Kaligirang Kasaysayan Ng Ibong Adarna[1]

4
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA Ayon sa mga historyador ng panitikan ng Pilipinas, ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay maaaring hango sa mga kwentong bayan ng iba’t ibang bansa tulad ng Germany, Denmark, Romania, Austria, Finlad, at Indonesia. Mayroon motif at cycle ang Ibong Adarna na matatagpuan sa mga kwentong bayan: may sakit ang inang reyna o amang hari, kailangan ang isang mahiwagang bagay upang gumaling tulad ng ibong umaawit, tubig ng buhay, halaman at iba pa. Ang Ibong Adarna sa Iba’t Ibang Bahagi ng Mundo Walang bansang matutukoy na pinagmulan ng tulang romansang ito. Sinasabi lamang na may mga pagkakahawig ang mga tauhan at pangyayari sa mga salaysay nito. Lumitaw ang anyong ito ng panitikan sa mga bansa ng Europa, Gitnang Silangan, at maging sa Asya partikular sa Timog-Silangang Asya. May pagkakahawig ang Ibong Adarna sa kasaysayan ng iba pang panitikang pandaigdig. Halimbawa: Scala Celi – Kinalap ng isang paring Dominiko at sinasabing kinatha noon pang 1300. May isang haring may sakit na nangangailangan ng tubig ng buhay upang gumaling. Naglakbay-dagat ang kanyang tatlong anak ngunit ang bunso na mabait at magalang ang nakakuha ng lunas sa loob ng isang palasyo sapagkat tinulungan ito ng isang matanda. Kwentong-bayan mula sa Denmark - Nagkasakit si Haring Eduardo ng England at ang lunas ay ang ibong Phoenix na pag-aari ng reyna ng Arabia. Sa huli, napangasawa ng bunsong prinsipe ang reynang ito. Mula sa Malayo-Polinesia, sinulat ni Renward Branstetter - May mga bahagi ito na kahawig ng Ibong Adarna, tulad ng tungkol sa “halaman ng buhay” na pinaghahanap ng marami. Ang pangunahing tauhan, si Djajalankara ay may dalawang kapatid na naglilo upang siraan siya sa amang maysakit. Ang pagkakatulad naman nito sa mga pinagmulang bansa ay ang mga sumusunod: 1. Pare-parehong may sakit ang hari (o reyan) at kailangan nito ng lunas o gamot (Denmark at Alemanya)

description

Sinipi mula sa internet. Nakapaloob ang mga sanggunian sa huling bahagi ng dokumento.

Transcript of Kaligirang Kasaysayan Ng Ibong Adarna[1]

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG IBONG ADARNA

Ayon sa mga historyador ng panitikan ng Pilipinas, ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay maaaring hango sa mga kwentong bayan ng ibat ibang bansa tulad ng Germany, Denmark, Romania, Austria, Finlad, at Indonesia. Mayroon motif at cycle ang Ibong Adarna na matatagpuan sa mga kwentong bayan: may sakit ang inang reyna o amang hari, kailangan ang isang mahiwagang bagay upang gumaling tulad ng ibong umaawit, tubig ng buhay, halaman at iba pa.

Ang Ibong Adarna sa Ibat Ibang Bahagi ng Mundo

Walang bansang matutukoy na pinagmulan ng tulang romansang ito. Sinasabilamang na may mga pagkakahawig ang mga tauhan at pangyayari sa mga salaysay nito.Lumitaw ang anyong ito ng panitikan sa mga bansa ng Europa, Gitnang Silangan, atmaging sa Asya partikular sa Timog-Silangang Asya. May pagkakahawig ang Ibong Adarna sa kasaysayan ng iba pang panitikang pandaigdig. Halimbawa:

Scala Celi Kinalap ng isang paring Dominiko at sinasabing kinatha noon pang 1300. May isang haring may sakit na nangangailangan ng tubig ng buhay upang gumaling. Naglakbay-dagat ang kanyang tatlong anak ngunit ang bunso na mabait at magalang ang nakakuha ng lunas sa loob ng isang palasyo sapagkat tinulungan ito ng isang matanda. Kwentong-bayan mula sa Denmark - Nagkasakit si Haring Eduardo ng England at ang lunas ay ang ibong Phoenix na pag-aari ng reyna ng Arabia. Sa huli, napangasawa ng bunsong prinsipe ang reynang ito. Mula sa Malayo-Polinesia, sinulat ni Renward Branstetter - May mga bahagi ito na kahawig ng Ibong Adarna, tulad ng tungkol sa halaman ng buhay na pinaghahanap ng marami. Ang pangunahing tauhan, si Djajalankara ay may dalawang kapatid na naglilo upang siraan siya sa amang maysakit.

Ang pagkakatulad naman nito sa mga pinagmulang bansa ay ang mgasumusunod:1. Pare-parehong may sakit ang hari (o reyan) at kailangan nito ng lunas o gamot (Denmark atAlemanya)2. Ang lunas ay maaaring tubig, halaman ng buhay, o awit ng isang ibon (Alemanya atGitnang Silangan)3. Karaniwang ang naghahanap ng lunas ay magkakapatid na prinsipe at ang bunso anglaging sinuswerte (Alemanya at Indonesia)4. Laging nakapag-aasawa ng prinsesa ang nagtatagumpay sa paghanap ng lunas(Denmark at Alemanya)

ANG TULANG ROMANSA AT KAUGNAYAN NITO SA IBONG ADARNA

Ang tulang romansa, o sa Ingles ay metrical romance, ay isang tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang ang mga tauhan ay pawang napapabilang sa kaharian tulad ng prinsipe, prinsesa, hari, reyna at ilang dugong bughaw. Naging palasak sa Europa, at maaring nakarating sa Pilipinas mula sa Mexico noong 1610. Ang halimbawa ng tulang romansa ay ang Koridong Ibong Adarna at Awit na Florante at Laura ni Francisco Baltazar.

Ang salitang korido ay galing sa salitang Mehikanong corridor na nangangahulugang kasalukuyang pangyayari, ang Mehikanong salitang corridor ay mula naman sa Kastilang occurido. Isang anyo ng tulang romansa ang korido. Naglalarawan ito ng pakikipagsapalaran sa buhay ng mga kababalaghan at pantasya, nagpapamalas ng kagitingan, kabayanihan at pagkamaginoo. Lumaganap sa Europa ang korido bilang isang mataas na uri ng libangan at panitikan. Sinasabing ang korido ay batay sa mga alamat at kuwentong bayan sa Europa gaya ng Espanya, Gresya, Italya, Germany, Denmark, Pransiya, Austria at maging sa Tsina at Malay o Polenesia.Nakarating ang korido sa Pilipinas nang dalhin ito ng mga Kastila mula sa Europa na ang layunin ay mapalaganap ang relihiyong Kristiyanismo sa bansa. Mula sa banyagang padron ang korido ngunit pagdating sa Pilipinas ay sinangkapan ito ng mga katutubong kaugalian upang maitanghal ang natatangi at naiibang kaligiran nito.Kinagawiang basahin ng mga katutubo ang korido dala na rin ng kawalan ng iba anyo ng panitikang mababasa noong panahong iyon sanhi na rin ng kahigpitan ng mga paring Kastila sa pagpapahintulot ng pagkalat ng ibat ibang uri ng akdang maaaring basahin ng mga tao. Hindi kailanman pinahihintulutan ang pagkalat ng mga babasahing hindi naglalaman ng magandang pagtingin sa relihiyong kanilang pinalaganap.Bagamat ang Ibong Adarna ay itinuturing na hindi katutubo, nagtataglay naman ito ng mga halagang pangkatauhan at kaugaliang taglay rin ng mga Pilipino gaya ng pananampalataya sa Panginoon, pagmamahalan sa pamilya, pagpapahalaga sa edukasyon, pagpapatawad sa kapwa, pagtulong sa nangangailangan, pagdiriwang, pagtanaw ng utang na loob at marami pang iba.Kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na pinag-aaralan ito bilang bahagi ng kurikulum sa unang taon upang mapalaganap hanggang sa susunod pang henerasyon ang kalinangan ng Kulturang Pilipino na taglay ng koridong Ibong Adarna.Ngunit sa tradisyon ng panitikang Filipino, lahat ng mahahabang tulang pasalaysayay itinatanghal o binibigkas nang pakanta. Dahil ang ugat naman ng tulang romansa aybalada na nilikha para kantahin, nawala na ang pagkakaiba ng dalawang anyo ng tulangromansa. Ang awit ay itinuturing na korido at ang korido ay tinatawag na awit. Totoo itosa mga awit at korido ng Pangasinan, Ilocos, at Iloilo. Sa Katagalugan lamang pinag-iibaang awit at ang korido.Nagkakatulad ang awit at ang korido sa dalawang bagay. Parehong pakanta ang bigkaso basa ng mga ito; parehong aapating linya (quatrain) ang berso sa bawat saknong.Gayunman, ang mga historyador ng panitikan ng Pilipinas ay gumawa ng mgabatayan ng pagkakaiba ng dalawang anyong ito ng tulang romansa.

Narito ang katangian ng isang korido:1. Ang sukat ng bawat linya sa isang saknong ay wawaluhing pantig2. Mabilis ang pag-awit o pagbigkas nito tulad sa mabilis na pagsasalaysay3. Ang paksa ay alamat at pantasya, may kapangyarihang supernatural ang tauhan kung minsan4. May malalim na damdaming relihiyoso

Ang awit naman ay may ganitong katangian:1. Ang sukat ng bawat saknong ay lalabindalawahing pantig2. Mabagal ang pagbigkas o pag-awit nito kaya madamdamin3. Higit itong makatotohanan dahil ang paksa ay malapit sa kasaysayan4. Higit na buhay at masigla ang damdamin nito

Mga Sanggunian:

https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/ibong-adarna-bilang-tulang-romansa/http://www.wika.club/ibong-adarna/aralin-1-ang-kaligirang-kasaysayan-ng-koridong-ibong-adarnahttps://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/kaligirang-pangkasaysayan-ng-koridong-ibong-adarna-tulang-romansa/