Ikalawang Markahan - Unang Linggo

14
1 | Pahina EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto Ako at ang Aking Kapuwa Ikalawang Markahan - Unang Linggo 8

Transcript of Ikalawang Markahan - Unang Linggo

Page 1: Ikalawang Markahan - Unang Linggo

1 | P a h i n a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Ako at ang Aking Kapuwa Ikalawang Markahan - Unang Linggo

8

Page 2: Ikalawang Markahan - Unang Linggo

Edukasyon sa Pagpapakatao – 8 Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto Ako At Ang Aking Kapuwa Ikalawang Markahan - Unang Linggo Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales Zone 6, Iba, Zambales Tel./Fax No. (047) 602 1391 E-mail Address: [email protected] Website: www.depedzambales.ph

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Efegenia B. Elejorde

Editor/Tagasuri: Yolanda S. Sanada

Tagaguhit / Taga-anyo: John Ernest J. Basco

Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V

Michelle Ablian-Mejica EdD

Manolito B. Basilio EdD

Lani A. Miraflor EdD

Ronald Ryan L. Sion

Garry M. Achacoso

Rachelle C. Diviva

Page 3: Ikalawang Markahan - Unang Linggo

1 | P a h i n a

Panimula

Ang tao ay nabubuhay kasama ang iba. Walang sinuman ang nabubuhay

mag-isa. Lahat tayo ay nangangailangan ng kalinga, pagmamahal, atensyon, pagmamalasakit, at pagrespeto mula sa ibang tao.

Sa araling ito ay mas mapapalalim mo ang iyong kaalaman tungkol sa pakikipagkapuwa. Sa pamamagitang ng mga gawain at pagtalakay sa araling ito ay

masasagot mo kung bakit kailangan ng tao ang makipagkapuwa?

Kasanayang Pampagkatuto

Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa. EsP8PIIa-5.1.

Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa kanya sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at pulitikal. EsP8PIIa-5.2.

Mga Layunin

Matapos mong sagutan ang mga gawain, ikaw ay inaasahang: 1. makatutukoy ng mga taong itinuturing na kapwa at ang kahalagahan ng

pakikipagkapwa; 2. makasusuri ng mga impluwensya ng kapwa sa aspektong intelektwal,

panlipunan,pangkabuhayan, at politikal;

3. makapagsasagawa ng isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan sa paaralan o pamayan sa aspektong intelektwal,

panlipunan, pangkabuhayan, at politikal.

AKO AT ANG AKING KAPUWA

Page 4: Ikalawang Markahan - Unang Linggo

2 | P a h i n a

Balik Aral

Basahin nang mabuti ang sumusunod na tula na nagpapakita ng

kahalagahan ng makabuluhang pakikipagkapuwa at subukang sagutin ang ilang

katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Ano-anong aspekto ng pagkatao ang malilinang sa pakikipag-ugnayan sa

kapuwa?

2. Paano mo pakikitunguhan ang taong ayaw makiisa at makibahagi sa mga

gawain ng pangkat?

ANG PAKIKIPAGKAPUWA

Ang tao’y likas na

panlipunang nilalang

Pakikipagkapuwa-tao’y dapat na malinang;

Aspektong intelektwal, politikal, panlipuna’t pangkabuhayan

Lubhang mapagyayaman sa pakikipag-ugnayan.

Pangangailanga’y madaling matugunan

Sa pagkakaroo’t pagiging bahagi ng mga samahan

Nalilinang ating kusa’t pagiging mapanagutan

Pati na ang pagtaguyod sa ating karapatan.

Paano pakisamahan ang taong mapagmalaki?

Ayaw makiisa, lubha pang makasarili?

Huwag magpaapekto at magpakakagalit

Kabutihang panlahat ang atin laging isaisip.

Pakikipagkapuwa’y linangin nang may pagmamalasakit

Laging isipin na kapwa’y kapantay, katulad din natin

Sa bawat salita’t kilos, iwasang makasakit

Nakabubuti sa atin, kapwa’y gawin din.

Kung ang kapwa ay minamahal nang lubusan

Sa bawat pagkakataon, tunay siyang paglingkuran

Ibahagi ang sarili, makipag-ugnayan nang makabuluhan

Kapanatagan, kaligayahan, at kaganapan, ating ngang makakamtan.

-ecm

Page 5: Ikalawang Markahan - Unang Linggo

1 | P a h i n a

Pagtalakay sa Paksa

Ang “kapuwa” ay isang konsepto na tumutukoy sa ibang tao. Ang lahat ng

tao na kasama ng isang indibidwal sa isang lipunan ay maituturing na kaniyang kapuwa. Ang isang lipunan ay binubuo ng mga taong may pangangailangang

makipag-ugnayan sa isa’t isa. Ayon kay Dr. Manuel Dy, Jr., isang espesiyalista ng Sosyolohiya at Philosopiya sa Ateneo de Manila University, ang tao ay isang

panlipunang nilalang at hindi lamang ito dahil kasama niya ang kapuwa kundi dahil ang lahat ng bagay na kaniyang ginagawa at iniisip, maging ang pagpapaunlad at

pagbuo ng sarili, ay mula sa kapuwa at para sa kapuwa.

Napakahalaga sa isang tao na maunawaan niya ang pagiging kapuwa niya sa

ibang tao. Ito ay dahil nabubuhay tayo na kasama natin sila at kailangan natin ang

isa’t isa. Sa iyong araw-araw na pamumuhay, may mga taong nakakasalamuha ka sa

iba’t ibang pagkakataon na maituturing mong kasa sa lwak ng iyong kapuwa. Bukod sa iyong mga magulang, kapatid, at kaibigan, nariyan din ang iyong mga kamag-

aral, guro, kapitbahay, kabaranggay, at iba pang mga tao na maaaring hindi mo nabibigyang-pansin.

Mayroong walong antas ng pakikipagkapuwa ayon kay Enriquez (1994). Sa

bawat antas, nagkakaroon ng iba’t ibang pagkilos, damdamin, at kaisipan ang isang tao patungkol sa kaniyang kapuwa.

Page 6: Ikalawang Markahan - Unang Linggo

2 | P a h i n a

1. Pakikitungo – Ito ang pinakamababang antas ng pakikipagkapuwa. Dito naipakikita ng isang tao ang pagnanais ng maayos na ugnayan sa iba kahit

hindi niya ito kilala o kasama sa pangkat. Halimbawa, ang pagngiti, pagtango, o pagbati sa mga tao ay ginagawa upang hindi mapagkamalang mayabang.

2. Pakikisalamuha – Sa antas na ito, napalalalim nang bahagya ang

pakikitungo sa pamamagitan ng mga maiikli at kaswal na pakikipag-usap gaya ng pagtatanong ng oras o pagbibigay ng komento ukol sa panahon.

3. Pakikilahok – Ang isang taong nasa antas na ito ay maaaring nakikita na o nakikilahok na sa mga gawain ng ibang tao gaya ng pagdalo sa isang

pagtitipon at programa.

4. Pakikibagay – Sa antas na ito mayroong pagpapakita ng interes o pagkawili sa mga gawain ng ibang tao kung kaya maaaring ginagawa rin ang nakikitang

gawain ng iba gaya ng paglilinis sa sariling bakuran.

5. Pakikisama – Kusang pagsama sa mga gawain ng iba kahit hindi pa lubusang

nauunawaan o nagugustuhan ito gaya ng pakikinahagi sa paglilinis ng kalye ng pamayanan.

6. Pakikipagpalagayang-loob – Nagsisimula sa antas na ito ang pagbubukas ng

sarili at pagbibigay ng tiwala sa kapuwa na makikita sa pagbabahagi ng mga personal na impormasyon ukol sa sarili.

7. Pakikisangkot – Dito maituturing ng isang tao ang kaniyang sarili bilang kalahok o kasama sa anumang suliranin, layunin, o gawain ng kaniyang

kapuwa kung kaya nakikibahagi siya sa mga ito. Halimbawa, kung may suliranin ang isang kapitbahay, maaaring siya ay dinadamayan o

tinutulungan upang malutas ang kaniyang suliranin.

8. Pakikiisa – Sa antas na ito, naituturing ng isang kapuwa at iisa ang kanilang suliranin, layunin, o gawain. Sa antas na ito, naipakikita ng isang tao ang

kaniyang pagmamahal sa kapuwa sa pamamagitan ng pakikiramay at

pagtulong sa paglutas sa suliranin nito. Itinuturing niya na ang suliranin ng kaniyang kapuwa ay suliranin niya din.

Dapat lamang tandaan na hindi lahat ng pagkakataon ay nakabubuti ang

pakikisama, pakikisangkot, o pakikiisa. Halimbawa, ang pakikisama sa mga barkada o kaibigan na lulong sa bisyo ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa

sarili.

Ayon kay Enriquez (1994), may dalawang kategorya ang ating pakikipagkapuwa na maaaring matukoy ayon sa antas ng pakikipag-ugnayang ginagawa mo sa kanila.

Unang kategorya ang sinasabing “ibang tao” kung saan nakikitungo ka nang

walang komitment sa pangkat at maaaring hindi mo gaanong nauunawaan ang kanilang mga ginagawa o layunin. Subalit kailangan mong makisama sa kanila para

masabing kabilang o kabahagi ka ng kanilang pangkat. Sa kategoryang ito,

Page 7: Ikalawang Markahan - Unang Linggo

3 | P a h i n a

maaaring isama ang mga taong nakakasalamuha kahit hindi mo sila ganap na kakilala gaya ng mga kamag-aral, kasama sa pamayanan, at mga kabatian. Ang mga

taong ito ay itinuturing na “iba” hindi dahil sila ay mas mataas o mas mababa kaysa sa iyo, kundi dahil sila ay hindi pa ganap na kabilang sa pangkat ng mga tao na

iyong pinagkakatiwalaan. Ang kapuwa ay nasa unang limang antas na ito ay nasa kategoryang “ibang tao”.

Ang ikalawang kategorya ay tinatawag na “hindi ibang tao” sapagkat dito ay

ipinalalagay na ang isang tao ay talagang kabilang na sa pangkat at nakikiisa sa

damdamin at kaisipan ng pangkat. Naroroon ang pagkapalagay ng loob, pakikisangkot sa mga suliranin, pagmamalasakit sa pangkat, at pakikiisa sa mga

gawain nito. Sa kategoryang ito kabilang ang pamilya at nag mga matatalik na kaibigan. Sa mga taong ito nakikita at nararamdaman ang pagiging “isa” o hindi

pagiging iba sapagkat mayroong identipikasyon sa iisang pangkat at pagkakatulad ng layunin. Sa huling tatlong antas na ito, ang kapuwa ay nasa kategoryang “hindi

ibang tao.”

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Pumili sa loob ng kahon ng itinuturing mong kapuwa at isulat ito sa loob ng graphic organizer. Gawing gabay ang graphic organizer sa ibaba. Gawin ito sa

iyong kuwaderno.

KAPUWA

Tatay Kahoy Lola Lolo Aso

Kapatid Pari Kaaway

Guro Alagang Ibon Pulis

Nanay Kapitbahay Halaman

Manok

Page 8: Ikalawang Markahan - Unang Linggo

4 | P a h i n a

Pinatnubayang Pagsasanay 2 Panuto:Gumuhit ng sariling konstelasyon. Gawing halimbawa ang konstelasyon sa

ibaba. Ngunit maaaring gumawa ng sariling konstelasyon kung kulang ang mga bilog sa ibaba. Ang mga bilog papalayo sa iyo ay ang mga taong nakauugnayan o

nakakasalamuha mo sa araw araw. Ilista mo sa tapat ng bawat bilog kung sino-sino

ang mga ito, mula sa pinakamalapit ang ugnayan sa iyo hanggang sa pinakamalayo. Isulat sa bawat bilog sa konstelasyon sa ibaba ang mga taong natukoy mo sa

listahan. Halimbawa, maaaring ang iyong pamilya ang iyong ilalagay sa pinamalapit na bilog sapagkat sila ang my pinakamalapit na ugnayan sa iyo. Pagkatapos magawa

ang sariling konstelasyon ay sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

1. Ano-ano ang ginamit mong batayan sa iyong sagot sa konstelasyon? Bakit?

2. Anong mahalagang realisasyon ang iyong nakuha mula sa pagkukumpara at pagbabahagi ng iyong mga konstelasyon?

Pang-isahang Pagsasanay

Panuto: Basahin at unawain ang Batayang Konsepto sa ibaba at sagutin ang

Mahalagang Tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Ako

Ang tao ay likas na panlipunang nilalang. Siya ay namumuhay sa

tulong ng kapuwa at siya ay namumuhay rin para sa kapuwa. Sa

pamamagitan ng kaniyang pagkatao at natutugunan hindi lamang ang

kaniyang sariling pangangailangan kundi pati ang kaiyang kapuwa.

Bakit kailangan ng tao ang pakikipagkapuwa?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

_

Page 9: Ikalawang Markahan - Unang Linggo

5 | P a h i n a

Rubriks para sa Pang-isahang Pagsasanay.

Kraytirya 10 puntos 8 puntos 6 puntos 3 puntos 2 puntos

Nakapagtala

ng angkop

na sagot sa

pagpapaliwa

nag sa

konsepto ng

pakikipagka

puwa.

Nakapagtala

ng 5 na

pangungusa

p na

nagpapaliwa

nag sa

konsepto ng

pakikipagka

puwa.

Nakapagtala

ng 4 na

pangungusa

p na

nagpapaliwa

nag sa

konsepto ng

pakikipagka

puwa.

Nakapagtala

ng 3 na

pangungusa

p na

nagpapaliwa

nag sa

konsepto ng

pakikipagka

puwa.

Nakapagtala

ng 2 na

pangungusa

p na

nagpapaliwa

nag sa

konsepto ng

pakikipagka

puwa.

Nakapagtala

ng 1 na

pangungusa

p na

nagpapaliwa

nag sa

konsepto ng

pakikipagka

puwa.

Pagsusulit

Panuto: Ipakita ang iyong pag-unawa sa paksang natalakay sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Para sa Pilipino, ang kapuwa ay nangangahulugan ng

pagiging_________________ ng sarili at ng iba.

2. May walong antas ang pakikipagkapuwa. Ito ay ang_________________, ______________, ________________, __________________, ________________,

_______________, ________________, at__________________.

Pangwakas

Panuto: Punan ang mga patlang upang ipahayag ang nahinuha mong batayang

konsepto sa pakikipagkapuwa. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Page 10: Ikalawang Markahan - Unang Linggo

6 | P a h i n a

Mga Sanggunian

Punsalan, Twila G., Sylvia T. Caberio, Myra D. Nicholas, Wilma S. Reyes, Kaganapan

ng Pakikipagkapwa. Manila: 28 Rex Book Store Inc., 2007

Dy, Manuel Jr. (2009). “Values in Philippine Culture and Education. Philippine

Philosophical Studies.” Kinuha noong Agosto 14, 2017. Mula sa

https://books.google.com.ph/books/about/Values_in_Philippine_Culture_and

_Educati.html?id=hRoYc2Pg2sC&redir_esc=y.

Hall,John (2016). “10 Simple Ways To Improve Your People Skills And Relationships.”

Kinuha noong Oktubre 6, 2017. Mula sa

https://www.forbes.com/sites/johnhall/2016/03/20/10-simple-ways-to-

improve-your-people-skills-and-build-relationships/#3ed5ff2ed518.

San Juan, E. Jr. (2008). Re-visiting Sikolohiyang Pilipino: In Honor of Virgilio Enriquez.

“Toward A Decolonizing Indigenous Psychology in the Philippines; Introducing

Sikolohiyang Pilipino.” Kinuha noong Nobyembre 20, 2017. Mula sa

https://philcsc.wordpress.com/2008/08/08/re-visiting-sikolohiyang-pilipino-

in-honor-of-virgilio-enriquez/.

Kagawaran ng Edukasyon. Modyul para sa Mag-aaral Edukasyon sa Pagpapakatao

8

Punsalan, Twila g., Marte, Nonita C., Ganzales, Camila C., Nicolas, Myra Villa D.,

Kagawaran ng Edukasyon. Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Ako at ang aking

kapuwa ay likas na

nilalang ng Diyos .

Kaya’t nakikipag-

ugnayan siya upang

malinang sa mga

aspektong:

1.___________________

2.___________________

3.___________________

4.___________________

At sa

pamamagitan

ng ___________

sa kapuwa, na

indikasyon ng

_____________.

Nakakamit ng

tao ang

kaniyang

_______________.

Page 11: Ikalawang Markahan - Unang Linggo

7 | P a h i n a

Susi sa Pagwawasto

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1 1.Tatay

2.Nanay

3.Lolo

4.Lola

5.Guro

6.Pulis 7.Kapitbahay

8.Kapatid

9.Kaaway

10.Pari

Pagsusulit 1.Bukas

2.Pakikitungo, pakikisalamuha,

pakikilahok, pakikisama,

pakikipagpalagayang-loob,

pakikisangkot, pakikiisa

Pangwakas

1.Intelektwal

2.Politikal

3.Panlipunan

4.Pangkabuhayan Pagmamahal

kaganapan

Page 12: Ikalawang Markahan - Unang Linggo

8 | P a h i n a

Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales

ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng

tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag

at pamamahagi ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang

Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang

tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang

pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

(MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng

pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga

manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan

upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at

mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng

Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang

kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng

Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang

patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa

paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga

magulang at mag-aaral sa tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat

asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro,

sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa

Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na

pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy

sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay

upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang

bawat mag-aaral na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.

Page 13: Ikalawang Markahan - Unang Linggo

Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong

panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay

na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala

Page 14: Ikalawang Markahan - Unang Linggo

Para sa katanungan o karagdagang puna, maaaring sumulat o tumawag

sa:

Schools Division of Zambales

Zone 6, Iba, Zambales

Tel./Fax No. (047) 602 1391

E-mail Address: [email protected]

Website: www.depedzambales.ph