Liksyon 6 para sa ika-6 ng Pebrero, 2021 Ang Isaiah 25 ay isang awit ng papuri sa Dios sa huling...

10
Liksyon 6 para sa ika-6 ng Pebrero, 2021

Transcript of Liksyon 6 para sa ika-6 ng Pebrero, 2021 Ang Isaiah 25 ay isang awit ng papuri sa Dios sa huling...

  • Liksyon 6 para sa ika-6 ng Pebrero, 2021

  • Sintensya sa mga bansa. Isaias 13-23

    Hinulaan ang kahihinatnan ng Babilonia. Isaias 13

    Ang tala na gustong maging Dios. Isaias 14:12-14

    Ang wakas ng Babilonia. Isaias 14:15-23

    Huling pagtatagumpay. Isaias 24-27

    Ipinakita ng Dios kay Isaias ang espiritwal na labanan sa pagitanng mabuti at masama. Ang dalawang hanay ay naglalabanupang makontrol ang bawat tao.

    Minsan ay mukhang ang “prinsipe ng sanlibutang ito” ang komokontrol sa mga bansa, ngunit ang Dios ang mayroongkontrol. Ang Panginoon ay matagumpay. Lahat ng nasa Kanyangpanig ay magtatagumpay, habang ang mga kaharian ng sanlibutang ito at kanilang mga kaluwalhatian ay mawawasak.

  • “Ito ang panukala na aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay naumunat sa lahat ng mga bansa.” (Isaias 14:26)

    Hinatulan ng Dios ang mga bansang nagkaroon o magkakaroon ng ugnayan sa Kanyang bayan:

    Babilonia▪ Is. 13:1-14:23; 21:1-17

    Asiria▪ Is. 14:24-27

    Filistia▪ Is. 14:28-32

    Moab▪ Is. 15:1-6:14

    Siria▪ Is. 17:1-14

    Ethiopia▪ Is. 18:1-7

    Ehipto▪ Is. 19:1-20:6

    Jerusalem▪ Is. 22:1-25

    Tiro▪ Is. 23:1-18

    Ang ilan sa kanila ay nagkaroon ng mensahe ng pag-asa na maaalis ang parusa (Is. 19:16-25). Ang iba ay maghihirap sa mga bunga ng kanilang mga gawa.

    Ang talaan ay nagsimula sa bansang hindi pa nakakaugnay sa bayan ng Dios. At itongbansang ito ay magiging simbolo ng bawat paghihimagsik: BABILONIA (Apocalipsis 17:5).

  • “Sa mga salaysay ng kasaysayan ng tao, ang

    paglago ng mga bansa, ang pagtayo at pagbagsak

    ng mga emperio, ay lumalabas na parang

    nakabatay sa kalooban at lakas ng tao; ang

    paghubog ng mga pangyayari ay tila, sa malaking

    bahagi, ay ipinapasya ng kanyang kapangyarihan,

    ambisyon, o kapritso. Ngunit nahahawi ang

    kurtina sa Salita ng Dios, at nakikita natin, sa

    taas, sa likod, at sa lahat ng palabas ng interes ng

    tao at kapangyarihan at pagkahumaling, ang

    ahensya ng Isang Maawain-sa-lahat, na tahimik, at

    matyagang isinasagawa ang Kanyang kalooban.”

    E.G.W. (Prophets and Kings, cp. 40, p. 499)

  • Ipinaliwanag ni Isaias ang pagbagsak sa hinaharap ng Babilonia sa paghambing nito saIkalawang Pagdating (v. 9-11), gaya ng ginawa ni Jesus nang hulaan Niya ang pagkawasak ng Jerusalem at hinaluan ito ng mga pangyayari sa Ikalawang Pagparito.

    Ang Dios ang may kontrol sa mga pangyayaring iyon, ngunithinahayaan Niya ang mga taong kasali na gawin ang kanilangkalooban (v. 15-18).

    Ang Babilonia ay naging isa sa mga pangunahinglungsod ng Emperio ng Medo-Persia. Nang pumasok si Alexander na Dakila sa Babilonia, itoay nasa sira nang kalagayan. Unti-unti itonglumubog sa limot at pagpapabaya (v. 20).

    Ang Babilonia ay hindi mahalagang bansanang maisulat ang talatang ito.

  • ANG TALA NA GUSTONG MAGING DIOS“Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga

    bansa!” (Isaias 14:12)

    Inilarawan ng hari ng Babilonia na mayabang at nagtitiwala lamangsa sarili. Maraming ganito na hari ng Babilonia (tingnan ang Daniel 2:5; 3:7; 4:30; 5:2).

    Gayunman, ang bahaging ito ng Isaias ay may pagkamakata at alegoriko. Ipinapakita nito ang tunay na ugat ng problema, ang tunayna hari ng Babilonia: si Lucifer, “ng matandang ahas, ang tinatawagna Diablo at Satanas.” (Apocalipsis 12:9)

    Nais ni Lucifer na maging “gaya ng Kataastaasan,” at sinabing: “Ako’yDios.” (Ezekiel 28:2). Ang kanyangsaloobin ay salungat sa saloobin ng Dios dahil Siya ay “nagpakababa sakaniyang sarili” (Filipos 2:8).

  • Ang kapalaran nitong "hari" ng Babilonia ay hunulaan sa Isaias 14:18-20: Pagkawasak at walanghanggang pagkalimot. Ang kapalaran ng mga naglilingkodna may kababaan sa Dios ay napaka-iba.

    Gayon pa man, hindi pa nawawala ang Babilonia. Ito ay gumagawa pa sa mgakapangyarihang mayabang at malupit na umuusig sa bayan ng Dios (Apoc. 17).

    “ang angkan ng mga manggagawa ng kasamaan ay hindi lalagimagpakailan man.” (Isaias 14:20)

    Ang kahulugan ng Babilonia ay “kalituhan,” ngunit maaariring “Tarangkahan ng mga dios” sa wika ng mga Kaldeo. Maluwang na tarangkahan ang patungong kapahamakan, ang pagtangkang maligtas ng dahil sa sariling kahusayan.

    Hinihikayat tayo ng Biblia na piliin ang “Tarangkahan ng Langit”, Betel. Silang sumusunod kay Jesus at tumatanggap sa Kanya bilang personal na Tagapagligtas sapananampalataya ay papasok sa tarangkahang ito.

  • Tatapusin ng Dios ang sanlibutang ito, at sasabihin Niya sa ilang mgatao: “Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay nakatawan ay babangon.” At sasabihin Niya sa natitirang mga tao: “Sila'ypatay, sila'y hindi mabubuhay; sila'y namatay, sila'y hindi babangon.” (Is. 26:19, 14)

    Sa araw na darating ang Dios upang palayain ang Kanyang bayan, ipapahayag ng mga tinubos kanilang ligaya ng pagtatagumpay: “Narito, ito'y ating Dios; hinintay natin siya, at ililigtas niya tayo.” Tapos“Sinakmal niya ang kamatayan magpakailan man; at papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha.” (Is. 25:8-9)

    Bago tapusin ng Dios ang "Kanyang di pangkaraniwang gawa " at baguhin ang Lupa, mananatili itong wasak ng ilangpanahon (Is. 24; Ap. 20; Is. 28:21).

  • “At sa bundok na ito ay gagawa ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan, ng isang kapistahan ng mga matabang bagay, ng isang kapistahan ng mga alak na laon, ng mga matabang bagay na puno ng utak, ng mga alak na laon na totoong sala” (Isaias 25:6)

    Ang Isaiah 25 ay isang awit ng papuri sa Dios sa hulingAraw ng Panginoon. Binubuo ito ng tatlong bahagi:

    1. V. 1-5. Pinuri ang Dios dahil namagitan Siya para sa Kanyang bayan2. V. 6-8. Nagdaos ng pyesta ang Dios para sa Kanyang bayan3. V. 9-12. Pinuri ang Dios dahil sa mga gagawin N’ya

    Ipinakilala sa Isaiah 26 ang mga tinubos:

    1. V. 2, 7. Sila’y matuwid, tapat, at tagapag-ingat ng katotohanan2. V. 3-4. Nagtitiwala sila ng lubos sa Dios3. V. 9. Hinahanap nila ang DiosIto ang pangako ng Dios sa mga mamumuhay sa Bagong Lupa: “Akong Panginoon ang nagiingat; aking didiligin tuwituwina: baka saktan ng sinoman, aking iingatan gabi't araw.” (Isaias 27:3)

  • “Silang mga tumatanggap sa Salita ni Kristo, at isinusuko ang

    kanilang mga kaluluwa sa Kanyang pag-iingat, ang kanilang buhay

    sa Kanyang direksyon, ay makakahanap ng kapayapaan at

    katahimikan … Sinasabi ng Panginoon, ‘Iyong iingatan siya sa

    lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't

    siya'y tumitiwala sa iyo.’ (Isaias 26:3). Maaaring buhul-buhol ang

    ating buhay; ngunit habang itinatalaga natin ang ating sarili sa

    matalinong Punong Manggagawa, ilalabas Niya ang disenyo ng

    buhay at katangian na magluluwalhati sa Kanya. At ang

    katangiang iyon na nagpapahayag ng kaluwalhatian—katangian—

    ni Kristo ay tatanggapin sa Paraiso ng Dios. Isang binagong lahi na

    nakaputi ang lalakad kasama Niya, sapagkat sila’y karapatdapat.”

    E.G.W. (The Desire of Ages, cp. 34, p. 331)