KATANGIAN AT PROSESO

16

Click here to load reader

description

KATANGIAN AT PROSESO

Transcript of KATANGIAN AT PROSESO

Page 1: KATANGIAN AT PROSESO

Ni Assoc.Prof.Roberto Ampil, Ph.D

WIKA: KATANGIAN AT PROSESO

Page 2: KATANGIAN AT PROSESO

WIKA AT KOMUNIKASYON

May humigit 3,000 wikang ginagamit sa buong mundo sa kasalukuyan.

May pagkakatulad ba ang mga ito?May pagkakaiba ba ang mga ito?

Page 3: KATANGIAN AT PROSESO

Ang wika ay isang sistema ng kumpas/ kilos, tunog, o nakasulat na simbolo na naglalaman ng kahulugan (salita) na isinaayos ayon sa tuntunin (gramatika) para sa layunin ng komunikasyon.

Ang wika ay maaaring natural o artipisyal.

Ang mga natural na wika ay yaong ginagamit ng tao sa pang-araw-araw na komunikasyon gaya ng Filipino o Ingles;

artipisyal naman ang mga wikang ginagamit sa computer programming na ginawa upang upang makipag-interaksyon sa mga makina….

Page 4: KATANGIAN AT PROSESO

Ang agham ng linggwistiks ay isang pag-aaral ng mga natural na wika at ang gramatikang tuntunin ng mga ito.

Samantala, ang sayko-linggwistiks naman ay isang sangay ng saykolodyi na nagsusuri sa wika bilang aspekto ng behebyor na sangkot ang pagsasalita, pagsusulat, at pag-iisip.

Sa pagsasama ng dalawa (linggwistiks at saykolinggwistiks) ay nabuo ang mga katangian ng wika na komon sa lahat wika sa daigdig.

Page 5: KATANGIAN AT PROSESO

KATANGIAN NG WIKA

Sa maraming katutubong ispiker ng wikang Ingles, dayuhang wika gaya ng Intsik o Griyego ang wika ay isang walang kahulugang lumalabas na tunog sa halip na organisadong pag-aayos ng mga salita. Gayon, ang lahat ng mga wika ay gumagamit ng mga salita at pangungusap upang katawanin ang kaisipan. Upang katawanin ang kaisipan, ang lahat ng mga natural na wika ay nagkakaisa sa isang fundamental na mga katangian.

Ang wika ay prodaktiv, may istraktura, at referensyal.

Page 6: KATANGIAN AT PROSESO

Ang wika ay prodaktiv dahil di-limitado ang mga bilang ng mga salitang maaring magawa.

Sa tuwing magsasalita, ipinahahayag natin ang ating mga sarili sa iba’t ibang paraan. Gayundin sa pagsusulat. Halimbawa, mula sa 28 na letra at humigit-kumulang na 100,000 na salita, ay makabubuo o makalilikha tayo ng trilyong mga pangungusap.

Bagamat, ang mga pangungusap na ito ay magkakaiba, ay nababasa at nauunawaan natin dahil nagkakaisa at gumagamit tayo na magkatulad na wika at ang tuntunin nito.

Page 7: KATANGIAN AT PROSESO

Ang wika ay may istraktura dahil sa mga tuntuning panggramatika, ang kaalaman ng tao na bumuo ng katanggap-tanggap na mga pangungusap, na may kaalaman sa kahulugan ng mga ito, at may kaalaman kung papaano ito bibigkasin. Bagamat, lagi na tayong lumilikha ng mga bagong pangungusap, ang lahat na ito ay sumusunod sa tuntunin ng sintaks, gramatikang tuntunin ng pagsasaayos ng mga salita upang bumuo ng parirala at pangungusap.

Page 8: KATANGIAN AT PROSESO

Halimbawa, ang gramatikang tuntunin ay nag-aayos ng listahan ng mga salita:

pusa, kinain, isda, ay, sa, pusa, kinain, isda, ay, sa, mesa, ang , ngmesa, ang , ng

Ang isda sa mesa ay kinain ng pusa.Ang isda sa mesa ay kinain ng pusa.

Sa mesa ang isda ay kinain ng pusaSa mesa ang isda ay kinain ng pusa

Ay! Kinain ng pusa ang isda sa Ay! Kinain ng pusa ang isda sa mesa.mesa.

Page 9: KATANGIAN AT PROSESO

Bilang karagdagan sa pagiging produktibo at istraktural, ang wika ay isa ring reperensyal.

Ang salitang reperensyal ay tumutukoy sa kaugnayang namamagitan sa salita at kahulugan nito. Ang langitngit ng kawayan, pagkabog ng dibdib at tiktak ng relo ay itinuturing na mga iconic referents kung saan ang kahulugan ng salita ay ipinahihiwatig mismo ng salita.

Sa pangkalahatan, ang kaugnayan sa pagitan ng salita at kahulugan ay arbitraryo.

Page 10: KATANGIAN AT PROSESO

Ang mga salita ay arbitraryong simbolo na walang kahulugan sa ganang sarili. halimbawa, ang salitang isa ay isang uri ng koda na tumutukoy sa unang bilang sa proseso ng pagbibilang na siyang pinagkasunduan ng lahat. Sa ibang pagkakataon nagagamit ito bilang pananagisag ng pangingibabaw o higit na kapangyarihan.

Sa kabilang banda, naniniwala si S.I. Hayakawa (1964:27) na bagamat na arbitraryo ang mga simbolo, ito ay nagtataglay din ng kahulugan sa kanyang sarili. Ibinigay niyang halimbawa ang tinuran ng isang batang lalaki,“Ang baboy ay tinawag na baboy dahil marumi itong hayop.”

Page 11: KATANGIAN AT PROSESO

Kaisipan

Referent o bagay na tinutukoy

(hayop na humihiga sa marumi)

Salita o Simbolo

(“baboy”)

Page 12: KATANGIAN AT PROSESO

Ito ang klasikong modelong dinibelop nina Ogden at Richards upang ipakita ang pagkakaugnayan sa pagitan ng referent, kaisipan, at simbolo.

Ang referent ay ang mga bagay na kinakatawan ng simbolo.

Ang kaisipan ay ang mental na proseso ng paglikha ng kategorya, ideya, o imahen na ipinakikita ng referent o ng simbolo.

Samakatwid ang tatlong ito ay nagkakaisa at nagkakaugnay.

Page 13: KATANGIAN AT PROSESO

Ang tuntuning pansemantika ay tumutulong na maunawaan ang kahulugan ng indibidwal na mga salita, subalit hindi lahat kayang maipaliwanag kung paano ang wika ay gumagawa at kumikilos sa pang-araw-araw na buhay.

Halimbawa ang pahayag na “Magkita-kita tayo bukas.” Ang sematikong kahulugan ng mga salita ay malinaw na makikita, subalit ang pahayag ay maaaring tanggapin sa iba’t ibang kaparaanan. Maaari itong kahilingan (“Sana magkita-kita tayo bukas”), isang matapat na kautusan (“Gusto ko kayong makita bukas”), o isang cliché (“Wala lang, gusto ko lang”).

Page 14: KATANGIAN AT PROSESO

Natutuhan nating makilala ang wastong kahulugan ng gayong pahayag sa pamamagitan ng tuntuning pragmatiko na nagsasabi kung anong gamit at interpretasyon ng isang mensahe ang naaakma sa isang partikular na konteksto.

Kung ang mga tuntuning ito ay alam ng mga gumagamit ng wika, magiging maayos ang komunikasyon.

Ang tuntuning pragmatiko ay maaaring maging kompleks.

Page 15: KATANGIAN AT PROSESO

Bigyang halimbawa ang paggamit ng pagbibiro o humor: sa isang pag-aaral tinukoy ang 24 na magkakaibang gampanin ng pagbibiro o humor na magagamit sa pakikipagtalastasan (Graham et.al.1992). Kabilang dito ang pagpapakita ng sense of humor ng ispiker, pag-eenterteyn sa iba, pagbabawas sa agresibong behebyor ng iba, pagpapadali sa pagtanggap ng impormasyon, pagpapahayag ng nadarama, pagpoprotekta sa ego ng ispiker mula sa pagbatikos, pag-iwas sa self-disclosure at iba pa.

Page 16: KATANGIAN AT PROSESO

Tuntuning Pragmatiko na Namamahala sa Gamit at Kahulugan ng Pahayag

Suriin kung paano ang magkatulad na pahayag (“Ang ganda-ganda mo ngayon”) ay nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan depende sa varayti ng tuntuning ginagamit upang mabigyang-kahulugan ito.

Boss Empleyado

NilalamanAktwal na salita at behebyor

“Ang ganda-ganda mo ngayon”

Speech-actIntensyon sa pagpapahayag

pagpupuri di-tiyak

RelasyonAng tinatanggap na pagkakaugnayan sa pagitan ng kalahok sa komunikasyon

Ang pagtrato ng boss sa kanyang mga empleyado bilang kapamilya

Subordinate na empleyado, dumedepende sa pagkilala ng boss

EpisodoSitwasyon kung saan naganap ang interaksyon

Kaswal na interaksyon

Posibleng pagpasok ng boss?

IskripKonsepto sa sarili ng bawat kalahok sa interaksyon

Pala-kaibigan, masayahing tao

Babaeng may hangaring magtagumpay batay sa sariling pagsisikap o merito

Arketipong Kulturalkultural na paniniwala at tradisyon na humuhubog sa persepsyon at kilos ng bawat kalahok sa interaksyon

Middle-class na Pilipino Middle-class na Pilipino