Maikling Kwento LP

6
Banghay Aralin sa Filipino 8 Maikling kwento . LAYUNIN: A. Natutukoy ang Apat mahahalagang sangkap ng maikling kwento. B. Naisasagawa ang pagsasadulang may kinalaman sa kabutihan ng isang guro. K. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay II. PAKSANG ARALIN: Paksa: ‘Kwento ni Mabuti” ni eno!e!a "dro#a Matute $anggunian: %aloy ng Mithi III &pahina '()'*+ Kagamitan: Babasahing papel,Bidyo presentasyon,s-ot-h tape,kartolina at pentel pen III. PAMAMARAAN: A. Panimulang awain a. Pagganyak $a salitang MAB/0I” Bigyan ang bawat mag aaral ng tig iisang letra. $umunod ay bigyan ng positibing kahulugan ang letrang nakuha ayon sa pagkakakilala sa sarili. b.Pagalis ng Sagabal Ang mga mag)aaral ay bibigyan ng mga letra at kanila itong aayusin upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita: (. Karakter ) hautan ) '. Paksa ) amte ) 1. Burador ) aabnghy ) 2. 0ipanan ) tgaupan ) k.Pan!n!o" sa K#$n%o Magpakita ng isang maikling bidyo Ang kwento ni mabuti ". Pag%a%alakay sa K#$n%o ) Ano nga ba ang Maikling kwento3 $agot: ito ay naglalahad ng madulang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag)iiwan ng kakintalan sa isipan at damdamin ng mambabasa. Ang Apat sangkap ng Maikling Kwento &. 'agp!an) tumutukoy ito sa pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento. Naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. $a kwento ni mabuti ano ang tagpuan3 $agot: $a Paaralan

description

Rehiyon III – Gitnang Luzon Ang Gitnang Luzon – ay matatagpuan sa pagitan ng ng Rehiyon I at II sa hilaga at NCR sa timog. Nahahati ang rehiyon sa dalawang dibisyon – ang kanlurang Cordillera at Gitnang Kapatagan.Mga Lalawigan at Kabisera:1. Aurora – Baler2. Bataan – Balanga3. Bulacan – Malolos4. Nueva Ecija – Palayan5. Pampanga – San Fernando6. Tarlac – Tarlac7. Zambales – IbaGitnang Luzon – kilala bilang Rice Granary of the Philippines dahil tio ang pangunahing pinagkukunan ng bigas sa buong bansa.Nueva Ecija – nangunguna sa produksyon ng palay sa buong PilipinasSan Fernando City sa Pampanga – ang sentro ng rehiyonLikas na Yaman Mineral ng Rehiyonü Gintoü Tansaoü Nikelü Platinumü Chromiteü Apogü Manganeseü Bakalü Titanium Pagsasaka pa rin ang karaniwang hanapbuhay sa Region III. Maliban sa pagsasaka, pangingisda, paghahayupan, pagmimina, industriyang pantahanan at pagproproseso ng asukal ang hanapbuhay ng mga mamamayan sa rehiyon.Mga Produkto ng Rehiyonü Maisü Gulayü Halamang-ugatü Tableü Isdaü Prutasü Tuboü Tabakoü Kawayanü Niyogü sibuyas Mga Magagandang Lugar na Dinarayo ng mga Turista sa CARü Dambana ng Kagitingan sa Bataanü Simbahan ng Barosoainü Casa Real Shrineü Biak-na-Bato sa Bulacanü Arayat National parkü Clark Freeport Zone sa Pampangaü Subic Bay Freeport Zone sa ZambalesDagdag kaalaman:Ang pamumuhay sa Gitnang Luzon ay naging mahirap nang sumabog ang Mt. Pinatubo noong Hunyo 1991. Ito ang pangalawang pinakamalaking pagsabog ng bulkan sa buong daigdig noong ika-20 na siglo. Mahigit 1500 na katao ang namatay at 500,000 katao ang nawalan ng tirahan. Nasira ang mga tirahan, palayan, kalsada, tulay. Nasalanta ang lalawigan ng Zambales, Pampanga, at Tarlac

Transcript of Maikling Kwento LP

Banghay Aralin sa Filipino 8Maikling kwento. LAYUNIN:A. Natutukoy ang Apat mahahalagang sangkap ng maikling kwento.B. Naisasagawa ang pagsasadulang may kinalaman sa kabutihan ng isang guro.K. Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhayII. PAKSANG ARALIN:Paksa: Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza MatuteSanggunian: Daloy ng Mithi III (pahina 21-25)Kagamitan: Babasahing papel,Bidyo presentasyon,scotch tape,kartolina at pentel penIII. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain a. Pagganyak Sa salitang MABUTI Bigyan ang bawat mag aaral ng tig iisang letra. Sumunod ay bigyan ng positibing kahulugan ang letrang nakuha ayon sa pagkakakilala sa sarili.

b.Pag-alis ng Sagabal Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga letra at kanila itong aayusin upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita:1. Karakter - hautan -2. Paksa - amte -3. Burador - aabnghy -4. Tipanan - tgaupan - k.Panunuod sa KwentoMagpakita ng isang maikling bidyo Ang kwento ni mabuti d. Pagtatalakay sa Kwento- Ano nga ba ang Maikling kwento?Sagot: ito ay naglalahad ng madulang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng kakintalan sa isipan at damdamin ng mambabasa.Ang Apat sangkap ng Maikling Kwento1. Tagpuan- tumutukoy ito sa pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento. Naglalarawan ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan.Sa kwento ni mabuti ano ang tagpuan? Sagot: Sa Paaralan2. Tauhan- ang nagbibigay buhay sa kuwento, makikilala sila sa kanilang panlabas na kaanyuan- pisikal at pananamit, kilos na magpapahiwatig ng kanilang ugali at diyalogo.Sa kwento ni mabuti sino-sino ang mga tauhan? Sagot: Si Mabuti na isang guro, si Fe, mga estudyante3. Banghay- ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Bahagi ng Banghay a. simula b. suliranin c. saglit na kasiglahan d. kasukdulan e. kakalasan f. wakas4. Tema o Paksa- ito ang sentral na ideya sa loob ng kuwento o ang mahalagang pangkaisipan ng akda.Ano ang tema o paksa ng kwento? Sagot: kuha sa kwento Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang nakakikilala sa lihim na kaligayahan Ibig sabihin Sa kabila ng dinadala ni Mabuti ay patuloy pa rin niyang inuusad ang kaniyang buhay. Hindi niya ipinapakita sa iba ang kaniyang pinagdaraanan pagkat alam niyang siya lamang ang pinaka-makatututlong sa sarili niya. At dahil nga sa ganitong paghawak niya sa kaniyang sitwayson ay masasabing namulat rin siya sa mga lihim na kaligayahan. Alam niyang mayroon pa rin siyang dapat ipaglaban sa buhay na ito--ang kanyang anak.- Ano ang kaugnayan ng kwento sa totoong buhay? Sagot: Ito ay upang malaman natin na ang kwentong ito ay maaaring maging inspirasyon upang tayo ay maging mabuti/mabait sa ating kapwa gayundin alam natin na isa ang kwentong ito kung bakit may mabait pa rin sa mundong ating ginagalawan bagkus may mga tao pa rin na hindi mabait o may kasamaan ngunit lahat ng yun ay may hangganan tanging tiwala sa sarili at wag kalimutan ang pananalig sa maykapal. e. Pagpapahalaga- May naging guro ka na ba na laging nagpapayo sa klase? Ano ang mga payo niyang kinalulugdan mo?- May naidulot ba ito sa iyong buhay-estudyante? f. Malikhaing Gawain- Papangkatin sa tatlong pangkat ang klase. Mula sa grupong kanilang kinabibilangan, sasagutin nila ang mga katanungang hininihingi sa pamamagitan ng pagsasadula:Unang Pangkat - Ikaw ay naging isang guro sa isang paaralang malayo sa kabihasnan. Walang sapat na mapagkukunan ng panibagong kaalaman, walang maayos na palikuran at kulang ang mga kagamitang pampagtuturo. Nasanay ka na sa mga marurusing at maiingay na mga estudyante sa paaralang iyon. Isang araw ay inalok ka ng isang kilala at pampribadong institusyon sa bayan. Tatanggapin mo ba ang magandang oportunidad o mananatili sa piling ng mga batang nangangailangan sa iyo bilang isang pangalawang ina?Pangalawang Pangkat - Narinig mong nag-uusap ang mga kaklase mo tungkol sa isa niyong guro. Nalaman mong usap-usapan na sa bayan ang pagpapakasal niya sa nobyo niyang German. Balak daw nilang manirahan na sa ibang bansa. Ang gurong iyon pa naman ang pinakamalapit sa iyong puso. Marami kayong mga bagay na pinagkakaisahan at natutunan sa isat isa. Ano ang gagawin mo kung totoo nga ang mga narinig mo?Pangatlong Pangkat - Magreretiro na sa serbisyo ang inyong guro. Ilang beses ka na niyang pinagalitan sa klase. Magdaraos ang buong klase ng isang malaking salu-salo. Linapitan ka niya bago ang araw ng pagdiriwang ng naturang okasyon. Kinausap ka niya na pumunta ngunit may lakad sana ang buong pamilya sa araw na iyon, ang unang pagkakataong mamamasyal ang pamliya niyo. Alam mong magagalit sa iyo ang iyong guro sapagkat minsan lamang siya kung mang-imbita ngunit nakatakda rin ang pamamasyal ng inyong pamilya. Saan ka dadalo? Sa salu-salo o sa pamamasyal?IV. PAGTATAYA: Sagutan ang mga sumusunodTama o Mali. Sagutin kung tama ba o mali ang isinasaad ng sumusunod na mga pangungusap.1. Siyay tinatawag naming lahat na Mabuti kung siyay nakatalikod.2. Ang ama ng batang may kaarawan ay konduktor.3. Tagpuan ang tawag sa pangunahing ideya o paniniwala ng kwento.4. Si Mabuti ay balo.5. Ang may akda ng kwento ay si Jose Corazon de Jesus.6. Anim na taong gulang na ang anak ni Mabuti.7. Iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan ay pangungusap ni Mabuti.8. Ang tagpuan ay sa kusina kung saan siya nakita ni Mautiing kumakain.9. Ibig nilang maging manggagamot ang anak ng kanilang guro.10. Ang salitang mabuti ay palaging binabanggit ng guro. V. TAKDANG ARALIN:- Gumawa o gumuhit ng isang larawan ng gurong nagpapakita ng katangiang gusting-gusto mo sa isang guro. Idikit o iguhit ito sa isang malinis na puting papel (bond paper). Tukuyin ang katangian at ipaliwanag kung bakit iyon ang katangiang gusto mo sa isang guro.

Inihanda ni: G. Erwin Mark PobleteBSED-IV

I. TAGPUANAng tagpuan ay sa isang paaralan. Paaralan na walang pinta. Doon kung saan sila unang nagkita. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag. Sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero.

II. TAUHANMabuti - isang guro sa pampublikong paaralan. Hindi Mabuti ang tunay niyang pangalan , naging Mabuti lamang ang tawag sa kanya sapagkat ito ang palagi niyang sinasabi sa klase sa simula at katapusan. Kung minsan ay sinasabi niya rin ang salitang mabuti kapag wala na siyang masabi o nalilimutan niya ang dapat niyang sabihin. Si Mabuti ay isang lapad na tauhan dahil hindi siya nagbabago ng katauhan.

Fe ang estudyante ni Mabuti sa kwento kung saan siya ang batang nadatnan ni Mabuti sa sulok ng silid- aklatan. Si Fe ay isang bilugang tauhan. Sapagkat, dati ay negatibo siya mag-isip, simpleng problema pakiramdam niya siya na ang may pinakamabigat na problema sa buong mundo. Ngunit nang makilala niya si Mabuti, naging positibo na ang paningin niya sa buhay.

III. BANGHAYIsang guro na tinatawag na Mabuti ng kanyang mga estudyante kapag nakatalikod dahil sa lagi niya itong tinuturan kapag wala siyang masabi. Tinuturuan niya ang mga mag-aaral sa Panitikan dahil dito siya bihasa.Magtatakip-silim na n gang isang mag-aaral ay umiiyak sa isang sulok ng silid-aklatan dahil sa isang maliit na problema. Nilapitan siya ni Mabuti at kinausa, inusisa at pinatahan. Namangha ang bata dahil doon din tumatangis si Mabuti sa sulok na iyon. Tinanong niya si Mabuti kung ano ang dahilan ng kanyang pagtangis sa sulok na iyon ngunit hindi siya nasagot ni Mabuti. Simula noon, ang mag-aaral ay nagkaroon ng matinding damdamin sa pagtuklas sa suliranin ni Mabuti na pilit ikinukubli ng guro.Isang araw, nagkwento si Mabuti tungkol sa kanyang anak mag-aaral na sa susunod na pasukan. Nasambit niya na nais niyang maging manggagamot ang kanyang anak, isang mabuting manggagamot. Bigla niyang narinig ang bulung-bulungan ng dalawang estudyante na ang sinasabi ay Gaya ng kanyang ama!. Tumakas ang dugo sa mukha ni Mabuti na parang isang puting tela. Gayunpaman, siya ngumiti ng pilit at sinabing, Oo, gaya ng kanyang ama. Sa pagkabigla at pagkakilabot sa narinig nay nakuha parin niyang ngumiti bagamat pilit. Ilang araw din ang itinagal ng pagkamutla ng kanyang mukha. Samantala, napgtagpi-tagpi na ng bata ng mga impormasyon ngunit bigo parin siyang matuklasan ang lihim at suliranin ni Mabuti.Natuklasan ng mag-aaral na nagging malapit kay Mabuti, na kasalukuyang nakaburol ang asawa ngunit hindi sa tinitirhan ni Mabuti.Lubos na naunawaan at nabatid ng mag-aaral na naging malapit kay Mabuti ang lahat at iyon ang nagpagaan ng damdamin nito.

IV. PUNTO DE VISTAAng panauhan ng kwento ay nasa unang tauhan sapagkat inilagay ng may-akda na si Genoveva Matute ang kanyang sarili saisa sa mga tauhan at ito ay si Fe. Bilang patunay ito ang unang pangungusap sa akda Hindi ko na siya nakikita ngayon.

V. TONOAng kwento ay ma-emosyon. Naipakita ng mga tauhan ang kanilang damdamin sa tulong ng mga paggamit ng angkop na mga salita. Isa pang nakatulong ditoy dahil angkop ang kilos ng mga tauhan sa kung paano sila inilarawan. Sa huling bahagi, ang tonong nangibabaw ay malungkot. Kung susuriing mabuti, akma lamang ang tonong nakita sa kwento sa mga pangyayari.

VI. PAKSA O TEMAIyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang nakakikilala sa lihim na kaligayahanSa kabila ng dinadala ni Mabuti ay patuloy pa rin niyang inuusad ang kaniyang buhay. Hindi niya ipinapakita sa iba ang kaniyang pinagdaraanan pagkat alam niyang siya lamang ang pinaka-makatututlong sa sarili niya. At dahil nga sa ganitong paghawak niya sa kaniyang sitwayson ay masasabing namulat rin siya sa mga lihim na kaligayahan. Alam niyang mayroon pa rin siyang dapat ipaglaban sa buhay na ito--ang kanyang anak.

VII. TEORYA/DULOGAng teoryang ginamit sa kwento ay Teoryang Humanismo. Itoy sa kadahilanan na ipinapakita rito ang kabutihang tinataglay ni Mabuti sa kabila ng kanyang mga problema.

VIII. REAKSYON/KOMENTOIsinulat ang ''KWENTO NI MABUTI'' upang malaman natin na ang kwentong ito ay maaaring maging inspirasyon upang tayo ay maging mabuti/mabait sa ating kapwa gayundin alam natin na isa ang kwentong ito kung bakit may mabait pa rin sa mundong ating ginagalawan bagkus may mga tao pa rin na hindi mabait o may kasamaan ngunit lahat ng yun ay may hangganan tanging tiwala sa sarili at wag kalimutan ang pananalig sa maykapal. Isang napaka-gandang kwento ang Kwento ni Mabuti.

Malikhaing Gawain- Papangkatin sa dalawang pangkat ang klase. Mula sa grupong kanilang kinabibilangan, sasagutin nila ang mga katanungang hininihingi sa pamamagitan ng pagsasadula:Unang Pangkat - Ikaw ay naging isang guro sa isang paaralang malayo sa kabihasnan. Walang sapat na mapagkukunan ng panibagong kaalaman, walang maayos na palikuran at kulang ang mga kagamitang pampagtuturo. Nasanay ka na sa mga marurusing at maiingay na mga estudyante sa paaralang iyon. Isang araw ay inalok ka ng isang kilala at pampribadong institusyon sa bayan. Tatanggapin mo ba ang magandang oportunidad o mananatili sa piling ng mga batang nangangailangan sa iyo bilang isang pangalawang ina?Pangalawang Pangkat- Magreretiro na sa serbisyo ang inyong guro. Ilang beses ka na niyang pinagalitan sa klase. Magdaraos ang buong klase ng isang malaking salu-salo. Linapitan ka niya bago ang araw ng pagdiriwang ng naturang okasyon. Kinausap ka niya na pumunta ngunit may lakad sana ang buong pamilya sa araw na iyon, ang unang pagkakataong mamamasyal ang pamliya niyo. Alam mong magagalit sa iyo ang iyong guro sapagkat minsan lamang siya kung mang-imbita ngunit nakatakda rin ang pamamasyal ng inyong pamilya. Saan ka dadalo? Sa salu-salo o sa pamamasyal?

Malikhaing Gawain- Papangkatin sa dalawang pangkat ang klase. Mula sa grupong kanilang kinabibilangan, sasagutin nila ang mga katanungang hininihingi sa pamamagitan ng pagsasadula:Unang Pangkat - Ikaw ay naging isang guro sa isang paaralang malayo sa kabihasnan. Walang sapat na mapagkukunan ng panibagong kaalaman, walang maayos na palikuran at kulang ang mga kagamitang pampagtuturo. Nasanay ka na sa mga marurusing at maiingay na mga estudyante sa paaralang iyon. Isang araw ay inalok ka ng isang kilala at pampribadong institusyon sa bayan. Tatanggapin mo ba ang magandang oportunidad o mananatili sa piling ng mga batang nangangailangan sa iyo bilang isang pangalawang ina?Pangalawang Pangkat- Magreretiro na sa serbisyo ang inyong guro. Ilang beses ka na niyang pinagalitan sa klase. Magdaraos ang buong klase ng isang malaking salu-salo. Linapitan ka niya bago ang araw ng pagdiriwang ng naturang okasyon. Kinausap ka niya na pumunta ngunit may lakad sana ang buong pamilya sa araw na iyon, ang unang pagkakataong mamamasyal ang pamliya niyo. Alam mong magagalit sa iyo ang iyong guro sapagkat minsan lamang siya kung mang-imbita ngunit nakatakda rin ang pamamasyal ng inyong pamilya. Saan ka dadalo? Sa salu-salo o sa pamamasyal?