Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

16
KABANATA 21 ANG PANGALAWANG PAG-UWI AT PAGTATAG NG LA LIGA FILIPINA

description

Buhay, mga gawain at Sinulat ni Rizal

Transcript of Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

Page 1: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

KABANATA 21

ANG

PANGALAWANG

PAG-UWI

AT PAGTATAG NG

LA LIGA FILIPINA

Page 2: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

HUNYO 26, 1892

Dumating na ng Maynila si Rizal kasama ang kanyang kapatid na

si Lucia.

Nagtungo siya sa Malacañang para kausapin si Gobernador

heneral na si Eulogio Despujol, nagkaroon si Rizal ng pagka

kakataong makausap ito at pumayag na patawarin ang ama ni

Rizal ngunit hindi ang ibang miyembro ng kanyang pamilya

at sinabihan na siya ay bumalik sa Miyerkules.

Binisita niya rin ang kanyang mga babaeng kapatid

na nasa lungsod.

PAGDATING SA PILIPINAS, KASAMA ANG KANYANG

KAPATID NA BABAE

Page 3: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

PAGBIBISITA SA MGA KAIBIGAN SA

GITNANG LUZON

HUNYO 27, 1892

Umalis si Rizal sa Maynila at binisita niya ang mga

kaibigan sa Malolos, San fernando, Tarlac at

Bacolor, mainit siyang sinalubong at inasikaso sa

mga tahanan ng kanyang mga kaibigan.

Ang mga ito ay mabubuting makabayan, na

nakikiisa at nakikisimpatiya sa krusadang

repormista, at kinuha niya ang oportunidad na

batiin sila nang personal at matalakay sa kanila ang

mga suliraning bumabagabag sa mga kababayan.

Page 4: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

PAGTATATAG NG LA LIGA FILIPINA

HULYO 3, 1892

Dumalo si Rizal sa isang pulong ng mga makabayan

sa tahanan ng mestisong Tsino-Pilipinong si Doroteo

Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila.

Ipinaliwanag ni Rizal ang layunin ng La Liga

Filipina, isang ligang sibiko ng mga Pilipino, na

nilalayon niyang itatag at ang mga papel na

gagampanan nito sa panlipunan at pang-

ekonomiyang buhay ng taumbayan

Page 5: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

MGA INIHALAL NA PAMUNUAN NG BAGONG

LIGA AY BINUBO NG MGA SUMUSUNOD:

Pangulo : Ambrosio Salvador

Kalihim: Deodato Arellano

Ingat – yaman : Bonifacio Arevalo

Piskal : Agustin De la Rosa

Page 6: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

Ang layunin ng La Liga Filipina gaya ng isanasaad ng

konstitusyon nito ay ang mga sumusuonod:

Mapag-isa ang buong kapuluan sa isang katawang buo,

malakas, at magkakauri

Proteksiyon ng bawat isa para sa pangangailangan ng

bawat isa

Pagtatanggol laban sa lahat ng karahasan at kawalang

katarungan

Pagpapaunlad sa Edukasyon, agrikultura, at

pangangalakal

Pag-aaral at pagpapairal ng mga pagbabago

ANG KONSTITUSYON NG LA LIGA

FILIPINA

Page 7: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

Ang motto ng La liga Filipina ay: Unus Instar Omnium

(bawat isa’y katulad ng lahat)

Ang ma tungkulin ng mga miyembro ng

liga ang mga sumusunod:

Sundin ang mga utos ng Kataas-taasang Konseho

Tumulong sa pangangalap ng mga bagong

miyembro

Mahigpit na panatilihing lihim ang mga desisyon

ng mga awtoridad ng Liga

Page 8: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

Magkaroon ng ngalang-sagisag na di maaring palitan

hanggang di nagiging pangulo ng kanyang konseho

Iulat sa piskal ang anumang maririnig na makaaapekto

sa Liga

Kumilos na matuwid na siyang dapat dahil siya’y

mabuting pilipino , at

Tumulong sa kapwa kasapi sa anumang oras .

Page 9: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

Nagtungo si Rizal sa Malacañang upang

ituloy ang pakikinayam sa Gobernador Heneral,

sa panayam na ito, nagpakita si Despujol ng

mga ilang nailimbag na babasahin na di umano

ay natagpuan sa loob ng punda ng unan ni

Lucia.

PAGDAKIP AT PAGKULONG KAY RIZAL SA FUERZA

SANTIAGO

HULYO 6, 1892

Page 10: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

Ang mga subersibong babasahin ay

pinamagatang “Pobres Frailes” na isinulat ni

Padre Jacinto . Mahigpit itong tinanggi ni Rizal

na ang mga babasahing iyon ay nasa kanya o

nasa bagahe ni Lucia, ngunit dinakip parin siya.

Dinala at sinamahan ni Ramon Despujol sa

Fuerza Santiago at dito ay naging inkomunikado

si Rizal.

Page 11: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

HULYO 7, 1892

Nang sumunod na araw, inilathala ng

Gaceta de Manila ang pagkakadakip kay Rizal,

na nagdulot ng kaguluhan at pagkagalit sa

maraming Pilipino, lalo na sa mga kasapi ng

bagong tatag na La Liga Filipina.

Page 12: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

HULYO 15, 1892

Dinala si Rizal, na may mahihigpit na

tanod, sa barkong Cebu na papuntang

Dapitan, ang barkong ito ay nasa

pamamahala ni Kapitan Delgras, ang

barko ay dumaan ng Mindoro at

Panay at dumating sa Dapitan ng

Linggo ika -17 ng Hulyo.

PAGPAPATAPON SA DAPITAN

Page 13: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

Naglathala si Rizal ng mga aklat at babasahin

sa ibang bansa, na nagpapakita ng kanyang

pagtataksil sa Espanya at hayag na nagpapakita

ng “pagiging Anti -Katoliko”

Natagpuan sa isa sa mga bagahe ang isang

bulto ng babasahing pinamagatang pobres

frailes kung saan nilibak ang mapagtimpi at

mapagkumbabang pagbibigay ng mga Pilipino.

Mga dahilan kung bakit ipapatapon si Rizal:

Page 14: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

Ang kanyang nobelang El Filibusterismo

nay inihandog sa tatlong traydor(Burgos,

Zamora, Gomez), at sa pamagat ng pahina.

Ang tunguhin ng kanyang pagsisikap at

pagsusulat ay mawasak sa mga tapat na Pilipino

ang mga yaman ng ating banal na

pananampalatayang katoliko.

Page 15: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

Nang gabing iyon

sinimulan ni Rizal ang

buhay-desterado sa

malungkot na Dapitan na

magtatagal hanggang

Hulyo 31, 1896 sa haba

ng apat na taon.

Page 16: Kabanata 21- Ang pangalawang pag-uwi at ang La Liga Filipina

MARAMING SALAMAT SA MGA

NAKINIG!^_^

BY: ROWNEL CEREZO GAGANI