat po sa mga biyaya na iyong ibinigay. Sa patuloy Niyong pagtitiwala sa amin, kahit sa kabila ng ilang ulit na ikaw ay nabigo. Sa kabila ng di matapos-tapos na pangako ay patuloy kang nakikipagtipan sa amin. Nawa sa pagkakataong ito, tulungan Mo kami na maisabuhay ang iyong mga katuruan. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.

7. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na aming Magulang, ginawa mo kaming mga bagong nilikha sa pamamagitan ng iyong Anak na si Jesus, aming Cristo. Patuloy niyo po kaming samahan at patatagin sa paglilingkod at pagpupuri sa Iyo. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.

8. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Page 35: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

35 | P a g e

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na aming Magulang, ang aming pagtitipon ay gawin mo nawang kalugod-lugod sa iyong harapan, at sangkapan kami ng talino’t katatagan. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.

9. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na aming Magulang, ang dakilang misteryo ng pagsilang ni Jesus sa sabsaban ay mapag-ukulan nawa namin ng pansin sa aming pananambahan. Maipagdiwang nang may di magmamaliw na pag-ibig ang kapanganakan ni Jesus, kasama ng Santo Espiritu. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.

10. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Dios na aming Magulang, sa pagsambang ito ay loobin mong manuot ang Iyong pag-ibig sa amin. Umunlad kami sa pagsunod sa Iyo at pagsasabuhay ng pananampalatayang malaya at mapagpalaya. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.

11. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Sa gitna ng aming mga pagtitiis, dalhin niyo po kami sa inyong liwanag. Maranasan ang galak sa pagiging bahagi ng pangangaral ng Mabuting Balita. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.

12. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Dios na aming Magulang, ngayong malapit na ang Pasko ng Pagsilang ng iyong Anak, kaming mga lingkod mong hindi karapat-dapat ay tangkilikin nawa sa pag-ibig ng iyong Salita na nagkatawang-tao. Manahan nawa sa amin ang Espiritu Santo, ngayon at magpasawalang hanggan. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa Inyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na isinilang sa sabsaban. Amen.

13. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: O aming Diyos, igawad mo nawa sa amin ang kabanalan ng puso; ang pang-unawa sa iyong layunin na di mapipigil ng makasariling hangarin; at hindi mapipigil ng karupukan upang maisakatuparan ang iyong kalooban. Sa iyong liwanag ay mailinaw sa amin ang kahulugan at katuturan ng buhay. Sa iyong habag ay masumpungan nawa namin ang tunay na paglaya, sa kay Cristo Jesus kasama ng Santo Espiritu. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nabinyagan sa Ilog Jordan. Amen.

14. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na aming Magulang, basbasan Niyo po ang pananambahang ito sa Iyong presensya. Sa gayon ay maranasan namin ang tunay na galak at karunungang magdadala sa amin sa Iyong kabanalan. Amen.

15. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: O Diyos, sa pananambahang ito, hayaan Niyo po sanang marinig uli ang iyong tawag na binigkas sa amin mula noong kami ay nasa sinapupunan pa lamang. Hanggang sa kami ay mailuwal sa mundong ito. Naging kasama ka namin sa panahon ng kagalakan at tagumpay, at sa panahon ng kalungkutan at pagkabigo. Patuloy mo kaming pinalalakas sa harap ng nakapanlulumong kalagayan. Kung may nangungutya at nanunupil ay naroon ka na nagbibigay kalakasan.

Page 36: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

36 | P a g e

(Sandaling tumahimik) Tinig: “Huwag kang titigil.” “Huwag kang bibitiw.” Lahat: Aming pinupuri ang iyong katapatan sa lahat ng panahon. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nabinyagan sa Ilog Jordan. Amen.

16. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Sa gitna ng aming mga alinlangan, dalhin niyo po kami sa katiyakan. Samahan niyo po kami, O Diyos, nitong aming pananambahang naglalagay sa amin sa pagtuklas ng kahulugan ng buhay. Maranasan nawa namin ang galak sa pagiging bahagi ng pangangaral ng Mabuting Balita. Ipagkaloob niyo nga po ang katapatang sumunod kay Cristo-Jesus. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nabinyagan sa Ilog Jordan. Amen.

17. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: O aming Diyos, maghari ka nawa sa amin, lalong higit sa pananambahan naming ito. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nabinyagan sa Ilog Jordan. Amen.

18. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na Magulang, loobin Mong maranasan naming ang iyong kabanalan sa pananambahang ito at masangkapan kami ng lakas at dunong sa patuloy na pagpupunyagi upang mabuhay, at maging daluyan ng buhay. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nabinyagan sa Ilog Jordan. Amen.

19. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: O Diyos, Tagapaglikha ng lahat ng bagay. Mula sa alabok ng mundo hinubog niyo kami, at mula sa abo ng kamatayan inyo kaming itinaas. Sa pamamagitan ng mapagpalayang kapangyarihang nahayag sa krus. Muli niyo po kaming likhain na may malinis na puso at pagharian ng bagong espiritu. Sa gayon ay magkaroon kami ng kakayahang ikumpisal ang aming mga kasalanan. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nagdadala sa amin sa isang malalim na pagbubuhay. Amen.

20. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Ipagpatuloy mo nawa, O Diyos, ang iyong paglikha sa aming buhay. Ihinga mo nawa sa amin ang hininga ng buhay at matuto kami sa iyong biyaya. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nagdadala sa amin sa isang malalim na pagbubuhay. Amen.

21. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: O Diyos ng Pag-ibig, tulungan ninyo po kami na magtiwala sa iyo at yakapin ang iyong mga pangako sa kay Cristo-Jesus kasama ng Santo Epiritu. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nagdadala sa amin sa isang malalim na pagbubuhay. Amen.

22. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: O aming Diyos, sa lipunang puno ng hinagpis, takot, kasakiman, at pagkagutom sa kabila ng tinataglay na yaman nitong iyong lupang nilikha. Pangunahan niyo po kami, sa kalagayang wala nang magugutom at mauuhaw dahil sa kawalan at kasakiman. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nagdadala sa amin sa isang malalim na pagbubuhay. Amen.

Page 37: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

37 | P a g e

23. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN (LINGGO NG PALASPAS)

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: O Diyos na aming Magulang na kumakalinga, nagtuturo ng tunay na karunungan upang kami ay mamuhay sa pag-ibig at katuwiran. Dumadalangin kami na iyong kalingain sa gitna ng aming pagkakasadlak sa kahirapan. Sa pagdiriwang namin ngayon sa matagumpay na pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, naniniwala kami na yaon ay kapahayagan ng isang matatag at matapat na paninindigan. Ang katotohanan ay hindi kailanman mapipigilan ng kahit anong banta ng kasamaan at kasinungalingan. Gawaran niyo po kami ng sapat na katatagan at katilinuhan upang hindi kami madaya ng kabuktutan. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nagdadala sa amin sa isang malalim na pagbubuhay. Amen.

24. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: O aming Diyos ng buhay at muling pagkabuhay, sa aming pagdiriwang ngayon ay ipagkaloob mo na mabuhay kami sa pagpapanibagong dulot ng iyong Espiritu. Mailinaw sa amin ang kahulugan ng buhay at ng muling pagkabuhay ng iyong anak na si Jesu-Cristo. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na nabuhay mula sa mga patay. Amen.

25. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: O Diyos na aming Magulang, paghariin mo nawa ang iyong di masukat na pag-ibig. Dalhin mo po kami sa kamatayan ng aming pagkamakasarili. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.

26. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Aming Diyos na makapangyarihan sa lahat, narito kami na Iyong mga anak. Nagpapakumbabang lumalapit sa Iyo upang Ikaw ay aming pasalamatan at papupurihan. Patuloy ka nawa naming maparangalan sa aming mga kilos, gawa, pananalita at paglilingkod sa aming kapwa. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.

27. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos naming Makapangyarihan, kalugdan mo kami at bigyan ng pagkakataong maranasan ang ibayong pag-asa at pag-ibig. Sa iyong kapangyarihan kami ay mamalaging tatalima nang sa gayon ay maranasan namin ang tunay na kalayaan. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.

28. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na aming Magulang, ibangon niyo po kami sa pagkakadapa at hayaang sumunod sa iyo. Ipagkaloob mo nawa sa amin ang patnubay mong mabiyaya at ang banal na kagalakan upang kaming mga anak mo ay masigasig na maglilingkod sa iyo. Samahan niyo po kami ngayon, O Diyos, at gawing karapat-dapat sa pagpupuri. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.

29. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na aming Magulang, samahan mo nawa ang iyong bayan sa paglilingkod. Patnubayan niyo po kami sa aming pagtitipon ngayon upang itampok ang iyong kabanalan. O aming Diyos, panatilihin niyo po

Page 38: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

38 | P a g e

kaming kinalulugdan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo kasama ng Santo Espiritu. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.

30. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Manalangin tayo. Lahat: Makapangyarihan at mahabaging Diyos, sa iyong biyaya at kagandahang loob, kami ay inyong kupkupin. Iligtas sa lahat ng kapahamakan at kami ay ihanda sa lahat ng mga hamon sa buhay. Hayaang kami ay makapaglingkod sa iyo sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.

31. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Manalangin tayo. Lahat: O Diyos na Makapangyarihan sa lahat, patuloy niyo po kaming tunghayan lalong higit sa aming paglilingkod at pananambahan. Makamtan nawa namin ang kalayaan at pamana sa piling mo sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Patuloy nawa naming mapagtibay ang pananalig sa iyo. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.

32. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN (LINGGO NG PANDAIGDIGANG KOMUNYON)

Tagapanguna: Manalangin tayo. Lahat: Makapangyarihang Diyos, tinawag mo kami mula sa aming mga natatanging buhay upang makiisa sa iyong katawan. O Diyos, tulungan mo po kami na ang aming mga kaibahan ay mapagyaman sa aming karanasan, sa halip na maghihiwalay sa amin. Ang aming mga kahinaan ay magbuklod sa amin sa halip na sumira sa aming ugnayan. Tulungan niyo po kami, O Diyos, na mapanindigan ang aming layuning makapaglingkod sa halip na paglingkuran. Sa aming pagdiriwang ngayon ng Linggo ng Pandaigdigang Komunyon, O Diyos, samahan niyo po kami. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.

33. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Tagapanguna: Manalangin tayo. Lahat: Diyos na makapangyarihan sa lahat, sa pagdiriwang namin ngayon ng Linggo ng mga Layko ay tulungan mo kaming maging matapat sa iyong kalooban. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.

34. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Manalangin tayo. Lahat: Diyos naming Makapangyarihan, sa pananambahan namin ngayon dinggin ang aming mga kahilingan. Ang layuning maipahayag sa aming pananampalataya ang Anak Mong nabuhay mula sa mga patay ang aming pag-asang manabik sa pagkabuhay. Tumibay nawa kami sa paglilingkod sa paraang Iyong kinalulugdan. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.

35. +PAMBUNGAD NA PANALANGIN Tagapanguna: Manalangin tayo. Lahat: Diyos na makapangyarihan sa lahat, sa iyong anak na pinakamamahal at hari ng sanlibutan, niloob mong pag-isahin kaming lahat sa iyong kadakilaan. Itulot mong makapaglingkod kaming lahat at makapagpuri sa iyo nang walang humpay. Hayaan niyo pong mamuhay kami sa iyong kapayapaan, sa kay Cristo Jesus na kapahayagan ng hindi masukat Mong kapangyarihan. Amen.

Page 39: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

39 | P a g e

MGA PAGPIPILIAN SA PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

1. PAGSISISI AT PAGPAPAWAD Pastor: Sa harap ng liwanag ng Diyos, nahahayag ang ating mga kasalanan. Tayo ay magbalik-loob upang linisin ang ating mga kasalanan at makaranas ng kaginhawaan. Isang kalakasan ang pagsisisi at pagtutuwid. Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x) Tagapanguna: O Diyos ng kapayapaan, ipinapahayag namin ang aming mga kahinaan. Ang walang katapusang bangayan sa loob at labas ng Iyong tahanan. O Diyos, patawarin niyo po kami. T Tagapanguna: Pinatatalas namin ang aming mga tabak upang makidigma, sa halip na gawin itong araro at gamitin sa paghahanapbuhay. O Diyos, patawarin niyo po kami. T Tagapanguna: Ang isinusulong nami’y pansariling interes at layunin, sa halip na itaguyod ang kagalingan ng lahat. O Diyos, patawarin niyo po kami. T

(Sandaling katahimikan) Pastor: Ang mga tanda ng kaligtasan ay sumasaatin. Pangungunahan tayo ng Diyos sa isinusulong nating dakong walang api at nang-aapi. Isang dakong mabubuong muli ang bayan ng Diyos. Ating pasalamatan ang Diyos sapagkat pinatatawad tayo.

2. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Pastor: Masyado na tayong abala sa pagdiriwang ng kapaskuhan. May panahon pa kaya tayo upang pagnilayan ang pagsilang ng Mesiyas sa sabsaban. Kung gaano kalinis ang ating mga tahanan sa panahon ng pagdatal at kapaskuhan, ganon din ba kalinis ang ating puso? Tayo’y lumapit sa Diyos, at suriin ang sarili. Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x) Tagapanguna: O aming Diyos, kinikilala namin ang aming pagkukulang sa iyo at sa Cristong isinilang sa sabsaban. Hindi namin narinig ang iyak ng kaligtasan mula sa sabsaban, dahil abala kami sa aming mga paputok at maiingay na tugtugan. Patawarin niyo po kami. T Tagapanguna: Naging abala kami sa aming personal at makasariling paghahanda upang maitaas ang sarili. O Diyos patawarin niyo po kami. T Tagapanguna: Tulungan niyo po kaming mapasigla ang tinanggap naming bautismo, at mapaalab ang pagiging alagad ng pag-asa at katuwiran. Cristo, kaawaan Mo po kami. T

(Sandaling katahimikan) Pastor: Nakikipagtagpo sa atin ang Diyos sa iba’t ibang kaparaanan upang pakinggan ang ating mga karaingan. Napapalaya tayo sa pamamagitan ng pagpapailalim sa Kanyang kalooban. Ang Diyos sa pamamagitan ni Cristo-Jesus ay naghahayag na Siya ay Pag-ibig at Pag-asa.

3. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Pastor: Ngayon ay ipahayag natin ang ganap na pagsisisi sa Diyos, sa lahat ng ating mga pagkukulang sa Kanya. Hindi lingid sa atin ang malawak na ministeryo ng ating Panginoong Jesus sa pamamagitan ng iglesya. Ngunit nananatili lamang tayo sa apat na sulok ng gusaling ito. Dalhin natin sa Diyos ang ating kahinaan at mga pasanin. Tugon: (aawitin “Just As I Am, Without One Plea” tune) Aba akong di gasino, na tinubos ng dugo mo; lumalapit na totoo, sa iyo Dios, na Cordero. Opisyales ng Konsilyo ng Iglesya: Tinawag mo kami upang maglingkod nang may katapatan, subalit hindi namin ito nagagampanan nang may pagpapakumbaba at kasiglahan. Tugon: (aawitin “Just As I Am, Without One Plea” tune) Sa aba kong kaluluwa, Dugo Mo nga ay sukat na, Na makahugas sa sala, Oh! Cordero ng Dios Ama. Komunidad:. Pinagkalooban mo kami ng buhay at talento, subalit hindi namin ito pinagyayaman sa paglilingkod sa iyong iglesya. Naging bingi kami sa iyong panawagang paglingkuran ka sa pamamagitan ng mga aba at nangangailangan. At naging kampante na lamang kami sa pagdiriwang ng Pasko, na hiwalay sa tunay na kahulugan – ang pagsisisi at pagpapakababa.

Page 40: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

40 | P a g e

Tugon: (aawitin “Just As I Am, Without One Plea” tune) Akong abang lumalangoy, sa sigalot at linggatong, At nang huwag maparool, Ampunin, Corderong Poon. Mga Manggagawa ng Iglesya: Patawarin mo rin kami, O Diyos, sa hindi namin paggampan nang ganap sa tungkuling iniatang mo sa amin. Kahabagan mo kami sapagka’t kadalasan kami ay nagkukulang at nagkakamali. Tugon: (aawitin “Just As I Am, Without One Plea” tune) Sa „king aba‟t maralita, bulag ang isip at dukha, Magdalang habag at awa, Corderong Dios na dakila. Tagapanguna: Pinagsisisihan namin ang aming mga gawang masama, na siyang humahadlang sa aming buhay kapatiran. Amen.

(Sandaling katahimikan) Pastor: Sa kay Cristo, ang pilay ay makalalakad, ang bingi ay makaririnig, ang bulag ay makakakita, ang mga may sakit ay makararanas ng lunas, ang mga patay ay mabubuhay, at ang mga nagpapakumbaba ay itataas. Maghahari ang Diyos, magpapatawad, at magpapalakas sa ating paglilingkod.

4. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Masyado tayong abala ngayon sa paghahanda ng kapaskuhan. Ngunit ang tanong, naghahanda nga ba talaga tayo para sa sanggol na isinilang sa sabsaban? O sa mga pansarili lamang nating kaligayahan? Tugon: (aawitin UMH # 484) Panginoong Dios, mahabag ka. Tagapanguna: Paano mo masasabing may masayang kapaskuhan sa gitna ng maraming kumakalam na tiyan at umuungol sa kumunoy ng kahirapan. T Kabataan: Sa ating mga pag-aawitan, palakpakan at sayawan, sa gitna ng salo-salo sa ganitong pagdiriwang, paano madama ang tunay na esensya ng kapaskuhan kung hungkag ang malasakit at pakunwari ang tawanan. T Kababaihan: O Diyos, patawarin niyo po kami. Sa abala naming paghahanda ay naging manhid kami, at wala ng panahon upang pagnilayan kung anong ipinahihiwatig ng iyak ng isang sanggol sa sabsaban.

(Tahimik na pagbubulay) Pastor: Ang pagsilang ni Jesus sa sabsaban ay tanda rin ng pagtanggap ng Diyos sa atin. Ang liwanag ng pagsilang ni Jesus ay liwanag na nagpapahayag sa Diyos na nakiisa sa ating kalagayan. Dahil ditto, may katiyakan na maranasan ang kanyang kapatawaran.

5. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Ang araw ng Pasko ay araw ng pagdiriwang sa kaganapan ng pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig na ito ang matibay na pundasyon ng bawat pamilya at pamayanan. Inaasahan sa atin na ito ay pagyamanin, sa ating mga tahanan at lipunang kinabibilangan. Ngunit paano maisasakatuparan kung hindi naman natin ito tapat na naisasabuhay? Tugon: (aawitin UMH # 484) Panginoong Dios, mahabag ka. Tagapanguna: Kami ay naging makasarili O Diyos, sinira namin ang kabanalan ng iyong pag-ibig. Ginawa naming pugad ng karumihan ang aming puso. O Diyos, patawarin mo kami. Kumilos ka sa amin at kami ay pakabanalin. T

(Tahimik na pagbubulay) Pastor: Pinalalakas tayo ng Diyos upang maging lingkod. Makinig sa kanyang tinig at manatiling tapat sa kanya. Sa gayon, mabubuhay tayo nang may dangal sa lipunang ating kinabibilangan.

6. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: “Panginoon, makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin?”(Mateo 18:21a) Komunidad: Mga kapatid, kung may mahulog sa pagkakasala, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Gawin ninyo ito nang buong hinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso (Galacia 6:1). Tagapanguna: Subalit ano po ang matuwid? Makailang ulit ko pong patatawarin ang isang taong paulit-ulit na nagkakasala sa akin?

Page 41: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

41 | P a g e

Komunidad: Magpaumanhinan kayo at magpatawaran kung may hinanakit kayo sa isa’t isa. Pinatawad kayo ng Panginoon kaya’t magpatawad din kayo (Colosas 3:13). Tagapanguna: Makapitong ulit ko po ba siyang patatawarin? (Mateo 18:21b) Komunidad: Sinabi ni Jesus, “Kung makapito siyang magkasala sa iyo sa maghapon, at makapito ring lumapit sa iyo at magsabing, „Nagsisisi ako,‟ patawarin mo.” (Lucas 17:4) Pastor: Ang sabi ni Jesus magpatawad kayo hindi lamang “makapito, kundi pitumpung ulit pa nito.” (Mateo 18:22b) Ang pag-ibig ay hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa (1 Corinto 13:5). Pinagkalooban tayo ng biyayang umibig at magpatawad sa isa’t isa.

7. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Bagamat dumating si Jesus sa ating mundo, hindi lahat ay tumanggap sa kanya. Buksan natin ang ating mga puso upang matuto tayong magpasakop sa Diyos.

Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod: (Change My Heart tune)

Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. Tinig 1: Panginoong Jesus, liwanag ang hatid mo sa mga taong namumuhay sa kadiliman. Makalakad nawa kami sa iyong liwanag. Panginoon, kaawaan mo kami. T Tinig 2: Panginoong Jesus, tinipon mo ang sangkatauhan sa iyong pagdating. Maging daan nawa kami tungo sa pagkakaisa. Cristo, kaawaan mo kami. T Tinig 3: Panginoong Jesus, ibinigay mo ang iyong sarili sa lahat ng naghahanap sa iyo. Magalak nawa kami sa aming pagsamba sa iyo. Panginoon, kaawaan mo kami. T

(Tumahimik ang lahat) Pastor: Kung tayo ay nananalanging higit pa sa mga salita at ang ating mga pagdulog ay matapat at walang halong pagkukunwari, ang ating Diyos ay malugod na tumatanggap, nagpapatawad at nagkakaloob ng bagong buhay.

8. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Sa pamamagitan ni Propeta Isaias, sinabi ng Diyos na lagi nating gawin ang matuwid at itaguyod ang katarungan. Sa pagdating ba Niya, inihahanda ba natin ang ating sarili sa pagtupad sa Kanyang mga utos?

Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod: (Change My Heart tune ) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. Pastor: Ang Diyos ay nasasaktan sa ating mga nagawang pagkakamali at pagkukulang. Subalit ang Diyos ay nagagalak sa ating paglapit na may pagpapakumbabang paghingi ng tawad sa Kanya at sa kapwa. Gawin ang ating buhay na makararanas ng pagbabago sa Kanyang kandungan.

9. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Sa diwang ito, tayo ay lumapit sa Diyos upang humingi ng tulong at tawad. Linisin at pagalingin sa kapangyarihang nakapagpapabago sa ating mga pag-uugali at buhay.

Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod: (Change My Heart tune) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. Pastor: Palubog na ang karahasan at kahirapan upang bigyang daan ang bagong umaga. Pasalamatan natin ang naging daan nito, ang SANGGOL NA ISINILANG SA SABSABAN, ang dakilang kapahayagan ng malaking habag ng Diyos sa sangkatauhan.

Page 42: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

42 | P a g e

10. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD Tagapanguna: Ang pagdatal ay hindi lamang simpleng paghahanda ng magagarang dekorasyon, mamahaling palamuti, regalo, at pagkain. Ang pagdatal ay paghahanda higit sa lahat sa ating sarili. Suriin natin ang ating sarili. Tayo ba ay naghahanda sa kalagayaan at katangiang inaasahan ng Diyos?

(Sandaling katahimikan) Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Tinig 1: Mapagkalingang Diyos, aming ipinahahayag ang aming mga pagkukulang at pagkakamali (sandaling tumahimik upang bigyan ng pagkakataon ang komunidad sa tahimik na pagsisisi). Kami po ay nangangailangan ng tubig na tutugon sa aming pagka-uhaw subalit tuyo ang aming mga balon. Tinig 2: Kami po ay natatakot lumapit sa buhay na tubig. Takot kaming uminom ng tubig na nasa iyo mismong mga kamay. Nahihirapan kaming tanggapin na kami ay nagkulang at nagkamali.. Tagapanguna: O Diyos, tulungan niyo po kami at kaawaan. Samahan niyo po kami sa pagbabago at pagbabalik-loob sa iyo. Tugon: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. Pastor: Ang pagdatal ay isang malaking pagluwal ng pagkakataong maranasan ang biyaya ng Diyos. Nagbubukas sa atin sa bagong buhay at kaparaanan upang mabuhay. Tayo ay lumapit sa Diyos at hayaang linisin Niya ang ating puso mula sa pagkainggit, galit, at pagkukunwari. Ang pagsilang ni Jesus sa sabsaban ay isang malaking kapakitaan sa mapagpakumbabang Diyos. Sa Diyos na madaling lapitan, kaibigan, at maasahan.

11. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD Tagapanguna: Iniligtas tayo ng Diyos sa pagsugo niya ng Kanyang Anak, na isinilang ni Birheng Maria. Pinahahalagahan ba natin ang Ina ng Diyos? Tinutularan ba natin ang kanyang mga halimbawa? Siyasatin natin ang ating mga sarili.

Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. Pastor: Magmahalan tayo bilang magkakapatid, maging maunawain at mababang-loob. Binigyan tayo ng Diyos ng kakayahang magmahal at lumaya. Ang sanggol na isinilang sa sabsaban ay kapahayagan ng kasiguruhang ibinigay nga ng Diyos ang pag-asa sa buhay na walang hanggan.

12. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Tayo ay inaanyayahan sa katapatan ng paghahanda ng ating buhay sa pagdiriwang ng kapanganakan ng Panginoong Jesus. Kung paano ang abang sabsaban ay naging bukas sa Mesias upang makapanahan. Siya rin nawa nitong kapaskuhan at sa lahat ng panahong tayo ay bukas sa Mesias. Ilagay ang ating sarili sa kahandaan upang ganap na manahan ang Diyos sa ating kalagitnaan.

Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. Pastor: Nang tinawag natin ang Diyos sa ating panghihina, pinakinggan niya tayo. Ang pagdatal ay isang malaking kapahayagan ng Diyos. Ang pagsilang kay Jesus sa sabsaban ay isang patunay na iniibig niya tayo. Anupat walang dahilan upang sa Diyos tayo ay mag-alinlangan. Aleluya.

13. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Tayo ay inaanyayahan ng Diyos na ating ipahayag sa Kanya at sa kapwa ang mga naging kasalanan at ang nagawa laban sa kanyang kaluwalhatian. Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na aming Magulang, naninikluhod po kami sa Inyo sa paghingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan sa Iyo at sa aming kapwa. Tulungan niyo po kaming makapagpanibago ng buhay at gawi sa pamamagitan ng Iyong masaganang pagpapatawad. Amen.

Page 43: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

43 | P a g e

Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod: (Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. Pastor: Ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay pumarito upang patawarin tayo at muli tayong mapabilang sa kanyang pamilyang pinagpapala. Sa Diyos ang papuri!

14. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Ang sanggol na si Jesus ay sagisag ng kagandahang-loob at awa ng Diyos. Nadarama ba natin ang pag-ibig ng Diyos? Ibinabahagi ba natin sa iba ang pag-ibig na ito?

(Tumahimk) Matapos ang sandaling katahimikan ay aawitin ang nga sumusunod:

(Change My Heart) Baguhin O Diyos, itong puso ko. Dalisayin Mo, abang buhay ko. Hubugin Mo ako, sa nais Mo. Ang maglingkod sa iyo, ang dalangin ko. Pastor: Mga kapatid, ating pagnilayan ang mensahe mula sa Deuteronomio 30:19-20, “Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay magtagal. Ibigin ninyo si Yahweh, makinig sa kaniyang tinig at manatiling tapat sa kanya. Sa gayon, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing ipinangako niya sa ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob.”

15. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Buksan natin ang ating mga puso upang matuto sa pag-ibig ni Cristo. Tugon: O Panginoon, kaawaan kami. O Panginoon, kaawaan kami. Kaawaan kami, O Panginoon. Tinig 1: Panginoong Jesus, tulungan niyo po kaming lumakad sa Iyong liwanag at maging daluyan ng pagkakaisa ng Iyong bayan. Cristo, kaawaan mo kami. T Tinig 2: Panginoong Jesus, kung paanong ibinigay mo ang iyong sarili sa lahat, gayundin naman sangkapan niyo po kami ng kakayahan na maging kapahayagan ng iyong pagkalinga at kabanalan. Panginoon, kaawaan mo kami. T

(Tumahimik ang lahat) Pastor: Kahabagan tayo ng Diyos at patatawarin tayo sa ating mga kasalanan. Patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. Amen.

16. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD Tagapanguna: Naghihintay ang Diyos na tayo’y lumapit sa kanya upang suriin ang ating mga sarili. Tugon: O Panginoon, kaawaan kami. O Panginoon, kaawaan kami. Kaawaan kami, O Panginoon. Tinig 1: O Diyos, kami ay alipin ng kasalanan. Panginoong Diyos, kahabagan Mo kami. T Tinig 2: Kami ay nagkasala laban sa iyo sa isip, sa salita at sa gawa. Panginoong Dios, patawarin Niyo po kami. T

Tinig 3: Hindi ka namin inibig nang buong puso, lakas at kaluluwa, at gayundin ang aming kapwa. Panginoong

Dioys, kahabagan Niyo kami. T Tagapanguna: Patawarin niyo po kami at pangunahan tungo sa Iyong kabanalan. T

(Tumahimik ang lahat) Pastor: Yamang napawalang-sala na tayo dahil sa pananalig sa ating Panginoong Jesu-Cristo, sa pamamagitan Niya’y mayroon na tayong kapanatagan sa harapan ng Diyos (Roma 5:1).

17. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: May kagalakan at kasigasigan ba nating isinasapamuhay ang ating pagiging Kristiyano? Magnilay tayo, magtasa, magpuna sa harapan ng Panginoon. Tugon: O Panginoon, kaawaan kami. O Panginoon, kaawaan kami. Kaawaan kami, O Panginoon. Tinig 1: O Dios, patawarin niyo po kami sa kakulangan ng ating pananalig at katapatan sa iyo. T

Page 44: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

44 | P a g e

Tinig 2: Tulungan niyo nawa kaming malunasan ang pagkahati-hati ng iyong bayan. Sagipin niyo po kami mula sa pagkatakot na siyang dahilan kung bakit hindi kami nakakakilos ng lubos at maayos. T

(Tumahimik ang lahat) Pastor: Yamang napawalangsala na tayo dahil sa pananalig sa ating Panginoong Jesu-Cristo, sa pamamagitan Niya’y mayroon na tayong kapanatagan sa harapan ng Diyos (Roma 5:1).

18. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Tayo ay bumalik sa kanya, hanapin siya at sa gayo’y masumpungan din natin 44n gating sarili sa kanya. Tugon: O Panginoon, kaawaan kami. O Panginoon, kaawaan kami. Kaawaan kami, O Panginoon. Tagapanguna: Kami ay sa iyo, O Diyos, bagamat kami ay natatali sa napakaraming pinagkakaabalahan. Itulot Niyo pong ang aming mga panahon ay sa iyo nakatuon. T Tagapanguna: Patawarin niyo po kami at gawing karapat-dapat sa iyong banal na harapan. Amen. T

(Tumahimik ang lahat) Pastor: Kung ang ating mga pagdulog ay matapat at walang halong pagkukunwari. Ang ating Diyos ay malugod na tumatanggap, nagpapatawad at nagkakaloob ng bagong buhay.

19. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Sa gitna ng kawalang hustisyang naghahari sa ating lipunan, tayo ay tinawag na magpalaganap ng liwanag at pag-asa. Subalit sa maraming pagkakataon atin itong nakaligtaan. Sa maraming pagkakataon ay nagkukulang tayo sa pagsasabuhay sa dakilang komisyon ng Panginoon. Tayo ay lumapit sa Panginoon upang magsisi at magbalik-loob sa kanya. Tugon: (awitin, “Change may Heart”) BAGUHIN, O DIOS, ITONG PUSO KO. PAGHARIAN MO ABANG BUHAY KO. HUBUGIN MO, O DIOS, LIKHAIN MO. ANG KALOOBAN MO‟Y S‟YANG DALANGIN KO.

(Tumahimik ang lahat) Tagapanguna: Bilang mga taong pinatawad at may bagong ugnayan kay Cristo, ialay natin ang ating mga sarili sa Diyos. Siya ang nagturo sa atin ng pagmamahal at pagtulong sa kapwa. Sa alay nating katapatan, tayo ay kanyang kinalulugdan.

20. PAGSISISI ATPAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Tayo ay magsilapit sa luklukan ng biyaya ng Diyos na may pagtitiwala. Magsisi, humingi ng tawad, at magbalik-loob sa Kanya.

(Tumahimik ang lahat) Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: O Diyos, kupkupin Mo kami. Tagapanguna: Panginoon, dalisayin Niyo po kami. Komunidad: Patawarin Mo kami sa aming mga pagkukulang at pagkakasala bilang Iyong bayan. Amen.

(Tumahimik ang lahat) Tugon: (awitin, “Change my Heart”) BAGUHIN, O DIOS, ITONG PUSO KO. PAGHARIAN MO ABANG BUHAY KO. HUBUGIN MO, O DIOS, LIKHAIN MO. ANG KALOOBAN MO‟Y S‟YANG DALANGIN KO.

(Tumahimik ang lahat) Pastor: Ang ating Diyos ay malugod na tumatanggap, nagpapatawad at nagkakaloob ng bagong buhay.

21. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD Tagapanguna: Tayo ay magsilapit sa luklukan ng biyaya ng Diyos na may pagtitiwala. Suriin ang ating mga kakulangan at kasalanan nang sa gayon ay maging karapat-dapat sa Kanyang banal na dulang.

(Tumahimik ang lahat) Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: O Diyos na makapangyarihan sa lahat, kami’y nagkasala laban sa iyong kabutihang walang hanggan. Kami po ay nagsisisi nang buong puso at nagbabalik-loob sa iyong pamamatnubay. Amen.

(Tumahimik ang lahat)

Page 45: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

45 | P a g e

Tugon: (awitin, “Change my Heart”) BAGUHIN, O DIOS, ITONG PUSO KO. PAGHARIAN MO ABANG BUHAY KO. HUBUGIN MO, O DIOS, LIKHAIN MO. ANG KALOOBAN MO‟Y S‟YANG DALANGIN KO.

(Tumahimik ang lahat) Pastor: Kung tayo ay nananalanging higit pa sa mga salita, ang ating Diyos ay malugod na tumatanggap, nagpapatawad at nagkakaloob ng bagong buhay.

22. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Pastor: Tayo ay manalangin. Aming Diyos, nakikilala mo kami sa loob at labas ng aming pagkatao, sa pamamagitan ng lahat ng aming mga kilos at gawa. Alam mo ang aming nakalipas, ang kasalukuyan at maging ang aming hinaharap. Tugon: (awitin, “Take O, Take Me as I Am” tune) Tanggapin kami, O Diyos. Suguin kaming Lubos.Katapatan ay alay namin sa‟Yo. Pastor: Sa harapan mo’y hindi kami nararapat sapagkat batid naming kami’y nagkasala at patuloy na nagkakasala sa iyo. T Pastor: Gayunman, itinuturo mo sa amin na ang mga pagkakamali ay marapat lamang na ituwid at ihingi ng kapatawaran. T Pastor: Kung kaya ngayon, nagpapakumbaba kami sa iyong harapan taglay ang aming pananalig na kami’y muli mong pagkalooban ng panibagong pagkakataon. T Pastor: Linisin mo ang aming puso at isipan. Akayin mo po kami patungo sa landas ng katuwiran, sa kongkretong paglilingkod sa iyo at sa aming kapwa. T Pastor: Ituwid mo ang baluktot naming mga paniniwala. Dulutan kami ng mga bagong karunungang angkop para sa makatotohanang pagsasabuhay ng pananampalataya. T Pastor: Ito ang aming taos-pusong panalangin sa pangalan ng aming Panginoong Jesus kasama ng Santo Espiritu. Lahat: Amen.

Tahimik na pagbubulay at pagsisisi Pastor: Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kumukupas. Ang tipan ng kapayapaang ating natamo mula sa kanya ay mananatili. At ang kapatawaran ay kanyang igagawad. Aleluya!

23. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Ang mga pagsubok at tukso ay nasa paligid lamang natin. Ang kalikuan at karahasan ay laging nagbabanta. Ito ang mga sumisira sa ating magandang ugnayan sa kapwa at sa Diyos. Lumapit tayo sa Diyos, hingin ang Kanyang patnubay. Ihingi rin natin ng tawad ang ating mga pagkukulang at pagkakasala. Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Mula sa kailaliman ng aming pagkatao, sa mga karanasan sa buhay at pananampalataya, O Diyos, kami’y dumudulog. Tugon: (awitin, “Take O, Take Me as I Am” tune) Tanggapin kami, O Diyos. Suguin kaming Lubos.Katapatan ay alay namin sa‟Yo. Tinig 1: O Diyos hinahangad namin ang pagbabago at pagtutuwid sa aming buhay, sa iglesya, at lipunang kinabibilangan. Tulungan mo kaming labanan at talikuran ang pangangalunya, karima-rimarin na pamumuhay at kahalayan. O Diyos, kahabagan niyo po kami. T Tinig 2: Pilit kaming inilalayo sa iyo, O Diyos, ng mga gawa ng laman, ng pagsamba sa mga diyos-diyosan, paninirang puri, pagkapoot, pagkagalit, paninibugho, at kasakiman. O Diyos, kahabagan niyo kami. T Tinig 3: Sa aming paglalakbay, kami, O Diyos, ay nasasadlak sa pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi, pagkainggit, paglalasing, walang taros na pagsasaya, at iba pang tulad nito. T Lahat: Malimit kami ay nahuhulog sa bitag ng kasalanan. Nakagagawa ng desisyong nakasasakit sa kapwa at nakasisira sa kalikasan. Patawarin niyo po kami, O Diyos.

Tahimik na pagbubulay. Pastor: Sa kay Cristo Jesus, tayo ay pinatawad at sinugong maging malaya. Sa walang katapusang pag-ibig ng Diyos tayo ay binawi mula sa pagkaalipin sa kasalanan. Mamuhay tayo bilang pinatawad ng Diyos, isabuhay natin ang kanyang kalooban. Amen.

Page 46: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

46 | P a g e

24. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Mataimtim nating isagawa ang pangungumpisal ng ating mga kasalanan sa Diyos at sa kapwa. Ito ay paghahanda sa pakikipagtagpo natin sa Panginoon sa Banal niyang Misteryo.

Ang lahat ay magkaroon ng sandaling katahimikan at tahimik na pagbubulay. Tugon: (awitin, “Take O, Take Me as I Am” tune) Tanggapin kami, O Diyos. Suguin kaming Lubos.Katapatan ay alay namin sa‟Yo. Tagapanguna: Mapagmahal at maunawaing Diyos, kami po ay lumalapit sa iyo upang ipahayag ang aming mga pagkukulang at pagkakamali. T Tagapanguna: Ang lahat ng aming mga nagawang labag sa iyong kalooban. Hindi po namin nagawang ibigin, tanggapin at pahalagahan ang aming kapwa.T Tagapanguna: O Diyos, turuan niyo po kaming lumakad sa lilim ng iyong pagmamahal, at patawarin po ninyo kami. T

Tahimik na pagbubulay. Pastor: Kumikilos ang Diyos sa pamamagitan ni Jesus upang ihayag ang kaganapan ng buhay. Patuloy na kumikilos ang Diyos upang tayo ay iligtas. Magpuri sa Diyos.

25. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Inaanyayahan tayo upang magnilay sa ating mga pagkukulang at kahinaan. Makikinig ang Diyos sa ating pangungumpisal.

Ang lahat ay magkaroon ng sandaling katahimikan at tahimik na pagbubulay. Tugon: (awitin, “Take O, Take Me as I Am” tune) Tanggapin kami, O Diyos. Suguin kaming Lubos.Katapatan ay alay namin sa‟Yo. Tagapanguna: O Panginoon, ikaw ay nagdusa alang-alang sa amin na mga nagkasala. Panginoon, kaawaan mo po kami. T Tagapanguna: Panginoong Jesus, ikaw ang pinagmumulan ng tubig na bumubuhay sa amin, nagkakaloob ng lakas at pag-asa. Panginoon, patawarin mo po kami. T Tagapanguna: Naging sakim kami sa iyong biyayang kaloob, na dapat sana’y pagyamanin upang lahat ay magkaroon niyon. Ito ay aming sinarili at pinagdamutan ang kapwa. Panginoon, patawarin mo po kami. T

Tahimik na pagbubulay. Pastor: Sa kay Cristo-Jesus, ipinagkaloob sa atin ang pagkakataong mapanumbalik muli ang ating ugnayan sa Diyos. Parangalan ang mapagpalang Naglalang.

26. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Tayo na mapanghusga sa panlabas na katangian ng kapwa ay hinahamon upang suriin ang nilalaman ng ating puso. Tayo na gumagawa ng aninong nagpapadilim sa katotohanan ay inaanyayahan sa liwanag ng Panginoon. Sa gayon, ay mahayag ang ating mga pagkukulang at kahinaan, ang ating mga kalakasan at kakayahan. Sa liwanag ng Panginoon, suriin ang ating mga sarili.

Ang lahat ay magkaroon ng sandaling katahimikan at tahimik na pagbubulay. Tugon: (awitin, “Take O, Take Me as I Am” tune) Tanggapin kami, O Diyos. Suguin kaming Lubos.Katapatan ay alay namin sa‟Yo. Tagapanguna: O Diyos, aming Pastol, kami ay naligaw sa iyong daan. Mas sinunod namin ang aming sariling pagnanasa kaysa sa iyong kalooban. T Tagapanguna: Naroon ang aming pagkatakot na harapin ang kasamaan at pag-usapan ang kuwento ng totoong buhay. Tagapanguna: Nasanay na kaming isisi sa iba ang aming mga kakulangan. Tulungan niyo po kaming manumbalik sa dating kalikasan ng tao. T

Tahimik na pagbubulay Pastor: Kasama natin ang Diyos, sapagkat layon niyang tayo ay lumakas na pangatawanan ang pagsusulong karunungan. Ang Diyos ay tapat.

Page 47: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

47 | P a g e

27. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD Tagapanguna: Gaano tayo kabukas sa Diyos? Gaano tayo katapat sa kanyang Anak na si Cristo-Jesus? Gaano natin kamahal ang ating kapwa? Gaano tayo katotoo sa liturhiyang ating pinagsasaluhan? Tayo ay magsuri.

Ang lahat ay magkaroon ng sandaling katahimikan at tahimik na pagbubulay. Tugon: (awitin, “Take O, Take Me as I Am”) Tanggapin kami, O Diyos. Suguin kaming Lubos.Katapatan ay alay namin sa‟Yo. Tinig 1: Ako‟y kaawaan, O mahal kong Diyos. Sang-ayon sa iyong kagandahang-loob. Mga kasalanan ko‟y iyong pawiin. Ayon din sa iyong pag-ibig sa akin. Linisin mo sana ang aking karumihan, at ipatawad mo yaring kasalanan! T Tinig 2: Ang pagsalansang ko ay kinikilala. Laging nasa isip ko at alaala. Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, at ang nagawa ko‟y di mo nagustuhan. Kaya may matuwid ka na ako‟y hatulan. Marapat na iyong parusahan. T Tinig 3: Ako‟y masama na buhat nang iluwal. Makasalanan na nang ako‟y isilang. Nais mo sa aki‟y isang pusong tapat. Puspusin mo ako ng dunong mong wagas. T Tinig 4: Ako ay linisin, sala ko‟y hugasan. At ako‟y puputi nang walang kapantay. Sa galak at tuwa ako ay puspusin. At muling babalik ang galak sa akin. T Tinig 5: Ang kasalanan ko‟y iyo nang limutin. Lahat kong nagawang masama‟y pawiin. Isang pusong tapat sa aki‟y likhain. Bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. T Tinig 6: Sa iyong harapa‟y h‟wag akong alisin. Ang Espiritu mo ang papaghariin. Ang galak na dulot ng „yong pagliligtas. Ibalik at ako ay gawin mong tapat. T Tagapanguna: O aming Diyos, patawarin ninyo po kami. Amen

Tahimik na pagbubulay Pastor: Tayo ay pinatawad ng Diyos, sa kanyang habag pinagkalooban tayo ng bagong buhay at pagkakataon. Patuloy na kumikilos ang Diyos upang tayo ay palayain at gawing mapagpalaya.

28. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Ang Diyos ay umaanyaya sa atin upang suriin ang ating mga sarili sa kanyang iglesya. Gaano tayo kabukas sa Diyos? Tayo ay magsuri.

Ang lahat ay magkaroon ng sandaling katahimikan at tahimik na pagbubulay. Tugon: (awitin, “Take O, Take Me as I Am”) Tanggapin kami, O Diyos. Suguin kaming Lubos.Katapatan ay alay namin sa‟Yo. Tagapanguna: O Diyos, kami ay nangungumpisal sa iyo na sa maraming pagkakataon ay hindi kami naging bukas sa iyo. Hindi namin nakikilala ang iyong kabutihan sa aming kapwa dahil sa aming pagkamakasarili. T Tagapanguna: Itinuon namin ang aming isipan sa mga makamundong bagay at aming binalewala ang iyong kalooban. T Tagapanguna: O aming Diyos, patawarin niyo po kami sa aming kahibangan, sa aming kayabangan, at sa aming mga pagkukulang. T Tagapanguna: Ihinga mo nga sa amin minsan pa ang hininga ng buhay, at kami ay lalakad sa iyong liwanag at kabanalan. Amen.

Tahimik na pagbubulay. Pastor: Tayo ay pinatawad ng Diyos, sa kanyang habag pinagkalooban tayo ng bagong buhay at pagkakataon. Kumikilos ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga propeta at ni Cristo-Jesus upang dalhin ang kaganapan ng buhay. Sa Diyos ay magtiwala.

29. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang.

(Tahimik na pagbubulay) Tugon: (awitin, “Hear Our Prayer, O Lord”) Ang daing namin, Oh! Dios ay dinggin; Kapayapaan mo‟y nasang tanggapin. Amen.

Page 48: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

48 | P a g e

Komunidad: Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala (dadagok sa dibdib) sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. T Tagapanguna: O Diyos, tulungan po ninyo kaming mamuhay sa iyong pamamaraan. Turuan niyo po kaming maglingkod sa halip na maghintay na kami ay paglingkuran. T

(Tahimik na pagbubulay) Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Ang paanyaya ng Diyos. Komunidad: Aleluya! Tagabasa: “Ito ang aking magiging tipan sa kanila pagdating ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon: Iuukit ko sa kanilang puso ang aking mga utos, at itatanim ko ang mga ito sa kanilang mga isip.” At kanya ring sinabi pagkatapos, “Hindi ko na alalahanin pa ang kanilang mga kasalanan at mga kasamaan.” Sapagkat ipinatawad na ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan. Kaya nga, mga kapatid, tayo’y malaya ng makapapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa kamatayan ni Jesus. Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buhay na daang naglagos hanggang sa kabila ng tabing-alalaong baga’y ang kanyang katawan. Tayo’y may isang Dakilang Saserdote na mamamahala sa sambahayan ng Diyos. Kaya’t lumapit tayo sa Diyos na may tapat na kalooban at matibay na pananalig sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at nahugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan. Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag mag-alinlangan, sapagkat tapat ang nangako sa atin. Huwag kaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon gaya ng ginawa ng ilan, kundi palakasin ang loob sa isa’t isa, lalo na ngayong nakikita nating nalalapit na ang pagdating ng Panginoon (Hebreo 10:18-25). Komunidad: Salamat sa Diyos!

30. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Ang kamay ng Diyos ang nagdala sa atin upang magsama sa panahong ito. Ang Diyos ay umaanyaya upang suriin ang ating mga sarili sa kanyang iglesya. Gaano tayo kabukas sa Diyos? Gaano natin kamahal ang ating kapwa? Gaano tayo katotoo sa liturhiyang ating pinagsasaluhan? Tayo ay magsuri.

Ang lahat ay magkaroon ng sandaling katahimikan at tahimik na pagbubulay. Tugon: (Jesus, Remember Me, UMH#488) Jesus, Remember me when you come into your kingdom. Jesus, remember me, when you come into your kingdom. Tagapanguna: O Diyos, kami ay nangungumpisal sa iyo na sa maraming pagkakataon ay hindi kami naging bukas sa iyo. Hindi namin nakikilala ang iyong kabutihan sa aming kapwa dahil sa aming pagkamakasarili. T Tagapanguna: Itinuon namin ang aming isipan sa mga makamundong bagay at binalewala ang iyong kalooban sa amin. T Tagapanguna: O aming Diyos, patawarin ninyo po kami sa aming kahibangan, sa aming kayabangan, at sa aming mga pagkukulang. T Tagapanguna: Ihinga mo nga sa amin minsan pa ang hininga ng buhay, at kami ay lalakad sa iyong liwanag at kabanalan. Amen. Pastor: Tayo ay pinatawad ng Diyos, sa kanyang habag pinagkalooban tayo ng bagong buhay at pagkakataon. Kumikilos ang Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga propeta at ni Cristo-Jesus upang dalhin ang kaganapan ng buhay. Patuloy na kumikilos ang Diyos upang tayo ay palayain at gawing mapagpalaya.

31. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Ang pagdiriwang ng Banal na Komunyon ay isang pakikibahagi sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo-Jesus. Sa mga pagkakataong hindi tayo naging karapat-dapat sa mga pagpapalang bunga ng muling pagkabuhay ng Panginoon, humingi tayo sa Diyos ng awa at patawad.

Ang lahat ay magkaroon ng sandaling katahimikan at tahimik na pagbubulay.

Tugon: (Jesus, Remember Me, UMH#488) Jesus, Remember me when you come into your kingdom. Jesus, remember me, when you come into your kingdom.

Page 49: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

49 | P a g e

Pastor: Iginawad ng Panginoon ang kanyang masaganang pagpapala sa ating lahat, kalakip ang pananampalataya at pag-ibig na nasa atin dahil sa pakikipag-isa kay Cristo Jesus. Narito ang isang katotohanang dapat tanggapi‟t paniwalaan ng lahat: “Si Cristo Jesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan (1 Timoteo 1:14-15). Mga kapatid, manalig sa Mabuting Balita, sa kay Cristo-Jesus tayo ay napatawad! Amen.

32. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Inaanyayahan tayo ni Jesus, ang Mabuting Pastol sa ating pangalan upang tayo ay makasunod sa kanya sa landas ng kabanalan at paglaya. Batid natin ang kanyang maamong tinig na umaanyaya sa atin. Suriin ang ating mga sarili sa kanyang harapan bilang Mabuting Pastol. Tugon: (Jesus, Remember Me, UMH#488) Jesus, Remember me when you come into your kingdom. Jesus, remember me, when you come into your kingdom. Tagapanguna: Panginoong Jesus, inihayag mo sa amin ang daan tungo sa landas ng kabanalan at kalayaan mula sa gapos ng kasakiman at kaalipinan. Panginoon, patawarin niyo po kami. T Tagapanguna: Ipinagkaloob mo sa amin ang aliw na dulot ng katotohanan at karunungan. Inihatid mo kami sa buhay na walang hanggan. Panginoon, kaawaan mo kami. T Tagapanguna: Naging maramot kami sa aming kapwa, naging pabaya sa aming mga tungkulin. Madalas kami ay lumalabag sa iyong kalooban at tumataliwas sa iyong mga kautusan. Patawarin ninyo po kami. T

Tahimik na pagninilay.

Pastor: Ang ating pagsisisi ay isang pagkilala sa ating katauhan at pangangailangan sa biyaya ng Diyos. Nangako ang Diyos na patatawarin tayo sa ating mga kahinaan. Tanggapin natin ang katiyakang ito nang may kapakumbabaan at pag-asang dulot ng muling pagkabuhay ng Panginoon.

33. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Sa diwang ito, siyasatin natin ang ating kalooban na malimit nahihirapang tumanggap ng ating mga pagkukulang. Mas madali sa atin ang mamuna ng kapwa at pag-usapan ang kahinaan ng iba. Alam natin ang pangangailangan ng iglesya, subalit nananatili tayong walang pakialam. Si Cristo ay umaanyaya upang ikumpisal ang ating mga pagkukulang at pagkakasala.

Tahimik na pagninilay.

Tugon: (Jesus, Remember Me, UMH#488) Jesus, Remember me when you come into your kingdom. Jesus, remember me, when you come into your kingdom.

Pastor: Dakila ang Diyos, sapagkat ipinapahayag niya ang kapangyarihan ng habag at kalakasan ng pagiging lingkod. Sa pamamagitan ng kanyang bugtong na anak na si Jesus, ang Cristong Hari. Pasalamatan natin ang Diyos!

34. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, nagagawa nating supilin ang kasalanan. Taimtim nating aminin ang ating mga pagkakasala habang humihingi rin tayo sa Diyos ng lakas at inspirasyon.

Tahimik na pagninilay. Tugon: (Jesus, Remember Me, UMH#488) Jesus, Remember me when you come into your kingdom. Jesus, remember me, when you come into your kingdom.

Pastor: Kung tayo ay nananalanging higit pa sa mga salita, kung ang ating mga pagdulog ay matapat at walang halong pagkukunwari, ang ating Diyos ay malugod na tumatanggap sa atin. Ang Diyos ay mahabagin.

35. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Page 50: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

50 | P a g e

Tagapanguna: Ang diwa ng Santa Trinidad ay naihahayag sa pamamagitan ng ating pagmamahal sa kapwa. Sa mga pagkakataong nabigo tayong mabuhay ayon sa kalooban ng Diyos at mahalin ang ating kapwa, hingin natin ang kapatawaran ng ating Panginoon.

(Tumahimik) Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x) Pastor: Pinalalakas tayo ng Diyos upang hanapin ang pagkakasundo. Kung tayo ay nananalanging higit pa sa mga salita, kung ang ating mga pagdulog ay matapat at walang halong pagkukunwari, ang ating Diyos ay malugod na tumatanggap sa atin. Ang Diyos ay mapagpatawad at nagkakaloob ng bagong buhay.

36. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Ang sukatan ng ating katapatan sa Diyos ay hindi yaong kabutihang ginagawa natin, na inihahambing sa ginagawang kabutihan ng iba. Kundi sa buhay nating nahahayag ang banal na kaningningan ng Diyos. Tayo nga ba ay lumalakad sa kapakumbabaan kasama ang Diyos sa lahat ng pagkakataon?

(Tumahimik) Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x) Pastor: Kung tayo ay magbago ng puso’t isipan, handang talikdan ang makasariling kaligtasan, at matutong sumunod sa mga aral at daan ni Cristo nang may katapatan, tayo’y Kanyang patatawarin mula sa ating mga kasalanan.

37. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Sa diwang ito, bigyan natin ng pagkakataon ang ating sarili na magnilay. Maraming panahong hindi natin nakikita ang ating mga kahinaan at pagkukulang. Dahil wala tayong panahong suriin ang sarili. Tayo ay magsuri, kung saan tayo nagkulang, at taimtim nating pagsisihan ang ating mga nagawang kasalanan.

Sandaling katahimikan.

Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x) Pastor: Kahit sa kabila ng ating mga pag-uugaling tumataliwas sa kanyang kalooban, habang tayo ay makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin. Magalak tayo sa biyayang kaloob mula sa mga kamay ng Diyos. Tayo ay pinatawad at tinawag upang magpatawad din

38. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Pumarito ang Panginoong Jesus upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal. Talikdan natin ang ating mga pagmamagaling at hingin sa Panginoon ang kanyang kapatawaran.

Sandaling katahimikan.

Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x) Pastor: Ang pangako ng Diyos ay biyaya na laging bukas upang ang lahat na lumapit sa kanya ay makaranas ng kaganapan nito. Isabuhay ang pananampalatayang itinuro sa atin ni Cristo. Ang Walang hanggang Diyos ay sumasaatin, kasama natin ngayon at sa walang hanggan. Amen.

39. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Napakadali para sa ating sabihing, “Mahal natin ang Diyos.” Subalit napakabagal naman tayong isabuhay ito. Sa mga pagkakataong ginawa nating bukambibig lamang ang ating pananampalataya, hingin natin ngayon ang kapatawaran ng Panginoon.

(Tumahimik) Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x) Pastor: Pinalalakas tayo ng Diyos upang hanapin ang pagkakasundo. Kung tayo ay nananalanging higit pa sa mga salita, tunay na ang Diyos ay mapagpatawad at nagkakaloob ng bagong buhay.

40. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Page 51: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

51 | P a g e

Tagapanguna: Maraming panahong hindi natin nakikita ang ating mga kahinaan at pagkukulang. Dahil wala tayong panahong suriin ang sarili. Tayo ay magsuri, kung saan tayo nagkulang, at taimtim nating pagsisihan ang ating mga nagawang kasalanan.

(Tumahimik) Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x) Pastor: Kahit sa kabila ng ating mga pag-uugaling tumataliwas sa kanyang kalooban, habang tayo ay makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin. Magalak tayo sa biyayang kaloob mula sa mga kamay ng Diyos. Tayo ay pinatawad at tinawag upang magpatawad din.

41. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Kumilos ka sa amin, O Diyos, kasabay ng aming pagpupuri at pagsamba sa iyo. Umaasa kami sa iyong biyaya at inspirasyon. Maging liwanag ka nawa sa madilim naming kinasasadlakan. Pangunahan mo po kami na makita ang aming mga pagkukulang at pagkakamali sa iyo, at sa aming kapwa. Tugon: O Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon. Tinig 1: Sa mga sandaling hinuhusgahan namin ang aming kapwa at pinag-isipan sila nang masama. Panginoon, kaawaan mo kami. T Tinig 2: Sa mga sandaling nagmatigas kami sa aming mga pagkakamali sa salita at sa gawa. Kristo, kaawaan mo kami. T Tinig 3: Sa mga sandaling hindi kami nagpatawad sa mga nagkasala sa amin. Panginoon, kaawaan mo kami. T Pastor: Laging ipinapaalala sa atin ang katotohanang ang pag-ibig ng Diyos ay laan sa mga tumatanggap nito. Mamuhay na may kapakumbabaan at may pagtitiwala sa Diyos. Handang kumilos para sa kanya at pangunahan niya tayo.

42. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Tayo ay inaanyayahan upang muling tuklasin ang sarili sa kanya, magbago, lumago, maging aktibo sa kanyang gawain. Tanggapin nating tayo ay nagkulang. Tugon: O Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon. Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Tinig 1: O aming Diyos, ang aming buhay ay hungkag sa Iyong pag-ibig. Binale-wala namin ang iyong tinig at patnubay. T Tinig 2: Sa tuwing kami ay nakikipag-usap sa iyo, malimit ang namumutawi sa aming labi ay reklamo. Kahit sa kabila ng iyong mga pagpapala ay hindi ka namin napasasalamatan. T Tagapanguna: Sa tuwing kami ay iyong pinagpapala, hindi kami naging mapagpasalamat sa kasapatan ng iyong biyayang kaloob. O Diyos, tulungan niyo po kaming magbago at magbalik-loob sa iyo. T Pastor: Ang Espiritu ng Diyos ay tutulong na mawakasan ang ating mga kahinaan. Ituwid niya tayo sa landas ng pagpapatawad at pagtutuwid. Sa lahat ng bagay, gumagawa ang Diyos ng ikabubuti ng lahat. Mamuhay

bilang tapat na lingkod at mananampalataya. Sa pangalan ni Jesu-Cristo, pinatawad tayo! 43. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Tayo ay inaanyayahan upang muling tuklasin ang sarili sa kanya, magbago, lumago, maging aktibo sa kanyang gawain. Tanggapin natin na tayo ay nagkulang. Tugon: O Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon. Tagapanguna: Tayo ay manalangin. Tinig 1: Mapagkalingang Diyos, aming ipinapahayag ang aming mga pagkukulang at pagkakamali (sandaling tumahimik upang bigyan ng pagkakataon ang komunidad sa tahimik na pagsisisi). Kami po ay nangangailangan ng tubig na tutugon sa aming pagkauhaw subalit tuyo ang aming mga balon. T Tinig 2: Kami po ay natatakot lumapit sa buhay na tubig. Takot kaming uminom ng tubig na nasa iyo mismong mga kamay. Nahihirapan kaming tanggapin na kami ay nagkulang at nagkamali.. T Tagapanguna: O Diyos, tulungan niyo po kami at kaawaan. Samahan niyo po kami sa pagbabago at pagbabalik-loob sa iyo. T

Page 52: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

52 | P a g e

Pastor: Sa kay Cristo masusumpungan natin ang tunay na buhay. Pasanin natin ang krus hindi bilang pabigat

kundi bilang sagisag ng pag-asa. Sa pangalan ni Jesu-Cristo, pinatawad tayo! 44. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Hindi maitatago sa mata ng Diyos ang lahat ng ating mga ginagawa. Anuman ang mga pagkukunwari, at pagsasamantala sa kapwa ay hindi maililingid sa kanya. Ang katarungan ay ipapataw ng Diyos. Sa pagkakataong ito, inaanyayahan tayo upang humiwalay sa ganoong gawi na nagpapalayo sa atin mula sa Diyos. Tugon: O Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon. Tinig 1: Lumalapit kami sa iyo ngayon, O Diyos, na may pagkilala sa aming mga pagkukulang at pagkakamali. Inaamin ang aming mga nasirang relasyon sa kapwa (sandaling tumahimik upang bigyan ng pagkakataon ang komunidad sa tahimik na pagsisisi). Nilikha mo kami para sa iyong komunidad subalit inilayo namin ang aming buhay at nagkanya-kanya. T Tinig 2: Hinangad mo ang aming pagbabago, subalit mas pinili naming makipagkasundo sa mundo. Tinawag niyo po kami na ibigin ang kapwa, subalit mas inuna namin ang pansariling nasa. T Tinig 3: Ipinagkaloob mo sa amin ang biyayang gamitin para maitaguyod ang kagalingan ng lahat, subalit naging sakim kami at inabuso ang iyong mga kaloob. T Tagapanguna: O aming Diyos, iligtas niyo po kami mula sa kasakiman at pagkamakasarili. Kaawaan niyo po kami, O Panginoon. Pastor: Ang lakas at buhay ay igugol sa ministeryong pinasimulan ni Cristo-Jesus. Sa ganitong diwa, masusumpungan ang tunay na pagkakakilanlan na tayo ay sa kanya. Maranasan ang kapatawaran at kaganapan ng kalooban ng Diyos. Tinanggap tayo ng Diyos, biniyayaan at hinubog para sa paglilingkod. Amen. Komunidad: Sa pangalan ni Jesu-Cristo, pinatawad tayo!

45. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tugon: O Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon. Pastor: Sa ating pagdidili-dili, natutuklasan natin na ang ating pagsunod ay kadalasang nasa salita lamang at kulang sa gawa. Kulang tayo sa pagsasagawa at tunay na pananampalataya.

(Tumahimik) Tagapanguna: Panginoong Jesus, tinanggap mo ang krus at ang kamatayan upang ihatid sa amin ang kapatawaran at buhay. Panginoon, kaawaan mo kami. T Tagapanguna: Panginoong Jesus, inaanyayahan mo ang iyong mga tagasunod na isabuhay ang iyong mga halimbawa nang karunungan at katatagan. Subalit kasama kaming patuloy na nagmamatigas at nagbibingi-bingihan. Cristo, patawarin niyo po kami. T Tagapanguna: Batid din namin ang sakripisyo at pagmamahal ng aming mga magulang, ng aming mga lolo at lola. Subalit, malimit hindi namin ito nakikita at napapahalagahan. Patawarin niyo po kami sa aming mga pagkukulang sa kanila at tulungang magawa ang aming pagkalinga sa kanilang pagtanda. T Tagapanguna: Panginoong Jesus, hindi mo kami pinababayaan sa aming paglalakbay, sa aming kahinaa’y lalong naaninag ang iyong kapangyarihan. Panginoon, kaawaan mo kami. T Pastor: Ang lahat sa atin ay nagkukulang at nagkakasala, subalit pinawawalang sala ng Diyos ang lahat ng nakipag-isa kay Cristo. Dahil sa kagandahang loob ng Diyos sa atin, pinawalang-sala niya tayo.

46. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tugon: O Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon. Tagapanguna: Manalangin tayo. Tagapanguna: Panginoong Jesus, ipinagkatiwala mo sa amin ang tungkuling magturo at magmulat. Subalit sa maraming pagkakataon hindi namin ito nagagampanan. Panginoon, patawarin niyo po kami. T Tagapanguna: Naging makasarili kami at walang pakialam sa pangangailang isulong ang Edukasyong Kristiyana sa iba’t ibang kaparaanan. Walang paglago sa iyong iglesyang pinagkatiwalaan mo ng ministeryong ito, dahil walang kumikilos. Panginoon, patawarin niyo mo kami. T

Page 53: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

53 | P a g e

Tagapanguna: Inatasan niyo kaming maging tapat sa aming mga tungkulin. Subalit lumalala ang sitwasyon at pagiging usad pagong na ministeryo. Dahil kami ay nagpabaya at naging kampante sa pansarili naming interes at kaligayahan. Panginoon, patawarin niyo kami. T Tagapanguna: Tulungan niyo po kami Panginoon, na maging mulat sa tawag ng panahon. Lumago sa iyong pag-ibig at karunungan. Nawa ay maisabuhay namin ang pananampalatayang buhay, ang pag-ibig, paglilingkod at pagpupuri sa iyo na nag-iisa naming Diyos. Cristo, kaawaan niyo po kami. T Pastor: “Darating ako,” ang sinabi ng Diyos, “Upang saklolohan ang binubusabos. Sa Pinag-uusig, na walang magkupkop, hangad nilang tulong, ipagkakaloob!” (Awit 12:5) Ang pangako ni Yahweh ay maaasahan. Manalig tayo sa kanya at palalakasin niya tayo upang lumaya sa pagkukulang, pagkakasala, at pagkaalipin.

47. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tugon: O Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon. Pastor: Lumapit tayo, sa Dulang ng Pagkakaisa, kasama ang lahat ng nagnanais na maranasan ang presensya ni Cristo Jesus. Sa pamamagitan ng pagpira-piraso ng tinapay at pagbabahaginan ng alak. Lumapit tayo, ikumpisal ang ating mga kasalanang humihiwalay sa atin sa Diyos at sa ating kapwa. T

(Ang lahat ay sumandaling manahimik) Tinig 1: Ating ikumpisal na hindi sa lahat ng panahon ay nabubuhay tayo gaya ng mga pinatawad, pinalaya, at pinag-isa kay Cristo. Nakikita natin ang ating mga sarili na malayo sa isa’t isa, nagkakanya-kanya, at watak-watak. T Tinig 2: Maraming mga pader na namamagitan sa bawat isa sa atin. Sa usaping kultura, ekonomiya at maging sa pulitika. T Tinig 3: Hindi kami naging tapat na katiwala ng iyong mga nilikha. Hindi kami naging seryoso sa mga tungkuling iniatang mo sa amin na pangalagaan at pagyamanin ito. Sa gayon, ang lahat ay mabiyayaan.T Tinig 4: Maraming bagay ang sa amin ay tumutukso, umaagaw ng atensyon mula sa aming pagkakatuon sa iyong mga tagubilin at hamon. Hanggang sa matuklasan na lang namin, malayo na kami sa iyo. O Diyos, patawarin niyo po kami. T Tinig 5: O Diyos ng buhay, patawarin niyo po kami, naging bahagi kami sa pagkasira ng iyong biyaya. Naging bahagi kami sa paglabag ng mga karapatan ng aming kapwa. Inabuso namin ang kagalingan ng lahat, sa pamamagitan ng maling paggamit ng teknolohiya at siyensya. O aming Diyos, sa aming kasakiman nalalagay sa alanganin ang buong sangnilikha. Patawarin niyo po kami. T Pastor: Mga kapatid, ating pagnilayan ang mensahe mula sa Deuteronomio 30:19-20, “Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo‟y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay magtagal. Ibigin ninyo si Yahweh, makinig sa kaniyang tinig at manatiling tapat sa kanya. Sa gayon, mabubuhay kayo nang matagal sa lupaing ipinangako niya sa ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob.”

48. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tugon: O Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon. Tagapanguna: Saan nakaugat ang ating lakas? Kaninong panuntunan tayo sumusunod? Tayo ngayon sa diwa ng pagsisisi.

(Ang lahat ay sumandaling manahimik) Tinig 1: Mapagmahal na Diyos, sa diwang ito aming ikinukumpisal na napakarami naming gintong guya na naging diyos-diyosan. Patawarin niyo po kami, sa napakaraming pagkakataon na ipinagpalit namin ang aming pagtitiwala sa iyo sa pera at sa mga bagay na nagpapalayo sa amin sa iyo. T Tinig 2: Patawarin niyo kami, O Diyos, dahil ipinagpalit namin ang panahong dapat ang aming pamilya ay nasa iyong templo. Ipinagpalit namin sa pamamasyal sa mall, sa sinehan, sa resort, at marami pang iba. T

Tagapanguna: Ipaalala mo nga po sa amin, O Diyos, na hindi kami nag-iisa, na kasama ka namin lagi sa aming mga paglalakbay. T

Pastor: Mga kapatid, alalahanin natin ang hamon ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Isaias, “Ang mga gawain ng taong masasama‟y dapat nang talikdan, at ang mga liko‟y dapat magbago na ng maling isipan. Tayo

Page 54: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

54 | P a g e

ay manumbalik sa Diyos. Lumapit sa kanya upang kahabagan. At mula sa Diyos matatamo ng lahat ang kapatawaran.” (hango sa Isaias 55)

49. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tugon: O Panginoon, kaawaan kami (2x), kaawaan kami, O Panginoon.

Pastor: Kasabay ng pagdulog natin sa kanyang hapag ay ang pagbabalik-loob natin sa Diyos. Sa kanyang hapag tayo ay nananalangin sa kanyang biyaya. Tagapanguna: Panginoong Jesus, habilin mong manalangin kaming lagi at huwag mawalan ng pag-asa. Panginoon, kaawaan mo kami. T Tagapanguna: Panginoong Jesus, tiniyak mo sa amin na nakikinig ang Diyos sa bawat panalangin. Cristo, kaawaan mo kami. T Pastor: Tayong lahat ay nagkulang at nakasala, walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos. Gayon man, dahil sa kanyang kagandahang-loob ay pinawalang-sala ang tao sa pamamagitan ni Cristo-Jesus na nagpalaya sa atin sa lahat ng uri ng kaalipinan.

50. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: “Yamang naliligid tayo ng makapal na saksi, iwaksi natin ang kasalanan, at ang anumang balakid na pumipigil sa atin, at tayo‟y buong tiyagang magpatuloy sa takbuhing nasa ating harapan” (Hebreo 12:1). “Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmulan ng ating pananampalataya, at siya ring nagpapasakdal nito” (Hebreo12:2a). Tugon: (awitin) Panginoong Dios, mahabag ka. [UMH # 484]

(Ang lahat ay sumandaling manahimik) Lahat: O Dios ni Marta at Lazaro at lahat ng mga Banal, na nangaral na si Jesu-Cristo ay Panginoon, na nakipamuhay sa aming abang kalagayan. Siya na nakipamuhay sa amin at nagkaloob ng mga pagkakataon upang kami ay lumago at lumaya. Subalit sa kabila nito, naging suwail kami at makasarili. O Dios, patawarin niyo po kami.

(Tahimik na pagbubulay) Pastor: Iginawad ng Panginoon ang kanyang masaganang pagpapala sa ating lahat, kalakip ang pananampalataya at pag-ibig na nasa atin dahil sa pakikipag-isa kay Cristo Jesus. Narito ang isang katotohanang dapat tanggapi‟t paniwalaan ng lahat: “Si Cristo Jesus ay naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan (1 Timoteo 1:14-15). Mga kapatid, manalig sa Mabuting Balita, sa kay Cristo-Jesus tayo ay napatawad! Amen.

51. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Tagapanguna: Dumulog tayo sa hapag ng Panginoon nang may pananalig at kababaang-loob, sumasampalataya sa kanyang pag-ibig at hindi sa sariling lakas. Humingi tayo ng awa at patawad sa Diyos.

(Tumahimik) Tugon: O Panginoon, kaawaan kami (2x). Kaawaan kami, O Panginoon. Tagapanguna: Panginoong Jesus, sadyang mahina ang aming pananampalataya. Patatagin mo ang aming pananalig. Panginoon, kaawaan mo kami. T Tagapanguna: Panginoong Jesus, kami ay naglilingkod ngunit karaniwang naghihintay ng kapalit. Gawin mong dalisay ang aming kalooban. Kristo, kaawaan mo kami. T

(Tumahimik ang lahat) Pastor: Ang pag-ibig ay hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa (1 Corinto 13:5). Pinagkalooban tayo ng biyayang umibig at magpatawad sa isa’t isa. Pinagkalooban tayo ng katiyakang ang Diyos ay pag-ibig, mapagpatawad at ating patnubay.

52. PAGSISISI AT PAGPAPATAWAD

Pastor Patuloy na iniaalay ni Jesus sa Eukaristiya ang kanyang sarili bilang kalugod-lugod na handog sa Diyos. Dahil sa iniaalay niyang buhay, nagkaroon ng kapatawaran ang mga kasalanan ng sanlibutan

Page 55: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

55 | P a g e

(Tahimik na pagbubulay) Tugon: (awitin, “Kyrie, Kyrie” tune UMH # 484) Panginoong Dios, Mahabag ka. (2x) Tagapanguna: Panginoong Jesus, Hari ng Sanlibutan, patawarin niyo po kami dahil madalas hindi namin naiintindihan ang iyong mga pamamaraan. T Tagapanguna: Umaasa kaming darating kang dala ay mga hukbong pandigma at kapangyarihan. Subalit dumating ka sa pamamagitan ng abang sabsaban. Sa iyong pagpapakumbaba kami ay iyong pinalaya. T Tagapanguna: Namumuhay kami kung saan ang aming mga prebilihiyo ang naghahari at ang pera ang ginagawang hari ng buhay. T Tagapanguna: O Diyos, tulungan niyo po kaming mamuhay sa iyong pamamaraan. Turuan niyo po kaming maglingkod sa halip na maghintay na kami ay paglingkuran. T

(Tahimik na pagbubulay) Pastor: Dakila ang Diyos, sapagkat ipinapahayag niya ang kapangyarihan ng habag at kalakasan ng pagiging lingkod. Ipinapahayag ng Diyos ang habag at ang kalakasan ng paglilingkod. Sa pamamagitan ng kanyang bugtong na anak na si Jesus, ang Cristong Hari. Pasalamatan natin ang Diyos!

Page 56: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

56 | P a g e

MGA PAGPIPILIAN SA TAWAG SA PAGHAHANDOG

1. TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa iba sapagkat iyan ang haing kinalulugdan ng Diyos (Hebreo13:16). Ialay natin sa Diyos ang katapatan at kapahayagan ng ating pasasalamat.

2. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Sa pagsilang ni Jesus sa sabsaban, naisilang din ang ating pag-asa. Pasalamatan natin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkakaloob ng ating mga ikapu, pangako, at handog.

3. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Alalahanin natin ang kahulugan ng pagtatalaga. Alalahanin na isang pagpapala ang maghandog ng buhay.

4. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Wala tayong pagmamay-ari sa mundong ito, maging ang ating buhay ay hindi natin pagmamay-ari. Ito ay sa Diyos. Tayo ay katiwala lamang sa buhay na ito at inaasahan sa atin na pagyamanin ito para sa kapakanan ng lahat.

5. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Ating purihin ang sanggol sa sabsaban sa pamamagitan ng ating mga handog. Kilalanin natin ang tagumpay ng Diyos sa ating buhay. Tumugong may galak sa Kanyang panawagang humayo upang mangaral.

6. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Sino ang mangunguna sa bayan ng Diyos? Walang iba kundi iyong nagsisimula nang nabubuhay at nakakaunawa sa habag ng Diyos. Ang ating buhay at mga kaloob ay maging tugon sa hamon ng kapaskuhan.

7. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Tayo ay katiwala lamang sa buhay na ito. At inaasahan sa atin ng Diyos na pagyamanin ito para sa kapakanan ng lahat. Ang mga tahanan ay gawing mahalagang daluyan ng biyaya.

8. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Ating hangad ang kagalingan ng bayan ng Diyos. Nagiging ganap ito sa diwa ng ating pagbabahagi sa yamang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos.

9. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Ating ipadama ang ating pasasalamat sa diwa ng pagkakaloob. Isang kapahayagan ng kahandaang ipagdiwang ang natatanging pangyayaring naipahayag ng Diyos, ang dakila nitong inisyatiba upang atin siyang makapiling sa kay Cristo Jesus.

10. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Mga kapatid, magdala kayo ng mga handog sa tuwing haharap sa Panginoon, ayon sa inyong makakaya at sa biyayang tinanggap ninyo mula sa Kanya.

11. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Page 57: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

57 | P a g e

Tagapanguna: Mga kapatid, ating pakinggan ang tagubilin ni Apostol Pablo (2 Corinto 9:7-8), “Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasiya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay higit pa sa inyong pangangailangan upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa.”

12. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang bugtong na anak na si Jesu-Cristo upang tayo ay makasumpong ng buhay at kasaganaan. Kaya naman, tayo’y inaanyayahan na ihandog din ang ating sarili at lahat ng tinatangkilik sa Panginoon na tanda ng pag-ibig at ating pasasalamat sa kanya.

13. TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Mga kapatid, alalahanin natin na ang pagsilang ni Jesus sa sabsaban ay kapahayagan ng pagkakaloob ng Diyos upang tayo ay makaranas ng buhay na ganap at kasiya-siya. Maunawaan natin na ang kabanalan at kahulugan ng buhay ay naglalarawan ng pag-iral bilang mabuting katiwala sa sangnilikha; maalab na nagbabahagi ng kakayahan at talento sa ikapagtatatag ng Kanyang kaharian.

14. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Pinagpala tayo ng Diyos higit pa sa napapangalanan nating kaloob sa ating Bautismo. Ating parangalan ang Diyos sa diwa ng ating mga gawa at mga kaloob.

15. TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Bilang mga taong pinatawad at may bagong pakikipag-ugnayan kay Cristo, ialay natin ang ating mga sarili sa Diyos. Siya na nagturo sa atin ng pagmamahal at pagtulong sa kapwa. Sa mga sandaling ito, buong kagalakang handugan ang Diyos ng pasasalamat.

16. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Tayo ay ka-manggagawa ng Diyos upang diligin ng buhay at lakas ang lipunan. Ito ay magiging ganap sa ating pagkakaloob sa abot ng ating makakaya.

17. TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Ating ialay ang ating mga kakayahan, talento, at pangako. Hayaang lumago ito sa pamamagitan ng ating pag-aalay sa dulang ni Jesus.

18. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Inaanyayahan tayo ng Diyos upang maging bahagi sa pagtatag ng Kanyang kaharian dito sa lupa. Inisyatiba ng Diyos ang magbigay biyaya sa atin, at tungkulin din natin ang magbahagi ng biyaya sa kapwa.

19. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Mga kapatid, sa masaganang habag ng Diyos, ialay natin ang ating mga sarili bilang handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang kapahayagan ng pagsamba natin sa Diyos.

20. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Mga kapatid, magbigay kayo, at kayo'y bibigyan; tinakal nang mabuti, siksik, liglig, at umaapaw. Sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin. (Lucas 6:38)

21. TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Dalhin natin ang bunga ng ating mga pagpapagal sa harapan ng Diyos. Ito ay kapahayagan ng ating pagiging mabuting katiwala.

22. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Page 58: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

58 | P a g e

Tagapanguna: Dalhin ang ating mga kaloob na may kagalakan sa Diyos Manlilikha. Pagningasin ang ating mga liwanag upang ang iba ay makasumpong nito at makapagkaloob ng luwalhati sa Diyos.

23. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Mga kapatid kay Cristo, dapat nating paliwanagin ang ating mga ilaw sa harapan ng lahat. Sa gayon ay makita ng bawat isa ang mabuting gawa ng Diyos, at luwalhatiin ang Amang nasa langit. Maghandog na may kagalakan.

24. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Gumawa ang Diyos ng ugnay sa atin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa gayon ay malagpasan natin ang kasalanan, mapagtagumpayan ang kapangyarihan ng kamatayan, at may dahilang magdiwang sa pag-ibig ng Diyos. Ipahayag natin ang ating pasasalamat sa pamamagitan ng mga alay na salapi kalakip ng ating buhay.

25. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Gawing ganap ang ministeryo at programa ng kanyang iglesya sa pamamagitan ng ating mga alay pasasalamat.

26. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Ang sangnilikha ay sa Diyos. Pinagpala niya tayo ng mga materyal, likas na yaman, at ng mga kasama sa buhay. Atin itong ipagpasalamat sa Diyos sa pamamagitan ng ating paghahandog.

27. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Mga kapatid, “huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa iba sapagkat iyan ang haing kinalulugdan ng Diyos” (Hebreo 13:16).

28. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Ating papurihan ang Diyos sa pamamagitan na pagkakaloob ng mga bagay na makatutulong sa ikapagtataguyod ng bukas na ministeryo ng iglesya.

29. TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Ating papurihan ang Diyos sa pamamagitan na pagkakaloob ng mga bagay na makatutulong sa ikapagtataguyod ng bukas na ministeryo ng iglesya. Ipadama natin ang pag-ibig ng Diyos sa lipunang ating kinabibilangan sa pamamagitan ng ating pag-aalay ng ikapu, pangako, at talento.

30. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Dalhin natin ang bunga ng ating pagpapagal upang pagpalain ng Diyos. Pagpapaalala rin ito na ang lahat ay dumadaan. Subalit ang pag-ibig ng Diyos ay mananatili sa pamamagitan ng ating ipagkakaloob. Ang lipunang ating kinabibilangan ay mabibiyayaan.

31. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Kung hindi tayo marunong magbahagi, paano tayo makatutulong sa iba? Kung ating itago at di ipahayag ang pag-ibig ng Diyos, paano ang bagong buhay ay lumaganap? Tayo ay ka-manggagawa ng Diyos upang diligin ng buhay at lakas ang bawat isa. Gawing ganap ang adhikain ng iglesya Metodista sa kapurihan ng Diyos.

32. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Paano natin maisisiguro na ang iba ay makaririnig din ng Salita ng Diyos? Paano nila matututunan na maitayo rin ang kanilang mga tahanan sa bato at hindi sa buhanginan? Ang mga programa at ministeryo ng iglesia ang siyang magiging kapahayagan ng pag-iingat ng Diyos sa lahat. Isang kapahayagan ng pasasalamat at suporta ang mga ikapu, kaloob, at pangakong inihahandog.

Page 59: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

59 | P a g e

33. TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Sa kay Kristo, nasaksihan natin ang pagkalinga ng Diyos. Sa kay Kristo, natututunan natin na magbahagi. Sa diwang ito, pinaalalahanan tayo sa ating mga natutunan – ang magbahagi.

34. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Ano ang maaari nating maibahagi sa misyon ni Cristo-Jesus. Ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang mga kakayahan upang tayo ay makatupad sa kanyang kalooban. Patuloy tayong magbigay-pugay sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga kakayahang taglay para sa bukas na ministeryong pinasimulan ni Cristo.

35. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Bilang pinatawad at pinagkasundong bayan, sa Diyos ay ihandog ang ating sarili at mga kaloob. Sa Kanya ay magpasalamat at ipahayag natin ito sa pamamagitan ng mga kaloob.

36. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Sino ang mangunguna sa mga anak ng Diyos? Tiyak sila yaong nagsimula nang mamuhay sa kalooban ng Diyos. Ang pagkakaloob ay isang akto ng awa at habag, akto ng pasasalamat at pananampalataya, at higit sa lahat, katuparan ng pangkalahatang plano ng Diyos.

37. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Tayo ngayon ay nasa yugto ng pagtatanong ng sarili, kung ano ang maaari nating maibahagi sa misyon ni Cristo-Jesus. Ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang mga kakayahan upang tayo ay makatupad sa kanyang kalooban. Patuloy tayong magbigay-pugay sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga kakayahang taglay para sa bukas na ministeryong pinasimulan ni Cristo.

38. TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Ano ang tugon natin sa Diyos na kumikilos sa ating kalagitnaan upang tayo ay ingatan? Kahit sa gitna ng kagipitan ay pinalalakas tayo at binigyan ng pag-asa. Paano natin ipakita ang ating pasasalamat sa Diyos na Dakila? Nawa’y ang ating mga kaloob ay maging tapat na kapahayagan ng pasasalamat.

39. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Inaanyayahan tayo ni Jesus upang ipagkaloob ang ating buhay sa gawain. Ang ating mga kaloob ay ibigay nang sama-sama, at ang ating gawain ay gawing may pagkakaisa. Nangangahulugan ito ng kaganapan ng paghahari ng Diyos.

40. TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Patuloy tayong inaanyayahan upang maging bahagi sa gawain ng Diyos. Sa ikapagtatag ng malayang lipunan at ganap na pagbabago. Ang ating mga kaloob ay sagisag ng buhay at kapahayagan ng katapatan sa Diyos.

41. TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Ang taos pusong pagkakaloob ay nagbubunga ng ibayong pagpapala. Dalhin natin sa harap ng Panginoon ang mga ito bilang pasasalamat at pagpapatunay na tayo ay tapat na bahagi sa ministeryo ni Cristo-Jesus.

42. TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Mga kapatid, patunay ng ating pinasiglang ugnayan kay Cristo ay ang ating kasiglahang mag-alay ng ating mga sarili’t kaloob sa Diyos. Siya ang nagturo sa atin ng pagmamahal, pagkalinga at pagtulong sa kapwa. Kaya’t sa pagkakataong ito, mag-alay bilang mga natuto kay Cristo.

43. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Page 60: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

60 | P a g e

Tagapanguna: Mga kapatid, ating alalahanin (Deuteronomio 16:17), na maghandog tayo ayon sa ating makakaya at ayon sa biyayang tinanggap natin sa Diyos.

44. TAWAG SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Mga kapatid, halina’t lumapit sa dambana ng Diyos upang ialay ang buhay at kakayahan. Ang ating pag-aalay ay isang malaking kapahayagan ng pananalig natin sa Diyos. Ang ating pag-aalay ay para sa kapakinabangan ng buong Sambahayan niyang banal.

45. TAWAG SA PAGHAHANDOG Tagapanguna: Mga kapatid, “huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin, iinumin, o daramtin. Sapagkat ang mga bagay na ito ang kinahuhumalingan ng mga taong wala pang pananalig sa Diyos. Alam ng inyong Amang nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito. Ngunit pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo” (Mateo 6:31-33).

Page 61: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

61 | P a g e

MGA PAGPIPILIAN SA PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG 1. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: Kasama nitong mga kaloob, pangako, at ikapu, O Diyos, inihahandog namin ang aming sarili upang maging daan ng iyong nilalayong kapayapaan. Amen.

2. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: Taglay ang kagalakan, aming itinatalaga sa iyo ang aming mga handog kasama ang aming buhay, sa gayon kami ay makatugon sa hamon ng panahon. Amen

3. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: Sa pamamagitan nitong mga kaloob ay mahayag ka nawa, O Diyos. Ang buhay nawa namin ay maging kapahayagan ng iyong pag-ibig para sa lahat. Dalangin namin ito, sa pangalan ng sanggol sa Betlehem, na muling naisilang sa aming mga puso ngayon. Amen.

4. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: Sa pamamagitan ng biyayang ito ay makapagbahagi kami ng iyong kabutihan at mahayag ang iyong pagliligtas. Habang aming nararanasan ang galak ng pagkakaloob, nagiging malaya ang aming mga labi sa pagsaksi sa iyong biyaya. Higit n’yo pong palaguin ang mapanlikha naming kalakasan. Iniaalay namin ito sa iyo, O Diyos. Amen.

5. + PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: O aming Diyos, tanggapin niyo po ang aming mga handog na kapahayagan ng aming papuri at pasasalamat. Patuloy niyo po kaming pagpalain at ang aming mga buhay ay gawing makabuluhan. Amen.

6. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: O Diyos ng buhay, na siyang nagkakaloob ng lahat ng aming mga tinatangkilik, tanggapin niyo ang aming alay. Umaasa kami na iyong pagpalain ang mga buhay na nagtalaga sa kay Cristo kasama ng Santo Espiritu. Amen

7. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Lahat: Diyos na aming Magulang, tanggapin niyo po ang aming mga handog ng papuri at pasasalamat. Ang aming mga pangako na gumawa ng mabuti at tumulong sa kapwa. Tulungan niyo po kaming mapanindigan na sa aming katapatan sa iyo ang lahat ay pagpapalain at walang magugutom na lingkod Mo na aming makakapiling. Amen.

8. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Lahat: O aming Diyos, pinalago mo kami sa Iyong pag-ibig. Pinalakas mo kami sa Iyong Espiritu. Nagpapatuloy kaming kumikilos dahil sa Iyong kabutihan at kapangyarihan.Tanda ng aming pasasalamat. Amen.

9. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Lahat: Basbasan niyo po ang paghahandog na ito. Higit na payabungin ang aming mga buhay sa pangangaral at paglilingkod, sa gayon, lumaganap ang iyong pag-ibig sa lahat ng dako. Amen.

Page 62: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

62 | P a g e

10. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG Lahat: Salamat O Diyos, sa iyong kabutihan na nagkaloob sa amin ng kakayahan upang makapagbahagi at makatulong sa kapwa. Ipinagkakaloob namin ang mga handog na ito, kasama ng aming sarili upang hubugin ang komunidad sa iyong kalooban, sa Espiritung taglay ni Cristo. Amen.

11. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Tagapanguna: Manalangin tayo. Lahat: O Diyos, ng aming buhay, nawa ang aming mga kaloob ay makapag- ambag upang maisakatuparan ang iyong misyon sa sanlibutan. Tulungan mo kaming maging ganap ang iyong pag-ibig at presensya sa lipunang aming ginagalawan. Amen.

12. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. O Diyos ng buhay, na siyang nagkakaloob ng lahat ng aming mga tinatangkilik, tanggapin niyo ang aming mga alay. Nawa’y sa pamamagitan nito at ng aming buhay ay magkaroon ng katuparan ang iyong mga pangako. Umaasa kami na iyong pagpalain ang mga buhay na nagtalaga sa kay Cristo kasama ng Santo Espiritu. Amen

13. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. O Diyos na Manlilikha, tanggapin niyo ang aming pasasalamat sa pamamagitan nitong mga alay. Pagpalain niyo ang bawat isa sa amin at gawing daluyan ng iyong pagkalinga sa mga kapatid naming hikahos. At maisulong ang iyong misyon sa pamamagitan ng ministeryo ng iglesya.

14. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. O Diyos na bumubuklod sa aming lahat bilang isang bayan, pinasasalamatan ka namin sa iyong biyaya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Pinagkalooban mo kami ng kamulatan kung paano kami maging makabuluhan. Umaasa kami na sa pamamagitan nitong mga alay ay maabot namin ang kapwa at mabigyan ng buhay. Amen.

15. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. O aming Diyos, na nagkakaloob sa amin ng pangitain sa iyong mga layunin at kalooban, tulungan mo kaming magamit ang mga kaloob na salaping ito sa pagsusulong ng mga gawaing makagdudulot ng pag-asa sa Iyong bayan. May kagalakan naming itinatalaga ang lahat ng ito, ang bunga ng aming pagpapagal na iyong pinagpapala. Ipadama mo nawa sa amin ang iyong Espiritu upang lumakas kami sa paglilingkod. Amen.

16. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: Diyos na aming Magulang, itinatalaga namin ang mga salaping ito para sa gawain at programa ng iglesya. Hinihiling namin na suguin mo kami at gamitin anumang mayroon kami para sa iyong misyon at paglilingkod. Amen.

17. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: Pinasasalamatan ka namin, O Diyos, sa buhay at pagkakataong kaloob mo. Sa diwa ng iyong buhay, ng iyong dugo at katawan kami ay iyong pinasigla bilang isang bayan. O Aming Diyos, tanggapin mo ang aming mga buhay, ang aming mga pangako, bilang tugon sa iyong kabutihan sa amin. Amen.

Page 63: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

63 | P a g e

18. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG Pastor: Manalangin tayo. Lahat: O aming Diyos, ang lahat ng kaloob na ito ay sa iyo nanggaling at amin itong ibinabalik nang may kapurihan. Anumang naiwan sa amin ngayon ay aming pagyamanin upang may maibabahaging muli sa iyong mga layunin. Amen.

19. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Manalangin tayo. Lahat: Mapagmahal naming Diyos, pagpalain n’yo po ang aming mga kaloob na tinipon upang maitaguyod ang ministeryo ng iglesya. Nawa’y ang lahat ng ito’y maging angkop na kapahayagan ng aming pasasalamat sa iyo. Amen.

20. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Manalangin tayo. Lahat: O Diyos, walang sakripisyong makatatapat sa iyong kabutihan at maihayag ang aming pagkilala at pasasalamat. Itinatalaga namin ang aming buhay kasama ng mga alay na ito. Hindi man ito sapat subalit iniaalay namin ito nang buong tapat. Amen.

21. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Manalangin tayo. Lahat: O Aming Diyos, maging daluyan nawa kami ng pagkakakasundo at kapayapaan. At sa pamamagitan ng mga kaloob na ito ay maisulong ang iyong bukas na ministeryo. Amen.

22. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Manalangin tayo. Lahat: O Diyos ng buhay, tanggapin po ninyo ang aming mga alay upang gawing ganap ang iyong kalooban. Sa pamamagitan ng mga kaloob na ito ay maisulong ang iyong bukas na ministeryo sa sangkatauhan. Amen.

23. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: Pinupuri ka namin, O Diyos, inaalala lagi ang iyong pag-ibig. Aming narinig ang iyong hamon upang manindigan kasama ang mga kapatiran para sa katotohanan at ganap mong paghahari. Sa mga kaloob na ito, tulungan niyo po kaming makagawa ng kaparaanang maisulong ang iyong kalooban. Amen.

24. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: O Diyos, pagpalain mo ang mga nagkaloob at tulungan niyo po kaming gamitin ang anumang aming pinagsaluhan, at ambag upang maisakatuparan ang ministeryo ni Cristo. Amen.

25. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: Ang mga kaloob na ito ay kapahayagan ng aming pananampalataya, O Diyos. Ipinapabatid ang biyayang aming natamo at amin din itong ibinabahagi sa kapwa. Isang karangalan ang makaranas ng iyong biyaya, at buong galak na nagkakaloob para sa gawain ng iyong iglesya. Ang mga kaloob na ito ay kapahayagan din ng aming pagpupuri at pagtatalaga ng buhay, at lahat ng aming mga ginagawa sa iyong kalooban. Amen.

26. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG

Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: Pinasasalamatan ka namin, O Diyos, sa buhay at pagkakataong kaloob mo. Sa diwa ng paghahandog ng buhay kami ay iyong tinipon at pinag-isa. Sa diwa ng iyong buhay at sakripisyo kami ay iyong pinasigla bilang

Page 64: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

64 | P a g e

isang bayan. O Aming Diyos, tanggapin mo ang aming mga buhay, mga ikapu, at mga pangako, bilang tugon sa iyong kabutihan sa amin. Amen.

27. +PANALANGIN UKOL SA PAGHAHANDOG Pastor: Tayo ay manalangin. Lahat: O Diyos, tulungan mo kaming maging ganap ang iyong pag-ibig, at kapahayagan ng iyong presensya sa lipunang aming ginagalawan. Gawin karapat-dapat ang aming paghahandog sa iyong Banal na Dulang. Amen.

Page 65: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

65 | P a g e

GABAY SA PAGSISINDI NG MGA KANDILA NG PAGDATAL AT NI CRISTO

1. +PAGSINDI NG UNANG KANDILA NG PAGDATAL Tinig 1: “Magkaroon ng mga tanda sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. Ang mga tao‟y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan; sapagkat mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas ang mga planeta at iba pang katulad nito na nasa kalawakan. Sa panahong iyon, ang Anak ng tao‟y makikita nilang dumarating na nasa alapaap, may dakilang kapangyarihan at malaking karangalan. Kapag nagsimula nang mangyari ang mga bagay na ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang pagliligtas sa inyo” (Lucas 21:25-28). Tinig 2: Nakita ng tatlong mago at mga pastol ang mga tanda ng pagsilang ng Tagapagligtas na sinasabi ng mga propeta. Sa kasalukuyan, hanapin natin ang mga simpleng tanda na kasama natin si Jesus. Gaya ng makita ang ating sarili na nangangaral ng Magandang Balita sa mga dukha, ng kalayaan sa mga bilanggong pulitikal, ng kaliwanagan sa mga bulag, ng kaluwagan sa mga sinisiil, ng pagliligtas at kapayapaan.

(Papasok ang Tagapagdala/Tagasindi) Tinig 3: Kung kaya’t maging mulat at alerto lagi. Damhin ang Espiritu ng Diyos, ang presensya ni Jesus. Tagasindi: Ang liwanag ng kapayapaan ng Diyos ay sumaatin. Damhin natin ang katatagang kaloob niya sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang kalooban. Lahat: Amen.

2. +PAGSINDI NG IKALAWANG KANDILA NG PAGDATAL

Tinig 1: “Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel! Sapagkat nilingap niya at pinalaya ang kanyang bayan. Nagpadala pa siya sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas, mula sa lipi ni David na kanyang lingkod. Ipinangako niya sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta noong una…. Ikaw naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan; Sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang kanyang mga daraanan. At ituro sa kanyang bayan ang landas ng kaligtasan. Ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan. ” (Lucas 1:68-70,76-77). Tinig 2: Malimit pinipili ng Diyos na magdala ng Kanyang mensahe ang mga taong hindi natin tanggap. Isang taong nabuhay sa ilang, nakasuot ng balat ng hayop, walang ibang kinakain kundi balang at iba pang pagkain sa gubat. Isang mahirap na pastol na tahimik at matiyagang nagbabantay ng tupa sa pastulan. Sa kasalukuyan sila ay maaaring isang guro, janitor, waitress, karpentero, manggagawa, magsasaka, o maging sanggol. Ang pumarito ay hindi lamang para sa mga nasa sentrong lungsod. Para rin siya sa mga taong nasa bundok, sa tabi ng riles ng tren, sa Afghanistan, sa Iraq, Siria, Africa, at sa Mindanao. Si Jesus ay sumasaatin hindi lamang sa pamamagitan ng mga sermon at inaawit nating imno, kundi sa pamamagitan ng mga sirena ng ambulansya o ng mga sulat para sa mga bilanggo. Sa pamamagitan ng mga dumadalaw sa mga may karamdaman, o naghahatid ng relief goods sa mga evacuation centers, nagsasagawa ng mga medical at dental mission, at psycho-social intervention sa mga naging biktima ng samo’t saring kalamidad, at sa ating mga ngiti.

(Papasok ang Tagapagdala/Tagasindi) Tagasindi: Ang liwanag ng pag-asa mula sa Diyos ay sumaatin. Nawa’y ang Salitang ipinadala ng Diyos ay manguna sa atin tungo sa ganap ng paglaya at kaligtasan. Lahat: (awitin “Away in a Manger” UMH # 217 3rd stanza) Sa akin naman ay huwag kang mawalay, O Jesus na Panginoon ko‟t buhay; At ang lahat sa Iyo‟y mangahimlay. Ako‟y ihilig mo sa Iyong kamay. Amen.

3. +PAGSINDI NG IKATLONG KANDILA NG PAGDATAL

Tinig 1: Purihin ang Diyos lagi! Tinig 2: Purihin S’yang lagi! Tinig 1: “Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko: magalak kayo! Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kagandahang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon. Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip ay hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang di-malirip na kapayapaan ng Diyos ang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip sa pamamagitan ni Cristo Jesus”, na isinilang sa pinakaabang karanasan ng pagsilang. (Filipos 4:4-7)

Page 66: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

66 | P a g e

Tinig 2: Sa pagsilang ni Jesus sa sabsaban, may paanyaya siya sa atin- isang paanyaya ng kapakumbabaan. Ang pagdatal ay panahon upang pasiglahin ang diwa ng pagpapakumbaba.

(Papasok ang Tagapagdala/Tagasindi ng ikatlong kandila ng pagdatal) Tagasindi: Ang kandilang ito ay sumasagisag sa ningning na mayroon ang buhay na may pagpapakumbaba. Ito’y isa sa mga sangkap ng pagiging lingkod ng Diyos. Ang sabi ni Jesus, “..sinuman sa inyo ang ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat. Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami” (Marcos 10:43b-45). Lahat: (awitin “O Little town of Bethlehem” UMH # 230, 3rd stanza) How silently, how silently, the wondrous gift is given; so God imparts to human hearts the blessings of his heaven. No ear may hear his coming, but in this world of sin, where meek souls will receive him, still the dear Christeners in. Amen

4. +PAGSINDI NG IKAAPAT NA KANDILA NG PAGDATAL

Tinig 1: Nang panahong yaon, iniutos ng Emperador Augusto na magpatala ang lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Kaya‟t umuwi ang bawa‟t isa sa sariling bayan upang magpatala. Mula sa Nazaret, Galilea, si Jose‟y pumunta sa Jerusalem, Judea, ang bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya‟y mula sa angkan at lahi ni David. (Lucas 2:1,3-4) Tinig 2: Sa pagkakataong ito ating inaalala si Jose, ang mabuting asawa ni Maria, ginawa ang lahat ng bagay para sa kapakanan ng kanyang pamilya. Sa madilim nilang kalagayan, naging bahagi siya upang maisilang ang liwanang na inaasam ng bayan. Wala mang tumanggap na tahanan at nag-alay ng maayos na silid upang si Maria ay maayos na magsilang ng sanggol na si Jesus. Ang sabsaban, ang bukod tanging nagbukas upang doon isilang ang Mesiyas.

(Papasok ang Tagapagdala/Tagasindi ng ikaapat na kanidla ng pagdatal) Tagasindi: Sa ikaapat na kandilang ito ng pagdatal, ating ipinagdiriwang ang liwanag sa gitna ng kapighatian at karahasan. Ang katuparan ng pangarap, babangon ang bayan ng Diyos, “..liliwanagin ni Yahweh sa pamamagitan ng kanyang kaningningan.” (Isaias 60:2). Kasama natin ang Diyos! Lahat: (awitin “Emmanuel, Emmanuel” UMH # 204) Emmanuel, Emmanuel, his name is called Emmanuel God with us, revealed in us, his name is called Emmanuel.

5. +ANG PAGPASOK NG KANDILA NI CRISTO

Tinig 1: Samantalang naroroon sila, dumating na ang panganganak ni Maria at isinilang niya ang kanyang panganay at ito’y lalaki. Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa sabsaban, sapagkat wala nang lugar para sa kanila sa bahay-panuluyan. (Lucas 2:6-7). Tinig 2: Sa piling ng kanyang amang si Jose, at kanyang inang si Maria, ang sanggol sa sabsaban ay pinupuri ng mga pastol, at mga karaniwang tao.

(Papasok ang Tagapagdala ng kandila ni Cristo) Tagapagdala: Sa araw na ito ating pinasasalamatan ang mga sanggol na kapiling natin. Sila ay nagpapaalala sa kahalagahan ng buhay, sa yaman at pagkakataon upang maranasan ang pangako ng Diyos, na Cristo. Alam natin na isinilang na si Jesu-Cristo, at sa kanyang pagsilang ay naisilang ang mga hamon sa atin. Kasama natin ang Diyos! Lahat: (awitin “Emmanuel, Emmanuel” UMH # 204) Emmanuel, Emmanuel, his name is called Emmanuel God with us, revealed in us, his name is called Emmanuel.

Page 67: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

67 | P a g e

MGA PILING RITWAL SA PAGBABASBAS 1. PAGBABASBAS SA TUBIG

2. PAGBABASBAS NG PORTABLE ALTAR

3. PAGBABASBAS NG ISANG SILID ARALAN/PAARALAN

4. PAGBABASBAS SA ANUMANG GAMOT

5. PAGBABASBAS NG LANGIS SA BIYERNES SANTO

6. PAGBABASBAS NG INSTRUMENTONG PANGMUSIKA

7. PAGBABASBAS SA KAMPANA NG SIMBAHAN

8. PAGBABASBAS NG HAYOP

9. PAGBABASBAS NG ISANG TULAY

10. PAGTATALAGA NG IMNARYO

11. PAGTATALAGA NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYALES

12. KONSAGRASYON NG MGA ACOLYTES

13. PAGTATALAGA NG ISANG TAHANAN 14. PAGTATALAGA NG ISANG INTERNET CAFÉ

15. PAGBABASBAS SA PALASPAS

16. PAGBABASBAS AT PAGLALAGAY NG ABO SA NOO

17. PAGBABASBAS NG KANDILA AT BULAKLAK

18. PAGBABASBAS NG SASAKYAN 19. PAGBABASBAS NG DEEP WELL O ANUMANG PINAGKUKUNAN NG TUBIG

20. PAGBABASBAS NG CHOIR ROBES

21. PAGBABASBAS SA RETABLE NG IGLESYA

22. PAGBABASBAS NG ADVENT WREATH

23. PAGBABASBAS NG CHRISTMAS TREE

24. PAGBABASBAS SA BELEN O NATIVITY SCENE

25. PAGBABASBAS NG ORCHARD O ORGANIC FARM

Page 68: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

68 | P a g e

PAGBABASBAS SA TUBIG1

Bahagi ng tradisyong Kristiyano ang pagbabasbas ng tubig na gagamitin sa pagbabautismo, pagbabasbas sa mga tao, mga dako, mga kagamitan at sa pagtataboy ng mga masasamang espiritu. Malimit itong inilalagay sa isang “water font” na kadalasan ay matatagpuan sa pasukan ng simbahan. Bilang pagpapaalala sa ating tinanggap na Bautismo, isinasawsaw ng mga Kristiyano ang kanilang mga kamay sa nabasbasang tubig at ipinapahid sa kanilang noo sa anyong krus habang pumapasok sa simbahan. Sa Orthodox Church, binabasbasan nila ang tubig upang magamit sa pagbabasbas at pagtataboy ng mga demonyo at masasamang espiritu. Sa Anglican Church, ginagawa ang pagbabasbas ng tubig sa panahon ng pagdiriwang ng Sakramento ng Binyag. Subalit sa ilan sa mga kasapi ng Anglican Communion, ang paggamit ng tubig sa mga pagbabasbas ng mga dako at kagamitan ay naging optional. Ito ang isa sa mga namana nating mga Metodista, ang tubig ay ginagamit sa pagbibinyag at bahagi ng ating ritwal sa pagbibinyag ay ang pagbabasbas ng tubig. Ang natirang tubig na nabasbasan ay ating inilalagay sa isang container upang magamit sa pagbabasbas ng mga kagamitan, ng tao at dako. Subalit nasa discretion ng pastor kung gagamit ng tubig sa pagbabasbas, bagama’t marami na rin akong nakasalamuhang pastor na Metodista na gumagawa nito lalong higit dito sa Mindanao. Ang gabay sa pagbabasbas ng tubig na ito ay hinango sa ginagawa ng mga naunang Kristiyanong komunidad kung saan nakaugat din sa ating Biblical tradition. Maaring gawin ang pagbabasbas bilang bahaging ritwal sa isang regular ng pananambahan, bagama’t nakaugalian na itong isinasagawa sa Semana Santa, o sa tuwing ipinadiriwang ang Easter Sunday.

Gagawin ang pagbabasbas ng tubig matapos ang Sermon. Tatayo ang pastor behind the altar or Lord’s Table, o

kung saan nakalagay ang “font” na pinaglagyan ng tubig. Sasambitin ng pastor ang mga sumusunod habang nakaharap sa mga tao:

Mga kapatid, ang tubig na ito ay isang paalala sa tinanggap nating bautismo at pagkakakilanlan bilang isang Kristiyano. Hilingin natin sa Diyos na pakabanalin ito at hayaang maranasan natin ang presensya ng Banal Espiritu sa mga ito.

Matapos ang sandaling katahimikan ay magpapatuloy ang pastor sa kanyang pananalangin.

Diyos na aming Magulang, ang kaloob Mong tubig na bukal ng buhay at pag-asa, naglilinis sa aming mga kasalanan at nagkakaloob ng buhay na ganap at kasiya-siya. Basbasan niyo po ang tubig na ito, hayaang maranasan ang Iyong pagkalinga sa pamamagitan nitong tubig. O Diyos, bukal ng buhay at pag-asa, gawin mo kaming malaya mula sa kasalanan sa pamamagitan ng tubig na ito. At hayaang lumapit sa Iyo upang tanggapin ang biyaya ng kaligtasan. Sa kay Cristo Jesus, kasama ng Santo Espiritu. Amen.

Kukunin ng pastor ang asin na nakalagay sa isang mangkok at itataas habang sinasambit ang mga sumusunod:

Diyos na aming Magulang, basbasan niyo ang asin na ito, kung paanong binasbasan mo ang asin na ibinuhos ni Propeta Eliseo sa bukal ng tubig upang gawing malinis at magbigay ng buhay (2 Hari 2:19-21). Saan man gamitin ang ang asin at tubig na ito ay maging kapahayagan nawa ng paglilinis, pagpepreserba at pagpapanumbalik sa kalikasan ng buhay, maging bukal ng kapangyarihang nakapagpapataboy ng karamdaman, ng masasamang espiritu, at nagsisilbing sanggalang. Igawad niyo po sa amin ito sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, aming Panginoon. Amen

Ilalagay ng pastor ang asin sa nabasbasang tubig. Sinabi ng Diyos, “Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo‟y luminis. Aalisin ko rin ang naging mantsa ninyo dahil sa inyong mga diyos-diyosan. Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu” (Ezekiel 36:25-26).

1 Ang ritwal na ito ay naihanda bilang bahaging topiko sa klase ng Sacramental Theology and Practice class ng SPMCI, school

year 2013-2014. Ginamit ko itong ritwal nang ako ay madestino sa Founder United Methodist Church, Brgy. Aringay, Kabacan,

Cotabato at sa SPMCI mismo.

Page 69: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

69 | P a g e

Itataas ng pastor ang kanyang kamay at sasambitin ang mga sumusunod:

O Diyos, linisin niyo po kami, sala namin ay hugasan at kami ay puputi nang walang kapantay (Awit 51:7)

Sa diwang ito, sasalok ang pastor ng nabasbasang tubig, ilalagay sa isang sisidlan at wiwisikan ang mga tao. Kapag nakabalik na ang pastor sa kanyang lugar, haharap ang pastor sa madla at sasabihin ang mga sumusunod:

Nawa’y ang makapangyarihang Diyos ay maglilinis sa ating mga kasalanan at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen.

+++++++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS NG PORTABLE ALTAR2

Mula sa prosesyunal ang presiding pastor ay dadako at tatayo sa likuran ng portable table, habang ang iba ay nakapaligid sa portable altar na babasbasan.

Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ng Anak, at ng Santo Espiritu. Lahat: Amen. Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Tayo ay manalangin.

Ipapatong ng pastor ang kamay sa portable table.

Diyos ng lahat ng sangnilikha, gawin niyo po kaming karapat-dapat sa pagtatalaga ng mesang ito upang maging altar ng Iyong biyaya at kabanalan. Ibuhos mo ang Iyong Santo Espiritu sa mesang ito at pakabanalin upang sa aming pag-aalay at pagdiriwang ng Iyong Banal na Misteryo higit na mahayag ang iyong kadakilaan at kabanalan. Itulot niyo po na ang lahat ng dadako sa altar na ito upang magpuri at magpasalamat ay makaranas ng Iyong habag at pag-ibig, sa kay Cristo Jesus na aming Panginoon kasama ng Santo Espiritu magpasawalang hanggan. Amen.

It is sprinkled with holy water.

Matapos nito ang lahat ay tahimik na dadako sa kanilang mga upuan. +++++++++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS NG ISANG SILID ARALAN/PAARALAN3

Sa pagpasok ng pastor sa paaralan wiwisikan nito ng holy water ang mga silid habang sinasambit ang mga sumusunod na panalangin:

Pastor: Ang kapayapaa’t biyaya ng Diyos ang manahan sa paaralang ito. Komunidad: At sa lahat ng mga magsisitipon sa silid (aralan) na ito. Pastor: Ang Diyos ang ating saklolo. Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa. Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin.

2 Ang ritwal na ito ay unang ginamit noong March 2015 sa Baccalaureate Service ng SPMCI.

3 Ang ritwal na ito ay una kong ginamit noong June 2010, sa United Methodist Learning Center in Aringay, Inc., Brgy. Aringay,

Kabacan, Cotabato.

Page 70: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

70 | P a g e

Pastor: Manalangin tayo. O aming Diyos, basbasan mo ang silid (gusali) na ito na itinayo, ginawa at inihanda upang mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga bata at kabataan. Ibuhos mo ang iyong banal na Espiritu at paghariin ang iyong kapayaan sa silid (gusali) na ito, sa gayon ang mga guro at mga mag-aaral ay makaranas ng iyong pagliligtas at biyaya. Pag-alabin mo ang mga guro sa kanilang pagtuturo at nang maibahagi nila ang kaalamang makapagdudulot ng kalayaan at pag-unlad sa mga mag-aaral. Igawad mong maunawaan at manatili sa puso at isip ng mga mag-aaral ang mga pinag-aaralan nila at maisabuhay ito. Gawin mong kapuri-puri ang mga guro at mag-aaral sa iyong banal na harapan, at nang maging karapat-dapat silang makatanggap ng buhay na walang hanggan, sa kay Cristo Jesus, kasama ng Santo Espiritu, ngayon at sa walang-hanggan. Amen.

Dadako ang pastor sa dakong pagtitipon at ipagpatuloy ang susunod na bahagi ng pagdiriwang o ritwal.

+++++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS SA ANUMANG GAMOT4

Ang pagtatalaga ay gawin matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship. Ang lahat ay magsitayo. Tagapanguna: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunindad: At sumaiyo rin. Pastor: Tayo ay manalangin. Diyos na Magulang, bago mo pa nilikha ang tao ay nilikha mo na ang lahat ng mga bagay, halaman, tubig, hayop, at marami pang ibang nakalulugod sa iyong paningin. Nilikha mo ang lahat ng mga bagay na kung ang karamdaman na dumarating sa aming buhay ay may nakahanda kang lunas gaya ng mga gamot na itinatalaga ngayon. O Diyos, ibuhos mo ang iyong Banal na Espiritu at basbasan ang mga gamot na ito, upang sinumang tatanggap nito ay makaranas ng kagalingan at magkaroon ng malusog na pangangatawan. Sa Pangalan ng Diyos na Magulang, ng Anak at ng Santo Espiritu. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water. Magpatuloy sa pananambahan.

++++++++++++++++++++++++

ANG PAGBABASBAS NG LANGIS SA BIYERNES SANTO5

Ang pagtatalaga ay gawin matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship. Ang lahat ay magsitayo. Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Pastor: Mga kapatid, sinasabi nating mapalad ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Jacob, at ang ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang huli. Ito’y nagpapakilalang mabuti at mahabagin ang Panginoon. Pagagalingin ang maysakit dahil sa panalanging may pananampalataya. Ibabangon siya ng Panginoon, at patatawarin kung siya’y nagkasala. Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong kapwa ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ang isa’t isa, upang kayo’y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid (halaw sa Sulat ni Santiago 5:11, 15-16). PAGBABASBAS SA LANGIS

4 Naihanda ito bilang bahagi ng palihan sa Introduction to Christian Worship class ng SPMCI, school year 2011-2012. 5 Ang ritwal ay una kong ginamit sa Biyernes Santo ng taong 2011, Founder United Methodist Church, Brgy. Aringay, Kabacan,

Cotabato.

Page 71: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

71 | P a g e

Pastor: O Diyos, nagpapasalamat kami sa kaloob na langis. Kung paanong pinahiran ng Iyong mga apostol ng langis ang maraming maysakit at pinagaling sila, ibuhos mo rin ang iyong Banal na Espiritu sa amin at sa kaloob na langis na ito, upang maranasan nang buong-buo nilang tumatanggap na may pananalig at pagsisisi ang gawain ng pagpapahid ng langis; sa pamamagitan ni Jesu-Cristong aming Panginoon. Amen.

++++++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS NG INSTRUMENTONG PANGMUSIKA6

Ang pagtatalaga ay gawin matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship. Kung ang instrumento ay ipinagkaloob bilang pag-alala sa isang taong yumao o buhay, ang katagang nakapaloob sa tandang [ ] ay idadagdag.

Ang lahat ay magsitayo. Habang inaawit ang isang imno (Let All the World in Every Corner Sing).

Ang lahat ay magsitayo.

Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. All: Amen.

Basahin ng naatasang Tagabasa ang Awit 150. Tagabasa: Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos.

Lalapit sa harapan ang tagapagkaloob o representante nito at sasabihin ang mga sumusunod: Tagapagkaloob: Ipinagkakaloob namin ang _______________ na ito sa Diyos at sa kanyang iglesya [bilang pag-alaala at pagpaparangal kay _____________].

At tutugon ang Pastor ng ganito: Pastor: Sa Diyos ang papuri.

Tayo ay manalangin.

Walang hanggang Diyos, na sinamba sa pamamagitan ng mga sayaw at awit sa saliw ng musika, tanggapin Mo ang aming papuri sa Iyo sa musikang hatid ng ________________ (gitara, piano, organ, drum set at iba pa) na ito, na itinatalaga namin ngayon. Igawad Mo pong maging biyaya sa lahat na nagpupuri sa iyo ang musikang hatid nito. Basbasan niyo po ang _________________ na ito, at ang musikang hatid nito ay makapagdulot ng tatag ng aming pananampalataya. Sa aming mga pag-aawitan gamit ang instrumento at sa mga musikang nabubuo namin, O Diyos, aming maranasan ang kalakasan mula sa Iyo sa pamamagitan ni Jesu-Cristo kasama ng Santo Espiritu. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water. ++++++++++++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS SA KAMPANA NG SIMBAHAN7

Ang lahat ay magsitayo sa harap ng kinalalagyan o kinaroroonan ng kampana. Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin.

Basahin ng naatasang Tagabasa ang Awit 50:1-6. Tagabasa: Ang Salita ng Diyos.

6 Una ko itong ginamit sa isang regular na pagtitipon ng Shalom Student Campus Ministry ng United Methodist Church na

nakabase sa University of Southern Mindanao, nang itinalaga ang kanilang bagong intrumentong pangmusika taong 2010. 7 Naihanda bilang bahagi ng palihan sa Introduction to Christian Worship class ng SPMCI, school year 2012-2013.

Page 72: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

72 | P a g e

Komunidad: Salamat sa Diyos. Pastor: Manalangin tayo. Diyos na aming Magulang, na nag-utos kay Moises na gumawa ng dalawang trumpetang yari sa pilak upang gamiting pantawag sa pagsamba, magbigay ng tanda sa pag-aalay, at hudyat sa patuloy na paglalakbay. Dalangin namin, na ang kampanang ito na ipinagkaloob para sa iyong banal ng Iglesya ay lukuban ng iyong Banal na Espiritu. Sa gayon, habang pinapatunog ito ay mararamdaman namin ang paanyaya Mo na magtipon sa Iyong tahanan. O Diyos, tulungan mo kami na habang naririnig namin ang tunog ng kampanang ito ay lalong tumitibay ang aming pananampalataya. Itulot mong ang tunog ng kampanang ito ay magtataboy sa mga espiritu ng kasamaan sa anumang anyo ito nahahayag. O Diyos na makapangyarihan sa lahat, na naglalang ng langit at lupa, basbasan niyo po ang kampanang ito. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Santo Espiritu. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water ang kampana. Lalagyan ng pastor ng tandang krus ang nabasbasang kampana. At pagkatapos ay magpatuloy sa liturhikal na

pagdiriwang. ++++++++++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS NG HAYOP8 Ang lahat ay magsitayo harap ng hayop (baka, aso, pusa, kalabaw kambing at iba pa).

Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen.

Basahin ng naatasang Tagabasa ang Genesis 9:9-10. Tagabasa: Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Manalangin tayo. Panginoong Diyos, Tagapaglikha ng langit at lupa, nananalangin kami na may kapakumbabaan. Pagpalain mo ang (mga) ___________ (kalabaw, baka, kambing, at iba pa) na ito at loobing makatulong sa araw-araw naming paghahanapbuhay, at makatugon sa aming pangangailangan. Ang iyong pag-iingat at proteksyon ay maranasan nawa ng _____________ na ito. At sa amin, na iyong abang lingkod ay masangkapan ng lakas upang papurihan ka at pasalamatan ang iyong banal na ngalan, kay Cristo Jesus kasama ng Santo Espiritu magpasawalang-hanggan. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water ang hayop. +++++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS NG ISANG TULAY9 Ang pagbabasbas ay gawin matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship.

Ang lahat ay magsitayo sa isang panig o dulo ng tulay na babasbasan.

Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen.

8 Isa sa nakahikayat bakit nabuo ang ritwal na ito ay minsan lumapit sa akin ang isa mga mag-aaral ko sa Field Education na

may week-appointment at humihingi ng ritwal o gabay sa pagbabasbas ng kalabaw at baboy. Ito ay naihanda sa taong 2009. 9 Ang ritwal na ito ay una kong ginamit noong ako ay madestino sa Founder United Methodist Church, Brgy. Aringay, Kabacan,

Cotabato.

Page 73: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

73 | P a g e

Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Itatalaga natin ang tulay na ito sa pag-ibig at pangangalaga ng Diyos at ang lahat ng dadaan o gagamit nito sa paglalakbay. Manalangin tayo. O Diyos na aming Magulang, pakinggan mo ang panalangin. Basbasan mo ang tulay na ito ang lahat ng mga dadaan dito, at nang maranasan nila ang iyong pag-iingat sa gitna ng masalimuot na mundong aming ginagalawan, sa kay Cristo-Jesus kasama ng Santo Espiritu magpasawalang hanggan. Walang hanggang Diyos, sa iyong kabutihan ay ibuhos ang iyong Banal na Espiritu upang maghari sa tulay na ito at sa lahat ng dadaan dito. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water ang tulay. Ang pagsamba ay magpapatuloy. Mainam na isunod dito ang PASASALAMAT AT KOMUNYON, o di kaya ANG

PAGPAPAHAYO.

++++++++++++++++++++++++++++++

PAGTATALAGA NG IMNARYO10 Ito ay gawin matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship ng United Methodist Church.

PANIMULA Pastor: Ang kagandahang loob ng Panginoon ay sumainyo. Kapatiran: At sumaiyo rin! Pastor: Anumang ating handog at dadalhin sa Kanyang banal na harapan ay maging hakbang pasulong tungo sa kaganapan ng napapanahon, mapagpalaya at tumutugong pananampalataya sa hamon ng panahon. Kapatiran: Sa Diyos ang papuri. AKTO NG PAGTATALAGA Pastor: Ang mga imnaryong ito ay ating itatalaga sa gawain ng Panginoon. Ang mga ito ay ating tinatanggap sa pangalan ng Panginoon, at itinatalaga upang gamitin sa paglilingkod sa bayan at sa Diyos. At dahil dito, nararapat na handugan ang Diyos ng pasasalamat. Kapatiran: Ang umawit ng papuri sa Iyong ngalan, Diyos ng kataastaasan. Pastor: Ipahayag ang Kanyang walang kapantay na pag-ibig. Kapatiran: Ang Iyong katapatan Diyos ng Araw at ng Gabi. Pastor: Damhin ang Kanyang presensya sa mga imno ng paglaya at kaligtasan. Kapatiran: Ang Iyong katiyakang kaloob, Diyos ng mapagpalang musika. Pastor: Sa iyo Panginoon naming Diyos, nagbibigay galak at pag-asa. Kapatiran: Sa mga imnaryong ito, aawit kami ng pagpupuri, pagpapasalamat at pagtatalaga sa Iyo. Pastor: Tayo ay manalangin. Makapangyarihang Diyos, na sa lahat ng henerasyon ay pinupuri sa pamamagitan ng musika at pag-awit, tanggapin niyo po ang aming papuri sa iyo sa pamamagitan ng mga awiting nakapaloob sa mga imnaryong ito. Ipagkaloob mo sa amin ang Iyong pagpapala samantalang itinatalaga namin sa Iyo ang mga imnaryong ito sa ikaluluwalhati ng Iyong pangalan. Ito ay gagamitin ng Iyong bayan, tungo sa kapakinabangan ng Iyong sambahayan. Tulutan Mong ang mga imnong nakapaloob dito, habang inaawit, binabasa, at tinutugtog ay uugnay sa adhikain ng Iyong iglesya, ang ipangaral ang Iyong Salita. Kami ay palakasin sa paglilingkod kung saan Mo kami ay tinawag. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water ang itinalagang Imnaryo.

Ang pananambahan ay magpapatuloy. Kasunod nito ang PASASALAMAT AT KOMUNYON, o di kaya ANG PAGPAPAHAYO.

10 Naihanda ang daloy na ito noong ako ay madestino sa University United Methodist Church taong 2009-2010.

Page 74: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

74 | P a g e

+++++++++++++++++++++++++++++++

KONSAGRASYON NG MGA MAGSISIPAGTAPOS11

Ang Konsagrasyon sa mga Magsisipagtaspos ay gawin matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship ng United Methodist Church. Sa yugtong ito, ang mga magsisipagtapos kasama ang kanilang mga guro ay lalapit sa altar kaharap ang pastor. PANIMULA Pastor: Ang pagtatapos ay panahon ng magkahalong emosyon. Habang ginugunita ang ating naging karanasan sa paaralan, iniisip ang pag-asang darating. Ito ang panahon ng pagpapaubaya sa ating mga anak upang humakbang sa mas mataas na antas ng pag-aaral. PAGBABASBAS SA MGA MAGSISIPAGTAPOS

Sa yugtong ito ang mga magsisipagtapos ay luluhod kasama ang kanilang mga magulang sa kanilang likuran. Pastor: Tayo ay manalangin (tumahimik ang lahat). Diyos ng Kaalaman, sa iyong karunungan kami ay tinuruan ng kaparaanan at kalayaan. Basbasan mo ang mga mag-aaral na ito sa kanilang pagtatapos sa ________________. Nagpapasalamat kami sa mga gurong matiyaga na nagturo at mga magulang na laging umaalalay sa kanila. Samahan niyo po ang mga anak mong ito sa kanilang patuloy na pag-aaral sa buhay at paglalakbay. Palakasin niyo po sila at sangkapan ng mga kakayahang pagtagumpayan ang anumang hamong kanilang haharapin. Maitanim sa kanilang isip at puso ang kahalagahan ng pananalig sa iyo. Amen.

Ito ay konsagrasyon sa mga magsisipagtapos sa kolehiyo.

PAGBABASBAS SA MGA MAGSISIPAGTAPOS Sa diwang ito aanyayahan ng pastor na lumapit ang mga magsisipagtapos sa harapan, habang ang mga magulang

nila, sponsor, at guardians ay nasa kanilang likuran. Pastor: Ang mapagpalayang turo ni Cristo sa pamamagitan ng ________, ang pagiging mabuting katiwala, ang talino, ang kahusayan sa pamamahala at paglilingkod sa kapwa ay sumainyo. Graduating Class: Amen. Graduating Class: Diyos, aming Magulang at dakilang Guro, kilala Niyo kami at tinawag sa pamamagitan ng aming mga pangalan. Kilala niyo na kami bago pa namin kayo nakilala, minahal niyo na kami bago pa namin kayo minahal. Marinig nawa namin ang Iyong tinig at hamon upang itaguyod ang kinabukasang may pag-asa. Pastor: Basbasan mo ang mga mag-aaral na ito sa kanilang pagtatapos sa kolehiyo. Nagpapasalamat kami sa kanilang mga gurong matiyaga na nagturo. Sa mga magulang, sponsor at guardians na umalalay sa kanilang pag-aaral. Samahan niyo po sila sa kanilang patuloy na paglalakbay. Alisin niyo po sa kanila ang mga pag-aalinlangan at lahat ng sagka upang maunawaan ang layunin ng kanilang buhay. Maitanim sa kanilang isip at puso ang kahalagahan ng pananalig sa iyo at ng katapatan. At sa kanilang paghayo, mahayag sa pamamagitan nila ang natatanging tatak at katangian ng ______________, bilang bukal ng tanglaw at balon ng mga dakila. Amen. PAGBABASBAS SA MGA SAGISAG NG PAGTATAPOS AT PARANGAL

Sa yugtong ito babasbasan ang mga sagisag ng pagtatapos, gaya ng Gown, Toga, Medalya, Ribbons at iba pa. Wiwisikan ng Holy Water.

++++++++++++++++++++++++++++++++

PAGTATALAGA NG MGA BAGONG HALAL NA OPISYALES12

11 Naihanda ang gabay na ito noong ako ay madestino sa Kutang Bato United Methodist Church, Sinsuat Avenue, Cotabato

City, taong 2007-2009. 12 Naihanda at una ko itong ginamit noong ako nadestino bilang executive director ng Mindanao Youth Center bahagi ng

program ng Mindanao Philippines Annual Conference ng United Methodist Church, taong 2010-2011.

Page 75: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

75 | P a g e

Ang pagtatalaga ay gagawin matapos ang Sermon sa regular na Serbisyo ng Pagsamba. Sa yugtong ito tatawagin ng tagapagtalagang pastor sa harapan niya ang mga bagong halal na opisyales. At sasabihin

ang mga sumusunod: Pastor: Ating alalahanin ang paliwanag ni Apostol Pablo na, “iba’t iba ang kaloob, ngunit iisa lamang ang espiritung nagkakaloob ng mga ito. Iba’t iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. Iba’t iba ang mga gawain ngunit iisa lamang ang Diyos na sumasalahat ng taong gumagawa ng mga iyon (I Corinto 12:4-6). Tayo ay tinawag hindi upang maging hari para sa iba o maging amo ng sinuman. Tayo ay pinili upang manguna at maging halimbawa ng katapatan at paglilingkod.

Ang pastor sa harap ng itatalagang pamunuan. Mga kapatid, kayo ay tinawag ng Diyos at pinili sa pamamagitan ng mga anak ng Diyos, upang pangunahan ang kapatiran. Ito ay biyaya at responsibilidad na dapat isakatuparan at siya ninyong gagampanan. Hindi lamang ito simpleng pagkakataon upang ipakita ang inyong mga kakayahan, kundi ito ay isang pagkakataon ng pagtuklas at pagpapaunlad ng ating mga kakayahang itatalaga sa paglilingkod. Kami rin ay nagpapapasalamat sa inyong pagtanggap ng tungkulin upang pangunahan ang ________________. Mamuhay nawa kayo sa inyong mga patotoo at gawa. Siya nawa.

Sa yugtong ito, ang mga bagong halal na itatalaga ay luluhod sa harapan ng altar. Pastor: Kayong mga bagong halal na opisyales ng ___________________, kinikilala ba ninyo ang inyong mga sarili bilang tapat na alagad ng Diyos? Tugon: Opo, kinikilala po namin. Pastor: Iaalay ba ninyo ang inyong mga sarili kay Cristo at sa sanlibutan? Tugon: Opo, iaalay po namin. Pastor: Mamumuhay ba kayo sa pagkakapatirang ito na may pag-ibig at kapayapaan? Tugon: Opo, tapat namin itong isasabuhay. Pastor: Gagawin ba ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang magampanan nang maayos ang mga tungkulin bilang halal na opisyales ng _________________________? Tugon: Opo, amin pong gagawin. Habang nakaluhod ang mga itatalaga, isa-isang lalapitan ng tagapagtalagang pastor ang mga ito, at ipapatong ang

kamay niya sa balikat habang sinasambit ang panalangin ng pagtatalaga. Pastor: Pagpalain mo, O Diyos, ang iyong lingkod na si ___________ na tinawag bilang ______________ ng _____________________. Biyayaan mo po siya ng kalakasan at katalinuhan upang lalo siyang maging epektibong lingkod ng iyong mga anak. Igawad mo po sa kanya ang iyong mapagpalang kamay na mag-alalay tungo sa wastong landas ng paglilingkod. Sa Pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Santo Espiritu. Amen.

Iaabot ng Tagapagtalagang Pastor ang kanyang kamay bilang kapahayagan ng pagbati at pagtanggap sa mga bagong natalagang pamunuan.

Ang mga bagong natalagang pamunuan ay haharap sa kapatiran. Pastor: Mga kapatid, naririto ang ating mga bagong halal at naitalagang opisyales ng ___________________________. Ating ipahayag sa kanila ang maalab na pagbati at pagtanggap sa pamamagitan ng ating masigabong palakpakan.

+++++++++++++++++++++++++

KONSAGRASYON NG MGA ACOLYTES13 Ito ay gawin matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship. Tatayo ang pastor sa harapan ng altar na

nakaharap sa kongregasyon at sasambitin ang mga sumusunod: Pastor: Mga kapatid, ipinipresenta ko ang (mga) kapatid na ito na sumailalim sa isang palihan o pagsasanay upang maging karapat-dapat sa konsagrasyon bilang Acolyte ng __________ United Methodist Church.

13

Ang ritwal na ito ay una kong nagamit sa Founder United Methodist Church taong 2013.

Page 76: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

76 | P a g e

Papasok ang mga kandidatong acolytes mula sa narthex patungo sa harapan ng chancel. Pastor: Mga kapatid at mga kaibigan, tinawag kayo ng Diyos upang maging acolyte. Ito ay sagradong responsibilidad kung saan kinikilala ang inyong mga natatanging talento at kakayahang kumilos sa kalagitnaan namin at para sa amin. Sa ngalan ng pag-ibig, pinasasalamatan ka namin (kayo) sa pagtanggap mo (ninyo) ng hamon upang maging Acolyte(s).

Siyasatin ng Pastor ang (mga) kandidatong acolyte(s) Pastor: Sumasampalataya ba kayo na pinatnubayan kayo ng Espiritu ng Diyos upang gampanan ang responsibilidad ng isang acolyte? Acolytes: Sumasampalataya ako (kami). Pastor: Gagawin ba ninyo nang may katapatan ang inyong katungkulan bilang acolyte sa kapurihan ng Diyos at paglilingkod sa Iglesya? Acolytes: Opo, sa tulong ng Panginoon. Pastor: Susundan mo (niyo) ba ang Panginoong Jesus bilang iyong (inyong) Guro at Hari ng iyong (inyong) buhay? Acolytes: Opo. Pastor: Gagawin ba ninyo ang lahat ng makakaya na maging responsableng disipulo ni Cristo? Acolytes: Opo, sa biyaya ng Diyos. Pastor: Maging tapat ba kayong kasapi ng United Methodist Church at itaguyod ito sa pamamagitan ng inyong panalangin, presensya, kaloob, pagsaksi at serbisyo? Acolytes: Opo.

Hilingin ng Pastor ang mga kandidato na lumuhod at ipapatong niya ang kamay sa ulo ng bawat isa habang sinasambit ang mga sumusunod:

Pastor: _______________, binabasbasan kita bilang acolyte ng ________ _______________ , sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Santo Espiritu. Amen.

Ang kuwintas ng acolyte o alba nito ay isusuot ng pastor sa mga kandidato, kasama ng kanilang mga magulang at lider layko. Ang kuwintas ng acolyte o ang alba ay isusuot nila sa tuwing ginagampanan ang kanilang katungkulan.

Ang mga acolytes ay tatayo at haharap sa kongregasyon.

At sa harap ng kongregasyon, sasabihin ng pastor: Pastor: Mga kapatid at mga kaibigan, magdiwang tayo’t nagbigay ang Diyos ng mga acolytes upang maihayag sa atin ang liwanag ni Cristo. Gagawin ba ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang alalayan sila sa mga responsibilidad kung saan sina tinawag? Ibibigay ba ninyo sa kanila ang inyong mga panalangin? Kongregasyon: Opo.

Sa diwang ito, maaaring isa-isang batiin ng pastor ang mga acolytes. Ang pagsamba ay magpapatuloy. Mainam na isunod dito ang PASASALAMAT AT KOMUNYON, o di kaya ANG PAGPAPAHAYO.

+++++++++++++++++++++++++

PAGTATALAGA NG ISANG TAHANAN14 Ang pagtatalaga ay gawin matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship.

+PAGBATI Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen.

14

Ang ilang mga bahagi nito ay hango sa Aklat ng Pagsamba ng United Methodist Church at sa UCCP Pagbubulay

ng Buhay. Una ko itong ginamit na gabay noong ako ay nadestino sa University United Methodist Church, Sunset

Drive, Poblacion, Kabacan, Cotabato taong 2009, lalong-lalo na sa pinapaupahang bahay ng mag-asawang Judy and

May Eva Garcia.

Page 77: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

77 | P a g e

Pastor: Sinabi ni Jesus, “Pakinggan n‟yo! Nakatayo ako sa may pintuan, kumakatok; kapag narinig ninyo ang aking tinig at binuksan n‟yo ang pintuan, papasok ako.” Mga kapatid at mga kaibigan, sama-sama tayong nagtipon-tipon upang hangarin ang pagpapala ng Diyos sa tahanang ito, na naihanda sa pamamagitan ng pagsang-ayon ng Diyos at ng gawa ng tao. Hindi lamang isang tirahan ang tahanang ito kundi sagisag ng mabiyaya at mapagmahal na pangangalaga ng Diyos. Kung kaya, magdala tayo ng pagpupuri at pasasalamat sa Diyos. PAGTATALAGA NG TAHANAN Pamilyang nagtatalaga: Sa ngalan ng Diyos na ating magulang, itinatalaga namin ang tahanang ito sa Kanya na may pagpapasalamat. Amen. Pastor: Manalangin tayo. Walang hanggang Diyos, pagpalain mo ang _____________________ na ito. Paghariin mo nawa ang iyong pag-ibig at maihayag dito ang ipinangako mong presensya. Silang mga pumapasok at lumalabas sa tahanang ito ay maturuan na magmahal, kung paano mo kami minahal. Mamuhay sa kapayapaan ni Jesu-Cristong aming Panginoon. Amen.

Dadako ang pastor sa mga bahagi ng tahanan at sa mga kagamitang kasamang itatalaga o bendisyunan.

Pinto

Pastor: Pagpalain Mo po, O Diyos, ang pintuan ng tahanang ito upang walang bagay na makapipinsala ang makapasok dito at upang ito’y mamalaging bukas sa mga nangangailangan. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Santo Espiritu. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water.

Salas Pagpalain Mo po, O Diyos, itong salas na siyang pinagtitipunan ng mga naninirahan dito. Nawa’y ang buong sambahayan ay makatagpo rito ng kapahingahan at katiwasayan ng lobo. Manatili sana silang nagmamahalan sa isa’t isa upang ang sinumang dumalaw sa kanila ay matuto sa kanilang magandang halimbawa. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water.

Silid-Kainan Pagpalain Mo po, O Diyos, ang silid na ito kung saan pinagsasaluhan ang Iyong masaganang biyaya. Nawa’y patuloy na alalahanin ng sambahayan ang mga taong naging bahagi sa pagkakaroon ng pagkain sa kanilang hapag. Gayundin naman ang mga taong salat sa ganitong pangangailangan. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water.

Kusina Pagpalain Mo po, O Diyos, itong kusina kung saan ang pagkain ay dinadalisay sa tubig at apoy. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water.

Paliguan at Palikuran Pastor: Pagpalain Mo po, O Diyos, ang paliguan at palikurang ito na bahagi ng kalinisan sa katawan ng tao. Nawa’y ang sinumang gagamit nito ay magkaroon ng malinis na puso at kaisipan, kasama ng pisikal na katawan para sa kaganapan ng kanilang pagkatao. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water.

Silid ng mga Magulang Pagpalain Mo po, O Diyos, ang silid na ito upang ang mag-asawa ay mamuhay nang tahimik at may pagmamahalan. Nawa’y maging tapat sila sa isa’t isa at maranasan Iyong biyaya kasama ng kanilang mga supling. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water.

Page 78: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

78 | P a g e

Silid-Tulugan ng mga Bata at Iba pa

Pagpalain Mo po, O Diyos, ang silid na ito at gawing duyan ng pagmamahal at pagkalinga. Pagkalooban Mo ng kapahingahan ang pagod nilang katawan dahil sa mga gawain sa araw-araw. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water.

Silid Aklatan o Study Room Pagpalain Mo po, O Diyos, ang silid na ito at ang sinumang magpapalipas oras dito. Palawakin Mo ang kanilang karunungan at kanilang pag-iisip, pananalita at pagsusulat upang Ikaw ang kanilang mapaglingkuran. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water.

Silid sa Pagtatrabaho Pagpalain Mo po, O Diyos, ang silid na ito at ang lahat ng mga kagamitang naririto. Ito nawa’y maging silid na makapagpapalitaw ng kakayahang lumikha at pagyamanin ang kaloob Mong biyaya. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water.

Halamanan Pagpalain Mo po, O Diyos, ang halamanang ito na nagbibigay aliw sa amin. Nawa’y makita namin ang Iyong luwalhati sa Iyong kamangha-manghang nilikha. Bigyan Mo kami ng biyaya na purihin Ka at magpasalamat sa Iyo. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water.

At iba Pastor: Pagpalain mo po, O Diyos ang mga kagamitang ito. Nawa ang _______________________ na ito ay maging instrumento upang maranasan ng lahat ng gagamit ang iyong biyaya. Ipahintulot mo rin po na gagamitin ito sa kapurihan sa Iyo. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Santo Espiritu. Amen. Babasbasan din ng Pastor ang mga sagisag na inaasahang makikita sa altar o sa isang sulok, o mesa ng tahanan.

Babalik ang lahat sa dakong pinagtitipunan at sasambitin ng pastor ang mga sumusunod na Panalangin.

Pastor: Ang pag-iingat nawa ng Diyos ang siyang igawad sa tahanang ito, at gayundin naman sa ating lahat. Ang kanyang pag-ibig ang siya nawang manahang palagi sa inyo upang ipagpatuloy ninyo ang mabuhay na may paglilingkod sa kapwa. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Santo Espiritu. Amen.

Ang pagsamba ay magpapatuloy. Mainam na isunod dito ang PASASALAMAT AT KOMUNYON, o di kaya ANG

PAGPAPAHAYO. ++++++++++++++++++++++++++++++

PAGTATALAGA NG ISANG INTERNET CAFÉ15 Ang pagtatalaga ay gawin matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship.

PAGBATI +PANIMULANG PANALANGIN MGA MATATALINGHAGANG AKTO Pastor: Mga kapatid, ang mga sagisag na iaalay at ipagpasalamat natin ngayon ay kapahayagan ng ating pang-araw-araw na pangangailangan. Ito ay nagpapagunita sa atin ng mayamang biyaya ng Diyos sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa darating pang mga kapanahunan.

15

Naihanda at una kong ginamit ito noong ako ay pastor sa University United Methodist Church, Sunset Drive, Poblacion, Kabacan, Cotabato, 2009-2010.

Page 79: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

79 | P a g e

Babasbasan ng Pastor ang mga sagisag na inaasahang makikita sa altar o sa isang sulok, o mesa ng tindahan para dito.

ANG PAGTATALAGA Pamilyang nagtatalaga o may-ari ng tindahan: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Santo Espiritu, itinatalaga namin ang Internet Café na ito sa Diyos. Itinatalaga sa pag-ibig at pangangalaga ng Diyos ang lahat ng papasok at lalabas mula rito. Amen. Pastor: Manalangin tayo. Walang hanggang Diyos, paghariin mo po ang iyong pag-ibig at maihayag nawa rito ang ipinangako mong presensya. Silang mga pumapasok at lumalabas sa dakong ito ay ang Iyong pagkalinga. Amen.

Dadako ang pastor sa mga bahagi ng silid o gusali at sa mga kagamitang kasamang itatalaga o bendisyunan. Wiwisikan ng Holy Water

Computer units at iba

Pastor: Pagpalain mo, O Diyos ang mga _______________________ na ito at nawa’y maging instrumento upang maranasan ng lahat ang iyong biyaya. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Santo Espiritu. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water.

Babalik ang lahat sa dakong pinagtitipunan at sasambitin ng pastor ang mga sumusunod na Panalangin. Pastor: Ang pag-iingat nawa ng Diyos ang siyang igawad sa Internet Café na ito, at gayundin naman sa ating lahat. Ang kanyang pag-ibig ang siya nawang manahang palagi sa inyo upang ipagpatuloy ninyo ang mabuhay na may paglilingkod sa kapwa. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Santo Espiritu. Amen.

Wiwisikikan ng Holy Water ang dakong pinagtitipunan. Ang pagsamba ay magpapatuloy. Mainan na isunod nito ang PASASALAMAT AT KOMUNYON, o di kaya ANG

PAGPAPAHAYO. ++++++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS SA PALASPAS16

Ang pagbabasbas ng palaspas ay bahaging rin sa Serbisyo ng Pagsamba sa Linggo ng Palaspas, ito ay unang bahagi sa pagsamba. Ang mga kapatiran ay magtitipon sa labas ng sangtuaryo o sa narthex.

PANIMULA Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen. Pastor: Ang Linggo ng Palaspas ay sinasabing engrandeng pagbubukas ng Semana Santa. Ito ay paggunita sa makasaysayan at matagumpay ng pagpasok ng makasaysayang Jesus sa Jerusalem, ang lungsod ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, kasama ang kanyang mga kaibigan mula sa mahabang paglalakbay para sa pagbabago. Ang kasaysayan ay nagsasabi na ang iglesya ay isang bayang naglalakbay patungo sa kaliwanagang walang hanggan. Si Cristo Jesus ang sinusundan at sinasamahan patungo sa makalangit na Jerusalem (Hebreo 12:22; Pa 3:12; 21:2). Ang pagsunod kay Jesus sa Jerusalem ang ipinakakahulugan ng prusisyon sa Linggo ng Palaspas. Sa Jerusalem nagsimula ang kasaysayan ng prusisyong ito. Noong ikaapat na dantaon pa lamang ay naging ugali na ng mga Kristiyano ang magtipon sa Bundok Olibo sa hapon ng Linggo na nagbubukas sa Semana Santa. Pakikinggan nila roon ang pagsasalaysay ng mga nangyari ayon sa Banal na Kasulatan at saka sila lalakad patungo sa lungsod ng Jerusalem na tinatawag na Simbahan ng Muling Pagkabuhay. Ang mga tao at maraming bata ay may hawak na mga palaspas at sanga ng punong olibo at isinisigaw, “Purihin siyang dumarating sa ngalan ng Panginoon!” Lumaganap ang liturhiyang ito mula sa Jerusalem hanggang sa lahat ng dakong may komunidad ng mga Kristiyano. Ang ating prusisyon sa Linggo ng Palaspas ay sumasagisag ng ating pagsamba kay Jesus sa lungsod ng Jerusalem, sa pook ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Ang ating paglahok sa pagdiriwang

16

Ang ritwal na ito ay naihanda noong ako ay maitalagang Tagapanguna sa District Committee on Christian

Education and Nurture ng Mindanao Central District, mula taong 2007-2011. Bahagi ng programa ng komitibang ito

na maghanda ng mga gabay sa pagsamba na gagamitin ng nasasakupang iglesia lokal ng distrito.

Page 80: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

80 | P a g e

na ito ay kapahayagan ng pagkilala kay Jesus na Mesiyas at Hari. Ito rin ay kapahayagan ng ating pananampalataya at pagtatalaga ng buhay sa araw-araw na paglalakbay. PAANYAYA Pastor: Mga kapatid, sumama tayo kay Jesu-Cristo sa Jerusalem! Ang paanyayang ito ay naglalahad sa adhikain ng Semana Santa na saksi sa kamatayan at tagumpay ng ating Panginoon. Sapagkat si Jesus ay naging masunurin hanggang sa kamatayan sa krus, siya ay iniluklok ng Panginoon (Filipos 2:6-11). Nagpakababa kaya dinakila, nahatulan kaya pinagtagumpay, namatay kaya nagtamo ng kaluwalhatian. Ang landasing ito ng Panginoon ang landasing naghihintay sa atin. Ang landasing ito at ang pagtahak natin dito ang ipinapahayag ng ating prusisyon sa Linggo ng Pagpapakasakit ni Jesu-Cristo o ng Linggo ng Palaspas. Komunidad: Sundan natin si Jesus sa Jerusalem! Pastor: Ito ay paggunita sa dakilang kapahayagan ng katotohanan, ng pagliligtas at ng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Isa rin itong hamon, at isang sigaw ng pananampalataya at tagumpay. Lahat: Hosanna sa kaitaasan! PRUSISYON

Pangungunahan ng Pastor ang prusisyon mula sa labas ng sangtuaryo patungo sa altar para sa pagtatalaga at pagbabasbas ng mga dalang dahon o palaspas ng mga kapatiran.

ANG PAGBABASBAS SA MGA PALASPAS Pastor: Tayo ay manalangin. O Diyos na aming magulang, basbasan mo ang mga dahong ito na nagpapaalala sa amin na ang kalikasan man ay nagpupuri rin sa Iyo, at sa anak mong si Jesus na aming Panginoon. Itinatalaga namin ang mga dahong ito na nagpapaalala kay Jesus habang pumapasok sa sentro ng Jerusalem na kinikilalang Mesiyas at Hari. Sa aming paggunita ay hinahayaan ka naming pumasok sa aming buhay bilang Mesiyas, at maghari sa bawat aspeto ng aming buhay at pagpupunyagi. At habang nasa amin itong pag-iingat sa buong taon ay dadalhin kami sa kasigasigan at matibay na pagtanggap kay Jesus , ang Cristo ng aming pag-iral. Pagpalain mo rin ang bawat isa sa amin na sa tuwing nakikita ang mga dahong ito ay patuloy kaming lumago sa pananalig at paglilingkod. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Santo Espiritu. Amen

Matapos nito ay dadalhin ng kapatiran ang mga nabasbasang palaspas sa kanilang mga upuan. +AKTO NG PAPURI AWIT 118:1-2,19-29 UMH839 Tugon: MAPALAD S‟YANG PARATING SA NGALAN NG DIOS, PAPURI AY SA LANGIT. Tinig 1: O Pasalamatan ang Diyos na si Yahweh, pagkat siya ay mabuti. Ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili. Ang taga-Israel, bayaang sabihi‟t kanilang ihayag, “Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kukupas.”T Tinig 2: Ang pintuan ng banal na templo‟y inyo ngayong buksan. Ako ay papasok at itong si Yahweh ay papupurihan. Ito yaong pintong pasukan ni Yahweh, ang Panginoong Diyos. Tanging ang matuwid ang pababayaang doo‟y makapasok! T Tinig 3: Aking pinupuri Ikaw, O Yahweh, yamang pinakinggan. Dininig mo ako‟t pinapagtagumpay. Ang batong natakwil ng nangatatayo ng tirahang-bahay, sa lahat ng bato higit na mahusay. Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Diyos na si Yahweh. Kung iyong mamasdan ay kawili-wili! T Tinig 4: O kahanga-hanga ang araw na itong ang Diyos ang nagbigay. Tayo ay magalak, ating ipagdiwang! Kami ay iligtas tubusin mo, Yahweh, kami ay iligtas, at pagtagumpayin sa layuni‟t hangad. Ang pumaparito sa ngalan ni Yahweh ay pagpapalain. Magmula sa templo, mga pagpapala‟y kanyang tatanggapin! T Tinig 5: Si Yahweh ang Diyos, pagkabuti niya sa mga hinirang. Tayo ay magtaglay ng sanga ng kahoy, simulang magdiwang at tayo‟y lumapit sa dambanang banal. Ikaw ay aking Diyos kaya naman ako‟y nagpapasalamat. Ang pagkadakila mo ay ihahayag. T Tinig 6: O pasalamatan ang Diyos na si Yahweh, pagkat siya‟y mabuti. Ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili T Tagapanguna: O Pasalamatan ang Diyos at papurihan!

Isunod ang IMNO NG PAPURI at PAMBUNGAD NG PANALANGIN.

Page 81: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

81 | P a g e

PAGBABASBAS AT PAGLALAGAY NG ABO SA NOO17

Ito ay ritwal na nakapaloob sa Serbisyo ng Pagsamba sa Miyerkules ng Abo. Ito ay gagawin pagkatapos ng TAWAG SA PAGSAMBA.

Nananatili ang katahimikan at ang malumanay na musika. Habang ang mga kapatiran ay nakatayo, ipapasok at ihahanda ng Pastor ang abo.

PAGBABASBAS SA ABO Pastor: Makapangyarihang Diyos, nilikha mo kami mula sa alabok ng mundo, ipagkaloob mo nawa ang mga abong ito ay maging sagisag ng aming mortalidad at penitensya. Nawa’y maalala namin lagi na tanging sa iyong kagandahang-loob at biyaya lamang kami magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Sa kay Cristo- Jesus, aming Manunubos. Amen. PAGLALAGAY NG ABO SA NOO Ang kapatiran ay inaanyahahang lumapit at lumuhod sa harapan ng Diyos na Mapagpatawad at Manunubos. Idiin ng

Pastor ang hinlalaki sa abo at ipahid na tandang krus sa noo ng bawat isa. Pastor: Alalahanin na ikaw ay alabok, at sa alabok ka rin babalik. Talikdan ang kasalanan, magbalik-loob sa Diyos, at magtiwala sa Ebanghelyo.

Isunod ang PAGSISISI +++++++++++++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS NG KANDILA AT BULAKLAK18 Ang pagtatalaga ay gawin matapos ang Kapahayagan ng Pananampalataya sa panahon ng Serbisyo ng Pagsamba sa Araw ng mga Banal gamit ang Basic Pattern of Worship. Mainam na ipagdiwang ang Serbisyo ng Pagsamba sa madaling araw. Bago tutungo ang mga tao sa mga puntod ay dadaan muna sila sa Iglesya upang mabasbasan ang mga dala nilang kandila at bulaklak. Sa kasalukuyan ay ginagawa ito ng mga kapatirang Metodista sa Founder UMC, Brgy. Aringay, Kabacan, North Cotabato. +PAGBASA SA PANGALAN NG MGA YUMAO

Basahin ng naatasang magbasa ang listahan ng pangalan ng mga yumao. +PANALANGIN Pastor: Walang hanggang Diyos, muli naming pinag-aalab ang mga alaala ng mga mahal sa buhay na yumao. Komunidad: Ang kanilang alaala ay walang hanggang pagpapala sa amin. Pastor: Araw, Linggo, Buwan, at Taon man ang lilipas ay nanatili sila sa aming mga puso. Ang ugnay ng buhay ay naputol, ngunit ang ugnay ng pag-ibig kailanman ay di mapuputol. Komunidad: Ang kanilang alaala ay walang hanggang pagpapala sa amin. Pastor: Nakikita namin ang mga kapatiran naming yumao sa mga alaala, sa mga napatawad na pagkukulang at pagkakamali, sa mga mabubuting katangiang ipinamalas nila sa bawat isa sa amin. Komunidad: Ang kanilang alaala ay walang hanggang pagpapala sa amin. Pastor: O Aming Diyos, inaalala namin ang buhay, pananampalataya, kasigasigan, at sakripisyo ng aming mga kapatid na yumao, na nag-iwan sa amin ng komunidad na ipinagpapatuloy naming itinataguyod sa kasalukuyan. Komunidad: Ang kanilang alaala ay walang hanggang pagpapala sa amin. Pastor: Nagpapasalamat kami, O Diyos, sapagkat ang mga mahal naming ito ay nabubuhay na sa iyong kandungan. SIlang mga saksi ng Iyong Kadakilaan ay naging pagpapala sa amin na walang hanggan. Komunidad: Ang kanilang alaala ay walang hanggang pagpapala sa amin.

17 Naihanda at una ko itong ginamit noong ako ay pastor sa Founder United Methodist Church, taong 2010-2014. 18 Naihanda at una ko itong ginamit noong ako ay nadestino sa Founder United Methodist Church, taong 2010-2014.

Page 82: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

82 | P a g e

Pastor: Papuri at pasasalamat ang aming kaloob sa iyo, O Diyos, habang aming ginugunita ang mga mahal na namin sa buhay ngayon. Komunidad: Sila ay buhay magpasawalang hanggan. Amen +PAGBABASBAS SA MGA KANDILA Pastor: Ang kandila ay unang ginamit ng mga sinaunang Kristiyano sa pagsamba upang magbigay liwanag habang sila ay nagbabasa ng mga pahina sa Banal na Kasulatan. Hanggang sa paglipas ng mga panahon, ang kandila ay nagkaroon ng “symbolic value”, sumasagisag kay Cristo bilang Ilaw ng Sanlibutan (Juan 8:12, 12:46). Tayo ay manalangin. O aming Diyos na Magulang, bukal ng lahat ng liwanag, ipinadala mo ang iyong bugtong na Anak na si Jesu-Cristo sa sanlibutan upang magsilbing liwanag sa naglalakbay mong bayan. Pakabanalin mo po ang mga kandilang ito at ang iyong bayang gagamit nito sa pagpupuri at pagpaparangal sa iyong ngalan. Itulot niyo po na sa aming paglalakbay at pagsasabuhay ng iyong mga hamon ay masumpungan namin ang liwanag na walang katapusan. Ito ang aming dalangin sa pamamagitan ni Cristo na aming Panginoon. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water ang naitalagang kandila. PAGBABASBAS SA MGA BULAKLAK Pastor: Ang mga bulaklak ay naglalarawan sa isang kalagayang masaya, puno ng pag-asa at buhay, at sumasagisag ng muling pagkabuhay. Ang pag-aalay ng mga bulaklak sa altar ay sumasagisag ng pag-aalay ng papuri at pasasalamat. At ang pag-aalay ng bulaklak sa puntod ng mga yumao nating mga mahal sa buhay ay sagisag ng pag-aalala at pagpaparangal sa kanila. Tayo ay manalangin. O aming Diyos na Magulang, bukal ng lahat ng bagay, pakabanalin mo nawa itong mga halaman at bulaklak na sumasagisag ng muling pagkabuhay. Sa mga bulaklak na ito nawa’y makita namin ang Iyong kaluwalhatian. Ito ang aming dalangin sa pamamagitan ni Cristo na aming Panginoon. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water ang naitalagang mga bulaklak.

Ang pagsamba ay magpapatuloy. ++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS NG SASAKYAN19 Ito ay gawin matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship ng United Methodist Church.

PANIMULA Pastor: Sumainyo ang Panginoon! Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Tayo ay nagtitipon upang ipagdiwang ang biyaya ng buhay. Pag-isahin natin ang ating mga diwa at damdamin sa pagtatalaga ng ________________ na ito, nina kapatid na __________________. At sama-sama nating ganapin ang Kanyang kalooban. PANALANGIN Pastor: Tayo ay manalangin. Makapangyarihan naming Diyos, mula sa iyo ay dumadaloy ang masaganang biyaya ng buhay. Hinihingi namin ang Iyong Banal na gabay upang pangunahan kami sa aming gawain ngayon. Tulungan Mo kaming mabuhay sa diwa ng paglilingkod sa aming kapwa, ayon sa Iyong pagkatawag sa bawat isa sa amin. Amen. ANG PAGTATALAGA

19

Naihanda ng ritwal na ito noong ako ay nadestino na sa Founder United Methodist Church taong 2011, kung saan

regular na nagpapabasbas ng mga pampasadang L300 van ang pamilyang Caliva.

Page 83: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

83 | P a g e

Pastor: Hilingin natin sa Panginoon na ang sasakyang ito ay maging tanda at paalala na ang buhay ng tao ay isang paglalakbay dito sa lupa patungo sa tahanan na inihanda ng Diyos para sa Kaniyang mga Anak. Nawa’y ang paglalakbay na ito ay maging ligtas sa panganib hanggang sa makapiling natin ang Diyos sa Kaniyang kaluwalhatian. Pamilya o grupong nagtatalaga: Sa diwa ng kababaang loob, itinatalaga namin ang ______________ ito sa ating Dakilang Maykapal, kalakip ang pagsamo at pagtitiwala na Siya ang mag-iingat sa mga ito. Kami na nagtatalaga ay nangangako na maging mabuting katiwala nito. Hindi lamang para sa aming sariling kagalingan kundi sa kapakanan din ng aming kapwa.

Sasambitin ng Pastor ang panalangin ng pagtatalaga. Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Manalangin tayo. Diyos na aming Magulang, ibuhos mo ang iyong Banal na Espiritu sa (mga) sasakyang (Dyip, Kotse, L300 van, at iba pa) ito upang ang sinumang sumakay dito ay maligtas sa anumang kapahamakan at maluwalhating makarating sa kanilang paroroonan. Hinihiling po namin ito sa pamamagitan ni Jesu-Cristong aming Panginoon. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water ang sasakyang itinalaga. At pagkatapos sasambitin ng pastor ang pamemendisyon.

Ang pag-iingat nawa ng Diyos ang siya nawang manahan palagi sa inyo upang patuloy na mabuhay na naglilingkod sa kapwa. Sa pangalan ng Manlilikha, Tagapagligtas, at Diwang Patnubay. Amen.

Ang pagsamba ay magpapatuloy. Mainam na isunod dito ang PASASALAMAT AT KOMUNYON, o di kaya ANG PAGPAPAHAYO.

++++++++++++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS NG DEEP WELL O ANUMANG PINAGKUKUNAN NG TUBIG20 Ito ay isagawa matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship. Ang lahat ay dadako sa kinalalagyan ng

Deep Well na itatalaga. Pastor: Ang biyaya ng Panginoon ay sumainyo! Bayan: At sumaiyo rin. Pastor: Ating ipagdiwang ang biyaya ng buhay, na kaloob ng Diyos na dakila at makapangyarihan. Magkaisa tayo sa iisang damdamin sa pagtatalaga ng deep well (o anumang tawag sa pinagkukunan ng tubig) na ito. At sama-sama nating isabuhay ang kanyang kalooban. Ang Diyos ay papurihan

Sasambitin ng Pastor ang pagtatalaga.

ANG PAGTATALAGA Pastor: Mga kasama at kapatid, kinikilala natin at pinagtitibay na ang Diyos ang pinagmulan ng lahat ng bagay at biyaya na ating tinataglay. Magalak tayo sa pagkakaroon natin ng ating deep well ( o pneumatic pump, o water reservoir o iba pa) upang tugunan ang ating pangangailangan sa tubig. Pinasasalamatan natin ang mga taong naging bahagi sa pagkakaroon nito upang magamit at matamasa ang biyaya ng Diyos na tubig. PANALANGIN NG PAGTATALAGA

Sasambitin ng Pastor ang panalangin ng pagtatalaga. Pastor: Pagpalain mo po, O Diyos ang Deep Well ( o pneumatic pump, o water reservoir o iba pa) na ito na nagpapaalala sa amin sa buhay at kalikasan ni Jesus bilang deep well na nakaugnay sa pinagmumulan ng tubig, sa Ama na pinagmumulan ng lahat. Kung papaano ang kanyang buhay ay kapahayagan ng tapat na paglilingkod at

20

Naihanda at unang ginamit ito noong ako ay nag-aaral pa lamang sa Union Theological Seminary, at student assistant ng Center for the Arts, Liturgy and Music, taong 2006-2007.

Page 84: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

84 | P a g e

dakilang inisyatiba ng Diyos, ganoon ang iyong inaasahan sa amin. Nawa’y ang sinumang gagamit nito ay pagkalooban Mo ng malilinis na puso at kaisipan, kasama ng pisikal na katawan para sa kaganapan ng kanilang pagkatao. Sa pangalan ng Ama, ng Anak, at ng Santo Espiritu. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water. Babalik ang lahat sa dakong pinagtitipunan. Ang pagsamba ay magpapatuloy. Mainan na isunod dito ang

PASASALAMAT AT KOMUNYON, o di kaya ANG PAGPAPAHAYO. +++++++++++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS NG CHOIR ROBES Ito ay gawin matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship ng United Methodist Church.

PANIMULA Pastor: Ang magpasalamat sa Panginoong Diyos ay mabuting bagay. Komunidad: Umawit na lagi. Purihin ang ngalang Kataas-taasan. Pag-ibig n’yang wagas ay dapat ihayag, kung bukang-liwayway. Pagsapit ng gabi ang katapatan niya’y ihayag din naman. Pastor: Ito’y ipahayag sa saliw ng alpa’t tugtuging salteryo, sa magandang himig ng tugtuging lira’y ipahayag ito. Komunidad: Ako’y nagagalak sa iyong ginawa na kahanga-hanga, sa lahat ng ito ako’y umaawit dahil sa tuwa (Awit 92:1-4). IMNO AKTO NG PAGTATALAGA Pastor: Kayo’y hinirang ng Diyos, itinalaga para sa kanya at minamahal niya. Kaya’t dapat kayong maging mahabagin, maganda ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at matiisin. Magpaumanhinan kayo at magpatawaran kung may hinanakit kayo sa isa’t isa. Pinatawad kayo ng Panginoon kaya’t magpatawad din kayo. At higit sa lahat, mag-ibigan kayo pagkat ito ang buklod ng ganap na pagkakaisa. At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat ito ang dahilan kaya kayo tinawag upang maging bahagi ng isang katawan. Magpasalamat kayong lagi. Ang mga salita ni Cristo ay itanim ninyong mabuti sa inyong isip. Magpaalalahanan kayo at magturuan nang buong kaalaman. Umawit kayo ng mga salmo, imno, at mga awiting espirituwal, na mag-pagpapasalamat sa Diyos. At anuman ang gagawin ninyo, maging sa salita o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, at sa pamamagitan niya’y magpasalamat kayo sa Diyos. (Hango sa Colosas 3:12-17)

Tayo ay manalangin. O Buhay na Diyos, kami ay nagpupuri sa Iyo sa pamamagitan ng mga Salmo, Awitin at Imno. Basbasan Niyo po ang

mga choir robe/alba na ito, at silang magsisisuot nito. Palakasin Niyo po silang magsisigamit nito para sa iyong kapurihan. Sa gayon ang musikang naibabahagi nila ay makapagdudulot ng biyaya sa mga kapatirang napapadako

sa aming mga pagsamba. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water ang itinalagang Choir Robe. Ang pananambahan ay magpapatuloy. Kasunod dito ang PASASALAMAT AT KOMUNYON, o di kaya ANG

PAGPAPAHAYO. ++++++++++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS SA RETABLE NG IGLESYA21 Ang pagbabasbas ay maaaring gawin matapos ang Sermon bago ang kapahayagan ng Pananampalatayang

Kristiyano sa isang regular na Serbisyo ng Pagsamba. Ang retable ay mesa na nakadikit sa apse ng sangtuaryo sa likurang bahagi ng Lord‟s Table o altar.

PAGBATI Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang.

21 Ang Ritwal sa Pagbabasbas ng Retable ay una kong ginamit sa Founder United Methodist Church, Brgy. Aringay, Kabacan,

Cotabato, taong 2013.

Page 85: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

85 | P a g e

Lahat: Amen. Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. KAPAHAYAGAN NG LAYUNIN Pastor: Mga kapatid kay Cristo, tayo ay magalak sa araw na ito. Sapagkat atin ngayong babasbasan ang retable na kaloob ng/ni (Donor). Buksan natin ang ating mga puso at pag-iisip upang tanggapin ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng retable na ito. Dito malimit nahahayag at nakikita ang Bibliyang naglalarawan sa ating pagiging evangelical, sa mga bulaklak na naglalarawan ng ating paniniwala sa nabuhay na Cristo, at sa mga nalikom na mga kaloob, ikapu at pangako na itinatalagang magamit sa gawain at ministeryo ng iglesya. PAGTATALAGA NG RETABLE Donor: Itinatalaga namin ang retable na ito para sa konsagrasyon. Kaloob ito para sa ating iglesya bilang kapahayagan ng pakikibahagi sa gawain at ministeryo ng iglesya.

Ipapatong ng Pastor ang kanyang kamay sa itinatalagang retable. Pastor: Panginoong Diyos, marami pong salamat sa kaloob na retable na ito. Pakabanalin Mo, O Diyos, ang retable na ito upang sinumang makakakita nito ay makaranas ng iyong biyaya. Anumang bagay na maipapatong dito ay patuloy na maging biyaya para sa lahat. Loobin mo nawa ang retable na ito upang magsilbing paglagyan ng mga sacramental na kagamitan ng iglesiya, na patuloy mong ginagawang banal na nakapagdudulot ng biyaya para sa lahat. Basbasan niyo po ang retable na ito. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Santo Espiritu.

Wiwisikan ng Holy Water ang retable. ++++++++++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS NG ADVENT WREATH22 Ang unang ginamit na Advent Wreath ay sanga ng evergreen tree na pinormang pabilog, na nangangahulugan ng buhay na walang hanggan. Mayr apat na kandila (ito ang tinatawag nating Advent Candle) na nakapaligid dito, samantalang sa gitnang bahagi ay nakalagay ang kandila ni Cristo. Ang kulay ng advent candle ay lila. May ibang tradisyon na sa ikatlong Linggo ng Pagdatal ay gumagamit ng kandila na kulay “rose” o “pink” na sumasagisag ng kagalakan. Sa kaugalian nating mga Metodista, mas ginagamit natin ang kulay lila sa apat na Linggo ng Pagdatal, at ang kulay bughaw bilang halili. Sa Unang Linggo ng Pagdatal, gawin ang pagbabasbas ng Advent Wreath bago sindihan ang Unang Kandila ng Pagdatal. Ang gabay sa pagbabasbas na ito ay maari ring gamitin sa ating mga tahanan.

Ang lahat ay magsitayo. Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. All: Amen.

Basahin ng naatasang Tagabasa ang Isaias 9:2, 6-7. Tagabasa: Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Pastor: Tayo ay manalangin.

Panginoon naming Diyos, Pinupuri namin ang Iyong Anak, na si Cristo-Jesus.

Ang Emmanuel, ang pag-asa ng lahat ng bayan, Ang Dakilang Guro na gumagabay sa amin,

Siya na Cristo ng lahat.

Panginoong Diyos, sumaamin nawa ang iyong pagpapala,

22

Una kong ginamit ang ritwal sa pagbabasbas ng Advent Wreath noong ako ay nadestino sa Pioneer United Methodist Church, Poblacion, Mlang, Cotabato, Disyembre taong 2004.

Page 86: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

86 | P a g e

habang aming sinisindihan ang kandila nitong advent wreath. Nawa‟y ang wreath at ang liwanag nito

ay maging tanda ng pangako ni Cristo na magdadala sa amin sa kaligtasan Na kasama naming maglalakbay tungo sa buhay na ganap at kasiya-siya.

Dalangin namin ito na may kapakumbabaan. Amen. Ang pagbabasbas ay tatapusin sa pag-awit ng “O Come, O Come, Emmanuel”.

Wiwisikan ng Holy Water. +++++++++++++++++++

PAGBABASBAS NG CHRISTMAS TREE23 Ang Christmas Tree ay unang nakilala bilang Christmon Tree, hango sa mga ikinakabit sa puno na tinatawag na “Christmon”, ibig sabihin ay “ancient Christian symbol”. Ang mga nakakabit na sagisag ay naglalarawan sa buhay ni Cristo Jesus at ang kahulugan ng Pasko. Ang puno ng “evergreen” ang unang ginamit na nagrerepresenta sa “walang hanggang buhay” na bukod-tanging nabubuhay sa panahon ng tagyelo sa dako ni Frances Kipps Spencer. Taong 1957 nang ito ay magawa ni Mrs. Spencer, kasapi ng Lutheran Church of the Ascension, Danville, Virginia. Ang mga palamuti na kanyang unang ginamit ay mula sa mga sobrang materyales sa paghahanda ng regalo tuwing Pasko, mga ginupit na larawan o sagisag, at mga bituin. Ayon sa tradisyon, ang Christmas Tree ay inihahanda bago ang Pasko. Mananatili ito hanggang sa Araw o Linggo ng Epipanya. Ang liwanag na nakakabit sa Christmas Tree ay sisindihan matapos ang pagbabasbas.

Ang lahat ay magsitayo. Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. All: Amen.

Basahin ng naatasang Tagabasa ang Tito 3:4-7. Tagabasa: Ang Salita ng Diyos. Komunidad: Salamat sa Diyos. Pastor: Tayo ay manalangin. O Diyos na aming Magulang, nagkakatipon kami ngayon na may kagalakang ipagdiwang ang kapanganakan ng Iyong Anak, na nagligtas sa amin mula sa gapos ng kasalanan. Ginawa niyang puno ng buhay at liwanag ang krus. Nawa‟y ang punong ito ay maghatid ng sinag na nagpapatatag ng aming pag-asa sa gitna ng krisis at hamong kinakaharap. Basbasan Mo ang punong ito na magkaloob sa amin ng kalakasan at alab sa aming mga puso at inspirasyong magpatuloy bilang tapat na alagad ni Jesu-Cristo. Amen.

Ang pagbabasbas ay tatapusin sa pag-awit ng “O Come, O Come, Emmanuel”.

Wiwisikan ng Holy Water. - UMC Book of Worship, 1992.

+++++++++++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS SA BELEN O NATIVITY SCENE24 Gabi ng Pasko noong taong 1223, nang si St. Francis of Assisi ay naghanda ng Belen o “Nativity Scene”. Makikita sa “nativity scene”, ang banal na mag-anak, mga hayop (asno, karnero), mga anghel, mga pastol, at ang bituin. Ilalagay ito sa harap ng kongregasyon. Ang walang lamang sabsaban ay maaaring magamit sa kapanahunan ng Pagdatal. Sa Gabi o Araw ng Pasko, ang sanggol ay iddagdag sa senaryo. Ang tatlong Mago naman ay idadagdag sa araw ng Epipanya. Basahin ang Lucas 2:1-7 bago ang pagbabasbas ng Belen.

23 Una kong ginamit ang ritwal sa pagbabasbas ng Christmas Tree noong ako ay nadestino sa Pioneer United Methodist

Church, Poblacion, Mlang, Cotabato, Disyembre taong 2004. 24 Una kong ginamit ang pagbabasbas ng Belen o Nativity Scene noong ako ay nadestino sa Pioneer United Methodist Church,

Poblacion, Mlang, Cotabato, Disyembre taong 2004

Page 87: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

87 | P a g e

Ang lahat ay magsitayo. Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang. Lahat: Amen.

Basahin ng naatasang Tagabasa ang Lucas 2:1-7 Tagabasa: Ang Ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Komunidad: Papuri sa Iyo, Panginoong Jesu-Cristo. Pastor: Tayo ay manalangin.

Diyos ng lahat ng lahi at bayan, mula pa sa simula ng paglikha ay naihayag Mo ang Iyong pag-ibig. Noong naghahangad kami ng Tagapagligtas ay sinugo mo ang Iyong Anak na isinilang ni Birheng Maria. Na sa aming mga

buhay ay nagdulot ng kagalakan at kapayapaan, hustisya, awa, at pag-ibig.

Panginoon, basbasan mo kaming lahat na tumitingin nitong belen; nawa‟y ito ay magpapaalala sa amin sa pagsilang ni Jesus na may kapakumbabaan; mamulat kami sa kanyang mga aral, na kasama namin ang Diyos, tagapagligtas

ng lahat, na nakikipamuhay sa amin at naghahari noon pa man, ngayon, at magpakailanman. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water. - Mula sa BOOK OF BLESSINGS, USA, 20TH CENT., ALT

- UMC Book of Worship, 1992 ++++++++++++++++++++++++++

PAGBABASBAS NG ORCHARD O ORGANIC FARM25

Ito ay isagawa matapos ang Sermon gamit ang Basic Pattern of Worship. Ang lahat ay magtitipon sa Orchard. Habang naghahanda ay inaawit ang isang angkop na imno.

Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Ang Diyos na Magulang ang ating saklolo. Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa.

Sa diwang ito, basahin ng isa sa mga acolyte ang Awit 8. At aawitin ng komunidad ang Doxology bilang tugon.

Pastor: Ang biyaya ng Diyos ay sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Manalangin tayo. Diyos ng Sangnilikha, kinikilala namin ang sanlibutang ito na iyong kaloob. Ang pagkain at mga halamang mula sa lupa ay mula rin sa langit. Tulungan niyo kaming makita sa mga biyayang kaloob ng lupa ang iyong presensya, pag-ibig at pagkalinga, lalong higit sa orchard na ito. Basbasan mo ang orchard na ito, gawin mong sangtuaryo ng iba’t ibang mga puno, halaman, at bungang-kahoy. Igawad mo rin sa amin ang kapakumbabaan at kasigasigan sa pangagalaga ng mga pananim na nakapaloob sa orchard. Tulungan niyo po kaming maging mabuting katiwala sa mga ito. At sa pangangalaga namin ay higit naming maunawaan ang kabanalan ng iyong sangnilikha. Mula sa orchard na ito, kami ay makabahagi sa pagtugon sa pangangailangan ng aming kapwang salat sa pagkain, masangkapan sila ng kalakasan at maturuang purihin ka sa pamamagitan ng pangangalaga ng iyong mga nilikha. Kay Cristo-Jesus kasama ng Santo Espiritu, magpasawalang hanggan. Amen.

Wiwisikan ng Holy Water at Organikong pataba ang Orchard. Babalik ang lahat sa dakong pinagtitipunan. Ang pagsamba ay magpapatuloy. Mainam na isunod dito ang PASASALAMAT AT KOMUNYON, o di kaya ANG

PAGPAPAHAYO.

25

Ito ay naihanda at ginamit bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-20 Foundation Anniversary ng Southern Philippines Methodist Colleges Incorporated, July 25, 2014, 8:00 ng umaga.

Page 88: MANWAL SA PAGDIRIWANG NG BUHAY · Ang terminong liturhiya (liturgy) ay hango sa salitang Griyego na “leitourgia”, na ibig sabihin ay “gawa o kilos ng mga tao”, o “serbisyo

88 | P a g e

Si REV. JERIC C. CORTADO ay ordained elder ng Mindanao Philippines Annual Conference ng United Methodist Church. Pumasok sa ministeryo noong taong 1997. Nagtapos ng Bachelor of Arts major in Theology sa Southern Philippines Methodist Colleges, Inc. (SPMCI) sa taong 2001. Nagtapos din ng Master of Divinity sa Union Theological Seminary (UTS), Dasmariñas, Cavite, Philippines sa taong 2007 kung saan ginawaran ng Sonco-Laus Liturgy, Music, and the Arts Award at Liberato Bautista Church and Society Award. Nadestino sa iba’t ibang iglesia lokal at programa ng Mindanao Philippines Annual Conference (UMC). Sa kasalukuyan ay guro ng SPMCI sa Ecumenics, Christian Theology, Christian Liturgy and Worship, at Sacramental Theology and Practice. Kasal kay Bb. Cristine O. de Guzman, Deaconess ng United Methodist Church, at magulang ni Sofia Rev de Guzman-Cortado.

+++++++++++++++++++++++++++++++

MGA PINAGBATAYAN

1. (2004) Ang Aklat ng Pagsamba (The Book of Services). Philippines: PCC-UMC-BCEC. 2. (1993) ANG PAGDIRIWANG NG BUHAY. Philippines: UCCP-SLJC-Christian Education and Nurture. 3. Bedell, Kenneth B. (1976) Worship in the Methodist Tradition. USA: Discipleship Resources Tidings. 4. Donghi, Antonio. (1975) Actions and Words: Symbolic Language and the Liturgy. USA: The Liturgical Press. 5. Hann, Ferdinand. (1973) The Worship of the Early Church. USA: Fortress Press. 6. Hickman, Hoyt L. (1996) Worshipping With United Methodist: A Guide for Pastors and Church Leaders.

Nashville: Abingdon Press. 7. Hurtado, Larry H. (1999) At the ORIGINS of CHRISTIAN WORSHIP: The Context and Character of Earliest

Christian Devotion. USA: William B. Eerdmans Publishing Company. 8. Khoo, Lorna Lock-Nah. (2005) Wesleyan Eucharistic Spirituality: Its Nature, Sources and Future. Australia:

Australian Theological Forum Press. 9. Langford, Thomas Anderson III (Gen. Ed.). (2002) THE UNITED METHODIST BOOK OF WORSHIP. USA: The

United Methodist Publishing House. 10. Martin, Ralph P. (2000) WORSHIP IN THE EARLY CHURCH. Grand Rapids: William B. Eerdmans Publishing

Company. 11. Maxwell, William D. (1960) An Outline of CHRISTIAN WORSHIP: Its Developments and Forms. Great Britain:

Oxford University Press. 12. Richter, Klemens. (1993) The Meaning of Sacramental Symbols. Philippines: Claretian Publications. 13. Tapang, Sr. Mary Margaret, pddm. (2002) ANG LITURHIYA SA PAMILYA: Mga Pagdiriwang ng Pagbabasbas.

Philippines: Pious Disciples of the Divine Master. 14. Voigt, Edwin E. (1965) METHODIST WORSHIP IN THE UNIVERSAL CHURCH. USA: Graded Press. 15. White, James F. (1980) INTRODUCTION TO CHRISTIAN WORSHIP. USA: Abingdon Press. 16. Willimon, William H. (1981) SUNDAY DINNER: The Lord‟s Supper and the Christian Life. USA: The Upper

Room. 17. _________________. (1980)Word, Water, Wine and Bread: How Worship Has Changed over the Years. USA:

Judson Press. 18. Willimon, William H. and Wilson, Robert L. (1980) “Preaching and Worship in the Small Church” in Creative

Leadership Series. Ed. By Lyle E. Schaller. USA: Abingdon Press. 19. Womack Edwin B. (2004) COME, FOLLOW ME: A Study Book for Acolytes. USA: CSS Publishing Company, Inc. 20. (2005) THE UNITED METHODIST HYMNAL. USA: The United Methodist Publishing House. 21. (2004) This Holy Mystery: A United Methodist Understanding of Holy Communion. USA: General Board of

Discipleship of the United Methodist Church. 22. www.GBOD.worship