Kataga ng Buhay

21
Kataga Kataga ng ng Buhay Buhay Hulyo 2010

description

Kataga ng Buhay. Hulyo 2010. “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng isang napakahalagang perlas, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat niyang ari-arian at binili ang perlas.” ( Mt 13, 45-46). - PowerPoint PPT Presentation

Transcript of Kataga ng Buhay

Page 1: Kataga ng Buhay

KatagKatagaa

ngng

BuhayBuhayHulyo 2010Hulyo 2010

Page 2: Kataga ng Buhay

 “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng

isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng

isang napakahalagang perlas, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat

niyang ari-arian at binili ang perlas.” (Mt

13, 45-46)

Page 3: Kataga ng Buhay

Sa maikling talinghagang ito, napakalinaw ng paglalarawan ni Jesus. Alam ng lahat ang halaga

ng perlas: tulad ng ginto, ito ang pinakamahalagang bagay na maaaring makamit

ng tao.

Page 4: Kataga ng Buhay

Binanggit din ng Ebanghelyo ang karunungan, ang pagkakilala sa kalooban ng Diyos. Napakahalaga nito kaya’t hindi

ito maihahambing sa anumang “mamahaling alahas.”

Page 5: Kataga ng Buhay

Ang nangingibabaw sa talinghagang ito ay ang paglalarawan ng kakaiba at kamangha-manghang

pangyayari: ang mangangalakal ay nakakita ng isang perlas, maaaring sa tindahan; tanging ang kanyang mapanuring mata ang nakakita na ang

perlas na ito ay mamahalin. Maaari siyang magtamo ng malaking tubo mula dito.

Page 6: Kataga ng Buhay

Kaya’t nagpasya siya, matapos ng masusing pagsusuri na makabubuting ipagbili niya ang lahat ng kanyang ari-arian upang bilhin ang perlas. Sino nga ba naman ang hindi ganito

ang gagawin?

Page 7: Kataga ng Buhay

Ito ang malalim na kahulugan ng

talinghaga: ang perlas ay ang

matagpuan si Jesus, ang kaharian ng Diyos sa ating piling. Ito ang bukod-tanging

pagkakataon na hindi natin dapat palampasin, na

dapat pagbuhusan ng lahat ng lakas at

yaman.

Page 8: Kataga ng Buhay

 “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng

isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng

isang napakahalagang perlas, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat

niyang ari-arian at binili ang perlas.”

Page 9: Kataga ng Buhay

Hindi ito ang unang pagkakataon na ang mga alagad ni Jesus ay nahaharap sa isang mabigat

na pagpili. Upang makasunod kay Jesus, kailangan nilang iwanan ang lahat – ang lahat

na higit nilang pinahahalagahan, tulad ng pagmamahal ng pamilya, katiwasayan sa

pananalapi, katiyakan sa hinaharap.

Page 10: Kataga ng Buhay

Ngunit hindi humihingi si Jesus ng isang bagay na walang dahilan o hindi makatwiran. Sa

“lahat” na ating iiwanan, tayo ay makakatagpo ng “lahat” at walang anumang hihigit pa sa

halaga nito. Sa tuwing si Jesus ay hihingi, Siya ay nangangako ng labis-labis pa.

Page 11: Kataga ng Buhay

Sa talinghagang ito, tinitiyak Niya sa atin ang isang kayamanan na magpapayaman sa atin

magpakailanman. Kung tila isang pagkakamali na iwanan ang isang tiyak na bagay sa isang walang katiyakan, isang pag-aari kapalit ng isa lamang

pangako, alalahanin natin ang mangangalakal na iyon: dahil alam niya na ang perlas ay

napakahalaga, buong tiwala siyang makapaghihintay ng magiging tubo nito.

Page 12: Kataga ng Buhay

Gayundin, batid at nakikita sa pamamagitan ng pananampalataya ng sinumang nagnanais

sumunod kay Jesus, na isang napakalaking gantimpala ang maging tagapagmana ng

kaharian ng Diyos, kapalit ng lahat niyang iniwan, kahit sa espiritu lamang.

Page 13: Kataga ng Buhay

Bukod dito, ang pagkakataong ito’y ipinagkakaloob ng Diyos sa lahat ng

tao.

Page 14: Kataga ng Buhay

 “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng

isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng

isang napakahalagang perlas, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat

niyang ari-arian at binili ang perlas.”

Page 15: Kataga ng Buhay

Ito ay isang matibay na paanyaya na isantabi ang lahat na maaaring umagaw sa

lugar ng Diyos sa ating puso tulad ng trabaho, pamilya, pag-aaral, magandang

bahay, propesyon, laro o libangan.

Page 16: Kataga ng Buhay

Ito ay isang paanyaya na ibigay sa Diyos ang unang lugar sa ating puso. Lahat ng bagay sa ating buhay ay dapat ituon sa Kanya sapagkat lahat ng bagay na dumarating sa atin ay mula

sa Kanya.

Page 17: Kataga ng Buhay

Kung ganito ang ating gagawin, kung ating “hahanapin ang Kanyang kaharian” tulad ng pangako sa Ebanghelyo, ipagkakaloob sa atin

ang lahat ng ating kinakailangan. Kung isasantabi natin ang lahat para sa kaharian ng Diyos, “makakatanggap tayo ng makasandaang ibayo sa tahanan, kapatid, ama o ina, dahil ang

Ebanghelyo ay tunay na bahagi ng buhay ng tao. Si Jesus ay Diyos at Tao, ipinangako Niya sa atin hindi lang ang pagkaing espiritwal, bagkus din ang tinapay, tahanan, damit, pamilya at lahat-

lahat.

Page 18: Kataga ng Buhay

Mula sa “maliliit”, maaari tayong

matuto na higit na magtiwala sa

Pagkalinga ng Ama, dahil hindi Siya nagkukulang na

magbigay sa mga taong ibinigay ang

kahit kakaunti nilang pag-aari dahil sa

pagmamahal.

Page 19: Kataga ng Buhay

Kamakailan lang ay may isang grupo ng mga kabataan mula sa Congo, Africa na gumawa ng

“postcard” mula sa balat ng saging at pagkatapos ay ipinagbili ang mga ito sa

Germany. Noong una ay itinabi nila ang naging tubo para sa sarili dahil ilan sa kanila ay kailangang tumulong sa pamilya. Ngunit

pagkatapos ay nagpasya sila na ibahagi ang kalahati nito upang tumulong sa tatlumpo’t

limang kabataan na walang trabaho.

Page 20: Kataga ng Buhay

Maraming nakaalam ng kanilang karanasan. Nakaabot ito sa ilang mamimili na

naghahanap ng mga trabahador, kaya’t inalok nila ang mga kabataang ito ng permanenteng trabaho. Hindi natin

malalampasan ang Diyos sa Kanyang kabutihang-loob.

Page 21: Kataga ng Buhay

 “Ang paghahari ng Diyos ay katulad ng

isang mangangalakal na naghahanap ng mamahaling perlas. Nang makakita ng

isang napakahalagang perlas, siya’y humayo at ipinagbili ang lahat

niyang ari-arian at binili ang perlas.” (Mt

13, 45-46)

Sinulat ni Chiara LubichSinulat ni Chiara Lubich