Kasapil Notes Midterm

47
KASAYSAYAN NG PILIPINAS (KASAPIL) Mr. Renato G. Maligaya De La Salle Lipa June 2012 Ang Konteksto ng Kasaysayan Masaklaw ang tinatalakay sa kasaysayan sapagkat samutsaring aspekto ang karanasan ng sangkatauhan. Kasama sa prosesong historiko ang paglitaw, pag-unlad, at pagbabago ng mga institusyong panlipunan, pag-usbong at pagyabong ng tradisyong pangkultura, pagpapalit ng panahon at mga katangian nito. Subalit naganap ang lahat ng mga pangyayaring ito sa mga tiyak na panahon at pook, at sa mga partikular na lipunan. Kung gayon, dapat tandaan na maging ang pamamaraan ng isang historyador ay nakapaloob lamang sa isang tiyak na konteksto ng panahon, pook at tradisyong pangkultura. Tatlong batayang salik ng kontekstong pangkasaysayan (historical context) o kontekstuwalisasyon (contextualization) ng historyador: (1) ang pook o kaligirang pisikal, (2) ang period o panahon, at (3) ang tradisyong pangkultura ng lipunan. Ang Pook o Kaligirang Pisikal Ang pagbabagong pisikal sa pook o kaligiran ay may kinalaman rin sa historikong proseso sapagkat siya ang kaligiran ng mga pangyayari. Ang Period o Panahon Ang panahon o period ay nababatay sa mga panahong itinakda ng mga disiplinang heolohiya (geology) at arkeleohiya (archeology). Para sa historyador, makabuluhan ang mga pangyayari sa isang partikular na panahon kaya niya pinipili ang panahon na iyon upang pag-aralan. Karaniwan ding ang mga pangyayaring naganap sa loob ng isang panahon ang nagbibigay karakter o kakaniyahan sa panahong iyon kaya’t itinuturing na interesanteng pag-aralan. Tradisyon o Sistemang Pangkultura Kinakailangan sa pag-aaral ng kasaysayan kung anong mahalagang pangyayari ang nagaganap, at kung sino ang nagbibigay dito ng halaga. R.G. Maligaya De La Salle Lipa June 2012 1

description

this is our notes in kasapil

Transcript of Kasapil Notes Midterm

Simula ng Pananakop ng mga Dayuhan

PAGE 24

KASAYSAYAN NG PILIPINAS (KASAPIL)Mr. Renato G. Maligaya

De La Salle Lipa June 2012Ang Konteksto ng Kasaysayan

Masaklaw ang tinatalakay sa kasaysayan sapagkat samutsaring aspekto ang karanasan ng sangkatauhan. Kasama sa prosesong historiko ang paglitaw, pag-unlad, at pagbabago ng mga institusyong panlipunan, pag-usbong at pagyabong ng tradisyong pangkultura, pagpapalit ng panahon at mga katangian nito. Subalit naganap ang lahat ng mga pangyayaring ito sa mga tiyak na panahon at pook, at sa mga partikular na lipunan. Kung gayon, dapat tandaan na maging ang pamamaraan ng isang historyador ay nakapaloob lamang sa isang tiyak na konteksto ng panahon, pook at tradisyong pangkultura.

Tatlong batayang salik ng kontekstong pangkasaysayan (historical context) o kontekstuwalisasyon (contextualization) ng historyador: (1) ang pook o kaligirang pisikal, (2) ang period o panahon, at (3) ang tradisyong pangkultura ng lipunan.

Ang Pook o Kaligirang Pisikal

Ang pagbabagong pisikal sa pook o kaligiran ay may kinalaman rin sa historikong proseso sapagkat siya ang kaligiran ng mga pangyayari.

Ang Period o Panahon

Ang panahon o period ay nababatay sa mga panahong itinakda ng mga disiplinang heolohiya (geology) at arkeleohiya (archeology). Para sa historyador, makabuluhan ang mga pangyayari sa isang partikular na panahon kaya niya pinipili ang panahon na iyon upang pag-aralan. Karaniwan ding ang mga pangyayaring naganap sa loob ng isang panahon ang nagbibigay karakter o kakaniyahan sa panahong iyon kayat itinuturing na interesanteng pag-aralan.

Tradisyon o Sistemang Pangkultura

Kinakailangan sa pag-aaral ng kasaysayan kung anong mahalagang pangyayari ang nagaganap, at kung sino ang nagbibigay dito ng halaga. Bilang tagalikha ng kasaysayan, lumilikha at nagpapayabong ng tradisyong pangkultura ang mga tao sa lipunan sa isang tiyak na panahon at lokasyon. Tinutukoy natin ang kultura sa pananaw na komprehensibo, kung papaano itong binibigyang kahulugan sa antropolohiya: malawak ang sinasaklaw, pangkalahatan at ispesipiko, napag-aaralan, simboloko, kolektibong katangian kaya naipapasa sa salinlahi, dinamiko at mapang-angkop. Mapag-pasiya ang papel na ginagampanan ng tao bilang tagapagdala ng mga katangiang pangkultura sa pag-usad ng panahon at paghubog sa kaligiran. Naiimpluwensiyahan ng tao ang kalagayang pisikal, binabago pa niya ang katangian nito kung paaano siya rin ay naiimpluwensiyahan nito, subalit nangyayari lamang ito ayon sa mga tunguhing pangkultura sa tiyak na panahon.

Katangian ng Kalagayang Pisikal ng Pilipinas

Lokasyong Heograpiko, Klima at Ulan

Arkipelago ang Pilipinas na binubuo ng maraming hiwahiwalay na pulo, mula sa grupo ng mga pulong tinatawag na Kalayaan o Spratley sa silangan, hanggang sa mga pulo ng Batanes sa hilaga, at ng Sulu naman sa timog. Umaabot nang humigit-kumulang na 7,100 ang mga isla, na may sukat na 1,854 kilometro ang haba at 1,107 naman ang lawak. Sa kabuuan, may 1,294,450 km ang saklaw ng kalupaan at dagat na sakop ng Pilipinas samantalang 299, 277 km naman ang kabuuang kalupaan.

Nakalugar ang Pilipinas sa bahaging timog ng kontinenteng Asya o Timog Silangang Asya. Matatagpuan ito sa 4( 30 hanggang 21 25 sa hilaga at 116 hanggang 127 sa silangan. Ang Dagat Timog Tsina ang hangganan ng Pilipinas sa hilaga at kanluran, ang Karagatang Pasipiko naman sa silangan, at ang Dagat Celebes at Dagat Sulu sa timog. Nahihiwalay sa kontinenteng Asya ang Pilipinas sa pamamagitan ng Bessi Channel mula sa Taiwan. Dahil sa lokasyong nito sa kontinenteng Asya na nasa hilagang ng equator, pangkalahatang katangian ng klima ng Pilipinas ang palitan ng halos magkapantay na haba ng tag-init at tag-ulan at ang pagkakaroon ng malalakas na pag-ulan dahil sa galaw ng hanging amihan at habagat.

Sa pagitan ng Hunyo at Oktubre, ang habagat o southwest monsoon mula sa Karagatang India ang pinakamalaking impluwensiya, na pinapalitan naman ng amihan o northeast monsoon mula Disyembre hanggang Marso na tinatawag ding winter monsoon kung kayat nakakaranas ng malamig na hangin mula sa Siberia. Umaabot nang 2,269 millimeter ang taunang bagsak ng ulan. Liban sa amihan at habagat, nararanasan din ang pagtatagpo ng hanging nagmumula sa hilaga at timog na bahagi ng mundo ang tinatawag na Intertropical Convergence Zone (ICZ) na pinagmumulan ng ating mga bagyo mula Hunyo hanggang Disyembre.

Yamang Likas ng Kalupaan

Biniyayaan ang arkipelago ng yamang likas tulad ng maraming ilog, malawak na karagatan, mayayamang kabundukan at malawak na lupang sakahan. Nagmumula sa mga ilog, look, at dagat hindi lamang ang tubig na mahalaga sa halaman, hayop at tao, kungdi pagkain, bukod sa nagiging daluyan ng transportasyon at kalakal.

May 421 na ilog sa Pilipinas, 58 look, mga 130,000 ektarya ng artipisyal na reservoir, at 100,000 ektarya naman ng mga fresh water swamp. Sa kabuuan, may 2,400 na uri ng mga isda na makikita sa karagatan at ilog ng arkipelago at halos 500 uri naman ng corals na pinagbabahayan ng ibat ibang uri ng mga yamang pandagat.

Sa ngayon, mga 20% ng kalupaan ang binubuo ng mga gubat na umaabot ng mga 6,015,000 na ektarya. Mga 80,000 na ektarya nito ang itinuturing na virgin forest noong 1993. Tinatayang umaabot ng 3,800 ang mga uri ng halamang tukoy at naitala lamang sa Pilipinas. Mahigit sa 600 uri ng ibon ang namamahay sa mga kabundukan ng Pilipinas, kabilang na ang tinatayang 150 uri ng mga ibong palipat-lipat ng tahanan (migratory birds). Ilan sa mayayamang gubat na pinagmumulan ng mahahalagang uri ng halaman at hayop ang Sierra Madre, Cordillera, Mindoro at Palawan.

Mahigit 7,100 piraso ang Pilipinas, isang libo lamang ang may tao, kalahati ay ni walang pangalan, marami ang lulubog-lilitaw sa urong-sulong ng dagat, 46 piraso lamang ang malaki pa sa 100 kilometro kuadrado. Sa dadalawa, Luzon at Mindanao, nakatira ang 7 sa bawat 10 Pilipino. Bawat kasaysayan ay kinakailangang magsimula sa umpisa, kaya ang unang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas ay kailangang iukol sa pinanggalingan ng kinalalagyan ng bayan. Mga Bakas Ng Lumipas 26,000 - 24,000 SN, may tao na sa Pilipinas.

9,000 - 8,000 SN, nasa Pilipinas ang mga magdaragat [Austronesians].

3,300 SN, nagsimulang humiwalay ang ibat ibang wikang katutubo mula sa isang ninunong wika.

2,100 SN, nagsimulang mabuo ang wikang Tagalog, Visaya at Manobo mula sa humiwalay na mga wika.

600, nagsimula ang kalakal ng makalumang porselana mula China; 300 taon pa bago nagkalakal ng tunay na porselana.

1001, dumating sa China ang mga sugo [ambassadors] mula Butuan.

1200, nagsimulang maging tangi ang wikang Tausug mula sa wikang Butuan.

1380, unang dating ng mga muslim [Moro ang tawag ng mga Espanyol] upang magturo ng Islam sa Pilipinas, sa pulo ng Simunul, Tawi-Tawi, sa kanluran ng Mindanao.

1450, itinatag sa Sulu ni Abu Bakr ang unang kaharian [sultanate] ng Muslim.

Saan Mula Ang Lupa?

ANG alikabok na tinatapakan, nasisinghot at nagpapadumi ng damit ay galing sa sahig ng dagat, nalukot paitaas nang mabundol ng sahig ng Pacific Ocean. Mula naman ang malalaking bahagi ng mga pulo sa bulwak ng mga bulkan sa mga butas at siwang ng tipak na lupa na lumulutang sa kumukulong bato. Dating akala, kasama ng Pilipinas ang Malaysia at Indonesia sa munting tipak na lupa na iniipit ng 3 naglalakihang tipak:

1. Sahig ng dagat Pacific, sa silangan;

2. Tipak ng Australia at India, sa timog at kanluran; at

3. Lupa ng China at Japan, sa hilaga.

Ngunit napagtanto nitong 1983 lamang na ang Pilipinas mismo ay 3 o higit pang magkakadikit na tipak na nagkikiskisan at umuusad sa 3 o higit pang makakasalungat na tungo.

Bakit umuusad? Ang sapantaha ng mga sayentipiko, batay sa mga katibayang nausisa mula nuong 1950s, ang kumukulong bato ang siyang nagpapalutang at nagpapagalaw sa iba't ibang lupain ng daigdig - animo'y takip ng palayok o caserola na itinutulak at pinaiiktad ng sumusubong sinaing. Ang nasukat na pinakamabilis na usad, hindi sa Pilipinas, ay 15 sentimetro o 6 pulgada sa santaon, ang pinakamabagal ay 2 sentimetro o kulang-kulang isang pulgada, santaon; karaniwang usad ay kasing bilis ng tubo ng kuko sa daliri.

Patuloy ang gitgitan ng mahigit 12 piraso na natuklasang bumubuo sa balat ng daigdig, pati na sahig ng mga dagat. Maraming lamat at butas dahil sa salyahan, at duon bumubulwak ang kumukulong bato na nakabalot sa buong daigdig sa ilalim ng mga tipak. Ang tipak ng Pacific Ocean ang kinikilalang pinakamapanganib sa kasalukuyan; tinawag na sinsing na apoy [ring of fire] dahil sa dami ng bulkan at lindol sa paligid nito. Kasama ang Pilipinas sa sinsing, kasama sa pagsabog ng bulkan, kasama sa lindol.

Maikling Deskpripsyon ng Pilipinas

Sukat: 300,400 Bilang ng Pulo: 7,107 islands Populasyon : Humigit kumulang sa 87 Milyon (estimate: 2005)

Kapal ng Tao : 295 katao gada 1 sq. km.

Nakatira sa Kabayanan : 61% (2003)

Nakatira sa Kabukiran : 39% (2003)

Inaasahang mabubuhay ng : 69.9 taon (2005)

Bilang ng sanggol na namamatay pagkasilang : 24 sa 1,000 pagsilang

Pursyento ng maypinagaralan : 96% (2005) Lahing Pinagmulan : Malay race Uri ng Gobyerno: 6 na taong pamamahala sa ilalim ng isang Presidente Pambansang Salita: Filipino, Sinasalita ng karamihan - English Relihiyon : Katoliko (83%), Protestante (9%), Islam (5%), Iba pa (3%) Pangunahing Syudad : Manila, Baguio, Cebu, Davao Sistemang pang Edukasyon: 6 na taon sa elementarya, 4 na taon sa high school, 4 na taon sa kolehiyo

Ang Mga Naging Pangalan ng Arkipelago:

Nuong panahon bago dumating ang mga Kastila, ang mga dayuhang Chino ay nakikipagkalakalan na sa Pilipinas. Nuong panahon ng pamumuno sa China ng pamilya Sung at Ming, taong 900 1300 AD, tinawag na Mait (pulo ng ginto) ang ilang pulo ng Pilipinas, partikular na ang Mindoro.

Nuong 1521, panahon ng pagdating ni Fernando Magallanes, pinangalanan niya ang mga kapuluan bilang Islas de San Lazaro (Mga Kapuluan ni San Lazaro)

Ang pangalang Pilipinas ay nanggaling sa salitang Kastila na Filipinas, na ibinigay ng isang Kastilang manlalayag na si Ruy Lopez de Villalobos nuong 1543 AD sa pagpaparangal sa nuon ay batang prinsipe ng Espana na si Prinsipe Felipe II.

Nuong taong 1751, si Padre Juan J. Delgado, isang Hesuitang manunulat ng kasaysayan, ay tinawag ang Maynila na Perlas ng Silangan dahil sa ito ay naging isa sa mga sentro ng kalakalan sa Asya kahit nuong bago pa man dumating sa bansa ang mga kastila.

Sa kanyang huling liham, nuong 1896, araw bago maisagawa ang hatol na kamatayan, tinawag ni Dr. Jose Rizal ang kanyang inang bayan bilang Perla del Mar de Oriente (Mutyang Mahalaga sa Dagat Silangan).

Ang pangalang Filipinas ay unang lumitaw sa isang mapa na nalimbag sa Venice nuong 1554 sa pangunguna ni Battista Ramusio, isang Italyanong heograpiko. Ang Kastilang salita na Filipinas ay nuong lumaon ay napalitan ng pangalang Philippine Islands sa panahon ng pamamalakad ng Kolonyang Amerika noong 1898.

Napalitan ito ng pangalang Republika ng Pilipinas nuong kinilala ang kanyang kalayaan nuong 1946.

Isang pangarap na palitan ang pangalan ng Pilipinas:

Si Artemio Ricarte, isang Katipunang heneral, ay ninais palitan ang pangalan ng Pilipinas ng Rizaline Republic.

Si Ferdinand Marcos ay nagmungkahi na gawing Maharlika (pangalan ng kanyang grupo na kumalaban sa mga hapon nuong Ikalawang Digmaang Pangdaigdig) ang pangalan ng Pilipinas.

Lenguahe at Dialekto sa Pilipinas:

Ayon sa pagsasaliksik ng isang Americanong linguistiko na si Richard Pitman, tinatayang nasa 55 uri ng katutubong lenguahe at 142 dialekto ang matatagpuan sa Pilipinas. Lahat ng katutubong salita ay base sa Malay at Polinisyang salita. Ang pursyento ng mga pangunahing lenguahe sa Pilipinas ay: 1. Cebuanos Cebu, Western Leyte, Bohol, at Eastern Negros, Zamboanga at iba pa. (24.39%) region 7, 9, 10 at ilan sa 11

2. Tagalog Central at Southern Tagalog Region (23.82%)

3. Ilocanos Ilocos at La Union (11.14%) karamihan ay sa region 1

4. Ilonggos or Hiligaynon Western Negros, Southern Mindoro, at Panay Island (9.99%) region 6 at ilan sa 11

5. Bicolanos Bicol Region (6.96%) region 5

6. Waray-waray Samar and Eastern Leyte (4.62%) region 8

7. Ibanags (Cagayanos) Cagayan (3.80%)

8. Pampanguenos (Kapampangans) Pampanga (3.43%)

9. Zambals Zambales (2.70%)

10. Pangasinenses Panggasinan (2.26%)

11. Iba pa (6.89%)

Ang English ang isa sa pinaka gamit na salita sa Pilipinas lalo na sa larangan ng politika, edukasyon at komersyo. Sa katunayan, ang Pilipinas ang isa sa mga bansang hindi English ang pananalita subalit isa sa pinaka gumagamit ng English bilang salita.

Sinaunang Kasaysayan ng Pilipinas

Panahong Prehistoriko Hangang Protohistoriko

Periodization

Hiniram mula sa heograpiya at heolohiya ang mga terminong may kaugnayan sa pagbubuo ng arkipelago bilang prosesong pisikal sa Pleistocene period. Samantala, mula sa historical archeology at comparative archeology naman kinuha ang batayang pagkakahati ng sinaunang panahon sa Prehistory hanggang Protohistory. (Tingnan ang Table 1)

Table 1. Buod ng Kasaysayang Heolohiko at Ebolusyonaryo

ERAPERIODEPOCHHANGGAHANANYO NG BUHAY

GENOZOIC

MESOZOIC

PALEOZOIC

QUATERNARY

TERTIARY

CARBONIFEROUS

PRECAMBRIAN

Recent

Pleistocene

Pliocene

Miocene

Oligocene

Eocene

Paleocene

Cretaceous

Jurassic

Triassic

Permian

Devonian

Silurian

Ordovician

Cambrian

10,000

2,500,000

12,000,000

26,000,000

38,000,000

54,000,000

65,000,000

136,000,000

195,000,000

225,000,000

280,000,000

395,000,000

430,000,000

500,000,000

570,000,000

700,000,000

1,500,000,000

3,500,000,000

4,650,000,000Homo

Grazing and

carnivorous

mammals

Primates, flowering plants

Birds

Mammals, dinosaurs

Reptiles, fern forests

Amphibians, insects

Vascular land plants

Fish

Shellfish

Algae

Eucaryoctic cells

Procaryotic cells

Formation of the Earth

Prehistory

Itinuturing ang panahong prehistoriko ng Pilipinas bilang pinakasinaunang panahon ng pagbubuo ng arkipelego at tradisyong pangkultura batay sa mga nakalap na ebidensiya. Ayon sa mga datos na heolohiyo, itinatakda ang may katiyakang pagsisimula ng mga ebidensiya sa panahon ng Pleistocene, may 2 milyong taon (mt.) na ang nakalipas. Itinatakda naman ang pinakamalapit na hanggahan sa 10 libong taon (lt.) bago ang kasalukuyan. Tinatayang sa loob ng mahabang panahon ito, nabuo ang kasalukuyang anyo ng arkipelago at lumitaw ang mga likas na yamang pisikal at biyolohiko na nagbibigay ng kakaniyahan sa grupo ng mga pulo.

May dalawang paghahati ang prehistory kung ibabatay sa teknolohiya o tradisyong pangkulturang lumitaw ang Panahon ng Lumang Bato (Paleolithic) at ang Panahon ng Bagong Bato (Neolithic). Nakapaloob sa mga panahong ito ang dalawang pangunahing ebolusyonaryo ng pag-unlad ng tao, ang proseso ng homonisasyon (homonization) at sapientisasyon (sapientization).

Protohistory

Protohistory ang panahong pinakamalapit sa kasalukuyang anyo ng Pilipinas at sistemang pangkalinangan nito, kayat tinatawag rin itong Proto-Philippine. Bagamat may pagtalo-talo sa petsa ng hangganan minabuting ilagay ang pagsisimula nito sa panahon ng paggamit ng metal (tanso, bakal at bronse) at pagpapalaganap ng kalakalan sa karagatan. Ito rin ang panahon ng pagkakabuo ng pangrehiyong karakter ng Timog Silangang Asya at, para sa arkipelago, ang paglitaw ng mga kalipunang etniko, kasama na ang paglaganap ng tradisyong Islamiko na naging elementong pangkultura din sa arkipelago. Kaya matatayang nagsimula ito sa 10 lt. bago ang kasalukuyan hanggang ika 16 dantaon nang narating ang integrasyong pangkultura ng may anyong Filipino bago naimpluwensiyahan ng Kanluraning kultura (Western culture).

Paghubog sa Arkipelago

Hinubog sa mahabang panahon noong sinaunang kasaysayan ng Pilipinas ang kalagayang pisikal ng buong arkipelago. Isang proseso ng partikularisasyon ang naganap sa mahabang panahon mula sa tinaguriang Pre-Cambrian (kung saan lumitaw ang mga unang organismo), na humantong sa paglitaw ng mga katangian ng strata ng kalupaan at unang ebidensiya ng likas na yamang biyolohiko sa panahon ng Paleozoic. Sa period na ito lumitaw ang mga unang vertebrate at puno.

Sa epoch na Pleistocene ang pinakamasasandigang pagsisimula ng kasaysayan ng pagkakabuo ng arkipelago may halos 200 mt. na rin ang nakalilipas. Matatantiyang tumagal nang 135 mt. ang pinakasinaunang yugto na ito, at sinundan pagkatapos ng may 25 mt. na proseso ng pagkakahubog ng kapuluan, batay sa mga pinakaunang fossil at bato na nahukay. Period ito ng pabago bagong sea level dahil sa galaw ng mga glacier na natutunaw, kayat sa pana-panahon ay nakalantad ang mga ridge na nag-uugnay ng Pilipinas sa mga karatig na lupain. Bunga ng mga pagkilos na ito, nagkaroon ng paglaganap at palitan ng mga uri ng halaman at hayop sa magkakalapit ng mga pulo. Ang paglaganap na ito ng mga yamang biyolohiko ang isa sa pinagbabatayan ng pagkatulad ng mga halaman at hayop sa mga pulo saTimog Silangang Asya.

Proseso ng Homonisasyon at Sapientisasyon

Ang proseso ng paggawa sa sarili, kasama na ang pagiging marunong o sapiens ang kahulugan ng homonisasyon. Sa teorya ng ebolusyon, mararating ang yugtong ito ng pagiging tao ng tao, mga 4 mt bago ngayon. Sa prosesong naganap bago ang panahong ito, nilikha ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagpapalitaw ng kulturang naging batayan ng paghihiwalay niya sa ibang hayop. Ang malikhaing kakayahan ang namumukod na katangiang ginamit ng tao upang harapin at pangibabawan ang mga hamon ng kalikasan upang mabuhay sa tulong ng mga instrumentong kaniyang pinanday.

Mula Ramapithecus at Australopithecus ang pinalalagay na pinagmula ng tao hanggang sa ito ay maging Homo sapiens. ( tingnan sa table ng fossil hominid).

Ang sapientisasyon ay tumutukoy sa proseso ng pagiging nakakaalam ng kasalukuyang panahon at pagkakaroon ng kapasidad sa produksiyon, ibig sabihin, may kakayahang gumamit ng mga instrumento upang aktibong harapin ang hamon ng kalikasan sa pagpapalitaw ng mga pangangailangan sa buhay.

Sa pangingibang-lupain ng mga Austronesian, naikalat din nila ang pagtatanim sa panahong neolitiko. Nakabatay sa halamang ugat ang Neolitikong katangian ng mga hortikulturista. Kanlurang Asya at Timog Silangang Asya ang dalawang pinaglitawan ng Neolitiko sa Asya dahil sa paglaganap ng mga Austronesian. May dalawang teorya na naging ruta ang mga proto-Austronesian. Sinasabi ng una na nagmula sila sa Peninsula patungong Indonesia muna, pagkatapos ay Pilipinas, Pasipiko, at Madagascar (ayon kay H. Kern). Sinasabi naman ng isa pang teorya na sa Formosa o Taiwan ang pinagdaanan nila. Ito ang teorya nila Shutler, Jr. at Marck.

Mahalaga ang papel ng mga Austronesian sa paglalatag ng tradisyong pangkalinangan ng arkipelago. Hindi wasto ang naging palasak na pananaw na dala ng Waves of Migration Theory hinggil sa unang tao sa Pilipinas. Sa halip, ang paglaganap ng mga Austronesian ang wastong pananaw.

Lumaganap ang hortikultura at teknolohiyang bakal kasabay sa paglaganap ng mga Austronesian. Ang paglilibing sa tapayan, paghahabi, at paggawa ng glass beads ang iba pang katangian ng kanilang materyal na kultura. Nagpatuloy ang migration mula Pilipinas hanggang 100 BK, umunlad ang rice culture sa kontinente at kumalat sa ibat ibang dako. Partikularisasyon sa Timog Silangang Asya ang naging tunguhing historikal pagdating ng 200 MK. Dahil din dito, nagkaroon ng hiwalay na tunguhin historiko ang arkipelago upang malikha ang katangian proto-Philippine may batayang Austronesiko at panghihiram din sa Sanskrit at Tsino ng mga wika sa Pilipinas.

Katangian rin ng mga lipunang proto-Philippine ang pagkakaroon ng natatanging tradisyong pampalayukan, paglilibing, at mga minahan ng ginto, bakal, tanso at bronse; higit na produktibong agrikultura at pakikipagkalakalan at naging sentro pa nga ng populasyong at komersiyo, tulad ng baybaying ng Rio Grande sa Cagayan, Lingayen sa Pangasinan, Maynila-Mindoro-Pampanga, ang Leyte-Cebu-Samar, at ang Butuan at Sulu. Higit na naging mabilis ang tunguhin sa integrasyons pampolitika ng mga estadong etniko dahil sa paglaganap ng Islam na dala ng kalakalan mula noong ika -14 na siglo.

TALAHANAYAN NG EBOLUSYON NG HOMINID SA MUNDO

FOSSIL HOMINID HANGAHANSELECTED SITESMGA KATANGIAN

Ardipitecus ramidus

4.4 myaAramis, Ethiopia

(East Africa) - bipedal

Australopithecus anamensis4.2 myaAllia Bay

Kanapoi (North Kenya)- bipedal

Australopithecus afarensis

4-2.9 myaHadar, Ethiopia

Laetoli (East Africa) Bipedal

lived in a woodland

Australopithecus

Africanus3-2.4 myaTaung

Makapangsgat

Sterkfontein

(Southwest Africa) bipedal

cranial capacity: 450 c.c.

diet of seeds & nuts

Australopithecus robustus (South African variety)

Australopithecus

Bosei (East African variety)1.8 1.6 myaKromdraii

Swartkrans

(South Africa) bipedal

cranial capacity: 504 c.c.

diet of leaves & fruits

presence of cranial crest

Homo habilis2.0 1.8 myaLake Turkana, Kenya

Omo River

Valley, Ethiopia

Olduvai Gorge, Tanzania

(East Africa)

bipedal

cranial capacity: 800 c.c.

associated with the Oldowan tool tradition

moved in small bands

Homo erectus1.8 mya 150 kyaAfrica

Algeria

Morocco

China

Indonesia bipedal

cranial capacity: 750- 1,250 c.c.

flattened vault

prognathic

sagittal ridge

Homo neandertalensis75 kya 35 kyaEurope

Middle East bipedal

cranial capacity: 1,524 1,640 c.c. for males; 1,270 1,425 c.c. for females

occipital bunning

associated with the Mousterian tool tradition

wore clothing

buried their dead

Homo sapiens125 kya Africa

92 kya Levant

35- 40 kya - elsewhereWorldwide bipedal

cranial capacity: 1,000 2,000 c.c.

art boom

Ang Unang Tao sa Pilipinas Alamat

Ang lawin, matapos awayin ang panginoon ng dagat, ay lumapag sa isang pulo upang magpahinga. Namataan niya ang isang malaki at matayog na punong kawayan. Pinagtutuka, at nabiyak ang kawayan. Lumabas mula sa biyas si Maganda at si Malakas, ang unang tao sa Pilipinas.Ayon sa Agham

Ang mga tao na unang nagka-katawan upang mabuhay nang nakatayo maghapon, araw-araw at habang-buhay, ay tinawag na mga unang taong nakatindig [homo erectus], natuklasan sa 2 bahagi ng Asia at tinawag na taong Java [Java Man] at taong Peking [Peking Man].

Unang natuklasan ang bungo ng taong Java nuong 1861 malapit sa Trinil, sa Java, Indonesia, ni Eugene Dubois at inakalang 700,000 taon ang tanda. Pagkaraan ng 100 taon, nuong 1969, natuklasan ang isa pang bungo ng taong Java sa Sangiran naman, sa Java rin, at natantong 1.7 milyon taon ang tanda. Ang taong Peking ay inakalang kulang-kulang kalahating milyong taon ang tanda matapos natuklasan ang bungo sa China, malapit sa Beijing, ngunit hindi matiyak sapagkat nadurog ang bungo sa bombahan nuong nakaraang digmaan.

May natuklasang butu-buto ng 3 tao sa kuweba sa Tabon [Tabon cave], sa Palawan, na nabuhay 24,000 taon SN. Sabi ng mga anthropologists na sila ay taong kasalukuyan [homo sapiens] at hindi mga unang tao. Maaari daw na kauri sila ng mga unang katutubo o aborigines ng Australia, ang Koori na dumayo mula Asia 60,000 taon nakaraan, at ng Japan, ang Ainu na dumating duon 3 o 4 na libong taon [may nagsasabing 10,000 taon] SN. Ang katunayan ay may tao na sa Pilipinas 24,000 taon SN, kung hindi man higit na maaga pa. Ang katotohanan ay walang nakaaalam kung ano sila, maliban sa hindi sila Negrito.Hindi ba Negrito ang unang tao sa Pilipinas? Malamang. Baka naman hindi, maaaring may ibang nauna. Ang pinakamatandang katibayan ay ang tao sa Tabon, kaya masasabing 'katunayan' na hindi Negrito ang unang tao sa Pilipinas. Ngunit hindi pa matiyak kung kailan dumating ang mga Negrito, kaya hindi pa masasabing 'katotohanan' ito. Ang mga gamit na bato na natuklasan sa Cagayan Valley ay maaaring ilang daan libong taon ang tanda. Negrito ba o hindi ang may gawa?

Ang dating sapantaha ay nakarating sa Pilipinas ang Negrito nuong huling Ice Age 30,000 taon hanggang 18,000 taon SN, nang bumabaw ang dagat at nakalakad ang tao sa lupang lumitaw mula Vietnam, Indonesia at Malaysia. Iyon ang sapantaha dahil akala walang alam ang Negritong magbangka o maglakbay sa dagat. Maaaring totoo ang sapantaha, maaaring mali ang akala. Marunong gumawa ng bangka at sagwan ang mga aborigine sa New Guinea at Melanesia, gamit ay palakol at askarol na batong pinatulis, at marunong mamangka nang maghapon. Marunong `din kaya ang mga Negrito na gamit din ay bato, at kailan natuto?

Ang katotohanan ay walang may alam kung kailan o kung saan nanggaling ang Negrito. Kung tutuusin, walang patunay na may Negrito o nagkaroon kailan man ng Negrito sa Pilipinas, maliban sa nasa Pilipinas sila. Ngayon at noong matagal na. Walang patunay sapagkat mahirap matunton sa sukal ng gubat ang mga gamit nila, ang pamumuhay nilang palaboy-laboy, walang bahay o pirmihang tirahan, o libingan ng patay.

Sila ang pinaka-hindi-pinansin sa lahat ng tao sa daigdig; sa Pilipinas, iilan na lamang ang natitirang pangkat-pangkat [walang tribo ang mga Negrito; angkan-angkan lamang ang pagsasama-sama nila]. Ang Aeta ng Zambales, Cagayan at Isabela, ang Agta, Arya, Ata at Ati ng Panay at Negros, ang Baluga, ang Batak ng Palawan at ang Mamanuwa ng Mindanao. Ngunit hindi pa nagtagal, sila ang pinakamadanak sa maraming pulo, gaya ng Panay [pinangalanan mula sa tawag nila sa isang halaman, ang aninipay] at ng Negros, pinangalan ng ganuon ng mga Espanyol dahil sa dami nila duon nuon.

Magkakaiba ang kanilang gawi; ang mga Aeta ng Cagayan at Isabela ay mapusok, ang mga Batak ng Palawan ay kimi, maraming bulaklak sa kawatan at patagu-tago sa gubat. Malamang magkakahiwalay at magkakaibang panahon, daan-daan o libu-libong taon ang pagitan, ang pagdating nila sa Pilipinas.

Sinasabing dinatnan ng mga Mangyan ang mga Negrito sa Mindoro 600 - 700 taon SN at, naitaboy man nila mula sa mga dalampasigan, hindi naman nila inapi at kuway nakipagkalakal pa, lalo na ang mga gintong iniluluwas ng mga Negrito mula sa bundok. Ang ginto ang naging batayan ng kalakal ng mga Mangyan sa mga nagpapabalik-balik na Intsik nuong kaharian ng Sung at ng Ming nuon ika-13 sandaang taon [13th century]. Hinayag ng mga Intsik ang kalakal sa pulo na tinawag nilang Mait, ang pulo ng ginto o Min-o-Lo. Ang kalakal naman ng Intsik, lalo na ang kanilang mga banga at mangkok, ang umakit sa mga taga-ibang pulo na magkalakal sa Mindoro, pati na marahil ang mga Hanuno, kaya masagana ang mga Mangyan hanggang dumating ang mga dayong Muslim na nagtaboy sa kanila sa bundok, gaya ng nangyari sa mga Negrito dati sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

Walang sukat ang poot ng mga Espanyol nang matuklasan nilang mga Muslim ang ilang Hanuno nuong ika-16 sandaan taon [16th century] at pinuksa nila hanggang sa looban at bundukin ng Mindoro. Napasamang naapi at nalipol ang lahat ng mga Mangyan at Negrito sa matagal na digmaan. Ngayon, patuloy pa rin ang pagkaapi at pagtataboy sa mga Mangyan ng mga dayo mula sa Luzon at Visayas, at ang pagsira ng mga loggers sa kanilang mga kaingin at pananim sa bundok. Ilan sa mga Katutubong Grupo (Indigenous Groups) na matatagpuan sa PilipinasSa Apayao

1. Apayao o Isneg

Sa Kalinga

2. Kalinga

Sa Benquet at Mountain Province

3. Ifugao

4. Igorot

5. Ibaloy

6. Kankanay

7. Bontok

8. Benguet

Sa Isabela

9. Gadang

Sa Zambales

10. Negrito o Aeta

Sa Quezon

11. Ken-uy

Sa Mindoro

12. Mangyan

a. Alangan b. Bangonc. Batangand. Buhid e. Irayaf. Nauhang. Ratagnon h. Tagaydan

i. Hanuno

Sa Palawan

13. Tagbanuwa

14. Batak

15. Tagabato

16. Taut-bato

17. Molbog

18. Jama-Mapun

Sa Surigao del Norte

19. Mamanuwa

20. Kalibugan

21. Subanun

Sa Zamboanga del Sur

22. Samal

Sa Maguindanao, Cotabato at Sultan Kudarat

23. Manobo

24. Tiruray

25. Iranun

26. Tboli

Sa Davao Oriental

27. Mandaya

Sa Davao del Sur

28. Bagobo

29. Blaan

Sa Basilan

30. Yakan

Sa mga pulo ng Sulu

31. Tausug

32. Buranun

Sa Karagatan ng Sulu

33. Badjao

Ang Ugnayan ng Arkipelago ng Pilipinas sa Ibat Ibang Kabihasnan sa Asya

Ang historikong panahon ng Pilipinas ay kalimitan binabatay na nagsimula noong 1521, ang taon ng pagdating ni Magallanes sa Pilipinas dahil sa mga tala ni Antonio Pigafetta ang kasamang chronicler ni Magallanes. Ngunit may ilang mga tala na patungkol sa Pilipinas bago pa ang siglo 16, ito ay ang mga tala mula sa dalawang sibilisasyon na may kaugnayan sa pagbuo ng kabihasnan sa Pilipinas, ito ay ang impluwensiyang Hindu ng India at impluwensiyang Tsina.

Ang impluwensiyang Hindu ay hindi direktang dinala sa arkipelago ng Pilipinas kundi sa pamamagitan ng mga naimpluwensiyahang Malayo na namalagi sa arkipelago. Dahil sa mga proseso ng pagpapalit ng mga kultura dala ng pangangalakal at pagtawid dagat nagkaroon ng mga ganitong pagsasalin ng kultura mula India hanggang Timog Silangang Asya. Samantalang ang impulwensiya ng kulturang Arabo ay nagsimula noong kalagitnaan ng siglo 14 kung saan dala-dala ng mga Arabong mangangalakal ang relihiyong Islam sa Timog Silangang Asya.

Noong siglo 13 nagsimulang mgangalakal ang mga Tsino sa Timog Silangang Asya. Samantalang ang unang tala tungkol sa ugnayan ng Tsina at Pilipinas ay matatagpuan sa Chu Fan Chih o mga Tala ng mga Barbarong Bansa na sinulat ni Chau-ju-Kua noong 1225 MK (siglo 13) ayon sa pag-aaral ni Wu Ching-hong. Dalawang mahabang taludtod ang naglalarawan tungkol sa pangangalakal ng Tsino sa arkipelago na kung tawagin ay Ma-yi at San-su (Tatlong Isla). Ito ay tinutukoy bilang Pilipinas ngunit walang ispesipikong lugar kung saan ito matatagpuan. Sinasabi ng ibang historyador na ang Ma-yi ay ang Mindoro ang iba, ito raw ay ang Luzon.

Ayon sa mga tala, ang mga mangangalakal na Tsino ay dumadaong sa mga pampang ng ilog na panirahan ng mga katubong Filipino. Nagbibigay ng handog ang mga mangangalakal na Tsino sa katutubong pinuno ng mga payong. Ang palitan ng mga kalakal ay binabayaran ng mga katutubo matapos ang ilan buwan sa pagbabalik ng mga Tsino. Kalimitan ang mga produkto ng mga katutubong ipinapalit sa mga Tsino ay dilaw na wax, bulak, perlas, balat ng pawikan, betel nuts o nganga, banig at telang uta. Samantalang ang mga Tsino ay nagdadala ng mga produktong porselana, mga gamit na metal, black lead, glass beads, karayom, itim na satin, at makukulay na sutla (silk). Ang tinutukoy na mga talong isla ay ang Kia-ma-yen (Calamian), Pa-lao-yu (Palawan) at Pa-ki-nung (Busuanga).

Nagpatuloy ang kalakalan hanggang dinastiyang Yuan (1277-1368) at may mga lumabas na mga panglan ng lugar gaya Min-to-lang ( Mindanao), Su-lu (Sulu), Ma-li-lu (Maynila) at Pi-sho-ye (Visayas).

Napag-aralan din ni Wu Ching- hong ang ugnayan noong dinastiyang Ming (1368-1644) na kung saan binanggit ang Lu-sung (Luzon) kung sang nagpapadala ng mga tributary missions sa Tsina. Di lang ang Lu-sung pati na ang pinuno ng Fang-chia-shi-lan (Pangasinan).

Ang Barangay, Datu, Gat at Rajah

Balangay ang tawag sa pinakabatayang yunit ng lipunan sa pangkalahatan, bunga ng tradisyong Austronesiko na dumating sa arkipelago. Ang barangay bilang pinakamaliit na organisasyong panlipunan ay nagpapahiwatig ng kapangyarihang nasa loob ng kamag-anakan. Sa mga pangkat na nabubuhay sa karagatan tulad ng mga Samal, ang bawat pamilya ay nakatira sa kani-kanilang mga bangka o lepa. Binabanghay din itong barangay o balanghai. Termino itong kapuwa ginagamit para sa pamayanan at sa sasakyang dagat na kanilang ginagamit sa paglalayag sa karagatan.

Umaabot nang mula 30 hanggang 100 ang bilang ng pamilya sa bumubuo ng barangay. Karaniwang magkakamag-anak ang mga pamilyang ito, maaaring ayon sa linya ng lalaki o babae. Dito nabuo ang mga bayan o tinatawag ding ili.

Ang mga pinunong may titilulong Gat, Datu at Rajah ay pawang mga katawagan sa ibat ibang panig ng arkipelago. Sa gitnang Luzon , may gat (ginoo) na kahawig din sa pangat ng Cordillera. Sa bandang Kabisayaan at Mindanao, may dato at tuan, na maiuugnay sa iginagalang na matanda sa komunidad. Sa mga Sama, ang dato ay kasingkahulugan ng anito. Samantalang ang titulong rajah ay galing sa salitang Sanskrit at pumasok marahil kasabay ng impluwensiyang Hindu noong 400 MK.

Ang Rajahanato ng Cebu at Maynila at Ang Sultanato ng Sulu at Maguindanao

Ang paglago ng mataas na komunidad maliban sa barangay ay matutukoy bilang mga komunidad na may pinunong may titulong Rajah kagaya ni Rajah Humabon ng Cebu at Rajah Sulayman ng Maynila. Ang mga nasabing rajah ay may kapangyarihang pasunurin ang iba pang mga datu o pinuno ng ibang barangay na kanilang nasasakupan.

Samantalang ang itinuturing na supra-barangay ay ang mga sultanato na nakapagtala ng politikal na kapangyarihan at impluwensiya sa pakikipagpalagayan sa mga magigiting na sibilisasyon sa rehiyon. Ang mga sultanatong ito ay ang Sulu at ang Maguindanao.

Sa Jolo itinatag ang unang sultanato ng Sulu noong 1450 MK, dahil sa pakikipalagayan nito sa mga katabing teritoryo, lalo na ang iba pang mga Islam na bahagi ng Malaysia, ang Sulu ay naging bahagi ng lumalawak na dar ul-Islam sa Timog Silangang Asya. Bilang supra-barangay, ito ay may kakakayahang magbigay ng kautusan sa mga nasasakupan nitong barangay. Ang sultan ay may kapangyarihang mas mataas pa sa datu. Dahil sa pagkalapit ng Sulu at Borneo, maaaring ang politikal na istraktura nito ay hango sa sultanato ng Borneo.

Samantalang ang pangalawang Sultanato ay itinatag sa Maguindanao ang kasalukuyang pook ng Lungsod ng Cotobato. Ayon sa tradisyong Maguindanao, isang Sharif Muhammad Kabungsuwan ang nagtatag nito noong 1515 matapos ang pagbagsak ng Malacca noong 1511.

Ang Pagdating ng Islam sa Hilagang Pilipinas

Ayon sa tarsila ng Sulu, isang Sayyid Abu Bakr ang dumating sa Buansa at doon ay naging pinuno na may titulong Sultan Sharif. Si Abu Bakr ay napangasawa ni anak ni Rajah Baguinda ng Sulu kung kayat unang naitayo ni Abu Bakr ang unang sultanato sa Sulu. Sa panahon ni Abu Bakr, ang Islam ay lumaganap mula sa baybaying dagat hanggang sa mga bulubunduking pook sa interior ng Sulu. Pinaninirahan ito ng mga Buruanun na sa bandang huli ay yumakap din sa Islam. Bihasa sa gawaing pangmisyonero, pinasimulan ni Abu Bakr ang maayos na pagtuturo ng Quran laluna matapos niyang maitatag ang isang madrasah o paaralang Islamiko. Tinuruan din niya ang iba kung paano magturo para mas maging maaayos at mabisa ang pagpapalaganap ng kaalamang teolohikal. Sa pamamagitan ng sultanato, ang Islam ay umunlad bilang relihiyon ng estado. Ang kapangyarihan, politikal man o pang-eknomiko, ay parating palatandaan ng lakas ng Islam.

Sentralisasyon ng kapangyarihang politikal sa katauhan ng sultan ang estadong Islamiko. Lima ang pamantayan sa pagpili ng sultan:

1. bangsawan (dugong-bughaw) - maaari lamang na maging sultan ang isang datu kung ang kanyang mga magulang ay nabibilang sa maharlikang lipi ng kadatuhan at kasaripan.

2. kamagulangan o nasa wastong gulang na ang magiging sultan ay pinakamatandang datu sa sultanato.

3. ilmawan o pagkakaroon ng lubos na kaalaman hinggil sa shariah (batas Islamiko) at adat (mga wikang banyagang Arabe at Melayu).

4. altawan o kayamanan na makikita sa kanyang mga pagmamay-ari, sakop at astana o palasyo.

5. rupawan o malakas ang pagkatao/ personalidad at matibay na moralidad o kagandahang asal.

Panahon ng Pakikipagugnayan: (900 AD-1300AD) ito ay panahon ng pakikipagkalakalan ng mga tao sa Pilipinas sa mga karatig bansa

Nuong panahon ng Pakikipagugnayan, ang pangunahing salita na ginagamit ay ang Malay. Kaya naman hindi katakatakang ang ilang salita sa Filipino ay may pagkakahawig sa salitang Malay lalot higit sa salitang tumutukoy sa Komersyo. Ang mga halimbawa nito ay:

upa (payment), lako (peddle), gusali (hall), tunay (real), biyaya (grace), aral (learning), atsara (pickles), patis (brine-salty water), puto (native cake), kalan (stove), pinggan (plate), pagsamba (adoration)

Ang mga kaugalian, produkto at ilang tradisyon ng mga Pilipino ay naimpluwensyahan din ng kulturang Hindu, tulad ng:

1. pagbibigay ng dowry

2. mga pamahiin tulad ng pagkain ng kambal na saging na maaaring magresulta sa kambal na anak, at ang paglilinis ng mukha ng pusa na nagpapahiwatig na may bisitang darating.

3. ang uri ng pananamit tulad ng putong at sarong na nahahalintulad sa puttee at sari ng mga Indian.

4. mga uri ng bulaklak tulad ng sampaguita at champaka

5. prutas tulad ng Indian mango at nangka

6. mga gulay tulad ng ampalaya, patola, at malunggay

7. Mga salitang Hindu tulad ng:

Ama (father), nanay (mother), asawa (wife or husband), halaga (price), kalapati (dove), kuta (fort), sutla (silk), saksi (witness), tala (star), raha (king), sandata (weapon), maharlika (noble)

Ang mga minanang salita naman sa mga Intsik ay may kinalaman sa pamilya tulad ng:

ate (big sister), kuya (big brother), suki (friend), gunting (scissors), hiya (shy) Mga Tradisyonal na Pampamayanang Pilipino

sa Islam nanggaling ang sultanatong uri ng gobyerno, kasama sa mga titulong pangpulitika at maharlika ay ang:

1. sultan (pinakamataas na pinuno)

2. raja muda (tagapagmana)

3. dayang (prinsesa)

4. kali (hukom)

ang sunod sa hanay ng mga pinuno at mamayan base sa kayamanan, impluwensya at pribilehiyo ay ang:

1. datu o namumuno

2. maharlika o pamilya ng namumuno

3. timawa o pangkaraniwang mamamayan

4. alipin o ang tagapaglingkod

iba pang hanay sa lipunan ay binubuo ng:

5. umalahokan isang tagapagbalita

6. anito ninuno

7. babaylan pari na may mataas na antas

8. mangkukulam pari na may mababang antas

Ang Islam ay dinala sa kapuluan ng mga mangangalakal na Indones. Ilang taon bago dumating ang mga kastila, ang Islam ay naitaguyod na sa kapuluan ng Sulu, at lumaganap sa Mindanao na umabot sa Maynila nuong 1565. Subalit kahit na ang Islam ay nakarating sa Luzon, ang pagsamba sa Anito ang sya paring ginagawa ng karamihang katutubo sa kapuluan. Ang mga migranteng Muslim na dumating sa Pilipinas ang syang nagpakilala ng pampulitikang konsepto ng mga teritoryong pinamumunuan ng isang raja o sultan na kung saan ay may kapangyarihan syang higit kaysa sa datu. Tinatayang nasa 500,000 ang mga taong naninirahan sa mga barangay sa buong kapuluan ng Pilipinas nuong panahon ng pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas.

Kasaysayan ng Pilipinas sa Panahon ng Pananakop ng mga Dayuhan

Lubhang malayo ang Pilipinas sa Espanya (Spain), hindi lamang libong kundi hindi daang libong kilometro ang layo nila sa isat isa. Ang Pilipinas ay nasa Timog Silangang Asya samantalang ang Espanya ay nasa Hilagang bahagi ng Europa. Kung paaanong nagtagpo ang landas ng dalawang bansang ito ay isang pangyayaring maraming kadahilanan at sanhi;

1. ang pangangailangan ng Espanya sa mga lupain sa Silangan o Asya;

2. ang pangangailangan na makatuklas ng bagong ruta patungong Silangan at

3. ang pagkatuklas ng mga teritoryo sa ibat ibang panig ng mundo noong ika-15 at ika-16 siglo.

Kung paanong umusbong ang mga pangangailangang ito ay dapat balikan ang kalagayan ng Europa noong ika 15 at ika 16 na siglo.

Ang Kalagayan Sa Europa noong ika-15 at ika-16 na Siglo

Noong mga ika-14 na siglo, wala pang gaanong kamalayan ang alinmang bansa o kaharian sa Europa tungkol sa Silangan o Asya na nooy may napakagandang sibilisasyon. Tanging ilang mangangalakal na taga Venezia, Italya (Venice, Italy) lamang ang may pakikipag-ugnayan sa Silangan, partikular sa Tsina, dahil sa pakikipagkalalakan.

Sa panahon ng Renaissance, lumawak ang pakikipagkalakalan ng mga bansa sa Europa sa Asya. Kapag sila ay bumabalik sa Europa, marami silang mga magagandang bagay na sinasabi tungkol sa sibilisasyon sa Asya. Ang mga ito ay higit pang pinatunayan ng mga kasapi at kasama sa Banal na Krusada (The Crusaders) at pinagtibay ng Italyanong manlalakbay na si Marco Polo, na sumulat ng aklat na naglalarawan ng kariktan ng Silangan o Asya.

Dahil sa mga balitang ito, nag-ugnayan ang mga bansang Europeo na maglayag at marating nila ang Silangang bahagi ng mundo na sa gayon ay makinabang sila sa yaman at ganda nito. Ang pangangalakal sa Silangan o Asya ay biglang lumago at ang mga bansang Portugal, Espanya, Inglatera (England ngayon ay U.K.), Olandiya (Holland dati ngayon ay The Netherlands) at Pransya (France) ay nakihati na rin sa pangangalakal na datiy ang Italya lamang ang nagsasagawa.

Sa panahon ng kalakalang ito, tatlong ruta ang ginagamit ng mga mangangalakal sa Europeo patungo sa Silangan o Asya at ang mga ito ay:

1. Malacca (Malaysia) Indian Ocean Red Sea Cairo, Egypt

2. Malacca Indian Ocean Persian Gulf Baghdad - Constantinople (Turkey - Istanbul)

3. Bokhara at Samarkha - Caspian Sea Black Sea Constantinople

Maayos na sana ang kalakalan kung hindi nasakop ng mga Turko (Muslim Turk) ang Constantinople at ipinagbawal ang paggamit ng mga rutang sakop nito. Makakadaan lamang ang isang barkong pangangalakal kung magbabayad ito ng buwis na lubhang mataas naman ang halaga. Tanging ang mga taga Venezia lamang ang pumayag sa pagbabayad ng buwis kung kayat nasolo nila ang pangangalakal sa Silangan. Isang ruta lamang ang pwedeng maggamit ng ibang pangangalakal na lubhang napakabagal sa dahil malayo ang Daungan ng Ehipto (Egypt) sa Tsina (China). Bukod pa rito ay nagkaroon ng pamimirata at nakawan ng mga kalakal sa rutang nabanggit.

Dahil sa pangyayaring ito, napilitan ang mga mangangalakal na humanap ng mga bagong ruta patungong Silangan. Kailangang makipagpatuloy nila ang pangangalakal sa Silangan dahil umuunlad nilang pamumuhay at dahil na rin sa mga bagay o produktong di matatagpuan sa Europa, lalo na ang mga rekadong pampapalasa o spices. Sa paghahanap nila ng bagong ruta, nanguna ang Portugal sa pagapapadala ng mga ekspedisyon patungong Silangan.

Ang paghahanap ng bagong ruta patungong Silangan ang siyang nagging dahilan naman upang matuklasan pa ang ilang bahagi ng mundo, lalo na ang mga pulo at karagatan, na nagpasimula sa pangongolonya ng mga bansa sa Europa. Itinuring nila na kanila ang kanilang mga natukalasan kung kayat lumawak ang mga teritoryo nilang nasasakupan. Ang Portugal ang nagging makapangyarihan sapagkat nagkaroon siya ng maraming bagong pulo dahil sa pagapadala niya ng maraming nabigasyon patungong Silangan. Hindi ito minabuti ng Espanya na nooy naghahangad din na makatagpo ng rutang pasilangan. Nagpadala rin ang Espanya ng mga ekspedisyon upang makatuklas ng mga bagong lupain. Ang mga kinilalang mga paglalakbay o ekspedisyon mula sa dalawang kaharian ay ang mga sumusunod:

1. Prinsipe Enrique (Portugal) Madeira at Azores, Cape Verde Islands at Sierra Leone

2. Bartolomeo Diaz (Portugal) Cape of Good Hope

3. Vasco de Gama (Portugal) Timog Africa, Cape of Good Hope at Calicut, India

4. Cristobal Colon o Christopher Columbus (Espanya) Bagong Daigdig ( Amerika)

5. Amerigo Vespucci (Espanya) umikot sa Bagong Daigdig o Amerika kung saan pangalan nito ay hango sa kanya

6. Vicente Pinzon (Espanya) Brazil

7. Vasco Nuez de Balboa (Espanya) Dagat Pasipiko

Sa mga pagkatuklas na mga ito, mapapansing ang Espanya ay napagawi sa mga Kanlurang bahagi samantalang ang Portugal naman ay napunta sa Silangan. Ang Portugal ang nakatuklas ng bagong daan patungong Silangan sa pamamagitan ng rutang daraan sa Africa, kung kayat ipinahayag nito na walang sinuman ang makakagamit ng rutang ito maliban sa kanya. Dahil dito ay higit na kinailangan ng Espanya na humanap ng bagong ruta patungong Silangan.

Kasunduan Upang Wakasan ang Alitan sa Pagitan ng Portugal at Espanya

Naging matindi ang alitan sa pagitan ng Portugal at Espanya dahil sa pagtatag ng mga imperyo sa ibat ibang panig ng mundo kung kayat namagitan ang Simbahang Kotoliko sa dalwang Katolikong bansa sa pamamagitan ni Papa Alejandro VI (Pope Alexander VI) na nagpalabas ng isang papal bull noong May 3, 1493 na naghahati sa mundo sa dalawang bahagi kung saan ang Portugal ang siyang magmamayari ng Silangang bahagi samantalang ang Kanlurang bahagi ay sa Espanya. Subalit noong Setyembre 25, 1493, pinahintulutan ng Papa ang Espanya na sumakop sa mga pulong natutuklasan sa Silangan. Hindi ito naibigan ng Portugal kung kayat nagkaroon ng panibagong kasunduan noong Hunyo 7, 1494 na nilagdaan nila na tinawag na Kasunduan ng Tordecillas. Nilalaman nito ang mga sumusunod:

1. ang paghahati ng mundo ay 370 legwa (leagues) buhat silangan ng Cape Verde Islands. Ang silangan ay sa Portugal at ang kanluran ay sa Espanya;

2. ang sinuman sa dalawang bansa ang makatuklas ng lupain sa bahaging hindi kanila ay ipagkakaloob sa sadyang nagmamay-ari nito at;

3. ang pakikipagkalakalan sa alin mang bahaging hindi nauukol sa kanila ay mahigpit na ipagbabawal.

Ang kasunduang ito ang panandaliang lumutas sa alitan ng dalawang nagbabanggaang kaharian.

MAHIGIT 400 taon SN, nilusob ng mga Espanyol ang Pilipinas. Bakit?!

Hindi sinasadya, naligaw lang, naghahanap lang ng panghalo sa ulam, - ni hindi alam na mayroon palang Pilipinas! Ang sadyang hinahanap nila nuon una ay ang mga pulu-pulo sa Indonesia, ang Maluku [Moluccas, the Spice Islands], na naging bantog bilang kaisa-isang tinubuan ng spices, mga panghalo at pampalasa sa pagkain na inasam nuon, at inaasam hanggang ngayon sa Europa, lalo na ang nutmeg, cloves [clavos sa Espanyol] at ang tinawag nilang cinnamon [kayu manis o matamis (manis) na kahoy (kayu)]. Nagpapabango at nagpapasarap ng pagkain.

Ang mga descendants kasi ng mga magdaragat na lumikas sa Maluku nuong araw ay naglayag pabalik-balik sa India at sa pulo ng Madagascar, sa tabi ng Africa. Nagkalakal ang mga taga-Maluku ng spices kapalit sa mga salamin, tanso, mga sinsing, kuwintas, damit at iba pa. Isang balikan at mayaman habang buhay ang lahat ng naglayag, kaya lakas loob nilang tinawid ang lawak at panganib ng dagat ng India [Indian Ocean], kahit na 5 taon bago nakakabalik sa Maluku. Karamihan ng mga spices na dala sa India ay nauubos duon; ang mga dala sa Madagascar ang natikman ng mga taga-Europa. Mula duon, dala-dala ng mga Arabe at Afrikano ang mga spices papunta sa Rhapta, sa Somalia, tapos tuloy sa Muza, Yemen, bago dinadala sa baybayin ng Red Sea sa Arabia papunta sa Mediterranean Sea at sa mga bayan ng Europa.

Hayag ni Pliny the Elder, isang historian ng ancient Rome nuong bandang 2040 taon SN, na ang cinnamon na nilalako ng mga taga-Ethiopia ay binibili lamang nila sa mga kalapit, na bumibili naman sa mga magdaragat na palaging tumatawid sa Indian Ocean.

Tinatawid ang mga malalawak na dagat sakay sa mga balsang walang gabay o sagwan, o anumang tulong sa paglalakbay maliban sa kanilang tapang at buong kalooban. Naglalayag sila kapag tag-ginaw, nang humaharabas ang hangin mula silangan at tuloy-tuloy silang nakakarating. Halos 5 taon bago sila nakakabalik sa pinanggalingan, at marami sa kanila ang namamatay sa paglalakbay. At ano ba't para lamang sa hilig ng mga babae nila sa alahas at moda.

Ngunit bago pa sumikat ang ancient Rome, nagkalakal na ang mga magdaragat sa iba't ibang lugar sa kanluran. May natagpuang cloves sa Terga, Syria, na bandang 3,700 taon na ang tanda. Sa ancient Egypt din nuong bandang 3,500 taon SN, nabanggit ang cinnamon nuong reyna pa duon si Hatshepsut, ang tanging babaing naging Paraoh. Pati sa mga lumang kasulatan ng mga Hudyo, nuong 2,700 taon SN, nang nakatayo pa ang Templo sa Jerusalem, kahalo ang cinnamon, at baka na rin ang tanglad [lemon grass] sa mahal na langis na ginagamit sa Templo. Ang mga Hudyo ang nagpangalan ng quinamon na nahiram naman sa English na cinnamon.

Kung ilang daang taon nahirati ang mga taga-Europa sa lasa at bango ng mga spices, kaya lubha silang naunsiyami nang sakupin ng mga Muslim ang Middle East at hilagang Africa nuong bandang 700, at naipit ang daloy ng spices mula Maluku. Lalo nang naputol ang daloy nang sakupin ng mga Muslim sa Turkey ang Constantinople [Istanbul ang tawag ngayon] nuong 1453. Ang 2 mayaman at magkaribal na lungsod sa Italia lamang, ang Genoa at Venice, ang pinayagan ng mga Muslim na bumili ng mga spices at iba pang bilihin sa Arabia at sa Middle East. Sinarili ng 2 ang napakaunting kalakal sa Mediterranean Sea at nagmahalan ang seda [silk] at lahat ng mga bagay mula sa Asia. Lumagpas ng 30 patong ang halaga ng spices sa Europa, pang-mayaman na lamang ang pampalasa ng pagkain duon.

Samantala, sa dulong kanluran ng Europa, ang magkatabing kaharian ng Portugal at Espanya ay kapwa naghirap sa gilid ng Atlantic Ocean. Barado mula sa ugnayan sa buong Europa dahil sa mapagkamkam na mga taga-France at mga taga-Italia, at dahil sa matagal na pagsakop sa kanila ng mga Muslim, hindi sila nakapagkalakal at kumita nang mainam. Naisipan ng mga Portuges, sa pamumuno ni Principe Enrique [Prince Henry, the navigator], na mag-aral ng paglalayag upang makapagkalakal sila sa iba't ibang bayang nararating sa Atlantic Ocean. Yumaman ang Portugal, nasarili ang ginto at iba pang kalakal sa kanlurang Africa, at palayo nang palayo ang naabot ng kanilang mga barko hanggang nuong 1488, nabagtas ni Bartolome Diaz ang buong pampangin ng Africa hanggang dulong timog. Duon, nuong Pasko ng 1500, naikot ni Vasco De Gama ang lusutang tinawag niyang Cabo da Boa Esperanza [Cape of Good Hope] papuntang Asia. Lalong yumaman ang mga Portuges nang marating at magkalakal sa India. Nagtayo sila ng mga kuta sa Africa at India upang hadlangan ang ibang mga taga-Europa na nais ding humakot ng spices at iba pang kalakal mula Asia.

Hangal ang mga Espanyol, nais magpayaman din kahit na upahan nila ang sinumang payag maglayag para sa Espanya. Una nilang pinundaran si Cristobal Colon [Christopher Columbus], taga-Italya na balak, upang makaiwas sa mga sandatahang Portuges sa Africa at dahil paniwala niyang bilog ang daigdig, maglayag pakanluran at bagtasin ang Atlantic Ocean at datnan ang Asia at India mula sa kabilang panig. Wala nuong nakaaalam na may America palang nakaharang duon. Akala ni Columbus, India ang tinumbok niya nuong 1492, tinawag niyang indio ang mga taong natagpuan niya. Hanggang ngayon tuloy, indian pa rin ang tawag sa mga katutubong Amerikano [native Americans], kahit na wala silang anumang kaugnayan sa India.

Sumugod din ang mga Portuges sa America, sinakop ang Brazil. Nagsasalpukan na ang 2 magkapit-kaharian nang umawat si Papa Julio Dos [Pope Julius II] at pinagkasundo sa Tordesillas [Treaty of Tordesillas] nuong 1494 na hatiin ang daigdig. Ang lahat ng lupaing "natuklasan" sa bandang silangan ay angkin ng Portugal, at sa bandang kanluran ay sakop naman ng Espanya. Lintik ang galit ng ibang mga taga-Europa - France, England, [Dutch] Netherlands at Italya - na nais ding magkalakal sa Asia at India.

Mula sa Goa, ang kanilang himpilan sa India, narating ng mga Portuges ang kaharian ng Malacca, sa Malaysia [malapit sa Singapore] nuong 1510 at nalaman kung saan ang Maluku [Moluccas, Spice Islands] na tanging pinanggagalingan ng mga spices. Hindi nag-isang taon, nuong 1511, sinakop ni Alfonso de Albuquerque ang Malacca, na ginawa nilang malaking kuta, Porta de Santiago [Port of St. James]. Sa sumunod na taon, 1512, natagpuan at sinakop ng mga Portuges ang Maluku. Ang laking ligaya nila nang makitang tumutubo nang ligaw ang cinnamon, cloves at iba pang spices sa mga pulu-pulo ng Maluku, hindi ginagamit, ni hindi pinapansin ng mga tagaruon. [Gaya ng mga Pilipino], ang mga taga-Indonesia ay hindi mahilig kahit hanggang ngayon sa lasa ng cinnamon at cloves. Nalalasap lamang ang mga ito sa mga lutong Amerikano at Espanyol; ang nutmeg ay karaniwang gamit ng mga taga-India naman.

Ipinagbibili lamang ng mga taga-Indonesia ang cinnamon, hindi nila ginagamit. At ang cloves, ni wala silang pangalan kundi kretek, ang tunog nito kapag nasusunog. Hinahalo kasi nila sa bantog na sigarilyo, rokok kretek [clove cigarettes], at kapag sinindihan, ang tunog ng putok ng cloves ay tek-krek-tek!

Hindi na mamahalin ang spices ngayon dahil naitanim na sa India, Africa at mga pulo-pulo sa Caribbean at South America. Ang pinakamahal na spice ngayon ay ang saffron, hibla ng bulaklak na hinihimay isa-isa at nagpapasarap sa lahat ng lutuin, lalo na sa arroz valenciana at paella. Abot sa 25,000 piso ang isang kilo ng saffron. Saan tumutubo ang saffron? Sa Espanya, at ilan pang pook lamang.

Panghuli: Isa sa mga sundalong Portuges na lumusob sa Malacca nuong 1511, at dumayo sa Maluku nuong 1512, ay isang magiting na binata, nagngangalang Fernao de Magalhaes. Sa Espanya, nang lumikas siya duon, ang pangalan niya ay Fernando Magallanes [sa English, Ferdinand Magellan].

Mga Barkong ginamit nina Magallanes:

1. San Antonio Juan de Cartagena ang Capitan

2. Trinidad Fernando Magallanes and Capitan

3. Conception Gaspar de Quesada and Capitan

4. Victoria Luiz de Mendoza ang Capitan

5. Santiago Juan Serrano and Capitan

Ang Ekspedisyon ni Fernando Magallanes

1. San Lucar de Barameda, EspanyaNuong Setyembre 20, 1519, Si Magallanes, kasama ang may 250 tauhan lulan ng limang barko (ang Trinidad, Conception, Santiago, San Antonio, at Victoria) ay umalis ng Espanya at nglayag papuntang kanluran. Kasama at panauhin ang isang tagamasid [observer], si Antonio Pigafetta na nagtala araw-araw ng buong paglalakbay mula, at pabalik sa Espanya.

2. Mga Isla ng Canary Unang sinapit nina Magallanes ang Isla ng Canary nuong Setyembre 26, 1519.

3. Pernambuco, BrazilTinawid nila ang karagatan ng Atlantiko, at nuong Nobyembre 29,1519 narating nila ang Pernambuco, Brazil.

4. Rio de Janiero, Brazil

Nuong Disyembre 13, 1519, pinangalan ni Magallanes ang Rio de Janiero bilang Santa Lucia dahil lumapag sila rito nuong kapiestahan ng santa. Duon, nakipagpalitan sila ng produkto sa mga katutubong Indian para sa pagkain.

5. Rio de la PlataNarating nila ang lugar na ito nuong Pebrero 1520. Nagsisimula nang lumamig sa parting ito ng mundo.

6. Puerto San JulianSa lugar na ito nagtago sina Magallanes sa bagyo nuong Marso 1520. Sa panahong ito rin nagsimulang magplano ang ibang Kapitan na huwag nang magpatuloy at bumalik na lamang sa Espanya.

7. Rio Santa CruzAgosto ng 1520, nagdagdag sila ng pagkain sa lugar na ito.

8. Ilang mga insidente

Nawasak ng malakas na bagyo ang barkong Santiago.Ang San Antonio, sa pangunguna ni Esteban Gomez ay lumikas nuong gabi ng Nobyembre 20, 1520 at nagbalik sa Espanya.

9. Kipot ni Magallanes

Pinangalanan ni Magallanes bilang Kipot ng mga Santo, lumusot sila rito at narating ang karagatan ng Pacifico nuong Nobyembre 28, 1520.

10. Guam

Pagkatapos ng 98 araw sa Pacifico, narating nila ang mga Isla ng Guam na tinwag ni Magallanes bilang Islas Ladrones (Isla ng mga Magnanakaw) nuong Marso 6, 1521.

11. Isla ng Suluan sa SamarNuong Marso 16 o 17, 1521, narating nila ang Samar at pinangalanan itong "Islas de San Lazaro," sa karangalan ng kapiestahan ni San Lazaro.

12. Maliit na Isla ng HomonhonMatatagpuan sa may Golpo ng Leyte, dito sila bumaba at ginamot ang mga may sakit.

13. Masao,Butuan, Agusan del NorteLumapag nuong Huwebes Santo, Marso 18, nakaniig ni Magallanes si Raja Kolambu, nagkasundo silang magsandugo (kasi kasi or blood compact ceremony) nuong Marso 29, 1521.

14. Ang Unang MIsaNuong Linggo ng Pagkabuhay Marso 31 1521, isang misa ang tinanghal sa Masao sa panguguna ni Padre Pedro de Valderrama.

Isang malaking krus na yari sa kahoy ang itinayo sa may burol, at sa pagkakataong ito, pinangalan ni Magallanes ang buong kapuluan bilang "Islas de San Lazaro."

15. Cebu

Si Magellanes at Raha Kolambu, kasama ang kanilang mga tauhan ay pumunta at nakalapag sa Cebu nuong Abril 7, 1521. Tinanggap ang kanilang pagdating nina Raha Homabon at ng kanyang asawa na si Lisabeta. Ang dalawa ay bininyagan sa pagkakatoliko, Carlos at Juana bilang mga bagong pangalan, at binigyan ng imahen ng batang Jesus (Sto. Nino) bilang regalo.

16. MactanDalawa ang Datu sa Mactan, si Zula na tumangkilik kay Magallanes, at si Lapu-lapu na hindi tumangkilik. Para ipakita ang kanyang bangis, sinugod ni Magallanes ang Mactan nuong Abril 27, 1521, subalit napipilan siya, sampu ng kanyang tauhan ng pangkat ni Lapu-lapu at napatay pa sa enkwentro.

17. Ang Pagpatay sa natitira pang mga EspanyolNuong Mayo 1, 1521, ang nalalabing tauhan ni Magallanes ay tinangkang pagpapatayin ng mga Cebuano habang nakikipag-piging kay Raha Humabon. Napilitan silang tumakas sakay ng barkong Trinidad at Victoria. Hindi na nila nadala pa ang barkong Conception dahil kulang na sila sa tauhan para patakbuhin pa ito, kaya sinunog na lamang nila ito.

18. Tidore MoluccasNuong Nobyembre 8, 1521, narating nila ang Tidore kung saan nakabili sila ng mga sangkap para sa pagluluto (spices). Sakay ng Victoria, sa pangunguna ni Juan Sebastian del Cano, nagtuloy sila ng paglalakbay hanggang sa makabalik sa Espanya.

19. Pagbabalik sa Espanya

Ang Victoria, sa panguguna ni Juan Sebastian del Cano nuong Setyembre 6, 1522, kasama ang 18 tauhan ay naikot ang mundo sa tagal na 2 taon, 11 buwan, at 16 na araw.

Mga Espedisyon Pagkatapos ni Magallanes:

Mga espedisyon sa Pilipinas na hindi naging matagumpay:

1st: Pinamunuan ni Kapitan Garcia de Loaysa nuong 1525 kasama ang 450 katao lulan ng 7 barko (hindi nakarating sa Pilipinas)

2nd: Pinamunuan ni Sebastian Cabot nuong 1526 kasama ang 250 katao lulan ng 4 na barko (hindi nakarating sa Pilipinas)

3rd: Pinamunuan ni Alvero Saavedra Ceron nuong 1527 kasama ang 110 katao lulan ng 3 barko. Ang barkong Florida lamang ang nakarating sa Pilipinas sa may Surigao.

4th: Pinamunuan ni Ruy Lopez de Villalobos nuong 1542 kasama ang 400 katao lulan ng 6 na barko. Narating nila ang baybayin ng Banganga sa may Silangang bahagi ng Mindanao nuong Pebrero 2, 1543. Narating din ng ilan sa kanila ang isla ng Leyte. Pinangalanan nila ang kapuluan ng Filipinas bilang pag pupugay sa kanilang susunod na hari sa Espanya na si Prinsipe Filipe II.

Ang Ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legaspi

Pagkatapos ng sunod-sunod na kabiguan ng mga Espanyol, natigil ang pagpapadala ng mga ekspedisyon sa loob ng dalawampung taon. Muling nabuhay ang pagnanais ng Espanya na magtungo sa Pilipinas at sa pagkakataong itoy si Miguel Lopez de Legaspi naman ang napiling mamumuno. Si Padre Andres de Urdaneta naman ang nagging piloto ng ekspedisyon. May mga layunin ang ekspedisyong ito:

1. mag-ulat tungkol sa mga ruta ng kalakalan sa rekadong pampapalasa o spices;

2. tumuklas ng mga rutang pabalik ng Mexico;

3. magtatag ng permanenteng pamayanan sa Silangan o Asya.

Nang sina Legaspi ay makarating Leyte agad silang tumulak ng Samar hanggang sa marating nila ang Cebu. Mula Cebu ay narating nila ang Panay hanggang sa makarating ng Luzon at iyun ay sa Maynila. Mayroong mga pulo na hindi maganda ang pagtanggap ng mga mamamayan tulad ng Cebu sa ilalim ni Raha Tupaz, sa Maynila sa pamumuno naman nina Raha Sulayman at Lakandula. Subalit ang mga Espanyol ay naging matatag sa pakikipagkaibigan. Nakipagsanduguan si Legaspi sa mga katutubo at ginamit ang sandata upang makuha ang kanilang minimithi.

Ipinasya ni Legaspi na magtatag ng pamayanan upang maisakatuparan ang isa sa mga layunin ng ekspedisyon. Ang pamayanan sa Cebu ang una niyang itinatag at tinawag itong Lungsod ng Kabanal-banalang Ngalan ni Jesus. Ang ikalawang pamayanan ay itinatag naman sa Panay at ang ikatlo ay sa Maynila na tinawag namang Karapat-dapat at Matapat na Lungsod.

Bagaman at naitatag na ang mga pamayang Espanyol sa Pilipinas, maraming naging suliraning kinaharap sina Legaspi at ang ilan ay ang mga sumusunod:

1. kakulangang ng pagkukunan ng pagkain

2. ang pamayanan ay nasunog sa Cebu at hindi matukoy ang dahilan

3. hindi pagkakaunawaan nina Legaspi at ilang mga tauhan dahil sa pagbabawal ni Legaspi ang pananamantala sa mga katutubo

4. mga sulurinanin nila sa pagsalakay ng mga Portuges sa Pilipinas

Upang maibalita sa Espanya ang tagumpay ng ekspedisyon, inutusan ni Legaspi si Padre Andres de Urdaneta, Padre Andres de Aguirre at apong si Felipe de Salcedo upang maglayag pabalik ng Mexico. Maluwalhating nakabalik ang mga ito hanggang makabalik hanggang Espanya na ipinagbunyi ng buong imperyong Espanya. Dahil dito, pinili si Legaspi bilang unang gobernador-heneral sa Pilipinas noong taong 1565 at itinuring na kolonya ng ng Espanya ang Pilipinas. Binawian ng buhay si Legaspi noong Agosto 20, 1572 kayat humalili sa kanya ang kanyang apong si Felipe de Salcedo bilang gobernador-heneral. Ito ang naging simula ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas.

Ang Pilipinas Bilang Kolonya ng Espanya

Ang Istruktura ng Pamahalaang Espanyol

Ang Pilipinas bilang isang kolonya o lupang-sakop ay pinamahalaan ng Mexico mula noong 1565 hanggang 1821. Ang pamamahala ay ginawa sa pamamagitan ng Consejo de las Indias ng Espanya at napilitan ng Ministro de Ultramar noong ika 19 na siglo. Ang pamahalaang itinatag ng Espanya ay maaaring ilarawan sa pagkasentralismo, paternalismo at byurokratiko anyo nito.

Ang sistema ng pamahalaan ay monarkiya na pinamumunuan ng Hari ng Espanya na kinakatawan naman ng Gobernador Heneral. Ang mga batas ay nagmumula sa Espanya at Mexico sa pamamagitan ng Viceroy ng Mexico na siyang may direktang kautusan sa Pilipinas. Ang mga ito ay ipinapatupad naman sa Pilipinas ng gobernador-heneral at kung may paglilitis ay sa pamamagitan ng Real Audiencia (royal court).

Bagaman ang gobernador-heneral ang nagpapatupad ng mga batas sa Pilipinas, mayroon siyang mga pribelihiyong ibinbin o ipagpaliban ang mga ito na tinatawag na cumplase. Mayroon din siyang karapatang gumawa ng mga patakaran o kautusan para sa kanyang nasasakupan na tinatawag naming decreto superior.

Dahil malawak ang kapangyarihan ng gobernador-heneral, nagsimula ang kanilang pag-abuso sa kanilang nasasakupan. Nagsimulang maningil ng buwis na higit na mataas sa dapat bayaran at natuto rin silang manamkam ng lupa at ariarian. Ang mga ganitong gawain ay nakakarating sa Hari ng Espanya kung kayat nagpatupad ito ng mga paraan upang maiwasan ang katiwalian na tinatawag na residencia at visita.

Samantalang ang mga nasakop na lalawigan ay pinamumunuan ng isang alcade mayor, habang ang mga naitatag na lungsod ay alcade na may konsehong kung tawagin ay Ayuntamiento. Ang bawat lalawigan ay binubuo ng bayan o pueblo na pinamumunuan ng mga gobernadorcillo. Ang bawat pueblo ay nahahati naman sa tinatawag na mga baryo na siyang pinamumunuan ng isang cabeza de barangay.

Ang Reduccion o Plaza Complex

Naging tungkulin ng mga misyonerong Espanyol na tipunin ang mga katutubong Filipino na kalat-kalat na ninirihan sa ibat ibang mga lugar. Upang matipon ang mga ito isang pamamaraan ay ang reduccion na ibig sabihin ay nasasakop sa pamamagitan ng tunog ng kampana. Mula sa sa salitang Espanyol na reducir na nangangahulugang pagsupil o paglupig. Tinangka ng mga Espanyol na paamuhin ang mga nag-aatubiling mga Filipino. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga kumbento, casa real o munisipyo at plasa bilang sentro ng mga gawain at pagtitipon-tipon.

Para sa mga Espanyol, ang reduccion ang walang dudang nakatulong nang malaki sa kanilang pagsakop sa mga Filipino. Dahil sa reduccion, nagkaroon ng tinatawag na plaza complex na kinalalagyan ng simbahan at munisipyo na pinaliligiran ng mga bahay ng mga indio. Ang simbahan ang naging sentro ng buhay ng mga tao mula kapanganakan hanggang kamatayan.

Ang Sistemang Encomienda

Ang sistemang ito ay may kinalaman sa pagmamay-ari ng lupain. Sa pagdating ni Legaspi sa Pilipinas, ang mga lupain ay kanyang ipinamahagi sa kanyang mga tauhan. Dahil dito, nagkaroon ng tatlong uri ng encomienda; 1) laan sa para sa hari o encomienda real, 2) laan para sa simbahan at 3) laan para sa mga pribadong indibidwal. Ang bawat encomienda ay pinapangasiwaan ng mga encomiendero at ipinapatrabaho sa mga indio (tawag sa katutubong Filipino ng mga Espanyol) at mga dayuhang Tsino o sangleyes. Ang kita ng encomienda ay pinaghahatihatian ng mga may-ari at ng mangagawa.

Ang nasabing sistema ay hindi nakabuti dahil sa pang-aabuso ng mga encomiendero na may malaking bahagi sa hatian sa kita. Bukod dito ay naniningil ang mga ito ng mas mataas na buwis sa mga mangagawa sa encomienda at mataas na interes sa mga pautang sa mga mangagawa na nagpahirap sa mga ito.

Sistema ng Pagbubuwis

Ang encomienda ang unang ginamit na instrumento ng pangongolekta ng buwis sa mga indio. Tatlong uri ang mga buwis ang kinokolekta sa mga katutubo: 1) direktang tributo at buwis mula sa kita 2) di-direktang buwis kasama ang bandala at buwis sa adwana at 3) ang mga monopolyo ng di-karaniwang produkto at mga bagay gaya ng alak, tabako, bunga at ikmo, paputok at apuyan.

Mababayaran ang buwis sa pamamagitan ng pera o produkto. Simula noong 1570, itinakda ang buwis sa 8 reales o maaari rin ang ginto, kumot, tela, palay at iba pa. Itinaas ito sa 15 reales na siyang ibinabayad ng mga Filipino hanggang siglo 19.

Maliban sa tributo, isang espesyal na buwis na real o bigas na tinatawag na samboangan o donativo de Zamboanga ang kinokolekta upang sugpuin ang pananalakay ng mga Moros o Muslim. Ginawa ito ng mga Espanyol simula noong 1635 hanggang kalagitnaan ng siglo 19. Dagdag rito ang vinta na kinokolekta mula 1781 hanggang 1851 upang ihanda ng mabuti ang mga sasakyang vinta sa pagtatangol laban sa mga pirata ng mga pook sa Pampanga at Bulacan na malapit sa dagat.

Ang Bandala

Isa pang instrumento ng panlulupig at paniniil ang bandala o compras reales. Galing ito sa salitang Tagalog na mandala na ibig sabihin ay isang bunton ng palay na giikin. Sa ilalim ng mga Espanyol, naging bagong kahulugan nito ang taunang sapilitang pagbenta o rekisisyon (requisition) ng mga produkto, lalo na ang palay, tabako, at langis ng niyog, na siya namang ibebenta ng pamahalaaan pagkaraan. Nagdulot ito ng paghihirap sa mga tao dahil madalas na wala silang natatanggap na pera kundi isang kapirasong papel lamang na nagsasaad ng panahon ng pagbabayad ng pamahalaan.

Polo y Servicio o Sapilitang Paggawa

Ang sistemang ito ay nangangahulugan ng pagtratrabaho ng mga kalalakihang naninirahan sa Pilipinas mula edad 16 hanggang 60. Ito ay ipinapatupad sa panahon ng anihan at pagtatanim at sa lugar na malapit ang mga panirahan. Subalit, hindi ito nasunod dahil may mga hindi nakakasama sa paggawang ito lalo na ang mga Espanyol na may prebilehiyong magbayad ng falla. Ang mga katutubo ang lubusang naghirap dahil sa sistemang ito dahil hindi lamang sa panahon ng pagtatanim at anihan ginagawa ang sistemang ito kung hindi pati sa panahong kung kailan maibigan ng nagpapatupad nito. Bukod pa sa marami sa mga polista ay ipinapatapon sa malalayong lugar.

Monopolyo sa Tabako

Ang patakaran ito ay ipinatupad ni Gobernador Heneral Jose Basco y Vargas. Sa monopolyong ito, ang mga magsasaka ay pinapagtanim ng tabako sa mga sakahan at ang ani ay ipinagbibili sa pamahalaan. Mabilis na lumago ang kabuhayan at malaki ang naging kita dito sa monopolyo sa unang yugto subalit habang tumatagal ay nagkaroon ng pagmamalabis ang mga nangangasiwa nito. Dahil dito, maraming mga magsasaka ang nag-alsa kayat nabuwag ang monopolyong ito.

Kalakalang Galyon

Isa pang monopolyo ang ipinatupad ng mga Espanyol ang Kalakalang Manila - Acapulco, Mexico o tinawag na Kalakalang Galyon. Ang mga kalakal mula Asya ay ibinabyahe sa Mexico sa pamamagitan ng mga galyon. Ito ang itinuring na kabang yaman ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas dahil sa malaki ang kita nila dito.

Sa kalakalang ito ang mga matataas na pinuno at mga iba pang Espanyol at mestizo ay nagkaroon ng prebilehiyong magkaroon ng sapi sa pangangalakal o boleta na may katumbas na halagang pilak. Dahil dito napabayaan na ng mga Espanyol ang pamamahala sa mga lalawigan kayat naging makapangyarihan ang mga prayleng Espanyol sa lalawigan.

Mga Samahang Pangkabuhayan

Upang mapabilis ang kabuhayan sa Pilipinas, itinatag ni Jose Basco y Vargas ang ibat ibang samahang pangkabuhayan tulad ng Sociedad Economica de los Amigos del Pais at Real Compania de Felipinas. Layunin ng dalawang samahang ito na makatulong sa mga magsasaka at mangangalakal na Filipino. Ipinakilalala sa mga magsasaka ang ibat ibang uri ng mga pananim upang magkaroon ng maraming produksyon. Tinanggap rin ang ibat ibang mga kalakal mula sa Europa. Ngunit hindi naging matagumpay ang mga samahan ito sapagkat hindi naging maganda ang kalagayan ng kalakalan sa Europa at kawalan ng pagkakaisa ng mga mangangalakal.

Buod ng Idinulot ng Kolonisasyong Espanyol sa Pilipinas

Magkatuwang ang pamahalaang sibil at simbahan sa pagpapatupad ng kaayusang kolonyal sa Pilipinas. Gayunpaman, malalim at higit na masaklaw ang naging impluwensiya ng mga fraile sa lahat ng aspekto ng lipunang kolonyal. Pinakapangunahing transpormasyong nailatag sa panahon ang naganap sa pagmamay-ari at paggamit ng lupa bunga ng Doktrinang Regalian na giniit sa katutubong sistema ng pagmamay-ari ng lupa. Nakapagpabilis sa pagbabago ng konsepto ng pagmamay-ari ng lupa ang reduccion at pagtatayo ng mga pueblo na naglimita sa paggamit ng lupa sa hanay ng mga katutubo.

Sa kabila ng mga instrumento ng pagsasamantalang kolonyal at feudal, nagkaroon ng magkakaibang pagtanggap sa kolonyalismo ang mga pamayanang katutubo. Bagamat napailalim sa kolonyalista ang mga pamayanang naging Kristiyano lalo na sa kapatagan at baybaying dagat, di-laging pagtanggap at pagpapailalim ang kanilang tugon. Pinatunayan ng mga pag-aalsa ang paglaban sa mga partikular na patakarang nagpapahirap sa mamamayan. Samantala, matagumpay na naiwaksi ng mga Muslim at malayang pamayanang katutubo ang espada at krus sa unang dalawang taon ng Espanya sa Pilipinas. Ang determinadong oposisyon ng mga Muslim sa kolonisasyon ay nauugat sa katatagan ng sultanato ayon sa aral ng Islam na nagbabawal sa mga Muslim sa pagsuko sa hindi sumasamba kay Allah, lalo na sa mga pook na nasakop na rin nila. Pagtatanggol naman sa kalayaan ng mga pamayanan upang mamuhay sa kanilang kalupaan at yamang likas ang pangunahing motibasyon ng mga taga Cordillera sa Luzon at ng mga Lumad sa bulubundukin at interyor ng mga lugar sa Kabisayaan at Mindanao.

Pagbuo ng Pambansang Lipunang Filipino

Ang pagpapatupad ng mga Espanyol sa makabagong patakaran ng ekonomiya at pagbukas nito sa pandaigdigang kalakalan ang naging dahilan upang magkaroon ng pagbabago sa kabuhayan ng mga Filipino.

Ang dating ekonomiya na nakabatay sa pangangailangan ng pamayanang Filipino ay pinalitan ng isang uri na higit na tumutugon sa pambansa at pandaigdigang pangangailangan. Katangian na bagong tunguhing pangekonomiya ang komersiyalisasyon ng agrikultura, monocropping, rehiyonal na saklaw ng produksiyon ng ilang piling tanim lamang, at pagkakaugnay ng mga probinsiya sa kalakalang pambansa at pandagidigan.

Naging epekto ng pagbabago sa ekonomiya ang pagbabago ng lahat ng aspeko ng buhay ng pamayanan. Lumitaw ang ibat ibang uri at saray sa lipunang kolonyal tulad ng principalia at ilustrado na nagsulong ng pagbabago.

Mahalaga ang naging papel ng mga Tsino sa kasaysayan ng kalakalan, pati na rin sa pamamahala sa mga lupang sakahan para sa mga panginoong may-lupa.

Samantala, lalong nasira ang lokal na ekonomiyang datiy nakasasapat sa sarili, subalit ngayoy lubha nang nakadikit sa lunduyan ng pandagidigang kalakalan.

Isang panibagong antas ng pakikibaka ng mamamayan sa kanayunan ang naganap mula 1745 hanggang 1892. Hindi tulad ng mga naunang paghihimagsik na panrelihiyon ang motibo, ang mga paghihimagsik sa panahong ito ay unti-unting humubog sa kamalayan mula sa pagiging kontra-fraile at kontra-opisyal na koloyal ay naging kontra-kolonyal at kontra-feudal. (May talahanayan ng pag-aalsa at paghihimagsik ang nakapaloob sa paksang ito)

Ang mga sumusunod ang ilang dahilan kung bakit sumibol ang kaisipang makabayan sa mga lungsod at sentrong bayan:

1. pananatili ng panloob na esensiya ng katutubong kultura

2. pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan at ilang makabagong patakarang pang-ekonomiya

3. pagsulong ng edukasyon noong 1860s

4. sekularisasyon at ang pagbitay sa GomburzaNabuo ang kilusang reporma noong 1880s kung saan ang mga progresibong mag-aaral ay humiling ng pagbabago sa pamahalaang Espanyol. Sa panahong ito, nagkaroon ng malaking papel ang mga dakilang propagandista sa pagsulong ng reporma at pagbuo ng isang bansa.

Panimula ng Pagbagsak ng Pamahalaang Espanyol at Pagsibol ng Kamalayang Filipino

Sa kabila ng 333 taong pananakop ng mga Espanyol at pamamahala, hindi lubusang nasakop ang mga Filipino. Sa buong kalupaan, maraming mga Filipino ay sumalungat sa pamamahala ng mga Espanyol na kung saan ipinahayag sa marahas na pamamaraan. Kalimitang dahilan ng mga pag-aalsa ay ang mga malupit na sinapit ng mga Filipino sa kamay ng mga Espanyol. Isa rin sa mga dahilan ay kagustuhan ng mga Filipinong maging malaya na nagbugso ng mga pailan-ilang mga pag-aalsa.

Ang mga pag-aalsang ito ay simula ng pagkamulat ng mga Filipino laban sa kaapihang dinanas sa kamay ng mga Espanyol. Ito rin ang naging simula upang mapukaw ang damdaming makabayan sa bawat lalawigang lumalaban sa mga Espanyol. Sa kabila ng mga pagsusumikap ng mga pag-aalasang ito, bigo pa ring mabuo ang pambansang kamalayan dala ng pagkakahati-hati sa heograpiya at patakarang sadyang dinisenyo ng mga Espanyol upang sa gayon ay hindi magkasundo ang bawat Filipino.

Mga Pag-aalsa/ Paghihimagsik

(Pinuno)Lugar at PanahonMga Sanhi ng PaghihimasikDahilan ng pagkabigo

Lakandula

Maynila/ 1574Hindi tinupad ng mga Espanyol ang pangakong di pagbabayarin ng buwis ang mga katutuboNamagitan si Juan Salcedo

Magat Salamat at Agustin de LegaspiTondo, Maynila; Kapatagang Luzon at Borneo /1587Pagnanais na mapanatili ang kalayaan at pagsasarili ng PilipinasIpinagkanulo ng ilang mga kapanalig

Mga GaddangLambak ng Cagayan (Cagayan Valley) /1621Pagmamalabis ng mga pinunong Espanyol sa mga GaddangPinakiusapan ni Padre de Santo Tomas

BangkawCarigara, Leyte /1622Pagnanais na makabalik sa katutubong relihiyonNasupil ng hukbong Espanyol mula sa Cebu

TamblotBohol /1622Pagnanais na makabalik sa dating relihiyonNasupil at napatay si Tamblot

Pedro LadiaMalolos, Bulacan /1643Nais paalisin ang mga Espanyol at palayain ang mga FilipinoNahuli si Ladia at ipinapatay

Juan SumuroySamar /1649-1650 Pagtutol sa pagpapadala sa mga taga Samar sa Cavite para sa polo y servicioNahuli si Sumuroy at ipinapatay

Francisco ManiagoPampanga /1660-1661Sapilitang pagpapaputol ng mga puno ng mga mangagawa at di pagbabayad sa mga itoPinayapa si Maniago matapos pakiusapan ni Juan Macapagal

Andres MalongLingayen, Pangasinan /1661Pagtugon sa panawagan ni ManiagoNahuli si Malong at ipinapatay

Francisco DagohoyBohol 1744-1828Hindi pumayag ang kura na ilibing sa Katolikong pamamaraan ang kapatidNatalo ang kanyang hukbo at pinatawad ng gobernador-heneral ang kanyang mga kapanalig

Mga Usapin sa Lupaing Pansakahan Batangas, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan /1745-1746Pagkamkam ng mga prayleng Espanyol sa mga lupain at pagpataw ng malaking buwis Sinupil ng mga puwersang Espanyol ang mga nag-alsa bagamat nagpatuloy ang suliranin

Diego SilangVigan, Ilocos Sur /1762-1763Pagnanais na maalis ang mga mataas na buwis at magkaroon ng independenteng pamahalaanSi Silang ay pataksil na pinatay ni Miguel Vicos

Maria Josefa Gabriela SilangVigan, Ilocos Sur /1763Pagpapatuloy sa sinimulan ni Diego SilangNatalo si Gabriela sa labanan at ipinapatay

Juan de la Cruz PalarisPangasinan /1762-1764Pagtutol sa pagmamalabis na buwisNatalo at ipinapatay si Palaris

Hermano Pule (Apolinario dela Cruz)Tayabas /1840-1841Pagbabawal sa itinatag na Cofradia de San JoseNahuli si Pule at ipinapatay

Ang pagsilang ng nasyonalismo at kamalayang Filipino sa bansa ay sanhi ng mga pagbabago sa lipunang Filipino dala ng pagbabago sa ibang bansa partikular sa Europa na dinala sa Pilipinas sa pamamagitan ng kalakalan noong siglo 19. Ang mga liberal na kaisipan mula sa Europa ay kumalat sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga aklat, pahayagan at mga Filipinong kabataang mag-aaral sa Europa na siyang mga naging ilustrado na siyang nagsimula ng Kilusang Propaganda.

Ang Kilusang Reporma at Propaganda

Dahil sa mga pang-aabuso at walang kalayaan ng pagpapahayag sa Pilipinas, humiling ng pagbabago ang mga ilustrado. Minimithi ng mga ilustrado na gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas upang makamit nito ang mga karapatan at kasaganaan na tinamasa ng mamamayang Espanyol. Itinatag ang samahang La Liga Filipina bilang daluyan ng buhay ng tumintinding makabayang kamalayan sa kalunsuran. Hindi naglaon, inlunsad ng samahang ito ang higit na sitematikong gawaing pampropaganda mula 1882.

Tinukoy din na Kilusang Propaganda ang panahon ng makabayang kaisipan batay sa pagbabalangkas ng mga ilustrado. Tinawag na propagandista ang mga protagonista ng kilusang ito.

Pormal na nabuo ang Kilusang Propaganda sa pagkakatatag ng Comite de Propaganda noong 1888 sa Maynila na naging dahilan sa paglakbay ni Marcelo H. del Pilar sa Europa bilang kinatawan ng grupo. Ngunit dahil lubhang mahalaga sa kabuuan ng simulaing nasyonalismo ang pagkilos ng mga kabataang Filipino sa Europa noong 1880, ang taon na nabanggit ang siyang ginamit ng mga pantas sa kasaysayan bilang simula ng kilusan.

Reporma ang pangunahing layunin ng mga propagandista. Batay ito sa mga hangaring asimilasyon at hindi pagsasarili. Nagpahayag sila ng mga layuin at hiling sa pamamagitan ng magasin, polyeto, aklat at pagla-lobby. Bukod dito, lumahok rin ang mga propagandista sa masoneriya at ibat ibang samahan tulad ng Circulo-Hispano-Filipino, Cavite de Propaganda, Asosacion Hispano-Filipino, La Solidaridad at La Liga Filipina. Malaki ang naging papel ng mga ito sa pagsulong ng kilusan.

Mahahati sa aspektong pampolitika at pang-ekonomiya ang kahilingan ng mga propagandista gaya ng mga sumusunod:

Kahilingang Pampolitika

1. pagkilala sa Pilipinas bilang lalawigan ng Espanya

2. pagkapantay-pantay ng mga Filipino at Espanyol sa harap ng batas

3. pagkakaroon ng kinatawan ng Pilipinas sa Spanish Cortes

4. paghirang ng mga Filipinong paring secular sa mga parokya at pag-alis ng mga fraile

Kahilingang Pang-ekonomiya

5. pagpapatibay ng patakaran ng malayang kalakalan sa Pilipinas at pag-aalis ng kahigpitan sa negosyo

6. paghahanap ng paraan na mabigyan ng matatag na pamilihan ang mga produkto ng Pilipinas

7. Mabilisang hakbang para sa liberalisasyon ng ekonomiya ng bansa

Sa Espanya inilunsad ang kilusan dahil sa kawalan ng kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas. Subalit mayroon ng mga pagpapahayag ng pangangailangan ng reporma sa Pilipinas gaya ng Diariong Tagalog na pinamatnugutan ni Del Pilar.

May mga samahang natatag rin sa Espanya may malaking kontribusyon sa pagsulong ng kilusan ito ay ang Asosacion Hispano-Filipino at Samahang Masoneriya. Ang Asosacion ay itinatag ng mga propagandistang Filipino at kaibigang Espanyol noong Hulyo 1888 sa Madrid sa pangunguna ni Miguel Morayta. Layunin nitong isulong ang reporma para sa Pilipinas.

Samantalang ang Masoneriya ay nagsusulong ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran. Naniniwala ang mga kasapi nito sa marangal at malayang pamumuhay.

Ang mga pangunahing propagandista sa Espanya ay ang mga mag-aaral na Filipino na siyang nagsulong ng kilusan. Ilan sa mga ito ay sina Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena at Jose Rizal. Malaking ambag sa pagsulong ng reporma ang kanilang mga ipinahayag, isinulat at kahanga-hangang gawaing pampollitika.

La Liga Filipina

Nang umuwi si Rizal sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kilusan sa reporma, itinatag niya ang La Liga noong Hulyo 3, 1892. Sa pamamagitan nito, pinangarap ni Rizal na makamtan ang pambansang komunidad na siyang pangunahing pangangailangan para sa mimimithing kasarinlan. Dinakip si Rizal noong Hulyo 6, 1892, kung kayat biglang natigil ang pagsisimula nito.

Resulta ng Kilusang Propaganda

May naniniwala na bigo ang Kilusang Propaganda kung pagbabatayan ang pagsasakatuparan ng mga layunin nito. Walang asimilasyong naganap. Higit pa rito, hindi nagkaroon ng kalayaan sa pagpapahayag at ng kinatawan ng Pilipinas sa Spanish Cortes. Ang ilang pagbabago tulad ng pagtigil ng monopolyo ng tabako at ang pagbabayad ng buwis batay sa kakayahan ng mamamayan ay hindi sapat na tugon sa mga kahilingan ng mga propagandista.

Subalit matagumpay ito, kung bibigyang halaga ang ginawang pinsala nito sa kapangyarihan at impluwensiya ng mga fraile na patuloy na binatikos ng mga propagandista dahil sa paniniil sa mga mamamayan. Dahil sa mga nobela, magasin at aklat na kanilang isinulat, nagkaroon ng kamulatan at pagkaisa ang mga edukadong Filipino. Dahil sa impormasyon mula sa kilusan, nagsimulang kumilala sa sarili bilang Filipino ang mga katutubo. Marami ang nagsasabi na ang pagpapalaganap sa makabayang kaisipan ay ang malaking ambag ng kilusang Propaganda sa mga mamamayan.

Ang Samahang Rebolusyonaryo o ang Katipunan

Matapos hindi naisakatuparan ang asimilasyong hinihingi ng mga propagandista at nabigo ang layunin ng La Liga ni Rizal, nahati ang mga kasapi nito sa pagtatag ng Cuerpo de Compromisario at Katipunan. Nagtangkang ituloy ng Cuerpo ang pamamaraan ni Rizal, ngunit nawala itong parang bula nang sumunod na araw. Ang Katipunan naman ay naniniwalang napapanahon na ang paggamit ng dahas ang siyang lumago at naglunsad ng Himagsikan 1896. Pinangunahan ito ni Andres Bonifacio bilang Supremo.

Noong Hulyo 7, 1892 itinatag ni Andres Bonifacio, Ladislao Diwa at Teodoro Plata ang Kataastaasan Kagalang-galangan na Katipunan nang manga Anak ng Bayan o Katipunan sa maikling tawag. Pangunahing layunin nito na: 1)magpunyagi sa ikatutubos ng Pilipinas upang maging bayang nagsasarili; 2) magturo at mag-aral ng kagandahang asal, kalinisan at mabuting pakikipagkapwa; 3) magpatalsik sa mga fraile at pagbaka sa panatisismo at sa mga aral ng mga fraile na nakadidilim, sa halip na makaliwanag, sa isipan ng mga Filipino; at 4) magtaguyod ng pagtutulungan at pagtatanggol sa mga naaapi at lalo na sa mahihirap.

Nahahati sa tatlo ang balangkas ng Katipunan: Ang Kataastaasang Sanggunian (Supreme Council), ang Sangguniang Bayan (Provincial Council) at ang Sangguniang Balangay (Municipal Council). Nakalagak sa kamay ng Sangguniang Hukuman ang mga usaping may kinalman sa hustisya. Ang mga ito ang magsisilbing balangkas ng pamahalaang Filipino sa sandaling mapatalsik ang mga Espanyol sa pook na kanilang pinamumunuan.

Ginawa ang pangangalap ng kasapi sa pamamagitan ng pamamaraang trianggulo kung saan ang bawat isa sa tatlong kasapi ay mag-aanyaya ng iba pang dalawang kasapi. Subalit mabagal ang ganitong sistema sa pagkalap ng mga kasapi, kung kaya pinalitan ito noong Oktubre 1892 ng pamamaraang inisasyon na hango sa isa sa mga ritwal ng samahang mason sa bansa. Maaari nang mangalap ang bawat kasapi ng maraming iba pang magiging kasapi.

Inilalagay sa tatlong grado ang mga kasapi. Una dito ang gradong Katipon na may kontrasenyas na Anak ng Bayan. Maaaring sumulong ang katipon tungo sa pagiging Kawal na gumagamit na kontrasenyas na Gomburza. At sa sandaling naging kagawad siya ng lupong pamunuan, maaari na siyang sumulong sa pinakamataas na grado, ang Bayani, na Rizal ang kontrasenyas.

Unti-unting lumago ang kaisipan ng Katipunan sa ilalim ng bagong pamamaraan ng pangangalap. Lalong naikalat ang simulain at layon ng Katipunan sa pamamagitan ng mga kopya ng unat tanging bilang ng Kalayaan na naglalaman ng mga akda nina Bonifacio, Jacinto, Valenzuela at iba pa. Bagaman minsan lamang lumabas ang pahayagang Kalayaan, nagkaroon ng malaking epekto sa masa ang mga kopyang ipinamudmod sa mga lalawigan. Simula sa mga 300 kasapi noong bago lumabas ang unat huling bilang nito noong Marso halos umabot ang bilang ng kasapi sa mga 30,000 nang kumalat na ang sipi ng pahayagan sa Kamaynilaan at mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan, Nueva Ecija, at Pampanga. Maliwanag na handa nang ipaglaban ng bayang maralita ang kanilang karapatan makamtan ang kasarinlang ipinagkait ng mananakop.

Hindi nalingid sa kaalaman ng mga Espanyol ang paglaganap ng layunin at mithiin ng Katipunan. Napansin nila ang ikinikilos ng mga mamamayan sa paligid ng Maynila. Nagbigay ito ng hinala sa mga Espanyol na may napipintong di-kagandahang pangyayari. Nagkaroon ng katiyakan ang hinala nang magtapat tungkol sa mga lihim ng Katipunan ang kapatid ng isang katipunero kay Padre Mariano Gil sa pamamagitan ng kumpisal. Hindi nag-aksaya ng panahon si Padre Gil, agad nitong isiniwalat sa pamahalaan ang kaniyang napag-alaman tungkol sa Katipunan. Kumilos ang mga alagad ng batas at hinuli ang mga pinaghihinalaan sa Fort Santiago. Dito marami ang pinahirapan ng labis at ito ang nagtulak kay Bonifacio na simulan ang lantarang paghimagsik laban sa mga Espanyol. Sa Pugadlawin noong Agosto 23, 1896 unang narinig ang malakas na paghamon ng mga Katipunero sa naghaharing Espanyol.

Ang Himagsikang Filipino o Rebolusyong 1896

Matapos ang Sigaw sa Pugadlawin, ay nagkaroon ng unang pagtatagpo ang mga Katipunero sa kawal Espanyol sa San Juan del Monte noong Agosto 30, 1896. Sinalakay ng mga Katipunero ang arsenal ng mga Espanyol upang makakuha ng mga armas. Subalit nabigo ang mga ito dahil sa pagdating mga karagdagang puwersa ng mga Espanyol. Matapos ang engkwentro sa San Juan, nagpatuloy ang mga Katipunero sa pakikipaglaban sa Marikina, San Mateo at Montalban.

Samantalang sa Cavite, namayagpag ang mga kawal Filipino sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo, Artemio Ricarte at Tomas Mascardo. Si Aguinaldo ang siyang pinuno ng mga labanan sa Imus, Noveleta at Binakayan. Samantalang si Mariano Llanera naman ay siyang namuno sa pag-atake sa garison sa Cabiao, Nueva Ecija. Sinundan ito ng paglaganap ng rebolusyon sa Cavite, Bulacan, Batangas at Nueva Ecija. Sumunod dito ang marami pang mga lalawigan sa buong kapuluan.

Dahil pagkalat ng himagsikan, noong Agosto 30, 1896, inilagay ni Gob. Hen. Ramon Blanco ang mga lalawigan ng Maynila, Cavite, Batangas, Laguna, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan at Pampanga sa batas-militar upang masugpo ang paghihimagsik sa mga lalawigang ito. Ang mga naarestong mga bilanggo ay lilitisin ng hukumang militar at ang mga susuko sa loob ng 48 oras ay maaaring mapawalang sala. Subalit hindi ito tinupad ng mga Espanyol bagkus pinahirapan ng husto ang mga nagsisuko.

Naging mapang-api ang mga Espanyol sa mga bilango sa Fort Santiago, marami sa mga ito ang nangamatay dahil sa gutom at hirap ang ilan ay ipinatapon sa Caroline Islands at sa Africa at ang ilan naman ay binitay kabilang na si Jose Rizal na binaril sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896.

Dahil sa paglaganap ng Katipunan, hindi naiwasang magkaroon ito ng mga suliranin partikular sa pamunuan. Nagkaroon ng sigalot ang Katipunan dahil sa ambisyon at personal na di pagkakaunawaan ng mga pinuno nito na nagdulot ng pagkahati ng pakikitungo ng mga kaanib nito. Sa Cavite, ang Katipunan ay nahati sa dalawang pangkat, ang Magdalo sa pamumuno ni Baldomero Aguinaldo na nasa Kawit, Cavite at ang Magdiwang sa pamumuno ni Mariano Alvarez na nagkukuta sa Noveleta, Cavite. Ang Magdalo ay naniniwala sa liderato ni Emilio Aguinaldo habang ang Magdiwang ay panig kay Andres Bonifacio. Upang malutas ang suliraning ito inimbitahan nila si Bonifacio na magtungo sa Cavite upang maayos ang sigalot.

Sa Imus nagtipon ang mga Katipunero upang maresolba kung ano ang klase ng pamahalaan ang kailangang itatag upang kumilos ng husto ang Katipunan. Subalit walang nangyari sa pagtitipon sa Imus noong Disyembre 21, 1986 kung kaya nagpatawag ng panibagong pagpupulong sa Tejeros noong Marso 22, 1987 na kung saan nagpapasyahang magtayo ng rebolusyonaryong pamahalaan. Nagkaroon ng halalan at ang naging resulta ay ang sumusunod:

Emilio Aguinaldo

Pa