iSYUiSYUiSYUiSYUiSYU XV NO - tup.edu.phtup.edu.ph/artisan/isyu-vollxv-no2.pdf · sa mga manonood na...

8
iSYU iSYU iSYU iSYU iSY SYU iSYU iSYU iSYU iSY iSYU iSYU iSYU iSYU iS SYU iSYU iSYU iSYU iSY iSYU iSYU iSYU SYU iSYU iSYU iSYU iSY iSYU iSYU iSYU iSYU iS YU iSYU iSYU iSYU iSYU YU iSYU iSYU iSYU iSYU iSYU iSYU iSYU iSYU iSYU iSYU SYU iSYU iSYU iSYU iSYU iSYU iSYU iSYU iSYU iSYU iSY kagustuhan na rin mismo ng maykapal, naging isang ganap na director siya nito nang minsang walang magdidirek ng isa nilang dula. At pagkatapos ay binuo niya ang TUPAS na isa sa mga kumpanyang kabahagi ay ang BAHNAAG Theater Company. Wala na marahil hihigit pa sa pag-ibig ni Kuya Mau sa teatro dahil sa katunayan, mula taong 2005 hanggang kasalukuyan, nakaanim na matatagumpay na produksyon ang TUPAS na tumatak talaga sa isipan ng mga manonood nito. At marahil sa mga darating pang mga taon ay lalo pang darami ang maipagmamalaki nilang mga dula at mas iigting ang pundasyon ng mga kwento’t impluwensiyang nililikha para sa mga kapwa TUPian. PAGBALANSE NG SARILI: SA LOOB AT LABAS NG TABING Napakahirap pagsabayin at balansehin ang gawain sa loob at labas ng tabing, higit pang mga bagay sa iisang oras at panahon. Higit lalo sa isang gaya ni Kuya Mau na kung ika nga’y isang full time student at isang full time artist. Siya na sa likod ng kurtina’y director - perfectionist, istrikto, masungit. Ngunit sa labas ng teatro ay kaibigan ng marami. Sabi nga ng ilan, kapag ika’y naiipit sa ganitong uri ng sitwasyon, ang atensyon ay nahahati. Nang mabigyan ang bawat layon at organisasyong kinabibilangan ng pantay na oras, atensyon at pagmamahal. Maraming dapat iprayoridad, maraming dapat bigyang halaga’t importansiya. Sa madaling sabi, para mo na ring binibiyak ang iyong pagkatao sa maram- ing bahagi. PAGTATANGHAL: ISANG MAHABANG KALBARYO Ang teatro sa TUP ay tunay ngang isang mahabang kalbaryo. Nangunguna sa kanilang listahan ang marketing ng buong play. Kakulangan sa badyet na sa kamalasa’y tulung-tulong na lang sila sa Ang teatro’y kinatatampukan ng iba’t ibang mga aktor. Mga taong di lamang inatasa’t pinanutong husto nang magampanan nang maayos ang papel sa entablado. Kundi ang mga actor na ito’y mga dinamikong or- ganismong nagkakaroon ng mabining pakikipag-ugnayan at interaksyon sa mga manonood na naghahanap ng mga kahulugan sa bawat galaw na pinamamalas: ang baway pilantik ng mga daliri, yakag ng mga kamay, sukat na imbay ng mga braso, banayad na pagtaas-pagsayad ng mga paa sa lupa, kunot ng noo, ngiwi ng mukha. Mga aktor na nagsisilbing tulay sa pagpapalaganap ng kamalayang muhon ng pagtanggap ng tao sa kaisa niyang mundo, sa daigdig na kanyang kinabibilangan. PAGSILIP SA LIKOD NG TELON Sa pagtatapos ng pagtatanghal, hindi ba sumagi sa ating isipan kung ano kaya ang mga nagaganap bago bumukas ang tabing? Ang mga paghahanda sa bawat pagtapak ng kanilang paa sa entablado? Anu- anu kaya ang mga tuwa’t hirap na nagkukubli sa bawat arteng kanilang ipinapakita? Paano naman kaya nila nababalanse ang kanilang sarili bilang isang mag-aaral at bilang isang actor? Ang atin lamang namamalas ay ang harapang mukha ng kurtina ng teatro. Ngunit sa dakong likod nito, anong misteryosong tagpo kaya ang nagaganap doon? Halina’t samahan ninyo kami sa paghawi ng telon, sa pagtuklas at pagsalamin sa totoong mukha ng teatro sa TUP sa likod ng kurtina, sa entabladong walang ilaw. ALING PAG-IBIG ANG HIHIGIT KAYA? Sa simula pa’y nakalimbag na sa ating mga puso’t isipan ang mga angking naisin. Ang sining at drama sa teatro na marahil ang siyang na- kaukol para kay Maurelio C. Cabo, Jr. mas kilala sa tawag na Kuya Mau, Stage Director ng TUP Artist’s Society (TUPAS). Ngumiti ang kapalaran para kay Kuya Mau nang minsan siyang im- bitahan ng SEXTER na umarte para sa isang adbokasiya sa Drug Abuse. Hanggang sa magtuluy-tuloy ang tawag ng larangan, at siya’y naging kabahagi ng Bahaghari, ang aktibong teatro noon sa TUP. Noong una’y mariin niyang ipinagdiinan sa presidente ng Bahaghari na siya’y ma- giging isa lamang scriptwriter ng pangkat sa kadahilanang mayroon si- yang stage fright. Subalit nakatakda na marahil sa kanyang mga palad at sundan sa p8 VOLUME LXV NO.2 iSYU 2009-2010 Arte. Sining. Drama. Iyan ang Teatro. Iba’t ibang mga putahe ang inihahandog sa atin ng teatro. Isang sining na nagbibigay kasiyahan sa lupon ng mga manunood mula sa manuskrito hanggang sa pagladlad ng mga linya at pag-arte sa saliw ng musika at kwento mula sa unang hakbang hanggang sa pag- abot sa rurok ng tagumpay. TEATRO SA TUP: PAGTUKLAS SA ENTABLADONG WALANG ILAW Sa panulat nina: Christian Joseph Ambong, Gizell Ganit, Christopher Rosales at Salve Gina Totanes

Transcript of iSYUiSYUiSYUiSYUiSYU XV NO - tup.edu.phtup.edu.ph/artisan/isyu-vollxv-no2.pdf · sa mga manonood na...

Page 1: iSYUiSYUiSYUiSYUiSYU XV NO - tup.edu.phtup.edu.ph/artisan/isyu-vollxv-no2.pdf · sa mga manonood na naghahanap ng mga kahulugan sa bawat galaw na ... ano kaya ang mga nagaganap bago

iSYU iSYU iSYU iSYU iSYUiSYU iSYU iSYU iSYU iSYUiSYU iSYU iSYU iSYU iSYU

iSYU iSYU iSYU iSYU iSYUiSYU iSYU iSYUiSYU iSYU iSYU iSYU iSYUiSYU iSYU iSYU iSYU iSYU

iSYUiSYUiSYUiSYUiSYU iSYUiSYUiSYUiSYUiSYU

iSYUiSYUiSYU

iSYU iSYU iSYUiSYU iSYU iSYUiSYU iSYU iSYU

iSYUiSYUiSYUiSYUiSYU

kagustuhan na rin mismo ng maykapal, naging isang ganap na director siya nito nang minsang walang magdidirek ng isa nilang dula. At pagkatapos ay binuo niya ang TUPAS na isa sa mga kumpanyang kabahagi ay ang BAHNAAG Theater Company.

Wala na marahil hihigit pa sa pag-ibig ni Kuya Mau sa teatro dahil sa katunayan, mula taong 2005 hanggang kasalukuyan, nakaanim na matatagumpay na produksyon ang TUPAS na tumatak talaga sa isipan ng mga manonood nito. At marahil sa mga darating pang mga taon ay lalo pang darami ang maipagmamalaki nilang mga dula at mas iigting ang pundasyon ng mga kwento’t impluwensiyang nililikha para sa mga kapwa TUPian.

PAGBALANSE NG SARILI: SA LOOB AT LABAS NG TABING

Napakahirap pagsabayin at balansehin ang gawain sa loob at labas ng tabing, higit pang mga bagay sa iisang oras at panahon. Higit lalo sa isang gaya ni Kuya Mau na kung ika nga’y isang full time student at isang full time artist. Siya na sa likod ng kurtina’y director - perfectionist, istrikto, masungit. Ngunit sa labas ng teatro ay kaibigan ng marami.

Sabi nga ng ilan, kapag ika’y naiipit sa ganitong uri ng sitwasyon, ang atensyon ay nahahati. Nang mabigyan ang bawat layon at organisasyong kinabibilangan ng pantay na oras, atensyon at pagmamahal. Maraming dapat iprayoridad, maraming dapat bigyang halaga’t importansiya. Sa madaling sabi, para mo na ring binibiyak ang iyong pagkatao sa maram-ing bahagi.

PAGTATANGHAL: ISANG MAHABANG KALBARYOAng teatro sa TUP ay tunay ngang isang mahabang kalbaryo.Nangunguna sa kanilang listahan ang marketing ng buong play.

Kakulangan sa badyet na sa kamalasa’y tulung-tulong na lang sila sa

Ang teatro’y kinatatampukan ng iba’t ibang mga aktor. Mga taong di lamang inatasa’t pinanutong husto nang magampanan nang maayos ang papel sa entablado. Kundi ang mga actor na ito’y mga dinamikong or-ganismong nagkakaroon ng mabining pakikipag-ugnayan at interaksyon sa mga manonood na naghahanap ng mga kahulugan sa bawat galaw na pinamamalas: ang baway pilantik ng mga daliri, yakag ng mga kamay, sukat na imbay ng mga braso, banayad na pagtaas-pagsayad ng mga paa sa lupa, kunot ng noo, ngiwi ng mukha. Mga aktor na nagsisilbing tulay sa pagpapalaganap ng kamalayang muhon ng pagtanggap ng tao sa kaisa niyang mundo, sa daigdig na kanyang kinabibilangan.

PAGSILIP SA LIKOD NG TELONSa pagtatapos ng pagtatanghal, hindi ba sumagi sa ating isipan kung

ano kaya ang mga nagaganap bago bumukas ang tabing? Ang mga paghahanda sa bawat pagtapak ng kanilang paa sa entablado? Anu-anu kaya ang mga tuwa’t hirap na nagkukubli sa bawat arteng kanilang ipinapakita? Paano naman kaya nila nababalanse ang kanilang sarili bilang isang mag-aaral at bilang isang actor?

Ang atin lamang namamalas ay ang harapang mukha ng kurtina ng teatro. Ngunit sa dakong likod nito, anong misteryosong tagpo kaya ang nagaganap doon?

Halina’t samahan ninyo kami sa paghawi ng telon, sa pagtuklas at pagsalamin sa totoong mukha ng teatro sa TUP sa likod ng kurtina, sa entabladong walang ilaw.

ALING PAG-IBIG ANG HIHIGIT KAYA?Sa simula pa’y nakalimbag na sa ating mga puso’t isipan ang mga

angking naisin. Ang sining at drama sa teatro na marahil ang siyang na-kaukol para kay Maurelio C. Cabo, Jr. mas kilala sa tawag na Kuya Mau, Stage Director ng TUP Artist’s Society (TUPAS).

Ngumiti ang kapalaran para kay Kuya Mau nang minsan siyang im-bitahan ng SEXTER na umarte para sa isang adbokasiya sa Drug Abuse. Hanggang sa magtuluy-tuloy ang tawag ng larangan, at siya’y naging kabahagi ng Bahaghari, ang aktibong teatro noon sa TUP. Noong una’y mariin niyang ipinagdiinan sa presidente ng Bahaghari na siya’y ma-giging isa lamang scriptwriter ng pangkat sa kadahilanang mayroon si-yang stage fright. Subalit nakatakda na marahil sa kanyang mga palad at

sundan sa p8

VOLUME LXV NO.2

iSYU 2009

-2010

Arte. Sining. Drama. Iyan ang Teatro. Iba’t ibang mga putahe ang inihahandog sa atin ng teatro. Isang sining na nagbibigay kasiyahan sa lupon ng mga manunood mula sa manuskrito hanggang sa pagladlad ng mga linya at pag-arte sa saliw ng musika at kwento mula sa unang hakbang hanggang sa pag-abot sa rurok ng tagumpay.

TEATRO SA TUP:

PAGTUKLAS SA ENTABLADONG WALANG ILAW

Sa panulat nina: Christian Joseph Ambong, Gizell Ganit, Christopher Rosales at Salve Gina Totanes

Page 2: iSYUiSYUiSYUiSYUiSYU XV NO - tup.edu.phtup.edu.ph/artisan/isyu-vollxv-no2.pdf · sa mga manonood na naghahanap ng mga kahulugan sa bawat galaw na ... ano kaya ang mga nagaganap bago

Lipad Gray Hawks:

Ang Takbo ng Laro ng mga Atletang TUPianSa panulat nina: Jenilyne Pumaris at Brian Fabregas

Isports, hindi lang isang libangan kundi isang paraan upang maipakita at mahasa ang galing at talentong TUPian.Sa bawat pawis na pumapatak, sa pagod na nararamdaman at galing na ipinapamalas ng bawat manlalaro ay nagkukubli

ang kaligayahang nag-uugat sa tagumpay ng isang laban. Laban na ginagamitan ‘di lamang ng pisikal na kakayahan kundi pati ng disiplina at tamang asal. Ang isports ay isang aktibidad o labanan gamit ang pisikal at bilis ng depensa ng manlalaro. Dahil likas na sa ating mga Pilipino ang kawilihan sa isports, lumalaki na rin ang bilang ng mga atletang Pinoy na patuloy na nagbibigay ng malalaking karangalan sa bawat institusyong kanilang kinabibilangan.

Isa na rito ang ating unibersidad na siyang maituturing na lunduyan ng matitibay na atletang-TUPian. Subalit, lubusan na nga ba itong suportado hindi lamang ng administrasyon kundi pati na rin ng mga estudyante at mga propesor? Kasabay nga ba ng mga manlalarong ito ang pag-angat ng pamantasan tungo sa mataas na paglipad ng mga Gray Hawks?

Oras ng training Ang taktika sa laban ng isang manlalaro ang nagsisilbing

paraan niya upang umangat at manalo. Katulad din nito ang ginagawang paghahanda ng mga atletang TUPian at nariyan na nga ang kanilang training. Bagaman kulang sa pahinga, patuloy na gumugugol ang bawat manlalaro ng sapat na oras para sa kanilang weekly training. Humigit kumulang tatlong oras bawat araw pagkatapos ng kanilang klase tumatagal ang kanilang pag-eensayo para sa mga pinaghahandaang kompeti-syon. Kulang na kulang ang tatlong oras bilang paghahanda sa mga malalaking kompetisyon. Buwan din ang bibilangin bago

masabing handa na ang mga pambato ng ating unibersidad. Sa gitna ng hirap na dinaranas nila ay dobleng pagpupursigi ang kinakailangan nilang isakripisyo sa mga ganitong oras.

Pagsasakripisyo para sa pangarap

Pagod, pawis at pagsasakripisyo. Mga bagay na namumutawi sa mga atletang-estudyante sa

oras ng kanilang pag-eensayo. Batid naman ng lahat ang ba-wat sakripisyo nila sa pagitan ng kanilang pag-aaral at kom-petisyon na kailangan nilang harapin. Hindi lingid sa kaala-man ng marami na ang ilan sa mga atleta ay hindi makuhang higitan ang kanilang responsibilidad bilang mga estudyante. Ayon sa aming pakikipanayam kay volleyball coach Jonathan Lopez, hindi nila pinamimihasa ang bawat atleta ng TUP na makulong na lamang sa paglalaro ang takbo ng kanilang mga buhay. “Hangga’t maari dapat iwasan nilang magkaroon ng failing grades, kundi automatic silang mawawala sa varsity,” aniya.

Hindi pa rin mawawala sa kanilang mga pasanin ang prob-lema nila sa pag-aaral: ang hindi raw pagbibigay ng ilan sa mga propesor nila ng pagkakataong ma-excuse sa klase sa oras ng kanilang mga pagsasanay at maging sa oras ng kom-petisyon mismo. “Minsan nga kami pa ang nakikiusap sa mga professors para i-excuse yung mga players natin, may ilan din na kahit may university order na ayaw talaga pumayag,” dagdag pa ni coach Lopez. Mahirap man para sa mga atleta ang kanilang sitwasyon sa pagsasabay ng dalawa sa kanilang mga pangarap sa buhay, nananatili pa rin ang pagpupursigi at determinasyon upang matimbang nila ng maayos ang da-lawang mundong ito. At para sa kanila, ang kanilang pagsa-sakripisyo ay may malaki at magandang maidudulot hindi lang pansarili kundi para sa buong pamantasan.

Sarap pagkatapos ng hirap

Malaking bagay ang isinusugal ng bawat manlalaro sa oras ng kanilang mga laban. Oras, pagod at pag-aaral ang nakataya

ISYU2

Page 3: iSYUiSYUiSYUiSYUiSYU XV NO - tup.edu.phtup.edu.ph/artisan/isyu-vollxv-no2.pdf · sa mga manonood na naghahanap ng mga kahulugan sa bawat galaw na ... ano kaya ang mga nagaganap bago

kaya naman dobleng pagsusumikap ang kinakailangan upang makapag-uwi ng karangalan hindi lamang para sa paman-tasan kundi pati na rin sa pribilehiyong kapalit ng kanilang tagumpay.

Katambal ng programa ng pamunuan ukol sa varsity ay ang scholarship grants na ipinagkakaloob sa ating mga manlalaro. Subalit ang ilan sa mga pribilehiyong tulad ng allowance, transportasyon, supplies and equipments at food allowances sa oras ng kompetisyon ay limitadong ipinagkakaloob sapag-kat sa bilang ng ating mga manlalaro ay kulang na kulang ang Php 100.00 na athletic fee upang matugunan ang mga gani-tong pangangailangan ng ating mga manlalaro. Sa kabilang dako, ang mga manlalarong nagpapakitang gilas at nakapag-uuwi ng karangalan ng TUP sa mga kompetisyon ay tinutus-tusan ng athletic scholarship sa loob ng isang semestre. Kapag ang isang atleta ay nakasungkit ng gintong medalya sa laban, nagiging libre siya sa binabayarang tuition fee at miscella-neous fee sa unibersidad; 50 porsiyentong matrikula at libreng tuition naman sa makapag-uuwi ng pilak at libreng tuition na-man sa makakakuha ng tansong medalya.

Opensa ng manlalarong TUPian

Sa gitna ng mainit na kompetisyon, magkahalong lungkot, kaba at sabik ang karaniwan nilang nararanasan. “Marami kaming pangangailangang dapat mapansin ng university na-tin ngayon pagdating sa mga varsity na tulad namin” ani ng isang manlalarong si Gimo (hindi tunay na pangalan). Sa am-ing pakikipanayam sa kanya, naisiwalat niya ang malaking pagkukulang sa suporta ng pamantasan sa ating mga atleta ngayon. Mabigat na pasanin ang ganitong bagay na kanilang pinasok, kaya naman ang iba sa kanila ay nagdadalawang isip pa makilahok dito. Bagay na pinatunayan ng isang coach na nagpapatago sa pangalang coach X.

“Maraming anggulo ang hindi maganda sa players, coach-es at administrasyon,” sambit niya. “Walang room, para kam-ing basahan.” Bukod sa kakulangan ng suportang pangpinan-siyal, ang mga atletang TUPian ay may dobleng inggit pang nararanasan sa oras ng kompetisyon.

Depensa ng administrayon

“The idea of developing sports goes hand in hand with de-veloping the athletes physically, mentally, socially, emotional-ly, morally, spiritually and aesthetically. Players will develop their teamwork, harmonious relationship, respect to officials and other values.”

Ito ang sinabi ni Dr. Robert Milton A. Calo, Sports Direc-tor bilang pagpapa-abot sa lahat ng magandang adhikain ng ating varsity. Subalit maraming ispekulasyon at katanungan pa rin ang ating mga kapatid na TUPian ukol sa mga isyung kinasasangkutan nito. Ayon kay Dr. Calo, napupunta nga ito sa pondo nila ngunit idiniin niya na kulang talaga ang

100 piso para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng buong varsity. “One hundred pesos is not enough to support the sports development and needs of our varsity.” Idinagdag pa niya na kung kakayaning itaas ang halaga ng athletic fee hanggang Php 300.00 man lang ay sasapat na ito upang mas masuportahan ang bawat manlalaro sa pampinansiyal na as-peto. Pinabulaanan din niya ang mga varsitarian kabilang na ang mga coaches na nagsasabing kaya maraming mag-aaral ang nagdadalawang-isip na sumali sa varsity ay dahil wala namang nakukuhang benepisyo. “There are things which are better said than done and there are things which are better done than said. Katulad din ng shallow water runs noisy and deep water runs silent,” sagot niya.

Kung tatantiyahin, ang ibinabayad ng bawat TUPian ay di hamak na maliit o mura kumpara sa malaking halagang ibina-bayad ng ibang unibersidad para sa athletic fee. Isang magan-dang halimbawa na lamang dito ay ang Rizal Technological University. Naging malaking usapin ang biglaang pagtaas sa singil ng kanilang athletic fee na umabot sa P500.00 kumpara sa P100.00 na mula sa matrikula ng bawat mag-aaral ng ating unibersidad.

Tuloy pa rin ang laban

Sa kabila ng maraming pagkukulang, mga di kanais-nais na gawai’t mga pangyayari at di-inaasahang kaganapan sa loob ng varsity, tayo bilang mga simpleng estudyante, hindi man tunay na manlalaro, ang susi sa tagumpay ng isports na tatak TUPian. Sa suporta ng bawat isa ay mapapalakas natin ang loob, tiwala at kumpiyansa ng isang manlalaro, tungo sa matagumpay na laban para rin sa ating lahat. Ang katapatan at responsibilidad ng pamunuan ay magmumula sa ating mga palad. Ito’y mula sa ating tinig, sa boses na pilit isinisigaw tungo sa tamang hakbangin ng nakatataas. Ang tagumpay ng varsity ay hindi lamang magmumula sa mga manlalaro kundi mula rin sa bawat estudyante, coach at propesor ng ating paar-alan. Ang kontribusyon ng lahat ang magpapalakas ng pang-kat ng atletang TUPian. PA

ISYU 3

Page 4: iSYUiSYUiSYUiSYUiSYU XV NO - tup.edu.phtup.edu.ph/artisan/isyu-vollxv-no2.pdf · sa mga manonood na naghahanap ng mga kahulugan sa bawat galaw na ... ano kaya ang mga nagaganap bago

Balakid sa mga PangarapSa Pilipinas, ang patuloy na pagtaas ng tuition fee ang pan-

gunahing dahilan kung bakit napipilitan ang mga estudyan-teng pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral sa kabila ng kawalan ng trabaho ng mga magulang.

Sa pamamagitan ng mga student jobs ay kaya ng matustu-san ang sariling pag-aaral at iba pang personal na gastusin ng isang mag-aaral.

Suliraning Kinakaharap ng mga Student Assistant

Sa pagdami ng gawaing pang-akademiko at ng trabaho, tu-mataas din ang antas ng kapaguran ng isang working student. Sila ay nakararanas ng iba’t ibang sakit o disorders tulad ng insomnia at depresyon. Kinakaharap nila ang paglimot sa pag-gawa ng iba pang mahahalagang bagay sapagkat naibubuhos ang kanilang oras sa ibang bagay na sa tingin nila ay mahalaga rin ngunit hindi pala.

“Minsan, kapag kailangang mag-overtime sa klase para sa mga make-up classes, di na nakakapag-SA. Kaya pinagbubuti-han ko na lang sa susunod na araw, para yung dapat matapos nung araw na absent ako eh, mabilis pa ring natatapos nang maayos,” sagot ni Divine, isang SA, sa isang panayam.

Iba’t ibang Mukha ng Student Assistant

Maging Library AssistantAng magiging trabaho mo rito ay magmatyag ng mga

estudyanteng pumapasok sa silid-aklatan, maglista ng mga hihiraming aklat at siguraduhing walang nasulatan at napu-nit na pahina. Kung mag-aapply ka bilang library assistant, ang pagiging masinop, pagkakatanda sa ayos ng mga aklat at

ang pagiging masipag mo ay maaari mo ng maging puhunan sa pagpasok bilang library assistant. Kapag natanggap ka na, nasa harapan mo na ang mga librong susi sa hinahangad mong kaalaman.

Maging Computer Laboratory AssistantKadalasan, second or third year students ang mga com-

puter laboratory assistant. Libre ang paggamit ng computer dito. Ang magiging trabaho mo rito ay manmanan ang mga estudyanteng gumagamit ng computer, kinakailangang sigu-raduhin na walang ibubulsang keyboard o mouse, o kaya na-man monitor o di kaya’y pagkakasya sa bag ng CPU.

Maging Student JanitorKung gusto mong mag-aral sa araw at magtrabaho sa gabi,

pwede kang maging student janitor. Nagsisimula ang trabaho mo kapag tapos na ang lahat ng klase. Sipag at tiyaga lang ang kailangan. Dapat ipakita mo rin na mapagkakatiwalaan ka para panatag ang paaralan na walang mawawala o masisira kung maglilinis ka ng silid-aralan at mga opisina.

* * *

Ang pinakamabigat na dahilan kung bakit maraming estudyante sa kolehiyo ang nagtatrabaho ay upang maagang kumita ng pera. Ito ay nakatutulong upang maiwasan ang pan-gungutang at ang pagbabadyet nang maayos ay maisakatu-paran. Nakapupulot din ng mga karanasang hindi matatawaran at nagsisilbing daan upang mamulat sa mas mataas na kalidad ng gawain. Ito rin ay nagbubukas ng pinto sa pagkakakilan-lan ng mga tao. Ang isang mahusay na working student ay napapansin at nabibigyang oportunidad upang magkaroon ng magandang trabaho pagkatapos mag-aral.

Student Assistant:Isang TEKnik sa Pag-ahonIsinulat nina: Ma. Edalyn M. Reduta, Syne R. Mirasol, Sharon B. DitucalanTunay na Mukha ng Buhay

Alam natin na ang edukasyon ay isa sa pinakamahala-gang kayamanan nating mga tao. Ito ang tanging pamana ng ating mga magulang na hindi basta-basta makukuha ninu-man. Isinisiksik sa utak ng kabataan at laging bukam-bibig ng karamihan na upang tayo’y maging matagumpay sa bu-hay, kailangan nating makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit nakalulungkot isipin na isa sa mga dahilan kung bakit kara-mihan sa kabataang Pinoy ay hanggang high school lang ang natatapos dahil sa kahirapan ng buhay. Kung isa ka sa mily-un-milyong kabataan na hindi kakayanin ng mga magulang ang pagkokolehiyo dahil sa mahal at maraming gastusin sa pag-aaral, ano ang iyong gagawin?

ISYU4

Page 5: iSYUiSYUiSYUiSYUiSYU XV NO - tup.edu.phtup.edu.ph/artisan/isyu-vollxv-no2.pdf · sa mga manonood na naghahanap ng mga kahulugan sa bawat galaw na ... ano kaya ang mga nagaganap bago

Sa kabila ng puspusang pagseserbisyo, may mga benepisyo na matatanggap ang isang SA. Sa dalawang magkasunod na semestre ng pagiging SA ay maaaring pagkalooban ng 100% na diskwento sa matrikula. Kasama na rin dito ang karagda-gang karanasan at panibagong mga kaibigan at ang bayad na P20.00 kada oras.

Hindi rin maiiwasang maging bugnutin dahil nakatuon ang kanilang utak sa seryosong pag-aaral kasabay ng kanilang mahusay na pagtatrabaho. Ang bagay na ito ay nangyayari sa mga SA na nagsisimula pa lamang sa pag-aangkop ng sarili sa mga pagbabagong masasabi nating hindi ganoon kadali. Ang pagod mula sa trabaho ay isang dahilan kung bakit hindi na sila nakapag-aaral at nakatutugon sa mga pangangailangan sa klase pagdating sa bahay.

Katangian ng isang Student AssistantKung ninanais mong maging SA, kinakailangang bonafide

student ka ng unibersidad at may mahigit sa 18 units kada araw o mahigit 12 units kung pang-gabi. Mahigit isang taon na nag-aaral sa unibersidad at kinakailangang walang bagsak sa anumang asignatura kasama ang PE at NSTP. Ang mga may dropped subject ay maaring maging case-to-case basis depende sa rason at sitwasyon ng estudyante. May sapat na husay sa pagsasalita at pagsusulat. Ang pagliban sa trabaho ay kinakailangang hindi humigit sa 15% oras kada buwan (tatlong sunod-sunod na pagliban). Kinakailangang hindi ito iskolar ng ibang foundation. Kinakailangang makakumpleto ng sampung oras kada linggo. Ang mga first year students ay hindi inaanyayahan na mag-apply at mga may OJT at Off-campus na estudyante ay hindi rin pinapayagan.

Kaya mo ba ito?Matapos nating makita ang papel ng mga SA, tunghayan

naman natin at alamin ang buhay ng ilang natatanging estudyante sa ating unibersidad.

Pagkilala kay Carol“Hindi mahirap ang maging student assistant hangga’t sa

gusto mo iyong trabaho at masaya ka habang ginagawa ito.”Hindi mahirap ngunit hindi ibig sabihin na ganoon na la-

mang kadali para kay Carol ang magbanat ng buto bilang stu-dent assistant kasabay ng paggugol ng kanyang oras sa pag-aaral bilang mag-aaral ng Civil Engineering Technology sa ikalawang taon. Ang pagmamahal at job satisfaction ang nag-ing puhunan at pundasyon ni Carol upang patuloy na tahakin ang landas na napili. Naging gabay niya ang pagkakaroon ng time management sa pagresolba ng kanyang mga problema sa paghahati-hati ng kanyang gintong panahon sa lahat ng bagay na dapat pagka-abalahan.

Sa pagdaan ng panahon at habang si Carol ay nakakapit pa rin sa pagiging SA, hindi maiiwasan ang magkaroon ng ilang pagkakamali sa kanyang pagtatrabaho. Ngunit gayon pa man,

respeto, pagtitiwala at pagturing sa kanya bilang bahagi ng opisina ang ibinibigay sa kanya ng taong kanyang pinaglil-ingkuran.

Itinuturing ni Carol na isang magandang pribelehiyo ang kanyang pagpasok sa nasabing trabaho at higit sa lahat ay ini-enjoy niya ang pagtatrabaho bilang SA. Nang amin siyang nakapanayam, sinabi n’ya na ang pag-ayaw sa kanyang napil-ing karera ay hindi pa niya nagawang planuhin at maisip man lang. “Nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. Magandang privilege ito para sa’kin, so bakit ako magku-quit?”

Ang pamilya at ang kanyang pag-aaral ang nagsisilbing inspirasyon ni Carol upang ipagpatuloy ang pagiging SA. Bi-lang SA, hindi maitatatwa ang kanyang natatanggap na ko-mento mula sa iba’t ibang tao. May mga masaya para sa kanya at meron din namang nagsasabing astig siya dahil nagagawa niyang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho. Sabi naman ng iba’y puros na lamang siya trabaho at hindi na nagagawang magkaroon ng oras para sa mga kaibigan.

Sa kaunting oras na siya ay aming nakapanayam, ngiti, pag-asa at kawalan ng pagod ang nakita namin kay Carol. Isa lamang ang kanyang gustong iparating, na hindi mahirap gawin ang isang bagay kung nasa puso ang pagtatrabaho.

***Iba’t ibang paraan ang naiisip ng tao upang matugunan o

magkaroon ng satisfaction sa sarili. Hindi lahat ng mag-aaral ay suportado ng kani-kanilang mga magulang. Mapalad ang estudyanteng galing sa bulsa ng mga magulang ang perang iginugugol sa matrikula. Sa kabilang dako ay mas mapalad ang mga working students na kinabibilangan ng SA at iba pa kung saan sila rin mismo ang nakikinabang sa mga karanasan at kaalamang natatamo sa bawat araw ng pagtatrabaho. Walang mahirap na gawa kung may tiyaga. PA

ISYU 5

Page 6: iSYUiSYUiSYUiSYUiSYU XV NO - tup.edu.phtup.edu.ph/artisan/isyu-vollxv-no2.pdf · sa mga manonood na naghahanap ng mga kahulugan sa bawat galaw na ... ano kaya ang mga nagaganap bago

USG Election: Bintana ng Pagbabago?Sa pananaliksik nina Ma. Roan Barredo, Joemar Papa, Christine Chua

Ang eleksyon ay parang isang audition sa talent search. Kung hindi mo taglay ang lahat ng qualifications, hindi ka nararapat manalo.

Pagkainip. Ito ang damdaming patuloy na nangingibabaw sa nakadungaw na puso’t isipan ng isang TUPian na uhaw sa pagkakaroon ng tunay na pag-unlad. Isang pagbabagong dapat na simulan ng isang bagong lider na may kakayahang makita ang lahat ng pangangailangan ng kapwa nya TUPians. Isang lider na magsisilbing sigaw sa mga maling sistemang dapat gawan ng planadong resolusyong tutuwid sa lahat. Ya-ong taglay ang pusong kakabog sa mga piping hinaing ng mga estudyanteng iisa lamang ang hangad, ang mabuksan ang bintana ng tunay na lider at tunay na pagbabago.

Ang COMSELEC

Ang TUP Electoral board ay kinikilala bilang Commission on Stu-dent Election na kinabibilangan ng mga student volunteers mula sa iba’t ibang kolehiyo ng unibersidad. Mula rito, pipiliin ang mga karapat-dapat na umupo sa posisyon bilang Chairman, Vice Chairman, Secretary at Committee Heads sa screening, finance, publicity at canvassing.

Nais mo bang maging bahagi ng Comselec? Una, dapat ay isa kang bonafide o tunay at matagal ng estudyante ng

ating unibersidad. Dapat ay taglay mo ang kinakailangang bilang ng units na itinakda ng Registrar’s Office at walang anumang bagsak na grado sa nakaraang semestre. May maayos na kalusugan. Kung maari ay isang aktibong opisyal o kasapi ng anumang akreditadong organ-isasyon ng unibersidad at higit sa lahat ay walang pinapanigang partido habang kasalukuyang bahagi ng Comselec.

Kasabay nito, ang pagiging parte ng Electoral board ay may mga layuning gampanan, panatilihin, gawing maayos at matagumpay ang eleksyon.

Samantala, ang Comselec ay may mga nakaatang na misyong dapat na panghawakan. Responsibilidad nila ang magplano ng election calendar, isang talaan kung saan ipinapakita ang lugar at petsa ng pagbobotohan. Tungkulin nilang ipatupad ang mga probisyon sa malayang pagboto ng mga estudyante at bantayan ang daloy ng eleksyon. Ito rin ang nagpapakalat ng mga impormasyon sa naturang eleksyon at nagsasagawa ng Certificate of Candidacy at USG positions. Pagkatapos nito ay ang pagsasala sa lahat ng mga aplikante sa pagkakandidatura at ang paghahayag ng mga kwalipikadong kandidato. Responsibilidad din nilang ihanda ang mga lugar ng pagbobotohan kasabay ng pagtatalaga ng mga commitee sa naturang lugar. Kahit ang pagdedeklara at pagpapaskil ng listahan ng mga nanalo sa pagkakandidatura at ipinapasa ito sa OSA at sa iba pang kinauukulang awtoridad. Ang PUSO at ang ASAP Party

Malaking bahagi ng eleksyon ang pagkakaroon ng partido ng mga kakandidato. Ilan sa mga partidong aktibo at kinikilala sa ating uniber-sidad ay ang partidong PUSO at ASAP.

Sino ba ang dapat na paniwalaan?Ang Pagkakaisang Uunlad Tungo sa Serbisyong Progresibo (PUSO)

ay unang nabuo noong 2006. Pawang nagmula sa pwersa ng Accredited Club and Students Organization (ACSO) ang bumuo sa naturang partido.

“Abilidad, Kredibilidad at Responsibilidad”, ito ang nagsilbing opisyal na slogan ng kanilang grupo. Isang malinaw na pagpapahayag na ang kanilang partido ay hindi basta-basta lamang kumukuha ng kandidatong walang sapat na kakayahan na maging student leader. Ipinakilala rin ng partidong PUSO ang kanilang mga slogan na “Certified PUSO Party” at “Say Yes to PUSO”. Ipinakikita nito ang matibay na samahan at apoy ng malinis na hangarin ng partido na hindi mamatay kailanman. Nag-ing prayoridad nila ang manatiling galing sa PUSO ang tapat at narara-pat na maglingkod sa ating unibersidad at patunayang hindi matitinag sa kahit anong pagsubok na kanilang pagdaraanan. Para sa kanila, ang buong PUSO ay simbolo ng pagkakaisa, at patuloy at tuloy-tuloy na progresong pro-student lamang.

Aming kinapanayam si makaPUSO, kasapi ng partidong PUSO, upang hingin ang kanilang panig at opinyon hinggil sa nalalapit na eleksyon. Ayon sa kanya, ang layunin ng kanilang partido ay ang maglingkod at tumulong sa minamahal nating unibersidad. Sambit niya na sa bawat partido, hindi talaga maiiwasan ang mga paninira. Ang pagiging tahimik ng kanilang partido ang magpapatunay lamang na wala silang ginagawang kasiraan sa kalaban at anomalyang kinasasangkutan sapagkat naniniwala sila sa patas na labanan.

Samantala, noong Agosto 2001, isang primyadong organisasyong pulitikal na nagngangalang Alliance for Renewed TUP o START-UP ang nabuo at pinamunuan ni James Edward Taruc. Subalit noong ika-20 ng Enero 2003, dulot ng kagustuhang magkaroon ng mas magandang pag-babago ay napalitan ito bilang Alternative Student Alliance for Progress o ASAP. Ang ASAP ay isang organisasyong pulitikal na humahawak sa iba’t-ibang estudyanteng kasapi o opisyal ng ACSO upang sanayin na maging bahagi ng USG. Ang ASAP ay isang tahanang nagsisilbing lugar sa mga student leaders upang magbahagi at makipagpalitan ng kaalaman sa pag-unlad ng kakayahang mamuno at mangasiwa. Layunin ng ASAP na bigyang pansin ang kahalagahan ng mga estudyante bilang TUPians sa pamamagitan ng isang demokratiko at maka-estudyanteng pamumuno at mapanatili ang kaayusan ng mga state scholars at hindi ng mga taong may mapaniil at makasariling interes.

Sa amin namang panayam kay MakaASAP, kasapi ng partidong ASAP, ang adhikain ng kanilang partido ay tulad din ng karaniwang gusto ng mga TUPian, ang pagbabago dulot ng magandang pagliling-kod. Ayon sa kanya, ang pagpili ng mga kasapi ay hindi naman talaga nakabatay sa kung ano mang credentials ng isang tao. Sa panahon ng eleksyon, hindi nawawala ang mga siraan pagdating sa pangalan ng ba-wat partido. Ang mga away na nagaganap noon ay nagmumula lamang sa mga nakaraang away ng nakaraang mga lider at naipapasa lamang sa kanila. Kung tutuusin ay wala namang gaanong pagkakaiba ang adhikain

ISYU6

Page 7: iSYUiSYUiSYUiSYUiSYU XV NO - tup.edu.phtup.edu.ph/artisan/isyu-vollxv-no2.pdf · sa mga manonood na naghahanap ng mga kahulugan sa bawat galaw na ... ano kaya ang mga nagaganap bago

nila at ng kabilang partido dahil ang nais lamang ng lahat ay ang pagba-bago at ang burahin ang mga hidwaan ng nakaraang panahon. Usaping Pinansyal

Marahil bilang mga TUPian ay marami ang nagtatanong kung saan ba nila kinukuha ang pondo tuwing panahon ng pangangampanya. Ayon kay Bb. Cheenie Bagus, ang mga pondong ginagamit ng bawat partido sa pagtakbo ay buhat sa kanilang sariling mga bulsa at hindi sa pon-dong nagmumula sa salaping ibinabayad ng mga mag-aaral. Bawat isa ay may nakalaang pondo tuwing oras ng kampanya. Maaaring ito ay mula sa ambag ng bawat isa at mga alumni ng bawat partido. Mariin nil-ang iginigiit na ito’y hindi galing sa mga salaping ibinabayad ng bawat estudyante. Dagdag niya, pagod at sakripisyo ang kailangang ibinubu-wis makapaglingkod lamang sa minamahal na unibersidad.

Oo nga’t hindi biglaan ang kaunlarang ninanais ng karamihan ngunit kung tuluy-tuloy naman ang daloy ng matuwid na pamunuan, tulad ng agos sa ilog patungong karagatan ay makakamtan din natin ang bukana ng payapa’t malawak na dagat-dagatang tagumpay.

Boses ng Teyups: “Sana’y walang dayaan tulad ng mga suhol at sana di lang puro sa simula ang mga pinapangako nila . Maging totoo sila kasi yung iba ay sa pangangampanya lang magaling at approachable pero pag nanalo ay wala na.”

-CJ BSIE-AE\1A

“Dapat piliin yung deserving na mamuno. Yung tipong makakatu-long para maisaayos ang cr, ventilation, mga kulang na books sa library at ang bulok na ID system.”

-RocilNFT/1E

“Sana mabigyang solusyon ng mananalo yung problema sa ingay lalong-lalo na sa mga rooms na malapit sa kalsada. Sa library naman kulang kulang ang mga books.”

-Julian Paolo AragonBSEM/2C

“Sana ‘y mabigyan ng mas malaking suporta at pansin ang ating mga atletang TUPian. Bilang saksi kasi sa naganap na SCUAA ay ma-papansing kaunti lamang ang mga atleta natin kumpara sa ibang uni-versities.”

-ShinBSA-1A

Anu’t-ano pa man, bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pananaw kung sino ba at kung ano ba ang dapat nating paniwalaan. Iisa lang ang ating hangarin, ang magkaroon ng isang tunay na student leader na ga-gawa ng kakaibang pagbabago at pag-unlad. Magbubukas sa natakpang bibig ng mga estudyanteng patuloy ang daing at hiyaw. Hindi sapat na batayan ang kasikatan ng isang tao para lamang sa isang di-birong posi-syon. Talino at galing din ang kailangan. Responsable at may paninindi-gan sa lahat ng bagay. Isang lider na kakatawan sa mga TUPian bilang kabataan at hindi bilang isang aso na sunud-sunuran sa kapuna-punang sistema ng nakaraan.

Karapatan ng bawat isa sa atin na pumili ng nararapat maluklok bi-lang isang tunay na student leader. Hindi ka lamang isang ordinaryong mag-aaral bagkus isa kang tunay na TUPian na may isang adhikain, ang mapaunlad ang sibol ng kinabuksan. Imulat mo ang iyong mga mata, hahayaan mo bang maging ganito na lamang tayo? Panahon na para umaksyon. Malay mo, nasa iyong kamay pala ang tunay na pagbabago. PA

ISYU 7

MGA PATNUGOTGeo Raphiel I. Anico & Benjunar G. Barcoma Mga Punong Patnugot

Mark Leilan O. Tanglao Kapatnugot sa IngglesFrancis Andrew A. Dy Kapatnugot sa Filipino / Patnugot sa Lathalain

Jeffry A. Caigoy Sirkulasyon at Tagapamahalang PampinansyalRafael G. Cultura Patnugot sa Balita

Mary Anne S. Roa Patnugot sa LiteraturaMelchor L. Eduarte Jr. Patnugot sa Isports

MGA GANAP NA KAWANIAlmira Lyn B. Recto, Ma. Edalyn M. Reduta, Jacky Ortega, Salve Gina M. Totanes,

Jenilyne S. Pumaris, Julius T. Costa, Ma. Roan O. Barredo

MGA KAWANIChristian Joseph N. Ambong, Christine J. Chua, Thea Camille M. Diaz,

Sharon B. Ditucalan, Brian A. Fabregas, Shainne Angelie Flores, Gizelle G. Ganit, Syne R. Mirasol, Joemar A. Papa, John Andre M. Papasin, Mary Grace C. Reyes,

Christopher S. Rosales, Mary Jane V. Venegas

TAGAPAGLAPATNico L. Lasaca, Anne Karla D. Rivera

Cliff Kevin M. Cedaña, Jonathan Savellano, Catherine L. Sy

GrAPIKSWilvic Joie C. Cañas, Nestor M. Cayabyab Jr., Albert A. Dadag, Hermis F. Palicte,

Reymond P. Reymundo, Russel John T. RamosArnel E. Arenal, John Carlo Dizon, Dino Alberto R. Nillo, Carlo R. Sotero Jr.,

TAGAPAyOProf. Almina T. Tengco-Chan

Ang opisina ng Philippine Artisan ay matatagpuan sa silid 103, gusali ng CAFA/CIE, Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas, Ayala Blvd., Ermita, Maynila.

Page 8: iSYUiSYUiSYUiSYUiSYU XV NO - tup.edu.phtup.edu.ph/artisan/isyu-vollxv-no2.pdf · sa mga manonood na naghahanap ng mga kahulugan sa bawat galaw na ... ano kaya ang mga nagaganap bago

iSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYU

iSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYU

iSYUiSYUiSYU iSYUiSYU

iSYUiSYUiSYU

iSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYUiSYU

iSYUiSYUiSYUISYU

mula sa unang pahina

8

giging willing at agresibo di-umano sa pagkuha ng mga stage plays na gawa ng mga taga-labas sa kabila ng mga nagtataasang presyo ng mga tiket nito.

“Hindi sa nag-aangat kami ng upuan, sa apat na taon ng TUPAS nakukumpara ‘yung mga palabas namin na worth Php30.00 lang na kung ihahambing sa mga kinukuhang play sa labas na worth Php80-100.00 na kesahoda mas maganda pa daw sa amin. Na mas may laman ang istorya. Pasensya hindi ako nagpaparinig pero tanungin nila ang mga estudyante. Sig-uro sapat na ‘yung mga reaksyon na ‘yun na may dapat tala-gang pagtuunan ng pansin ang administration at kailangan din makipagtulungan ng mga faculty member ukol sa pagpapaya-bong ng sining ng pagtatanghal,” sabi ni Kuya Mau.

Ang depensa naman ng mga departamento sa TUP, easy money daw iyon. Ready-made. Magbebenta sila ng tiket. Sub-alit ang tanong naman ni Kuya Mau sa kanila’t sa kanyang sari-li, tuluyan na nga bang naglaho’t nalusaw ang tiwala ng mga kinauukulan sa mga TUPians? Bakit ang mga taga-labas pa ang ineendorso’t binibigyan ng prayoridad at importansya? Bakit hindi muna tangkilikin ang sariling atin bago ang iba?

“Nakalulungkot talaga, sila pa ang pumapatay,” nalulumbay pang wika ni Kuya Mau.

“Kung hindi ko babalansehin ang pag-aaral at teatro ay hin-di kami tatagal ng ganito. Wala akong mga taong nahubog ng dahil sa wala lamang. Nahubog ko hindi lamang ang kanilang talento kundi pagkatao. Ganoon din ako. Dito ako naging buo. Buong-buong AKO.”

***Nawa’y magsilbing mitsa ang pitak na ito tungo sa mas

maiging pagkakaintindihan at malusog na pagtutulungan ng bawat isa patungo sa kaayusa’t pag-unlad na inaasam ng lahat.

Ang isyung itong kinakaharap ng teatro sa TUP at ng administrasyon ay hindi dapat na ipagsawalang bahala na lamang ng mga kasangkot. Sapagkat ang pagkikibit-balikat ay walang maidudulot na buti sa bawat isa kundi ang paglaki’t lalo pang paglala ng isang problemang kung tutuusi’y simple lang naman resolbahin at solusyunan.

Pang-unawa ang kailangan. Wastong pag-uusap. AKSYON.

Mabuhay ang TUPians! Mabuhay ang Sining ng Pagtatanghal Pilipino! PA

pagdilihensiya at ambagan. Minsa’y kailangan pang mangutang, minsa’y kailangang humingi ng request sa kung sinuman na kung minsan ay may kaakibat na sandamukal at katakut-takot na pagmamakaawa. Syempre hindi rin pahuhuli ang problema sa kakulangan sa pasilidad kaya kung minsa’y nanghihiram na lamang sila ng mga gamit. At idagdag mo pa ang conflict sa iskedyul at pag-aaral ng mga kasapi.

Subalit ang buhay ay di naman parating hirap at pagdarahop na lamang. Sa gitna ng mga pagsubok ay laging may saya’t kag-inhawaang nag-aabang, liwanag at magandang bukas na naghi-hintay. At marahil ang ligayang iyon ng TUPAS ay ang matapos ang kanilang pagtatanghal at mabigyang halaga ang kanilang mga sakripisyo’t pagpupunyagi.

“Alam mo lahat ng hirap na yun simple lang ang kapalit. Ma-appreciate kami ng mga nakapanood o mapansin man lang ng administration na bigyang importansya ang teatro. Iyong palakpakan nila, yung i-congratulate at maging bukambibig yung mga aktor na gumanap. Sobrang solve na kami dun,” wika ni Kuya Mau.

At syempre pa, sa bawat pagtatanghal ng TUPAS ay napak-arami dyan sa tabi-tabi ang may nakahandang mga negatibong puna at komento na pilit ipinagduduldulan sa kanila. Mga bagay na tila tinik, masakit sa pandinig at damdamin, subalit itinutur-ing na positibo ng iba. Sa sarili kasi nilang pananaw, ang mga ito’y nangangahulugan lamang na ang mga nagbabato sa kanila ng mga negasyon ay may tiwala sa TUPAS. Kaya nilang ayusin ang mga dapat ayusin, punan ang mga dapat punan. Isang bagay na higit nilang ibig kaysa naman plastikin sila ng mga ito. “Ga-noon kami sa TUPAS, mas mahalaga sa amin ang mga negative feedbacks kaysa positive,” dagdag pa ni Kuya Mau.

Sa madaling sabi, sa kabila ng lahat ng kalbaryong pinag-daraanan at krus na pinapasan ng TUPAS, ang mga paghihirap na ipinupukol sa kanila ng tadhana ay siya nilang ginagawang tuntungang-bato tungo sa tagumpay at satispaksyon. Nagsisil-bing mga rekado tungo sa mas lalo pang matatag at matibay na pagsasamahan.

SARILING ATIN, DI TINATANGKILIK?“Naiinggit kami sa ibang state university. Ang lakas ng te-

atro sa kanila. Kinikilala at sinusuportahan ng administration at mga estudyante. May scholarship. May allowance. May ben-efits. At ready made market at audience. Kumbaga hindi mahi-rap sa kanila ‘yung proseso. Focus lang sila sa pagpapaganda at pagpapayabong ng sining ng pagtatanghal sa entablado.”

Ang pahayag sa itaas ay ang panaghoy at himutok ng TUPAS patungkol sa isyung kinakaharap ng teatro sa TUP. Hindi kasi gaya ng Bahaghari noon na may nakahanda ng mga manonood para sa kanila. Kung saan sa ilalim ng Departamento ng Filipino ay obligado ang lahat ng mga freshmen at sophomores na may asignaturang Filipino na manood. Subalit sa TUPAS, sugal kung sugal. Kasi’y non-college based ang pangkat nila.

Subalit sa kabila ng lahat ng mga balakid, ang talaga namang nakalulungkot at nakasasama ng loob para sa TUPAS ay ang isyung kinasasangkutan ng teatro at ng administrasyon. Ang pa-