LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan...

24
DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016 LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE GURO: Gng. Noemi Miculob at Gng. Maria Clemen Franche ANTAS:5 ASIGNATURA: Filipino TERMINO: Ikatlo YUNIT/PAKSA: Pandiwa,Pang- abay,Pang-ugnay, Pagbasa ng Grap at Mapa,Pagtukoy ng sanhi at bunga,Pagsagot sa Pormularyong Panlipunan, Pagtukoy sa mga impormasyon sa Library Card, Pagkilala sa Tauhan, Pagtukoy sa Paksang Pangungusap,at Pagbibigay ng mahahalagang detalye TIME FRAME: Enero - Marso PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto *PASALITA: Nakakapagpahayag ng kaalaman sa pamamagitan ng radio broadcast/teleradyo, debate at ng isang forum *PASULAT: Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin *PRODUKTO: Nakakagagawa ng radyo broadcast/teleradyo gamit ang mga datos na nasaliksik, gamit ang graph sa pagbibigay impormasyon. GABAY SA PRINSIPYONG LASALYANO Check applicable LGPs LGP 1: Hamunin ang mga mag-aaral tantuin at gamitin sa kabuuan ang kanilang mga kakayahan. LGP 2: Maipamalas ang Kristyanong pananaw sa pakikipagkapwa-tao. LGP 3: Mga aktibong miyembrong gumagalang sa pagkakatangi at pagkakaiba-iba tungo sa magalang, may malasakit at pantay na lipunan. LGP 4: Matiyak na ang mag-aaral ay nakapagbabahagi ng kaalaman at naisasabuhay ang mga ito para sa kapakina-bangan ng simbahan at lipunang ginagalawan. LGP 5: Maihanda ang mga mag-aaral para sa responsableng pakikilahok sa larangan ng paggawa, pamilya, lipunan, at simbahan. UNANG YUGTO: PAGTATAG NG MGA INAASAHANG BUNGA TUNGUHING MAY PAGLILIPAT: Ang mga mag-aaral ay may kalayaang magamit ang kanilang natutunan o kaalaman sa paghahatid ng mensahe o ideya tungkol sa napapanahong isyung pangkalikasan

Transcript of LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan...

Page 1: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE

GURO: Gng. Noemi Miculob at Gng. Maria Clemen Franche

ANTAS:5 ASIGNATURA: Filipino

TERMINO: Ikatlo YUNIT/PAKSA: Pandiwa,Pang-abay,Pang-ugnay, Pagbasa ng Grap at Mapa,Pagtukoy ng sanhi at bunga,Pagsagot sa Pormularyong Panlipunan, Pagtukoy sa mga impormasyon sa Library Card, Pagkilala sa Tauhan, Pagtukoy sa Paksang Pangungusap,at Pagbibigay ng mahahalagang detalye

TIME FRAME: Enero - Marso

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto

*PASALITA: Nakakapagpahayag ng kaalaman sa pamamagitan ng radio broadcast/teleradyo, debate at ng isang forum *PASULAT: Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin *PRODUKTO: Nakakagagawa ng radyo broadcast/teleradyo gamit ang mga datos na nasaliksik, gamit ang graph sa pagbibigay impormasyon.

GABAY SA PRINSIPYONG LASALYANO

Check applicable LGPs

✔ LGP 1: Hamunin ang mga mag-aaral tantuin at gamitin sa kabuuan ang kanilang mga kakayahan.

✔ LGP 2: Maipamalas ang Kristyanong pananaw sa pakikipagkapwa-tao.

✔ LGP 3: Mga aktibong miyembrong gumagalang sa pagkakatangi at pagkakaiba-iba tungo sa magalang, may malasakit at pantay na lipunan.

✔ LGP 4: Matiyak na ang mag-aaral ay nakapagbabahagi ng kaalaman at naisasabuhay ang mga ito para sa kapakina-bangan ng simbahan at lipunang ginagalawan.

✔ LGP 5: Maihanda ang mga mag-aaral para sa responsableng pakikilahok sa larangan ng paggawa, pamilya, lipunan, at simbahan.

UNANG YUGTO: PAGTATAG NG MGA INAASAHANG BUNGA

TUNGUHING MAY PAGLILIPAT:

Ang mga mag-aaral ay may kalayaang magamit ang kanilang natutunan o kaalaman sa paghahatid ng mensahe o ideya tungkol sa napapanahong isyung pangkalikasan

Page 2: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

PAMALAGIANG PANG-UNAWA

Mauunawaan ng mga mag-aaral na: Ang malinaw at wastong pagpili ng mga salitang nakpagpahatid ng eksakto at malinaw na mensahe sa tagapakinig o tagabasa ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag.

MAHALAGANG KATANUNGAN

Masasagot ng mga mag-aaral ang mga sumusunod: 1.Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kamulatan sa nangyayari sa kapaligiran? 2.Paano magiging epektibo ang pagpaparating ng mensahe, saloobin o ideya sa kapwa?

LAYUNING DAPAT MATAMO MGA KASANAYAN (DepEd Code) KAALAMAN (Knowledge): WIKA:

1. Natutukoy ang pandiwang ginamit sa pangungusap 2. Natutukoy ang angkop na pandiwang bubuo sa pangungusap 3. Natutukoy ang pang-abay na ginamit sa pangungusap 4. Natutukoy ang angkop na pang-abay na bubuo sa pangungusap

5. Natutukoy ang pang-unay na ginamit sa pangungusap

6. Natutukoy ang angkop pang-ugnay na bubuo sa pangungusap

PAGBASA:

7. Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari 8. Naibibigay ang datos na hinihingi ng isang form 9. Naibibigay ang paksa ng napakinggang kuwento/usapan 10. Naibibigay ang paksa ng isang talata 11. Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang-impormasyon 12. Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng pamatnubay na tanong

PROSESO (Process) WIKA:

13. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay tungkol sa mahahalagang pangyayari

14. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay tungkol sa tradisyon at sa iba’t ibang okasyon

15. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay tungkol sa

Kasaysayan PAGBASA:

17. Nabibigyang-interpretasyon ang bar graph, pie, talahanayan at iba pa 18. Nabibigyang-kahulugan ang bar graph 19. Nabibigyang kahulugan at nakagagawa ng graph para sa mga impormasyong nakalap

PANG-UNAWA (Understanding) WIKA:

20. Naisusulat nang malinaw at wasto ang mga pangungusap at talata 21. Naiguguhit ang paksa ng binasang teksto/tula 22. Nakasusulat ng editorial 23. Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo 24. Nakasusulat ng balangkas sa anyong pangungusap o paksa sa binasang teksto

PAGBASA:

Page 3: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

25. Nakapagtatanong tungkol sa impormasyong inilahad sa isang dayagram, tsart, mapa 26. Nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan 27. Nailalarawan ang tauhan batay sa kilos at pagsasalita 28. Naibibigay ang bagong natuklasang kaalaman mula sa binasang teksto

IKA-2 YUGTO: PAGTUKOY SA ISPESIPIKO AT MABISANG PAGTATAYA

AWTPUT O PAGGANAP NA NAGPAPAKITA NG KATIBAYAN NG PAG-UNAWA

RADIO BROADCAST/TELERADYO

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya nakakaranas taon-taon ng mga malalakas na bagyo pati narin ang matinding epekto ng El Nino. Lingid sa kaalaman ng karamihan ito ay isa sa mga epekto ng “ Climate Change”. Bilang isang Lasalyanong Environmentalist, napakahalaga ang pagiging bukas ang mga mata at isip sa tunay na epekto ng “Climate Change” sa ating bansa. Paano mo ibabahagi sa kapwa mo mga Pilipino ang kahalagahan ng kalaaman tungkol dito at kung paano ang bawat isa ay makatutulong ang lubhang epekto ng climate change. Bumuo ng radio broadcast/teleradyo, debate at ng isang forum gamit ang mga datos na iyong nasaliksik, gumamit ng graph sa pagbibigay impormasyon. Ang radio broadcast/teleradyo na bubuiin ay magtataglay ng tamang pagpili ng salitang nagpapakita ng wastong aksyon tungkol sa sitwasyon, malinaw na pagpapahayag ng saloobin at nagtataglay ng mekaniks sa pagsusulat at pananalita.

KAGAMITANG PAGTATAYA (Unit Assessment Map)

TYPE KNOWLEDGE PROCESS UNDERSTANDING PRODUCT/ PERFORMANCE

Pre-Assessment/ Diagnostic

IRF IRF IRF Tseklist

Formative Think-pair-share Brainstorming

Think-pair-share Choral Reading, Comprehension

Check

Three Way Journal Expectation Outline

Anticipatory Chart

Summative Pagtataya blg. 1-4 Pagtataya blg.2-5 Pagtataya blg. 3-5 at CUA

Proyekto

Self-Assessment Dyornal/Repleksyon Dyornal/Repleksyon Dyornal/Repleksyon

KAUGNAY NA BAHAGI NG PAG-UNAWA

Magagamit nang mag-isa ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral sa pakikipag-usap ng epektibo at mahusay sa ibang tao. PAGPAPALIWANAG Maipaliwanag ng mga mag-aaral nang malinaw ang kahalagahan ng paggamit ng pang-abay at mga pang-ugnay. INTERPRETASYON Makapagbigay ng mainam o magandang interpretasyon sa narinig o nabasang pahayag ng kapwa batay sa ginamit na salita sa pagsasalaysay ng nasaksihang pangyayari. PAGLALAPAT Matapat na nakapaglahad at nakapaglarawan ng mga pangyayari. Nasasanay na tumanggap ng ibang interpretasyon ng kapwa sa sariling pahayag. PERSPEKTIBO Makabuo ng sariling pananaw na magbahagi ng sariling interpretasyon sa kapwa. Malaking maitutulong sa pagsasanay sa pagsusuri ng sanhi at bunga ng pangyayari sa salaysay at paglalarawan ng pangyayari. PAGDAMA AT PAG-UNAWA Malilinang ang kasanayan at kakayahang tumukoy at maghambing upang higit na maunawaan ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Page 4: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

PAGKILALA SA SARILI Mas malawak ang pagkamulat sa sariling kakayahan batay sa mga naging bunga ng disisyon sa hinarap na sitwasyon o panyayari sa sariling buhay.

BLENDED ACTIVITIES/TOOLS F2F and e-learning activities are aligned

ENVIRONMENT ATTRIBUTES

Need not be chronologically arranged in stage 3

FACE-TO-FACE E-LEARNING

ACTIVE Students investigate the Essential Question or a given situation, issue or problem. Students research in different sources and activities for information related to the EQ, situation or problem.

oral recitation, role playing, peer review, discussion, creative writing, problem solving, games, Collecting anonymous student generated questions:

interactive activities, videos, podcast, story mapping, learning management system

COLLABORATIVE Students work in groups and discuss their ideas, answers, or solutions to EQ, problem or situation. Students take on roles to complete a group work.

think-pair-share, interview, Curriculum based oral reading probe, Partner reading, debate

chat , blogs, email, forums, discussion board, collaborative mobile apps

CONSTRUCTIVE Students produce the content related to the knowledge and process competencies. Students form generalizations and conclusions based on different texts, situations, problems, and scenarios. Students answer the EQ and discuss the EU and justify their ideas with supporting examples.

graphic organizer, diagram, oral recitation, portfolio making,mini research

interactive activities, comic maker,

AUTHENTIC Students transfer their learning to real life situations. Students in their performance task show practical applications and solutions to the EQ, issue or problem situation. Students manifest the 7Cs of 21

st century learning in

their performance and product. (Integrate all or any of the 7Cs)

skills demo, defense, final draft, Interactive activities, web-based courses,animation, photo editing

GOAL-DIRECTED Students reflect on their learning process. Students manage their way of working. Students

Journals, Constructing Prayer, portfolio, Making a stand, slogan

Online portfolio, graphic art, blogs, video blogs

Page 5: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

check every now and then how they are accomplishing the learning goals they set for themselves.

STAGE 3: LEARNING PLAN FLOW

LESSON PROPER

I. Introduction

Gawain 1: Pagtalakay ng EU at EQ para sa Ikatlong Termino Mauunawaan ng mga mag-aaral na: Ang malinaw at wastong pagpili ng mga salitang nakpagpahatid ng eksakto at malinaw na mensahe sa tagapakinig o tagabasa ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag. MAHAHALAGANG TANONG: 1.Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kamulatan sa nangyayari sa kapaligiran? 2. Paano magiging epektibo ang pagpaparating ng mensahe, saloobin o ideya sa kapwa? Gawain 2 : Think-pair-share Sagutan ang IRF: Mga Tanong:

1. A- Ano ang natatandaan n’yo sa mga paksang ito? 2. G- Ano ang gusto n’yo malaman sa mga paksang ito? 3. S- Saan malalaman ito? 4. N- Ano ang nalaman o natutunan?

Paksa A G S N

Pandiwa

Pang-abay

Pang-ugnay

II. INTERACTION

UNANG AT IKALAWANG LINGGO Gawain 1: Pagtalakay sa layunin at presentasyon ng mahalagang tanong at layuning maisasalin. Sa katapusan ng talakayan ng mga aralin, ang mga mag-aaral :

a. Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa pangungusap na isinasaalang-alang ang iba’t ibang aspekto, uri at pokus ng pandiwa.

b. Nasasagutan nang tama ang mga tanong batay sa binasang teksto. c. Naiuugnay ang binasa sa realidad ng buhay. d. Natutukoy ang katangian ng pangunahing tauhan sa tekstong nabasa.

Presentasyon ng mahalagang tanong at layuning maisasalin.

Bakit mahalaga ang wastong gamit ng pandiwa, pang-abay, at pang-ugnay sa pakikipagtalastasan? Gawain 2: Famous Person Mystery Pagsasanay na Pasalita: Tingnang mabuti ang larawan. Magbigay ng mga kaalaman tungkol sa mga pangyayari noong “2015 Miss Universe”. Isa-isahin ang mga naging kilos ni Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach at ng ibang mga kandidata. Ibigay ang mga magandang pag-uugali ng Pilipino na ipinakita ni Ms. Universe Pia Wurtzbach.

Page 6: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

Sagutin ang bawat tanong:

a. Bukod sa kanyang pisikal na anyo at sagot sa mga tanong ng mga hurado, ano ang naging karagdagang rason kung bakit siya hinirang na “ Ms. Universe 2015”? Inaasahang sagot: Ang kanyang mahinhing kilos.

b. Ano ano ang unang naiisip kapag naririnig ang salitang kilos?

Inaasahang sagot: Pandiwa Gawain 3: Pagbasa ng Teksto Pabasahin at ipasuri ang talatang “Panulat at Tabak” mula sa aklat ng Pluma5. Pansinin ang mga salitang may diin sa talata. Ibahagi sa klase ang kanilang pagkakaugnay. Gawain 4: Panunuod ng video Panuorin ang mga mag-aaral ng video na galing sa palabas na “ALIKABUK”. Pagkatapos ng maikling pagbabalik-aral tungkol sa Pandiwa at ang mga aspekto nito, ipakuha ang aklat at pasagutan ang mga pahina “Madali Lang Iyan”. Gawain 5: Paghahawan sa balakid 1. Pasagot sa Pormatibong Pagsasanay mula sa aklat.

I. Punan ang patlang ng wastong aspekto ng pandiwang kukumpleto sa diwa nito, gamit ang salitang-

ugat sa loob ng panaklong. (gising) 1. Maagang _________________ si Procopio kahapon. (punta) 2. Mamaya ay ____________ siya sa kanyang kuya. (linis) 3. Ngayon ay __________ sa bahay ang magkakapatid. (laba) 4. Kasalukuyan naming ____________ sina Espiridiona at Maxima. (kuwento) 5. Kagabi ay masayang____________ ang magkakapatid na Bonifacio. (simba) 6. Sila ay ________ sa darating na linggo. (dalaw) 7. ________________ sila sa puntod ng kanilang magulang sa susunod na araw. (gawa) 8. Habang _____________ sila ng abanikong pamaypay at baston ay napag-uusapan din

nila ang kanilang kalagayan sa buhay. (buo) 9. _________________ sila ng magandang plano sa kasalukuyan. (sundo) 10. Noong nawala ang kanilang magulang ay ______________________ silang magtulungang magkakapatid.

II. Bumuo ng mga pangungusap kaugnay ng buhay ni Bonifacio. Gawing gabay ang panuto sa bawat bilang sa pagbuo ng pangungusap. 1. Sabihin kung paano mo matutularan si Andres Bonifacio upang sa hinharap ay maituring ka ring

bayani n gating bayan. Gumamit ng mga pandiwang nasa aspektong kontemplatibo sa pagbuo ng dalawang pangungusap hinggil dito.

2. Hindi naging hadlang ang kahirapang dinanas ni Bonifacio upang kilalaning bayani ng bayan.

Ipahayag ang hindi magagandang bagay na nais mong balikan at nais mong maitama. Bumuo ng

Page 7: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

pangungusap na may aspktong perpektibo at perpektibong kakatapos hinggil dito.

3. Bagama’t hindi nakapasok sa pormal na paaralan ay sinikap ni Bonifacio matutong bumasa at

sumulat sa sariling paraan. Bumuo ng dalwang pangungusap na may pandiwang nasa aspektong kontemlatibo upang masabi ang mga bagay na ginawa mo sa kasalukuyang makatutulong sa iyo nang malaki upang maabot ang mga pangarap sa buhay.

2. Pagwawasto ng Pormatibong Pagsasanay. Gawain 6: Pagbasa ng Patalastas Transition Statement: Kahapon/ Kanina ating tinalakay ang iba’t ibang kilos na nagpapakita ng kagandahang asal, kagaya nalang ng mga ipinakita nina Ms. Universe Pia Wurtzbach at Andres Bonifacio. Basahin natin ang patalastas tungkol kay “Aris Canoy Espinosa”. Bilang isang Lasalyano, ating isa-isahin ang ating wastong kilos habang tayo ay nagbabasa.

1. Umupo nang maayos. 2. Ingatan at hawakan nang mabuti ang MLD. 3. Basahin at intindihin nang mabuti ang binabasa.

Gawain 7: Pagtalakay sa nabasang Patalastas Sagutin ang bawat tanong:

1. Sino si Aris Canoy Espinosa? 2. Ano ang kanyang ginawang kagitingan? 3. Ano-ano ang mga pandiwang ginamit sa iyong nabasa?

Gawain 8: Pagtukoy sa Uri ng Pandiwa (Take a stand) Transition Statement: Mula sa mga salitang pandiwa ginamit sa nabasang patalastas, ating isa-isahin kung ang mga ito ba ay may pinaglalaanan o may tumatanggap ba ng kilos o wala. Banggitin ang mga salitang kilos mula sa teksto.Tumayo kung ang sagot mo ay meron at manatiling nakaupo kung wala. Gawain 9: Pagpapalalim Transition Statement: Bago pa man tayo makabuo ng pangungusap gamit ang pandiwa napakahalaga na alam muna natin kung paano nabubuo ang mga pandiwa. Pagbabalik-aral: Pangkatang Laro Panuto: Makinig nang mabuti sa kanta, bawat miyembro ng grupo ay isusulat ang mga pandiwang narinig sa kantang “Kanlungan”. Ito ay paramihan ng malilistang pandiwa. Siguraduhing umiikot ang papel sa grupo. Gawain 10: Presentasyon ng Mahalagang Tanong

Ano ang kahalagahan ng paggamit ng wastong pandiwa sa pakikipagtalastasan? Gawain 11: Pagtalakay ng mga Panlaping Pandiwa Powerpoint Presenation

Page 8: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

Gawain 12: Pagsagot sa Pagsasanay blg. 2 Transisyon statement: Nalaman na natin kung paano nabubuo ang salitang pandiwa, ngayon naman upang lubusang malaman kung talaga bang inyong naintintindihan ang nagging leksyon ating sagutan ang Pagsasanay blg.2.

KNOWLEDGE

Sinipi mula sa websayt na : © 2014 Pia Noche samutsamot.com

Kakayahan: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panlapi sa pagbubuo ng mga pandiwa. Nasusuri ang mga pagbabago

sa anyo ng pandiwa batay sa aspekto ng panlaping ginamit

I. Panuto: Punan ang talahanayan ng mga pandiwa sa tamang aspekto. Gamitin ang ibinigay na panlaping

makadiwa. Tingan ang dalawang halimbawa.

II.Panuto:Salungguhitan ang pandiwa sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang panlaping makadiwa na ikinabit dito. ____________________1. Hindi na natin kailangan umutang dahil may trabaho na ako. ____________________2. Magkita tayo sa silid-aklatan pagkatapos ng klase. ____________________3. Kay Kuya Pocholo tayo magpatulong sa pagkarga nitong kahon. ____________________4. Sana ay hindi ako magkamali sa pagsusulit. ____________________5. Ang batang babae ay nahimatay dahil sa matinding init. ____________________6. Huwag mong gastusin lahat ang perang baon mo. ____________________7. Sabihin mo sa kanya kung ano ang tamang paraan. ____________________8. Itago mo ang mga kumot sa loob ng kabinet. ____________________9. Matupad kaya ang pangarap ni Emilio na maging doktor? ____________________10. Si Peter ay gumanap na Romeo sa aming dula. ____________________11. Nagtulungan ang mga kasapi ng samahan. ____________________12. Huwag kayong mag-agawan ng laruan. ____________________13. Kailan tayo magkukuwentuhan tungkol sa paglalakbay mo sa Japan? ____________________14. Kailangan na pirmahan ito ng mga magulang mo. ____________________15. Balitaan mo naman ako tungkol sa pag-aaral mo sa Maynila. Gawain 13: Pagbasa ng maikling kwento ( Think- Pair- Share) Transition Statement: Bilang isang Lasalyano mahalaga na lagi natin isinasaalang-alang ang mga tamang kilos sa bawat disisyon natin. Ating basahin ang maikling kwentong “Ang Hatol ni Athena” mula sa aklat ng Pluma 5 upang mas lalo nating maintindihan ang kahalagahan ng tamang kilos sa ating mga disisyon. Gawain 14: Pagtalakay sa tekstong binasa ( Comprehension Check ) Talakayin:

Salitang-ugat Panlaping Makadiwa

Aspektong naganap

Aspektong ginaganap

Aspektong gaganapin

tawa -um- tumawa tumatawa tatawa

utos mag- nag-utos nag-uutos mag-uutos

1. galaw -um-

2. sulat -in

3. awa ma-

4. tawag -in-

5. suklay mag-

6. wala ma-

7. inom um-

8. bagyo -um-

9. bingi ma-

10. buksan -in-

11. ubo um-

12. trabaho mag-

13. andar um-

14. bihis mag-

15. masdan -in-

Page 9: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

a. Anong uri ng pamilya ang pinagmulan ni Arachne? b. Paano gumanda ang kanilang buhay? c. Ikaw naranasan mo na bang maging mapagmataas o mayabang minsan sa iyong buhay? Ano ang naging

bunga nito? d. Paano mo magagamit ang mga ito sa iyon buhay? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain 15: Pagbuo ng Dyornal base sa binasang teksto Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang reaksyon kung bakit hindi maganda ang maging mayabang. Ibahagi kung paano mapanatiling nakatapak ang iyong paa sa lupa sa kabila ng magagandang bagay na mayroon ka at maaari pang dumating sa buhay. Gawain 16 : Paglalagom Katulad ng mga natatanging Pilipino na sina Ms. Universe – Pia Alonzo Wurtzbach, Bonifacio, at Aris Canoy, bilang Pilipino paano mo maipapakita ang pagiging Pilipino sa kilos at gawa? Gawain 17: Pagbuo ng Dyornal/ Repleksyon Ipasulat sa mag-aaral ang kanilang natutunan sa kahalagahan ng bahagi ng pananalitang pandiwa sa kanilang pag-aaral sa asignatura na Filipino, pagbuo ng pangungusap, at pakikipag-usap. IKATLONG AT IKAAPAT NA LINGGO Gawain 1: Pagtalakay sa lingguhang layunin at presentasyon ng layuning maisasalin. Sa katapusan ng talakayan ng mga aralin, ang mga mag-aaral :

1. Nalalaman ang kaibahan ng Pang-abay sa Pang-uri

2. Natutukoy ang pang-abay sa pangungusap

3. Nagagamit ang pang-abay nang wasto sa pakikipagtalastasan

4. Naiuugnay ang binasa sa realidad ng buhay.

Mauunawaan n’yo bilang mag-aaral na:

Ang malinaw at wastong pagpili ng mga salitang nakpagpahatid ng eksakto at malinaw na mensahe sa tagapakinig

o tagabasa ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag.

Transition statement: Mahalagang maunawaan kayo ng mga nakikinig o tumatanggap ng inyong pahayag,

kagaya nalang ng nabasa nating Talambuhay ni Dra. Fe del Mundo madali ninyong naunawaan ang mga ginamit

na salita. Ngayon inyong susubukan bumuo ng inyong Talamabuhay gamit ang mga impormasyon na inilagay n’yo

sa Pormularyong Panlipunan.

Gawain 2: Pagbuo ng Talambuhay Transition Statement: Bawat tao ay may mga kasaysayan ang buhay na maaring isulat ng sarili o ng iba para sa atin upang ibahagi sa iba ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay. Ang mga ito ay ang talambuhay. Ang mag-aaral na kagaya mo ay maaaring sumulat ng talambuhay. Gawain 3: Balikan ang mga naging sagot sa RIF tungkol sa pang-abay.

Gawain 4: Pagbuo ng Talambuhay Transition Statement: Bawat tao ay may mga kasaysayan ang buhay na maaring isulat ng sarili o ng iba para sa atin upang ibahagi sa iba ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay. Ang mga ito ay ang talambuhay. Ang mag-aaral na kagaya mo ay maaaring sumulat ng talambuhay. Ang mag-aaral ay sasagot ng pormularyo sa aklat na Pluma 5 upang ang mga natalang impormasyon ay maging gabay sa pagbuo ng sariling talambuhay. Gawain 5: Balikan ang mga naging sagot sa RIF tungkol sa pang-abay. Gawain 6: Pagsusuri ng Pangungusap ( Think-Pair-share) Surrin ang bawat pangungusap at ibahagi ang mga salitang binibigyang turing ng mga salitang nakasalungguhit.

Page 10: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

Sabihin kung anong bahagi ng pananalita ito.

a. Tunay na malaki ang kanyang puso lalo na sa mga batang pasyente. b. Kahit na sobrang kaabalahan sa panggagamot ay nakakaya niya parin niya itong isabay sa pagsusulat. c. Tunay na magaling manggamot at magsulat siya.

Gawain 4: Pagpapalalim Transiton Statement: Ating nakita sa bawat pangungusap ang bawat salitang nakasalungguhit ay may binibigyang turing. Ito ay mga salitang ginagamit upang ilarawan ang pandiwa, pang-uri, at ang kapwa pang-abay. Talakayin:

Pang-abay Ang pang-abay ang tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Mabigay ng halimbawa sa bawat binibigyang-turing. Gawain 5: Pagsagot ng Pagsasanay Transition Satement: Ngayon na alam na natin kung ano-ano ang binibyang- turing ng pang-abay ating kakayanin na sagutan ang pagsasanay mula sa aklat na Pluma5.

I. Ikahon ang pang-abay na ginamit sa bawat pangungusap. 1. Ang nagmamahal sa mababait na doktor ay lubhang marami. 2. Kaagad nilang ginagamot ang mga pasyente nagpupunta sa kanila. 3. Ang mga plano nila lolo na para sa mga batang pasyente ay sadyang magaganda. 4. Ang mga doktor ay mabilis kumilos lalo na sa oras ng emergency. 5. Maunawain sila at tapat na tumutulong sa mga nangangailangan. 6. Sila ay talagang matitiyagang maglingkod sa kapwa. 7. Magaling silang mag-isip ng mga bagay na makatutulong lalo na sa may sakit. 8. Sa lahat ng tao sa ospital ay mahuhusay silang makisama. 9. Malimit silang makapagpahinga kahit na nga gabi pa o espesyal na araw. 10. Ang mga hangarin nila ay para sa bayan ay tunay na kahanga-hanga. II. Base sa mga pangungusap sa itaas, isulat sa talahanayan ang hinihinging impormasyon batay sa pang-abay na ginamit sa bawat pangungusap.

Pang-abay Tinuturing Salita at Uri ng Pananalita

1. lubhang Marami – pang-uri

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

III. Gamitin bilang pang-abay ang sumusunod na salita upang makabuo ng pangungusap hinggil sa mga katangian at tulong ng mga doktor sa ating bansa. 1. masaya (pandiwa)

2. totoong (pang-uri)

3. kaagad (kapwa pang-abay)

Page 11: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

4. matapat (pandiwa)

5. sobra (pang-uri)

6. magaan (kapwa pang-abay)

Gawain 6: Pagsusuri sa kaibahan ng Pang-abay sa Pang-uri Transition Statement: May napansin ba kayo sa pang-abay at pang-uri? Ano ang kanilang pagkakatulad? Marahil inyong napansin na sila ay parehong mga bahagi ng salita na naglalarawan. Ating alamin ang kanilang pagkakaiba sa isa’t isa. Talakayin (mula sa aklat na PLUMA5)

1. Ang pang-uri ay salitang nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip. 2. Ang pang-abay ay salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.

Gawain 7: Pagsagot sa pagsasanay sa aklat 1.Pormatibong Pagsasanay Transition Statement: Ngayon na alam na natin ang pagkakaiba ng dalawang bahagi ng salitang naglalarawan ating sagutan ang “ Madali lang iyan”, Subukin pa Natin” , at “ Tiyakin na Natin” sa aklat na Pluma 5. 2. Pagmamarka ng mga sagot. Gawain 8: Pagbasa ng Talata (think-pair-share) Transition Statement: Napakahalaga sa tao ang katapatan. Kayo ba gusto n’yo bang maging kaibigan ang taong tapat? Ating basahin ang talatang “ Huwaran ng Katapatan” Talakayin sa kapareha ang mensahe ng talata. Ibahagi kung paano magiging isang tapat na kaibigan, kaklase, o kamag-aral. Gawain 9: Pagtalakay sa mga uri ng Pang-abay Balik-aralin ang kahulugan ng pang-abay at mga binibigyang-turing nito sa pamamagitan ng “online quiz” mula sa kahoot.com. Talakayin ang iba’t ibang uri ng Pang-abay.

Uri ng Pang-abay

1. Pamaraan – ito ay sumasagot sa tanong na paano sa pangungusap. Sinasagot nito ang tanong kung paano naganap, nagaganap, at gaganapin ang sinasabi ng pandiwa.

2. Pamanahon – ito ay sumasagot sa tanong na kalian sa pangungusap. Ipinapakita nito kung kailan ginanap, ginaganap, gaganapin ang sinasabi ng pandiwa.

3. Panlunan – ito ay sumasagot sa tanong na saan sa pangungusap. . Ipinapakita nito kung saan ginanap,

ginaganap, gaganapin ang sinasabi ng pandiwa.

4. Panggaano - ito ay nagsasaad ng timbang o sukat ng pandiwa. 5. Ingklitik – tawag sa katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap. May 16 na

kilalang pang-abay na ingklitik. Ito ay ang mga sumusunod.

man kasi sana nang

kaya yata tuloy Lamang/ lang

din ba pa muna

pala na naman daw/raw

6. Kondisyunal – nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. A mga pang-abay na ito ay may mga sugnay o parirala na pinangungunahan ng kung, kapag, o pag, at pagka.

Page 12: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

7. Kusatibo - tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng dahilan ng pagganap sa kilos ng pandiwa. Binubuo ito ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.

8. Panang-ayon – pang-abay na nagsasaad ng pagsang-ayon. 9. Pananggi – pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi o di pagsang-ayon tulad ng hindi, ayaw, wala, atbp. 10. Pang-agam – pang-abay na nagpapahayag ng di-katiyakan sa kilos na ipinapahayag ng pandiwa.

Gawain 10: Pagsagot sa pagsasanay sa aklat 1.Pormatibong Pagsasanay Transition Statement: Ngayon na alam na natin ang ibat’ibang uri ng pang-abay, ating sagutan ang “Madali lang iyan”, Subukin pa Natin” , at “ Tiyakin na Natin” sa aklat na Pluma 5 (ph. 356-357, 380-382, 392-393). 2. Pagmamarka ng mga sagot. Gawain 11: Pangkatang Gawain (Carousel) Pangkatin ang mga mag-aaral, may 5 mag-aaral sa bawat pangkat. Pumili ng isang parabulang nakasulat sa Alamin Natin. Ikuwento ito sa malikhain o masining na paraan upang higit na madaling Makita ng kapwa mag-aaral ang mga mensaheng hatid ng parabula. Gawain 12: Pangkatang Gawain ( Agreement Circles) Transition Statement: Hindi lingid sa lahat na nalalapit ang eleksyon 2016 sa bansa, maraming mga politiko ang nagnanais na tumakbo sa iba’t ibang posisyon. Bilang isang Lasalyanong nagmamalasakit ano ang maipapayo mo sa mga mamayanang Pilipino upang mailuklok ang karapat-dapat na mamuno ng ating bansa? Pangkatin ang mga mag-aaral, bawat miyembro ng pangkat ay magbibigay ng kanya-kanyang payo. Ang bubuuing payo ay dapat nagtataglay ng makatotohanan at angkop sa gulang ng mag-aaral, makatutulong ang payo upang maisip ng ibang botante ang kahalagahan pagsusuri ng iboboto, at gumamit ng pang-abaysa kabuuan ng payo. Gawain 13: Pagsagot sa Samatibong Pagsasanay Pasagutan ang Pagtataya blg. 2 upang makita ang kaalaman ng antas sa mga tinalakay ng buong dalawang linggo tungkol sa Pang-abay. Gawain 14 :Paglalagom Pasagutan ang mahalgang tanong: Ano ang kahalagahan ng paggamit ng wastong pang-abay sa pakikipagtalastasan? Gawain 15 : Pagtalakay sa Pagtukoy sa paksa ng talata Transition statement: Mahalaga sa wastong pakikipagtalastasan ang maihatid na malinaw ang mensahe lalong-lalo na sa pagbabasa, malaking bahagi nito ang pag-alam sa paksa ng isang talata.Ating subukan tukuyin ang paksa sa ma talata. Basahin at intindihin nang mabuti ang dalawang talata. Sabihin ang paksa. IKALIMANG NA LINGGO Unang Araw ( Pebrero 15) Gawain 1: Pagtalakay sa Layunin at Mahahalagang Tanong Arawang Layunin

Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari

Nabibigyang intepretasyon ang mga larawan EQ

Gayang-gaya moa ng sinasabi ni Lola Basyang

kapag nagsisimula na siyang magkwento.

Ang akin pong lolo ay si G. Severino reyes alyas Lola Basyang.

Inanganak siya noong Pebrero 11, 1861 sa Sta. Cruz, Maynila.

Page 13: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

1.Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kamulatan sa nangyayari sa kapaligiran? 2. Paano magiging epektibo ang pagpaparating ng mensahe, saloobin o ideya sa kapwa?

Gawain 2: Pagbabalik-aral Pagtukoy sa Paksang Pangungusap ng talata. Ang pangunahing sanhi ng climate change ay ang paglaganap ng tinatawag na “greenhouse gases” sa ating kalawakan na kinabibilangan ng carbon dioxide, methane, nitrous oxide at ozone. Ang mga gases na ito ay nagmumula sa paggamit natin ng maruruming uri ng enerhiya at gasolina, at sa uri ng pamumuhay natin na hindi nakakatulong sa pag-ibsa ng paglaganap ng tinatawag na greenhouse gases. Gawain 3: Pagtukoy sa Sanhi at Bunga ( Think-pair-share) Transition Statement: Ano nga uli an gating LCV para buwan ng Pebrero? Gamit ang inyong Ipad kunin ang larawan mula sa QR code at ibahagi sa kapareha ng mga kaalaman, naiisip, nararamdaman mo sa mga makikitang larawan. Gawain 4: Pagbabahagi Transition statement: Ating ibahagi natin sa ating kamag-aral ang naibahagi ng bawat isa at sagutin ang mahalagang tanong:

Bilang isang batang Lasalyano, paano mo maipapakita ang pangangalaga at pagmamahal mo sa ating kalikasan?

Gawain 5: Pagtalakay sa Sanhi at Bunga Taransition Statement: Ating Balikan ang mga larawan at pag-usapan ang mga dahilan at epekto ng mga ito sa kasalukuyan.

Pagtukoy sa Sanhi at Bunga

Isang kasanayan sa mapanuring pag-iisip ay ang pagbibigay sa pangyayaring may ugnayang sanhi at bunga tungkol sa kwentong nabasa.

Page 14: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

Ang SANHI ang siyang pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ang BUNGA ang siyang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari.

Ang SANHI ay ang kadahilanan kung bakit naganap ang isang pangyayari.Karaniwan itong pinangungunahan ng

mga pang-ugnay na salitang SAPAGKAT at DAHIL Ang BUNGA naman ay pahayag na nagsasaad ng kinalabasan ng isang naunang pangyayari.

Gawain 3: Pagsasanay na Pasalita Transition Statement: Ating nasubukan nang tukuyin ang Sanhi at Bunga. Ngayon naman ating tingnan kung inyong naiintindihan an gating tinalakay. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangyayari ay SANHI o BUNGA.

1. Magkakaroon ng red tide. 2. Usok mula sa sasakyan. 3. Magtanim ng mga punongkahoy. 4. Isarang mabuti ang gripo pagkatapos gamitin. 5. Mauubos ang mga hayop sa gubat. 6. Polusyon sa hangin.

Gawain 4: Pagsasanay na Pasulat Sagutan ang Gawaing Upuan blg. 6 A. Salungguhitan ang sanhi sa bawat pangungusap. 1. Nakamit ni C.J. ang unang gantimpala sa paligsahan dahil napakahusay at taos puso ang kanyang pag-awit. 2. Unti-unting nawawalan ng matitirhan ang mga hayop sa gubat kaya nasa panganib ang buhay nila. 3. Tumaas hanggang tuhod ang tubig baha kung kaya't lumikas na ang mga tao mula sa kanilang mga bahay. 4. Nagluto ng espesyal na almusal ang magkakapatid pagka't nais nilang ma- sorpresa si Nanay sa kanyang kaarawan. 5. Dahil paulit-ulit na sinabi ni Anita ang numero ng cellphone ng kanyang kaibigan, nasaulo niya ito. 6. Pinahintulutan ni Aling Tessie na maligo ang mga bata sa ulan kasi wala naman kulog at kidlat. B. Salungguhitan ang bunga sa bawat pangungusap. 1. Parating na ang trak ng mga basurero kung kaya't inilabas na ni Noel ang mga bag ng basura. 2. Tiniis niya ang kahirapan ng trabaho dahil nais niyang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. 3. Malaki ang nabago sa hitsura at laki ng kanyang katawan kaya hindi ko siya agad namukhaan. 4. Lumubog ang malaking barko sapagka't ang bilang ng mga pasahero roon ay labis sa kapasidad nito. 5. Bumili ng mga bagong kagamitan para sa eskuwela sina Jun at Erica kasi malapit na ang pasukan. 6. Nag-ipon ng pera ang pamilyang Santos kaya nakapagpalista ang mga bata sa pribadong paaralan.

Page 15: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

Gawain 5: Paglalahat

Pagtukoy sa Sanhi at Bunga Isang kasanayan sa mapanuring pag-iisip ang pagbibigay sa pangyayaring may ugnayang sanhi at bunga tungkol

sa kwentong nabasa.

Takdang Aralin: Basahin at intindihin ang Parabulang “Ang Pagtutuwid kay Haring David” (Kabanat IV – Aralin6) Ikalawanng Araw (Pebrero 16) Gawain 1: Pagtalakay sa layunin

1. Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari 2. Nasasagutan nang tama ang mga tanong batay sa binasang teksto 3. Naiuugnay ang binasa sa realidad ng buhay 4. Natutukoy ang katangian ng pangunahing tauhan sa tekstong nabasa

Gawain 2: Pagbabalik-aral Transition statement: Kahapon ating nagawa nating tukuyin ang sanhi at bunga na ginamit sa pangungusap, ating alamin uli kung inyo pang natatandaan ito. Maghanda na sa pagsagot sa kahoot.com. Gawain 3 : Pagtalakay sa Kwentong ang Pagtutuwid kay Haring David Sagutin ang bawat tanong: 1. Ano ang mga katangian ni David bilang hari? 2. Ano ang sanhi ng pagpapadala ng Diyos kay Natan? 3.Ano ang naging bunga ng kasalanan ni David?Paano niya ito tinanggap? 4. Sa iyong palagay tama ba ang naging kaparusahan ng Diyos sa kanya? 5. Ano ang naging mahalagang mensahe ng kwento mula sa Bibliya? Gawain 4: Graphic Organizer ( Type 3) Punan ang PECS tsart sa ibaba. Pag-isipan ang maaaring maging sanhi, bunga, at solusyon ng mga suliraning nakapaloob sa parabulang binasa. Sa iyong simpleng paraan ay magbigay ng mga posibleng solusyong maari mong magawa para sa solusyon ng mga problemang nabanggit.

Page 16: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

Gawain 5 : Pagsagot sa Pagsasanay Transition Statement: Kanina/Kahapon nasubukan n’yo bumuo ng konklusyon tungkol sa nagging sanhi at bunga ng bawat problemang ibinahagi. Ngayon naman ay tutukuyin ang mga sanhi at bunga sa pangungusap o talata. Sinipi mula sa websyt na “ 2013 Pia Noche, www.samutsamot.com” A. Pagtambalin ang sanhi sa kaliwa sa angkop na bunga sa kanan. Isulat ang titik ng tamang bunga sa patlang ng

sanhi.

____ 1. Napakainit ng panahon. ____ 2. May sirang ngipin si Tomas. ____ 3. Hindi kumain ng tanghalian si Michael. ____ 4. Hindi nag-aral si Danny. ____ 5. Napakalakas ng bagyo. ____ 6. Puno ng mga pasahero ang mga dyip. ____ 7. Nagtulungan kami. ____ 8. Hindi maingat magmaneho ang lalaki. ____ 9. Tumingin ako sa kanan at kaliwa ng daan. ____ 10. Tinapos ni Ramon ang kanyang mga takdang-aralin.

a.Kinansela ng DepEd ang mga klase. b.Nakatawid ako nang maayos. c.Gutom na gutom siya. d.Naaksidente siya sa daan. e.Mababa ang nakuha niyang marka sa pagsusulit. f.Pinayagan siyang maglaro sa labas ng bahay. g.Sumakay na lang kami sa traysikel pauwi. h.Pumunta siya sa dentista. i.Binuksan namin ang aircon. j.Madali naming natapos ang gawain.

Gawain 8: Pagbuo ng Dasal (Type 3) Transition statement: Pagkaraan ng ilang araw nating tinalakay ang kahalagahan ng pagtukoy sa sanhi at bunga sa paghubog sa kasanayan ng ating mapanuring pag-iisip sa isang sitwasyon o pangyayari maari na n’yo nang gamitin ang kasanayang ito sa kasalukuyang kalagayan ng ating gobyerno. Hindi lingid sa lahat ang problemang kinahaharap ng ating lipinunan na sanhi ng malwakang korupsyon sa ating bansa. Sa darating na eleksyon sa Mayo ating ipagdasal na sana bawat Pilipino ay bumoto nang tapat at ihalal ang karapat dapat sa posisyon upang ito ay magbunga ng mas maunlad na Pilipinas.

Bumuo ng panalangin para sa ating bansa lalong-lalo na isyu ng “ Pagboto nang tapat ng mga Pilipino”.

Ikatlong araw Gawain 1: Pagtalakay sa lingguhang layunin at presentasyon ng layuning maisasalin Layunin Sa katapusan ng talakayan ng mga aralin, ang mga mag-aaral : a. Nagagamit nang wasto ang pang-angkop sa pakikipag talastasan b. Nagagamit nang wasto at angkop ang pangatnig c. Nagagamit nang wasto ang pangatnig sa pakikipag talastasan d. Nagagamit nang wasto ang pang-ukol (laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa) e. Nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (sapagkat, dahil, kasi, at iba pa) f. Nasasagutan nang tama ang mga tanong batay sa binasang teksto g. Naiuugnay ang binasa sa realidad ng buhay Gawain 1 : Pagsusuri ng nabasang tula Transition Statement: Gaya sa ating mga tahan nadiyan an gating mga magulang upang tayo ay gabayan, samantalang dito sa ating paaralan mayroon tayong mga guro na nagsisilbing ating pangalawang magulang. Ating basahin ang tulang binuo ni Mark Otiong para sa kanyang guro.

Page 17: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

Gawain 2 : Pagtalakay sa tulang nabasa ( Comprehension Check) Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong base sa tula.

a. Ano-ano mga pinagpapasalamat ng may akda sa kanyang guro? b. Ano ang nangingibabaw na damdamin na ipinapakita ng may akda sa kwento? c. Ikaw paano ipapakita ang pasasalamat mo sa iyong mga guro?

Bumuo ng Gawain 3: Pagsusuri ng mga pangungusap

1. Salamat sa aking guro na sa akin ay nagturo kahit sa murang edad hinasa ang aking abilidad. 2. Kailanman hindi ka humuhingi ng kapalit dahil ang gusto lang ay ang makakabubuti. 3. Simula pa lamang noong kami ay mga batang munti kaya di kita malilimutan.

Pansinin ang mga nakadiin na kataga sa bawat pangungusap.Sa inyong pinag-aral sa ikaapat na antas ano ang naging kaalaman n’yo sa mga katagang ito? Gawain 4: Pagtalakay sa paksa Transition statement: Mas magiging malinaw ang paghahatid ng mensahe kung lahat ng bahagi ng salita ay wasto nating ginagamit, kasama na ditto ang mga pang-ugnay. Ating lalong palalimin ang inyong kaalaman sa pang-ugnay upang magamit ito nang wasto sa paikipagtalastasan.

Pang-ugnay

1. Pang-angkop – mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.

a. Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katanig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Inihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring.

Page 18: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

Halimbawa: mapagmahal na hari

Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n, tinatanggal o ikinakaltas ang n at ikinakabit ang –ng

b. Ang pang-angkop na –ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig.

Ikinakabit sa unang salita. Haimbawa : Mabuting lider

2. Pang-ukol – mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa

pangungusap. Narito ang mga kataga o pariralang malimit na gamiting pang-ukol.

sa ng kay/kina alinsunod sa / kay laban sa/kay ayon sa / kay hinggil sa / kay ukol sa/kay para sa/ kay tungkol sa /kay

3. Pangatnig – mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. Narito ang iba’t ibang uri ng pangatnig.

Gawain 5: Pagsasanay na Pasalita Transition statement: Ngayon ating natalakay na mga pang-akop, maari na nating ilapat ang ating natutunan. I.Panuto: Sabihin ang wastong pang-akop na kukumpleto sa mga parirala.

1. masaya bakasyon = ___________________ 2. pagkain masarap = ___________________ 3. sarili sapatos = ___________________ 4. kaibigan matalik = ___________________ 5. simbahan malapit = ___________________

II.Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga parirallang nabuo sa itaas. III. Panuto: Buuin ang pangungusap. Piliin sa panaklong ang angkop na pangatnig.

1. Mayo ang pagdiriwang ng Pahiyas (at, kaya) Mayohan. 2. Maraming pagkakatulad ang dalawang pagdiriwang (at, ngunit) mayroon ding pagkakaiba. 3. Sa Ponsyunan ay may display ng mga sinaunang kasuotan (pati, ngunit) kagamitan sa bahay. 4. May awitan din (bago, saka) magtapos sa handaang bayan. 5. Pinakagusto ko ang parade ng Tao-Tao (dahil, bago) nakatutuwa ang mga damit.

Gawain 6: Pasasanay na Pasulat

Page 19: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

Gawain 6: Anchor Activities ( Trayad) Isulat ang isang talatang naglalarawan ng isang pagdiriwang na ginagawa sa eskwelahan na iyong lubusang nagustuhan. Itala ang petsa, ginagawang paghahanda bago magpista, at pagdiriwang sa araw ng kapistahan.Siguraduhing gumamit ng mga pang-ugnay. Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit sa talata. Gawain 7: Paglalapat: Pagtataya –Samatibong Pagsasanay Pagsagot sa Pagtataya blg.4. Mga Kompetensi:

1. Natutukoy ang mga wastong ankop, pangatnig, at pang-ukol na bubuo sa pangungusap. 2. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga pang-ugnay.

Gawain 8: Pagbuo ng Dyornal/ Repleksyon Ipasulat sa mag-aaral ang kanilang natutunan sa leksyon para sa linggong ito. Ilahad ang mga naramdaman, reaksyon, at inaasahan sa mga natutunan. Ikaapat hangang Ikalimang araw Gawain 1: Pagbasa ng Teksto “ Ang Sultang Mahilig sa Ginto” Transition statement: Bawat tao ay may isang bagay na kinahihiligan. Katulad n’yo, siguradong mayroon kayong isang bagay na gustong-gusto n’yo natatanggap galling sa mga mahal n’yo sa buhay. Ating basahin ang kwento ng isang sultan na mahilig sa ginto.

Page 20: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

Page 21: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

Gawain 2: Pagtalakay sa nabasang kwento Pagsasanay na Pasalita:

1. Ano ang isang bagay ang gusting-gusto ni Sultan Ali? Paano ipinakita sa kwento ang kanyang pagkahumaling sa bagay na ito?

2. Nakabuti ba sa kanya ang pagkahumaling sa bagay na ito? Ipaliwanag ang iyong sagot. 3. Anong katangian ni Sultan Ali ang nangibabaw nang kanyang ipakulong at pahirapan ang matandang wala

namang nagging kasalanan sa kanya? 4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng matanda, ano kaya ang gagawin mo kung pagmalupitan ka ng tao sa

kabila ng kabutihang ipinakita mo? 5. Ano-anong mga aral ang natutunan mo sa kuwento?

Gawain 3: Pagbasa ng Graph, Tsart, at Mapa Transition statement: Isa sa mahalagang kasanayan na dapat nating matutunan ay ang pagbasa ng mapa at graph. Ito ay makatutulong upang madali mong maunawaan at masuri ang isang Malaki bagay sa isang tinginan lamang. Mapa – isang patag na representasyon o modelo ng mundo. Ito ay nagpapakita ng lokasyon ng isang lugar. Mahalagang matutunan ang pagbasa ng mapa dahil ito’y nakakatulong upang mailarawan sa isipan ang anyo ng isang malawak na teritoryo o lugar. Graph – isang mapamaraang paglalarawan ng mga datos na nagpapakita ng ugnayan ng mga guhit at tambilang kaugnay ng isang paksa.

Uri ng graph

1. Bar graph 2. Pie graph 3. Line graph 4. Picto graph

Tsart – Ipinapakita sa tsart ang dami ng hanay ayon sa impormasyong ibibigay o hinihingi. Gawain 4: Pagsagot sa Pagsasanay Panuto: Pag-aralan ang graph sa ibaba hinggil sa mga produktong makikita sa Rehiyon XII. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.

PANGUNAHING PRODUKTONG AGRIKULTURAL SA REHIYON XII

1. Ano ang pamagat ng graph? 2. Anong uri ng graph? 3. Ano ang pangunahing podukto ng rehiyon XII? 4. Ano ang pinakakaunting produkto ng rehiyon?

Gawain 5: Pangkatang Gawain (Dayad) Bumuo ng talata na nagbibigay interpretasyon sa graph. Isaalang-aang ang mga sagot sa mga gabay na tanong upang maayos na mabuo ang talata.

Niyog

Saging

Palay

Mais

1,000,000

800,000

600,000

400,000

200,000

0

Page 22: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

Dami ng Mag-aaral sa Mababang Paaralang Magiting Taon ng Pag-aaral 2004-2005

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Gawain 6 : Paglalagom Ano ang kahalagahan ng paggamit ng graph, mapa ,at tsart upang mas maintindihan ang binasang teksto.

Baitang/ Bilang

I

II

III

IV

V

IV

1-580

II- 490

III – 440

IV – 389

V – 350

VI - 310

III. INTEGRATION

Gawain 1: ( Pagbuo ng Dasal ) Ipagawa sa mga mag-aaral ang pagbuo ng panalanging makapagpapaalala sa kapwa mo mag-aaral sa kabutihan ng pagpapakumbaba, dapat isaalang-alang ang makapagbagbag damdamin ng kabuuang panalangin, nakakahinkayat ito sa mga batang maunawaan ang negatibong epekto ng pagiging mayabang, at napakita ang pokus, uri, at aspekto ng pandiwa sa mga ginamit na salitang kilos. Gawain 2: Pagbuo ng Impormal na Pangangatuwiran – Informal debate (Trayad)

1. Pagpangkatin ang mag-aaral sa 10 grupo na may 3 estudyante sa bawat pangkat. 2. Ipresenta ang isyu na gagamitin sa debate.

Transition Statement: Noong Disyembre 12, 2015 nilagdaan ang tinatawag na “Paris Agreement- Global Agreement on Climate Change”. Ito ang malawakang pagsang-ayon ng 55 na bansa sa lunas sa paglala ng klima sa buong mundo dahil sa tinatawag na “greenhouse gas emission”. Bilang isang Lasalyano napakahalaga na tayo may mga pangangatuwiran sa mga isyung kinakaharap hindi lamang sa bansa pati narin sa buong mundo.

3. Bawat pangkat ay bubuo ng maikling pangngatwiran sa isyu ng Climate Change. Isaalang-alang ang mga sumusunod upang makabuo ng mabisang pangangatuwiran: a. Malalim na kaalaman at pagkaunawa sa paksang tatalakayin. b. Maging malinaw at tiyak ang pagmamatuwid o punto. c. Dapat may kaugnayan sa paksa aang katibayan at katwiran upang makapanghinkayat. d. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng kaalamang

ilalahad.

Page 23: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

4. Ang gagamiting sanggunian ang nakalakip na pdf file sa Notes and Homework.

Paris 2015-getting a global agreement on climate change.pdf

5. Basahin at intindihin nang mabuti ang laman ng sanggunian. Alamin kung ano ba ang sanhi at bunga ng malawakang pagbabago ng klima.

6. Magpalitan ng kaalaman ang bawat isa bago bumuo ng pangangatuwiran para sa grupo. 7. Ilaad ang pangngatuwiran ng pangkat sa PicCollage App.

Gawain 3: Pabuo ng Perfromance Task: Ang mga kuhang mga impormasyon sa scaffolding na Panganga twiran ang gagamitin para sa PT na TELERADYO.

REFERENCES (use APA Format - use Auto format in Word): Baisa-Julian, A.G.; Dayag, A.M. (2015) Pinagyamang Pluma5 Wika at Pagbasa sa Elementarya. Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc. Bagong Filipino Tungo sa Globalisasyon Kto 12 5 ni Lydia P. Lalunio,Ph.D. http://www.green-alliance.org.uk/resources/Paris%202015-getting%20a%20global%20agreement%20on%20climate%20change.pdf

GRASPS

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya nakakaranas taon-taon ng mga malalakas na bagyo

pati narin ang matinding epekto ng El Nino. Lingid sa kaalaman ng karamihan ito ay isa sa mga

epekto ng “ Climate Change”. Bilang Lasalyanong Environmentalist, napakahalaga ang pagiging

bukas ang mga mata at isipan sa tunay na epekto ng “ Climate Change” sa ating bansa. Paano

mo ibabahagi sa mga Pilipino ang kahalagahan ng kalaaman tungkol dito at kung paano ang

bawat isa ay makatulong ang lubhang epekto ng climate change. Bumuo ng radio broadcast gamit

ang mga datos na iyong nasaliksik, gumamit ng graph sa pagbibigay impormasyon. Ang radio

broadcast/teleradyo, debate at ng isang forum na bubuiin ay magtataglay ng tamang pagpili ng

salitang nagpapakita ng wastong aksyon tungkol sa sitwasyon, malinaw na pagpapahayag ng

saloobin at nagtataglay ng mekaniks sa pagsusulat at pananalita.

Rubrik para sa presentasyon:

4 3 2 1 0

Organisasyon

Kumpleto, malinaw at

maayos ang kabuuan ng

presentasyon

May kalinawan at kakikitaan nang

bahagyang kaayusan ang kabuuan ng

presentasyon

Ilang bahagi lamang ng

presentasyon ang kinakitaan

ng organisasyon at kaayusan

Hindi maintindihan ang kabuuan

ng presentasyon

Walang naipresenta

Kahusayan sa paglalahad ng impormasyon

Napakahusay ng ginawang

paglalahad ng impormasyon (malakas ang

boses at malinaw na

binigkas ang mga salita)

Mahusay ang ginawang paglalahad

ng impormasyon(medyo malakas ang boses

at may ilang pagkakamali sa

pagbigkas ng mga salita)

Katanggap-tanggap ang

ginawang paglalahad ng impormasyon

(humihina-lumalakas ang boses at may

ilang pagkakamali sa pagbigkas ng

mga salita)

Hindi katanggap-

tanggap ang ginawang

paglalahad ng impormasyon (hindi marinig ang boses at marami ang

naging pagkakamali sa pagbigkas

Walang nailahad na

impormasyon

Page 24: LASALLIAN NxGEN BLENDED LEARNING MODULE€¦ · Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay ng isang sitwasyon 16. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa

DEPARTMENT: Mababang Paaralan UNIT: Filipino A.Y. 2015-2016

ng mga salita)

Pakikilahok Maayos at aktibong

nakilahok at nagbahagi ng

ideya mula simula

hanggang sa katapusan ng

gawain

Nakilahok at ginawa ang mga gawaing

iniatas mula simula hanggang sa

katapusan ng gawain

Pinagsikapang gawin ang bahaging

iniatas

Walang gaanong pag-

aambag sa grupo at nagging

maingay at malaro tuwing

pangkatan

Walang naiambag sa

grupo at nagging

maingay at malaro tuwing

pangkatan

Rubrik para sa nabuong ulat

4 3 2 1 0

Nilalaman Kumpleto, makabuluhan at

malinaw na nailahad ang

nilalaman ng ulat

Kumpleto, makabuluhan at may kalinawan

ang mga nilalaman ng

ulat

Pinagsikapang makumpleto

ang nilalaman ng ulat ngunit

makabuluhan at malinaw naman

ang pagkakalahad

Magulo at hindi organisado ang

nilalaman ng ulat

Walang nabuong

ulat