Malusog na katawan at pag-iisip para sa mga Malusog na katawan ...

4
undernourished na mag-aaral ng San Mateo Malusog na katawan at pag-iisip para sa mga Edisyon 45 Setyembre 2013 Pormal na binuksan ng Tzu Chi Foundation Philippines ang feeding program na kinilala bilang “Eating 80 Percent Full and Giving the 20 Percent to Help the Needy” sa 20 paaralan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal. Ang programa ay nagsisilbing kaagapay ng ipinatupad na school-based feeding program ng Department of Education (DepEd) San Mateo District. Sa ilalim ng programa, ang Budistang pangkat ang nagkakaloob ng allowance sa mahigit 1,800 undernourished na mag-aaral sa elementarya at hayskul. Ang mga kabataang ito ay bahagi lamang ng tinatayang kalahating milyon ng mga mag- aaral na nagugutom sa Pilipinas. Kaugnay sa ulat ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), ang undernourishment o kakulangan sa nutrisyon ay ang pangunahing salik kung bakit “bawat tatlo sa Pilipinong may edad anim hanggang 10 ay kulang sa bigat at sa taas o maliit para sa kanilang edad.” Bawat araw, may nakalaan na P20 allowance para sa mga mag-aaral sa elementarya, habang P25 naman para sa hayskul. Ito ay nasa anyo ng meal stub na maaaring ipambili ng masustansyang pagkain sa kantina ng paaralan. Sapagkat isinusulong ng Tzu Chi Foundation ang pangangalaga sa kapaligiran, ang mga paaralan ay hinihikayat na maghain ng vegetarian meals. Upang personal na maiparating sa mga mag-aaral, guro at magulang ang mabuting adhikain ng programa, nagsagawa ng mga oryentasyon ang mga Tzu Chi volunteers; nagkaroon ito ng 48 sesyon sa mga kalahok na paaralan buhat noong Hulyo 29 hanggang Agosto 8. Panimula ng magandang ugnayan Bilang panimula ng proyekto, ang mga Tzu Chi volunteers ay nakipagpulong sa district supervisor at punong guro ng mga paaralan noong Hulyo 2. Sa pagpupulong, pinuri ni District Supervisor Priscilla Flores ang pagsisikap ng Tzu Chi Foundation Philippines bilang katuwang ng kanilang school- based feeding program. Inamin niyang malaking tulong ito dahil hindi makakayang suportahan ng pondo ng paaralan ang lumalaking bilang ng mga undernourished na kabataan. Binigyang-diin niyang laganap ang malnutrisyon lalung- lalo na sa elementarya. “Kung nagugutom ang mga bata, nakaaapekto ito sa kanilang pagpopokus sa pag- aaral at nagiging mahina sa klase. Nagpapasalamat ako sa pakikiisa ng Tzu Chi Foundation at maaasahan nila ang aming buong suporta. Sinundan ito ng pag-anyaya sa mga guro at punong guro mula sa San Mateo na bumisita sa pangunahing tanggapan ng organisasyon sa Quezon City noong Hulyo 6. Umabot sa 563 guro at punong guro ang dumalo. Pagpili ng mga benepisyaryo Upang matukoy ang mga magiging benepisyaryong mag- aaral, ang mga guro ang kumuha ng kanilang Body Mass Index (BMI) na may kaugnayan sa kanilang taas at timbang. “Maliban sa pagkuha ng kanilang BMI, ang mga mag- aaral na undernourished ay binisita rin namin sa bahay upang malaman ang tunay na kondisyon ng kanilang pamilya. Ang mga mag-aaral na nakita naming nangangailangan ay ang pangunahin naming ibinilang sa programa ng Tzu Chi,” banggit ni Cecilia Gonzales, guro ng Doña Pepeng Elementary School na namamahala sa mga mag-aaral na undernourished. Sa bahagi ng paaralan, limitado ang kanilang badyet para sa feeding program; 30 mag-aaral lamang ang nasusuportahan at hanggang 100 araw lamang ito. Sa pagpapatuloy ng gawain, ang ikalimang baytang na mag-aaral na si Kenneth Gillado ay kabilang sa nakararanas ng undernourishment. Sapagkat nabibilang siya sa isang pamilyang may siyam na kasapi, inamin niyang limitado lamang ang kanilang pagkain. Nakasanayan na niya at ng anim pang kapatid sa kanilang araw-araw na pamumuhay ang iregular na almusal, kaunting pananghalian at minsan na pagtulog sa gabi kahit nagugutom. Sa kabilang banda, inihayag ng National Economic and Development Authority na ang mga malalaking pamilya tulad ng kina Gillado ay mayroong “mataas na posibilidad na magutom.” “Minsan nagtitiis na lamang kami sa kape bilang ulam. Nangyayari ito kapag walang kinita ang mga magulang ko upang ipambili ng bigas,” pagbabahagi niya. Si Gillado ay kasalukuyang nasa pangalawang beses na sa ikalimang baytang sa Banaba Elementary School. Sa paglulunsad ng feeding program, ang mga benepisyaryong katulad ni Gillado ay pinagkalooban ng isang gift pack na naglalaman ng biskwit at chocolate drinks, habang ang mga nasa mababang lebel ay binigyan ng bitamina at isang lata ng gatas. Samantala, nakatanggap din sila ng meal stub na magagamit sa 20 araw. Tuwing makalawang linggo, babayaran ng Tzu Chi Foundation ang lahat ng naipong stubs o kabuuang konsumo ng mga benepisyaryong mag-aaral. Maliliit na patak ng pagmamahal Sa bawat sesyon, ibinahagi ng Tzu Chi volunteer na si Michael Siao sa mga mag-aaral ang kasalukuyang kalagayan ng mga kapus-palad sa Pilipinas at sa buong mundo. Sa isang inilabas niyang estadistika, sinabi ni Siao na sa Pilipinas 4 milyon katao ang nakararanas ng malnutrisyon habang sa buong mundo 7.6 milyon katao ang namamatay dahil sa gutom. Ngunit, 1/3 bahagi ng suplay ng pagkain sa buong mundo ang tinatapon lamang. “Kung ihahambing natin ang kalagayan ngayon, masasabi nating mas mapalad tayo kaysa sa mga taong nakararanas ng gutom. Ang proyekto namin sa mga paaralan ninyo ay tulad ng pagbibigay ng bawat isa sa inyo ng isang kutsarang kanin para mapakain ang isang kaklase ninyong nagugutom. Kapag inipon ang tig-isang kutsara ninyo, makakapuno kayo ng mahigit sa isang tasa ng kanin at sobra pa ito para sa isang taong nagugutom,” banggit ni Siao. Kaugnay nito, hinikayat niya ang mga mag-aaral na tumulong sa ibang nangangailangan nang binigyang-diin niyang “Ang pagtulong ay isang bagay na hindi maaaring makapaghintay. Hindi mahalaga kung magkano ang inyong ibinigay ngunit pinakamahalaga, ang puso ninyong gustong makatulong. “Sa pagbibigay lamang ng kahit P1 isang araw ay makatutulong na tayo upang mabawasan ang mga batang nagugutom lalo na rito sa San Mateo,” dagdag niya. Ang bawat klase ay binigyan ng alkansya, habang may tracking record ang bawat bata kung saan nila maitatala ang kanilang donasyon. Sa talaan, maaari rin nilang anyayahan ang kanilang mga magulang upang mag-ambag sa programa. Sa kabilang banda, pangungunahan ng mga guro ang pagsubaybay sa donasyon ng kanilang mga mag-aaral at kokolektahin ito ng mga kawani ng Tzu Chi sa pagtatapos ng buwan. Maliban sa pagkakaloob ng perang donasyon, ayon kay Siao, maaari ring mag-ambag ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga recyclables. Upang mas mahikayat na magdala ang mga estudyante, ginawa itong paligsahan ng Tzu Chi Foundation kung saan ipinaliwanag din ni Siao ang pointing system. Ang mga Tzu Chi volunteers ay ang maglalaan ng mga recycle bins, mamamahala sa pangongolekta at pagtitimbang ng mga donasyong recyclables ng bawat klase. Sa kabilang banda, tungkulin ng mga mag-aaral na paghiwa-hiwalayin nang mabuti ang mga recyclables upang hindi mabawasan ang kanilang points. Sa buong taong-aralan, ang klase at ang gurong tagapayo nito na may pinakaraming ibinigay na recyclables ay magkakamit ng gantimpala. “Sa pamamagitan ng Malusog na katawan at pag-iisip para sa mga undernourished na mag-aaral ng San Mateo Sa panulat at kuhang larawan nina Lineth Brondial at Nyanza Nakar Buod at salin sa Filipino ni Nyanza Nakar pIpinagmamalaki ng mga mag-aaral ng Sto. Niño Elementary School ang kanilang donation track booklet bilang pagpapakita ng suporta sa proyektong “Eating 80% Full and Sharing 20% to the Needy” ng Tzu Chi Foundation. pPormal na binuksan ng mga Tzu Chi volunteers, guro, at mag-aaral ang feeding program nang ginanap ang unveiling ceremony nito. Ang Pintong Bukawe Elementary School ay kabilang sa 20 publikong paaralan sa San Mateo, Rizal na matutulungan ng programa. Kung ang bawat isa ay papairalan ang pagmamahal sa kanilang puso; maiipon ang kabutihan at biyaya, at makalilikha ng pagdaloy ng kabaitan. -- Master Cheng Yen Nag-alay ng konsyerto ng pasasalamat ang Tzu Chi Philippines para sa mga donors at tagasuporta ng educational assistance program nito noong Hulyo 28 na ginanap sa Still Thoughts Hall, ang punong tanggapan ng samahan na matatagpuan sa Quezon City. Itinampok sa palabas ang mga artista ng Taiwan na gumanap sa mga pangunahing papel ng Da Ai Television series na “Love in the Sunshine.” Ang huling nabanggit ay isang episode drama na nagpapakita ng buhay ng tatlong chief executive officers (CEO) ng sangay ng organisasyon sa bansa. Ito ay ipinalabas noong Abril hanggang Mayo ng kasalukuyang taon sa Da Ai TV, isang estasyon ng telebisyon na pagmamay- ari at pinatatakbo ng punong tanggapan ng Tzu Chi Foundation sa Taiwan. Nag-alay rin ng natatanging bilang ang mga benepisyaryo ng programa mula sa elementarya, sekundarya, at kolehiyo. Sa kasalukuyan, 1,097 mag-aaral nasa ilalim ng educational assistance program ng Tzu Chi Foundation Philippines. Maliban sa pagsuporta sa kanilang pangangailangan tulad ng tuition fees, allowance, at schools uniforms, naglulunsad ng mga gawain ang organisasyon na naglalayong mahubog ang wastong asal ng mga mag-aaral. Isang konsyerto ng pasasalamat, pagbabahagi ng inspirasyon (Sundan sa pahina 3)

Transcript of Malusog na katawan at pag-iisip para sa mga Malusog na katawan ...

Page 1: Malusog na katawan at pag-iisip para sa mga Malusog na katawan ...

undernourished na mag-aaral ng San Mateo

Malusog na katawan at pag-iisip para sa mga

Edisyon 45Setyembre 2013

Pormal na binuksan ng Tzu Chi Foundation Philippines ang feeding program na kinilala bilang “Eating 80 Percent Full and Giving the 20 Percent to Help the Needy” sa 20 paaralan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal. Ang programa ay nagsisilbing kaagapay ng ipinatupad na school-based feeding program ng Department of Education (DepEd) San Mateo District.

Sa ilalim ng programa, ang Budistang pangkat ang nagkakaloob ng allowance sa mahigit 1,800 undernourished na mag-aaral sa elementarya at hayskul.

Ang mga kabataang ito ay bahagi lamang ng tinatayang kalahating milyon ng mga mag-aaral na nagugutom sa Pilipinas. Kaugnay sa ulat ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), ang undernourishment o kakulangan sa nutrisyon ay ang pangunahing salik kung bakit “bawat tatlo sa Pilipinong may edad anim hanggang 10 ay kulang sa bigat at sa taas o maliit para sa kanilang edad.”

Bawat araw, may nakalaan na P20 allowance para sa mga mag-aaral sa elementarya, habang P25 naman para sa hayskul. Ito ay nasa anyo ng meal stub na maaaring ipambili ng masustansyang pagkain sa kantina ng paaralan. Sapagkat isinusulong ng Tzu Chi Foundation ang pangangalaga sa kapaligiran, ang mga paaralan ay hinihikayat na maghain ng vegetarian meals.

Upang personal na maiparating sa mga mag-aaral, guro at magulang ang mabuting adhikain ng programa, nagsagawa ng mga oryentasyon ang mga Tzu Chi volunteers; nagkaroon ito ng 48 sesyon sa mga kalahok na paaralan buhat noong Hulyo 29 hanggang Agosto 8.

Panimula ng magandang ugnayan

Bilang panimula ng proyekto, ang mga Tzu Chi volunteers ay nakipagpulong sa district supervisor at punong guro ng mga paaralan noong Hulyo 2.

Sa pagpupulong, pinuri ni District Supervisor Priscilla Flores ang pagsisikap ng Tzu Chi Foundation Philippines bilang katuwang ng kanilang school-

based feeding program. Inamin niyang malaking tulong ito dahil hindi makakayang suportahan ng pondo ng paaralan ang lumalaking bilang ng mga undernourished na kabataan.

Binigyang-diin niyang laganap ang malnutrisyon lalung-lalo na sa elementarya.

“Kung nagugutom ang mga bata, nakaaapekto ito sa kanilang pagpopokus sa pag-aaral at nagiging mahina sa klase. Nagpapasalamat ako sa pakikiisa ng Tzu Chi Foundation at maaasahan nila ang aming buong suporta.

Sinundan ito ng pag-anyaya sa mga guro at punong guro mula sa San Mateo na bumisita sa pangunahing tanggapan ng organisasyon sa Quezon City noong Hulyo 6. Umabot sa 563 guro at punong guro ang dumalo.

Pagpili ng mga benepisyaryoUpang matukoy ang mga

magiging benepisyaryong mag-aaral, ang mga guro ang kumuha ng kanilang Body Mass Index (BMI) na may kaugnayan sa kanilang taas at timbang.

“Maliban sa pagkuha ng kanilang BMI, ang mga mag-aaral na undernourished ay binisita rin namin sa bahay upang malaman ang tunay na kondisyon ng kanilang pamilya. Ang mga mag-aaral na nakita naming nangangailangan ay ang pangunahin naming ibinilang sa programa ng Tzu Chi,” banggit ni Cecilia Gonzales, guro ng Doña Pepeng Elementary School na namamahala sa mga mag-aaral na undernourished.

Sa bahagi ng paaralan,

limitado ang kanilang badyet para sa feeding program; 30 mag-aaral lamang ang nasusuportahan at hanggang 100 araw lamang ito.

Sa pagpapatuloy ng gawain, ang ikalimang baytang na mag-aaral na si Kenneth Gillado ay kabilang sa nakararanas ng undernourishment. Sapagkat nabibilang siya sa isang pamilyang may siyam na kasapi, inamin niyang limitado lamang ang kanilang pagkain. Nakasanayan na niya at ng anim pang kapatid sa kanilang araw-araw na pamumuhay ang iregular na almusal, kaunting pananghalian at minsan na pagtulog sa gabi kahit nagugutom.

Sa kabilang banda, inihayag ng National Economic and Development Authority na ang mga malalaking pamilya tulad ng kina Gillado ay mayroong “mataas na posibilidad na magutom.”

“Minsan nagtitiis na lamang kami sa kape bilang ulam. Nangyayari ito kapag walang kinita ang mga magulang ko upang ipambili ng bigas,” pagbabahagi niya.

Si Gillado ay kasalukuyang nasa pangalawang beses na sa ikalimang baytang sa Banaba Elementary School.

Sa paglulunsad ng feeding program, ang mga benepisyaryong katulad ni Gillado ay pinagkalooban ng isang gift pack na naglalaman ng biskwit at chocolate drinks, habang ang mga nasa mababang lebel ay binigyan ng bitamina at isang lata ng gatas.Samantala, nakatanggap din sila ng meal stub na magagamit sa 20 araw.

Tuwing makalawang linggo, babayaran ng Tzu Chi Foundation ang lahat ng naipong stubs o kabuuang konsumo ng mga benepisyaryong mag-aaral.

Maliliit na patak ng pagmamahalSa bawat sesyon, ibinahagi

ng Tzu Chi volunteer na si Michael

Siao sa mga mag-aaral ang kasalukuyang kalagayan ng mga kapus-palad sa Pilipinas at sa buong mundo.

Sa isang inilabas niyang estadistika, sinabi ni Siao na sa Pilipinas 4 milyon katao ang nakararanas ng malnutrisyon habang sa buong mundo 7.6 milyon katao ang namamatay dahil sa gutom. Ngunit, 1/3 bahagi ng suplay ng pagkain sa buong mundo ang tinatapon lamang.

“Kung ihahambing natin ang kalagayan ngayon, masasabi nating mas mapalad tayo kaysa sa mga taong nakararanas ng gutom. Ang proyekto namin sa mga paaralan ninyo ay tulad ng pagbibigay ng bawat isa sa inyo ng isang kutsarang kanin para mapakain ang isang kaklase ninyong nagugutom. Kapag inipon ang tig-isang kutsara ninyo, makakapuno kayo ng mahigit sa isang tasa ng kanin at sobra pa ito para sa isang taong nagugutom,” banggit ni Siao.

Kaugnay nito, hinikayat niya ang mga mag-aaral na tumulong sa ibang nangangailangan nang binigyang-diin niyang “Ang pagtulong ay isang bagay na hindi maaaring makapaghintay. Hindi mahalaga kung magkano ang inyong ibinigay ngunit pinakamahalaga, ang puso ninyong gustong makatulong.

“Sa pagbibigay lamang ng kahit P1 isang araw ay makatutulong na tayo upang mabawasan ang mga batang nagugutom lalo na rito sa San Mateo,” dagdag niya.

Ang bawat klase ay binigyan ng alkansya, habang may tracking record ang bawat bata kung saan nila maitatala ang kanilang donasyon. Sa talaan, maaari rin nilang anyayahan ang kanilang mga magulang upang mag-ambag sa programa. Sa kabilang banda, pangungunahan ng mga guro ang pagsubaybay sa donasyon ng kanilang mga mag-aaral at kokolektahin ito ng mga kawani ng

Tzu Chi sa pagtatapos ng buwan.Maliban sa pagkakaloob ng

perang donasyon, ayon kay Siao, maaari ring mag-ambag ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga recyclables. Upang mas mahikayat na magdala ang mga estudyante, ginawa itong paligsahan ng Tzu Chi Foundation kung saan ipinaliwanag din ni Siao ang pointing system.

Ang mga Tzu Chi volunteers ay ang maglalaan ng mga recycle bins, mamamahala sa pangongolekta at pagtitimbang ng mga donasyong recyclables ng bawat klase. Sa kabilang banda, tungkulin ng mga mag-aaral na paghiwa-hiwalayin nang mabuti ang mga recyclables upang hindi mabawasan ang kanilang points.

Sa buong taong-aralan, ang klase at ang gurong tagapayo nito na may pinakaraming ibinigay na recyclables ay magkakamit ng gantimpala.

“Sa pamamagitan ng

Malusog na katawan at pag-iisip para sa mga

undernourished na mag-aaral ng San MateoSa panulat at kuhang larawan nina Lineth Brondial at Nyanza Nakar

Buod at salin sa Filipino ni Nyanza Nakar

pIpinagmamalaki ng mga mag-aaral ng Sto. Niño Elementary School ang kanilang donation track booklet bilang pagpapakita ng suporta sa proyektong “Eating 80% Full and Sharing 20% to the Needy” ng Tzu Chi Foundation.

pPormal na binuksan ng mga Tzu Chi volunteers, guro, at mag-aaral ang feeding program nang ginanap ang unveiling ceremony nito. Ang Pintong Bukawe Elementary School ay kabilang sa 20 publikong paaralan sa San Mateo, Rizal na matutulungan ng programa.

Kung ang bawat isa ay papairalan ang pagmamahal sa kanilang puso; maiipon ang kabutihan at biyaya, at makalilikha ng pagdaloy ng kabaitan. -- Master Cheng Yen

Nag-alay ng konsyerto ng pasasalamat ang Tzu Chi Philippines para sa mga donors at tagasuporta ng educational assistance program nito noong Hulyo 28 na ginanap sa Still Thoughts Hall, ang punong tanggapan ng samahan na matatagpuan sa Quezon City.

Itinampok sa palabas ang mga artista ng Taiwan na gumanap sa mga pangunahing papel ng Da Ai Television series na “Love in the Sunshine.”

Ang huling nabanggit ay isang episode drama na nagpapakita ng buhay ng tatlong chief executive officers (CEO) ng sangay ng organisasyon sa bansa. Ito ay ipinalabas noong Abril hanggang Mayo ng kasalukuyang taon sa Da Ai TV, isang estasyon ng telebisyon na pagmamay-ari at pinatatakbo ng punong tanggapan ng Tzu Chi Foundation sa Taiwan.

Nag-alay rin ng natatanging bilang ang mga benepisyaryo ng programa mula sa elementarya, sekundarya, at kolehiyo.

Sa kasalukuyan, 1,097 mag-aaral nasa ilalim ng educational assistance program ng Tzu Chi Foundation Philippines. Maliban sa pagsuporta sa kanilang pangangailangan tulad ng tuition fees, allowance, at schools uniforms, naglulunsad ng mga gawain ang organisasyon na naglalayong mahubog ang wastong asal ng mga mag-aaral.

Isang konsyerto ng pasasalamat, pagbabahagi ng inspirasyon

(Sundan sa pahina 3)

Page 2: Malusog na katawan at pag-iisip para sa mga Malusog na katawan ...

delikado.”Inilagay ng matandang

lalaki ang mga imahen kung saan niya sinabi. Kaunti lamang ang mga taong sumasamba sa hindi mahiwagang bodhisattva kahit malawak at madali lamang puntahan.

Sa kabilang banda, maraming tao ang patuloy na tumutungo sa mataas na bundok upang sambahin ang mahiwagang bodhisattva. Ang dating daanan patungo s a bundok n a puno ng mga damo, s a n g a , at yantok ay naging maluwag na kalsada dahil madalas itong naaapakan. Ang imahen ay tunay na mahiwaga. Ang sinumang hihiling ng mabuting kalusugan ay bibiyayaan nito; kung sino ang may gusto ng kayamanan ay makakakuha nito. Samakatwid, maraming insenso at kandila ang nasunog dito.

Makalipas ang tatlong dekada, ang lahat ng taga-nayon ay nakamtam ang kayamanan at mabuting kalusugan. Ang ilan sa

Inspirasyon Setyembre 20132Pamukaw-diwang pananalita ni Master

Ang Pagbabahagi ng Kwento ni Master

Sa tulong ng Tzu Chi volunteers sa 50 bansa, kapag may naganap na sakuna sa sariling bansa ay makararating agad ang mga volunteers na malapit upang maghatid ng tulong at kalinga sa mga nangangailangan.

Sa pamamagitan lamang ng mga relief distribution ng Tzu Chi volunteers sa mga kalamidad ay mas nakilala ito ng isang opisyal ng pamahalaan. Upang mas matuto pa, ang opisyal na ito ay tumungo sa punong tanggapan ng foundation sa Hualien. Sapagkat naantig ang kanyang kalooban at nabigyan ng inspirasyon mula sa diwa ng walang pag-iimbot na pagmamahal na nasaksihan niya mula sa mga Tzu Chi volunteers at sa kanilang gawain, sa kabila ng pagiging Asian o Budista,

ang opisyal na ito ay ipinahayag ang kanyang pagnanais kay Master Cheng Yen na maging disipulo nito. Sa pagtanggap sa kanya, naglaan ng

oras ang Master upang ipaliwanag ang mga sumusunod na konsepto upang maging isa siyang disipulo, siya ay magkakaroon ng tamang pananaw tungkol sa relihiyon at mababagtas ang tamang landas sa kanyang pagbalik sa kanyang bansa:

“Ang katotohanan ay lahat ng mga nilalang, anuman ang kanilang relihiyon, ay magkakapantay. Ang relihiyon, sa katunayan, ay tungkol sa tunay na mga prinsipyo ng buhay. Kapag nagbibigay ng tamang aral ang relihiyon tungkol sa mga prinsipyong ito, sa pamamagitan ng pagsunod, ang mga tao ay makagagawa ng maraming kabutihan at makatutulong sa sangkatauhan. Ngunit, ang sabi ng ibang tao, sa ngalan ng

relihiyon, ay ginagamit ito upang makapagtatag ng kataas-taasang kapangyarihan. Ang totoo, ang mga tunay na relihiyon ay madalas na hinahangad na maunawaan ng mga tao na sila ay isinilang nang pantay-pantay at may taglay na kabutihan. Tuturuan nila ang mga tao na maging sila ay maaaring magkaroon ng kaliwanagang katulad ng mga pantas at banal na taong nagtamo nito – sa kabuuan bawat isa at lahat tayo ay mayroong kakayahan na maging isang Buddha, isang ‘Naliwanagang Nilalang’.”

Ang pagtatamo ng kaliwanagan ay pareho sa ating lahat, tanging ang ating puso ang naliligaw ng landas kung ano ang tama at totoo. Kapag ang ating isipan ay nawala sa tamang landas, ang ating pag-iisip at hangarin ay nagiging kumplikado at magsisikap tayong malampasan ang ibang tao. Dito nagsisimula ang paligsahan sa kapangyarihan, at ito ay nagdudulot ng away at kalupitan, giyera, krisis, at paghihirap ng mga tao.”

“Ito ay nagsisimula sa ating mga tao na nagiging makasarili. Kaya’t gusto nating kontrolado ang mga bagay. Ang paghahangad sa mga materyal na bagay ay walang katapusan. Dahilan dito, ang ating lipunan ay nakatuon sa pagpapalago ng kayamaman, kasabay ng paglikha at pagpapalawak ng mga negosyo. Sa prosesong ito, ang ating lupa at kapaligiran ay pinagmamalabisan at nasisira. Ngunit ang tunay na nasisira ay ang ating konsensya – ang ating moral na prinsipyo at pagkatao. Ang ating lipunan ay nasisira na rin. Dahilan sa pagsisikap ng bawat isa na umasenso, nagkakaroon ng malaking puwang ang mayayaman at mahihirap, na humahantong sa pagkakaiba, tensyon, at labanan. Nangyayari ang lahat ng ito dahil ang puso at isipan natin ay hindi na alam ang totoo at tama.

Ibinilin din ng Master na: “Dapat nating igalang ang lahat ng tao at kusang-loob na magbigay ng pagmamahal sa lahat – ito

ay ang ‘Dakilang Pagmamahal.’ Dapat tayong kumalinga sa mga tao nang may pagmamahal at walang anumang personal na interes. Ang ating mga motibo ay hindi dapat makasarili. Ito ay ang itinuturo sa atin ni Buddha. Sinabi rin ni Buddha na hindi lamang siya ang taong nagtamo ng kaliwanagang nakauunawa sa lahat ng katotohanan. Idinagdag niyang hindi siya makapangyarihang nilalang ngunit katulad lamang natin: siya at ang lahat ng nilalang sa mundo ay magkakapantay. Tulad niya, maaari tayong maliwanagan at maging isang katulad ni Buddha.

“Dahilan sa ang lahat ng tao ay ipinanganak na magkakapantay, dapat nating igalang ang bawat isa. Dapat din tayong magpasalamat sa bawat tao,

dahil sa suporta at kontribusyon ng mga tao ay mayroon tayong pagkakataong gumawa ng kabutihan at makatulong sa tao. Kaya’t dapat nating matutunan ang pasasalamat at paggalang sa bawat isa.”

“Ang pagpapahalaga sa pagkakapantay-pantay ng mga nilalang, at pagpapasalamat, pagmamahal at paggalang sa bawat isa at sa sinuman – ito ay ang mga pangunahing bagay sa Budismo, at pagsasabahuhay ng mahahalagang mga aral.”

Sa pagtanggap ng kanyang mga pangaral nang maligaya, ang opisyal ay nagpasalamat kay Master at nangakong ipalalaganap ang diwa ng Dakilang Pagmamahal kapag nakabalik na siya sa kanyang bansa.

Paghubog ng pusong taglay ang diwa ng pagkakapantay-pantay

Itinala sa Ingles ng Jing Si Abode English Editorial Team Tinumbasan sa Filipino ni Nyanza Nakar

Mahiwaga o Hindi MahiwagaAng kasakiman ay nagdudulot ng kahirapan. Kung wala tayong mga

hinahangad mula sa ating mga puso, maiiwasan natin ang pagkabalisa.

Noong unang panahon, mayroong isang nayon sa Japan na may mataas na bundok sa gawing silangan at isang malawak na kapatagan sa kanluran. Isang araw, isang matandang lalaki ang pumunta sa nayong ito. Mayroon siyang nakapasang dalawang imahen ng Earth Treasury Bodhisattva, isa sa kanyang harap at isa sa likod. “Alam mo ba kung gaano na ako katanda?” sigaw niya. “Ako ay 330 taong gulang na, at dala-dala ko ang dalawang imaheng ito sa loob ng dalawang daang taon…”

Ang mga taga-nayon ay nagtipon-tipon sa paligid niya, at siya ay nagpatuloy. “Maghahanap ako ng mga lugar kung saan ko maiiwanan ang dalawang imaheng ito upang sambahin ng mga tao. Ang isa sa kanila ay mahiwaga. Anuman ang iyong ipagdasal ay makukuha mo. Ang isa naman ay hindi sumasagot at hindi tumutugon sa anumang panalangin. Ilalagay ko itong hindi mahiwaga sa kapatagan at magpapagawa ng kalsada upang madali itong mapuntahan ng mga tao. Habang ang isang mahiwaga, ilalagay ko ito sa mataas na mga bundok. Dahil ibinibigay niya ang anumang hilingin ng kahit sino, gagawa ng paraan ang mga tao na maabot siya gaano man kahirap o

mga tao ay naisip na, “Ang ganitong buhay ay matamlay – dapat akong humanap ng ibang paraan upang maging mas mayaman sa ibang tao.” Kaya’t ang iba ay nagsimulang humiling sa bodhisattva na bigyan ng sakit at gawing mahirap ang ilan sa mga taga-nayon. Dahil laging tumutupad sa kahilingan ang bodhisattva, ang sumpa ay nagkatotoo rin.

Sa sumunod na dalawampung taon, ang

mga taga-nayon

ay naging mas malubha kaysa noong limampung taong nakalipas. Sila ay naging tamad dahil hinihiling na lamang nila sa mahiwagang bodhisattva ang anumang gustuhin. Hindi na sila nagtatrabaho nang mabuti at nawala ang kanilang kakayahang kumita. Kaya’t nang humirap ang pamumuhay, wala silang anumang mapagkukunan. Ang kanilang kahinaan ay nagpatindi ng kanilang pagsumpa sa isa’t isa, at ang mga taga-nayon ay naging mahirap ang

pamumuhay.Matapos ang isandaang

taon, ang matandang lalaki ay muling nagpakita sa nayon. “Ang mahiwagang bodhisattva ay hindi nakabubuti sa mga tao,” ang sinabi niya sa mga taga-nayon. “Ang mga tao ay tunay na sakim at gumagawa ng mga bagay na

nakasasama sa kapwa nila at hindi mabuti para sa kanilang sarili. Ang kasakimang ito ay nagdudulot ng kahirapan. Ngayon, dapat

ninyong sambahin nang buong puso ang hindi mahiwagang bodhisattva. Hindi man

niya ibigay sa iyo ang kailangan mo, hindi siya magdudulot ng masama sa iyo. Kailangan mo lamang

pagtibayin ang iyong pananampalataya nang walang hinihintay na kapalit.”

Dahil hindi ito tumugon sa mga panalangin kailanman, ang imahen ng Earth Treasury Bohisattva ay hindi na sinamba sa loob ng ilang siglo. Ang daan patungo sa imahen ay tinubuan na ng damo; at natagalan ang matandang lalaki upang mahanap ang imahen. Ngayon, ang mga tao ay hindi na umaakyat ng bundok upang sumamba sa mahiwagang bodhisattva. Sa halip, sila ay

taos pusong pumupunta upang sambahin ang hindi mahiwagang bodhisattva. Dahil sa wala nang mga kagustuhan, sila ay nagtrabaho nang mabuti upang mabago ang kani-kanilang buhay.

Matapos ang ilang taon, ang nayon ay naging mas mapayapa. Ang mga taga-nayon ay nagtrabaho nang mabuti at iginalang ang bawat isa, at sila ay namuhay nang mapayapa at maluwag.

************Ang ibang tao ay humihiling

ng higit pa. Kahit mayaman sila, nais pa rin nilang maging mas mayaman upang mahigitan ang ibang tao. Upang matamo ang

kanilang layunin, wala silang pakialam kung makakasama sa ibang tao. Ito ay ang pag-iisip na karaniwan sa mga tao sa mundong ito.

Mas makabubuting tulungan ang iyong sarili mula sa paggabay ng mga bodhisattva. Gawin ang lahat ng iyong makakaya at makagagawa ka ng malaking bagay. Karagdagan dito, dapat mong panatilihin ang isipang hindi naghahangad ng anumang bagay. Kapag wala kang gustong anumang bagay, hindi ka magdurusa sa hindi nakuhang bagay. Ang kasiyahan ay darating sa taong marunong makuntento!

Isinalin sa Ingles ni Norman Yuan Tinumbasan sa Filipino ni Nyanza Nakar

Q:Maaari bang maisagawa ang ispiritwal na paglilinang sa araw-araw na pamumuhay?

A: Ang ispiritwal na paglilinang ay “pagkalma sa magulong isipan” sa kabila ng pagiging abala sa araw-araw na gawain. Hindi mo kailangang tumungo sa mga templo o manahimik sa isang liblib na lugar para sa ispiritwal na paglilinang. Katunayan, dapat kang sumama sa maraming tao upang madisiplina ang iyong sarili at makasalamuha ang iba’t ibang antas ng tao – pagsasanay ng ispiritwal na paglilinang sa kabila ng pagiging abala habang ibinibigay ang lahat ng makakaya sa trabaho.

Q: Kapag nagiging sumpungin ako, bumibisita ako sa mga templo upang magnilay-nilay at nananatili ako ng isang gabi o dalawa. Ngunit, bakit nalulungkot pa rin ako pagkagaling sa mga templo?

A: Ang mga matatalino ay mga taong mataas ang pinag-aralan, ngunit kulang sa karanasan sa maayos at maingat na paghawak ng mga suliranin. Samakatwid, dapat silang maging maluwag at gawin ang dapat ngunit huwag manatili sa nakaraan. Sa kabilang banda, masasayang lamang nila ang mahalagang oras sa walang kabuluhang paghihirap.

Ni Dharma Master Cheng YenIsinalin sa Ingles ni K. K. WongTinumbasan sa Filipino ni Nyanza Nakar

Page 3: Malusog na katawan at pag-iisip para sa mga Malusog na katawan ...

Mga PangyayariSetyembre 2013 3

Ni Dharma Master Cheng Yen

Ang sabi ni Buddha:Huwag pagsisihan ang nakaraanHuwag ding manabik sa hinaharap –Huwag humanap ng gulo!Kalakip ang pagpapakumbaba,Gamitin nang maayos ang kasalukuyan,Upang maging malusog ang pangangatawan at pag-iisip.

Dapat mong gawin ang nakabubuti para sa iyo. Huwag manatili sa nakaraan dahil ang mga iniisip natin ay makagugulo sa ating

isipan. Huwag din isipin ang hinaharap, dahil ang mga bagay na ito ay pantasiya

lamang. Dapat kang magplano, ngunit gamitin mo nang maayos ang kasalukuyan

at isulong ang sariling mithiin sa buhay.

Ang aking buhay ay nakalaan sa pagkakataong ito, dito, at ngayon. Ang aking magagawa sa hinaharap

ay nakasalalay kung ano ang ginagawa ko sa bawat sandali. Ang

hinaharap ay ang naipon mula sa kasalukuyang pagkakataon.

Isang Katolikong pari: “Si Mama Mary ay simbolo ng kabanalan. Matapos kong basahin ang iyong libro, masasabi kong mayroon kang kasintulad na diwa.”Si Mama Mary ay tulad ng Budistang bodhisattva na si Kuan Yin. Ang pagmamahal ni Kuan Yin ay yumayakap sa lahat ng nabubuhay na nilalang. Samakatwid, pareho ang paggalang ko para kay Mama Mary at Kuan Yin.

Isinalin sa Ingles ni E E Ho at W.L. Rathje; tinumbasan sa Filipino ni Nyanza Nakar;iginuhit ni Tsai Chih-chung

Paghahandog ng malaking puso kay Justin

Sa kabila ng kanyang pisikal na ipinagkaiba sa mga karaniwang tao, si Justin Amar ay labis na kinagigiliwan ng sino mang nakakakita sa kanya. Ang mga kondisyong Hallermann-Streiff syndrome at hypopituitarism ay mga naging sanhi ng pagiging bukod-tangi ni Justin.

Sa kanyang gulang na 15, si Justin ay may taas lamang na 35 pulgada o kulang sa tatlong talampakan at tila isang kindergarten ang kanyang pisikal na itsura.

Ayon sa pananaliksik, ang Hallermann-Streiff syndrome ay isang congenital disorder na nakakaapekto sa paglaki, ganap na paghubog ng ulo, pagtubo ng mga buhok sa katawan at maayos na ngipin. Habang ang hypopituitarism ay pagkabawas ng paglalabas ng isa o higit pa mula sa walong hormones ng pituitary gland na nasa ibabang bahagi ng utak.

Sa limang magkakapatid, siya lamang ang nagkaroon ng naturang kondisyon. Magkagayunman, siya ay namumuhay nang normal tulad ng mga kabataang kasing edad niya. Siya ay nagsimulang pumasok sa paaralan sa edad na siyam mula sa panghihikayat ng kanyang inang si Victoria.

Sa kasalukuyan, ang munting anghel ay nag-aaral sa Silangan Elementary School sa San Mateo,

Rizal at nasa ikatlong baytang. Ngunit hindi lamang sa

pisikal na kaanyuan nakaapekto ang kondisyon na kanyang nakuha nang isinilang siya, nagdulot din ito sa kanya ng malabong paningin..

Ang suliranin sa mata na ilang taon nang tinitiis ni Justin ay nadiskubre ng mga Tzu Chi volunteers nang inilunsad ang feeding program o kilala bilang “Eating 80% Full and Sharing 20% to Help the Needy Program” sa kanilang paaralan noong Agosto 2. Una nilang napansin ang makapal na salamin na suot ng pasyente.

Ayon sa kanyang ina, ang salamin ni Justin ay dalawang beses inilaan ng isang non-government organization buhat nang siya ay unang humingi ng tulong tatlong taong nakararaan. Inamin niyang hindi kayang ilaan ng pamilya ang kailangang halaga sa pagpapagawa ng salamin dahil sapat lamang sa kanilang pangangailangan ang kinikita ng kanyang asawa mula sa pagtitinda ng isda sa palengke.

Kaugnay nito, napag-alaman ng mga volunteers na nasa pinakaharap nakaupo si Justin ngunit kailangan pa rin niyang lumapit sa pisara upang mabasa lamang ang mga sinusulat ng guro. Gumagamit din siya ng dome magnifier sa tuwing nagbabasa at nagsusulat; higit dito, inilalapit niya nang husto ang kanyang mata sa kwaderno o aklat.

May mga pagkakataon ding tumutungtong siya sa bangko para lamang mabasa ang nakasulat sa visual aids. Kapag marami

ang kailangan kopyahin, siya ay madalas na nahuhuli sa paggawa nito.

“Magaling siya sa klase ngunit nahihirapan siya dahil malabo ang kanyang paningin,” pahayag ng kanyang gurong tagapayo na si Virgie Basan.

Sa kanyang klase, tinutulungan siya ng kanyang mga kamag-aral sa mga gawain sa loob ng silid-aralan. Tulad na lamang ng kanyang katabi sa upuan na si Maricris Ursua.

“Dinidikta ko sa kanya kung ano ang mga nakasulat (sa pisara o visual aids). Minsan inaalalayan at sinasamahan ko siya kapag kailangan niyang pumunta sa palikuran,” banggit ng walong taong gulang.

Sa kabilang banda, ang malaking tulong na ito ay labis na pinahahalagahan ni Justin. “Hindi ko talaga nakikita ang nakasulat sa pisara. Siya (Ursua) ang nagbabasa at nagsasabi sa akin ng mga nakasulat.”

Mula sa mga kahirapang ito, sinikap ng mga Tzu Chi volunteers na maibsan ang suliranin ni Justin sa pamamagitan ng pagdadala sa kanya sa Tzu Chi Eye Clinic na matatagpuan sa Bacood, Sta.Mesa, Maynila noong Agosto 15. Siya at ang kanyang ina ay sinundo mula sa kanyang paaralan ng mga kawani ng Tzu Chi.

Ang kanyang mga mata ay sinuri nang mabuti ng isa sa mga kasapi ng Tzu Chi International Medical Association (TIMA) na si Dr. Catherine Macaraig, isang pediatric opthalmologist. Dahilan sa maliliit ang kanyang mga mata sanhi ng

kanyang kondisyon, kapwa sila nahirapang makuha ang aktwal na grado ng mga ito.

“Kailangan niya ng salamin upang makakita nang maayos. Nakita kong maraming gasgas ang kanyang mga mata dahil tumutusok dito ang kanyang mga pilik-mata. Sa ngayon, bibigyan siya ng antibiotics at tear substitute ngunit kailangan pa rin niyang sumangguni sa isa pang espesyalista, si Dr. Alex Sua, para malaman kung kailangan niyang operahan sa mga talukap ng mata,” banggit ni Dr. Macaraig.

Ayon din sa pagsusuri ni Dr. Macaraig, ang grado ng salamin ni Justin ay mas mababa sa kinakailangan ng kanyang mata. Nang sukatin ng butihing optalmologo ang kanyang kasalukuyang grado, umabot na ito sa +23 sa kanan habang +22.5 sa kaliwa.

Samantala, ang ginagamit ni Justin na salamin ay may gradong +10 lamang kaya’t nahihirapan siyang kumilos, at madalas na sumasakit ang ulo.

Matapos ang konsultasyon, si Justin ay sinukatan ng eye glasses na akma sa kanyang pangangailangan. Ang pagpapagawa ng kanyang salamin ay isinangguni naman sa isa pang kasapi ng TIMA na si Dr. Adrien Lim, isang optometrist.

Muling bumalik ang mag-ina kinabukasan, Agosto 16, para makapagpasuri kay Dr. Sua.

Iminungkahi ni Dr.Sua na sumailalim si Justin sa isang operasyon upang maisaayos ang kanyang mga pilik-mata at maiwasan ang paggasgas nito sa cornea ng kanyang mga mata na maaaring humantong sa pagkabulag.

Bago magawa ito, kailangan munang kumuha ng clearance ni Justin mula sa kanyang pediatrician na nasa Philippine Children’s Medical Center

Sa kabilang banda, matapos ang paghahanap ng optical shop para sa kanyang espesyal na salamin, ito ay naipagkaloob kay Justin noong Agosto 29. Ang maximum na grado na nagawa sa kanyang salamin ay umabot sa +22.

Kung ihahambing sa kanyang

lumang gamit, ang bagong salamin ay mas nakatutulong na sa kanya upang makapagbasa nang tama sa distansya mula sa kanyang mga mata at maiwasan na ang paggamit niya ng dome magnifier.

“Ngayon, maaliwalas na ang kanyang mukha at palagi na siyang nakangiti. Maraming salamat sa Tzu Chi para sa bago niyang salamin at sa mga doktor na sumuri sa kanyang mga mata,” pasasalamat ng ina.

Habang si Justin na nasisiyahan din sa kanyang bagong salamin ay inihayag na, “Masaya ako ngayon dahil mas makikita ko na ang mga nakasulat sa pisara kumpara sa dati.”

Sa panulat at kuhang larawan nina Nyanza Nakar at Lineth Brondial

pBatay sa pagsusuri, ang mga pilik-mata ni Justin Amar ay tumutusok sa cornea ng kanyang mga mata at ang kondisyong ito ay maaaring humantong sa kanyang pagkabulag. Siya ay isinangguni sa isa pang eye expert, si Dr. Alex Sua, upang masuri kung kailangang operahan ang mga talukap ng kanyang mga mata.

pBawat isa sa mga benepisyaryong mag-aaral ng feeding program ay pinagkakalooban ng isang gift pack na naglalaman ng mga biskwit at chocolate drinks, habang may dagdag na bitamina at isang lata ng gatas sa mga mag-aaral na nasa mababang lebel.

proyektong ito ay matuturuan natin ang mga nakaaangat sa buhay na magbahagi ng biyaya sa mga nangangailangan upang mabawasan ang kanilang kahirapan. Kung mabibigyan natin ng inspirasyon ang bawat isa sa pagiging donors o volunteers ay maiipon ang kabutihan at makalilikha ng mabuting karma,” pagwawakas ni Siao.

Pag-ikot ng pagmamahalMaliban sa isang alkansya

ng Tzu Chi na nasa kanyang klase, ang gurong si Mercy Ombac ng Gulod Malaya Elementary School ay kumuha ng isang pang alkansya kung saan niya iipunin ang sariling mga donasyon. Nakatutulong ito upang maging huwaran siya ng kanyang mga estudyante.

Ayon sa kanya, ang gawain ay isang malaking hamon dahil karamihan sa kanyang mga estudyante ay buhat sa mahihirap na pamilya. “Ang pangongolekta ng donasyon ay mahirap ngunit magaan sa pakiramdam sapagkat batid naming maraming tao ang matutulungan nito.”

Dinagdag niyang, “Maraming patunay sa pagtulong ng Tzu Chi sa mga tao kaya’t hinihikayat ko ang mga estudyante kong patuloy na magbigay ng donasyon.” Sa pisong donasyon araw-araw, ang bawat mag-aaral ay itinuturing nang regular donor ng Tzu Chi Foundation.

Ang unang buwan ng koleksyon ng mga donasyon sa bawat 20 paaralan ay isinagawa ng mga kawani at volunteers

noong Setyembre 2.Dahilan sa walang pag-

iimbot na pagtutulungan ng mga taong may malawak na puso para sa mga nangangailangan, isa sa mga nagpapasalamat na benepisyaryo ng feeding program ay ang 13 anyos na si Jay-ar Cano.

Ang pagkakaroon ng laman para sa kumakalam na sikmura tuwing pananghalian ay nakatulong nang malaki sa kanya upang makapagpokus sa pag-aaral. “Dati, hindi ako makapag-aral nang mabuti dahil nahihilo ako kung kulang ang kinakain ko.”

Ang kanyang ama ay mangingisda at kumikita lamang ng P400 bawat linggo. Mula rito, si Cano ay nabibigyan ng P10 allowance sa bawat araw kung saan tatlong piso ang inilalaan niya sa pamasahe, at para sa pagkain at iba pang pangangailangan ang matitira.

Sapagkat buong araw ang klase ng ikalimang baytang na mga mag-aaral, ang kanyang naiwang maliit badyet ay ipinambibili niya ng mura ngunit masustansyang pagkain tulad ng sopas o lugaw sa kantina. Sa kaunting pagkain na kanyang nabibili, inamin niyang paglipas ng ilang oras ay nagugutom na siyang muli hanggang sa nawawala na ang kanyang konsentrasyon sa mga aralin.

Ngunit nang maging benepisyaryo ng feeding program, si Cano ay nakakakain na ng wastong dami ng masustansyang pagkain tuwing pananghalian gamit ang P20 meal stub bawat araw. Samakatwid, nagkakaroon siya ng pisikal at mental na kalakasan upang mas makapagpokus sa pag-aaral. “Maraming salamat sa Tzu Chi, palagi na akong busog at mas nakakapag-aral.” Nagpapasalamat din siya dahil nakabilang ang nakababatang kapatid niya sa programa ng Tzu Chi.

Malusog na katawan...(Mula sa pahina 1)

Page 4: Malusog na katawan at pag-iisip para sa mga Malusog na katawan ...

Mga Pangyayari Setyembre 20134

Sa pagpapatupad ng magkakasunod na tatlong araw na cash-for-work program ng Tzu Chi Foundation, Agosto 28-30, nagsilbing daan ito sa paggising ng diwa ng pagtutulungan ng mga biktima ng habagat at Bagyong Maring (Trami). Sa pamamagitan ng 678 man-days ay nagsimula ang rehabilitasyon ng Barangay San Vicente ng Binan City, Laguna.

Makaraan ang halos isang linggo bago tumakbo ang programa, ang epekto ng dumaang kalamidad ay pasan pa rin ng mga residente ng San Vicente. Mga nagkalat na basura, makakapal na putik sa mga pangunahing kalsada at eskinita, at mga nasirang kabahayan ay ilan lamang sa pinsalang dulot ng malawakang pagbaha.

Nang mabatid ng mga Tzu Chi volunteers mula sa mga ulat ng midya ang nakalulunos na kalagayang ito, nagsadya sila sa naturang lugar upang personal na mabatid ang maaaring itulong sa mga biktima noong Agosto 26.

Batay sa nasaksihang kalagayan ng mga residente, napagkasunduan ng mga Tzu Chi volunteers na maglunsad ng cash-for-work program. Sa pamamagitan nito, ang mga lokal ay nagkaisa sa paglilinis ng kanilang lugar at nakatanggap ng allowance na P400 sa bawat araw ng paggawa.

Upang mas mapadali ang malaking gawain, nagpahiram ang organisasyon ng mga kagamitang panglinis sa bawat pangkat ng mga residente tulad ng mga wheelbarrow, pala, at plywood, habang nagkaloob din sila ng bota at gloves para sa proteksyon ng bawat kalahok.

Karagdagan dito, idinala ng organisasyon ang sarili nitong limang yunit ng payloaders na

hahakot sa mga kalat na naipon sa mga kalsada; at nagrenta ng apat na yunit ng dump trucks na maghahatid ng mga kalat sa pinakamalapit na imbakan ng basura sa Laguna.

Sa unang araw ng pagtakbo ng programa, tinipon ng mga Tzu Chi volunteers ang mga residente sa San Vicente Elementary School kung saan ipinahatid sa kanila ang pangunahing layunin ng organisasyon sa pagsasakatuparan ng cash-for-work program.

“Nagsadya kami sa inyong lugar upang makatulong sa ating mga kababayang nasalanta ng nagdaang habagat. Inilunsad namin ang programang ito upang ganap na malinis ang ating lugar at upang sa gayon ay maiwasan ang pagkakasakit ng karamihan sa mga residente,” banggit ng Chinese Tzu Chi volunteer na si Michael Siao.

Ibinahagi rin niyang unang inilunsad ang cash-for-work program sa Marikina City noong 2009 para sa mga nasalanta ng Bagyong Ondoy (Ketsana). At ipinagmalaking naging mga Tzu Chi volunteers na ang libo-libong natulungan ng samahan; sa ngayon, sila ay nagiging kaagapay ng samahan sa halos lahat ng mga gawain.

Tulad na lamang ni Marilyn Siso mula sa Barangay Nangka, Marikina City na isa sa 46 volunteers na nakibahagi sa unang araw ng pagpapatupad ng programa noong Agosto 28. Siya ay nagsilbing pinuno ng grupo 1 sa araw na ito.

“Masaya akong makarating dito dahil sa maliit na paraan ay makatutulong ako sa mga binaha. Alam ko ang pakiramdam ng nasalanta dahil nangyari na sa amin kaya’t ngayong may pagkakataong

makatulong ako sa kanila ay hindi na ako nagdalawang–isip,” wika niya. Ipinahayag niyang naalala niya ang sinapit ng Marikina City habang naglalakad sila patungo sa lugar na lilinisin.

Samantala, ipinabatid ng chief executive officer ng Tzu Chi Foundation na si Alfredo Li na ang programa ay isang daan upang maipaabot ni Tzu Chi founder Master Cheng Yen ang kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga nasalantang residente tulad nila.

Ang mabuting adhikain ng organisasyon ay umani ng papuri mula kay Biñan City Mayor Marlyn Alonte-Naguiat. “Ang tulong na ihahatid ng Tzu Chi Foundation ay hindi lamang pinansyal bagkus may kalakip itong pang-moral at pang-ispiritwal na maitatanim sa puso ng mga tao. Ang pagsadya nila (Tzu Chi volunteers) ay magbibigay ng isang malaking inspirasyon sa ating mga kababayan na sila ay magkawanggawa sa kabila ng narananasan nilang sakuna.”

Ang butihing opisyal ay nakibahagi rin sa paglilinis ng Tzu Chi volunteers at mga residente sa isa sa mga secondary road. Sa pagkakataong ito, kasama niya ang mga Tzu Chi volunteers sa paghahatid ng inspirasyon sa bawat residente.

“May kahirapan ang gawain ngunit nakiisa ako sa kanila dahil gusto ko silang bigyan ng inspirasyon bilang ina ng lungsod. Labis ang aking pasasalamat sa Tzu Chi Foundation dahil ang pagpunta nila rito ay maghahatid ng malaking pagbabago sa buhay ng ating mga kababayan.”

Pagdadamayan“Nabigla ako pagdating ko

dahil may naglilinis na ng aking

pwesto. Kung ako lamang ang gagawa niyan ay hindi ko alam kung paano masisimulan at wala naman akong maaasahan dahil nasalanta rin ang mga anak ko. Malaking kaginhawaan ito para sa akin at nagpapasalamat ako sa grupo (Tzu Chi) na nagsimula ng paglilinis sa aming lugar,” wika ni Lola Lorna Martinez ng Purok 4 ng San Vicente. Idinagdag niyang nawala na ang pangamba niya at ng iba pang residente sa banta ng paglaganap ng sakit sa kanilang lugar.

Bago masalanta, ang kanyang tindahan ay puno ng mga paninda at malakas kumita sa loob ng isang araw. Sa tulong nito, nailalaan niyang mag-isa ang kanyang mga pangunahing kailangan sa pang-araw-araw tulad ng pagkain, nababayaran niya ang renta ng tindahan na nagkakahalaga ng P700 bawat buwan, gayundin ang kuryente at tubig.

Ang kanyang maliit na tindahan ay pinagkaisahang linisin ng isang pangkat ng kanyang mga kapitbahay na lumahok sa cash-for-work program noong Agosto 29.

“Magaan sa kalooban ko ang makatulong kami sa mga katulad niyang (Lola Lorna) may edad at mahina na para linisin ang kanyang tindahan. Inuna talaga namin siya kasi alam naming nangangailangan siya ng tulong,” banggit ni Alex Lopez, isa sa mga kalahok ng cash-for-work program.

Inamin ni Lopez na pisikal na lakas ang kailangan sa paglilinis ngunit napapawi ang lahat ng kanilang pagod sa tuwing may natutulungan sila. “Balewala ang lahat ng pagod sa tuwing may

natatapos kaming gawain. Bukal sa kalooban namin ang aming ginagawa kaya’t kahit mahirap ay hindi namin inaalintana.

Resulta ng pinagsama-samang lakas

Para kay Jennifer Marchan, isa pang kalahok, ang pagsali sa gawain ng Tzu Chi Foundation ay nagbigay ng pagkakataon sa kanya upang kumita habang nagkakawanggawa.

“Kakaiba ang programang (cash-for-work) ito dahil nagsilbing daan sa aming mga residente upang magkaisa at makatulong sa iba pa naming kapitbahay na binaha. Hindi lamang sariling pamilya namin ang iniisip namin dahil ngayon ay naglilinis kami para sa aming kapitbahay at para sa buong pamayanan,” wika ni Marchan.

Ibinibigay ni Marchan ang kanyang buong pisikal na lakas sa oras ng pagtatrabaho bilang isa sa kanyang paraan ng pagpapahalaga sa tulong na ibinigay sa kanila ng Tzu Chi Foundation.

“Hindi nila kami kapamilya ngunit tinutulungan nila kami ngayon kaya’t ang kabutihang ito ay dapat din naming ipamalas sa ibang tao,” dagdag niya.

Ipinarating din niya ang pasasalamat sa allowance na P400 bawat araw na kanyang natatanggap. Ang pera ay nagagamit niya upang mailaan ang

araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya tulad na lamang ng pagkain.

Bagama’t hindi kalahok sa programa, ang residente ng Purok 1 na si Edna Alcantara ay ipinaabot ang kanyang walang hanggang pasasalamat sa mapagkawanggawang pangkat. “Maraming salamat sa Tzu Chi dahil ngayon nadaraanan na ang aming kalsada at nakakapagtrabaho na rin ang mga residente tulad ng mga traysikel drayber. Ang pagdating ninyo sa aming lugar ay nakatulong nang malaki sa amin.”

Sa kabilang banda, sa pagnanais ng mga kalahok ng cash-for-work program na maging bahagi ng mga misyon ng Tzu Chi Foundation, 233 sa kanila ay humingi ng alkansya sa organisasyon na maaari nilang mapag-ipunan ng maliliit na halaga ng donasyon. Gayundin, apat na guro ng San Vicente Elementary School ang kumuha ng alkansya nang maantig ang kanilang kalooban sa natapos na proyekto ng samahan sa San Vicente.

“Huhulugan ko ang alkansyang ito araw-araw dahil hindi naman mabigat ang konting barya para sa akin. Kumuha ako ng alkansya dahil gusto ko ring makatulong sa iba pang nangangailangan; natulungan nila kami kaya’t dapat tumulong din kami sa ibang tao,” pagwawakas ni Elsa Devoma.

Pagbubuklod, pagmamalasakitsusi sa mabilis na rehabilitasyon ng mga binaha

Sa panulat at kuhang larawan ni Nyanza Nakar

pIsang pangkat ng Tzu Chi volunteers at si Mayor Marlyn Alonte-Naguiat ay nagkakaisa sa pag-alis ng makapal na putik at basurang naipon sa kalye. Ito ay ginanap sa unang araw ng cash-for-work at cleanup drive program na inorganisa ng Tzu Chi Foundation Philippines sa San Vicente, Biñan City, Laguna noong Agosto 28.

tSinusubukan ng mga residenteng alisin ang isang makapal na kutson na nasa ilalim ng ilog at nakabara sa imburnal. Namahagi ng flood suits ang Tzu Chi Foundation para sa kaligtasan ng pangkat na naatasang linisin ang ilog.

tTumatanggap ang isang kalahok ng P400 allowance mula sa isang Tzu Chi volunteer matapos ang isang araw ng paggawa. Ito ay ibibili niya ng kapalit ng mga kagamitang tinangay ng baha.

tNagkatipon ang mga kalahok sa covered court ng San Vicente Elementary School bago simulan ang cleanup drive. Isang Tzu Chi volunteer ang nagbabahagi ng mga misyon ng Tzu Chi Foundation upang maibsan ang paghihirap ng mga residente nang walang hinihintay na kapalit.

tSa tatlong magkakasunod na araw ng cash-for-work program, ginagamit ng Tzu Chi Foundation ang sarili nitong payloader units at nirentahang dump trucks upang maalis ang makapal na putik at kalat sa pamayanan.