Komon Welt

download Komon Welt

If you can't read please download the document

Transcript of Komon Welt

ANG PAMAHALAANG KOMONWELT

Ano nga ba ang Pamahalaang Komonwelt? Alinsunod sa Batas Tydings-McDuffie Itinatag sa ilalim ng isang SaligangBatas na bubuin ng mga Pilipino Ang mga Pilipino ay pagkakalooban ng Amerika ng kanilang pinapangarap na kalayaan.

Mga Hakbang na dapat Isagawa Ang lubusang pagtanggap sa pinagpatibay na batas; Ang pagtawag ng isang Kombensyong PansaligangBatas nang hindi lalampas sa Oktubre 1, 1934; Pagkakaloob ng banghay ng nabuong Saligang-Batas sa Pangulo ng Estados Unidos sa loob ng dalawang taon, o di lalampas sa ika-24 ng Marso,1936; Paghaharap sa mga tao sa isang plebesitong nabuong Saligang-Batas sa loob ng apat na buwan upang pagtibayin; Pagdaraos ng isang halalan upang halalin ang aaga sa tatlong buwan at di lalampas sa anim na buwan matapos pagtibayin ng taong-bayan ang naturang Saligang-Batas; Pagpapatibay sa kinalabasan ng halalan at pagpapasinaya sa Pamahalaang Komonwelt; at Pagkakaloob ng kalayaan sa mga Pilipino sa ika-4 ng Hulyo, matapos ang sampung taongg taning na panahon.

Kombensyong Pansaligang-Batas Binuo noong Hulyo 30, 1934 Naglalayong bumanghay ng isang Saligang-Batas ng Pamahaalang Komonwelt. Ang mga nahalal sa pamunuan ng Kombensyon ay sina Claro M. Recto, Pangulo, Ruperto Montinola at Teodoro Sandiko, una at ikalawang Pangalawang Pangulo, Narciso Pimentel, Kalihim, at Narciso Diokono, Pinunong-Tagaayos Ang Saligang-Batas ay pinagpatibay noong Pebrero 8, 1935, at nilagdaan ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Amerika noong Marso 23, 1935. Nagamit ng mga kababaihang Pilipino ang kanilang karapatang humalal sa kauna-unahang pagkakataon.

Ang Saligang-Batas Ito ay binubuo ng isang Preambulo (Preamble) na sa pagkasulat sa wikang Ingles ay ganito ang isinasaad: ( The Filipino people, imploring the aid of Divine Providence, in order to establish a government that shall embody their ideals conserve and develop the patrimony of the nation, promote the general welfare, and secure to themselves and their posperity the blessings of independence under a regime of justice, liberty, and democracy, do ordain and promulgate this Constitution.) Naglalaman ng 17 artikulo: 1. National Territory (Pambansang-Lupang Sakop) 2. Declaration of Principles (Mga Simulain) 3. Bill of Rights (Mga Karapatan) 4. Filipino Citizenship (Pagkamamamayang Pilipino) 5. Suffrage (Karapatan sa Paghalal) 6. Legislative Department ( Sangay Pampagbabatas)

7. Executive Department (Sangay Tagapagtanggap)8. Judicial Department (Sangay Panghukuman) 9. Impeachment (Pagtitiwalag) 10. General Auditing Office (Tanggapan ng Pangkahalatang Tagasuri) 11. Civil Service (Serbisyo Sibil) 12. Conservation and Utilization of Natural Resources (Pangangalaga at Pakikinabang sa Likas na Kayamanan) 13. General Provisions (Pangkahalatang Tagubilin) 14. Amendments (Mga Susog) 15. Transitory Provisions (Mga Pansamantalang Tagubilin) 16. Special Provisions Effective Upon the Proclamation of the Independence of the Philippines (Mga Tanging Tagubiling Magkakabisa sa Sandaling Ipahayag ang Pasasarili ng Pilipinas 17. The Commonwealth and the Republic ( Ang Komonwelt at ang Republika)

Pambansang Halalan Ang unang pambansang halalan sa ilalim ng Saligang-Batas ay idinaos noong Setyembre 17, 1935

Manuel L. Quezon at Sergio Osmena Lapiang Koalisyon, Lapiang SosyalistaNasyonal, Lapiang Republikano

PANGULO NG KOMONWELT (MANUEL L. QUEZON)

IKALAWANG PANGULO NG KOMONWELT (SERGIO OSMENA)

Pasinaya sa Komonwelt Ito ay ipinagdiwang noong ika-15 ng Nobyambre, 1935, sa harapan ng Gusali ng Batasang-Bayan sa Maynila Nanumpa sa harap ng Punong Mahistrado Ramon Avancena ng Katas-taasang Hukuman ng Pilipinas

Humirang si Pangulong Quezon ng isang Lupon, Lupong Tagasuri ng Pamahalaan ( Governmnet Survey Board)

Sangay Tagatanggap ( Executive Department) Nasa Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt at hahalinhan ng Pangalawang-Pangulo kung magiging kailangan Ang Pangulo at Pangalawang-Pangulo ay kapwa inihalal upung manungkulan sa loob ng anim na taon at di na maaari pang halaling muli. Mga kagawarang tagapagpaganap ay: *Kagawarang Panloob *Kagawaran ng Pagtuturong Pambayan *Kagawaran ng Panlalapi *Kagawarang ng Pagsasaka at Pangangalakal *Kagawaran ng Gawaing Bayan at Pahatiran *Kagawaran ng Katarungan

Sangay Pampagbabatas (Legislative Department) Ang orihinal na Saligan-Batas ay nagtatadhana ng isang batasang binubuo ng iisang kapulungan, Kapulungang Nasyonal, na bubuin ng 98 kinatawan.

Nagkaroon ng susog ang Saligang-Batas at nalikha ang isang Kongresong may dalawang kapulungan: SENADO KAPULUNGANG PANGKINATAWAN

Sangay Panghukuman (Judicial Department) Nasa Kataas-taasang Hukuman at iba pang mababang hukuman sa bisa ng Artikulo VIII, Seksyon 1, ng Saligang-Batas Noong 1935 ay binubuo ng 9 na mga kagawad ang Kataas-taasang Hukuman Ang Hukuman sa Paghahabol (Court of Appeals) ay nilikha ng Kapulungang Nasyonal sa nisa ng Batas Komonwelt Bilang 3 noong Pebrero 1, 1939 na binubuo ng 15 hukom. Ang Hukumang Unang Dulungan (Court of First Instance) ay nagtatadhanang mahati ang buong bansa sa siyam na distritong panghukuman at tumukoy ng mga katangiang dapat taglayin ng hihiranging hukom ukol dito. Ang Hukumang Pamayapa (Justice of the Peace Court) ay maaari lamang pagtanghalan ng mga manananggol

Karapatan sa Paghalal ng mga Kababaihan Noong 1933, ang Batasang Pilipino ay nagpatibay ng isang batas na nagpapahintulot upang makahalal ang mga kababaihan na nilagdaan ni Gobernador-heneral Frank Murphy.

Mga Susog sa Saligang-Batas Ang pagbabago sa taning na panahon ng panunungkulan ng Pangulo at Pangalawang Pangulo. Ang dating walong taong walang reeleksyon ay naging apat na taong may eleksyon Ang paglikha ng isang Kongreso ng Pilipinas na bubuuin ng Senado at Kapulungang Pangkinatawan Ang paglikha ng Komisyon sa Halalan

Huling Halalan Bago Magkadigma Ang mga Pilipino ay nakapagdaos ng isang halalan noong ika-11 ng Nobyembre 1941. Bilang pag-alinsunod sa naging susog sa Saligang-Batas, nagkaroon ng pagkakataon sina Quezon at Osmena na muling kumandidato at nagtagumpay uli sa pagiging Pangulo at Pangalawang Pangulo. Ang lahat ng 24 na kandidato sa pagka-Senador ay kasama nilang nagtagumpay dahil sa paraan ng paghalal ng block voting.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig Naging dahilan ng paglikas ng pamunuan ng Pamahalaang Komonwelt buhat sa Maynila Patungong Corregidor. Naging mabilis ang pagpasok ng mga kaaway sa Maynila noo ika-26 ng Disyembre, 1941 at ipinahayag ni General Douglas MacArthur ang pagiging open city ng Maynila. Sa gitna ng nagaganap na mga paglalaban, ipinagpatuloy sa Corregidor ang pagtatalaga sa mga bagong muling kahahalal na pamunuan ng Pamahalaang Komonwelt. Nanumpa sina Pangulong Quezon at Pangalawang Pangulong Osmena sa harap ni Jose Abad Santos.

Ang Komonwelt sa Washington Ang patuloy na tagumpay sa mga ginawang pagsalakay ng mga Hapon sa buong kapuluan ang naging dahilan upang ipasiya ni Pangulong Quezon na ilikas ang Pamahalaang Komonwelt mula sa Corregidor patungong Washington sa Amerika. Ipinagpatuloy niya ang pangmalayuang pamamahala sa Pilipinas, mula noong ika-13 ng Mayo, 1942 hanggang ika-13 ng Oktubre1944. Ang pagkamatay ni Pangulong Quezon ang nagbigay wakas sa makulay na panunungkulan ng Pangulo ng Komonwelt.

Ang Pagbabalik ng Pamahalaang Komonwelt Naipagpatuloy ang Pamahalaang Komonwelt nang bumalik sa Pilipinas si Pangulong Sergio Osmena at binuhay ang pamahalaang ito sa Leyte noong Oktubre 23, 1946 at ginawang pansamantalang kapital Tacloban. Muling binuhay ni Osmena ang lahat ng kagawaran, kawanihan at mga tanggapan noong bago pa magkadigma. Dinagdagan ang mga bilang ng mga hukom na bumubuo sa Kataas-taasang Hukuman mula pito at ginawang labing-isa.

Ipinag-utos ni Osmena ang muling pagbubukas

ng anim na mga bangkong ipinapinid noong Nobyembre, 1944. Pinagtibay ang isang batas na magkakaloob sa mga kagawad ng Batasan ng tatlong taong naipong sahod o back pay Back Pay Law ay pinagpatibay upang matugunan ang kahilingang ito ng mga kawani ng pamahalaan.

Huling Halalan sa Ilalim ng Pamahalaang Komonwelt Idinaos noong Abril 23, 1946 Nagwagi ang tambalang Manuel Roxas at Elpidio Quirino laban sa tambalang Sergio Osmena at Eulogio Rodriguez Ang Batas sa Pangangalakal ng Pilipinas (Philippine Trade Act) o Bell Trade Act at ang Batas sa Rehabilitasyon o Philippine Rehabilitation Act ay ipinasa sa Kongreso ng Amerika noong ika-30 ng Abril, 1946

Bell Trade Act Nagtatadhana ng malayang pakikipagkalakalan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Amerikano hanggang 1954, na may taunang pagtataas ng taripang katumbas ng 5% hanggang 1974

Itinadhana na baguhin ng Pilipinas ang Saligang-Batas Ang kalayaang pinagkakaloob ng mga Amerikano sa mga Pilipino ay hindi magiging lubos

Philippine Rehabilitation Act Nagtatadhana ng halagang P 800,000,000 na ipagkakaloob ng Pamahalaang Amerikano sa Pilipinas bilang kabayaran sa mga ari-ariang nasira at nawala sa panahon ng digmaan

Nagtatadhana ng anumang kabayarang dapat tanggapin ng mga Pilipino, kung hihigit sa $500.00 ay ipagkakaloob lamang kung pagtitibayan ang pantay na karapatan o parity rights sa Saligang-Batas ng Pilipinas

Mga Karagdagang Kaalaman BATAS JONES - Pinagpatibay ito noong ika-16 ng Oktubre, 1916 - Sinasabing ang layunin ng Estados Unidos sa pagsakop sa Pilipinas ay hindi ang magpalaki ng lupaing Amerikano, kundi ang magkaloob sa mga Pilipino ng kasarinlan sa sandaling magkaroon ng matatag na pamahalaan ang Pilipinas. Tatlong Sangay ng Pamahalaan: - Ehekutibo - Lehislatibo - Hudisyal - Ito ay talaan ng mga karapatan ng mga mamamayan.

EDUKASYON - Nakasalig sa pagpapaunlad ng kabutihang asal, disiplina, kabatirang sibiko, at kahusayan sa mga gawaing-kamay. - Nauukol ang pagiging makabayan - Karunungang bokasyunal - Pinagtibay ang mga pribadong paaralan. - Adult Education Office WIKANG PAMBANSA - Naglalayon magkaroon ng sariling wikang magagamit pambansa - Tagalog ang saligan ng wikang pambansa

PANGANGALAKAL - Lumiit ang panlabas na pangangalakal ng Pilipinas dahil sa pandaigdig na krisis sa kabuhayan TRANSPORTASYON AT PAHATIRAN - Nilikha ng Asamblea ang Kawanihan ng Ayronatiko PAGPAPAUNLAD NG INDUSTRIYA - Nilikha ng Asamblea ang Pambansang Sanggunian sa Kabuhayan SINING AT PANITIKAN - Nagpadala ang pamahalaan ng mga pensiyonado sa ibat ibang bansa upang magaral dito ng sining at agham

- Timpalak sa pagpipinta; tulang Tagalog; talambuhay ni Rizal - Noong 1939, itinatag ng ilang manunulat sa Tagalog, Inggles, at sa Kastila ang Philippine Writers League

PAGSUSULIT