Liksyon 3 para sa ika-20 ng Octobre, 2018 Ang buhay ni Hesus ay isang halimbawa ng pagsunod,...

8
Liksyon 3 para sa ika-20 ng Octobre, 2018

Transcript of Liksyon 3 para sa ika-20 ng Octobre, 2018 Ang buhay ni Hesus ay isang halimbawa ng pagsunod,...

Liksyon 3 para sa ika-20 ng Octobre, 2018

Nanalangin si Hesus para sa pagkakaisa.

Pakakaisa ni Hesus at ang Ama. Juan 17:1-5.

Pagkakaisa ng mga alagad. Juan 17:6-19.

Pagkakaisa sa atin. Juan 17:20-26.

Pagkakaisa ngayon.

Pagkakaisa ng mga Kristiano. Marcos 9:38-41.

Nagkakaisa sa pag-ibig. Juan 13:34-35.

Si Hesus ay nanalangin ng pagkalinga para sa Kanyang mga alagad (at para sa atin) sa harapan ng Ama, bago ang Kanyangpagsakripisyo.

Kilala ang panalanging ito na Panalanginna Pangmataas na Paring. Pagkakaisaang isa sa mga pangunahing paksa.

“At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa” (Juan 17:22)

Sinunod ni Hesus ang kalooban ng Ama sa pagbigay ng kanyang sarili bilang alaypara sa atin. sa ganung paraan Niya niluwalhati ang Ama at gayon din naman ay naluwalhati Siya.

Ang kusang-loob na pag-alay ni Hesus ay nagbigay ng buhay na walang hanggan saatin. At ang buhay na walang hanggan ay kung makilala natin ang Dios (v. 3).

Sinimulan ni Hesus ang Kanyang panalangin sa paghiling na maluwalhatiupang ang Ama ay maluwalhati. Paano naluwalhati si Hesus?

Ang kaugnayan sa Dios ay nagbubunga ng pagkakaisa gaya ng pagkakaisa ni Hesus at ng Ama. Ang pagkakaisang ito ay walang hanggan.

“At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'ypaririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mgaibinigay mo sa akin, upang sila'y maging isa, na gaya naman natin” (Juan 17:11)

Magkaisa, maging masaya, mapalayo sakasamaan at sumunod sa katotohanan. Iyon ay hindi nila matatamo ng sila lamang. Tanging ang Ama ang makakatugon ng panalanging iyon.

Ang resulta: matagumpay na pagpapatotooat naipalaganap ang Ebanghelyo.

Inaalala ni Hesus ang Kanyang mgaalagad, dahil maaaring mawalan sila ng pananampalataya pag alis Niya. Kaya, hiniling Niya sa Ama na ingatan sila. Humiling Siya ng apat pang mga bagay:

Iniisip ka ni Hesus bago ihandog ang Kanyang sarilibilang alay.

May espesyal na hangarin si Hesus sa atin?

Nais ni Hesus na magkaisa tayo sa hangarin gaya ng Trinidad.

Ang pagkakaisang iyon angmagpapahikayat sa mga tao nasi Hesus ang atingTagapagligtas.

Magkakaisa tayomagpakailanman. Sabi ni Hesus, “yaong mga ibinigay mosa akin ay ibig ko kung saanako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko” (v. 24).

Totoo ba itong pangungusap? “Sinumang hindi tumanggap sa katotohanan na alam natin, ay hindi tunay na Kristiano.”

Tayo ang hinulang Iglesiang Nalabi, ngunit hindi dahildoon tayo lang ang tunay na mga Kristyano sa Mundo.

Kilala ng Dios kung sino ang Kanya (2 Timoteo 2:19), at mayroon siyang tao na sumasamba sa Kanya sa bawatbansa [at relihiyon] (Gawa 10:34-35). Kaya, kailangannating makiisa sa mga kagaya nating naniniwala din saparehong Tagapagligtas.

Ang pagkakaisa ay kailangang nakabase sa parehongkapakanang panglipunan.Hindi dapat makompromiso ng pagkakaisa ang ating paniniwala.Nagbibigay ang pagkakaisa ng pagkakataoon upang maibahagiang mga katotohanan sa Biblia.

“Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay akingmga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa” (Juan 13:35)

Hindi nagsasalita si Hesus tungkol sa isang pangteoryangpag-ibig, kundi praktikal: “Kung Ako’y iyong iniibig, tutuparin mo ang Aking mga utos.” (Juan 14:15).

Ang buhay ni Hesus ay isang halimbawa ng pagsunod, pag-ibig at pagtanggi sa sarili para sa ating kapakanan. Dapat ang buhay natin ay maging kagaya ng Kanya.

Ang pag-ibig na ito ang garantiya na nagbubunga ng pagkakaisa. Ang pagkakaisang ito ay pinakamalakas napatotoo upang makilala ang Dios sa ating mundo.

“At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihiskayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan” (Colosas 3:14).

Binigyan tayo ni Hesus ng iisang utos, “na kayo'ymangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo” (Juan 13:34; 15:12). Ang pag-iibigan sa isa’t-isa ay hindi bago, ngunit ang paraan ng pag-ibig sa iba ang bago; pagmamahal kung paanong minahal tayo ni Hesus.

“Ang pagpapabanal ay kailangang dumating mula sa

katotohanan; pakikiisa kay Kristo—ito ang hangarin ng

Dios sa atin. Sa pamamagitan ng kanilang pagpapabanal at

pagkakaisa, ang mga Kristyano ay dapat magbigay ng

patunay sa mundo na may ginawang sakdal na gawain para

sa kanila, sa pamamagitan ni at kay Kristo. Kaya dapat

magpatotoo sila na sinugo ng Dios ang Kanyang Anak

upang iligtas ang mga makasalanan.

Hahayaan nyo bang ipagpatuloy ni Kristo ang Gawain ng

pagpapabanal sa inyong mga puso? Magiging kompleto

kayo sa Kanya. May kasiguruhan kayo na sa pamamagitan

ng pagpapabanal ng katotohanan ay magiging sakdal sa

pagkakaisa”

E.G.W. (The Upward Look, January 17)