Isang Magandang Kinabukasan Para sa Ating...

4
Isang Magandang Kinabukasan Para sa Ating Lahat Sa ngalan ng Labo Progressive Mul Purpose Cooperave (LPMPC), at inyong inalagang Chairperson, malugod ko kayong binaba sa panahong ito ng kasayahan kasama ang ang pamilya, kamag-anak, kaibigan at ang lahat ng naging bahagi ng ang buhay at kabuhayan. Nais ko ring ipaalala ang pandaigdigang mensahe ng Kapaskuhan-pagmamahalan at pagbibigayan. At naniniwala akong patuloy nang itong gagawin sa araw – araw – hindi lamang sa panahon ito. Mga minamahal kong kamay-ari – ipagpaumanhin ninyo kong gamin ko ang pagkakataong ito upang ipaalaala sa ang lahat ang ang mga tungkulin sa ang Kooperaba. Huwag nang kalimutan na tayong lahat ang may-ari ng LPMPC. At bilang may-ari, nakasalalay sa ang mga kamay ang kaunlaran nito at ng bawat-isa. Hinihingi ko ang inyong kooperasyon na tuparin ang mga nilagdaang pangako at responsibilidad- bilang kamay-ari, kawani at pamunuan. Nawa’y maging masaya, mapayapa, at masagana ang ang Kapaskuhan! At para sa taong 2018, isang taong punong-puno ng pagkakaisa at pangako ng kaunlaran sa bawa’t-isa at sa ang Kooperaba. Fe V. de Mesa BOD Chairperson 4th QUARTER ISSUE DECEMBER 2017 no raw pic no raw pic no raw pic no raw pic no raw pic no raw pic no raw pic no raw pic no raw pic

Transcript of Isang Magandang Kinabukasan Para sa Ating...

Isang Magandang Kinabukasan Para sa Ating Lahat

Sa ngalan ng Labo Progressive Multi Purpose Cooperative (LPMPC), at inyong itinalagang Chairperson, malugod ko kayong binabati sa panahong ito ng kasayahan kasama ang ating pamilya, kamag-anak, kaibigan at ang lahat ng naging bahagi ng ating buhay at kabuhayan.

Nais ko ring ipaalala ang pandaigdigang mensahe ng Kapaskuhan-pagmamahalan at pagbibigayan. At naniniwala akong patuloy nating itong gagawin sa araw – araw – hindi lamang sa panahon ito.

Mga minamahal kong kamay-ari – ipagpaumanhin ninyo kong gamitin ko ang pagkakataong ito upang ipaalaala sa ating lahat ang ating mga tungkulin sa ating Kooperatiba.

Huwag nating kalimutan na tayong lahat ang may-ari ng LPMPC. At bilang may-ari, nakasalalay sa ating mga kamay ang kaunlaran nito at ng bawat-isa. Hinihingi ko ang inyong kooperasyon na tuparin ang mga nilagdaang pangako at responsibilidad- bilang kamay-ari, kawani at pamunuan.

Nawa’y maging masaya, mapayapa, at masagana ang ating Kapaskuhan! At para sa taong 2018, isang taong punong-puno ng pagkakaisa at pangako ng kaunlaran sa bawa’t-isa at sa ating Kooperatiba.

Fe V. de Mesa BOD Chairperson

4th QUARTER ISSUE DECEMBER 2017

 

 

 

 

 

 

 

 

no raw pic

no raw pic

no raw pic

no raw pic

no raw pic

no raw pic

no raw pic

no raw pic

no raw pic

2 Asenso Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter

Matagumpay na ginanap ang Christmas Party para sa mga kamay-ari ng LPMPC sa ibat-ibang sangay nito. Kitang –kita sa mga larawan ang kasiyahan ng bawa’t –isa sa programang masusing inihanda ng pamunuan sa bawa’t sangay: pa-raffle, parlor games , palitan at pagbibigay ng aginaldo o “give¬ away” sa mga kasaping dumalo. Naghanda rin ang mga kawani ng bawa’t sangay ng sayaw at kanta para sa karagdagang galak ng mga kamay-ari.

DAET BRANCH DAET HERITAGE CENTER– Dec. 15, 2017

JOSE PANGANIBAN BRANCH MCEL FUNCTION HALL- , APOLONIA

HOTEL– Dec. 16, 2017

CAPALONGA BRANCH BRGY. CATIOAN COVERED COURT

CAPALONG – Dec. 23, 2017

LABO BRANCH LABO SPORTS PLAZA– Dec. 21, 2017

3AsensoLabo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter

KASUNDUAN SA PAGITAN NG LPMPC AT CAMARINES NORTE LGU

“LOW EXTERNAL INPUT SUSTAINABLE AGRICULTURE (LEISA) FOR PINEAPPLE” GANAP NG NAISAKATUPARAN NG LPMPC

Ang Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative (LPMPC) ay pumirma sa isang mahalagang kasunduan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte noong ika-12 ng Oktubre 2017 upang mapaigting ang Integrated Processing Project (IPP) nito sa loob ng sampung (10) taon.

Ang nasabing kasunduan ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan sa Kawanihan ng Agrikultura at sa proyekto nitong Philippine Rural Develoment Plan (PRDP). Ang layunin ng PRDP mapabuti ang kalagayan ng agrikultura at palaisdaan sa labing-anim (16) na rehiyon sa Pilipinas.

Ang IPP ng LPMPC ay naimbitahang magbigay ng “Pineapple Production and Processing Project Proposal” na inindorso

Isa sa pangunahing programa ng LPMPC ay ang patuloy na suporta sa mga kamay-aring magsasaka ng pinya sa Camarines Norte, kabilang na ang pagtuklas ng mga makabagong istratehiya upang lubos na matugunan ang hamon ng pabago-bagong epekto sa kapaligiran dulot ng “Climate Change”.

Isa sa nga stratehiya ay ang pagbawas ng paggamit ng mga pestisidyo, abonong kemikal, at pamatay damo sa mga sakahan. Sa pagsunod dito, maiiwasan nila ang masamang epekto ng kemikal sa pamayanan, lupang sakahan at kapaligiran at mababawasan ang kanilang gastusin sa pagsasaka.

Kaugnay nito, isinagawa ang “LEISA Forum” sa Provincial Capitol Grounds, Little Theater, Daet, Camarines Norte Nobyembre 21, 2017 . Ito ay dinaluhan ng animnapu’t- apat (64) na mga lider magsasaka ng pinya, kawani ng pamahalaan sa agrikultura, at mga dalubhasa patungkol sa agrikultura galing sa akademya ng lalawigan. Ang layunin ng LPMPC sa pagtitipong ito, ay upang maibahagi ang resulta ng aktwal na pananaliksik gamit

Sa Panulat ni: Pagutpot

ng Camarines Norte LGU at naaprobahan ng Regional Project Advisory Board (RBAP) noong July 31, 2015 sa pamamagitan ng RBAP Resolution No 4.

Ang World Bank, na nagbibigay ng pondo, ay inaprobahan ang business plan ng proposal noong May 27, 2016, matapos ang sampung (10) buwang proseso.

Ayon sa nasabing kasunduan, ang PRDP sa pamamagitan ng Camarines Norte LGU ay magbibigay ng mga sumusonod

• Pagtayo ng planta sa 324 sq meters kung saan gagawin ang sorting, peeling, chopping, weighing, extraction, , pasteurization, at packaging

• Mga kagamitan sa paggawa ng pineapple juice, dried pineapple, jam at jelly tulad ng extracting machine , pasteurizer na may automatic filling at sealing, blast freezer, heavy duty weighing scale, power sprayer, generator, forward truck at iba pa.

Ang bahagi ng LPMPC sa kasunduang ito ay ang 324 sq. meters lupa para sa planta, kabayaran sa karagdagang empleyado at ang gastos sa pang-araw araw na operasyon nito tulad ng pagbili ng pinya, sangkap sa paggawa, tubig, ilaw, gasolina at iba pa.

Sa kasalukuyan, ang planta ay itinatayo na at inaasahang matatapos sa Abril 2018.

ang konseptong LEISA sa produksyon sa loob ng labingwalong (18) buwan. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa nina Inocencio Q. Obrero, Loryn N. Raro at Mario M. Espeso. Ang resulta ay pinagtibay ang isinusulong na konseptong LEISA ng LPMPC.

Ang proyekto ay pinondohan ng TRIAS, isang Belgian International NGO, bilang bahagi ng kanilang programang “Creating Movement Through Movements 2017-2021-Enhancing Market Position of Pineapple Farmers and Upscaling the SSE in Camarines Norte”.

Ang konseptong LEISA ay ibinahagi rin sa isang malayang talakayan bilang isang pangunahing paksa sa isang pambansang “Knowledge Learning Market

Policy Engagement (KLMPE Y+10) noong Nobyembe 27-28, 2017 na ginanap sa Asian Development Bank, Ortigas, Quezon City. Ang talakayan ay dinaluhan ng mga kasapi ng AGRICORD na pinangunahan ng Pambansang Kilusan ng Samahang Magsasaka (PAKISAMA) at International Fund for Agricultural Development (IFAD).

Ang layunin ng taunang gawain mabigyang pansin ang mga usapin tungkol sa pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda at maipaabot ang mga ito sa kinauukulan. Ang pagbabahagi ng “best practices” mula Luzon, Visayas, Mindanao at maging sa mga karatig bansa ay malaking tulong sa mga LPMPC at sa iba pang dumalo.

no raw pic

4 Asenso Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter

PAGPUPULONG SA MGA KAMAY-ARING KABABAIHAN AT KABATAAN SA MGA BAYAN NG CAPALONGA , JOSE PANGANIBAN AT STA ELENA

Capalonga Women Sector

Sta ElenaWomen Sector

PanganibanWomen Sector

Nagpulong ang mga kababaihan at kabataang sektor sa Capalonga, Jose Panganiban at Sta Elena upang ipaliwanag ang kanilang mga karapatan at responsibilidad bilang kamay-ari, magbuo ng samahan ng bawa’t sector, magbuo ng samahan at pumili ng mga opisyales ng kababaihan at kabataan.

Ang mga napiling opisyales ay magsisilbing kinatawan sa mga pagpupulong tungkol sa operasyon ng LPMPC at preparasyon para sa pagpili ng kinatawan sa Kababaihan at Kabataan sa Board sa gaganaping General Assembly sa Marso, 2018.

Ang LPMPC-MREDT ay nakatalagang magbigay ng mga pagsasanay tungkol sa pagnenegosyo- pagsisimula at pagpapaunlad nito- at makatulong sa pag-ganda ng kanilang pang – ekonomiyang kabuhayan.

Inilahad ng kinatawan ng MREDT sa nasabing pagpupulong ang iba’t-ibang pagsasanay at kung kailan ito gaganapin. Ang matagumpay na pagpupulong ay hindi matutupad kung hindi sa tulong ng mga BMs at mga empleyado : BM Rachiel Acunin, BM Erwin Nano, Agustin

Avellana at Ronnel Bagangan.

President: Arlyn G. Togonon Vice President: Sonia Badong Secretary: Ruby Lapso Public Information Officer: Alayao Ma. Teresa G. Roll Mataque - Ruby Lapso Old Camp Vicenta Magtangob Calabaca – Arlyn Togonon Mactang - Juanita Villanueva Catabaguangan – Anna VillaneaYouth SectorPublic Information Officer: Joa Sarucam –catioanLayre Talento – TanuanArmie Madia – Alayao 6Jocelyn Esturas –itok

President: Merly Morada Vice President: Virginia MacayanSecretary: Nervie LobramontePublic Information Officer: Poblacion - Angeles Dioquino & Yolanda Camilo Paraiso – Florencia Villar & Erlinda Ladia Rizal – Geraldine Portugal San Lorenzo – Anabel Delos Santos Guisican – Agnes Tarala & Jocelyn Bruzo Bulala – Maria Ana ParedesYouth SectorPresident: Rosalie del Rosario Vice President: Pia VargasSecretary: Mary Rose BarcelonaPublic Information Officer: Jayson Bruzo

President: Ma. Cristina Aler Vice President: Fe LoveriaPublic Information Officer: Cherry Mayores Jasmin Gatdula Jesicca Celoric0

Youth SectorPresident: Ofelia Custodio Vice President: Analiza Fuedan Public Information Officer: Airene Batchain Prince Erick Avila

4 Asenso Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter

A.M.S. PRESSNAGA-DAET-LEGAZPI

EDITORIAL STAFF

Editor in ChiefMERLIN S. ESPESOAsst. Editor in Chief

BEVERLY S. MEDRANO

ContributorsSANNY A. AQUINO

REY ULYSSES L. DIMAANOJASLOR B. LAVIÑAAUBREY VALEROS

Layout Artist and DesignsJANICE B. PARDO

Name of Training or Seminar CAPALONGA JOSE PANGANIBAN STA. ELENAPersonal Entrepreneurial Competency 13th January (2nd Sat.) 20th January (3rd Sat.) 27-JanuaryGender Sensitivity Seminar 10-February 14-February 24-FebruaryTime Management 10-March 17-March 31-MarchCash Flow Recording 14-April 21-April 28-AprilChart Account and Ledgering 12-May 19-May 26-MayPreparing of Financial Statement 9-June 6-June 30-June

Cashier

Food Technologist

Training Assistant

Bring your CVs to our

Main Office Brgy.

Malasugui, Labo.

no raw pic