Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasalungatan ... · Sa buong aklat na ito ay makikita...

21
Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mga Pagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 1 ng 7): Panimula Paglalarawan: Isang pagtingin sa kung ano ang sinabi ng ilan sa mga nangungunang Kristyanong Iskolar patungkol sa awtentisidad ng Bibliya. Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What did Jesus really Say?) Nailathala noong 16 Nov 2020 - Huling binago noong 19 Nov 2020 Kategorya: Mga Artikulo >Paghahambing ng Relihiyon > Ang Bibliya oeKung gayon, kasawian sa mga nagsusulat ng Aklat sa kanilang sariling mga kamay at nagsasabi: oeIto ay mula sa Allah”, upang ipagbili ito sa isang maliit na halaga! Kasawian sa kanila, sa anumang sinulat ng kanilang mga kamay at kasawian sa kanila sa anumang kanilang kinita.” (salin ng kahulugan ng Quran 2:79) oeAt nang ang isang Sugo (Muhammad) na nagmula sa Allah ay dumarting sa kanila na nagpapatunay sa kung ano ang tinanggap nila, ang isang pangkat sa lipon nila (ang Angkan ng Kasulatan) ay naghagis ng Aklat n,, Allah sa kanilang likuran na wari bang (ito ay isang bagay) na hindi nila nababatid!.” (salin ng kahulugan ng Quran 2:101) oeHuwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na Aking iniuutos sa inyo, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na Aking iniuutos sa inyo.” (Deuteronomio 4:2) Magsimula tayo sa simula. Walang iskolar ng Bibliya sa mundong ito ang magsasabing ang Bibliya ay isinulat mismo ni Hesus. Lahat sila ay sumasang-ayon na ang Bibliya ay isinulat pagkatapos ng pag-alis ni Hesus (sumakanya ang kapayapaan) ng kanyang mga tagasunod. Si Dr. W Graham Scroggie ng Moody Bible Institute, sa Chicago, isang prestihiyosong misyonaryong pang-ebanghelyo, ay nagsabi: ”..Oo, ang Bibliya ay (mula sa) tao, bagaman ang ilan ay mula sa pagsisikap na kung saan ay hindi naayon sa kaalaman, ay tinanggihan ito. Ang mga librong iyon ay dumaan sa kaisipan ng mga tao, isinulat sa wika ng mga tao, na isinulat ng mga kamay ng mga tao at ipinapahiwatig sa kanilang istilo ang mga katangian ng mga tao....Ito ay (mula sa) Tao, Ngunit Banal.”[1] Ang isa pang iskolar na Kristiyano, si Kenneth Cragg, ang Anglikanong Obispo ng Jerusalem, ay nagsabi: Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 1 of 21 www.IslamReligion.com

Transcript of Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasalungatan ... · Sa buong aklat na ito ay makikita...

  • Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mgaPagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 1 ng 7): Panimula

    Paglalarawan: Isang pagtingin sa kung ano ang sinabi ng ilan sa mga nangungunangKristyanong Iskolar patungkol sa awtentisidad ng Bibliya.Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What did Jesus really Say?)Nailathala noong 16 Nov 2020 - Huling binago noong 19 Nov 2020Kategorya: Mga Artikulo >Paghahambing ng Relihiyon > Ang Bibliya

    oeKung gayon, kasawian sa mga nagsusulat ng Aklat sa kanilangsariling mga kamay at nagsasabi: oeIto ay mula sa Allah”, upangipagbili ito sa isang maliit na halaga! Kasawian sa kanila, saanumang sinulat ng kanilang mga kamay at kasawian sa kanila saanumang kanilang kinita.” (salin ng kahulugan ng Quran 2:79)oeAt nang ang isang Sugo (Muhammad) na nagmula sa Allah aydumarting sa kanila na nagpapatunay sa kung ano ang tinanggapnila, ang isang pangkat sa lipon nila (ang Angkan ng Kasulatan) aynaghagis ng Aklat n,, Allah sa kanilang likuran na wari bang (ito ayisang bagay) na hindi nila nababatid!.” (salin ng kahulugan ngQuran 2:101)

    oeHuwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na Aking iniuutos sa inyo, upang inyongmaingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na Aking iniuutos sa inyo.” (Deuteronomio4:2)

    Magsimula tayo sa simula. Walang iskolar ngBibliya sa mundong ito ang magsasabing angBibliya ay isinulat mismo ni Hesus. Lahat sila aysumasang-ayon na ang Bibliya ay isinulatpagkatapos ng pag-alis ni Hesus (sumakanya angkapayapaan) ng kanyang mga tagasunod. Si Dr. WGraham Scroggie ng Moody Bible Institute, saChicago, isang prestihiyosong misyonaryongpang-ebanghelyo, ay nagsabi:

    ”..Oo, ang Bibliya ay (mula sa) tao, bagaman ang ilan ay mula sa pagsisikap na kungsaan ay hindi naayon sa kaalaman, ay tinanggihan ito. Ang mga librong iyon aydumaan sa kaisipan ng mga tao, isinulat sa wika ng mga tao, na isinulat ng mgakamay ng mga tao at ipinapahiwatig sa kanilang istilo ang mga katangian ng mgatao....Ito ay (mula sa) Tao, Ngunit Banal.”[1]

    Ang isa pang iskolar na Kristiyano, si Kenneth Cragg, ang Anglikanong Obispo ngJerusalem, ay nagsabi:

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 1 of 21 www.IslamReligion.com

    http://www.islamreligion.com/articles/http://www.islamreligion.com/tl/category/68/http://www.islamreligion.com/tl/category/70/

  • oe...Hindi ganoon ang Bagong Tipan ... Mayroong pagbawas at pagbabago; maypagpili kung paano gagawin at saksi nito. Ang mga Ebanghelyo ay mula sa isipan ngsimbahan na nasa likod ng mga may-akda. Kinakatawan nila ang karanasan atkasaysayan...”[2]oeKilalang-kilala na ang pinaka-unang Kristyanong Ebanghelyo ay una nang nailipatsa pamamagitan ng salita ng bibig at na ang sinalitang salaysay ay nagresulta saiba't ibang pag-uulat ng salita at gawa. Ito ay kapwa totoo na noong ang talaan ngKristyano ay tumuon sa pagsulat nito, nagpatuloy ito bilang isang paksa ngpagkakaiba-iba ng salita. Kusa at sinadya, sa kamay ng mga eskriba at patnugot.”[3]oeGayunpaman, sa katotohanan, ang bawat aklat ng Bagong Tipan maliban sa apatna tanyag na Sulat ni San Pablo ay kasalukuyang karaniwan na paksa ngkontrobersya, at ang mga pagdaragdag ng salita ay inihahayag din sa mga ito.”[4]

    Si Dr. Lobegott Friedrich Konstantin Von Tischendorf, isa sa pinaka matatag nakonserbatibong Kristiyanong tagapagtanggol ng Trinidad ay inamin sa kanyang sarili na:

    oe[ang Bagong Tipan ay] sa paglipas ng mga panahon ay sumailalim sa malubhangpagbabago ng kahulugan upang tayo ay masaktan sa kawalan ng katiyakan tungkolsa kung ano talaga ang isinulat ng mga Apostol.”[5]

    Matapos ilista ang maraming mga halimbawa ng salungat na mga pahayag sa Bibliya,sinabi ni Dr. Frederic Kenyon:

    oeBukod sa mga maraming pagkakaiba-iba, tulad ng mga ito, halos walang ni isangtalata kung saan walang kaunting pagkakaiba-iba ng parirala sa ilang mga kopya[ng mga sinaunang manuskrito kung saan nakolekta ang Bibliya]. Walangmakakapagsabi na ang mga pagdaragdag o pagtanggi o pagbabago na ito ay mgabagay lamang sa pagwawalang-bahala”[6]

    Sa buong aklat na ito ay makikita mo ang hindi mabilang na iba pang mga katulad namga salita mula sa ilan sa mga nangungunang iskolar ng Kristiyanismo. Sapat na tayo samga ito para sa ngayon.

    Ang mga Kristiyano, sa pangkalahatan, ay mabuti at disenteng mga tao, at sa paglakasng kanilang pananalig mas nagiging disente sila. Ito ay pinatunayan sa marangal naQuran:

    oe...at iyong matatagpuan bilang pinakamalapit na pagmamahal samga naniniwala (mga Muslim) ay sila na nagsasabi: oeKami ay mgaKristiyano.” Ito’y sa dahilang kabilang sa kanila ay may mga pari atmonako, at sila ay hindi mga mapagmalaki. At kung sila (natumatawag sa kanilang sarili na mga Kristiyano) ay nakikinig samga ipinahayag sa Sugo (Muhammad), makikita ang kanilang mgamata na labis ang pagtulo ng luha dahilan sa katotohanan nakanilang napagkilala. Sila ay nagsasabi: oeAming Panginoon! Kamiay naniniwala, kaya’t kami ay Iyong itala na kabilang sa mga saksi.’”(salin ng kahulugan ng Quran 5:82-83)

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 2 of 21 www.IslamReligion.com

  • Ang lahat ng mga "bersyon" ng Bibliya na nauna sa binagong bersyon ng 1881 aynakasalalay sa "Sinaunang Mga Kopya" (yaong mga mula lima hanggang anim na daangtaon pagkatapos ni Hesus). Ang mga nagrebisa ng Revised Standard Version (RSV) ng1952 ay ang unang mga iskolar sa bibliya na may hawak sa "PINAKA sinaunang mgakopya" noong tatlo hanggang apat na daang taon pagkatapos ni Kristo. Makatarunganlamang para sa atin na mapagkasunduan na ang mas malapit na dokumento samapagkukunan ay ang mas tunay nito. Tingnan natin kung ano ang opinyon ngKakristiyanuhan tungkol sa pinaka-binagong bersyon ng Bibliya (na binago noong 1952 atmuling binago noong 1971):

    oeAng pinakamahusay na bersyon na ginawa sa kasalukuyang siglo ”- (Church ofEngland Newspaper)oeIsang ganap na sariwang pagsasalin ng mga iskolar sa pinakamataas na katayuan”- (Times literary supplement)oeAng mga pinaka minahal na katangian ng awtorisadong bersyon na sinamahan ngisang bagong kawastuhan ng pagsasalin” - (Life and Work)oeAng pinaka-wasto at malapit na pagsasalin sa orihinal” - (The Times)

    Ang mga naglathala mismo (Collins) ay nagbanggit sa pahina 10 ng kanilang mga tala:oeAng Bibliya na ito (RSV) ay produkto ng tatlumpu't dalawang iskolar natinulungan ng komite ng tagapayo na kumakatawan sa limampung mgadenominasyon na nagtutulungan”

    Tingnan natin kung ano ang masasabi nitong tatlumpung dalawang Kristiyanongiskolar ng pinakamataas na kasanayan na suportado ng limampung nagtutulungang mgadenominasyon patungkol sa Awtorisadong Bersyon (AV), o sa mas kilala bilang, ang KingJames Version (KJV). Sa paunang salita ng RSV 1971 matatagpuan natin ang sumusunod:

    oe...Gayunpaman ang King James Bersyon ay may mga MALUBHANG DEPEKTO..”Patuloy sila sa pagbabala sa atin na:

    oe...Na ang mga depekto na ito ay SOBRANG DAMI AT MALUBHA na kailanganitong baguhin”

    Ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang pahayagang "AWAKE" na may petsang ika-8 ngSetyembre 1957, ay naglathala ng sumusunod na punong-sabi: "50,000 Kamalian saBibliya" kung saan kanilang sinabi "..marahil may 50,000 na mga pagkakamali saBibliya...mga pagkakamali na naganap sa teksto ng Bibliya...50,000 na malubhang mgapagkakamali..." Gayunpaman, pagkatapos nito, sila ay nagpatuloy sa pagsabi na: "...sakabuuan ang Bibliya ay tumpak." Tingnan lamang natin ang ilan sa mga pagkakamalingito.

    Mga talababa:

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 3 of 21 www.IslamReligion.com

  • [1] W Graham Scroggie, p. 17

    [2] The Call of the Minaret, Kenneth Cragg, p 277

    [3] Peake’s Commentary on the Bible, p. 633

    [4] Encyclopaedia Brittanica, 12th Ed. Vol. 3, p. 643

    [5] Secrets of Mount Sinai, James Bentley, p. 117

    [6] Our Bible and the Ancient Manuscripts, Dr. Frederic Kenyon, Eyre and Spottiswoode, p. 3

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mgaPagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 2 ng 7): Mga Halimbawa

    ng Pagdaragdag ng Salita

    Paglalarawan: Ang ilang mga halimbawa ng mga pagdaragdag ng salita sa Bibliya, katulad sabinanggit ng mga Kristiyanong iskolar.Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)Nailathala noong 16 Nov 2020 - Huling binago noong 19 Nov 2020Kategorya: Mga Artikulo >Paghahambing ng Relihiyon > Ang Bibliya

    Sa Juan 3:16 - AV (KJV) mababasa natin:

    oeSapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanlibutan, na ibinigay niya ang kaniyangbugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundimagkaroon ng buhay na walang hanggan..”

    […] ang katha na "bugtong na anak" na sa ngayon ay hindi pinapaliwanag ng mgapinakatanyag na rebisador ng Bibliya. Gayunpaman, ang tao ay hindi kailangangmaghintay ng 2000 taon para sa kapahayagan na ito.

    Sa Surah al-Maryam(19): 88-98 ng marangal na Quran ay mababasa natin:oeAt sila ay nagsasabi: oeAng Pinakamahabagin (Allah) aynagkaanak ng isang lalaki!” Katotohanang kayo ay nakagawa ngisang kakila-kilabot na masamang bagay. Na rito ang kalangitan ayhalos mapunit, at ang kalupaan ay mabiyak mula sa ilalim, at angkabundukan ay gumuho sa matinding pagkawasak. Dahilan sakanilang iniakibat sa Pinakamahabagin ang isang anak na lalaki. At

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 4 of 21 www.IslamReligion.com

    http://www.islamreligion.com/articles/http://www.islamreligion.com/tl/category/68/http://www.islamreligion.com/tl/category/70/

  • hindi angkop para sa Kadakilaan ng Pinakamahabagin na Siya aymagkaroon ng isang anak na lalaki. Walang sinuman ang nasa mgakalangitan at kalupaan maliban na siya ay paparoon saPinakamahabagin bilang isang alipin. Katotohanan, Kanyanginisa-isa ang mga ito at binilang ang mga ito nang lubusangpagbilang. At lahat sila ay paparoon sa Kanya na nag-iisa sa Araw ngMuling Pagkabuhay (na walang anumang katulong, tagapangalaga otagapagtanggol). Katotohanan, sila na tunay na sumasampalataya atgumagawa ng mga kabutihan, ang Pinakamahabagin aymagkakaloob ng pagmamahal sa kanila. Kaya't ginawa Namin ito[Ang Quran] na magaan sa iyong sariling dila (O Muhammad),upang maibigay mo ang magandang balita sa Muttaqun (mgamatimtiman at matutuwid na mananampalataya) at upang mabigyanng babala sa pamamagitan nito ang mga pinakapalaaway. At ilan nabang henerasyong nauna sa kanila ang Aming winasak? Mayroon kapa bang isang matatagpuang kabilang sa kanila, o di kaya aymakakarinig ng kahit na isang bulong (man lamang) sakanila?” (salin ng kahulugan)

    Sa Unang Sulat ni Juan 5: 7 (King James Version) matatagpuan natin:

    oeSapagkat may tatlo na nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo, atang tatlo ay iisa.”

    Tulad ng nakita na natin sa seksyon 1.2.2.5, ang talatang ito ay ang pinakamalapit napagkakahawig sa tinatawag ng Simbahan na banal na Trinidad. Gayunpaman, tulad ngnakikita sa seksyong ito, ang pundasyong ito ng pananampalatayang Kristiyano ayibinasura mula sa RSV ng parehong tatlumpu't dalawang Kristiyanong iskolar ngpinakamataas na kasanayan na suportado ng limampung nagtutulungang mgadenominasyong Kristiyano, muli ang lahat ay ayon sa "pinaka sinaunang mgamanuskrito". At muli, natagpuan natin na ang dakilang Quran ay nagpahayag ngkatotohanan na ito higit labing-apat na daang daang taon na ang nakalipas:

    oeO Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Huwagkayong magmalabis sa hangganan ng pananampalataya, at huwagdin kayong magsabi ng patungkol sa Allah maliban sa katotohanan.Ang Mesiyas na si Hesus, ang anak ni Maria, ay (hindi hihigit pa) saisang Tagapagbalita ni Allah at Kanyang Salita (oeMangyari nga!”,at ito ay magaganap) na Kanyang iginawad kay Maria at isang Ruh(espiritu) na Kanyang nilikha (alalaong baga, ang kaluluwa ni Hesusay nilikha ni Allah, samakatuwid siya ay Kanyang alipin, at si Allahat ang espiritu ay hindi magkapantay o magkatulad); kaya’tmanampalataya kay Allah at sa Kanyang mga Tagapagbalita. Huwagkayong mangusap ng: oeTrinidad (o Tatlo)!” Magsitigil! (Ito ay)higit na mainam sa inyo. Sapagkat si Allah (ang tanging) Nag-iisangDiyos, ang Kaluwalhatian ay sa Kanya, (higit Siyang mataas) kaysa

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 5 of 21 www.IslamReligion.com

  • (sa lahat) upang magkaroon ng anak. Sa Kanya ang pag-aangkin nglahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. At si Allah ayLalagi at Sapat na upang maging Tagapamahala ng lahat ng mgapangyayari.” (salin ng kahulugan ng Quran 4:171)

    Bago ang 1952 lahat ng mga bersyon ng Bibliya ay nagbanggit sa isa sa mgapinaka-mahimalang kaganapan na may kaugnayan sa propetang si Hesus (sumakanya angkapayapaan), patungkol sa kanyang pag-akyat sa langit:

    oeKaya't ang panginoong Hesus, pagkatapos niyang magsalita sa kanila, ay dinala sa langit, atumupo sa kanang kamay ng Diyos” (Marcos 16:19)

    …at muli sa Lucas:

    oeHabang pinagpapala niya sila, siya ay humiwalay sa kanila, at dinala sa langit. At sinamba nilasiya, at bumalik sa Jerusalem nang may malaking kagalakan.” (Lucas 24:51-52)

    Sa 1952 RSV ang aklat ng Marcos 16 ay nagtapos sa ika-8 taludtod at ang mgasumunod na natira ay inilagay sa maliit na pagkakaprinta sa isang talababa (marami pangpatungkol rito sa susunod). Katulad nito, sa komentaryo sa mga taludtod ng Lucas 24,sinabi sa atin sa talababa ng NRSV Bible "Ang ibang sinaunang mga awtoridad aynagkulang at oedinala sa langit’oe at oeAng ibang sinaunang mga awtoridad aynagkulang ‘at sumamba sa kanya'”. Kaya makikita natin na ang taludtod sa Lucas saorihinal nitong anyo ay nagsabi lamang na:

    oeHabang pinagpapala niya sila, humiwalay siya sa kanila. At sila ay bumalik sa Jerusalem namay malaking kagalakan.”

    Tumagal ng maraming siglo ng "inspiradong pagwawasto" upang maibigay sa atin angkasalukuyang anyo ng Lucas 24: 51-52.

    Bilang isa pang halimbawa, sa Lucas 24: 1-7 mababasa natin:

    oeNgayon sa unang araw ng linggo, nang maaga sa umaga, dumating sila sa libingan, dala angmga pampalasa na inihanda nila, at ang ilan pa kasama nila. At natagpuan nila ang bato nanailigid sa libingan. At sila ay pumasok, at hindi nila natagpuan ang katawan ng PanginoongJesus. At nangyari, nang labis silang naguluhan, narito, may dalawang lalake na nakatayo sa tabinila na may mga nagliliwanag na kasuutan: At nang sila ay natatakot, at yumukod sa lupa, sinabinila sa kanila, Bakit hinahanap ninyo ang buhay sa mga patay? Wala siya rito, ngunit nabuhaymuli: alalahanin kung paano siya nagsalita sa inyo noong siya ay nasa Galilea, na sinasabi, AngAnak ng tao ay dapat ibigay sa mga kamay ng mga makasalanang tao, at ipako sa krus, at saikatlong araw ay muling babangon..”

    Muli, bilang pagtukoy sa ika-5 na talata, ang mga talababa ay nagsasabi: oeAng ibangsinaunang mga awtoridad ay walang 'Wala siya rito ngunit nabuhay muli’”

    Ang mga halimbawa ay masyadong marami para mailista lahat dito, gayunpaman,ikaw ay hinihikayat namin na kumuha ng isang kopya ng New Revised Standard Versionng Bibliya para sa iyong sarili at suriin ang apat na mga ebanghelyo. Mahihirapan kang

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 6 of 21 www.IslamReligion.com

  • makahanap ng kahit dalawang magkakasunod na pahina na hindi naglalaman ng mgasalitang ”Ang ibang sinaunang mga awtoridad ay nagkulang...” o ”Ang ibang mgasinaunang awtoridad ay nagdagdag...” atbp. sa mga talababa.

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mgaPagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 3 ng 7): Mga Sinasabing

    mga May-Akda ng Bagong Tipan

    Paglalarawan: Ang katibayan ng mga pagkakasalungat na natagpuan ng mga KristyanongIskolar mula sa mga salaysay ng sinasabing mga may akda ng Bagong Tipan.Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)Nailathala noong 16 Nov 2020 - Huling binago noong 19 Nov 2020Kategorya: Mga Artikulo >Paghahambing ng Relihiyon > Ang Bibliya

    Mapapansin natin na ang bawat Ebanghelyo ay nagsisimula sa panimula na "Ayon kay....." tulad ng "Ang Ebanghelyo ayon kay San Mateo," "Ang Ebanghelyo ayon kay SanLucas," "Ang Ebanghelyo ayon kay San Marcos," "Ang Ebanghelyo ayon kay San Juan."Ang malinaw na konklusyon para sa isang tipikal na tao sa kalye ay ang mga taong ito aykinikilala bilang mga may-akda ng mga aklat na iniuugnay sa kanila. Ngunit, hindi ito angpangyayari. Bakit? Dahil wala ni isa sa ipinagmamalaking apat na libong kopya na umiiralang nagdadala ng lagda ng may-akda. Ito'y ipinagpalagay lamang na sila ang mgamay-akda. Gayunman, ang mga bagong natuklasan ay pinabubulaanan ang paniniwalangito. Maging ang panloob na ebidensya ay nagpapatunay na, halimbawa, hindi isinulat niMateo ang Ebanghelyo na iniugnay sa kanya:

    oe...Sa patuloy na paglalakad ni Hesus, nakita niya ang isang lalaki na nakaupo sa paningilan ngbuwis na ang pangalan ay Mateo. Sinabi ni Hesus sa kaniya: Sumunod ka sa akin. Tumindig siyaat sumunod sa kaniya(Hesus).” (Mateo 9:9)

    Hindi kinakailangan ng isang napakamatalinong tao para makita na wala kay Hesus oMateo ang sumulat ng talatang ito sa oeMateo”. Ang nasabing katibayan ay matatagpuansa maraming lugar sa buong Bagong Tipan. Bagaman maraming tao ang may sapantahana posibleng ang isang may-akda ay maaring magsulat minsan sa ikatlong panauhan,ganun pa rin, sa liwanag ng iba pang mga ebidensya na makikita natin sa aklat na ito,sadyang napakaraming katibayan taliwas sa sapantahang ito.

    Ang pagsusuri na ito ay hindi nangangahulugang limitado lamang ito sa Bagong Tipan.Mayroong sapat na patunay na ang ilang bahagi ng Deuteronomio ay hindi isinulat ngDiyos o ni Moises. Makikita ito sa Deuteronomio 34: 5-10 kung saan mabasa natin:

    oeKaya't si Moises .... AY NAMATAY... at Siya (Ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat) AYINILIBING SIYA (Moises) ... Siya ay 120 na taong gulang NANG SIYA'Y PUMANAW ... Mula noon

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 7 of 21 www.IslamReligion.com

    http://www.islamreligion.com/articles/http://www.islamreligion.com/tl/category/68/http://www.islamreligion.com/tl/category/70/

  • ay wala nang lumitaw sa Israel na propetang katulad ni Moises....”

    Isinulat ba ni Moises ang kanyang sariling kamatayan? Sinasabi rin ni Joshua nangdetalyado ang tungkol sa kanyang sariling kamatayan sa aklat ng Joshua 24: 29-33. Angebidensya na ito ay labis na sumusuporta sa kasalukuyang pagkilala na ang karamihan samga aklat ng Bibliya ay hindi isinulat ng kanilang mga sinasabing may akda.

    Sinasabi ng mga may-akda ng RSV ni Collins na ang may-akda ng ”Mga Hari” ay ”Hindikilala”. Kung alam nila na ito ang salita ng Diyos ay walang alinlangan na iuugnay nila ito sakanya. Sa halip, pinili nilang matapat na sabihin na ”Ang may-akda... Hindi Kilala.” Ngunitkung ang may-akda ay hindi kilala bakit ito ipinaparatang sa Diyos? Paano ito nasabingoeinspirado”? Bilang pagpapatuloy, mababasa natin na ang aklat ng Isaias ay ”Pangunahinginiugnay kay Isaias. Ang mga bahagi ay maaaring isinulat ng iba.” Pari: ”Ang may-akda.Nakakapagduda, ngunit karaniwang itinalaga kay Solomon.” Ruth: ”Ang may-akda. Hinditalaga kilala, marahil si Samuel,” at iba pa.

    Halina't magkaroon tayo ng isang mas detalyadong pagtingin sa isang aklat lamang ngBagong Tipan:

    oeAng may-akda ng Aklat ng mga Hebreo ay hindi kilala. Iminumungkahi ni MartinLuther na si Apollos ang may-akda... Sinabi ni Tertullian na ang mga Aklat ng mgaHebreo ay isang sulat ni Barnabas... sina Adolf Harnack at J. Rendel Harris ay mayespekulasyon na isinulat ito ni Priscilla (o Prisca). Iminungkahi ni William Ramsey naginawa ito ni Philip. Subalit, ang tradisyunal na batayan ay, ang Apostol na si Pablo angsumulat ng aklat ng mga Hebreo...Naniniwala si Eusebius na isinulat ito ni Pablo, ngunithindi positibo si Origen sa kasulatan ni Pablo.”[1]

    Ito ba ang ating pagpapakahulugan sa "inspirado ng Diyos"?Tulad ng makikita sa unang kabanata, si San Pablo at ang kanyang simbahan matapos

    niya, ay responsable sa paggawa ng mga malalaking pagbabago sa relihiyon ni Hesus(pbuh) pagkatapos ng kanyang pag-alis at higit na responsable sa pagsisimula ng isangnapakalaking kampanya ng pagpatay at pagpapahirap sa lahat ng mga Kristiyano natumatanggi na itakwil ang mga katuruan ng mga apostol na pabor sa mga doktrina niPablo. Ang lahat maliban sa mga Ebanghelyo na katanggap-tanggap sapananampalatayang hango sa doktrina ni Pablo (Pauline Faith) ay sistematikong winasako muling isinulat. Si Rev. Charles Anderson Scott ay nagsabi ng mga sumusunod:

    oeMataas ang posibilidad na wala ni isa sa mga Sipnotikong Ebanghelyo (Mateo,Marcos, at Lucas) ang umiiral sa anyo na mayroon tayo, bago ang kamatayan niPablo. At kung ang mga dokumento na kukunin sa mahigpit napagkakasunud-sunod, ang mga Kasulatan ng hango sa doktrina ni Pablo ay mauunakaysa sa mga synoptikong ebanghelyo.”[2]

    Ang pahayag na ito ay higit na kinumpirma ni Prof. Brandon: "Ang pinakaunang mgaKristiyanong kasulatan na priniserba para sa atin ay ang mga liham ni apostol Pablo.”[3]

    Sa huling bahagi ng ikalawang siglo, sinabi ni Dionysius, Obispo ng Corinth:oeTulad ng hiniling sa akin ng mga kapatid na isulat ang mga sulat (mga titik),

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 8 of 21 www.IslamReligion.com

  • ginawa ko ito, at ang mga apostol ng demonyo na ito ay pinuno ito ng mga tares(hindi kanais-nais na mga elemento), pinagpalit-palit aang ilang mga bagay atpagdaragdag ng iba, kung kanino na may kapurasahang nakalaan. Kung gayon,hindi nakapagtataka kung ang ilan ay nagtangka ring gawing malaswa angsagradong mga kasulatan ng Panginoon, dahil sinubukan din nila ang ganoon sa ibapang mga gawa na hindi maihahambing sa mga ito.”

    Kinukumpirma ito ng Quran sa mga salita na:oeKung gayon, kasawian sa mga nagsusulat ng Aklat sa kanilangsariling mga kamay at nagsasabi: oeIto ay mula sa Allah”, upangipagbili ito sa isang maliit na halaga! Kasawian sa kanila, saanumang sinulat ng kanilang mga kamay at kasawian sa kanila saanumang kanilang kinita.” (salin ng kahulugan ng Quran 2:79)

    Talababa:

    [1] Mula sa panimula sa King James Bible, New revised and updated sixth edition, theHebrew/Greek Key Study, Red Letter Edition.

    [2] History of Christianity in the Light of Modern Knowledge, Rev. Charles Anderson Scott, p.338

    [3] oeReligions in Ancient History,” S.G.F. Brandon, p. 228.

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mgaPagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 4 ng 7): Mga Pagbabago

    sa mga Kasulatang Kristyano

    Paglalarawan: Ang mga Kasulatang Kristiyano ay "itinuwid" ng mga Kristiyanong Orthodox.Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)Nailathala noong 24 Aug 2020 - Huling binago noong 03 Aug 2009Kategorya: Mga Artikulo >Paghahambing ng Relihiyon > Ang Bibliya

    Si Victor Tununensis, isang ika-anim na siglong Aprikanong Obispo ay iniulat sakanyang Salaysay (566 AD) na noong si Messala ay naging isang kasangguni saCostantinople (506 AD), siya ay "nag-alis at nagwasto" ng Ebanghelyo ng mga Hentil naisinulat ng mga taong itinuturing na mga mangmang ng Emperador na si Anastasius. Angpaliwanag, ay dahil sinadya itong baguhin upang umayon sa ika-anim na siglongKristiyanismo na naiiba sa Kristiyanismo ng mga nakaraang siglo.[1]

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 9 of 21 www.IslamReligion.com

    http://www.islamreligion.com/articles/http://www.islamreligion.com/tl/category/68/http://www.islamreligion.com/tl/category/70/

  • Ang mga "pagwawasto" ay hindi lamang noong mga unang siglo pagkatapos ni Kristo.Sinabi ni Sir Higgins:

    oeImposibleng itanggi na ang mga Monghe ng Bendictine ng St. Maur, na kungsaan ang wikang Latin at Griyego ay umabot, ay napaka-talino at talentado, pati narin ang maraming kinatawan ng mga tao. Sa Cleland's 'Life of Lanfranc, angArsobispo ng Canterbury', ay ang sumusunod na sinabi: Si 'Lanfranc, na isangBenedictine na Monghe, Arsobispo ng Canterbury, ay natagpuan ang mga Banal naKasulatan na napinsala ng mga taga-kopya, nagsariling sikap upang iwasto ang mgaito, pati na rin ang mga sinulat ng mga pari, na sang-ayon sa pananampalataya ngorthodox, secundum fidem orthodoxam.”[2]

    Sa madaling salita, ang mga banal na kasulatan ay muling isinulat upang sumunod samga doktrina ng ika-labing isa at ikalabing dalawang siglo, at maging ang mga sinulat ngmga unang pari ng simbahan ay "iwinasto" upang ang mga pagbabago ay hindimatuklasan. Patuloy na sinabi ni Sir Higgins, "Ang parehong banal na Protestante ay maykahanga-hangang sinabi na ganito: 'Bahagyang tinutukoy nito sa akin ang pag-amin, naang orthodox sa ilang mga bagay ay binago ang mga Ebanghelyo."

    Nagpatuloy ang may-akda upang ipakita kung paano ginawa ang isang napakalakingpagsisikap sa Constantinople, Roma, Canterbury, at ang Kristiyanong mundo sapangkalahatan upang "iwasto" ang mga Ebanghelyo at sirain ang lahat ng mgamanuskrito bago ang panahong ito.

    Si Theodore Zahan, inilalarawan ang mga mapait na salungatan sa loob ng itinatag namga simbahan sa mga Artikulo ng Apostolikong Kredo. Pinupunto niya na inaakusahan ngmga Romano Katoliko ang Simbahang Griyegong Orthodox ng muling pag-babago ngteksto ng mga banal na kasulatan sa pamamagitan ng mga pagdaragdag at pagtanggal namay kapwa mabuti at pati na rin ang masasamang hangarin. Ang Griyegong Orthodox, sakabilang banda, ay inakusahan ang mga Romano Katoliko bilang naliligaw sa maraminglugar na napakalayo sa orihinal na teksto. Sa kabila ng kanilang pagkakaiba, parehosilang nagsanib-pwersa upang hatulan ang mga di-sumasang-ayon na mga Kristiyano nalumihis mula sa "tunay na daan" at hinahatulan sila bilang mga erehes. Ang mga erehe aykinondena ang mga Katoliko sa "pagbabago ng katotohanan na parang mgamanghuhuwad." Nagtapos ang may-akda sa "Hindi ba't sinusuportahan ng mgakatotohanan ang mga paratang na ito?"

    14. oeAt sa mga tumatawag sa kanilang sarili: na 'Kami ay mgaKristiyano,' Kami ay kumuha ng kanilang Kasunduan, datapuwa’tiniwan nila ang magandang bahagi ng Kapahayagan na ipinadala sakanila. Kaya’t nagtanim Kami sa lipon nila ng galit at pagkamuhihanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay (nang kanilangipagwalangbahala ang Aklat ni Allah, sumuway sa mgaTagapagbalita ni Allah at Kanyang kautusan at lumabag sa lahat nghangganan ng pagsuway), at si Allah ang magpapahayag sa kanilakung ano ang nakahiratihan na nilang ginagawa.

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 10 of 21 www.IslamReligion.com

  • 15. O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Ngayon aydumatal sa inyo ang Aming Tagapagbalita (Muhammad) nanagpapaliwanag na mabuti sa inyo ng bagay na inyong itinatagomula sa Kasulatan at (ito) ay inyong lubhang dinadaan-daananlamang (alalaong baga, hinahayaan lamang na walangpagpapaliwanag). Katotohanang dumatal sa inyo mula kay Allah angisang liwanag (Propeta Muhammad) at isang maliwanag na Aklat(ang Quran).16. (Dito) si Allah ay namamatnubay sa mga naghahanap ngKanyang mabuting kaluguran sa mga paraan ng kapayapaan, at silaay Kanyang iniahon mula sa kadiliman tungo sa liwanag sa Kanyangnais at Kanyang pinatnubayan sila sa Matuwid na Landas (sapagiging Tanging Isa ng Diyos sa Islam).17. Katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya (ay sila) nanagsasabi na si Allah ay ang Mesiyas, ang anak ni Maria. Ipagbadya(O Muhammad): oeSino kaya baga ang may pinakamaliit nakapangyarihan laban kay Allah, kung Kanyang naisin na wasakinang Mesiyas, ang anak ni Maria, ang kanyang ina, at lahat ng nasakalupaan nang magkakasama? At kay Allah ang pag-aangkin ngkapamahalaan ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitannito. Lumilikha Siya ng Kanyang naisin. At si Allah ay Makakagawang lahat ng bagay.18. At ang mga Hudyo at mga Kristiyano ay (kapwa) nagsasabi:oeKami ang mga anak ni Allah at Kanyang minamahal.” Ipagbadya:oeKung gayon, bakit kayo ay Kanyang pinarusahan sa inyong mgakasalanan?” Hindi, kayo ay mga tao lamang na Kanyang mga nilikha,pinatatawad Niya ang Kanyang maibigan at pinarurusahan Niya angKanyang maibigan. At si Allah ang nag-aangkin ng kapamahalaan sakalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito, at sa Kanyaang pagbabalik (ng lahat).19. O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Ngayon aydumatal sa inyo ang Aming Tagapagbalita (Muhammad) nagumagawa (na ang mga bagay) ay maging maliwanag sa inyo,matapos na maantala (ang sunod-sunod) na mga Tagapagbalita,kung hindi, maaari ninyong sabihin: oeWalang dumatal sa amin nanagdala ng mabuting balita at walang tagapagbabala.” Datapuwa’tngayon ay dumatal sa inyo ang isang tagapagdala ng mabutingbalita at isang tagapagbabala. At si Allah ay makakagawa ng lahatng bagay.” (Quran 5:14-19)

    Si San Augustine mismo, isang taong kilala at tinitingala ng parehong mga Protestanteat mga Katoliko, ay umamin na may mga sikretong doktrina sa relihiyon na Kristiyano atna:

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 11 of 21 www.IslamReligion.com

  • oe…maraming bagay na totoo sa relihiyong Kristiyano na hindi madali paramalaman ng pangkaraniwan [karaniwang tao], at ang ilang mga bagay ay hinditotoo, ngunit madali para sa pangkaraniwan (pangkaraniwang tao) upangmaniwala.”

    Inaamin ni Sir Higgins:oeIto ay hindi pagiging di-makatarungan na ipagpalagay na sa mga tinatagong mgakatotohanan ay kabahagi tayo ng modernong Kristanong mga misteryo, at sa akingpalagay ay mariing itatanggi ng simbahan, na kung saan ang pinakamataas naawtoridad na humahawak ng nasabing doktrina, ay mag-aalangan na galawin muliang mga sagradong mga kasulatang ito.”[3]

    Kahit ang mga sulat na nauugnay kay Paul ay hindi niya isinulat. Pagkalipas ng mgataon ng pananaliksik, ang mga Katoliko at mga Protestante ay nagkakasundo nasumasang-ayon na sa labintatlo na sulat na iniugnay kay Paul ay pito lamang ang tunay.Ang mga ito ay: Roma, 1, 2 Mga Taga-Corinto, Galacia, Filipos, Philemon, at 1 Tesalonica.

    Ang mga sekta ng Kakristyanuhan rin ay hindi nagkakasundo sa eksaktong kahuluganng isang "inspirasyon" na libro ng Diyos. Itinuro sa mga Protestante na mayroong 66 natunay na "inspirasyon" na mga libro sa Bibliya, habang ang mga Katoliko ay tinuruan namayroong 73 na tunay na "inspirasyon" na mga libro, idagdag pa ang maraming iba pangmga sekta at kanilang "mas bago" na mga libro, tulad ng mga Mormon, atbp na makikitanatin maya-maya, ang pinakaunang mga Kristiyano, sa maraming henerasyon, ay hindisumunod sa 66 na mga libro ng mga Protestante, ni ang 73 na mga libro ng mga Katoliko.Kabaligtaran, naniniwala sila sa mga libro na, pagkatapos ng maraming henerasyon, ay "kinilala" na mga huwad at apokriptika ng isang mas naliwanagan na henerasyon kaysa samga apostol.

    Mga talababa:

    [1] The Dead Sea Scrolls, the Gospel of Barnabas, and the New Testament, by M. A. Yusseff, p. 81.

    [2] History of Christianity in the light of Modern knowledge, Higgins p.318.

    [3] The Dead Sea Scrolls, the Gospel of Barnabas, and the New Testament, M. A. Yusseff, p.83

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mgaPagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 5 ng 7): Nagsisimula

    nang Maging Mas Matapat

    Paglalarawan: Ang ilang mas makabagong salin sa Bibliya ay nagsisimula na ngayong banggitin

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 12 of 21 www.IslamReligion.com

  • ang mga pagkakasalungat at ang pagdududa sa mga talata.Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)Nailathala noong 24 Aug 2020 - Huling binago noong 13 Sep 2009Kategorya: Mga Artikulo >Paghahambing ng Relihiyon > Ang Bibliya

    Kumbaga, saan ba nagmula ang lahat ng mga Bibliya na ito at bakit ganoon nalangkahirap ang pagtukoy sa kung ano ang tunay na ”inspirado” na salita ng Diyos? Ang mgaito ay nagmula sa ”mga sinaunang manuskrito” (kilala rin bilang MSS). Ang mundo ngKristiyano ngayon ay ipinagmamalaki ang higit sa 24,000 ”mga sinaunang manuskrito” ngBibliya na nagsimula pa noong ika-apat na siglo matapos ang panahon ni Kristo (Ngunithindi sa panahon ni Kristo o ng mga apostol mismo). Sa madaling salita, mayroon tayongmga ebanghelyo kung saan nag-umpisa noong siglo nang pananakop ng mga Trinitaryo saSimbahang Kristiyano. Ang lahat ng mga manuskrito bago ang panahong ito aykataka-takang nawala. Ang lahat ng mga Bibliya na meron ngayon ay pinagsama mula samga ”mga sinaunang manuskrito” na ito. Sinumang iskolar ng Bibliya ay magsasabi saatin na walang dalawang sinaunang manuskrito ang eksaktong magkapareho.

    Ang mga tao ngayon ay karaniwang naniniwala na mayroon lamang ISANG Bibliya, atISANG bersyon ng anumang ibinigay na talata ng Bibliya. Ito ay malayo sa katotohanan.Ang lahat ng mga Bibliya na mayroon tayo ngayon (Tulad ng KJV, NRSV, NAB, NIV,...atbp.) ay bunga ng malawak na pagtanggal at pagdikit mula sa iba't ibang mgamanuskrito na walang tiyak na sanggunian. Maraming mga kaso kung saan ang isangtalata ay nasa isang ”sinaunang manuskrito” ngunit ganap na nawawala mula samaraming pang iba. Halimbawa, ang Marcos 16: 8-20 (buong labin-dalawang talata) ayganap na nawawala mula sa mga pinaka sinaunang mga manuskrito na mayroon ngayon(tulad ng Sinaitic Manuscript, Vatican # 1209 at ang bersyon ng taga-Armenia) ngunitnagpapakita sa mas makabagong ”sinaunang manuskrito”. Marami ring mga naitalangkaso kung saan maging ang mga heograpikal na lugar ay ganap na naiiba mula sa isangsinaunang manuskrito hanggang sa sumunod. Halimbawa, sa "manuskrito ngSamaritanong Pentateuch," ang Deuteronomio 27: 4 ay nagsasalita patungkol sa "bundokng Gerizim," habang sa "Hebreong manuskrito" ang mismong parehong talata aynagsasalita patungkol sa "bundok ng Ebal." Mula sa Deuteronomio 27: 12-13 makikitanatin na ang mga ito ay dalawang magkakaibang lugar. Katulad nito, ang Lucas 4:44 sailang "sinaunang mga manuskrito" ay nagbabanggit ng "Mga Sinagoga ng Judea," ang ibaay nagbabanggit ng "Mga Sinagoga ng Galilea." Ito ay isang halimbawa lamang, angisang komprehensibong listahan ng mga ito ay mangangailangan ng sarili nitong libro.

    Maraming mga halimbawa sa Bibliya kung saan ang mga talata mula sa isangkwestyonableng pinagmulan ay kasama sa teksto nang walang anumang pagtatatuwa nanagsasabi sa mambabasa na maraming mga iskolar at tagapagsalin ang may matindingpaglalaan sa awtentisidad ng mga ito. Ang King James Version ng Bibliya (kilala rin bilangang "Awtorisadong Bersyon"), kung saan nasa mga kamay ng karamihan sakakristiyanuhan ngayon, at isa sa pinaka kilala sa bagay na ito. Hindi nito binibigyan angmambabasa ng anumang bakas patungkol sa kwestyonableng pinagmulan ng mganaturang talata. Gayunman, ang mas kamakailan lang na mga salin ng Bibliya ay

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 13 of 21 www.IslamReligion.com

    http://www.islamreligion.com/articles/http://www.islamreligion.com/tl/category/68/http://www.islamreligion.com/tl/category/70/

  • nagsisimula na ngayon na maging mas tapat at paparating sa bagay na ito. Halimbawa,ang New Revised Standard Version ng Bibliya, ng Oxford Press, ay nagpatibay ng isangnapaka-banayad na sistema na paglalagay ng bracket sa mga kaduda-dudang mga talatana may dobleng parisukat na bracket ([[ ]]) . Malabong mapag-alaman ng isang kaswal namambabasa ang totoong gamit ng mga bracket na ito. Nariyan sila upang sabihin samay-alam na mambabasa na ang mga nakapaloob na mga talata ay lubos nakaduda-dudang katangian. Ang mga halimbawa nito ay ang kwento ng "babaeng mula sapangangalunya" sa Juan 8: 1-11, gayun na rin sa Marcos 16: 9-20 (muling pagkabuhay atpagbabalik ni Hesus), at sa Lucas 23:34 (kung saan, kapansin-pansin na, naroon upangkumpirmahin ang propesiya ni Isaias 53:12).....at iba pa.

    Halimbawa, patungkol sa Juan 8:1-11, ang mga komentarista ng Bibliya na ito aynagsasabi sa isang napakaliit na printa sa ibaba ng pahina:

    oeAng pinaka sinaunang mga awtoridad ay nagkulang ng 7.53-8.11; ang iba pang mgaawtoridad ay idinagdag ang talata dito o pagkatapos ng 7.36 o pagkatapos ng 21.25 opagkatapos ng Lucas 21.38 na may mga pagkakaiba-iba ng teksto; ang ilan ay tanda ngteksto bilang kaduda-duda.”

    Patungkol sa Marcos 16: 9-20, tayo ay, kapansin-pansin, na binigyan ng pagpipiliankung paano natin nais na matapos ang Ebanghelyo ayon kay Marcos. Ang mgakomentarista ay nagbigay ng parehong "maikling pagtatapos" at isang "mahabangpagtatapos." Kaya, binigyan tayo ng pagpipilian ng kung ano ang gusto nating maging"inspiradong salita ng Diyos". Muli, sa hulihan ng Ebanghelyo na ito, sa napakaliit napagkakasulat, sinabi ng mga komentarista:

    oeAng ilan sa mga pinaka-sinaunang awtoridad ay tinapos ang libro sa dulo ng ika-8na talata. Isang awtoridad ang nagtapos sa libro na may mas maikling pagwawakas; angiba ay isinama ang mas maikling pagtatapos at pagkatapos ay nagpatuloy sa mga talata9-20. Karamihan sa mga awtoridad, ang mga talata 9-20 ay sumunod kaagad pagkataposng ika-8 na talata, bagaman sa ilan sa mga awtoridad na ito ay minarkahan ang talatabilang kaduda-duda.”

    Ang komento ni Peake sa mga talaan ng Bibliya;oeNapagkasunduan na nang nakararami na ang 9-20 ay hindi orihinal na bahagi ng

    Mk. Ang mga ito ay hindi natagpuan sa pinakalumang MSS, at katunayan ay tila wala rinsa mga kopya na ginamit ng Mt. at Lk. Isang ika-10 siglo ng Armenian MS ay inuugnayang talata kay Ariston, ang pinuno ng lokal na kongregasyon ng mga Kristiyano nabinanggit ni Papias (ap.Eus.HE III, xxxix, 15).”

    oeKatunayan ang pagsasalin sa Armenian ni San Marcos ay kamakailan lamangnatuklasan, kung saan ang huling labindalawang mga talata ng San Marcos ay iniuugnaykay Ariston, na siyang kilala bilang isa sa pinakaunang mga Kristiyanong Pari; at posiblena tama ang salaysay na ito ”

    Our Bible and the Ancient Manuscripts, F. Kenyon, Eyre and Spottiswoode, pp. 7-8Kahit doon, ang mga talatang ito ay nabanggit bilang naisalaysay na kakaiba sa

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 14 of 21 www.IslamReligion.com

  • iba't-bang mga "awtoridad." Halimbawa, ang ika-14 talata ay binanggit ng mgakomentarista na dinagdagan ng mga sumusunod na salita sa ilang"sinaunang mgaawtoridad":

    "at pinangatwiranan nila ang kanilang mga sarili sa pagsasabing 'Ang panahong ito ngkawalan ng batas at kawalan ng paniniwala ay nasa ilalim ni Satanas, na hindipinapayagan ang katotohanan at kapangyarihan ng Diyos na mangibabaw sa mgamaruruming bagay ng mga espiritu. Samakatuwid, ibunyag ang iyong pagiging matuwidngayon - kung kaya't nagsalita sila kay Kristo at sumagot si Kristo sa kanila 'Ang panahonng mga taon ng kapangyarihan ni Satanas ay nagtapos na, ngunit ang iba pang mgakakila-kilabot na bagay ay papalapit. At para sa mga nagkasala, ako ay namatay, upangsila ay bumalik sa katotohanan at hindi na magkasala, upang sila ay magmana ngespirituwal at walang katapusang kaluwalhatian ng pagkamatuwid na nasa langit’.”

    komentaryo

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang mgaPagkakasalungat sa Bibliya (bahagi 6 ng 7): Walang Tigil na

    Pakikialam sa mga Teksto sa Bibliya

    Paglalarawan: Marami pang halimbawa ng pakikialam sa Bibliya.Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)Nailathala noong 24 Aug 2020 - Huling binago noong 13 Sep 2009Kategorya: Mga Artikulo >Paghahambing ng Relihiyon > Ang Bibliya

    Si Dr. Lobegott Friedrich Konstantin Von Tischendorf ay isa sa pinakatanyag nakonserbatibong Iskolar ng Bibliya noong ikalabing-siyam na siglo. Isa rin siya sapinakamatapat, pinaka matatag na tagapagtanggol ng paniniwalang "Trinidad" nanakilala sa kasaysayan. Ang isa sa kanyang pinakamalaking tagumpay sa buong buhay ayang pagkatutuklas sa pinakalumang kilalang Manuskrito na Bibliya sa kasaysayan, angoeCodex Sinaiticus”, mula sa Monasteryo ni Saint Catherine sa Bundok ng Sinai. Isa samga nakakasirang natuklasan na ginawa mula sa pag-aaral nitong manuskrito na mula saika-apat na siglo ay ang Ebanghelyo ni Marcos na orihinal na nagtapos sa mga talatang16:8 at hindi sa talatang 16:20 tulad ng sa kasalukuyan. Sa madaling salita, ang huling 12talata (Marcos 16: 9 hanggang Marcos 16:20) ay "itinurok" lamang ng simbahan saBibliya sa ika-4 na siglo. Si Clement ng Alexandria at Origen ay hindi kailanman sinipi angmga talatang ito. Kalaunan, natuklasan din na ang nasabing 12 talata , kung saanmatatagpuan ang salaysay ng "muling pagkabuhay ni Hesus," ay hindi lumilitaw sa codexng Syriacus, Vaticanus at Bobiensis. Sa orihinal, ang "Ebanghelyo ni Marcos" ay walangbinanggit tungkol sa "muling pagkabuhay ni Jesus" (Marcos 16: 9-20). Hindi bababa sa

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 15 of 21 www.IslamReligion.com

    http://www.islamreligion.com/articles/http://www.islamreligion.com/tl/category/68/http://www.islamreligion.com/tl/category/70/

  • apat na daang taon (kung hindi higit pa) pagkatapos ng pag-alis ni Hesus, ang Simbahanay tumanggap ng banal na "inspirasyon" upang idagdag ang kuwento ng mulingpagkabuhay sa hulihan ng Ebanghelyo na ito.

    Ang may-akda ng "Codex Sinaiticus" ay walang pag-aalinlangan na ang Ebanghelyo niMarcos ay nagtatapos sa Marcos 16: 8, upang bigyang-diin ang puntong ito napag-alamannatin na kasunod agad ng talatang ito ay isinara niya ang teksto sa isang mala-artistikongsalita at sa pamamagitan ng mga salitang "Ang Ebanghelyo ayon kay Marcos." SiTischendorf ay isang matapat na konserbatibong Kristiyano at tulad noon nagawa niyangkaswal na isantabi ang mga pagkakaibang ito dahil sa kanyang palagay na angkatotohanang si Marcos ay hindi isang apostol, o saksi sa panahon ng pangangaral niHesus, ginawa ang kanyang mga ulat na pangalawa sa mga Apostol na tulad ni Mateo atJuan. Gayunpaman, katulad ng makikita saan ibang dako ng aklat na ito, ang karamihansa mga Kristiyanong iskolar ngayon ay kinikilala ang mga akda ni Pablo na angpinakaluma sa mga kasulatan ng Bibliya. Sinusundan ito ng "Ebanghelyo ni Marcos" atang "Mga Ebanghelyo ni Mateo at Lucas" na halos kinikilala sa buong mundo na ibinataysa "Ebanghelyo ni Marcos." Ang pagtuklas na ito ay bunga ng ilang siglong detalyado atmasidhing pag-aaral ng mga Kristiyanong iskolar at ang mga detalye ay hindi namaaaring ulitin dito. Sapat nang sabihin na ang tanyag na mga Kristiyanong iskolarngayon ay kinikilala ito bilang isang pangunahing hindi mapag-aalinlangang katotohanan.

    Sa ngayon, ang mga tagasalin at taga-lathala ng mga modernong Bibliya aynagsisimula nang maging diretsahan at matapat sa kanilang mga mambabasa. Bagamanhindi nila hayagang inaamin na ang labin-dalawang talatang ito ay palsikpikado ngSimbahan at hindi ang salita ng Diyos, gayon pa man, kahit paano, nagsisimula na silanghikayatin ng pansin ng mambabasa sa katotohanan na mayroong dalawang "bersyon" ng"Ebanghelyo ni Marcos"at pagkatapos ay hinahayaan ang mambabasa na magpasya kungano ang gagawin sa dalawang "bersyon" na ito.

    Ngayon ang tanong ay nagiging "kung ang Simbahan ay nakialam sa Ebanghelyo niMarcos, kung gayon, sila ba tumigil doon o may higit pa sa kuwentong ito? Nangyaringnatuklasan din ni Tischendorf na ang "Ebanghelyo ni Juan" ay mabigat na binuong muling Simbahan sa tagal ng panahon. Halimbawa:

    1. Napag-alaman na ang mga talata na mula sa Juan 7:53 hanggang 8:11 (ang kwentong babae na nangalunya) ay hindi matatagpuan sa mga pinakalumang kopya ng Bibliyana meron sa Kristiyanismo ngayon, partikular, ang mga codex ng Sinaiticus o Vaticanus.

    2. Napag-alaman din na ang Juan 21:25 ay bago lamang idinagdag, at ang isang talatamula sa ebanghelyo ni Lucas (24:12) na nagsasalita tungkol kay Pedro na natuklasanang walang laman na libingan ni Hesus ay hindi matatagpuan sa mga sinaunangmanuskrito.

    (Para sa higit pa patungkol sa paksang ito mangyaring basahin ang ‘Secrets of MountSinai’ ni James Bentley, Doubleday, NY, 1985).

    Ang karamihan sa mga natuklasan ni Dr. Tischendorf patungkol sa tuluy-tuloy at

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 16 of 21 www.IslamReligion.com

  • walang tigil na pakikialam sa teksto ng Bibliya sa mga nagdaang panahon ay napatunayansa pamamagitan ng ika-dalawampung siglo na agham. Halimbawa, ang pag-aaral ngCodex Sinaiticus sa ilalim ng ultraviolet light ay nagpahayag na ang "Ebanghelyo ni Juan"ay natapos sa talata na 21:24 at sinundan ng isang maliit na dagdag sa hulihan atpagkatapos ay ang mga salitang "Ang Ebanghelyo ayon kay Juan." Gayunpaman, paglipasng ilang panahon, isang naiibang "inspiradong" indibidwal ang kumuha ng panulat,tinanggal ang teksto na kasunod ng ika-24 na talata, at pagkatapos ay idinagdag sa"inspiradong" teksto ng Juan 21:25 na matatagpuan natin sa mga Bibliya ngayon.

    Ang ebidensya ng mga pakikialam ay tuloy-tuloy. Halimbawa, sa Codex Sinaiticus ang"panalangin ng panginoon" sa Lucas 11: 2-4 ay naiiba sa bersyon na umabot sa atin sasumusunod na mga siglo ng "inspirado" na pagwawasto. Ang Lucas 11:2-4 sa pinakasinauna sa lahat ng mga manuskritong Kristiyano ay mababasa na:

    oeAma, Sambahin ang ngalan Mo, Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob modito sa lupa, para nang sa langit. Bigyan Mo kami ng kakanin sa araw-araw. At patawarinMo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.At wag Mo kaming ipahintulot sa tukso."

    Bilang karagdagan, ang "Codex Vaticanus," ay isa pang sinaunang manuskrito nahawak ng mga iskolar ng Kristiyanismo sa parehas na antas na tulad sa Codex Sinaiticus.Ang dalawang codex na ito ng ika-apat na siglo ay kinikilala bilang ang pinaka lumangkopya ng Bibliya na mayroon ngayon. Sa codex na Vaticanus matatagpuan natin ang isangbersyon ng Lukas 11: 2-4 na mas maikli kaysa sa Codex Sinaiticus. Sa bersyong ito kahitna ang mga salitang "Sundin ang loob Mo Dito sa lupa,na para nang sa langit." ay hindimakikita.

    Bueno, ano ang naging opisyal na posisyon ng Simbahan tungkol sa mga"pagkakaiba"? Paano pinagpasyahan ng Simbahan ang sitwasyong ito? Nanawagan ba silasa lahat ng mga pangunahing iskolar ng panitikang Kristiyano na magtipon sa isangmalawakang pagpupulong upang sama-samang pag-aralan ang pinaka sinaunangKristiyanong manuskrito na nasa Simbahan at dumating sa isang pagkakasundo tungkolsa kung ano ang tunay na orihinal na salita ng Diyos? Hindi!

    Kung gayon, kaagad ba silang naggugol ng pagsisikap para makagawa ng maramihangkopya ng orihinal na mga manuskrito at ipadala ito sa Kakristyanuhan upang makagawasila ng kanilang sariling mga pagpapasya kung ano ang tunay na orihinal na hindinabagong salita ng Diyos? Sa Muli, Hindi!

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasalungatansa Bibliya (bahagi 7 ng 7): oeInspiradooe na mga Pagbabago

    ng Simbahan

    Paglalarawan: Ang papel ng Simbahan sa pagtatago at pakikialam sa katotohanan.

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 17 of 21 www.IslamReligion.com

  • Ni Misha’al ibn Abdullah (taken from the Book: What Did Jesus Really Say?)Nailathala noong 24 Aug 2020 - Huling binago noong 04 Oct 2009Kategorya: Mga Artikulo >Paghahambing ng Relihiyon > Ang Bibliya

    Kaya anong ginawa nila? Tanungin natin si Rev. Dr. George L. Robertson. Sa kanyangaklat na oeWhere did we get our Bible?oe isinulat niya:

    oeMula sa MSS. ng Banal na Kasulatan sa Griyego, nananatili doon ang sinasabinglibo-libong magkakaiba-iba ... Tatlo o apat na partikular sa mga luma, kupas na, at hindina kaaya-ayang mga dokumento ang bumuo sa pinaka sinauna at pinakamahahalagangkayamanan ng Simbahang Kristiyano, at samakatuwid ng espesyal na interes.oe Una salistahan ni Rev. Richardson ay ang oeCodex Vaticanusoe kung saan sinabi niya: oeItomarahil ang pinaka sinauna sa lahat ng Griyegong MSS na umiiral ngayon. Ito ayitinalaga bilang Codex 'B.' Noong 1448, dinala ito ni Pope Nicholas V sa Roma kung saanito ay nanatili na mula noon, na pinangangalagaan ng mga opisyal ng papa sa VaticanLibrary. Ang kasaysayan nito ay maikli: Alam ni Erasmus noong 1533 ang pag-iral nito,ngunit siya o ang kanyang mga kahalili ay hindi pinahintulutan na pag-aralan ito... naginglubos na hindi magamit ng mga iskolar, hanggang si Tischendorf noong 1843, mataposang ilang buwan ng pagkakaantala, ay pinayagan na makita ito sa loob ng anim na oras.Ang isa pang dalubhasa, na nagngangala`ng de Muralt noong 1844 ay binigyan din ngisang nakakayamot na pagsulyap rito sa loob ng siyam na oras. Ang kwento kung paanopinayagan si Dr. Tregelles ng mga awtoridad (na walang malay sa kanilang sarili) noong1845 na makuha ang bawat pahina nito sa pamamagitan ng pagmememorya ng teksto, aykamangha-mangha. Nagawa ito ni Dr. Tregelles. Siya ay pinayagan na patuloy napag-aralan ang MS, sa mahabang panahon, ngunit hindi puwedeng hawakan o magtala.Sa katunayan, araw-araw habang pinapasok niya ang silid kung saan binabantayan angmahalagang dokumento, kinakapkap ang kanyang mga bulsa at ang panulat, papel attinta ay kinukuha mula sa kanya, kung sakaling dala niya ang mga naturang gamit.Ganunpaman, ang pahintulot na pumasok, ay naulit, hanggang sa wakas ay nakuha naniya at naisulat sa kanyang silid ang karamihan sa mga prinsipyo ng ibang pagbabasa ngpinaka sinaunang teksto na ito. Gayunpaman, kadalasan, sa proseso, kapag napapansinng mga awtoridad ng papa na siya ay labis nang nahuhumaling sa isang seksyon, ilalayonila ang MS. sa kanya at itutuon ang kanyang pansin sa ibang pahina. Kalaunan aynatuklasan nila na si Tregelles ay para na ring ninakaw ang teksto, at alam na ng mundong Bibliya ang mga lihim ng kanilang makasaysayang MS. Alinsunod dito, inutusan niPope Pius IX na dapat itong mai-litrato at mailathala; at ito ay nangyari, sa limang volumena lumabas noong 1857. Ngunit ang pagsisikap ay hindi kasiya-siyang natapos. Sapanahon na iyon si Tischendorf ay gumawa ng ikatlong pagtatangka upang makakuha ngpahintulot at suriin ito. Nagtagumpay siya, at kalaunan ay naglabas ng teksto ng unangdalawampung pahina. Sa wakas noong 1889-90, sa pahintulot ng papa, ang buong tekstoay inilitrato at naglabas ng mga eksaktong kopya, at inilathala upang ang isang kopya ngmga mamahaling quartos na maaaring makuha, at sa kasalukuyan ay nasa pagmamay-aring lahat ng mga pangunahing silid-aklatan sa mundo ng bibliya.oe[1]

    Ano ang kinakatakutan ng lahat ng mga Papa? Ano ang kinakatakutan ng Vatican

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 18 of 21 www.IslamReligion.com

    http://www.islamreligion.com/articles/http://www.islamreligion.com/tl/category/68/http://www.islamreligion.com/tl/category/70/

  • bilang isang kabuuhan? Bakit ang konsepto ng paglabas sa publiko ng teksto ng kanilangpinaka sinaunang kopya ng Bibliya ay lubos na katakot-takot sa kanila? Bakit pakiramdamnila'y kinakailangang ibaon ang pinaka sinaunang kopya ng inspiradong salita ng Diyos saisang madilim na sulok ng Vatican upang hindi kailanman makita ng mga mata sa labas?Bakit? Paano ang lahat ng libu-libong sa libu-libo na iba pang mga manuskrito nahanggang ngayon ay nananatiling nakalibing sa madilim na kailaliman ng mgakahadeyero ng Vatican na hindi kailanman nakita o napag-aaralan ng pangkalahatangmasa ng Kakristyanuhan?

    oe(At alalahanin) nang tanggapin ng Allah ang matibay naKasunduan mula sa kanila na binigyan ng Kasulatan (mga Hudyo atKristiyano) upang gawin ito (ang balita ng pagdatal ni PropetaMuhammad at ng karunungang pangrelihiyon) na maalaman atmaging maliwanag sa sangkatauhan, at ito ay huwag itago,datapuwa’t itinapon nila ito sa kanilang likuran at dito ay bumili ngilang kaabaabang pakinabang! At katotohanang pinakamasama angkanilang binili.” (salin ng kahulugan ng Quran 3:187)oeIpagbadya (O Muhammad sa sangkatauhan): 'O Angkan ngKasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Huwag kayong magmalabis sahangganan ng inyong pananampalataya (sa pamamagitan ngpananalig sa bagay) na naiiba sa katotohanan, at huwag ninyongsundin ang walang kapararakang pagnanais ng mga tao nanapaligaw noong una, at naglihis sa marami, at nagligaw (sakanilang sarili) sa Tamang Landas.'oe (salin ng kahulugan ng Quran5:77)

    Sa pagbabalik sa ating pag-aaral ng ilan sa mga oepagkakaibaoe na matatagpuan sapagitan ng ating mga modernong Bibliya at sa pagitan ng mga pinaka sinaunang kopya ngBibliya na magagamit ng mga piling tao, malalaman natin na ang talata sa Lucas 24:51 aynaglalaman ng di-umano'y ulat ni Lucas tungkol sa huling paglisan ni Hesus(mapasakanya ang kapayapaan at habag ng Tagapaglikha) at kung paano siya oeiniakyatsa langit.oe Gayunpaman, tulad ng nakikita sa mga naunang pahina, sa Codex Sinaiticusat iba pang mga sinaunang manuskrito ang mga salitang oeat dinala sa langitoe ay ganapna nawawala. Ang talata ay nagsasaad lamang na:

    oeAt nangyari, na samantalang sila'y binabasbasan niya, ay iniwan niya sila.”

    Napansin ni C.S.C. Williams, kung tama ang pagbabawas na ito, oewalang anumangsanggunian sa orihinal na teksto ng Ebanghelyo ukol sa Pag-akyat sa langit.oe

    Ang ilan pang oeinspiradongoe pagbabago ng Simbahan sa Codex Sinaiticus at angating mga modernong Bibliya:

    · Ang Mateo 17:21 ay nawawala sa Codex Sinaiticus.

    · Sa mga modernong Bibliya, mababasa sa Marcos 1:1 oeAng simula ng Magandang

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 19 of 21 www.IslamReligion.com

  • Balita tungkol kay Hesu-Kristo, ang snak ng Diyos;oe gayunpaman, sa pinakaluma salahat ng mga manuskritong Kristiyano, mababasa lamang sa talatang ito ang oeAngsimula ng Magandang Balita tungkol kay Hesu-Kristooe Nakakapagduda, ang mismongmga salita na pinaka-sumasalungat sa Qur'an ng mga Muslim, oeang anak ngDiyos,oe ay ganap na nawawala. Hindi ba iyon interesante?

    · Ang mga salita ni Hesus sa Lucas 9: 55-56 ay nawawala.

    · Ang orihinal na teksto sa Mateo 8: 2 na tulad ng matatagpuan sa Codex Sinaiticus aynagsasabi sa atin na may isang ketongin na humiling kay Hesus na pagalingin siya at siHesus ay oegalit na iniunat ang kanyang kamay, at hinawakan siya, na nagsasabing,gagawin ko; maging malinis ka. ” Sa ating modernong Bibliya, ang salitang oegalitoe aykataka-takang wala.

    · Ang Lucas 22:44 sa Codex Sinaiticus at ang mga modernong Bibliya ay nagsasabingisang anghel ang nagpakita sa harap ni Hesus, na pinalakas siya. Sa Codex Vaticanus,ang anghel na ito ay kataka-takang wala. Kung si Hesus ay ang oeanak ng Diyosoekunggayon malinaw naman na hindi naaangkop sa kanya na mangailangan ng isang anghelupang palakasin siya. Kung gayon, ang talatang ito ay maaring pagkakamali sapagkakasulat. Tama ba?

    · Ang sinasabing mga salita ni Hesus sa krus na oeAma, patawarin mo sila, sapagkathindi nila alam kung ano ang kanilang ginagawaoe (Lucas 23:34) ay orihinal nanaroroon sa Codex Sinaiticus ngunit kalaunan ay tinanggal mula sa teksto ng ibangpatnugot. Tandaan kung paano itinuring at pinakitunguhan ng Simbahan ang mgaHudyo sa Middle Ages, makakaisip ba tayo ng anumang kadahilanan kung bakit angtalatang ito ay maaaring humadlang sa patakaran ng opisyal na Simbahan at sakanilang oemga pagsisiyasatoe?

    · Ang Juan 5: 4 ay nawawala mula sa Codex Sinaiticus.

    · Sa Marcos ika-9 na kabanata, ang mga salitang oeDoo'y hindi namamatay ang mgauod na kumakain sa kanila at ang apoyoe ay muling nawawala.

    · Sa Mateo 5:22, ang mga salitang oewalang dahilanoe ay nawawala sa parehong codexVaticanus at Sinaiticus.

    · Ang Mateo 21:7 sa mga modernong Bibliya ay mababasa oeKinuha nila [mga disipulo]ang asnong babae at ang batang asno. Pagkatapos, ipinatong nila sa likod ng mga itoang kanilang mga damit at [si Hesus ay] isinakay nila sa mga itooe. Sa orihinal na mgamanuskrito, mababasa ang talatang ito oeat [si Hesus ay] isinakay nila sa mgaitooe. Gayunpaman, ang paglalarawan kay Hesus sa pag-upo sa dalawang hayop nangsabay at paghiling na sakyan sila agad ay tututulan ng ilan, kaya't ang talatang ito aybinago sa oeat sila ay inilagay [si Jesus] sa kanyaoe (aling oekanyaoe?). Di-nagtagal,ganap na naiwasan ang problemang ito ng Ingles na salin sa pamamagitan ngpagsasalin nito bilang oedoon.oe

    · Sa Marcos 6:11, ang mga modernong Bibliya ay naglalaman ng mgasalitang oeKatotohanang sinasabi ko sa inyo: Higit na mabigat ang parusa sa lungsod na

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 20 of 21 www.IslamReligion.com

  • iyon kaysa sa parusa sa Sodoma at Gomora sa araw ng paghuhukom.oe Gayunpaman,ang mga salitang ito ay hindi mahahanap sa alinman sa dalawang pinaka sinaunangmga manuskritong Kristiyanong Biblikal, ito ay ipinakilala lamang sa teksto mataposang ilang siglo.

    · Ang mga salita sa Mateo 6:13 oeSapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, atang kaluwalhatian, magpakailanmanoe Ay hindi matatagpuan sa dalawang pinakasinaunang mga manuskrito gayun na rin ang marami pang iba. Ang mga magkakatuladna sipi sa Lucas ay may depekto din.

    · Sa Mateo 27:35 sa mga modernong Bibliya ay naglalaman ng mga salitang oeIto ayupang matupad ang sinabi ng propeta na sinasabi: Pinaghati-hatian nila ang aking damitat nagpalabunutan sa aking kasuotanoe Ang talatang ito, sa muli, ay hindi matatagpuanayon kay Rev. Merrill sa anumang Biblikal na manuskrito na bago pa ang ikasiyam nasiglo.

    · Sa 1 Timoteo 3:16 ay orihinal na mababasa na oeAt walang pagtatalo, dakila anghiwaga ng kabanalan; Yaong nahayag sa laman.oe Ito ay kalaunang (tulad ng nakitadati), malalang pinalitan ng oeAt walang pagtatalo, dakila ang hiwaga ng kabanalan;Yaong nahayag sa laman....oe Sa gayon, sumibol ang doktrinang oepagkakatawang-taooe.

    Talababa:

    [1] oeWhere did we get our Bible?”, Rev. Dr. George L. Robertson. Harper and BrothersPublishers, pp.110-112

    Ang web address ng artikulong ito:http://www.islamreligion.com/tl/articles/584/viewall/

    Copyright © 2006-2020 IslamReligion.com. Lahat ng mga karapatan ay inilaan.

    ajsultan

    Kinikilala ng mga Kristiyanong Iskolar ang Pagsasa... 21 of 21 www.IslamReligion.com

    http://www.islamreligion.com/tl/articles/584/viewall/https://www.islamreligion.com/