Ibong Adarna (Kabanata 11 -13)
Transcript of Ibong Adarna (Kabanata 11 -13)
Kabanata 11: Inggit ang
Sanhi
Kahit napatawad sina Don Pedro at Don Diego, gusto pa nila makaganti kay Don Juan. Kaya isang gabi, may
plano sina Don Pedro at Don Diego na sasama si Don
Diego kay Don Pedro magbantay sa Ibong Adarna.
Ang plano nila’y dayain ang kanilang mga oras ng
pagbabantay. Pinahaba nila ang oras ni Don Juan
hangga’t mapagod siya at makatulog. Noong nakatulog na si Don Juan, pinakawalan
na ng dalawa ang Ibong Adarna.
Pag-gising ni Don Juan, nakita niya na nakawala ang
Ibong Adarna. Agad-agad siyang umalis sa kaharian ng Berbanya dahil gusto niyang
matago ang kataksilan ng kanyang mga kapatid .
Nang nagising ang hari, nakita niya na nakawala ang Ibong Adarna. Tinanong ng hari kung nasaan ang ibon. Sinabi ng dalawang anak na si Don Juan ang nagtanod
ng gabing iyon.
Inutusan naman ng hari sa dalawang bata na hanapin si
Don Juan. Naghanap sila kay Don Juan hanggang
dumating sila sa Armenyang Kabundukan.
Kabanata 12: Di Husto ang
Tangan
Maganda ang bundok ng Armenya. Maraming
malalaking puno. Marami ding ibon na ibat ibang klase. Maamoy din nga sampaguita
at milegwas.
Mapayapa ang lugar na iyon at malayo sa ligamgam.
Doon tumahan si Don Juan. Nagkakita bigla sila Don Pedro, Don Diego at Don
Juan.
Nagusap sila kung dito nalang sila maninirahan. Masaya palagi sila doon
tuwing linggo ay nasa kanilang naman kubo at nag
sasalu-salo. Ngunit naisip din nilang umuwi nalang sa
Berbanya.
Kabanata 13
Isang araw habang naglalakad ang
magkakapatid sa Armenya may nakita silang
isang balon. Ngunit walang tubig sa balon. Kaya
nagpasya sila na pasukin ito.
Naunang pumasok si Don Pedro, ngunit hindi nagtagal
na lumabas siya sa takot dahil ang
dilim sa balon. Ngayon, si Don Diego pero natakot din siya kagaya ni Don Pedro.
Ang huliay si Don Juan. Bumaba siya sa balon at nilaban niya ang takot sa kadiliman ng balon.SInabi niya na tatapusin niya
ang kanyang sinimulan.
Pero ang kanyang mga kapatid ay
naiinip sa kahihintay ni Don Juan. Pababa ng pababa si Don Juan hangang nasapit siya sa lupa. At may nakita
siyang isang palasyong ginto at pilak.