Lesson Plan Gandhi at Mga Tayutay

11
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7 Taong Akademiko 2013 – 2014 Ikatlong Markahan I. Layunin a. Naiisa-isa ang mga katangiang dapat taglayin ng isang lider b. Natutukoy ang mga uri ng diskriminasyon sa lipunan c. Nahihinuha ang mensaheng nais iparating ng naging buhay ni Gandhi d. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng tayutay e. Natutukoy ang mga tayutay na ginamit sa tekstong binasa f. Nakasusulat ng mga pangungusap na ginamitan ng tayutay g. Naiisa-isa ang mga katangian at uri ng talambuhay h. Nakasusulat ng talambuhay mula sa datos na nakalap sa panayam II. Paksang Aralin a. Mohandas Karamchand Gandhi(Talambuhay) b. Mga Tayutay 1. Pagtutulad (Simile) 2. Pagwawangis (Metaphor) 3. Pagsasatao (Personification) 4. Pagmamalabis (Hyperbole) 5. Pagtawag (Apostrope) III.Pamamaraan PAGBASA A. Pagbabalik-aral: Kwentong McDo at Mga Idyoma Laro: JEOPARDY Mekaniks: 1. Magsama-sama ang mga magkakagrupo. 2. Pipili ng kategorya at numero ang bawat grupo. Bawat numero ay may katumbas na tanong at bilang ng puntos. 3. Kailangang sagutin ang tanong sa loob ng sampung (10) segundo. Makukuha nila ang puntos kung tama ang kanilang sagot. Kung mali, bibigyan ang ibang grupo ng pagkakataong mag-steal. 4. Ang grupong may pinakamataas na puntos ang siyang mananalo. Mga Tanong sa Laro Unang Kategorya: Kwentong McDo

description

Filipino 7

Transcript of Lesson Plan Gandhi at Mga Tayutay

Page 1: Lesson Plan Gandhi at Mga Tayutay

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7Taong Akademiko 2013 – 2014 Ikatlong Markahan

I. Layunin

a. Naiisa-isa ang mga katangiang dapat taglayin ng isang liderb. Natutukoy ang mga uri ng diskriminasyon sa lipunanc. Nahihinuha ang mensaheng nais iparating ng naging buhay ni Gandhid. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng tayutaye. Natutukoy ang mga tayutay na ginamit sa tekstong binasaf. Nakasusulat ng mga pangungusap na ginamitan ng tayutayg. Naiisa-isa ang mga katangian at uri ng talambuhayh. Nakasusulat ng talambuhay mula sa datos na nakalap sa panayam

II. Paksang Aralin

a. Mohandas Karamchand Gandhi(Talambuhay)b. Mga Tayutay

1. Pagtutulad (Simile)2. Pagwawangis (Metaphor)3. Pagsasatao (Personification)4. Pagmamalabis (Hyperbole)5. Pagtawag (Apostrope)

III.Pamamaraan

PAGBASA

A. Pagbabalik-aral: Kwentong McDo at Mga Idyoma

Laro: JEOPARDY

Mekaniks:1. Magsama-sama ang mga magkakagrupo.2. Pipili ng kategorya at numero ang bawat grupo. Bawat numero ay may katumbas na

tanong at bilang ng puntos.3. Kailangang sagutin ang tanong sa loob ng sampung (10) segundo. Makukuha nila ang

puntos kung tama ang kanilang sagot. Kung mali, bibigyan ang ibang grupo ng pagkakataong mag-steal.

4. Ang grupong may pinakamataas na puntos ang siyang mananalo.

Mga Tanong sa Laro

Unang Kategorya: Kwentong McDo

1. Saan sa Maynila tumira ang mag-ina? (10 puntos)2. Ano ang trabaho ng mga magulang ng pangunahing tauhan? (20 puntos)3. Ano ang pangalan ng kaibigan ng pangunahing tauhan na nag-aya sa kanyang

gumimik? (30 puntos)4. Kailangan matutunan ng isang crew ang bawat bahagi ng operasyon ng isang fast

food chain. Anong trabaho ang pinakaayaw ng pangunahing tauhan?(40 puntos)5. Sino ang sumulat ng “Kuwentong McDo”? (50 puntos)

Page 2: Lesson Plan Gandhi at Mga Tayutay

Ikalawang Kategorya: Mga Idyoma

Irephrase ang katagang ito nang may gamit na idyoma:

1. Napakabagal ng daloy ng trapiko sa EDSA. (10 puntos)2. Nag-aaral nang mabuti si Jacob upang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.

(20 puntos)3. Napakaraming deboto ang dumarayo sa Quiapo sa tuwing sumasapit ang kapistahan

ng Itim na Nazareno. (30 puntos)4. Lagi mong tatandaan, hinding-hindi kita pagtataksilan. (40 puntos)5. Sana magkatotoo ang iyong sinabi. (50 puntos)

Ikatlong Kategorya: Maikling Kuwento

1. Ang Maikling Kuwento ay isang uri ng tekstong _____________. (10 puntos)2. Ito ang resulta o kinalabasan ng pakikipagtunggali ng tauhan sa mga suliraning

kinaharap. Ito rin ang pinakadulong pangyayari ng daloy ng kuwento. (20 puntos)3. Sa “Kuwentong McDo”, kinailangang pagsabayin ng pangunahing tauhan ang pag-

aaral at pagtatrabaho upang makaraos sa pang-araw-araw na pangangailangan. Anong uri ng tunggalian ang ipinapakita nito? (30 puntos)

4. “Akin na! Bilisan mo!” Mahigpit ang pagkakaakbay niya at iginawi niya ako sa madilim na lugar palihis ng Taft Avenue at doon ay tinutukan niya ako ng patalim. Anong bahagi ng maikling kwento ang ipinapakita sa pangyayaring ito? (40 puntos)

5. Sa bahaging ito ipinapakilala at inilalarawan ang mga tauhan. Dito rin ipinahihiwatig ang suliraning kakaharapin ng mga tauhan. (50 puntos)

B. Maikling Talakayan Ukol sa Reaksyong Papel sa Akdang “Maraming Dolyar sa Saudi, Inay!”

Itanong sa klase ang mga sumusunod:1. Bakit nasa paliparan si Aling Rosa?2. Paano tinustusan ni Aling Rosa ang kanyang sarili at anak na si Liza?3. Anong ginawa ni Liza upang mairaos sa kahirapan ang buhay nilang mag-ina?4. Ano ang lihim ni Liza? Paano itong natuklasan ni Aling Rosa?5. Ano ang pinahahalagahan ni Liza? Paano niya ipinakita ang pagpapahalaga rito?6. Ano ang sanhi ng desisyon ni Liza? Ano ang naging bunga nito?7. Anu-ano ang mga maganda at di-magandang epekto ng pagiging OFW?8. Paano nagkakatulad ang akdang “Kuwentong McDo” at “Maraming Dolyar sa Saudi,

Inay!”? Paano nagkakaiba?

C. Talasalitaan

Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.

1. Ang mga Indian ay karaniwang naglalagay ng turban sa ulo. ( A B D N A A )2. Nagsilbing panuntunan ng kanyang buhay ang hirap na dinanas niya noong musmos

pa lamang siya. ( G Y A B A )3. Pangarap niya ang maging isang manananggol upang tulungan ang mga

magsasakang ipaglaban ang kanilang karapatan laban sa mapang-abusong may-ari ng lupa. ( A G B U O D A )

4. Hindi tuminag sa kanyang puwesto ang maninindi kahit sinabihan na siyang bawal magtinda dito. ( O L K M U I S )

Page 3: Lesson Plan Gandhi at Mga Tayutay

5. Sinumang nagmamahal kapayapaan ay nag-aadhikang maging malaya. ( N I S N A A A G )

6. Hinihintay ko ang pagdating ng barko sa pantalan. ( G U N N A D )

D. Pagganyak

Magsama-sama ang magkakagrupo. Ayusin ang mga larawan ng mga pangulo ayon sa pagkakasunud-sunod ng kanilang pamumuno sa bansa. Ang grupong

pinakamabilis na matatapos ang siyang tatanghaling panalo.

Mula sa mga larawan, papiliin ng isang pangulo ang klase at pagbigayin ng katangiang nagmarka sa mga Pilipino at ng mahalaga niyang nagawa sa panahon ng kanyang pamumuno.

E. Pagbasa ng Aralin

Ipabasa ang talambuhay ni Mohandas Karamchand Gandhi at sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Ilagay ang inyong sagot sa kalahating papel.

1. Anu-ano ng ipinaglalaban ni Gandhi? Bakit niya ipinaglalaban ang mga ito?2. Anu-anong paghihirap ang naranasan ni Gandhi?3. Bakit pagkamanananggol ang pinag-aralan ni Gandhi? Ipaliwanag.

F. Pagtatalakay sa aralin

1. Itanong sa klase ang sumusunod: a. Paano hinubog ng kanyang ama ang pagkatao ni Gandhi?b. Sa iyong palagay, bakit hindi hinubad ni Gandhi ang kanyang turban sa korte?c. Naging makatarungan ba ang sinapit na kamatayan ni Gandhi? Ipaliwanag.d. Anong mga katangian ni gandhi ang labis mong hinangaan sa iyong pagbabasa

ng kanyang talambuhay? Bakit?e. Karapat-dapat bang ituring si Gandhi na isang dakilang lider ng bansa? Bakit?f. Paano ipinakilala ni Gandhi ang pagiging isang mabuting lider

2. Malikhaing Awtputa. Isulat sa pisara ang salitang ‘diskriminasyon’. Magpabigay ng mga salitang

maiuugnay nila sa salitang ito.b. Itanong kung anong bahagi ng akda ang nagpapakita ng diskriminasyon.c. Magpagawa ng maikling iskrip para sa isang monologo. Ang iskrip ay dapat na

tungkol sa isang biktima ng diskriminasyon. Kailangang binubuo ito nang 15-20 pangungusap. Ilagay ito sa kalahating papel. Magpraktis kung paano sasabihin at pagkatapos ay ibabahagi sa klase.

Halimbawa:Alam niyo, masaya ang pamumuhay namin ni inay, kahit hindi kami

nakatira sa malapalasyong bahay. Dating kasambahay si inay kila mayor, pero umalis siya noong malaman niyang si mayor ang pinuno ng sindikato ng ipinagbabawal na gamot.

Mahal na mahal ako  ni inay at gayundin ako sa kanya. Sabi ko kay inay magiging abogada ako balang araw. Ako ang siyang magtatanggol sa mga taong inaapi. Sabi ni inay, mahirap lang daw kami kaya kailangan kong mag-aral mabuti para matupad ang pangarap ko. Marami kaming mga pangarap ni inay pero kailanman hindi na matutupad ang mga pangarap namin.

Page 4: Lesson Plan Gandhi at Mga Tayutay

Parang isang bangungot. Tandang tanda ko pa ang gabing iyon. Mahimbing na tulog ko nang magising ako dahil sa malakas na putok ng baril. Si inay! Nasaan si inay?! Nakita ko si inay sa sala, nakahandusay sa sahig, duguan at hindi na humihinga. Marami sila at armado, kasama nila si mayor. Walang kalaban laban si inay pero pinatay pa rin nila siya. Hanggang ngayon naririnig ko pa rin ang putok ng baril at ang halakhak ni mayor. Hindi ako matulog sa gabi, para akong nauupos na kandila. Inuusig kaya sila ng kanilang konsensya? Nakakatulog pa kaya sila nang mahimbing sa gabi?

Hustisya lang naman ang hangad ko eh. Pero bakit ganun? Mailap ang hustisya para sa amin ni inay. Dahil ba mahirap lang kami? Paano pa ako magiging abogada kung mismong hustisya para sa amin ni inay hindi ko makuha?

Diyos ko, kayo na lang po ang naniniwala sa akin. Diyos ko tulungan niyo po akong makuha ang hustisya para sa amin ni inay. Pagod na pagod na po ako. Hindi ko na po alam ang gagawin.

Inay, wag kang mag-alala. Tutulungan tayo ng Diyos makakamit din natin ang hustisya.

d. Pipili ng tatlong (3) estudyanteng magbabahagi ng kanilang nagawang monologo. Ipapatukoy sa klase ang uri ng diskriminasyong naipakita sa mga ibinahaging monologo.

G. Enrichment Activity

Magpagawa ng islogan tungkol sa paglaban sa diskriminasyon. Ipalagay sa isang short bond paper. Magsulat sa likod ng maikling paliwanag tungkol sa nagawang islogan. Pipili ng limang (5) estudyanteng magbabahagi ng kanilang nagawang islogan sa harap ng klase.

H. Pagpapahalaga

1. Anong mga katangian ni Gandhi ang dapat mong pamarisan?2. Paano maipapakita ang pagiging isang mabuting lider?3. Paano ka makatulong na maalis ang diskriminasyon?

I. Pagpapahalagang Pampanitikan

Ipabasa ang mga teksto sa pahina 35 at 36 ng modyul at talakayin ang mga sumusunod na tanong.

1. Anong uri ng teksto ang inyong mga binasang akda?2. Ano ang talambuhay? Ano ang mga katangian nito?Anu-ano ang mga nilalaman nito?3. Ano ang pagkakaiba ng dalawang tekstong inyong binasa?4. Ano ang mga uri ng talambuhay? Ano ang mga katangian nito?

Page 5: Lesson Plan Gandhi at Mga Tayutay

WIKA

A. Ipabasa sa mga estudyante ang mga sumusunod na teksto.

ALAALA NG ISANG TAGLAGASPedro S. Dandan

Sandali akong humimlay sa mga lagas na dahon at talulot ng bulaklak na animo’y sutlang banig na sadyang inilatag ng Panahon sa gulod. Malikot ang hanging nagmumula sa hilaga, at ang manilaw-nilaw at malunti-lunting dahing nalalagas sa mga punungkahoy ay isinasabog niyon sa papawirin waring mga lasog na pakpak ng hindi kakaunting paruparo.

Samantalang nakaduyan ako sa dibdib ng kalikasan ay mariing pinagsalikop ko ang mga pitik ng aking mga mata, at binayaan kong makalaya ang aking kaluluwa sa pagkabilanggo, sa aking katawan upang pailanglang sa kaitaasan at makipagtipan sa iyo sa isa sa mgaaayang araw ng taglagas.

Ang iyong kaluluwa at ang aking kaluluwa ay muling nagkaisa – bagamat hindi makapanawagan sa aking pandama ang iyong katawan. Nanuot sa aking puso ang iyong tinig na lumangkap sa kaiga-igayang musikang nagbabangon sa is-is ng mga talahib at alatiit ng mga punong kawayan na yumuyukod at naggigitgitan.nalanghap ko ang iyong bango sa amoy-pinipg na buntunghininga ng kalikasan. Nakita ko ang iyong anyo sa langit na walang bahid-ulap, at ang mga ningning ng iyong mga mata ay nasalamin ko sa pinilakang sinag na humihiwa sa maputing alapaap.

Sa oaglipas ng mga sandali, ang mapuputing ulap, na animo’y mga kawan ng tupang itinataboy ng kanilang pastol, ay pumindong sa liwanag ng araw, at ikaw ay naglaho sa paningin ng aking guniguni.

Huwag… huwag mo akong lisanin… kahit saglit! Ihiwalay ka man sa akin ng kabilang buhay ay iniuugnay ka rin sa akin ng pag-ibig.

Dumilat ako, at naramdaman ko ang dampi ng maligamgam na simoy sa aking marak nang pisngi, ngunit hindi na taglay ang timyas ng iyong mga halik.

Nassan ka? Magbalik ka! Magbalik ka!

Ako ay nagbangon at naupo sa nakausling ugat sa pampang ng isang malinaw na batis na pinanununghan ng gulod. Pinilit kong maaliw ang kalooban sa pagsakay sa pakpak ng simoy na kumakampay sa kalawakan. Iyon ay naging mailap. Nakipaglaro sa sumasalimbay na ibon at nilagas ang mga dahon ng punong akasya hanggang sa halos nahubdan ang mahahagway na mga sanga.

Isang sariwang bulaklak: iyon ay nasa kanya pa lamang pamumukadkad, at sa kuyom na ubod ay nagmumula ang isang banal na samyo ng pag-ibig. Siya…ang nabalingan ng simoy. Niyutyot sa tangkay… at walang awang kinitil! At ang bulaklak ay dahan-dahang nalagak sa dibdib ng kristal na batis.

Napakagat-labi ako sakakapusang-palad ng bulaklak!

Ngunit… iyon ay inanod ng batis patungo sa may pampang… hanggang sa animo’y malikmatang unti-unting nagkaanyo sa durungawan ng aking kaluluwa ang isang kaakit-akit na mukhang gumitaw sa tampok ng mga talulot ng bulaklak. Gumitaw na mukhang ari ng isang binathalang kagandahang hindi pa nag-iilang saglit na nagmaliw sa aking paningin.

Ikaw ay muling inihandog sa akin ng Diyos: mula sa pagkasapupo ng mga talulot ng isang lagas na bulaklak. Iyon ay sinalok ko sa puyo ng aking palad at ang ubod ay sinisiil ko ng halik. Naramdaman ko: ang kabusilakan ng iyong kaluluwa ay tumiim sa aking nangangatal na labi.

Page 6: Lesson Plan Gandhi at Mga Tayutay

Tadhana, naatim mong agawin ng Taglagas ang isang bulaklak na nasa kanya pa lamang tagsibol!

At ilang patak na luha ang nagtagubilin sa mga talulot ng bulaklak!

Mga Tanong sa pag-unawa

a. Paano nilarawan ng may-akda ang panahon ng Taglagas?b. Ano ang damdaming nangingibabaw sa akda? Ano sa iyong palagay ang dahilan

nito?c. Saan itinulad ng may akda ang kaluluwang sumakabilang buhay? Ano sa iyong

palagay ang kaugnayan niya sa kaluluwang tinutukoy niya?d. Paano nakatutulong ang magagandang tanawin ng kalikasan upang siya ay makipag-

ugnayan sa taong nasa kabilang buhay na?

B. Pagtalakay sa Wika

Mga Gabay na Tanong

1. Suriin ang mga pahayag na may salungguhit. Ano ang kahulugan ng mga ito? Ano ang inilalarawan at paano ito inilarawan?

2. Ano ang tayutay?3. Saan ka madalas na nakababasa ng mga tayutay?4. Bakit gumagamit ng mga tayutay?5. Suriin ang mga paraan ngpaglalarawan sa mga sumusunod pangungusap.

a. (Pagtutulad) Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos, pag-ibig di matatapos. Kawangis ng mga bituin sa langit, maningning ang kanyang mga mata. Ang buhay ay parang gulong – minsan ikaw ay nasa ilalim, minsan ikaw ay nasa

ibabaw. Ang kanilang pananampalataya ay singningas ng araw, sintatag ng kabundukan,

sinlawak ng karagatan.b. (Pagwawangis)

Ang kanyang mga kamay ay yelo sa lamig bago siya umakyat ng entablado. Bukas na aklat ang buhay ng kanilang pamilya sa buong nayon. Mabangong bulaklak ang dalaga na hinahangaan ng karamihan.

c. (Pagsasatao) Umiiyak ang aking pusong nagdurusa ngunit ayokong may makakita. Nakakalbo na ang mga bundok dahil sa walang habas na pagtotroso ng

malalaking kumpanya. Kagabi, nakita ko siyang nakahiga sa damuhan at nakikipagtitigan sa mga bituin

sa langit.d. (Pagmamalabis)

Bumaha ng luha sa burol ng ama dahil sa matinding pagsisisi ng anak. Nadurog ang aking puso nang iniwan niya ako. Lumuwa ang kanyang mga mata nang makita niya sa personal si Angel Locsin.

e. (Pagtawag) Ang bayan ko’y tanging ikaw, Pilipinas kong mahal. Pag-ibig, halika at punuin mo ng pagmamahal ang aming mga puso. Sumikat ka, O Liwanag, at patnubayan mo ang nadidimlan kong landas.

6. Anu-ano ang mga uri ng tayutay?

C. Engagement Activity

Page 7: Lesson Plan Gandhi at Mga Tayutay

1. Magsama-sama ang magkakagrupo. Bumuo ng pangungusap gamit ang tayutay na hinihingi ng bawat bilang. Piliin ang pares ng salita na maaaring

magamit sa pagbuo ng pangungusap.

Mga Pangungusap na mabubuo:

a. Ang kanyang mga pangako ay parang bulang mabilis na naglaho.b. Yelo sa lamig ang kamay ng mang-aawit bago umakyat ng entablado.c. Ang malamig na hangin ay humahalik sa aking pisngi.d. Gabundok ang lalabhang damit ni Aling Nena.e. Pag-ibig, bigyan mo ng kulay ang aking buhay!f. Kasing-puti ng labanos ang kutis ng babaeng iyon.g. Ang iyong mga sinabi ay patalim na bumaon sa aking dibdib.h. Nagtatago ang buwan sa likod ng mga ulapi. Nakakapaso ang init ng kanilang pagmamahalanj. O, Ulan! Diligin mo ang natutuyot nang mundo.

2. Pangkatan: Sumulat ng tatlong pick-up lines banat na gumagamit ng tayutay at i-present ito sa paraang gaya ng sa Boy Pick-up (Bubble Gang).

Halimbawa:

Pagtutulad: Kumain ka ba ng asukal? Kasing tamis kasi ng asukal ang ngiti mo.Pagwawangis: Crayola ka ba? Kasi nagbibigay ka ng kulay sa buhay ko.Personipikasyon: Alarm clock ka ba? Ginising mo kasi ang natutulog kong puso.

f. Labanos (Pagtutulad)Kutis* TigasMata Linaw

Buhok Puti*

a. Pangako (Pagtutulad)Krus MahalBula* Bigat

Singsing Bilis*b. Kamay (Pagwawangis)

Yelo* TalimHangin Lamig*Kutsilyo Init

g. Sinabi (Pagwawangis)Pala Lupa

Patalim* Dibdib*Apoy Kahoy

c. Hangin (Pagsasatao)Sayaw Pisngi*Lipad PunoHalik* Paligid

h. Buwan (Pagsasatao)Libot BituinTago* Ulap*Ngiti Araw

d. Damit (Pagmamalabis)Dagat Laba*Putik Tapon

Bundok* Linis

i. Pagmamahal (Pagmamalabis)Paso* DagatSunog ApoyLunod Init*

e. Pag-ibig (Pagtawag)Linaw Buhay*Kulay* PusoBagal Mata

j. Ulan (Pagtawag)Sampal BahayBaha Mundo*Dilig* Hayop

Page 8: Lesson Plan Gandhi at Mga Tayutay

Pagmamalabis: Bomba ka ba? Sumasabog kasi kagandahan mo.

3. Indibidwal: Gumawa ng tulang naglalarawan sa isang bagay nang hindi ito binabanggit.

Halimbawa:

Nagbabagang bolang ginto’yGumugulong sa kanluranDahan-dahan kung ibuyogSa maulap na hantungan;Ang katalik na maghaponAy aayaw na paiwan,Nakabuntot sa pag-isodMula roon sa silangan. (bagay na inilalarawan: ARAW)

Ang tula ay dapat may dalawang saknong na may tig-aapat na linya. Kailangang makagamit ng hindi bababa sa dalawang tayutay. Mamili sa

mga salitang nasa ibaba:a. bituinb. ulapc. orasand. sasakyan (jeep/kotse/bus/tricycle)

D. Gawaing Pang-upuan

Ipasagot ang pahina 41-42 (B at C) ng modyul.

E. Takdang Aralin

Ipasagot ang pahina 40-41 (A) at 43-44 (D, E at F) ng inyong modyul.

PAGSULAT

A. Balik-aralan ang kahulugan at katangian ng isang talambuhay.B. Papiliin ang mga estudyante ng taong kanilang hinahangaan na kanilang kakapanayamin. C. Pagawain ang sila ng talambuhay ng kanilang kinapanayam mula sa mga impormasyong

kanilang makakalap. Dapat nilang bigyang diin sa sulatin ang mga aral na kanilang natutunan mula sa karanasan ng kanilang kinapanayam. Ipalagay ito sa isang buong papel.