Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

28
Kung isang lungsod mismo ang Cubao. Isang graphic na representasyon ng iilan sa mga tauhan ng Cubao 1980 ni Tony Perez. Diana F. David, Filipino 14, Seksiyon J

description

Pakikilahok sa Klase Blg. 2

Transcript of Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

Page 1: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

Kung isang lungsod mismo ang Cubao.Isang graphic na representasyon ng iilan sa mga tauhan ng Cubao 1980 ni Tony Perez.

Diana F. David, Filipino 14, Seksiyon J

Page 2: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao
Page 3: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

“Sino si Hermie?

Sino si Sonny, sino si Bert, sino si Ken, […] sino iyong lahat nung taong pinagbigyan ko nung kapirasong buhay ko — mga tao, mga mukha, mga anino lang, mga anino sa dinding, tinitingnan, pinag-iisipan, pinagsasalsalan, pinagdadasalan.

”- Tom ng Cubao 1980 ni Tony Perez

Page 4: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao
Page 5: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

Introduksiyon

Ang e-book na ito ay para sa aking klase sa Filipino 14: Panitikan ng Filipinas. Ibig nitong ipakilala ang iilan sa mga tauhan ng maikling nobelang “Cubao 1980” ni Tony Perez sa papamagitan ng paghahalintulad ng kanilang mga katangian sa konkretong bagay. ‘Yong nakikita, nahahawakan, naapakan — kaya napili kong gamitin ang mga istasyon ng tren. Sapagkat, nasaksihan natin kung paano nilakbay at nakilala pang mas malalim ni Tom ang Cubao sa mga engkuwentro niya sa iba pang tauhan ng nobela, kahit laking-Cubao na siya.

Disclaimer: Hindi sa akin ang ibang mga litratong ginamit sa aklat na ito. Maaaring bisitahin ang huling pahina para makita ang sanggunian. Sinasadya ko ring gamitin ang salitang “lang” kaysa “lamang” nang mas may epekto ang aking wikang ginamit.

Page 6: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao
Page 7: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

Kaya, kung isang lungsod mismo ang Cubao...

Page 8: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao
Page 9: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

Ikaw na nagbabasa nito ay magiging si Tom.

Si Tom na bida sa nobela ni Tony Perez. Kailangan mong gumala sa Cubao.

Bakit? Wala lang.

Trip mo lang.

Joke lang.

‘Di kasi, kahit laking-Cubao ka, dapat malakihan ka pa rin. Malaki kasi ang Cubao. Kung siyudad ito, kasing-laki ito ng Singapore.

Kaya dapat libutin mo. Subukan mong i-memorize.

Subukan mong mag-soul searching kasi may hinahanap-hanap ka.

Tiyaka kasi, wala ka namang perang pang-Sagada.

Page 10: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao
Page 11: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

PHP100 lang pera mo. Okey lang yan, lumibot ka pa rin. Gumamit ka na lang tren. ’Yong treinta, pangbili mo ng tiket. Yung singkuwenta, pambili mo ng jambo hatdog at sprayt. Siyempre, baka mapagod ka kakalibot, ‘di ba? Tapos ‘yong beinte naman, tago mo na lang.

Page 12: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

Para ‘di ka mawala, gamitin mo ang mapa ng Lungsod Cubao na ginawa ko rito sa ibaba.

Sumakay ka na ng tren.

EDSA

Carriedo

BambangBlumentritt

LUNGSOD

Page 13: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

Pumili ka lang ng apat na istasyon para kasya yung treinta mo.

Kung tatanungin mo ako, subukan mo itong apat na istasyon: EDSA, Carriedo, Bambang at Blumentritt.

Madami bang tao? E, wala. Ganoon talaga.

O, dali na. Bumili ka na ng tiket.

Page 14: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao
Page 15: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

Unang istasyon: EDSAEDSA o Epifanio de los Sonny Avenue.

Kung hindi ka pa nakakapunta rito, e malamang kahit unang tingin mo pa lang ay may maaari nang mangyari.

Mahihinuha mong maaari kang mahuli sa pupuntahan mo kasi maraming tao. Puwedeng manakawan ka kasi nga maraming tao.

Kasi naman, kilala na ang EDSA. Kumbaga, may sarili na itong mga katangian na alam ng lahat. Iconic, kumbaga.

Kapag nagkuwentuhan kayo ng katabi mo diyan sa tren tungkol sa trapik, maiisip niya agad ang EDSA.

Page 16: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao
Page 17: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

Ikalawang istasyon: C

arriedo

Ipinangalan kay Hermogenes Carriedo

ang istasyon na ito. Sabi nila, Hermie raw ang

palayaw noon ni H. Carriedo.

Kapag bumaba kang Carriedo, makikita mong gamit na gamit na ang mga daang gawa

sa aspalto. Dinadaanan kasi ito ng iba’t ibang sasakyan — may kuliglig, traysikel, taxi, dyip.

Lahat na.

Tapos, parating madaming tao rito. Mga tindera, mga mamimili, mga magnanakaw, mga mag-aaral, mga manggagawa, mga puta,

mga bata, atbp.

Lamog na siya, kumbaga. Araw at gabi, parang hindi napapagod.

Marami nang nanirahan, marami ring nang-iwan. Araw-araw may mga bagong dumadaan. Araw-araw may nakikipagsapalaran.

Page 18: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao
Page 19: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

Ikatlong istasyon: BambangBambang. Nanggaling ang pangalan kay Roberto E. Bambang.

Ang alam ng marami tungkol sa Bambang ay ito ang lugar na bilihan ng mga murang medical suplays. Ang hindi nila alam, dahil malapit ito sa Tondo at dahil marami nang nakakaalam ng Tondo, ginawa na rin itong opsyon ng mga adik bilang kanilang taguan.

Akala mo e bibili ka lang ng gamot pang-ospital, ‘yon pala, lahat na ng gamot nandito na. May shabu, damo, eks, atbp. As in, iba-iba.

Page 20: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao
Page 21: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

Ikaapat na istasyon: Blumentritt

Kay Kenneth Blumentritt daw ipinangalan ang lugar na ito. Akala mo sosyal ‘yong lugar, kasi kano yung pangalan.

Parang,“Where do you live?”“Around Blumentritt lang.”

Ang taray ng dating pag sinagot mo siya sa taong hindi alam kung sa’n at anong klaseng lugar ang Blumentritt. Unang rinig ay aakalain mong malinis. Kaso, hindi.

Bumaba ka. Tingnan mo kung gaano kagulo. Kung matapang ka, pumasok ka sa iba’t ibang eskinita, tingnan mo kung gaano kadilim. Kung gaanong mapanganib.

Page 22: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao
Page 23: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

Sa’n ka na pupunta?

Page 24: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao
Page 25: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

Kung isang lungsod mismo ang Cubao, iba’t ibang istasyon ng tren sina Sonny, Hermie, Bert, at Ken.

Si Sonny, EDSA. Dahil alam mo na agad kung anong klaseng katangian ang mayroon siya.Si Hermie, Carriedo. Dahil lamog na siya. Si Bert, Bambang. Dahil hindi mo aakalain na may ganoon siyang katangian. Si Ken, Blumentritt. Dahil hindi porket maganda at puti ang pangalan, wala na siyang itinatagong kababalaghan.

Dahil sa pagbabasa ng Cubao 1980, sinamahan natin si Tom maglakbay sa iba’t ibang dako ng Cubao nang makilala niya sina Sonny, Hermie, Bert, at Ken.

Ang mga tauhan na ito na iba’t iba ang katangian, tulad ng mga istasyon ng tren na iba’t iba ang kapaligiran.

Page 26: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao
Page 27: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao

Sanggunian o mga link ng litratong ginamit:

• http://static.panoramio.com/photos/large/59217548.jpg• http://farm5.static.flickr.com/4060/4262519483_b54b-

58d3e1.jpg• http://static.panoramio.com/photos/large/42027756.jpg• http://jonas.ph/blog/2014/07/24/mga-paalala-na-parang-

pag-ibig-from-the-trains-of-manila/• https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/aa/

LRT1-Manila_towards_Taft_Station.jpg

Page 28: Kung isang Lungsod mismo ang Cubao