konseptong papel.docx

47
DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA Brgy. Isabang, Lucena City Makaagham na Pamamaraan Susi sa Mabisang Pamamahala sa Panahon ng Modernisasyon Mananaliksik: Cao, Karina C. Barangay Cotta, Lucena City Capisonda, Krisnell Mae R. Barangay Market View, Lucena City Mendoza, Ma. Charisse J. Ibabang Iyam, Lucena City Tolentino, Donna R.

Transcript of konseptong papel.docx

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Makaagham na Pamamaraan

Susi sa Mabisang Pamamahala sa

Panahon ng Modernisasyon

Mananaliksik:

Cao, Karina C.

Barangay Cotta, Lucena City

Capisonda, Krisnell Mae R.

Barangay Market View, Lucena City

Mendoza, Ma. Charisse J.

Ibabang Iyam, Lucena City

Tolentino, Donna R.

Barangay 8, Lucena City

Marso, 2015

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Dahon ng Pagpapatibay

Bilang isang bahagi ng gawaing kailangan sa pagtatamo na pangangailangan sa

asignaturang Filipino, ang konseptong papel na ito ay pinamagatang “Makaagham na

Pamamaraan Susi sa Mabisang Pamamahala sa panahon ng Modernisasyon” ay inihanda at

iniharap nina Cao, Karina C., Capisonda, Krisnell Mae R., Mendoza, Ma. Charisse J., Tolentino,

Donna R., at ngayon ay itinagubilin para sa kaukulang PASALITANG EKSAMENASYON.

__________________________

Tagapangulo

_________________________ _____________________

Miyembro Miyembro

Ipinasa LUPON SA PAGSUSULIT sa pasalitang Eksamenasyon na may gradong______

noong ika,____ March, 2015.

__________________________

Tagapangulo

_________________________ _____________________

Miyembro Miyembro

Tinanggap bilang isang bahagi ng gawaing kailangan sa pagtatamo ng pasang grado sa

asignaturang Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik.

Naipasa ang pasalitang pagsusulit noong ika___________Marso, 2015.

___________________________

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Pasasalamat

Lubos na pinapasalamatan ng mga mananaliksik ang mga taong tumulong upang isagawa

ng matagumpay ang pananaliksik na ito.

Una at higit sa lahat, lubos kaming nagpapasalamat sa Poong Maykapal na nagbigay ng

lakas ng loob, tiyaga at katalinuhan. Pangalawa, sa ang aming mga magulang na sumuporta at

nagbigay tulong pinansyal sa panahon na isinasagawa ang pag-aaral na ito. Kasunod sa aming

mga guro na gumabay at mga kaibigang nagbigay inspirasyon at impormasyon upang matapos

ang pag-aaral na ito.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Paghahandog

Buong puso po naming inihahandog ang pananaliksik na ito sa aming pamilya, guro, mga

kaibigan at kapwa mag-aaral ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena na nagbigay tulong sa

paggawa at bilang inspirasyon sa amin. Lalong- lalo na sa Poong Maykapal na nagbigay ng

katalinuhan, tiyaga at lakas ng loob upang maging matagumpay ang pag-aaral na ito.

Inaalay po naming sa inyo ang pag-aaral na ito.

- Mga Mananaliksik

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Talaan ng Nilalaman

Pabalat i

Dahon ng Pagpapatibay ii

Pasasalamat iii

Paghahandog iv

Talaan ng Nilalaman v

I.KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

A. Rasyunal 1

B. Pagpapahay ng Suliranin 2

C. Batayang Konseptwal 3-4

c.1 Layunin ng Pag- aaral

c.2 Kahalagahan ng Pag-aaral

c.3 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

c.4 Katuturan ng mga Katawagan

II. KABANATA II: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

A. Paggamit ng Teknolohiya sa Panahon ng Modernisasyon 5-6

B. Halimbawa ng Teknolohiya 6-7

C. Epekto ng Teknolohiya 7-8

D. Pamamahala ng Gobyerno 9

III. KABANATA III: Metodolohiya 10

IV. KABANATA IV: Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos 11

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

V. KABANATA

A. Paglalagom 12

B. Konklusyon 13

C. Rekomendasyon 14

VI. Sanggunian 15

VII. Apendix

A. Liham Pahintulot 16

B. Balangkas 17-18

C. Pansariling Tala 19-22

VIII. Badyet 23

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

A. Rasyonale o kadahilanan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik na pinamagatang “Makaagham na

Pamamaraan Susi sa Mabisang Pamamahala sa Panahon ng Modernisasyon” ay ipinapabatid sa

madla na ang pag-aaral na ito ay malaki ang tulong na maiaambag sa kanila. Ang pag-aaral na ito

ay kailangang maisagawa upang mabigyang katuparan ang mga pamamaraang hindi pa

naisasagawa. Gayundin ang tungkol sa makaagham na pamamaraan na nagmumungkahi ng tiyak

na huna-huna bilang paliwanag sa isang likas na mga sitwasyon at pangyayari. Maging ang

kaalamang taglay ukol sa modernisasyon na siyang nagpapaunlad at nagpausbong ng ating

pamumuhay gamit ang agham at teknolohiya.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

B. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang mga dahilan sa pagkakaroon ng kakulangan sa kaalaman sa paggamit ng

makabagong teknolohiya?

2. Ano ang mga halimbawa ng kapakipakinabang na teknolohiya na magagamit sa

mabisang pamamahala?

3. Ano- anong mga bagay ang nagbubunsod sa mga namamahala upang gumamit ng

makabagong teknolohiya?

4. Ano- ano ang mga positibo at negatibong dulot ng paggamit ng teknolohiya sa panahon

ng modernisasyon?

5. Ano ang pinagkaiba ng paraan ng pamamahala noong hindi pa moderno ang panahon?

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Batayang Konseptwal ng Pag-aaral

A. Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na ipabatid sa madla ang mga kabutihang dulot na

hatid ng makaagham na pamamaraan sa pamamahala sa panahon ng modernisasyon. Layunin

din ng pag-aaral na ito na ipakita ang pagkakaangkop nito sa mga umiiral na kalagayan.

B. Kahalagahan ng pag-aaral

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay mabubuksan ang isipan ng madla ukol sa

paggamit ng makaagham na pamamaraan na makakatulong sa mabisang pamamahala.

C. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naka-pokus sa mabisang pamamahala gamit ang makaagham na

pamamaraan sa panahon ng modernissyon na makatutulong sa mga mamamayan ng isang bansa.

Binibigyang pokus nito ang uri ng pamamahala na mayroon ang gobyerno ng Pilipinas.

Nakatuon din ito sa mga teknolohiyang gamit ng pamahalaan para sa mas mabilis at epektibong

serbisyong pampubliko.

D. Katuturan ng mga Katawagan

Pamahalaan- ay isang organisasyon na may kapangyarihan na gumawa at magpatupad ng

batas sa isang nasasakupang teritoryo.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Teknolohiya- pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso

upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

Pamamahala- payak na kilos o galaw ng pagtitipon ng mga tao upang maisakatuparan

ang mga layunin at adhikaing ninanais.

Modernisasyon- isang uri ng pagbabagong tradisyunal sa higit na mas maunlad at

makabagong panahon.

Pamamaraang Makaagham- o tinatawag na pamamaraang Siyentipiko. Kalaguman ng

mga tekniks sa pagsusuri ng mga balagha ang paglilikom ng bagong kaalaman, ang

pagtutuwid at pagsasakatuparan ng mga nakalipas ng kaalaman. Batay ito sa mga

ebidensya namamatyagan, emperikal, nasusukat at sumasailalim sa mga matuwdi na

prinsipyo.

Fax machine- tinatawag din itong “Telecopying o Telefax” isang makinang gumagana

dahil sa teknolohiyang pangtelekomunikasyon na ginagamit upang maglipat o

nagpapadala ng mga kamukhang dokumento.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT

PAG-AARAL

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

A. Teknolohiya sa Panahon ng Modernisasyon

Ang epekto at kahalagahan ng paggamit ng teknolohiya sa panahon ng modernisasyon ay

nagdudulot ng mas mabilis, mabisa at epektibong pamamahala ng gobyerno na siyang

inaasahang sa pagbabago ng madla at makapagbibigay ng iba’t- ibang ideya at mga kaalaman na

makakatulong upang makalikha ng pagbabago tungo sa pag-unlad ng mabisang pamamahala.

Ayon kay D. Chandler (1996) ang teknolohiya ay may malaking impluwensya sa

sosyalidad dahil sa mga bago at kapakipakinabang na naidudulot nito sa sangkatauhan.

Sinabi naman ni M. Underwood (2009) na ang teknolohiya ay isang kasangkapan sa

pakikipagkomunikasyon. Napapadali at napapabilis nito ang pagsagap ng mga balita. Sa

kasalukuyang panahon, patuloy pa rin ang pag-imbento ng mga makabagong teknolohiya. Halos

sa lahat ng paggalaw ng tao ay may teknolohiyang kasama. Isa na dito ang gadget. Nakapaloob

sa kategorya ng gadyet ang cellphone, laptop, computer at tablet. Ang cellphone ay isang uri ng

gadyet na mainam na gamitin para sa mas madaling paraan ng pakikipagkomunikasyon.

Ayon naman kay Isabalita T. Manayan, sa paglakad ng panahon ay nagkakaroon tayo ng

tinatatawag na “globalisasyon” at patuloy na umaangat at umuunlad ang bansa. Sa mga pribado

at panggobyernong opisina ay gumagamit na ng mga makabagong teknolohiya para sa kanilang

pakikipagtransaksyon.

Ayon sa Manilla Bulletin, isang bagong pag-aaral ukol sa pangkalahatang

pakikipakompetensya ay ipinaparating na ang Tsina ay malapit ng makakompetensya ang US

bilang pangunahing tagapagpatakbo ng ekonomiya ng mundo- isang posisyong

pinanghahawakan ng US simula pa noong katapusan ng World War II. Kapag ito’y nangyari,

mamarka ito sa unang pagkakataon sa loob ng isang daang taon na ang dalawang bansang ito ay

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

makikipagkompetensya sa patas na pamumuno.Isang halimbawa ng pag-aaral na ito na ang Tsina

ay malapit ng malagpasan ang US sa kritikal na abilidad sa pagpapaunlad ng agham at

teknolohiya. Magkagayon man, nabansagan na ang Tsina ay “High Tech Indicators” sa

isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik sa Georgia Institute of Technology ay malinaw na

ipinapakita na ang makapangyarihang organisasyon ng Asya ay may mas malaking aspirasyon at

ito ang isa sa kadahilanan kung bakit naudyok ang Pilipinas na makipagsabayan sa paggamit ng

mga makabagong teknolohiya para sa mas mabisang pamamahala.

Ayon sa Science and Technology Post, sa panahon ngayon ang pagkakaroon ng iba’t-

ibang imbensyon ang basehan ng kaalaman ng bawat isa.

Ayon kay Alex Vincent Mendoza, sa bilis ng takbo ng ating pamumuhay, ang babagal-

bagal ay walang patutunguhan. Ito ang bagong prinsipyo sa kasalukuyan. Hindi masama ang

pag-unlad. Ito’y nagpapakita na tayo’y may kakayahan at talinong umangat sa ating pamumuhay.

Napakalaki na ng pinagbago ng ating pamamaraan sa pamamahala ng gobyerno.Unti-unti ng

nawawala ang makalumang pamamaraan sa pakikipagkomunikasyon at pagbibigay ng

impormasyon sa mga madla dahil sa pag-usbong ng modernisasyon.

B. Halimbawa ng mga Teknolohiya

Ayon kay Norman Bordadora na siyang naglathala ng balitang “Government using fax

machines to send weather alerts”, sa panahon ngayon kung saan ang mga impormasyon ay

maipapadala sa pamamagitan ng internet, ang iba’t- ibang ahensya ng Pilipinas ay patuloy pa rin

nagpapadala at tumatanggap ng agarang impormasyon tungkol sa mga maaring sakuna na

mangyayari sa ating bansa. Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ang

National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) gumagamit ng mga fax

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

transmission upang ma-alerto ang mga local na yunit ng gobyerno sa maaring mangyari sa ating

bansa.

Ayon sa Manila Bulletin na inilathala ni Melvin G. Calimag, isang halimbawa sa mabisang

pamamahala ay ang pagkakaroon ng mga proyektong pang- E-Government na tumutukoy sa

pagkakaroon ng inobasyon sa mga teknolohiya na magagamit ng mga local na yunit ng gobyerno

para mapaunlad ang pamamahala sa kanilang nasasakupan. Nakapaloob din sa artikulong ito na

sa pamamagitan ng ICT, ang kanilang mga proyektong ipinanukala ay magreresulta sa

pagkakaroon ng pagbabago sa pamamahala at pagpapadala ng pampublikong serbisyo.

Batay sa internet, ang SIPAG (Sustaining Intervention for Poverty Alleviation and

Governance) ay nagkaloob ng IT Package para sa siyam na munisipalidad ng Region IV-B.

nakapaloob sa IT Package naito ang mga computer sets, hardware, software at internet

connections. Ito ay naglalayon na magpatupad ng mga programang aalalay sa mga local na

pamahalaan upang mas mapabilis pa ang pagkakaloob ng mga serbisyong panlipunan, sa

pamamagitan ng modernong teknolohiya. Sa pamamagitan din ng IT Package, mas magiging

mabilis at episyente para sa social workers ang pagsasagawa ng case management.

C. Mabuting Epekto ng Teknolohiya

Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan na nangyayare o ang

pagpapadala ng impormasyon

Mas mapapabilis at mapapadali ang mga Gawain

Global Networking

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

D. Masamang Epekto ng Teknolohiya

Technicism o ang pagigigng kampante sa paggamit ng teknolohiya

Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman na maaaring humantong sa mali-maling

sitwasyon.

E. Pamamahala ng Gobyerno

Dito sa Pilipinas, ang pamahalaan ay isang demokrasya dahil ang kapangyarihan ng

namamahala ay nasa kamay ng mga tao. Ito ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang

namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin.

Isinasagawa nila ito sa maraming pagkilos o mga pagpupulong na pambayan.

Batay sa Wikipedia, ang pampublikong pangangasiwa (o pampublikong administrasyon) ay

isang disiplina sa ilalim ng mga agham panlipunan kung saan umiinog ito sa mga pampublikong

aspekto ng pamamahala. Kasama rito ang mga patakaran at programa ng pamahalaan kung saan

sinasama ang pagpapatupad, pagbubuo at pagsasaayos sa mga ito. Ito ay naglalayon upang

makaiwas at mabago ang pagkakaroon ng isang bulok at kurakot na pamahalaan. Ito rin ay

naglalayon upang magkaron ng mas mabisa at maaasahang pamahalaan para maihatid ang

pinakamaayos na serbisyo sa taumbayan. Sakop din ng pampublikong pangangasiwa ang mga

pag-aaral tungkol sa pampamahalaang pananalapi, patakaran, organisasyon, kayamanang tao at

pagbubuo ng mga proyekto sa pamahalaan. Sinasabing nagmula sa agham pampolitika ang

pampublikong pangangasiwa, ngunit ipinagtatalo ito.

F. Kahalagahan ng Teknolohiya sa Pamahalaan

Sa kasalukuyang panahon na kung saan ang kaalaman ay laganap dahil sa natatanging

kakayahan ng internet, naglitawan ang mga website na nagging mabisang instrumento ng

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

maraming institusyon upang maghatid ng mahhalagang impormasyon at pribadong sector at

maging ang pamahalaan. Sinasagisag ng mga detalyeng isinapubliko sa pamamagitan ng mga

website ng isang ahensya ng gobyerno ang pagiging matapat nito sa paglilingkod sa bayan.

Malalaman dito ng mga tao kung ano na nga ba ang pinagkakaabalahan ng pamahalaan at kung

anon a ang narrating nito. Kung nais naming makipag-ugnayan ng tao sa isang ahensya, mabisa

rin ang websites na kung saan matatagpuan ang mga numero na maaari mong tawagan at

padalhan ng mga hinaing.

Marapat lamang na paglaanan ng karagdagang pondo ang pagsasamoderno dahil di lamang

nito pinapabilis ang paghahatid ng mga serbisyo sa taumbayan kundi iniaangat din nito ang antas

ng demokrasya ng bansa. Sa pamamagitan nito maaaring mabawasas ang korupsyon na

nangyayare sa bansa.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

KABANATA III

METODOLOHIYA

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Metodo

Ang kabanatang ito ay kinakapalooban ng mga pamamarang ginamit ng mga

mananaliksik para sa pagkalap ng mga impormasyon na may kaugnay sa nasabing pag-aaral.

A. Internet

Gumamit ang mga mananaliksik ng iba’t- ibang websayt katulad ng google.com at

ask.com na nagbigay ng agarang imporamsyon sa aming mga sinaliksik. Isa na rito ang

tl.m.wikipedia.org/ wiki/ pamamaraang-makaagham.

B. Dyornal/ News Clippings

Tumungo rin ang mga mananaliksik sa pampublikong silid aklatan katulad sa City

Library upang mangalap ng impormasyon. Bagama’t wala kaming nakuhang mga datos sa

libro, mayroon naman kaming mga dyornal at news clippings na nakalap upang

masuportahan ang aming pag-aaral. Kumuha kami ng mga datos sa Science and Technology

Post Vol. XXIII First Quarter 2005 kung saan kami ay nakakuha ng halimbawa ng

teknolohiya na maaaring gamitin ng pamahalaan para sa mas mabisang pamamahala.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

KABANATA IV

PAGSUSURI AT INTERPRETASYON

NG MGA DATOS

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Ipinapakita ng grap sa itaas na sa paggamit ng manual na proseso sa pamamahala ay

malaki ang nakokonsumong oras kumpara sa naibibigay na serbisyo. Alam naman naten na sa

manual na proseso ay nangangailangan ng bilis at liksi upang maisagawa ng maayos ang mga

dapat gawin ngunit kung minsan ay hindi naman ito nabibigyang pansin ng gobyerno.

Samantalang sa paggamit ng teknolohiya ay kokonting oras ang nakokonsumo at mas

napapabilis at madami ang nabibigyang serbisyo. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga

makaagham na pamamaraan sa pamamahala ay mas nagiging epektibo at episyente ang

pagbibigay serbisyo ng gobyerno. Mas nagkakaroon ng karapatang malaman ng madla ang mga

impormasyong nanggagaling sa pamahalaan.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT

REKOMENDASYON

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Paglalagom

Sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik ay napatunayan na malaki ang kakayanan

ng mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya, patunay rito ang mga pagkilala at paghikayat ng

pamahalaan na malinang pa ang mga kakayanang ito. Tunay nga na ang teknolohiyang ito ay

nakakatulong sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Napabatid nito ang malaking epekto ng paggamit ng teknolohiya sa panahon ng

modernisasyon, maging mabuti man o masama ito. Ang pakikipagsabayan ng Pilipinas sa

iba’t-ibang bansa ay nagpapatunay na may kakayahan tayong gumamit ng mga makabagong

teknolohiya subalit sa kabila nito ay hindi sapat ang ibinibigay na atensyon ditto katulad na

lamang ang kakulangan sa mag kagamitang teknolohiya at kakulangan ng kaalaman ng mga

tao sa paggamit nito.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Konklusyon

Sa pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik ay nabatid ang iba’t- ibang epekto, kahalagahan

at mga suliraning kaakibat ng paggamit ng teknolohiya para sa mas mabisang pamamahala.

1. Isa sa mga dahilan sa pagkakaroon ng kakulangan sa kaalaman sa paggamit ng

makabagong teknolohiya, ay ang hindisapat na pagbibigay ng atensyon ng ibat ibang

ahensya ng gobyerno upang matulungan sila na malinang ang kanilang mga kakayahan at

hindi rin sapat ang mga teknolohiyang maaaring magamit at mapagaralan.

2. Sa aming ginagawang pananaliksik, ay nagkaroon ng mga kaalaman sa mga

teknolohiyang ginagamit sa kasalukuyang panahon sa mas mabisa at epektibong

pamamahala ng gobyerno. Isa na rito ang pagkakaroon ng weather fax machine na kung

saan ay magagamit ito ng ahensya ng PAGASA para mas mapadali ang paghahatid nila

ng impormasyon na nais iparating sa mamamayan.

3. Isa sa mga bagay na nagbunsod sa pamahalaan na gumamit ng mga teknolohiya ay upang

makipagsabayan sa mga namamahala sa loob man o labas ng bansa. Mapadali ang

proseso ng mga gawainat gayundin ang paghahatid ng agarang serbisyo at

pakikipagtransaksyon.

4. Sa aming ginawang pag-aaral ay napag-alaman namin na mayroong mabuti at masamang

epekto ang nadudulot ng paggamit ng teknolohiya. Ang mabuting dulot ay ang

pagkakaroon ng Global Networking o pagpapalitan ng impormasyon sa buong mundo at

para naman sa masamang epekto ay ang technicism o ang pagiging komportable ng mga

tao sa paggamit ng teknolohiya.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

5. Noong unang panahon, lahat ng uri ng pamamahala ay ginagamitan ng manwal na

paraan. Lahat ya kumikilos gamit lamang ang lakas ng katawan at talino. Samantalang

ngayon, kaunting pagod na lamang ang gagamitin at kaunting oras ang gugugulin sa

pagpapalitan at pagbibigay ng impormasyon.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Rekomendasyon

Ang mga Pilipino ay natural na mahilig sa makabagong teknolohiya. Ngunit ano nga ba

ang naging malaking papel ng mga Pilipino rito at ano- ano ang mga epekto ng mga nagawang

teknolohiya. Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos, nabuo ng mga

mananaliksik ang rekomendasyong ito.

Nararapat lamang na maglaan ng pondo ang pamahalaan sa pagpapalaganap ng mga

nasabing teknolohiya para sa ikakaunlad ng bansa.

Para sa pamahalaan, nararapat lamang na mag-organisa ng mga seminar na magtuturo sa

tao ng tamang pag gamit ng teknolohiya.

Para sa madla, kinakailangan nilang magkaroon ng tamang disiplina sa paggamit ng

makabagong teknolohiya ng sa gayon ay maiwasan ang mga suliraning maaaring

kaharapin nito.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

VI. Sanggunian

Artikulo sa Dyaryo at Magasin

Calimag, Melvin G.2007,Hunyo 8.Municipalities Stand on Technology with new E-

government. Manila Bulletin. Pg.8

Bardadora, Norman. 2011,Disyebre 30.Govt. using fax machine to send weather alerts. Vol. 27

no.22. Phil. Daily Inquirer

Calica, Aurea.2009,Abril 1. Public Accountability. Manila Bulletin. Pg. 10

Internet Sources at mga Websayt

www.academia.educ/7897657/Arkitektura_at_Globalisasyon_sa_Pilipinas.com

www.slideshare.net/mobile/lanceabalos/aralingpanlipunan

http://www.slideshare.net.mobile/marcomed/grade-8-aralingpanlipunan-quarter4

http://tinagalogko.blogspot.com

http://www.egov-conference.org/glosary/electronicgovernment

http://fil.wikipilipinas.org/index.php/PAGASA

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Apendiks

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Marso 21, 2015

Gng. Ivy Rose A. DeClaro, RL

OIC Librarian

M.L.Tagarao, Lucena City

Dear Ma’am

Maligayang Pagbati po sa inyo. Kami pong mga mananaliksik ay malugod na humihingi ng

pahintulot sa inyo na makapagsagawa ng pananaliksik at pangangalap ng mga datos kaugnay sa

isinasagawang konseptong papel na may pamagat na “ Makaagham na Pamamaraan Susi sa

Mabisang Pamamahala sa Panahon ng Modernisasyon”. Ang mga mananaliksik ay nakakuha ng

iba’t-ibang impormasyon at datos na aming nakita sa loob ng City Library. Kabilang na rito ang

mga dyornal at newsclippings na aming nagamit. Kasabay nito ang pag-okupa ng kompyuter

upang makapanaliksik sa iba’t-ibang websayt ng sa gayon ay magkaroon at madagdagan pa ang

aming mga nalikom na datos. Maraming salamat po sa inyong lubos na pang-unawa at

pagbibigay ng pahintulot sa paggamit ng silid-aklatan.

Mga Mananaliksik

Cao, Karina C.

Capisonda Krisnell Mae R.

Mendoza, Ma. Charisse J.

Tolentino, Donna R.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Balangkas ng Pag-aaral

I. KABANATA I: Ang Suliranin At Kaligiran

A. Rasyunal

B. Pagpapahayag ng Suliranin

C. Batayang Konseptwal

1. Layunin ng Pag-aaral

2. Kahalagahan ng Pag-aaral

3. Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

4. Katuturan ng mga Katawagan

II. KABANATA II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Pag-aaral

III. KABANATA III: Metodolohiya

Pamamaraang Pananaliksik

A. Dyornal

B. News Clippings

C. Internet/ Websayt

IV. KABANATA IV: PAgsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

V: KABANATA V:

A. Paglalagom

B. Konklusyon

C. Rekomendasyon

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Badyet

A. Benepisyong Salapi

Kagastusan

Halaga

1. Kompyuter 50

2. Print 150

3. Folder 20

Kabuuang Halaga

220

B. Benipisyong Di- Salapi

Iskedyul Araw at Oras

Gawain

Lunes at Miyerkules 1:00 pm- 4:00 pm

Pananaliksik

Martes

2:00 pm- 5:00 pm Pananaliksik at Pagtatayp

Biyernes

12:00 pm- 4:00 pm

Pagbabalangkas

Sabado 1:00 pm- 5:00 pm

Pagrerebisa

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Ako si Krisnell Mae R. Capisonda, 16 na taong gulang at pangatlo sa apat na

magkakapatid. Inalagaan at buong pusong minahal nina Natalio P. Capisonda at Lucila R.

Capisonda. Ang aking ama ay nagtatrabaho sa gobyerno at aking ina ay isang may bahay. Sa

kasalukuyang taon, ako ay nag-aaral ng kolehiyo sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena at

kumukuha ng kursong Pampublikong Administrasyon.

Sa aking paglaki, ako ay may kaakibat na mga pangarap na nais matupad. Kaya

pinagsisikapan ko ang aking pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ako ng magandang trabaho

at buhay para sa hinaharap.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Ako si Karina C. Cao, 17 na taong gulang at pang-apat sa limang magkakapatid. Ang

aking mga magulang ay sina Benjamin Cao at Cecilia Cao. Ang aking ama ay laborer at ang

aking ina ay isang may bahay. Sa kasalukuyang taon, ako ay nag-aaral ng kolehiyo sa

Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena at kumukuha ng kursong Pampublikong Administrasyon.

Sa kasalukuyan ay may mga pangarap akong nais maabot sa aking paglaki.Kaya lubos

akong nagsisikap sa aking pagaaral upang maabot ang mga ito at magkaroon ng magandang

buhay at bilang ganti na din sa paghihirap ng aking mga magulang para akoy makapagaral.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Ako si Ma. Charisse J. Mendoza, 17 na taong gulang at panganay sa tatlong

magkakapatid. Ang aking mga magulang ay sina Carlos Mendoza at Ma. Lourdes Mendoza. Ang

aking ama ay tricycle driver at ang aking ina ay isang may bahay. Sa kasalukuyang taon, ako ay

nag-aaral ng kolehiyo sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena at kumukuha ng kursong

Pampublikong Administrasyon.

Mahirap man ang aming katayuan sa buhay ay sisikapin kong makatapos sa aking pag-

aaral nang sa gayon ay makatulong ako sa aking mga magulang bilang ganti sa kanilang

paghihirap at pagsasakripisyo upang ako ay mapag-aral.

DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA

Brgy. Isabang, Lucena City

Ako si Donna R. Tolentino, 21 taong gulang. Ako ay nakatira sa 56 Bonifacio St. Brgy. 8

Lungsod ng Lucena. Pangatlo sa pitong magkakapatid, apat na lalaki at tatlong babae. Ang aking

ina ay si Veneracion tolentino at ang aking ama naman ay si Danilo Tolentino. Ang aking ina ay

mayroong maliit na tindahan samantalang ang aking ama naman ay isang empleyado ng

gobyerno. Sa kasalukuyan, ako ay nag-aaral sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena na

kumukuha ng Pampublikong Administrasyon.