Imbentaryong eklektik

4
PERSONAL NA KOMPOSISYON ay isang akdang pansarili na ang paksa ay ang may-akda mismo. Mga Halimbawa: Dayari Dyornal DYORNAL Ito ay talaan din ng mga personal na pangyayari inaasahan man o hindi Ito ay maaaring nakasulat din ang mga planong gawin para sa sarili. Ito rin ay isang sulat para sa sarili at maaring maging sanayan sa pag-sulat. Maaring peryodiko o talaan ng mga pangyayari o sinasdabing aklat ng transaksyon (U.P DICTIONARY) 10 DAHILAN NG PAGTATAGO NG DYORNAL (Seminar-Worksyap sa Filipino sa Philippine Normal University noong Agosto 17,2000,ni Dr.Vivencio L.Mendiola) a. Isang travelog – upang maging makahulugan ang pagbabyahe sa iba't ibang lugar b. Talaan ng mga panaginip.Kung maitatala ang mga panaginip,matutukoy natin ang Freud na overt o mga hayag na bahagi ng panaginip at sa pamamagitan ng sikolohiya,masusuri ang mga latent o tagong kahulugan ng mga iyon. c. Isang lagbuk- isinusulat ang draft ng mga sulat sa kaibigan,kamag-aaral o sa kahit na sino,ipasya mang ipadala iyon o hindi. d. Isang aklat ng kaisipan – maidokumento ang mga libangan o kapaki- pakinabang na gawain tulad ng paghahalamanan,pag-aayos ng bahay,paglahok sa isang paligsahan at iba pa. e. Kwaderno sa pagpaplano – itinatala ang mga balakin,tunguhin o mga plano para sa mga gawaing may kinalaman sa isang proyekto,bisnes o anumang may praktikal na gamit sa pang-araw-araw 1

description

MS Doc

Transcript of Imbentaryong eklektik

Page 1: Imbentaryong eklektik

PERSONAL NA KOMPOSISYON ay isang akdang pansarili na ang paksa ay ang may-akda mismo.

Mga Halimbawa: Dayari Dyornal

DYORNAL Ito ay talaan din ng mga personal na pangyayari inaasahan man o hindi Ito ay maaaring nakasulat din ang mga planong gawin para sa sarili. Ito rin ay isang sulat para sa sarili at maaring maging sanayan sa pag-sulat. Maaring peryodiko o talaan ng mga pangyayari o sinasdabing aklat ng transaksyon (U.P

DICTIONARY)

10 DAHILAN NG PAGTATAGO NG DYORNAL(Seminar-Worksyap sa Filipino sa Philippine Normal University noong Agosto 17,2000,ni Dr.Vivencio L.Mendiola)

a. Isang travelog – upang maging makahulugan ang pagbabyahe sa iba't ibang lugarb. Talaan ng mga panaginip.Kung maitatala ang mga panaginip,matutukoy natin ang

Freud na overt o mga hayag na bahagi ng panaginip at sa pamamagitan ng sikolohiya,masusuri ang mga latent o tagong kahulugan ng mga iyon.

c. Isang lagbuk- isinusulat ang draft ng mga sulat sa kaibigan,kamag-aaral o sa kahit na sino,ipasya mang ipadala iyon o hindi.

d. Isang aklat ng kaisipan – maidokumento ang mga libangan o kapaki-pakinabang na gawain tulad ng paghahalamanan,pag-aayos ng bahay,paglahok sa isang paligsahan at iba pa.

e. Kwaderno sa pagpaplano – itinatala ang mga balakin,tunguhin o mga plano para sa mga gawaing may kinalaman sa isang proyekto,bisnes o anumang may praktikal na gamit sa pang-araw-araw

f. Batayan/Paraan ng malikhaing gawain – gumuguhit sa dyornal na pinagmumulan ng isang obrang pinta,eskultura o arkitektura.

g. Tagatago ng koleksyon – mga selyo, subinir,litrato o anumang kinatutuwaang koleksyon ay maaaring makatagpo ng isang tahanan sa mga blangkong pahina ng isang dyornal

h. Memoir – Bilang talaan ng mga mahahalagang pangyayari sa isang tao,mababasang muli ang isang dyornal balang araw nang malaman ng isang tao kung paano siya lumaki,nagbago,nagkaisip at paano lumawak ang pananaw at pag-unawa sa mga bagay-bagay

i. Imbentaryong eklektik – maaaring ipunin sa dyornal ang mga paboritong sawikain o mga salita,mga paunudyo,mga usapang narinig o anekdota

1

Page 2: Imbentaryong eklektik

Diskusyon

IMBENTARYO (Inventory)- Istak ng mga produkto

- Tinatawag na imbentaryo ang lahat ng bagay na ginagamit ng isang negosyo sa araw-araw nilang operasyon. Isa ito sa pinakamahalagang bagay para sa mga negosyo. Halos lahat ng mga negosyo (maliban na lamang sa mga negosyong serbisyo) ay may kelangang mga bagay para matuloy ang kanilang pangangalakal. Maaring halimbawa ng mga bagay na ito:o Papel para sa mga gumawa ng mga dyaryo

o Bakal para sa gumawa ng mga gusali

o Kanin para sa mga kainan

o Gasolina para sa mga gas station

- Maraming puwedeng maipon na pera ang isang negosyo dahil lamang sa tamang pag-aaral ng kanilang imbentaryo. Marami rin puwedeng makita/malaman tungkol sa isang negosyo mula lamang sa kanilang imbentaryo. Mas mabilis makaubos ng imbentaryo ang mga mas liquid na negosyo kagaya ng mga nasa industriya ng pagkain at gasolina.

EKLEKTIK (Eclectic)- Eklektik mula sa salitang Ingles na “eclectic” na nangangahulugang pagpili ng mga

bagay na sa tingin ng isang tao ay pinakamahusay o pinakakapaki-pakinabang kaysa sa ibang uri ng ideya o paniniwala, partikular lamang sa isang kumpletong aspeto ng mga ideya o suhestyon.

- Ang pagpili ng mga bagay na sa tingin ng isang tao ay pinakamahusay o pinakakapaki-pakinabang kaysa sa ibang uri ng ideya o paniniwala

- Partikular lamang sa isang kumpletong aspeto ng mga ideya o suhestyon

IMBENTARYONG EKLEKTIK (Eclectic Inventory)- Ito ay dahilan ng pagtatago ng dyornal mula sa mga pinaggupit-gupit na mga bagay na

naaayon sa mga hilig at kinagigiliwan ng may-akda- Listahan o inipong mga klipings o bagay-bagay na may pakinabang o mahahalaga para

sa isang tao- Maari ring ipunin sa dyornal ang mga paboritong sawikain o mga salita, mga panunudyo,

mga usapang narinig o anekdota.- Maari ring magdikit sa dyornal ng mga kliping sa dyaryo o magasin, mga ilustrasyon,

mga bagay-bagay tulad ng pabalat ng kendi o tsokolate na may halaga o kahulugan sa isang tao.

Mga Halimbawa ng Imbentaryong Eklektik MGA SAWIKAIN inipon na mga kliping mula sa mga paboritong sawikain, idyoma o

kasabihan MGA SALITA mula sa mga paboritong bago at lumang salita na natutunan

2

Page 3: Imbentaryong eklektik

MGA PANUNUDYO ay maaring mga paboritong nanunukso o nakaiinis na mga editoryal, opinyon o isyu

MGA USAPANG NARINIG ay mga balita o usapan na may matinding impluwensya sa tao

ANEKDOTA ay isang akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwa ngunit totoong pangyayaring naganap sa buhay ng isang sikat na tao

Mga Bagay na Maaring Pagkunan o Gamitin Dyaryo Magasin Aklat ng Resipi Pabalat ng mga Kendi at iba pang Pagkain Mga Mahahalagang Resibo Mga Larawan Iba pang mahahalagang bagay

3