Maikling katha sa panahon ng hapon

15
MAIKLING KATHA PANAHON NG HAPON

Transcript of Maikling katha sa panahon ng hapon

Page 1: Maikling katha sa panahon ng hapon

MAIKLING KATHAPANAHON NG HAPON

Page 2: Maikling katha sa panahon ng hapon

ANO ANG MAIKLING KATHA?

Maikling Katha

- Isang sangay ng salaysay(narration) na may iisang kakintalan (single impression).

Page 3: Maikling katha sa panahon ng hapon

Mga Katangian ng Maikling Katha

Isang madulang bahagi ng buhay ang isinasalaysay

Isang pangunahing tauhan na may mahalagang suliranin, at kakauntian nito.

Isang mahalagang tagpo at kakauntian nito.

Mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na madaling sinusundan ng wakas.

Iisang kakintalan.

Page 4: Maikling katha sa panahon ng hapon

Mga Uri ng Maikling Katha

Page 5: Maikling katha sa panahon ng hapon

MGA URI NG MAIKLING KATHA

1. Pangkatauhan

- kung ang pinakamahalagang nangingibabaw sa katha ay ang katauhan.

Page 6: Maikling katha sa panahon ng hapon

MGA URI NG MAIKLING KATHA

Mga Paraan sa Pagpapalitaw ng Katauhan

A. Ang paglalarawan ng may-akda sa katauhan sa tulong ng pag-uugali, isipan, mithiin at damdamin nito, gayon din sa kanyang panlabas na anyo

B. Sa tulong ng pag-uusap ng ibang tauhan sa kuwento tungkol sa kanya

C. Sa pamamagitan na rin ng tauhan: sa kanyang paraan ng pagkilos at pagsasalita, at higit sa lahat, sa kanyang reaksyon (sa kanyang gagawin o magiging damdamin) sa isang tiyak na pangyayari.

Page 7: Maikling katha sa panahon ng hapon

MGA URI NG MAIKLING KATHA

Karikatura – isang kahinaan sa paglalarawan ng katauhan. Kung hindi napakabuti ng isang tao (na wala kahit kaunting kahinaan o karupukan), ito’y napakasama (na wala kahit kaunting kabutihan o pag-asa). Parang isang “taong hindi humihinga”.

 

Picaresque – May pangunahing tauhang di-kanais-nais. Halimbawa: “Tinong Kikil” – Mabini Rey Centeno

Page 8: Maikling katha sa panahon ng hapon

MGA URI NG MAIKLING KATHA

2. Makabanghay – kung ang mahalaga’y ang pagkakabuo ng mga pangyayari.

3. Pangkapaligiran – Kung ang paligid o isang namumukod na damdamin ang namamayani. Ito ang ginagamit nating katumbas ng salitang Ingles na “atmosphere”.

Page 9: Maikling katha sa panahon ng hapon

MGA URI NG MAIKLING KATHA

4. Pangkatutubong-kulay – kung ang pamumuhay o kalakaran sa isang pook ang binibigyang-diin. Ang kaayusang panlabas, pag-uugali, mga paniniwala, mithiin, kakanyahang pampook ay nagkakatulong-tulong sa pagbubuo ng pangkatutubong-kulay.

  Idiosyncrasies – Kakanyahang

pampook. Universality – Pamantayang panlahat.

Page 10: Maikling katha sa panahon ng hapon

MGA URI NG MAIKLING KATHA

5. Pangkaisipan – kung ang paksa, diwa o isipan ng isang katha ang pinakamahalaga. Ang kaisipan o diwang ito ay hindi dapat ipagkamali sa karaniwang aral ng karaniwang kwento.

Page 11: Maikling katha sa panahon ng hapon

Mga Sangkap ng Maikling Katha

Tauhan (character)

Tagpuan (setting)

Banghay (plot)

Tunggalian o Conflict – Ang naglalabanang pwersa sa akda. Ang pangunahing tauhan ay kailangang magkaroon ng mahalagang suliranin na pagsisikapan niyang lutasin sa kabila ng mga sagabal. Ang mga sagabal na ito ang magiging dahilan ng pagtutunggali sa kuwento (ito ay maaaring sa pangyayari, sa ibang tauhan o sa sarili na rin ng pangunahing tauhan). 

Page 12: Maikling katha sa panahon ng hapon

Mga Uri ng Tunggalian

Tao laban sa Kalikasan – pilit na pinaglalabanan ng tao ang puwersa ng kalikasan tulad ng lindol, baha, bagyo, ipuipo at iba pa.

Tao laban sa Tao – ang kinakalaban ay ibang tao, maaaring ang mga taong nasa kanyang paligid o ang lipunan. Ito ay karaniwang idinadaan sa lakas ng katawan, tagisan ng kapangyarihan, ng paniniwala, pananaw, prinsipyo, at iba pa.

Tao laban sa Sarili – ang kinakalaban ng tauhan ay ang kanyang sariling paniniwala, prinsipyo, simulain at palagay. May kaugnayan ito sa pagtitimbang-timbang ng mga pangyayaring kinahaharap ng pangunahing tauhan at kung ano ang kanyang gagawing pagpapasya.

Page 13: Maikling katha sa panahon ng hapon

HALIMBAWA NG ISANG MAIKLING KATHA

Ang Mag-Anak na Cruz:Katha na Pumapaksa sa Pagpapahalagang Pilipino

- Isinulat ni Liwayway A. Arceo

Page 14: Maikling katha sa panahon ng hapon

Deogracias A. Rosario

Naging Pangulo siya ng:

Samahang Ilaw at PanitikKalipunan ng mga KuwentistaKalipunan ng mga Dalubhasa ng

Akademya ng Wikang Tagalog.Ama ng Maikling Kuwentong

Tagalog.

Page 15: Maikling katha sa panahon ng hapon

DEOGRACIAS A. ROSARIO Siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha

bilang isang uri ng kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.

Ang ilan sa kanyang mga akda ay: Ako'y Mayroong Isang Ibon

Ang Dalagang Matanda

Manika ni Tadeo

Aloha

Bulaklak ng Bagong Panahon

Ang pinaka-obra maestra ni Rosario ay ang Aloha na kasama sa katipunang 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista.