Kahalagahan ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo

38
Republic of the Philippines SURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Main Campus- Rosario, Tandag City KAHALAGAHAN NG PAGPAPANATILI NG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO Isang Sulating Pananaliksik Na iniharap kay Gng. Merlyn E. Arevalo Surigao del sur State University–Main Campus Bilang Bahagi ng Pagtupad Sa Pangangailangan ng Kursong Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Filipino 102 Nina Bugarin, Glaiza P. Cañacao, Zyriel M. Cap-atan, Marnelly Kim D. Cervantes, Blessy Clave, Rosita A. 1

Transcript of Kahalagahan ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

KAHALAGAHAN NG PAGPAPANATILI NG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO

Isang Sulating Pananaliksik

Na iniharap kay

Gng. Merlyn E. Arevalo

Surigao del sur State University–Main Campus

Bilang Bahagi ng Pagtupad

Sa Pangangailangan ng Kursong

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Filipino 102

Nina

Bugarin, Glaiza P.

Cañacao, Zyriel M.

Cap-atan, Marnelly Kim D.

Cervantes, Blessy

Clave, Rosita A.

Marso, 2015

1

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Rasyonale

“Ang wika ang saligan ng lipunan at nagiging kasangkapan upang

magkaisa ang mga tao” (Rubin, 1989).At bilang mag-aaral, dapat malaman natin

ang kahalagahan nito. Isa sa mga pinag-uusapan ngayon ang balitang

tatanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo at dahil dito tila maraming

mamamayan ang talaga namang nagkakagulo.

Hunyo 28, 2013, nang inilabas ng Commission on Higher Education

(CHED) ang Memorandum Order No. 20 o ang “General Education Curriculum:

HolisticUnderstandings, Intellectual and Civic Competencies.” Batay sa

memorandum na ito, hindi na ituturo ang Filipino bilang asignatura sa kolehiyo

kapag naipatupad na ang programang K to 12 sa 2016.

Tinukoy ni Pambansang alagad ng Sining sa Panitikan, Dr.Bienvenido

Lumbera ang kolonyal na edukasyon kung bakit pilit na tinatanggal ang Filipino

bilang asignatura sa kolehiyo. “Ang mga autoridad na nasa sistema ng

edukasyon na gumagawa ng patakaran ay pawang mga produkto ng isang

kolonyal na edukasyon. Ingles ang kanilang wika nang sila ay mag-aral, at hindi

kataka taka na ang edukasyon sa Pilipinas na pinamamahalaan ng ating mga

autoridad ay laging humahanay sa mga taga-kanluran ang sistema ng

edukasyon na gusto nating pantayan.

2

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Ngunit kahit na dalawang taon pa bago ito maipatupad, may ilang grupo

na ang talaga namang tumutol dito at isa na rito ang aktibong alyansa ng

Tanggol Wika. May mga indibidwal rin tulad ng mga guro ang nagbigay ng kani-

kanilang pahayag ukol sa nabangit na kontrobersiya.

Ayon kay Briones at San Juan ng De La Salle University-Manila, “Ang halos

buong CHED Memorandum Order (CMO) ay nasa wikang Ingles, isang wikang

banyaga at hindi ginagamit ng nakararaming mamamayan sa pang-araw-araw

na komunikasyon.Sa simula pa lamang ay kitang-kita na ang malawak na agwat

ng mga tagabalangkas ng patakarang pang-edukasyon na Ingles ang wikang

gamit, at ng mga mamamayang Pilipino ay wikang pambansa o mga wikang

rehiyunal ang gamit”

Ayon naman kay Dr. Antonio Contreras ng DLSU, mas mabilis matuto ang

mga mag-aaral kung Filipino ang ginagamit na midyum sa pagtuturo dahil

naiitindihan nila ang linggwahe.

Para naman kay Marvin Lai, tagapangulo ng Department of Filipinology sa

Polytechnic University of the Philippines, ang pagtatanggal sa Filipino bilang

asignatura sa kolehiyo ay katulad ng pagtatanggal sa identidad ng mamamayang

Pilipino.

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagsusuri ng mga positibo at negatibong

epekto ng memorandum order blg. 20 sa buong bansa. Sa katunayan, nais

3

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

ipabatid ng mga mananaliksik ang pagpapanatili ng asignaturang Filipino sa

bawat antas; sa elementarya, sa sekondarya at maging sa kolehiyo. Nais ring

ipaalam ng mga mananaliksik sa lahat ang kahalagahan ng patuloy na paggamit

at pagsuporta sa ating wikang pambansa.

Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sa lahat ng mamamayan sa ating

bayan. Magiging mas mabisa ang pagtangkilik natin sa wikang Filipino at mas

lalo pa tayong magiging alerto at mabahalaukol sa isyung nabanggit.

4

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Konseptwal na Balangkas

Figura 1Iskema ng Pag-aaral

5

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Makikita sa Figura 1 sa unang kahon ang mga respondenteng

kinakailangan upang masagutan ang mga nasabing katanungan ng mga

mananaliksik. Kaugnay nito, ang pangalawang kahon ay ang kahalagahan ng

pagpapanatili ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo ng mga nasabing repondente.

Sa pangalawang kahon naman, ay ang pagtuloy sa mga Epekto sa

pagtanggal ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo. Habang sa panghuling kahon

ay ang mga Programang mainam na imungkahi upang ma protektahan ang

Asignaturang Filipino at mapanatili itong ituro sa Kolehiyo.

Paglalahad ng Suliranin:

Isingawa ang pananaliksik na ito upang masagutan ang mga

sumusunod na katanungan.

1. Gaano kahalaga sa mga respondente ang pagpapanatili ng asignaturang

Filipino sa kolehiyo?

2. Ano ang magiging epekto sa mga respondente kapag tinanggal ang

asignaturang Filipino sa kolehiyo?

3. Anong programa ang mainam na imungkahi upang maprotektahan ang

asignaturang Filipino at mapanatili itong ituro sa kolehiyo?

6

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga sa mga guro, mga mag-aaral,

mga mamamayan at autoridad na naglalaan ng kawilihan at saloobin ng mga

mag-aaral sa Filipino.

Guro. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay daan sa kanila upang mas lalo

pang maintindihan ang iba’t ibang paraan o hakbang na maaaaring gamitin sa

ating kaunlaran ng hindi tinatanggal ang asignaturang Filipino sa anumang antas

ng mag-aaral.

Mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay tutulong sa kanila na maintindihan ang

kahalagahan ng wikang Filipino sa kanilang pag-aaral.

Mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay magpapaliwanag sa kanila ng

tunay na ginagampanan ng ating wika sa ating bansa.

Autoridad: Ang pag-aaral na ito ay tutulong sa kanila na mabatid ang

tamang gawin sa isyung ito.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kahalagahan ng pagpapanatili ng

asignaturang Filipino sa kolehiyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral

sa departamento ng College of Teacher Education (CTE) ng Surigao Del Sur

7

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

State University na may bilang na 25, at mga mag-aaral sa departamento ng

College of Arts and Sciences (CAS) na may bilang 25.

Ang mga mag-aaral na ito ang siyang binigyang pansin ng mga

mananaliksik sapagkat sila ang makapag-bibigay opinyon ukol sa pag-aaral na

gagawin at dahil sila rin ang labis na maapektuhan ukol sa nasabing usapin.

Ang pag-aaral na ito ay hindi tumitiyak sa panlahat na saloobin ng mga

respondante o mag-aral sa buong Unibersidad sa loob ng bansa. Ito ay may

kinalaman lamang sa mga saloobin ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng

Surigao del Sur. Ngunit anuman ang magiging kalalabasan ng nasabing pag-

aaral ay hindi malayo sa mga saloobin ng mga mag-aaral sa ibat-ibang

Unibersidad sa ating bansa.

Kahulugan ng mga Katawagan

Ang mga terminolohiyang ginamit sa pananaliksik na ito ay binigyang

kahulagan sa pamamaraang opsyonal upang mas lalong maunawaan ng mga

mambabasa ang isinasagawang pag-aaral.

Wika. Isang bahagi ng pakikipagtalastasan, at mabisang instrumento sa

pambansang pagkakaunawaan at pagkakaisa.

Asignaturang Filipino. Isang asignatura mula elementarya hanggang

sekondarya. Ito ang asignaturang tumutulong sa bawat mag-aaral na mahasa

pang lalo sa pagsasalita ng sariling wika.

8

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Estudyante. Sila ang mga mag-aaral, mga taong nag-aaral sa isang

paaralan.. Isa sila sa mga pangunahing tuon ng pananaliksik na ito.

Guro. Sila ang mga taong nagtuturo sa mga mag-aaral. Sila ang daan ng

mga estudyante tungo sa kanilang magandang kinabukasan. Ang kanilang

itinuturo ay talaga namang mahalaga’t mapapakinabanggan.

Autoridad. Sila ang mga taong namamahala sa ating bansa. Sila ang

nagpapatupad ng kahit ano na sa tinggin nila ay makabubuti sa ating bansa.

9

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Kabanata II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG- AARAL

Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng mga kaugnay na literatura at

pag-aaral na nakuha sa mga binasang aklat, tesis, disertasyon at iba pang mga

babasahing may malaking kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Isinagawa

ang paghahanay ng mga kaisipan at konsepto mula sa ibat-ibang manunulat at

mananaliksik upang mabigyang linaw ang isinagawang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ang mga kaugnay na literatura ay inilalahad sa pananaliksik na ito. Ito ay

hango sa mga aklat, dyornal at iba pang lathalaing may kaugnayan sa paksa.

Lokal

Ayon kay France Castro (2013), pangkalahatang kalihim ng ACT, “Ang

CHED at si (Pangulong) Noynoy mismo ang nangangamoy malansang isda sa

kanilang ginawang opsyon na lamang na ituro ang Wikang Filipino at opsyon

para gawing midyum sa pagtuturo. Dadag pa ni Castro, sa pagpapatupad pa

lamang ng K to 12 noong 2011, ipinakikita na ng gobyerno ang pagiging kolonyal

nito sa pagpapatupad ng programang ito kahit na hindi handa ang gobyerno.

Kabahagi ang CHED Memo No. 20 ang K to 12 na naglilingkod lamang sa

pangangailangan ng malalaking negosyante at dayuhan.

10

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Sinabi ni Ridon (2014), na isa ring abogado, na dapat pag-aralan ng

Kongreso ang posibleng epekto ng direktiba ng CHEd sa mga estudyante at

guro.

Ayon din kay Ruby Ann Bernado (2014), guro ng Filipino sa Sta. Lucia

High School, matapos ang ilang taong implementasyon ng K to 12, hindi pa rin

kumpleto ang kanilang mga modulessa pagtuturo nito. Nananatiling kulang ang

mga  guro at iba pang rekisitos para sa programang ito. Tinatayang nasa

mahigit kumulang 100,000 na mga propesor sa kolehiyo sa buong bansa ang

pinapangambahang mawawalan ng trabaho pagdating ng 2016 sa kabuuang

implementasyon ng K to 12.

“Imbes na magsayang ng oras at pondo sa pagpapalit ng kurikulum sa

edukasyon para lamang matugunan ang pangangailangan ng mga malalaking

negosyo ng dayuhan, dapat gawing prayoridad ng gobyerno ang pagpapaunlad

ng kalidad at abot-kayang edukasyon na may kakayahang lumikha ng

pambansang industriya at ekonomiyang nakakatindig sa sarili.” (Velasco, 2015).

Ayon naman kay Wilmor Pacay III (2014), isang guro sa kolehiyo sa

pribadong pamantasan, may diskriminasyon na noon pa man sa Wikang Filipino

at Wikang Ingles, ngayon tahasan nang tinanggal ang Wikang Filipino.

“Karapatan ng mga mamamayan na matutunan ang Wikang Filipno at obligasyon

ng gobyerno na ituro ito sa mga mamamayan. Pero ginawa itong krimen ng

CHED sa inilabas nitong memo,” sabi pa ni Pacay.

11

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Ayon kay San Juan (2014), isa sa mga hakbang na isinagawa ng Filipino

Department ang paghahain ng position paper sa CHED na naglalaman ng mga 

hinaing ng mga propesor ng DLSU patungkol sa pagpapanatili ng asignaturang

Filipino sa kolehiyo.

Ang pahayag ni Dr. Elena R. Mirano (2014) “Dapat lahat ng pumapasok

sa kolehiyo ay mayroong isang kabuuan ng kaalaman hindi lang isang makitid na

larangan. Kung kaya’t kami sa mga ibang sining at iba ring larangan at siyensiya

sa Unibersidad ay nakikiisa dito sa isyung ito.”

Sa perspektiba naman ni Flores (2014) tungkol sa bagong kurikulum at sa

K to 12, hindi pa handa ang Pilipinas para sa K to 12 at sinabing “Ang balangkas

talaga ng trahedya sa akademya ay iyung K to 12 kasi ilang libo ang kulang na

guro, mga upuan at kuwarto, at ilang milyong teksbuk ang kulang? Sampung

milyon hanggang 15 milyong teksbuk pero tinapatan na naman ng dagdag na

tatlong taon. Hindi mo pa nasusukat o naaresto iyung problema ng dating

sitwasyon sa basic education.”

Sinuportahan ni San Juan ang pahayag ni Guillermo at binigyang-diin na

maging sa Estados Unidos kung saan kinopya ng CHED ang balangkas ng K to

12, “Ang hindi nila sinasabi, iyung K to 12 ng Amerika, pagdating ng college, sa

GEC ay required pa rin iyung national language at iyun ay ang Ingles. Sa ibang

kaso ay 6 units, sa ibang sitwasyon ay 3 units at sa iba naman ay 9 units pa ang

required na English subjects sa Estados Unidos.”

12

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Kaugnay na Pag-aaral

Ang mga pag-aaral na lokal ay isinaalang-alang sa pananaliksik. Ito ay

hango sa mga di nalathalang tesis at disertansyon. Ang kanilang mga natuklasan

at buod ay hinalaw at naging batayan ng mga pagpapahalagang may

pagkakatulad at pagkakaiba sa kasalukuyang pag-aaral.

Lokal

Filipino ang opisyal na wika ng Pilipino ayon sa 1987 konstitusyon, artikulo

XIV, seksyon 6-9. Dito sa Pilipinas, amrami tayong dialektong ginagamit gaya na

lamang ng Hiligaynon, Waray, Bisaya at iba pa. Kaya marahil ginawang

asignatura ang Filipino sa paaralan mula elementarya ay upang matuto tayong

gumamit n gating wika. Kaya natin pinag-aaralan ang Filipino ay para maging

bihasa tayo sa paggamit nito. Higit sa lahat, kaya natin pinag-aaralan ang Filipino

dahil ito ang opisyal na wika ng bansa at magagamit mo ito kung pupunta ka sa

ibang bahagi ng bansa na di mo alam ang kanilang dialekto. Dahil sa Filipino ay

nagkakaintindihan tayo, kaya bakit tatanggalin ito sa kolehiyo? Dahil ba mula

elementarya ay pinag-aaralan na natin ito? At hindi na kailangang pag-aralan sa

kolehiyo dahil eksperto na kami sa paggamit? Nagkakamali kayo, hindi pa kami

eksperto, marahil ay marunong kaming gumamit ng wikang ito pero hindi pa

sapat ang aming kaalaman. Marami nga sa atin, kahit nasa kolehiyo na,, eh

nahihirapan pang magbaybay ng mga salita sa Filipino at nahihirapan ding

bumuo ng mga pangungusap. - Kathy Rose O. Vilbar BSA – 2 (2014)

13

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Ang Filipino ay isang asignatura na kung saan ay natuto tayong magbasa,

magsulat at magsalita gamit ang wikang tagalog. Ang Filipino ay

napakahalagang asignatura sapagkat ito ang humuhubog sa ating pagkaPilipino.

Dahil rito tayo ay bihasa at pamilyar sa ating kultura. Ito ay ating wika. Kung

kaya’t maraming sa mamamayang Pilipio na tanggalin sa kurikulum ng kolehiyo

ang Filipino.Minsan, hindi natin maikakaila na meron paring mga Pilipino na

kinakahiya ang sariling atin at mas binibigyang halaga ang wika ng iba. Kung

tuluyang tatanggalin ang Filipino mas lalong mawawalan ng importansya ang

ating sariling wika. Kahit tinuturo pa nga ang Filipino sa kolehiyo marami paring

mga estudyante na hindi bihasa sa asignaturang Filipino.Kung may naidudulot

ang asignaturang Filipino na hindi kaaya-aya mas marami parin itong naidudulot

na maganda. Naniniwala ako na dapat ipagpatuloy ang pagtuturo ng Filipino sa

kolehiyo.Dagdag rito, bakit hahayaan na mas maging bihasa tayo sa wika nga

iba? Pinapatunayan lamang natin na mababaw tayong mga Pilipino. Kakalimutan

ang sariling atin at mas tinatangkilik ang wika ng iba. Oo, alam kong kilala tayong

mga Pilipino sa gaya-gaya ngunit hindi ito rason upang hayaang mawala ng

tuluyan ang kabuluhan at kahalagahan ng ating sariling wika.Ipaglaban natin ang

sariling atin. Iyan ang tunay na Pilipino! Hindi pasusupil kanino man. Dahil tayong

mga Pilipino ay may paninindigan at handing iapglaban ang sariling atin. Mula sa

ating mga ninuno hanggang sa kasalukuyan at mkabagong panahon, ipaglaban,

pagyamanin at huwag nating hayaan na ang asignaturang Filipino ay tanggalin

14

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

sa  kurikulum ng kolehiyo. “Tatag ng wika, Lakas ng mamamayang Pilipino.”-

Roxanne J. Templa BSA2 (2014)

15

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Kabanata III

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga pamamaraan ng pananaliksik

upang matugunan ang lahat ng pangangailangan sa pag-aaral gayundin ang

mga instrumentong ginamit sa pag-aaral. Inilalahad din dito ang pamamaraan ng

mga mananaliksik sa paglikom ng mga datos o tala ng mga respondante at ang

paglalapat ng estalistika upang bigyang linaw ang mga nalikom impormasyon.

Paraan ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga sumusunod na paraan sa

paglikom ng mga datos. Ginamit sa pag-aaral ang pinakamabisang paraan sa

pagsusuri ng saloobin at opinyon nga mga respondante ukol sa pagpapanatili ng

asignaturang Filipino sa kolehiyo na kung saan ang talatanungan ang

pangunahing instrumentong ginamit sa pagkalap ng mga datos.

Mga Respondente

Ang pananaliksik na ito ay binubuo ng 50 respondente. Kabilang ditto ang

dala wamput limang (25) mag-aaral sa Kolehiyo ng mga Guro (CTE) at

dalawamput limang (25) mag-aaaral naman sa Kolehiyo ng Sining at Agham

(CAS) ng Pangalawang Semestre, Taong panuruan 2014–2015. Sa

pamamagitan ng random sampling natukoy ang bilang ng mga respondante na

16

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

mag-aaral sa kakatawan sa ibat-ibang departamento sa CTE at CAS ng

Unibersidad ng Surigao del Sur.

Intrumentong ginamit sa Pagkalap ng mga datos

Ang pag-aaral na ito ay siniyasat sa pamamagitan ng talatanungan at

tseklits. Sa pamamagitan nito madaling makalikom ng mga datos at

impormasyong nakatulong sa pagpapakahulugan ng mga datos na

naipamimigay sa mga kinauukulan upang sagutin at palabasin ang makabuluhan

at detalyeng katugunan. Pinili ang paraang ito dahil ang pangunahing hangarin

ng mga mananaliksik ay ang pagtataya at pagsusuri ng mga epekto at saloobin

ng mga mag-aaral sa Kolehiyo ng mga Guro at Kolehiyo ng Sining at Agham ng

Unibersidad ng Surigao del Sur ukol sa pagpapanatili ng asignaturang Filipino sa

kolehiyo.

17

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Kabanata IV

PRESENTASON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Matutunghayan sa mga sumusunod na Talahanayan ang mga natipong

datos kaugnay sa mga saloobin ng mga respondente ukol sa nasabing mga

suliranin sa unang kabanata.

Talahanayan 1

Halaga sa Pagpapanatili ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo

Opsyon CTE CAS KabuuanDahil ito ang ating Pambansang Wika 16 16 32Dahil ito ang napili kung kursong kinuha 3 0 3

Dahil mas madali akong matuto at makaintindi sa mga leksyon kung ito ang gagamitin sa pagtuturo 6 9 15

Kabuuan sa bawat kolehiyo 25 25 50Sa Talahanayan 1 sa unang opsyon, pareho ang dalawang

departamento na nakakuha ng labing anim (16) na mag-aaral ang tumugon.

Tatlong (3) mag-aaral naman ang tumugon mula sa CTE, at wala (0) naman sa

CAS mula sa pangalawang opsyon. Habang sa pangatlong opsyon, may anim

(6) na mag-aaral ang tumugon mula sa CTE at siyam (9) naman sa CAS.

Sa kabuuan, mas marami ang bilang ng mag-aaral ang tumugon sa unang

opsyon “Dahil ito ang ating Pambansang Wika” na may tatlumpot-dalawang (32)

mag-aaral ang tumugon, sinundan ito ng pangatlong opsyon na “Dahil mas

madali akong matuto at makaintindi sa mga leksyon kung ito ang gagamitin sa

pagtuturo” ay may labin-limang (15) mag-aaral ang tumugon at tatlo lamang ang

18

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

tumugon mula sa pangalawang opsyon “Dahil ito ang napili kung kursong

kinuha”.

Talahanayan 2

Epekto sa pagtatanggal sa Asignaturang Filipino sa kolehiyo

Opsyon CTE CAS KabuuanHindi ko matatapos ang kursong kinuha 0 5 5Mas magiging bihasa na ang mga respondent sa Ingles na wika 1 2 3

Matatapos sa pag- aaral ng walang alam tungkol sa Filipino 24 18 42Kabuuan sa bawat kolehiyo 25 25 50

Sa Talahanayan 2 naman, makikitang walang (0) mag-aaral ang tumugon

mula sa CTE at lima (5) lamang sa mga mag-aaral mula sa CAS ang tumugon sa

unang opsyon. Sa pangalawang opsyon, may isang (1) mag-aaral mula sa CTE

ang tumugon at dalawang (2) mag-aaral naman sa CAS. May dalawamput-apat

(24) na mag-aaral ang tumugon mula sa CTE at labing-walong (18) mag-aaral

mula sa CAS ang tumugon ng pangatlong opsyon.

Sa kabuuan, may apatnaput-dalawang (42) mag-aaral ang tumugon sa

pangatlong opsyon “Matatapos sa pag- aaral ng walang alam tungkol sa Filipino”

sinundan naman ito ng limang (5) mag-aaral na tumugon mula sa unang opsyon

“Hindi ko matatapos ang kursong kinuha”, at tatlong mag-aaral ang tumugon

mula sa pangalawang opsyon “Mas magiging bihasa na ang mga respondent sa

Ingles na wika”.

19

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Talahanayan 3

Programang mainam imungkahi upang maprotektahan at mapanatiling ituro ang Asignaturang Filipino sa kolehiyo

Opsyon CTE CAS Kabuuan

Filipino lamang ang Wikang gagamitin sa pagtuturo 20 25 45

Patakarang pangwika sa loob ng klasrum 3 0 3

Pagsasanay sa mga instruktor ng Filipino na pang edukasyon 2 0 2

Sa Talahanayan 3, makikitang may dalawampung (20) mag-aaral ang

tumugon mula sa CTE at dalawamput-limang (25) mag-aaral naman sa CAS ang

tumugon mula sa unang opsyon. Habang ang pangalawang opsyon ay may

mag-aaral na may bilang na tatlo (3) ang tumugon mula sa CTE at wala (0)

naman sa CAS. Nakakuha ng dalawang (2) mag-aaral ang tumugon mula sa

CTE at walang (0) mag-aaral ulit ang tumugon mula sa CAS sa pangatlong

opsyon.

Sa kabuuan, may apanaput-limang (45) mag-aaral ang tumugon sa unang

opsyon “Filipino lamang ang Wikang gagamitin sa pagtuturo”, habang may

tatlong (3) mag-aaral ang tumugon mula sa pangalawang opsyon “Patakarang

pangwika sa loob ng klasrum” at dalawang (2) mag-aaral ang tumugon mula sa

pangatlong opsyon “Pagsasanay sa mga instruktor ng Filipino na pang

edukasyon”.

20

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Kabanata V

LAGOM NG NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom ng Natuklasan

Matapos ng pangangalap ng mananaliksik:

1. Natuklasan na mahalaga ang pagpapanatili ng asignaturang Filipino sa

kolehiyo dahil ito ang ating Pambansang Wika.

2. Napag-alaman na ang magiging epekto sa mga respondente kapag

tinanggal ang asignaturang Filipino sa kolehiyo ay magtatapos ang mga

ito na walang alam sa Wikang Filipino.

3. Nalaman na ang mainam na imungkahing programa upang ma

protektahan ang asignaturang Filipino at mapanatili itong ituro sa

kolehiyo ay Filipino lamang ang wikang gagamitin sa pagtuturo.

Konklusyon

Batay sa natuklasan, napag-alaman ng mananaliksik na:

1. Mahalaga ang pagpapanatili ng asignaturang Filipino dahil ito ang ating

Pambansang Wika.

2. Magtatapos ang mga respondente na walang alam sa Wikang Filipino ang

epekto kapag tinanggal ang asignaturang Filipino sa kolehiyo.

21

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

3. Ang mainam na imungkahing programa upang maprotektahan ang

asignaturang Filipino at mapanatili itong ituro sa kolehiyo ay Filipino

lamang ang gagamitin sa pagtuturo.

Rekomendasyon

Kaugnay sa mga kongklusyong nabanggit, inirerekomenda ng mga

mananaliksik ang mga sumusunod;

1. Pangalagaan ang Wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit

nito sa pagtuturo at gamitin sa pang-araw-araw na pakikipag

talastasan.

2. Suportahan ang mga programang tumututol sa pagpapatanggal sa

asignaturang ito.

3. Parusahan ang lumabag sa batas na nakatalaga sa 1987

konstitusyon tungkol sa Wika.

22

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

TALASANGGUNIAN

Pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo: Filipino Department, umapila sa

CHED (Hunyo, 2014): Ang Pahayagang Plaridel mula sa :

http://plaridel.ph/2014/06/19/pagtanggal-ng-asignaturang-filipino-sa-kolehiyo-

filipino-department-umapila-sa-ched/

Pagtanggal ng Filipino subjects, pinalagan (Hunyo, 2014) Online Balita galing

sa: http://www.balita.net.ph/2014/06/26/pagtanggal-ng-filipino-subjects-

pinalagan/

Pher Pasion (hunyo, 2014) Pagtanggal ng wikang Filipino sa kurikulum ng

CHED, binatikos ng mga guro at kabataan : Balita, Kabataan galling

sa :http://pinoyweekly.org/new/2014/06/pagtatanggal-ng-wikang-filipino-sa-

kurikulum-binatikos-ng-mga-guro-kabataan/#sthash.L9PmRpZt.dpuf

Haidee C. Pineda (Hulyo, 2014) Mga guro sa Filipino, tumutol sa utos ng CHED

na tanggalin ang Filipino sabjek sa kolehiyo ; KALASAG galing sa

http://upd.edu.ph/~updinfo/jul14/articles/Mga%20Guro%20tutol%20sa%20utos

%20ng%20CHED%20na%20tanggalin%20ang%20Filipino%20sabjek.html

23

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

TALAAN NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: GLAIZA P. BUGARIN

Tirahan: Prk. Maligaya I, Tanabog, Rosario

Tandag City, Surigao del Sur

Araw ng Kapanganakan: Hunyo 29,1996

Lugar ng Kapanganakan:

Libas sud, San Miguel, Surigao del Sur

Mga Paaralang Pinagtapusan

Kurso: Bachelor in Secondary Education major in Physical Science

Surigao del Sur State University – Main Campus

Tandag City, Surigao del Sur

Sekondarya: Jacinto P. Elpa National High School

S.Y. 2012-2013

Elementarya: Rosario Elementary School

S.Y. 2008-2009

24

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Pangalan: ZYRIEL M. CAÑACAO

Tirahan: Purok Kasamahan, Dawis

Tandag City, Surigao del Sur

Araw ng Kapanganakan: Oktubre 7, 1997

Lugar ng Kapanganakan:

Catupgas, Nurcia, Lanuza, Surigao del Sur

Mga paaralang Pinagtapusan

Course: Bachelor in Secondary Education major in Mathematics

Surigao del Sur State University – Main Campus

Tandag City, Surigao del Sur

Sekondarya: Nurcia Integrated School

S.Y. 2013-2014

Elementarya: Nurcia Integrated School

S.Y. 2009-2010

25

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Pangalan: MARNELLY KIM D. CAP-ATAN

Tirahan: Purok Garcia, Buenavista

Tandag City, Surigao del Sur

Araw ng Kapanganakan: Enero 6, 1998

Lugar ng Kapanganakan:

San Vicente, Anahawan, Southern Leyte

Mga Paaralang Pinagtapusan:

Course: Bachelor in Secondary Education major in Biological Science

Surigao del Sur State University – Main Campus

Tandag City, Surigao del Sur

Sekondarya: Buenavista National High School

S.Y. 2013-2014

Elementarya: Buenavista Elementary School

S.Y. 2009-2010

26

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Pangalan: BLESSY CERVANTES

Tirahan: Prk. Citrus II, Duma-duma

Tago, Surigao del Sur

Araw ng Kapanganakan:

Lugar ng Kapanganakan:

Mga Paaralang Pinagtapusan

Course: Bachelor in Secondary Education major in Mathematics

Surigao del Sur State University – Main Campus

Tandag City, Surigao del Sur

Sekondarya: Purisima National High School

S.Y. 2013-2014

Elementarya: Obrenio Elementary School

S.Y. 2009-2010

27

Republic of the PhilippinesSURIGAO DEL SUR STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATIONMain Campus- Rosario, Tandag City

Pangalan: ROSITA A. CLAVE

Tirahan: Purok III, Amag

Bayabas, Surigao del Sur

Araw ng Kapanganakan: Hunyo 10, 1997

Lugar ng Kapanganakan:

Amag, Bayabas, Surigao del Sur

Mga Paaralang Pinagtapusan

Course: Bachelor in Secondary Education major in MAPEH

Surigao del Sur State University – Main Campus

Tandag City, Surigao del Sur

Sekondarya: Solomon P. Lozada National High School

S.Y. 2013-2014

Elementarya: Amag Elementary School

S.Y. 2009-2010

28