Liksyon 9 para sa ika-29 ng Agosto, 2020 halimbawa at mga turo ng mga Apostol. ... Sinulat ni Pablo...

8
Liksyon 9 para sa ika - 29 ng Agosto, 2020

Transcript of Liksyon 9 para sa ika-29 ng Agosto, 2020 halimbawa at mga turo ng mga Apostol. ... Sinulat ni Pablo...

  • Liksyon 9 para sa ika-29 ng Agosto, 2020

  • Iginalang ni Jesus ang lahat na nakakasalamuhaNiya at pinakitunguhan sila ng may dignidad. Naging impluwensya Siya sa kanila, habanginaakay Niya sila upang abutin ang Kaharian ng Dios.

    Matututunan din nating pakitunguhan ang mgatao gaya ni Jesus sa pagsunod sa Kanyang mgahalimbawa at mga turo ng mga Apostol.

    Paano tayo magkakaroon ng kaaya-ayangsaloobin kung nangangaral ng

    Ebanghelyo?

  • “At kinakailangang magdaan siya sa Samaria.” (Juan 4:4)

    Karaniwang dumadaan ang mgaJudio mula Jerusalem patungo saSamaria sa ibang daan upangmaiwasan ang Samaria. Kaya bakitkailangang dumaan ni Jesus sarehiyong iyon?

    Ang mga Samaritano ay sumusunod sa pinaghalong mali at katotohanan. Iyon ang dahilan kung bakit hindi sila hinayaangtumulong sa pagtayo ng Templo kasama ng mga Israelita (Ezra 4:1-4).

    Inisip ng mga alagad na walang silbi ang pangangaral sa masamanglupaing iyon. Gayunman, gumawa ang Banal na Espiritu sa mgapuso ng mga Samaritano sa Sicar upang tumanggap sila ng mensahe.

    Kaya, kinailangan ni Jesus na itanimang katotohanan doon. Ang pagtatanim na iyon ay nagdala ng unang bunga sa madaling panahon, at maraming ani sa huli (Juan 4:39-41; Gawa 8:5-25).

  • “Ginawa niya ang kaniyang nakaya; nagpauna na siya na pahiran ang katawan ko sa paglilibing sa akin.” (Marcos 14:8)

    Sa kabaliktaran, ang mga salita ng pagbati ay magpapatibay sa mga tao at makakatulong sapaglago ng kanilang pananampalataya.

    Sa Mateo 15:21-28, isang Canaanita ang lumapit kay Jesus na may kahilingan, at ayaw niyang tumanggap ng “hindi” na sagot. Pinuri siya ni Jesus sa harap ng Kanyang mga alagad; Sinabi Niya sa kanya, “dakila ang iyong pananampalataya!”

    Binati din ni Jesus si Maria matapos malupit na pinintasan siya dahil sa Ginawa sa Kanya: “nagpauna na siya na pahiran ang katawan ko sa paglilibing sa akin.” (Marcos 14:8)

    Ang malupit at mapamintas na saloobin ang magpapalayo ng mga tao sa atin. Aayawan nilang pakinggan an gating patotoo.

  • “Kami ay nararapat, mga kapatid, na mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sainyo, gaya ng marapat, dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pagibig ng bawa't isa sa iba't iba sa inyong lahat ay sumasagana.” (2 Tesalonica 1:3)

    PAGBIBIGAY-DIIN SA MGA POSITIBO

    Sinulat ni Pablo ang kanyang mga liham upang palakasin ang mga local na mga iglesia.

    Minsan ay kailangan niyang sawayin sila dahil sa kanilang mga mali, ngunit lagi niyangbinibigyang-diin muna ang mga positibong bagay sa kanila.

    Mahalagang linangin ang ugali ng paghahanap ng mabuti sa mga tao.

    Sa ganitong paraan ay makakagawa tayo ng malalim na pagkakaibigan at mapapalapitnatin sila kay Kristo.

  • Sino ang mas nakakakilala sa atin liban kay Kristo?

    Alam niya ang mabuti at masamang bagay sa atin. Sa kabila noon, tinatanggap Nya parin tayo, pinapatawad, at iniibog tayo.

    Hindi tayo karapatdapat sa Kanyang pagtanggap, ngunt tinatanggap Niya tayo sa Kanyang kabutihan.

    Hindi ba dapat tanggapin din natin ang iba gaya ng pagtanggap ng Dios sa atin?

    Dapat nating tanggapin ang lahat. Hindi dahil sakung gaano sila kasama o kabuti, ngunit dahiltinanggap muna tayo ni Kristo (kaya na tayo angpinakamalala).

    Ang saloobin ng pagtanggap at pag-ibig ay magbubukas sa mga puso at magpapabago samga buhay ng mga nasa palibot natin.

  • Ang pagtuturo sa katotohanan ng walang pag-ibig ay maaaring magdala sa nang-aakusanglegalismo o walang pakialam na pagpapaubaya.

    Ang pagtuturo ng katotohanan sa pag-ibig ay nakakabihag ng mga puso at nagdadala sa mgatao sa isang nakakaligtas na relasyon kay Jesus.

    Dapat tayo maging handa sa pagtatanggol saating pinaniniwalaan. Ganunpaman, dapat gawinnatin iyon sa kababaan, paggalang, at pag-ibig.

    Ipakita sa iba ang parehong pag-ibig na ipinakitasa atin ni Kristo.

    Hilingan natin ang Banal na Espiritu na gabayantayo sa mga taong may pusong handing tumanggap. At bigyang diin ang mga mabutingbagay na nakikita natin sa kanila, tanggapin silang walang pagpintas, at turuan sila sap ag-ibig

  • ““Habang tayo ay hindi kaibig-ibig at hindi Mabuti ang

    katangian, ‘namumuhi at napopoot sa isa’t-isa,’

    kinaawaan tayo ng ating Ama sa langit […]

    Pagtanggap ng Kanyang pag-ibig, tayo ay magiging,

    gayon din ang katangian, mabait at mahabagin, hindi

    lang doon sa mga nagpapasaya sa atin, ngunit lalo na

    sa mga may kapintasan at nagkakamali at

    makasalanan […]

    Even sinners whose hearts are not utterly closed to God’s Spirit,

    will respond to kindness; while they may give hate for hate, they

    will also give love for love. But it is only the Spirit of God that

    gives love for hatred. To be kind to the unthankful and to the

    evil, to do good hoping for nothing again, is the insignia of the

    royalty of heaven, the sure token by which the children of the

    Highest reveal their high estate.”

    E.G.W. (Thoughts From the Mount of Blessing, cp. 3, p. 75)