Impluwensya ng klima at lokasyon sa pamumuhay

37
Impluwensya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at paghubog ng Pamumuhay sa isang Lugar

Transcript of Impluwensya ng klima at lokasyon sa pamumuhay

Impluwensya ng Klima at Lokasyon saPagbuo at paghubog

ng Pamumuhay sa isang Lugar

Malaki ang kinalaman ng lokasyon at klima sa pamumuhay

ng mga tao. May impluwensya ang mga ito sa mga sumusunod:

1. Produktong ginagawa sa lugar,2. Uri ng pananim at maging sa

pagluluto ng pagkain, 3. Mga Pananamit4. Uri ng Bahay at 5. sa pagpili ng mga taong kanilang

trabaho.

LugarKaraniwan

ghanapbuha

y

Karaniwang

damit

Maaringpagdiriwa

ng

Maaringtema ng

mga sining

Pamayanangurban

Manggawasa

Kompaniya/Opisina/Pabrika

Modernongdamit

palabas samga sine/

teatro/concert

piyesta nglalawigan,barangay

moderno

Bundok opaanan ng

bundok

MagsasakaPagpapastolMaglililok ng

kahoy

Madernongdamit/

panlamig

(kung maykuyente)radio/ TV

Tungkol sabuhay sabundok

Kapaligiran

Tabingdagat

Mangingisda Moderno (kung maykuyente)radio/ TV

Tungkol sapangingisda

Pamayanang Rural

(Sentrong-Bayan)

ManggagawaMagsasaka at

iba pang gawaing

pang-agrikultura

Moderno

Sapagkat marami ang naninirahan sa Kalakhang Maynila, mas higit ang mga trabahong nakatutugon sa mabilisang takbo na pamumuhay ng

mga naninirahan dito. Halos lahat ng punong tanggapan ng iba’t ibang pribado at pangpamahalaan, pati na ang mga pamantasan ay makikita sa Kalakhang Maynila, kung kaya marami ang mga tingiang tindahan na nagdudulot ng trabaho kagaya ng “sales lady” at “utility workers”.

Sa kabilang banda naman, sa mga lalawigan ng Bicol, kung saan hindi kasing dami ang populasyon sa Maynila, kaunti lamang ang malalaking tingiang tindahan na karaniwang makikita sa Maynila.

URBAN VS. RURAL

Bukod sa dami ng populasyon,

nakaiimpluwensya din ang Uri

ng Pisikal na Kapaligiran ng lugar sa uri ng pamumuhay

dito.

Naangkop ang kapatagan sa “pagtatanim” ng palay at

ibang pang produktong pananim. Sa kabilang banda naman,

maburol ang malaking bahagi ng Cavite papuntang Batangas

kung kaya’t “pagpapastol” naman ang naging produkto ng mga

taga dito. Sa Batangas nagagaling ang malaking bahagi ng itlog

dahil sa mga itinatayong “manukan” dito.

Ang mga tanim gaya ng kamote at kamoteng-kahoy ay tumutubo kahit saang parte ng rehiyon. Gaya ng pili, ang kamote ay ginagawang kendi, tsips, at iba pang klaseng kakanin.

Ang mga lugar na malapit sa bulkan ay bagay na pagtaniman ng abaka dahil tumutubo ito sa matabang lupa.

Kagaya nglokasyon, ang klima ay naghuhubog ng

uri ng pamumuhay sa

isang lugar.

Isang halimbawa ng impluwensya ng klima sa mga tao ay ang mga produktong nagmumula sa iba’t ibang lalawigan.

Abaka, niyog at palay ang karaniwang pananim at pinagkakakitaan sa Bicol dahil mahaba at halos buong taon ang “tag-araw” dito.

Tubo at niyog naman ang angkop sa lugar na ang klima ay higit na “maulan” kaysa maaraw tulad ng Batangas at Tarlac.

PALAY

ABAKA

NIYOG

PANAHON NG TAG-ULAN

Ang malakas na hangin ay nakakatulong sa pagmumulaklak ng iba’t ibang tanim na halaman at mga bunga nito.

Kung panahon naman ng tag-ulan at bagyo ay humihina ang kita ng mga mangingisda sa Naujan, Oriental Mindoro. Mapanganib ang dagat dahil sa alon at malakas na hangin. Hindi rin sila makapagbilad ng isdang dinadaing. Ngunit pinaghahandaan ng mga mangingisda ang ganitong pagkakataon. Sila ay nagtatanim, nagtitipon ng tuba, nagpapawid at iba pang maaari nilang pagkakitaan.

PANAHON NG TAG-ULAN SA BICOLHumihina ang huli ng mga mangigisda

sa Camarines Sur, Masbate, Camarines Norte, at Catanduanes. Delikado ang dagat sa alon. Dahil dito hindi sila maaaring makapagbilad ng mga isdang dinadaing.

Pasiguro ang mga taong naninirahan dito. Nagtatanim sila ng mga gulay upang may mapagkunan ng kanilang hanapbuhay.

INTERCROPPINGGinagawa ng mga nasa itaas ng bukid sa kanilang pagtatanim upang ang ilalim ng

mga ugat ng niyog pwedeng mataniman ng okra, talong, balatong, at iba pang gulay.

Ibinabagay rin nila ang kanilang kasuotan ayon sa kanilang

klima. Sa lugar na “malamig” tulad ng Baguio

at maging ang Bicol, ang mga tao ay nagsusuot ng makakapal na damit upang hindi ginawin.

Manipis at maluwang naman sa katawan ang kasuotan ng mga nasa “maiinit” na lugar tulad ng Isabela at Tuguegarao at ang mga lugar sa siyudad.

Kung ang lokasyon naman ng isang lalawigan ay “laging dinadaanan ng bagyo” tulad ng Batanes, Catanduanes, at Masbate ibayong paghahanda ang kanilang ginagawa.

Bukod dito, ang kanilang mga bahay ay karaniwang mababa at yari sa bato at kogon.

Bangkang-bahay naman ang tirahan ng mga Samal at Badjao. Ito ang angkop sa kanilang lugar.

Ang lokasyon at klima ay nakaiimpluwensiya

sa paghubogng uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang

lugar. Angkanilang kasuotan,

produkto at pananim, hanapbuhay at

mga gawain ay may kaugnayan sa lokasyon

at klima ngkanilang lalawigan.

Tandaan Mo

PANUTO: Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang magkakaugnay? Pagugnayin ang mga aspekto ng kultura at ang klima ng lugar. Isulatang mga sagot sa sagutang papel.

Kultura Klima ng Komunidad

1. Ang mga tao sa Baguio aynagsusuot ng makapal nadamit.

a. Mainit sa mga lugar na ito.

2. Ang mga bahay saBatanes ay mababa at yarisa bato at kogon,

b. Higit na mahaba ang tag-ulan

3. Maipis at maluwag na kasuotan ang gamit ng mga taga Isabela at Tuguegarao

c. Malamig ang klima sa lugar na ito dahil nasa itaas sila ng bundok

4. Abaka, niyog, at palay angpananim sa Bicol.

d. Laging dinaraanan ng bagyo ang mgalugar na ito.

5. Tubo at niyog angpananim sa Zamboangaat Tarlac.

e. Mas mahaba angtag-init kaysa tagulan,

PANUTO: Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang magkakaugnay? Pag–ugnayin ang mga aspekto ng kultura at ang pisikal na katangianng lugar. Maaaaring maraming beses gamitin ang mga kaisipan,ipaliwanag ang inyong sagot.

Lokasyon ng Komunidad Kultura

1. Tabing Dagat

2. Itaas ng Bundok

3. Kapatagan

4. Tabing Ilog

5. Siyudad

A. Karamihan ng mga awit ay tungkol saPagsasaka

B. Mabilis ang mga kilos ng mga taopapunta sa opisina

C. Malaking bahagi ng produkto aynanggagaling sa pangingisda.

D. Maagang nagigising ang mga tao sapagpunta sa bukid

E. Karamihan sa mga awit at kuwentoay ukol sa pangangalaga sa kagubatan

PANUTO: Tingnan ang larawan sa ibaba. Anong uri ng lugar ang mayroon sila? Anong uri ng klima ang mayroon sila? Ano

kaya ang lagi nilang ginagawa? Paano naiimpluwensyahan ang kanilang pamumuhay ng kanilang lokasyon? Sumulat ng

dalawang talata tungkol sa kaugalian ng mga taga dito na may kaugnayan sa lokasyon ng kanilang lalawigan. Gawin ito sa sagutang papel.

PANUTO: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Iguhit sa patlang ang kung ikaw ay sang-ayon at kung hindi.

________ 1. Naaayon sa klima at lokasyon ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.

________ 2. Hindi lamang hanapbuhay kundi pati tirahan, kasuotan at gawain ang nakaiimpluwensiya

sa uri ng pamumuhay ng mga tao.________ 3. Magkakatulad ang uri ng pamumuhay sa lahat

ng lugar.________ 4. Karaniwang yari sa kogon at atip ang mga

bahay sa bulubunduking lugar.________ 5. Mababa at yari sa bato ang mga bahay sa

Batanes.